Sa Huli

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Just my article contributed for our family brochure project in Values...

Citation preview

Sa HuliBy: Tisha S. Agustin

Pamilya. Sa mga libro itoy binigyang kahulugan bilang pangunahing unit ng lipunan. Kaya ang napili kong background ay isang castle o kingdom dahil itoy pinaniniwalaan kong nagrerepresenta sa isang pamilya, isang matibay na imprastraktura na sinusuportahan ng bawat bahagi ang bawat isa. Pero, para sa akin hindi diyan nagtatapos ang kahulugan ng pamilya. Sa katotohanan, marami kang maiisip upang ipaliwanag ang pamilya. Maaaring simbolo, tula, kanta, at marami pang iba. Kung ganoon, bakit ko pa ito isinusulat? Siguro, dahil sa emosyong gusto kong iparating upang magising and inyong diwa tungkol sa pamilya.

Mula sa ating mga ninuno ng ating mga magulang, itinuro na sa atin ang respeto. Dahil umano dito nakilala ang ating lahi. Hindi lamang sa loob ng pamilya ito dapat ipinaiiral kundi pati narin sa ibang tao. Kung ano umano ang kilos ng anak ay sumasalamin kung anong klaseng pamilya sila. Kahit strikto ang magulang, nararapat lamang na sumunod sa utos sapagkat itoy para sa kanilang ikabubuti.

Ngunit inyong maoobserbahan sa panahon ngayon ang pagbabago ng mga kinagawian natin. Kawalang respeto sa magulang, pagsuway, at pagrerebelde ng mga kabataan. Kahit nasa labas ng tirahan, nagagawa nilang sagut-sagotin at murahin ang kanilang magulang harap-harapan. Isa pa ang affection sa mga kabataan, natututunan nilang suwayin ang kanilang magulang dahil dito. Bakit nga ba nagkakaganito ang isang pamilya at paano ito masosolusyonan?

Media ay isa na sa mga dahilan. Hindi ang media mismo ang tinutukoy ko. Ang kawalang responsibilidad sa tamang paggamit nito. Bale, sa tao parin ito nababatay kung paano niya ito gagamitin. Dahil dito, nag-ugat ang mga problema, hindi lang sa loob ng pamilya, kung hindi sa lipunan na ito nakaapekto. Napakadaming problema ang hindi ko pa nababanggit. Napakarami upang itala lahat. Ngunit ano nga ba ang epektibong solusyon?

Para sa akin, naiintndihan ko na kung bakit pinapalo ang bata. Hindi para silay parusahan, upang silay paalalahanin na hwag na ito ulit gagawin at sumunod. Kaya nila ito ginagawa upang matuto ang bata kung ano ang tama at mali. Ngunit isa ito sa hindi naiintindihan ng bata. Iniisip nila na hindi sila mahal ng mga magulang ngunit ang totoo ay itoy para sa kanila dahil mahal sila ng kanilang magulang, upang hindi sila mawala sa tamang landas.

Siguro kung hindi man naiintindihan ng anak ang lahat ng ginagawa para sa kanila, kailangan ng epektibong komunikasyon. Ipaliwanag lahat sa kanya at ipaalam ang pagmamahal. Hindi lamang yan, kundi iparamdam. Komunikasyon ang pinakaepektibo sa lahat dahil dito sila nagkakaintindihan. Kailangan naman maging open-minded ang bata at intindihin lahat. Sa pamamagitan nito, mawawala ang sama ng loob at galit sa puso ng bawat isa.

Nararapat lamang na mamuhay ang pagkakaisa at pagmamahal sa bawat isa tungo sa matibay na pundasyon ng lipunan. Sa huli, kahit ano pa ang nagawa mong hindi maganda, pamilya parin ang malalapitan at matatakbuhan mo, at sila lang magmamahal sayo higit pa sa buhay nila, at syempre ang tatanggap sayo ng buong puso. Kaya habang tayoy nabubuhay, iparamdam ang pagmamahal sa bawat isa.