Click here to load reader

rtvm.gov. DOC file · Web viewsiguro ako lang ang unang Presidente talagang pinu**** i** ko sila. [laughter] Talagang may pangyayari. I do not want to rekindle the so much emotion

  • View
    212

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of rtvm.gov. DOC file · Web viewsiguro ako lang ang unang Presidente talagang pinu**** i**...

SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTEDURING HIS MEETING WITH THE FILIPINO COMMUNITY IN JAPAN

The Palace Hotel in Tokyo, Japan

30 May 2019

Kindly sit down. [applause and cheers] [crowd chants: Duterte. Duterte] Maupo kayo. Kindly sit down. Kaninong upuan yan na bakante?

DTI Secretary Ramon Lopez: Iyong mga nasa Nikkei dinner sila Sec. Berna, Sec... Ah hindi na ma --- hindi na magpunta yon dito? [DTI Sec. Lopez: Nikkei dinner, susunod daw.]

There were two ladies who were seated here. Bumalik kayo dito, hindi na yon babalik. [laughter] At bumalik man yung ano, eh may kasama akong mga tourism official and other. Kokonti lang ho kami. Eh nandiyan na kayo kanina, mukhang pinaalis kayo. Dapat ang protocol --- dapat pag magaganda, [laughter] wag mong tanggalin sa harap ko kasi mawalaan ako ng inspirasyon. [laughter]

Kaya lang for this moment ah talagang built-in na kasi ang misis ko nandiyan. [applause] Alam mo Honeylet used to work in America. Kasi po ako may asawa na dati. Para malaman ninyo. Yung nanay ni Inday, ni Pulong, pati ni Sebastian. Eh unfortunately, sadly, hindi naman kasi magka-intindihan kayong la... And well I really grieved the event in my life na mag-separation. Ah talagang ang asawa ko umuwi sa America. Shes half German, half American. Parang iniwan niya ako. [laughter]

Hindi ko malaman kung ano ang kasalanan ko, na ayaw niya kasi marami yon eh. [laughter] Ang problema she never told us the reason why she was leaving me, and she filed an annulment case against me.

Para malaman ninyo na were partners when we are doing well. Ah maybe marriage at this time --- nandiyan pa yung mga anak ko at ah magkaibigan sila. But if I do a misstep there baka tuloy mag-away na o magsama na ang pagsamahan nila.

So ganyan na lang, I went to her --- to live with her until now. So na --- naging mayor ako 1988, ah first runner-up si Honeylet sa Mutya ng Dabaw. [cheers and applause] Payat pa siya kagaya niya noon. [laughter] Ngayon, payat pa rin. [laughter]

You know, I can relate sa experience ninyo and every OFW lalo na sa deployed ho sa Middle East. It --- it breaks my heart actually. Kaya nga siguro ako lang ang unang Presidente talagang pinu**** i** ko sila. [laughter] Talagang may pangyayari. I do not want to rekindle the so much emotion that was pouring in. There was this second one, sabi ko you better try to figure out because I have something in mind. But anyway, I will tell you later.

Maybe two, three weeks from now I will decide where we should be going, in what direction. Alam ko ang buhay niya kasi ako noon congressman. Pumunta siya sa ano, sabi niya, wala namang pag-asa hindi mo ako ma --- mapakasalan, I do not be just a lady in waiting. So iniwan rin niya ako. Pero my God sabi ko, hindi itong babae na ito mahal ko talaga. [cheers and applause] And would you believe it, ayaw --- maniwala kayo okay, pag hindi, okay. [laughter]

Ang tinirahan niya sa America was a garage that was converted. Marami yan eh, yung garage converted into a room tapos pinaparenta nila. So ako doon ako tu --- natulog sa nirerentahan niya. Sa totoo lang sabi kot sa maniwala kayot sa hindi, hindi kami makahiga ng flat ganun. Either mag-side view ako, mag-ganun siya [laughter] or ako na naman ang mag-ano --- I lie flat tapos sabihin ko sa kanya, ikaw naman magtakilid. [laughter]

Totoo yan. Totoo yan and for the so many times that ah... Well I just remember that nung paalis na tuloy siya --- but Im not very sure of going home permanently. Eh sa isang bisita ko siyempre... Tapos sabi ko --- tumawag siya, sabi niya, Buntis ako. [laughter] Sabi ko, Bakit ka mabuntis na...? Akala ko ba maga --- naggagamit ka ng pills? Nagalit siya, sabi niya na, G*** ka pala. Bakit ako magpi-pills? Sinong gagamit sa akin dito? Eh ikaw lang man yung pumupunta dito. Youre the only one. [cheers and applause]

Kaya nung nanganak siya sabi ko --- nakita ko yung bata sa --- alam mo na, the modern technology. Pagtingin ko, mukha ng nanay ko. [laughter] Sabi ko, Umuwi ka na dito. No guarantees anong titulo mo, pero hindi ko man masabi na its really a destiny maging First Lady ka ng bayang Pilipino. [applause]

Pero kung may gustong sumunod, okay man lang sa akin. [laughter] Wala talaga akong problema. Tutal nasanay naman sila na nung for the first time in history pag take oath ko as President, si Zimmerman was on the right side sa linya sa upuan. On the left side may anak naman kami, si Kitty, so diyan. So dalawang pamilya.

Pero yung pagpasok nila, yung tatlo tapos nakasunod na yung bunso pero yung bunso, yung half sister nila. Iyan ang istorya na --- and itong sabihin niyo na... Alam mo sa America, I think about mga 40 percent or 35 percent of your salary goes to the government. Trabaho ka muna sa gobyerno, ang maiwan iyo. But you work for the government. Hindi ka na kailangan mag-government employee doon, kasi sa taas ng buwis nila sa lahat, talagang you... Sabi nga, ang lungkot na lang ninyo na...

Kikita kayo ng above average na kinikitaan dito sa Pilipinas --- doon sa Pilipinas. Pero not as much really as karami nating problema. So yan ang hinahabol ko dito. Kasi si Secretary of Finance Carlos Dominguez... Sonny, can you stand up? [applause]

I think --- Is Pernia here? Yon nadoon sa... Sila yung --- and Mon Lopez. [applause] Sila yung nagdadala ng mga economic policies natin. At we are now in the category of BBB+. Ibig sabihin, we are just one step ahead. Nagtabla na tayo sa America pati sa Japan, AAA. [applause]

BBB+ na tayo eh. And of course hindi yan marating kung wala rin yung budget officer ko na was promoted to the Central Bank managership, Ben Diokno. [applause]

Sila yan. Kaya malaman mo sa Davao and anywhere, wag lang magulo, there is a rising middle class. [applause] Sabi ni Sonny, marami na ang sa mga bangko sa probinsiya, siyudad labas ng Maynila, mas marami na ang mga taong may deposito. So yan ang indicator mo na gumagana.

Kami naman dito, hindi man ako technician, tinitingnan ko lang yung consumption ng electricity, energy, napakataas na. So in about five years time, kung masunod lang sana ng presidente ang ginagawa ko, medyo tuloy-tuloy.

Kasi ako I came --- I remember I came here, I promised simple lang. Kasi hindi ko alam yung teritorya ng presidency. Sinabi ko I will fight corruption, and Ive been doing it. I just fired one official na malaki. Bago ako umalis sabi ko, tanggalin mo yan. Corruption talaga ang ayaw ko at marami na akong kaibigan na pinatalsik sa Cabinet members but who were with me in the 1988 campaign when I was running for mayor for the first time. And they were coasting along with me until I became the President.

Wala mang problema sa akin. Magbayad ako ng utang sa tulong mo. Pero ang sinasabi ko talaga sa lahat, p*** wag talaga yang corruption, hindi ko masikmura yan. Nung mayor ako --- nung prosecutor ako ng korte, lalo na mas nakakahiya kung... And on top of that wala pa yang Ombudsman, I was a special prosecutor for Tanodbayan ang tawag nila noon.

So nakakahiya naman kung ikaw ang unang titindig doon balang araw for corruption. Marami --- hindi corruption. Sabi ko droga. Eh kanam --- napakarami ko eh ang kaso sa ano... Sabi nila theyre insisting ang Amerikano that I killed more than --- sometimes they pegged it at around 70,000 or whatever, minsan 40.

Ang pulis, preparado lang sila mag-admit ng about 5,000 plus. Pero whatever is the figure, the true figure or the lies wala na akong pakialam diyan. As a matter of fact, you can count as many as you want if you hate me. And then kung ikaw naman sabihin ko hindi naman ganun karami.

You know when I was --- may mga taga-Davao ba dito? [Crowd: Yes.] [applause] Alam ninyo ang Davao noon, nung hindi pa ako na-mayor, so ang gulo araw-araw patayan yan tatlo, apat na sundalo o pulis every day. Yang magtindig diyan sa police sa Bankerohan, tatlo mag-traffic kasi ang taas ng bridge eh. Sabay-sabay yan puputok, tatlo ang natutumba. At ako naman ay nagne-negotiate ako sa traffic, so that was the life. But I said when I became mayor, medyo talking terms kami sa ano eh --- sa komunista.

Maybe because pareho kami ang --- pareho ang aming ano... They really want land reform, binibilisan ko talaga ang land reform. They do not want corruption, lahat na nakita ko nasipa ko na, and maybe more.

Lahat ng --- lahat ng na... And even Boracay, napakadumi. So most or half of my Cabinet members are all retired military men. Wala akong dynamics sa iyong bureaucracy. But the problem sa bureaucracy is dedebatehin ka pa. He debate --- debate with you and in the implementation magsasara lang --- mag-stop yung project kasi nawala yung pera. Mayroon talaga diyan, its endemic.

Kay sinasabi may --- may ipinagbilin ako sa military. Pero nung ako na ang mayor sabi ko, Im going to build a city and it shall be comfortable for everybody. I want to return the streets, the alleys, the parks, the spaces na makapaglakad ang Davao --- Davaoeno na walang nangyayari.

As a matter of fact, the standard that I gave to the police was this: Palakarin mo yung asawa mo sa labas, anak mo yung pinakaganda mo --- yung kasing ganda niya kung maglakad ka doon. Sabi ko asawa ninyo, kung umuwi yan na hindi namolestiya, the happiness of going out is unbridled, unmolested, yan ang gusto kong standard para sa lahat. Hindi lang para sa asawa ninyo. [applause]

And ang ito ang warning ko, sabi ko: This will be a city that will be safe. And this will be a city without drugs. If you destroy my country and if you destroy my city, I will kill you. [applause]

Hanggang ngayon kay humabol man yang mga networks sa --- simultaneous t