38
Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

Pandaigdigang Pahayagtungkol sa Etika

Page 2: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

Talaan ng mga NilalamanIsang mensahe mula sa ating Punong Ehekutibong Opisyal . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

Paggamit sa Pahayag tungkol sa Etika . . . . . . . . . . 3

Paano Naaayos ang Pahayag tungkol sa Etika . . . .3

Mga Patakaran ng Walmart at Lokal na Batas . . . . .3

Ang Ating mga Paniniwala . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5

Sino ang Saklaw ng Pahayag tungkol sa Etika . . . .5

Mga Responsibilidad ng Associate . . . . . . . . . . . . . . .5

Mga Karagdagang Responsibilidad ng Pamatnugutan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .6

Disiplina para sa Mga Paglabag . . . . . . . . . . . . . . . . . .6

Paglalabas ng mga Isyu at Pagsasalita . . . . . . . . . . 7

Mga Opinyong Pang-etika . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .7

Ano ang Mangyayari Kapag may Inilabas na Isyung Pang-etika . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .7

Hindi Paghihiganti . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .8

Paano Maglalabas ng Isyu . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .8

Pamantayan ng Dapat I-report Kaagad . . . . . . . . . .9

Mga Waiver . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .9

Q&A . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10

Pamumuno nang may Integridad sa Ating Pinagtatrabahuhan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11

Lugar na Pinagtatrabahuhang Walang Alak at Droga . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11

Pagpigil sa Diskriminasyon at Panghaharas . . . . 11

Di-naaangkop na Kilos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 12

Sahod at Oras . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 12

Salungatan ng Interes . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

Mga Pinansiyal na Pamumuhunan . . . . . . . . . . . . . 13

Pagtatrabaho sa Labas . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

Dating Trabaho . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

Personal na Ugnayan sa mga Supplier . . . . . . . . . 14

Regalo at Paglilibang . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14

Personal na Ugnayan sa mga Iba pang Associate . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15

Ari-arian ng Walmart . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15

Q&A . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .16–19

Pamumuno nang may Integridad sa Ating Merkado . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20

Patas na Kompetisyon at Patas na Pakikitungo . 20

Sinasadyang Kawalang-katapatan . . . . . . . . . . . . . 20

Pampinansiyang Integridad at mga Iregularidad sa Accounting . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21

Pangangalakal ng Tagaloob . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21

Mahigpit na Patakaran sa Pangangalakal . . . . . . 21

Q&A . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .22–23

Pamumuno nang may Integridad sa Ating mga Komunidad . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24

Kontra-Katiwalian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24

Kontra-Money Laundering . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25

Pahintulot na Magtrabaho . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25

Responsibilidad Pangkapaligiran, Kalusugan at Kaligtasan sa Lugar na Pinagtatrabahuhan . . . . . 25

Kaligtasan ng Produkto at Pagkain . . . . . . . . . . . 26

Pagprotekta sa Impormasyong Personal at Pang-negosyo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 26

Mga Gawaing Pampamahalaan at Pampulitika . 27

Pandaigdigang Pangangalakal . . . . . . . . . . . . . . . . 27

Pahayag sa Media . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 27

Q&A . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .28–32

Mga Numero ng Global Ethics Helpline . . . . . . 33-35

Panghuling Pagtatatwa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36

Indise . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 37

Page 3: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

2

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Ang ating bukod-tanging kultura ang nagsusulong sa layuning makatipid ang mga tao ng pera upang makapamuhay sila nang mas mabuti, at ang pundasyon ng ating kultura ay ang pangakong patakbuhin ang negosyo

nang may integridad . Kahit habang nagbabago tayo upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kostumer, nananatili ang Walmart na tapat sa mga pinahahalagahan, paniniwala at pag-uugali na naging gabay na natin sa nakaraang 50 taon .

Saan man nagtatrabaho ang bawat isa sa atin sa ating pandaigdigang kompanya, itong Pahayag tungkol sa Etika ang gabay upang ihalimbawa ang integridad bilang isang associate ng Walmart . Ito ay pang-araw-araw na madudulugan para sa paggawa ng tapat, patas at walang kinakatigang mga desisyon habang nagpapatakbo ng negosyo nang sumusunod sa lahat ng batas at sa ating mga patakaran . Ang Pahayag tungkol sa Etika na ito ay nauukol sa akin, sa lupon ng mga direktor at lahat ng associate sa bawat antas ng ating organisasyon .

Sa pamamagitan ng iyong etikal na pag-uugali at kusang-loob na pagsasalita para sa mga pinakamataas na pamantayan, nakukuha at napapanatili natin ang tiwala ng ating mga kostumer, ng bawat isa sa atin at ng ating mga lokal na komunidad . Naniniwala tayo sa everyday low cost at everyday low prices, ngunit kung maipapatupad lamang sa pamamagitan ng ating araw-araw na integridad .

Salamat sa iyong paninindigan sa ating Pahayag tungkol sa Etika . Higit pa ito sa paggawa ng mga etikal na desisyon; ipinapakita nito na may malasakit ka tungkol sa Walmart, sa ating reputasyon at sa ating mga kostumer .

Doug McMillonPresidente at CEOWal-Mart Stores, Inc.

Isang mensahe mula sa ating Punong Tagapagpaganap na Opisyal

Doug McMillon, CEO

Page 4: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

3

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Makipag-ugnayan sa Amin nang hindi nagpapakilala at

kompidensiyalwalmartethics .com

1-800-WM-ETHIC • 1-800-963-8442 Ang mga numero ng telepono para sa

lahat ng bansa ay nakasulat sa likod ng dokumentong ito .

Ipakikilala sa iyo ng ating Pahayag tungkol sa Etika ang mga pag-uugali at kilos na bumubuo ng tapat, patas at walang kinakatigang lugar na pinagtatrabahuhan habang nagpapatakbo tayo ng negosyo nang sumusunod sa lahat ng batas at sa ating mga patakaran . Tutulungan ka nito na makilala ang mga sitwasyong maaaring mangyari sa iyong trabaho na posibleng paglabag sa etika ng ating kompanya . Malalaman mo rin kung ano ang gagawin kung mayroon kang mga tanong tungkol sa kung ano ang itinuturing na etikal na kilos .

Paano Naaayos ang Pahayag tungkol sa Etika• Sa loob ng pabalat sa harap, ipinapakita ni Doug McMillon,

ang ating Presidente at CEO, kung gaano kahalaga para sa ating lahat na sundin natin ang ating Pahayag tungkol sa Etika at ireport ang anumang bagay na sa palagay natin ay maaaring paglabag sa mga etikang iyon .

• Nasa susunod na pahina Ang Ating Mga Paniniwala . Ang mga ito ang pangunahing paniniwala ng Walmart para sa lahat ng kilos, kabilang ang pagkilos nang may integridad .

• Ipinaliliwanag ng seksiyon ng Panimula na tungkulin ng lahat ang sumunod sa ating Pahayag tungkol sa Etika at ireport ang anumang ipinapalagay mong maaaring paglabag sa patakaran o batas .

• Sinasabi ng seksiyon na Paglalabas ng mga Isyu at Pagsasalita kung paano hihingi ng opinyon bago ka gumawa ng hakbang at kung paano irereport ang sa palagay mo ay posibleng paglabag sa etika, kabilang kung paano magrereport nang pribado nang hindi mo ibinibigay ang iyong pangalan .

• Ibinibigay ng gabay na ito sa iyo ang paglalarawan sa kabuuan ng marami, ngunit hindi lahat, ng mga patakaran ng Walmart . Kasama dito ang ilang madalas na tinatanong upang tumulong sa pagpapaliwanag nang mas mabuti sa mga patakaran . May mga halimbawa din kung paano nauukol sa lahat ng bansa itong Pahayag tungkol sa Etika at mga iba pang patakaran ng Walmart .

Mga Patakaran ng Walmart at Lokal na BatasInilalathala ng Walmart ang ilang pandaigdigang patakaran, na dinisenyo upang bigyan ang mga associate ng gabay na pare-pareho sa lahat ng lokasyon . Ang Pahayag tungkol sa Etika na ito ay isang halimbawa ng pandaigdigang patakaran . Dagdag pa, bawat yunit ng negosyo na pinatatakbo ng Walmart ay inaasahang magkaroon ng kumpletong grupo ng mga patakaran na nagbibigay-gabay sa mga associate para sa bansa kung saan sila nagtatrabaho . Dahil ang mga patakarang ito ay maaaring magkakaiba sa mga yunit ng negosyo o merkado, hindi nakaugnay ang mga ito sa Pahayag tungkol sa Etika na ito . Tungkulin nating alamin ang lahat ng patakaran na maaaring nauukol sa ating mga larangan ng negosyo . Kung hindi ka sigurado tungkol sa mga patakaran sa iyong larangan, mangyari lamang na kausapin ang iyong manedyer, ang Legal Department o ang Global Ethics .Ang Walmart ay nagpapatakbo ng negosyo sa maraming bansa sa buong mundo . Ang ating mga associate ay mga mamamayan ng maraming bansa . Bilang resulta, ang ating mga pagpapatakbo ng negosyo ay napapasailalim sa maraming iba't ibang batas, kaugalian at kultura . Ang ating mga pagpapatakbo ng negosyo ay dapat sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at pamamalakad dagdag pa sa Pahayag tungkol sa Etika na ito . Sa ilang pagkakataon, ang mga batas ng dalawa o mas marami pang bansa ay maaaring nagsasalungat, o ang isang lokal na batas ay maaaring sumasalungat sa Pahayag tungkol sa Etika . Kapag may mapansin kang salungatan, makipag-ugnayan sa Global Ethics para humingi ng gabay kung paano ipapatupad ang Pahayag tungkol sa Etika sa iyong bansa .

Paggamit sa Pahayag tungkol sa Etika

Page 5: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

4

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Ang Ating mga Paniniwala

Simula noong itinatag ni Sam Walton ang ating kompanya palagi na itong isang organisasyong nakabase-sa-mga-pinahahalagahan at pinamumunuan nang may etika . Ang ating mga paniniwala ang mga pinahahalagahan na gumagabay sa ating mga desisyon at sa ating pamunuan .

Respeto para sa Indibiduwal

Pinahahalagahan natin ang bawat associate, inaangkin ang trabahong ginagawa natin, at nag-uusap-usap sa pamamagitan ng pakikinig at pagbabahagi ng mga ideya .

Magsikap para sa Kahusayan

Nagtutulungan tayo bilang isang pangkat at ihinahalimbawa ang mga positibong halimbawa habang nagpapatupad ng mga pagbabago at humuhusay araw-araw .

Kumilos nang may Integridad

Kumikilos tayo nang may pinakamataas na antas ng integridad sa pamamagitan ng pagiging tapat, patas at walang kinakatigan, habang nagpapatakbo ng negosyo nang sumusunod sa lahat ng batas at sa ating mga patakaran .

Serbisyo sa ating mga Kostumer

Narito tayo upang paglingkuran ang ating mga kostumer, suportahan ang isa't isa, at magbigay sa ating mga lokal na komunidad .

Pahayag tungkol sa Bisyon

Ang bisyon ng Global Ethics ay ang itaguyod ang pagmamay-ari ng etikal na

kultura ng Walmart sa lahat ng stakeholder sa buong mundo .

Tama ba ang mga ginagawa mong desisyon?Kapag nahaharap ka sa paggawa ng anumang desisyon, dapat mong itanong sa iyong sarili ang mga sumusunod:

• Naaayon ba ito sa Ating mga Paniniwala?

• Gusto ko bang malaman ito ng mga ibang tao?

Kung ang sagot sa alinman sa dalawang tanong ay hindi pag-isipan kung ang iyong posibleng hakbang ay tumutupad sa ating Pahayag tungkol sa Etika . Kung hindi, mag-isip ng mas mabuting plano ng gagawin . Kung ikaw ay hindi sigurado tungkol sa isang desisyon, kausapin ang iyong manedyer o makipag-ugnayan sa Global Ethics .

Page 6: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

5

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Sino ang Saklaw ng Pahayag tungkol sa Etika?

Mga Associate at Direktor Ang ating Pahayag tungkol sa Etika ay nauukol sa lahat ng associate sa lahat ng antas ng organisasyon sa buong mundo at lahat ng miyembro ng lupon ng mga direktor ng Wal-Mart Stores, Inc . Nauukol din ito sa lahat ng associate at direktor ng mga subsidiyaryong kontrolado ng Walmart .

Mga Ikatlong Partido Inaasahan ng Walmart ang lahat ng supplier, konsultant, kompanya ng abogado, kompanya ng relasyong pampubliko, kontratista at iba pang tagapagbigay ng serbisyo na kumilos nang etikal at sa paraang naaayon dito sa Pahayag tungkol sa Etika . Kung kukuha ka ng serbisyo ng ikatlong partido, dapat kang gumawa ng mga makatwirang hakbang upang siguruhing nababatid ng ikatlong partido itong Pahayag tungkol sa Etika, na mayroon silang reputasyon ng integridad at kumikilos sa responsableng paraan na naaayon sa ating mga pamantayan .

Mga Responsibilidad ng Associate

Bawat associate ng Walmart ay may responsibilidad na:

• Sumunod sa batas sa lahat ng pagkakataon . Kung may makita kang sinumang associate na lumalabag sa batas, o kung hihingin sa iyong gumawa ng isang bagay na sa palagay mo ay maaaring lumalabag sa batas, talakayin ito kaagad sa iyong manedyer o sa Global Ethics .

• Basahin at intindihin Ang Ating mga Paniniwala at gamitin ang mga ito sa iyong trabaho araw-araw .

• Alamin ang mga pamamalakad na nauukol sa iyong trabaho . Walang umaasang maisasaulo mo ang bawat patakaran, ngunit mabuting maunawaan ang mga isyu na saklaw ng bawat patakaran .

• Humingi ng tulong mula sa iyong manedyer, Global Ethics o iba pang madudulugan sa Walmart kapag mayroon kang mga tanong tungkol sa pagpapatupad ng Pahayag tungkol sa Etika na ito o sa mga iba pang patakaran .

• Ilabas kaagad ang anumang inaalala mo o ng mga ibang tao tungkol sa mga posibleng kahilingan o kilos na maaaring lumalabag sa Pahayag tungkol sa Etika na ito o sa isang patakaran ng Walmart .

• Iparating ang anumang inaalalang nauugnay sa etika sa isang manedyer o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Global Ethics . Kung maglalabas ka ng isyu na nauugnay sa etika sa pamamagitan ng isang manedyer at hindi maresolba ang isyu, ilabas ito sa pamamagitan ng ibang manedyer o makipag-ugnayan sa Global Ethics . Ang iba't ibang paraan upang maglabas ng mga isyu ay inilalarawan nang mas detalyado sa mga susunod na pahina sa gabay na ito .

• Makipagtulungan sa mga pag-iimbestiga ng Walmart at ireport ang lahat ng impormasyon nang may katapatan .

Ang personal at moral na integridad ay isa sa ating mga pangunahing batayan at dapat itong magsimula sa bawat isa sa atin .

Sam Walton, Tagapagtatag

Panimula

Page 7: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

6

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Mga Karagdagang Responsibilidad ng Pamatnugutan

Lahat ng associate ng pamatnugutan ay responsable sa pagbuo ng kapaligirang humihikayat ng pagsunod sa ating Pahayag tungkol sa Etika . Ang pangangasiwa sa mga responsableng gawaing pang-negosyo ay kasing-halaga ng pangangasiwa sa pagsasagawa ng trabaho . Upang tulungan tayong panatilihin ang pinakamataas na etika, dapat mong gawin ang sumusunod:

• Makipag-ugnayan sa Global Ethics kung may mabatid kang isyung pang-etika na saklaw ng Mga Pamantayan ng Dapat I-report Kaagad sa pahina 9 o para humingi ng tulong sa pagdedesisyon tungkol sa isang katanungan o isyung pang-etika .

• Regular na makipagpulong sa iyong mga direct report upang pag-aralang muli Ang Ating mga Paniniwala at ang ating Pahayag tungkol sa Etika .

• Kung may salungatan sa pagitan ng ating etika at mga layuning pang-negosyo, siguruhin na ang ating etika ay palaging nangunguna .

• Mamuno sa pamamagitan ng halimbawa at hikayatin ang iyong mga associate na kumilos nang may integridad sa lahat ng pakikitungo upang maiwasan kahit ang mukhang paglabag lamang sa ating mga pamantayan sa etika .

• Kung may lumitaw na isyung pang-etika sa isa sa iyong mga associate, siguruhin na hindi ginagawa ng mga iba pang associate sa iyong larangan ang parehong pagkakamali .

• Siguruhing may bukas na komunikasyon sa pamamagitan ng paghikayat sa mga associate sa iyong departamento o dibisyon na magtanong hinggil sa ating Pahayag tungkol sa Etika .

• Huwag kailanman pagtatakpan o ipagwawalang-bahala ang anumang problemang nauugnay sa etikal na kilos . Tugunan ang problema sa tamang panahon at humingi ng patnubay kung kinakailangan .

• Pasalamatan ang mga associate na naglalabas ng mga isyu .

• Huwag kailanman maghihiganti laban sa sinuman na naglalabas ng isyung pang-etika, tumutulong sa isang imbestigasyon o sumasali sa anumang proseso na nauugnay sa sinasabing paglabag sa anumang pamamalakad, batas o alituntunin ng pamahalaan o sinasabing pandaraya laban sa mga shareholder .

• Sa sandaling may mailabas na isyung pang-etika, huwag makikialam sa anumang pag-iimbestiga sa usapin .

• Hikayatin ang pagrereport ng sariling paglabag sa kilos pang-negosyo . Kung kusang irereport ng isang associate na siya ay sangkot sa isang paglabag sa etika, ang pagrereport ng sarili ay maaaring maisaalang-alang kapag ipinapasya ang gagawing naaangkop na pandisiplinang hakbang .

Disiplina para sa Mga PaglabagAng naaangkop na pansidiplinang hakbang, hanggang sa at kabilang ang pagtatanggal sa trabaho, ay maaaring gawin laban sa sinumang associate na lumalabag sa ating Pahayag tungkol sa Etika, o mga naaangkop na batas, pamamalakad, o patakaran .

Page 8: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

7

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Paglalabas ng mga Isyu at Pagsasalita

Huwag ikokompromiso ang iyong reputasyon . Ito ay mahalagang bagay . Huwag ikokompromiso ang iyong integridad . . .magkaroon ng malinis na pangalan .

Sam Walton, Tagapagtatag

Lahat tayo ay dapat palagiang nagsisikap na panatilihin ang isang lugar na pinagtatrabahuhan na humihikayat sa mga associate na maglabas ng mga isyu tungkol sa mga posibleng paglabag sa ating Pahayag tungkol sa Etika . Madalas tayong nakakarinig ng mga kuwento ng mga ibang kompanya kung saan batid ng mga empleyado ang mga problema, ngunit hindi sila komportable sa pagsasalita tungkol dito . Walang sinuman ang dapat makaramdam ng ganito sa Walmart . Mangyari lamang na ireport kaagad ang mga isyung pang-etika upang malutas ang mga ito bago pa magkaroon ng mga mas seryosong kahihinatnan . Ipinagbabawal ng Walmart ang paghihiganti laban sa sinumang associate na magsasalita tungkol sa isang isyu .

Mga Opinyong Pang-etikaSa karaniwang takbo ng negosyo, maaaring magkaroon ka ng sitwasyon kung saan hindi ka sigurado kung ang iyong kilos ay lumalabag sa Pahayag tungkol sa Etika o hindi . Kapag mayroon kang tanong tungkol sa etika, hinihikayat kang makipag-ugnayan sa Global Ethics para sa pasalita o pasulat na opinyon bago ka gumawa ng hakbang .

Ano ang Mangyayari Kapag may Inilabas na Isyung Pang-etika?

Sineseryoso ng Walmart ang lahat ng nairereport na isyu . Kompidensiyal naming iniimbestigahan ang mga alegasyong pang-etika upang ipasya kung may nilabag na anumang batas, patakaran o Pahayag tungkol sa Etika . Ang Walmart ay may mabigat na dahilan sa pagprotekta sa integridad ng bawat imbestigasyon, kabilang ang pagprotekta sa mga nagrereport at saksi mula sa panghaharas, pananakot at paghihiganti; pag-iwas sa pagkasira ng mga ebidensya; pagsiguro na ang testimonya ay matapat at pagtukoy at pagtugon sa mga ugat na dahilan . Kung magrereport ka ng paglabag, gagawin ng Global Ethics ang lahat ng pagsisikap upang panatilihing pribado ang iyong pagkakakilanlan at upang bigyang-proteksiyon ang anumang mga datos o impormasyon na nauugnay sa imbestigasyon . Isa pa, maaaring makatwirang hingin ng Global Ethics na dapat panatilihin ng mga saksi na mahigpit na kompidensiyal ang isang partikular na imbestigasyon at ang kanilang papel dito . Sa ganoong mga kaso, dapat mong panatilihin ang pagiging kompidensiyal at huwag tatalakayin sa mga ibang tao ang iyong report o ang proseso ng pag-iimbestiga . Sa kalahatan hindi ibinubunyag ng Global Ethics ang mga detalye ng imbestigasyon, ngunit pasasabihan ka hinggil sa katayuan ng imbestigasyon .

Ang mga paghingi ng opinyon ay maaaring isumite sa Global Ethics sa ilalim ng opsiyon na “Ask a Question “ sa www .walmartethics .com .

Page 9: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

8

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Hindi PaghihigantiAng mga associate na magsasalita tungkol sa mga isyu ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng maayos, marespeto at produktibong lugar na pinagtatrabahuhan, pati rin pagprotekta sa ating mga stakeholder . Tinutulungan ng mga associate na ito ang ating kompanya na tugunan nang maaga ang mga problema — bago magkaroon ng mga mas seryosong kahihinatnan . Mahalaga para sa bawat isa sa atin na bumuo tayo ng lugar na pinagtatrabahuhan kung saan lahat ay maaaring magsalita hinggil sa mga isyung pang-etika nang hindi natatakot sa paghihiganti .

Ang paghihiganti laban sa mga associate na naglalabas ng mga isyu o tanong tungkol sa maling asal ay hindi palalampasin . Ang mga problema ay dapat ilabas nang may mabuting hangarin, ibig sabihin sinubukan mo talagang magbigay ng tapat at tumpak na impormasyon, kahit pa mapatunayan paglaon na ikaw ay nagkamali . Inilalaan ng Walmart ang karapatang disiplinahan ang sinumang sadyang gagawa ng maling akusasyon o kumilos nang hindi nararapat . Gayunpaman, kung kusang irereport ng isang associate na siya ay sangkot sa isang paglabag, ang pagrereport ng sarili ay maaaring maisaalang-alang kapag ipinapasya ang gagawing naaangkop na pandisiplinang hakbang .

Hindi tatanggalin sa trabaho, ililipat sa mas mababang posisyon o di kaya'y tatratuhin nang may diskriminasyon ng Walmart ang mga associate dahil sa paglalabas ng mga isyu . Isa pa, mahalaga para sa mga katrabaho na huwag ibukod ang mga associate na naglalabas ng mga isyu – ang ganoong mga associate ay dapat tratuhin nang may respeto . Anumang pagbabago sa pagtrato sa isang associate na naglabas ng isyu ay maaaring ituring bilang uri ng paghihiganti .

Ang Walmart ay may nakatatag na proseso upang lutasin ang mga isyu sa paghihiganti . Ang mga associate na naniniwalang nakaranas sila ng paghihiganti pagkatapos maglabas ng isyung pang-etika ay dapat ireport ang isyu sa kanilang manedyer o sa Global Ethics .

Paano Maglalabas ng IsyuAng Walmart ay nagbibigay ng sari-saring pamamaraan upang mailabas mo ang isang tanong o isyu . Depende sa uri ng isyu, maaaring pinakamadaling kausapin mismo ang taong responsable tungkol sa iyong isyu, na binibigyan ang taong ito ng pagkakataong linawin ang isyu . Kung hindi ka komportableng kausapin ang responsableng tao, dapat mong konsultahin ang isa sa mga madudulugang nakalista sa ibaba . Hinihikayat ang pagrereport ng sarili at maaari itong isaalang-alang sa pagpapasya ng naaangkop na pandisiplinang hakbang .

Gamitin ang proseso ng Open Door Communications Ang proseso ng Open Door Communications ang pinaka-direktang paraan upang iparating ang anumang isyu sa isang manedyer . Kung naniniwala kang ang iyong direktang

manedyer ay sangkot sa problema, talakayin ang isyu sa susunod na antas ng pamatnugutan na hindi

sangkot o gamitin ang isa sa mga iba pang madudulugang nakalarawan sa ibaba .

Makipag-ugnayan sa Global EthicsAng Walmart ay may Global Ethics Helpline, na magagamit ng mga associate sa buong mundo 24 na oras bawat araw, pitong araw bawat linggo, at may kakayahan itong gamitin

ang karamihan ng lokal na lengguwahe . Ang helpline ay

may mga kawaning mula sa organisasyong hindi konektado sa

Walmart, at sa hangganang maaari (at alinsunod sa mga lokal na pamamalakad),

ang mga tumatawag ay maaaring hindi magpakilala . Sa lahat ng kaso, rerespetuhin

ang pagiging pribado ng associate sa hangganang pinahihintulutan ng batas . Ipaparating ng operator ang impormasyon sa Global Ethics at bibigyan ang associate ng numero ng kaso at petsa ng pagtawag kung hihingin niya ito . Ang impormasyon kung paano tatawagan ang Global Ethics ay makikita sa ibaba . Ang Mga Pamantayan ng Dapat I-report Kaagad na binalangkas sa pahina 9 ay dapat ireport sa pamamagitan ng paraang ito . Ang impormasyon kung paano tatawagan ang isang partikular na bansa ay nakasulat sa likod ng dokumentong ito .

TeleponoU .S .A ., Puerto Rico at Canada: 1-800-WM-ETHIC [1-800-963-8442]

Ang mga numero ng telepono para sa lahat ng bansa ay nakasulat sa likod ng dokumentong ito .

Sulat sa KoreoWal-Mart Stores, Inc . Attn: Global Ethics 702 SW 8th Street Bentonville, AR 72716-0860

Internetwalmartethics .com

Impormasyon kung paano Makikipag-ugnayan sa Global Ethics

MAGSALITAPARA SA KABUTIHAN

Page 10: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

9

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Pamantayan ng Dapat I-report Kaagad

Ang mga associate ay maaaring maglabas ng mga isyu hinggil sa kilos na maaaring lumalabag sa ating Pahayag tungkol sa Etika sa pamamagitan ng sari-saring paraang nakalista sa seksiyon na Paglalabas ng mga Isyu at Pagsasalita . Gayunpaman, may mga partikular na uri ng alegasyon na dapat i-report kaagad sa Global Ethics . Ang mga ito ay:

Panunuhol• Pagbibigay, pag-aalok, pangangako, paghingi, o

pagtanggap ng anumang di-tama o di-pinagtrabahuhang benepisyo

• Anumang paglabag sa Pandaigdigang Patakaran ng kompanya Kontra-Katiwalian o mga nauugnay na pamamaraan

• Lahat ng hinihinalang paglabag sa mga batas kontra-katiwalian ay dapat ding i-report, kabilang ang anumang paglabag sa mga paghihigpit kontra-katiwalian sa U .S . Foreign Corrupt Practices Act (FCPA) at sa U .K . Bribery Act .

Maling Gawain ng Opisyal• Mga paglabag sa Pandaigdigang Pahayag ng kompanya

tungkol sa Etika ng mga opisyal ng kompanya o mga direct report sa sinumang CEO ng kompanya

Pandaraya o Pagnanakaw ng Mahigit sa $100,000 at Kinasasangkutan ng isang AssociateDi-tamang Rekord at Account• Pangingialam sa mga audit o panloob na pagkontrol,

pagpapalsipika, pagsasabi ng hindi tama, o pagsira ng mga pinansiyal na rekord, report, o mga datos, o di-tamang pagkukubli, pagbabago, o pagmamanipula ng mga pinansiyal na rekord, report, o mga datos

Pagha-hack ng Information System• Anumang kilos na kinasasangkutan ng isang associate

kung saan nakakakuha siya ng di-nararapat na access sa mga information system ng kompanya

Panganib sa Reputasyon ng Global Corporate Brand• Mga banta sa buhay ng tao, pang-aalipin o

pamumuwersang pagpapatrabaho, pangangalakal ng tao, o pagpapatrabaho ng mga bata

• Seryosong kriminal na gawain tulad ng:

• Pandaraya sa bidding, price fixing, paghahati o paglalaan ng merkado o mga kostumer, o mga iba pang sabwatang kotra-kompetisyon

• Pangangalakal ng Tagaloob

• Mga paglabag sa parusa sa pangangalakal at reglamento sa pagluluwas ng produkto

• Money laundering

Mga WaiverAng sinumang associate ay maaaring humingi ng waiver o pagsuko ng karapatan sa pagpapatupad dito sa Pahayag tungkol sa Etika . Lahat ng kahilingan ay dapat isumite ng associate nang nakasulat sa Global Ethics at dapat nitong taglay ang mga importanteng detalye at katotohanan na sumusuporta sa paghingi ng waiver . Tutugon ang Global Ethics sa associate sa pamamagitan ng sulat . Kung saan hinihingi ng batas para sa ilang ehekutibong opisyal o miyembro ng lupon ng mga direktor, ang mga kahilingan para sa waiver ay pag-aaralan ng komite sa pag-audit o ng kumpletong lupon ng mga direktor at ang pag-apruba sa ganoong mga waiver ay maagap na ibubunyag sa mga shareholder .

Lahat ng paghiling ng waiver ay dapat munang maaprubahan bago ang kilos na nangangailangan ng pag-apruba .

Page 11: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

10

&

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www .walmartethics .com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U .S ., Puerto Rico at Canada . Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika . Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu . Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart .

Hindi Paghihiganti

Nagreport ako ng alegasyon anim na buwan na ang nakalilipas. Simula noon, hindi na ako isinasama ng aking manedyer sa ilang miting. Ito ba ay paghihiganti?

Ang malalaking pagbabago sa pagtrato sa iyo ay maaaring paghihiganti . Kung iba ang pagtrato sa iyo ng iyong manedyer pagkatapos mong magreport ng alegasyon, dapat mong ilabas ang iyong isyu sa pamatnugutan sa pamamagitan ng proseso ng Open Door o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Global Ethics .

Isa sa aking mga associate ang tumawag sa Helpline at gumawa ng maling paratang laban sa akin. Sa palagay ko ay ginawa niya ito upang sirain ang aking propesyon. Maaari ko ba siyang bigyan ng mas mababang rating sa kanyang ebalwasyon dahil halatang nagkakalat siya ng kasinungalingan tungkol sa akin?

Dapat nating isipin na ang mga associate na nagrereport ng mga isyu ay ginagawa ito nang malinis ang hangarin . Ang paggawa ng hakbang laban sa isang associate dahil nagreport ang associate ng isyu ay paghihiganti na maaaring magresulta sa pandisiplinang hakbang para sa iyo bilang manedyer . Ang paghihiganti ay hindi palalampasin sa Walmart . Hinahadlangan nito ang kapaligiran para sa bukas na pagrereport at hinihikayat ang kultura ng takot .

Magagamit lang ba ang proteksiyon sa paghihiganti kung irereport ko ang aking mga isyu sa pamamagitan ng Helpline?

Ang paghihiganti ay hindi tanggap kahit ireport mo ang iyong isyu sa pamamagitan ng pamatnugutan, Human Resources o Global Ethics . Kung naniniwala kang pinaghigantihan ka, ireport mo ang iyong isyu sa pamatnugutan sa pamamagitan ng proseso ng Open Door o makipag-ugnayan sa Global Ethics .

Page 12: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

11

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Lugar na Pinagtatrabahuhang Walang Alak at Droga

Ang Walmart ay naninindigan sa isang ligtas at maayos na pinagtatrabahuhan para sa lahat . Ang pagtataglay, panghihingi o paggamit ng mga ilegal na droga, o pagiging

nasa impluwensiya ng ganoong mga droga habang nasa trabaho, ay ipinagbabawal at hindi palalampasin . Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang di-tamang paggamit ng mga droga at alak . Dapat siguruhin ng lahat ng associate na ang kanilang pagsasagawa ng trabaho at pagpapasya ay hindi pinapahina ng pag-inom ng alak sa mga oras ng trabaho . Ang mga associate ay hindi dapat pumasok sa trabaho nang lasing o uminom ng alak sa loob ng ari-arian ng kompanya . Sa ilang pagkakataon, ang mga associate na nasa edad na legal ang pag-inom ng alak ay maaaring uminom ng alak sa mga kaganapang inisponsoran ng kompanya kung ang pag-inom ng alak ay naunang inaprubahan ng presidente sa bansa o ng ehekutibong bise presidente ng korporasyon para sa yunit ng negosyo na nag-iisponsor sa kaganapan . Isasaalang-alang ng Walmart ang mga nakaugaliang gawain sa mga bansa kung saan karaniwan ang katamtamang pag-inom ng alak kasabay ng pagkain habang nagsasagawa ng transaksiyong pang-negosyo .

Pagpigil sa Diskriminasyon at Panghaharas

Isa sa mga pangunahing paniniwala kung saan ibinatay ni Sam Walton ang ating kompanya ay “respeto para sa indibiduwal . “ Bawat isa sa atin ay responsable sa pagbuo ng kultura ng pagtitiwala at respeto na nagtataguyod sa positibong kapaligiran ng trabaho . Nangangahulugan ito ng pagtrato sa isa't isa nang patas at may paggalang sa lahat ng ating pakikitungo sa lugar na pinagtatrabahuhan . Naninindigan tayo sa pagpapanatili ng magkakaibang puwersang pantrabaho at isang kapaligiran ng trabaho na sumasaklaw sa lahat . Ipinagbabawal ng Walmart ang diskriminasyon sa pagtatrabaho, mga desisyong nauugnay sa pagtatrabaho o mga transaksiyong pang-negosyo batay sa lahi, kulay, lipi, edad, kasarian, oryentasyong sekswal, relihiyon, disabilidad, etnisidad, bansang pinagmulan, katayuan bilang beterano, katayuang sibil, pagbubuntis o anumang iba pang katayuang protektado ng batas o lokal na patakaran . Dapat naming pagkalooban ang aming mga associate, kostumer, miyembro at supplier ng kapaligirang malaya sa diskriminasyon .

Pamumuno nang may Integridad sa Ating Pinagtatrabahuhan

Maaari mong malampasan ang halos anumang bagay, ngunit hindi mo malalampasan ang kakulangan ng integridad .

Lee Scott Dating Presidente at CEO Wal-Mart Stores, Inc.

Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang di-tamang paggamit ng mga droga at alak.

Naniniwala tayo sa positibo, marespetong kapaligiran

ng trabaho para sa lahat ng associate.

Page 13: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

12

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Naniniwala tayo sa pagtrato sa isa't isa nang may respeto, sila man ay katrabaho, supplier, kostumer o sinumang nakikipagnegosyo sa atin .

Ang panghaharas ay kilos na hindi nararapat o di makatwirang nakagagambala sa pagsasagawa ng trabaho, nagpapababa sa dignidad ng sinumang tao o bumubuo ng nakakatakot, nanghahamon o di kaya'y nakakagalit na pinagtatrabahuhan batay sa legal na protektadong katayuan ng isang indibiduwal . Ang berbal, biswal, o pisikal na kilos na sekswal ay hindi tanggap sa pinagtatrabahuhan at maaaring maipasyang sekswal na panghaharas . Kabilang sa mga halimbawa ang:

• Sekswal na kilos ng katawan patungkol sa isang tao, mga paghingi ng sekswal na pabor, salitang hayagang patungkol sa seks, mga maslawang biro, mga komento tungkol sa katawan o sekswal na gawain ng isang tao

• Pagpapakita ng mga larawan o bagay na patungkol sa seks, mga may malisyang tingin, pagsulyap o anumang uri ng komunikasyon

• Di-naaangkop na paghawak, kapwa tanggap at di-tanggap

Ipinagbabawal din natin ang mga iba pang uri ng panghaharas batay sa legal na protektadong katayuan ng isang indibiduwal, tulad ng:

• Paggamit ng mga pasaring o negatibong pag-uuri

• Berbal na panunuya, panunukso o pagbibiro

• Mga kilos na nananakot, tulad ng pambu-bully o pagbabanta

• Anumang iba pang kilos na nagpapakita ng galit, kawalan ng respeto o pagmamaltrato sa isang indibiduwal batay sa legal na protektadong katayuan ng indibiduwal

Ang panghaharas na kilos sa pinagtatrabahuhan, tulad ng inilarawan sa itaas, ay ipinagbabawal ito man ay tanggap o di-tanggap at pareho man o magkaiba ang kasarian, oryentasyong sekswal, lahi o iba pang katayuan ng mga sangkot na indibiduwal . Muli, ipinagbabawal ng Walmart ang paghihiganti at hindi nito tatratuhin nang may diskriminasyon ang mga associate dahil sa paglalabas ng mga isyu .

Ang panghaharas sa lugar na pinagtatrabahuhan ay ipinagbabawal ito man ay tanggap o di-tanggap.

Di-naaangkop na KilosNaniniwala tayo sa pagpapanatili ng pinagtatrabahuhang kapaligiran na malaya sa di-naaangkop na kilos tulad ng malaswa, bastos, may-kalabisan, marahas, may-diskriminasyon, nambu-bully o mga ganoong nakakagalit na salita, galaw ng katawan o kilos . Hindi palalampasin ng Walmart ang ganoong kilos, na lumalabag sa ating paniniwalang respeto para sa indibiduwal .

Bagama't ang pagpo-post ng impormasyon sa Internet ay magandang paraan upang makipag-ugnayan sa mga ibang tao, palaging kumilos sa Internet sa paraang naaayon sa etika ng Walmart at sa Ating mga Paniniwala . Ang di-naaangkop na kilos tulad ng inilarawan dito ay mahigpit na ipinagbabawal, kahit mangyari pa ito sa Internet .

Sahod at OrasNaninindigan tayo sa pagsunod nang ganap sa lahat ng naaangkop na batas at pamamalakad na sumasaklaw sa mga isyu ng sahod at oras, kabilang ang trabaho sa labas ng mga itinakdang oras ng trabaho, oras ng pahinga, oras ng pagkain at mga araw na pamamahinga, bayad para sa overtime, bayad para sa pagkakatanggal sa trabaho, mga hinihingi kaugnay sa minimum-wage, sahod at oras ng mga menor-de-edad at mga iba pang usaping nauugnay sa kalakaran sa sahod at oras . Bilang mga associate ng Walmart, tayo ay dapat:

• Sumunod nang ganap sa lahat ng patakaran at pamamaraan ng korporasyon na may kinalaman sa mga usaping nauugnay sa sahod at oras

• Sumunod nang ganap sa lahat ng naaangkop na batas at pamamalakad na may kinalaman sa mga usaping nauugnay sa sahod at oras

• Ireport ang anumang mga paglabag sa mga batas o patakaran sa sahod at oras sa pamamagitan ng proseso ng Open Door Communication o sa pakikipag-ugnayan sa Global Ethics

Labag sa batas at sa patakaran ng Walmart ang magtrabaho ka nang walang kabayaran o para hingin ng isang superbisor (binabayaran ng kada-oras o sinusuwelduhan) na magtrabaho ka nang walang kabayaran . Kailanman ay hindi ka dapat magsagawa ng anumang trabaho para sa Walmart nang walang kabayaran .

Page 14: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

13

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Salungatan ng Interes PangkalahatanMayroon tayong responsibilidad sa lahat ng ating stakeholder na gumawa ng mga desisyon batay lamang sa mga interes ng Walmart, nang hindi isinasaalang-alang ang personal na pakinabang . Maaaring magkaroon ng salungatan ng interes kapag ang ating pagpapasya ay maaaring maimpluwensiyahan, o maaaring parang iniimpluwensiyahan, ng posibilidad ng personal na pakinabang . Kahit pa hindi ito sinasadya, ang mukhang salungatan ay maaaring kasing-lala ang dulot na pinsala sa iyong reputasyon, at sa reputasyon ng Walmart, tulad ng tunay na salungatan . Dapat ay palagi tayong alerto para sa mga sitwasyon na maaaring magbunga ng salungatan ng interes at gawin ang lahat ng makakaya natin upang iwasan ang mga ito .Responsibilidad mong sabihin sa iyong manedyer ang tungkol sa anumang sitwasyon na sa palagay mo ay nagbubunga ng, o maaaring magbunga, ng salungatan ng interes . Hinihikayat ang mga manedyer na iparating ang ganoong mga usapin sa atensyon ng Global Ethics para sa payo . Maaari ka ding makipag-ugnayan sa Global Ethics kung mayroon kang anumang tanong .Ang mga sitwasyon ng salungatan ng interes ay maaaring lumitaw sa iba't ibang paraan . Binabalangkas ng mga sumusunod na seksiyon ang ilan sa mga posibilidad .

Mga Pinansiyal na PamumuhunanMayroon kang responsibilidad na siguruhing ang iyong mga personal na gawaing pampinansiya ay hindi sumasalungat sa iyong mga responsibilidad sa kompanya . Maaaring magkaroon ng salungatan ng pampinansiyang interes kapag ang ating pagpapasya ay maaaring maimpluwensiyahan, o maaaring parang iniimpluwensiyahan, ng posibilidad ng personal na pampinansiyang pakinabang . Ang mga halimbawa ng mga nagsasalungat na pampinansiyang pamumuhunan ay:

• Pampinansiyang interes sa isang supplier ng Walmart, kung mayroon kang direkta o di-direktang pagkakasangkot sa ating transaksiyong pang-negosyo sa supplier na iyon

• Pagtanggap ng personal na kabayaran mula sa isang supplier, kung mayroon kang direkta o di-direktang pagkakasangkot sa ating transaksiyong pang-negosyo sa supplier na iyon

• Paggamit ng kompidensiyal na impormasyon para sa personal na pakinabang

Dagdag pa, ang pagmamay-ari ng stock sa isang kakumpitensiya na may market value na higit pa sa U .S . $20,000 (o katumbas na halaga sa lokal na currency) ay dapat mailahad nang pasulat sa Global Ethics . Ipapasya ng Global Ethics kung mayroon o walang salungatan o posibleng salungatan ng interes at kung paano ito lulutasin .

Pagtatrabaho sa Labas Dapat iwasan ng mga associate ang pagtatrabaho o mga interes sa labas na maaaring magbunga, o mukhang magbubunga, ng salungatan ng interes . Halimbawa, ang pagtatrabaho ng mga associate ng pamatnugutan para sa isang kakumpitensiya ay itinuturing na salungatan . Dapat siguruhin ng mga associate na binabayaran ng kada-oras sa kanilang mga manedyer bago tumanggap ng trabaho sa isang kakumpitensiya upang ipasya kung may salungatan . Ang mga bagay na isasaalang-alang ay kinabibilangan ng pagkakapareho ng posisyon at mga responsibilidad sa trabaho . Ganoon din, hindi maaaring magtrabaho ang mga associate para sa isang supplier kung mayroon silang anumang impluwensiya (direkta man o di-direkta) sa kilos ng supplier o sa transaksiyon ng supplier sa Walmart .Ang mga associate ay maaaring magpatakbo at magtrabaho sa isang sideline basta't hindi ito nagbubunga ng salungatan ng interes sa kanilang trabaho sa Walmart . Nangangahulugan ito na ang sideline ay hindi maaaring makagambala sa iyong mga responsibilidad bilang associate ng Walmart, maging kapareho ng uri ng iyong papel bilang isang associate, makinabang mula sa paggamit ng mga ari-arian ng Walmart, mag-supply ng mga produkto sa Walmart o magdulot ng negatibong reputasyon sa Walmart . Kung mayroon kang tanong tungkol sa kung ang pagtatrabaho sa labas ay isang posibleng salungatan, makipag-ugnayan sa iyong manedyer o sa Global Ethics .

Dating TrabahoMaaaring may salungatan ng interes kung ang dating associate ay tumatawag sa Walmart sa isang lugar kung saan ang associate ay dating nagtrabaho o nagkaroon ng impluwensiya habang nagtatrabaho sa Walmart . Kung ang dating associate ay opisyal noon ng Walmart, may salungatan ng interes saan man ang lugar na pinagtrabahuhan ng opisyal . Kapag uupo ang isang dating associate sa isang posisyon sa o sa ngalan ng isang supplier, hindi makikipag-transaksiyon ang Walmart sa associate na iyon sa loob ng isang taon kasunod ng kanyang pag-alis sa trabaho kung ang dating associate ay nagtatrabaho sa larangan ng negosyo kung saan siya nagtrabaho o nagkaroon ng impluwensiyang pang-negosyo . Hindi makikipag-negosyo ang Walmart sa mga dating opisyal sa loob ng isang taon kahit saang larangan pa nagtrabaho ang dating associate . Ang Global Ethics, kasama ang nakatataas na pamunuan ng negosyo, ay maaaring magpasya ng ibang haba ng panahon kung makatwirang kinakailangan sa ilalim ng mga pangyayari . Lahat ng pagpapasya sa salungatan ay dapat munang maisumite sa Global Ethics para sa nakasulat na opinyon .

Page 15: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

14

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Personal na Ugnayan sa mga Supplier Ang mga associate ay hindi maaaring magkaroon ng pang-sosyal o iba pang ugnayan sa mga supplier kung ang ugnayan ay magmumukhang may pinaiiral na impluwensiyang pang-negosyo . Naniniwala tayo sa pagbabase sa ating mga ugnayan sa mga supplier sa mahusay, patas at naaayon sa batas na mga kalakarang pang-negosyo . Ang pagpili ng mga supplier ay dapat gawin batay sa walang-kinakatigang mga pamantayan, kabilang ang integridad, kalidad, presyo, pag-deliver, pagtupad sa mga iskedyul, kaangkupan ng produkto, pagpapanatili ng mga sapat na pagkukuhanan ng supply at mga kalakaran at pamamaraan ng Walmart sa pagbili . Dapat nating tratuhin ang ating mga supplier nang may respeto,

walang pinapanigan at may katapatan . Hindi natin dapat samantalahin ang isang supplier gamit ang impluwensiyang pang-negosyo ng Walmart . Isa pa, dapat nating asahan na sundin ng ating mga supplier ang lahat ng naaangkop na hinihingi ng batas sa kanilang mga kalakarang pang-negosyo, pati na rin sa ating mga pamantayan para sa supplier .

Kung naniniwala kang maaaring mapagkamalang mayroon kang di-naaangkop na malapit na ugnayan sa isang supplier, o parang pinaiiral mo ang impluwensiyang pang-negosyo sa supplier, ipagbigay-alam sa iyong manedyer o makipag-ugnayan sa Global Ethics .

Regalo at PaglilibangAng pagtanggap ng mga regalo at paglilibang ay maaaring magdulot ng salungatan, o magmukhang salungatan, sa pagitan ng mga personal na interes at propesyonal na responsibilidad . Kultura ng Walmart ang huwag kailanman tatanggap ng mga regalo o paglilibang mula sa sinumang supplier, posibleng supplier, ahente ng pamahalaan o iba pang ikatlong partido na sa makatwirang paniniwala ng associate ay maaaring nagtatangkang impluwensiyahan ang mga desisyon o transaksisyong pang-negosyo . Hindi rin maaaring tumanggap ang mga associate ng regalo o gratuity mula sa isang kostumer para sa trabahong isinagawa ng associate sa pasilidad ng Walmart, maliban ayon sa hinihingi ng lokal o pambansang patakaran .

Hindi tayo maaaring tumanggap ng mga bagay na donasyon sa Walmart ng mga supplier para sa layuning pangangalap ng mga pondo para sa mga kawanggawa o mga di-pinagkakakitaang organisasyon . Isa pa, hindi tayo kailanman dapat humingi ng, tumanggap o mag-apruba ng pagbibigay-donasyon ng mga supplier sa ngalan ng Walmart .

Dagdag pa, ang mga associate ay hindi dapat magbigay ng listahan ng ating mga supplier sa mga organisasyong pang-kawanggawa para sa layuning pangangalap ng pondo .

Ang ating patakaran sa mga regalo at paglilibang ay nagmumula sa ating mga pinahahalagahang ganap na kalinawan at kawalang-kinakatigan at sa ating prinsipyong pagpapanatili ng Every Day Low Costs . Dahil ang ganoong mga regalo at paglilibang ay nagpapataas sa gastusin sa pagnenegosyo, tinutulungan natin ang ating mga supplier na bigyan tayo ng mga mabababang presyo ng mga produkto sa pamamagitan ng hindi pag-asam ng mga regalo at paglilibang na maaaring dapat nilang pagkagastusan sa mga iba pang kostumer . Tinatanggap natin, bilang pandaigdigang kompanya, na maaaring maharap tayo sa mga sitwasyon kung saan umiiral ang mga lokal na kalakaran . Pag-aaralan ng Global Ethics ang mga sitwasyong ito ayon sa kaso .

Kapag nagtatatag ka ng bagong ugnayang pang-negosyo, siguruhing batid ng lahat ng partido ang ating patakaran hinggil sa mga regalo at paglilibang . Sa ilang bansa kung saan nakaugalian o tradisyon ang pagbibigay ng regalo, dapat buong-galang mong ipaliwanag ang patakarang ito sa iyong mga kostumer at supplier, lalo na bago ang mga panahong pamimigay ng regalo, upang itakda ang mga dapat asahan .

1235 (33m, 100y at 20%transparency)

SABIHIN LANG...

Hindi, salamat na lang .

Ang pagpili ng mga supplier ay dapat gawin batay sa mga walang kinakatigang pamantayan.

Page 16: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

15

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Dapat palagi mong batid kung paano ituturing ng publiko, ng mga ibang supplier o ng mga ibang associate ang pagtanggap ng regalo o gratuity . Kapag nakikitungo sa mga negosyong tagalabas, dapat mong tanungin ang iyong sarili, “Aalukin ba ako ng negosyong ito ng regalo o gratuity kung hindi ako nagtatrabaho sa Walmart? “ Kung ang sagot ay “hindi “ o hindi malinaw, hindi mo dapat tanggapin ito .Paminsan-minsan, maaaring may mga pagkakataon na ang pagsasauli ng regalo ay hindi praktikal o nakakahiya . Sa mga ganitong bihirang pagkakataon, dapat pangasiwaan ang regalo sa patas at walang-kinakatigang paraan na hindi ka makikinabang nang personal, tulad ng pamimigay dito sa kawanggawa bilang donasyon . Dapat mong sabihin kaagad sa iyong manedyer o sa Global Ethics ang tungkol sa anumang regalo na inalok sa iyo o tinanggap mo kung inaakala mong ang regalong iyon ay posibleng paglabag sa ating patakaran . Kung mayroon kang anumang mga tanong tungkol sa mga regalo at paglilibang, dapat kang humingi ng tulong mula sa iyong manedyer o sa Global Ethics .

Personal na Ugnayan sa mga Iba pang Associate Sa Walmart, nais nating panatilihin ang kapaligiran ng trabaho kung saan epektibong nakapagtatrabaho ang mga associate at nakakamit ang kanilang buong potensyal . Lahat tayo ay responsable sa pagbuo ng klima ng pagtitiwala at respeto at sa pagtataguyod ng produktibong pinagtatrabahuhang kapaligiran .

May salungatan ng interes kapag pinangangasiwaan mo ang isang tao na nauugnay sa iyo bilang kapamilya o kasintahan . Ang ugnayang pampamilya ay kinabibilangan ng mga kamag-anak dahil sa dugo, pag-aampon, pag-aasawa, domestic partnership o civil union: ang iyong asawa, mga anak, magulang, kapatid, lolo't lola o apo, pati na rin sinumang kasalukuyang nakatira sa iyong sambahayan, sila man ay kamag-anak o hindi . Maaari ding kabilang dito ang mga iba pang malapit na personal na ugnayan tulad ng mga ninong at ninang . Kahit pa kumikilos ka nang sang-ayon sa nararapat, ang iyong ugnayan sa kanila ay maaaring maituring na nakakaimpluwensiya sa iyong pagpapasya . Maaari itong makasira sa sigla at makagambala sa pagka-produktibo sa pinagtatrabahuhan . Samakatuwid, hindi mo maaaring pangasiwaan nang direkta o di-direkta ang sinumang miyembro ng pamilya o sinumang associate kung kanino mayroon kang malapit na ugnayan, o iyong

kasintahan . Kabilang dito ang mga sitwasyon kung saan maaari mong impluwensiyahan ang mga takda at kondisyon ng pagtatrabaho ng nasabing associate o maaaring impluwensiyahan ng associate na iyon ang mga takda at kondisyon ng iyong pagtatrabaho .

Nagsisikap ang Walmart upang tanggalin ang mga personal na ugnayang nakagagambala sa pagsasagawa ng trabaho o na maaaring magdulot ng panghaharas .

Dapat kang humingi ng patnubay mula sa iyong manedyer o makipag-ugnayan sa Global Ethics tuwing may lilitaw na isyu hinggil sa personal na ugnayan .

Ari-arian ng WalmartMayroon tayong responsibilidad sa ating mga shareholder na gamitin ang mga pag-aari at ari-arian ng Walmart para sa negosyo ng Walmart at huwag hayaang magamit ang mga ito para sa anumang uri ng personal na pakinabang . Tungkulin mong mentenahin ang pag-aari ng Walmart na nasa iyong kontrol at dapat kang gumawa ng makatwirang mga hakbang upang protektahan ito sa pagkakanakaw, maling paggamit, pagkawala, pagkasira o pananabotahe . Kung saan pinahihintulutan ng batas, hindi dapat asahan ng mga associate ang pagka-pribado sa paggamit ng mga paraan ng komunikasyon sa Walmart (tulad ng email o voice mail) . Ang Walmart ay may karapatan na, at sinusubaybayan ang mga paraan ng komunikasyon, kabilang ang nilalaman at paggamit ng ganoong mga paraan .

Aalukin ba ako ng negosyong ito ng regalo o gratuity kung hindi ako nagtatrabaho sa Walmart?

Sa Walmart, nais nating panatilihin ang kapaligiran ng trabaho kung saan epektibong nakapagtatrabaho ang mga associate at nakakamit ang kanilang buong potensyal.

ITANONG SA IYONG SARILI…

Page 17: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

16

&

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www .walmartethics .com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U .S ., Puerto Rico at Canada . Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika . Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu . Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart .

Lugar na Pinagtatrabahuhang Walang Alak at DrogaSinabihan akong magpa-drug test bago tanggapin ang promosyon sa pamatnugutan. Ito ba ay karaniwang kalakaran?

Kung saan pinahihintulutan ng batas, ang mga aplikante ng trabaho ay maaaring ma-drug test bilang bahagi ng proseso ng pagkakakuha sa trabaho pagkatapos kang alukin o bago mo tanggapin ang promosyon sa pamatnugutan . Sinumang aplikante ang masuring positibo para sa paggamit ng ilegal na droga ay hindi kukunin sa trabaho o mapo-promote, at maaaring matanggal sa trabaho . Dagdag pa, maaaring hingin sa iyo ng Walmart na magpa-drug test ka, kung saan pinahihintulutan ng batas kasunod ng mga partikular na pinsalang natamo sa trabaho o kung may makatwirang batayan upang paghinalaang nasa impluwensiya ka ng mga droga .

May lugar ba akong mapupuntahan upang humingi ng tulong kung mayroon akong problema sa droga o alak?

Ang mga pagpapatakbo ng Walmart ng negosyo sa ilang bansa ay nagbibigay ng mga serbisyo sa pagpapayo . Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong manedyer sa pamamagitan ng proseso ng Open Door, sa iyong manedyer sa Human Resources o sa iyong lokal na sentro ng pagpapayo sa sobrang paggamit ng substansya para magpatulong .

Dumadalo ako sa isang miting ng grupo na inisponsoran ng Walmart kung saan magpapainom sila ng alak. Maaari ba akong uminom ng alak habang nandoon ako?

Kapag may pag-apruba mula sa presidente para sa merkadong bansa o opisyal na tagapagpaganap ng korporasyon ng yunit ng negosyo na sponsor ng kaganapan, maaaring ialok ang maiinom na alak sa ilang kaganapang inisponsoran ng kompanya . Ang mga associate na nasa legal na edad ng pag-inom ay maaaring uminom ng alak sa mga kaganapang ito .

Page 18: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

17

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Pagpigil sa Diskriminasyon at Panghaharas Sa break room, isang associate ang tumawag sa akin ng mga walang-galang na pangalan na may kinalaman sa aking nasyonalidad. Ano ang dapat kong gawin?

Ireport kaagad ang insidente sa pamatnugutan sa pamamagitan ng proseso ng Open Door o makipag-ugnayan sa Global Ethics .

Isang manedyer ng departamento ang regular na nagkokomento kung gaano ako kaganda, at hindi ako komportable dito. Ano ang dapat kong gawin?

Hinihikayat ka naming sabihan ang taong ito na tumigil . Kung hindi ka komportableng makipag-usap sa taong ito o hindi tumitigil ang gawain, ireport kaagad ang isyu sa pamatnugutan sa pamamagitan ng proseso ng Open Door o makipag-ugnayan sa Global Ethics .

Ang aking desk calendar ba na may ilang pagbibirong nauukol sa stereotype o sekswal na biro ay naaangkop sa pinagtatrabahuhang lugar?

Hindi . Maaari itong nakakagalit sa ibang tao sa pinagtatrabahuhang lugar . Kung nagdududa ka, alisin ang bagay na ito sa pinagtatrabahuhang lugar .

Isang associate ang gumamit ng salita sa isang pagpupulong na nakakagalit sa akin. Ano ang dapat kong gawin?

Magsalita at sabihin sa taong ito na hindi ka komportable . May ilang salita ang nakakagalit sa lahat ngunit may ilan namang hindi . Maaaring hindi alam ng associate na ang salita ay nakakagalit sa ibang tao . Maaari mo ding gamitin ang proseso ng Open Door o makipag-ugnayan sa Global Ethics .

Di-naaangkop na Kilos Isang kostumer ang patuloy na tumatawag sa akin ng mga masasamang pangalan sa aking checkout line. Ano ang dapat kong gawin?

Makipag-ugnayan sa isang miyembro ng pamatnugutan o sa Asset Protection sa iyong tindahan .

Sahod at OrasPinakokolekta sa akin ng aking manedyer ang mga cart gabi-gabi kapag papunta na ako sa aking kotse. Ito ba ay tanggap?

Hindi . Dapat mong sabihin sa iyong manedyer na nag-clock out ka na at isang paglabag sa patakaran ng kompanya ang magtrabaho ka pagkatapos mong mag-clock out . Dapat mo ring ireport ang isyu sa pamatnugutan sa pamamagitan ng proseso ng Open Door o makipag-ugnayan sa Global Ethics .

Salungatan ng Interes Nag-invest ako kamakailan ng $10,000 sa mutual fund program ng aking bangko. Maaaring ipuhunan ng pondo ang ilan sa pera sa alinman sa stock ng kakumpitensiya o supplier. Ito ba ay isang paglabag?

Kung wala kang direktang kontrol sa estratehiya sa pamumuhunan, hindi ito isang paglabag .

May nagsabi sa akin na hindi ako maaaring magmay-ari ng stock sa isang supplier. Tama ba ito?

Maaari . Ang paghihigpit ay hindi ka maaaring magkaroon ng anumang direktang pampinansiyang interes sa isang supplier kapag mayroon kang direkta o di direktang impluwensiya sa kanyang negosyo sa pamamagitan ng iyong posisyon sa Walmart . Walang paghihigpit sa mga pampinansiyang interes sa mga supplier kapag wala kang impluwensiya sa kanilang negosyo .

Page 19: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

18

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Kamakailan lang ako pumasok sa Walmart at mayroon akong pag-aaring $20,000 (o katumbas ng lokal na currency) na stock sa isang malaking kakumpitensiya. Dapat ko bang ibenta ang stock na ito?

Dapat mong sabihin ang impormasyon sa iyong manedyer at sa Global Ethics . Papayuhan ka ng Globel Ethics hinggil sa anumang posibleng salungatan ng interes .

May nagkokontratang kompanya kung saan ako nakikipagnegosyo bilang bahagi ng aking posisyon sa Walmart. Tinanong nila ako kung may kakilala akong inhinyero na maaari nilang kunin. Ang aking anak ay kuwalipikado at nais niyang magtrabaho para sa kompanyang ito. Maaari ko bang i-refer ang aking anak para sa posisyong iyon?

Hindi . Kahit pa hiningi ng nagkokontratang kompanya ang iyong rekomendasyon, magmumukhang ginagamit mo ang iyong posisyon sa Walmart upang ipasok sa trabaho ang iyong anak . Ito ay magiging salungatan ng interes na maaaring magkompromiso sa iyong reputasyon bilang kinatawan ng Walmart .

Ang aking kapitbahay ay isa sa aking mga supplier. Inimbitahan niya ako at ang aking pamilya sa isang salu-salo sa kapitbahayan. Magiging salungatan ba ng interes kung pupunta kami sa salu-salo?

Hindi paglabag ang pagpunta basta't ang salu-salo ay bukas sa kapitbahayan at inimbitahan ka dahil ikaw ay isang kapitbahay, hindi dahil sa iyong posisyon sa Walmart . Tatandaang itanong sa iyong sarili: kung alam ng isang ibang supplier o ibang mga associate ang sitwasyon, magmumukha bang tinatrato mo ng may pagkiling ang iyong kapitbahay bilang isang supplier, o na sinusubukan kang impluwensiyahan ng supplier?

Ang aming pangkat pang-elektroniko sa merkado ay dumadalo sa isang sesyon ng pagsasanay na idinaraos ng isang supplier upang matutuhan ang tungkol sa isang bagong item na inilulunsad ng supplier. Sinabi ng supplier na makakakuha kami ng tag-isang libreng t-shirt para sa pagdalo sa pagsasanay. Maaari ba naming tanggapin ang mga t-shirt?

Dahil ang mga t-shirt ay nagmumula sa supplier at wala itong kinalaman sa produkto o pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa produkto, hindi dapat tanggapin ng grupo ang mga t-shirt . Buong-galang na tanggihan ang mga t-shirt at ipaliwanag sa supplier ang ating pamantayan sa mga regalo at paglilibang .

Inanyayahan akong magsalita sa isang panel sa isang kaganapang inisponsoran ng supplier. Nag-alok ang supplier na babayaran ang lahat ng gastos ng lahat ng tagapagsalita. Nararapat bang bayaran ng supplier ang aking mga gastos?

Hindi . Dahil sa ating ugnayang pang-negosyo sa supplier, dapat sagutin ng Walmart ang mga gastos na nauugnay sa kaganapan .

Nagtatrabaho ako sa Financial Services, at nakatanggap ako ng regalo sa aking kaarawan mula sa isang malapit na personal na kaibigan na nagtatrabaho sa isang supplier ng laruan sa Walmart. Maaari ko bang tanggapin ang regalo?

Sa iyong papel na ginagampanan, wala kang direkta o di direktang impluwensiya sa ugnayang pang-negosyo sa supplier, kaya hindi paglabag na tanggapin ang regalo mula sa iyong kaibigan .

Page 20: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

19

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Sa aking merkado, kaugalian ng kultura ang mag-alok ang mga supplier ng mga maiinom, tulad ng kape, tsaa o soft drinks, at mga iba pang maliliit na meryenda sa mga miting pangnegosyo o pagbisita sa kanilang mga pasilidad. Maaari ko bang tanggapin ang mga meryenda?

Maaari mong tanggapin ang mga nakaugaliang meryenda tulad ng kape, soft drink o kaunting meryenda . Gayunpaman, hindi ka dapat tumanggap ng pagkain at inumin na maituturing na almusal, pananghalian o hapunan .

Isang supplier na katrabaho ko ang nag-alok sa akin ng dalawang tiket sa World Cup kung babayaran ko ang face value ng mga ito. Maaari ko bang bilhin ang mga tiket?

Hindi . Bagama’t binabayaran mo ang face value ng mga tiket, maaaring hindi nito ipinapakita ang halaga ng bagay sa merkado . May ilang lugar ang magpapahintulot sa iyong ibenta muli ang mga tiket, at maaari kang kumita kung ibebenta mo ang mga ito . Isa pa, maaari itong maituring na regalong pangkarangalan, dahil hindi basta-basta magkakaroon ang sinumang tao ng pagkakataong dumalo sa tanyag na kaganapan tulad ng World Cup .

Ari-arian ng WalmartKailangan kong magbiyahe nang madalas para sa aking trabaho. Maaari ko bang gamitin ang aking laptop upang tingnan ang aking account sa bangko sa Internet habang nagbibiyahe ako?

Oo, basta’t hindi ito nakagagambala sa pagsasagawa ng iyong trabaho .

Sinabi sa akin ng aking manedyer na kapag magbibiyahe akong dala ang aking laptop dapat ko itong dalhin sa eroplano. Talaga bang kailangan ito?

Oo . Kapag nagbibiyahe na dala ang laptop na inisyu ng kompanya, dapat mo itong dalhin sa eroplano . Hindi maaaring i-check in kasama ng iyong bagahe . Kailangang protektahan ang laptop at ang impormasyong laman nito mula sa pagkakanakaw, pagkawala, maling paggamit o pagkasira .

&

Page 21: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

20

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Pamumuno nang may Integridad sa Ating Merkado

Patas na Kompetisyon at Patas na Pakikitungo

Naninindigan tayo sa pagsunod sa lahat ng batas sa kompetisyon, patas na pakikitungo at mga antitrust law na naaangkop sa ating mga pandaigdigang negosyo . Tumutulong ang mga batas na ito na protektahan ang kompetisyon upang magkaroon ng mga malayang merkado at pahusayin ang pagka-produktibo, paggawa ng pagbabago at halaga para sa ating mga kostumer . Ipinapakita ng ating mga patakaran at kilos ang ating interes sa paghikayat ng kompetisyon sa pamamagitan ng pagtupad sa lahat ng naaangkop na batas sa kompetisyon at mga antitrust law, pati na rin ang matapat at tumpak na mga kalakaran sa pagbebenta at pagmemerkado . Sa paggawa nito, lalago tayo bilang isang kompanya at patuloy na matutulungan ang ating mga kostumer sa buong mundo na makatipid ng pera at mabuhay nang mas mabuti . Para sa ispesipikong impormasyon sa mga naaangkop na batas o upang humingi ng payo, makipag-ugnayan sa Legal Department .

Sinasadyang Kawalang-katapatan

Ang pagsisikap para sa kahusayan ay nangangahulugang pagpapatakbo sa ating negosyo nang may mataas na integridad at hindi kailanman pagsasagawa o pagsama sa mapanlinlang, di-tapat o mapandayang mga gawain . Ang mga gawaing ito ay hindi lamang di-etikal, ngunit maaari ding paglabag sa batas . Dapat mong pangasiwaan ang iyong partikular na larangan ng negosyo nang kasing-linaw ng maaari . Dapat mo ring itaguyod ang pinagtatrabahuhang kapaligiran na sumusuporta sa mga ambag ng iyong mga associate at batay sa mga etikal na pinahahalagan ng ating kompanya at sa Ating mga Paniniwala . Ang mga gawaing pandaraya o di-tapat ay mas malamang na mangyari sa mga kapaligirang di-sapat ang pagkontrol o may mga di-makatotohanang inaasahan . Upang mapanatili ang kahusayan sa ating mga pagpapatakbo ng negosyo, hikayatin ang kalinawan, katapatan at mga makatotohanang inaasahan .

…Pagkilos nang may Integridad, ito ang pundasyon ng Walmart . Ganito binuo ang ating kompanya . Ganito ang inaasahan – ang lubusan .

Mike Duke Dating Presidente at CEO Wal-Mart Stores, Inc.

Page 22: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

21

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Pampinansiyang Integridad at mga Iregularidad sa Accounting

Hinihingi ng Walmart ang tapat at tumpak na pagtatala at pagrereport ng pampinansiyang impormasyon upang gumawa ng mga responsableng desisyong pang-negosyo . Lahat ng librong pampinansiya, talaan at account ay dapat tumpak na nagpapakita ng mga pampinansiyang transaksiyon at kaganapan . Dapat sumang-ayon ang mga ito sa mga prinsipyo ng accounting na tanggap ng kalahatan at sa sistema ng Walmart sa mga panloob na pagkontrol . Walang dokumento o talaan ng Walmart ang maaaring mapalsipika para sa anumang dahilan . Walang di-ibinubunyag o di-itinatalang account ng mga pondo o ari-arian ng Walmart ang maaaring maitatag para sa anumang layunin .

Pangangalakal ng Tagaloob Labag sa batas ang bumili o magbenta ng stock o iba pang securities batay sa materyal, di-pampublikong impormasyon o impormasyong panloob . Ang impormasyong panloob ay anumang materyal, di-pampublikong impormasyon na malamang na ituturing ng makatwirang mamumuhunan bilang mahalaga sa paggawa ng desisyon sa pamumuhunan . Kabilang sa ilang karaniwang halimbawa ang pana-panahong impormasyon sa pagbebenta o kinikita ng Walmart U .S ., Walmart international o ng buong kompanya bago mailabas sa publiko ang ganoong impormasyon, mga tinatayang kikitain o pagkalugi sa hinaharap o balita tungkol sa malaking kaganapan tulad ng nakabinbin na pagsasanib ng mga kompanya, pagbabago sa kaayusan ng pagpapatakbo ng negosyo o pagbabago sa ehekutibong pamatnugutan .

Labag din sa batas ang magsabi o maglabas ng tip tungkol sa impormasyong panloob sa mga ibang tao upang makabili o makapagbenta sila ng stock o iba pang securities batay sa ganoong impormasyon . Kung may nababatid kang impormasyong panloob tungkol sa Walmart o anumang iba pang kompanya, kabilang ang ating mga supplier o ka-partner sa negosyo, pinagbabawalan kang makipagkalakan nang direkta o di-direkta o magbigay ng tip sa mga ibang tao upang makipagkalakalan sa stock o iba pang securities ng kompanyang iyon . Nauukol ang mga parehong paghihigpit na ito sa sinumang taong nakatira sa iyong sambahayan o na umaasa ng pinansiya sa iyo, pati na rin sa anumang entity o securities account na maaaring nakokontrol mo . Bilang mga associate ng Walmart, dapat tandaan nating lahat na:

• Huwag kailanman bumili o magbenta ng stock o mga iba pang securities ng anumang kompanya habang mayroon kang impormasyong panloob tungkol sa kompanyang iyon .

• Huwag kailanman irerekomenda sa sinuman na bumili o magbenta sila ng stock o mga iba pang securities ng anumang kompanya habang mayroon kang impormasyong panloob tungkol sa kompanyang iyon .

• Huwag kailanman magbubunyag ng impormasyong panloob tungkol sa Walmart sa sinuman sa labas ng Walmart (kabilang ang miyembro ng iyong pamilya), maliban kung ang ganoong impormasyon ay nailabas na sa kalahatang publiko o maliban kung ang ganoong pagbubunyag ay inaprubahan ng Legal Department at pagkatapos lamang na pasabihan ka ng Legal Department na nagawa na ang sapat na mga hakbang upang mapigilan ang maling paggamit sa impormasyon .

• Ibunyag ang impormasyong panloob sa mga tao sa loob ng Walmart kung kailangan lamang .

• Huwag kailanman tatangkaing manipulahin ang mga presyo sa merkado, o magkalat ng mga tsismis o maling impormasyon sa merkado .

• Huwag kailanman bibili o magbebenta ng securities ng Walmart habang sarado ang trading window kung ikaw ay napapasailalim sa trading windows ayon sa inilarawan sa Patakaran ng Walmart sa Pangangalakal ng Tagaloob .

Kung mayroon kang mga tanong o inaalala tungkol sa pangangalakal ng tagaloob, sumangguni sa Patakaran ng Walmart sa Pangangalakal ng Tagaloob, makipag-ugnayan sa Legal Department o Global Ethics .

Mahigpit na Patakaran sa Pangangalakal

Hindi tayo sasali sa anumang gawaing naglalayong higpitan ang pangangalakal o suportahan ang pagtangging makipagnegosyo sa mga kostumer, miyembro o supplier sa alinmang bansa kung saan ang ganoong pagtanggi ay paglabag sa naaangkop na batas . Kung may mapag-alaman kang pagtangging makipagnegosyo o anumang kaugnay na komunikasyon hinggil sa ganoong pagtanggi, makipag-ugnayan sa Legal Department .

Page 23: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

22

&

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www .walmartethics .com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U .S ., Puerto Rico at Canada . Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika . Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu . Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart .

Sinasadyang Kawalang-katapatanNakipag-ugnayan sa akin ang isang kapisanan ng pangangalakal sa industriya tungkol sa pagsali sa isang benchmarking study para sa mga miyembro ng kanilang kapisanan. Parang magandang paraan ito upang kumuha ng impormasyon tungkol sa ating mga kakumpitensiya. Dapat ba kaming sumali?

Walang masama sa pagsali sa mga benchmarking na gawain sa industriya . Gayunpaman, hindi ito kailanman dapat gamitin bilang paraan upang kumuha ng kompidensiyal na impormasyon tungkol sa mga kakumpitensiya .

Ang aming tindahan ay may ilang associate na nahuhuli sa kanilang mga CBL. Upang maiwasang maiparating sa aking manedyer ang atrasadong report, maaari bang kunin ng aking associate sa opisina ang kanilang mga CBL at pagkatapos ay ituro ang materyal sa aking mga associate sa mga miting ng aming pangkat?

Hindi . Ang ipakumpleto sa iyong associate sa opisina ang mga CBL ng mga ibang associate ay hindi lamang sinasadyang kawalang-katapatan ngunit ito ay hindi etikal na utos ng manedyer . Ikokompromiso nito ang iyong integridad, pati na ang integridad ng associate ng opisina at ng mga associate na dapat kumukuha ng mga CBL . Dagdag pa, ginagamit ang mga CBL upang siguruhing angkop ang pagkakasanay sa ating mga associate na lutasin ang mga partikular na sitwasyong kakaharapin nila sa kanilang mga trabaho . Kung hindi mo pahihintulutang kunin ng iyong mga associate ang mga nakatalagang CBL nila, inilalagay mo ang iyong mga associate, kostumer at ang kompanya sa posibleng panganib .

Nag-a-apply ako para sa ibang trabaho sa Walmart. Ang hinihingi ng trabaho ay digri sa kolehiyo. Sa katunayan matatapos ko na ang aking digri sa ilang buwan. Maaari ko bang sabihin sa aking resume na tapos ko na ang digri na iyon?

Hindi . Dapat maging tapat ka tungkol sa iyong mga kuwalipikasyon kapag naghahanap ng trabaho . Ang pagsasabi ng hindi tama tungkol sa iyong edukasyon, karanasan, mga sertipikasyon o lisensiya ay hindi matapat na gawain na posibleng maglagay sa ating kompanya sa panganib at magbigay ng di-patas na kalamangan sa proseso ng pagpili ng kandidato .

Page 24: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

23

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Sinabi ng aking manedyer na, dahil mahirap abutin ang mga matataas na sisidlan sa backroom, dapat nating ilagay sa sistema na nagawa na ang pag-audit sa sisidlan, kahit hindi totoo. Ano ang dapat kong gawin?

Ang sinasabi ng iyong manedyer na gawin mo ay ang magpalsipika ng mga pag-audit ng sisidlan, na hindi lamang pagsisinungaling ngunit maaari ding makasasama sa ating negosyo . Sa hindi pagsasagawa nang tama sa iyong mga pag-audit ng sisidlan, maaari mong maapektuhan ang antas ng serbisyo sa kostumer sa tindahan at apektuhan ang kakayahan ng tindahan na magpanatili ng tumpak na dami ng stock . Dagdag pa, hiningi sa iyo ng iyong manedyer na gumawa ng hindi tapat na gawain . Dapat mo itong ireport sa pamatnugutan sa pamamagitan ng proseso ng Open Door o makipag-ugnayan sa Global Ethics .

Pampinansiyang IntegridadSinabi sa akin ng aking manedyer na ibaba sa zero ang presyo ng ilang item ngunit iwanan ang mga ito sa iskaparate upang maibenta dahil “makakatulong ito sa ating imbentaryo“. Ito ba ay tanggap?

Hindi . Ang pagmamanipula ng mga pagbababa ng presyo ay hindi lamang pagsisinungaling, ngunit maaari nitong apektuhan ang kakayahan ng tindahan na kumita . Kung sinasabihan kang gawin ito, ireport ito kaagad sa Global Ethics .

Sinasabi ng isang associate na nasa malapit sa akin na gumagawa siya ng mga pagbabago sa ating impormasyong pampinansiya upang ang ating mga “good months “ ay makakatulong sa ating mga “bad months “. Ito ba ay magiging isyu?

Ang pagmamanipula ng mga account at allowance ay hindi lamang sinasadyang kawalang-katapatan, ngunit isa ring problema sa pampinansiyang integridad na maaaring may mga seryosong kahihinatnan kapwa sa personal at sa kompanya . Dapat mo itong ireport kaagad sa Global Ethics .

Pangangalakal ng Tagaloob

Mayroon akong impormasyong panloob mula sa isang nagbebentang nakalista sa publiko tungkol sa isang bagong nakakamanghang produkto na ilulunsad ng kompanya. Maaari ba akong bumili ng stock ng pampublikong kompanya?

Hindi . Ang anumang pagbebenta o pagbili ng stock batay sa materyal, di-pampublikong impormasyon ay itinuturing na pangangalakal ng tagaloob .

Maaari ko bang hikayatin ang isang kaibigan na bilhin ito?

Ang paghikayat sa iba na bumili ng stock ay maituturing pa ring pangangalakal ng tagaloob at karaniwang tinutukoy bilang “tipping“ . Ang kaibigan ay dapat managot para sa pangangalakal ng tagaloob, kung bibili siya ng mga share batay sa iyong tip, at mananagot ka rin para sa pangangalakal ng tagaloob para sa pamimigay ng tip kahit pa hindi ka bumili ng anumang mga share ng stock ng pampublikong kompanya .

Mahigpit na Patakaran sa PangangalakalSinabihan ako na dapat kong i-boycott ang isa sa aking mga supplier dahil nagsasagawa sila ng negosyo sa isang partikular na bansa. Dapat ba akong huwag makipag-negosyo sa supplier na iyon?

Bagama't ang mga paghihigpit ay pinaiiral minsan sa ilang bansa at indibiduwal, palaging mas mabuting makipag-usap sa Legal o Compliance Department bago gumawa ng anumang hakbang kung ibinilin sa iyong i-boycott ang isang supplier o bansa .

Page 25: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

24

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Pamumuno nang may Integridad sa Ating mga Komunidad

Integridad ang nag-iisang pinakamahalagang katangian ng isang pinuno .

Lee Scott Dating Presidente at CEO Wal-Mart Stores, Inc.

Kontra-Katiwalian Naniniwala ang Walmart sa patas, malaya at bukas na mga merkado . Naniniwala din tayo sa pagtataguyod ng mabuting pamahalaan . Hindi natin pinalalampas ang panunuhol, katiwalian o anumang uri ng mga di-etikal na kalakaran .

Mahigpit na pinagbabawalan ng Walmart ang sinumang kumikilos sa ngalan ng Walmart, ito man ay direkta o di-direkta, sa paggawa o pagtanggap ng mga suhol o mga di-tamang pagbabayad . Pinagbabawalan tayo ng Pandaigdigang Patakaran ng Walmart Kontra-Katiwalian sa pagbabayad, pag-aalok o pagpapahintulot sa pagbabayad ng pera (o anumang bagay na may halaga) upang impluwensiyahan ang sinuman sa di-tamang paraan . Nauukol din ito sa mga pagbabayad na ginagawa sa pamamagitan ng isang taong hindi konektado sa Walmart, tulad ng isang ikatlong partido na kumikilos sa ngalan ng Walmart . Saklaw din ng ating pagbabawal ang maliliit na benepisyo upang

impluwensiyahan nang di-tama ang isang tao . Ang ating paninindigan sa mga di-tamang benepisyo ay matibay — nang walang pagsasaalang-alang sa lokal na kalakaran o kaugalian, o maging pinsala sa ating negosyo .

Dapat nating iwasan ang anumang pakikitungo sa isang pampublikong opisyal, empleyado ng isang kompanyang pag-aari ng pamahalaan o pampulitikang organisasyon na maaaring magmukhang di-tama . Kabilang dito ang sinumang tao na nagsasagawa ng pampublikong tungkulin o na nagtatrabaho para sa pamahalaan sa anumang antas (hal ., opisyal sa pagpapawalang-pananagutan sa adwana, mga miyembro ng militar at pagpapatupad ng batas), partido o kampanyang pulitikal (kabilang ang mga di-bayarang tauhan), pampublikong organisasyong internasyonal (hal ., ang World Bank) o isang negosyong pagmamay-ari ng pamahalaan o kontrolado-ng-pamahalaan (hal ., mga empleyado sa mga utilidad na pagmamay-ari ng estado, kompanya ng enerhiya, ospital) . Ang kontrata sa isang entidad na pagmamay-ari ng estado o publikong entidad ay nangangailangan ng nauunang nakasulat na pag-apruba ng Legal Department at pag-apruba ng pangkat sa Pagsunod sa Patakaran Kontra-katiwalian .

Dapat mong ireport kaagad ang anumang hinihinalang mga paglabag o anumang paghingi ng suhol . Para sa karagdagang patnubay sa paksang ito, makipag-ugnayan sa pangkat sa Pagsunod sa Patakaran Kontra-Katiwalian o sa Global Ethics .

Ang ating paninindigan sa mga di-tamang benepisyo ay matibay — nang walang pagsasaalang-alang sa lokal na kalakaran o kaugalian, o maging pinsala sa ating negosyo.

Page 26: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

25

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Kontra-Money Laundering Naninindigan tayo sa pagsunod nang ganap sa lahat ng naaangkop na batas sa money-laundering sa buong mundo . Ang ilang bansa ay may mga batas ding nauugnay sa pagrereport ng cash o mga iba pang kahina-hinalang transaksiyon na dapat nating sundin .

Maging alerto sa mga sumusunod na gawain:

• Mga uri ng pagbabayad na nauugnay sa money laundering, tulad ng: maraming money order, mga pagbili ng malalaking bulto ng nauunang binabayarang produkto tulad ng mga gift card o malalaking transaksiyon na cash

• Isang kostumer o iba pang ikatlong partido na nag-aatubiling magbigay ng kumpletong impormasyon, nagbibigay ng mali o kahina-hinalang impormasyon o nagnanais umiwas sa mga hinihingi hinggil sa pagrereport o pagpapanatili ng rekord

• Mga di-karaniwang paglilipat ng pondo sa loob o labas ng bansa na nagpapahiwatig ng mga gawaing panlilinlang o planong pandaraya

• Pagsasaayos sa isang transaksiyon upang iwasan ang mga hinihingi, tulad ng pagsasagawa ng maraming transaksiyon na mas mababa sa mga dapat ireport na halaga

Ang Walmart ay may mga nakatatag na alituntunin hinggil sa mga tanggap na uri ng pagbabayad . Para sa karagdagang patnubay sa paksang ito, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Compliance Department .

Pahintulot na MagtrabahoNagsisikap tayo upang maging korporasyong mamamayan . Samakatuwid, hindi natin tatanggapin, kukunin o irerekomenda nang may bayad ang sinumang hindi legal na awtorisadong magtrabaho sa bansa kung saan nila hinahangad magtrabaho . Tungkulin nating inspeksyunin, patunayan at idokumento ang pagkakakilanlan at pahintulot na magtrabaho ng bawat bagong associate, kabilang ang mga associate na pandaigdigan ang destino sa isang bansang iba sa kanilang tahanang bansa . Tungkulin din nating muling patunayan ang patuloy na pagiging karapat-dapat magtrabaho ng bawat associate sa pamamagitan ng paghingi ng karagdagang dokumentasyon kapag natapos ang unang awtorisasyong magtrabaho .

Lahat ng taong kukunin natin o ipadadala sa pandaigdigang destino sa isang bansa maliban sa kanilang tahanang bansa, ay dapat magbigay ng angkop na dokumentasyon at pagpapatunay sa kanilang awtorisasyong magtrabaho sa bansa kung saan sila magtatrabaho .

Sa pagsunod sa mga batas sa imigrasyon, mahalagang sundin natin ang ating patakaran kontra sa diskriminasyon sa pagtatrabaho batay sa bansang pinagmulan o posibleng katayuan ng citizenship .

Hinihingi natin sa lahat ng ahensiya ng trabaho, kontratista at iba pang nakikipagnegosyo sa atin na sumunod nang ganap sa lahat ng batas sa imigrasyon .

Responsibilidad Pangkapaligiran, Kalusugan at Kaligtasan sa Lugar na Pinagtatrabahuhan

Dapat magsilbi tayong lahat bilang mga responsableng bantay ng kapaligiran at pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga associate, miyembro, kostumer at komunidad .

Responsibilidad Pangkapaligiran Ang Walmart ay naninindigan sa pagsasagawa ng negosyo sa paraang responsable sa lipunan at naaayon sa etika na pumuprotekta sa kapaligiran . Naninindigan tayo sa pagprotekta sa kapaligiran at pangangalaga sa ating mga likas na yaman . Tungkulin din nating sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at pamamalakad pangkapaligiran . Ang tungkuling ito ang buod na pundasyon ng ating paninindigan sa pagtatagal ng kapaligiran . Dapat kumilos tayong lahat sa etikal na paraan hinggil sa mga isyung pangkapaligiran upang isulong ang ating layuning pagtulong sa mga taong mabuhay nang mas mabuti at siguruhin ang mas mabuting mundo para sa mga darating pang henerasyon .

Kalusugan at KaligtasanNaninindigan din ang Walmart sa pagprotekta sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga associate, miyembro, kostumer at komunidad dahil nagmamalasakit tayo para sa kapakanan ng isa't isa . Ang pagsasagawa sa ating negosyo nang sumusunod sa lahat ng batas sa kalusugan at kaligtasan ay mahalaga sa pagprotekta sa isa't isa mula sa pinsala . Bilang mga associate ng Walmart, dapat palagi tayong sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at patakaran sa kalusugan at kaligtasan at huwag kailanman ipagwawalang-bahala ang posibleng problema sa kalusugan at kaligtasan . Ang etikal na pagkilos hinggil sa mga problema sa kalusugan at kaligtasan ay mahalaga sa layunin bilang korporasyon na magbigay ng ligtas na lugar para sa pamimili at pagtatrabaho .

Kung mayroon kang mga tanong hinggil sa mga problemang pangkapaligiran o pangkalusugan at pangkaligtasan, mangyaring makipag-ugnayan sa Compliance Department o sa Global Ethics .

Page 27: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

26

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Kaligtasan ng Produkto at Pagkain

Sa Walmart, ang kaligtasan ng pagkain at produkto ay higit kaysa sa prayoridad o hinihingi ng mga tagapamalakad; ang mga ito ay bahagi ng ating kultura . Bilang mga associate ng Walmart, dapat tayong sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at pamamalakad sa kaligtasan ng pagkain at produkto sa ating araw-araw na negosyo . Dahil mayroon tayong libo-libong supplier sa buong mundo, alam natin na mayroon tayong mahalagang obligasyon na hinging sumunod ang ating mga supplier sa mga mahigpit na inaasahan, batas at pamamalakad pagdating sa kaligtasan ng pagkain at produkto . Kung mayroon kang anumang mga tanong o inaalala hinggil sa kaligtasan ng pagkain o produkto at mga pamamalakad o hinihingi na naaangkop sa iyong larangan ng negosyo, mangyaring makipag-ugnayan sa Compliance Department o sa Global Ethics .

Pagprotekta sa Impormasyong Personal at Pang-negosyo

Sa ating araw-araw na negosyo, maaari tayong malantad sa impormasyong personal at pang-negosyo tungkol sa mga associate, kostumer, miyembro, supplier at sa ating sariling kompanya . Tungkulin nating protektahan ang impormasyong ito alinsunod sa mga naaangkop na batas, sa ating mga patakaran, kabilang ang ating mga hinihingi sa pagpapanatili ng mga rekord, at sa mga paniniwala ng ating kompanya .

Ang impormasyon ay maaaring pisikal (nakasulat sa papel) o elektroniko . Dapat mo lamang kolektahin o i-save ang impormasyong pang-negosyo ng kompanya na kailangan upang isagawa ang iyong trabaho . Dapat mong pangasiwaan ang ganoong impormasyon nang ligtas sa pamamagitan ng lifecycle nito at alinsunod sa mga hinihingi ng Walmart sa pangangasiwa ng mga rekord . Ang kompidensiyal na impormasyon ng kompanya ay nahahati sa tatlong uri ng mga datos: lubhang sensitibo (mataas ang seguridad), sensitibo (katamtaman ang seguridad) at hindi sensitibo (mababa ang seguridad) .

Kabilang ang sumusunod sa mga halimbawa ng mga paraan upang protektahan ang lubhang sensitibo o sensitibong impormasyon:

• Pag-access sa impormasyon para sa mga layuning pang-negosyo lamang

• Pamamahagi dito sa mga iba pang associate para sa mga lehitimong layuning pang-negosyo lamang

• Pagpigil sa mga di-awtorisadong pag-access (halimbawa, pagkakandado sa mga lubhang sensitibong datos)

• Pagbabalik ng lahat ng lubhang sensitibo at sensitibong impormasyon sa Walmart kasama ang anumang iba pang pag-aari ng Walmart sa pagwawakas ng pagtatrabaho

• Kung walang pangangailangang pang-negosyo para sa pagpapanatili ng mga datos at walang dahilan para sa mga layuning legal, itapon ito sa pamamagitan ng paglalagay sa isang pamunit ng papel o kompidensiyal na sisidlan; huwag kailanman itatapon sa basurahan

Kung naniniwala kang mayroon kang kompidensiyal na impormasyon ng kompanya na kailangang maibahagi sa labas ng kompanya, humingi ng pag-apruba mula sa iyong manedyer o sa Compliance Department bago ibahagi ang impormasyon . Ang mga sikretong pangkalakal ay isang halimbawa ng datos ng negosyo na dapat nating protektahan . Sa ating paghahangad ng pagsisikap para sa kahusayan, namuhunan tayo sa pagbuo ng mga sistema, proseso, produkto, mga pamamaraan at teknolohiyang pang-negosyo — ang ating mga sikretong pangkalakal — na siyang dahilan kung bakit tayo'y nanguna sa industriya ng pagbebenta nang tingian at nagbibigay sa atin ng kalamangan sa pakikipagkompitensiya . Lahat ng sikretrong pangkalakal ay mga lubhang sensitibong datos at dapat mapanatiling ligtas . Dagdag pa sa pagprotekta sa ating mga sikretong pangkalakal, patakaran nating respetuhin ang mga sikretong pangkalakal ng iba . Walang associate ang maaaring magbunyag ng mga sikretong pangkalakal ng mga kompanya kung saan tayo nagsasagawa ng negosyo o mga kompanya kung saan sila dating nagtatrabaho .Dapat siguruhin ng lahat ng associate na hindi isasapanganib ng paggamit nila ng social media ang pagiging kompidensiyal ng mga sikretong pangkalakal ng Walmart, lubhang sensitibo at sensitibong impormasyon . Ang personal na impormasyon tungkol sa mga kostumer, miyembro, supplier at tagabenta ay dapat ding pangasiwaan nang ligtas . Huwag i-a-access o kokolektahin ang ganoong impormasyon maliban kung kailangan upang isagawa ang iyong trabaho at kapag ibinilin lamang ng iyong manedyer . Kung naghihinala kang may paglabag sa ganoong personal na impormasyon, abisuhan ang isang miyembro ng pamatnugutan, ang Human Resources o Global Ethics . Ituring ang medikal na impormasyon ng associate sa parehong paraan . Ang mga ispesipikong departamento sa loob ng ating kompanya ay maaaring may mga espesyal na alituntunin o pamamaraan sa pagkapribado . Dapat nating basahin, intindihin at manatiling nakakaalam sa pinakabagong impormasyong nauukol sa ating mga ispesipikong larangan ng negosyo at mga tungkulin sa trabaho . Dagdag pa, dapat nating sundin ang lahat ng naaangkop na hinihingi kaugnay sa pangangasiwa ng mga rekord . Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa mga hinihingi kaugnay sa pagtatago ng rekord na nauukol sa iyong trabaho, mangyaring makipag-ugnayan sa Compliance Department o sa pangkat ng Privacy Office Records Management para humingi ng tulong .

Dagdag pa sa pagprotekta sa ating mga sikretong pangkalakal, patakaran nating respetuhin ang mga sikretong pangkalakal ng iba.

Page 28: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

27

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Mga Gawaing Pampamahalaan at Pampulitika

Mga Kontrata at Pagtatanong PampamahalaanHindi tayo dapat pumasok sa anumang kontrata o kasunduan sa alinmang entidad ng pamahalaan para sa anumang layunin nang walang nauunang nakasulat na pag-apruba mula sa Legal Department at Anti-Corruption Compliance department . Ispesipikong kabilang dito ang pagtanggap ng mga bid, kontrata o order ng pagbili para sa mga produkto at serbisyo . Ang pagkabigong sundin ang hinihinging ito ay maaaring magresulta sa pagtamo ng Walmart ng malaking pananagutan kaugnay sa pagsunod sa patakaran at mga nauugnay na gastusin .

Dapat mong ireport kaagad ang lahat ng pagtatanong mula sa mga entidad o taga-imbestiga ng pamahalaan sa iyong manedyer o makipag-ugnayan sa Legal Department . Lahat ng pagtatanong mula sa mga entidad o taga-imbestiga ng pamahalaan ay dapat masagot nang tumpak at kumpleto .

Pagkakasangkot sa PulitikaAng pagsali sa proseso ng pulitika sa labas ng trabaho at sa di-oras ng trabaho ay kahanga-hanga . Maaari kang magbigay ng naayon sa batas na mga pag-ambag ng mga personal na pondo sa mga gawaing pulitikal; subalit, hindi isasauli sa iyo ng Walmart ang mga ginastos mo sa mga gawaing iyon maliban kung iaatas ng batas . Ang mga pondo ng korporasyon ay hindi dapat maipagkaloob sa mga kandidato, entidad o organisasyong pulitikal nang walang hayag na kaalaman at nakasulat na pahintulot ng Corporate Affairs Department ng Walmart . Hindi mo maaaring gamitin ang iyong titulo sa trabaho o koneksiyon sa kompanya kaugnay sa mga personal na gawaing pulitikal maliban kung ang impormasyong iyon ay inaatas ng batas .

Pandaigdigang PangangalakalKinokontrol ng lahat ng bansa ang mga transaksiyon sa pandaigdigang pangangalakal na sumasaklaw sa mga gawaing tulad ng pag-aangkat, pagluluwas at transaksiyong pampinansiya . Halimbawa, lahat ng panindang papasok sa komersiyo ng isang bansa ay dapat dumaan sa adwana bago ito mailabas at maihatid sa tagatanggap . Sa adwana, sinisiyasat ang mga paninda para sa pagsunod sa mga pamamalakad at tinatasa para sa pagbabayad ng mga buwis sa adwana at iba pang mga buwis, kung saan naaangkop .

Mahalagang tandaan nating lahat ang mga sumusunod:

• Siguruhing mabuti na lahat ng hinihingi ng mga tagapamalakad ay naisagawa na bago subukang magluwas o mag-angkat ng paninda . Ang mga hinihingi ng mga tagapamalakad ay nauukol sa kapwa paninda at dokumentasyon .

• Ang dokumentasyon ay dapat kumpleto at tumpak, kabilang ang paglalarawan, mga presyo at mga partido sa transaksiyon .

• Dapat nakatatag ang mga panloob na pagkontrol upang masiguro ang pagsunod sa lahat ng hinihingi ng mga tagapamalakad, kabilang ang anumang obligasyong pagpapanatili ng rekord .

Bilang associate ng Walmart, dapat ay pamilyar ka sa iba't ibang patakaran at pamamalakad sa pangangalakal na nauukol sa iyong trabaho, kabilang hindi lamang ang mga batas sa pangangalakal sa iyong sariling bansa, ngunit pati na rin ang mga batas sa lahat ng iba pang bansa na maaaring makaapekto sa iyong trabaho sa Walmart . Halimbawa, ang ilang pamahalaan ay maaaring nagpapatupad ng iba't ibang paghihigpit sa pangangalakal, tulad ng mga embargo at sanction kontra sa ilang bansa, kabilang ang mga mamamayan ng mga bansang iyon . Ang mga transaksiyon sa ilang itinalagang indibiduwal at organisasyon, tulad ng mga organisasyon ng mga terorista, mga nangangalakal ng narkotiko at pagkalat ng armas, ay ipinagbabawal din kahit pa ang mga indibiduwal at organisasyong iyon ay hindi konektado sa anumang embargo ng partikular na bansa . Palaging konsultahin ang Compliance Department bago pumasok sa mga negosasyon o transaksiyon sa pandaigdigang pangangalakal .

Pahayag sa MediaBinago ng komunikasyon sa panahon ng social media ang ating pamumuhay at pagtatrabaho . Kapag nangyayari ang mga kaganapan o kahit naghahanap lamang ang mga tao ng impormasyon, maaaring ituring ka bilang pagkukuhanan ng impormasyon tungkol sa kompanya . Habang nakikipag-usap ka sa mga miyembro ng pamilya, kostumer at mga miyembro ng club o nakikisali sa social media, hinihikayat ka naming ibahagi ang iyong kuwento sa Walmart . Kung tanungin ka at hindi ka sigurado sa mga sagot, gumawa ang kompanya ng mga madudulugan na maaari mong konsultahin para sa pinakabagong impormasyon, kabilang ang website ng korporasyon: http://corporate.walmart.com . Ang ating mga associate ay may mahalagang papel sa pamamahagi ng impormasyon sa publiko kapag nangyayari ang mga sakuna o kapag nangangailangan ang mga komunidad .

Pagdating sa pagbibigay ng pahayag pampubliko sa mga media outlet tulad ng telebisyon, himpilan ng balita, lokal na pahayagan o mga publikasyong pangkalakal, dapat siguruhin ng Walmart ang katumpakan ng lahat ng impormasyong ibinibigay nito sa publiko . Dapat kang tumanggap ng nauunang nakasulat na pag-apruba mula sa in-country o Corporate Affairs Department bago ka gumawa ng anumang pahayag pampubliko, ito man ay pasulat o berbal, sa mga ganoong media outlet . Para sa mga pahayag tungkol sa mga usaping pampinansiya, makipag-ugnayan sa Finance Department bago gumawa ng anumang pahayag o magbigay ng panayam .

Page 29: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

28

&

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www .walmartethics .com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U .S ., Puerto Rico at Canada . Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika . Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu . Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart .

Kontra-Katiwalian

Kamakailan ay pinigilan ng mga lokal na opisyal ng pulisya na umalis ang mga trak sa aming distribution center at nagbantang aantalahin ang mga delivery maliban kung magbabayad ang drayber ng cash na $50 U.S. sa opisyal. Sinabi ng aking manedyer na dapat kaming magdala ng mga $50 na gift card. Pinahihintulutan ba ito?

Hindi . Ipinagbabawal ng Walmart ang lahat ng di-opisyal na pagbabayad sa mga opisyal ng pamahalaan upang impluwensiyahan ang hakbang ng pamahalaan . Ang pagbabawal na ito ay nauukol sa cash, mga regalo at mga iba pang may-halaga . Dapat mo itong ireport kaagad sa Global Ethics .

Humihingi ang isang tindahan ng permit mula sa lokal na Transport Authority. Karaniwang nagbibigay ang tindahan ng mga holiday basket sa mga iba't ibang lokal na opisyal. Sa taon na ito, iminungkahi ng manedyer ng tindahan ang $300 na gift card sa basket para sa pinuno ng Transport Authority. Ito ba ay tanggap?

Hindi . Hindi pinahihintulutan ng patakaran ang gift card dahil ito ay bagay na may-halaga at halatang inilaan upang impluwensiyahan ang Transport Authority . Pinahihintulutan ng patakaran ang ilang nakaugaliang regalo, tulad ng mga promosyonal na bagay na nagtataglay ng tatak ng Walmart na mababa lang o kaunti lang ang halaga at hindi inilaan upang impluwensiyahan ang sinuman . Gayunpaman, dapat masunod ang proseso ng pag-apruba bago ang pagbibigay ng anumang uri ng regalo sa isang opisyal ng pamahalaan . Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa pagbibigay ng mga nakaugaliang regalo sa sinumang opisyal ng pamahalaan, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong Anti-Corruption Compliance team o sa Global Ethics .

Page 30: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

29

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Kontra-Money Laundering Tumatanggi ang isang kostumer na ibigay ang kanyang address para sa $3,000 money transfer tungo sa ibang bansa. Dapat ko ba itong ireport bilang “kahina-hinalang tao “?

Sinumang kostumer na nag-aatubiling magbigay ng hinihinging impormasyon ay dapat maireport bilang “kahina-hinalang tao” kapag nagpoproseso ng mga transaksiyong pinansiyal .

Tinanong ako ng isang kostumer kung puwede kong hatiin ang $5,000 transaksiyon upang maging dalawang transaksiyon na tag-$2,500 para hindi na nila kailangang sagutan ang mga hinihinging papeles. Dapat ko bang iproseso ang transaksiyon sa ganitong paraan?

Hindi . Kung tunay na iisang transaksiyon ito, dapat itong maproseso bilang isang transaksiyon at kumpletong masagutan ang mga nararapat na papeles at isumite para maireport sa pamahalaan . Kung tumatanggi ang isang kostumer na sumunod, makipag-ugnayan sa isang miyembro ng pamatnugutan upang tulungan ka .

Pahintulot na MagtrabahoDapat ko bang ireport ang hinihinalang di-awtorisadong manggagawa kung teknikal silang ini-empleyo ng isang kontratista at hindi ng Walmart?

Oo . Hinihingi natin sa lahat ng ating kontratista na gumamit lamang ng mga empleyadong may awtorisasyong magtrabaho sa ating mga pasilidad . Kung naghihinala kang may mga di-awtorisadong manggagawa sa ating mga lugar na pinagtatrabahuhan, mangyari lamang na ireport ito sa pamatnugutan sa pamamagitan ng patakarang Open Door o makipag-ugnayan sa Global Ethics .

Ano ang dapat kong gawin kung ang isang associate ay dumating na nakahandang magsimulang magtrabaho at hindi sila makapagpakita ng katibayan ng awtorisasyong magtrabaho?

Sundin ang mga patakaran ng iyong bansa hinggil sa awtorisasyon sa pagtatrabaho . Kabilang dito ang pagpapatunay para sa mga bagong associate at mga bumibisitang associate na nasa expatriate o transition assignment . Halimbawa, sa ilalim ng batas ng U .S . dapat tapusin ng isang employer ang pagtatrabaho ng empleyadong hindi makapagpakita ng katibayan ng awtorisasyong magtrabaho sa loob ng partikular na panahon .

Responsibilidad Pangkapaligiran, Kalusugan at Kaligtasan sa Lugar na PinagtatrabahuhanHabang nagtatrabaho sa backroom, napansin kong naglalagay ang mga associate ng mga kahon o paleta sa harap ng emergency exit, na humaharang sa pintuan. Inireport ko ito sa aking manedyer na nagsabing wala siyang makitang problema sa gawaing ito dahil ito ay pansamantala lamang at ililipat ang mga ito kapag napunta na ang mga paninda sa sales floor. Problema ba ito?

Oo . Ang pagharang sa mga emergency exit ay nagdudulot ng panganib sa mga associate at kostumer kung sakaling magkaroon ng emergency sa tindahan . Dagdag pa, maaaring maharap tayo sa mga posibleng multa at pananagutan para sa mga panganib sa kaligtasan tulad ng pagharang o pagkakandado sa mga emergency exit . Mahalagang laging handang magamit ang mga emergency exit kung sakaling magkaroon ng sunog o iba pang emergency . Dapat mong ireport kaagad ang impormasyon sa Compliance Hotline o sa Global Ethics .

Page 31: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

30

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Sinabi sa isang associate na itapon ang ilang bote ng nasirang kemikal na panlinis ng bahay. Alam niyang may kalakarang pamamaraan na umiiral sa tamang pagtatapon ng mga ganoong klaseng bagay, ngunit sa halip na sundin ito, inilipat lang niya ang mga kemikal sa labas ng gusali at iniwan ang mga ito doon. Paano ito dapat lutasin?

Ang mga kemikal ay hindi dapat kailanman iniimbak sa labas at mabilad na lang basta, lalo na kung sira na ang mga ito . Maaaring tumagas ang mga ito o lalong masira, na dahilan upang kumalat ang mga kemikal sa kapaligiran . Dapat siguruhin ng mga associate na lahat ng kemikal ay ligtas na naiimbak sa mga aprubadong lugar nang may nararapat na lalagyan upang maiwasang matapon ang mga ito sa kapaligiran . Dapat palaging sundin ng mga associate ang mga kalakarang pamamaraan ng korporasyon hinggil sa mga isyung pangkapaligiran . Kung makadiskubre ang isang associate ng tumatagas o di-tama ang pagkaka-imbak na mga kemikal, dapat niyang abisuhan kaagad ang pamatnugutan at makipag-ugnayan sa Compliance Hotline o ireport ang impormasyon sa Global Ethics .

Pagprotekta sa Impormasyong Personal at Pang-negosyoAng isang invoice associate ay asawa ng isang supplier na nakikipagtrabaho sa mga tagabili sa Home Office. Nakita ko siyang tinawagan niya ang kanyang asawa at sinabi sa kanya ang halaga ng mga produktong binibili natin mula sa kanyang mga kakumpitensiya. Ito ba ay isang paglabag?

Oo . Bagama't wala siyang impluwensiya sa negosyo kung saan nagtatrabaho ang kanyang asawa sa Walmart, mayroon siyang access sa kompidensiyal na impormasyon na maaaring nagbibigay sa kompanya ng kanyang asawa ng kalamangan sa mga iba pang supplier .

Nagbitiw kamakailan lang ang isang katrabaho ko. Simula noon, nagpapadala na siya sa email sa kanyang computer sa bahay ng impormasyong pangkontak sa mga supplier upang makapagsimula siya ng sarili niyang negosyo. Ito ba ay isang paglabag?

Oo . Ang impormasyon ng supplier na nakuha niya sa pamamagitan ng kanyang posisyon sa Walmart ay itinuturing na kompidensiyal na impormasyon ng kompanya . Hindi niya ito dapat gamitin para sa kanyang personal na negosyo . Dapat mong ireport ito sa Global Ethics .

Sinabi ng isang kaibigan ko na mabibigyan niya ako ng impormasyon hinggil sa nalalapit na kompidensiyal na estratehiya sa pag-aanunsiyo ng isang kakompitensiya. Dapat ko bang tanggapin ang impormasyong ito?

Hindi . Hindi natin gusto o kailangang malaman ang kompidensiyal na impormasyon ng mga ibang kompanya .

Sinabi ng aking manedyer sa lahat ng aking katrabaho ang tungkol sa aking kondisyong medikal noong tumawag ako kahapon upang sabihing hindi ako papasok dahil sa pagkakasakit. Ito ba ay paglabag ng patakaran sa Pagkapribado?

Maaari . Hindi kailangang malaman ng iyong mga katrabaho ang tungkol sa iyong kondisyong medikal . Madalas ang ganitong uri ng impormasyon ay ibinabahagi dahil sa tunay na pagmamalasakit para sa iyo bilang mahalaga at pinahahalagahang miyembro ng pangkat . Kausapin mo ang iyong manedyer at sabihin sa kanila ang iyong inaalala . Kung hindi ka komportableng makipag-usap sa kanila, makipag-ugnayan sa iyong manedyer sa Human Resources o sa Global Ethics .

Page 32: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

31

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Sinabi sa akin ng associate sa botika na ang isang kostumer ay may bihirang kondisyong medikal. May pahintulot ba siyang ibahagi ang impormasyong ito?

Wala . Ang personal na impormasyon tungkol sa ating mga kostumer, kabilang ang mga medikal na datos, ay kompidensiyal at hindi dapat ibahagi sa iba . Dapat mong ireport ang insidente sa pamatnugutan o makipag-ugnayan sa Global Ethics .

Mayroon akong blog na walang pagkakakilanlan na sinusulat ko nang regular. Maaari ba akong mag-post ng impormasyong natutuhan ko sa aking papel sa Walmart?

Bagama't ang pagpo-post ng impormasyon sa Internet ay maaaring magandang paraan upang makipag-ugnayan sa mga ibang tao, mahalagang isaalang-alang ang ilan sa mga sangkot na panganib at pakinabang . Panatilihin ang pagka-kompidensiyal ng impormasyong pang-negosyo ng kompanya na nauugnay sa Walmart at sa mga ka-partner nito, at ng personal na impormasyon ng mga kostumer, miyembro at supplier, pati na ang medikal na impormasyon ng associate . Sa bandang huli, ikaw ang responsable sa iyong ipino-post .

Ako at ang aking kaibigan ay nagtatrabaho sa parehong departamento. Pareho kaming humahawak ng sensitibong impormasyon. Kamakailan napag-alaman ko ang kompidensiyal na impormasyon na maaaring makaapekto sa papel na kanyang ginagampanan. Maaari ko bang ibahagi ang impormasyong ito sa kanya?

Hindi . Bagama't kayong dalawa ay magkaibigan at nagtatrabaho sa parehong departamento, hindi mo dapat talakayin o ibahagi ang sensitibong impormasyon sa sinumang hindi dapat makaalam nito .

Mga Gawaing Pampamahalaan at PampulitikaNandito ang isang kinatawan ng pamahalaan upang inspeksyunin ang ating mga produktong pagkain. Ano ang dapat kong gawin?

Makipag-ugnayan kaagad sa iyong manedyer o sa Compliance Department . Siguruhing susundin mo ang proseso ng pagbibigay-abiso para sa iyong merkado .

Ang aking pangkat ay interesado sa pagbili ng mga produkto mula sa isang negosyong pagmamay-ari ng pamahalaan. Ano ang dapat kong gawin?

Makipag-ugnayan sa iyong Anti-Corruption Compliance Team o sa Global Ethics bago ka gumawa ng anumang hakbang o makipagkasundo sa ngalan ng Walmart .

Interesado ang aking pangkat sa pagsusumite ng Request for Proposal (RFP) upang maging eksklusibong provider ng mga pagkain para sa cafeteria program ng lokal na distrito ng paaralan. Ano ang dapat kong gawin?

Makipag-ugayan sa Legal Department bago pumasok sa anumang kasunduan at talakayin ang isyu sa pangkat na nakikikontrata para sa pamahalaan .

Nais kong umupo sa Lupon ng Edukasyon sa aking lungsod. May pahintulot ba akong gawin ito bilang isang manedyer sa Walmart?

Oo . Dapat mong siguruhin na ang iyong posisyon sa Walmart, at anumang impluwensiyang nauugnay dito, ay mapanatiling hiwalay sa iyong posisyon sa Lupon ng Edukasyon . Dapat ka ring maging matapat sa iyong manedyer tungkol sa iyong pagkakasangkot sa lupon .

Page 33: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

32

Upang magtanong o magreport ng paglabag, makipag-ugnayan sa Walmart Global Ethics sa www.walmartethics.com o tawagan kami sa 1-800-WM-ETHIC sa U.S., Puerto Rico at Canada. Para sa mga iba pang lokasyon, tingnan ang katapusang bahagi nitong Pahayag tungkol sa Etika. Mahigpit na ipinagbabawal ng Walmart ang pagganti laban sa sinumang associate na magrereport ng isyu. Ang mga pagrereport ay maaaring gawin nang hindi nagpapakilala at ituturing itong kompidensiyal ng Walmart.

Pandaigdigang PangangalakalNaniniwala ako na isa sa aming mga inangkat na bagay ay inuri nang di-tama sa papeles. Ano ang dapat kong gawin?

Makipag-ugnayan kaagad sa iyong manedyer at sa Compliance Department . May mga multa at taripa sa maraming bansa para sa maling pag-uuri ng impormasyon sa pag-aangkat ng mga produkto .

Nasabi sa akin na isa sa aking mga bagong supplier ay lumitaw sa isang parang listahan ng pamahalaan at hindi ako dapat makipag-negosyo sa supplier na iyon. Ano ang dapat kong gawin?

Makipag-ugnayan sa Compliance Department para sa patnubay kung paano magpapatuloy o upang iwasto ang isyu . Maraming pamahalaan ang nagtatago ng listahan ng mga bansa at tao na hindi maaaring ka-transaksiyon ng mga negosyo .

Pahayag sa Media

Sa palagay ko ang aking bagong tindahan ay magbubukas sa partikular na petsa. Maaari ba akong tumawag sa lokal na media upang sabihin sa kanila ang tungkol sa pagbubukas at mga gagawing aktibidad?

Dapat ka munang makipag-ugnayan sa Corporate Affairs Department bago makipag-ugnayan sa media . Bibigyan ka ng Corporate Affairs ng mga pamamaraan at opisyal na impormasyon na maaari mong ibahagi sa iyong lokal na komunidad at sa media .

&

Page 34: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

33  

 

Country Contact Numbers

Argentina 0800-888-0124

Bahrain 800-06-102

Bangladesh 000800-032-035

Belgium 0800-750-76

Botswana, BTC Botswana, Orange

0800-600-644 1144

Brazil Retail: 0800-703-3966

eCommerce: 8007211491

Cambodia 1800-20-8963

Canada 1-800-963-8442(English)

1-800-805-9121(French)

Chile 800-550707

China 400-120-4020

Colombia 01800-913-7496

Costa Rica 800-968-4771

Dominican Republic 1-888-751-8878

Ecuador 1-888-751-8878

Egypt 0800-000-9471

El Salvador 800-6126

France 0800-903277

Germany 0800-188-8917

Guatemala 800-835-0377

 Global Ethics Helpline Numbers* *Numbers subject to change 

Page 35: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

34  

 

Country Contact Numbers

Honduras 800-2220-0141

Hong Kong 800-930-587

India 000-800-040-1503

Indonesia 007-803-321-8281

Ireland 1-800-200-356

Italy 800-143-952

Japan 0120-692-344

Jordan 0800-22319

Kenya 704-973-0299

Malawi ZAIN TNM 847

MTL 8000 0847

Malaysia 1-800-817-362

Mexico 001-888-280-0603

01-800-963-8422

Morocco +212-5204-85021

Namibia 0800 003 313 for Namibia Telecoms

081 91847 for MTC

Netherlands 0-800-024-9759

New Zealand 0800-424280

Nicaragua 800-5151

Pakistan 00800-90-033-041

 Global Ethics Helpline Numbers* *Numbers subject to change 

Page 36: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

35  

 

Country Contact Numbers

Peru 0800-78378

Philippines 1-800-1-322-0162

Puerto Rico 866-418-4024

Russia 8-800-100-9476

Singapore 800-130-1529

South Africa 0800-999-620

0800-203-246

South Korea 080-822-1367

Spain 900-494776

Sri Lanka 247-2469

Taiwan 00801-49-1191

Thailand 001-800-13-203-9969

Turkey 00-800-113-6848

United Arab Emirates 8000-3201-39

United Kingdom 0800 318 405

United States 800-963-8442

Vietnam 1-201-0288

800-613-9679

Zambia 120-32-518

122-80-160

 Global Ethics Helpline Numbers* *Numbers subject to change 

Page 37: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

Panghuling PagtatatwaAng Pahayag tungkol sa Etika na ito ay nagbibigay ng panimula sa mga responsibilidad ng lahat ng associate, kasama ang isang paglalarawan sa kabuuan ng mga partikular na mahalagang patakaran . Ito ay mahalagang bahagi ng iyong pagtatrabaho sa Walmart; gayunpaman, hindi ito inilaan upang bumuo ng hayagan o pahiwatig na kontrata ng pagtatrabaho mismo . Hindi rin nito isinasama ang lahat ng naaangkop na patakaran ng kompanya . Isa pa, ang mga patakaran ng Walmart ay maaaring baguhin ayon sa aming sariling kagustuhan, nang walang abiso, anumang oras . Ang pagtatrabaho sa Walmart ay kusang-loob — kung saan pinahihintulutan ng batas — ibig sabihin ang mga associate ay malayang magbitiw anumang oras para sa anuman o kahit walang dahilan . Ang mga paglabag sa Pahayag tungkol sa Etika na ito ay maaaring magresulta sa pandisiplinang hakbang hanggang sa at kabilang ang pagkakatanggal sa trabaho .

Impormasyon kung paano Makikipag-ugnayan sa Global Ethics

Ang mga numero para sa international access ay maaaring magbago . Sumangguni sa walmartethics .com para sa pinakabagong access number ayon sa bansa kung nahihirapan kang tumawag .

Page 38: Pandaigdigang Pahayag tungkol sa Etika

37

Indise

Mga Isyu sa Accounting o Pag-audit (Tingnan ang Pampinansiyang Integridad) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21, 23

Tumpak na Bookkeeping (Tingnan ang Pampinansiyang Integridad) . . . . . . . . . . 21, 23

Sobrang Paggamit ng Alak at Droga . . 11, 16

Kontra-Katiwalian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24, 28

Pagrereport nang Di-Nagpapakilala . . . . . . . 8

Antitrust . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .20

Mga Responsibilidad ng Associate . . . . . . . . . 5

Pahintulot na Magtrabaho . . . . . . . . . . . 25, 29

Mga Pagbo-boycott . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21, 23

Panunuhol . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9, 24

Pangkomersiyong Panunuhol . . . . . . . . . 9, 24

Impormasyong Pang-kompetisyon . . . 26, 30

Kompidensiyal na Impormasyon . .26, 30, 31

Salungatan ng Interes . . . . . . . . . . . . .13, 17–19

Impormasyon para Makipag-ugnayan . 8, 33

Mga Karapatang-ari (Tingnan ang Pagprotekta sa Impormasyong Personal at Pang-negosyo) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .26

Diskriminasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . .11, 17, 25

Disiplina para sa Mga Paglabag . . . . . . . . . .6, 8

Paggamit ng Droga . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11, 16

Paglilibang . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .14, 15, 18

Responsibilidad Pangkapaligiran . .25, 29, 30

Patas na Pagkakataon sa Trabaho . . . . . . . . .11

Pagkontrol sa Pagluluwas . . . . . . . . . . . . . . . .27

Komunikasyong Panlabas (Tingnan ang Pahayag sa Media) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 27, 32

Bayad na Pampadulas . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .12

Patas na Kompetisyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . .20

Patas na Pagtrato . . . . . . . . . . . . . . . . .11, 12, 17

Pamilya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .15

Pampinansiyang Integridad . . . . . . . . 9, 21, 23

Pandaraya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9, 20, 25, 29

Mga Kaibigan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14, 15

Regalo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14, 15, 18, 28

Kontrata at Pagtatanong Pampamahalaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .27

Kostumer sa Pamahalaan (Tingnan ang Kontrata at Pagtatanong Pampamahalaan) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .27

Opisyal ng Pamahalaan . . . . . . . . . . . . . . 24, 28

Gratuities . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14, 15, 18, 19

Panghaharas . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7, 11, 12, 17

Kalusugan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25, 29

Helpline . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8, 10, 33-35, 36

Ilegal na Gawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .5, 9

Alegasyon ng Dapat I-report Kaagad . . . . . . 9

Imigrasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .25

Batas sa Pag-aangkat (Tingnan ang Pandaigdigang Pangangalakal) . . . . . . . 27, 32

Di-naaangkop na Kilos . . . . . . . . . . . . . . . 12, 17

Impormasyong Panloob . . . . . . . . . . . . . . 21, 23

Pangangalakal ng Tagaloob . . . . . . . . . . 21, 23

Sinasadyang Kawalang-katapatan . . . . 20, 23

Pandaigdigang Pangangalakal . . . . . . . 27, 32

Pag-iimbestiga . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .6, 7

Pamumuhunan sa mga Kakumpitensiya o Supplier . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .13

Pagla-lobby (Tingnan ang Gawaing Pampulitika) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 27, 31

Lokal na Batas . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3

Responsibilidad ng Pamatnugutan . . . . . . . . 6

Pagkain, Pagtanggap/Pag-aalok (Tingnan ang Regalo at Paglilibang) . . . . . . . . . . . . 14, 19

Pahayag sa Media . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 27, 32

Money Laundering . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25, 29

Pag-aalok ng Regalo at Paglilibang . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14, 15, 18, 28

Pagkapribado sa Internet . . . . . . . . . . . . . 26, 31

Opinyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7

Pagtatrabaho sa Labas . . . . . . . . . . . . . . . . . . .13

Kabayaran para sa Pagtatrabaho . . . . . . 12, 17

Personal na Paggamit ng mga Pamamaraan ng Kompanya . . . . . . . . . . 15, 19

Gawaing Pampulitika . . . . . . . . . . . . . . . . 27, 31

Pagkapribado . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .15, 26, 30

Produkto at Kaligtasan . . . . . . . . . . . . . . . . . . .26

Impormasyong may Nagmamay-ari . . 26, 30

Tanong ukol sa Pahayag tungkol sa Etika . . . 3

Paglalabas ng mga Isyu . . . . . . . . . . . . . . . . .7, 8

Pagrereport ng mga Paglabag . . . . . . . . . . .8, 9

Mahigpit na Patakaran sa Pangangalakal . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21, 23

Paghihiganti . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8, 10

Kaligtasan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .25, 26, 29

Sekswal na Panghaharas . . . . . . . . . . . . . 11, 12

Supplier . . . . . . . . . . . .14, 15, 17–19, 23, 30, 32

Kahina-hinalang Transaksiyon . . . . . . . . 25, 29

Sikretong Pangkalakal . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .26

Karahasan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .12

Batas sa Sahod at Oras . . . . . . . . . . . . . . . 12, 17

Mga Waiver . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9