11
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc) PANGKAT 4 I. Layunin Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal- bokasyunal na sulatin. (CS_FTV11/12PU-0m-o-99) 1. Naipahahayag ang mga katangian at kalikasan ng isang produkto gamit ang mga salitang naglalarawan. 2. Nakasusulat ng deskripsyon ng ipinakikilalang produkto na may maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika. Paksa: Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto Sanggunian: Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc), Patnubay ng Guro,Kagawaran ng Edukasyon, 2016 ni Corazon L. Santos, PhD, et.al, pp.60-62. https://www.slideshare.net/mrblueoflds/mga- katangian-at-kalikasan-ng-diskription-ng-produkto Kagamitan: Laptop (powerpoint presentation), projector, II. Pagpapalawak ng Aralin A. Pagganyak Magpapakita ang guro ng mga larawan ng ilang produkto sa klase.

Web viewNaisasaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal-bokasyunal na ... ipinakikilalang produkto na may ... na paggamit ng wika. Paksa: Pagsulat ng

  • Upload
    phamtu

  • View
    462

  • Download
    23

Embed Size (px)

Citation preview

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc)

PANGKAT 4

I. Layunin

Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal-bokasyunal na sulatin. (CS_FTV11/12PU-0m-o-99)

1. Naipahahayag ang mga katangian at kalikasan ng isang produkto gamit ang mga salitang naglalarawan.

2. Nakasusulat ng deskripsyon ng ipinakikilalang produkto na may maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.

Paksa:

Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto

Sanggunian:

Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc), Patnubay ng Guro,Kagawaran ng Edukasyon, 2016 ni Corazon L. Santos, PhD, et.al, pp.60-62.

https://www.slideshare.net/mrblueoflds/mga-katangian-at-kalikasan-ng-diskription-ng-produkto

Kagamitan:

Laptop (powerpoint presentation), projector,

II. Pagpapalawak ng Aralin

A. Pagganyak

Magpapakita ang guro ng mga larawan ng ilang produkto sa klase.

Ang mga larawan ng produktong ipakikita ay maaaring mga produktong ipinagmamalaki sa kanilang lugar.

Itanong sa mga mag-aaral:

a. Sa inyong palagay, bakit patuloy na tinatangkilik natin kabilang na ang mga turista ang mga produktong ito?

b. Ano-anong katangian ng mga produktong ito na nakahihikayat sa mga mamimili na bilihin ito?

Sa bahaging ito ay iuugnay ng guro ang konsepto ng pagbibigay deskripsiyon sa kahalagahan nito sa isang produkto. Ipaliliwanag ang kahalagan ng pagbibigay-deskripsiyon sa isang produkto

B. Pagbasa

Pagpapabasa ng isang halimbawa ng deskripsiyon ng produkto

Narito ang transkrip ng teksto.

Isang Espesyal na Durian

Noong Disyembre 7, 2015, nakarating kami sa puno ng isang pambihirang durian sa 36 ektaryang farm ng pamilyang Dimaporo sa Matunga, Lano del Norte. May ilang hindi pangkaraniwang katangian ang punong ito.

Upang marating namin ang farm nagbiyahe kami ng dalawang oras. May magagandang kongkretong kalsada na dinaanan namin pero mayroon din mga lubak-lubak na hindi pa nakaranas ng pagkokongkreto. Pero hindi namin pinansin ang hirap na dinanas namin sa daan. Ayon kay Raul Maghilom, isang agrikultor na nagsisilbi sa pamilyang Dimaporo, binansagan nilang Durian Dimaporo Special (DDS) ang naturing na puno. Nag-iisang puno ito na kasama ng iba pang 300 na puno ng ibat ibang barayti.

Bakit nila tinawag na Durian Dimaporo Special? Sapagkat bukod-tangi ang lasa ng prutas nito. Ito raw ang may pinakamasarap na lasa kung ihambing sa ibat ibang barayti kagaya ng Puyat, Chanee, Arancillo, Monthong o Golden Pillow mula sa Thailand. May matingkad na kulay dilaw ang laman.

Naiiba sa ibang aspekto ang bunga ng DDS.

Bilog na hugis ang bunga na tumitimbang ng 5 hanggang 7 kilo ang isa. Mayroon pang napakahalaganng katangian ang DDS. Ito ay napansin namin na matibay sa sakit. Ang nag-iisang puno ay pawang walang sakit samantalang ang karamihan sa mga unang barayti ay inaatake ng sakit na die-back. Ang mga sanga sa dulo ay namamatay.

Isang mungkahi Agad naming iminungkahi sa agrikultor na dapat agad maparami ang nag-iisang puno ng DDS bago ito tamaan ng sakuna kagaya ng kidlat o di kaya tumbain ng isang malakas na bagyo. Sa ganitong paraan, mapanatili ang DDS para sa kapakanan hindi lamang ng pamilyang Dimaporo kundi sa lahat na mahilig kumain ng durian.

Kung kami ang masusunod, lilinisin namin ang kapaligiran ng puno. Kung maari, tayuan ng bakod upang hindi mapinsala ng mga alpas na hayop. Isusunod namin ang sapat na pag-aabono. Lalagyan namin ng hindi 176 kukulangin sa 8 sakong organikong pataba sa nalalaliman ng mga sanga. Dagdagan pa namin ng kemikal na pataba na may micronutrients.

Sisiguraduhin din naming lalagyan ng drainage canal upang hindi mababad sa tubig ang puno. At sa panahon ng tagtuyot, dapat madiligan ng sapat na tubig.

Magdugtong agad Iminungkahi namin ang pagpadami ng DDS sa pamamagitan ng grafting o pagdugtong. Sa aming palagay, madaling makapagdugtong ng 500 semilyo sa unang taon. Maaaring kumuha ng scion o sangang pandugtong sa mga mabababang sanga ng puno. Marami ang malulusog na sanga ng DDS sa mga mababang sanga nito.

Magtayo ng scion grove Iminungkahi rin namin na magtanim ng hindi bababa sa 100 kapuno bilang scion grove o mga punong pagkukunan ng sangang pandugtong. Ang mga ito ay mapagpipitasan din ng mga bunga.

Ang ibang grafted na pananim ay maaaring itanim sa mas malawak pang farm ng mga Dimaporo. Ang iba ay maaaring ipagbili sa mga gustong magtanim ng pambihirang barayti. Dapat hindi ipagkakait sa ibang mahilig sa durian ang magandang barayti. Sa ganitong paraan, maparami at mapalaganap ang espesyal na barayti.

Maaaring pang-akit sa mga turista ang Dimaporo durian. Sa panahon ng pangkahinog ng mga bunga, maaaring mag-imbita ng mga mahilig sa durian mula sa Maynila at iba pang lugar upang matikman nila ang pambihirang lasa ng DDS. Maaaring maipahayag ang kaganapan sa social media, mga diyaryo at iba pa pang babasahin, at sa radio at telebisyon. Sa paraang ganito, lalong maging tanyag ang Durian Dimaporo Special.

Kung mapalaganap ang pagtatanim ng DDS hindi lamang sa Lanao del Norte kundi sa iba pang dako ng bansa, maaaring magiging pang-eksport ang mga sariwang bunga at pati ang mga nagprosesong laman.

Iginiit naming ang agad pag-asikaso sa nag-iisang puno Durian Dimaporo Special. Hindi pa huli na mapalaganp husto ang natatanging barayti ng durian na ito.

Ang nagdala ng DDS Ayon kay Raul Maghilom ang yumaong grand old man ng Dimaporo, ang nag-uwi ng buto na itinanim sa Matungao mahigpit kumulang 30 taon na ang nakalilipas. Ang DDS ang isa sa mga mahalagang legacy ng yumaong politiko. Lalo na kung ito ay maparami mapalaganap sa ibat ibang dako ng bansa.

C. Pag-unawa sa Binasa

Gabay na tanong:

1. Ano ang paksa at layunin ng tekstong binasa?

2. Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa paglalahad ng pangunahing kaisipan ng teksto?

3. Sinong mga target na mambabasa ang nais kausapin ng teksto?

Maaari pang dagdagan depende sa pangangailangan.

III. Mga Gawain

A. Pangkatang Gawain:

Pangkat 1-Pagtukoy sa bahagi ng teksto na nagbibigay deskripsiyon sa nabanggit na produkto sa pamamagitan ng pagbuo ng Akronim.

Pangkat 2-Pagtatala ng mga katangian ng deskripsiyon ng produkto ayon sa tekstong binasa gamit ang Bubble Map graphic organizer.

Pangkat 3-Pagbibigay ng pananaw kung bakit dapat tangkilikin ang produktong Durian sa pamamagitan isang Islogan.

Pangkat 4-Paggawa ng patalastas na nagpapakita ng kakayahan sa paglalarawan ng isang produkto mula sa Durian upang makahikayat ng mga mamimili.

B. Paglalahat

Paggamit ng 3-2-1 tsart na istratehiya.

Punan ang 3-2-1 tsart ayon sa hinihinging impormasyon.

3-2-1- TSART

Paksang-aralin: Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto

3 salita o impormasyon na natutuhan

2 bagay na pumukaw sa iyong interes sa aralin

1 tanong na gumugulo sa iyong isipan

C. Paglalapat

Paggamit ng TAC (Think About Consequences) na istratehiya

Magtala ng mga posibleng mangyayari kung ang iyong produkto ay nailarawan nang maayos/hindi maayos.

D. Pagtataya

Sumulat ng deskripsiyon para sa mga sumusunod na lokal na produkto. Mamimili ang bawat pangkat ng isang lokal na produkto na bibigyan ng deskripsiyon.

Rubriks sa Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto

Pamantayan

Puntos

Natamong puntos

Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto.

10

Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin.

Himay-himay na inilahad ang mga suportang ideya

5

Akma ang aspekto o katangiang binibigyang-diin sa paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya

5

Kabuuan

20 pts.

RUBRIK NA GAGAMITIN SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN

PAMANTAYAN

20

15

10

5

Napakahusay

Mahusay

Katamtaman

Pagbutihin pa

Nilalaman

Naayon ang nilalaman sa paksang tinalakay

Nabibigyan ng punto ang mahahalgang ideya

Presentasyon

Nailalahad ang mga ideya nang maayos.

Nakikitaan nang maayos na organisasyon ang pahayag tungkol sa paksa

Pamamaraan

Nasusunod ang tamang panuto sa bawat gawain

Nagpakitang-turo:

ALBERTINE R. DE JUAN JR.

Sangay ng Aurora

Binigyang-pansin:

ANASTACIA N. VICTORINO

EPS sa Filipino, Sangay ng Bulacan

Sinang-ayunan ni:

MARIE ANN C. LIGSAY

EPS II, Regional Office III

RUBRIK NA GAGAMITIN SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN

PAMANTAYAN

20

15

10

5

Napakahusay

Mahusay

Katamtaman

Pagbutihin pa

Nilalaman

Naayon ang nilalaman sa paksang tinalakay

Nabibigyan ng punto ang mahahalgang ideya

Presentasyon

Nailalahad ang mga ideya nang maayos.

Nakikitaan nang maayos na organisasyon ang pahayag tungkol sa paksa

Pamamaraan

Nasusunod ang tamang panuto sa bawat gawain

Inihanda nina:

ALBERTINE R. DE JUAN JR.

Sangay ng Aurora

BERNADETH O. MALAPIRA

Sangay ng Angeles

ROMMEL B. HAPITA

Sangay ng Aurora

Binigyang-pansin:

ANASTACIA N. VICTORINO

EPS sa Filipino, Sangay ng Bulacan