27
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 4.1-2(Week7) Panlipunan at Politikal sa Pamilya 8

Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

  • Upload
    others

  • View
    46

  • Download
    7

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

Edukasyon sa

Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 4.1-2(Week7)

Panlipunan at Politikal sa Pamilya

8

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

i

Edukasyon sa Pagpapakatai – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4.1-2Week7 Panlipunan at Politikal sa Pamilya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng : Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg.Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Joy Erchie I. Barberan

Editor: Jane O. Gurrea

Tagasuri: Nova A. Pardillo

Tagaguhit: Joy Erchie I. Barberan

Management Team

Schools Division Superintendent -Dr. Marilyn S. Andales, CESO V Assistant Schools Division Superintendent -Dr. Cartesa M. Perico

-Dr. Ester A. Futalan -Dr. Lea B. Apao

Chief, CID -Dr. Mary Ann P. Flores EPS in LRMS -Mr. Isaiash T. Wagas EPS in EsP -Mrs. Jane O. Gurrea

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

8

Edukasyon sa

Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 4.1-2(Week7)

Panlipunan at Politikal sa Pamilya

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mga Katangian ng

Pagpapakatao.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis

at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-

aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala

ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang

mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang

magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Panlipunan at Politikal sa Pamilya

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano

na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot

(100%), maaari mong laktawan ang bahaging

ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng

isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

iv

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

mapatnubay at malayang pagsasanay upang

mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto

ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang

susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad

ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit

ng natutuhang kompetensi.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

v

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka

o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o paglinang

ng modyul na ito.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

vi

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

(Week 8)

a.)Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na

pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel

na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na

pampolitikal): EsP8PBIh-4.3

b) Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel

ng pamilya. EsP8PBIh-4.4.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

1

Alamin

Tungkol saan ang modyul na ito?

Gusto mo bang malaman ang papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya?

Ano kaya ang kaugnayan ng pamilya sa lipunan at politikal? Bakit mahalaga ang papel

ng pamilya sa lipunan at sa poltikal? Paano kaya naisasakatuparan ang papel na

ginagampanan ng pamilya larangang ito? Kung gusto mong malaman, paano mo ito

sisimulan?

Ang modyul na ito ay naglalaman ng buong aralin tungkol sa: Modyul 4: Ang

Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng pamilya. Ito ay nagbibigay ng kaliwanagan

tungkol sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pamilya. Naging makabuluhan

ang isang lipunan at ang politikal na larangan sa pamamagitan nang pagsasagawa ng

bawat pamilya ng kanilang mga tungkulin.

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a.)Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na

pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na

panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na

pampolitikal): EsP8PBIh-4.3

b) Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ng

pamilya. EsP8PBIh-4.4.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

2

Subukin

Paunang Pagtataya (Pre-test)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Piliin ang titik ng tamang kasagutan.

Isulat sa papel ang inyong mga sagot.

1.Bakit sa ibang pamilya ang pagtutulungan ay HINDI natural na dumadaloy?

A. dahil takot sila na mabawasan ang kanilang pera

B. dahil hindi napaunlad ang pampolitikal na katangian

C.dahil kasalanan ng mahirap kung bakit wala silang pera

D.dahil kaligayahan nilang palaging naghihirap ang mahirap

2.Ang pagsusulat sa gobyerno upang maisasaayos ang nasirang tulay na nasalanta

sa bagyo na dinadaanan ng mga tao upang makapunta sa lungsod ay papel ng

pamilya sa anong aspekto?

A. Papel Pampolitikal

B. Papel Panlipunan

C. Papel Pangkalikasan

D. Papel de Liha

3. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin?

A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.

B. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng

pamilya.

C. Bahagi ang mga ito ng papel na pmpolitikal ng pamilya.

D. Maraming pamilya ang karapatan lang ang ipinaglalaban ngunit hindi

ginagampanan ang tungkulin.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

3

4. Ano ang paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuro at

natutuhan sa loob ng pamilya?

A. Ang pagpapayaman ng pamilya

B. Ang pagmamahalan ng pamilya

C. Ang pagtulong ng pamilya

D. A ng pagkawasak ng pamilya

5. Alin sa mga katangiang ito ang inilalarawan ng isang pamilyang may malasakit at

bukas ang tahanan para sa mga taong nangangailangan?

A. Pampalakas ng impluwensiya

B. Pampolitikal

C.Pangkalikasan

D. Para makilala sa lipunan

6.Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit dapat na mauna ang pagmamahal sa

kapwa tao bago ang debosyon sa pamilya maliban sa:

A. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring paggamit ng kapangyarihan

at posisyon para sa sariling kapakanan.

B. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging makasarili.

C. Dapat matutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili alang-alang sa

ikabubuti ng lahat.

D. Upang wala nang iba pang dapat isipin pa at payapang makakapamuhay

bawat araw.

7. Isa sa katangian ng mga Pilipino ay ang magiliw na pagtanggap sa mga bisita.

Paano na sa pagtanggap natin ay nagagampanan natn an gating papel sa

lipunan?

A. Gamitin ang lahat nang mamahaling mga gamit at gamitin lamang para sa

mga bisita.

B. Umutang ng pera upang makapaghanda ng masarap at sosyal na pagkain.

C. Piliin kung sino lamang ang tatanggaping bisita upang sigurado ang pabor

na maibabalik sa atin.

D. Tanggapin at paglingkuran ng maayos ang lahat ng taong nangangailangan.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

4

8. Ang ibig sabihin ng karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya

at pagpapalaganap nito ay:

A. Malaya ang isang pamilya na mamili ng relihiyon.

B. Ikukulong ang pamilyang hindi nagsisimba at hindi naniniwala sa Diyos.

C. Malaya ang isang pamilya na magpunta sa ibang bansa.

D. Hindi kilalanin bilang isang Pilipino ang walang relihiyon.

9. Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang pamilya maliban sa:

A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay

pamilya.

B. Ang karapatan sa paghingi ng tulong sa gobyerno kahit na ito’y hindi

pangangailangan.

C.Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at

karapatan.

D.Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas

mabuting pamumuhay.

10. Bakit mahalaga ang pagboto sa panahon ng halalan at piliin ang tapat na

mamumuno o lider sa ating bansa?

A. Makatutulong sila sa pagpapaunlad ng pamumuhay.

B. Makapagbibigay sila ng malaking pera sa botante.

C. Matutugunan ang bawat karapatan ng pamilyang Pilipino.

D. Maiiwasan ang problema sa krimen sa ating bansa.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

5

Tuklasin Alam mo ba na pinakamahalaga ang papel na ginagampanan ng pamilya para

magkaroon ng kabuluhan ang lipunan at ang politikal na larangan? Sa

pangkalahatang kaisipan, wala ang mga bayani, wala ang mga tinitingalang tao, wala

ang mga iniidolo at ang mga mabubuting mamamayan kung wala ang pamilyang

humuhubog sa isang indibidwal, nag-aaruga, nagtuturo ng tamang pag-uugali at

magandang-asal para sa kaunlaran at kapayapaan ng isang lipunan. Ang kaunlaran

at katiwasayan ay hindi makakamit ng lipunan kung hindi mapapangalagaan ang

pamilya. Sa paanong paraan kaya inalagaan ng lipunan ang pamilya?

Ikaw, paano mo kaya natulungan ang iyong pamilya para magampanan ang

papel na panlipunan at pampolitikal? Bago ang lahat, gawin mo ang gawain sa ibaba.

GAWAIN 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

A.Magbigay ng 3 gawaing pagtulong ng iyong pamily sa kapitbahay/pamayanan

1________________________________________________________________

2________________________________________________________________

3_________________________________________________________________

B.Tukuyin ang mga pangunahing pangngangailangan ng pamilya .

1._________________________________________________________________

2._________________________________________________________________

3._________________________________________________________________

C.Batay sa iyong sagot sa ikalawang bahagi,ano-ano kaya ang mga nahihinuha mong

Karapatan ng pamilya?

1.__________________________________________________________________

2.__________________________________________________________________

3.__________________________________________________________________

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

6

GAWAIN 2

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1.Sa iyong palagay, ikaw, bilang isang kasapi ng pamilya, ano-ano ang mga naitulong

mo sa pagsasakatuparan sa ginagampanan ng iyong pamilya sa papel na panlipunan

at pampolitikal na larangan?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Ano ang kahulugan ng pamilya para sa inyo? May ilang taong naniniwalang

ang isang pamilya’y tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na gusto

nila: pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng kasama (companionship) at iba pang

magagandang bagay; isang kahong mabubuksan kailanma’t nais nila ng mga bagay

na ito. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang kahon ang pamilya.

Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa rito ng mga

tao. Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman

mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya,

kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t

isa. Ang mga ito ang nagpapatigib sa kahon. Ang paglalabas ng higit sa isinilid natin

ay magpapabasyo sa kahon sa malao’t madali.

Gaano man kahirap, importante sa isang pamilyang magkaroon ng

komunikasyon. Kailangan nating kausapin, pakinggan, at unawain ang isa’t isa.

Kailangang may makahati tayo sa ating mga kaisipan at damdamin. Sa ganitong

paraan tayo natututong magtiwala at umasa sa isa’t isa.

Balikan

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

7

Dahil masyadong marami tayong pinagkakaabalahan sa buhay, wala tayong

panahong makita o makasama ang isa’t isa. Mahalagang maglaan ng panahon para

magkasama-sama upang makita ang isa’t isa at maging matibay ang bigkis ng

pamilya. Maraming paraan para magkasama-sama.

Suriin

Ihanda ang iyong sarili na tuklsain ang isang bago at pinakamahalagang

aralin.Hayaan mong mahasa ang iyong kakayahan at palawakin ang iyong pang-

unawa sa kabuluhan ng papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya. Kung kaya

simulan na natin ang pag-aaral.

PAPEL NG PAMILYA SA LIPUNAN

Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili

at magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya

natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang

paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao.

Mga Tala para sa Guro

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

8

Ang kapatirang ito ay mangyayari lamang kung mayroong pinag-ugatang

pagkakapatiran sa pagitan ng mga tunay na magkakapatid sa loob ng pamilya.

“Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang

mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan.” Ang

pagiging bukas palad ay maipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing

panlipunan. Maaari itong makilahok sa mga samahan na boluntaryong naglilingkod sa

pamayanan o kaya’y tumutulong sa mga kapus-palad. Higit sa lahat, dapat na

tumulong ang pamilya sa mga nangangailangang hindi naaabot ng tulong ng

pamahalaan. Isang halimbawa ang mga pamilyang nagbukas ng kanilang mga

tahanan para sa mga naaapektuhan ng pagbaha at mga sakuna. Marami ang mga

pamilyang ito na hindi nagdalawang-isip at buong pagtitiwalang pinatutuloy ang mga

kapitbahay na kumakatok sa kanilang pinto at mga puso. Nakalulungkot lamang na

mayroon ding mga nagbibingibingihan sa mga daing ng mga kapitbahay dahil sa

kawalang-tiwala sa kapwa. Minsan kung sino pa ang higit na makapagbibigay sila pa

ang nagsasara ng kanilang pinto. Nakatali sila sa materyalismo at higit na

nagpapahalaga sa mga ari-arian kaysa sa pagtulong sa kapwa.

Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang

mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan. May mga

pamilyang naging tradisyon na kumukuha sila ng isang bata sa bahay-ampunan

tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan, upang pansamantalang tumira sa kanila.

Namimigay din sila ng mga regalo sa mga batang nasa bahay-ampunan o sa mga

batang-lansangan. May anak na sa halip na maghanda para sa kaniyang kaarawan

ay hinihiling sa kaniyang mga magulang na ibahagi na lamang sa bahay-ampunan

ang perang dapat gugulin sa kaniyang handa. Mayroon ding gustong idaos ang

kaniyang kaarawan sa bahay-ampunan o sa piling ng mga batang lansangan.

Ang pagbabayanihan ay hindi na bago sa mga Pilipino. Isa ito sa

ipinagmamalaki nating pagpapahalagang Pilipino. Naipakikita ang pagbabayanihang

ito sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Sa isang kapitbahayan ay hindi na bago ang pagbibigayan ng ulam lalo’t may

okasyon, ang pagbibilin sa mga anak sa kapitbahay kung walang magbabantay ditong

kapamilya, at ang pagpapahiram ng mga kagamitan sa bahay sa mga kapitbahay. Isa

sa ipinagmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na pagtanggap lalo sa mga

panauhin. Inihahain natin ang pinakamasarap na pagkain para sa kanila, ang

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

9

pinakamainam na higaan ang ating pinatutulugan, at ang pinakamaganda nating gamit

ay inilalabas lamang kapag may panauhin. Ngunit may mas malalim na antas ng

pagtanggap ng mga panauhin.

Ang mabuting pagtanggap na higit na kinakailangan nating ugaliin ay ang

pagbubukas ng ating mga pintuan sa mga nangangailangan. Magagawa kaya nating

maghain ng masasarap na pagkain, patulugan ang pinakamainam nating higaan, at

ipagamit ang pinakamaganda nating gamit sa mga palaboy sa lansangan?

Ang guro ang magbigay ng pagpapalalim tungkol sa paksang pagtulong sa kapwa.

Isa itong pagpapahalaga na dapat magampanan ng bawat mag-aaral sa kanilang

pang-araw araw na buhay.

10 halimbawa ng pagtulong sa kapwa

1. Pag-alalay sa mga matatanda sa pagtawid sa kalsada.

2. Pagvovoluteer sa pag-ganyak ng mga tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

3. Pagbibigay ng mga pagkain, delata, at pangunahing pangangailan sa isang

komunidad.

4. Pagbibigay ng mga lumang damit sa mga nasunugan.

5. Pag-aalok ng upuan sa lugar na maraming tao lalo na sa mga matatanda, buntis,

may kapansanan o mga bata.

6. Pagbibigay ng abuloy sa patay.

7. Pagbibigay ng direksyon sa mga taong naliligaw.

8. Pag-aayos ng gulo sa pagitang ng dalawang taong hindi magkasundo.

9. Pagbibigay ng payo sa mga kaibigan na may kinakaharap na problema.

10. Pagpapakain sa ilang mga batang lansangan

(Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1901272#readmore)

Papel ng Pamilya sa Lipunan

Ang tao ay hind lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay isang panlipunang

nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling

buhay kundi sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi

ng kaniyang pagiging tao.”

(Sheen, isinalin mula sa Education in Values: What, Why and For Whom ni Esteban,

1989.)

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

10

Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa

pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw.

Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at

magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya

natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang

paglilingkod

sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao. Ang

kapatirang ito ay mangyayari lamang kung mayroong pinag-ugatang pagkakapatiran

sa pagitan ng mga tunay na magkakapatid sa loob ng pamilya.

* Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga

pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan.

* Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa lahat ng

Kaniyang nilalang. Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin, tubig, at lupa. Ang tao

ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig, at

iba pang nilikha ng Diyos sa mundo.

* Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala

ng lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya

ang mga proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

11

Pagyamanin

Pagtatalakay sa araling binasa.

Gawain 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1.Ano-ano ang papel na ginagampanan ng pamilya sa lipunan?

2.Bakit mahalaga ang mga kontribusyon ng pamilya sa lipunan? Ipaliwanag.

3.Gaano kalaki ang epekto ng pangangalaga ng kalikasan ng pamilya sa panlipunan?

4.Bilang isang mag-aaral, na magiging isang mabuting mamamayan, sa tulong ng

paghubog sa iyo ng iyong pamilya, kaya mo bang gampanan ang iyong tungkulin sa

pamilya? Paano?

5.Ano-ano ang mga gawaing angkop sa panlipunang papel ng bawat pamilya sa

lipunan?

6. Sang-ayon ka ba na inaalagaan ng lipunan ang pamilya at inaalagaan din ng

pamilya ang lipunan? Oo o hindi? Bakit? Ipaliwanag.

7.Bakit panlipunang nilalang ang tao? Ipliwanag

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Isulat sa journal ang sagot sa mga tanong na ito.

1. Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang papel na panlipunan at

pampolitikal?

2. Bilang isang indibidwal, paano mo magagampanan ang iyong tungkulin sa lipunan

at sa politkal na larangan?

3. Mahalaga ba ang mga karapatan ng pamilya? Gaano kalaki ang kaugnayan nito sa

pagganap sa papel ng pamilya sa panlipunan at pampolitikal?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

12

Gawain 1

Sa kasalukuyang panahon, sa kasagsagan ng isyung COVID 19 Virus, punan ang

tsart na nasa ibaba batay sa iyong obserbasyon.

Mga pagtulong ng

pamilya

sa pamayanan

Mga tulong ng

pamahalaan

Mga tungkulin ng bawat

mamamayan

1 1 1

2 2 2

3 3 3

4 4 4

5 5 5

Gawain 2

Tanong:

1. Bakit mahalagang pangalagaan ng pamilya ang pamayanan para maalagaan ng

pamayanan ang pamilya? Ipaliwanag.Magbigay ng isang halimbawa

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Isaisip

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

13

Isagawa

Gawain 5

A. Magsagawa ng survey sa inyong lugar sa Sampung (10) mamamayan. Itanong ang

sumusunod sa iyong makakapanayam.

1. Tumutulong po ba ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan?

_____ Oo. Kung Oo, itanong ang Tanong Bilang 2 hanggang 4.

_____ Hindi. Kung Hindi, itanong: Bakit po? Dahilan: ______________

___________________________________________________________________

2. Paano po tumutulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan?

3. Bakit mahalagang tumulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan?

4. Sa inyong palagay, ano-ano ba ang mga pangangailangan ng pamilya?

5. Sa iyong palagay, natutugunan ba ng ating pamahalaan ang mga pangangailangan

ng pamilyang Pilipino? Sa paanong paraan?

6. Sa kabilang dako, nagampanan ba ng mga mamamayan ang kanilang tungkulin sa

lipunan?

Bumuo ng paglalagom sa iyong nakalap na impormasyon at ipakita sa Graph na

paraan.

B. Gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapakita ng papel ng pamilya sa lipunan lalong-

lalo na sa panahon ng COVID 19 VIRUS. Kulayan at bigyan ng paliwanag.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 22: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

14

TAYAHIN

Pagtatasa: (Post-Test)

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik sa tamang sagot.

1. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?

A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon?

B. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng

pamilya.

C.Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.

D.Maraming pamilya ang karapatan lamang ang pinaglalaban ngunit hindi

ginagampanan ang tungkulin.

2. Ano ang paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuro at

natutuhan sa loob ng pamilya?

A. Ang pagpapayaman ng pamilya

B. Ang pagmamahalan ng pamilya

C. Ang pagtulong ng pamilya

D. Ang pagkawasak ng pamilya

3. Ano ang katumbas ng pagkakawang-gawa na natututuhan sa paglilingkod sa

kapwa?

A. Pagtulong C. Pagmamahal

B.Paglilingkod D.Pagdarasal

4. Ang sumusunod ay halimbawa ng hindi pagtulong sa kapwa:

A. Pagtanggap ng abuloy para sa patay.

B. Pagpapakain sa ilang mga batang-lansangan

C. Pag-alalay sa mga matandang tumatawid sa kalsada

D. Pagbibigay ng mga lumang damit sa mga nasunugan

5. Sa anong paraan mo maipapakita ang pangangalaga sa kalikasan?

A. Maging responsableng tagapangalaga sa likha ng Panginoon.

B. Kumain ng maraming gulay at prutas araw-araw.

C. Pagandahin ang bahay at bakuran upang maiwasang magkasakit.

D. Awayin ang lahat ng ilegal na namumutol ng puno.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 23: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

15

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng

pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga

kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa

pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon

ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng mga

pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-

pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa

sa Latin Amerika at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong

mundo.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong

ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa 4Ps.

MGA LAYUNIN

May dalawang kambal na layunin ang 4Ps bilang pangunahing programa

kontra-kahirapan ng administrasyong Aquino:

social assistance: pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pinakamahihirap na mga

pamilya upang tugunan ang pangunahin nilang pangangailangan; at

Karagdagang Gawain

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 24: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

16

social development: pagsira sa siklo ng kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon

sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon ng mahihirap na

kabataan. Sasailalim sila sa mga programa tulad ng:

check-up para sa mga buntis at batang may edad 0 hanggang 5 taong gulang;

pagpupurga ng bulate ng mga mag-aaral edad 6 hanggang 14;

pag-eenrol ng mga bata sa daycare, elementarya, at hayskul; at

mga sesyon na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng pamilya.

Tinutulungan din ng 4Ps ang pamahalaan ng Pilipinas na matupad ang

pangako nito sa Millenium Development Goals (MDGs)—ispesipiko sa pag-alis ng

labis na kahirapan at gutom, sa pagkamit ng unibersal na edukasyong primarya, sa

pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa kasarian, sa pagpapababa ng bilang ng

mga batang namamatay, at sa pagpapabuti ng pag-aalaga sa mga buntis.

Gawain 1

Anu-ano pa ang nalalaman mong naitutulong ng pamahalaan sa pamilya?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 25: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

17

Susi sa Pagwawasto

Subukin

Pre-test

1.B 2.A 3.C 4.C 5.B 6.D 7.D 8.A 9.B 10.C

Pagyamanin

1.OPINYON LANG MGA

SAGOT

Tayahin

1.C 2.C 3.B 4.A 5.A

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 26: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

18

Sanggunian

Sanggunian:

BOOK

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8, MODYUL PARA SA MAG-AARAL

Lorelel ,Ramos B, Sandigan ng pagpapakatao 8

https://www.officialgazette.gov.ph/programs/ang-pantawid-pamilyang-pilipino-

program/

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 27: Unang Markahan Modyul 4.1-2(Week7)bnvhsmodules.com/.../10/EsP8MP-4.1-2-wk-7-v4-final.pdf · Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Region VII,Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg.,Sudlon, Lahug,Cebu City

Telefax: (032)255-6405

Email address:[email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark