Alomorp ng Morpema
Ang isang panlapi ay magkakaroon ng tatlong anyo dahil sa impluwensiya ng kaligiran na matatawag na alomorp.
Ang panlaping “pang-” ay may tatlong anyo o alomorp – ang pam-, pan-, at pang-.
Ang panlaping “pang” ay nagiging “pam-” kung ang katabing tunog ay nagsisimula sa /p/ o /b/.
Nagiging “pan-” ito kung ang katabing tunog ay nagsisimula sa /t/, /d/, /s/, /l/, at /r/.
Nagiging “pang-” naman kung ang katabing tunog ay /k, g, h, m, n, ng, w, y/ at mga patinig.