20
Si Maestrong Bino Sa likod ng malulutong na halakhak ni Maestrong Bino, nahihiwagahan ako. Aywan kung bakit siya pa ang nakatuwaan kong pag-aralan. Magaling siyang magturo. Ang pagiging palabiro niya ang pinanabikan ng mga kapwa ko estudyante. Sinasabi nila na si Maestrong Bino, kapag nagtuturo, kailanman hindi ka aantukin sa loob ng klase. Iyon ang napatunayan ko sa kanya.

Si maestrong bino

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Si maestrong bino

Si Maestrong BinoSa likod ng malulutong na halakhak ni Maestrong

Bino, nahihiwagahan ako. Aywan kung bakit siya paang nakatuwaan kong pag-aralan. Magaling siyangmagturo. Ang pagiging palabiro niya ang pinanabikanng mga kapwa ko estudyante. Sinasabi nila na siMaestrong Bino, kapag nagtuturo, kailanman hindi kaaantukin sa loob ng klase. Iyon ang napatunayan ko sakanya.

Page 2: Si maestrong bino

“Bakit palagi kang nag-iisa?”

Nabigla ako nang lumapit sa akin si Maestrong Bino.

“Nagtataka kasi ako sa buhay ng bawat tao. Hindi ko alamkung bakit ko pinakikialaman ang buhay nila.”

Matagal niya akong pinagmasdan.

“Ako ba’y pinariringganmo?”

Page 3: Si maestrong bino

“Hindi! Ba’t kita pariringgan?”

Nabuhayan siya ng loob nang ipinaliwanag ko sakanya ang lahat-lahat. Ang pangarap kong magingisang alagad ng sining. Muli ko na namang nasilayanang kangyang mga ngiti sa labi na parang may lihimna kahulugan.

Page 4: Si maestrong bino

“Ang lagay, tatawagin kitang dakilang pakialamero.”

Tumawa siya na parang alam na alam ang buhayna sasapitin ko. Sa pagkakataong iyon ay parang naalisang pagiging mahiyain ko kay Maestrong Bino. Parangnagkasundo ang aming mga pala-palagay. Pinanabikankong magsalita siya tungkol sa kanyang sarili.

Page 5: Si maestrong bino

Mula noon, nahikayat akong mag-aral paramarating ko rin ang kinalalagyan ni Maestrong Bino.Ibig ko siyang tularan. Ang bawat matatalinghagangsalita niya ay binibigyan ko ng malalim na kahulugan.

Minsan, nakita kong nag-iisa si Maestrong Bino salugar ng kampus na madalas kong tambayan.Halatang malalim ang iniisip. Parang may nais gawinsubalit parang nag-aalinlangan.

Page 6: Si maestrong bino

Muling gumana ang malikot kong pag-iisip. Maramingmga pala-palagay ang naglipana sa aking utak. Siguro,si Maestrong Bino ay mag-aasawa na. At iniisip niyaang buhay na sasapitin niya kapag nagkataon. Kungsaan-saan dumako ang aking pagmumuni-muni.Natigil iyon nang biglang magsalita si Maestrong Bino.

Page 7: Si maestrong bino

“Crispin,, naglalakbay na naman ang isipan mo.”

“Katulad ng paglalakbay ng iyong isipan.”

Napangiti siya ng pilit at sabay buntong hininga.Matagal niyang pinagmasdan ang kalayuan at sakanagsalita na hindi ko matiyak ang tunay na kahulugan.

Page 8: Si maestrong bino

“Sir, may problema ho ba kayo?”

Matagal niya akong pinagmasdan.

“Mayroon.”muli na naman siyang ngumiti.

“Ano ho iyon?”

“Katulad ng problema mo.” Pabirong sagot niya.

Napakamot ako sa ulo. Paulit-ulit kong narinigang kanyang huling sinabi. Ako na tuloy angnagkaroon ng problema dahil lamang sa pagtuklas ngsuliranin ni Maestrong Bino.

Page 9: Si maestrong bino

Kinaumagahan, muli ko na namang nasilayan siMaestrong Bino subalit iba na siya kaysa huli namingpag-uusap. Sa loob ng klase hindi ako naniniwalangmay bumabagabag sa kanya, gaya ng dati, muli ko nanamang narinig ang kanyang malulutong na halakhak.

“Sir, maaari bang magtanong?”

Page 10: Si maestrong bino

“Nagtatanong ka na! Napakamot sa batok si Abelardosa ginawang pambubuska sa kanya ni Maestrong Bino.Si Abelardo ay naging seryoso kapag si MaestrongBino ay nagtuturo. Para sa kanya, “the best teacher isno other than Maestrong Bino.”

“Ano ho ang iyong lihim?”

“Personal na tanong na nangangailangan ngpersonal na kasagutan. Don’t worry class I willresearch for that.”

Page 11: Si maestrong bino

LUMIPAS ang mga araw na maraming nagbago saaking katauhan. Mga pagbabagong pisikal, emosyonalat espiritwal.

Naging makulay ang aking buhay nang sapitin ko angikaapat na taon sa haiskul. Si Maestrong Bino angaming naging adviser. Matagal ko nang kinalimutanang mga alalahanin ko kay Maestrong Bino, marahil aysa dahilang nagkaroon na rin ng panahon ang akingpuso sa unang pagtibok nito.

Page 12: Si maestrong bino

Minsan,

“Sir,may problema ho ba kayo?”

“Mayroon. At kailangan ko ang iyong tulong.”

Sa unang pagkakataon, nakita kong lasing na lasing siMaestrong Bino. Palibhasa’y magaan na magaan angkalooban ko sa kanya hindi ako nag-atubiling tulungansiya.

Page 13: Si maestrong bino

Ang turing ko sa kanya ay parang isa nangnakatatandang kapatid. Dahil sa labis na kalasingan niMaestrong Bino, ipinasya ko na lamang na patuluginito sa aking tinutuluyan.

Hatinggabi, ginising ako ng mga yakap at halik.

Page 14: Si maestrong bino

Tanghali na nang magising ako. Akala kopanaginip lang ang lahat. Ngunit, ang walang saplotkong katawan ang nagpapatunay. Sinikap kongtumayo ngunit namimigat ang aking buong kalamnan.Namangha ako nang aking mabatid na may sulat doonsa aking mesa. Sulat ni Maestrong Bino at maymalaking halagang nakaipit doon.

Page 15: Si maestrong bino

Naisip ko na ang lahat pala ay nasa plano na niya.Parang nakikita kong gumuho ang malaking palasyona handa ko sanang ihandog kay Maestrong Bino.

Hindi ako makapaniwala. Ang taong ginawa konghuwaran ay matagal na palang nakalublob sa putik.

Ayon sa kanyang sulat…

Page 16: Si maestrong bino

Crispin,

Hindi ako isinilang na ganito. Nang ako’y bata pa,kulang ako sa patnubay ng aking mga magulang.Pinabayaan ako sa gusto ko at sa bawat gawin okinahihiligan ko. Siyam na taon pa lamang ako nang turuanako ng aking nakatatandang pinsan tungkol sa homosexualna gawain. Nasiyahan ako, kaya ipinagpatuloy ko ito. Sapasimula wala akong kabatiran na ang ginagawa ko aymasama. Ngunit ngayon ko lang nabatid sa tulong mo naito pala ay matamis na bawal.

Page 17: Si maestrong bino

Ipangako mo na isulat ang aking kuwento, ibunyag mo ang akinglihim sapagkat alam kong marami kami na hanggang sa ngayon aynagtatago, natatakot sa katotohanan.

Huwag mo akong isumpa sa halip ay ipagdasal mo na sana’ymapatawad ako ng Diyos sa mga kasalanan ko.

Paalam!M.B.

Tuluyan na siyang hindi nagpakita.

Page 18: Si maestrong bino

Tatlong taon ang nakaraan, nabalitaan ko nalamang na si Maestrong Bino ay ikinasal na. Hindi akomaaaring magkamali na siya ay tuluyang nagbago.*

Page 19: Si maestrong bino

SI VICENTE B. OLAVARIO ay taga Pawa, Tabaco,Albay. Nagtapos siya ng BSEd sa Daniel B. PeῆaMemorial College Foundation, Tabaco City. At ito ang unaniyang akda sa Pitak ng Bagong Manunulat.

Si VBO ay naging News-Editor (Filipino) at CirculationManager ng “The Foundation”, ang pahayagangpampaaralan.

Page 20: Si maestrong bino

Ang akda ni VBO ay noon pang Mayo, 1992 niya ipinadalangunit ngayon lang pinalad na mailathala. Katunayan itong napakaraming manuskritong natatanggap ng amingtanggapan mula sa mga bagong manunulat na hanggangsa ngayon ay patuloy na nagpapadala ng kuwento. Kayahuwag sanang mawalan ng pag-asa ang iba pang matagalnang nakapagpadala, maaaring ang mga susunod na isyuay ang inyong akda naman ang mabasa.(RSS)

Liwayway

March 11, 1996