30
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran 10

Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

  • Upload
    others

  • View
    28

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 4:

Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran

10

Page 2: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

ii

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand

name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito

ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang

makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at

mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay

kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V

Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jane C. Omaña/ Imelda R. Niñonuevo

Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD

Romeo P. Lorido / Anastacia M. Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison

Tagaguhit: Maesie T. dela Peña

Tagalapat: Jane C. Omaña / Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R. Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

iii

10

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4:

Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran

Page 4: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Dalawang Approach sa Pagtugon sa

Hamong Pangkapaligiran.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong

Pangkapaligiran.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,

panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

v

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay

upang matulungan kang unawain ang mga araling tatalakayin sa Araling

Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib

na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin:

Leksyon 1: Ang Disaster Risk Management

Leksyon 2: Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management

Framework

Leksyon 3: Community-Based Disaster and Risk Management Approach

Leksyon 4: Top-Down Approach at Bottom-up Approach

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang kahulugan ng Disaster Management at Community-Based

Disaster and Risk Management;

2. nasusuri ang pagkakaiba ng katangian ng Bottom – Up Approach at Top-

Down Approach; at

3. natatalakay ang kahalagahan ng Community-Based Disaster and Risk

Management.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.

Page 8: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

2

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay isinasagawa upang mailigtas ang isang komunidad sa mga panganib at

sakuna.

A. Disaster Evaluation C. Disaster Mitigation

B. Disaster Management D. Disaster Organization

2. Ito ay sakuna na nangyayari o nagaganap dahil sa gawa ng kalikasan at ng tao.

A. hazard C. risk

B. resilience D. vulnerability

3. Nangyayari ang sakuna na ito dahil sa maling pagtatapon ng basura sa anumang

uri ng anyong tubig.

A. baha C. pagputok ng bulkan

B. lindol D. sunog

4. Kaganapan na nagdudulot ng pinsala sa tao, gawaing pang-ekonomiya at

kapaligiran.

A. disaster C. resilience

B. hazard D. risk

5. Ang sumusunod ay halimbawa ng anthropogenic hazard maliban

sa________________.

A. baha C. polusyon

B. lindol D. sunog

6. Ang sumusunod ay halimbawa ng natural hazard maliban sa ________________.

A. bagyo C. polusyon

B. lindol D. pagputok ng bulkan

7. Ito ay tumutukoy sa pagiging matatag ng mga Pilipino na harapin ang anumang

uri ng sakuna sa kanilang buhay.

A. disaster C. resilience

B. hazard D. vulnerability

8. Alin sa sumusunod na gawain ang maaari mong gawin upang maiwasan ang

pagbaha?

A. paglilinis ng bakuran

B. pagtatanim ng mga puno at halaman

C. pagtulong sa gawaing bahay

D. pakikilahok sa gawain ng komunidad

Page 9: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

3

9. Ang polusyon ay isang suliraning pangkapaligiran na nagdudulot ng panganib sa

kalusugan ng maraming tao, bilang mag-aaral paano ka makakatulong upang

maiwasan ang polusyon?

A. Pakikilahok sa gawain ng komunidad

B. Pagtatanim ng mga puno at halaman

C. Pagtulong sa mga gawaing bahay

D. Wastong pagtatapon ng basura

10. Ang pangunahing layunin sa pagsasagawa ng Disaster Management at

Community-Based Disaster and Risk Management ay maihanda ang komunidad

sa ______________.

A. Disaster Awareness C. Disaster Resilient

B. Disaster Needs D. Disaster Organization

11. Ang sumusunod na bansa ay gumagamit ng bottom-up approach sa pagharap

sa anomang kalamidad at sakuna maliban sa _____________________.

A. Indonesia C. Pilipinas

B. Laos D. Vietnam

12. Tumutukoy sa sitwasyon kung saan mula sa paghahanda na dapat isagawa

hanggang sa pagharap sa panahon ng sakuna ay inaasa sa ahensya ng

pamahalaan.

A. Bottom-up Approach C. Management Plan

B. Disaster Plan D. Top-down Approach

13. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pamamaraan ng pamamahala sa

kalamidad na nagsisimula sa mga mamamayan ng isang komunidad?

A. Community-Based Disaster and Risk Management

B. Disaster Management

C. Disaster Organization

D. Disaster Plan

14. Ano ang kalamidad na sinasabing resulta o bunga ng pang-aabuso ng tao sa

kapaligiran?

A. bagyo

B. baha sanhi ng nakalbong kagubatan

C. lindol

D. pagsabog ng bulkan

15. Ano ang dapat itabi o iimbak na pagkain kapag may bagyo?

A. de lata at iba pang katulad

B. kendi at tsokolate

C. mga pagkaing sariwa tulad ng gulay at prutas

D. sariwang karne at isda

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 10: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

4

Aralin

1 Dalawang Approach sa Pagtugon

sa Hamong Pangkapaligiran

Pagbati! Natutuwa ako na natapos mo ang mga aralin na may kinalaman sa

suliraning pangkapaligiran. Ang iyong mga napag-aralan ay lubhang kabilang sa mga kontemporaryong isyu sapagkat ito ay mga problema ng lipunan at dapat lutasin ng buong bansa, kabilang na tayo. Ngayon naman ay iyong pag-aaralan ang dalawang approach na tutugon sa mga hamong pangkapaligiran.

Balikan

KUMPLETUHIN MO NGA AKO

Nalaman mo sa nakalipas na aralin ang tungkol sa dahilan at epekto ng suliraning pangkapaligiran sa ating bansa. Bago mo pag-aralan ang kasunod na aralin, sagutin mo muna ang hinihinging detalye sa tsart at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Suliraning Pangkapaligiran

Dahilan Epekto Solusyon

Kung nasagutan mo ang mga kinakailangang impormasyon sa tsart ngayon ay handa ka nang sagutan ang kasunod na paksang aralin. Handa ka na ba? Sa Tuklasin ay kinakailangan na pag-aralan ang mga larawan at sa ilalim nito ay sasagutan mo ang mga nakahandang tanong. Tara! Madali lang ito.

Page 11: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

5

Tuklasin

LARAWAN SURI

Panuto: Suriing mabuti ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa

ibaba. Isulat ang iyong paghahambing sa sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga nasa larawan?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Naranasan mo na ba ang mga pangyayari sa iyong buhay?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Paano mo ito pinaghahandaan? Bakit mo ito kailangang paghandaan?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Page 12: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

6

Kung nasagot mo ang una hanggang ikatlong tanong ay binabati kita

sapagkat may kahandaan ka na matutunan ang paksang araling ito. Magpatuloy ka!

Suriin

Karaniwan mong nang naririnig o napapanuod ang paghahanda na ginagawa

ng pamahalaan sa tuwing magkakaroon ng kalamidad gaya ng bagyo, lindol, at

sunog. Ang mapanatiling ligtas ang komunidad sa mga banta ng sakuna ay

nakasalalay sa pagkakaroon ng mahusay na disaster management. Paano nga ba

maisasagawa ito? Ano nga ba ang disaster management? Handa ka na bang alamin

ang mga bagay na may kinalaman dito?

Ang disaster management ayon kay Carter (1992), “ay isang dinamikong

proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa pagsasagawa

ng angkop na pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy sa mga kasapi, pamumuno at

pagkontrol.” Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009),” ito ay tumutukoy sa iba’t

ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna,

kalamidad, at hazard.”

Ang pamahalaan ang bumabalangkas ng disaster management plan subalit

ang tagumpay nito ay nasa pagkakaisa ng mamamayan, pribado at pampublikong

sektor hanggang sa makabangon sa hagupit ng mga natural na kalamidad.

Mahalaga sa pagpaplano ng disaster management ang makabuo ng iba’t ibang

disenyo na naaangkop at makapagpapanatili ng kaayusan ng komunidad sa

panahon bago at pagkatapos ng kalamidad. Ang mga plano o hakbang ay nararapat

na maisagawa ng komunidad upang maiwasan ang malaking pinsala at mahalagang

naibibigay din ang mga impormasyon para sa kabatiran. Mahalaga rin ang tulong at

suporta na maaaring maibigay upang makabangon at makabalik sa normal na

pamumuhay ang mamamayang naapektuhan ng kalamidad.

May mahahalagang termino na dapat na maunawaan sa pag-aaral nito na

ayon sa Disaster Risk Management System Analysis: A Guide Book, na isinalin

sa wikang Filipino, nina Baas at mga kasama (2008).

1. Hazard – Ito ay nangangahulugang banta

dulot ng tao o kalikasan. May posibilidad na

magdulot ng panganib sa buhay, ari-arian

at kalikasan.

May dalawang uri ng hazard:

a. Anthropogenic Hazard o Human-

Induced Hazard – hazard na dulot ng

tao.

Page 13: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

7

Halimbawa nito ay mga sasakyan at

pabrikang nagbubuga ng maitim na

usok o mga kemikal na itinatapon sa

mga anyong tubig;

b. Natural Hazard – Ito ay hazard na dulot ng kalikasan. Halimbawa nito ay lindol, bagyo, tsunami at iba pa.

2. Disaster – pangyayari na nagdudulot ng panganib sa tao, sa kapaligiran at maging sa mga gawaing pang-ekonomiya; Maaari itong natural katulad ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan. Pwede ding gawa ng tao gaya ng digmaan at polusyon.

3. Vulnerability – ang nakakaranas ng malaking posibilidad na maapektuhan halimbawa ay ang mga matatanda, bata, at buntis na palagiang pinaaalalahanan ng gobyerno na hindi maaaring lumabas sa panahon ng pandemyang COVID-19, at mga bahay na gawa sa mahinang materyales sa panahon ng sakuna tulad ng bagyo at lindol;

4. Risk – inaasahang maaaring pinsala sa ari-arian at buhay sa pagtama ng kalamidad;

May dalawang uri ito:

a. Human Risk - panganib na dulot ng kalamidad sa tao;

Page 14: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

8

b. Structural risk – panganib na dulot ng kalamidad sa bahay at gusali;

5. Resilience – kakayahan ng pamayanan na harapin at muling makabangon sa epekto na dulot ng kalamidad;

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework

(PDRRMF)

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2020 ay

may dalawang pangunahing layunin:

1. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at

hazard ay dapat pagplanuhan at hindi

lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng

iba’t ibang kalamidad;

2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng

pamahalaan upang mabawasan ang pinsala

at panganib na dulot ng iba’t ibang

kalamidad at hazard.

Ang dalawang layuning ito ay kasama sa naging batayan sa pagbuo ng

PDRRMF.

Binibigyang-halaga ng National Disaster Risk Reduction Framework ang

kahandaan ng mga komunidad sa bansa sa panahon ng kalamidad at hazard upang

mapaliit ang pinsala sa buhay at ari-arian. Ang pagnanais na malutas ang mga

suliranin at hamong pangkapaligiran ay tungkuling nakasalalay sa pagkakaisa at

pagtutulungan ng mga mamamayan, pamahalaan, pribadong sektor, sektor ng mga

negosyante at non-governmental organizations (NGO’s).

Page 15: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

9

Isinusulong rin ng National Disaster Risk Reduction Management Council

(NDRRMC) ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ang

balangkas ng plano at polisiya kung paano haharapin ang mga kalamidad, hazard,

at hamong pangkapaligiran.

Ang Community-Based Disaster and Risk Management (CBDRM) Approach

Ayon kina Abarquez at Zubair (2004), “ang Community-Based Disaster and

Risk Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may

banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri,

pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.”

Binibigyang-diin na may mahalagang papel na dapat gampanan ng

pamayanan na maibigay ang partisipasyon, dahil ang komunidad ang may

pinakamataas na posibilidad na makaranas ng hagupit ng bagyo at iba pang

kalamidad at makatutulong ang mga pamamaraang nabanggit upang maging

matagumpay ang plano.

Ang CBDRM Approach sa pananaw naman nina Shah at Kenji (2004), ay isang

proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan

ng tao. Ibig sabihin nito na mahalaga na matukoy ng mga komunidad ang mga

dahilan, masusing masuri ang pinagmumulan ng hazard at maging ang epekto nito.

Tingnan din ang mga aspekto ng istrukturang panlipunan, pang-ekonomiya, at

pampolitika na maaaring magpapalala sa epekto ng kalamidad, hazard at sakuna.

Sa naunang paksa, nabanggit na ang kabiguan ng ilang institusyon na isagawa ang

kanilang tungkulin at responsibilidad ang dahilan ng hindi pagtatagumpay ng mga

programa ng gobyerno. Gayunman, ang kawalan ng interes ng mga mamamayan na

makiisa sa pamahalaang lokal ang isa sa tinutukoy na dahilan ng hindi

pagtatagumpay ng plano.

Ang kakulangan ng impormasyon na dapat na malaman sa panahon bago ang

pagtama ng sakuna ay sasalamin sa kabiguan ng pamahalaan na maipatupad ang

Disaster Risk Management Plan. Kung ang lahat ng sektor ay may epektibong

plano maiiwasan ang malaking pinsala ng kalamidad. Sinusugan ito ng isang ulat

ng WHO noong 1989 tungkol sa CBDRM Approach. Ayon dito mahalaga ang

pakikilahok ng lahat ng sektor sa pamayanan upang:

1. mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad;

2. maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may

maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na

maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan; at

3. ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan

ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay may

organisadong plano kung ano ang gagawin kapag nakaranas ng kalamidad.

Page 16: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

10

Kahalagahan ng CBDRM Approach

Ang pagbuo ng disaster resilient na komunidad ang pinakamahalagang

layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework

(PNDRRMF). Nangangahulugan ito na ang pagbabalangkas ng plano, pagtataya, at

pagsasagawa ng implementasyon na nakapaloob sa disaster management plan ay

mahalaga upang makabuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa

mga hamong pangkapaligiran.

Ang CBDRM Approach ay nakaayon sa bottom-up approach kung saan ang

mamamayan at iba’t ibang sektor ng lipunan ay nagsasagawa ng mga hakbang sa

pagpaplano tulad ng pagtukoy, pag-aanalisa, at pagbibigay solusyon sa mga

suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan ng komunidad. Nakaayon sa

CBDRM Approach ang konsepto ng bottom-up approach, ang mamamayan at iba

pang sektor ng lipunan ang mangunguna sa hakbangin ng pagtukoy, pag-aanalisa

at pagresolba sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa

kanilang komunidad. Ang paggamit ng bottom-up approach ay naging epektibo kaya

ginamit din ito ng Laos, East Timor, Indonesia at India.

Ito ay kabaligtaran sa top-down approach, kung saan ang pagpaplano sa

pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa nakatataas na ahensya ng

pamahalaan o tanggapan. Isang halimbawa ay kung may barangay na nakaranas ng

kalamidad, ito ay aasa sa magiging tugon ng pamahalaang barangay at pamahalaang

bayan. Samantala, kung ang buong bayan o lungsod ang nakaranas ng sakuna ang

pagtugon sa sistema ay nakabatay sa tulong na ibibigay o ipatutupad ng lokal na

pamahalaan gaya ng punong-bayan at gobernador ng probinsya. Ang sistemang ito

ng disaster management ay umani na ng batikos. Ayon sa mga nakasaksi na ng

ganitong sistema hindi natutugunan ng top-down approach ang pangangailangan

ng komunidad at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad

na makaranas ng matinding epekto ng hazard o kalamidad. Pananaw lamang ng

namumuno ang nabibigyang halaga sa pagbuo ng plano at malinaw na hindi

nakikita at nadarama ang karanasan ng mga tao, ang pangangailangan, at ang

sitwasyong kinalalagyan ng mga mamamayan sa komunidad.

Ang mga mamamayan na nakaranas lamang ang tunay na nakababatid ng

katotohanan ng epekto na idinulot ng kalamidad. Suliranin din ang hindi

pagkakaunawaan ng Pambansang Pamahalaan at Lokal na Pamahalaan hinggil sa

mga hakbang na dapat isagawa pagkatapos ng kalamidad na nagreresulta sa

mabagal na pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan pamayanan. Ang

ganitong sitwasyon ay hindi lamang minsan nang nangyari at ito ay nasaksihan ng

dating senador na si Panfilo Lacson nang siya ay gawing Czar para sa rehabilitasyon

ng Tacloban City matapos ang pananalasa ng super typhoon Yolanda. Nasaksihan

niya na ang agarang rehabilitasyon ay dapat na magmula sa aktibong partisipasyon

ng mga lokal na pamahalaan at ng mga mamamayang hinagupit na matinding bagyo.

Ang kahinaan ng top-down approach ay matutugunan ng bottom-up approach.

Mahalaga ang maliliit na detalye na may kinalaman sa sakuna, hazard, at kalamidad

sa pangangailangan ng mamamayan.

Page 17: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

11

Sa bottom-up approach ang karanasan ng mga mamamayang naninirahan sa

disaster prone area ang dapat na pagbuhusan ng malalim na pag-aaral at

pagpaplano upang mapabilis ang pagbangon sa mga lugar na ito. Mahalaga ang

pakikipagdayalogo sa mga punong-bayan na naapektuhan ng kalamidad sa halip na

maghantay na lamang ng post-disaster needs assessment. Sa pamamaraang ito ay

higit na makabubuo ng plano na angkop sa pangangailangan ng pamayanan.

Sa pagpapaplano ng disaster risk management mahalagang pagsamahin ang

kalakasan ng top-down approach at bottom-up approach. Malaki ang

ginagampanang papel ng pambansang pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa

kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad. Hindi rin naman dapat isantabi,

ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk

management. Kung mapagsasama ang kalakasang ito, ay magbubunga ng

holistikong pagtugon sa kalamidad at hazard sa pamayanan.

Sa ngayon ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) ay naglalayon

na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community-Based Disaster

Management Plan. Binibigyan din nito ng sapat na kaalaman na hasain ang

kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan

kasama na ang pagbuo ng plano at programa sa mga lokal na pamahalaan at mga

barangay officials. Sa kabuuan ang plano na maisasagawa ay higit na magiging

epektibo kung ang iba’t ibang sektor sa pamayanan ay makikiisa sa pagbuo upang

higit na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Makabubuo ng

angkop na estratehiya at desisyon sa simula pa lamang ng pagsasaayos ng plano.

Basehan ng

katangian Top-Down Approach Bottom-Up Approach

Layunin Maihanda ang buong bansa sa

banta ng iba’t ibang kalamidad.

Maibaba ang mga plano sa bawat

probinsya at munisipalidad.

Maihanda ang mga mamamayan

sa barangay sa mga banta ng

hazard

Maisagawa ang mga paghahanda

na kakailanganin upang maging

ligtas ang pamayanan

Bumuo ng

plano

Philippine Disaster Risk Reduction

and Management Framework

Community-Based Disaster

and Risk Management

Tagapamuno Pambansang pamahalaan Pamayanan sa tulong ng kapitang

barangay, kagawad at barangay

tanod

Paraan ng

pagbibigay ng

mga teknikal

na tulong.

Pagsasagawa ng mga pag-aaral,

seminars at pagsasanay sa iba’t

ibang anyo ng disaster.

Maisagawa nang tama ang mga

pagsasanay na natutunan ng

pamayanan tulad ng earthquake

drill at fire drill o sa panahon ng

pagbaha. Maging maalam sa mga

lugar na maaaring puntahan sa

panahon ng paglikas tulad ng

evacuation center

Page 18: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

12

Sino ang

maaaring

makiisa dito?

Pamahalaang Pambansa, Local

Government Unit (LGU),

pampublikong indibidwal,

pribadong indibidwal, Non-

Governmental Organization

Pamayanan, Local Government

Unit (LGU), pampublikong

indibidwal, pribadong indibidwal,

Non-Governmental Organization

Nagbibigay

babala

National Disaster Risk Reduction

Management Council (NDRRMC),

Pamahalaang pambansa,

Provincial Disaster Risk Reduction

Management Office (PDRRMO),

Munisipalidad ng bawat bayan

Katagumpayan Nakasalalay sa maayos na

pagpaplano ng pambansang

pamahalaan

Nakasalalay sa pagkakaisa at

pagtutulungan ng pamayanan

upang mabawasan ang pinsalang

dulot ng kalamidad/hazard.

Mahalagang alam din ang mga

hotlines ng Pamahalaang

Pambayan sa panahon ng hazard.

Pinagmumulan

ng tulong

Pambansang pamahalaan,

International Community, Non-

Governmental Organization,

pribado at pampublikong

indibidwal, Local Government

Unit, Department of Social Welfare

and Development

Pambansang pamahalaan,

International Community, Non-

Governmental Organization,

pribado at pampublikong

indibidwal, Local Government Unit

Provincial Government,

Munisipalidad

Narito ang isang simpleng ilustrasyon ng Dalawang Approach sa Pagtugon sa

mga Hamong Pangkapaligiran

Dalawang Approach sa Pagtugon sa

mga Hamong Pangkapaligiran

PDRRM Approach (Top-Down)

Disaster Management Plan

(Pamahalaan)

Probinsiya Probinsiya

Munisipalidad Munisipalidad

Munisipalidad Munisipalidad

Barangay Barangay

Pamayanan Community-Based

Plan (Pamayanan)

CBDRM Approach (Bottom-

Up) Nasyunal (Pamahalaan)

Page 19: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

13

Matapos mong pag-aralan ang nilalaman ng aralin ay makikita mo ang mga

gawain at pagsusulit na inihanda upang subukin kung lubos mong naunawaan ang

paksa.

Sagutan mo nga ang mga susunod na bahagi sa Pagyamanin.

Pagyamanin

A. Kilala Mo!

Panuto: Hanapin ang mabubuong pangalan sa ibaba maaaring pahalang, patayo at

pahilis na bubuo sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang

papel.

B G K D B H G H M B H U

C H L O D U K E J I U I

A B A R Q U E Z K J K O

R E C G J I N I O L F P

T S S Y H B J D P D S O

E H O U U G I N D H E S

R D N S H A H O H G T T

O M B D G H B H S U G D

D Z U B A I R O D I T O

E O N V G F B L E H S S

1. Ang CBDRRM Approach sa pananaw naman nina _____________ at _____________,

ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa

kapakanan ng tao.

2. Ang dating senador _____________ na ginawang Czar para sa rehabilitasyon ng

Tacloban City matapos ang pananalasa ng super typhoon Yolanda.

3. Ang disaster management ayon kay _____________, “ay isang dinamikong proseso

na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa pagsasagawa ng

angkop na pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy sa mga kasapi, pamumuno at

pagkontrol.”

4. Ayon kina _____________ at _____________, “ang Community-Based Disaster Risk

Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta

ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,

pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.”.

Page 20: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

14

5. Ayon naman kina _____________ at _____________,” ito ay tumutukoy sa iba’t ibang

gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna,

kalamidad, at hazard.”

B. Piliin Mo Tamang Konsepto Ko

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin sa kahon ang mga uri ng

konsepto o termino na naaayon sa mga pangyayaring inilalarawan sa bawat bilang.

Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______________ 1. Ang pagbibigay ng abiso ng lokal na pamahalaan sa mga tao na may bahay na nakatayo malapit sa ilog lalo’t higit ang mga bahay nagawa sa mahinang klase ng materyales.

______________ 2. Pagkukumpuni ni Mang Juan ng kanyang bahay dahil sa nagsisimula na ang panahon ng tag-ulan.

______________ 3. Paghuli ng mga pulis sa mga sasakyang nagbubuga ng maiitim na usok.

______________ 4. Anunsiyo sa radyo at telebisyon na ipinagbabawal muna ang pagpalaot ng mga mangingisda sa karagatan dahil sa storm surge na dulot ng bagyo.

______________ 5. Pinagbabawal ang paglabas ng mga buntis, bata, at matatanda dahil sa pandemyang COVID-19.

______________ 6. Ipinasara ng lokal na pamahalaan ang pabrika sapagkat nagbubuga ito ng makapal na usok.

______________ 7. Pinalilikas ang mga mamamayan na malapit sa paanan ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog nito.

______________ 8. Marami sa kabahayan ang nasira sanhi ng malakas na bagyo.

______________ 9. Matapos ang malakas na lindol muling isinaayos ang mga

nasirang tulay at daan.

______________ 10.Maagang umuwi ng bahay si Susan mula sa kanilang opisina dahil sa paparating na malakas na bagyo.

C. Istaran Mo Nga Ako!

Panuto: Lagyan ng patlang kung ang mga pangungusap sa bawat bilang ay

naaayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Framework. Isulat

ang sagot sa sagutang papel.

_______ 1. Ang pagbuo ng plano ng Pambansang Pamahalaan sa iba’t ibang kalamidad at hazard.

Anthropogenic hazard Natural hazard Risk

Disaster Resiliency Vulnerability

Page 21: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

15

_______ 2. Ang pagharap sa kalamidad sa tuwing mararanasan ito.

_______ 3. Ang paghingi ng pakikiisa at tulong sa NGO’s, pribado, at publikong sektor sa pagbuo ng Disaster Management Plan.

_______ 4. Ang pagsusulong ng Community-Based Disaster Management Approach.

_______ 5. Ang pagsusulong sa Top-down Approach.

_______ 6. Ang pagiging handa ng bansa at komunidad sa panahon ng kalamidad.

_______ 7. Ang pagsusulong sa Bottom-up Approach.

_______ 8. Ang pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

_______ 9. Sa pamahalaan nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging disaster-resilient ang buong bansa.

_______ 10. Tungkulin ng lahat ang paglutas sa suliraning pangkapaligiran.

D. Natural Hazard o Anthropogenic Hazard

Panuto: Isulat ang NH kung ang sumusunod ay halimbawa ng natural hazard at AH

kung ito ay halimbawa ng Anthropogenic hazard. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________1. hightide _______6. tsunami

________2. sunog _______7. baha

________3. lindol _______8. bagyo

________4. landslide _______9. thunderstorm

________5. polusyon _______10. storm surge

E. Tama o Mali

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali

kung hindi wasto ang isinasaad nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______ 1. Risk ay inaasahang maaaring pinsala sa ari-arian at buhay sa pagtama ng kalamidad.

_______ 2. Ang dalawang uri ng hazard ay ang natural at man-made hazard.

_______ 3. Ang disaster management ay tagapangangasiwa sa malaking kapahamakan na maaaring maganap o mangyari sa isang lugar.

_______ 4. Ang human risk ay panganib na dulot ng kalamidad sa bahay at gusali.

_______ 5. Ang disaster ay banta dulot ng tao o kalikasan. May posibilidad na magdulot ng panganib sa buhay, ari-arian at kalikasan.

_______ 6. Ang hazard ay pangyayari na nagdudulot ng panganib sa tao, sa kapaligiran at maging sa mga gawaing pang-ekonomiya.

Page 22: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

16

_______ 7. Ang pangunahing layunin ng disaster management ay mapanatiling ligtas ang komunidad.

_______ 8. Sa ngayon ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) ay naglalayon na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community-Based Disaster Management Plan.

_______ 9. Ang risk ay kakayahan ng pamayanan na harapin at muling makabangon sa epekto na dulot ng kalamidad.

_______ 10. Ang CBDRRM Approach ay isang paraan na nakatuon sa paghahanda laban sa sakuna at kalamidad.

F. Top-Down Approach o Bottom-Up Approach

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay Top-down Approach o Bottom-up

Approach. Lagyan ng TD Kung ito ay katangian ng Top-down Approach at kung BU

Bottom-up Approach. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______ 1. Pagbabalangkas ng disaster management plan ng pambansang pamahalaan.

_______ 2. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad.

_______ 3. Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa at paglikha sa mga hamong pangkapaligiran.

_______ 4. Ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin sa isang bansa sa panahon ng kalamidad ay sa pakikipagtulungan ng pamahalaan at mamamayan.

_______ 5. Sa pamamaraang ito maaaring makuha ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa hazard, kalamidad at pangangailangan ng pamayanan.

_______ 6. Ang responsableng paggamit ng pamahalaan sa tulong-pinansyal na kailangan sa mga naapektuhan ng kalamidad.

_______ 7. Pagbibigay ng mga babala, impormasyon, at pagtuturo sa mga lokal na opisyales o samahan ng mga drills o pagsasanay.

_______ 8. Paglalatag ng planong pambansang pamahalaan sa lokal na pamahalaan.

_______ 9. Wastong pamamahagi ng tulong-pinansyal at relief goods sa mga barangay

_______ 10. Pagsasagawa ng mga drills ng mamamayan upang makaiwas sa posibleng banta na dulot ng disaster at hazard.

Nagawa mong sagutan ang mga gawain at pagsusulit sa Pagyamanin. May

ilan pang gawain na inihanda para sa iyo. Alam ko na mas kakayanin mo ang mga

susunod na hamon sa iyo.

Page 23: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

17

Isaisip

Piliin Mo Kukompleto Sa Akin

Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang na bubuo sa pangungusap. Hanapin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel. Bottom-up Disaster Risk Management pamahalaan CBDRM Indonesia tatlong

dalawang mamamayan Top-down Disaster Management NDRRMC 1. Ang ____________________ ay nangangahulugang pangangasiwa sa malaking

kapahamakan na maaaring maganap o mangyari sa isang lugar

2. Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management ay may

____________________ layunin na naging batayan sa pagbuo ng PDRRMF.

3. Dalawang layunin ng PDRRM: ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard

ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t

ibang kalamidad at mahalaga ang bahaging ginagampanan ng

____________________ upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t

ibang kalamidad at hazard.

4. Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay isinulong

ng ____________________.

5. Ang ____________________ Approach ay isang pamamaraan kung saan ang

komunidad ay posibleng maharap sa banta ng hazard at kalamidad. Sila ay

inaasahang makikilahok, makikipagtulungan, tutugon, at isasagawa ang mga

implementing rules ayon sa plano na angkop upang maiwasan ang malaking

pinsala na maaaring ang dulot ay kapahamakan sa buhay at ari-arian ng

mamamayan.

6. Ang CBDRM approach ay nakaayon sa ____________________at top-down approach.

7. Sa bottom-up approach ang ____________________ at iba pang sektor ng lipunan

ang nangunguna sa hakbangin ng pagtukoy, pag-aanalisa at pagresolba sa mga

suliranin at hamong pangkapaligiran.

8. Sa ____________________ approach ang pangangailangan ng komunidad ay inaasa

sa mataas na ahensya ng pamahalaan at napapabayaan ang mga mamamayan

na may mataas na posibilidad na makaranas ng hazard o kalamidad.

9. Ang paggamit ng bottom-up approach ay higit na epektibo kaya ginamit din ito ng

Laos, East Timor, ____________________at India.

10. Sa pagpaplano ng ____________________ mahalagang pagsamahin ang kalakasan

ng top-down approach at bottom-up approach.

Page 24: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

18

Isagawa

LIGTAS TIPS VIDEO

Panuto: Upang maging handa tayo sa mga paparating na kalamidad sa ating lugar. Gumawa ng maikling “ligtas tips video” na magpapaalala sa mga maaaring manuod nito ng mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng kalamidad. Maaari kang pumili sa mga uri ng kalamidad na natalakay sa aralin. Gamiting gabay ang rubric sa ibaba. Ipasa ang iyong awtput sa inyong guro.

Kraytirya Di –

Pangkaraniwan

4

Kahanga –

hanga

3

Katanggap –

tanggap

2

Pagtatangka

1

1. Paksa Angkop na angkop at

eksakto ang kaugnayan sa

paksa

May kaugnayan sa paksa

May maliit na

kaugnayan

Walang kaugnayan

2. Pagkamalikhain/

Teknikalidad Gumagamit ng akmang disenyo at

effects na may kaugnayan sa

paksa

Gumamit ng disenyo at effects na may

kaugnayan sa paksa

May disenyo subalit

hindi tiyak ang

kaugnayan

Walang kaugnayan ang ginamit

na disenyo at effects

3. Takdang Oras Nakapagsumi-te nang mas

maaga sa itinakdang

araw

Nakapagsu-mite sa tamang

oras

Nakapagsu-mite ngunit

huli sa itinakdang

oras

Higit sa isang linggo

ang kahulihan

4. Kalidad ng

ginawa Makapukaw interes at

tumitimo sa isipan

Makatawag pansin

Pansinin ngunit di

makapukaw isipan

Di - pansinin, di -

makapukaw ng interes at

isipan 5. Kaayusan Maganda ,

maayos at kahanga – hanga ang pagkagawa

Maayos Ginawa ng apurahan

ngunit maayos

Inapura ang paggawa at

hindi maayos

Page 25: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

19

Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay nangangahulugang banta dulot ng tao o kalikasan. May posibilidad na

magdulot ng panganib sa buhay, ari-arian at kalikasan.

A. disaster C. resilience

B. hazard D. vulnerability

2. Nangyayari ang sakuna na ito dulot ng maling pagtatapon ng basura sa anumang

katubigan.

A. bagyo C. pagguho ng lupa

B. baha D. sunog

3. Nangangahulugang pangangasiwa sa malaking kapahamakan na maaaring

maganap o mangyari sa isang lugar.

A. disaster evaluation C. disaster plan

B. disaster management D. disaster organization

4. Sa approach na ito ang mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang

nangunguna sa hakbangin ng pagtukoy, pag-aanalisa at pagresolba sa mga

suliranin at hamong pangkapaligiran.

A. Bottom-up C. Disaster Management

B. CBDRM D. Top-down

5. Ang paggamit ng bottom-up approach ay higit na epektibo kaya ginamit din ito

sa ilang bansa sa Asya maliban sa ________________.

A. East Timor C. Pilipinas

B. Laos D. Taiwan

6. Ito ay isang pamamaraan kung saan ang komunidad ay posibleng maharap sa

banta ng hazard at kalamidad na inaasahang makikilahok, makikipagtulungan,

tutugon, at isasagawa ang mga implementing rules ayon sa plano na angkop

upang maiwasan ang malaking pinsala na maaaring ang dulot ay kapahamakan

sa buhay at ari-arian ng mamamayan.

A. Bottom-Up Approach C. Disaster Management

B. CBDRM Approach D. Top-Down Approach

7. Ang pangangailangan ng komunidad ay inaasa sa mataas na ahensya ng

pamahalaan at napababayaan ang mga mamamayan na may mataas na

posibilidad na makaranas ng hazard o kalamidad.

A. Bottom-Up Approach C. Disaster Management

B. CBDRM Approach D. Top-Down Approach

8. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng natural hazard.

A. baha C. polusyon

B. lindol D. sunog

Page 26: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

20

9. Ang pangyayari na nagdudulot ng panganib sa tao, sa kapaligiran at maging sa

mga gawaing pang-ekonomiya.

A. disaster C. resilience

B. hazard D. risk

10. Alin sa sumusunod na hazard ang halimbawa ng human induced?

A. bagyo C. pagputok ng bulkan

B. lindol D. polusyon

11. Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin at muling makabangon sa

epekto na dulot ng kalamidad.

A. disaster C. resilience

B. hazard D. vulnerability

12. Mahalaga ang kagubatan sapagkat hindi lamang ito nagiging tirahan ng maiilap

na hayop kundi pinagkukunan din natin ito ng ating mga pangangailangan. Ano

ang isang paraan upang mapangalagaan ito?

A. lumahok sa gawain ng barangay C. magtanim ng puno at halaman

B. maglinis ng bakuran D. tumulong sa gawaing bahay

13. Gawain na maaari mong gawin upang maiwasan ang polusyon sa anyong tubig

A. paglahok sa gawain ng barangay

B. pagtatanim ng puno

C. pagtulong sa gawaing bahay

D. wastong pagtatapon ng basura

14. Tumutukoy ito sa panganib na dulot ng kalamidad sa tao.

A. disaster C. structural risk

B. human risk D. vulnerability

15. Ang pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction

and Management Framework (PNDRRMF) ay maihanda ang komunidad na

maging __________________.

A. active C. informative

B. aware D. resilient

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang ika-

apat na paksa sa ating aralin. At handa ka ng harapin ang mga susunod na paksa

sa ating modyul. Kung iyong nanais, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa

karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang

aking pagbati!

Page 27: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

21

Karagdagang Gawain

A. Katangian Ko Sa Pagharap Sa Hazard

Panuto: Punan ang tsart ng limang katangian na kinakailangan sa panahon ng

pagharap sa hazard, sakuna, at kalamidad. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Katangian na kinakailangan sa

pagharap sa hazard

Maikling dahilan kung bakit ito

kailangan.

B. Tsart Na Ito, Kompletuhin Mo!

Panuto: Lagyan ng kaukulang sagot ang tsart sa ibaba batay sa sakuna o disaster

na iyong naranasan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kalamidad na naranasan

Posibleng epekto ng kalamidad

Mga hakbang na dapat gawin bago

mangyari ang kalamidad

Mga hakbang na dapat gawin sa

panahon na nagaganap ang kalamidad

Mga hakbang na dapat gawin

pagkatapos ng kalamidad

Problema na naranasan

Paano hinarap ang kalamidad?

Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain at pagsusulit.

Ngayon ay maaari ka nang dumako sa susunod na paksang aralin.

Page 28: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

22

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN

Nasa

diskresyon

ng guro ang

pagwawasto

ng sagot.

PILIIN MO ANG

TAMANG SAGOT

1.Vulnerability

2.Resiliency

3.Anthropogenic

hazard

4.Natural hazard

5.Vulnerability

6. Anthropogenic

hazard

7.Natural hazard

8.Disaster Risk

9.Resiliency

10. Risk

ISTARAN

MO NGA

1. 2.

3.

4. 5.

6.

7.

8.

9.

10

NATURAL HAZARD

OR

ANTHROPOGENIC

HAZARD

1.NH

2.AH

3.NH

4.AH

5.AH

6.NH

7.AH

8.NH

9.NH

10.NH

SUBUKIN

1.B

2.A

3.A

4.A

5.B

6.C

7.D

8.B

9.D

10.D

11.D

12.D

13.A

14.A

15.A

KILALA MO!

B G K D B H G H M B H U

C H L O D U K U I

A B A R Q U E Z K J K O

R E C G J I N I O L F P

T S S Y H B J D P D S O

E H O U U G II N D H E S

R D N S H A H O H G T T

O M B D G H B H S U G D

D Z U B A I R O D I T O

E O N V G F B L E H S S

ki

TAMA O MALI

1.Tama

2.Mali

3.Tama

4.Mali

5.Mali

6.Mali

7.Tama

8.Tama

9.Tama

10.Tama

ISAISIP

1. Disaster management

2. Dalawa

3. Pamahalaan

4. NDRRMC

5. CBDRM

6. Bottom-up

7. Mamamayan

8. Top-down

9. Indonesia

10. Disaster risk

TAYAHIN

1.B

2.B

3.B

4.A

5.D

6.B

7.D

8.B

9.A

10.D

11.C

12.C

13.D

14.B

15.D

ISAGAWA

May kanya-

kanyang gawa

KARAGDAGANG

GAWAIN

Nasa diskresyon ng

guro ang

pagwawasto

Page 29: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

23

Sanggunian

K to 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong

Isyu at Hamong Panlipunan. 2017. 1st ed. Pasig City: Department of Education

K to 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga

Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Teacher's Guide. 2017. Pasig

City: Department of Education.

Most Essential Learning Competencies (Melcs). 2020. Ebook. Pasig: Department of

Education. https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.

Page 30: Unang Markahan Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa … · 2020. 11. 8. · sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

24

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]