24
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas 10

Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

  • Upload
    others

  • View
    59

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

Edukasyon

sa Pagpapakatao

Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan

(design your own cover page)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

10

Page 2: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan- Modyul 3: Ang Tunay na Kalayaan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Sangay ng Bukidnon Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City

Telefax: (088) 813- 3634

E-mail Address: [email protected] Website: www.Depedbukidnon.net.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marianne P. Hinayas

Editor: Marlon V. Marco

Tagasuri: Lucrecio Y. Oliver and Maricel P. Sulasula

Tagaguhit: Jonel C. Murillo

Tagalapat: Marianne P. Hinayas

Tagapamahala: Arturo B. Bayocot, PhD. CESO III (Regional Director) Co-Chairpersons: Victor G. De Gracia Jr. PhD. CESO V (Asst. Regional Director) Randolph B. Tortola, PhD. CESO IV (SDS-Division of Bukidnon) Shambaeh A. Usman, PhD.(ASDS-Division of Bukidnon) Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD Neil A. Improgo, EPS-LRMS Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM Members: Elbert R. Francisco, PhD, Chief ES, CID Nancy B. Panistante, EdD, EPS in Edukasyon sa Pagpapakatao Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMDS Manager Jeny B. Timbal, PDO II Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Page 3: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

10

Edukasyon

sa Pagpapakatao

Unang Markahan - Modyul 3

Ang Tunay na Kalayaan

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Page 4: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA

COVER PAGE COPYRIGHT PAGE TITLE PAGE TALAAN NG NILALAMAN

Aralin: Ang Tunay na Kalayaan

Alamin 1

Subukin 1-3

Balikan 4

Tuklasin 4-6

Suriin 6-7

Pagyamanin 7

Isaisip 8

Isagawa 8-9

Tayahin 9-11

Karagdagang gawain 12-13

Susi sa Pagwawasto 14

Sanggunian 15

Page 5: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Naipaliliwanag ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng

Kurikulum ng K to12 habang kanilang pagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-

ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon

din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo

habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-

unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod

dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang

isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral at magulang:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Paghubog ng Konsensiya Batay sa

Likas na Batas Moral.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Malugod na pagbati para sa inyo po bilang mga magulang, kung maaari po lamang

ay gabayan ninyo ang inyong anak sa pagbabaybay nitong mga aralin sa modyul na ito. Isa

itong hamon sa kasalukuyang hinaharap nating pandemya, ngunit ito ay isa ring pagpapala

sa ating bawat pamilya na kung saan ay kasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa

loob ng ating tahanan. Maraming salamat po.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,

panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.

Page 6: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat

mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na

ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung

nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong iiwan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang

aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala

sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,

gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan

kang maunawaan ang bagong konsepto at mga

kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang

pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-

unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit

ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan

ang patlang ng pangungusap o talata upang

maproseso kung anong natutuhan mo mula sa

aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo

upang maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng

buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat

ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong

gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o

kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng

mga gawain sa modyul.

Page 7: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o

sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa

mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin

lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapan sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito, huwag

mag-alinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng

tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama

sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong puso’t isipan na hindi ka nag-

iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makakaranas ka nang makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 8: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

1

Alamin

Magandang buhay! Ang sarap pakinggan diba? Lalo na kung nadarama mo ang

iyong kalayaan. Tama ba ang nabasa mo, tungkol sa kalayaan?”. Sa totoo lang ito ang nilalaman nitong modyul. Maraming magagawa ang tao dahil dito, kahit pa nga sa panahon ngayon na sinusubukan tayo nitong pandemyang COVID-19. Nalilimitahan man ang paglabas natin ng bahay ngunit malaking tulong naman ito upang patuloy mong matamasa ang pagiging ligtas at malaya. Ang ibig kung sabihin malaya ka sa banta ng virus, at malaya ka parin sa buhay. Kaya, ipagpatuloy natin ang pagtuklas ng bagong kaalaman.

Ang modyul na ito ay may isang aralin. ito ay ang:

• Naipaliliwanag ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan. (EsP10MP-Id-3) Pagkatapos mong mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagsusuri ng mga larawan na nagpapakita ng kalayaan

2. Nalalaman ang tunay na kahulugan ng kalayaan

3. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na

kalayaan

4. Nakapagninilay sa isang awiting may kaugnayan sa kahulugan ng kalayaan

Subukin

Simulan mo na! Dahil nandito lang ako aalalay sayo.

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik

ng pinakatamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat pahayag. Isulat ang napiling

tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang kalayaan ng tao ay may kaakibat na___________.

a. Responsibilidad c. Dignidad

b. Karapatan d. Konsensiya

2. Anong uri ng kalayaan na ang totoong kaalaman ng tao ay nakahahadlang sa

kanyang sarili mismo?

a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa

b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa

3. Sinamahan ni Lydia ang kanyang kapatid sa hospital kahit na may pangamba sa

pandemya ng Covid – 19. Ito ay ang responsibilidad niyang kakayahang

tumugon sa tawag ng pangangailangan. Ano ang ipinahihiwatig sa pahayag na

ito?

a. Tama, dahil ang tunay na responsibleng kalayaan ay ang pagtulong sa

kapwa.

b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na

ginawa.

Page 9: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

2

c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na

ginagamit ng tao.

d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos

na ginawa.

4. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan?

a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.

b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.

c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.

d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.

5. Ano ang batayan ng kalayaan?

a. Isip c. batas moral

b. Konsensiya d. dignidad

6. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay

nangangahulugan sa uri ng:

a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa

b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan sa lahat

7. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng

kalayaan, maliban sa:

a. Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya

b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat

c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral

d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito

8. Saan nagmula ang pinakamalaking hadlang ng kalayaan?

a. Sa kapwa c. Sa sarili

b. Antas ng pamumuhay d. sa pagiging Malaya

9. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?

a. Nagagawa ni Andrew mamasyal kahit limitado ang oras

b. Kahit pagod pag-uwi ang ama nasi Jonel ay nagagawa niyang tulungan ang

anak sa mga takdang aralin.

c. Inamin ni Clavel ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa

ginawa.

d. Hindi mahiyain si Luz kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang

tao.

10. Higit na malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Ano ang mensahe

nito?

a. Ang pagiging Malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.

b. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.

c. Ikaw ay Malaya kapag may ginawa ka.

d. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti

11. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng

kalayaan, maliban sa:

a. Nagsusumikap makatapos si Jay sa pag-aaral para kinabukasan.

b. Nagsisinungaling sa Mae para hindi masaktan ang ina sa kanyang

kasalanang nagawa.

c. Saksi si Jimboy sa ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa mga

magulang pero hindi siya nagsabi dahil baka patigilin ito sa pag-aral.

d. Alam ni Jun na may katiwalian sa pinapasukang trabaho ngunit hindi niya

masabi sa may-ari dahil anak nito ang manager niya.

Page 10: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

3

12. Si Ana ay mahigpit sa kanyang nag-iisang anak na babae. Anong uri ito na

paglabag ng kalayaan?

a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa

b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan sa lahat

13. Paano maipakikita ang tunay na kalayaan?

a. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan.

b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.

c. Ang kakayahang pumili sa gustong gawin.

d. Ang magamit sa inasahan ng tao.

Para sa bilang 14 -15.

Nitong kasalukuyang taon kasabay sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan

may mga taong nagpoprotesta parin laban sa pamahalaan. Ito ay isang paglabag sa

kautosang “Social Distancing”. Dahil dito, hinuli sila at pansamantalang ikinulong.

14. Sa sitwasyon ito, nawala ang_________________________________________

a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa

b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan sa lahat

15. Ang pagprotesta ng grupo ay pagpapakita ng bawat isa bilang malayang

mamamayan. Dahil ito sa uri ng kalayaan na:

a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa

b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan sa lahat

Balikan

Tayo ay magbabalik-aral sa nagdaang modyul, napapaalahanan ka nito sa

paghubog ng konsensiya batay sa likas na batas moral. Ito rin ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos ng tao. Hindi ba natututunan mo na ang konsensiya ay tinig ng budhi na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa gitna ng isang moral na pagpapasya? Kaya inaasahan sa iyo ang isang maikling sanaysay iyong journal tungkol sa nagdaang aralin.

Kaya, habang ikaw ay nagpapatuloy sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman,

siguradong may marami ka pang kang mapag-aralan o ‘di kaya’y mapapatunayan sa aralin.

Makulay ito! Bakit? Tunghayan ang mga larawan para sa susunod na gawain.

Tuklasin

Page 11: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

4

Gawain 1. Panuto: Gamit ang pagsusuri ng larawan sundin lamang ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan at bilugan ang larawan kung ito ay nagpapakita ng KALAYAAN at lagyan ng ekis kung ito ay hindi.

2. Kopyahin ang pantig na nakapaloob sa larawan na nagpapakita ng kalayaan sa patlang at bumuo ng dalawang salita.

3. Ipaliwanag ang nabuong dalawang salita at ang kaugnayan nito sa kahulugan ng kalayaan. Gamiting gabay ang mga larawan na iyong natuklasan.

8

LING

LI

PAG

TA

Page 12: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

5

\

KOD KAD

MA

SA

KIS

MA

Page 13: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

6

Mahusay ang ipinakita mong galing upang masuri ang mga larawan na ipinakita sa gawain 1. Kaya, bilang karagdagang pagsubok sa iyong pag-unawa, sagutan ang Mga Pokus na Tanong.

Gawain 2. Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ibigay ang dalawang salita na nabuo sa pagsusuri ng mga larawan: ___________________________________at_________________________________

Ipaliwanag kung ano ang tunay na kahulugan ng KALAYAAN batay sa dalawang salita sa pagsusuri ng mga larawan: _________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na krayterya.

Krayterya 15 puntos 10 puntos 5 puntos

Pagpapalinag sa pagsusuri ng larawan

Kung naipaliwanag na ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa pagmamahal at paglilingkod sa kapwa.

May paliwang pero hindi nabanggit na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa pagmamahal sa kapwa at paglilingkod sa kapwa.

Kung hindi naipaliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

Suriin

PAG

HAL

Page 14: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

7

Feel mo ba ang iyong kalayaan? Sana naman, kasi ako feel na feel ko ito. Tingnan mo ang larawan. Kaya, kaway-kaway naman d’yan dahil alam kong ramdam mo ang iyong kalayaan. Tunghayan natin ito:

Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan

Narinig mo na ba ang katagang ito? O ‘di kaya’y nasambit mo narin ito? “walang basagan ng trip”. Nanganahulugan ba ito ng paggamit ng kalayaan? Ang kagustuhan nating gawin ang mga bagay-bagay ang may limitasyon. Ngunit ang paggawa ng mabuti sa sarili at para sa kapwa ay walang limitasyon. Kaya habang lumalaki ang tao kailangan niyang malaman ang totoong kahulugan ng kalayaan.

Ang tunay na kalayaan ay isang determinasyong gumawa ng mabuti na may kaakibat na responsibilidad. Halimbawa, pangarap ni Jess ang pagiging isang doktor kaya sa kanyang propesyon naglilingkod siya ng mabuti lalong-lalo na sa mga mahihirap na pasyente. Isa ito na nagpapakita ng totoong paggamit ng kalayaan. Dahil nga nilikha ang tao na mabuti kaya dito natin makukuha ang tamang gabay na magtuturo sa atin ng tamang kahulugan ng kalayaan na may kasamang responsibildad.

Uri ng Kalayaan

• Kalayaan mula sa (freedom from). Habang nagkaka-isip ang tao nagkakaroon ang tao ng kamalayan sa ibig sabihin ng kalayaan. Ang kalayaan na ito ay ang kaalaman ng tao na ang totoong nakahahadlang sa kanyang mga kilos ay hindi iba kundi nagsisimula sa kanyang sarili. Halimbawa, si Samantha ay humingi ng payo sa kanyang kaibigan ngunit sa bandang huli ang tunay na nararamdaman ng kanyang puso at isipan parin ang kanyang susundin.

• Kalayaan para sa (freedom for). Bilang lipunang nilalang ang kaugnayan sa kalayaan na ito ay ang gawin una ang kapwa bago ang sarili. Dahil sa ating mga karanasan nagkakaroon ang tao ng malayang pagpili. Ang kakakayahang pumili sa mga pagpipilian ay walang alinlangan na galing sa kalayaan. Samakatuwid, kailangan maging malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging malaya sa pagtugon dahil sa pagmamahal at paglilingkod sa kapwa. Halimbawa, si Sam ay mahilig maglaro pero sa tuwing inuutusan siya ng kanyang mga magulang upang alagaan ang bunsong kapatid ay ginagawa niya.

Mga Tala para sa Guro

Ang responsibilidad ay hindi

lamang pananagutan kundi ito ay kakayahan o abilidad na magbigay

paliwanag.

Whooo! Ang sarap maging

malaya!

Page 15: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

8

Pagyamanin

Yan ang “millennial” masigasig matuto at dahil naging matiyaga ka sa pagbabasa ng aralin ay binabati kita! Kung kaya, inaanyayahan kitang muling magpatuloy at

pagyamanin ang iyong kaisipan. Sundin lamang ang panuto: Upang masubok ang lalim ng iyong nalalaman sa tunay na kahulugan ng kalayaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong journal.

1. Ano ang tinatawag na tunay ng kalayaan? Ipaliwanag. 2. Paano nauugnay ang kalayaan sa responsibilidad? 3. Ipaliwanag ang dalawang uri ng kalayaan. 4. Tunay ka bang malaya? Pangatwiranan 5. Sa iyong palagay, bakit inaasahang gamitin ang pagiging malaya sa paggawa ng

mabuti? Ipaliwanag.

Isaisip

Kayang-kaya diba! Siguro naman ay mas malawak na ang iyong

pagkakaintindi sa ating aralin. Kung kaya pamamagitan ng pagninilay balikan mo ang iyong mga isinagawang kilos o gawain sa pagiging malaya noong nakaraang linggo. Batay sa mga karanasan mo na may kaugnayan sa pag-aaral mo ng modyul na ito, sana ay matukoy mo ang iyong mga naging reyalisasyon. Isulat ang iyong pagninilay sa journal.

Isagawa

Malapit na nating matapos ang aralin sa modyul na ito. Kung kaya mas

napapahanga ako sa iyo dahil masusi ang iyong pagsasagawa ng bawat gawaing inilaan para sa iyo sa modyul na ito. Okay ka lang ba?

Sa pagkakataong ito magbigay ng ginawang angkop na kilos na nagsasabuhay sa

paggamit ng tunay na kalayaan. Sundin lamang ang panuto:

1. Balikan mo naman ang iyong mga naging pasiya at kilos nitong nagdaang araw. 2. Isa-isahin mo ang mga negatibong katangiang naipamalas mo na naging hadlang sa

paggamit ng tunay na KALAYAAN. 3. Ibigay ang ginawang angkop na kilos na nagsasabuhay sa paggamit ng tunay na

kalayaan 4. Gamiting gabay ang nasa ibaba. 5. Isulat ang iyong sagot sa journal.

Page 16: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

9

MGA NEGATIBONG

KATANGIAN NA NAGING

HADLANG SA AKING

PAGGAMIT SA TUNAY NA KALAYAAN

Halimbawa: Pagiging mapagmataas (pride)

MGA SITWASYON NA NAIPAKITA KO

ITO Nagkatampuhan kami ng kaibigan ko, hindi ko siya binabati at hindi ako hihingi ng paumanhin kasi para sa akin siya ang may kasalanan kaya siya ang dapat maunang gumawa ng hakbang para magbati kami.

ANO ANG NAGING EPEKTO

SA AKIN AT SA AKING KAPUWA? Isang lingo kaming hindi magkabati, nag-iiwasan, at hindi komportable sa presensiya ng isa’t-isa. Naapektuhan ang kanyang pag-aaral dahil hindi siya pumasok sa klase.

GINAWANG ANGKOP NA KILOS NA

NAGSASABUHAY SA PAGGAMIT NG TUNAY

NA KALAYAAN Ako ang unang nakipagbati sa kanya dahil ayokong maapektuhan ang kanyang pag-aaral. Ang pagpapakumbaba hindi kabawasan sa aking pagkatao kundi nagpapakita ito ng aking katapangan sa pagharap sa hamon ng buhay.

Ikaw naman: 1. 2. 3. 4. 5.

1. 2. 3. 4. 5.

1. 2. 3. 4. 5.

1. 2. 3. 4. 5.

Krayterya sa Paggawa HAKBANG PARA MAITAMA ANG NEGATIBONG KATANGIAN NAGAWA

25 Puntos -Nakapaglalahad ng totoong epekto sa negatibong katangian nagawa.

20 Puntos -Nakapagbigay ng epekto sa negatibong katangian nagawa.

15 Puntos -Naipakita epekto ng negatibong katangian nagawa.

10 Puntos -Ang mga kilos na naipakita ay hindi masyadong epekto sa negatibong katangian nagawa.

5 Puntos -Hindi masyadong angkop ang epekto sa negatibong katangian nagawa.

Page 17: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

10

Tayahin

O, ayan nandito kana sa paggawa ng halos panghuling gawain, na malalaman mo na ganap na ang iyong kaalaman at karunugan sa pagkakataong ito. Kung

kaya ay sundin ang panuto nitong huling bahagi ng pag-aaral mo ng modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng

pinakatamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang kalayaan ng tao ay may kaakibat na___________.

a. Responsibilidad c. Dignidad

b. Karapatan d. Konsensiya

2. Anong uri ng kalayaan na ang totoong kaalaman ng tao ay nakahahadlang sa

kanyang sarili mismo?

a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa

b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa

3. Sinamahan ni Lydia ang kanyang kapatid sa hospital kahit na mag pangamba sa

pandemya ng covid – 19. Ito ay ang responsibilidad niyang kakayahang tumugon sa

tawag ng pangangailangan. Ano ang ipinahiwatig sa pahayag na ito?

a. Tama, dahil ang tunay na responsibleng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa.

b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.

c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit

ng tao.

d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na

ginawa.

4. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan?

a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.

b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.

c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.

d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.

5. Ano ang batayan ng kalayaan?

a. sip c. batas moral

b. Konsensiya d. dignidad

6. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugan

sa uri na:

a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa

b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa

7. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan,

maliban sa:

Page 18: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

11

a. Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya

b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat

c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral

d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito

8. Saan nagmula ang pinakamalaking hadlang ng kalayaan?

a. Sa kapwa c. Sa sarili

b. Antas ng pamumuhay d. sa pagiging Malaya

9. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?

a. Nagagawa ni Andrew mamasyal kahit limitado ang oras

b. Kahit pagod pag-uwi ang ama nasi Jonel ay nagagawa niyang tulungan ang anak

sa mga takdang aralin.

c. Inamin ni Clavel ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.

d. Hindi mahiyain si Luz kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.

10. Higit na malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Ano ang mensahe nito?

a. Ang pagiging Malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.

b. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.

c. Ikaw ay Malaya kapag may ginawa ka.

d. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti

11. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng

kalayaan, maliban sa:

a. Nagsusumikap makatapos si Jay sa pag-aaral para kinabukasan.

b. Nagsisinungaling sa Mae para hindi masaktan ang ina sa kanyang kasalanang

nagawa.

c. Saksi si Jimboy sa ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa mga magulang

pero hindi siya nagsabi dahil baka patigilin ito sa pag-aral.

d. Alam ni Jun na may katiwalian sa pinapasukang trabaho ngunit hindi niya masabi

sa may-ari dahil anak nito ang manager niya.

12. Si Ana ay mahigpit sa kanyang nag-isang anak na babae. Anong uri ito na paglabag

ng kalayaan?

a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa

b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa

13. Paano maipakikita ang tunay na kalayaan?

a. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan.

b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.

c. Ang kakayahang pumili sa gustong gawin.

d. Ang magamit sa inasahan ng tao.

Page 19: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

12

Para sa bilang 14 -15.

Nitong kasalukuyang taon kasabay ng pagdiriwang sa araw ng kalayaan

may mga taong nagpoprotesta parin laban sa pamahalaan. Ito ay isang paglabag sa

kautusang “Social Distancing”. Dahil dito, hinuli sila at pansamantalang ikinulong.

14. Sa sitwasyon ito, nawala ang ___________________________________________

a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa

b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa

c.

15. Ang pagprotesta ng grupo ay pagpapakita ng pagpapakita ng bawat isa bilang

malayang mamamayan. Ito dahil sa uri ng kalayaan na:

a. Kalayaan para sa c. Kalayaan dahil sa

b. Kalayaan mula sa d. Kalayaan lahat sa

Karagdagang Gawain

Yehey! Matatapos mo na ang modyul at dahil naging matiyaga ka sa iyong pag-

aaral, ito ay handog ko sa iyo. Tunghayan ang isang awitin at matapos itong mapakinggan ay gawin ang gawain sa ibaba bilang pabaon na magagamit mo sa susunod na aralin.

ANAK

Inawit ni:Freddie Aguilar

Video ni: yson uzumaki

Nung isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila

Ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo

Di malaman ang gagawin

Minamasdan

Pati pagtulog mo

At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay

Sa pagtimpla ng gatas mo

At sa umaga naman kalong k any iyong

Amang tuwang-tuwa sa yo’

Ngayon nga ay Malaki ka na

Nais mong maging malaya

Di man sila payag

Walang magagawa

Page 20: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

13

Ikaw nga biglang nagbago

Nagging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila’y

Sinuway mo

Di mo man lang inisip na ang

Kanilang ginagawa’y para sa yo’

Pagka’t ang nais mo’y masunod

Ang laya mo di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw

At ang landas mo’y naligaw

Ikaw ay nalulong

Sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan

Ang iyong inang lumuluha

At ang tanong anak

Ba’t ka nagkaganyan

At ang iyong mata’y biglang lumuha

Ng di mo napapansin

Pagsisi at sa isip mo’t nalaman

Mong ika’y nagkamali

Pagsisi at sa isip mo’t nalaman

Mong ika’y nagkamali

Pagsisi at sa isip mo’t nalaman

Mong ika’y nagkamali

Ops! Dahil matatapos mo na ang modyul na ito, sana ay patuloy na pagyamanin ang

iyong kaalaman. Huwag kalimutang sagutan ang Mga Pokus na Tanong:

1. Tungkol saan ang awiting iyong napakinggan?

___________________________________________________________________

2. Ano ang kaugnayan ng awit at sa tunay na kahulugan ng kalayaan? ___________________________________________________________________

3. Anong pagninilay ang nabuo sa iyong isipan matapos mong mapakinggan itong napakagandang awitin? ___________________________________________________________________

Page 21: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

14

Susi sa Pagwawasto

Sana nag enjoy ka? At masisyahan ka na malalaman mo na sa bahaging ito ang

mga sagot sa mga gawain, aralin at subukin. Dahil sa bahaging ito ay masusubok mo ang iyong pagiging tapat hindi lang sa iyong guro, sa iyong sarili, kundi lalo’t higit sa ating Diyos na Maykapal na hindi nalulugod na makita ang bawat isa satin na lumalabag sa batas na magbibigay sa atin ng pagkakataon o oportunidad na maging tunay na makatao at maka-Diyos.

Karagdagan pa ay ang kaligayahang iyong mararamdaman dahil sa iyong katapatan at dahil diyan ay tunay kami na mga tagapag-padaloy ng karungan ay lubos din na masisiyahan at makakaramdam ng tunay na kaganapan.

Subukin

1. A

2. B

3. A 4. D

5. C 6. A

7. A 8. C

9. B

10. D 11. A

12. A 13. B

14. A

15. B

Tuklasin

Gawain 1 Pagmamahal

at Paglilingkod

Gawain 2 Nakadepende sa

Krarterya ng Paggawa

Pagyamanin Gawain 1 at 2

Nasa guro ang

pagpapasya kung tama

Isaisip Nasa guro ang

pagpapasya kung

tama

Isagawa Tuklasin Nakadepende sa

Krarterya ng Paggawa

Karagdagang Gawain Nakadepende sa guro ang pagmamarka

Page 22: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

15

De Torre, Joseph M. Christian Philosophy. Manila: Sinag-tala Publisher (1980). Dy, Manuel Jr. B. Philosophy of Man (Selected Readings). Quezon City: Katha

Publishing co., Inc. (2012)

Esteban, Esther J. Education in Values: What, Why and for Whom. Manila: Sinag- tala Publishers, Inc. (1990).

Philip, J. I Choose to be Free: The Power of Faith Hope & Charity. Manila: Sinag-tala Publishers (2006)

Lipio, Felicidad C. Konsensiya para sa mga Katolikong Pilipino. NB. Manila. (2004) Quito, Emerita S. Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc. (2008) Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010 Gabay sa

Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig City: Awtor

Philosophy of Freedom (n.d.) Retrieved June 20, 2009 from

http:en.wikipedia.org/wiki/Philosophy of Freedom

Freedom (philosophy) (n.d.) Retrieved June 20, 2009 from http:en.wikipedia.org/wiki/Freedom Dy, Manuel Jr. Liberation and Values. Chapter VIII. Retrieved October 16, 2014, from

www.books.google.com.ph/books?d=GT7KOQ

McKay B & K. (2012/. A Man’s Life, On Manhood, Personal Development. Retrieved October 14, 2014, from http://www.artofmanliness.com/2012/02/21freedom-from-freedom-to/

Anak ni Freddie Aguilar; music video by Yson Uzumaki www.youtube.com

https//brainly.ph.responsibilidad.com

Sanggunian

Page 23: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak

16

Para sa mga Tanong at Puna, maaari na sumulat o tumawag sa: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Kawanihan ng mga Kaalaman Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City

Telefax: (088) 813- 3634

E-mail Address: [email protected] Website: www.Depedbukidnon.net.ph

Page 24: Unang Markahan - Modyul 3 Ang Tunay na Kalayaan · ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak