2
Pangalagaan ang iyong sarili laban sa Kulebra Ang LIBRENG BAKUNA ay maaari nang makuha ng mga taong may edad 70-79 Ang kulebra ay maaaring napakasakit at maaaring humantong sa mga malubha at matagalang komplikasyon. Ang pagbabakuna sa iyo ay hindi nagtatapos sa pagkabata. Mahalaga ring mabakunahan ang mga adulto. Ang mga taong may edad 65 taon o mahigit ay karapat-dapat sa iba pang mga libreng bakuna sa ilalim ng National Immunisation Program kabilang ang: Bakunang pneumococcal na maaaring bawasan ang panganib ng pagkakaroon mo ng pulmunya. Bakuna sa trangkaso na makukuha mula sa panahon ng Taglagas (Autumn) sa bawat taon upang pangalagaan ka laban sa mga bayrus ng trangkaso. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabakuna, bisitahin ang immunise.health.gov.au o tumawag sa Immunise Australia Information Line 1800 671 811 Ang kulebra ay maaaring maging napakasakit at humantong sa malulubha at matagalang mga komplikasyon. Kausapin ang iyong doktor o nars tungkol sa mga LIBRENG BAKUNA sa Kulebra

w Pangalagaan ang iyong sarili laban sa Kulebra...w Pangalagaan ang iyong sarili laban sa Kulebra Ang LIBRENG BAKUNA ay maaari nang makuha ng mga taong may edad 70-79 w Ang kulebra

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

w

Pangalagaan ang iyong sarili laban sa KulebraAng LIBRENG BAKUNA ay maaari nang makuha ng mga taong may edad 70-79

w

Ang kulebra ay maaaring napakasakit at maaaring humantong sa mga malubha at matagalang komplikasyon.

Ang pagbabakuna sa iyo ay hindi nagtatapos sa pagkabata. Mahalaga ring mabakunahan ang mga adulto.Ang mga taong may edad 65 taon o mahigit ay karapat-dapat sa iba pang mga libreng bakuna sa ilalim ng National Immunisation Program kabilang ang:

Bakunang pneumococcal na maaaring bawasan ang panganib ng pagkakaroon mo ng pulmunya.

Bakuna sa trangkaso na makukuha mula sa panahon ng Taglagas (Autumn) sa bawat taon upang pangalagaan ka laban sa mga bayrus ng trangkaso.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabakuna, bisitahin ang immunise.health.gov.au o tumawag sa Immunise Australia Information Line 1800 671 811

Ang kulebra ay maaaring maging napakasakit at humantong sa malulubha at matagalang mga komplikasyon.

Kausapin ang iyong doktor o nars tungkol sa mga LIBRENG

BAKUNA sa Kulebra

Ang pagbabakuna ay hindi sa pagkabataTanungin ang iyong doktor otagapag-bakuna tungkol sa iba pang libreng bakuna na maaaring karapat-dapat ka.

Kung nagka-kulebra na ako noon, kailangan ko pa rin bang magpabakuna?Pag-usapan ninyo ng inyong doktor o takapag-bakuna. Ang bakuna ay inirerekomenda pa rin sa mga taong nagkaroon na ng impeksyong kulebra noon. Gayunman, dapat kang maghintay ng isang taon man lamang matapos magkaroon ng kulebra bago ka magpa-bakuna.

Ligtas ba ang bakuna?Ang bakuna laban sa kulebra ay ligtas para sa karamihan ng mga tao na may edad na 70-79 taong gulang, kabilang ang mga taong may hindi gumagaling-galing namalalalang mga sakit.

Ang ilang mga tao ay hindi maaaring magpa-bakuna, lalo na yung mga taong lubhang humina ang immune system. Mangyaring makipag-usap sa iyong doktor para mapayuhan.

Ang mga pinaka-karaniwang epekto ng bakuna ay mangyayari sa paligid ng bahaging tinurukan, kabilang ang pamumula, pamamaga at/o pananakit. Paminsan-minsan maaaring sumakit ang ulo, mangati o mamantal sa may bahaging tinurukan.

Gaano karaming dosis ng bakuna ang kailangan ko?Ang isahang dosis ng bakuna sa kulebra ay kasalukuyang inirerekomenda.

Ako ba ay talagang nanganganib magkaroon ng kulebra?Isa sa tatlong tao ay magkakaroon ng kulebra sa kaniyang buhay.Habang tumatanda ang isang tao, tumataas ang panganib na magkaroon ng kulebra at komplikasyong neurolohikal.

Sino ang maaaring tumanggap ng libreng bakuna sa kulebra?Lahat ng mga tao na may edad na 70 taong gulang; may limang-taong pahabol up na programa naman para sa mga tao na may edad 71-79 taong gulang hanggang 31 Oktubre 2021.Para sa mga tao na hindi karapat-dapat para sa libreng bakuna, maaari itong bilhin kung may reseta mula sa kanilang doktor o tagapag-bakuna.

Saan ako makakakuha ng bakuna sa kulebra?Ang bakuna ay makukuha mula Nobyembre 2016 mula sa iyong doktor o tagapag-bakuna.

Ano ang kulebra?Ang kulebra ay masakit na pantal na namumutlig dulot ng muling pagiging aktibo ng bayrus na varicella zoster - ang kaparehong bayrus na sanhi ng bulutong-tubig.

Minsan ang sakit sa mga apektadong bahagi ay matindi at matagalan. Kapag ito ay tumatagal nang higit sa tatlong buwan, ito ay tinatawag na post herpetic neuralgia.

Maaaring kabilang sa iba pang mga komplikasyon ang pagkakaroon ng pilat, mga impeksyon sa balat, pagkawala ng paningin o pandinig, pulmonya at/o mga komplikasyong neurolohikal.

www.immunise.health.gov.au