12
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Tributo at Sistemang Bandala Zest for Progress Zeal of Partnership 5 Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Pangalan: ___________________________

Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

  • Upload
    others

  • View
    43

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

Republic of the Philippines Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Tributo at Sistemang Bandala

Zest for Progress

Zeal of Partnership

5

Pangalan: ___________________________

Baitang at Seksyon: ___________________________

Pangalan: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jaimel Jane M. Laput Mga Editor: Florence S. Gallemit, Teresita J. Cainta

Tagasuri: Lindo O. Adasa Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Jaimel Jane M. laput Tagalapat: Peter Alavanza, Jaimel Jane M. laput Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa

Dr. Jephone P. Yorong Florence S. Gallemit Jose C. Overa Mary Jean S. Lacay

Page 3: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

Alamin

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Ø makasusuri sa epekto ng tributo at sistemang bandala sa pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol.

Balikan

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Patuloy na naging maimpluwensya ang Kristiyanismo sa pamumuhay ng mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod na mga paniniwala o tradisyon ang nananatili pa rin sa kasalukuyan? A. Ang mga paring Espanyol ang may hawak ng mga posisyon sa simbahan. B. Ang mga tao ay walang kalayaang ipahayag ang kanilang mga paniniwala. C. Ipinagdiriwang ang mga kapistahan bilang parangal sa patron ng isang lugar. D. Patuloy na maghihirap ang mga taong hindi nabinyagan ng Kristiyanismo. 2. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang mga Pilipino ay sumasamba na sa maraming diyos at diyosang naninirahan sa kalikasan na tinatawag na _________. A. Paganismo B. Animismo C. Kristiyanismo D. Muslim 3. Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga prayleng dumating sa Pilipinas? A. Agustino----Dominiko -----Heswita----Pransiskano ----Rekoleto B. Heswita ----Pransiskano ----Rekoleto ----Agustino ----Dominiko C. Heswita -----Agustino ----Pransiskano ----Rekoleto ----Dominiko D. Agustino ----Pransiskano ----Heswita ----Dominiko ----Rekoleto 4. Paano naging katanggap-tanggap sa mga Pilipino ang Kristiyanismo at kolonyalismo? A. Sa pamamagitan ng paniniwalang ang pagbibinyag sa Katoliko ang magsasalba sa kanila sa kahirapan. B. Sa pamamagitan ng paniniwalang tanging mga turo ng mga prayle lamang ang makapagliligtas sa kanila sa gitna ng kapahamakan. C. Sa pamamagitan ng paniniwalang ang mga Espanyol lamang ang siyang may kapangyarihang maging banal ang mga may sala. D. Sa pamamagitan ng paniniwalang kung hindi sinakop ng mga Eespanyol ang Pilipinas ay patuloy pa ring nasa panahon ng “kadiliman” ang mga Pilipino. 5. Ang mga sumusunod ay ang mga itinuturo ng mga prayle sa mga katutubo, MALIBAN sa isa. Alin ito? A. Pagrorosaryo C. Pangungumpisal B. Pagpapakasal D. Paghihiwalay ng mag-asawa

Page 4: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

Tuklasin

Kung ikaw ay malalagay sa sitwasyong nakatala sa ibaba, ano kaya ang iyong gagawin o mararamdaman?

Sitwasyon 1 Sitwasyon 2

__________________________ _____________________________

Sitwasyon 3 Sitwasyon 4

___________________________ _____________________________

Ang mga sitwasyong sinagutan mo ay ilan lamang sa mga naranasan ng mga katutubong Pilipino noong nasa kamay ng mga Espanyol.

Aralin 4 Tributo at Sistemang Bandala

Pinilit ka ng iyong magulang na gawin ang

isang bagay na ayaw mo.

Pinagtrabaho ka sa bahay hanggang gabi kahit ikaw ay pagod na pagod na galing sa

paaralan.

Madalas kang mapalo o masaktan ng iyong magulang

dahil lamang sa mga simpleng pagkakamali mo.

Nanghiram ka ng pera sa kapitbahay mo at nangakong

babayaran sa susunod na linggo. Pero nang bayaran mo

na ay may patong na ito.

Page 5: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

Suriin

Basahin at unawain ang teksto.

Ang Tributo

Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi o katumbas na halaga nito sa produkto, tulad ng palay, bulak, manok, ginto, tela, o anumang tampok na produkto ng partikular na lalawigan o rehiyon.

Noong 1570, ang tributo ay nasa halagang 8 reales, hanggang sa umabot ito ng 15 reales sa pagtatapos ng pananakop ng Spain sa bansa. Ang mga encomendero (sa ilalim ng sistemang encomienda) at nang lumaon ay ang mga cabeza de barangay ang siyang naatasang maningil nito.

Ginamit ang buwis na itong panustos sa mga gastusin at pangangailangan ng Pilipinas bilang isang kolonya ng Spain. Ginamit ito sa pagpapatayo ng mga gusaling pandepensa para sa pagpapanatili sa kaligtasan ng bansa tulad ng moog, kuta, at mga galera, pati na rin sa pagpapatayo ng mga paaralan, ospital, at iba pang impraestraktura, gaya ng tulay at daan.

Noong 1604, sa pamamahala ni Gobernador-heneral Pedro Bravo de Acuňa, ipinatupad ang dalawang paraan ng pagbabayad ng tributo. Una, magbabayad ang mga katutubo ng kalahating halaga ng tributo sa anyong salapi sa pamamagitan ng pagbebenta ng ilang bahagi ng kanilang ani sa mga mangangalakal na Tsino. Pangalawa, ang natirang halaga ay kanilang babayaran ng katumbas na ani o produkto.

Sa panahon naman ni Gobernador-heneral Juan Niňo de Tabora (1626-1632), ipinagbawal naman niya ang pagbabayad ng salapi. Hinikayat niya ang mga taong paghusayin pa ang kanilang pagsasaka upang tumaas ang kanilang ani na siyang pambayad sa pamahalaan.

Pero hindi naging sapat ang nakolektang tributo upang maisakatuparan ang mga proyekto, kaya pinalitan ito ng cedula personal noong 1884. Kailangang kumuha at magbayad ng sedula ang mga may edad na 18 taon pataas bilang tanda ng pagkakilanlan ng mga Pilipino at bilang pagtanggap sa kapangyarihan ng Espanya. Tanging mga kasapi ng principalia o mga taong may mataas na antas sa lipunan at mga katutubong naglingkod sa pamahalaan at simbahan ang hindi nagbabayad ng buwis.

Maganda ang layunin ng mga Espanyol sa paniningil ng buwis, subalit ang

nagpagalit at nagpahirap lamang sa ating mg ninuno ay ang pag-aabuso ng mga nangongolekta ng buwis dahil kadalasan ay sobra itong maningil. Hindi nila sinunod ang napag-usapan ukol sa tributo o buwis. Naningil sila ng labis hanggang sa wala nang matira sa mga manggagawa.

Page 6: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

Sa ilalim ng sistemang encomienda, sapilitang kinuha ng mga encomendero ang mga ari-arian ng mga katutubong hindi makapagbayad ng buwis na ang halaga ay higit na mataas kaysa sa kaukulang buwis na ipinapataw.

May mga pagkakataon ding bibilhin ng pinunong Espanyol sa mababang halaga lamang ang kabuuang ani ng palay ng mga magsasaka. At dahil sa kakulangan ng bigas na makakain, kinailangan pang bumili ng bigas ang mga magsasaka sa encomendero, ngunit sa higit na mataas na halaga na.

Kung ano ang pumasok sa kanilang isipan o kanilang naisin ay iyon ang ipinatutupad. Kapag hindi nakapagbibigay ang katutubo sa kanilang nais ay kanilang parurusahan ito sa harap ng maraming tao. Kung kaya, ang mga Pilipino ay nagsipag-alsa at nagsibalik sa bundok para lamang makaiwas sa encomendero na mapang-abuso.

Ang Sistemang Bandala

Isa pang uri ng pinagkukunan ng kita ng pamahalaan ay ang bandala. Ito ay ang sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka, tulad ng mais, niyog, at palay. May takdang dami ng produktong dapat ipagbili sa pamahalaan ang bawat lalawigan. Pinaghatian ng mga bayan ang kabuuang dami o halaga ng aning itinakda sa lalawigan.

Ngunit, kadalasan ay hindi nagbabayad ang pamahalaan na lalong nagpaigting sa galit ng mga Pilipino. Karaniwang promissory note lang ang ipinambayad nito sa mga magsasaka kapalit ng mga produkto. Kalimitang hindi napalitan ng katumbas na halaga ang mga papel na ito sapagkat walang pondong pambayad ang pamahalaan. Dahil dito, nawalan ng kita at nalugi ang mga katutubo.

Ipinatigil ang pagpapatupad ng bandala noong 1782.

Pagyamanin

Panuto: Kilalanin ang mga mahahalagang detalyeng may kinalaman sa paksa sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga ginulong titik upang mabuo ang wastong salitang binibigyang kahulugan sa loob ng panaklong. Ang unang titik ay sinagutan na para sa iyo.

1. TORITUB - takdang halagang ibinayad ng mga katutubo upang magamit sa maayos na pagpapatakbo ng bansa

2. ABDANAL- sapilitang pagbebenta ng produkto sa

Pamahalaan

B

T

Page 7: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

3. NEOCEMDOREN – tagakolekta ng buwis sa panahon ng

pananakop ng mga Espanyol

4. UDACEL - buwis ng pagkamamamayan

5. PACILINAPRI – mga taong hindi kabilang sa pagbabayad ng buwis noong panahon ng Espanyol.

Gawain

A. Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.

_____1. Ang tributo ay ang pagbili ng pamahalaan sa ani ng mga katutubong Pilipino. _____2. Naging mapagmalabis ang mga tagakolekta ng buwis, kaya marami ang nag-alsa. _____3. Ang mga tumangging magbayad ng tributo ay piniling manirahan sa mga pueblo. _____4. Ang pagbabayad ng buwis ay malaking tulong sa pagtustos sa mga pangangailangan ng kolonya. _____5. Kung hindi makababayad ng salapi ay maaari rin namang mga produktong ani ang ibabayad sa tributo noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

B. Panuto: Sagutin ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang iyong sagot

E

C

P

2. Kumita ba ang mga magsasaka sa sistemang bandala? Bakit?

Sagot:_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

1. Ano ang tributo? Paano ito nakaaapekto sa pamumuhay ng mga katutubo?

Sagot:_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 8: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

Isaisip

Tayahin

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. _____1. Ang tributo o buwis ng pagkamamamayan ay nagkahalaga ng _____.

A. Walong reales o produktong kasinghalaga nito. B. Sampung reales o produktong kasinghalaga nito. C. Labindalawang reales o produktong kasinghalaga nito. D. Labing-apat na reales o produktong kasinghalaga nito.

_____2. Ang pagkuha ng cedula personal ay nagpapatunay ng _____. A. pagiging mayaman ng isang mamamayan B. pagkakakilanlan bilang mamamayan C. pagkaligtas sa sapilitang paggawa D. pagtutol sa patakaran ng pamahalaang Eespanyol.

_____3. Ano ang tunay na dahilan ng pagkagalit ng mga Pilipino sa paniningil ng buwis?

A. Ang pang-aabuso ng mga nangongolekta nito B. Bago ang patakarang ito sa pamumuhay ng mga Pilipino C. Ang hindi magandang layunin sa paniningil nito D. Ang mataas na halaga nito.

Natutuhan ko sa araling ito na ang tributo ay _________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Hindi maganda ang kinahihinatnan ng tributo dahil____________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Nalaman ko ring ang bandala ay _____________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Nagpahirap din sa mga magsasaka ang bandala dahil ________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________.

Page 9: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

_____4. Ano ang tributo? A. buwis B. yaman C. ginto D. buto ng namatay

______5. Ang produktong nalikom mula sa tributo ay ipinagbili ng mga encomendero sa mga Pilipino sa napakataas na halaga. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino?

A. Nag-alsa laban dito. C. Nagsawalang-kibo lang. B. Sumang-ayon agad sila. D. Nakiisa sa mga encomendero

_____6. Ang mga mamamayang tumangging magbigay sa itinakda ng mga encomendero ay pinarurusahan sa harap ng maraming tao. Ano ang naging bunga nito sa Pilipino?

A. Naging maayos ang kanilang pagtratrabaho. B. Naging mapayapa ang kanilang encomienda. C. Nanahimik na lamang sila. D. Sila ay naghimagsik laban sa mga Espanyol.

_____7. Isa pang uri ng buwis ay ang bandala. Subalit kadalasan hindi nababayaran ang mga Pilipino para sa mga produkto nila. Ano ang bandala?

A. Ito ay sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka. B. Isa itong panukat sa mga buwis na binabayaran. C. Kusang loob itong ibinibigay at binabayaran ng mga miyembro ng

encomienda. D. Tulong ito na ibinibigay sa mga miyembro ng encomienda.

_____8. Ang mga sumusunod ay ang mga katungkulan ng encomendero maliban sa isa. Alin ito?

A. Pagtataguyod ng katahimikan at kaayusan B. Pagtatanggol sa kanyang nasasakupan C. Pagtulong sa paglaganap ng Kristiyanismo D. Pagbibigay ng mga pagkain sa mga magsasaka

_____9. Noong 1884, tinanggal ang tributo at pinalitan ng cedula personal. Saan nakabatay ang paniningil ng cedula personal?

A. sa edad ng mamamayan C. sa laki ng kinikita B. sa uri ng antas sa lipunan D. sa posisyon sa lipunan

_____10. Ano ang tawag sa mga naglingkod sa lipunan na hindi pinagbabayad ng buwis?

A. Encomendero C. Mga katutubong Pilipino B. Principalia D. Hari ng Espanya

Page 10: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

Karagdagang Gawain Panuto: Unawain at saguting mabuti ang inilahad sa ibaba. Gawing gabay ang rubrik para sa pagkuha ng puntos. (10 puntos)

RUBRIK SA PAGPAPALIWANAG

Pamantayan

Deskripsyon

Napakahusay (10)

Tumpak at napakalinaw ng sagot sa tanong na ibinigay.

Mahusay (8)

Malinaw at tama ang sagot sa tanong na ibinigay.

Katamtaman (6)

May kalinawan ang sagot, ngunit may ilang punto na nalilihis sa tanong na ibinigay.

Di-gaanong Maayos

(4)

Lumihis ang kasagutan sa tanong na ibinigay.

Sadyang Di-maayos

(2)

Hindi natapos ang sagot/ Walang naisulat.

Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring kahihinatnan ng mga patakarang pangkabuhayan ng mga Espanyol kung hindi naging abusado ang mga nagpapatupad nito? Ipaliwanag sa 4-5 pangungusap.

Sagot:______________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

.

Page 11: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian: Batayang Aklat Lontoc,Nestor S. at Aileen G. Baisa. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 5 .Quezon City:Phonix Publishing House,2016. Gabuat, M. A. (2016). Pilipinas Bilang Isang Bansa 5. Quezon City: Vibal Group. Inc, pp.177-179 Internet Sites https://lrmdsdepedcabanatua.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html https://quizizz.com/admin/quiz/5d841a58b73001ca99eb2/tributo

Tayahin

1.A 2.B 3.A 4.A 5.A 6.D 7.A 8.D 9.A 10.B

Karagdagang Gawain

Iba-iba ang sagot.

GAWAIN

A.

1.M 2.T 3.M 4.T 5.T

B. Tanggapin ang lahat ng sagot na malapit sa teksto ang kaisipan.

Balikan

1. C 2. A 3. D 4. D 5. D PAGYAMANIN

1. TRIBUTO 2. BANDALA 3. ENCOMENDERO 4. CEDULA 5. PRIINCIPALIA

Page 12: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 3. · Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

Region IX Our.. Eden... Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.