23
PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Dahil sa kakayahan ng tao na angat sa iba pang nilikha, inaasahang gagamitin niya ang kakayahang ito upang gawin at piliin ang tama sa isang situwasyon. Paano niya gagamitin ang kakayahan niyang mag-isip at kakayahan niyang pumili? Subukin mo ito sa iyong sarili. May mga situwasyon sa ibaba na karaniwang kinakaharap ng isang kabataang katulad mo, sakaling mangyari ang parehong situwasyon saiyo paano mo ito haharapin? Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon. Bilang isang nagdadalaga at nagbibinata, ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga mga situwasyong ito. Gamit ang ilustrasyon ng angkop na speech balloon, isulat sa iyong kuwaderno ang iyong iisipin at gagawin sa bawat situwasyon. Isulat sa loob ng speech balloon na ito ang dapat na iisipin Isulat sa loob ng speech balloon na ito ang sasabihin o gagawin

aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

  • Upload
    others

  • View
    310

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN ATPAG-UNAWA

Dahil sa kakayahan ng tao na angat sa iba pang nilikha, inaasahang

gagamitin niya ang kakayahang ito upang gawin at piliin ang tama sa isang

situwasyon. Paano niya gagamitin ang kakayahan niyang mag-isip at kakayahan

niyang pumili? Subukin mo ito sa iyong sarili. May mga situwasyon sa ibaba na

karaniwang kinakaharap ng isang kabataang katulad mo, sakaling mangyari ang

parehong situwasyon saiyo paano mo ito haharapin?

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon. Bilang isang nagdadalaga at

nagbibinata, ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga mga situwasyong ito.

Gamit ang ilustrasyon ng angkop na speech balloon, isulat sa iyong

kuwaderno ang iyong iisipin at gagawin sa bawat situwasyon.

Isulat sa loob ng speech balloon na ito ang dapat na iisipin

Isulat sa loob ng speech balloon na ito ang sasabihin o gagawin

Page 2: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

1. Nagmamadali kayong magkaibigan. Malayo pa ang overpass o tulay kaya

kahit na may nakasulat na, “Bawal Tumawid,” hinikayat ka ng iyong kaibigang

tumawid na hindi dadaan sa overpass o tulay. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Higit na mabilis tayong makakarating sa pupuntahan natin kung basta tatawidna lang tayo kaysa umakyat sa overpass. Walanamang pulis kaya, halika na.

2. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa iyong mga magulang

sinita ka nila at hinihingian ng paliwanag. Takot sabihin ang totoo dahil baka

lalo kang pagalitan. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Bakit gabi ka nang umuwi? Hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta para hindi kami nag-aaalala saiyo.Sabihin mo sa amin ngayon angnangyari.

Page 3: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

3. Mahaba ang pila sa kantina nakita mong malapit na sa unahang pila ang

iyong bestfriend at niyaya ka niyang pumuwesto na sa kanyang likuran upang

mapadali ang pagkuha mo ng pagkain. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Tumayo kana dito sa tabi ko para ikaw na ang nakasunod sa akin.

4. May iniinom kang juice, nang maubos ito wala kang makitang basurahan

kaya’t sabi ng kaibigan mo itiapon mo na lang ito sa iyong dinadaanan.

Iwanan mo na lang yan diyan

alangan naming bitbit mo yan kahit

saan tayo pumunta.

Page 4: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

5. Pakiramdam mo ikaw ang pinag-uusapan at pinagtatawanan ng dalawa mong

kaklase. Nasabi mo ito sa iyong kaibigan at ang sabi niya komprontahin ninyo

pagkatapos ng klase. Ano ang iisipin at gagawin mo?

Mamaya pagkatapos ng klase, abangan natin ang dalawang iyan.

Mga Tanong:

Isulat sa kuwaderno ang sagot.

1. Tugma ba ang iyong sinulat na iisipin at gagawin sa bawat situwasyon?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Ang iyong dapat na iniisip ay lagi bang tugma sa iyong ginagawa?

Ipaliwanag.

3. Bakit may pagkakataong tama at wasto ang naiisip mong gawin subalit

hindi ito ang iyong ginagawa?

Page 5: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

4. Kapag naisip mong hindi tama ang iyong ginawa, binabago mo ba ito?

Bakit oo? Bakit hindi?

5. Paano mo mapangangatawanang gawin ang mga mabuting bagay na

iyong iniisip?

Ano ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan

ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang tama kahit

pa alam niya ito, may kakayahan pa rin siyang mag-isip ng paraan upang baguhin at

paunlarin ito.

PAGPAPALALIM

TAO: ANG NATATANGING NILIKHA

Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo:

ang halaman, ang hayop at ang tao. Katulad sa halaman, ang tao ay

nangangailangang alagaan upang lumaki, kumilos at

dumami. Kumukuha siya ng sapat na sustansya upang

makaya niyang suportahan ang sarili. Katulad sa hayop

ang tao ay may damdamin kaya’t siya’y nasasaktan,

marahil dahil sa kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot

siya sa kalamidad o sa epekto ng pangyayari na hindi

inaasahan. Nagagalit siya kapag pinakitunguhan nang hindi tama subalit

kumakalma sa tuwing pinakitaan ng pagkalinga. Subalit higit pa sa mga ito ang

kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa “wangis ng Diyos”, kaya

nga ang tao ay tinatawag na kanyang obra maestra.

Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?

Page 6: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na

nagpapadakila sa kanya. Ang mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya,

katangiang taglay lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang

nilikha. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang

sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o katawan.

Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin

ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may

kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-

alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Kaya’t ang

isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness),

konsensya (conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual memory)

batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.

Puso. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa

buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay

na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya

at emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao.

Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago.

Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay

sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at

pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit

sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Hindi sapat na

naiisa-isa ng tao ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, ang

mahalaga ay maunawaan niya kung anu-ano ang gamit ng mga

ito. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang ginagamit

upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan. Sa

Page 7: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang

kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipag-uganayan sa ating kapwa.

Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at

magpasya nang malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatuwiran ay tinatawag

na isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay

tinatawag na kilos-loob.

Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.

Isip Kilos-loobGamit Pag-unawa Kumilos / gumawaTunguhin Katotohanan Kabutihan

Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t

patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa

katotohanang natuklasan. Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong upang makamit

ang katotohanang ito. Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan, maaari siyang

gumawa para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Dahil ang isip ng tao ay may

limitasyon at hindi ito kasing perpekto ng Maylikha, siya ay nakadarama ng

kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi nagtatapos;

ang katotohanan ang tunguhin ng isip.

Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa

paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino ay isang

makatwirang pagkagusto (rational appetency),

sapagkat ito ay pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti

at lumalayo sa masama. Kung kaya’t ang tunguhin ng

kilos-loob ay ang kabutihan. Ang kilos-loob ay hindi

naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman

magugustuhan ang mismong masama. Nagaganap

lamang ang pagpili sa masama kung ito ay nababalot

ng kabutihan at nagmumukhang mabuti at kaakit-akit.

Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na

impormasyon ng isip. Naiimpluwensyahan ng isip ang

Samakatuwid ang isip at

kilos-loob, tulad ng katawan, ay

kailangang sanayin at

linangin upang magampanan

ng mga ito ang kani-

Page 8: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam

o nauunawaan. Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at

pumili, kung kaya’t ang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.

Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.

Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao ang

pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piliing

gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin

at linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin. Kung hindi,

magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa pagkamit ng

kaganapan ng tao.

Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang

isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang

tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa

tao. Inaasahang magkasabay na pinauunlad ng tao ang

kanyang isip at kilos-loob. Habang marami siyang

natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan

ng pag-aaral o pagsasaliksik, inaasahan ding

naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang

paggamit ng mga ito. Sa gayon, higit siyang magiging

mabuting nilalang na may mabuting kilos-loob. Ang katalinuhan ay hindi nasusukat

sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan, kundi kung paano ginagamit ang

kaalaman upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglingkod

sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan. Natatangi ang tao dahil sa

kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa kanyang kalikasan … ang

magpakatao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan

upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad

ng pagkatao.

Page 9: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

Sadyang natatangi ang tao dahil sa kanyang isip at kilos-loob na taglay. Hindi

tayo magiging tao kapag hindi natin ginamit sa tama ang kakayahang ito katulad sa

larawan sa naunang bahagi ng modyul na ito. Malaking gampanin ang kumilos tayo

nang tama bilang isang taong mapanagutan sa paggamit ng isip at malayang kilos-

loob

Handa ka na ba upang tuklasin ang kaalamang natutuhan mula sa araling ito?

Tayahin natin ang iyong pag-unawa:

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong

naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

1. Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang “kawangis ng Diyos”?

2. Paano nagpapabukod-tangi sa tao bilang nilikha ang isip at kilos-loob?

3. Paano naipakikita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-araw-

araw na kilos?

4. Ano ang inaasahan na dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikhang may isip

at

kilos-loob?

Anong konsepto aang naunawaan mo mula sa babasahin. Sagutin ito sa iyong

kuwaderno gamit ang graphic organizer.

Page 10: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

Ang tao ay na nilalang dahil siya ay may:

Isip na Kilos-loob na

Ang gamit ng isip ay Ang gamit ng kilos-loob ay

Ang tunguhin ng isip ay Ang tunguhin ng kilos-loob ay

Kaya, nararapat na , , at ang

isip at kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang kakayahang ito ng tao.

Page 11: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

PAGSASABUHAY ANG MGA PAGKATUTO

Ngayon na ganap mo nang naunawaan hindi lamang ang

gamit ng isip at kilos-loob kung hindi pati na ang tunguhin nito, mahalagang suriin

kung tugma ba ang iyong kinikilos o ginagawa sa kakayahang taglay mo?

Pagganap

Panuto:

Bilang indibiduwal na may isip at kilos-loob may tungkuling nakaatang sa iyo

na dapat mong isabuhay. Suriin mo ang iyong sarili kung alam mo ang mga ito at

kung tugma ang kilos mo sa iyong kaalaman.

Nakatala ang ilang tungkulin ng isang kabataang katulad mo. Suriin mo kung

alam mo ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolong tsek () o ekis

(×) sa tapat nito. Suriin din kung ginagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng

parehong simbolo. Gabay mo ang halimbawang ibinigay.

Tungkulin Alam ko Ginagawa ko Natuklasan

Halimbawa:

Pumili ng musikang pakikinggan. ×

Sumusunod lang ako sa uso atmga gusto ng aking mga kaibigan

Wastong paggamit ng computer,internet, at iba pang gadgets.

Mag-aral nang mabuti kahit walangpagsusulit kailangang magreview

Pumasok nang maaga o sa tamangoras.Paggawa ng takdang-aralin atproyekto at pagpasa nito sa takdang oras.Pakikiisa sa paglilinis ng amingsilid-aralan.

Page 12: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

Tumulong sa mga gawaing bahaylalo na ang paggawa ng gawaing nakatakda sa akin.Magkaroon ng mabuting ugnayansa kapatid.Sumunod sa patakaran na itinakdang magulang.Magsimba at magtatag ng ugnayan sa Diyos.Makiisa at makipagtulungan saproyekto ng pamayanan o baranggay na kinabibilangan.

Pagninilay

Sumulat ka ng isang pagninilay tungkol sa natuklasan mo sa paggamit mo ng

iyong isip at kilos-loob, nagtugma ba ang dalawang ito? Sagutin ang tanong na:

Ano-ano ang natuklasan ko sa paggamit ko ng aking isip at kilos-loob?

Magkatugma ba ang aking alam sa aking ginagawa?

Hindi sapat na may isip ka at pumipili ka ng bagay na dapat gawin. Mahalagang

hinahanap mo ang katotohanan at ginagawa mo ang kabutihan. Hindi madali ang

prosesong ito. Sa pagsisikap nating gawin ang tama, walang madaling paraan sa

paggawa nito.

Page 13: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

Pagsasabuhay

Nais mo bang maging tugma ang alam mong tama sa iyong ginagawa at

malinang ang tamang paggamit ng isip at kilos-loob? Narito ang paraan kung paano

ito isasakatuparan. Sundan ang mga hakbang:

1. Mula sa mga nakatalang tungkulin sa bahaging pagganap, pumili ng lima na

nais mong paunlarin upang magtugma ang alam ng iyong isip sa ginagawa ng

iyong kilos-loob.

2. Tukuyin din ang paraan o hakbang na iyong gagawin. Sa tapat ng bawat

paraan ay maglagay ng pitong kolum na kakatawan sa pitong araw na mayroon

sa isang linggo.

3. Lagyan ng tsek () ang kolum kung naisagawa sa naturang araw ang

pamamaraan na naitala at ekis () kung hindi. Gawin ito sa loob ng dalawang

linggo. Gamitin mong gabay ang halimbawa sa ibaba.

Tungkulin na naisisakatuparan

upang maging tugma ang alam

ng isip saginagawa ng kilos-

loob

Paraan o Hakbang naGagawin

Araw

Lune

s

Mar

tes

Miy

erku

les

Huw

ebes

Biy

erne

s

Sab

ado

Ling

go

Pumili ngmusikang pakikinggan.

a. Suriin ang liriko ng awitin. × ×

b. Maging sensitibo sa idinudulot na epekto nito sa akin.

× ×

Maligayang bati! …. Hinahangaan kita dahil sa iyong pagiging

matiyaga sa pagtatapos ng modyul na ito. Nawa’y paghandaan mo ang

susunod na aralin tungo sa landas ng iyong pagiging mabuting tao!

Page 14: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang

Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet)

Mga Sanggunian:

Brenan, Robert Edward (1948). The Image of His Maker. Milwaukee: The Bruce PublishingCompany.

Esteban, Esther J. (1990). Education in Values: What, Why and for Whom. Manila: Sinag- tala Publishers Inc.

Institute for Development Education Center for Research and Communication (1992).Perspective: Current Issues in Values Education 4. Manila: Sinag-tala Publishers Inc.

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig City: Awtor

Intellect, Will, and Feelings in the Process of Fulfillment (n.d.) Retrieved June 3, 2009 from ht t p : / / ww w . cor m ac b u r k e . or . k e / n o d e / 1 1 3

The Philosophy of Man: A Brief introduction to Rational Psychology adapted from various sources and edited by Jonathan Dolhenty, Ph.D. (n.d.) Retrieved June 1, 2009 fromhtt p: //r adicalacadem y. com /j dpsyc holog y8.htm

4 Ang Puso (n.d.) Retrieved November 11, 2009 from ht t p : / / ds p a d u a. tr i p o d . c o m / k a l u l u w a 4 . ht m l

Page 15: aquireligion.weebly.com · Web viewAno ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang