28
Thesis sa Filipino 2 Piracy ng mga Pelikulang galing U.S. gamit ang Internet I. Panimula A. Panukalang Pahayag Malaki ang epekto ng Internet sa suliranin ng Piracy ng mga pelikulang gawa sa U.S. sa Pilipinas. B. Introduksyon/Paglalahad ng Suliranin Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng Internet sa patuloy na paglaganap ng Piracy sa bansang Piliinas. Suliranin a) Ano nga ba ang Piracy? b) Ano ang Internet? c) Paano nakakaapekto ang Internet sa patuloy na paglaganap ng Piracy? d) Bakit ito patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino?

Thesis Sa Filipino 2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Thesis Sa Filipino 2

Thesis sa Filipino 2

Piracy ng mga Pelikulang galing U.S. gamit ang Internet

I. Panimula

A. Panukalang PahayagMalaki ang epekto ng Internet sa suliranin ng Piracy ng mga pelikulang gawa

sa U.S. sa Pilipinas.

B. Introduksyon/Paglalahad ng Suliranin

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng Internet sa patuloy na paglaganap ng Piracy sa bansang Piliinas.

Suliranin

a) Ano nga ba ang Piracy?

b) Ano ang Internet?

c) Paano nakakaapekto ang Internet sa patuloy na paglaganap ng Piracy?

d) Bakit ito patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino?

Kaligiran ng Paksa

Ang mananaliksik ay nais magbahagi ng kaalaman tungkol sa gamit ng internet, kung paano ito nakakaapekto sa lalong paglaganap ng suliranin sa piracy, upang magamit ito ng mga coalition na sumusubok sugpuin ang nasabing problema.

Personal/Panlipunang udyok sa pagpili ng paksa

Page 2: Thesis Sa Filipino 2

Ang mananaliksik ay mahilig manood ng mga pelikula at naisip niyang sa pagaaral na ito matututo siya habang nageenjoy. Gusto ng mananaliksik ang paksa sapagkat nais din niyang malaman kung gaano nakakaimbag sa paglaganap ng suliranin sa Piracy ang Internet. Nais din niyang malaman ang proseso para maging possible ang nasabing pagpipirata ng mga pelikula.

Napili din ng mananaliksik ang paksang ito sapagkat malaki ang maiitutulong nito sa pagiintindi sa nasabing suliranin. Ito rin ay makakatulong sa mga coalition na sumusubok puksain ang problema sa Piracy ng bansang Pilipinas. Maari ring makagawa ng paraan ang gobyerno upang maiwasan ang pagtangkilik ng mga tao sa mga pekeng kopya. Baka sakaling may magawang hakbang ang Industriya ng Entertainment pagkatapos nilang basahin ang mga problema at hinaing ng mga tao sa pamamagitan ng Pananaliksik na ito.

C. Rebyu/Pagaaral

Dahil karamihan sa mga pinipirata ay U.S. na produkto. AngInternational

Intellectual Property Alliance (IIPA) isang pribadong sector na coalition ay binuo

noong 1984 upang makatulong sa pagaaral/pagayos ng proteksyon laban sa piracy.

Ang miyembro ng nasabing alliance ay umaabot na sa 1,900 companya sa U.S. na

gumagawa at nagbebenta ng media na produkto sa buong mundo gaya ng mga

computer software, theatrical na mga sine, programa sa television,Pelikula, iba’t

ibang medium ng tugtog (cassette, cd at records) at pati na rin ang mga textbook at

mga babasahin na katulad.

(http://www.iipa.com/aboutiipa.html)

Sa panahon ngayon, Ang mga pelikulang gawa sa U.S. ay ipinapalabas sa mahigit

kumulang 150 bansa sa buong mundo. Ang mga pelikulang ito ay ang karaniwan

mong makikita o mapapanood sa million-milliong bahay sa buong mundo.

Ang MPA (Motion Picture Association) ay binuo noong 1945 matapos ang Word War II

upang ibangon ang Industriya ng pelikula ng Amerika sa World market. Ito ay binuo upang

protektahan ang mga pelikulang ginagawa ng U.S. 

Page 3: Thesis Sa Filipino 2

Ito ay isa sa mga programa ng gobyerno laban sa Piracy ang Pilipinas Anti Piracy

team (PAPT) na kinbibilangan ng National Bureau of Investigation (NBI), Optical Media Board (OMB) and the Philippine National Police (PNP). Sila ang responsible sa mga raid na nagaganap sa buong pilipinas.(http://www.papt.org.ph/)Dahil karamihan sa mga pinipirata ay U.S. na produkto. Ang International Intellectual Property Alliance (IIPA) isang pribadong sector na coalition ay binuo noong 1984 upang makatulong sa pagaaral/pagayos ng proteksyon laban sa piracy. Ang miyembro ng nasabing alliance ay umaabot na sa 1,900 companya sa U.S. na gumagawa at nagbebenta ng media na produkto sa buong mundo gaya ng mga computer software,theatrical na mga sine, programa sa television, Pelikula, iba’t ibang medium ng tugtog (cassette, cd at records) at pati na rin ang mga textbook at mga babasahin na katulad.

(http://www.iipa.com/aboutiipa.html)

C. Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ipakita ang epekto ng Piracy sa Pilipinas sa larangan ng pelikula gamit ang internet. Nais din nitong ipakita ang kalaganapan ng Piracy at turuan o magbigay kaalaman sa mga tao tungkol sa problemang ito. Layunin nitong gisingin ang mga mamamayan sa ginagawa nilang pagnanakaw sa mga taong nagpakahirap na gawin ang mga nasabing pelikula.

Maaari din itong magbigay-daan upang makiisa na ang mga mamamayan na tigilan na ang pagtangkilik sa mga pirated na bagay. Sapagkat ipapakita ng pananaliksik na ito kung gaano nalulugi ang industriya ng U.S. sa ginagawang pagtangkilik ng mga tao sa mga pirata.

Page 4: Thesis Sa Filipino 2

D. Halaga

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay tumutulong na malaman ng mga mambabasa kung ano ang maaaring mabuti o masamang epekto sa patuloy na paglaganap ng Piracy dito sa bansa. Matuturuan din nito ang mambabasa upang ipaalam kung gaano na kalala ang Piracy para sila ay magisip at makiisa sa galaw na ito ng Anti-Piracy Coalition.

E. Teoretikal na Balangkas

Ang balangkas ay naguumpisa muna sa Piracy, matapos ay itatalakay ng mananaliksik ang koneksyon ng Piracy at Internet, kung paano nagtutulungan ang dalawa sa paglaganap ng pirated na Pelikula.

Sa ilalim ng pelikula ipanapakita ng mananaliksik na may iba't-ibang klase ng medium na maaaring gamitin. Ipapakita ang pagkakaiba nito at pagkakapareho. Halimbawa: kung bakit mas maganda ang dvd kaysa sa vcd at Blueray

F. Metodolohiya

Ang mananaliksik ay kumuha ng impormasyon galling sa internet, dyaryo, mga sikat na manunulat at isinalin ito sa Filipino. Bumisita din sa mga government website ang mananaliksik upang humanap ng mas reliable na impormasyon at Makita ang mga hakbang ng gobyerno tungkol sa nasabing isyu. Kumuha ng 30 tao na sasagot sa isang survey tungkol sa piracy ng mga pelikula gamit ang internet. Iba-iba ang taong kinuha ko at ang surbey ay isinalin sa English para sa mga hindi nakakaintindi ng tagalog. I-pinost sa web ang surbey at ipinasagot sa mga tao through Yahoo Messenger at Google Mail.

G. Saklaw/Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumtalakay sa kung ano ang ibig sabihin ng Piracy, ang epekto nito sa industriya ng pelikula at kung paano ginagamit ang internet upang maisagawa

Page 5: Thesis Sa Filipino 2

ang pagnanakaw sa intellectual na pagaari ng iba. Kasama na din dito ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan at mga pribadong sector sa Pilipinas at ang iba pang mga alliance o coalition sa ibang bansa kung saan kasama ang Pilipinas na binuo upang sugpuin ang pagnanakaw na ito.

H. Daloy ng pagaaral

Ang unang parte ng pagaaral, tumatalakay sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng Piracy. Bibigyang diin dito kung gaano kalaki ang impluwensya ng internet para pagpipirata ng mga pelikula at kung papaano ito ginagawa

Ang ikalawang bahagi naman ng pagaaral na ito ay nagbibigay focus naman sa negatibo at positibongepekto ng piracy sa tao at sa industriya ng pelikula. Sasagutin din nito ang tanong kung bakit napaka-laganap na ng piracy at kung bakit ito ay pilit na tinatangkilik ng mga tao.

Sa huling bahagi naman ng pagaaral makikita ang mga batas laban sa Piracy at ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno upang sugpuin ang suliranin na ito. Ilalahad ng mananaliksik ang stratehiya na ginagawa ng mga coalition na binuo laban sa Piracy.

II. KATAWAN

A. Ano nga ba ang Piracy? Ano ang internet? Ano ang kahalagahan nito sa suliranin ng Piracy?

Page 6: Thesis Sa Filipino 2

Ang piracy ay ang paggamit ng idea o gawa ng iba ng walang pahintulot. It ang pagbebenta ng kahit anong media mapa-musika, pelikula o data ng walang pahintulot.

(http://en.wikipedia.org/wiki/Copyright_infringement)

10 titles for P200 na makikita sa Recto

Ang halimbawa nito ay ang pagbili ng isang pelikula na nakalagay sa CD na ang presyo ay P250.00 at pagcopya nito sa sampung cd, pagkatapos ay iyo itong ibinenta sa halagang P50.00 bawat isa. Isa lamang ang iyong binayaran pero dahil sa technolohiya naparami mo ito sa pamamagitan ng pagcopya rito. Sa P50.00 x 10 nakakuha ka na ng P250 na tubo mula doon sa isang cd na binili mo. Sa medaling salita, ang ibinebenta mo ay peke at hindi galling sa mismong gumawa, nagbigay ng intellectual na idea. Ito’y kinopya mo lang at wala kang karapatan ibenta at mag profit dito.

Sa pananaliksik at paghahanap-hanap sa internet. Napadaan ang mananaliksik sa madaming website kung saan pwede ka mag-download ng mga pelikula ng libre at walang bayad. Matapos ko itong Makita namangha ako sapagkat ang quality at pagkagawa ay parang orihinal. Ang mga nakita kong website ay ang mga sumusunod:http://www.mininova.org/ , http://isohunt.com/ ,http://thepiratebay.org/ at marami pang iba. Sa mga website na ito, ang inyong ma-dadownload ay tinatawag na mga torrents. Bago ninyo ma-download yung mismong pelikula kailangan niyo muna mag-install ng software na tinatawag nabittorrent o utorrent. Pagkatapos ninyong i-download ang pelikula pwede ninyo itong isalin sa CD at ibenta. Ganito ka-dali magpirata ng mga pelikula. Basta’t marunong sa computer madaming maaaring gawin.

Iba't-ibang klase ng medium na maaring paglagyan ng mga na-download na pelikula mula sa Internet. Maari itong isalin sa VCD (Video Compact Disc), DVD (Digital Versatile Disc o Digital Video Disc) at Blueray DVD. Ang quality ng VCD ay maihahambing sa isang VHS tape, ang DVD naman ay mas malinaw at mas digitized kaysa sa VCD sa dahilang ang VCD ay meron lamang 800MB na capacidad samantalang ang DVD ay nasa pagitan ng 4.7gb pataas. Sa madaling salita, masasabing limang beses na mas malinaw, mas digitized at maayos ang DVD kaysa sa VCD. Sa kabilang dako naman,. ang Blueray ay may capacidad na 25GB-50GB kaya naman masasabing limang beses ang ginanda nito kaysa sa DVD at mahigit Sampung beses kaysa sa VCD.

Page 7: Thesis Sa Filipino 2

Sa pamamagitan ng mga Software na ito nalilipat ang mga Media na na-download mula sa internet papunta sa medium CD.

Sa kabilang dako, mayroon din naman mga website akong nakita na pinapayagan ang mga user na manood ng mga pelikula ng streaming (streaming ibig sabihin habang dinadownload pwede mo nang panoorin agad. Isang popular na halimbawa aywww.youtube.com) gaya ng http://tvshack.net/ ,http://www.free-tv-video-online.info/ ,http://thepiratecity.org/ ,http://www.surfthechannel.com/ ,http://www.watch-movies-links.net/ , at marami pang iba.

Sino ang tumatangkilik ng mga pirated movies na ito? Ayon sa libro ni, Bin Gu, Vijay Mahajan ng Unibersidad ng Texas na pinamagatang “The Benefits of Piracy – A Competitive Perspective” Ang attracted daw sa mga pirated na mga gamit ay yung mga taong “price sensitive” o “nagaalangan sa pera/matipid”. Iyan ang isa sa mga nakakakuha ng benepisyo sa piracy. Ang isa pang inilahad sa libro ay ang pagiging

Page 8: Thesis Sa Filipino 2

“wake-up call” nito sa mga producers upang babaan ang presyo ng mga binebenta nila. Kung baga ang sinasabi ng salitang piracy ay “ibaba ninyo ang presyo para hindi na kami bumili ng pirated”. Kung titingnan kasi natin ang range ng pirated P350.00 sa original P50.00 napakalaki talaga ng diperensiya. Sabi nga ni C.Douglas ng Vancouver, Canada “Bakit ako bibili ng mahal kung meron naman mura na eksakto lang nung mahal na produkto? Imbis na 1 lang ang mabibili ko, kapag sa pirated ako nagpunta eh di mga 7 ang maiuuwi ko.” Sino ba naman ang tatanggi dun?

Ngunit, may negatibo din itong epekto sa industriya. Sabi nga ng Optical Media Board (OMB) Chairman na si Mr. Edu Manzano “Ako, I'd be the first to say, never babalik ang ating industriya to what it was before” Ang tinutukoy niya dito ay ang kita ng Industriya ng pelikula. Pero hindi man daw maibalik, masasabi niyang mas maganda na ang kalidad ng mga lumalabas na pelikula sa ngayon kumpara sa mga dating pelikula. Aniya, "Tingnan mo naman ang quality ng mga lumalabas ngayon, mas maganda ang quality, ang laki ng diperensya." (Author: Nerisa Almo,http://telebisyon.net/balita/Edu-Manzano-discusses-the-status-of-piracy-in-the-country/artikulo/2581/)

Ayon sa International Intellectual Property Alliance (IIPA) na patuloy na sumusubaybay sa piracy rate ng Pilipinas US$11 to US$12 billion bawat taon ang nalulugi ng Amerika dahil sa pagpipirata ng Pilipinas.

Ang isa pang disadvantage ng pagbili ng Pirated na sine ay ang 75% quality loss ng pelikula. Lalo na kapag bago pa ang pelikula at ito ay binebenta na sa mga tindahan. Mayroon kasing isa pang paraan para magpirata ng mga pelikula at yun ay ang pagkukuha ng video habang pinapanood ang pelikula sa sinehan. Ang ginagamit naman na medium ay camcorder. Pagkatapos kakalat ito sa pamamagitan ng internet sa dahilang may mag popost nito upang maging bukas sa lahat ng may gustong makakita.

B. Datos at Resulta 

 

Page 10: Thesis Sa Filipino 2

III. Konklusyon at Rekomendasyon

A. Konklusyon

Base sa datos na nakalap halos lahat ng pilipino ay mahilig manood ng mga pelikulang gawa ng mga kano. Lahat din ay tumatangkilik na ng Pirated na mga pelikula. Mahigit walongpu't posiyento ang naniniwala na pagnanakaw ang ginagawa nilang pagtangkilik sa pirated na mga pelikula ngunit patuloy parin nila itong tinatangkilik dahil sa kahirapan.

Ipinapakita din ng surbey na karamihan ng mga tumatangkilik sa pekeng mga DVD ay ang mga gitnang class na mga mamamayan. Sapagkat ang mga mahihirap ay malimit lamang na bumili ng mga pang-aliw na mga gamit mas iniintindi nila ang kanilang kakainin araw-araw kaysa sa bumili ng mga pelikula. Samantalang ang mga mayayaman naman ay ang binibili ay mga orihinal dahil ito ay may social status na ibinibigay sakanila.

Napaka laki ng impluwensya ng internet sa Piracy. Ito din ang nagbibigay ng daan para lalong lumaganap ang suliranin na ito sa buong mundo. Habang patuloy sa pagiging maluwag ang internet aabusuhin ito ng aabusuhin ng mga tao at ang resulta ay ang pagbagsak ng mga nasabing industriya. Dadating ang panahon na babagsak ang industriya at hindi na tayo magkakaroon ng magagandang pelikulang pwedeng panoorin. Sabi nga ng isang document na galling sa gobyerno “hindi lahat ng bansa na tumatangkilik lang ng original ay naghihirap” Gaya ng America puro sila original ngunit hindi naman sila naghihirap. Nasa tao lang yan kung papaano niya babalansehin ang kanyang budget.

( http://portal.doh.gov.ph/chd10/piracy.pdf)

Page 11: Thesis Sa Filipino 2

B. Recomendasyon

Dapat magtulong-tulong ang mga may kapangyarihan upang sugpuin ang problemang ito. Mas higpitan ang security sa internet at pigilan ang mga nag-popost ng mga bagay na hindi dapat i-post. Ang isa pa sa mainam na gawin ay babaan ang presyo ng mga original na pelikula at gawing reasonable ang presyo. Nararapat lamang na ang tao ay makisama din at tangkilikin na ang original.

Sanggunian: 

(Author: Nerisa Almo, http://telebisyon.net/balita/Edu-Manzano-discusses-the-status-of-

piracy-in-the-country/artikulo/2581/) 

(http://www.iipa.com/aboutiipa.html) 

(http://www.papt.org.ph/) 

(http://en.wikipedia.org/wiki/Copyright_infringement) 

(http://www.mpaa.org/) 

( http://portal.doh.gov.ph/chd10/piracy.pdf) 

(http://www.yugatech.com/blog/the-internet/pilipinas-anti-piracy-team-warns-downloaders/) 

The inquirer newspaper 02/17/2009 By Alexander Villafania 

1-B The Manila Bulletin October 16, 2005 

Mga Dapat Pasalamatan: 

1) Ang mga taong naging bahagi ng surbey na naganap sa internet at sa mga personal na

vendors na makikita sa recto, greenhills, quiapo, at metrowalk. 

Page 12: Thesis Sa Filipino 2

2) Sa pamilya at sa mga kaibigang ng mananaliksik na sumuporta sa pananaliksik na ito. 

3) Sa nagimbento ng internet, sapagkat ito ang isa sa mga naging daan upang makumpleto

at mas maging effective ang pananaliksik na ito. October 16 October 16

POSTED BY  D IRECTDMG   AT  4 :09 AM  

0 C O M M E N T S :

Post a Comment

Older Post Home

Subscribe to: Post Comments (Atom)

B L O G A R C H I V E

▼  2009 (2)

o ▼  February (2)

Thesis sa Filipino 2

Pabilog na graph!

A B O U T M E

DIRECTDMG

V IEW MY COMPLETE PROF ILE

Page 13: Thesis Sa Filipino 2
Page 15: Thesis Sa Filipino 2

ovember 15, 2008

TSAPTER 1

 

INTRODUKSYON

 

 

Kaligiran ng Pag-aaral

             Ayon sa Article IV ng Philippine Nursing Law o Republic Act No. 9173, ang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong Nursing ay dapat na sumailalim sa isang Licensure Exam bago siya matawag na isang Registered Nurse ng bansang Pilipinas. Sa madaling salita, ito lamang ang makapagsasabi kung sila ay magiging isang tunay na Nurse o hindi.             Ayon kay Dr. Remigia Nathanielsz, Chairwoman ng Department of Nursing Practice ng Philippine Nurses Association, at sa batas na ipinatupad ng Board of Nursing ng Philippine Regulation Commission o PRC, ang Board Examination ay isinasagawa ng pamahalaan ng Pilipinas upang makuha ng isang mag-aaral ng kursong Nursing ang isang Registered Nurse na status at upang kanyang legal na maisagawa ang mga trabaho ng isang propesyunal na Nurse.             Ayon sa kasaysayan, ang Far Eastern University ay isa sa mga top performing nursing schools sa Pilipinas pagdating sa Nursing Licensure Examinations. Dahil dito, hindi na kataka-taka na bawat taon ay nakakukuha ang FEU ng mataas na puwesto sa listahan ng mga pumapasa sa nasabing pagsusulit.             Base sa artikulong isinulat nina Irene Annamae Babon at Danielle Calderon noong October 2006 sa FEU Advocate na siyang opisyal na Student Publication ng Far Eastern University, ang FEU ang nakakuha ng ikapitong puwesto sa June 2006 Nursing Licensure Examinations, ngunit ang passing rate na dati ay 88% noong 2005 ay bumaba sa 75%.             Ayon kay Dr. Glenda S. Arquiza, Associate Dean ng Institute of Nursing ng Far Eastern University, malaki ang naging epekto ng bilang ng mga mag-aaral na kumuha ng Licensure Examinations noong June 2006 sa pagbaba ng passing rate, dahil ang ibang Nursing Graduates ay napabilang sa mga kukuha ng retake sa sumunod na taon.             Si Dr. Annabelle Borromeo, Dean ng Institute of Nursing ng Far Eastern University, ang siyang nanguna sa pagsasagawa ng screening sa mga faculty members ng nasabing Institute. Ayon sa kanya, ang Institute of Nursing ng FEU ay patuloy na nagpaplano upang mas higit na mahasa ang kakayanan ng mga mag-aaral sa kursong Nursing. Ang kanilang naging unang hakbang ay ang pagpapagawa ng centralized computers, dagdag na projectors, microphones, at speakers na ilalagay sa iba’t ibang Nursing Rooms. Sumunod dito ay ang pagpapagawa ng pinaka-kauna-unahang Virtual Laboratory sa buong Pilipinas at ito ay itinayo sa loob ng FEU Nursing Building.             Ngunit ayon sa resulta na inilabas ng Philippine Professional Regulation Commission hinggil sa passing rate ng mga mag-aaral ng Far Eastern University – Manila sa kursong Nursing sa naganap Nursing Licensure Examinations, ang dating 75% na passing rate noong December 2006 ay bumaba sa 62% noong June 2007. Nitong nakaraang June 2007 Nursing Licensure Examinations, ang Far Eastern University – Manila ang nagpadala ng pinakamaraming bilang ng examinees na 2,424. Ito ay ang pinagsamang bilang ng mga kukuha ng pagsusulit sa unang pagkakataon at ng mga retakers. Ang ibig sabihin nito ay 1,153 lamang na mga Nursing Graduates ang nakapasa mula sa orihinal na 2,424 na bilang ng mga Licensure Examinations. 

Page 16: Thesis Sa Filipino 2

            Kung pagbabatayan ang mga nasabing ulat at pahayag ay masasabi bilang konklusyon na bawat taon ay patuloy na bumababa ang bilang ng mga mag-aaral ng kursong Nursing sa Far Eastern University na pumapasa sa Nursing Board Examinations. 

Layunin ng Pag-aaral

             Layunin ng pag-aaral na ito na gisingin ang kamalayan ng mga mag-aaral ng Far Eastern University – Manila sa kursong Nursing hinggil sa bumababang passing rate ng mga FEU Nursing Graduates sa Nursing Licensure Examinations. Layunin rin nito na kumbinsihin ang mga mag-aaral ng kursong Nursing sa FEU na pag-ibayuhin ang kanilang pag-aaral sa nasabing kurso upang mas lalong dumami ang bilang ng mga FEU Nursing Graduates na pumapasa sa Licensure Examinations. 

Pagpapahayag ng Suliranin

 

            Sinisikap na sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

 1.    Anu-ano ang mga dahilan ng patuloy na pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng Far

Eastern University sa Nursing Board Exam?2.    Anu-ano ang mga pagkakaiba ng pagtuturo ng Nursing sa Far Eastern University sa ibang

unibersidad na nagtuturo ng Nursing?3.    Sino ba ang dapat sisihin sa patuloy na pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng Far

Eastern University sa Nursing Board Exam? 

Kahalagahan ng pag-aaral

             Para sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang motibasyon upang kanilang mas lalong pag-ibayuhin ang pagsisikap sa kanilang pag-aaral maging ito man ay sa kursong Nursing o hindi.             Para sa mga magulang, inaasahang ang pag-aaral na ito ay maging daan upang sila ay makatulong sa pagbubukas ng kamalayan ng kanilang mga anak, na siya ring mga mag-aaral, hinggil sa lalong lumalalang isyu ng pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng FEU sa Nursing Board Exam.             Para sa mga propesor, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang dahilan upang mas lalo pa nilang pataasin ang antas at kalidad ng kanilang pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral.             Para sa pamunuan ng Far Eastern University, inaasahang ang pag-aaral na ito ay magsilbing daan upang kanilang simulan ang paggawa ng higit na epektibong hakbang tungo sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa kursong Nursing.             Para sa mga mananaliksik, inaasahang ang pag-aaral na ito ay mapukaw ang kanilang pansin at malaki ang maiambag sa kanilang mga ginagawa at gagawin pang pag-aaral tungkol sa pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng FEU sa Nursing Board Exam. 

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

             Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga dahilan ng patuloy na pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa Nursing Board Exam. Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang mga Nursing Graduates mula 2005 hanggang 2007. 

Page 17: Thesis Sa Filipino 2

Depinisyon ng Termino

 Philippine Nursing Law. Ito ay ang kalipunan ng mga batas na dapat sundin ng mga Nurse ng bansang

Pilipinas.           

Kurso. Isang programa o palatuntunan ng pag-aaral na maaaring tapusin ng isang mag-aaral sa loob ng maikli o mahabang panahon.           

Nurse. Isang taong nagtatrabaho upang tulungan ang mga doctor sa pag-aalaga ng mga maysakit. 

Registered Nurse. Ang tawag sa isang mag-aaral na nakapagtapos ng kursong Nursing at nakapasa sa Nursing Licensure Examinations. 

Philippine Nurses Association. Isang samahan na binubuo ng mga Registered o legal na Nurses ng bansang Pilipinas.

 Board of Nursing. Isang lupon na binubuo ng mga taong maykatungkulan sa larangan ng panggagamot na

siyang nagpapatupad ng mga batas na dapat sundin ng isang Nurse. Philippine Regulation Commission. Ang sangay ng pamahalaan na binubuo ng mga taong sadyang pinili

upang magpatupad ng mga batas. Far Eastern University. Isang prominenteng pamantasan sa buong Pilipinas na matatagpuan sa Nicanor

Reyes St. Sampaloc, Manila. FEU Advocate. Ang opisyal na pahayagan o lathalaan ng mga mag-aaral ng Far Eastern University. Student Publication. Ang tawag sa mga nakalimbag na aklat, peryodiko o lathalaan, at pahayagan na

ginawa ng mga mag-aaral bunga ng kanilang malikhaing pag-iisip. Dean. Isang opisyal na siyang namamahala sa mga guro at mag-aaral sa isang kolehiyo o paaralan. Associate Dean. Isang opisyal na pumapangalawa sa Dean na siyang namamahala sa mga guro at mag-

aaral sa isang kolehiyo o paaralan. Institute of Nursing. Isang paaralan o organisasyon na itinayo upang magsagawa ng mga espesyal na pag-

aaral sa larangan ng Nursing. Virtual Laboratory. Ito ay isang uri ng laboratoryo na kontrolado ng isang kompyuter. Passing Rate. Ang porsiyento o bahagdan ng mga pumapasa sa isang pagsusulit.Nursing Board Examinations. Ito ay isang uri ng pagsusulit na ibinibigay sa mga mag-aaral na nagtapos

sa kursong Nursing bago sila matawag na isang rehistrado o legal na Nurse.

 

 

TSAPTER 2

 

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Page 18: Thesis Sa Filipino 2

 

 

Mga Kaugnay na Literatura

             Ayon kay Halstead (2007), sa kanyang aklat na pinamagatang “NURSE EDUCATOR COMPETENCIES”, nararapat na magsagawa ng mga analisis ang mga paaralan o unibersidad sa mga pag-aaral na may kinalaman sa nararapat na kalidad ng pagtuturo at mga estratehiyang dapat gamitin ng mga propesor at iba pang uri ng trainers o educators sa pagtuturo ng Nursing. Ayon sa kanya, malaki ang maitutulong ng isang evidence-based, student-centered, at interactive na pagtuturo sa mga mag-aaral ng kursong Nursing dahil malaking bahagi ng mga katanungan sa isang Nursing Licensure Examinations ay nakatuon sa aplikasyon ng kanilang mga pinag-aralan.             Ayon naman kay Ironside (2007), sa kanyang aklat na pinamagatang ”On Revolutions and Revolutionaries: 25 Years of Reform and Innovation in Nursing”, nararapat na nakatuon ang pansin ng mga paaralan o unibersidad sa patuloy na pagsasagawa ng mga epektibong reporma o inobasyon upang mabago at mas mapaunlad ang uri ng edukasyon sa kursong Nursing. Isa sa mga halimbawa ng mga nasabing reporma ay ang paggamit ng mga educators ng kongkretong ebidensya sa kanilang pagtuturo.             Makikita naman sa aklat na isinulat ng National League for Nursing (2006) na pinamagatang “A Guide to State-Approved Schools of Nursing RN, 2006, Fifty-Eighth Edition” ang mga pangalan ng mga pamantasan o paaralan na aprubado ng kani-kanilang mga rehiyon at bansa pagdating sa pagtuturo ng Nursing. Ang mga nasabing paaralan ay garantisadong nagbibigay ng mga edukasyunal na programa na naghahanda sa mga estudyante ng kursong Nursing sa Nursing Licensure Examinations.

 

 

 

Mga Kaugnay na Pag-aaral

             Sa pag-aaral ni Laoingco (2002), “21st Century Trends in Nursing: Aligning Nursing Education with the Future”, nakatuon ang kanyang pag-aaral sa mga dahilan ng pagbaba ng passing rate sa board exam ng mga Pilipinong Nursing Graduates. Ayon sa kanya, mas mainam kung gagawa ng mga pagbabago sa Nursing Curriculum ang mga pamantasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraang bunga ng makabagong panahon upang mas lalong mapalawak, mapaunlad, at mapataas ang kalidad ng edukasyon pagdating sa kursong Nursing. Sinusuportahan naman ito ng kasalukuyang pag-aaral na nakatuon din sa mga dahilan ng pagbaba ng passing rate sa board exam ng mga Nursing Graduates ng Far Eastern University.

  

TSAPTER 3

 

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

 

             Naglalahad ang tsapter na ito ng mga pamamaraan at instrumentong gagamitin sa paglilikom at pagsusuri ng mga datos na kakailanganin upang masagot ang mga suliranin sa pag-aaral na ito. 

Disenyo ng Pananaliksik

 

Page 19: Thesis Sa Filipino 2

            Ang paglalarawang pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral na ito. Naniniwala ang mananaliksik na ito ang pinaka-angkop na paraan upang matuklasan ang mga katotohanan na magiging batayan ng interpretasyon sa pagkakatulad o pagkakaiba, pag-uuri-uri at pagbibigay halaga sa mga nabanggit na talatanungan.             Ang talatanungan ang pangunahing instrumentong gagamitin sa paglikom ng mga datos. Magkakaroon din ng pormal na pakikipanayam ang mga mananaliksik sa mga respondent tungkol sa kanilang mga pananaw hinggil sa patuloy na pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa Nursing Board Exam. 

Mga Kalahok sa Pag-aaral

             Tinangka ng mananaliksik na ilahok ang isang daang (100) bahagdan ng mga estudyante na kukuha at kumukuha na kursong Nursing sa Associate in Health and Science Education Department at sa Institute of Nursing sa FEU. 

 

TALASANGGUNIAN

 

A. MGA AKLAT

 Halstead, Judith A., DNS, RN, ANEF, Editor. September 2007. “NURSE EDUCATOR COMPETENCIES: Creating an Evidence-Based Practice for Nurse Educators” Ironside, Pamela M., Ph. D., RN, Editor. September 2007. “On Revolutions and Revolutionaries: 25 Years of Reform and Innovation in Nursing Education” The National League for Nursing. 2006. “A Guide to State-Approved Schools of Nursing RN, 2006, Fifty-Eighth Edition” 

B. NEWS PAPER

 

Manila Bulletin. “List of December Nursing Board Passers.” February 5, 2008 

Philippine Daily Inquirer. “Poor Quality Nursing School Blamed.” February 24, 2008 Philippine Daily Inquirer. “Commission on Audit Tells CHED: Shut SubparNursing Schools.” February 24, 2008 

 

C. MGA DI NALATHALANG TESIS AT DISERTASYON

 Laoingco, Jose Reinhard. October 15, 2002. “21st Century Trends in Nursing: Aligning Nursing Education with the Future.” Saint Louis University 

 

D. PANAYAM O INTERBYU

             Dr. Glenda S. Arquiza            Associate Dean

Page 20: Thesis Sa Filipino 2

            Institute of Nursing            Far Eastern University            October 14, 2006             Dr. Annabelle Borromeo            Dean            Institute of Nursing            Far Eastern University            October 14, 2006

 D. INTERNET

             http://www.nln.org/publications/booksandhomographs/index.html            http://philippinenurses.blogspot.com/2007/2009/learn-signs.html            http://www.alibris.com            http://www.dole.gov.ph/new/details.asp            http://hdl.handle.net/123456789/201 

 

TALATANUNGAN

 

 I. Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Lagyan ng ekis ( X ) ang loob ng kahon batay sa iyong palagay.

 

TanongLubos na Di

Sang-ayon

Di

Sang-ayon

Walang

MasasabiSang-ayon

Lubos na

Sang-ayon

1. Sapat ba ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay

ng FEU sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong

Nursing?

         

2. Kaunti lang ba ang bilang ng mga mag-aaral sa

kursong Nursing ng FEU na masipag mag-aral kaya

bumababa ang passing rate ng FEU sa Nursing Board

Exam?

         

3. Sapat na ba ang pagkakaroon ng isang Battery

Exam upang ganap na masala ang mga mag-aaral na

karapat-dapat kumuha ng kursong Nursing at tiyak na

papasa sa board exam?

         

4. Sapat ba ang mga pasilidad ng FEU upang

makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga

mag-aaral sa kursong Nursing?

         

5. Malaki ba ang naging epekto ng bilang ng mga

Nursing Graduates ng FEU na retakers sa pagbaba ng

         

Page 21: Thesis Sa Filipino 2

passing rate ng FEU sa Nursing Board Exam?  II. Bilugan ang titik ng napiling kasagutan sa mga sumusunod na katanungan. 1. Ano ang iyong masasabi kung ikukumpara ang mga pasilidad ng FEU pagdating sa kursong Nursing sa ibang unibersidad na nagtuturo rin ng Nursing?            a. Ito ay mas kumpleto at nasa panahon.            b. Ito ay kulang at nahuhuli sa panahon.            c. Ito ay kumpleto ngunit may kalumaan na at nahuhuli sa panahon. 2. Kung istilo ng pagtuturo ang pagbabatayan, ano ang pagkakaiba ng mga trainers at mga propesor ng FEU Institute of Nursing sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad?

a. Ang mga trainers at mga propesor ng FEU ay mas student-centered, mas interaktibo, at mas advanced ang pagtuturo kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad.b. Nahuhuli sa panahon ang istilo ng pagtuturo ng mga trainers at mga propesor ng FEU kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad.c. Hindi masyadong mahigpit o strikto ang mga trainers at mga propesor ng FEU kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad.

 3. Mas mahigpit ba ang FEU pagdating sa pag-aaral ng mga estudyante ng kursong Nursing kumpara sa ibang unibersidad na nagtuturo ng Nursing?            a. OO            b. HINDI            c. MEDYO  III. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng ekis ( X ) ang loob ng kahon batay sa iyong palagay o opinyon. 

 Lubos na Di

Sang-ayon

Di

Sang-ayon

Walang

MasasabiSang-ayon

Lubos na

Sang-ayon

1. Sa FEU nakasalalay ang pagtaas o pagbaba ng

passing rate ng mga Nursing Graduates sa Board

Exam.

         

2. Sa mga mag-aaral nakasalalay ang pagtaas o

pagbaba ng passing rate sa Nursing Board Exam.         

3. Nakasalalay sa Board of Nursing, na siyang

nagbibigay ng mga katanungan, ang pagtaas o

pagbaba ng passing rate sa Nursing Board Exam ng

mga Nursing Graduates.

         

 

CURRICULUM VITAE

 

 PANGALAN: Hannah Rogine C. CalvoKAPANGANAKAN: Abril 12, 1991BAYANG SINILANGAN: Bacoor, Cavite – Philippines

Page 22: Thesis Sa Filipino 2

KATAYUAN SA BUHAY: DalagaEDUKASYONElementarya: Amazing Grace AcademySekondarya: Saint Michael’s InstituteTersarya: Far Eastern University – Manila CURRICULUM VITAE PANGALAN: Ma. Cristina A. CamachoKAPANGANAKAN: Oktubre 17, 1990BAYANG SINILANGAN: Virac, Catanduanes - PhilippinesKATAYUAN SA BUHAY: DalagaEDUKASYONElementarya: JMA Elementary SchoolSekondarya: Catanduanes National High SchoolTersarya: Far Eastern University - Manila

 

CURRICULUM VITAE

  PANGALAN: Don Rupert H. CruzKAPANGANAKAN: Setyembre 3, 1988BAYANG SINILANGAN: Sta. Mesa, Taguig City - PhilippinesKATAYUAN SA BUHAY: BinataEDUKASYONElementarya: Taguig Elementary SchoolSekondarya: Colegio De Sta. AnaTersarya: Far Eastern University - Manila                     

CURRICULUM VITAE

  

Page 23: Thesis Sa Filipino 2

PANGALAN: Camilo T. Gueriña, Jr.KAPANGANAKAN: Hunyo 10, 1990BAYANG SINILANGAN: Bulacan, Bulacan - PhilippinesKATAYUAN SA BUHAY: BinataEDUKASYONElementarya: Marciano C. Rivera Elementary SchoolSekondarya: Balagtas National High SchoolTersarya: Far Eastern University - Manila   

Tags: Filipino Thesis