7

Tangible Heritage

Embed Size (px)

DESCRIPTION

:))

Citation preview

REKORD PARA SA SINING BISWAL

1. Pangalan ng mga naglikom ng datos:Joseph Dela Cruz (Guro sa MAPEH)Mario Ablaza (Guro sa AP)Petsa ng Paglikom: Mayo 7, 2015

Uri ng sining (lagyan ng X)________Pintura _________Drawing X Eskultura/Rebulto _________Imprenta

2. Tungkol sa Likhang sining biswal:

Bantayog ni Hen. Isidoro Torres

Paksa:Materyales:Panahon ng Paglikha:

RebultoSemento, bakal, at marmol1930 (Batay sa Marker na naglalarawan dito)

Lumikha:Pamagat:

Veria Marble WorksMagiting na Heneral ng Malolos

Saan maaaring matagpuan:

Sa Mababang Paaralang Alay kay Hen. Isidoro Torres, Matimbo, Lungsod ng Malolos

Sukat:

Rebulto- 175 sentimetro pataas Pedestal- 270 sentimetro pataas

Paliwanag:

Mahalagang nai-ambag niGeneral Isidoro Torres Noong 1892, ang unang pagsama niya sa Katipunan na kung saan ay isa siya sa nagtatag ng Balangay Apoy na naging SANGGUNINAG BAYANG APOY. Naging pangulo siya rito. Ginamit niya ang sagisag na matang lawin. Ito ay lihim na kilusan laban sa pamahalaan. Si torres ang pinakabatikang Heneral ng himagsikan ng 96 atDigmaang Pilipino-Amerikano. Minabuti ni Torres na ipamalita sa mga mamamayan ng masukol an marami silang katipunero doon upang hikayatin ang iba pang Pilipino na sumanib sakanila at hindi naman ito nabigo. Nagkaroon ng 4,000 na katao ang sumanib sa ilalim ni Torres at doon ngay naging Heneral na siya. Noong 25,1898, si Torres ay kabilang sa bumuo ng Asemblea nasyonal na nagpahayag ng konstitusyon ng Republika ng Pilipinas sa malolos, kasama ang 181 kinatawansa ibat ibang lalawigan. Naging Gobernador Militar de Plaza na may ranggong Heneral De Brigada sa Bulakan. Siya ay naging Pangalawang Kalihim din ng digmaan matapos mamatay si Antonio Luna sa Cabanatuaan. Noong taong 1899 sa pagdating ni Heneral Mc Arthur, itinatag ni Torres ang GERELYA sa Bulakan upang labanan ang mga Amerikanong nakahihigit sa kahusayan sa sandata. Kusang loob na sumuko si Torres sa kamay ni Heneral Grant noong Abril 24, 1901 sa kadahilanang naputol ang kanilang ugnayan sa araw ng pagsuko. Naging dahilan din ng kanyang pagsuko ang pagkakahuli kay Aguinaldo sa Isabela noong Marso 23, 1901 at pagsuko ni Heneral Sandiko noong Abril 6, 1901. Nagpakita si Heneral Isidoro Torres ng di mapapantayang paglilingkod sa Pilipinas at higit sa lalawigan ng Bulakan, dahil dito siya ay ginawan ang bantayog na matatagpuan sa mababang paaralan ng matimbo sa bayan ng malolos na siyang ipinangalan dito na General Isidoro Torres Memorial Elementary School o GITMES ay ipinagawa noong 1930 na may sukat ang rebulto na 175 sintemetro pataas at pedestal na 270 sitemetro pataas. Ang kayang kabayanihan ay kinilala ng ating Bansa at higit ng mga Mololenyo.