2
John Adrian Aceron Nagpakitang GILAS PILIPINAS Sa larong pinaghaharian ng mga higante sa Kannluran, sinong mag- aakalang kaya pala nating makipagsabayan? Isang panalo… iyan amang ang nakamit ng Gilas Pilipinas sa kanilang makasaysayang kampanya sa FIBA Basketball World Cup 2014 na ginanap sa Espanya, pero walang kasing tamis ang panalong ito para sa ating mga Pilipino. Hindi lamang nito tinuldukan ang 40 taon nating pagkauhaw sa panalo, napatunayan rin nito sa mundo na maliliit man tayong mga Pilipino, mayroon naman tayong malaking puso sa larong basketbol. “I think that’s what our team is built on, we’re built on heart. We’re not built on size, nor built on strength. We’re definitely not built on height-seeing me being the captain and not being a 6-footer. I’m proud of all our guys, I’m proud of our coach.” wika ni Gilas Pilipinas’ team captain Jimmy Alapag. Puso lamang ang baon ng Gilas Pilipinas nang magtungo sila sa Espanya, pero napakaraming karangalan ang bitbit nila pagbalik sa ating bayan. Ang Pilipinas ay ika-34 lamang sa larangan ng basketbol pero nagawa nating itulak sa limitasyon ang Croatia na ikaapat sa mga bansa sa Europa, Greece na ikaapat sa mundo, at ang Argentina na ikatlong pinakamalakas sa mundo. Maraming nag-akalang papakainin lamang tayo ng alikabok ng ibang mga koponan pero nagkayod-marino ang ating Gilas Pilipinas upang patunayang may ibubuga rin tayo at kaya nating makipagsabayan sa mga pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo. Nasaksihan ng lahat kung paano lumaban at nakipagpalitan ng mukha ang mga miyembro ng ating pambansang koponan sa mga sikat na atleta na nanggaling pa sa NBA tulad nila JJ Barea, Gorgui Deng at Luis Scola.

Nagpakitang GILAS PILIPINAS

Embed Size (px)

DESCRIPTION

GILAS PILIPINAS

Citation preview

Page 1: Nagpakitang GILAS PILIPINAS

John Adrian Aceron

Nagpakitang GILAS PILIPINAS

Sa larong pinaghaharian ng mga higante sa Kannluran, sinong mag-aakalang kaya pala nating makipagsabayan?

Isang panalo… iyan amang ang nakamit ng Gilas Pilipinas sa kanilang makasaysayang kampanya sa FIBA Basketball World Cup 2014 na ginanap sa Espanya, pero walang kasing tamis ang panalong ito para sa ating mga Pilipino.

Hindi lamang nito tinuldukan ang 40 taon nating pagkauhaw sa panalo, napatunayan rin nito sa mundo na maliliit man tayong mga Pilipino, mayroon naman tayong malaking puso sa larong basketbol.

“I think that’s what our team is built on, we’re built on heart. We’re not built on size, nor built

on strength. We’re definitely not built on height-seeing me being the captain and not being a 6-footer. I’m proud of all our guys, I’m proud of our coach.” wika ni Gilas Pilipinas’ team captain Jimmy Alapag.

Puso lamang ang baon ng Gilas Pilipinas nang magtungo sila sa Espanya, pero napakaraming karangalan ang bitbit nila pagbalik sa ating bayan.

Ang Pilipinas ay ika-34 lamang sa larangan ng basketbol pero nagawa nating itulak sa limitasyon ang Croatia na ikaapat sa mga bansa sa Europa, Greece na ikaapat sa mundo, at ang Argentina na ikatlong pinakamalakas sa mundo.

Maraming nag-akalang papakainin lamang tayo ng alikabok ng ibang mga koponan pero nagkayod-marino ang ating Gilas Pilipinas upang patunayang may ibubuga rin tayo at kaya nating makipagsabayan sa mga pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo.

Nasaksihan ng lahat kung paano lumaban at nakipagpalitan ng mukha ang mga miyembro ng ating pambansang koponan sa mga sikat na atleta na nanggaling pa sa NBA tulad nila JJ Barea, Gorgui Deng at Luis Scola.

Ilang ulit man silang nabigo, hanggang sa huling segundo ay hindi sila sumuko.

Kinapos man sa kumpetisyon, hindi man naitala ang kanilang mga pangalan sa listahan ng mga kampeon, ang ibinigay na inspirasyon ng Gilas Pilipinas ay mananatili sa puso ng bawat Pilipino hanggang sa susunod na henerasyon.

John Adrian Aceron