3
PASKO - Dula-dulaan Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales Unang Tagpo (Tanawin: Loob ng bahay) (Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.) Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.” Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.” Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.” Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.” Anak 4: “Ako rin po.” Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.” Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.” (Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.) Tilon Pangalawang Tagpo (Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) (May mga tindera. May tugtuging pamasko.) Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.” Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.” (May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.) Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?” Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.” Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.” Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?” Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?” Anak 2: “Dalawa po.” Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.” Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!” Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.” Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)

Pasko

  • Upload
    ggg

  • View
    315

  • Download
    5

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pasko

Citation preview

Page 1: Pasko

PASKO - Dula-dulaanSinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo(Tanawin: Loob ng bahay)

(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.”

Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4: “Ako rin po.”

Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)

(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”

Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”

Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.”

Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”

Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?”

Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”

Anak 2: “Dalawa po.”

Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”

Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”

Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”

Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)

Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.”

Tilon

Pangatlong Tagpo(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)

Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”

Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”

Page 2: Pasko

(Nanay at Tatay – magmamano rin)

Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)

Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”

Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”

Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”

Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”

Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.”

Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”

Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.”

(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)

Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.”

Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong Taon sa lahat.”

Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.”

Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.”

Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.”

Tilon

Mga Tauhan:

Lolo at Lola: Lucas at Pacita MoralesNinang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer AndradaNanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito CapatiMga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida FalconMga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena RabozaTagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda FalconMusika: Renato Blancaflor at Daisy FranadaTilon: Ric Corpuz at Carlito Vero