20
8 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya 8

Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

  • Upload
    others

  • View
    99

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

8 Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa

Pagpapatatag ng Pamilya

8

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 8

Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cristina C. Villaceran

Editor: Jane O. Gurrea

Tagasuri: Nova A. Pardillo

Tagaguhit: Cristina C. Villaceran

Management Team Schools Division Superintendent: Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

Assistant Schools Division Superintendents: Dr. Cartesa M. Perico Dr. Ester A. Futalan Dr. Leah B. Apao CID Chief: Dr. Mary Ann P. Flores Division EPS in Charge of LRDMS: Mr. Isaiash T. Wagas EPS in ESP: Mrs. Jane O. Gurrea

Inilimbag sa Pilipinas ng: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032)225-6405 E-mail Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

i

8

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 3.1

(Week 5)

Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa

Pagpapatatag ng Pamilya

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang ahensya ng edukasyon ay lugod na gumagawa ng paraan para mapa

abot natin sa ating mga mag-aaral ang pagkatuto na nararapat lamang sa kanila

lalong lalo na sa panahon na ating kinakaharap ngayon. Lugod naming inaabot sa

inyo tagapagdaloy, ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapakato 8 ng Alternative

Delivery Mode na may araling- Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa

Pagpapatatag ng Pamilya.

Ang modyul na ito ay gawa ng pinagsamang pagsisikap ng mga edukador

mula sa pampubliko at pampribadong institusyon para magabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy. Ginawa rin ito upang matulungang makamit ng mag-aaral ang

pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang isinasabuhay ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makatulong sa mga mag-aaral para sila

ay mapatnubayan at magkaroon ng malayang pagkatuto sa mga gawain na naaayon

sa kanilang kakayahan, yugto, bilis at oras. Isa rin sa layunin nito ay ang matulungan

ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang

isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, mahalagang bigyan ng paunang kaalaman ang mag-

aaral para masubaybayan sila kung paano gamitin ang modyul na ito.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

iii

Kinakailangan ding itala ang kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang

pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin ang mag-aaral para

makita nila ang kahalagahan nito at maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul na may galak at tuwa.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa para sa inyong epektibong pagkatuto. Lugod

naming inaabot sa inyo ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng

Alternative Delivery Mode na may araling- Ang Kahalagahan ng Komunikasyon

sa Pagpapatatag ng Pamilya.

Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan at kakayahan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad nitong mabigyan ka ng epektibo at makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito malalaman ang mga dapat

mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit o gawain na ito, malalaman

natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin

ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay o maikonekta ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

iv

Tuklasin

Ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa

bahaging ito sa maraming paraan tulad ng

isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa bahaging ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang mga

bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawain para sa

mapatnubay at malaya mong pagsasanay

upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at

mga kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot sa pagsasanay gamit

ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang mas lalong maproseso ang mga

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong

sa iyo upang maisalin at maisabuhay ang

bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na

sitwasyon o reyalidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong masukat ang

antas ng pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

v

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, bibigyan ka ng panibagong

gawain upang pagyamanin ang iyong

kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga wastong sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka

o sulat ang anumang bahagi o pahina ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang lahat ng mga gawain na napapaloob sa modyul

na ito. Siguraduhin rin na kumpleto mong na isagawa ang lahat ng mga gawain.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan at isabuhay ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga

gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Siguraduhing natapos ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang

pagsasanay.

6. Pakibalik nang maayos at malinis ang modyul na ito sa iyong guro o

tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung may pagkakataon na ikaw ay mahirapang intindihin at sagutin ang mga

gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o

tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong nanay o tatay, o sa

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o paggawa

ng modyul na ito.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

vi

nakatatanda mong kapatid o sino man na kasama mo sa bahay na mas

nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, matulungan at makararanas

ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

1

Alamin

Mahalaga ang ginagampanan nang ating pamilya pagdating sa paghubog ng

ating mga salita. Dito natin natutunan kung paano tayo nakikipag usap sa ating kapwa

at pati na rin sa kasapi ng ating pamilya. Sa ating pamilya rin tayo nahubog,

naimpluwensyahan at natutong makitango sa ating kapwa gamit ang salita o

komunikasyon, sa mabuti man o hindi na paraan.

Dahil rin sa komunikasyon, napapahayag natin ang ating mga ninanais, hina-

ing, saloobin, at pangangailangan. Kaya naman, mahalaga ang pagkakaroon ng

bukas na komunikasyon lalung lalo na sa isang pamilya dahil kung wala ito tiyak na

magdudulot ito ng sakit at gulo sa bawat kasapi ng pamilya.

Sa pag-aaral na ito, inaasahan din masagot at mapapaliwanag mo ang

mahalagang tanong na ito: Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na

komunikasyon sa loob ng isang pamilya?

Sa modyul na ito, inaasahang rin malilinang sa iyo ang sumusunod na

kaalaman, kakayahan at pagpapahalaga:

1. natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang

nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o

kawalan ng bukas na komunikasyon

2. nagagawa ang mga hakbang sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa

pamilya

3. napahahalagahan ang importansya ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon

sa pamilya

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

2

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Alamin kung ang mga

pag-uusap ay nagpapakita ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon.

Lagyan ng TAMA kung ito ay nagpapakita ng bukas na komunikasyon at MALI

naman kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.

_______ 1. Kailangan ni Donna na maibenta ang kaniyang mga na ani na gulay

dahil gusto niyang makabili ng bigas para sa kanyang pamilya. Pumunta siya sa

kaniyang kumare upang ibinta ang mga ito. Nakumbinsi naman niya ito dahil sila

ay nagkasundo sa presyo.

________ 2. Si Jamie ay may malaking problema sa kaniyang matalik na kaibigan.

Kailangan niya ng mapaghihingahan ng kaniyang sama ng loob. Pumunta siya sa

kaniyang nakatatandang kapatid. Mahusay na tagapakinig ang kanyang kapatid.

Alam ni Jamie na bibigyan siya nito ng sapat na panahon para mag-isip at hindi

siya nito huhusgahan.

________ 3. Maganda ang samahan ng mag-amang Joseph at Jose. Sa tuwing

may sasabihin si Joseph sa kanyang ama pinakikinggan sya nito pati na rin ang

kanyang mga opinyon na walang panghuhusga at galit. Bagama’t may mga

pagkakataon na hindi siya nito pinagbibigyan sa kaniyang mga gusto, hindi naman

lingid sa kaalaman ni Joseph na ito’y para rin sa kaniyang ikabubuti.

________ 4. Malapit na ang kaarawan ng kaibigan ni Luna. Niyaya siya nito na

sumama sa dagat para ipagdiriwang ang kanyang kaarawan. Nag-isip si Luna

kung paano niya makumbinsi ang kanyang mga magulang na papayagan siyang

sumama. Ngunit sa bandang huli, hindi pinayagan si Luna ng kanyang mga

magulang dahil na rin sa pangangamba na kung mapaano siya doon. Hindi ito na

intindihan ni Luna at masamang-masama ang loob niya sa kanyang mga

magulang.

Subukin

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

3

________ 5. Palaging nag-aaway ang magkapatid na Danny at Sally. Kapwa ayaw

nilang magpatalo sa isa’t isa. Hindi nila pinakikinggan ang mga saloobin at sinasabi

sa isa’t isa. Kaya naman, ang gulo ng kanilang bahay kapag sila ay magkasama.

Balikan

Suriin ang sumsunod na mga larawan.

(Photo by Vear Arsic from Pexels)

Sagutin ang sumusunod na gabay na tanong. Isulat ang sugat sa papel.

1. Ano ang mga problema o hadlang sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon na

ipinakikita sa bawat larawan?

2. Anu-ano ang maaaring gawin na solusyon upang malampasan ang mga

problemang ito sa komunikasyon?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

4

Tuklasin

Alamin sa inyong sarili ang mga hamon ni kinakaharap ng iyong pamilya

pagdating sa epektibo at positibong komunikasyon. Isulat sa papel ang inyong sagot.

Mga Tanong:

1. Sinu-sino sa meyembro ng iyong pamilya ang madalas mong kausap?

2. Maayos ba ang komunikasyon na meron ka sa iyong pamilya? Bakit?

3. Anu-ano ang mga nararapat gawin ng bawat kasapi ng pamilya para maipakita ang

pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa loob ng pamilya?

Mga Tala para sa Guro

Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat

hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay

na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. lahat

ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro

upang mabigyan ng nararapat na marka.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

5

Suriin

Ano nga ba ang kahulugan ng komunikasyon?

Ang komunikasyon ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang

ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono

ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa.

Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipahahayag ng mga kasapi ng pamilya

ang kanilang mga pangangailangan, ninanais pati na rin ang pagmamalasakit at

pagmamahal sa isa’t isa.

Ano naman ang kahulugan ng bukas na komunikasyon?

Ang bukas na komunikasyon ay paraan nang pakikig-usap na kung saan

pinakikinggan at nirerespeto ng bawat isa ang mga sinasabi at saloobin nang walang

halong panghuhusga o galit kahit magkaiba man ang pananaw. Ito rin ay daan upang

maipahayag ang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng

bukas komunikasyon, nagagawa ng mga kasapi ng pamilya na malutas ang mga

suliraning dumarating.

Isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng wastong pahayag, MALI

naman kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.

1. Ang komunikasyon ay ang anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao

upang ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan.

Pagyamanin

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

6

2. Nang dahil sa komunikasyon, naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang

kanilang mga pangangailangan, ninanais at pagmamalasakit sa isa’t isa.

3. Ang kawalan ng bukas na komunikasyon ay maaaring maging sanhi ng

madalas na pagtatalo sa pamilya.

4. Nararapat lamang na bigyang halaga ang pagkakaroon at pagpapabuti ng

bukas na komunikasyon sa pamilya upang maging matatag ito.

5. Ang palaging pag-aaway at walang pag-iintindihan ng mga kasapi ng pamilya

ay nagpapakita ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon.

Pagkatapos mong magkaroon ng mas malalim na kaalaman at pag-unawa sa

kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya, pag-isipan at

sagutin ang tanong sa iyong papel.

1. Ano nga ba ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pagpapatatag

na pamilyang Pilipino?

2. Ano ang kaya mong gawin para maipakita mo sa iyong pamilya ang

kakayahan mo pagdating sa pakikipag-usap sa kanila na may pagtanggap at

pagmamahal?

Sa gawaing ito, aalamin at ibabahagi ninyo ang mga karanasan sa sariling

pamilya na nagpapakita ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon sa

iyong pamilya at ang mga naging bunga o resulta nito.

Isaisip

Isagawa

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

7

Magbigay lamang nang dalawang karanasan at isulat ito sa papel.

Mga Karanasan Ko Noon na

Nagpapakita ng Pagkakaroon ng Bukas

na Komunikasyon sa Aming Pamilya

Resulta o Bunga ng Karanasang Ito

1.

2.

Mga Karanasan Ko Noon na

Nagpapakita ng Kawalan ng Bukas na

Komunikayon sa Aming Pamilya

Resulta o Bunga ng Karanasang Ito

1.

2.

Tayahin

I. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong papel.

1. Ito ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang

kaniyang naisip at pinahahalagahan.

a. diyalogo b. komunikasyon c. pagpapasya d. pananampalataya

2. Ito ay isang paraan ng pakikipag-usap na kung saan binibigyan mo nang atensyon

at halaga ang salita o opinyon ng iba labag man o hindi ito sa iyong kalooban.

a. kawalan ng bukas na komunikasyon

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

8

b. komunikasyon

c. bukas na komunikasyon

d. pagmamahal

3. Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa iyong pamilya ay simbolo ng

pagtanggap at __________ sa isa’t isa.

a. pagmamahal b. pag-aruga

c. pagtitimpi d. pagkainis

4. Sa ____________ natin unang natutunan kung paano tayo nakikipaghalubilo at

nakikipag-usap sa ating kapwa.

a. eskwelahan b. simbahan

c. pamilya d. barkada

5. Ang mga sumusunod ay bunga ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa

pamilya maliban sa isa. Ano ito?

a. pag-iintindihan b. pagkasuklam

c. pagtanggap c. matibay na ugnayan o relasyon

II. Ipaliwanag

1. Bakit may mga kabataan pa rin na nahihirapang pakitunguhan o kausapin

ang kanilang mga magulang o kasapi ng pamilya?

2. Ano kaya ang maibibigay mo na payo sa kanila para maipakita nila ang

pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa kanilang pamilya?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

9

Karagdagang Gawain

Suriin ang videong- Now or Never (2011)- A Short Film About Family

Relationships

https://www.youtube.com/watch?v=uUSE_8aC_84

Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa papel.

1. Nakita natin sa video ang dalawang magka-ibang henerasyon na mag-ina na

konektado sa isa’t isa. Ano ang nakita mong resulta o bunga ng kawalan nila ng oras

para mag-usap?

2. Nangyari na rin ba ito sa iyo? Kanino at paano?

3. Ano kaya ang mga dahilan nang hindi pagkakaroon ng kagustuhan o sapat na

panahon na makig-usap sa mga miyembro ng ating pamilya?

4. Kung ikaw ang anak na nasa video, ano kaya ang nararapat na gawin mo para

maipakita mo ang halaga ng bukas na komunikasyon?

5. Magbigay isa o dalawang mga natutunan o napulot na leksyon sa nakitang video

pagdating sa halaga ng pakikipag-usap.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

10

Susi sa Pagwawasto

Subukin

1.Tama

2.Tama

3.Tama

4.Mali

5.Mali

Tuklasin

-Magkaiba ang mga

posibleng sagot

Isaisip

-Magkaiba ang mga

posibleng sagot

Balikan

-Magkaiba ang mga

posibleng sagot

Pagyamanin

1.Tama

2.Tama

3.Tama

4.Tama

5.Mali

Tayahin

I.

1. b

2. c

3. a

4. c

5. b

II.

-Magkaiba ang mga

posibleng sagot

Isagawa

-Magkaiba ang mga

posibleng sagot

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

11

Sanggunian

Bognot, Comia, Gayola, Lagarde, Leaňo, et al.,Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City Philippines: Vibal Publishing House, Inc., 2013

https://www.youtube.com/watch?v=uUSE_8aC_84

Mga larawan galing kay Vera Arsic ng www.pexels.com

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Unang Markahan Modyul 3.1 (Week 5) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp8_q1_mod3... · 2020. 10. 1. · 2. Huwag kalimutang

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark