Talata Filipino 8 Ess

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino work

Citation preview

Bago pa man dumating ag mga Kastila sa Pilipinas, mayroon ng sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nilay yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting bayan na anyong patula, mga kwentong bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Karamihan sa mga panitikan ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matibay na kahoy at makinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle ng dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na pagsulat ng tuluyan at patula. Sa pag-aaral nito bilang isang asignatura sa aking buhay bilang estudyante, ,minsan naitanong ko sa aking sarili kung ano nga ba ang magandang magiging bunga at epekto nito sa akin sampu ng mga kapwa ko Pilipino noon at hanggang sa kasalukuya