Upload
others
View
36
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 8:
Talumpati: Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima
Zest for Progress Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
9
Filipino - Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan- Modyul 8: Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rolando T. Cagatin at Normita M. Ogoc
Editor: Lea Jane T. Lañoso/Alma R. Santiago, MT-1
Tagasuri: Alma R. Santiago, MT-1
Tagalapat: Jessa Rose D. Ajero
Tagapamahala:
Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief Education Supervisor, SGOD
Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor - Filipino
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS
Ang modyul na ito ay naglalayong malalaman o matatalakay ang
nilalaman ng isang Talumpati ng isang pangulo na si Lee Myung-Bak ng
South Korea, sa pulong ng United Nations tungkol sa climate change. Sakop
ng modyul na ito na magagamit sa ano mang iba’t ibang paraan at sitwasyon
ng pagkatuto. Ang mga leksyon ay naisasaayos sa standard na pamamaraan.
Alamin/Balikan
Ang modyul na ito ay tatalakay sa isang talumpati na pinamagatang
“Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima.
Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay
inaasahan na:
a. Naipahahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang akdang
orihinal. (F9PN-IIi-j-49)
b. Naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan
at damdamin. (F9PB-IIi-j-49)
c. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng
pangungusap; ang matatalinghagang pahayag sa talumpati; ang mga
salitang may natatagong kahulugan; ang mga salita batay sa
kontekstong pinaggamitan; ang mahihirap na salita batay sa
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. (F9PT-IIi-j-49)
d. Naisusulat ang sariling na nagpapakita bg pagpapahalaga sa pagiging
Asyano. (F9PU-IIi-j-52)
e. Nagagamit ang linggwistikang kahusayan sa pagsulat ng sariling akda
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.(F9PW-IIi-j-52)
1
B. Sa mga nakaraang module, natutunan mo ang sanaysay at ang
bahagi nito. Ngayon, ay paghahambingin mo ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng sanaysay at bahagi nito sa talumpati gamit ang Venn Diagram sa ibaba.
Pagkakaiba
Pagkakatulad
Pagkakaiba
Mga Tala para sa Guro
Dito ang guro ay magbibigay ng pagpapaunawa sa gagawing pag-
aaral sa modyul na ito. Laging paaalalahanan ang mag-aaral sa mga
dapat gawin at sisiguraduhing naiintindihan ng mga mag-aaral ang
mga aralin at Gawain sa modyul na ito. Dito iwawasto ng guro ang mga
tapos nang Gawain ng mag-aaral.
2
Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang isang talumpati, “Talumpati
Ukol sa Pagbabago ng Klima”.
Tuklasin
Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima
Copenhagen, ika-18 ng Disyembre - Ang babasahin ay ang talumpating
binibigkas ni Pangulong lee Myung Bak, pangulo ng Timog Korea, sa pulong
ng United Nations tungkol sa climate change.
Una sa lahat, kasama ninyo ako sa paghahatid ng pasasalamat sa buong
pamahalaan ng Denmark at lahat ng mamamayan ng Copenhagen sa
paghahanda ng pagtitipong ito.
Ang mga desisyong gagawin natin dito ngayon ay hindi lamang
makaaapekto sa ating mga sarili kundi pati sa kabataan at sa kinabukasan
ng ating planeta. Halos pitong bilyong tao ang nanonood sa atin. Dapat hindi
sila mabigo, maging tayo ay hindi rin dapat mabigo.
Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang tanging paraan ay
magsama-sama. Imbes na sabihing “ikaw muna”, ay umpisahan nating
sabihing “ako muna”.
Ang usapin hinggil sa pagbabago ng panahon ay dapat lamang mag-
umpisa sa paggawa ng ating bahagi at kapag ito ay nagawa na natin ay saka
pa lamang tayo makapagsisimula ng isang positibong siklo sa mundo. Ito ang
dahilan kung bakit ang Korea ay nagpanukala ng pagpapatala ng NAMA.
Ang mekanismong ito ang magpapakilala sa mundo ng mga layuning
kusang inilatag ng mga umuunlad na bansa. Ito rin ang magdadagdag ng
transpararency at magbibigay ng tulong upang matamo nila ang kanilang
layunin. Ito ay isang paraan upang mahikayat ang mga bansang kumilos
nang kusa.
3
Iniskan ang larawang ito mula sa Pinagyamang Pluma 9 na aklat pahina 264
Katulad ng ipinangako, ipinahahayag ng Korea ang layuning pagaanin
ang problema. Bilang isang bansa ay nangangako kaming maibigay ang
pinakamataas na pangangailangang inirekomenda ng pandaigdigang
komunidad.
Kagaya ng alam ninyo, ang ekonomiya ng Korea ay palaging
nangangailangan ng enerhiya. Sa nakalipas na labinlimang taon dumoble
ang produksiyon ng greenhouse gas ng Korea. Hindi madaling tumupad sa
pangako para sa ganitong bansa, ngunit pinili ng Korea na manguna sa
usapin ng pagbabago ng klima.
Maraming mga negosyante ang ilang beses na nagpulong upang makinig
sa mga hinaing at pangangailangan ng isa’t isa. Sa huli ay napagkasunduan
naming gawin ito sapagkat makabubuti ang pagkilos sa atin at sa kabutihan
ng mundo.
Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “ako muna” ang
pinakamabilis na paraan upang sagipin ang mundo. Mga pinuno at mga
mamamayan ng buong mundo! Tayo ay nagkasundong bawasan ang
produksiyon ng greenhouse gas, ngunit papaano?
4
Maraming mga kuro-kuro at opinyon kung paano ang mabisang pagtugon
sa katanungang ito. Kaya rito sa Copenhagen, dapat pagtuonan ang pagsagot
sa kung paano mababawasan ang produksiyon ng green house gas. Kung
tutuosin kapag isinaalang-alang nating ang pagsulong ng ekonomiya, ang
paghanap ng solusyon ay napakahalaga.
Sa puntong ito, kinakailangan nating pagtuonan kung paano
mababawasan ang produksiyon ng greenhouse gas kagaya ng ginagawa natin
sa pagtugon kung paano kadami ang dapat ibawas.
Sa kaso ng Korea, nagtakda kami ng Low Carbon Green Growth bilang
bagong pambansang bisyon namin taon-taon, ang dalawang porsiyento ng
aming GD? ay inilalaan sa Research and Development ng mga bagong
makakalikasang teknolohiya at imprastruktura. Dahil dito, sa katapusan ng
taong ito, ang Basic Lse ng Green Growth ay ipapasa. Gagawin namin ang
aming makakaya upanga mabawasan ang produksiyon ng carbon, ngunit
maghahanap din kami ng mga makinang magtataguyod ng pagsulong,
magbibigay ng maraming trabaho at berdeng kinabukasan. At umaasa akong
maibabahagi ko ito sa inyo. Ito ay isang dahilan kung bakit ang korea ay
magtatayo ng Global Green Growth Institute o GGGI sa kalagitnaan ng
susunod na taon. Ang GGGI ay tutulong sa bawat isa sa atin upang
maibabahagi natin ang ating galing at kaalaman.
Pagsasama-samahin natin ang mga iskolar, siyentipiko, at mga lider ng
lipunan sa buong mundo na nagkaroon ng mga posibleng solusyon sa ating
suliranin. Sa diwa ng pandaigdigang pakikipag-ugnayan, ang GGGI ay
maaaring maging global think tank at maaaring maging tulay upang mapag-
ugnayan ang mauunlad at papaunlad pa lang na mga bansa.
Kaugnay nito, ang Korea ay handang tumulong sa pagbubukas ng post
2012 regime sa pamamagitan ng pagiging bansang pagdarausan ng COP 18
sa 2012.
Mga pinagpipitaganan, mga ginoo at binibini, mga mamamayan ng buong
mundo, napagkasunduan nating ang dalawang digring layunin.
Ngayon ay panahon na upang kumilos.binigyan na tayo ng isang
makasaysayang responsibilidad.Huwag nating kalimutan na kung ano man
gang makakamit natin mula rito at kung ano man an gating gagawin dito ay
siyang huhubog sating kinabukasa. Ngayon ay panahon na upang sama-
sama tayong kumilos.
Nakuha mula sa Bagong Pinagyayamang PLUMA at Panitikan para sa Ikasiyam na Baitang; Pp. 263-265
5
Panuto: Ipaliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at
damdamin. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Sa palagay mo, ano ang layunin ng pangulo ng South Korea sa pagbigkas ng talumpati sa komperesiya?
2. Pagkatapos mong mabasa ang talumpati, anong damdamin ang nangingibabaw sa iyo? Pangatwiran ang iyong sagot.
3. Matagumpay ba ang bansang South Korea sa pagsulong ng kanilang
adhikain ukol sa klima? Patunayan ang iyong sagot.
4. Maging makabuluhan pa rin ba sa kasalukuyan ang talumpating ito?
Ipaliwanag.
5. Bilang kabataang Asyano paano kayo makakatulong sa ating inang kalikasan? Pangatwiran.
Suriin
A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mahihirap na salitang may
salungguhit batay sa konteksto ng pangungusap. Isulatang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Ang mekanismong ginamit ng South Korea ay nagpakilala sa kanila sa
buong mundo.
a. kaparaanan b. solusyon c. sistema d. adhikain
2. Ipinahayag ng Korea ang pangakong pagaanin ang layunin ng
problema.
a. higpitan b. luwagan c. solusyunan d. abangan
3. Maghahanap ang South Korea ng mga makinang magtataguyod sa
pagbibigay ng maraming trabaho.
a. tulong b. hirap c. lagay d. bigay
4. Ang isyu batay sa pagbabago ng panahon ay dapat mag-umpisa sa
paggawa ng ating bahagi.
a. magmula b. magsimula c. manggaling d. malito
5. Ang usapin hinggil sa klima ay dapat tugunan ng buong bansa.
a. solusyon b. pag-usapan c. balewalain d. sundin
6
B. Panuto: Suriin ang talumpati batay sa kaisipan, damdamin at bisa o
epekto nito sa iyo gamit ang graphic organizer sa ibaba.
Pagyamanin
A. Panuto:Ipahayag ang iyong sariling damdamin, kongklusyon o
paniniwala batay sa kawastuhan o kamalian ng pahayag at pag-unawa gamit ang estratehiyang Read and React.
READ REACT
READ REACT
Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima
Damdaming Pinukaw Mga Kaisipang Napulot
Paliwanag sa naging bisa o epekto sa ‘yo sa akda
Binigyan na tayo ng makasaysayang
responsibilidad. Huwag nating kalimutan na kung
ano man ang makakamit natin mula nito at kung ano
man ang ating gagawin dito ay siyang huhubog sa
ating kinabukasan.
Kinakailangan nating pagtuonan kung paano
mababawasan ang produksiyon ng greenhouse gas
kagaya ng ginagawa natin sa pagtugon kung gaano
kadami ang dapat ibawas.
7
READ REACT
READ REACT
READ REACT
B. Panuto:Ipaliwanag ang naging bisa ng nabasang talumpati sa sariling
kaisipan at damdamin. Ibigay kung ano ang naging sanhi at bunga ng
problema. Kung ikaw ay isang lider ng bansa, anong solusyon ang iyong
gagawin.
Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “Ako
muna” ang pinakamabilis na paraan upang sagipin
ang mundo.
Ang mga desisyong gagawin natin dito ngayon ay
hindi lamang makaaapekto sa ating sarili kundi pati
sa kabataan at sa kinabukasn ng ating planeta.
Ang usaping hinggil sa pagbabago ng panahon ay
dapat lamang mag-umpisa sa paggawa ng ating
bahagi.
PROBLEMA
EPEKTO SANHI
8
Isaisip
Ang Timog Korea ang nanguna sa mga bansang nasa Asya sa
paglunsad ng greenhouse gas emission trading scheme. Ito’y naglalayong mabawasan ang produksiyon ng gas ng 30%. Ang hakbang na ito ay
nagpapakita ng kanilang pangakong mangunguna sa mga pagkilos upang maalagaan ang ating planeta. Naniniwala silang ang mababang produksiyon
ng carbon ay magbubunga ng pagsulong ng ekonomiya. Ang kasaysayan ng Timog Korea ay nagsasaad ng kuwento ng isang bansang umahon sa kahirapan at sa sandaling panahon ay naging isa sa mga tinaguriang “Asian
Tigers”. Sa kabila ng kanilang tagumpay sa umuunlad na ekonomiya, sadyang
mapapahanga ka sa kanilang mga hakbang upang isulong ang green growth agenda. Kaya sa Talumpati nag kanilang pangulo, lantarang sinabi nito ang
pagpapahalaga ng ating kapaligiran. Sa kabilang dako naman, ang pagtatalumpati ay isang sining ng
pakikipagtalastasan na naglalayong ilahad ang kaisipan at damdamin hinggil
sa isang paksa sa pamamagitan ng wasto at mabisang pagbigkas. Mga Hangarin ng Pananalumpati:
1. Makapagbigay ng Kabatiran- maaaring magbigay ang isang talumpati ng mga bagong kaalamang makadaragdag sa mga nalalaman ng mga
tagapakinig. 2. Makapagturo o makapagpaliwanag. 3. Makapanghikayat.- naglalayon itong umakit sa mga tagapakinig ng
tanggapin ang isang pinagtatalunang palagay o kalagayan.
SOLUSYON
9
4. Makapagpaganap o makapagpatupad.- ito ay karaniwang ginagamit sa pagpapasinaya ng isang proyekto, batas o ordinansang makakabuti para sa
nakararami. 5. Manlibang- hangarin nito ay makapagbigay ng kasiyahan at kawilihan
sa mga tagapakinig. Ang mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati:
1. Alamin kung anong klase ang iyong mga tagapakinig tulad ng kung sila ba ay grupo ng kabataang tulad mo, grupong magsisitapos ng elementary,
magulang, at iba pa. Kailangang malaman mo ito upang maiakma ang paksa at paraan kung paano ito sasabihin. 2. Alaming mabuti ang paksa. Minsan kapag naimbitahan ka sa isang
pagtitipon, mayroon silang tema na dapat mong sundan. 3. Kapag nakakuha na ng paksa, gumawa ng balangkas. Mahalaga ito
sapagkat matutukoy mo kung ano-anong kagamitan ang kailangan mong saliksikin.
Hakbang sa Pagbabalangkas 1. Pambungad ng Talumpati
a. Panimula- nararapat na umisip ng isang panimulang nakapupukaw o
nakagugulat upang makatawag pansin sa mga tagapakinig. Sa puntong ito, kailangang maikondisyon ang mga tagapakinig sa paksa ng talumpati.
2. Katawan ng Talumpati b. Paglalahad- sa puntong ito kailangan ng sistematiko at malinaw na
paglalahad ng mga kabatiran, masusing pagpapaliwanag at mahusay na panghihikayat. c. Bigay-diin o Emphasis- matapos ang paglalahad ng ideya o
paninindigan, sundan agad ito ng pagbibigay diin o emphasis upang ang bisa nito ay tumino sa isip at kalooban ng mga tagapakinig.
3. Pagwawakas ng Talumpati d. Impression- nararapat ding wakasan ang pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng impresyong ang kaisipang inilahad p paninindigan ay pawang katotohanan lamang. Sa puntong ito maaaring wakasan ang talumpati ng isang tanong, hamon o quotation na titimo sa
kanilang puso at mag-iwan ng impresyon sa kanilang isipan. 4. Kapag tapos na ang balangkas, maaari nang isulat ang talumpati.
Iwasan ang pagsulat ng napakahabang talumpati, ang maikli, maliwanag at malamang talumpati ay higit na pinagpupurihan at kinawiwilihan kaysa
mahaba at maligoy na talumpati.
Isagawa/ Karagdagang Gawain
Isipin mong isa kang delegado sa komperensiyang pandaigdigan na
tatalakay sa problemang kinakaharap ngayon ng sanlibutan. Naatasan kang
sumulat ng isang talumpati gamit ang wika mong Filipino na tatalakay sa
ikinababahalang sakit ngayon ng pandemya na COVID 19 na tatalakay din
sa iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagiging isang Asyano sa gitna
ng pandemic na ito. Iisa-isahin mo ang magandang katangian ng mga Asyano
sa pagharap ng pandaigdigang suliranin sa COVID 19.
10
Ang iyong talumpati ay tatayahin gamit ang sumusunod na
pamantayan.
Mga Pamantayan Laang
punto
s
Aking
punto
s
Ang talumpati ay naglalaman ng pagpapahalaga at
magagandang katangian ng pagiging Asyano sa gitna ng
krisis COVID 19 Pandemic.
5
Ang talumpati ay may malinaw na hangarin.
5
Ang talumpati ay may nakatatawag-pansin na panimula.
5
Nailalahad nang mahusay at kompleto ang mga dapat
malaman ng tagapakinig sa katawan ng talumpati.
5
Naging epekto ang pagwawakas ng talumpati.
5
Napakahusay 3- Katamtaman 1- Maraming kakulangan
Mahusay 2- Di-mahusay
11
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong/pahayag. Bigyang-
kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng
pangungusap ,ang matalinghagang pahayag sa talumpati, ang mga
salitang may natatagong kahulugan, ang mga salitang batay sa
kontekstong pinaggagamitan, ang mahihirap na salita batay sa
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Anong pangunahing kaisipan ang namayani sa pahayag sa itaas?
A. maging modelo muna sa lahat para sa ganun sundin ng mga
nakararami
B. siya muna ang gagawa para yayaman ang kanilang bansa
C. siya lang mag-isa ang gagawa ng kaparaanan para maligtas ang
sanlibutan
D. walang mangyayaring pagbabago kung hindi siya tutulong
2. Ano ang layon ng panghuling pangungusap sa itaas?
A. nangaral C. nagpaalala
B. nanghihikayat D. naghatid ng impormasyon
3. Anong ibig sabihin ng unang pangungusap sa itaas?
A. modelo B. perpekto C. masunurin D. tapat
4. Ano ang kasingkahulugan sa salitang sinasalungguhitan sa pahayag
sa itaas?
A. iahon B. tulungan C. iligtas D. ipahamak
5. Ang mga sumusunod ay mga katangiang nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagiging Asyano. Maliban sa isa. Alin sa pahayag sa
ibaba.
A. Ang mga Asyano ay nagtutulungan upang mapaunlad ang kani-
kanilang bansa.
B. Ang mga Asyano ay nagkakaisa sa pagsugpo sa mga problemang
kinahaharap ng bawat bansa.
C. Ang mga Asyano ay hawak-kamay sa paghahanap ng solusyon sa
usaping pangkalikasan.
D. Ang mga Asyano ay kanya-kanyang sagip sa mga problema sa
kanilang bansa at kanya kanyang hanap sa kinalulutas nito.
Tayahin:
(1.)Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “Ako muna”, ang
pinakamabilis na paraan upang sagipin ang mundo. (2.) Mga pinuno at
mga mamamayan ng buong mundo. (3.) Dapat tayo ay magkasundong
bawasan ang produksiyon ng greenhouse gas.
12
6. Ano ang pangunahing diwa ng pahayag sa itaas?
A. nakasalalay sa ating mga balikat ang ikinatatagumpay at ikinaliligtas
ng bayan at kabataan
B. nakasalalay lamang sa iisang lider ang ikinatatagumpay ng isang
bansa
C. nasa pangulo nakasalalay lahat ang ikinatatagumpay ng bayan
D. nasa ating pagbibigay puna sa lider ng bayan ang ikinatatagumpay
ng bayan
7. Ano ang layon ng teksto sa itaas?
A. naghatid ng impormasyon C. nangaral
B. nagpaalala D. nanghihikayat
8. Ano ang kasingkahulugan sa salitang nakasalungguhit sa pahayag?
A. hutok B. aral C. batak D. lasing
9. Anong bahagi ng Hakbang sa Pagbabalangkas ng Talumpati ang
pahayag sa itaas?
A. Pambungad B. Katawan C. Pangwakas D. Panimula
10. Anong kaisipan ang inilalahad ng pahayag sa itaas?
A. impresyon na pamukaw sa damdamin ng bawat isa
B. pangaral na maging batayan sa ating lahat
C. paalala na huwag makisangkot ninuman
D. naghatid ng impormasyon na dapat sundin ng lahat
TAMA O MALI.
Panuto: Gamitin ang linggwistikang kahusayan sa pagsulat ng sariling akda
gaya ng talumpati na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang
Asyano. Isulat ang titik T kapag Tama ang pahayag tungkol sa pagsulat ng
talumpati at M naman kung Mali ito.
_____11. Sa pagsulat ng talumpati dapat alamin kung anong klase ang
tagapakinig nito.
_____12. Ang paksa ay hindi na kinakailangang alamin sa pagsulat ng
talumpati.
_____13. Sa panimula ng talumpati nararapat na umpisahan agad ng pahayag
na patanong.
_____14. Ang paglalahad sa pagsulat ng talumpati ay kailangang sistematiko,
malinaw at mahusay sa panghihikayat.
_____15. Sa pagwawakas ng talumpati kinakailangang lagyan ng impresyon
na pupukaw sa isip at damdamin ng tagapakinig.
Binigyan tayo ng isang makasaysayang responsibilidad. Huwag nating
kalimutan na kung ano man ang makakamit natin mula rito at kung ano man
ang ating gagawin dito ay siyang huhubog sa ating kinabukasan.
13
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
1. Bagong Pinagyayamang PLUMA at Panitikan para sa ikasiyam na Baitang.
SURIIN A PAGTATAYA
A 1. A 6. A 11. T
B 2. B 7. B 12. M
A 3. A 8. A 13. M
B 4. C 9. C 14. T
A 5. D 10. A 15. T
14