Upload
others
View
7
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
M a r s o 2 0 1 6 1514 L i a h o n a
At sa huli, sa harap ng libingang walang laman, malalaman natin na nakalag na ni Cristo na ating Panginoon ang mga gapos ng kamatayan at walang hanggang nagtatagumpay laban sa libingan.
Sa gayon, Paglikha ang simula ng Pagkahulog; at dahil sa Pagka-hulog ay nagkaroon ng mortalidad at kamatayan; at dahil kay Cristo nagkaroon ng imortalidad at buhay na walang hanggan.
Kung hindi nangyari ang pagkahulog ni Adan, kung saan dumating ang kamatayan, wala sanang Pagbabayad- sala ni Cristo, na naghatid ng buhay.
At ngayon, tungkol sa perpektong Pagbabayad- salang ito, na naisakatu-paran sa pamamagitan ng pagbuhos ng dugo ng Diyos—pinatototohanan ko na nangyari ito sa Getsemani at sa Golgota, at tungkol kay Jesucristo, pinatototohanan ko na Siya ang Anak ng Buhay na Diyos at ipinako para sa mga kasalanan ng sanlibutan. Siya ang ating Panginoon, ating Diyos, at ating Hari. Alam ko ito, at walang kinalaman ang ibang tao.
Isa ako sa Kanyang mga saksi, at pagdating ng araw dadamahin ko ang mga marka ng pako sa Kanyang mga kamay at paa at babasain ng aking mga luha ang Kanyang mga paa.
Ngunit pagdating ng araw na iyon hindi magbabago ang alam ko ngayon na Siya ang Makapangyarihang Anak ng Diyos, na Siya ang ating Tagapagligtas at Manunubos, at na dumarating ang kaligtasan sa at sa pamamagitan ng Kanyang nagbabayad- salang dugo at wala nang iba pang paraan.
Loobin nawa ng Diyos na makalakad tayo sa liwanag dahil ang ating Diyos Ama ay nasa liwanag nang sa gayon ay malinis tayo mula sa lahat ng kasalanan, ayon sa mga pangako, ng dugo ni Jesucristo na Kanyang anak. ◼Mula sa “The Purifying Power of Gethsemane,” Ensign, Mayo 1985, 9–11. Pinagpare- pareho ang pagbabantas at pagpapalaki ng mga titik.Ito ang huling patotoo ni Elder McConkie bilang apostol sa buhay na ito; pumanaw siya pagkaraan ng dalawang linggo.
Tatlong araw pagkaraan nagbangon si Cristo mula
sa libingan, at naiwan itong walang laman. Pinutol Niya ang mga gapos ng kamata-yan at napagtagumpayan
ang libingan—sa gayo’y nakumpleto Niya ang sakdal
na Pagbabayad- sala.
Sa libingang walang laman, nagpa-kita ang nabuhay na mag- uling si Cristo kay Maria Magdalena at nagta-nong, “Bakit ka umiiyak? . . . Siya, sa pag- aakalang yao’y maghahalaman, ay . . . lumingon . . . , at nagsabi sa kaniya, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro” ( Juan 20:15–16).
Pagkatapos ay sinabi ni Jesus kay Maria,
“Huwag mo akong hi-puin; sapagka’t hindi pa ako nakakaakyat
sa Ama” ( Juan 20:17).KA
LIWAN
G IT
AAS:
SIY
A’Y
BUHA
Y, N
I SIM
ON
DEW
EY; I
BABA
SA
KALIW
A: S
INAB
I NI J
ESUS
SA
KANY
A, M
ARIA
, NI W
ILLIA
M W
HITA
KER,
SA
KAG
ANDA
HANG
- LO
OB
NG C
HURC
H HI
STO
RY
MUS
EUM
; KAN
AN: A
NG P
AGPA
PAKI
TA N
I CRI
STO
KAY
MAR
IA M
AGDA
LENA
, NI A
LEXA
NDER
IVAN
OV/
STAT
E RU
SSIA
N M
USEU
M, S
T. PE
TERS
BURG
, RUS
SIA/
SCAL
A/AR
T RE
SOUR
CE, N
Y