If you can't read please download the document
Upload
buithu
View
363
Download
19
Embed Size (px)
Citation preview
KapagKapagNamatayNamatayang Iyongang Iyong
Minamahal...Minamahal...
1994, 2000, 2005Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
Kapag Namatay ang Iyong MinamahalMga Tagapaglathala
Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.Brooklyn, New York, U.S.A.Inilimbag Oktubre 2014
Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ngpambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan
ng kusang-loob na mga donasyon.Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang New World Translation
of the Holy ScripturesWith References.When Someone You Love Dies
Tagalog (we-TG)Made in JapanGawa sa Japan
Hindi Totoo Iyan!PAHINA 3
Normal Bang Makadama Nang Ganito?PAHINA 7
Papaano Ko Mapagtitiisan ang AkingPagdadalamhati?
PAHINA 14
Papaano Makatutulong ang Iba?PAHINA 20
Isang Tiyak na Pag-asa Para samga PatayPAHINA 26
Natulog na ba sa kamatayan angiyong minamahal?
Nagdadalamhati ka pa bahanggang ngayon?
Kailangan mo ba ng tulong sapagharap sa iyong pagdadalamhati?
May pag-asa ba ang mga patay?
Kung mayroon, ano iyon?
Papaano tayo makatitiyak?
Sa brosyur na ito, ang gayong mga tanong aymabibigyan ng nakaaaliw na mga sagot mula sa Bibliya.
Inaanyayahan ka naming basahin itong mabuti.
Hindi Totoo Iyan!ISANG lalaking taga-New York (E.U.A.) angnagkukuwento: Ang aking anak na lalaking si
Jonathan ay dumalaw sa mga kaibigan na mgailang milya ang layo. Ang aking asawa, si Valentina, ay ayaw puma-
yag na pumunta siya roon. Siyay palaging ninenerbiyos dahil sa
trapik. Subalit gustung-gusto ni Jonathan ang elektroniks, at ang
kaniyang mga kaibigan ay may talyer na dooy maaari siyang ma-
kagawa ng aktuwal na pagsasanay. Akoy
nasa bahay sa kanluran ng Manhattan, New
York. Wala ang aking asawa at dinadalaw
ang kaniyang pamilya sa Puerto Rico. Dara-
ting na si Jonathan, naisip ko. Pagkatapos
ay may tumimbre sa pinto. Tiyak na siya na
iyan. Hindi pala. Iyon ay ang pulis at mga
paramediko. Kilala po ba ninyo ang lisensi-
yang ito sa pagmamaneho? tanong ng opi-
syal ng pulisya. Oo, sa anak ko yan, kay Jonathan. May masama
kaming balita sa inyo. Nagkaroon ng aksidente, at . . . ang inyong
anak, . . . ang inyong anak ay patay na. Ang aking unang nadama
ay, Hindi totoo iyan! Ang nakapanghihilakbot na pangyayaring
iyan ang sumugat sa aming puso na hanggang ngayoy masakit pa
rin, kahit lumipas na ang mga taon.
Isang ama sa Barcelona (Espanya) ay sumulat: No-
ong mga taon ng 1960 sa Espanya, masaya ang aming
pamilya. Naroroon si Mara, ang aking asawa, at ang
aming tatlong anak, sina David, Paquito, at Isabel,
may edad na 13, 11, at 9 ayon sa pagkakasunud-
sunod.
Isang araw noong Marso 1963, umuwi si Paquito
mula sa paaralan na idinaraing ang napakatinding sa-
kit ng ulo. Naging palaisipan sa amin kung ano kaya
ang dahilanngunit saglit lamang. Pagkaraan ng tat-
long oras siyay binawian ng buhay. Cerebral hemor-
rhage ang biglang tumapos sa kaniyang buhay.
Nangyari ang pagkamatay na iyon ni Paquito 30
taon na ang nakalilipas. Gayunman, ang matinding
hapdi ng pagkaulilang iyon ay nananatili pa rin hang-
gang sa ngayon. Hindi maiiwasan na madama ng mga
magulang na nawalan ng anak na silay kulang na sa
kanilang ganang sariligaano mang katagal na pa-
nahon ang lumipas o gaano mang karami pa ang na-
ging anak nila.
May masama kaming balita sa inyo. Nagkaroon ng aksidente,
at . . . ang inyong anak, . . . ang inyong anak ay patay na.
4 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
Ang dalawang pangyayaring ito, kung saan ang
mga magulang ay nawalan ng mga anak, ay naglala-
rawan kung gaano kalalim at katagal ang nagiging su-
gat kapag namatayan ng isang anak. Gayon katotoo
ang sinabi ng isang doktor na sumulat: Ang pagkama-
tay ng isang bata ay karaniwan nang mas kalunus-
lunos at mas masakit kaysa kamatayan ng mas matan-
da sapagkat ang bata ang pinakahuli sa pamilya na
inaasahang mamamatay. . . . Ang pagkamatay ng si-
numang anak ay nangangahulugan ng pagkawala ng
mga pangarap sa kinabukasan, mga pagkakaugnayan
[anak, manugang, apo], mga karanasan . . . na hindi
pa natatamasa. At ang pagkadamang ito ng matin-
ding kawalan ay maaari ring ikapit sa sinumang ba-
bae na nawalan ng sanggol dahil sa pagkalaglag.
Isang nangungulilang asawang babae ang nagpapa-
liwanag: Ang aking asawa, si Russell, ay naglingkod
bilang katulong sa paggagamot sa lugar ng digmaan
sa Pasipiko noong Digmaang Pandaigdig II. Nasaksi-
han niya at naligtasan ang ilang nakapanghihilakbot
na mga digmaan. Nagbalik siya sa Estados Unidos at
sa isang mas tahimik na buhay. Pagkaraan ay nagling-
kod siya bilang isang ministro ng Salita ng Diyos. Nang
lampas na siya ng 60 nagsimula siyang makadama ng
mga sintoma ng sakit sa puso. Sinikap niyang maging
aktibo sa kaniyang buhay. Nang, isang araw noong
Hulyo 1988, inatake siya sa puso at namatay. Ang ka-
niyang pagkawala ay nakapanlulumo. Ni hindi man
lamang ako nakapagpaalam. Hindi lamang siya asawa
para sa akin. Siya ang aking pinakamatalik na kaibi-
gan. Nagsama kami sa loob ng 40 taon. Ngayon sa
wari koy dapat kong harapin ang isang di-pangkara-
niwang pangungulila.
Ang mga itoy ilan lamang sa libu-libong trahedya
na matinding dinaranas ng mga pamilya sa buong da-
igdig araw-araw. Gaya ng sasabihin sa iyo ng karami-
han ng mga taong nagdadalamhati, kapag namatayan
ka ng anak, asawa, magulang, kaibigan, tunay na iyon
na nga ang huling kaaway ayon sa tawag ng Kristi-
yanong manunulat na si Pablo. Karaniwan nang ang
unang natural na madarama hinggil sa nakasisindak
na balita ay ang bagay na di ito matanggap, Hindi
totoo iyan! Hindi ako naniniwala. Iba pang damda-
min ang madalas na kasunod, gaya ng ating makiki-
ta.1 Corinto 15:25, 26.
Gayunman, bago natin isaalang-alang ang pagka-
dama ng pangungulila, sagutin muna natin ang ilang
mahahalagang tanong. Ang kamatayan bay nanga-
ngahulugan ng katapusan ng taong iyon? May pag-asa
bang makita muli ang mga mahal natin sa buhay?
May Isang Tunay na Pag-asa
Ang manunulat ng Bibliyang si Pablo ay nag-aalok
ng pag-asa upang makaligtas sa huling kaaway, ang
kamatayan. Isinulat niya: Ang kamatayan ay dadal-
hin sa wala. Ang huling kaaway na papawiin ay ka-
matayan. (1 Corinto 15:26, The New English Bible)
Bakit tiyak na tiyak ito ni Pablo? Sapagkat siyay na-
turuan ng isa na ibinangon mula sa mga patay, si
Jesu-Kristo. (Gawa 9:3-19) Iyan din ang dahilan kung
bakit naisulat ni Pablo: Sapagkat yamang ang kama-
tayan ay sa pamamagitan ng isang tao [si Adan], ang
pagkabuhay-muli ng mga patay ay sa pamamagitan
din ng isang tao [si Jesu-Kristo]. Sapagkat kung paa-
nong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin
kay Kristo ang lahat ay bubuhayin.1 Corinto 15:
21, 22.
Nabagbag ang puso ni Jesus nang matanaw niya
ang isang babaing balo sa Nain at makita ang kani-
yang namatay na anak. Sinasabi sa atin ng ulat ng Bi-
bliya: Habang papalapit [si Jesus] sa pintuang-daan
ng lunsod [Nain], aba, narito! may isang taong patay
na inilalabas, ang bugtong na anak na lalaki ng kani-
yang ina. Bukod sa rito, siya ay isang babaing balo.
Isang malaking pulutong mula sa lunsod ang kasama
rin niya. At nang makita siya ng Panginoon, ay naan-
tig siya sa pagkahabag sa kaniya, at sinabi niya sa
kaniya: Tigilan mo na ang pagtangis. Sa gayon ay
lumapit siya at hinipo ang langkayan, at ang mga ta-
gapagdala ay huminto, at sinabi niya: Binata, sinasabi
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 5
ko sa iyo, Bumangon ka! At ang taong patay ay umu-
po at nagpasimulang magsalita, at ibinigay niya siya
sa kaniyang ina. Ngayon ang takot ay nanaig sa ka-
nilang lahat, at pinasimulan nilang luwalhatiin ang
Diyos, na sinasabi: Isang dakilang propeta ang ibina-
ngon sa gitna natin, at, Ibinaling ng Diyos ang kani-
yang pansin sa kaniyang bayan. Pansinin kung pa-
paano naawa si Jesus, kung kaya binuhay niyang muli
ang anak ng babaing balo! Gunigunihin ang ipinahihi-
watig nito para sa hinaharap!Lucas 7:12-16.
Doon, sa harap ng mga saksi, nagsagawa si Je-
sus ng di-malilimot na pagbuhay-muli. Iyon ay
patunay ng pagkabuhay-muli
na malaon na niyang inihu-
la bago pa ang pangyayaring
ito, ang pagsasauli ng buhay
sa lupa sa ilalim ng isang ba-
gong langit. Sa pagkakataong
iyon ay sinabi ni Jesus: Hu-
wag kayong mamangha rito,
sapagkat ang oras ay duma-
rating na ang lahat niyaong
nasa mga alaalang libingan ay
makaririnig ng kaniyang tinig
at lalabas.Apocalipsis 21:1,
3, 4; Juan 5:28, 29; 2 Pedro
3:13.
Kasali sa iba pang saksi sa
isang pagbuhay-muli ay si Pedro, kasama ang iba pa
sa 12 na sumama kay Jesus sa kaniyang mga pagla-
lakbay. Narinig nila mismo ang binuhay-muling si Je-
sus na nagsalita sa Dagat ng Galilea. Ang ulat ay nag-
sasabi sa atin: Sinabi ni Jesus sa kanila: Halikayo,
mag-agahan kayo. Walang isa man sa mga alagad ang
nagkalakas ng loob na magtanong sa kaniya: Sino
ka? sapagkat alam nila na iyon ang Panginoon. Luma-
pit si Jesus at kinuha ang tinapay at ibinigay ito sa ka-
nila, at gayundin ang isda. Ito na ngayon ang ikat-
long pagkakataon na si Jesus ay nagpakita sa mga
alagad pagkatapos na ibangon siya mula sa mga pa-
tay.Juan 21:12-14.
Kung gayon, makasusulat si Pedro taglay ang ganap
na pananalig: Pagpalain ang Diyos at Ama ng ating
Panginoong Jesu-Kristo, sapagkat alinsunod sa kani-
yang dakilang awa ay nagbigay siya sa atin ng isang
bagong pagsilang tungo sa isang buhay na pag-asa
sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo
mula sa mga patay.1 Pedro 1:3.
Nagpahayag si apostol Pablo ng kaniyang tiyak na
pag-asa nang sabihin niya: Naniniwala ako sa la-
hat ng mga bagay na inilagay sa Batas at nasusu-
lat sa mga Propeta; at may pag-asa ako sa Diyos, na
siyang pag-asa na iniingatan din ng mga taong ito mis-
mo, na magkakaroon ng pag-
kabuhay-muli kapuwa ng mga
matuwid at mga di-matuwid.
Gawa 24:14, 15.
Milyun-milyon kung gayon
ang magkakaroon ng matibay
na pag-asa na makitang muli
sa lupa ang kanilang mga mi-
namahal na buhay ngunit nasa
ilalim ng totoong naiibang ka-
lagayan. Ano nga kaya ang
mga kalagayang iyon? Ang iba
pang mga detalye ng salig-sa-
Bibliyang pag-asa para sa ating
yumaong mga minamahal ay
tatalakayin sa huling bahagi
ng brosyur na ito, na pinamagatang Isang Tiyak na
Pag-asa Para sa mga Patay.
Ngunit una muna ay isaalang-alang natin ang mga
tanong na maaaring nasa isip mo kung ipinagdada-
lamhati mo ang pagkamatay ng isang minamahal:
Normal bang magdalamhati nang ganito? Papaano ko
mapagtitiisan ang aking pagdadalamhati? Ano ang
magagawa ng iba upang matulungan akong makaya-
nan ito? Papaano ko matutulungan ang iba na nagda-
dalamhati? At higit sa lahat, Ano ang sinasabi ng Bi-
bliya tungkol sa isang tiyak na pag-asa para sa mga
patay? Makikita ko pa kayang muli ang aking mga ma-
hal sa buhay? At saan?
! ()(! ( *. %#-#*#(
Ano ang natural na nadarama sapagkamatay ng isang minamahal?
Ano ang ginawa ni Jesus para saisang babaing balo sa Nain?
Ano ang ipinangako ni Jesus hinggilsa mga patay?
Bakit nakatitiyak sina Pedro atPablo na magkakaroon ng
pagkabuhay-muli?
Anu-anong tanong angnararapat sagutin?
6 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
Huwag kang iiyak! kapag nasasaktan ako. Hindi ko
matandaan kung nahagkan o nayakap kailanman ng
aking ina ang sinuman sa aming magkakapatid (apat
kaming lahat). Akoy 56 na taon nang masaksihan
ko ang pagkamatay ng aking ama. Nakadama ako
ng matinding pangungulila. Gayunman, sa pasimula,
hindi ako makaiyak.
Sa ibang kultura, ang mga tao ay hayagang nagpa-
pamalas ng kanilang damdamin. Masaya man sila o
malungkot, nalalaman ng iba ang kanilang nadara-
ma. Sa kabilang dako naman, sa ilang bahagi ng da-
igdig, lalo na sa hilagang Europa at Britanya, ang mga
tao, lalo na ang mga lalaki, ay nasanay nang kuyu-
min ang kanilang damdamin, pigilin ang kanilang
emosyon, magtiim-bagang at magkimkim sa sarili.
Subalit kapag nakaranas kang mawalan ng minama-
hal, mali nga kayang ibulalas mo ang iyong pagdada-
lamhati? Ano ang sinasabi ng Bibliya?
Yaong mga Tumangis sa Bibliya
Ang Bibliya ay isinulat ng mga Hebreo sa rehiyon
ng silangang Mediteraneo, na mga taong lantarang
nagpapamalas ng kanilang damdamin. Itoy naglala-
man ng maraming halimbawa ng mga taong haya-
gang nagpamalas ng kanilang pagdadalamhati. Na-
mighati si Haring David sa pagkamatay ng kaniyang
pinaslang na anak na si Amnon. Sa katunayan, siyay
umiyak na mainam. (2 Samuel 13:28-39) Nagda-
lamhati pa nga siya sa pagkamatay ng kaniyang tak-
sil na anak na si Absalom, na nagtangkang kamka-
min ang pagkahari. Ganito ang sabi sa atin ng ulat
ng Bibliya: Nang magkagayon [si David] ang hari
ay nabagabag at umakyat sa silid sa bubungan sa
ibabaw ng pintuang-daan at nanangis; at ganito ang
sinabi niya habang siya ay naglalakad: Anak kong
Absalom, anak ko, anak kong Absalom! Oh ako na
sana ang namatay, ako mismo, sa halip na ikaw, Ab-
salom na anak ko, anak ko! (2 Samuel 18:33) Si
David ay namighati gaya ng sinumang karaniwang
ama. At madalas na nanaisin pa ng mga magulang na
sila na sana ang namatay sa halip na ang kanilang
mga anak! Wari bang totoong di-karaniwan na mau-
na pang mamatay ang anak kaysa sa isang magulang.
Ano ang naging damdamin ni Jesus sa kamatayan ng
kaniyang kaibigang si Lazaro? Siyay tumangis habang
papalapit siya sa libingan niya. (Juan 11:30-38) Pag-
karaan, tumangis si Maria Magdalena habang papala-
pit sa libingang-dako ni Jesus. (Juan 20:11-16) Tunay,
ang isang Kristiyano na may kaunawaan sa pag-asa ng
pagkabuhay-muli sa Bibliya ay hindi nagdadalamhati
Normal BangMakadamaNangGanito?
ISANG naulila ang sumulat: Bilang isang bata sa Inglatera, tinuruan akong huwagipahalata ang aking damdamin sa harap ng mga tao. Naaalaala ko pa ang aking ama,isang dating militar, na sinasabi sa akin habang pinagtitiim ang mga ngipin na,
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 7
nang ganoon na lamang anupat hindi na siya kailan-
man maaaliw, na gaya ng iba na walang maliwanag na
saligan sa Bibliya hinggil sa kanilang paniniwala sa ka-
lagayan ng patay. Ngunit bilang isang tao na may nor-
mal na damdamin, ang tunay na Kristiyano, bagaman
taglay ang pag-asa ng pagkabuhay-muli, ay nagdada-
lamhati at namimighati sa pagkamatay ng sinumang
minamahal.1 Tesalonica 4:13, 14.
Tumangis o Huwag Tumangis
Kumusta naman ang ating ikinikilos sa ngayon?
Nahihirapan ka ba o nahihiyang ipahalata ang iyong
nadarama? Ano ang iminumungkahi ng mga tagapa-
yo? Ang kanilang modernong pangmalas ay madalas
na umuulit lamang sa sinaunang karunungan ng Bi-
bliya na kinasihan. Sinasabi nila na dapat nating ibu-
lalas ang ating pagdadalamhati, huwag pigilin iyon.
Itoy nagpapaalaala sa atin sa tapat na mga lalaki
noon, gaya nina Job, David, at Jeremias, na ang pag-
papahayag ng dalamhati ay masusumpungan sa Bi-
bliya. Tiyak na hindi nila pinigil ang kanilang dam-
damin. Kaya nga, hindi matalinong ibukod mo ang
iyong sarili sa mga tao. (Kawikaan 18:1) Sabihin pa,
ang pamimighati ay ipinahihiwatig sa ibat ibang pa-
Normal lamang na magdalamhati at tumangis kapag namatay ang isang minamahal
8 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 9
Ang salitang paraan ay hindi nagpapahiwatig naang pagdadalamhati ay may isang itinakdangiskedyul o programa. Ang pagdadalamhati ay
maaaring magsanib at magkaroon ng ibat ibang haba
ng panahon, depende sa isa. Ang listahang ito ay hindi
kumpleto. Ang iba pang uri ng damdamin ay maaaring
lumitaw. Ang sumusunod ay ilan sa mga sintoma ng
pagdadalamhati na maaaring maranasan ng isa.
Panimulang nadarama: Pagkabigla sa simula;
di-makapaniwala; di-matanggap; pagkawala ng
pakiramdam; pagkadama ng kasalanan; galit.
Maaaring ibilang sa malalang pagdadalamhati
ang: Pagkamalilimutin at insomniya; matinding pagod;
pagiging sumpungin; maling pagpapasiya at pag-iisip;
madalas na pag-iyak; pagbabago ng gana sa pagkain,
anupat bumababa o tumataas ang timbang; ibat
ibang sintoma ng nasirang kalusugan; pananamlay;
pagbagal sa trabaho; mga guniguninararamdaman,
naririnig, nakikita ang namatay; sa pagkamatay ng
anak, walang-katuwirang pagkagalit sa iyong asawa.
Panahong Tumatatag na ang loob: Kalungkutan na
may pananabik sa nakaraan; mas nakawiwiling alaala
ng namatay, na may bahid pa nga ng katatawanan.
(! ,( (! !&'".#raan sa ibat ibang kultura, gayundin depende sa ka-
raniwang mga paniniwalang relihiyoso.
Ano kaya kung napapaiyak ka? Bahagi ng kalika-
san ng tao ang umiyak. Alalahaning muli ang pang-
yayari ng kamatayan ni Lazaro, nang si Jesus ay du-
maing sa espiritu at . . . lumuha. (Juan 11:33, 35)
Kaya ipinakita niyang ang pagluha ay isang normal
na pagkilos sa kamatayan ng isang minamahal.
Itoy pinatunayan ng halimbawa ng isang ina, si
Anne, na namatayan ng kaniyang sanggol na si Ra-
chel dahil sa SIDS (Sudden Infant Death Syndrome).
Ganito ang sabi ng kaniyang asawa: Ang nakapagta-
taka ay na si Anne at ako ay hindi man lamang na-
paiyak sa libing. Ang lahat ay umiyak. Ukol dito, su-
magot si Anne: Oo nga, pero nakaiyak na ako nang
husto para sa ating dalawa. Sa palagay koy gayon na
lamang ang aking nadamang sakt mga ilang linggo
pagkatapos ng malungkot na pangyayari, nang sa wa-
kas ay mapag-isa ako sa bahay isang araw. Magha-
pon akong umiyak. Ngunit naniniwala akong naka-
tulong iyon sa akin. Naginhawahan ako pagkatapos
noon. Kinailangan kong mamighati dahil sa pagka-
matay ng aking sanggol. Lubusan akong naniniwala
na dapat mong hayaan ang isang namimighating tao
na lumuha. Bagaman karaniwan na sa iba na sabi-
hing, Huwag ka nang umiyak, hindi makatutulong
iyan.
Kung Papaano Kumikilos ang Ilan
Papaano kumikilos ang ilan kapag nangunguli-
la sa pagkamatay ng isang minamahal? Halimba-
wa, isaalang-alang si Juanita. Alam niya kung pa-
Halimbawa, ang mga Yoruba ng Nigeria ay may tradisyunal napaniniwala sa reinkarnasyon ng kaluluwa. Kaya kapag namatayanng anak ang isang ina, may matinding pagdadalamhati ngunit saisang maigsing panahon lamang, yamang gaya ng sabi ng isang ba-hagi ng awiting Yoruba: Ang tubig ang natapon. Ang kalabasa ayhindi nabasag. Ayon sa mga Yoruba, itoy nangangahulugan na angkalabasang may lamang tubig, ang ina, ay manganganak pang mulimarahil ang reinkarnasyon ng isang namatay. Hindi sumusunodang mga Saksi ni Jehova sa anumang tradisyong salig sa pamahiinna nagmumula sa maling mga idea ng pagkawalang-kamatayan ngkaluluwa at reinkarnasyon, na walang saligan sa Bibliya.Eclesias-tes 9:5, 10; Ezekiel 18:4, 20.
paano mamatayan ng isang sanggol. Limang ulit na
siyang nakunan. Ngayon ay nagdadalantao na naman
siya. Kaya nang siyay kinailangang maospital dahil
sa isang aksidente sa sasakyan, natural lamang na
siyay mabahala. Pagkaraan ng dalawang linggo hu-
milab ang tiyannang kulang sa buwan. Di-nagtagal
pagkaraan ang munting si Vanessa ay ipinanganak
tumitimbang lamang nang mahigit dalawang libra.
Tuwang-tuwa ako, naaalaala ni Juanita. Sa wakas
ay naging nanay rin ako!
Subalit ang kaniyang katuwaan ay hindi nagta-
gal. Pagkaraan ng apat na araw namatay si Vanessa.
10 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
Bagaman may iba pa siyang mga anak, nasasabik pa rinsi Monna sa pagsilang ng kaniyang susunod na anak.Kahit bago pa isilang, itoy isa nang sanggol na kaniyang
nilalaro, kinakausap, at pinapangarap.
Ang nabubuong buklod sa pagitan ng ina at di pa naisi-
silang na sanggol ay matibay. Nagpatuloy siya: Si Rachel
Anne ay isang sanggol na sumisipa sa mga aklat na naka-
patong sa aking tiyan, hindi ako pinatutulog sa gabi. Naa-
alaala ko pa ang unang mumunting pagsipa, na waring
mararahan, mapagmahal na mga pagkalbit. Sa bawat pag-
galaw niya, nag-uumapaw sa aking dibdib ang gayong
pagmamahal. Kilalang-kilala ko siya anupat alam ko ka-
pag siyay nasasaktan, kapag siyay may karamdaman.
Nagpatuloy si Monna sa kaniyang pagkukuwento:
Ayaw akong paniwalaan ng doktor hanggang sa maging
huli na ang lahat. Sinabi niya sa aking huwag akong ma-
bahala. Nararamdaman kong unti-unti siyang namama-
tay. Bigla siyang umigtad nang malakas. Kinabukasan pa-
tay na siya.
Ang naging karanasan ni Monna ay hindi natatangi.
Ayon sa mga awtor na sina Friedman at Gradstein, sa ka-
nilang aklat na Surviving Pregnancy Loss, mga
isang milyong babae bawat taon sa Estados Uni-
dos lamang ang nakararanas ng nabigong pagda-
dalantao. Sabihin pa, ang bilang sa buong daigdig
ay mas nakahihigit pa.
Madalas na hindi nauunawaan ng mga
tao na ang pagkalaglag o pagkamatay ng
anak sa tiyan ay isang trahedya para
sa isang babae at isa na mamamala-
gi sa kaniyang alaalamarahil
sa buong buhay niya. Halimbawa,
si Veronica, na ngayoy may edad
na, ay hindi nakalilimot nang
siyay makunan at parating naa-
alaala ang patay na sanggol sa
kaniyang tiyan na nanatiling
buhay hanggang ikasiyam na
buwan at isinilang na may
timbang na 6 na kilo. Na-
natili sa kaniyang tiyan ang patay nang sanggol hanggang
sa huling dalawang linggo. Sabi niya: Ang pagsisilang ng
isang patay nang sanggol ay isang kalunus-lunos na ba-
gay para sa isang ina.
Ang damdamin ng bigong mga inang ito ay hindi pala-
ging nauunawaan, kahit nang ibang babae. Isang babae
na namatayan ng anak sa pamamagitan ng pagkalaglag
ang sumulat: Ang aking natutuhan sa paraang napakasa-
kit ay na bago ito mangyari sa akin, wala akong kamalay-
malay sa dinanas ng aking mga kaibigan. Naging wala
akong pakiramdam at walang kabatiran ukol sa kanila
gaya ng nararamdaman kong pakikitungo sa akin ng mga
tao sa ngayon.
Ang isa pang nakabibigat sa nagdadalamhating ina ay
ang pag-aakalang hindi nasasaktan ang kaniyang asawa
na di tulad niya. Isang asawang babae ang nagpahayag ng
ganito: Gayon na lamang ang aking pagkabigo sa aking
asawa noon. Kung para sa kaniya, walang nangyaring
pagdadalantao. Hindi niya naranasan ang pagdadalamha-
ting dinaranas ko. Nakikiramay siya sa aking mga pa-
ngamba ngunit hindi sa aking pagdadalamhati.
Ang damdaming ito ay marahil natural lamang
sa isang asawang lalakihindi siya dumaan sa
katulad na pagbubuklod sa pisikal at damdamin
na gaya ng nagdadalantao niyang asawa. Ga-
yunpaman, namatayan din siya. At maha-
laga na maunawaan ng mag-asawa
na silay kapuwa nagdurusa, ba-
gaman sa magkaibang paraan.
Dapat na magdamayan sila sa ka-
nilang pagdadalamhati. Kung
ikinukubli ito ng asawang lala-
ki, baka isipin ng kaniyang asa-
wa na siyay hindi nasasaktan.
Kaya ibahagi ang inyong mga
luha, mgaalalahan
n, at mga
yakap. Ipakitang kailangan nin-
yo ang isat isa higit kailanman.
Oo, mga asawang lalaki, magpa-
malas ng empatiya.
!%&!&! . !%'.3 (! (% - #3(P&'".# (! '! (
Nagugunita ni Juanita: Nadama kong wala akong ka-
buluhan. Inagaw sa akin ang aking pagiging ina. Na-
dama kong may kulang sa akin. Napakasakit umuwi
sa silid na aming inihanda para kay Vanessa at ting-
nan ang maliliit na kamisetang binili ko para sa ka-
niya. Nang sumunod na dalawang buwan, naguguni-
guni ko pa ang araw ng kaniyang pagsilang. Ayokong
makipag-usap kahit kanino.
Labis-labis na pamimighati ba? Baka mahirap para
sa iba na maunawaan, subalit yaong nakaranas nito,
gaya ni Juanita, ay nagpapaliwanag na silay nagda-
dalamhati para sa kanilang sanggol katulad din ng sa
isang nabuhay nang ilang panahon. Matagal pa bago
isilang ang isang sanggol, sabi nila, iyon ay mina-
hal na ng kaniyang mga magulang. May isang nata-
tanging buklod sa ina. Kapag namatay ang sanggol
na iyan, ang pakiramdam ng ina ay isang tunay na
persona ang nawala. At iyan ang dapat unawain ng
iba.
Kung Papaano Makaaapektoang Galit at Pagkadama ng Kasalanan
Ipinahayag ng isa pang ina ang kaniyang nada-
ma nang pagsabihang ang kaniyang anim-na-taong
anak na lalaki ay biglang namatay dahil sa sakit sa
puso na kaniyang taglay sapol sa pagkabata. Ibat iba
ang aking nadamapamamanhid, di-makapaniwala,
pagkadama ng kasalanan, at galit sa aking asawa at
sa doktor dahil hindi niya nalaman kung gaano ka-
selan ang kaniyang kalagayan.
Ang galit ay maaaring isa pang sintoma ng pag-
dadalamhati. Maaaring pagkagalit sa mga doktor at
nars, na inaakalang may magagawa pa sana sila sa
pangangalaga sa namatay. O baka pagkagalit sa mga
kaibigan at mga kamag-anak na, waring, nakapagsa-
lita o nakagawa ng mali. Ang ilan ay nagagalit sa na-
matay dahil hindi iningatan ang kaniyang kalusugan.
Nagunita ni Stella: Naaalaala ko pa na nagagalit ako
sa aking asawa dahil alam kong hindi sana nangyari
iyon. Malubha ang kaniyang sakit, pero hindi niya pi-
nansin ang babala ng mga doktor. At kung minsan
ay nagagalit sa namatay dahil sa pasaning idinudulot
sa naiwan bunga ng kaniyang kamatayan.
Ang ilan ay nakadarama ng kasalanan dahil sa
pagkagalitalalaong bagay, isinusumpa ang kani-
kanilang sarili dahil nagagalit sila. Ang ibay sinisi-
si ang sarili sa pagkamatay ng kanilang minamahal.
Hindi sana siya namatay, pinapaniniwala nila ang
kanilang sarili, kung pinapunta ko agad siya sa dok-
tor o pinapunta ko siya sa ibang doktor o pinapag-
ingat ko pa siyang lalo sa kaniyang kalusugan.
Para sa iba ang pagkadama ng kasalanan ay hi-
git pa sa riyan, lalo na kung bigla, di-inaasahan ang
Ang pagkamatay ng isang anak ay isang kalunus-lunosna karanasanang tapat na pakikiramay atempatiya ay makatutulong sa mga magulang
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 11
kamatayan ng kanilang minamahal. Sinisimulan na
nilang gunitain ang mga pagkakataong nagalit sila sa
namatay o kayay nakipagtalo sa kaniya. O maaaring
madama nilang silay nagkulang sa namatay.
Ang mahabang pagdadalamhati ng maraming ina
ay sinusuhayan ng sinasabi ng maraming eksperto,
na ang pagkawala ng isang anak ay nag-iiwan ng
isang namamalaging pangungulila sa buhay ng mga
magulang, lalo na sa ina.
Kapag Namatayan Ka ng Asawa
Ang pagkamatay ng asawa ay isa pang uri ng ma-
lubhang karanasan, lalo na kung silay palaging mag-
kasama. Iyon ay baka mangahulugan ng wakas ng
isang istilo ng buhay na kanilang pinagsamahan, ng
paglalakbay, pagtatrabaho, paglilibang, at pagtutulu-
ngan.
Ipinaliwanag ni Eunice ang nangyari nang biglang
mamatay ang kaniyang asawa dahil sa atake sa puso.
Nang unang linggo, akoy nawalan ng pakiramdam,
para bang nawala na ako sa mundo. Ni hindi ako ma-
kalasa o makaamoy. Gayunman, ang aking panga-
ngatuwiran ay nagpatuloy sa isang naiibang paraan.
Palibhasay nasa tabi ako ng aking asawa habang si-
nisikap nila siyang iligtas sa pamamagitan ng CPR at
mga gamot, di-inaasahang natanggap ko iyon. Gayun-
12 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
Ang biglang pagkamatay ng isang sanggol ay isang ka-lunus-lunos na trahedya. Sa isang araw ang isang wa-ring normal, malusog na sanggol ay hindi na nagigising.
Itoy hinding-hindi inaasahan, sapagkat sino ang mag-aaka-
lang ang sinumang sanggol o anak ay mamamatay nang una
pa sa kaniyang mga magulang? Ang isang sanggol na na-
ging tampulan ng walang-hanggang pagmamahal ng isang
ina ay biglang-biglang naging sentro ng kaniyang walang-
hanggang dalamhati.
Sunud-sunod ang pagkadama ng kasalanan. Maaaring
akalain ng mga magulang na sila ang may kasalanan sa pag-
kamatay, na para bang itoy dahilan sa ilang kapabayaan. Ti-
natanong nila ang kanilang sarili, Ano kaya ang dapat na gi-
nawa natin para hindi nangyari iyon? Sa ilang kaso ang
asawang lalaki, kahit walang batayan, ay baka sinisisi ang
kaniyang asawa nang di-namamalayan. Nang siyay puma-
sok sa trabaho, ang bata ay buhay at malusog. Nang siyay
umuwi, patay na ito sa kaniyang kuna! Ano ang ginagawa ng
Sudden Infant Death Syndrome (SIDS), na karaniwang nangyayari samga sanggol na may edad isa hanggang anim na buwan, ang terminong gi-nagamit kapag ang malusog na mga sanggol ay biglang namatay nang walanamang dahilan. Sa ilang kaso pinaniniwalaan na ang posibilidad ay maaa-ring maiwasan kung ang bata ay patutulugin nang nakatihaya o nakatagilidat hindi nakadapa. Gayunman, hindi mahahadlangan ng anumang posi-syon sa pagtulog ang bawat kaso ng SIDS.
kaniyang asawa? Nasaan siya nang mangyari iyon? Ang na-
kayayamot na mga tanong na ito ay dapat na liwanagin
upang hindi mapinsala ng mga ito ang pagsasama.
Ang di-inaasahan at di-mahuhulaang mga pangyayari
ang dahilan ng trahedya. Sinasabi ng Bibliya: Akoy buma-
lik at nakita ko sa silong ng araw na hindi ang matutulin ang
nananalo sa takbuhan, ni ang malalakas man ang sa pagba-
baka, ni sa mga pantas man ang tinapay, ni ang mga kaya-
manan man ay sa mga taong may unawa, ni ang mga pagli-
ngap man ay yaong sa mga may kaalaman; sapagkat ang
panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay duma-
rating sa kanilang lahat.Eclesiastes 9:11.
Papaano makatutulong ang iba kapag ang isang pamilya
ay namatayan ng sanggol? Isang nangungulilang ina ang su-
magot: Isang kaibigan ang dumating at nilinis ang aming
bahay kahit wala akong sinasabi. Ang ibay nagluluto para sa
amin. Ang ilan naman ay tumutulong sa pamamagitan la-
mang ng pagyakap sa akinwalang salita, yakap lang. Ayo-
kong pag-usapan ang tungkol doon. Hindi ko kailangang ipa-
liwanag nang paulit-ulit kung ano ang nangyari. Hindi ko
kailangan ang nag-uusisang mga tanong, na para bang may
pagkukulang ako. Ako ang ina; gagawin ko ang lahat mailig-
tas lamang ang aking anak.
/( ( (. ." 3(,)'P!",* - &'".#
man, naroroon ang matinding pagkadama ng sipha-
yo, para bang pinanonood ko ang isang kotse habang
itoy nahuhulog sa bangin at wala akong magawa.
Lumuha ba siya? Siyempre naman, lalo na nang
basahin ko ang daan-daang kard ng pakikiramay
na aking tinanggap. Iniyakan ko ang bawat isa
nito. Nakatulong iyon upang
maharap ko ang nalalabing
maghapon. Subalit walang na-
itulong ang paulit-ulit na pag-
tatanong sa akin kung ano
ang aking nadama. Walang-
duda, akoy naging kahabag-
habag.
Ano ang nakatulong kay
Eunice upang mapaglabanan
ang kaniyang pagdadalamha-
ti? Walang kamalay-malay,
sa di-sinasadyay nagpasiya
akong ipagpatuloy ang aking
buhay, sabi niya. Gayun-
man, nananatili pa ring masa-
kit sa akin kapag naguguni-
ta kong ang aking asawa, na
gustung-gustong mabuhay, ay
wala na rito upang tamasahin
iyon.
Huwag Mong HayaangDiktahan Ka ng Iba . . .
Ang mga awtor ng Leave-
takingWhen and How to
Say Goodbye ay nagpapayo:
Huwag mong hayaang dikta-
han ka ng iba kung papaano ka dapat kumilos o
kung ano ang dapat mong madama. Iba-iba ang pa-
raan ng pagdadalamhati ng bawat isa. Ang ibay baka
nag-iisipat ipinaaalam sa iyo na sa palagay nilay
sobra ang pagdadalamhati mo o kayay hindi ka
gaanong nagdadalamhati. Patawarin mo sila at kali-
mutan ang tungkol doon. Sa pagsisikap mo na ipilit sa
iyong sarili ang ayon sa gusto ng iba o ng lipunan bi-
lang kabuuan, sinusugpo mo ang iyong pagsulong tu-
ngo sa panunumbalik ng iyong kalusugan sa damda-
min.
Mangyari pa, kinakaharap ng ibat ibang tao ang
kanilang pamimighati sa ibat ibang paraan. Hindi
naman natin sinasabing ang
isang paraan ay mas mabuti
kaysa sa iba para sa bawat
tao. Gayunman, lumilitaw ang
panganib kapag wala nang
pagbabago, kapag hindi na
makayanang harapin ng na-
mimighati ang katotohanan
ng kalagayan. Kung gayon ay
kailangan na ang tulong mula
sa nahahabag na mga kaibi-
gan. Ang Bibliyay nagsasa-
bi: Ang isang tunay na ka-
samahan ay umiibig sa lahat
ng panahon, at isang kapa-
tid na ipinanganganak kapag
may kabagabagan. Kaya hu-
wag matakot na humingi ng
tulong, makipag-usap, at tu-
mangis.Kawikaan 17:17.
Ang pagdadalamhati ay
isang normal na pagkilos ka-
pag namatayan, at hindi ma-
ling mapansin ng iba ang
iyong pamimighati. Subalit
may mga katanungan pang
dapat sagutin: Papaano ko
mapaglalabanan ang aking pagdadalamhati? Normal
bang makadama ng kasalanan at magalit? Papaano
ko haharapin ang ganitong damdamin? Ano ang ma-
katutulong sa akin upang mapagtiisan ang pangungu-
lila at ang pagdadalamhati? Sasagutin ang mga ito
at ang iba pang mga katanungan ng susunod na ba-
hagi.
! ()(! ( *. %#-#*#(
Papaano naaapektuhan ngkanilang kultura ang pagdadalamhati
ng ilang tao?
Anu-anong halimbawa angmatatagpuan sa Bibliya hinggil sa
mga hayagang nagdalamhati?
Papaano kumilos ang ilan dulot ngpagkamatay ng isang minamahal?Papaano ka kumilos sa katulad
na kalagayan?
Bakit isang naiibang karanasan angkamatayan ng isang asawa?
Papaano ba ang magdalamhati?Mali bang magdalamhati?
Ano ang ilang bahagi ngpagdadalamhati?
(Tingnan ang kahon sa pahina 9.)
Anong pantanging kalagayan angnakaaapekto sa mga magulang sabiglang pagkamatay ng sanggol?
(Tingnan ang kahon sa pahina 12.)
Papaano naaapektuhanang maraming ina kapag nalaglagan o
namatayan ng anak sa tiyan?(Tingnan ang kahon sa pahina 10.)
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 13
14 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
napatunayan niyang mali siya. Kaya nang ang kaibi-
gan ni Mike ay mamatayan ng kaniyang lolo, alam na
ni Mike ang kaniyang gagawin. Sabi niya: Kung itoy
nangyari noong nakaraang mga taon, tatapikin ko la-
mang siya sa balikat at sasabihin, Magpakalalaki ka.
Ngayon hinawakan ko ang kaniyang bisig at sinabi,
Hayaan mo lang kung ano man ang iyong nararam-
daman. Makatutulong iyan upang maharap mo iyan.
Kung ibig mong umalis ako, aalis ako. Kung ibig mo na-
mang manatili ako rito, mananatili ako. Ngunit huwag
kang matakot sa iyong nadarama.
Nakadama rin ng paghihirap si MaryAnne sa pagpi-
gil sa kaniyang damdamin nang mamatay ang kani-
yang asawa. Alalang-alala ako hinggil sa aking pagi-
ging isang mabuting halimbawa sa iba, nagugunita
niya, anupat hindi ko hinayaan ang aking sarili na
ipahalata ang aking tunay na nadarama. Ngunit sa wa-
kas ay napag-alaman kong ang pagsisikap na maging
isang haligi ng kalakasan para sa iba ay hindi naka-
tutulong sa akin. Sinimulan kong suriing mabuti ang
aking kalagayan at sabihing, Umiyak ka kung dapat
kang umiyak. Huwag kang maglakas-lakasan. Ibulalas
mo ang laman ng iyong dibdib.
Kaya kapuwa sina Mike at MaryAnne ay nagmu-
mungkahi: Hayaan ang iyong sarili na magda-
lamhati! At tama sila. Bakit? Sapagkat ang pagda-
dalamhati ay isang kinakailangang pagpapagaang ng
damdamin. Ang pagbibigay-daan sa iyong nadarama ay
makapagpapagaang ng pamimigat ng dibdib na iyong
dinaranas. Ang natural na pagpapahayag ng damda-
min, kung may kaakibat na pang-unawa at wastong
kabatiran, ay maglalagay sa iyong damdamin sa tum-
pak na pangmalas.
Mangyari pa, hindi pare-pareho ang paraan ng pag-
dadalamhati ng bawat isa. At ang mga pangyayari gaya
ng kung ang pagkamatay ng minamahal ay bigla o
kung itoy pagkatapos muna ng mahabang pagkakasa-
kit ay maaaring makaepekto sa emosyonal na ikikilos
ng mga naulila. Subalit iisang bagay lamang ang tiyak:
Ang pagpigil sa iyong damdamin ay maaaring makasa-
ma kapuwa sa pisikal at emosyonal. Mas makabubuti
kung bibigyang-daan mo ang iyong dalamhati. Papaa-
no? Ang Kasulatan ay naglalaman ng ilang praktikal na
mga payo.
Pagbibigay-Daan sa DalamhatiPapaano?
Ang pakikipag-usap ay maaaring makatulong sa
pagbibigay-daan nito. Kasunod ng pagkamatay ng la-
hat ng sampu niyang anak, gayundin ng ilan pang
personal na mga trahedya, sinabi ng sinaunang patri-
PapaanoKoMapagtitiisanangAking Pagdadalamhati?
MABIGAT na mabigat ang dibdib ko sa pagpipigil, ang paliwanag ni Mike habangnaaalaala ang kamatayan ng kaniyang ama. Para kay Mike, ang pagpigil sa kani-yang dalamhati ay katibayan ng kaniyang pagkalalaki. Pero nang maglaon ay
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 15
yarkang si Job: Ang aking kaluluwa ay talaga ngang
nakadarama ng pagkamuhi sa aking buhay. Ako ay
magbubulalas ng [Hebreo, magpapakawala] aking
pagkabahala tungkol sa aking sarili. Ako ay magsasali-
ta sa kapaitan ng aking kaluluwa! (Job 1:2, 18, 19;
10:1) Hindi na mapigilan ni Job ang kaniyang pagka-
balisa. Kailangan na niyang pakawalan iyon; dapat na
siyang magsalita. Sa katulad na paraan, ang drama-
tistang Ingles na si Shakespeare ay sumulat sa Mac-
beth: Ipakipag-usap ang kalungkutan; ang pagdada-
lamhating di-nasambit ay bumubulong sa pusong tigib
ng dalamhati at nagwawasak nito.
Kaya ang pakikipag-usap ng hinggil sa iyong nada-
rama sa isang tunay na kaibigan na buong-tiyaga
at may pakikiramay na makiki-
nig ay magdudulot ng isang an-
tas ng kaginhawahan. (Kawikaan
17:17) Ang pagsasabi ng mga ka-
ranasan at damdamin ay madalas
na nagpapangyari na maging mas
madaling unawain ang mga iyon
at harapin ang mga iyon. At kung
ang nakikinig ay isa ring naulila
na nakapanagumpay sa kaniyang
sariling pangungulila, baka ma-
kapulot ka ng ilang praktikal na
mga mungkahi kung papaano mo
ito makakayanan. Nang mamatay
ang kaniyang anak, nagpaliwa-
nag ang isang ina kung bakit na-
katulong ang pakikipag-usap sa
ibang babae na napaharap na rin
sa gayong pangungulila: Sa pagkaalam na ang ibay
dumanas din ng gayon, na may husto pa ring pag-iisip
at damdamin sa kabila ng lahat, at na siyay nagpapa-
tuloy pa rin sa kaniyang buhay na tulad nang dati, itoy
totoong nakapagpapalakas sa akin.
Ano kaya kung hindi ka naman sanay na ipakipag-
usap ang iyong nadarama? Kasunod ng pagkamatay
nina Saul at Jonathan, kumatha si David ng isang pa-
nambitan na dooy ibinuhos niya ang lahat ng kani-
yang pagdadalamhati. Ang mapanglaw na kathang ito
sa wakas ay naging bahagi ng nasusulat na rekord ng
aklat ng Bibliya na Ikalawang Samuel. (2 Samuel 1:17-
27; 2 Cronica 35:25) Sa katulad na paraan, nasumpu-
ngan ng iba na mas madali para sa kanila na ipahayag
ang sarili sa pamamagitan ng pagsulat. Isang baba-
ing balo ang nag-ulat na isinusulat niya ang kaniyang
nadarama at paglipas ng mga araw ay binabasa ni-
yang muli ang kaniyang isinulat. Nakatulong ito upang
siyay maibsan.
Sa pakikipag-usap man o pagsulat, ang pagsasabi
ng iyong nadarama ay makatutulong upang maib-
san ang iyong dalamhati. Makatutulong din ito upang
liwanagin ang mga di-pagkaka-
unawaan. Isang nangungulilang
ina ang nagpapaliwanag: Na-
balitaan naming mag-asawa ang
tungkol sa paghihiwalay ng ibang
mga mag-asawa matapos mama-
tayan ng anak, at hindi namin
ibig na mangyari iyon sa amin.
Kaya anumang oras na kamiy
nakadarama ng galit, anupat gus-
tong magsisihan sa isat isa, pi-
nag-uusapan namin iyon. Sa pa-
lagay koy lalo kaming naging
malapt sa isat isa nang gawin
namin iyon. Kaya nga, ang pag-
papabatid ng iyong nadarama ay
tutulong sa iyo na maunawaan na
kahit magkatulad ang inyong di-
nanas na kawalan, baka ang ibay hindi kaparis ng
iyong pagdadalamhatikung kailan at kung papaano.
Ang isa pang magpapagaang ng pagdadalamhati ay
ang pag-iyak. May panahon ng pag-iyak, sabi ng Bi-
bliya. (Eclesiastes 3:1, 4) Tiyak na ang kamatayan ng
isang minamahal ay magdadala sa atin sa panahong
iyon. Ang pagluha dahil sa dalamhati ay lumilitaw na
isang bahaging kailangan para sa pagpapagaling.
Ipinakikita ng mga halimbawa saBibliya na ang pagsulat ng iyong mganadarama ay makatutulong sa iyo na
ipahayag ang iyong dalamhati
16 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
Isang dalaga ang nagpaliwanag kung papaanong ang
isang matalik na kaibigan ay tumulong sa kaniya na
makayanan ang pagkamatay ng kaniyang ina. Nagugu-
nita niya: Ang aking kaibigan ay laging handang tu-
mulong sa akin. Nakikiiyak siya sa akin. Nakikipag-
usap sa akin. Sinasabi kong lahat sa kaniya ang aking
nadarama, at iyon ang mahalaga sa akin. Hindi ako na-
hihiyang umiyak sa harap niya. (Tingnan ang Roma
12:15.) Ni ikahiya man ang iyong mga luha. Gaya ng
nakita na natin, ang Bibliyay punung-puno ng mga ha-
limbawa ng mga lalaki at babaing may pananampala-
tayakasama na si Jesu-Kristona hayagang lumuha
dahil sa pagdadalamhati nang hindi kakikitaan ng pag-
kapahiya.Genesis 50:3; 2 Samuel 1:11, 12; Juan 11:
33, 35.
May panahon na masusumpungan mong makada-
rama ka ng damdaming hindi mo inaasahan. Biglang-
bigla na lamang tutulo ang iyong luha. Nasumpungan
ng isang babaing balo na ang pamimil sa supermar-
ket (isang bagay na madalas nilang ginagawang mag-
asawa) ay nakapagpaiyak sa kaniya, lalo na nang,
dahil sa pagkasanay, ay kunin niya ang mga bagay
na dating paborito ng kaniyang asawa. Pagbigyan mo
lang ang iyong sarili. At huwag mong isiping dapat
mong pigilin ang mga luha. Tandaan, ang mga iyan ay
natural at kailangan bilang bahagi ng pagdadalam-
hati.
Pakikiharap saPagkadama ng Kasalanan
Gaya ng nabanggit na, ang ilan ay nakadarama ng
paninisi sa sarili pagkatapos na mamatayan ng isang
minamahal. Itoy makatutulong upang maipaliwanag
ang matinding pagdadalamhati ng tapat na lalaking si
Jacob nang siyay papaniwalain na ang kaniyang anak
na si Jose ay napatay ng isang mabangis na hayop. Si
Jacob mismo ang nagsugo kay Jose upang alamin ang
kalagayan ng kaniyang mga kapatid. Kung kaya mala-
mang na sunud-sunod na paninisi sa sarili ang naram-
daman ni Jacob, tulad ng Bakit ko ba isinugo roon si
Jose nang nag-iisa? Bakit ko siya pinapunta sa isang lu-
gar na napakaraming mababangis na hayop?Gene-
sis 37:33-35.
Marahil ay inaakala mong may pagkukulang ka
kung kaya namatay ang iyong minamahal. Makatutu-
long sa ganang sarili kung mauunawaan na ang pani-
nisi sa sarilitotoo man o inaakala lamangay isang
normal na reaksiyon sa isang nagdadalamhati. Muli na
naman, hindi dapat kuyumin sa iyong kalooban ang
gayong damdamin. Ang pagtatapat ng iyong nadara-
Sa bawat kultura, pinahahalagahan ng nagdadalamhating mga tao ang tinatanggap na kaaliwan
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 17
mang kasalanan ay makapaglalaan ng isang kinakaila-
ngang pagluluwag ng loob.
Gayunman, pakatantuin na gaano man natin ka-
mahal ang isang tao, hindi natin mahahawakan ang
kaniyang buhay, ni mahahadlangan man natin ang
panahon at ang di-inaasahang pangyayari na duma-
ting sa ating mga minamahal. (Eclesiastes 9:11) Bukod
doon, walang alinlangan na ang iyong motibo ay hin-
di masama. Halimbawa, sabihin nang hindi ka nakipag-
usap agad sa doktor, may hangarin ka bang magkasa-
kit sana at mamatay ang iyong minamahal? Siyempre
wala! Kung gayon masasabi bang may kasalanan ka sa
pagkamatay ng isang iyon? Wala.
Isang ina ang natutuhang harapin ang pagkadama
ng kasalanan pagkatapos na mamatay ang kaniyang
anak na babae sa isang aksidente sa sasakyan. Ipinali-
wanag niya: Nadama kong ako ang may kasalanan da-
hil ako ang nag-utos sa kaniya. Subalit naunawaan
kong hindi dapat na iyon ang aking madama. Wala na-
mang masama kung inutusan ko siyang samahan ang
kaniyang ama. Iyon ay isa lamang talagang nakalulu-
nos na aksidente.
Subalit napakaraming bagay ang dapat sanang na-
sabi ko o nagawa ko, masasabi mo. Totoo nga, ngu-
nit sino sa atin ang makapagsasabi na tayoy naging
isang sakdal na ama, ina, o anak? Nagpapaalaala sa atin
ang Bibliya: Tayong lahat ay natitisod nang maraming
ulit. Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang
isang ito ay taong sakdal. (Santiago 3:2; Roma 5:12)
Kaya aminin mo ang katotohanang ikaw ay hindi sak-
dal. Walang magagawa ang paulit-ulit na pag-iisip sa
lahat ng mga kung sanay, sa halip ay baka pataga-
lin lamang nito ang iyong paggaling.
Kung may matibay kang dahilan na maniwalang tu-
nay ngang may kasalanan ka, hindi sa akala lamang,
kung gayon ay isaalang-alang ang pinakamahalagang
salik sa lahat upang mapagaang ang kasalananang
kapatawaran ng Diyos. Tinitiyak sa atin ng Bibliya:
Kung ikaw ay magtatanda ng mga kasalanan, Oh Jah,
Oh Jehova, sinong makatatayo? Sapagkat nasa iyo ang
tunay na kapatawaran. (Awit 130:3, 4) Hindi mo ma-
ibabalik ang nakaraan at mababago ang anuman. Ga-
yunman, makapagsusumamo ka sa Diyos ng kapata-
waran sa mga nagawang kasalanan noon. Ano kung
gayon? Aba, kung nangangako ang Diyos na kalilimu-
tan niya ang lahat, hindi ba dapat na patawarin mo rin
ang iyong sarili?Kawikaan 28:13; 1 Juan 1:9.
Pakikitungo sa Pagkagalit
Nakadarama ka rin ba ng waring pagkagalit, mara-
hil sa mga doktor, nars, kaibigan, o maging doon mis-
mo sa namatay? Unawain na ito man ay karaniwang
damdamin kapag namatayan. Marahil ang pagkagalit
ay isang natural na kakambal ng sakt na iyong nada-
rama. Sinabi ng isang manunulat: Tangi lamang kung
alam mong nagagalit kahindi ang pagpapakita nito
kundi ang pagkadama nitosaka ka lamang makaii-
was sa mapanirang epekto nito.
Makatutulong din kung maipakikita mo o maihihi-
nga mo ang galit. Papaano? Tiyak na hindi sa pamama-
gitan ng di-mapigil na mga silakbo ng galit. Nagba-
babala ang Bibliya na mapanganib ang nagtatagal na
galit. (Kawikaan 14:29, 30) Subalit baka maibsan ang
iyong kalooban kung ipakikipag-usap mo ito sa isang
maunawaing kaibigan. At nasumpungan din ng iba na
ang mabisang pag-eehersisyo kapag nagagalit sila ay
isang tulong sa pagpapagaan ng kalooban.Tingnan
din ang Efeso 4:25, 26.
Bagaman mahalaga na maging hayagan at tapat sa
iyong nadarama, ang isang paalaala ay angkop lamang.
May malaking pagkakaiba ang pagpapahayag ng iyong
nadarama at ang pagbubulalas nito sa iba. Walang da-
hilan upang sisihin ang iba dahil sa iyong galit at pag-
kasiphayo. Kaya huwag kalilimutang sabihin ang iyong
nadarama, ngunit hindi sa paraang pagalit. (Kawikaan
18:21) May isang pinakadakilang tulong upang maka-
yanan ang pagdadalamhati, at tatalakayin natin ito
ngayon.
Tulong Mula sa Diyos
Tinitiyak sa atin ng Bibliya: Si Jehova ay malapt sa
kanila na may bagbag na puso; at inililigtas yaong may
18 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
Umasa sa mga kaibigan: Huwag mag-atubili nahayaang tumulong ang iba kung nais nila at tunay namapakikinabangan mo ang ilang tulong. Unawain na baka
iyon ang kanilang paraan ng pagpapadama sa iyo ng
kanilang damdamin; marahil ay hindi nila maapuhap ang
angkop na pananalita.Kawikaan 18:24.
Pangalagaan ang iyong kalusugan: Ang pagdadalamhati
ay nakapapagod, lalo na sa pasimula. Kailangan ng iyong
katawan ang sapat na pamamahinga, tumpak na ehersisyo,
at tamang sustansiya higit kailanman. Ang pana-panahong
pagpapatingin sa iyong sariling doktor ay baka nararapat.
Ipagpaliban ang mabibigat na desisyon: Hanggat
maaari, maghintay ng panahon na sa papaano man ay higit
na malinaw na ang iyong pag-iisip bago mo pagpasiyahan
ang mga bagay-bagay gaya ng kung ipagbibili mo ang iyong
bahay o kung magbabago ka ng hanapbuhay. (Kawikaan
21:5) Isang babaing balo ang nakaalaala na ilang araw
pagkamatay ng kaniyang asawa, ipinamigay niya ang
karamihan sa mga gamit ng kaniyang asawa. Sa bandang
huli, napag-isip-isip niyang naipamigay pala niya ang mga
alaalang pinakaiingat-ingatan niya.
Pagpaumanhinan ang iyong sarili: Madalas na
mas matagal ang pagdadalamhati kaysa sa inaakala ng
karamihan. Ang taun-taong pagpapaalaala sa namatay na
minamahal ay makapagpapasariwang-muli ng kirot. Ang
pantanging mga larawan, awitin, o maging ang amoy ay
nagpapalaglag ng mga luha. Isang makasiyentipikong
pagsusuri ng pangungulila ang nagpaliwanag ng
nadaramang dalamhati gaya ng sumusunod: Bigla at
mabilis na nagbabago ang damdamin ng isang naulila, kung
minsan ay iniiwasang maalaala ang namatay at kung
minsan naman ay kusa niyang ibinabalik ang mga alaala
niya. Palaging isaisip ang mahahalagang pangako ni
Jehova.Filipos 4:8, 9.
Pagpasensiyahan ang iba: Sikaping pagpaumanhinan
ang iba. Unawaing iyoy nakaaasiwa para sa kanila.
Palibhasay di-alam kung ano ang sasabihin, baka pabigla
niyang masabi ang di-tama.Colosas 3:12, 13.
Mag-ingat sa pag-inom ng mga gamot o alak
upang makayanan lamang ang iyong dalamhati:
Anumang ginhawang dulot ng droga o alak ay
pansamantala lamang. Ang gamot ay dapat na
inumin lamang kung itoy inihatol ng doktor. Subalit
mag-ingat; nakapagpapasugapa ang karamihan sa mga
panangkap. Karagdagan pa, baka itoy makapagpabagal
sa pagpapagaling ng damdamin. Nagpapaalaala ang
isang pathologist: Dapat na pagtiisan ang trahedya,
batahin, at sa wakas ay mangatuwiran at ang di-angkop na
pagpigil dito sa pamamagitan ng pagpapatulog sa [tao] sa
pamamagitan ng gamot ay maaaring magpahaba o pumilipit
ng pamamaraan. Ang namamalaging kaginhawahan ay
matatamo sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa dakilang
mga layunin ni Jehova.Awit 1:2; 119:97.
Bumalik sa karaniwang ginagawa: Baka kailangang
sa simulay pilitin mo pa ang iyong sarili na
bumalik sa trabaho, mamil, o asikasuhin ang iba pang
mga pananagutan. Ngunit makikita mong malaki ang
magagawang kabutihan para sa iyo ng kaayusan ng iyong
pang-araw-araw na gawain. Maging laging abala sa mga
gawaing Kristiyano.Ihambing ang 1 Corinto 15:58.
Huwag matakot na tapusin ang malubhang
pagdadalamhati: Waring nakapagtataka, ang ilan sa mga
nangungulila ay natatakot na tapusin ang matinding
dalamhati, na inaakalang iyon ay nagpapakilalang
nababawasan na ang kanilang pag-ibig sa namatay.
Hindi totoo iyan. Ang paglimot sa hapdi ng kalooban ay
nagbibigay-daan sa pinakaiingat-ingatang mga alaala na
walang-pagsalang mananatili sa iyo magpakailanman.
Eclesiastes 3:1, 4.
Huwag labis na mabalisa: Masusumpungan mo ang iyong
sarili na nababahala, Papaano na ako ngayon? Ipinapayo
ng Bibliya na isa-isahin ang bawat araw. Ang mabuhay
ayon sa pang-araw-araw na pangangailangan ay tunay na
nakatulong sa akin, ang paliwanag ng isang babaing balo.
Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Huwag kayong
mabalisa kailanman tungkol sa susunod na araw, sapagkat
ang susunod na araw ay magtataglay ng sarili nitong mga
kabalisahan.Mateo 6:25-34.
&(! ,%.#%& ( '! /(!%"#
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 19
pagsisising diwa. (Awit 34:18) Oo, higit sa ano pa
man, ang kaugnayan sa Diyos ay makatutulong sa iyo
na mapaglabanan ang kamatayan ng isang minamahal.
Papaano? Lahat ng praktikal na mga mungkahi na ibi-
nibigay hanggang sa ngayon ay batay o ayon sa Salita
ng Diyos, ang Bibliya. Ang pagkakapit ng mga ito ay
makatutulong sa iyo na magtagumpay.
Karagdagan pa, huwag maliitin ang bisa ng panala-
ngin. Hinihimok tayo ng Bibliya: Ilagay mo ang iyong
pasan kay Jehova mismo, at siya mismo ang aalalay
sa iyo. (Awit 55:22) Kung ang
pagsasabi mo ng iyong nada-
rama sa isang nakikiramay na
kaibigan ay nakatutulong, la-
long higit na matutulungan ka
kung bubuksan mo ang iyong
puso sa Diyos ng buong kaali-
wan!2 Corinto 1:3.
Hindi naman nangangahu-
lugan na ang panalangin mis-
mo ang nakapagpapabuti ng
ating pakiramdam. Ang Du-
mirinig ng panalangin ay na-
ngangako na magbibigay siya
ng banal na espiritu sa kani-
yang mga lingkod na taimtim
na humihiling nito. (Awit 65:2;
Lucas 11:13) At ang banal na
espiritu ng Diyos, o aktibong puwersa, ay makapagsa-
sangkap sa iyo ng lakas na higit sa karaniwan upang
makapagpatuloy sa araw-araw. (2 Corinto 4:7) Tanda-
an: Matutulungan ng Diyos ang kaniyang mga lingkod
na makapagbata ng anuman at alinmang problema na
makakaharap nila.
Nagugunita ng isang babaing namatayan ng anak
kung papaanong nakatulong sa kaniya at sa kani-
yang asawa ang bisa ng panalangin upang matiis
ang kanilang pangungulila. Kung kamiy nasa aming
tahanan sa gabi at halos di na namin makayanan
ang pangungulila, kaming dalaway malakas na nana-
nalangin, ang paliwanag niya. Sa unang pagkakataon
na siyay di namin kasamasa unang pulong sa kon-
gregasyon na aming pinuntahan, sa unang kombensi-
yon na aming dinaluhankamiy nananalangin para
sa higit na tibay ng loob. Kapag kamiy nagigising sa
umaga at ang katotohanan ng lahat ng ito ay waring
di na makayanan, kamiy nananalangin kay Jehova na
kamiy tulungan. Sa di-maunawaang dahilan, talagang
isang dagok para sa akin na pumasok sa bahay nang
nag-iisa. Kung kaya sa bawat pagkakataon na akoy uu-
wing mag-isa, mananalangin
na lamang ako kay Jehova na
sanay tulungan akong kala-
mayin ang aking kalooban.
Ang tapat na babaing iyan ay
matatag at may katuwirang
naniniwalang ang mga pana-
langing iyon ay nakatutulong.
Ikaw man ay makadarama na
bilang tugon sa iyong matiya-
gang pananalangin, ang kapa-
yapaan ng Diyos na nakahi-
higit sa lahat ng kaisipan ay
magbabantay sa iyong puso at
sa iyong kakayahang pangka-
isipan.Filipos 4:6, 7; Roma
12:12.
Ang tulong na itinutustos ng
Diyos ay may nagagawa. Sinabi ng Kristiyanong apos-
tol na si Pablo na ang Diyos ay umaaliw sa atin sa la-
hat ng ating kapighatian, upang maaliw natin yaong
mga nasa anumang uri ng kapighatian. Totoo, ang
maka-Diyos na tulong ay di-nakapag-aalis ng hapdi,
subalit nakapagpapaluwag naman ng kalooban. Hindi
ito nangangahulugang hindi ka na luluha o malilimu-
tan mo na ang iyong minamahal. Kundi makakayanan
mo ito. At habang gayon nga, ang iyong naranasan ay
magpapangyari sa iyo na maging higit na maunawain
at madamayin sa pagtulong sa iba upang makayanan
ang gayunding pangungulila.2 Corinto 1:4.
! ()(! ( *. %#-#*#(
Bakit mahalaga na hayaan ang iyongsarili na magdalamhati?
Papaano mo mabibigyang-daanang iyong pagdadalamhati?
Papaano makatutulong sa iyoang Kasulatan upang harapinang pagkadama ng paninisi sa
sarili at galit?
Sa anong paraan makatutulong saiyo ang kaugnayan sa Diyos upang
makayanan ang kamatayan ngisang minamahal?
Ano ang ilang praktikal namga mungkahi upang makayanan
ang pagdadalamhati?
tatawagin ba tayo ng naulila at sasabihing: Alam ko
na kung ano ang maitutulong mo sa akin? Bihira
iyon. Maliwanag, baka kailanganing tayo mismo ang
magkusa kung talagang ibig nating tulungan at aliwin
ang isang nagdadalamhati.
Isang kawikaan sa Bibliya ang nagsasabi: Gaya ng
mga mansanas na ginto sa mga bilaong pilak ang sa-
litang sinalita sa kaukulan. (Kawikaan 15:23; 25:11)
May katalinuhan ang alamin kung ano ang dapat sa-
bihin at kung ano ang hindi dapat sabihin, kung ano
ang dapat gawin at kung ano ang hindi dapat gawin.
Narito ang ilang maka-Kasulatang mungkahi na na-
katulong ayon sa ilang naulila.
Kung Ano ang Dapat Gawin . . .
Makinig: Maging matulin sa pakikinig, sabi ng
Santiago 1:19. Ang isa sa pinakamalaking maitutulong
mo ay ang pakikiramay sa hapdi ng damdamin ng na-
ulila sa pamamagitan ng pakikinig. Baka kailanganin
ng ilang naulila na ipakipag-usap ang tungkol sa ka-
nilang namatay na minamahal, tungkol sa aksidente o
karamdaman na naging sanhi ng kamatayan, o tung-
kol sa kanilang nadarama pagkatapos na mamatayan.
Kaya magtanong: Gusto mo bang pag-usapan iyon?
Hayaang sila ang magpasiya. Habang nagugunita ang
pagkamatay ng kaniyang ama, isang binata ang nag-
sabi: Talagang natulungan ako nang tanungin ako ng
iba kung ano ang nangyari at pagkatapos ay tala-
gang nakinig sila. Makinig nang may pagtitiyaga at
pakikiramay nang hindi kinakailangang isipin na da-
pat magbigay ng mga sagot o solusyon. Hayaan mong
maihinga nila ang anumang ibig nilang sabihin.
Muling bigyan ng katiyakan: Tiyakin sa kanila
na ginawa na nilang lahat ang magagawa nila (o ano
pa mang ibang bagay na alam mong totoo at positi-
bo). Muli mong bigyan ng katiyakan na ang kanilang
nadaramakalungkutan, galit, paninisi sa sarili, o iba
pang damdaminay normal lamang. Sabihin sa ka-
nila ang tungkol sa ibang kilala mo na napagtagum-
payan ang gayunding kawalan. Ang gayong mga ma-
ligayang salita ay kagalingan sa mga buto, sabi ng
Kawikaan 16:24.1 Tesalonica 5:11, 14.
Maglaan ng panahon: Maglaan ka ng panahon,
hindi lamang sa unang mga araw kapag naroroon ang
maraming kaibigan at kamag-anak, kundi kahit pag-
kalipas ng ilang buwan kapag ang iba ay nakabalik na
sa kani-kanilang karaniwang gawain. Sa ganitong pa-
raan pinatutunayan mo ang iyong sarili na isang ta-
pat na kaibigan, ang uri na laging nasa tabi ng kaibi-
gan sa panahon ng kabagabagan. (Kawikaan 17:17)
Tinitiyak ng aming mga kaibigan na kamiy abala pa
rin kahit sa gabi upang hindi kami gaanong mapag-
isa sa bahay, ang paliwanag ni Teresea, na ang anak
PapaanoMakatutulong ang Iba?
KUNG may maitutulong ako, sabihin mo lang. Ito ang madalas na sinasabi ng ma-rami sa atin sa kauulila pa lamang na kaibigan o kamag-anak. Aba, iyon talagaang nasa puso nat in . Gagawin natin ang lahat upang makatulong. Subal i t
20 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
ay namatay sa isang aksidente sa sasakyan. Iyan ay
nakatulong sa aming pangungulila. Ang sumunod na
mga taon, mga petsa ng anibersaryo, gaya ng aniber-
saryo ng kasal o petsa ng kamatayan, ay baka maging
isang maigting na panahon sa mga naulila. Bakit hin-
di markahan ang mga petsang iyon sa iyong kalendar-
yo upang kung dumating ang araw na iyon, ay ilaan
mo ang iyong sarili, kung kailangan, para sa tulong na
pakikiramay?
Magkusa kung nararapat: May mga dapat bang
asikasuhin? Kailangan bang may mag-alaga ng mga
bata? Kailangan ba ng matutuluyan ang mga kaibigan
at kamag-anak na dumadalaw? Ang kauulila pa la-
mang ay madalas na litung-lito pa anupat ni hindi nila
alam kung ano ang dapat nilang gawin, kaya papaa-
no pa nila masasabi sa iba kung ano ang kanilang ma-
itutulong. Kaya kung nakikita mo ang isang tunay na
pangangailangan, huwag nang hintayin pang pakisu-
yuan ka; magkusa ka. (1 Corinto 10:24; ihambing ang
1 Juan 3:17, 18.) Isang babaing namatayan ng asawa
ang nakagunita: Marami ang nagsabi, Kung may ma-
itutulong man ako, sabihin mo lang. Ngunit isang ka-
ibigan ang walang sinabi. Dumeretso siya sa kuwarto,
hinubaran ang kama, at nilabhan ang kumot at ku-
bre-kama na kaniyang kinamatayan. Ang isa naman
ay kumuha ng isang balde, tubig, at mga panlinis at
iniskoba ang rug na sinukahan ng aking asawa. Pag-
kalipas ng ilang linggo, isa sa matatanda sa kongrega-
syon ang dumating na nakasuot pan-
trabaho dala ang kaniyang mga gamit
at sinabi, Alam kong may dapat nang
ayusin dito. Ano kaya iyon? Hinding-
hindi ko malilimot ang lalaking ito na
nag-ayos ng pinto na natanggal sa bi-
sagra at naglagay ng mga kabitan ng
ilaw!Ihambing ang Santiago 1:27.
Maging mapagpatuloy: Huwag
ninyong kalimutan ang pagkamapagpa-
tuloy, ang paalaala sa atin ng Bibliya.
(Hebreo 13:2) Lalo nang dapat nating
alalahanin ang pagkamapagpatuloy
doon sa mga nagdadalamhati. Sa ha-
lip na isang paanyayang pumunta ka
kahit kailan, magsaayos ng isang tak-
dang petsa at oras. Kung silay tumang-
gi, huwag susuko agad. Baka kailangan
ang ilang bahagyang panghihimok.
Baka kung kaya nila tinanggihan ang
iyong imbitasyon ay dahil natatakot si-
lang di-makapigil sa kanilang damda-
min sa harap ng iba. O baka nahihiya
sila na masabing nagsasaya sila sa pa-
kikisalo at pakikisalamuha sa gayong
panahon. Alalahanin ang mapagpatuloy
Kung nakikita mo ang isang tunay na pangangailangan, huwag nanghintayin pang pakisuyuan kagumawa ng angkop na pagkukusa
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 21
na babaing si Lydia na binanggit sa Bibliya. Matapos
na anyayahan sila sa kaniyang tahanan, sinabi ni Lu-
cas, Ginawa niyang pumaroon kami.Gawa 16:15.
Maging mapagpaumanhin at maunawain: Hu-
wag mabibigla sa maaaring sabihin ng mga naulila sa
pasimula. Tandaan, baka silay nakadarama ng galit
at kasalanan. Kapag ikaw ang napagbuntunan niya ng
galit, kakailanganin ang pang-unawa at pagpapau-
manhin sa iyong bahagi na huwag sumagot nang may
pagkainis. Damtan ninyo ang inyong mga sarili ng
magiliw na pagmamahal ng pagkamadamayin, kaba-
itan, kababaan ng pag-iisip, kahinahunan, at maha-
bang-pagtitiis, ang mungkahi ng Bibliya.Colosas 3:
12, 13.
Magpadala ng sulat: Madalas na nakaliligtaan
ang kahalagahan ng nakasulat na pakikiramay o
isang kard ng pakikidalamhati. Ang kabutihan nito?
Ganito ang sagot ni Cindy, na nawalan ng ina dahil sa
kanser: Isang kaibigan ang nagpadala sa akin ng ma-
gandang liham. Iyan ay talagang nakatulong sapagkat
nababasa ko iyon nang paulit-ulit. Ang gayong liham
o kard ng pampatibay-loob ay maaaring buuin sa ka-
kaunting salita, subalit dapat na nagmumula sa puso.
(Hebreo 13:22) Masasabi nito na ikaw ay nag-aalala
at na nakikibahagi ka sa natatanging alaala ng nama-
tay, o maipakikita nito kung papaano naapektuhan
ang iyong buhay ng taong iyon na yumao.
Manalanging kasama nila: Huwag mamaliitin
ang bisa ng iyong mga panalangin kasama ng mga na-
ulila at para sa kanila. Ang Bibliyay nagsasabi: Ang
pagsusumamo ng taong matuwid . . . ay may malaking
puwersa. (Santiago 5:16) Halimbawa, kapag narinig
ka nilang nananalangin para sa kanila, itoy tutulong
sa kanila na mabawasan ang negatibong mga damda-
min tulad ng paninisi sa sarili.Ihambing ang Santia-
go 5:13-15.
Kung Ano ang #(# Dapat Gawin . . .
Huwag kang umiwas dahil lamang sa hindi
mo alam kung ano ang iyong sasabihin o gaga-
win: Natitiyak kong ibig nilang mapag-isa sa nga-
yon, baka sabihin natin sa ating mga sarili. Ngu-
nit baka naman ang totoo ay umiiwas lamang tayo
sapagkat natatakot tayong makapagsalita o maka-
gawa ng di-nararapat. Gayunman, ang pag-iwas ng
mga kaibigan, kamag-anak, o kapananampalataya
ay baka lalo lamang magpalungkot sa isang naulila,
anupat nakadaragdag sa kirot. Huwag kalilimutan,
ang pinakamababait na salita at kilos ay madalas
na siyang pinakamadaling gawin. (Efeso 4:32) Ang
iyong pagkanaroroon lamang ay makapagpapatibay-
loob na. (Ihambing ang Gawa 28:15.) Habang nagu-
gunita ang araw nang mamatay ang kaniyang anak,
sabi ni Teresea: Sa loob lamang ng isang oras, ang
tanggapan ng ospital ay napuno ng aming mga kai-
bigan; lahat ng matatanda at ng kani-kanilang asa-
wa ay naroroon. Ang ilan sa mga babae ay may cur-
ler pa sa buhok, ang ilan ay nakapantrabaho pa.
Basta nila iniwan ang kanilang ginagawa at duma-
ting agad-agad. Sinabi sa amin ng karamihan sa ka-
nila na hindi nila alam kung ano ang kanilang sa-
sabihin, pero hindi mahalaga iyon basta naroroon
lamang sila.
Huwag mo silang piliting tigilan na ang pag-
dadalamhati: Siya, siya, tahan na, baka sabihin na-
tin. Ngunit mas makabubuti kung hahayaan nilang
tumulo ang kanilang luha. Sa palagay koy mahala-
ga na hayaang ihinga ng mga naulila ang kanilang
damdamin at talagang ibulalas iyon, sabi ni Kathe-
rine, habang nagmumunimuni sa pagkamatay ng ka-
niyang asawa. Iwasan ang hilig na sabihin sa iba kung
ano ang dapat nilang madama. At huwag ipalagay na
dapat mong itago ang iyong nadarama upang panga-
lagaan ang sa kanila. Sa halip, makitangis sa mga ta-
ong tumatangis, ang mungkahi ng Bibliya.Roma
12:15.
Huwag magpadalus-dalos sa pagpapayo sa ka-
nilang itapon na ang mga damit o iba pang pan-
sariling gamit ng namatay nang hindi pa sila
22 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
handa: Baka isipin natin na makabubuti sa kanilang
itapon na ang mga bagay na makapagpapagunita ng
lumipas sapagkat sa papaano man ay lalo lamang ha-
haba ang kanilang pagdadalamhati. Ngunit ang kasa-
bihang Wala sa paningin, wala sa alaala ay baka
hindi angkop dito. Baka kailanganin ng isang naulila
na unti-untiin ang kaniyang paglimot sa yumao. Ala-
lahanin ang paglalarawan ng Bibliya sa naging reak-
siyon ng patriyarkang si Jacob nang siyay papani-
walaing napatay ng isang mabangis na hayop ang
kaniyang nakababatang anak na si Jose. Pagkatapos
na dalhin kay Jacob ang mahabang kasuutan ni Jose
na tigmak ng dugo, maraming araw na tinangisan
[niya] ang kaniyang anak. At nagsitindig ang lahat ni-
yang mga anak na lalaki at babae upang siyay ali-
win, datapuwat tumanggi siyang maaliw.Genesis
37:31-35.
Huwag mong sasabihing, Magkakaanak ka pa
naman uli: Nagdaramdam ako sa mga taong nag-
sasabi sa akin na magkakaanak pa naman ako uli,
Ang iyong pagkanaroroon sa ospital ay makapagpapatibay-loob sa naulila
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 23
nagugunita ng isang ina na namatayan ng anak. Wala
naman silang masamang ibig sabihin, ngunit para sa
isang nagdadalamhating magulang, ang mga salita na
para bang sinasabing mapapalitan naman ang nawa-
lang anak ay maaaring sumaksak gaya ng isang ta-
bak. (Kawikaan 12:18) Hindi kailanman mapapalitan
ng iba ang isang anak. Bakit? Sapagkat ang bawat isa
ay naiiba.
Hindi dapat iwasan ang pagbanggit sa nama-
tay: Ayaw man lamang banggitin ng marami ang
pangalan ng aking anak na si Jimmy o pag-usapan
ang tungkol sa kaniya, nagugunita ng isang ina.
Inaamin kong medyo nasa-
saktan ako kapag gayon ang
ginagawa ng iba. Kaya hin-
di dapat baguhin ang usapan
kapag nabanggit ang panga-
lan ng isang namatay. Tanu-
ngin ang isa kung ibig niyang
pag-usapan ang tungkol sa
kaniyang minamahal. (Iham-
bing ang Job 1:18, 19 at 10:1.)
Natutuwa ang ilang naulila
kung naririnig nilang sinasabi
ng mga kaibigan ang maga-
gandang katangian na naging sanhi kung kaya napa-
mahal sa kanila ang namatay.Ihambing ang Gawa
9:36-39.
Huwag magpadalus-dalos sa pagsasabing,
Mas mabuti na iyan: Ang pagsisikap na maging po-
sitibo tungkol sa kamatayan ay hindi palaging nakaa-
aliw sa mga kaluluwang nanlulumo na nagdadalam-
hati. (1 Tesalonica 5:14) Sa paggunita nang mamatay
ang kaniyang ina, sinabi ng isang dalaga: Ang ibay
nagsasabi, Hindi na siya naghihirap o, Sa papaano
man siyay nananahimik na. Pero ayokong marinig
iyan. Ang gayong mga komento ay maaaring manga-
hulugan para sa mga naulila na hindi sila dapat ma-
lungkot o na ang pagkamatay ay hindi mahalaga. Ga-
yunman, silay nakadarama ng labis na kalungkutan
sapagkat pinananabikan nila ang kanilang minama-
hal.
Mas makabubuti kung hindi sasabihing, Alam
ko ang nararamdaman mo: Talaga nga ba? Halim-
bawa, posible bang malaman mo kung ano ang nada-
rama ng isang magulang kapag nawalan ng anak kung
hindi mo pa naman nararanasan mismo ang gayong
kawalan? At kung sakali mang naranasan mo na, tan-
tuin mong hindi magiging magkatulad na magkatu-
lad ang inyong damdamin. (Ihambing ang Panaghoy
1:12.) Sa kabilang dako, kung waring angkop naman,
baka may ilang pakinabang sa pagsasabi kung papaa-
no mo napagtagumpayan ang
pagkamatay ng iyong minama-
hal. Isang babae na namatayan
ng anak na babae ang nagka-
roon muli ng tiwala nang ang
ina ng isa pang anak na babae
na namatay rin ang nagsabi sa
kaniya kung papaano siya na-
kabalik sa normal na buhay.
Sabi niya: Hindi sinimulan ng
ina ng anak na babaing nama-
tay ang kaniyang kuwento ng
Alam ko ang nararamdaman
mo. Basta sinabi lang niya sa akin kung ano ang na-
ramdaman niya at hinayaan niyang ako ang gumawa
ng pag-uugnay sa mga iyon.
Ang pagtulong sa mga naulila ay nangangailangan
ng pagkahabag, pang-unawa, at matinding pagmama-
hal sa iyong bahagi. Huwag hintaying ang naulila pa
ang lumapit sa iyo. Huwag basta sabihing, Kung may
maitutulong ako . . . Hanapin mo mismo kung ano
iyon, at pagkatapos ay gumawa ng angkop na pagku-
kusa.
Ilan pang tanong ang natitira: Kumusta naman ang
pag-asa ng Bibliya ng isang pagkabuhay-muli? Ano
ang maaaring maging kahulugan nito para sa iyo at
sa iyong minamahal na namatay? Papaano natin ma-
titiyak na itoy isang maaasahang pag-asa?
! ()(! ( *. %#-#*#(
Bakit nakatutulong ang pakikiramaysa hapdi ng damdamin ng naulila sa
pamamagitan ng pakikinig?
Anu-ano ang mga bagay na magagawanatin upang maaliw ang isang
nagdadalamhati?
Ano ang dapat natingiwasang sabihin o gawin sa
isang namimighati?
24 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 25
Kapag may namatay sa pamilya, ang mga magulanggayundin ang iba pang mga kamag-anak at mgakaibigan ay madalas na hindi malaman kung ano ang
sasabihin o gagawin upang tulungan ang mga bata na
makayanan ang nangyari. Gayunman, kailangan ng mga
bata ang matatanda upang tulungan silang harapin ang
tungkol sa kamatayan. Isaalang-alang ang ilang
karaniwang itinatanong hinggil sa pagtulong sa mga bata
upang maunawaan ang kamatayan.
Papaano mo ipaliliwanag ang kamatayan sa mga
bata? Mahalaga na ipaliwanag mo ang mga bagay-bagay sa
simpleng pananalita. Tapatin mo sila. Huwag mag-atubiling
gamitin ang nararapat na mga salita, gaya ng patay at
kamatayan. Halimbawa, maaaring umupo kang katabi ng
isang bata, kalungin mo siya, at sabihin: Napakalungkot na
bagay ang nangyari. Ang naging sakit ng Daddy mo ay
napakalubha at di-pangkaraniwan [o anumang bagay na
alam mong totoo], at siyay namatay. Walang may kasalanan
sa kaniyang pagkamatay. Hahanap-hanapin natin siya
sapagkat mahal natin siya, at mahal niya tayo. Gayunman,
makatutulong kung ipaliliwanag na ang bata
o ang naulilang magulang ay hindi naman mamamatay
dahil lamang sa ang isang iyon ay nagkakasakit
paminsan-minsan.
Himukin silang magtanong. Ano ba ang patay? marahil
ay itatanong nila. Maaari kang sumagot nang ganito:
Ang patay ay nangangahulugang ang katawan ay hindi
na gumagalaw at hindi na makagagawa ng anuman tulad
nang datihindi na iyon makapagsasalita, makakakita, o
makakarinig, at hindi na rin makakaramdam ng anuman.
Ang isang magulang na naniniwala sa pangako ng Bibliya na
isang pagkabuhay-muli ay maaaring magsamantala sa
pagkakataong ito upang ipaliwanag na inaalaala ng Diyos na
Jehova ang namatay at maaaring buhayin niyang muli sa
darating na makalupang Paraiso. (Lucas 23:43; Juan 5:
28, 29)Tingnan ang bahaging Isang Tiyak na Pag-asa
Para sa mga Patay.
Mayroon bang bagay na "#(# mo dapat sabihin?
Hindi makatutulong kung sasabihin mong ang namatay ay
naglalakbay sa malayong lugar. Ang takot na maiwan ay
siyang pinakapangunahing inaalaala ng isang bata, lalo na
kung ang isang magulang ang namatay. Ang pagsasabi sa
kaniya na may pinuntahan ang namatay ay magpapatibay
lamang sa pag-aakala ng batang siyay iniwanan at baka
mangatuwiran siya: Umalis si lola, at hindi man lamang
nagpaalam! Mag-ingat din, sa mga bata, sa pagsasabing ang
namatay ay natutulog. Natural sa mga bata na maging
literal. Kung ipapareho ng isang bata ang pagtulog sa
kamatayan, baka ang maging resultay katakutan ang
pagtulog sa gabi.
Dapat bang makipaglibing ang mga bata? Dapat
isaalang-alang ng mga magulang ang kalooban ng mga bata.
Kung ayaw nilang sumama, huwag silang pilitin o sa
anumang paraan ay konsiyensiyahin sila dahil sa hindi
pagsama. Kung gusto naman nilang sumama, isa-isahin
ang magaganap, kasali na ang tungkol sa kabaong at kung
ito man ay nakabukas o nakasara. Ipaliwanag din na
baka makakita sila ng maraming tao na umiiyak dahil
nalulungkot sila. Muli, hayaan silang magtanong. At tiyakin
muli sa kanila na maaari silang umalis kung kinakailangan.
Ano ang nararamdaman ng mga bata kung tungkol
sa kamatayan? Ang mga batay madalas na nag-aakalang
sila ang may kasalanan sa pagkamatay ng isang minamahal.
Sa dahilang ang isang bata ay baka may mga panahong
nagalit sa taong namatay, baka akalain ng bata na ang
nasa isip o nasambit na galit ang siyang naging sanhi ng
kamatayan. Baka kailanganin mong magbigay ng nakaaaliw
na mga salita: Ang iyong isipan at ang iyong mga salita
ay hindi dahilan ng pagkakasakit ng mga tao, at hindi
iyon pumapatay ng tao. Baka kailangang ulit-ulitin ang
pagbibigay ng gayong mga katiyakan sa isang maliit na bata.
Dapat mo bang itago sa iyong mga anak ang iyong
pagdadalamhati? Ang pagluha sa harap ng mga bata ay
kapuwa normal at nararapat. Bukod dito, halos imposible na
lubusang maitago sa mga bata ang iyong nadarama; likas sa
kanila ang pagkakaroon ng matalas na pakiramdam at
madalas na nahahalata nilang may masamang nangyayari.
Ang pag-amin sa iyong dalamhati ay nagpapangyaring
maalaman nilang normal lamang pala ang pagdadalamhati
at paminsan-minsan ay ipakita ang iyong nadarama.
!./&)(! - '! . ( ,*#( (! /(!%)& - '.3(
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 27
ko siya nang gayon na lamang. Dahil sa itinuro sa aking
nasa langit siya, aba, gusto ko na ring magpakamatay
para makasama ko siya. Siya ang aking pinakamatalik
na kaibigan.
Waring di-makatuwiran na magkaroon ng kapang-
yarihan ang kamatayan upang kunin ang iyong mina-
mahal. At kapag iyon ay nangyari, ang alaala na hindi
mo na kailanman makakausap, makakatawanan, o ma-
yayakap ang iyong minamahal ay siyang pinakamahi-
rap na batahin. Ang kirot na iyan ay hindi totoong na-
pawi sa pagsasabi sa iyo na ang iyong minamahal ay
nasa langit.
Gayunman, ang Bibliya ay may inilalaang naiibang
pag-asa. Gaya ng atin nang nalaman, ang Kasulatan ay
nagpapakitang posible na makasamang muli ang iyong
minamahal sa malapit na hinaharap, hindi sa isang wa-
lang-nakaaalam na langit kundi dito mismo sa lupa sa
ilalim ng mapayapa, matuwid na mga kalagayan. At sa
panahong iyan ang mga taoy magtatamasa ng sak-
dal na kalusugan, at hindi na sila kailangang mamatay
na muli kailanman. Pero mahirap yatang paniwalaan
iyan! baka sabihin ng iba.
Ano ang kailangan upang mapaniwala kang itoy
isang tiyak na pag-asa? Upang maniwala sa isang pa-
ngako, dapat mong tiyakin na ang nangako ay kapuwa
nagnanais at may kakayahang tuparin iyon. Sino, kung
gayon, ang nangangakong mabubuhay-muli ang mga
patay?
Noong tagsibol ng 31 C.E., tuwirang nangako si Jesu-
Kristo: Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga
patay at binubuhay sila, gayundin na binubuhay ng
Anak yaong mga ibig niya. Huwag kayong mamangha
rito, sapagkat ang oras ay dumarating na ang lahat ni-
yaong nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng
kaniyang tinig [ni Jesus] at lalabas. (Juan 5:21, 28, 29)
Oo, nangako si Jesu-Kristo na milyun-milyong patay
ngayon ang mabubuhay-muli sa lupang ito at may pag-
asang manatili roon magpakailanman sa ilalim ng ma-
payapa, malaparaisong kalagayan. (Lucas 23:43; Juan
3:16; 17:3; ihambing ang Awit 37:29 at Mateo 5:5.) Ya-
mang si Jesus ang nangako, maaasahang kapani-pani-
wala na nanaisin niyang tuparin iyon. Ngunit kaya ba
niyang gawin iyon?
IsangTiyaknaPag-asaPara samgaPatay
Isang 25-taong-gulang na babae ang sumulat: Noong 1981 ang aking ina-inahan ay
namatay dahil sa kanser. Ang kaniyang pagkamatay ay napakahirap para sa akin at
sa aking kinakapatid na lalaki. Akoy 17, at ang aking kapatid ay 11. Hinahanap-hanap
Ang mapagmahal na damdamin ni Jesus nangbuhaying-muli si Lazaro ay nagpapaaninag ng
kaniyang matinding hangarin na wakasan na angpamiminsala ng kamatayan
28 Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
Paulit-ulit, sa pagpapaliwanag kung papaano nilanakayanan ang kanilang pagdadalamhati, ganitoang sinasabi ng tapat na mga Kristiyano: Hayaan
mong sabihin ko sa iyo ang aking paboritong teksto sa
Bibliya. Kung ikaw ay nagdadalamhati, baka ang
ilan sa mga kasulatang ito ay makatutulong sa iyo.
Pagpalain . . . ang Ama ng magiliw na mga awa at
ang Diyos ng buong kaaliwan, na umaaliw sa atin sa
lahat ng ating kapighatian.2 Corinto 1:3, 4.
Binubuksan mo ang iyong kamay at
binibigyang-kasiyahan ang pagnanasa ng bawat
nabubuhay na bagay.Awit 145:16.
Nagtakda siya [ang Diyos] ng isang araw kung
kailan nilalayon niyang hatulan ang tinatahanang
lupa sa katuwiran sa pamamagitan ng isang lalaki na
kaniyang inatasan, at naglaan siya ng garantiya
sa lahat ng mga tao sa bagay na binuhay niya siyang
muli mula sa mga patay.Gawa 17:31.
Akoako nga ang Isa na umaaliw sa inyo.
Isaias 51:12.
Gaya ng isang taong laging inaaliw ng kaniyang
sariling ina, gayundin na lagi ko mismong aaliwin
kayong mga tao.Isaias 66:13.
Ito ang aking kaaliwan sa kadalamhatian ko,
sapagkat iningatan akong buhay ng iyong
sariling pananalita. Naalaala ko ang iyong
mga panghukumang pasiya mula ng panahong
walang-takda, O Jehova, at ako ay nakasusumpong ng
kaaliwan para sa aking sarili. Nawa ang iyong
maibiging-kabaitan ay magsilbi, pakisuyo, na umaliw
sa akin, alinsunod sa iyong pananalita sa iyong
lingkod.Awit 119:50, 52, 76.
Ang oras ay dumarating na ang lahat niyaong
nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng
kaniyang tinig at lalabas, yaong mga gumawa ng
mabubuting bagay sa pagkabuhay-muli sa buhay.
Juan 5:28, 29.
! %-.)(! 'Wala pang dalawang taon mula nang ipangako iyon,
ipinakita ni Jesus sa isang makapangyarihang paraan
na kapuwa nais niya at kaya niyang gawin ang pagbu-
hay-muli.
Lazaro, Lumabas Ka!
Iyon ay isang makabagbag-damdaming tanawin.
Malala na ang sakit ni Lazaro. Ang kaniyang dalawang
kapatid na babae, sina Maria at Marta, ay nagpasabi
kay Jesus, na nasa kabilang ibayo ng Ilog Jordan: Pa-
nginoon, tingnan mo! ang isa na minamahal mo ay
may-sakit. (Juan 11:3) Alam nilang mahal ni Jesus si
Lazaro. Hindi kaya nanaisin ni Jesus na makita ang ka-
niyang may-sakit na kaibigan? Nakapagtataka, sa halip
na pumunta agad sa Betania, si Jesus ay nanatili pa rin
sa kaniyang kinaroroonan nang sumunod na dalawang
araw.Juan 11:5, 6.
Namatay si Lazaro pagkaraang ibalita ang tungkol sa
kaniyang pagkakasakit. Alam ni Jesus kung kailan na-
matay si Lazaro, at may binabalak siya tungkol doon.
Nang sa wakas ay dumating si Jesus sa Betania, ang ka-
niyang mahal na kaibigan ay apat na araw nang patay.
(Juan 11:17, 39) Mabubuhay pa kaya ni Jesus ang isa
na gayong katagal nang patay?
Nang mabalitaang darating si Jesus, si Marta, isang
babaing maliksi, ay patakbong sumalubong sa kani-
ya. (Ihambing ang Lucas 10:38-42.) Palibhasay nabag-
bag sa kaniyang pagkalumbay, tiniyak sa kaniya ni Je-
sus: Ang iyong kapatid ay babangon. Nang ipahiwatig
niya ang kaniyang pananampalataya sa isang pagkabu-
hay na muli sa hinaharap pa, maliwanag na sinabi ni
Jesus sa kaniya: Ako ang pagkabuhay-muli at ang bu-
hay. Siya na nagsasagawa ng pananampalataya sa akin,
kahit na siya ay mamatay, siya ay mabubuhay.Juan
11:20-25.
Nang nasa libingan na, iniutos ni Jesus na alisin ang
batong tumatakip sa pasukan. Pagkatapos, pagkaraang
manalangin nang malakas, iniutos niya: Lazaro, luma-
bas ka!Juan 11:38-43.
Lahat ng mga mata ay nakatitig sa libingan. Walang
anu-ano, mula sa kadiliman, lumitaw ang isang kaan-
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal 29
yuan. Nababalutan ang kaniyang mga paa at kamay, at
ang kaniyang mukha ay may balot na tela. Kalagan
ninyo siya at hayaan siyang makalaya, ang utos ni Je-
sus. Ang pinakahuling kinalag na benda ay nalaglag sa
lupa. Oo, si Lazaro nga, ang lalaking apat na araw nang
patay!Juan 11:44.
Talaga Bang Nangyari Iyon?
Ang ulat ng pagkabuhay na muli ni Lazaro ay ini-
lahad sa Ebanghelyo ni Juan bilang isang makasay-
sayang pangyayari. Ang mga detalye ay napakalinaw
upang itoy maging isa lamang talinghaga. Ang pag-
aalinlangan sa pagiging makasaysayan nito ay nanga-
ngahulugan ng pag-aalinlangan sa lahat ng himala
sa Bibliya, kasali na ang mismong pagkabuhay-muli
ni Jesu-Kristo. At ang pagtanggi sa pagkabuhay-muli
ni Jesus ay nangangahulugan ng pagtanggi sa Kristi-
yanong pananampalataya sa kabuuan.1 Corinto 15:
13-15.
Ang totoo, kapag tinanggap mong umiiral ang Diyos,
wala kang magiging suliranin sa paniniwala sa pagka-
buhay-muli. Upang ilarawan: Maaaring i-videotape ng
isang tao ang kaniyang huling habilin, at pagkamatay
niya, makikita at maririnig siya ng kaniyang mga ka-
mag-anak at kaibigan, sa totoo, habang ipinaliliwanag
niya kung ano ang gagawin sa kaniyang ari-arian. No-
ong nakalipas na isandaang taon, ang gayong bagay ay
imposible. At sa ilang tao sa ngayon na nakatira sa mga
liblib na dako ng daigdig, ang teknolohiya ng video re-
cording ay hindi abot ng kanilang isip anupat itoy wa-
ring kahima-himala. Kung ang makasiyentipikong mga
tuntunin na itinatag ng Maylikha ay nagagamit ng mga
tao upang makabuo ng gayong nakikita at naririnig na
panoorin, hindi kaya makagagawa nang higit pa roon
ang Maylikha? Kung gayon, hindi kaya makatuwiran
na ang Isa na lumikha ng buhay ay makalilikhang-
muli niyaon?
Ang himala ng pagbabalik ng buhay ni Lazaro ay na-
kapagpapatibay ng pananampalataya kay Jesus at sa
pagkabuhay-muli. (Juan 11:41, 42; 12:9-11, 17-19) Sa
isang makabagbag-pusong paraan, isinisiwalat din nito
ang pagnanais at hangarin ni Jehova at ng kaniyang
Anak na isagawa ang pagkabuhay-muli.
Magtataglay ang Diyos ng Mithiin
Ang pagtugon ni Jesus sa pagkamatay ni Lazaro ay
nagsisiwalat ng isang mapagmahal na damdamin ng
Anak ng Diyos. Ang kaniyang labis na pagdaramdam
sa pagkakataong ito ay maliwanag na nagpapahiwatig
ng kaniyang matinding hangaring buhaying-muli ang
mga patay. Mababasa natin: Si Maria, nang siya ay du-
mating sa kinaroroonan ni Jesus at makita siya, ay su-
mubsob sa paanan niya, na sinasabi sa kaniya: Pangi-
noon, kung narito ka, ang aking kapatid ay hindi sana
namatay. Sa gayon, si Jesus, nang kaniyang makita
siya na tumatangis at ang mga Judio na sumama sa ka-
niya na tumatangis, ay dumaing sa espiritu at nabaga-
bag; at sinabi niya: Saan ninyo siya inilagay? Sinabi
nila sa kaniya: Panginoon, halika at tingnan mo. Si Je-
sus ay lumuha. Sa gayon ang mga Judio ay nagpasimu-
lang magsabi: Tingnan ninyo, kung anong pagmama-
hal mayroon siya para sa kaniya! Juan 11:32-36.
Ang buong-pusong pagkahabag ni Jesus ay ipinahi-
hiwatig rito sa pamamagitan ng tatlong salita: du-
maing, nabagabag, at lumuha. Ang mga salita sa
orihinal na wikang ginamit sa pag-uulat ng makabag-
bag-damdaming tanawing ito ay nagpapahiwatig na
lubhang naapektuhan ang damdamin ni Jesus sa kama-
tayan ng kaniyang mahal na kaibigang si Lazaro at ang
Kaniyang mga matay napuno ng luha sa pagkakitang
tumatangis ang kapatid na babae ni Lazaro.
Ang totoong kapansin-pansin ay na si Jesus ay dati
nang bumuhay ng iba pang dalawa. At lubusan niyang
Ang Griegong salita na isinaling dumaing ay mula sa pandi-wang (embrimaomai) na tanda ng nasaktan, o lubhang naapek-tuhang damdamin. Isang iskolar sa Bibliya ang nagsabi: Dito iyon aynangangahulugan lamang na ang gayong matinding emosyon ay du-maig kay Jesus anupat isang di-kinukusang pagdaing ang