7
E P P 5 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS PAMAMARAAN SA PAG-AALAGA NG MANOK Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Pagaalaga Ng Manok

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Para sa mahihilig maghayupan ang dokumentong ito

Citation preview

  • E P P

    5

    Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

    Distance Education for Elementary Schools

    SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

    PAMAMARAAN SA PAG-AALAGA NG MANOK

    Department of Education

    BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

  • Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

    DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

    in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

    This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

    Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

  • 1

    PAMAMARAAN SA PAG-AALAGA NG MANOK

    ALAMIN MO

    Lubos tayong nasisiyahan sa pag-aalaga ng manok kung nakikita natin na silay malusog at mataba. May mga pamamaraan sa pag-aalaga ng mga manok at kauri nito, gayundin kailangan na alam mo ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok. Malalaman mo sa modyul na ito ang mga pamamaraan at mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok.

    PAGBALIK-ARALAN MO

    Pahulaan: Isulat ang sagot sa puwang _______ 1. Ito ayyari sa kawayan, nipa o kugon ang bubong na

    pinaglalagyan ng alagang manok. Ano ito? _______ 2. Ang tawag sa ipinakakain sa manok ay ano? _______ 3. Ako ang lahi ng manok na patabain at puwede ring awing

    pagkain. _______ 4. Ako ay nagbibigay ng karne at itlog. Ano ako? _______ 5. Ako ang pinakakilalang uri ng manok s aproduksiyon ng itlog.

    Ano ako? (Sagot) (1) kulungan (2) patuka (3) broiler (4) manok (5) white

  • 2

    PAG-ARALAN MO

    Basahin ang sulat ni Mang Bernardo sa kanyang pamangkin tungkol sa pamamaraan sa pag-aalaga ng mga manok.

    Agosto 27, 2004 Mahal kong Lito,

    Natanggap ko ang liham mo kahapon at nakikiusap ka na tulungan kita sa mga pamamaraan sa pag-aalaga ng mga manok gayundin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan. Narito ang mga pamamaraan na dapat mong gawin.

    1. Itayo ang kulungan ng manok sa nasisikatan ng araw at

    mayroong mga punongkahoy. 2. Malamig at presko ang kailangan na kulungan. 3. Bigyan ng inumin at patuka ang mga manok araw-araw. 4. Bigyan ng bitamina at mineral upang maging mabilis ang

    paglaki. 5. Linisin ang kanilang kulangan araw-araw. 6. Alisin ang dumi ng manok at patuyuin sa sikat ng araw upang

    magamit na pataba.

    Sa mga panuntunang pangkaligtasanat pangkalusugan ay ito ang mga dapat mong isaalang-alang o gawin. Ang lugar na pagtatayuan ng kulungan ay kailangang malayo sa bahay ng ilang metro. Lagyan mo ng kanal na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan upang manatiling tuyo ang lugar na kinatatayuan. Bigyan sila ng gamut na pangontra sa sakit. Bigyan mo ng bitamina upang lumusog at kailangang malinis ang tirahan upang maligtas sa sakit at peste. Sana ay maisagawa mong lahat ang mga sinulat ko upang maging matagumpay ka sa iyong gagawing proyekto na pag-aalaga ng manok. Nagmamahal, Tiyo Bernardo

  • 3

    Matapos mong mabasa ang liham ni Mang Bernardo kay Lito ay inaasahan na

    magkaroon ka rin ng mga kaalaman sa pamamaraan ng pag-aalaga gayundin sa mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan.

    SUBUKIN MO

    A. Panuto: Sagutan ang mga puwang. Isulat sa isang papel.

    1. Itayo ang kulungan ng manok sa nasisikatan ng _____ at mayroong mga punongkahaoy.

    2. Bigyan ng inumin at _____ ang mga manok araw-araw. 3. Linisin ang kanilang _____ araw-araw. 4. Lagyan ng _____ na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan. 5. Bigyan ang mga manok ng _____ na pangontra sa _____ at _____

    upang maging malusog ang mga manok.

    B. Suriin ang puzzle na nasa ibaba. Hanapin at bilugan ang mga salitang kasing kahulugan ng salitang may guhit.

  • 4

    1. Itayo ang bahay sa nasisikatan ng araw. 2. Bigyan ng malinis na inumin ang mga alagang manok. 3. Lagyan ng hukay ang paligid ng kulungan ng manok.

    TANDAAN MO

    Sundin ang mga wastong pamamaraan at mga pangkalusugan at tuntuning pangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok at kauri nito.

    ISAPUSO MO

    A. 1. Bakit kailangang sundin ang mga wastong pamamaraan at panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng

    mga manok. 2. Ano ang makukuha mo kung sundin ang mga pamamaraan sa pag- aalaga nito. 3. Bakit kailangan pahalagahan ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok?

    GAWIN MO

    A. - Gumuhit ng isang kulungan ng mga manok. - Ipakita ang lalagyan ng patuka at inuman. - Kulayan ito at lagyan ng pamagat. - Ipakita sa guro upang mabigyan ng puna.

    B. Tumulong ka sa paglilinis ng isang poultry house. Mag-ulat tungkol sa iyong mga ginawa.

  • 5

    PAGTATAYA

    A. Pumunta sa isang poultry sa inyong barangay. Itanong sa tagapag-alaga kung paano ang paraan ng pag-aalaga, gayundin ang mga gawaing pangkalusugan at pangkaligtasan. Itala ang mga ito. Paghambingin ang iyong tala sa nabasa mong modyul. Isulat ang mga pagkakaiba.

    B. Kung may kakilala kang nag-aalaga ng mga manok na sasabungin itanong mo kung paano ang paraan ng pag-aalaga nito. Itanong mo kung nananalo o natalo. Anong bitamina ang ibinibigay upang maging malusog ito? Itala ang pangalan ng mga bitamina. Mag-ulat sa guro pagpasok sa paaralan. Kung magagawa mo ito ay maaari ka nang gumamit nang susunod na modyul. Binabati kita kung makapag-uulat ka tungkol sa modyul na ito.

    Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.