24
1 BALITA Volume 2 Issue Number 8

MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

1

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

Page 2: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 82

BALITA

BATAY sa www.gov.ph, ang transnational crimes ay, “Refers to certain criminal phenomena

transcending international borders, transgressing the laws of several states, or having an impact on another country. It covers offenses whose inception, prevention and/or direct or indirect effects involve more than one country. In other words, it is an offense that has an international dimension and involves crossing of at least one border before, during or after the fact.

There are eleven (11) categories of transnational crime covered in the CPCTOC, Each transnational crime is defi ned in the CPCTOC as follows: Terrorism, Illegal Drug Traffi cking. Traffi cking In Persons, Arms Smuggling, Money Laundering, Sea Piracy, Cybercrime, Economic Crime, and Environmental Crime.”

Ang pag-uusap ay idinaos sa Maynila na nagpakita sa mga pagsubok sa Southeast

ASEAN MEMBER STATES PATANG PAGLABAN SA TRANSN

Asia na sumasaklaw mula sa terorismo hanggang cybercrime.

Kahit patuloy na hinaharap ng mga estado ng Southeast Asian ang transnational crimes – kung saan hindi lamang terorismo, kundi pati na ang ilegal na droga, human traffi cking, smuggling, money laundering, piracy, mga kasalukuyang pagnanakaw ng intelektuwal na pag-aari at cybercrime – sa matagal na panahon, ang regional cooperation ay tunay na nagsimula noong 1990’s.

Noong 1997, idinaos ng mga ministro ng ASEAN ang inaugural meeting ng ASEAN ministers of interior and home

affairs on transnational crime, na nilagdaan ng ASEAN Declaration on Transnational Crime, at binuo ang ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crimes

(AMMTC).Sa simula pa lamang,

ang tungkulin ng AMMTC ay magsilbi bilang pinakamataas na

policymaking at coordinating body sa ASEAN cooperation sa transnational crimes bukod pa sa ibang pulong, institusyon at mga plano na kakaharap sa paksa, kasama ang Senior Offi cials

Nitong nakaraang buwan ng Setyembre, ang mga opisyal mula sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN ay

nagpulung-pulong upang pag-usapan at suriin kung papaano susugpuin ang “transnational crimes”.

Page 3: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

3

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

TULOY NATIONAL CRIMES

Meeting on Transnational Crime (SOMTC) at ang ASEAN Chiefs of National Police (ASEANAPOL). Nagdaan ang AMMTC sa mga ebolusyon tulad ng pagpapalawak ng “Plus Three” na porma na unang isinagawa noong 2004 at nakita sa ibang pulong ng ASEAN kabilang ang Japan, South Korea, at China.

Sa mga nakalipas na taon, ipinakita ng mga miyembro ng ASEAN ang pagsusumikap upang patibayin ang kooperasyon laban sa transnational crimes. Sa ginanap na ASEAN chairmanship sa Malaysia, nilagdaan ng mga estado ng Southeast Asian ang bagong Kuala Lumpur

Declaration in Combating Transnational Crime at pumayag sa iba’t ibang mga panukala, kabilang ang pagsang-ayon sa pagdaraos ng AMMTC taun-taon kaysa bawat dalawang taon simula sa 2016, at ang pagdagdag ng tatlong bagong bahagi – ipinagbabawal na traffi cking sa wildlife, ipinagbabawal na traffi cking sa timber, at people smuggling – ito’y karagdagan sa tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, human traffi cking, money laundering, piracy, weapon smuggling at cybercrime).

Mula sa ika-18 ng Setyembre hanggang ika-21, ang pang-11 na AMMTC ay idinaos sa Maynila. Ang pulong ngayong taon ay pinamunuan ni Undersecretary Catalino S. Cuy, Offi cer-in-Charge of the Department of the Interior and Local Government of the Philippines, kasama ang mga opisyal mula sa 10 ASEAN member states.

Alinsunod sa AMMTC, ang esensya ng isinagawang pulong ay upang suriin ang umiiral na progreso na nagawa ng ibang grupo pati na rin ang mga bagong ideya para sa samahan. Nabanggit ng mga ministro ang nabuong inroads ay kasunod sa integrasyon ng mga piling bahagi tulad ng wildlife, timber traffi cking, at arms smuggling sa SOMTC Work Program.

Sa pag-usbong ng mga pangamba tungkol sa impluwensya ng Islamic State

sa Southeast Asia – na nagpalala lamang sa krisis sa Marawi noong Mayo – ang talakayan ngayon ay nakatuon sa terorismo. Ang mahalagang parte sa isinagawang pulong ay ang pagtatatag ng Special ASEAN Ministerial Meeting on the Rise of Radicalization and Violent Extremism (SAMMRRVE), isang bagong sangay kung saan makakapagpalitan ang mga member states ng pananaw, karanasan at ideya sa naturang paksa.

Sa katapusan ng pagpupulong, ipinahayag ng mga estado ng Southeast Asian na higit pa nilang sisikapin ang pagkontra sa mga banta hindi lamang sa pamamagitan ng dialogue, pagpapalitan ng intelihensya, joint operations at capacity building kundi maging sa pagpapaigting din ng tolerance. Iniakma rin ng ASEAN ang revised ASEAN Comprehensive Plan of Action on Counterterrorism at ang Manila Declaration to Counter the Rise of Radicalization and Violent Extremisim, habang iniendorso ang ASEAN Declaration to Prevent and Combat Cybercrime.

Nakasalamuha rin ng mga ministro ng ASEAN ang kanilang counterparts mula China, Japan, at South Korea upang pag-usapan ang pagpapatibay ng kanilang samahan. Habang tinatalakay ang progreso sa mga estado sa Southeast Asian, sinabi ni Cuy na ang mga dialogue partners ay nababahala sa tagal ng pagresolba sa sitwasyon sa Marawi dahil may posibilidad na mangyari rin ito sa iba pang estado ng Asian.

Ang ika-12 AMMTC at mga kaugnay na pulong ay inaasahang magaganap sa Myanmar sa 2018. At dahil sa kahalagahan ng usaping transnational crimes sa mga estado ng Southeast Asian, malamang na ito’y muling talakayin at mas busisiin pa.

Sinaliksik ni MARVIN DELA PAZMga kuhang larawan ni PATRISHA BAGALSO

Page 4: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 84

BALITA

Volume 2 Issue Number 84

NANAWAGAN ang Japan sa mga bansang kasapi ng ASEAN na labanan ang ‘protectionism policies’

sa ilang bahagi ng bansa, at magtaguyod ng libreng kalakalan sa bawat rehiyon.

Sa isang press briefi ng na isinagawa ni Japanese Foreign Ministry Deputy Press Secretary Toshihide Ando noong Agosto 6, hinikayat ni Foreign Minister Taro Kono ang ASEAN foreign ministers na magpatuloy sa kanilang direksyon na mapalaya ang kalakalan hindi lamang sa Southeast Asian region kundi maging sa ilang bahagi rin ng Asya.

“While protectionist sentiment is spreading around the world, it is incumbent for us to send the message to ASEAN to promote free and open economic order and free-trade regimes,” ani Ando.

Ang ASEAN at Japan ay may free-

trade agreement kung saan napalakas nito ang two-way trade na umabot noong 2016 sa $221.7 billion.

Samantala, hinikayat din ng Japan ang ASEAN na pagtibayin ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Layunin ng RCEP na magkaroon ang ASEAN country at iba pang bansa ng libreng kalakalan at FTA.

Kabilang naman ang Australia, New Zealand, China, India, Japan, at South Korea sa FTA partners ng ASEAN.

Nais din ng Pilipinas, bilang host ng ASEAN Summit sa taong ito, na pagtibayin ang pakikipagnegosasyon sa RCEP.

Ani Ando, “To enhance this momentum, Japan and ASEAN should seek for the early conclusion of negotiations of RCEP led by

ASEAN DAPAT MAGTAGUYOD NG

ASEAN to reach a comprehensive, well-balanced, and high quality agreement.”

At upang lalo pang mapalakas ang dialogue partnership sa ASEAN, inianunsyo ni Japanese Foreign Minister Kono sa ASEAN-Japan Ministerial Meeting na ang negosasyon sa ASEAN-Japan Technical Cooperation Agreement ay ilulunsad na.

Aniya, “I fi rmly believe that this agreement will contribute to expand Japan-ASEAN relationship as agreement will enable JICA (Japan International Cooperation Agency) to provide assistance for projects that ASEAN community seeks to advance in addition to existing Japan’s bilateral assistance to respective ASEAN member state.”

(Ulat nina Kris M. Crismundo ng PNA at Angel Sagales ng MMPM)

MALAYANG KALAKALAN

Page 5: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

5

BALITA

Volume 2 Issue Number 8 5555VolVolumumee 222 IssIssIssIssueueue e u NumNumberrrr 8888

MGA ISYU SA NOKOR AT SOUTH CHINA SEACHINA SEA,

Tinalakay ng Tinalakay ng ASEAN AT JAPANASEAN AT JAPAN

ng South China Sea.Dagdag pa ni Ando, umaasa ang Ja-pan sa isang legally binding ng COC.

“We expect that discussions will proceed in accordance with international law and on the premise that no nucle-arization and self-restraint will be maintained. I hope that legally binding and effective COC will be fi nalized,” aniya.

(Ulat nina Kris M. Crismundo ng PNA at Angel Sagales ng MMPM)

IBINAHAGI ni Japanese Foreign Ministry Deputy Press Secretary Toshihide Ando sa isang press briefi ng noong Agosto 6 na napag-usapan sa ginanap na pagpupulong

sa pagitan ng sampung bansang kasapi sa ASEAN, kasa-ma ang Japan, ang sitwasyon at mga kritikal na problema ng Korean Peninsula at South China Sea.

Nabanggit ni Ando na nagkasundo sina Foreign Min-ister Taro Kono at ang ASEAN country coordinator mula sa Brunei Darussalam, sa pamamagitan ni Lim Jock Seng, Second Minister of Foreign Affairs and Trade, na mas pal-akasin ang pwersa ng North Korea.

Dagdag pa niya, panahon na, hindi lamang upang ma-pag-usapan ang mga problema, kundi upang mapalakas ang pwersa ng North Korea, nang sa gayon, ang Dem-ocratic People’s Republic of Korea (DPRK) ay ma-nguna sa pagbibigay ng aksyon na magdudulot ng ‘denuclearization’.

Naglabas naman ang ASEAN Ministers ng isang pahayag na nagpapahatid ng pa-kikiramay sa nangyaring sitwasyon sa Korean Peninsula.

Hinikayat din ng ASEAN’s top diplo-mats ang DPRK na agarang sumunod sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng United Nations Security Council Resolutions.

Samantala, sinabi rin ni Ando sa mga mamamahayag na ang Ja-pan ay nababahala sa pagbubuo ng large scale outpost sa pagitan ng South China Sea.

Nais umano ng Japan na gamitin ng ASEAN at Chinese for-eign ministers ang framework ng Code of Conduct (COC) sa usapin

Page 6: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 86

BALITA

IPINAGKALOOB ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Gawad Ma-bini” sa anim na opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa seremonya na ginanap sa President’s Hall ng Malacañang Palace, ang Gawad Mabini para sa Dakilang Kamanong (Green Cross) ay ipinagkaloob kina Undersecretary Enrique Manalo; Ambassador Elizabeth P. Buensuceso; Consul General Adelio Angelito Cruz; at Am-bassador Mario L. de Leon.

Ang Gawad Mabini para sa Dakilang Kasugo (Commander) ay ipinagkaloob naman kina Vice Consul Theodore Andrei Bauzon at Di-rector Ryan Francis Gener.

Ang mga nasabing parangal ay ipinagkaloob ni Pangulong Duterte sa mga opisyal dahil sa kanilang dedikasyon at mahusay na pag-tataguyod ng independent foreign policies ng bansa.

Sa kanyang mensahe, pinahayag ni Pangulong Duterte ang taos-pusong papuri para sa mga awardee.

Pinasalamatan niya rin ang mga ito sa pagtataguyod ng indepen-dent foreign policy ng bansa na aniya, “Strongly founded on our nation-al interest and carried out through the diversifi cation of our internation-al ties to secure our political, economic, and socio-cultural objectives.”

‘Gawad Mabini’IPINAGKALOOB NI PANGULONG DUTERTE SA 6 NA DFA OFFICIALS

Binigyang-diin ng Pangulo na ang pagpapalakas ng foreign rela-tions ng bansa ay hindi lang nangangahulugan na maganda kundi tini-tiyak din nito ang mga oportunidad sa kalakakan, seguridad at pagtu-tulungan ng mga bansa at pag-unlad ng bayan.

Ipinagmalaki rin niya na ang dedikasyon ng mga opisyal ay nag-bigay-daan sa Pilipinas upang makamit ang pangunahing foreign poli-cy gayundin ang layunin ng bansa para sa ekonomiya.

Aniya, dahil sa kanilang pagsisikap ay pinangalagaan at itinaguyod ang kapakanan at karapatan ng mga Pilipino na naninirahan sa ibang bansa.

“May you continue your exemplary service in advancing the inter-est and sovereignty of our nation,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

Ang Gawad Mabini na itinatag sa ilalim ng Presidential Decree No. 490, s. 1974, ay ipinagkakaloob sa mga Pilipino na nagpakita ng namu-mukod-tanging foreign service o tumulong sa pagtataguyod ng Pilipi-nas sa ibang bansa.

Kasama ni Pangulong Duterte sa seremonya sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Executive Secretary Salvador Medi-aldea.

ISINULAT NI PATRISHA BAGALSO

Page 7: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

7

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

NILINAW ni dating senador Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. na ang paglipat ng kasalukuyang porma ng gobyer-

no sa federalismo ay hindi lamang maka-tutulong upang mawakasan ang mga il-ang hindi kasunduan sa pagitan ng mga Muslim, kundi mapapabilis din umano nito ang pag-unlad ng bansa.

Ang dating senador ay dumalo sa sa isang press briefi ng na isinagawa nitong Setyembre 7 sa Palasyo.

Ani Pimentel, “Let me go straight to the point. Our proposal for the adoption of a federal system is designed to disperse power. Mainly from the central govern-ment to the various federal states and therefore also to the local governments composing the federal state.”

Ayon pa sa dating senador, ang pa-nukala ay bubuo ng 12 federal states sa bansa, kung saan magkakaroon ng lima sa Luzon, apat sa Visayas, at tatlo sa Min-danao.

Kabilang sa Luzon federal states ang Northern Luzon, Central Luzon, Cordille-ras, Bicol, at Southern Tagalog. Eastern Visayas, Central Visayas, Western Vi-sayas, Mindoro, Marinduque, Palawan at Romblon (MIMAROPA) naman ang sa Vi-sayas.

Kinabibilangan naman ng Northern Mindanao, Southern Mindanao, at Bang-samoro region ang bahagi ng Mindanao.

“Very important ‘yung Bangsamoro be-cause primarily the federalization of the country will dissipate the causes of Mus-lim unrest and speed up the development of the country,” paliwanag ni Pimentel.

Sinabi rin niya na ang Metro Manila ay

PANGULONG DUTERTE DAPAT MANATILI SA PUWESTO SAKALING MATULOY ANG FEDERALISMOISINULAT NI ANGEL SAGALES

magiging capital state kagaya ng Wash-ington D.C. sa United States kung saka-ling maisakatuparan ang nasabing plano.

Sa ilalim din ng federalismo, ang Pan-gulo at pangalawang Pangulo ay kinakail-angan at patuloy pa ring ihahalal ng buong bansa.

Nilinaw rin niya na ang bawat federal state ay magkakaroon ng anim na kina-tawan sa Senado, at titiyakin nito sa pub-liko na ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataon makiisa sa kongreso.

Ang Pangulo rin umano ang magiging “guiding principle” sa lahat ng pagsusumi-kap na mabago ang konstitusyon.

Hindi rin dapat, ayon kay Pimentel, na mawala sa pwesto si Pangulong Ro-drigo Duterte kung sakali man na mai-sakatuparan ang federal system sa ilalim ng termino nito upang maayos na mai-patupad ang mga polisiya nito.

“It will take a man who believes in it para maisulong. Otherwise, kung sinu-si-no lang diyan ang mag-implement, baka wala sa puso nila,” aniya.

Dagdag pa ni Pimentel, “Whether we shift to a federal system or not, we depend to a large extent on the present leadership of President Digong to push forward this kind of an idea.”

“Very important ‘yung Bangsamoro

because primarily the federalization of the

country will dissipate the causes of Muslim unrest and speed up

the development of the country,”

- DATING SENADOR AQUILINO PIMENTEL, JR.

Page 8: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 88

BALITA

EDITORYAL

BENJIE REDONDO FELIPEEditor-in-Chief

KC CORDERO Managing Editor

DEAH RICACHOOperations Offi cer

KATE AGNAAdministrative Assistant

FAY ZAIRENE MANIAULArt Director

CARLO VALENZUELAPATRICIA DELARA

ERICA TUAZON Lay-out Artists/

Cartoonists

TONIE CABIGTINGVIRNARD GABISON

ANGEL SAGALESMARVIN DELA PAZ

SHIMEI GANDIAResearchers

HENRY VERIDIANOJANSEN ESTRABELA

DAVID VERIDIANOFREDDIE DE CASTROYUMMIE DINGDING

Photographers

CESAR ZEAProduction Coordinator

GEORGE APACIBLE PrintingPHILIPPINE INFORMATION AGENCY Distribution

HAROLD CLAVITE Director GeneralANGELO VILLAR Deputy Director General

ROSALIE PERIABRASMICH NABRE

PATRISHA BAGALSOVICTORIA CORDERO

FLORENCE BALLESTEROS Writers/Reporters

Ang MULA SA MASA PARA SA MASA ay inilalathala ng Presidential Communications Offi ce at may tanggapan sa:

3rd Floor, Philippine Information Agency, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City

Ang lahat ng nilalaman ng pahayagang ito ay hindi maaaring gamitin ng sinuman sa anumang porma nang walang pahintulot ng tagapaglathala.

Ang MULA SA MASA PARA SA MASA ay libreng ipinamamahagi ng Presidential Communications Offi ce.

May karampatang parusa sa sinuman na mahuhuling nagbebenta ng anumang bahagi, kopya/mga kopya nito.

Sa mga nais makipag-ugnayan sa aming patnugutan, Tumawag lang sa telephone number: (02) 9204336

E-mail: [email protected]: Mula sa Masa Para sa Masa

NAGING matagumpay ang Barangay Kabuhayan Skills Training Program (BKSTP) ng Technical Educa on and Skills Development Authority (TESDA) na layuning mabigyan ng skills training ang mga naninirahan sa fourth, fi h at sixth class municipali es sa buong bansa—na kadalasan ay binubuo ng masa.

Sa pamamagitan ng Republic Act No. 9509 – Barangay Livelihood and Skills Training Act of 2008, nabigyan ng pagkakataon ang mga naninirahan sa mahihirap na munisipalidad na magkaroon ng skills training na kanilang magagamit sa paghahapbuhay.

Kabilang sa mga residenteng nabiyayaan ng BKSTP ay nagmula sa Region I, Region IV-A, Region IV-B, Region V, Region VI, Region VII, Region VIII, Region IX, Region X, Region XI, Cordillera Administra ve Region (CAR), CARAGA at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Malaki ang naitutulong ng programang ito sa 4th, 5th at 6th class communi es dahil bukod sa pagbibigay ng skills training

TESDA PATULOY SA PAGBIBIGAY NG OPORTUNIDAD SA MASA

ay nabigyan din ang mga residente ng livelihood training para madagdagan ang kanilang pinagkakakitaan.

Bukod dito ay may programa rin ang TESDA na online training. Para naman ito sa mga kababayan na n na nakatali sa kanilang hanapbuhay o kaya ay walang panahon na mag-a end ng actual training. Sa sistemang ito, walang gagawin ang isang interesadong magsanay kundi ang mag-apply sa pamamagitan ng internet at pumili ng trade skills na available online na nais niyang matutunan.

Sa mga gusto pang mapalawak ang kanilang kaalaman ay napakagandang oportunidad ang mga off er na ito ng TESDA lalo pa at libre. Kaya sa mga kababayan na n, lalo na ang mga hindi makatuntong sa kolehiyo o hindi man lang nakatapos ng elementarya, bukas-palad ang TESDA para matulungan kayo na matuto at magkaroon ng disenteng hanapbuhay. Bahagi pa rin ito ng layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang bawat Filipino ay magkaroon ng oportunidad sa magandang buhay.

OPINYON

Page 9: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

9

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

IPINALIWANAG ni Dangerous Drugs Board (DDB) Chairperson Dionisio Santiago ang ibig sabihin ng naging

pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa tamang hakbang ng mga pulis kapag nagsasagawa ng Oplan Tokhang.

“Nilinaw niya, nalinawan ng isip ‘yung mga pulis, akala nila they were given by the President the license to kill. And the President made it very clear that you are given the license to kill if you are using reasonable force at saka if you are endangered,” aniya.

Dagdag pa ni Santiago, “Sabi ni Presidente nga, ipinakulong niya, di ba? At in effect ‘yun ang sinabi niya, ‘Stop it. Kukulungin ko kayo kung illegal ‘yung act n’yo.’ Because the President is a very legalistic person… He is a very legalistic person. So he made it very clear sa pulis and the police is acting very swiftly to police their ranks also.”

Tiniyak din ng DDB Chairperson sa publiko na ang laban kontra ilegal na droga ay nananatiling pangunahing prayoridad ng pamahalaan.

“Under the administration of President Rodrigo Duterte, the anti-drug campaign has been enhanced and strengthened through the collaboration of national government agencies as well as the support of non-governmental organizations, faith-based groups and the private sector,” paliwanang ni Santiago.

Ayon pa kay Santiago, dahil sa mga programang inilalatag ng pamahalaan ay kusang sumusuko sa mga awtoridad ang mga biktima ng ilegal na droga.

Inilahad din niya na nitong Agosto 29, may naitalang 1, 380,078 katao na gumagamit ng ilegal na droga ang nabigyan na ng angkop na gamot at rehabilitasyon.

Ani Santiago, “An increasing trend in admissions in residential treatment and rehabilitation facilities have also been observed.”

Binanggit din niya na mula Hulyo 1, 2016 hanggang Agosto 29, 2017, mahigit 70,000 na operasyon laban sa droga ang isinagawa na nagresulta sa pag-aresto ng higit sa 100,000 kataong sangkot dito.

Inilahad din niya ang mga nagawa ng pulisya sa pagsugpo sa ilegal na droga, pag-aresto sa mga sangkot dito, at pagsira sa mga lihim na laboratoryo.

Nilinaw rin ng pinuno ng DDB na ang pamilyang Filipino at ang bawat komunidad ay may malaking maitutulong sa paglaban sa ganitong usapin at problema.

“The Philippines continues to put individuals at the heart of the anti-drug abuse campaign and transform them as catalyst to start advancing positive value formation in their circles. We believe that every Filipino must take a stand against the drug menace.

So ang makaka-solve nito, hindi si Presidente, ‘yung Filipino mismo, tayu-tayo… We have to go back to the family and the barangay. ‘Yan ang key. Pag ang pamilya walang kuwenta, may problema tayo,” makahulugan niyang sambit.

Sinabi rin niya sa bawat isa na pinagtutuunan din nila ng pansin ang mga kabataang hindi nakapag-aaral at madaling maimpluwensiyahan ng mga ganitong gawain. Ang iba namang sektor at organisasyon ay tumutulong na rin upang mapangalagaan ang mga senior

citizen na sangkot dito.Papalawakin din nila umano ang

kanilang programa sa pamamagitan ng pagtugon sa illicit crop cultivation at pagbibigay ng trabaho sa mga biktima ng ilegal na droga sa mga bahagi ng probinsya.

“Our ultimate goal is to reduce the negative impact of drug abuse in the society. Once reduced, it will lead to the attainment of a drug resistant and eventually a drug-free Philippines,” at binigyang-diin na mahigpit ang ipinagbabawal na droga sa ating lipunan; na ang mga sistema ay nasa lugar; na may mekanismo; at ang mga batas at patakaran ay naaayon upang ang ating komunidad ay makaiwas sa droga.

Pagdating naman sa usapin ng gamutan at rehabilitasyon, sinabi ni Santiago na ang Department of Health (DOH) ay patuloy na nag-oobserba sa 49 na kilalang pagamutan at rehabilitation facilty sa ating bansa.

Aniya, ang DDB ay patuloy na nagsasagawa ng ilang programang pang-edukasyon sa mga pulis ukol sa mga operasyon at imbestigasyon sa ilegal na droga.

Isinulat ni RONMAR SAGALES

Page 10: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 810

BALITA

PTK NISEC

Ni SEC. MARTIN ANDANAR

DAHIL sa aking pagnanais na ang mga staff ng aking departamento ay makaagapay sa makabagong

sistema ng pagkalap at pagpapalaganap ng impormasyon, nagsasagawa ng tatlong araw na pagsasanay ang Presidential Communications Operations Offi ce tungkol sa “Creating Engaging Content for Digital Mobile and Mobile Media” na nilahukan ng mga kawani mula sa Integrated News Team na binubuo ng Mula sa Masa Para sa Masa, Osec Media, PNA, PIA, PTV at PBS (RP1). Layunin ng pagsasanay na mas mapalawak ang kaalaman ng mga nasa komunikasyon ng pamahalaan sa paghahatid ng mga impormasyon sa mga mamamayan gamit ang bagong platform.

Ginanap ang pagsasanay mula Setyembre 20-22 sa Kimberly Hotel, Tagaytay City.

Sumasailalim ang mga taga-PCOO sa pagpapatnubay ng kilalang international journalist na si Kevin Anderson na isang freelance journalist and digital strategist na may mahigit isang dekadang karanasan sa malalaking media company gaya ng BBC at Guardian.

Si Anderson ay nagsimula sa

‘SOCIAL MEDIA IS AN ENGAGEMENT

SPACE’digital journalism noon pang 1996 at may malawak na karanasan sa radio, television, print at web. Bilang mamamahayag, gumagamit siya ng blogs, social networks, Web 2.0 tools at ng mobile technology para maghatid ng mga balita at makipag-ugnayan sa kanyang mga tagasubaybay at ilahad sa mga ito ang kanyang kuwento sa likod ng mga balita sa iba’t ibang media platforms.

Tumutok ang unang araw ng pagsasanay sa pag-aanalisa sa uri ng target market, device na gagamitin, anu-ano ang mga katangian ng mga taong gumagamit ng digital devices at kung paano makatutulong ang mga nabanggit sa pagbuo ng mga nilalaman o content.

Tinalakay rin ang iba’t ibang digital news format gaya ng real time, live blogging at live articles.

Ayon kay Anderson ay panahon na ngayon ng multi-device publishing at ibinahagi niya ang kahalagahan ng mobile devices. Tinukoy rin niya ang mga isyu o paksa na nais mabasa ng publiko, ang mga paraan upang maakit ang mga mobile users sa nilalaman ng balita batay na rin sa mga isinasagawa niyang pananaliksik.

10

JOURNALIST AT DIGITAL STRATEGIST KEVIN ANDERSON

OPINYON

Page 11: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

11

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

Sumentro naman ang ikalawang araw ng pagsasanay tungkol sa “Creating Engaging Content for Digital Mobile and Mobile Media” tungkol sa paglikha ng social media content.

Ipinaliwanag ni Anderson kung paano lumikha ng video bilang team o “lone wolf”. Aniya, mahalaga na ang content ay naglalarawan ng isang malinaw na kuwento sa loob lamang ng 40 segundo—hangga’t maaari.

Ipinaliwanag din niya na bukod sa native video, may puwersa rin o pang-akit sa mobile users ang animation lalo na kung naging malalim ang pag-aaral sa paksa at may kakaibang atake ang pagkakasulat ng script.

Nagkaroon din ng exercises sa pagsulat ng maikli pero takaw-atensyon na headlines para sa mobile platforms.

Para kay Anderson, mahalaga ang lahat ng social platforms at dapat itong gamitin ng mga media organization. Bagaman aniya at popular ang facebook, ang ibang platform ay nagke-cater din sa pangangailangan ng ibang audience. Ang instagram halimbawa ay laging nasa point of view at visual content, samantalang ang twitter ay “pivot to video”.

Bilang media organization, ang MMPM halimbawa ay dapat na makalikha ng tiwala o trust ng audience. Sa ganitong sitwasyon ayon kay Anderson, maiiwasan ang pagkalat ng fake news dahil hindi kaagad maniniwala ang mga loyal audience dahil na rin sa relasyong nabuo sa matagal ng pagsubaybay ng mga ito sa mga nilalaman.

Sa pagiging popular naman ng social video, mahalaga na ang nilalaman ay naglalahad ng kuwento visually at puwedeng nasa format na explainers, animation, data animation o kaya ay social media aggregations.

Ang social media packaging naman ay ang paggamit ng lahat ng social media platforms sa pagpapalaganap ng content. Ang isang balita halimbawa ay puwedeng i-post sa mga lahat ng platforms ngunit kailangan na gumamit naman ng ibang captions. Huwag din aniyang maging over acting sa paggamit ng hashtags—isa o dalawa ay puwede na.

Nagagamit ang social media para sa sense of emergency sa pagpapalaganap ng balita.

Hindi rin siya partikular sa reach o kaya ay sa engagements. Para sa kanya, ang importante ay may loyal audience.

Sa huli ay nagbigay ng payo si Anderson sa mga dumalo at sinabing, “Social media is an engagement space. If you’re not gonna engage, I don’t know why you’re in Facebook. Engagement [in social media] is not negative.”

Sa ikatlong araw ay may mga imbitadong local journalists at nag-review sa tamang pagsulat ng balita gaya ng kung paano iisipan ng pamagat, unang talata at mga suportang elemento gaya ng tradisyunal na inverted pyramid at pagsagot sa 5Ws at 1H.

Tinalakay rin ang naging pagsabotahe sa website ng Philippine News Agency, ang paglaganap ng fake news at kung paano ito maiiwasan, at ang payo sa mga nasa komunikasyon ng pamahalaan na dapat ay magbasa ng magagandang aklat, lathalain at opinyon para mas mahasa sa pagsusulat ng balita.

Sa pinakahuli ng pagsasanay ay nagsasagawa ang mga dumalo ng group exercise at talakayan upang makapagbigay rin sila ng kanilang kuru-kuro ukol sa bagong media at sa sikolohiya ng mga Filipino bilang mobile users.

Inaasahan ko na malaking tulong ang naging pagsasanay na ito sa aking mga nasasakupan, at matiyaga kong oobserbahan kung nagagamit nila ang mga kaalamang ito sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin sa mga mamamayan at sa bayan.

OPINYON

Page 12: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 812

BALITA

PCO NET

AUGUST 12, 2017 / BAGUIO CITYMeeting with Information Offi cers and Regional

Director and Corporate Communication Offi cer of Top Corporations of Benguet.

Meeting with mayors of the Cordillera Administra-tive Region and Regional Directors.

Lunch sponsored by Baguio Mayor Mauricio Do-mogon at BCC.

Dinner with DDS.

Page 13: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

13

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

AUGUST 26, 2017 / SIQUIORMeeting with Vice Governor Mei Ling Quezon, Municipal Mayors and Information Offi cers of Siquijor.

AUGUST 25-26, 2017 / DUMAGUETE CITYPress Conference with Negros Oriental Media

based In Dumaguete City. Lunch hosted by Gov. Roel Degamo with Provincial

Capitol Department heads.Municipal Information Offi cers of Negros Oriental

PCO Meeting at the Dumaguete City Hall.

AUGUST 26, 2017 / NEGROS ORIENTALPresidential Communications Operations Offi ce

Secretary Martin Andanar inducted the Negros Ori-ental Chamber of Commerce and Industry. Oath tak-ing of the new set of Offi cers.

SEPTEMBER 13, 2017 / BATANGAS CITYPress Conference and PC Net meeting at the Pro-

vincial Capitol of Batangas. Joint Regional Develop-ment Council and Regional Peace and Order Council chaired by Governor Hermilando Mandanas.

Page 14: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 814

BALITA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang awarding ceremony ng Metrobank Foundation Outstanding Filipinos para sa taong ito na idinaos sa Grand Hyatt Manila, Bonifacio

Global City sa Taguig nitong Setyembre 5.Sa kanyang naging pahayag, pinapurihan ng Pangulo ang Metrobank

Foundation sa pagbibigay-halaga sa mga Filipinong tumatayo bilang mga modelo pagdating sa akademya, militar at pulisya.

Sambit ng Pangulo, “Let me also commend the Metrobank Foundation for recognizing our Outstanding Filipinos. Th is refl ects the values and ideals of Dr. George SK Ty, who built the Metrobank with the greater purpose of going beyond business to serve ordinary Filipinos and empower them to reach their fullest potentials.

“It is truly a great pleasure for all of us to recognize the distinguished eff orts and sacrifi ces of our teachers, soldiers and police offi cers who dedicated themselves to a lifetime of exceptional service,” dagdag pa niya.

Pinapurihan din ng Pangulo ang Metrobank sa pagbibigay ng serbisyo sa loob ng 50 taon sa bawat Filipino. Anang Pangulo, “Your dynamic, proactive and valuable endeavors signifi cantly contribute to our collective eff orts towards fostering economic development that redounds to the benefi t of all.”

Tinagurian din niya ang mga nagsipagwagi bilang “great exemplars of our peeps” kung saan sinabi niyang, “With great dedication and commitment, they have become agents of change and infl uence in their respective communities. Indeed, these Outstanding Filipinos have gone ‘beyond excellence.’ As a fellow public servant, I am honored to work with them in fulfi lling our inherent responsibilities and cherished mandates.”

Samantala, nangako naman ang Pangulo na patuloy na magsusumikap ang kanyang administrasyon upang mapabuti ang kalagayan ng mga guro, sundalo at pulis.

Aniya, “We will provide scholarships for the continued professional development of teachers and increase the combat pay for the PNP and AFP.”

Kinilala rin niya ang natatanging serbisyo na ibinibigay ng militar at pulisya upang mailigtas at mapangalagaan ang ating bansa.

“To our soldiers and policemen: It pains me to see you risk your life for the sake of the freedom, integrity and sovereignty of our nation. I am giving you the highest merit for demonstrating this admirable patriotism. To you, I give you my salute,” anang Pangulo.

Nagpasalamat din siya sa bawat isa, at sa mga kumpanya at organisasyon sa patuloy na pag-aambag sa bansa upang magkaroon ng

PANGULONG DUTERTE PINANGUSA ‘2017 METROBANK FOUNDAT

Page 15: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

15

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

isang maayos at maunlad na bansa.Kabilang sa pinarangalan ng Metrobank Foundation ang apat na

guro, tatlong sundalo at tatlong police offi cers.Ang mga nagtagumpay sa larangan ng akademya ay sina Jennifer

Rojo ng Neogan Elementary School mula sa Tagaytay City; Edgar Elago ng Magallanes National High School sa Agusan del Norte; Dr. Esperanza Cabrera ng De La Salle University, Manila; at Dr. Alonzo Gabriel ng University of the Philippines-Diliman, Quezon City.

Sa militar, nag-uwi ng parangal sina Staff Sergeant Narding Pascual ng 26th Infantry Battalion, 4th Infantry Division, Philippine Army; Lt. Col. Elmer Suderio ng Offi ce of the Assistant Chief of Staff for Operations, 1st Infantry Division, Philippine Army; at Lt. Col. Ricky Bunayog ng Offi ce of the Assistant Chief of Staff for Operations, 6th Infantry Division, Philippine Army.

Sina Police Offi cer 3 Shiela May Pansoy ng Digos City Police Station sa Davao del Sur; Police Chief Inspector Rosalino Ibay, Jr. ng Manila Police District; at Police Senior Supt. Joel Doria ng Cebu City Police Offi ce naman ang pinarangalan sa hanay ng pulisya.

Anang Pangulo,”You have brought new hope and inspiration for this country. May you remain steadfast in serving our people with excellence, integrity and competence.”

Kinilala ang mga pinarangalan dahil sa mga natatangi nilang serbisyo sa kani-kanilang larangan at sa patuloy na pagiging mabuting halimbawa sa komunidad dahil sa kanilang mga nagagawa.

Samantala, sa isang media interview matapos ang nasabing pagdiriwang, sinabi ng Pangulo na isang insulto sa mga pulis ang pagbibintang ng publiko sa mga ito sa patayan na nagaganap.

Aniya, “Why don’t you try to experience the work of a police? One swallow makes a summer? Two killings makes it a policy of the Republic of the Philippines? Bakit kami magpatay ng inosente?”

Sinabi rin ng niya na kahit kailanman, ang mga sundalo at pulis ay hindi magiging demoralisado.

“As long as I’m there. Basta sinabi ko, ‘in the performance of duty’. It means to say that your life is in danger and you have to save yourself. Now, if they have committed an excess of that duty, then they shall go to jail,” paliwanag niya.

Kasunod nito, nakiisa rin ang Pangulo sa unveiling ng Grand Hyatt Manila marker sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Dito, pinasalamatan ng Pangulo ang mga nasa likod ng Grand Hyatt Manila dahil makatutulong umano ang pasilidad upang maiangat ang turismo at makamit ang paglago ng ekomiya ng bansa.

(PND/Angel Sagales)

GUNAHAN ANG PAGPAPARANGAL ATION OUTSTANDING FILIPINOS’

Page 16: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 816

BALITA

HINIMOK ni Japan Foreign Minister Taro Kono ang mga bansa sa Silangang Asya na itaguyod ang libre at patas na

economic order na may layong proteksyunismo na kikilalanin sa buong mundo.

Binigyang-diin ni Kono na dapat ay sama-samang magtulungan ang 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kasama na rin ang China, Japan, at South Korea kasunod ng mga pagbabagong nagaganap sa pang-ekonomiya at pinansyal na merkado sa mundo.

“APT (ASE-AN Plus Three) should con-centrate on e c o n o m i c m a t t e r s , that’s may-be the pur-pose of the forum,” p a h a y a g ni Kono sa isang press briefi ng.

LIBRE AT PANTAY NA ECONOMIC ORDER

SA ASEAN DAPAT PAGTIBAYIN

Kahit ang Japan, kasama ang Australia at United States, ay itinaas ang isyu tungkol sa

South China Sea at nuclear weapons program ng North Korea sa ginanap na ikapitong

ministerial meeting ng Trilateral Strategic Dialogue (TSD) dito sa Pilipinas.

“I underscore the need to strictly and fully implement United Nations Security Council

Resolutions, including the very recent one and to further exert pressure on North Korea,” sambit ni Kono.

Nagsagawa ng intercontinental ballistic missiles tests ang North Korea noong Hulyo 4

at 28 kung saan mayroon nang naunang ballistic missile launches at dalawang nuclear tests noong

2016. Nagpakita rin ng matinding pag-aalala si Kono ukol

sa isyu sa South China Sea. Aniya, “And of course, any unilateral attempt to change the status quo by force, rule of the law

is at stake. In this regard, I emphasized the importance of 2016 arbitral award and realize no militarization of

disputed features.” Noong ika-12 ng Hulyo 2016, ipinawalang bisa

ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague ang karapatan o “nine-dash line” ng China sa

buong West Philippine Sea dahil ito’y sumapaw sa “200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ)” ng Pilipinas.

Inaprubahan ng ASEAN at China ang framework para sa code of conduct sa West Philippine Sea/South China Sea at binalak na simulan ang mga negosasyon ukol sa aktwal na code sa katapusan ng taon.

Isinulat nina | LESLIE GATPOLINTAN AT MARVIN S. DELA PAZ

Page 17: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

17

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

JAPAN SINUPORTAHAN ANG SENTRALISASYONAT INTEGRASYON NG ASEAN

IPINAKITA ng Japan ang patuloy na pagsuporta sa integrasyon ng ASEAN community sa ginanap na 50th founding anniversary ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito’y tiniyak

ni Japan Foreign Minister Taro Kono habang nasa pulong na pina-munuan ni Second Minister of Foreign Affairs and Trade of Brunei Lim Jock Seng sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Malaki ang naging kontribusyon ng Japan sa pag-unlad ng ASEAN dahil sa pagtatayo nito ng mga de-kalidad na imprastraktura mula pang-edu-kasyon hanggang pang-industriya na pasok sa international standards at human resource develop-ment.

Tiniyak din ni Kono ang patuloy na suporta nila sa pam-pulitika at pang-ekonomiyang pag-unlad ng ASEAN na nagsimula pa sa unang Japan-ASEAN Summit meeting noong 1977.

Base sa guidelines para sa ASEAN-Japan cooperation o Vision Statement on ASEAN-Japan Friendship and Co-operation na binalangkas noong 2013, pinalawig ng Ja-pan ang development assistance kung saan umabot sa mahigit 2.3 trilyong yen sa huling apat na taon.

Inianunsyo rin ni Kono ang binagong implementation plan para sa Vision Statement na nakabase sa mga ba-gong bersyon at plano ng ASEAN at opisyal na desisyon ng Japan sa paglulunsad ng negosasyon sa Japan-Asean technical cooperation agreement.

Aniya, “I fi rmly believe that this agreement will contribute to expanding the Japan-ASEAN relationship as agreement will en-able Japan International Cooperation Agency (JICA) to provide assistance for projects that the ASEAN community seeks to ad-vance in addition to existing Japan’s bilateral assistance to respec-tive ASEAN member states.”

Isinulat nina | ABS A. ABANDO AT MARVIN S. DELA PAZ

Page 18: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 818

BALITALIBANGAN

Page 19: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

19

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

PAHALANG1. Bukas na palad6. Subo11. Lugar sa Makati12. Sinasamba noon13. Tunaw14. Sira15. Bating Espanyol16. Hilig18. _ _ _t; katipiran19. Tantiya21. Busabos23. Layak25. Hirang28. Isang tanong32. Nanay

33. Nimpa35. Boksingerong negro36. Tikim38. Ungol ng mailap na hayop40. Hinuha41. Aliwalas42. Makabagong babae43. Angkop

PABABA1. Dakma2. Mayamang angkan3. Beri-beri4. Pakpak5. Malaking kawali6. Sala-salang

ARIES (MARSO 21-ABRIL 19)Hindi lahat ng bagay ay makakaya

mong gawin ng sabay-sa-bay. Matutong tumanggi sa mga ipinapagawa sa iyo lalo na kung hindi na

ito kaya pa ng oras mo.

TAURUS (ABRIL 20-MAYO 20)Sa panahon ngayon, marami ang nagsasabi na sa ngalan ng transpar-e n c y ay handa nilang ipaalam

sa lahat ang mga impor-masyong hawak nila ngunit sa kinasasangku-

tan mong sitwasyon, mas mabuting sarilinin mo muna

pansamatala ang nalalaman mo kay-sa ipaalam ito.

GEMINI (MAY0 21-HUNYO 21)Minsan mas gusto mong

manahimik at obserbahan ang mga tao sa paligid pero kusa pa rin lalabas sa

iyong karakter na magbigay ng komento sa kung anong

nakita mo.

CANCER (HUNYO 22-HULYO 22) Pressured ka na sumunod palagi sa kung ano ang uso pero mas mabuting maghi-nay-hinay at pag-isipan ang

mga bagay na mas na kailangan mo kaysa makiuso.

LEO (HULYO 23-AGOSTO 22)Hindi pa rin mawawala sa buhay mo na ikaw ay ma-bully sa iba’t ibang paraan pero dahil positibo ang tingin mo sa buhay,

hindi ka apektado sa kung ano ang sinasabi at ginagawa nilang hindi maganda sa iyo.

VIRGO (AGOSTO 23-SETYEM-BRE 22)

Habang tumatagal ay mas lalo kang gumag-aling sa pinili mong ga-

wain kaya naman hindi na-kakapagtaka na sa bawat susunod na araw ay may makikilala kang mga tao na magiging bahagi ng iyong buhay.

mbsi

ito

e n c y aysa

m

tamabu

Mim

iyn

CA

LE

VIRBR

H

w

LIBRA (SETYEMBRE 23-OK-TUBRE 23)

Ang pagpapakita ng katapangan ay hindi la-

mang sa oras ng kagu-luhan kung hindi sa pagharap sa hamon ng buhay ng may ngiti sa labi kahit minsan ay gusto mo ng sumuko na lang.

SCORPIO (OKTUBRE 24-NOBYEMBRE 21) Ipagpatuloy pa din ang naumpisahang gawain kahit maraming balakid o kaya ay tumututol na ituloy ito. Life

goes on, ika nga kaya kahit maraming kontra, positibo kang magbubunga ito ng maganda balang araw.

SAGITTARIUS (NOBYEMBRE 22-DISYEMBRE 21)May halong kontrobersya

ang ilan sa mga bagay na may interes ka kaya kaunt-

ing ingat sa mga bagay ito at baka sa iyo mapunta ang atensyon ng lahat at maging sangkot ka sa eskandalong maaaring mabuo mula rito.

CAPRICORN (DISYEMBRE 22- ENERO 19)Mas nagiging productive

ka sa trabaho kapag ikaw ay bahagi ng isang grupo.

Mas nailalabas mo ang iyong kakayahan at nagiging energetic ka kapag napapaligiran ka ng mga taong nakikinig sa iyo.

AQUARIUS (ENERO 20-PEBRERO 18)

Pag-isipian mabuti ang mga oportunidad na in-

aalok sa iyo. Timbangin ang mga ito kung ito ay magdudulot ng “win-win” solution sa buhay mo.

PISCES (PEB. 19-MAR. 20) Excited ka sa kung ano ang mga mangyayari sa

hinaharap kaya naman todo ang iyong binibigay

na effort dahil alam mong mag-bubunga ang lahat ng iyong paghihi-rap sa kasalukuyan.

LIBRATUAk

m

SC24

nmtu

S2M

ing ingat sa

C

kaay

Mas

Pm

aalok

P

aht

ff

LIBANGAN

kawayan7. Primera8. Pagmumuni9. Sardinas11. Blak17. Pulis; kolokyal20. Ganda22. Baluga24. Kasabay25. Paimpit na sigaw26. Magkapareho27. Talisain29. Bela ng bangka30. Dulong bayan31. Muni34. Sama37. Anino39. Tuyot

Sudoko

Page 20: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 820

BALITA

DUMALO si Pangulong Rodrigo Duterte sa 60th Founding Anniversary ng Social Security System (SSS) na ginanap sa tanggapan ng ahensya sa SSS Building, Diliman,

Quezon City noong Setyembre 6. Inatasan niya ang state-run fi rm na tiyakin na ang mga kumpanya ay nagbabayad ng kontribusyon ng kani-kanilang mga manggagawa.

Sa kanyang talumpati, binanggit ng Pangulo sa mga taga-SSS na, “I urge you to intensify the… monitoring of the employers and ensure that they have registered and that they pay their dues contributions.”

Binati rin ng Pangulo sa panibago nitong milestone ang ahensya at pinuri ang kakaibang misyon ng mga namumuno rito at kawani na ayon sa kanya, ang pinakalayunin ay “to directly impact the lives of our people through the services you provide.”

“Through the work that you do every day, you manage and maintain a sound and viable Social Security System, which shall provide social justice and promote meaningful protection for members and their families against disability, sickness,

maternity, old age, death and other contingences resulting to the loss of income and fi nancial burden,” anang Pangulo.

Pinuri rin niya ang SSS sa epektibo nitong pagbabantay at pagpapalago sa pinaghirapang kontribusyon ng mga miyembro para aniya, “We can secure the future for each member as your theme here puts it. The only salvation I think to move forward is really to improve the economy and I am committed to do just that.”

Tinapos ng Pangulo ang kanyang talumpati sa pamamagitan ng pananawagan sa mga Filipino na magtulungan sa pagpapalakas sa kakayahan ng bawat mamamayan.

“So that they may help us in building the foundations of a brighter and more secure future, especially for the marginalized,” pahayag ng Pangulo. “May this occasion remind us that our workforce is the backbone of our society and their welfare is our primary concern.”

(PND/MMPM.news)

SSS DAPAT TIYAKING NABABAYARAN NG MGA KUMPANYA ANG KONTRIBUSYON

NG MGA MIYEMBRO

Page 21: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

21

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

2 MAHAHALAGANG INISYATIBA SA LEHISLATURA

ISINULONG NI PANGULONG DUTERTE

Ang RA 10923 ay naglalayong i-postpone ang October 2016 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ito’y nag-amyenda sa Republic Act No. 9164 at muling binago ng Republic Act No. 9340 at Republic Act No. 10656. Isinasaad sa batas na ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay isasagawa sa pangalawang Lunes ng Mayo 2020 at tuwing ikatlong taon para sa mga susunod.

Sinabi naman ng Pangulo na kaya niya isinulong ang naturang batas ay dahil talamak ang drug money sa isinasagawang eleksyon sa mga barangay. Nilinaw niya na appointed offi cials ang gusto niya at hindi holdovers ang uupo sa mga barangay posts na magtatangol sa barangay laban sa ilegal na droga.

Samantala, nilagdaan din ng Punong Ehekutibo ang isa pang importanteng i n i s y a t i b a , a n g 2 0 1 7 G e n e r a l Appropriations Act (GAA) o ang “People’s Budget 2017” na nagkakahalaga ng P3.35

trilyon kung saan mas mataas ng 11.6 porsyento kaysa sa 2016 budget.

Makatatanggap ng P544.1 bilyon ang Department of Education (DepEd) ng mas mataas ng P111 bilyon kumpara sa P433 bilyon noong 2016.

Nasa P128.3 bilyon naman ang inilaan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), P96.3 bilyon sa Department of Health (DOH), P58.72 bilyon para sa State universities at colleges (SUCs), P18.7 bilyon sa Commission on Higher Education (CHED), P53.22 bilyong sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), P148 bilyon sa Department of Interior and Local Government (DILG), P137.2 bilyon sa Department of National Defense (DND),

P254.7 bilyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), P53.3 bilyon sa Department of Transportation (DOTr), P45.2 bilyon sa Department of Agriculture (DA), P9.8 sa Department of Agrarian Reform (DAR) at P38.4 bilyon sa National Irrigation Administration (NIA).

Nasa P486 trilyon naman ang nailaan sa Internal Revenue Allotment (IRA) para sa mga lokal na unit ng gobyerno, hiwalay pa ang additional transfers tulad ng Local Government Support Fund.

Ang naturang budget ay sumasalamin sa pagiging pro-people, pro-investment, pro-growth, at pro-development thrust ng gobyerno at naglalayong tulungan ang mga mahihirap, walang kakayanan, at ang mga naninirahan sa mga kanayunan.

Ni MARVIN S. DE LA PAZ

Sa pagtatapos ng ikatlong regular na sesyon ng 16th Congress, isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang mahahalagang inisya bo; ang Republic Act

No. 10923 at ang Republic Act No. 10924 o ang General Appropria ons Act (GAA).

Page 22: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 822

BALITA

ANG mga katutubo ay nahaharap din sa mga isyu ng diskriminasyon kaugnay sa kanilang pag-aaral. Ang mga

IP o Indigenous People ay karaniwang nahahadlangan sa malalaking kakulangan sa edukasyon dahil sa kanilang kahirapan sa pakikilahok at limitadong pag-access sa elementarya at sa mataas na paaralan.

Ang mga katutubo ay nabibilang sa maraming sektor sa lipunan na nagdurusa sa “marginalisasyon” ng edukasyon. Ang marginalisasyon na ito ay maaaring maiugnay sa isang bilang ng mga magkakaugnay na mga kadahilanan tulad ng kahirapan, pag-a-adjust sa wikang gamit sa paaralan,

Ni JERRY RIVERA TURMA

VolVolumeume 22 IssIssIssue ue NumNumNummmberber 882222222

NG MGA KATUTUBO

MARGINALISASYON

EDUKASYONNG

ITO AY ISANG KATOTOHANAN NA MAY

ISANG MALAKING KRITIKAL NA AGWAT SA PAGITAN

NG EDUKASYON NG MGA MAHIHIRAP AT MGA

KATUTUBO.

diskriminasyon, tradisyunal na mga gawi at mga sistema at limitadong pag-access sa mga pangunahing serbisyo at pangangailangan dahil sa malayong distansya ng kanilang paninirahan at heograpikal na lokasyon.

Ang pangunahing kakulangan sa pormal at pangunahing sistema ng edukasyon ay bihirang ipinaliliwanag ang mga katotohanan ng katutubong pamumuhay at mga kasanayan sa edukasyon. Kadalasan, ang karamihan sa pambansang kurikulum ay hindi lubos na naglalarawan sa buhay, kasaysayan, kultura at mga wika na kabilang sa komunidad ng mga katutubo.

Ang mga aklat-aralin at mga

LATHALAIN

Page 23: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

23

BALITA

Volume 2 Issue Number 8

Ang mga KARANIWANG PROBLEMA SA EDUKASYON na kinasasangkutan ng mga

katutubo ay tiningnan sa mga tuntunin ng mas mababang

antas ng pagpapalista, mas mababang

pagpapanatili at mas mababang

pagkumpleto at araw-araw na pagpasok sa

mababang paaralan.

Si Teacher Jerry, may-akda ng artikulo ay kasalukuyang

nagtuturo sa San Pedro Elementary School San

Jose District, DepEd, Tarlac Province

materyales sa pagtuturo na ginagamit sa mga paaralan ay naglalarawan ng mga pamantayan, mga halaga, paniniwala at tradisyon ng mga katutubo. Ang wikang pambansa at Ingles ay nagsisilbing pangunahing media ng pagtuturo. Ang mga ito ay humahantong sa kapabayaan o overlooking sa kanilang sariling wika, tradisyunal na kaalaman, kasanayan at mga halaga ng mga katutubo. Gayundin, maraming mga guro ang kulang sa sapat na pagsasanay at kasanayan sa pag-unawa sa kultura, wika at paraan ng pamumuhay ng mga IP.

Bukod dito, may iba pang mga kadalasang kadahilanan o sanhi ng kakulangan sa edukasyon at mga problema ng mga katutubo, kabilang dito ang kakulangan ng mga imprastraktura sa paaralan sa mga komunidad ng IP at kakulangan din ng mga mobile na paaralan. Ang mga IP ay kadalasang nahaharap sa mga problemang pinansiyal, sa mga tuntunin at mga gastos sa pag-aaral sa mababang paaralan. Mayroon ding kakulangan na magagamit na materyales sa pagtuturo sa pag-aaral ng kanilang wika na dapat ay angkop para sa mga IP. Ang mga ito ay ilan lamang sa maraming mga kakulangan sa kalidad, sapat na edukasyon para sa mga katutubong mamamayan na kailangang harapin ng ating pamahalaan at ng Kagawaran ng Edukasyon.

LATHALAIN

Page 24: MMPM VOL 2 ISSUE #8 FA - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/mmpm_v02_i08.pdf · tradisyunal na walong bahagi (pagtutulak ng droga, terorismo, economic crimes, ... states

Volume 2 Issue Number 824

BALITA