4
Proportion o f household s with access to sanit ary toilet facili ties National Conference on CBMS September 23-24, 2004 Dusit Hotel Nikko Makati City, Philippines Session 4 Use of CBMS for Preparation of Development Plans and Socioeconomic Profiles Use of CBMS for Program Use of CBMS for Program Intervention at the Intervention at the Barangay Level: Barangay Level: The Case of Brgy. Kalamunding The Case of Brgy. Kalamunding By Punong Barangay Constancia Labios Barangay Kalamunding, Labo, Camarines Norte This conference is organized by the CBMS Network Coordinating Team of the Angelo King Institute for Economic and Business Studies with the aid of a grant from International Development Research Centre (IDRC), Ottawa, Canada.

National Conference on CBMS - pep-net.org · pambarangay dahil karamihan sa kanila ay napapag-aral na ng iba’t-ibang ahensya sa edukasyon na nanggaling sa pamahalaan lokal. Nakatulong

  • Upload
    others

  • View
    17

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Proportion of households withaccess to sanitary toilet facilities

National Conference on CBMS

September 23-24, 2004Dusit Hotel NikkoMakati City, Philippines

Session 4Use of CBMS for Preparation of Development

Plans and Socioeconomic Profiles

Use of CBMS for ProgramUse of CBMS for ProgramIntervention at theIntervention at the

Barangay Level:Barangay Level:The Case of Brgy. KalamundingThe Case of Brgy. Kalamunding

By Punong Barangay Constancia LabiosBarangay Kalamunding, Labo, Camarines Norte

This conference is organized by the CBMS Network Coordinating Team of the Angelo King Institute for Economic and Business Studieswith the aid of a grant from International Development Research Centre (IDRC), Ottawa, Canada.

Mga kapakinabangan sa pagkakaroon ng

Micro Impacts of Macroecnomic Adjustment Policies- Community Based Monitoring System

(MIMAP-CBMS)

A. KALUSUGAN AT NUTRISYON Bumaba ang porsyento ng sambahayan na hindi nkakakain ng tatlong bese sa

isang araw. Ito ay epekto ng pagkakaroon ng trabaho o karagdagang kita ng isang ama o pamilya na dati ay walang nagtratrabaho kahit isa man sa sambahayan ang pagkakaroon ng kita o trabaho.

Nakapagbuo ng isang organisasyon ng TASK FORCE CLEAN and GREEN sa

Brgy. Kalamunding gayundin ang HEALTH PATROL na pinamumunuan ng Punong Barangay at mga nakatalagang Barangay Kagawad ng barangay.

SA kasulukuyan, ang porsyento ng mga malnourished sa barangay ay patuloy na

bumababa ang bilang dahil sa programang inilunsad ng Sang. Barangay para sa mga kabataan ang pagbibigay ng “Supplemental Feeding” at ang mga magulang na dati ay hindi naasikaso ang kanilang mga anak ngayon ay binabantayan na nila ito. Ang naging epekto nito sa mga batang edad 0-5 taong gulang ay naging normal na ang kanilang timbang at pangangatawan.

Tumaas ang bilang ng mga batang nag-aaral sa Camia Day Care ng barangay.

Nagkaroon ng Health Center ang barangay na nagkakahalagang Php300,000.00 sa pamamagitan ng tulong pinansyal ni Kinatawan ng Panlalawigan Kagalanggalang Renato “Jojo” Unico Jr.

B. TUBIG AT KALINISAN May pinagkukunan ng ligtas na inumin na ang isang daan porsyento malinis at ligtas na inumin ang barangay. Sa kalinisan, bumaba na ang porsyento ng sambahayan na walang maayos na palikuran. Sila ay nakapamigay ng mga “toilet bowl” sa sambahayan mula sa Sangguniang Bayan na pinamumunuan ng Punong Bayan at Sangguniang Bayan. Nakapagsumite rin ang isang REsolusyon at Kautusan para sa kalinisan ng barangay upang maipagpatuloy ang programa ng kalinisan.

K. EDUKASYON AT KARUNUNGAN Ang karamihan sa mga sambahayan ay hindi nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral lalo’t higit sa pagkakataong mapasali sa mga programang pambayan at pambarangay dahil karamihan sa kanila ay napapag-aral na ng iba’t-ibang ahensya sa edukasyon na nanggaling sa pamahalaan lokal. Nakatulong din sila sa barangay. Ang programang ito upang lumakas ang kooperasyon ng mga kabataan sa SK at sa barangay. Bumaba ang bilang nga mga kabataan hindi marunong bumasa at sumulat sa tulong ng LITERACY TRAINING SERVICE (LTS) ganondin ang mga matanda na hindi rin marunong bumasa at sumulat. D. KITA AT HANAPBUHAY Malaki ang porsyento ng walang maayos na trabaho o hanapbuhay. Ito ay dahilan upang ang Sangguniang Barangay ay magkaroon ng isang programa kung paano mabibigyan ng hanapbuhay ang sambahayan sa tulong din ng Pamahalaang lokal at iba pang mga ahensya. Taong 2003, nagkaroon ng programa ang Pangulong Glora Macapagal-Arroyo. Siya ay naglunsad ng isang programa KALSADA NATIN, AALAGAAN NATIN. Nabigyan din ng pagkakataon ang ilan sambahayan na makapagtrabaho kung kaya’t nabawasan ang pamilya na walang kinikita at ang iba naman ay nagkakaroon din ng kita sa tulong ng livelihood program/trainings at ito ay napakinabangan nila dahil sa kanilang sipag at tiyaga. Isang tulong ito upang ang porsyento ay bumaba ang mga walang hanapbuhay sa barangay at tumaas naman ang bilang ng mga may hanapbuhay. E. KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN Ayon sa naging sarbey, ang barangay ay nagkaroon ng samabahayan na naging biktima ng pagnanakaw at ang pangkaraniwang naiulat sa barangay ay ang kaunting sigalutan/pagkaabala ng hindi pagbabayad ng utang, ngunit mangilang-ngilan na lamang ang biktima ng nakawan at naaabala sa pagbabayad ng utang na idinudulog sa Tanggapan ng Lupon Chairman. MGA PROGRAMA/PROYEKTO NAISAGAWA SA BARANGAY

1. Pagkakaroon ng kooperatiba sa barangay 2. Pagpapatupad ng Task Force Clean and Green, Health Patrol at “Tapat ko, Linis

ko Program. 3. Mga sambahayan na nakibahagi sa programa para sa karagdagang pagpapakain.

4. Mga sambahayang nakinabang sa tulong pagpapa-aral ng barangay/gobyerno sa kolehiyo at secondary.

5. Mga sambahayan na nakinabang sa programang pagpapautang. 6. NAbigyang libreng pabahay ang ilang squatters sa barangay at nagkaroon ng

sariling “Health Center” ang barangay.

Mula ng magkaroon ng MIMAP-CBMS dito sa barnagay ay naging malaki ang tulong nilo sa mga mamamarangay.

Ang gawaing ito ay isang paraan na madaling makita ang tunay na kalagayan ng

isang pamayanan ng sa gayon ay madali ring matugunan at mabigyan ng solusyon ang mga suliranin upang maiangat ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.

Nakatulong din ito sa pagkuha at pagbibigay ng data o impormasyon sa

kakailanganin sa mga mag-aaral (thesis, at educational research) upang sila ay magkaroon ng madali at maagap na pagsumite ng kanilang mga proyekto sa paaralan o sa mga opisina sa ginagawang batayan para sa ibang barangay.

Nakatulong din ito upang ang barangay ay makatanggap ng award buhat sa

mataas na pamunuan ito ay ang:

1. CHILD-FRIENDLY BARANGAY AWARDEE (2ND PLACE, MUNICIPAL WINNER)

2. KATARUNGANG PAMBARANGAY (MUNICIPAL WINNER) 3. KATARUNGANG PAMBARANGAY (CY 2004 REGIONAL WINNER at sa

kasalukuyan nakikipagkompetensya pa sa National Evaluation) Inihanda ni: Edna Villaflores Brgy. Kalihim Hon. Constancia O. Labios Punong Barangay