4
F ,-..... Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-LABING TATLONG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARA_W NG MIYERKOLES, IKA-10 NG ABRIL, 2002 SA BULWAGANG PULUNGAN NG PAMAHALAANG BA YAN. MgaDumalo: 1. Kgg. JOSE B. CATINDIG, Jr. 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. RAUL P. AALA 4. Kgg. ERIC T. PUZON 5. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 6. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. ARTURO M. TIONGCO 9. Kgg. ARTEMIO M. GOMEZ 10. Kgg. ROMEO P. AALA 11. Kgg. ARIES A. ALCABASA *************** - Pang. Punong-bayan, Namuno -Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong-barangay - Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan KAUTUSANG BAYAN BLG. 1147-2002 (Akda ni Kgg. LAUDEMER A. CARTA) (Magkasamang Iminungkahi ng Lupon ng Laws and Government at Lupon ng Youth & Sports Development) ANG KAUTUSANG BA YAN NA NAGBABAWAL NG PAGBEBENT Al PAGBIBILI NG SIGARlLYO AT IBA PANG TOBACCO PRODUCTS/ CIGARETTES PARAPHERNALIA SA MENOR DE EDAD O WALA PA SA HUSTONG GULANG (MINORS) SA BAYAN NG SANTA ROSA AT ANG PAGTATAKDA NG KAUKULANG KAPARUSAHAN SA SINUMANG LALABAG DITO. SAPAGKA'T, isa sa programa ng pamahalaan na nakasaad sa konstitusyon at sa Local Government Code of 1991, ay pangalagaan at bigyan ng pansin ang pisikal, moral, ispiritual, social at intelektwal ng ating mamamayan kasama ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente, partikular ang mga menor de edad (minors); · SAPAGKA 'T, ang ating bayan ay kinikilala sa buong Lalawigan ng Laguna sa pagiging agresibo at walang sawang pagpapaunlad ng pamayanan at ng mamamayan, lalo't higit ang pagpapabuti sa mga kabataang siyang magiging pag- asa sa hinaharap; ·-

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN - santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/2002/1147-2002.pdf · Kung sa anumang kadahilanan ang Kautusang Bayang ito

Embed Size (px)

Citation preview

F

,-.....

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-LABING TATLONG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARA_W NG MIYERKOLES, IKA-10 NG ABRIL, 2002 SA BULWAGANG PULUNGAN NG PAMAHALAANG BA YAN.

MgaDumalo:

1. Kgg. JOSE B. CATINDIG, Jr. 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. RAUL P. AALA 4. Kgg. ERIC T. PUZON 5. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 6. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. ARTURO M. TIONGCO 9. Kgg. ARTEMIO M. GOMEZ

10. Kgg. ROMEO P. AALA

11. Kgg. ARIES A. ALCABASA

***************

- Pang. Punong-bayan, Namuno -Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

Samahan ng mga Punong-barangay

- Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan

KAUTUSANG BAYAN BLG. 1147-2002 (Akda ni Kgg. LAUDEMER A. CART A)

(Magkasamang Iminungkahi ng Lupon ng Laws and Government at Lupon ng Youth & Sports Development)

ANG KAUTUSANG BA YAN NA NAGBABA WAL NG PAGBEBENT Al PAGBIBILI NG SIGARlLYO AT IBA PANG TOBACCO PRODUCTS/ CIGARETTES PARAPHERNALIA SA MENOR DE EDAD O WALA PA SA HUSTONG GULANG (MINORS) SA BAYAN NG SANTA ROSA AT ANG PAGTATAKDA NG KAUKULANG KAPARUSAHAN SA SINUMANG LALABAG DITO.

SAPAGKA'T, isa sa programa ng pamahalaan na nakasaad sa konstitusyon at sa Local Government Code of 1991, ay pangalagaan at bigyan ng pansin ang pisikal, moral, ispiritual, social at intelektwal ng ating mamamayan kasama ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente, partikular ang mga menor de edad (minors); ·

SAPAGKA'T, ang ating bayan ay kinikilala sa buong Lalawigan ng Laguna sa pagiging agresibo at walang sawang pagpapaunlad ng pamayanan at ng mamamayan, lalo't higit ang pagpapabuti sa mga kabataang siyang magiging pag­asa sa hinaharap;

·-

~

-

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

---

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-2-

SAP AGKA'T, sa "menor de edad" (minors) o wala pa sa hustong gulang, ang dagliang sakit pangkalusugan na dala ng paninigarilyo ay respiratory damage, addiction to nicotine at ang banta sa paggamit ng katulad nito; at ang patuloy na paggamit nito simula sa murang edad ay maaaring magdulot ng malalalang sakit tulad ng Lung Cancer, Tuberculosis, Bronchitis at iba pang sakit;

KAYA'T, sa pamamagitan ng isang mungkahing pinangalawahan ay:

IPINASISIY A, tulad ng dito 'y ginagawang P AGP AP ASIY A at ngayon nga ay IPINASIY A ang pagbabawal ng pagbebenta, pagbibili ng sigarilyo at iba pang tobacco products/cigarettes paraphernalia sa menor de edad (minors) sa bayan ng Santa Rosa at ang pagtatakda ng kaukulang kaparusahan sa sinumang lalabag dito na tutugon sa sumusunod na alituntunin:

SEKSYON 1. Ang pagbebenta, paglilipat or conveying, pagmamay-ari (possession) ng ·sigarilyo at cigarette praraphernalia sa menor de edad (minors) ay mahigpit na ipinagbabawal.

SEKSYON 2. KAHULUGAN NG MGA SALITA

A. Sigarilyo o Cigarettes Paraphernalia - cigar o sigarilyo, produkto ng ibang bansa o produkto sa ating bansa kasama ang tabako at mga dahon na galing sa ibang bansa o produkto ng ating bansa at mga papel (rolling paper) na kung saan ang mga dahon ay dito ibinabalot.

B. Nagtitinda (Seller) - ang mga taong nagbibigay sa mga customer para sa paglilipat ng pagmamay-ari (possession/ownership) ng sigarilyo at cigarette paraphernalia na kapalit ng salapi o iba pang bagay (kind).

K. Menor de Edad (Minors) - ang mga taong wala pang labing-walong (18) taong gulang.

SEKSYON 3. Ang mga kinauukulan na magbebenta, maglilipat (convey) ng pagmamay-ari ng sigarilyo at cigarette paraphernalia sa mga menor de edad (minors) ay papatawan ng pagmumulta at pansamantalang pagpapasara ng kanilang business establishments.

a. Unang Paglabag - Multang Dalawang Daang Piso (P200.00) b. Pangalawang Paglabag - Multang Limang Daang Piso (P500.00) k. Pangatlong Paglabag - Multang Isanlibong Piso (Pl ,000.00) at

. pansamantalang pagpapasara ng kanilang business establishment sa loob ng isang (1) linggo. ·

\

.,,-.....

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

--. .

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-3-

SEKSYON 4. PAGBIBIGAY KAPANGYARIHAN

Ang tanggapan ng Punong-bayan ay binibigyan ng kapangyarihan at karapatan na maglaan ng sapat na pondo at mga patakaran para sa implementasyon ng Kautusang Bayang ito.

SEKSYON 5. ANG MAGPAPATUPAD

Ang Tanggapan ng Municipal Social Welfare & Development Office ay binibigyan ng karapatan para sa monitoring ng pagpapatupad ng nasabing Kautusang Bayan. Ang business permit ang licensing office at Tanggapan ng Pulisya ang magpapatupad ng nasabing Kautusang Bayan.

SEKSYON 6. P AGHIHIWALA Y (Separability Clause)

Kung sa anumang kadahilanan ang Kautusang Bayang ito ay labag sa batas at walang bisa sa bahagi ng probisyon ng Kautusang Bayang ito ay ang ibang bahagi o probisyon nito na hindi naaapektuhan ay itutuloy at ipatutupad ng buong bisa at lakas.

SEKSYON 7. P AGKAKABAGO (Repealing Clause)

Ang lahat ng Kautusan at Resolusyon na kasama o bahagi ng Kautusan o Resolusyong ito na hindi naaangkop sa anumang probisyon ng Kautusang ito ay itinuturing na nabago na, naitama rin na baguhin sa tamang paraan.

SEKSYON 8. P AG-IRAL

Ang Kautusang Bayang ito ay magkakabisa at ipatutupad sa loob ng tatlong (3) linggo matapos mailathala sa pahayagan na may sirkulasyon sa buong bayan ng Santa Rosa at maipaskil sa lahat ng .hayag na lugal sa bayan ng Santa Rosa.

,"

,. .... ,

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-4-

IPINASIY A din na mapadalhan ng sipi ng Kautusang Bayang ito ang mga kinauukulang Punong-barangay/Kagawad/Tanod para sa kabatiran nito.

BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBA Y.

PATOTOO:

SE B. CATINDIG, Jr. ang.Punong-bayan

Pinagtibay:

LEO~ C. ARCILLAS Punon\g-bayan

Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay sipi mula sa katitikan ng Ika-13 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa, Laguna noong Ika-10 ng Abril, 2002.

{)J CYN_J;IA iJVI· GOMEZ

PaJb;yang Kalihim