32
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan 10

Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

  • Upload
    others

  • View
    92

  • Download
    10

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 1:

Isyu at Hamong Panlipunan

10

Page 2: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

ii

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V

Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Amabhelle R. dela Merced

Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD

Virgilio L. Laggui PhD / Susana F. Cruz

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD

Romeo P.Lorido /Anastacia M. Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison

Tagaguhit: Vincent D. Robles

Tagalapat: Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

iii

10

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1:

Isyu at Hamong Panlipunan

Page 4: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Isyu at Hamong Panlipunan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Isyu at Hamong Panlipunan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

v

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Page 6: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

vi

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay

upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.

Ang modyul na ito ay nahati sa apat leksyon:

Leksyon 1: Kontemporaryong Isyu

Leksyon 2: Ang Lipunan

Leksyon 3: Ang Kultura

Leksyon 4: Sociological Imagination

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito;

2. nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan; at

3. naipapahayag ang pagtugon ng bawat isa sa mga isyu at hamong panlipunang

kinahaharap sa kasalukuyan.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

2

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin at isulat ang titik

ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang mga pangyayari o mga suliranin na pinag-uusapan sa bawat sulok ng ating

bansa.

A. Headline News C. Social Issues

B. Contemporary Issues D. Sociological Imagination

2. Ang mga halimbawa nito ay ang mga lumang sulat, larawan o guhit, mga lumang kagamitan, mga dokumento, mga talambuhay at mga ulat ng mga pinuno ng bayan.

A. primaryang sanggunian

B. pinagmulang sanggunian

C. sekondaryang sanggunian

D. mga balita

3. Ito ay binubuo ng mga taong may magkakawing na ugnayan at tungkulin na

bumuo ng kasunduan kung sila ay magdedesisyon para sa kanilang kapayapaan

at ikakaayos ng kanilang pamayanan.

A. lipunan C. bansa

B. kultura D. pamayanan

4. Ipinahayag niya na ang lipunan ay kakikitaan ng hindi pagkakasundo ng mga

tao sa kapangyarihan na nagdudulot ng hindi pagkakapantay–pantay sa antas

ng pamumuhay ng tao.

A. Charles Cooley C. Edward Mooney

B. Karl Marx D. Isabel Panopio

5. Ang sumusunod ay kabilang sa institusyong panlipunan maliban sa isa:

A. pamahalaan C. paaralan

B. pamilihan D. pamilya

6. Tukuyin kung alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gampanin sa lipunan.

A. Kailangang magbayad ng buwis ang mga manggagawang may mataas na

sweldo.

B. Ang bawat isang mamamayan ay dapat sumunod sa batas.

C. Lahat ay dapat nakaasa sa gobyerno at sa tulong na ibibigay nito.

D. Bumuo ng samahan na mag-aaklas sa pamahalaan.

7. Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang

lipunan.

A. pagpapahalaga C. kultura

B. norms D. lipunan

Page 9: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

3

8. Isa sa mga uri ng kultura ay ang mga bagay na may kahulugan sa pamumuhay

ng isang lipunan. Karaniwang halimbawa nito ay palayok, banga, mga

orihinal na isinulat, ano ang tawag sa mga ito?

A. materyal C. kagamitan

B. hindi materyal D. antigo

9. Mahalagang maunawaan ang kahalagahan ng kultura sapagkat ito ay

sumasalamin sa paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan. Nagkakaroon ng

pagkakaiba sa paraan ng pamumuhay sapagkat iba-iba ang kultura na

kinagisnan ng bawat nilalang.

A. Tama ang dalawang pahayag.

B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.

C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.

D. Mali ang dalawang pahayag.

10. Ang pangkalahatang batayan ng kilos ng samahan o grupo ng mga tao ay

tinatawag na ________________.

A. mores C. folkways

B. norms D. values

11. Nagiging madalas ang pagiging huli sa klase ni Baron kaya siya ay kinausap ng

kanyang gurong tagapayo ngunit hindi sila nagkaunawaan kaya nagdesisyon si

Baron na huminto na lamang sa pag–aaral. Paano magiging isang isyung

panlipunan ang paghinto ni Baron ng pag-aaral?

A. Mapagagalitan si Baron ng kanyang mga magulang.

B. Mahihirapang makahanap ng hanap-buhay si Baron.

C. Magkakaroon siya ng magandang kinabukasan.

D. Tatamarin na si Baron na mag–aral.

12. Si Francisco Carpio ay isang mahusay na empleyado ng isang kilalang

kompanya sa Makati, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon

siya ng malalang sakit na nagdulot upang siya ay madalas na hindi makapasok.

Dahil sa pangyayari ay napilitan ang kanyang boss na siya ay hindi muna

papasukin. Tukuyin kung ano ang maaaring maging sociological imagination

sa kaganapan.

A. Malulungkot si Mang Francisco at lulubha ang kanyang sakit.

B. Maaantala ang mga gawain ni Mang Francisco sa kanyang opisina.

C. Kukuha ng kapalit ang kanyang boss habang wala siya.

D. Magiging masaya si Mang Francisco dahil siya ay nasa bahay lamang.

13. Ang problema sa basura ng bawat pamilya sa subdivision ng Blue Tower ay

nagdulot ng pagkakaroon ng sakit sa balat. Ito ay tinatawag na _______________

A. Isyung Personal

B. Isyung Panlipunan

C. Sociological Imagination

D. Suliranin sa basura/ Solid Waste

Page 10: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

4

14. Ang Sociological Imagination ay isang usapin na kung saan ay iniuugnay ang

mga isyung personal sa isyung panlipunan. Piliin ang HINDI angkop na

halimbawa ukol dito.

A. Si Luiz ay isang batang laging naglalaro sa labas ng kanyang bahay kaya’t

kilala niya ang lahat ng kanilang kapitbahay.

B. Walang disiplina ang mga mamamayan sa Brgy. Tala kaya ang kanilang

lugar ay magulo at makalat.

C. Lubhang maraming apektado ang dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.

D. Maraming nawalan ng trabaho bunsod ng COVID–19.

15. Paano makatutulong ang tao sa paglutas ng mga suliraning panlipunan?

A. Matuto ang mga mamamayan na sumunod sa batas.

B. Dapat laging nakikisangkot ang mga Pilipino sa mga isyu sa lipunan.

C. Pagpunta sa ibang bansa ng mga Pilipinong kabilang sa white collar job.

D. Laging bantayan ang ulat sa bayan upang makasali sa mga welga.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 11: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

5

Aralin

1 Isyu at Hamong Panlipunan

Isang bagong bukas na libro ng kaalaman ang iyong kakaharapin ngayon.

Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon/ organisasyon ng mga mamamayan na

nagkakasundo sa iisang layunin. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng kultura

bilang batayan ng pamumuhay sa lipunan. Dahil sa iba’t ibang kaganapan sa ating

lipunan ay nagkakaroon ng sociological imagination.

Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang baitang ang tungkol sa Ekonomiks bilang bahagi

ng pag - unlad ng bansa. Ang mga aral sa ekonomiks nawa’y maging gabay mo upang

makatulong sa pag-unlad pa ng iyong kaalaman. Paano mo maiuugnay ang mga

salita sa loob ng kahon sa iyong pagkakaunawa sa Ekonomiks? Isulat ang iyong

sagot sa iyong sagutang papel.

1. Paano nababago ng paglakas o paghina ng ekonomiya ang estado ng pamumuhay

ng mamamayan sa kanyang lipunan?

2. Mahalaga ang ugnayan ng tao sa kanyang lipunan, sa paanong paraan ito

maipakikita sa buhay ni Juan Dela Cruz?

Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa mga isyu at

hamong panlipunan.

Page 12: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

6

Tuklasin

Loop A Word

Panuto: Hanapin ang mga salita sa ibaba sa loob ng kahon. Ang mga salitang iyong mahahanap ay lubhang mahalaga para sa talakayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Suriin

Maaari mong maitanong sa iyong sarili, bakit ang mga nakuha mong sagot sa

gawain sa naunang pahina ay lipunan, pamahalaan, relihiyon, gampanin, pamilya,

pananampalataya? Sapagkat ang ating talakayan ang may kinalaman sa mga

kontemporaryong isyu sa bansa o maging sa ibang bansa.

Ano ba ang ibig sabihin ng Kontemporaryong Isyu?

Ang kontemporaryo (contemporary) ay mula sa salitang Latin na com na

nangangahulugang “may kasama” at temporarius mula sa salitang tempus na

ibig sabihin ay “oras”.

M P U K D C S X O L A U K P

I F J Z F U W W J Y S L T I

S N A Y T H T O L X F B H D

I P S A R I I I E E Q K F T

A U T T P E M O A X O X V K

X S O C I A L A G R O U P P

E N A Q P T M I G S L B U T

N K B N K B U A H F B I Q M

V T B B V L M S H I Q H O T

U O D L Z P W J Y A Y Q F J

V Z I N A S Q Z P O L O F F

I R N N I I M D A V N A N X

Q L I P U N A N I A D G A S

C N E F K W J S T A T U S Y

K O N T E M P O R A R Y O I

A L W A T I S Y U B A L T A

PAMAHALAAN

PAMILYA

ISYU

LIPUNAN

INSTITUSYON

STATUS

SOCIAL GROUP

RELIHIYON

KONTEMPORARYO

GAMPANIN

Page 13: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

7

Ang salitang kontemporaryo (contemporary) ay naglalarawan sa takdang

panahon hanggang sa kasalukuyan. Ito ay tumutukoy sa katangian na

nagpapakilala sa kasalukuyan habang ang salitang isyu (issue) ay

nangangahulugang mga pangyayari, mga sigalot o problema na pinag-uusapan

sa lipunan. Kaya’t kung ating pagsasamahin, ang kontemporaryong isyu ay mga

usapin o pangyayari na pinag-uusapan o pinagdedebatihan ng bansa na sangkot

ang bawat Pilipino. Mga halimbawa ng mga kontemporaryong isyu ay may

kinalaman sa relihiyon, kalusugan, ekonomiya, pulitika at kultura.

Isang halimbawa ng kontemporaryong isyu ay ang usapin sa korapsyon. Ito ay

isang konsepto na nakikita at maaaring nagawa ng mga mamamayan kahit sa

simpleng transaksiyon lamang. Halimbawa ay ang paghingi ng dagdag na baon

sa magulang na ang dahilan ay may babayaran sa paaralan ngunit wala naman

pala o maaaring ang paghingi ng papel sa ating kaklase kahit mayroon tayo.

Hanggang sa mga fixers na nagkalat sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

upang mapabilis ang transakyon tulad ng pagkuha ng permit sa iba’t ibang

negosyo at proyekto.

Batay sa resulta ng pag-aaral ng Transparency International na ang Pilipinas

ay pang-tatlumpu’t apat (34) mula sa isangdaang (100) may pagkakakilanlan na

“very clean”. Ang markang ito ay lubhang mababa kung ihahambing sa

Singapore, Denmark, Finland, Sweden at New Zealand. Ipinahahayag din na

problema rin sa korapsyon ng bansa ay problema din ng mga karatig-bansa tulad

ng Vietnam, Indonesia, Bangladesh at North Korea na itinuturing na “five most

corrupt countries”. Sa pahayag ni Rosalinda Tirona, ang pangulo ng

Transparency International, kailangan ng maraming pagkilos upang masugpo

ang korapsyon sa bansa ngunit ang higit na dapat pagtuunan ng pansin ay ang

transpormasyon ng lipunang Pilipino na siyang daan ng tunay na pagbabago

(Salaveria, 2012)

Ngunit paano ba masasabi na ang isang pangyayari ay mahalaga:

1. kung ito ay makabuluhang isyu para sa bansa.

2. kung ito ay lubhang nakaiimpluwensiya sa lipunan ng ating ginagalawan.

3. kung ito ay nagaganap sa kasalukuyang panahon.

Dalawang mahalagang pinagmumulan ng impormasyon:

Primaryang Sanggunian – ibig sabihin ang

pinagmumulan ng impormasyon ay mula sa orihinal

na nagsulat o nakaranas ng pangyayari. Ito ay ang

mga babasahin na nagmula sa ating mga ninuno,

mga talambuhay, mga journal, mga larawan o guhit.

Maaari ring mga kagamitan ng mga sinaunang

pamayanan. SINAUNANG KAGAMITAN

Page 14: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

8

Sekondaryang Sanggunian – ang pinagmulan ng babasahin

ay hindi nanggaling sa primaryang sanggunian at maaaring

magamit na batayan sa kasalukuyan. Ilang halimbawa ay mga

libro, babasahin tulad ng dyaryo at akda.

ANG LIPUNAN

Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisado

at sistematikong lugar o pamayanan. Sila ay may pagkakaiba sa kani–kanilang

mga interes ngunit naniniwala sa isang batas kaya’t nagkakaroon ng kasunduan.

Maraming pilosopo ang nagpahayag ng kahulugan ng lipunan at ang ilan sa

kanila ay sina:

A. Emile Durkheim– Ayon kay Durkheim, ang lipunan ay isang buhay na

organismo na patuloy na kumikilos at nagbabago na kung saan nagaganap

ang mga pangyayari. Binubuo ng iba’t ibang institusyon na nag-uugnay sa

isa’t isa upang bumuo ng lipunan.

B. Isabel Panopio–Ayon sa kanya ang lipunan ay isang sistematikong

komunidad na binubuo ng balangkas at gampanin. Ang balangkas ay

tumutukoy sa organisasyon ng mga mamamayan na gagawa ng mga batas

upang sundin ng lipunan habang ang gampanin naman ay tumutukoy sa

kakayahan ng tao na gawin ang kanyang bahagi sa lipunan.

C. Karl Marx–Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng interes sa

kapangyarihan. Ito rin ay kakikitaan ng hindi pagkakasundo dulot ng

pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang yaman ng bansa. Bunga nito,

nagkakaroon ng hindi pantay na antas ng pamumuhay sa lipunan.

D. Charles Cooley – Ang lipunan ay magkakawing na ugnayan ng tao sa

kanyang kapaligiran. Mas nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa kanyang

pakikisalamuha sa kanyang kapaligiran. Ang maayos na pakikipag-usap ay

isang paraan upang maging mapayapa ang interaksyon ng bawat isa.

Ang lipunan ay nahati sa dalawang bahagi: unang bahagi ay ang istrukturang

panlipunan at ang ikalawang bahagi ay ang kultura. Pinaghiwalay ang talakayan

sa dalawang bahagi upang higit na magbigay-linaw sa pagkakaiba ng dalawa

ngunit ipakikita ang pagkakaroon ng ugnayan sa kanilang dalawa.

MGA AKLAT

LIPUNAN

Institusyong Panlipunan

A. Institusyon

B. Social Group

C. Status

D. Gampanin

Kultura

A. Paniniwala/Beliefs

B. Pagpapahalaga/ Values

C. Norms

D. Symbols/ Simbolo

Page 15: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

9

Ang unang bahagi ay institusyong panlipunan. Ito ay binubuo ng apat na

elemento: institusyon, social group, status at gampanin. Sa bawat elemento ay

may kanyang–kanyang haligi upang maging matatag ang pagkakaunawa sa

bawat isa. Tingnan ang diyagram sa ibaba.

ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN

MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN

1. INSTITUSYON- ito ay mga organisadong komunidad na bumubuo sa isang

lipunan. Ang institusyon ay binubuo ng sumusunod:

A. Pamilya - ang pamilya ay ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na kung

saan ay nagsisimulang mabuo ang isang pamayanan. Ang unang humuhubog

sa bawat sanggol na isinisilang sa mundo. Ang mga magulang ang siyang

unang guro ng mga bata. Ang tahanan ay siyang ugnayan ng mga institusyong

panlipunan.

B. Paaralan - ito ang lugar kung saan nahuhubog ang kakayahan ng mga bata.

Itinuturo rin sa paaralan ang mga impormasyon sa pagitan ng tama o mali.

Ito ang institusyon na katulong na humuhubog sa karunungan ng mga mag-

aaral upang maging isang mabuting mamamayan.

C. Ekonomiya - mahalaga sa bahagi ng ekonomiya ay ang kakayahan ng bawat

isa na maging bahagi ng lakas-paggawa. Dito tinatalakay ang palitan ng

serbisyo o produkto ng mga prodyuser at konsyumer, demand at supply.

Pinag-aaralan din ang dami ng yamang-likas na tugunan ang

pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan.

D. Pamahalaan - ang institusyon na nagtatalaga ng mga batas para sa ikaaayos

ng isang lipunan. Ito rin ang siyang nakatalaga na tumulong sa mga

nangangailangan sa kanyang nasasakupan. Halimbawa ay ang paglalagay ng

tamang tawiran, pamamahagi ng mga impormasyon ukol sa mahahalagang

kaganapan sa bansa at marami pang iba.

LIPUNAN

Social Group Institusyon Status Gampanin

Pamilya Primary

Group

Ascribed Status

Paaralan

Secondary

Group

Achieved Status

Pamahalaan

Ekonomiya

Pananampalataya

Page 16: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

10

HOUSEWIFE / HOUSEHUSBAND

E. Pananampalataya - ang institusyon na sandigan ng mga mamamayan, ang

paghahangad na ligtas sa maghapon maging sa trabaho o sa loob ng bahay.

Ang usaping panrelihiyon ay bahagi ng usaping panlipunan.

2. SOCIAL GROUP – ito ay ang mga institusyong panlipunan na binubuo ng dalawa

o higit pang tao na may magkakaugnay na katangian at nagkakasundo sa

kanilang mga hangarin. Ito ay nahahati sa dalawa:

A. Primary Group - ito ay kinabibilangan ng mga taong malalapit sa iyo katulad

ng pamilya, kamag-anak o mga taong may impormal na pakikipag-ugnayan

tulad ng kaibigan o kabarkada, habang ang;

B. Secondary Group - kinabibilangan ng mga taong may pormal na ugnayan sa

isa’t isa halimbawa ay kasamahan sa trabaho o kapitbahay.

3. STATUS - ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang

indibidwal sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng status sa iyong

pagkakakilanlan sa lipunan. May dalawang pagkakaiba sa status ng tao:

A. Ascribed Status - ito ay tumutukoy sa iyong posisyon sa lipunan mula ng

ikaw ay ipanganak o isinilang.

B. Achieved Status - ito ay iyong posisyon na dulot ng iyong pagsisikap o mga

pagbabago sa iyong buhay sa mahabang panahon.

4. Gampanin (Roles) – ito ay tumutukoy sa gawain,

obligasyon, responsibilidad at karapatan ng

indibidwal sa kanyang lipunan. Ang bawat

indibidwal ay may posisyong kinabibilangan at

nagtatalaga sa kanyang gampanin para maging

bahagi ng lipunan. Halimbawa sa kasalukuyan ay

tinatanggap na natin ang pagkakaroon ng

househusband maliban sa mga babaeng tinatawag

na housewife.

ANG KULTURA

Ayon kay Margaret Andersen at Howard Taylor, ang kultura ay isang

komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay–kahulugan sa paraan ng

pamumuhay ng isang grupong panlipunan sa kabuuan.

Ito ay sistema o paraan ng pamumuhay ng isang pamayanan na naniniwala

sa iisang ugnayan upang magkaroon ng organisadong lipunan.

DALAWANG URI NG KULTURA

A. MATERYAL - ito ay bahagi ng kultura na nagbibigay

ng kahulugan at mahalaga para sa pag-unawa ng

kultura halimbawa ay mga likhang–sining, tula,

mga kagamitan at maging mga gusali. Ang mga

materyal na kultura ay karaniwang nahahawakan

at nakikita ng mga tao. MGA SINAUNANG KAGAMITAN

Page 17: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

11

***Pahayagan - isang uri ng materyal na kultura na

ginagamit na batayan ng kaalaman ng mga mamamayan upang

mauunawaan ang kalagayan ng lipunan.

B. HINDI MATERYAL -mga bahagi ng pang-araw–araw na pamumuhay ng mga tao

katulad ng awit, batas, ideya at mga paniniwala. Ito ay karaniwang ibinabahagi

sa pamamagitan ng kilos o gawi.

***Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga

mamamayan sa isang lipunan. Binubuo ang kultura ng mga paniniwala,

pagpapahalaga, norms at simbolo.

A. PANINIWALA (Belief) – ito ay ang batayan ng

pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan. Isang

halimbawa nito ay ang pagmamano sa kamay ng

mga nakatatanda bilang paggalang o pagbibigay ng

respeto, ang pantay na pagtingin sa mga

kababaihan at kalalakihan. Isang matandang

paniniwala ay ang paglalagay sa manunggul jar o

isang banga ng ating yumaong ninuno bilang

libingan nito.

B. PAGPAPAHALAGA (Values) – ito ay ang batayan ng isang pangkat o grupo kung

ano ang katanggap-tanggap para sa kanila. Halimbawa ay ang pag-aalaga sa

ating mga nakatatanda o mga lolo at lola bilang pagpapakita sa kanila ng

pagmamahal at pagpapahalaga sa nagawa nila sa ating pamilya.

MANUNGGUL JAR

MGA

ELEMENTO

NG

KULTURA

KULTURA Folkways Paniniwala

Mores Simbolo

Norms Pagpapahalaga

PAGMAMANO PAGBIBIGAY NG MGA

REGALO AT BULAKLAK

Page 18: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

12

C. NORMS - ito ay ang pamantayan ng pagkilos ng isang lipunan.

Nahahati sa dalawa ang norms:

a. Folkways –itinuturing na pangkahalatang batayan

ng kilos ng mga tao sa isang lipunan. Ang ilang

halimbawa ay paggalang sa mga magulang at

nakatatanda, pagdiriwang ng kaarawan o

anibersaryo, pagkakaroon ng mga malakihang

pagdiriwang ngunit mas higit na batayan ng kilos

ay ang;

b. Mores na ang paglabag ay may kaukulang ligal na parusa halimbawa ay

pagnanakaw o pagpatay.

¨ Maaaring ang mga pag-uugali, kilos o kaugalian ay hindi magkakapareho sa bawat

lipunan sapagkat ito ay nakabatay sa kultura na kanyang kinalakihan.

Halimbawa ay ang pagmamano na isang kaugalian sa ating mga Pilipino habang

sa ibang bansa ay pagbebeso (palitan ng halik sa pisngi), paghalik sa kamay at

iba pa. Isa ring halimbawa ay ang paggamit ng po at opo na hindi naririnig sa

ibang lahi.

¨ Ang kawalan ng norms sa isang lipunan ay maaaring magdulot hindi magandang

ugnayan sa mga mamamayan na nakatira dito sapagkat walang batayan na

siyang pagiging daan upang sila ay magka-ayos.

D. SIMBOLO (Symbols) - ang paglalapat ng kahulugan

sa isang kilos o bagay ayon sa gamit nito sa isang

indibiwal.

Ilang halimbawa ay sumusunod:

- ang pagtango na nangangahulugang pagpayag;

- pagkikipagkamay na ang ibig sabihin ay pakikipagkasundo;

- ang pagsusuot ng itim na ang ibig sabihin ay pagluluksa;

- ang pagsusuot ng polka dots tuwing sasapit ang Bagong Taon;

- ang paggamit ng tsek bilang tama o ekis na nangangahulugang mali at

- ang mga kumpas ng ating mga kamay na siyang nagsasalita para sa

atin.

Ang bawat indibidwal ay bahagi ng lipunan na kanyang kinabibilangan,

maging anomang status ang kanyang tinatamasa dito. Ngunit hindi maiaalis na

magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa institusyon ng lipunan.

Subalit kailangan nga ba, maaaring ang isang isyung personal ay maging

isang isyung panlipunan?

Page 19: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

13

SOCIOLOGICAL IMAGINATION

Isyung Personal- maaaring maituring na isang isyung personal ang suliranin

kung ito ay sa pagitan ng isang indibidwal at malapit sa kanya. Ang mga

tunggalian sa isyung personal ay maaaring masolusyonan sa kamay ng

indibidwal. Ito ay mga personal na usapin o isyu.

- Ang ilang halimbawa ay ang sumusunod:

a. ang pagkakaroon ng sakit ng isang indibidwal;

b. ang kawalan ng baon ng isang mag-aaral upang makapasok sa paaralan;at

c. ang pagiging late ng isang mangagawa dahil sa hindi nagising ng maaga.

Isyung Panlipunan - ang isang isyung panlipunan ay suliranin na kinakaharap

ng lipunan. Ang mga suliranin o isyung panlipunan ay mga problema na

kinaharap ng sambayanan at pinagtutuunan ng pansin ng pangkat ng tao o ng

pamahalaan. At ang solusyon sa mga isyung ito ay lubhang makakaapekto

maging mabuti man o hindi sa sambayanan.

- Ang ilan sa halimbawa ay ang mga sumusunod:

a. ang malawakang traffic sa EDSA at iba pang bahagi ng Kamaynilaan;

b. ang pagkakaroon ng suliranin sa basura sa lahat ng panig ng bansa; at

c. ang problema sa kriminalidad tulad ng nakawan, drugs at iba pa.

Sociological Imagination – ito ay ugnayan sa pagitan ng isyung personal at

isyung panlipunan. Kung makikita na ang isyung kinakaharap ng isang tao ay

maaaring makaapekto sa isyung kinakaharap ng lipunan o ang isyu ng lipunan

ay maaaring maging isyu ng iisang tao o lupon ng tao. Ito ay pinagtutuunan ng

pansin ng pamahalaan upang hindi maging pambansang suliranin.

- Ang ilang halimbawa ay ang sumusunod:

a. ang pagputok ng Bulkang Taal na nagdulot ng matamlay na turismo sa

lalawigan ng Batangas, Tagaytay at maging Laguna;

b. ang pandemyang COVID-19 na kumitil sa buhay ng maraming Pilipino;

c. ang pagkakaroon ng sakit na dengue na nagiging dahilan ng kamatayan

ng maraming mamamayan; at

d. ang impluwensiya ng bawal na gamot tulad ng marijuana, shabu, cocaine.

Sa mga halimbawang ipinakita, mapapansin na ang mga ito ay hindi mga

problema na mabilis solusyunan ng iisang tao o lupon ng tao ngunit nararapat

napagtuunan ng isang ahensya ng pamahalaan sa patnubay ng pangulo ng bansa o

kahit sinong pinuno o lider ng bansa. Ang paggawa ng solusyon ay dapat pinag-

aaralan at isinasangguni sa mga may pinag-aralan upang makamit ang tagumpay

sa pagsugpo ng suliranin.

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang unang paksa - Isyu at Hamong

Panlipunan sa ating Modyul 1. Ngayon naman ay dumako tayo sa ilang pagsasanay

upang ating tahayin ang lawak ng iyong pagkaunawa sa aralin. Ihanda mo na ang

iyong sagutang papel at simulan na.

Page 20: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

14

Pagyamanin

A. Sagot sa Kahon

Panuto: Buoin ang tsart na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Maging gabay ang ilang sagot sa loob ng kahon.

B. Tumpak na Salita

Panuto: Buoin ang mahahalagang salita mula sa araling tinalakay batay sa

kahulugang ibinigay sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay binubuo ng mga magkakaugnay na bahagi ng pamayanan.

2. Sumasalamin sa pamumuhay.

3. Ito ay ang mga pangyayari na may kinalaman sa ating lipunan

4. Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang tao sa lipunan.

5. Isang halimbawa nito ay ugnayan sa pagitan ng magkakapatid o magkakasama

sa hanapbuhay.

6. Ang pagbibigay ng magandang kinabukasan sa kanilang mga anak ay isang

bahagi ng _______ ng ating mga magulang. (Ingles ang sagot)

EKONOMIYA

SOCIAL GROUP

INSTITUSYON

ACHIEVED

STATUS

Page 21: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

15

7. Isa sa mga institusyon sa bumubuo sa lipunan na gumagawa ng batas,

nagpapatupad ng batas at nag-aayos sa mga isyung panlipunan.

8. Ang paghahangad ng tao na magkaroon ng maayos na hanapbuhay, magandang

kinabukasan ay isang halimbawa ng ________.

9. Tumutukoy sa mga malalapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal.

10. Ang batayan ng lahat ng pagkilos ng bawat isa sa lipunan. Hindi tinitingnan

kung anong relihiyon mayroon ang tao kundi ang kanyang paninindigan sa tama

at mali.

C. Larawang Guhit ko!

Panuto: Gumuhit ng larawan na magpapakilala sa mga elemento ng kultura. Iguhit

ang iyong sagot sa sagutang papel.

D. Kumpletuhin ang Pangungusap

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ano ang

hinihingi ng mga pangungusap sa ibaba. Piliin ang inyong sagot sa loob ng

pagpipilian. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel. (Ang mga sagot ay

mula sa talakayan ng kultura at kontemporaryong isyu.)

1. Ang pandemyang Covid-19 ay isang halimbawa ng _____________sapagkat ito ay

pinag-uusapan ng buong mundo at may malaking epekto sa buhay ng mga

Pilipino. (kontemporaryong isyu o balita)

2. Ang mga komiks, journal at larawang guhit ay halimbawa ng materyal na uri ng

kultura habang ang mga tradisyon, kaugalian at pamahiin ay _____________ na

uri ng kultura. (materyal o di materyal)

PANINIWALA

PAGPAPAHALAGA

NORMS

KULTURA

SIMBOLO

Page 22: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

16

3. Ang pagsusuot ng purdah ng mga babaeng Muslim ay _____________ upang hindi

maipakita ang mukha ng babae sa kahit na sinong tao na makakikita sa kanila.

(paniniwala o pagpapahalaga)

4. Mahalaga sa mga Pilipino ang pagdiriwang ng Araw ng mga Ina dahil ito ay

sumisimbolo sa kanilang _____________ sa mga ilaw ng tahanan.

(pagpapahalaga o paniniwala)

5. Si Martha ay ikakasal na bukas sa kanyang nobyong si John kaya pinagbawalan

sila ng magulang ni Martha na magkita sa gabi bago ang kasal, ito ay isang

halimbawa ng _____________. (simbolo o paniniwala)

6. Ang lipunan ay nahati sa dalawa: ang istrukturang panlipunan at ang

_____________. (kultura o simbolo)

7. Ang _____________ ay nagpapakita ng uri ng pamumuhay sa isang komunidad.

(norms o kultura)

8. Sa lahi ng Pamilya Calderon mahigpit na ipinagbabawal ang hindi pagsisimba

tuwing araw ng Linggo, ito ay bahagi ng _____________ kanilang pamilya.

(folkways o mores)

9. Sa ating kasaysayan, ang babaeng binukot na nagbibigay ng sughay sa isang

lalaking mandirigma ay nangangahulugang may pagtangi ang babae sa lalaki.

Ang pagbibigay ng sughay ay _____________ ng pagmamahal. (folkways o simbolo)

10. Isa sa itinuturo sa paaralan ay ang _____________ sa ating kalikasan.

(pagpapahalaga o mores)

E. Pagkakakilanlan at Paghahambing

Panuto: Buoin ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan ng paghahambing sa

pagitan ng isyung personal at isyung panlipunan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang

papel .

Gabay na tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?

2. Paano nagkaroon ng ugnayan ang dalawang isyu na tinatawag na sociological

imagination?

Isyung

Panlipunan

Isyung

Personal

Sociological Imagination

Page 23: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

17

3. Magbigay ng halimbawa ng sumusunod:

a. isyung personal at isyung panlipunan

b. sociological imagination

F. Dugtungan Mo, Pahayag Ko!

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag. Isulat ang wastong isyung personal o isyung

panlipunan batay sa hinihingi ng pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Nagsara ang pabrikang pinapasukan ng tatay at nanay ni Pilar dahil dito ay (ano

ang maaaring mangyari sa pag-aaral ni Pilar at ng kanyang dalawa pang

kapatid?)

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Tambak ng basura ang bubungad sa Barangay 219, (paano ito makaaapekto sa

kalusugan ng mga naninirahan dito?) _________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Lubhang malaki ang epekto ng COVID-19 sa bansang Pilipinas,(paano ito

nakaaapekto sa pamilyang Pilipino o maging sa inyong pamilya?)

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Mula sa mga naging talakayan tungkol sa tatlong paksa, inaasahan kong

masasagutan mo ang mga katanungan o pahayag sa ibaba. Isulat ang iyong sagot

sa sagutang papel.

1. Bakit mahalagang maunawaan mo ang mga konseptong may kinalaman sa

lipunan? ______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga pagkakaiba ng elemento ng kultura? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Paano mo mailalapat sa iyong buhay ang konsepto ng Sociological Imagination?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Page 24: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

18

Isagawa

Ano ang Magagawa Mo?

Panuto: Sa bawat pangyayari o isyu na isinasaad sa ibaba, kailangan mong gawan

ng solusyon ang mga ito batay sa hinihingi sa bawat bilang. Isulat o idikit sa iyong

sagot sa sagutang papel.

1. Sa pamamahagi ng ayuda mula kay Mayor Susan ay nagdulot ng kaguluhan sa

Barangay 1115, ano ang dapat gawing ng Kapitan upang masolusyonan ang

kaganapan. Magbigay ng maaaring maging slogan upang maayos ang kaguluhan.

Rubrics para sa Slogan

Kraytirya Napakahusay

(4) Mahusay

(3)

Di- gaanong mahusay

(2)

Nangangailangan ng Pagpapabuti

(1)

1. Pagkakabuo

(organisasyon ng ideya)

Naipakita nang buong husay

ang organisasyon ng

ideya sa pagbubuo ng

slogan

May kaisahan ang slogan ngunit

may isa hanggang dalawang talata ang di naipakita ang organisasyon

ng ideya

May 2-3 talata na hindi

maayos ang pagka-organisa

Di maayos ang organisasyon ng

ideya, walang kaisahan

2. Nilalaman

May katuturan at

napapanahon, may paghamon

sa kaisipan

May katuturan, may paghamon sa kaisipan subalit

hindi napapanahon

May katuturan ngunit kulang

kung kayat kakaunti

lamang ang paghamon sa kaisipan at

hindi napapanahon

Walang katuturan, di napapanahon,

hindi mapanghamon sa

kaisipan

3. Pagkamalikhain

Gumagamit ng maraming kulay at

kagamitan na may

kaugnayan sa paksa

Gumamit ng kulay at iilang kagamitan na

may kaugnayan sa paksa

Makulay subalit hindi

tiyak ang

kaugnayan

Hindi makulay

4. Kalinisan Maganda , malinis at kahanga – hanga ang pagkagawa

Malinis Ginawa ng apurahan

ngunit di - marumi

Inapura ang paggawa at

marumi

2. Nagkaroon ng alitan sa pagitan ng magkakapit-bahay dulot ng hindi tamang

pagtatapon ng basura, ano ang dapat gawin upang hindi na lumala ang kanilang

alitan. Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng flyers. Gumamit ng ½ bondpaper sa

iyong flyers. Idikit o maaaring i-stapler ang bondpaper sa iyong sagutang papel.

Page 25: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

19

Rubric sa Kalipunan ng mga Datos (Compilation)

Kraytirya

Di

Pangkaraniwan

4

Kahanga-hanga

3

Katanggap-

tanggap

2

Pagtatangka

1

1. Kalidad ng datos

Angkop at may

kaugnayan ang

mga datos sa

paksa.

May kaugnayan sa

paksa

May kaugnayan

sa paksa ngunit

ang ibang datos

ay di - angkop.

Walang

kaugnayan at

di - angkop.

2. Bilang ng datos

Higit sa

itinakdang bilang

Nakasunod sa

itinakdang bilang

May ilang

kakulangan

Maraming

kakulanagn

3. Kayarian May kaiga-

igayang kayarian,

aritstiko, maayos

ang kabuuang

ginawa.

May kaiga - igayang

kayarian, maayos ang

kabuuang ginawa.

Maayos ang

pagkakasulat

subalit hiwa -

hiwalay ang mga

pahina.

Di- maayos

ang

pagkasulat,

hiwa-hiwalay

ang pahina.

4. Pagsusumite Nakapagsumite sa

itinakdang araw.

Nakapagsumite sa

tamang oras.

Nakapagsumite

ngunit huli sa

itinakdang araw.

Higit sa 1

linggo ang

kahulihan.

3. Ang Department of Tourism ay nangangailangan ng bagong tagline upang

makabawi ang bansa sa gitna ng pandemya ng COVID-19, at ikaw ay naatasan

na gumawa ng hashtag o tagline, ano ito?

Tayahin

Panuto: Talakayin ang konsepto ng aralin. Basahing mabuti ang bawat pahayag at

isulat ang titik ng tamang sagot na kukumpleto sa diwa ng araling tinalakay sa

iyong sagutang papel.

1. Ang ____________________ ay mga pangyayari na nagdudulot ng malaking usapin

para sa bansa.

A.Headlines C. Contemporary Issues

B. Sociological Imagination D. Social issues

2. Dalawang uri ng sanggunian: _________________ at ____________________

A. primaryang sanggunian at sekondaryang sanggunian

B. internasyunal at lokal na sanggunian

C. balitang nasyunal at balitang lokal

D. pahayagan o telebisyon

3. Ito ay lupon o pangkat ng mamamayan na naninirahan sa isang komunidad na

may magkakaugnay na interes at nagkakasundo sa iisang adhikain.

A. Pamayanan B. Lipunan C. Komunidad D. Bayan

4. Ang mga elemento ng institusyong panlipunan.

A. Pamilya,Paaralan,Ekonomiya,Pamahalaan,Pananampalataya

Page 26: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

20

B. Norms,Values,Symbols,Beliefs

C. Institusyon,Status,Social Group,Gampanin

D. Pamilya,Paniniwala, Paaralan ,Pagpapahalaga

5. May pagkakaiba-iba sa interpretasyon tungkol sa mga bagay na mahalaga para

sa ating pamumuhay halimbawa ay ang pagkakaroon ng mga curfew sa loob ng

tahanan, pagsisimba tuwing araw ng linggo, pagkain ng hapunan ng sabay–

sabay ng isang pamilya. Tukuyin kung anong bahagi ng kultura ang mga ito.

A. paniniwala C. simbolo

B. pagpapahalaga D. norms

6. Ang kaugalian sa pagbibigay ng dote o abot–kaya ay isang halimbawa ng

paniniwala ng mga Pilipino sa bahagi ng Panay. Ito ay pagbibigay ng regalo ng

mga lalaki sa kanilang nais pakasalang binukot.

A. Tama C. parehong A at B

B. Mali D. Wala sa nabanggit

7. Kumpletuhin ang pahayag. Mahalaga ang pag-aaral sapagkat ______________

A. ito ay isang bahagi ng achieved status ng tao.

B. ang pagtatapos ng pag-aaral ay bahagi ng pagbabago sa kanyang

pamumuhay.

C. tama ang dalawang pahayag.

D. Wala sa nabanggit

8. Nagkakaiba– iba ang ___________ batay sa paglalarawan ng isang lipunan.

A. kultura C. simbolo

B. pagpapahalaga D. norms

9. Isang kaugalian sa mga Pilipino ay ang pagsusuot ng damit na bilog—bilog

tuwing Bagong Taon.

A. Paniniwala. Sapagkat ito ay nagsalin-salin sa ating mga ninuno.

B. Pagpapahalaga. Isang halimbawa ng pagpapasalamat sa buong taon na

puno o siksik ng pagpapala.

C. Norms. Nakahihiya sa ating pamilya ang wala tayong handa para sa

okasyon.

D. Simbolo. Pagpapakita ng pagpasasalamat para sa bansa.

10. Ang kultura ay nahati sa dalawa: ang ______________ ay tumutukoy sa mga

bagay na nahahawakan katulad ng mga kagamitan, mga larawang–guhit at mga

alahas samantalang ang mga _____________ ay mga uri ng kultura na

ipinapakita sa kilos, ugali at mga gawi ng pamayanan.

A. Materyal na Kultura at Di-Materyal na Kultura

B. Di–Materyal na Kultura at Materyal na Kultura

C. Primaryang Kultura at Sekondaryang Kultura

D. Sekondaryang Kultura at Primaryang Kultura

11. Isa sa mga institusyon ng lipunan ay ang ____________ na nagpapabago sa estado

ng buhay at pagtingin ng lipunan sa tao.

A. social group C. status

B. gampanin D. institusyon

Page 27: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

21

12. Ang social group ay nagpapakita ng ugnayan ng mamamayan sa kanyang

kapwa. Tukuyin kung alin ang nagpapakita ng secondary group.

A. Si Danya ay luluwas ng Kamaynilaan upang tumira sa kanyang lola na

maysakit.

B. Si Carlos ay nagdesisyon na umuwi sa kanyang probinsya upang

makasama ang kanyang pamilya.

C. Si Amboy ay nagtatrabaho kay Atty. Mallari bilang driver at houseboy.

D. Si Jenny ay naglilinis ng bahay kapalit ng kanyang pagtira sa kanyang

tiyahin.

13. Ito ay mga usapin na maaaring solusyon sa kamay ng isang tao lamang.

A. Isyung Panlipunan C. Isyung Personal

B. Isyung Pampayanan D. Isyung Pansarili

14. Nagkaroon ng malawakang brownout sa Luzon, ano ang maaaring maging

epekto nito sa mga pabrika sa Luzon?____________________________________

A. Bababa ang bilang ng mga manggagawang papasok sa pabrika.

B. Maraming manggagawa ang hindi makakagawa dahil mainit sa loob ng

pabrika.

C. Babagal ang produksyon sapagkat limitado lamang ang magagawa ng mga

manggagawa.

D. Walang magiging epekto sa pabrika at manggagawa.

15. Magbigay ng sariling halimbawa ng sociological imagination.

A. Nagkaroon ng sakit si Lilia dulot ng kanyang hindi pagkain sa tamang

oras.

B. Nahihirapang sumakay ng dyip si Cathy dulot ng rush hour.

C. Ipinagbabawal inumin ang tubig sa balon na nagdulot ng sakit sa

mamamayan.

D. Masipag mangulekta ng basura sa bayan ng San Carlo.

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang unang

paksa sa ating modyul. Dahil dito, handa ka nang harapin ang mga susunod na

paksa sa ating asignatura. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang

pagsasagot sa karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa

aralin. Muli ang aking pagbati!

Karagdagang Gawain

A. Crossword Puzzle

Panuto: Buoin ang crossword puzzle. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Page 28: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

22

.

PABABA:

1. Sumisimbolo sa paraan ng pamumuhay ng tao.

3. Ginagamit upang malaman ng mga mamamayan ang mga pangyayari sa kanyang

lipunan.

4. Ito ay ginagamit upang maunawaan ang kasaysayan. Itinuturing na batayan ng

mga sekondaryang sanggunian.

5. Dito nagkakaroon ng ugnayan ang mga mamamayan na handang magkaroon ng

pagkakasundo at mabuting pagtitingin sa isa’t isa.

7. Isang uri sa mga uri ng social group na nagpapakita ng relasyon sa pagitan ng

kanyang amo at kasambahay.

8. Isang halimbawa nito ay ang pag-iingat sa mga lumang materyal o sa mga alaala

ng ating mga mahal sa buhay.

9. Ito ay bahagi ng kulturang mga Pilipino na ginagamit na gabay sa kasalukuyan.

PAG-AARAL PAGSULAT PANGARAL

Gumawa ng isang journal tungkol sa iyong natutuhan.Maglagay ng isa

hanggang dalawang larawan na nagpapakita ng iyong ginagawang pagpupursige sa

pag-aaral. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gamiting gabay ang mga tanong:

1. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga mamamayan na naninirahan sa

isang lipunan?

1.

4. 5.

2. 3. 7.

9.

8.

6.

10.

PAHALANG:

2. Salitang

nangangahulugang oras

6. Ang bawat isang

indibidwal ay may

mahalagang parte para

sa ikagaganda ng ating

kalikasan.

10.Inisyal na ang ibig

sabihin ay ugnayan sa

pagitan ng isyung

personal at isyung

panlipunan

Page 29: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

23

2. Tukuyin kung paano nagiging gabay ng ating buhay ang mga kultura mula sa

ating mga ninuno.

3. Magbahagi ng isang isyung panlipunan at kung paano ito nakaapekto sa

pamumuhay ng iyong pamilya.

RUBRICS PARA SA SANAYSAY (PAG-AARAL PAGSULAT PANGARAL)

Kraytirya Di - Pangkaraniwan

4

Kahanga - hanga 3

Katanggap - tanggap

2

Pagtatangka 1

1. Paksa Naipapaliwanag ng malinaw ang mga nasasaliksik

na relatibong

detalye na may kaugnayan sa

paksa

Naipaliwanag nang malinaw

Naiugnay ang relasyon ng pang

– suportang detalye sa paksa

ngunit di-sapat

Walang kaugnayan ang teksto sa paksa

2. Organisasyon Naisasaayos ng mabuti ang

pagkakasunud – sunod nang

mga detalye at nakapagprodyus ng isang kaaya –

ayang

komposisyon

Naisaayos nang mabuti ang

pagakakasunud – sunod ng mga

detalye

Ang organisasyon ng mga ideya

ay hindi sunud – sunod at kulang

ang detalye

Hindi organisado ang Gawain

3. Grammar Nagpamalas ng mayaman at malawak na kaalaman sa paggamit ng mga salita at

wastong bantas.

Nagpamalas ng malawak na kaalaman sa

paggamit ng mga salita at

wastong bantas

Nagpamalas ng limitadong

kaalaman sa paggamit ng

mga salita at wastong bantas

Di angkop ang mga salitang

ginamit at mai ang paggamit ng

bantas

4. Tono ng sanaysay

Tumpak at angkop para sa

pormal na salaysay at

nagpamalas ng kahusayan at

tiwala sa sarili

Angkop para sa pormal na

sanaysay at nagpamalas ng

kahusayan

Nagpamalas ng limitadong

kaalaman sa paggamit ng

mga salita at wastong bantas

Di – wasto at di -angkop ang

sanaysay

5. Kayarian ng sanaysay

May matatag at malinaw na

argumento na sinuportahan ng

mahusay na pagsusuri ng

mga detalye at wikang ginamit

May matatag at malinaw na

argumento na sinuportahan ng

mahinang pagsusuri ng

mga detalye at wikang ginamit.

Simple ang argumento na

sinuportahan ng mahinang

pagsusuri ng mga detalye at wikang ginamit

Hindi mahusay ang argumento

at walang ginawang

pagsusuri sa mga detalye at wikang ginamit

Susi sa Pagwawasto

4. A 12. C

KARAGDAGANG GAWAIN Gawain 1

1. Kultura 4. Primarya 7. Secondary 10. SI

2. Temporarius 5. Lipunan 8. Values

3. Pahayagan 6. Gampanin 9. Beliefs

Page 30: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

24

Sanggunian

Diokno, Maria Serena, Maria Bernadette Abrera, Jely Galang, Ruel Pagunsan, and

Rhodalyn Wani-Obias. Grade 7 Araling Panlipunan: Mga Saksi Ng

Kasaysayang Pilipino. Pasig: Department of Education, 2012.

LARAWAN,

GUHIT KO!

Ang sagot ay

nakadepende

sa

pagkaunawa

ng mag-aaral.

KUMPLETUHIN ANG PANGUNGUSAP

1. Kontemporaryong Isyu 6. Kultura

2. Di—Materyal 7. Kultura

3. paniniwala 8. Folkways

4. Pagpapahalaga 9. Simbolo

5. Paniniwala 10. Pagpapahalaga

Page 31: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

25

K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig:

Department of Education.

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga

Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig:

Department of Education.

Most Essential Learning Competencies (Melcs). 2020. Ebook. Pasig: Department of

Education. https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.

Page 32: Unang Markahan Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan...gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]