4
' I" . ,.f I ·~ y"'"J(~ vi'' -C\~ Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-APATNAPU'T SIYAM NA PANGKARANIW ANG PULONG NG SANGGUNIANG BAY AN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG MARTES, IKA-28 NG DISYEMBRE, 1999 SA METROGATE SUBDMSION, BARANGAY TAGAPO, SANTA ROSA, LAGUNA. MgaDumalo: 1. Kgg . 0 . RAMONL. LIJAUCO 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 4. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 5. Kgg. GIOVANNI T. BUSTAMANTE 6. Kgg. ERIC T. PUZON 7. Kgg. PETRONIO C. F ACTORIZA 8. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 9. Kgg. RAUL P. AALA 10. Kgg. ROMEO P .- AALA *************** - Pang. Punong-bayan-Namuno - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong- Barangay - Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan KAUTUSANG BA YAN BLG. 915-'99 (Sa mungkahi ni Kag. Algabre na pinangalawahan ni Kag. Bustamante) ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAGPAPATIBAY SA KAUTUSANG BARANGAY BLG. 005-'99 NG SANGGUNIANG BARANGAY NG DILA NA NAGSASAAD TULAD NG SUMUSUNOD: KAUTUSANG BARANGAY BLG. 005-'99 ANG KAUTUSANG BARANGAY NA SUMSUSUSOG SA KAUTUSANG BARANGAY BLG. 002-'99 HINGGIL SA PAGPAPATUPAD NG CURFEW HOUR SA MGA KABATAAN HINDI LALAMP AS SA LABING PITONG (17) TAONG GULANG NA NAGBABAWAL SA PAGGALA NILA SA LANSANGAN NG BARANGAY MULA ALAS ONSE (11 :00 P.M.) NG GABI HANGGANG ALAS KUWATRO (4:00 AM.) NG MADALING ARAW. Sa kalagayang, laganap ang kriminalidad sa mga lansangan lalo sa mga alanganing oras ng gabi at nais ng pamahalaan at ng mga magulang na maiiwas ang mga ito sa anumang kapinsalaan; Sa kalagayang, marami sa mga kabataang naglipana sa lansangan ay kalimitang biktima ng mga ipinagbabawal na gamot at/o makasagap ng masamang impluwensiya kapag hinayaang gumala ng alangang oras ng gabi o madaling araw; Sa kalagayang, sa pamamagitan ng petisyon ng · mga mamamayan ng Barangay Dila na humiling na magpatupad ng CURFEW HOUR sa mga kabataang may labing pitong (17) taong gulang pababa;

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/915-1999.pdf · Sa kalagayang, marami sa mga kabataang naglipana sa lansangan ay kalimitang

  • Upload
    others

  • View
    23

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/915-1999.pdf · Sa kalagayang, marami sa mga kabataang naglipana sa lansangan ay kalimitang

' I"

. ,.f ~ ~~\

I ·~ y"'"J(~ vi''

-C\~ ~

Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-APATNAPU'T SIYAM NA P ANGKARANIW ANG PULONG NG SANGGUNIANG BAY AN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG MARTES, IKA-28 NG DISYEMBRE, 1999 SA METROGATE SUBDMSION, BARANGAY TAGAPO, SANTA ROSA, LAGUNA.

MgaDumalo:

1. Kgg. 0 . RAMONL. LIJAUCO 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 4. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 5. Kgg. GIOVANNI T. BUSTAMANTE 6. Kgg. ERIC T. PUZON 7. Kgg. PETRONIO C. F ACTORIZA 8. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 9. Kgg. RAUL P. AALA

10. Kgg. ROMEO P.- AALA

***************

- Pang. Punong-bayan-Namuno - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

Samahan ng mga Punong­Barangay

- Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan

KAUTUSANG BA YAN BLG. 915-'99 (Sa mungkahi ni Kag. Algabre na pinangalawahan

ni Kag. Bustamante)

ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAGPAPATIBAY SA KAUTUSANG BARANGAY BLG. 005-'99 NG SANGGUNIANG BARANGAY NG DILA NA NAGSASAAD TULAD NG SUMUSUNOD:

KAUTUSANG BARANGAY BLG. 005-'99 ANG KAUTUSANG BARANGAY NA SUMSUSUSOG SA KAUTUSANG BARANGAY BLG. 002- '99 HINGGIL SA PAGPAPATUPAD NG CURFEW HOUR SA MGA KABAT AAN HINDI LALAMP AS SA LABING PITONG (17) TAONG GULANG NA NAGBABAWAL SA PAGGALA NILA SA LANSANGAN NG BARANGA Y MULA ALAS ONSE (11 :00 P.M.) NG GABI HANGGANG ALAS KUWATRO (4:00 AM.) NG MADALING ARAW.

Sa kalagayang, laganap ang kriminalidad sa mga lansangan lalo sa mga alanganing oras ng gabi at nais ng pamahalaan at ng mga magulang na maiiwas ang mga ito sa anumang kapinsalaan;

Sa kalagayang, marami sa mga kabataang naglipana sa lansangan ay kalimitang biktima ng mga ipinagbabawal na gamot at/o makasagap ng masamang impluwensiya kapag hinayaang gumala ng alangang oras ng gabi o madaling araw;

Sa kalagayang, sa pamamagitan ng petisyon ng · mga mamamayan ng Barangay Dila na humiling na magpatupad ng CURFEW HOUR sa mga kabataang may labing pitong (17) taong gulang pababa;

Page 2: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/915-1999.pdf · Sa kalagayang, marami sa mga kabataang naglipana sa lansangan ay kalimitang

\ l~~

r- ..-...

Republic of the Philippines MUNiCIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-2-

Sa kalagayang, upang maipatupad ng mga nanunungk:ulan ang kanilang tungk:ulin sa pagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasak:upan ay kailangan na may batas o ordinansa silang dapat pagsandigan. ·

IPINASIY A tulad ng dito'y IPINASISIYA at ngayon nga ay IPINASISIY A ang pagbabawal sa mga kabataan may labing pitong (17) taong gulang pababa na gumagala sa lansangan ng barangay mula alas-onse (11:00 p:m.) ng gabi hanggang alas-k:uwatro (4:00 a.m.) ng madaling araw na itinatadhana na tutugon sa sumusunod na alituntunin:

ARTIKULO 1. MGA SAKLA W NG KAUTUSAN

SEKSIYON 1. Ang kautusang ito ay sumasaklaw sa mga kabataan hindi pa umaabot sa kanilang ikalabing walong taong gulang (18) na matatagpuan sa lansangan na sakop ng Barangay Dila na walang sulat o pahintulot ng magulang o matibay na kadahilanan.

SEKSIYON 2. Ang CURFEW na paiiralin ay magmula ika-labing isa (11:00) ng gabi hanggang ika-apat (4:00) ng madaling araw sa lahat ng araw maliban lamang sa mga araw ng gabi ng mga patay, bisperas ng Pasko, bisperas ng Bagong Taon, bisperas ng Piyesta ng Bayan/Barangay at/o k:ung may okasyon na isinasagawa ang Barangay na lalagpas sa itinanim na CURFEW HOUR.

ARTIKULO 2. MGA ALITUNTUNIN SA PAGPAPATUPAD

SEKSIYON 1. Ang lahat ng mga kabataang saklaw ng kautusang ito na matatagpuan ng Barangay Tanod, mga kagawad, kawani at mga kinauuk:ulang itatalaga ng pamahalaang barangay sa lansangan o labas ng bak:uran ay kailangan na dalhin sa Punong Himpilan ng Barangay at dito 'y itatalaga sa logbook ang kanilang pangalan, mga magulang o kaanak at ang sirk:umstansiya ng pagkakak:uha sa kanila.

SEKSIYON 2. a). Ang mga magulang ng .mga batang naninirahan sa barangay na lumabag sa itinakdang "CURFEW HOUR" ay ipapatawag kaagad upang malaman nito na ang kanilang anak ay nasa himpilan ng barangay at nasa pangangalaga ng barangay. Sa kalagayang walang tao sa kanilang tirahan, ito ay ipagbibilin ng mga tauhan ng barangay sa kalapit bahay na kailangan na sunduin ang kanilang anak sa himpilan ng barangay. Sa kalagayang dumating na ang umaga at hindi pa sinusundo ng mga magulang o kaanak ang nasabing bata ito ay isusulit sa tanggapan ng MSWD upang gumawa ng hakbangin sa mga batang maaaring pinabayaan na ng mga magulang.

Page 3: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/915-1999.pdf · Sa kalagayang, marami sa mga kabataang naglipana sa lansangan ay kalimitang

,~

~

~

-~

Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-3-

b). Sa kalagayang ang batang nahuli na lumabag sa "CURFEW HOUR" ay naninirahan sa ibang Barangay o bayan ay itatalaga ang pangalan nito sa punong himpilan ng Barangay, at pagsapit ng ika-9 ng umaga ay isusulit ito sa tanggapan ng MSWD o Himpilan ng Pulisya para sa kaukulang pakikipag­ugnayan at/o ligal na hakbangin.

ARTIKULO 3. MGA KAPARUSAHAN

SEKSIYON 1. Ang lahat ng pataw na kaparusahan sa kautusang ito ay upang pairalin lamang ang disiplina at maging aral sa mga bata at magulang. Hindi ito isang kaparusahan sa krimen dahilan sa murang edad ng mga batang nabanggit.

a. Sa mga batang naninirahan sa barangay at nahuling lumabag sa CURFEW HOUR.

Unang Paglabag Pangalawang Paglabag

lkatlong Paglabag

Ika-apat na Paglabag

Ika-limang Paglabag

Paulit-ulit na Paglabag

- verbal reprimand sa magulang at anak - multa na halagang P 100. 00 at community

service na 2 oras - multa na halagang P200.00 at community

service na 4 oras - multa na halagang P300.00 at community

service na 6 oras - multa na halagang P500.00 at community

service na 8 oras · - multa na halagang P 1,000.00 at

community service na 10 oras

Dito'y nagkaisa na ang serbisyong pangkomunidad ay nangangahulugan ng paglilinis at pagwawalis ng lansangan, mga gusali ng barangay at paaralang pampubliko.

Ang bata na magsasagawa ng serbisyong pangkomunidad ay kailangang ihatid ng magulang sa punong himpilan ng barangay o sa lugar ng pagseserbisyuhan.

Ang hindi pagtupad ng bata o magulang sa serbisyong pangkomunidad ay papatawan ng karagdagang multa alinsunod sa antas ng kanyang paglabag.

b. Sa mga batang naninirahan sa ibang barangay/bayan at nahuling lumabag sa CURFFEW HOUR. lpatutupad dito ang isinasaad na batas sa Bagansya.

Page 4: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/915-1999.pdf · Sa kalagayang, marami sa mga kabataang naglipana sa lansangan ay kalimitang

.liw) Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-4-

ARTIKULO 4. PAG-IRAL

Ang Kautusang ito ay magkakabisa 30 araw matapos na mapagtibay ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa, Laguna.

BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBA Y.

PATOTOO:

Pinatotohanan:

(Lgd) 0. RAMON L. LIJAUCO Pangalawang Punong-bayan

Pinagtibay:

(Lgd) LEON C. ARCILLAS Punong-bayan

Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay sipi mula sa katitikan ng Ika-49 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa, Laguna noong Ika-28 ng Disyembre, 1999.

~al

CYN ~.GOMEZ P yang Kalihim