Tapat Vol 3 No 4

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/17/2019 Tapat Vol 3 No 4

    1/8

    www.tapatnews.com@tapatnews /tapatnews   [email protected]

      TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY 

    ABRIL 28, 2016 VOL 3 NO 4

     A D V E R T I S E W I T H U S ( 0 2 ) 4 0 4 1 6 1 2Mobile # 09 9 885 84 4 15 / 09 3336 9 79 15 / 09 06 4 59 4 6 9 6 / 0 9 9 889 9 34 9 8

    |BALITA pahina 2

    |NEWS page 3

    Biggest FemaleArtists Group To

    Brandish PinoyHeritage At Podium

    Simbahan,nanawagang

    bumoto ng tamaat may dangal|NEWS page 2

    Huling SWSSurvey, walangaktwal narepresentasyon

    - Lacierda|SPORTS page 6

    Chased 73 Dubscement NBA’sbest regular

    season recordover Memphis

    BINAY nanguna,ROMUALDEZ pumalosa pangatlo sabagong survey!

    Senatorial bet Rep. Martin Romualdez ng Leyte at Vice-president Jejomar Binay ay parehong sumusuporta sa HRO2638 na sumu-sulong dagdagan ng Php 2,000. ang pensyon ng mga senior citizens.

    SAMPUNG

    UTOSSA PAGPILI NG

    IBOBOTOpage 8 pahina 3

  • 8/17/2019 Tapat Vol 3 No 4

    2/8

    2 ABRIL 28, 2016balita

    - TEAM BUHAY -

    For Vice PresidentGREGORIO HONASAN

    For Senator

    ROMUALDEZ, MARTIN (IND)SOTTO, VICENTE (NPC)

    ROMULO, ROMAN (IND)PACQUIAO, MANNY (UNA)

    LIBAN, DANTE (IND)VALEROSO, DIOSDADO (IND)

    For Partylist

    BUHAYANG PROLIFE

    Simbahan, nanawagang bumoto

    ng tama at may dangalIpinanalangin ng Obispo ng Diocese ng NuevaEcija ang mga botante sa May 9 elections nahindi magpadala sa agos ng pulitika sa pagpiling mga iboboto.

    Umaasa si Bishop Roberto Mallari napakinggan ng mga botante ang kanilangkunsensiya sa pagboto at hindi lamangbumuto sa malakas at popular na kandidato.

    “Sana po huwag lang po kaming magpadalasa malakas na agos na kung sino yung malakasna kandidato kundi talagang sundin naminang konsensiya, ang boses mo na nasa amingkalooban. Bigyan mo kami ng kakayahanggawin ito tanda ng aming pagmamahal sa sayotanda ng aming pagmamahal sa aming bayan,”bahagi ng panalangin ni Bishop Mallari.

    Panalangin pa ng Obispo na mabigyan

    ng lakas ng loob ang mga Filipino namakaboto ng tama at may dangal.

    Inihayag ni Bishop Mallari na maunawaansana ng mga botante na ang kanilang pagbotoay isang gawaing banal na ginagawa na maynakaatang na malaking responsibilidad.

    “Hinihiling po namin sa inyo napagkalooban niyo kami ng biyaya nanghumarap sa inyo at hingin ang paggabay sabawat isa sa amin.Sana kilalanin namin itonggagawin na isang banal na gawain na dapatnaming gawin sa harapan,” panalangin niBishop Mallari.

    Umaabot sa 54.6 milyong mga botanteang nangangailangan ng panalangin upangmakaboto ng tama at payapa para sa nalalapitna halalan sa May 9, 2016. (Riza Mendoza)

    Huling SWS Survey,

    walang aktwal narepresentasyon- LacierdaHindi nairepresenta sahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) angpambansang damdamin ngmga boboto sa Mayo 9, ito

    ang sinabi ni Edwin Lacierda,tagapagsalita ng Malacañan,sa isang pahayag kahapon sasocial media.

    Batay sa estimates,hindi nagta-tally sa “actualpercentage of voters” angresulta ng survey, wika n’ya.Base rin sa “actual area” kungsaan ang mga ito ay boboto,hindi rin nakuha ang kanilang

    “actual representation.” Ayon mismo sa SWS, angdibisyon sa pagitan ng 1,800respondents ay 300 sa NationalCapital Region (NCR), 600sa Balance of Luzon, 300 saVisayas, at 600 sa Mindanao,ani Lacierda.

    Galing pa rin sa SWS, angarea estimates ay “weighted”ng data ng “validated voters”

    ng Comelec para sa “nationalestimates,” dagdag n’ya.

     Ayon kay Lacierda, ang bilangng respondents sa Mindanaona dapat ay 414 lamang ay

    pinalaki sa 600. Ang bilang ngrespondents sa NCR ay pinalakirin, samantalang parehongpinaliit sa Visayas at Luzon.

    Base sa “weighted” data ngvalid voters ng Comelec, angbilang ng respondents sa NCRay dapat 216 lamang, 792sa Balance of Luzon, 378 saVisayas, at 414 sa Mindanao,dagdag pa n’ya.

    Maari s’yang magkamali,ngunit lubha itongnakababahala dahil maramiang bumabatay sa survey sapagpili ng kandidato, aniLacierda.

    Hiningi ng apat Newsang panig ng SWS sa isyungito, ngunit wala itong tugonhangang sa mga oras na ito.(Oliver Samson)

    Top Cybersecurity SpecialistsUrge SSS, GSIS, Gov’t AgenciesTo Tighten Security

    wo of the country’s top cybersecurity experts

    cautioned Social Security System (SSS),Government Service Insurance System (GSIS)and other government agencies to step upsecurity following Commission on Elections’(Comelec) recent massive data breach.

    Te SSS, GSIS, Bureau of Internal Revenue,PhilHealth, Pag-Ibig, and other governmentinstruments involved in processing and storageof personal information have more confidentialand sensitive data in custody than the Comelec,Isaac Sabas, CEO, Pandora Security Labs, saidin an online interview on Saturday.

     When government agencies processing andstoring personal information compromisedtheir data, cyber-criminals can use similarinformation in fraudulent transactions,explained Redoble, CEO, Right Factors Corp.(RFC) Advisory Services.

      Isaac Sabas, founder and CEO of Pandora Se-curity Labs, speak to audience at a forum on cy-bersecurity in Manila on Saturday. (Courtesy ofPandora Security Labs)

    “Your personal information can also be used bycyber-criminals to victimize another,” he said.

     All government agencies, espec ially thoseinvolved in processing and storing personallyidentifiable information should tighten theirsecurity measures, said Redoble, who is alsopresident of the Philippine Institute of CyberSecurity Professionals (PICSPro).

    o avoid data breach, government agenciesshould “utilize available security technologies,conduct routwine third party audits, monitorall security devices 24/7, and employ a securityteam to handle identified incidents,” Sabasnoted.

    Te problem, according to Sabas, is governmentagencies’ security teams do not monitor theirsecurity devices.

    “Tey are not addressing the alerts of these

    devices,” he said. “Tey think the firewall willkeep the bad guys out.”

    Unfortunately, firewalls are often bypassed,Sabas explained.

    “What is needed is immediate monitoringand response to incidents,” he said.

    Government agencies should “assess theirsecurity requirements thoroughly on all frontsand get a competent cybersecurity consultant,”Redoble said.

    Sabas expressed frustration over the extentof the Comelec’s security vulnerability, which

    compromised the database of 55 millionregistered voters. While nothing is secure, employing the

    right security solutions and the right securitypeople can help mitigate threats, he said.(Oliver Samson)

  • 8/17/2019 Tapat Vol 3 No 4

    3/8

    3ABRIL 28, 2016 balita

    Biggest Female Artists Group ToBrandish Pinoy Heritage At PodiumTe biggest gathering of women artists in thePhilippines is set to showcase the country’s cul-tural heritage at Te Podium on May 19-22.

    Te United Women Artists Association of thePhilippines (UWAAP) will retell Filipino cul-tural inheritance in about 50 artworks, Men-

    chu VB Arandilla, UWAAP president, said onSaturday.

     With theme “Mga radisyong Filipino,” thefemale artists will “showcase the rich Filipinocustoms and ways of life through the art ofUWAAP,” she said.

    One of the 25 participants is a nun, Sr. VenusMarie S. Pegar of the Sisters of Francis Xavier, who will unfold her rendition of one of the old-est religious structures in Intramuros, which

    served as bastion of colonial power during theSpanish time.

    Executives from the Rotary Club, founda-tions, banks, and other organizations will joinother VIPs grace the exhibit, Arandilla said.

    She expressed gratitude to Te Podium,

    Filipino Heritage Foundation, Inc. and othergroups as well as individuals who are support-ing the four-day exhibit.

    Te event will be UWAAP’s sixth grandestart exhibit since its foundation in Manila twoyears ago.

    UWAAP, currently binding about 500 mem-bers, was founded by Arandilla in January 2014on the vision of empowering Filipina artistshere and abroad. (Oliver Samson)

     A D V E R T I S E W I T H U S ( 0 2 ) 4 0 4 1 6 1 2Mobile # 09 9 885 84 4 15 / 09 3336 9 79 15 / 09 06 4 59 4 6 9 6 / 09 9 889 9 34 9 8

    An entry to the United Women Artists Association of the Philippines’(UWAAP) “Mga Tradisyong Filipino” at The Podium by UWAAPpresident Menchu VB Arandilla. (Courtesy of UWAAP)

    Nanguna si Bise-Presidente Jejomar C. Binay sa karerasa pagkapangulo sa daratingna halalan base sa hulingisinagawang survey ngPhilcoman Research InstituteInc. (PCMRII) sa pagitan ngMarso 31 at Abril 15.

     Ayon sa direktor ng

    pananaliksik na si Dr. ErnieGonzales, nakakalap angkanilang field researchers mulasa higit 1,200 respondentskung sino ang kanilangnapupusuang iboto bataysa ilang mahalagang isyu.Pinagbatayan ang platapormang mga kandidato hingil sa

    mga isyung patungkol sakahirapan, kriminalidad,politika, ekonomiya at magingang seguridad ng bansa.

    Lumabas sa isinagawangsurvey na nanguna siBinay na nakakalap ng 31porsyento . Sumusunod siDavao City Mayor Rodrigo

    Duterte na may 25 porsyentosamantalang si dating kalihimng Department of Interiorand Local Government MarRoxas ay nakalambat ng 19 naporsyento kasunod ni SenadoraGrace Poe na nakakuha lamangng 16 na porsyento. Nahuhulinaman si Senadora MiriamDefensor Santiago na may 7porsyento.

    aliwas sa ilang mga surveyna hango sa popularidad, angsurvey ng PCMRII ay itinuonang pagsasaliksik sa polisiya kungsaan ang mga katanungan aymagpapatunay kung sino sa mgakandidato ang may kongkretongplano para sa bansa. Ito ay basena rin sa apat na mahahalaga atmagkakaugnay na isyu.

    Nanatili namang walangdesisyon ang natirang pang 2porsyento sa mga respondents.

    Nakakuha naman ng 31%si Senador Bongbong Marcospara sa unang posisyon sakarera sa pagka bise-presidentena sinundan ni Senador FrancisEscudero na nagtala ng 24%.Pumangatlo si Senador Gringo

    Honasan sa 16% na sinundanni Kongresista Leni Robredona nakakalap ng 13%.

    Pambihira naman angipinamalas na pagbulusokpataas ng ilang kandidato sapagka senador tulad ni LeyteRep. Martin Romualdezna ngayon ay pangatlo namay approval rate na 48% .Pumapangalawa si SenadorRalph Recto na nagtala ng49%. Sinusundan ni datingsenador Richard Gordonna may 47% sa ika-apat napwesto at pang-lima namansi dating senador Ping Lacsonna nagtala ng 45%. Siya aysinundan ni senador FranklinDrilon na may 43% at 41%kay Sarangani representative

    Manny Paquiao para sa ika-pitong pwesto. Nananatilingnasa unang pwesto namansi Senador Vicente Sotto nanagtala ng 51%.

    Inaasahang ilalabas ngPCMRII ang huling resultakanilang mga survey isanglinggo bago ang halalan saMayo 9. (Paul de Guzman)

    BINAY nanguna, ROMUALDEZ pumalo sa

    pangatlo sa bagong survey!

  • 8/17/2019 Tapat Vol 3 No 4

    4/8

    4 ABRIL 28, 2016editoryal

    AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC.Publisher

    RAYMOND BANDRILEditor in Chief

    SKY ORTIGASLayout Artist

    GLADYS BANDRIL

    Marketing Director

    Tapat is published every other Friday byAreopagus Communications Inc.,

    with business address at1111 F.R. Hidalgo St., Quiapo, Manila

    You can reach us through the following:

    Landline # (02) 404 16 12Mobile # 09988584415 / 0933369791509064594696 / 09988993498

    Email:[email protected]

    Website: www.tapatnews.comAll rights reserved 2016

    OSCAR V. CRUZ

    Editoryal

    VIEWS AND POINS

    Principle of participationOn the occasion of the forth-coming local and nationalelections that as a matterof course bring about thepresentation of candidatesfor elective public offices,the registration of votersand other related matters,

    it might be not only rightand proper but also quiterelevant to have even given alittle look at the Social Doc-trine of the Church pointingout the inherent significanceand consequences of the“Principle of Participation”in matters that have socialrelevance to the life andplight of the people.

    Considering his humandignity and ingenuity, his so-cial nature and disposition,his rights and obligations,his personal perception andvision, his ethical and/ormoral convictions – amongother human particulars –it becomes not only naturalbut even mandatory for man

    to participate in many anddifferent, continuing or pe-riodical social agenda for hisown good and welfare. Andthe primary reason for sucha “Participation” is preciselybecause man is not only amember of society but alsodirectly or indirectly af-fected by decisions made forand about the society he is a

    member of.

    Let it be duly observed,however, that one thing is

     when someone is by deceitand/or by force deprived ofhis rightful participatory in-tervention in socio-econom-ic, cultural, and political is-sues, directly or indirectly

    affecting his present life and/or future lot. And quite an-other thing is when certainindividuals on their own andfor whatever reason, refuse toparticipate in social issues asif society has nothing to do

     with them and so too, theyhave nothing to do with so-ciety – both of which stancesare objectively wrong, con-sidering that the “Principleof Participation” is both aright and an obligation. Tetruth of the matter is thatthe said “Principle” is in factmeant to safeguard and pro-mote the rightful concernsand just interests of the par-ticipants themselves.

    Tus it is that when some-

    one dares to claim that he/she has nothing to do withsociety and society has noth-ing to do with him/her suchthat participating in ques-tions and issues affectingsociety are irrelevant as far ashe/she is concerned – this isnot simply an expression ofindifference but a confirma-tion of ignorance. Te com-

    mon saying that “No man

    Susmariosep!Ito ang sagot ni RodrigoDuterte kay Mar Roxas nangipagyabang niya ang mgaginawa ng administrasyong

     Aquino: Susmariosep! Satatlong presidential debates,paliging isinusulong ni Rox-as ang mga “achievements”ng “Matuwid na Daan”.anong pa ni Duterte, “Bak-it kulelat ka sa survey?”

    Pagbabago ang sigaw ngtaong bayan at hindi ang ip-agpatuloy ang “Matuwid naDaan” na, sa totoo lang, walanaman napala ang mga tao.Pagod na ang taong bayan sa

    mga kasinungalingan at kay-abangan. Nagngingit sa galitang mga biktima ng Yolandanoong sinabi ni Roxas namalaki ang naitulong niya sakanila na maaring maituringsiya na ang hero ng Yolanda. Ayon sa mga pahayag ng

    Palasyo tumaas daw angekonomya ng Pilipinas.Pero paano nangyari ‘yon na

    hindi naman maramdamanng taong bayan? Seryosongtanong ng Ibon Foundationna isang independent ob-server: paano nagkaroon ng

    pagtaas sa ekonomiya sa gitnang kakulangan ng trabaho?“Jobless growth,” ang tawagdito ng mga ekonomista.

    Kaya naman pala pinag-kakagulohan si Duterte sasocial media at nasa bandangunahan siya sa mga socialsurvey. Isinusulong niya kasiang pagbabago. ahasan ni-yang sinasabi na sa loob la-mang ng anim na buwan su-sugpuin n’ya ang krimen atang paglaganap ng droga sabuong Pilipinas. Inihahalin-tulad niya ang ‘paglilinis’ ngPilipinas sa ginawa niya sa

    Davao na anya nilinis n’ya sakrimen at droga.Sakaling mahalal si Du-

    terte na presidente ng Pilipi-nas at hindi niya magawa ito,siya daw ay kusang bababa sapwesto. Nakasisiguro dawsiya dahil gagamitin niya angkamay na bakal para sug-puin ang kasamaan. Kayadapat daw ang mahahalal na

    pangulo ay marunong pu-matay at handang mamatay.Sa isang salita, ipapapatayni Duterte ang mga masasa-mang tao tulad nang gina-

    gawa ng tinuringan DavaoDeath Squad (DDS).

    Pero teka muna, kaya ba ta-laga sugpuin ang kasamaan saloob ng anim na buwan? Ayonsa statistics ng PNP, pang-apat ang Davao City na maypinakamaraming krimen. Athanggang ngayon laganap dindaw ang droga sa Davao. Hin-di ba kelan lang may na-kid-nap na mga Canadians nanasa isang resort sa Davao?Hanggang ngayon hindi panareresolba ito. At hindi bailegal at isang rin krimen angpagpatay ng pinaghihinal-

    aang kriminal?Baka naman isa ring masi-gabong “Susmariosep!” angdapat itugon kay Duterte.Hindi na bago sa atin nakada na lamang eleksyonsari-saring pagpapakitanggilas ang pinamamalas ngbawat kandidato. Panahonna siguro na magising tayoat matutunan natin na ang

    ating boto ay makapang-yarihan at hindi ang iisangpulitiko lamang ang siyangmakapagpapabago sa takbong bansa. Vote wisely!

    page 6

  • 8/17/2019 Tapat Vol 3 No 4

    5/8

    5ABRIL 28, 2016 opinyon

    #sarisari

    Kaibigan at “Kapitbahay”

    Noong ika-14 ng Abril ay bi-nisita ako ng isang kaibiganna nakilala ko lamang sa isangbackpackers inn kung saan akonanuluyan noong ako ay pu-munta sa Kuala Lumpur, Ma-

    laysia para magsaliksik. Siya aysi Yuliyantonadirmohammad nataga-Sulawesi na matatagpuansa bansang Indonesia. Ang kan-yang palayaw ay Anto. Noongaraw na iyon ay may klase akosa Unibersidad ng Pilipinas saMaynila at aking itinuturo ayukol sa rehiyon ng imog-Silan-gang Asya. umpak! Nakaisipako kaagad ng isang aktibidad

    na pinangalanan kong “Indone-sia from an Indonesian.” Sina-bihan ko si Anto na isasabakko siya sa aking mga estudyante

    – isang simpleng Q&A – nanoong una ay hindi siya pu-mayag dahil sa kanyang kaku-langan sa pagsasalita ng wikangIngles. Sinabihan ko si Anto naako ang bahala sa kanya at tu-

    tulungan ko siya. Ang damingnatutunan ng aking mga estudy-ante na hindi lamang mababasamula sa libro o sa Internet. Nasaharapan na nila ang isang bu-hay na ispesimen na mismongmay taglay ng isang bahagi ngkultura ng Indonesia. Mataposang talakayan ay pare-parehoang naging replekson naminglahat – na ang dami-dami nat-

    ing pagkakatulad sa mga taga-Indonesia. Hindi lamang natinsila kapitbahay batay sa lokasyonngunit batay din sa kultura.

    ***Marami na naman ang tutung-

    tong (o nakatungtong na) saentablado para makuha angkanilang mga diploma. Sa mgamagsisipagtapos (o nagsipagta-pos na), nawa ay gamitin ninyoang inyong mga natutunan atang inyong mga karanasan hindilang sa pagpapaunlad ng inyongmga sarili ngunit para rin dapatsa pagpapaunlad ng ating bayan.Pasalamatan ninyo ang ating

    Panginoong Diyos, ang inyongmga magulang, ang inyong mgaguro o mga propesor at lahat ngmga taong nakatulong sa inyo.

    ***Panahon na ng tag-init. Ayon sa website ng kalusugan.ph, ang il-ang mga usong sakit at kondisy-on tuwing buwan ng Abril hang-gang Mayo ay pagkakaroon ng

    bungang-araw, sunburn o pag-kasunog ng balat, heatstroke, de-hydration at fungi sa balat. Paal-ala lamang po mga kababayan!

     Vantage Points

     Atty. Rodel Taton

    Liham, Law and Other Matters toMalacañang

     VICISSITUDE

     April Opelac

    Si Juan at ang Midya

    Prof. Michael Trias - Ang

    Sa panahon ngayon, hindi mai-tatatwang ang teknolohiya ayisa sa mga agarang paraan

    upang maipahayag ng

    isang tao ang kanyang na-raramdaman. Ang mga samu’tsaring opinyon hinggil sapulitika,artista, pangyayari atiba pa ay sadyang mainit samga mata ng sinuman sa mun-do, lalong lalo na ni Juan.

    Si Juan, o ang simpleng sali-tang pantukoy sa bawat Pilipi-no, ay malaya sa kanyang 

    pagpapahayag. Sa bansang

    nananaig ang demokrasya, angkalayaan sa pagpapayahayagng nararamdaman ay maitu-turing na biyaya mula sa ating

    mga ninunong nakipaglaban sakalayaan. Ang isang mukha ni Juan ay mapanuri at mahusayna kritiko sa mga kaganapan

    sa kanyang paligid. Dahil sakanyang taglay na husay, hindimaikakaila na madali niyangmakuha ang loob ng nakarara-mi at mapaniwala ang mga ito.

    Gayunpaman, ang isangmukha ni Juan ay tila nakaka-limot. Sa panahon ng maka-bagong midya, napagtanto ni Juan na ang pagsikat ay hindina pangarap lamang. Ang iba

    ay abusado at hindi alintanaang epekto sa kanyang magig-ing biktima. Sapagka’t hindinapagtatanto ng ikalawang

    I have seriously thought of the rule of law initiatives that eachpresidential candidate presented in the recently concludeddebates, or their brand of justice in this rule of law-challengeddemocracy. I was compelled to write, in the same mannerthat many netizens have aired out their reactions to thecandidates, their platforms and their own presentation ormisrepresentation of their demeanor. We are left with thequestion, is this the president I expect to rule this land for thenext six years?

    I wrote my own #MgaLihamEpisodes and this receivedseveral reactions. Now I have reconsidered and, instead I write this letter to whoever sits in Malacañang. Hence, to thenext President, this new Liham for you:

     Ako ay Pilipino, mahal ko ang bansa ko.Sana maliwanag ang iyong hangarin kung bakit ka tumatakbo

    sa laban ng halalan na ito at nakatayo sa gitna ng pagbabatikosng kontrapartido at ng mga supporters nito. Hindi ko langmatanto ang iyong buong intention subalit nais ko makitangmaisakatuparan itong ninanais mo. Walang halong kaplastikanat walang pag-iimbot, may katapangan.

     Aminin mo magulo ang bansang ito. Nawalan ng saysay angbatas dahil sa hindi pagsunod sa mga patakaran at palatuntunin.

     Ayon sa mga pananaliksik at sa payak na obserbasyon, angexecution ng batas ang dahilan ng pagkapalpak nito. Mayroongbatas, ngunit nasaan ang pangil nitong dapat tumugon samga inapi at patuloy na inaapi? Hindi naman kasi talagangmapang-api ang ating lipunan. May mga tao lang talaga na

    sadyang walang pakundangang lumalapastangan sa ibang tao,sa mga institusyon at sa mga artikulo ng batas.

    Sa isang banda, baka ikaw din ay hindi malinaw ang iyong‘grasp’ sa ating batas. When the law is clear, it is not for you tointerpret the law. Kung ito ay nakapangdududa, ang korte angmagbibigay ng kahulugan.

    Gawin mo ang trabaho mo. Unahin mo ang ‘respect for theinstitutions and processes’ na mahalaga sa isang demokrasya. Te

     pillars of justice system should be working in the same mannerthat YOU should ensure towards an efficient and effective ruleof law in the land. Ikaw ay maging halimbawa ng pagsunod sa

    mga simpleng alituntunin at patakaran. Ang dapat parusahanay makakamit ang nararapat.

    Ikaw ang unang aakay sa ating mga kababayan sa pagpalaganapng paggalang sa isa’t-isa, hindi ang una sa pagtikom ng bibig at

     paggapos sa mga karapatang ating dapat pinoprotektahan.Sa pagkakaalam ko ang lahat ay pantay-pantay; parusahan

    ang dapat, isalba ang nararapat.Nais kong pagbutihan mo ang iyong trabaho. Isa pa itong

    China na lalong pinapaliit ang mundo natin, huwag kangmagsawa sa pagpangalandakan sa mundo na tayo ay nasa panigng alituntunin, sa ating bansa man o sa international law.

    Ibalik mo ang pag-asa sa bawat isa, na siyang bubukas samagandang umaga para saatin.Uulitin ko, ang mga maling iniukit na ng kasaysayan ay dapat itama,

    upang ang bayang ito ay magkaroon muli ng magandang simula.Simulan mo, tutulong ako, kaming mga Pilipino.

    mukha ni Juan na ang pagpapa-hayag ng nararamdaman namaaring ikasakit ng iba ay isang

    kasalanan, siya ay nagpapatuloysa kanyang nakasanayan.Oo nga’t ang mundo ay may-

    roong kinikilalang batas na na-kasaad sa Artikulo 19 na may tit-ulong Universal Declaration onHuman Rights(PangkalahatangDeklarasyon ng KarapatangPantao) at ang Artikulo 3 ng at-ing Saligang Batas(1987), angisang bahagi ni Juan ay hindi

    nabibigyan ng mas masusingobligasyon upang tupdin angmga katagang nakapaloob samga batas na ito.

    Sa demokrasyang tinatamasasa makabagong mundo at ngmakapangyarihang midya, maypanahon pa kaya upang magingmas responsable si Juan sa kan-yang mga pagpapahayag?

    Ito ay isang tanong na nagha-

    hanap ng mapanuring kasagu-tan. Ngunit kailan?

    Ika nga ng nakararami- sa ta-mang panahon.

  • 8/17/2019 Tapat Vol 3 No 4

    6/8

    6 ABRIL 28, 2016

    From Leyte... mula sa pahina 7

    Chased 73 

    Dubs cement NBA’sbest regular season record overMemphis

    SPORTS is an island” has its basic and concrete references to suchan indifference – if not the actual scorn of social realities

     which directly or indirectly affect man precisely as a social

    being – something that is both a reality and a profundity.Conclusion: Te calls made by different groups of peopleto abstain from participating in the forthcoming electionsfor one reason or another, may be well-intentioned butcontrary to the said “Principle”. In the event however thattheir “Participation” is in fact ignored or neutralized forone devious reason or another – such as due to cheating inthe elections – this would call for another “Participation”,viz., moving for the ouster of the cheaters, the elected, andall those involved in thus violating the “Principle”.

    Principle... from page 3

     As the regular season comesto a close, the reigning anddefending NBA championsGolden State Warriors provedto be the best team in thehistory of the league, as theynotch a record-breaking 73-9record after the eliminationphase. Led by their All-starguard Stephen Curry, who ispoised for another Most Valu-able Player honor after theseason’s end, the Warriors wereable to steamroll in the regularseason and were able to defeatother 29 teams. Te 72-10

    record established by the ‘95-’96 Chicago Bulls was brokenin the penultimate game dayof the elimination round bythe Warriors against the short-handed Memphis Grizzliesat the Oracle Arena. On therecord-setting match, Currydropped 46 points in the 125-104 victory to clinch history.

    Te record set 20 yearsago by Michael Jordan and

    his group was in talk for theentire 2015-2016 season asthe Warriors started the sea-son undefeated in 24 games.Halfway through the 82-gamestretch, Golden State (37-4) was one game behind of that

    Bulls team(38-3). However,the Warriors kept on winningand took advantage of theirhigh-fueled offense and all

    around team efforts. At the tailend of the season and as fatigueand attention started to kickin, the Warriors dropped twocrucial home games against theBoston Celtics and the Min-nesota imberwolves that alsobroke their immaculate home winning streak that eventuallyended their home record at 39-2. Entering the final four gamesof their season, wherein they

     were matched twice againstthe San Antonio Spurs and theMemphis Grizzlies, they had tosweep the 4-game schedule toclinch the record.

     Which they did. After a 112-101 win in the Bay Area against

    the Spurs, followed up by asqueaker over at the FedEx Fo-rum, 100-99, the Warriors tiedthe 72-win season by the Bulls

     with another impressive vic-tory at exas in San Antonio,92-86. As the season-long at-tention focused on the defend-ing champs, they took care ofbusiness to establish the NBAregular season in all-time wins.

    However, for Steph Curryand the rest of the Dubs, therecord would be non-bearing ifthey don’t win the chip in June.For now, the Warriors stand at

    the top of the standings and areholders of home court advan-tage throughout the post sea-son. Tey are pitted against theeight seeded Houston Rocketsin the first round of the Westplayoffs. (Jan Gonzales)

    na naglalayong magkaroon ng umento sa sahod

    ang 1.53 milyong empleyadong nasa gobyerno.Kaalinsabay rin nito ang hiling ni Martin namababaang ang personal income tax ng bawatindibidwal.

    Nang tanungin kung ano ang nagtulak sakanya para tumakbo bilang senador, dali-dalingisinagot ni Martin na ang kanyang mga kapwaLeyteño na hinagupit ni Supertyphoon Yolandaang naging inspirasyon niya sa karera niyang itosa senado. Nang makita kung gaano kalakingdagok ang idinulot ni Yolanda sa mga kababayanniya, nagbago ang mga pananaw ni Martin sabuhay at naging daan ito upang mas paigtinginpa niya ang pagpaparamdam sa mga Leyteño namay tunay pang nagmamalasakit sa kanila.

    Kaya naman sa nakaraang Te Leader I Wantforum na isinagawa ng Rappler para sa mga

    senatorial candidates, isinama ni Martin sa mga

    plataporma niya ang pagpapalawig sa paggamitng agham at teknolohiya para sa mga rescueand relief operations sa paahon ng kalamidadat sakuna. Napagtanto niya ang napakalakingpotensyal ng siyensiya at ang kahalagahan nitonoong ilang linggong mawalan ng kuryente saLeyte matapos ang pananalanta ni Yolanda atkung gaano kahirap mawalan ng komunikasyonna siyang pinakakailangan noong mga panahongiyon upang makahingi ng tulong. Kungmananalo, isa sa mga gagawing prayoridad niMartin ang paggamit sa agham at teknolohiyaupang solusyunan ang napakaraming pasakitsa mga Pilipino, kagaya ng palagiang mabigatna daloy ng trapiko at palpak na sistema ngtransportasyon, at upang mapabuti ang estadong buhay ng bawat isa sa atin. (Carizza Ibañez)

  • 8/17/2019 Tapat Vol 3 No 4

    7/8

    7ABRIL 28, 2016 special feature story

    (Part 2)

    MARTINROMU ALDEZ

    From Leyte with Love:

    Gobyernong may puso atmalasakit —iyan ang nais niMartin Romualdez para sa

    bawat isang mamamayang Pilipinosakaling maluklok siya sa pwesto bilangsenador sa darating na eleksyon. Dahilgaling sa isang pamilya ng mga pulitiko

    at sa kanyang magandang track recordbilang isang public servant, angpaglilingkod sa bayan at serbisyong-publiko ay hindi na bago para kayMartin, at higit pa ito sa isang trabahopara sa kanya dahil itinuturing niyaang paglilingkod bilang isang bokasyonna nangangailangan ng taos-pusongdebosyon at dedikasyon.

    Sa kagustuhang mapanumbalikang pagiging malasakit bilang isangkatangian na dapat mayroon ang mga

    susunod na mamumuno sa bayan,itinuon ni Martin ang kanyang pansinsa pagsusulong ng mga batas natutulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, mga nasa youth sector, atmga persons with disabilities (PWDs). At bilang pauna sa mga napakaramipang tagumpay na matatamasa niyasakaling mahalal bilang senador,

    kamakailan lamang ay pinirmahan nani Pangulong Aquino at inaprubahanang isinumite ni Martin na HouseBill No. 1039 na siyang may-akda atngayo’y naisabatas na at kinikilalana bilang Republic Act 10754 o An Act Expanding Te Benefits

    and Privileges of Persons WithDisabilities. Itinuturing niMartin ang batas na ito bilangisang “equalizing measure”kung saan matatamasa rin ngmga kababayan nating PWDsang mga benepisyong mayroonang mga senior citizens ditosa bansa. Sa pagkakapasang batas na ito, inaasahang1.5 milyong PilipinongPWDs na naitala ng

    Philippine Statistics Officeang matutulungan nito.Nasasaad sa R.A. 10754 na

    magkakaroon ng kaukulang 20% nadiskwento ang mga PWDs sa mgaserbisyong medical at dental; pagbiling mga gamot sa mga pangunahingbotika; pamasahe sa mga pampublikongsasakyan; mga sinehan at iba pang lugar

    para sa recreation and amusement; mgaserbisyo sa mga hotel at ibang lodgingestablishments; at mga restaurants at fastfood chains. Dagdag pa rito, hindi na rinmaoobligang magbayad ng 12% value-added tax ang ating mga kababayangPWDs, kagaya ng pribilehiyongnararanasan ng mga senior citizens.

    Naniniwala si Martin na angpagkakapasa ng kanyang H.B. 1039

    ay isang magandang indikasyon ngpagbabago sa mentalidad ng mgaPilipino tungo sa mga kababayannating may kapansanan—na kayapa rin nilang maging produktibongmga mamamayan ng bansang ito sakabila ng kanilang kalagayan at hindimakatarungang itrato sila bilangmga pabigat sa lipunan na walangpakinabang. Layon ni Martin nasa pamamagitan ng batas na ito ay

    lumakas ang loob ng ating mga PWDsat manumbalik muli ang kanilangtiwala sa kanilang mga sarili.

    Nguni’t hindi lamang iyan angpatunay ng gobyernong may malasakit

    ni Martin Romualdez dahil hindilamang ang mga PWDs ang malapitsa puso niya, kundi pati ang mgasenior citizens kaya naman kungpapalaring manalo ay ipinapangakoniyang ipagpapatuloy ang laban paramadagdagan ang pensyong natatanggapng milyun-milyong mga senior citizensna benepisyaryo ng Social SecuritySystem (SSS). Nanindigan si Martin

    na gagawin niya ang lahat ng kanyangmakakaya, kasama pa ang ibang kapwaniya kongresista, upang mapawalang-bisa ang ipinataw na veto ni Pangulong Aquino sa panukalang dagdaganng P2,000.00 ang pensyon ng mgasenior citizens sa bansa. Ayon kayMartin, lagi pa ring dapat manaig angpagmamalasakit sa paninilbihan.

    Hinimok din ni Martin angadministrasyong Aquino na ipakita

    nila ang kanilang malasakit sa milyun-milyong manggagawang Pilipino sapamamagitan ng pagsasabatas ngisinulat niyang House Bill No. 6268 oang Salary Standardization Law of 2015

    A POLITICAL BREAKDOWNOF WHAT MAKES A

    House Resolution 2638 , Dito ay ipinakikita ni Rep. Martin Romualdez na gagawin niyaang lahat ng kanyang makakaya, kasama pa ang ibang kapwa niya kongresista, upangmapawalang-bisa ang ipinataw na veto ni Pangulong Aquino sa panukalang dagdaganng P2,000.00 ang SSS pensyon ng mga senior citizens sa bansa.

    pahina 6

  • 8/17/2019 Tapat Vol 3 No 4

    8/8

    SAMPUNG UTOSSA PAGPILI NG IBOBOTO

    Hango mula sa Panulat Pastoral ni Socrates Villegas, Arsobispo ng Dagupan,patungkol sa pagpili ng iboboto sa darating na halalan.

    1. HUWAG kang magkakaroon ng ibang mga Diyos sa harap Ko.Huwag iboboto ang mga kilalang hindi naniniwala sa Diyos. Sa mga gina-

    gawang katatawanan ang ngalan ng Diyos. Maging sa mga kandidatong may

    adhikain na taliwas sa pananampalataya at moral na kamalayan sa ating pangaraw-araw na buhay.

    Iwasang pumili ng kandidato na walang puwang ang pananampalataya. Bi-lang mga Katoliko nararapat na pairalin ang pananampalataya at paniniwala saDiyos higit sa pananaw maging Katoliko man o hindi.

    2. HUWAG mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mongDiyos sa walang kabuluhan.

    HUWAG iboboto ang mga kandidato na kilalang walang isang salita. Nana-natili pa rin sa puwesto ang mga kandidatong dati nang nangako ng pagbabagoat ginhawa. Nasusulat sa ating Katesismo na nakagagawa ng kasalanan ang sinomang hindi tumutupad sa pangako. Ito ay itinuturing din na kawalan ng respetosa Panginoon. Kabilang na ang mga nangangako na gagawa ng di kanais-nais sangalan ng pagbabago.

    3. ALALAHANIN mo ipangilin ang Araw ng Sabado. Anim na araw na gaga-wa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni’t ang ikapitongaraw ay para sa Panginoon mong Diyos: huwag kang gagawa ng anumanggawain sa araw na ito. Ikaw at ng iyong anak na lalaki, anak na babae,at ng iyong aliping lalaki kasama na din ang iyong aliping babae; pati nadin ang iyong hayop, at ang taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mgapintuang daan. Sapagka’t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon anglangit at ang lupa, at ang dagat, at ang lahat ng nangaroon, at nagpahi-

    nga sa ikapitong araw: na anupa’t pinagpala ng Panginoon ang araw ngSabado, at pinakabanal.Huwag iboboto ang mga kandidato na madalas man magsimba at nagpapa-

    kilalang sila ay Katoliko ngunit taliwas naman sa kilos ng isang Kristiyano anggawain. Mga kandidatong mataas ang tingin sa sarili ngunit hindi nakakaalala samga mahihirap. Itinutulak ang mga batas na batay sa kanilang mga kagustuhankahit pa malaki ang epekto sa mga mahihirap.

    4. IGALANG mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ikaw ay mabuhayng matagal sa ibabaw ng lupa na ibibigay sa iyo ng Panginoon mongDiyos.

    Papaano ba magpakita ng paggalang ang mga kandidato sa nakatatanda? Pa-

    paano ba pinahahalagahan ng mga kandidato ang buhay pamilya, kapakananng mga bata maging ang mga may karamdaman sa pamilya? Ang utos na ito ngDiyos ay nakasasakop maging sa mga estudyante sa kanilang guro, manggagawasa kapwa manggagawa, amo sa empleyado, mamamayan sa kanyang bayan at samga namumuno nito. Ang kandidato ba ay tapat sa kanyang bansa at mamama-yan? Ang hindi papasa sa mga bagay na ito ay maaaring makaapekto sa pangu-nahing lupon ng mamamayan, ang Pamilya.

    Kabilang na rin sa utos na ito ang political dynasty sa bansa. Iwasan natinang patuloy na pananatili ng mga pulitikong nagmumula sa mga pamilyangnagpasalin-salin sa pwesto ngunit nanatili naman naghihirap ang kanilang mganasasakupan. Iboto ang may kakayahan hindi ang kilalang sikat lamang.

    5. HUWAG kang papatay. Ang Katoliko ay nakagagawa ng matinding kasalanan kung boboto ng mga

    kandidatong direktang tumataliwas sa utos ng Panginoon hingil sa kabanalanng buhay mula sa konsepsyon hangang sa natural na kamatayan. Huwag ibotoang mga kandidatong pabor sa aborsyon, parusang kamatayan, pagkitil sa bu-

    hay ng may sakit (euthanasia) maging ang mga pagpatay ng walang patas napaghuhusga.6. HUWAG kang mangangalunya.

    Dapat nating iligtas ang bayan mula sa kapit ng immoralidad at kamalayanghindi disente.Nananatili ang posisyon ng Simbahan hingil sa kasagraduhan ng kasal. Iwasan

    ang mga kandidato na may malabnaw na pananaw na kasal bilang karapatanlamang labas ang Diyos. Alamin din natin at huwag bigyan ng pagkakataon angmga kandidatong sumusuporta sa deborsyo maging sa pagkitil sa papulasyonbilang paraan sa kaginhawaan. Ang problema ng bansa ay hindi lamang pisikalito ay espiritwal din.

    7. HUWAG kang magnanakaw. Ang kandidato ba ay may malasakit sa kaginhawaan ng bansa o sa kanyang

    nasasakupan? Nagnakaw at napatunayan ba ang kandidato? Nagsauli ba ngninakaw ang mga napatunayan?

    Maraming klase ang pagnanakaw, kabilang na ang di makataong mataas naporsyento sa mga pautang, mayayamang nagmamay-ari ng lupa na nagpapahi-rap naman sa mga maliliit na magsasaka. Ano na ba ang nagawa o magagawa ngisang kandidato sa repormang panglupa?

    8. HUWAG kang magbibintang sa iyong kapwa. Ang tahasang pagsisinungaling ay pagtatakip sa katotohanan sa pamamagitan

    ng salita,ng galaw o ng katahimikan. Ang pagtatago ng katutuhanan upangmakalito ay isang pananakit. Ito ay dahil ang pagtatakip o pagtatago ng katoto-hanan ay nangangahulugang pagkakamali ng pagdedesisyon.

    Sa tuwing panahon ng eleksyon lantaran ang paninirang puri maibaba la-mang ang kandidatong may malaking tsansang manalo. Panloloko, kamalian,kasinungalingan at pagmamaniubra ay sukdulang sumisira sa sambayanan.

    Mag-ingat sa mga sinungaling. Ang pagsisinungaling ay maraming mukha.Maging matalino. Magmasid. At huwag iboto ang mga sinungaling.

    9. HUWAG mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa: ni huwagmong hahangarin ang kanyang asawa, ni ang kanyang aliping la-laki, ni ang kanyang aliping babae, ni ang kanyang baka, ni angkanyang asno, ni anumang bagay na ari niya.

    Ginagalang ba ng kandidato ang kababaihan? Pabor ba ang kandidato na buk-

    san ang inosenteng kamalayan ng mga bata sa pamamagitan ng pagtuturo ngsex education? Pabor ba ang kandidato sa mapangalunyang kabuhayan magingsa kanyang buhay bilang halimbawa? Pabor ba ang kandidato sa pananaw nahomosexual na taliwas sa kahinhinan at tamang pag-aasal?

    10. Huwag mong pag-iinteresan ang mga hindi iyo kahit sa anongbagay.

    Maging maingat sa pagpili ng mga lider. Huwag magpadala sa mga survey atbulalas ng mga popular. Ang bawat Katolikong botante ay tinatawag na mag-ing handa magdesisyon sa pagpili ng kanyang ilalagay sa puwesto sa tulong ngdasal at kunsensya. Bawat Katoliko ay tinatawag na maging matapang, magingisang mamamayan na may mataas na batayan sa moralidad. Ang iyong botoay maaaring magdulot ng langit sa lupa upang mapaganda ang bansa ayon sakagustuhan ng Diyos.

    Umiwas sa uso at gusto lamang ng karamihan. Itama mo! Piliin kung ano angtama ayon sa Sampung Utos. Gabayan nawa ikaw ng Panginoon.