9
PAGPIHIT SA MGA PUSO SA HULING PANAHON Liksyon 13 para sa ika-29 ng Hunyo, 2019

PAGPIHIT SA MGA PUSO SA HULING PANAHON - fustero.es Ang unang hakbang ni Elias ay anyayahan ang mga taong lumapit sa kanya. Inaanyayahan din tayo ni Jesus na lumapit sa Kanya (Mateo

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

PAGPIHIT SA MGA PUSO SA HULING PANAHON

Liksyon 13 para sa ika-29 ng Hunyo, 2019

Isang hula tungkol sa pagkakasundo: Malakias 4:5-6

Isang huwaran ng pagkakasundo: Elias

Si Elias at pamilya (1 Hari 17)

Si Elias at ang Iglesia (1 Hari 18)

Ang kaganapan ng hula: Juan Bautista

Pagkakasundo sa Huling Panahon: Ang kasalukuyang Elias

“Bago dumating ang kaarawan ng Panginoon” si Elias ay pasimbolongdarating upang pagkasunduin angmga magulang sa kanilang mga anak.

May mga taong tinawagan upanggampanan ang misyon ni Elias bagpoang Ikalawang Pagparito ni Jesus.

Paano pinag-ayos ni Elias ang mgapamilya? Paano ito ginawa ni Juan Bautista? Paano natin ito gagawinngayon?

Mayroong ilang dimensyon tungo sa pagkakasundo sa hulang ito:

• Pinapatawad ng Dios ang Kanyang mga anak at hinihimok silang lumapit sa Kanya (Micas 7:18-19; Isaias 44:22)

• Pagtatalaga sa tipanan ng ating mga ninuno sa Dios (Deuteronomio 4:29-31)

• Pagpapanumbalik ng kapayapaan at pag-uunawaansa loob ng pamilya (Kawikaan 4:3-4)

Tinawag si Elias upang ikondina ang sitwasyongiyon, at kinailangan niyang tumakas at iligtasang kanyang buhay.

Nang lumala ang tagtuyot, pinakilala siya sa balo na nagpatuloy sa kanya.

Matibay ang pananampalataya niya (Lucas 4:26), ngunit inisip niya na ang pagkamatay ng kanyang anak ay bunga ng sarili niyang mgakasalanan (Micas 6:7).

Kayang ibalik ng Kapangyarihan ng Dios ang pamilya, at bumangon muli sa kanilang mga puso ang pananampalataya sa Dios at sa Biblia.

Tinalikuran ng kaharian ng Israel angDios. Pinalitan nila ang mga aral ng makabagong pag-aasawa, ang pamilyaat malusog na sekswalidad ng mgakagawiang humihikayat ng prostitusyon, incest at sekswal na kabuktutan.

“At sinabi ni Elias sa buong bayan, Lumapit kayo sa akin; at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya. At kaniyanginayos ang dambana ng Panginoon na nabagsak.”(1 Hari 18:30)

Ang unang hakbang ni Elias ay anyayahan ang mga taonglumapit sa kanya. Inaanyayahan din tayo ni Jesus na lumapitsa Kanya (Mateo 11:28).

Ikalawa, inayos niya ang dambana. May mga dambana bang dapat maibalik sa iyong buhay? Kamusta ang iyongpampamilyang dambana?

Sa huli ay napagkasundoang mga tao sa

Dios, at bumuhos ang

mga pagpapala.

Sa huli, bumaba ang apoy sa oras ng paghahandog sa hapon. Hindi bumaba angapoy sa mga makasalanan, ngunit sa alay [Jesús]. Ang mga tao [ang Iglesia] ay nagpuri at tinalikuran ang kasalanan [kaya pinatay ang mga bulaang propeta].

“At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya'ysi Elias na paririto.”

(Mateo 11:14)

Tinupad ni Juan ang kanyangmisyon sa pagpapanumbalik sapangangaral ng dalawang prinsipyo:

1. Pagsisisi (Mateo 3:1-2)

2. Pagbabago ng ugali (Mateo 3:8)

Pinangunahan ni Juan ang mgataong maipagkasundo muna saDios. At sa Kanyang tulong, ay hanapinang kabanalan (gaya ng alam ng kanilang ninuno).

Kung mababago ang ating ugali, magiging magkasundo din tayo saiba.

Ganito inihanda ni Juan ang ibaupang tanggapin ang Tagapagligtas. Napakamatagumpay niya namismong ang mga alagad niya ay iniwan siya upang sumunod kay Jesus (Juan 1:35-37).

“At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukhana may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upangpapagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama samga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sakarunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan angPanginoon ng isang bayang nahahanda.”(Lucas 1:17)

Ang ating Ama sa langit ay pinabalik sa Kanya ang mga pusong Kanyang mga anak at pinabalik ang mga puso ng Kanyangmga anak sa isa’t-isa sa pamamagitan ng Krus ni Kristo. At ibinigay Niya ang paglilingkod ng pagpapanumbalik sa atin (2 Corinto 5:18).

Dapat nating ihanda angmga tao na sumalubongkay Jesus sa Ikalawa Niyang Pagdating.

Hindi maibibigay ang mensaheng ito kung hindiisasakabuhayan ng mga mensahero.

Ang pinakamakapangyarihang patotoo ay isangpersonal at pampamilyang buhay nanagpapakita ng pagsisisi, tunay na pagbabago, pag-ibig at tunay na pagkalinga sa iba.

“Kung bilang mga tao ay tumutugma ang ating mga

gawa sa ating propesyon, mas marami pa tayong

magagawa kaysa ngayon. Kung meron tayong mga

taong kasingdeboto ni Elias, at may

pananampalatayang gaya niya, makikita natin na

magpapahayag ang Dios sa atin gaya ng ginawa Niya

sa mga banal noong una. Kung may mga tao tayo,

alam ang kanilang mga kahinaan, ay magsusumamo

sa Dios na may masidhing pananampalataya gaya ni

Jacob, ay makakakita tayo ng parehong resulta.

Darating ang kapangyarihan ng Dios sa tao upang

tugunin ang panalangin ng pananampalataya. […]

Dapat tayong magkaroon ng bagong paglilingkod,

at makikita natin ang liwanag ng Dios at ang

Kanyang kapangyarihang tumutulong sa ating mga

pagsisikap.”

E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 4, p. 402)

“Ngayon, sa espiritu at kapangyarihan ni Elias at ni

Juan Bautista, tinatawagan ng mga mensaherong

itinalaga ng Dios ang mundong malapit nang

hukuman na pansinin ang mga pangyayaring may

kinalaman sa pagsarado ng pintuan ng awa at ang

paghayag ni Kristo Jesus bilang Hari ng mga hari at

Panginoon ng mga panginoon. Malapit nang

hukuman ang bawat tao sa mga gawang ginawa sa

katawan. Dumating na ang oras ng paghuhukom ng

Dios, at sa mga kaanib ng Kanyang iglesia sa lupa

nakaatang ang tungkulin upang bigyan ng babala ang

mga nakatayo sa bingit ng walang hanggang

pagkasira. Dapat pasimplehin ng bawat taong

magpapaunawa ang mga prinsipyong nakataya sa

malaking tungalian, mga prinsipyo na kung saan

nakabatay ang kahihinantnan ng lahat ng tao.”

E.G.W. (Prophets and Kings, cp. 59, p. 716)