Upload
others
View
22
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
7
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 4
Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan - Alamat
Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan- Modyul 4: Panitikang Bisaya- Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ronalyn R. Gonzales, SST-III at Charry B. Baidiango, SST-1
Editor/ Tagasuri: Sandra S. Dimasuhid/Arnie P. Taclap, Shyrl Z. Tano
Tagalapat: Gerald V. Dumat-ol
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMSLeo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS
1
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipapamalas ng mga mag-aaral ang
pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan.
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling
awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan.
Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan at pagpapahalaga ng iba’t ibang panitikang Bisaya kung saan
masasalamin ang kinagisnang kultura.
Pamantayan ng Pagkatuto:
Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan.
F7PB-IIc-d-8 Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga
taga-Bisaya sa kinagisnang kultura. F7PU-IIg-h-10
Aralin 4 PANITIKANG BISAYA : Alamat Ng Isla Ng Pitong Makasalanan
Tuklasin
“Mga anak, magulang ninyo’y igalang at mahalin
Mga payo at pangaral nila’y inyo sanang sundin
Para sa ikabubuti niyo, iwasang sila’y suwayin.”
Tanong:
1. Nasubukan mo na bang sumuway sa iyong magulang? 2. Paano mo sila sinuway? 3. Ano ang ibinunga ng iyong pagsuway?
Alam mo ba?
Napakataas ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda partikular sa kanilang mga magulang.
2
Napakalaki ng pagpapahalaga at paggalang ng mga Pilipino sa mga magulang.
Marami tayong paraan ng pagpapakita ng paggalang sa kanila tulad ng pagmamano,
pagsunod sa kanilang mga payo at utos, pag-aalaga sa kanila hanggang sa pagtanda, gayundin ang paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa kanila.
Masasalamin din ang paggalang at pagpapahalaga sa magulang sa ating mga
katutubong panitikang pumapaksa sa kapahamakang nangyayari sa mga anak na nagiging suwail sa magulang. Isang halimbawa rito ang “Alamat ng Pinya” kung saan
naging pinya o prutas na maraming mata si Pina pagkatapos sabihin ng kanyang inang magkaroon sana siya ng maraming mata dahil sa pagiging tamad at kawalan ng interes
na hanapin ang mga bagay na gagamitin sa pagluluto ng pagkain para sa maysakit na ina.
Ang alamat na babasahin mo ngayon ay nagtataglay rin ng parehong paksa kung
saan kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak na naging suwail sa kanilang ama.
Suriin
Halika, basahin ang alamat at matuto ka mula sa karanasan ng Isla ng
Pitong Makasalanan.
ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN
Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong anak na dalaga ang naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin
ng Dagat-Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang bayang nasa gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng isla ng Panay.
Araw-araw makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng mga gawaing-
bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o masayang lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kaygaganda habang
nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin. Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan
kundi maging sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha ang kamay
ng isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang
labis niyang ikinakatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa kanya. “Sana, kung makahanap man
ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla upang hindi
Pinagyamang Pluma 7(K to 12) Ikalawang Edisyon nina Arlene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc at Carmella Esguera-Jose,
Alma M. Dayag(Awtor-Koordinetor (8/19/20
3
sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili habang pinagmasdan ang
kanyang mga anak na abala sa mga gawaing-bahay. Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal
ang dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa baying iyon hindi lang para sa
kanilang mga kalakal kundi para makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at mabibilis na bangka.
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa mga dalaga. Naging mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang
estranghero.Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na
agad namang nagsipayag. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama.
“Hindi niyo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papayag.” Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang kanyang
mga anak na sumama sa mga binata. Isang araw, habang nasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng isang
mapangahas na pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw
at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay. “Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga.
Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na anak sa tatlong
bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan. Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda
ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para
mahabol ang kanyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang
kanyang maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na niya nahabol ang mga anak.
Buong pait na lumuha at nagmamakaawa ang ama sa kanyang mga anak.
“Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa paggaod
subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing niyang mga anak. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng
kanyang mga anak, walang nagawa ang matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati rin sa kanya maging ang kalangitan sapagkat ang
maliwanag na sikat ng araw ay biglang naparam at sa halip ay napalitan ng nagdilim na himpapawid. Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malalakas na
dagundong ng kulog. Biglang pumatak ang malakas na ulan kaya’t walang nagawa
ang matanda kundi umuwi na lamang.
Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimihik at napakalungkot na tahanan
ang kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana. Wari’y sinasabayan din ng malalakas na patak ng ulan sa bubungan ng
kanyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng kaawa-awang
matanda. Labi-labis ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga anak. Sa kabila ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang kanila pa ring kaligtasan
ang inaalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang nasalubong sa paglalakbay.
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda.
Inisip niyang maaaring sumilong ang bangka ng mga estranghero dahil sa sama ng panahon nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol niya pa ang kanyang mga
anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y nasa laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng
4
Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito siya nangisda kahapon at alam
niyang walang islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw.
Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso
ang mabilis na paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong laking panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga
anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya ang mumunting isla. Pito! Pito rin ang
kanyang mga anak na dalaga. Humagulgol ang matanda. Parang nahulaan niya ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga anak nang ang sinasakyan nilang mga bangka
ay hinampas ng malalakas na along dala ng biglang pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang
mga ito.
Ang mga mumunting isla ay tinwag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla
ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanang nagawa
ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.
Pinagkunan: Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 7 pahina 168-171 ( Mga Awtor: Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela esguerra-Jose, Alma M. Dayag (awtor-koordineytor) 8/19/20
Tanong: Bakit kailangang igalang at sundin ang payo ng ating magulang?
Ang alamat na iyong binasa ay punumpuno ng mahahalagang mensahe o aral na maaaring gumagabay sa ating pang-araw-araw na buhay. Makikita sa
alamat ang kinahahantungan ng mga anak sa hindi pagsunod sa payo ng ama. Ang paggalang at pagsunod sa payo at utos ng magulang ay paraan ng
pagpapakita ng ating pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila.
https://www.google.com/search?q=buko+at+niyoglarawan&tbm=isch&ved=2ahUKE
witgOfL_fzsAhVYyZQKHfzlC1cQ2cCegQIABAA&oq=buko+at+niyoglarawan&gs_lcp=C
gNpbWcQA1Dt3gFYof4BYJSBAmgAcAB4AIAB1QGIAfUMkgEDMi04mAEAoAEBqgELZ3
dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=EyetX-
0q2JLTBPzLr7gF&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878#imgrc=uXZSOGV2JUSqfM 8/21/20
https://www.google.com/search?q=lakatan+banana+bunch+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwjcte3y_vzsAhV3wIsBHRn2ARUQ2-cCegQIABAA&oq= lakatan+banana+bunch+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQA1DUuAFY-sYBYPvJA-WgAcAB4AIABmAOIAYIMkgEHMi01LjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=cSitX5y5FPeAr7wPmeyHqAE&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=4Jpw-6LCvt2NfM&imgdii=U-jzD_6coGj_EM 8/21/20
https://www.google.com/search?q=buko+at+niyoglarawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwitgOfL_fzsAhVYyZQKHfzlC1cQ2cCegQIABAA&oq=buko+at+niyoglarawan&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dt3gFYof4BYJSBAmgAcAB4AIAB1QGIAfUMkgEDMi04mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=EyetX-0q2JLTBPzLr7gF&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878#imgrc=uXZSOGV2JUSqfMhttps://www.google.com/search?q=buko+at+niyoglarawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwitgOfL_fzsAhVYyZQKHfzlC1cQ2cCegQIABAA&oq=buko+at+niyoglarawan&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dt3gFYof4BYJSBAmgAcAB4AIAB1QGIAfUMkgEDMi04mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=EyetX-0q2JLTBPzLr7gF&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878#imgrc=uXZSOGV2JUSqfMhttps://www.google.com/search?q=buko+at+niyoglarawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwitgOfL_fzsAhVYyZQKHfzlC1cQ2cCegQIABAA&oq=buko+at+niyoglarawan&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dt3gFYof4BYJSBAmgAcAB4AIAB1QGIAfUMkgEDMi04mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=EyetX-0q2JLTBPzLr7gF&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878#imgrc=uXZSOGV2JUSqfMhttps://www.google.com/search?q=buko+at+niyoglarawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwitgOfL_fzsAhVYyZQKHfzlC1cQ2cCegQIABAA&oq=buko+at+niyoglarawan&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dt3gFYof4BYJSBAmgAcAB4AIAB1QGIAfUMkgEDMi04mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=EyetX-0q2JLTBPzLr7gF&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878#imgrc=uXZSOGV2JUSqfMhttps://www.google.com/search?q=buko+at+niyoglarawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwitgOfL_fzsAhVYyZQKHfzlC1cQ2cCegQIABAA&oq=buko+at+niyoglarawan&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dt3gFYof4BYJSBAmgAcAB4AIAB1QGIAfUMkgEDMi04mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=EyetX-0q2JLTBPzLr7gF&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878#imgrc=uXZSOGV2JUSqfMhttps://www.google.com/search?q=lakatan+banana+bunch+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwjcte3y_vzsAhV3wIsBHRn2ARUQ2-cCegQIABAA&oqhttps://www.google.com/search?q=lakatan+banana+bunch+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwjcte3y_vzsAhV3wIsBHRn2ARUQ2-cCegQIABAA&oqhttps://www.google.com/search?q=lakatan+banana+bunch+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwjcte3y_vzsAhV3wIsBHRn2ARUQ2-cCegQIABAA&oq
5
Batay sa mga larawang nasa itaas, maaring nagmula ang mga kuwento o interpretasyon depende sa itsura nito tulad halimbawa ng saging, kahawig ito
ng mga daliri ng kamay ng tao kaya maaaring ang kuwentong mabubuo ay may kaugnayan sa daliri.
Upang malaman ang pinagmulan o kaligirang pangkasaysayan ng alamat
at ang pagpapahalaga sa sarili nating kultura, basahin ang sumusunod.
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat
Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na legendus, na nangangahulugang “upang mabasa.”
Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat. Ang mga ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan itong
nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari. Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay ang ating katutubong kultura, mga
kaugalian, at kapaligiran. Taglay nito ang magagandang katangiang tulad ng kalinisan
ng kalooban, katapatan, at katapangan, subalit tinatalakay rin sa mga alamat ang hindi mabubuting katangiang tulad ng kasakiman, katamaran, kalupitan,
paghihiganti, pagsumpa, at iba pa. Karaniwan itong kapupulutan ng aral at nagpapakitang ang kabutihan ay laging nananaig laban sa kasamaan.
Noon pa mang unang panahon, ang ating mga ninuno ay nagkaroon na ng mga karunungang-bayang kinabibilangan ng mga alamat. Ang mga ito’y lumaganap sa
paraang pasalita; at nagpasalin-salin sa bibig ng mga taumbayan. Sa pagdating naman ng mga lahing nakipag-ugnayan at nakipagkalakalan sa
ating mga ninuno tulad ng mga Tsino, Indian at Arabo, nagdala ang mga ito ng kani-
kanilang kulturang nakapag-ambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan.
Sa mga panahong ito higit na umunlad ang wika at paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno kaya’t marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap.
Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taumbayan.
Sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol sa ating bansa, pinalaganap nila ang pananampalatayang Katolisismo kaya’t sa panahong ito saglit na napigil ang
paglaganap ng mga katutubong karunungang-bayan at panitikang katulad ng mga
alamat. Sinasabing ipinasunog ng mga prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang iba’y ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila,
ang mga iyon ay gawa ng demonyo. Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang pasalindila o nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga taumbayan ay hindi nila masira
https://www.google.com/search?
q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved
=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBH
SfjCdwQ2-
cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan
&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBgg
AEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBD
OgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIAB
AIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAc
AB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUu
My4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1
pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX
4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657
&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH8
77PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6
gCdfM 8/21/20
https://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2-cCegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfM
6
dahil na rin sa tagal ng pamamayani ng mga ito sa ating kultura. Subalit dahil sa
paglaganap nito sa tradisyong pasalindila, nagkaroon ng iba’t ibang bersiyon ng mga alamat ang lumabas depende sa kung saang rehiyon sa bansa ito nagmula.
Gayunpaman, ang alamat sa anumang bersiyon nito ay patuloy na tinangkilik at pinalaganap ng mga Pilipino mula pa noon hanggang sa kasalukuyan.
Pagpapahalaga sa Sarili Nating Kultura
Sa panitikang bisaya masasalamin ang mga Pagpapahalaga sa Kinagisnang
Kultura. Ang kultura ay nagpapakilala sa mga katangian ng isang bayan at ng kanyang
mga mamamayan. Masasalamin sa kultura ang uri ng pamumuhay, mga kaugalian, tradisyon, paniniwala, relihiyon, wika, pagkain, panitikan, sining, kasuotan,
hanapbuhay, paninirahan, at iba pa. Dahil sa pakikpag-ugnayan ng ating mga ninuno sa mga bansang sumakop at nakipagkalakalan sa atin sa nakalipas, ang ating kultura
ay may taglay na ring impluwensiya ng mga bansang ito mahalagang mgkaroon ng malalim na pagkakilala at pag-unawa ang mga mamamayan sa kultura upang ang
mabubuting bahagi nito’y mapalawig at maisabuhay ng nakararaming mamamayan
lalo na ng mga kabataang tulad mo. Magkakaroon lamang ng pagpapahalaga ang mamamayan sa kagandahan ng kultura ng kanilang lahi kung mababatid o
mapalalalim ang kanilang pag-unawa rito. Mababasa sa ibaba ang ilan sa mga positibong kaugalian at katangiang bahagi ng ating kultura.
Mahigpit na Pagkakabuklod ng Pamilya
Pagpapahalaga sa mga Kaugalian at Tradisyon Pagpapahalaga sa Edukasyon
Matibay na Pananalig o Pananampalataya sa Panginoon Pagkakaroon ng Mayamang Panitikan at Sining
Pinagkunan: Mga Babasahin Para sa Filipino 2010 SEC Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 7 mga pahina 176-177, 224-226 ( Mga Awtor: Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela esguerra-Jose, Alma M. Dayag (awtor-koordineytor)
Pagyamanin
Gawain 1
Ngayong nabasa o nabatid mo na ang tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng
alamat, maghinuha ka tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng binasa nating alamat mula sa Kabisayaan; ang “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.” Isulat
ang iyong hinuha sa mga linya. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga dalagang sumuway sa kanilang ama ay naging mga isla raw. Bakit kaya
mga isla? Ano ang kaugnayan nito sa uri ng kapaligirang mayroon ang tagpuan?
Sanggunian: Mga Babasahin Para sa Filipino 2010 SEC
7
2. Nagmatigas ang ama sa kanyang kagustuhang huwag mapalayo ang kanyang mga anak sa kanyang piling. Sa anong panahon kaya nangyari ang akdang ito?
Ano ang kaugnayan ng panahon sa naging desisyon ng ama? Paano kaya ito mababago kung ito ay nangyari sa kasalukuyang panahon?
Gawain 2 Ang alamat ay naging tampok na bahagi ng ating panitikan mula pa noon hanggang ngayon. Ano ang magagawa mo upang patuloy itong manatili hanggang sa susunod na henerasyon? Punan ang bubble map ng mga kongkretong
hakbang na maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang lalo pang mapalaganap at tangkilikin ng mga tao lalo na ng mga kabataan ang mga alamat.
Gawain 3
Sa nagdaang mga aralin ay nakabasa ka ng iba’t ibang panitikang Bisaya kung saan masasalamin ang kanilang kinagisnang kultura. Bumuo ka ngayon ng
isang tekstong naglalahad sa pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa kanilang kinagisnang kultura. Sagutin ang mga tanong sa ibaba upang maging gabay sa
iyong bubuoin.
1. Paano pinahahalagahan ng mga Bisaya ang kanilang magulang?
2. Paano nila ipinakikita ang pagmamahal at paggalang sa kapamilya, may pagkukulang man o wala?
3. Ano-anong ritwal o paniniwala mayroon ang kanilang kulturang masasalamin sa kanilang mga panitikan?
Mga kongkretong hakbang
na maaaring gawin upang
lalo pang mapalaganap at
tangkilikin ng mga tao ang
alamat
Pinagyamang Pluma 7(K to 12) Ikalawang Edisyon nina Arlene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc at Carmella Esguera-Jose,
Alma M. Dayag(Awtor-Koordinetoy
Pinagyamang Pluma 7(K to 12) Ikalawang Edisyon nina Arlene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc at Carmella Esguera-Jose,
Alma M. Dayag(Awtor-Koordinetoy
8
4. Ano-anong bahagi ng kanilang kultura ang nananatili at isinasagawa pa rin
hanggang ngayon?
Rubrik sa Pagbuo ng Teksto/Talata
Kraytirya Napakahusay
(5pts) Mahusay
(4pts) Nalilinang
(3pts) Nagsisimula
(1pt)
Nilalaman
Kumpleto at Komprehen-
sibo ang nilalaman ng
teksto. Wasto ang lahat ng
impormasyon.
Kumpleto ang nilala-
man ng teksto. Was-
to ang lahat ng impor-
masyon.
May ilang kakulangan
sa nilalaman ng teksto.
May ilang maling im-
pormasyon sa nabang-git.
Maraming kakulangan
sa nilalaman ng teksto.
Organisas-
yon
Organisado,
malinaw, simple at may
tamang pagkakasu-nod-sunod
ang presen-tasyon ng
ideya sa teksto. Mali-
naw ang da-loy at orga-nisado ang
paglalahad ng kaisipan.
Malinaw at
maayos ang presentasyo
n ng mga ideya sa teksto.
Malinaw ang daloy ng
paglalahad ng kaisipan.
Maayos ang
presentasyon ng mga
pangyayari at ideya. May
bahaging di gaanong
malinaw.
Hindi maa-
yos ang pre-sentasyon ng
mga ideya. Maraming bahagi ang
hindi mali-naw sa pag-
lalahad ng kaisipan.
Baybay ng
mga salita at gramati-
ka, capita-lization at pagbabanta
s at gawi ng pagkaka-
sulat
Malinaw, ma-
ayos at tama ang baybay
ng mga Sali-ta, gramati-ka, capitali-
zation at pag-babantas.
Maayos ang pagkakasulat.
Tama ang
baybay ng mga salita,
gramatika, capitalization at pagba-
bantas. Ma-ayos ang
pagkaka-sulat.
Maayos ang
pagbabaybay ng mga Sali-
ta subalit may kaun-ting kamali-
an sa grama-tika at pag-
babantas. Hindi gaa-
nong maa-yos ang pag-kakasulat.
Hindi maayos
ang grama-tika at pagba-
bantas. Hindi maayos ang pagkakasulat
.
Kabuuang
Iskor 15
Pinagkunan: www.scribd.com
http://www.scribd.com/
9
Isaisip
Isang malaking hamon sa magulang ang magpalaki nang maayos sa mga
anak tulad ng nangyari sa pitong dalagang naging mga suwail subalit sa panahon
ng mga makabagong teknolohiya ay lalo pang nadoble ang hamong ito sa bawat
magulang.
Sa panahong ito ng digital age kung saan bahagi na ng buhay ang internet,
cable television, video games, smart phones, tablet, at iba pang modernisasyon sa
komunikasyon at sa pamumuhay, nagiging mas mabigat ang hamong
kinahaharap ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak na may mabubuting
pagpapahalaga at magagandang asal kaysa sa nakalipas na limampung taon. Ayon
sa pag-aaral, halos 75% ng mga sanggol mula 0-1 taon ay nakapanood ng
telebisyon at 37% sa mga ito ay nakapanood araw-araw. Ayon naman sa pag-aaral
na isinagawa ng Kaiser Family Foundation noong 2010, ang mga kabataang may
edad 8 hanggang 18 ay gumugugol daw ng 7 oras at 38 minuto araw-araw sa
paggamit ng iba’t ibang uri ng media. Ayon pa rin sa nasabing pag-aaral, ang 7
oras at 38 minuto na ito ay napapalawig pa nang hanggang 10 oras at 45 minuto
dahil sa tinatawag na media multitasking kung saan sabay-sabay na binubuksan
at ginagamit ng isang kabataan ang iba’t-ibang media o applications. Napakalaki
ng epekto nito sa nabubuong pag-uugali, pagpapahalaga, pag-iisip, at pamumuhay
ng mga kabataan.
Kaya naman, sa ganitong kalagayan ay lalong mahalaga ang presensiya ng
magulang upang magabayan ang kani-kanilang mga anak sa pagharap sa mga
impluwensiyang dala ng digital age. Ang matiyagang pagtuturo at paggabay ng
magulang pa rin ang pinakamahalaga sa panahong ito subalit mahalaga rin ang
pagtanggap at pagsunod ng mga anak sa payo o pangaral ng magulang.
Sanggunian: Generation M2: Media in the Lives of 8-to 18-Years-Olds http://kff.org/other/event/generation-m2-media-in-the-lives-of/
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong at isulat sa sagutang papel.
1. Totoo nga kayang mas mabigat ang hamong kinakaharap ng mga magulang
sa pagpapalaki ng mga anak sa kasalukuyang panahon? Bakit? 2. Kung ikaw ang magulang, ano ang gagawin mo upang mapalaki pa ring
mabubuti ang iyong mga anak sa kabila ng mag bagay na nakaiimpluwensiya sa kanilang kaisipan at pagpapahalaga?
3. Kung ikaw naman ang anak na pinagsasabihan ng iyong magulang na maghinayhinay sa paggamit ng telebisyon, smart phone, at internet,
susunod ka ba o susuway? Ipaliwanag.
Pinagkunan: Ikalawang Edisyon: Pluma 7, pahina 179-180( Mga Awtor: Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela Esguerra-Jose, Alma M. Dayag (awtor-koordineytor)
http://kff.org/other/event/generation-m2-media-in-the-lives-of/
10
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel
1. Ang pitong dalaga’y madalas makita sa dalampasigan habang nagtatampisaw o masayang lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan.
Ano ang mahihinuha mula rito sa mga dalaga? A. masayahin
B. mapagwalambahala
C. palakaibigan D. malaro
2. Araw-araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kani-kanyang gawaing-bahay.
Ano ang mahihinuha mula rito sa mga dalaga? A. palautos
B. malilinis C. masisipag
D. masayahin
3. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi n’yo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama?
Hindi ako papayag.” Ano ang mahihinuha rito mula sa ama?
A. magagalitin B. mainisin
C. mapagmalasakit
D. mapagbigay 4. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng
panganay na si Delay. Ano ang mahihinuha rito mula kay Delay?
A. may sariling desisyon B. magagalitin
C. malupit D. D. mapagbigay
5. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang
kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana. Alin sa palagay mo ang HINDI nararamdaman ng ama sa mga sandaling ito?
A. labis na nasasaktan B. labis na nagdaramdam
C. labis na nalulungkot D. labis na nasisiyahan
6. Sa anong lengguwahe nagmula ang salitang alamat o legend sa Ingles? A. Griyego B. Latin
C. Hebreo D. Espanyol
7. Sino ang tinutukoy ng Isla ng Pitong Makasalanan? A. mga manliligaw
B. mga anak C. mga magulang
D. mga kasalanan
Tayahin
11
8. Ano ang ibig sabihin ng salitang ‘legendus’ na piangmulan ng salitang alamat
o legend? A. “upang mabasa”
B. “upang marinig” C. “upang malaman”
D. “upang makita” 9. Alin sa mga sumusunod ay mensahe o ideyang makikita sa “Alamat ng Isla Pitong
Makasalanan” MALIBAN sa _____? A. Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang mga anak.
B. Sumuway ang mga anak sa kagustuhan ng kanilang ama.
C. Kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak na hindi sumunod sa kanilang magulang.
D. Nagsisi at nagbalik sa naghihintay na ama ang kanyang mga anak. 10. Alin sa mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang igalang at
sundin ng anak ang payo ng magulang, MALIBAN sa _____? A. Ito ay paraan ng pagpapahalaga ng anak sa kanyang magulang.
B. Ang paggalang at pagsunod sa payo ng magulang ay nakabubuti sa anak.
C. Ang paggalang at pagsunod sa payo ng magulang ay nakakapagbigay kasikatan.
D. Walang magandang naidudulot sa anak ang pagsuway sa mga mabubuting payo ng kanyang magulang.
Gumawa ng isang kuwentong alamat batay sa mga pangayayaring
nagaganap sa inyong lugar. Halimbawa: Mga kababalaghan, pamilya, at iba
pa. Isulat sa isang buong papel.
Sagot: ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Karagdagang Gawain
12
Susi sa Pagwawasto
GAWAIN 1: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng mag-aaral.
GAWAIN 2: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng mag-aaral.
GAWAIN 3: Tingnan ang pamantayan sa Gawain 3, pahina 7 para gawing gabay.
GAWAIN 4: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng mag-aaral.
GAWAIN 5: Nasa guro ang pagpapasya.
Tayahin
1.A
2.C 3. C
4.A 5.D
6.B 7.B
8.A 9.D
10. C
13
Sanggunian
Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S., Esguera-Jose, Carmela, Dayag, Alma M. Dayag
(awtor-koordineytor). Pinagyamang Pluma 7. 927 Quezon City Ave., Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc. 2017
Sanggunian: Mga Babasahin Para sa Filipino 2010 SEC
https://www.google.com/search?q=buko+at+niyoglarawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwitgOfL_fzsAhVYQKHfzlC1cQ2-cCegQIABAA&oq=buko+at+niyoglarawan&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dt3gFYof4BYJSBA mgAcAB4AIAB1QGIAfUMkgEDMi04mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei= EyetX-0q2JLTBPzLr7gF&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878#imgrc=uXZSOGV2JUSqfM 8/21/20 https://www.google.com/search?q=lakatan+banana+bunch+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwjcte3yvzsAhV3wIsBHRn2ARUQ2-cCegQIABAA&oq=lakatan+banana+bunch+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQA 1DUuA-FYsYBYPvJAWgAcAB4AIABmAOIAYIMkgEHMi01LjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwA EB&sclient=img&ei=cSitX5y5FPeAr7wPmeyHqAE&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878hl=en#imgrc=4Jpw-6LCvt2NfM&imgdii=U-jzD_6coGj_EM 8/21/20
https://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2CegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfM 8/21/20
Generation M2: Media in the Lives of 8-to 18-Years-Olds
http://kff.org/other/event/generation-m2-media-in-the-lives-of/
www.google.com/images
www.scribd.com
pinterest.ph
shutterstock.com
https://www.google.com/search?q=buko+at+niyoglarawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwitgOfL_fzsAhVYQKHfzlC1cQ2-cCegQIABAA&oq=buko+at+niyoglarawan&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dt3gFYof4BYJSBAhttps://www.google.com/search?q=buko+at+niyoglarawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwitgOfL_fzsAhVYQKHfzlC1cQ2-cCegQIABAA&oq=buko+at+niyoglarawan&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dt3gFYof4BYJSBAhttps://www.google.com/search?q=lakatan+banana+bunch+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwjcte3yhttps://www.google.com/search?q=lakatan+banana+bunch+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwjcte3yhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2CegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2CegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2CegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2CegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttps://www.google.com/search?q=kasoy+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDk_SB__zsAhVcwIsBHSfjCdwQ2CegQIABAA&oq=kasoy+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzAAyBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABBDOgUIABCxAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlD1_xVYyJkWYLOcFmgAcAB4AIABlQOIAcYYkgEJMC4xLjUuMy4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=kCitX4OLN9yAr7wPp8an4A0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=vdZfCpSj6gCdfMhttp://kff.org/other/event/generation-m2-media-in-the-lives-of/http://www.google.com/imageshttp://www.scribd.com/
14
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound, Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
All of them are proud and true Region IX our Eden Land
Region IX
Our.. Eden... Land...
My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need.
I die just when I see the dawn break, Through the gloom of night, to herald the day;
And if color is lacking my blood thou shalt take, Pour'd out at need for thy dear sake To dye with its crimson the waking ray. My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye.
Dream of my life, my living and burning desire, All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power.
Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes,
Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.
Let the sun draw the vapors up to the sky, And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain
And when the dark night wraps the graveyard around With only the dead in their vigil to see
Break not my repose or the mystery profound And perchance thou mayst hear a sad hymn resound 'T is I, O my country, raising a song unto thee. And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown.
Then will oblivion bring to me no care As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good -by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high!
Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed!
Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!
I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of
meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.
I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.
I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from
Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
“I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.”