2
7 February 2017 Publications WIKANG FILIPINO SA EDUKASYONG SEKUNDARYA Eden R. Leaño Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino? Sa pag-aaral ng wikang Filipino, nararapat lamang na taglay ng bawat mag-aaral ang makrong kasanayang pangwika: pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Ang pakikinig ay isang makapangyarihang instrument ng komunikasyon na nagsisilbing impluwensiya upang makipag-usap ng mabuti sa tulong na rin ng ating dalawang tenga. Naipaparating natin ang ating naririnig o ang ating napakinggang tunog mula sa ating paligid. Pagsasalita, ito ay ang kakayahan at kasanayan ng isang tao kung paano niya maipapaabot sa kanyang kinakausap ang ibig niyang iparating ayon sa gamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kinakausap. Ang pagsasalita rin ang nagiging kasangkapan ng pag-uunawaan ng dalawang tao. Pagbasa, ito ay nagiging daan upang lubusan nating malaman ang isang bagay, sa pamamagitan ng pagbasa mas lumalawak ang ating kaalaman at pag-unawa sa isang bagay o ideya. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998). Isang mabisang paraan rin ng pagpapahayag ng ating damdamin o saloobin sa isang bagay ang pagsulat, malaya nating naipapahayag ang ating opinion sa mga bagay-bagay. Kailangan sa pagtuturo ang ibat-ibang paksa na babasahin sa Filipino. Sa ganitong gawain, masasanay ang mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip na hahamon upang maipahayag ang kanilang mga saloobin sa mataas na kaisipan. Nararapat na hasain at sanayin ang mga mag-aaral sa wikang Filipino upang maging handa sa pagtungtong nila sa kolehiyo. Sa pagbibigay at pagbasa ng mahihirap na teksto, nalilinang at nagkakaroon sila ng mapanuring pag-iisip. Sa pamamagitan ng pag gamit ng wikang Filipino, nalilinang ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat. Gayundin ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng lubusang pag-unawa, malalim na pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga paksang narinig at nabasa. Ang pag-aaral ng wikang Filipino sa sekundarya ay nagkakaroon ang mga mag-aaral ng kakayahan at kasanayan sa pagkilala at paglikha ng ibat-ibang uri ng katutubong panitikan gayundin ang kaalaman sa pananaliksik at pagsasaling wika.

Wikang Filipino sa Edukasyong Sekundarya - · PDF filenagiging kasangkapan ng pag-uunawaan ng dalawang tao. Pagbasa, ito ay nagiging daan upang ... Malaya rin silang nakapagpapahayag

  • Upload
    ledieu

  • View
    293

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Wikang Filipino sa Edukasyong Sekundarya - · PDF filenagiging kasangkapan ng pag-uunawaan ng dalawang tao. Pagbasa, ito ay nagiging daan upang ... Malaya rin silang nakapagpapahayag

7 February 2017

Publications

WIKANG FILIPINO SA EDUKASYONG SEKUNDARYA Eden R. Leaño

Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino?

Sa pag-aaral ng wikang Filipino, nararapat lamang na taglay ng bawat mag-aaral ang

makrong kasanayang pangwika: pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Ang pakikinig ay

isang makapangyarihang instrument ng komunikasyon na nagsisilbing impluwensiya upang

makipag-usap ng mabuti sa tulong na rin ng ating dalawang tenga. Naipaparating natin ang ating

naririnig o ang ating napakinggang tunog mula sa ating paligid. Pagsasalita, ito ay ang kakayahan

at kasanayan ng isang tao kung paano niya maipapaabot sa kanyang kinakausap ang ibig niyang

iparating ayon sa gamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kinakausap. Ang pagsasalita rin ang

nagiging kasangkapan ng pag-uunawaan ng dalawang tao. Pagbasa, ito ay nagiging daan upang

lubusan nating malaman ang isang bagay, sa pamamagitan ng pagbasa mas lumalawak ang ating

kaalaman at pag-unawa sa isang bagay o ideya. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang

kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at

ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et

al., 1998). Isang mabisang paraan rin ng pagpapahayag ng ating damdamin o saloobin sa isang

bagay ang pagsulat, malaya nating naipapahayag ang ating opinion sa mga bagay-bagay.

Kailangan sa pagtuturo ang ibat-ibang paksa na babasahin sa Filipino. Sa ganitong gawain,

masasanay ang mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip na hahamon upang maipahayag ang kanilang

mga saloobin sa mataas na kaisipan. Nararapat na hasain at sanayin ang mga mag-aaral sa wikang

Filipino upang maging handa sa pagtungtong nila sa kolehiyo. Sa pagbibigay at pagbasa ng

mahihirap na teksto, nalilinang at nagkakaroon sila ng mapanuring pag-iisip. Sa pamamagitan ng

pag gamit ng wikang Filipino, nalilinang ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa

pakikipagtalastasang pasalita at pasulat. Gayundin ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng

lubusang pag-unawa, malalim na pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga paksang narinig at

nabasa. Ang pag-aaral ng wikang Filipino sa sekundarya ay nagkakaroon ang mga mag-aaral ng

kakayahan at kasanayan sa pagkilala at paglikha ng ibat-ibang uri ng katutubong panitikan

gayundin ang kaalaman sa pananaliksik at pagsasaling wika.

Page 2: Wikang Filipino sa Edukasyong Sekundarya - · PDF filenagiging kasangkapan ng pag-uunawaan ng dalawang tao. Pagbasa, ito ay nagiging daan upang ... Malaya rin silang nakapagpapahayag

7 February 2017

Publications

Hindi lamang sa loob ng klasrum o paaralan nalilinang ang kasanayan sa wikang Filipino,

ito’y naiaangat at napapabuti sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain sa labas

man ng paaralan. Sa pagakakaroon ng malawak na kaalaman at kasanayn sa wikang Filipino, ang

mga mag-aaral ay nakasusulat ng maayos at mahusay na komposisyon tungkol sa paksang

tinalakay ng guro. Malaya rin silang nakapagpapahayag ng mga kaisipan at pananaw sa

pamamaraang mahusay, wasto at epektibo.

http://www.slideshare.net/ghyj/apat-na-makrong-kasanayan-sa-wika https://prezi.com/stniibxydvb5/kahulugan-at-kahalagahan-ng-pakikinig/ http://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng-pagsulat.html