11
Characters in the script: Marcos- Troy Anita- robie Ina- norj Don Teong-karl Ama-jester Mensahero- jerese Tagapagsalita- aki and ceci Kalabaw-drawing Kapitbahay-pau and elea Kampanera-jhen *billyvhong background song* Tagapagsalita: ang kwento natin ngayon ay pinamagatang: Walang Panginoon” Tagapagsalita: sa kasalukuyan… *echo* (*tunog ng animas* Teng! Teng! Ding! Ding!) *Jennifer* Marcos: *pipikit at tatakpan ang kanyang taynga* Tapos na ba? Tapos na ba? Tapos na ba? Ina ni Marcos: Tapos na, Marcos, tapos na!

Walang Panginoon Script

Embed Size (px)

DESCRIPTION

km

Citation preview

Page 1: Walang Panginoon Script

Characters in the script: 

Marcos- TroyAnita- robieIna- norjDon Teong-karlAma-jesterMensahero- jereseTagapagsalita- aki and ceciKalabaw-drawingKapitbahay-pau and eleaKampanera-jhen

*billyvhong background song*Tagapagsalita: ang kwento natin ngayon ay pinamagatang:“ Walang Panginoon”Tagapagsalita: sa kasalukuyan… *echo*

(*tunog ng animas* Teng! Teng! Ding! Ding!) *Jennifer*

Marcos: *pipikit at tatakpan ang kanyang taynga* Tapos na ba? Tapos na ba? Tapos na ba?

Ina ni Marcos: Tapos na, Marcos, tapos na!

Ina ni Marcos: Pero… bakit ba ayaw mong marinig ang oras para sa kaluluwa? marami kang dapat ipagdasal. Ang iyong ama, ang panganay mong kapatid at si bunso… saka… saka si Anita.

Marcos: *hindi kumikibo na parang walang naririnig…*

Page 2: Walang Panginoon Script

Tagapagsalita: Hindi kumikibo si Marcos ngunit sa kanyang loob ay may nagsasalita.

Ina: *aalis ng saglit sa scene*

Marcos: Sila, lalung-lalo na si Anita, ang dahilan kung bakit ayaw kong marinig ang tunog ng animas.

Ina: *babalik sa scene* Pumunta ka dun kila Bastian, may kantahan at sayawan, masisiyahan ka dun.

Marcos: Inay naman!

Tagapagsalita: Habang nag-uusap ang dalawa ay isang mensahero ang dumating.

Mensahero: *papasok sa scene* Mawalang galang ho pero ipinaguutos po na makaalis na ho kayo sa lupang ito.

Marcos: *galit na galit nang marinig ito* Inay, matulis ba ang itak ko! *maghahanap ng itak*

Ina: *pipigilan si Marcos* Anak naman! Bakit ka magiisip ng ganyan!

Tagapagsalita: Nahabag si Marcos sa tinig ng kanyang ina at nawala kaagad ang kanyang masamang balak. Nang oras din na yun, may nagbalik sa kanyang isipan.

Tagpagsalita: Ang sabi’y talagang mula sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang lupang iyon –walang sinuman ang nangialam sa kanilang pamumuhay rito.

Page 3: Walang Panginoon Script

Tagapagsalita: Nang isang araw ay may bigla na lamang dumating at nagsukat ng lupa na tila sa kanila ito.

Don Teong: *susukatin ang “lupa”*

Marcos, Ina, at Ama: *nagulantang sa mga pangyayari*

Tagapagsalita: FREEZETagapagsalita: Dahil wala silang pambayad ay pina-aalis sila. Kaya’t nagbayad na lamang sila ng buwis upang makapanatili rito.

Don teong: *nanghihingi ng pambayad*

Ama: *nagbigay na lamang ng buwis*

Tagapagsalita: Habang tumatagal ay lumalaki ang kanilang utang dahil sa mga kung anu-anong kasunduan. Dahil na rin sa sama ng loob kay Don Teong ay namatay ang ama ni Marcos… at ang kanyang kapatid naman dahil sa paglilingkod sa bahay nito.

Ama: *mamamatayTagapagsalita: …at ang kanyang kapatid naman dahil sa paglilingkod sa bahay nito.

Kapatid: *mamamatay*

Tagapagsalita: At higit sa lahat ay namatay si Anita dahil nahuli itong kasama si Marcos isang gabi.

Page 4: Walang Panginoon Script

Tagapagsalita: Lihim na naging kasintahan ni marcos si Anita ng mahigit isang taon.

Tagapagsalita: Hindi siya nag-atubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita. At naibigan naman siya ng anak ni Don Teong…… Minsan ay namangka si Anita sa kanilang ilog, dito lalong napaibig si Anita kay Marcos…

Anita: *namamangka*

Marcos: *lihim na sinusundan ang dalaga*

Anita: *mahuhulog sa tubig*

Marcos: *sasagipin si Anita*

Tagapgsalita: Makaraan ang ilang buwan nang mailigtas ni Marcos si Anita sa pagkalunod ay nagtapat na rin ito ng pagibig.

SLOW MO. *background music*

Marcos: manok ka ba?Anita: bakit?Marcos: kasi nandito ka sa puso ko kahit CHICKEN mo pa.Anita: alam mo para kang Shades..Marcos: bakit? Kasi bagay ako sayo?Anita: hindi, kasi nagdidilim paningin ko pag nakikita kita.

*sound effect BASAG*

Anita: *pakime-kime pa* Marcos, matagal na rin naman kitang iniibig.

Page 5: Walang Panginoon Script

Tagapagsalita: Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang iyon na dati’y sa kanila at ngayo’y binubuwisan na nila.

Tagapagsalita: Naaalala pa ni Marcos ang pagtunog ng kampana mula sa simbahan isang takipsilim.

(*tunog ng kampana* Bang! Teng! Teng! Teng!)

Tagapagsalita: Si Anita lamang ang kilala niyang may sakit dahil sa pagkahuli sa kanila ni Don Teong isang gabi.

(Magkasama si Marcos at si Anita nang biglang dadating si Don Teong. Hihilahin niya si Anita pauwi.)

Tagapagsalita: Dahil dito’y lubos daw na sinaktan si Anita ni Don Teong.

(Binbugbog ni Don Teong si Anita.)

[ Kalokohan interlude –If ever idadagdag pa yung kantang “Aray” dito yun isisingit banda : )))) ]

Tagapagsalita: Naaalala pa ni Marcos kung paano niya sinubukang dalawin si Anita nang magkaroon ito ng sakit, ngunit hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber.

Marcos: *dadalawin ang bahay ni Anita*

Don Teong: *haharangin si Marcos na may hawak na rebolber a.k.a baril*

Page 6: Walang Panginoon Script

Tagapagsalita: Si Anita nga namatay.

(Ipapakitang patay na si Anita. Maghihinagpis si Marcos. : ))))

[Kalokohan interlude –if ever, itutuloy yung pagkanta ng or background music na “Dahil Sa Pag-ibig” dito siya isisingit. ]

Tagapagsalita: Matagal ng nagpapasensya si Marcos, ngunit sumosobra na ang pang-aapi sa kanila. Tila wala ng hustiya at katarungan sa mundo.

Ina: Huminahon ka a nak ko. Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliliit, magtiis tayo.

Tagapagsalita: Hindi na itinuloy ni Marcos ang paghahanap sa kanyang itak. Gustuhin man niyang balewaalain ang utos ng hukuman ay hindi niya magawa dahil iniisip niya ang kanyang ina na siyang nag-iisang natitira sa kanya.

Tagapagsalita: Dahil na rin sa kanyang ina ay naisip niyang magtrabaho na lamang sa ibang haciendang katulad rin ng kay Don Teong.

Ina: Marcos, dalawang linggo na lamang tayo dito pero hindi mo nakakausap si Don Teong… kung may magiging sukli pa tayo sa ating ani ngayon.

Marcos: Huwag po kayong mabahala, Inang. Nalalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan.

Page 7: Walang Panginoon Script

Tagapagsalita: Nabahala ang ina ni Marcos na tila may tinatago sa kanya ang anak.

Ina: Bakit hindi mo iniuwi ang paborito mong kalabaw sa bakuran?

Tagapagsalita: Ang huling kapasyahan ni Don Teong ay numakaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit hinihingi ng pagkakataon. Naalala niya ang sinabi ni Riza, na “Walang mang-aalipin kung walang nagpapaalipin.” Sa isip isip niya ay kailangan ng maputol ang kalupitan ni Don Teong.

Ina: Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter at latigo?

*sisingit ang kampanera*

Marcos: Inihahanda ko po yan para sa lilipatan nating asendero.

Tagapagsalita: Ang totoo ay ang kalabaw ni Marcos ay nasa lupa ni Don Teong. Pagdating ng takipsilim ay magdadamit siyang katulad ni Don Teong at saka papaluin ang kanyang kalabaw hanggang sa makita niyang halos apoy ang lumalabas sa mata ng hayop.

Marcos: *magdadamit na tulad ni Don Teong at aapihin ang kalabaw hanggang sa magalit ito ng lubusan*

Tagapagsalita: Kung dumarating si Marcos ay daratnan niyang nakaluhod ang kanyang ina sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.

Page 8: Walang Panginoon Script

(*dadating si Marcos at makikita ang ina na nakaluhod sa harap ng Santo Kristo.*)

Ina: Salamat, anak ko, at dumating ka. Akala ko’y napahamak ka na.

Tagapagsalita: Isang hapon, habang inihahanda na ng mag-ina ang kanilang pag-alis…

*Nagaayos ng gamit si Marcos at ang kanyang ina*

Kapitbahay: Mare, mare! Narinig niyo na ba?   Nasuwag ng kalabaw si Don Teong. Pagkakitang pagkakita pa lang ng kalabaw sa kanya, bigla na lang siyang sinugod.Kapitbahay: Oh? Talaga?

Tagapagsalita: Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan. Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa ay nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papano’ng ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa kanyang alaga.

Tagapagsalita: Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing iyon.

Tumutugtog ang animas. Hindi na gaya ng dati na ayaw niyang marinig. Sa halip na idalangin ang mga kaluluwang namatay, ang naisip niya ay ang matapang niyang kalabaw.

*Tumutugtog ang animas*

Page 9: Walang Panginoon Script

Marcos: *pabulong* Mapalad na hayop na walang panginoon. *tatawa ng malakas*