32
VOLUME 3 NUMBER 3 1 | ON THE SIDE ON THE SIDE Cabinet Cabinet report report PCOO SEC. MARTIN ANDANAR PCOO SEC. MARTIN ANDANAR US PRESIDENT US PRESIDENT DONALD J. DONALD J. TRUMP TRUMP PRESIDENT RODRIGO PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE ROA DUTERTE 31 st ASEAN MALAKING TAGUM PAY! ISSN NO. 2449-4658 ISSN NO. 2449-4658 VOLUME 3 NUMBER 3 VOLUME 3 NUMBER 3

VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 1 |

ON THE SIDEON THE SIDE

Cabinet Cabinet reportreport

PCOO SEC. MARTIN ANDANARPCOO SEC. MARTIN ANDANAR

US PRESIDENT US PRESIDENT DONALD J. DONALD J. TRUMPTRUMP

PRESIDENT RODRIGO PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTEROA DUTERTE31st ASEAN

MALAKINGTAGUMPAY!

ISSN NO. 2449-4658ISSN NO. 2449-4658

VOLUME 3 NUMBER 3VOLUME 3 NUMBER 3

Page 2: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 2

George A. ApacibleUNDERSECRETARY FOR GOOD GOVERNANCE & GOCCs

UgnayMAGAZINE

KONEKTADO SA BAWAT FILIPINO

USEC. GEORGE A. APACIBLEEditor-in-Chief

BENJAMIN R. FELIPEEditorial Consultant

EILEEN DAVIDDEAH RICACHO

Production Coordinators

KARLO CESAR CORDEROManaging Editor

JOHN SALVADORACopy Editor

MONICA LADISLAMICHELLE NABRE

FAY MANIAULPATRISHA BAGALSOROSALIE PERIABRAS

ANA VICTORIA CORDEROANGELA SAGALES

Writers

FAY MANIAULCARLO VALENZUELA

Art Directors

PATRICIA DE LARAERIKA TUAZON

RAYMOND DELA RAMAJOHN ENREL TAN

Graphic Designers/ Lay-out

CARLO VALENZUELARICHARD ARGUILLA

Illustrators

JOHN SALVADORAROSALIE PERIABRAS

Proofreaders

YUMMIE DINGDINGHENRY VERIDIANODAVID VERIDIANO

ALFREDO DE CASTROPhotographers

ANGELA SAGALESVIRNARD GABISONMARVIN DELA PAZ

SHIMEI GANDIADAVID VERIDIANO

Researchers

Ang Ugnay Magazine ay inilalathala ng Bureau of Communications Services at may tanggapan sa:

Philippine Cancer Society Building, San Rafael Street, San Miguel, Manila, 1105 Metro Manila

Ang lahat ng nilalaman ng pahayagang ito ay hindi maaaring gamitin ng sinuman sa anumang porma

nang walang pahintulot ng tagapaglathala.

Ang Ugnay Magazine ay libreng ipinamamahagi ng Bureau of Communications Services .

May karampatang parusa sa sinuman na mahuhuling nagbebenta ng anumang bahagi, kopya/mga kopya nito.

Sa mga nais makipag-ugnayan sa aming patnugutan, Tumawag lang sa telephone number: +(02) 734 2118

Website: http://bcs.gov.ph

NAGING matagumpay ang katatapos lang na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and related summits.

Pinuri ng international community kung paano natin pinamunuan ang okasyon dahil si Pangulong Rodrigo Duterte ang tumayong Chairman, at espesyal din iyon dahil natapat sa ika-50 anibersaryo ng organisasyon.

Moving on, mas magiging abala ang Duterte Administration dahil sa pagpapatuloy ng iba pang mga proyekto ng pamahalaan partikular ang “Build Build Build” infra projects na mapapakinabangan ng lahat ng Filipino sa mga darating na panahon. Lilikha ito ng maraming hanapbuhay at kapag nakumpleto na ay magpapalago lalo sa ating ekonomiya. Mareresolba na rin ng naturang proyekto ang isang pinakamalaking problema ng mga taga-Metro Manila—ang trapiko.

Bukod dito, ang mga kagawaran ng pamahalaan ay may kanya-kanya ring mga proyekto na ngayon pa lang ay inilalatag na nila para sa kanilang calendar of activities sa 2018. Kung may mga concern kayo sa alinmang departamento ng pamahalaan ay makipag-ugnayan kayo sa kanila. Sa kasalukuyang administrasyon ay asikaso ang lahat—dahil gusto ng Pangulo na laging mabilis ang serbisyo.

Patuloy lang po tayong sumuporta sa mga layunin at programa ng pamahalaan upang maging mas madali ang pagsasakatuparan ng mga vision ni Pangulong Duterte para sa ating lahat. Nasa pagkakaisa ang lakas.

Ipagpatuloy po natin ang ating ugnayan, at hangad ko ang masaganang 2018 para sa ating lahat.

...AT SA MGA SUSUNOD PANG PANAHON

Page 3: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 3 |

TABLE OFCONTENTS

Cantugas:Potensyalng Pag-unlad

4

Bring HomeA Friendto thePhilippines

6

Mabilisna Internet ConnectionItatayo sa Pilipinas

8

‘Filipino Spell Checkware Software’isasapubliko ng KWF

10

Kooperatibismonaging ugnay sa tagumpay ng mga taga-Sto.Nino

11

Ambisyon Natin 2040

12

Dayaw 2017

14

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

16

#KilosSambayanan

17

#ASEAN50IsangTagumpay

18

GDP ng Pilipinas mas bibilis ang paglago

20

Maikli ba ang inyong ‘attention span’?

22

Dapat bang isuko sa mga ‘troll’ ang internet?

24

Depression

26

Sec. Andanar at multimedia companies ng China, tinalakay ang posiblengpagtutulungan

28

On the Side:Cabinet Report

30

Page 4: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 4

NAKILALA ng Ugnay Magazine sina Perfecto Galvez Jr., kapitan ng barangay, at si Mayor Crisanta Mondano, mga kinatawan sa bayan

ng Mainit, Cantugas. Kanilang malugod na tinanggap ang aming grupo upang ipakita at ipakilala ang munti nilang bayan.

Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente sa kanilang lugar. Hindi niya maiwasang itanggi ang kakulangan at problema sa kanilang bayan. Ayon sa kanya ay isang malaking hamon ang patubig at medisina para sa kanila.

“Sa karanasan ko bilang isang public servant, dati ang aming barangay ay talagang kulang. Wala kaming sapat na patubig, so within 10 years, karamihan sa mga tao rito ay talagang nag-iigib ng tubig. Malayo ang iniigiban nila gamit ang timba at balde para makakuha ng tubig. ‘Yung sinabi ng mga barangay health workers ay totoo na ang mga tao

CantugasCantugasPOTENSYAL NG PAG-UNLADKUNG ANG PROBLEMA AY MASOSOLUSYUNAN

Sa Surigao del Norte matatagpuan ang Barangay Cantugas. Pinalilibutan ang lugar ng mayamang lupain at masaganang tanim. Ang mga naninirahan dito ay namumuhay ng masaya na parang hindi alintala angmga kakulangan at problema sakanilang pamayanan.

Ni MARVIN S. DE LA PAZ

rito ay nahihirapan dahil malayo ang igiban at tuwing tag-ulan ang mga bata rito ay nagkakasakit dahil hindi safe ang tubig. Minsan ay malabo dahil ‘yung tubig na galing sa marumi ay pumapasok sa batis at iyon ang naiigib ng mga tao kaya po nagkakasakit,” ani Galvez.

Ipinagbigay-alam niya sa kanilang munisipyo ang naturang kakulangan sa patubig ngunit hindi lang talaga mabigyan ng sapat na solusyon ang problema.

Aniya, “Noong naging mayor si Mondano, humihingi kami ng tulong. Binigyan po kami ng patubig kaso lang hindi pa talaga sapat dahil kokonti lang. Ang population biglang lumaki kaya hindi na po suffi cient sa mga tao rito ang supply ng tubig.”

Dagdag ng chairman, “Nagpapasalamat din po ako dahil may programa na patubig, nabigyan po kami ng worth na 300 thousand na patubig. Nabigyan ko ang barangay namin ng patubig at nadadagdagan po kaya kahit papaano, ‘yung ibang residence ay nakabenepisyo sa proyekto ngayon.”

Page 5: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 5 |

I s a n g pagsubok sa

B a r a n g a y Cantugas ang paglobo ng populasyon kaya kahit nagbibigay ang lokal na gobyerno ng tulong ay

hindi pa rin ito kasya upang

punan ang mga pangangailangan

ng mga mamamayan. Aniya, "Kaso lang

ang problema ay hindi pa rin sapat kasi lumalaki nga ang

populasyon from 1000 ay naging 2000 na. Kaya bilang barangay captain ay ipapaabot ko sa ating pangulo, kay Pangulong Rodrigo Duterte, na sana ay mabigyan kami ng dagdag na budget para sa patubig.”

Hiniling din niya sa Ugnay Magazine na iparating kay Pangulong Duterte ang kanilang karaingan. “Pakipaabot na rin po sa Pangulo na wala kaming gamot. Totoo po, kaunti lang ang mga bigay sa amin na gamot sa health center kasi ang health center namin ngayon ay sira at kailangan na ring maayos kasi dilapidated na ang building.”

Kakulangan din sa maayos na daanan ang gustong solusyonan ng kapitan lalo pa’t isang kritikal na aspeto ito sa kanilang bayan. “Sa totoo lang po, mahirap talaga during rainy season lalo na kapag may nagkakasakit dito. Wala kasing sasakyan na makukuha namin kaagad kasi malayo at ang kalsada namin ay baku-bako. Ang sasakyan ng pasyente ay ‘yung tinatawag na habal-habal lang. So, kailangan namin ng isang sasakyan sana. Sana mayroon ngang maibigay sa aming barangay.”

Marami pa aniyang problema sa kanilang barangay. “Marami po akong nakikita talagang problema rito,

kaso lang, ang kulang namin ay walang sapat na budget na makukunan namin. Sana ay mabigyan kami ng additional budget para sa ating kalsada. Sa pang-health facilities, lalung-lalo na ang mga bata dahil kung magkasakit sila ay wala kaagad kaming gamot na makukuha kahit sa lagnat man lang.”

Ipinaabot naman niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nais niyang ayuda para sa kanyang mga minamahal na kabarangay kasama na ang mga Indigenous Peoples o IP sa kanilang lugar. “Sana po, President Rodrigo Roa Duterte, tulungan ninyo po kami rito sa Barangay Cantugas at lalung-lalo na sa aming mga IPs o lumad na mabigyan din sila ng mga livelihood project para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.”

Turismo sa CantugasNakadaupang-palad din ng Ugnay Magazine si

Mayor Crisanta Mondano. Isinalaysay niya na ang pangunahing pinagmumulan ng income ng lugar ay galing sa pagsasaka at turismo.

Anang Mayora, “Our main source of income is farming, and now we are earning from our business enterprises, economic enterprises particularly that of tourism.”

Inamin din ng Mayora ang kahalagahan ng kalsada sa kanyang nasasakupan. “We need roads because roads are necessary in the transport of the products of our people particularly here in Cantugas. Hindi namin maibiyahe ang aming mga produkto dahil walang mabuting daan.”

Positibo si Mayor Mondano na mapapalago ang turismo sa naturang lugar dahil totoong nasasayang ang angking yaman at ganda ng Cantugas. Kaya naman ipinapaabot niya kay Pangulong Duterte na sana’y matugunan ang kanilang pangangailangan partikular na sa patubig at kalsada.

“Talaga rito sa amin sa rural areas kapag may tao na galing doon sa Manila parang they are so excited to see you, excited to listen to you, excited to be hearing for you knowing that you will be bringing good news for us,” ani Mondano.

Page 6: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 6

SINIMULAN nang tumanggap ng Department of Tourism (DOT) ng entries para sa Bring Home a Friend to the Philippines (BHAF) program na humihikayat sa mga Filipino

na tulungan ang turismo sa bansa sa pamamagitan ng pag-iimbita sa mga kaibigang banyaga na bumisita sa Pilipinas.

Ang patimpalak, na sinimulan noong ika-15 ng Oktubre 2017 at magtatapos sa ika-15 ng Abril 2018, ay magbibigay-daan sa mga Pilipinong naninirahan dito at sa ibang bansa pati na rin ang mga expatriates na nakabase sa Pilipinas na magkamit ng mga papremyo sa isasagawang electronic raffle draw.

“We have this reunion of sorts to redefi ne Philippine tourism,” ani Tourism Secretary Wanda Teo sa kanyang talumpati sa launching ng BHAF na ginanap sa Resort’s World Manila.

Ayon kay Teo, ang tagumpay ng programa ay hindi masusukat sa pamamagitan ng dami ng foreign invitees na pumapasok sa bansa kundi sa abilidad nitong “mag-empower” sa mga Filipino upang makiisa sa tourism promotion.

"The success we are hoping for is our ability to empower our people and give them the opportunity to contribute to our people’s growth. They are after all the core strength of our tourism campaign. It’s more than bringing friends and family back home… It’s our shout out to the world to come and see the Philippines,” dagdag ni Teo.

Ang mga makakamit na gantimpala ng mga “sponsors” (mga Pilipinong nag-anyaya sa mga dayuhan) ay isang studio type condo unit sa Eastwood Le Grand Tower para sa fi rst prize, isang orange metallic na Toyota Vios 2017 na modelo para sa second prize, at 200,000 worth na gift certifi cate mula sa Duty Free para sa third prize.

Nina AZER PARROCHA at MARVIN S. DE LA PAZ

BRING HOMEa friend

to the PhilippinesMAGPAPASIGLA NG TURISMO SA BANSA

VOLUME 3 NUMBER 3 | 6

Page 7: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 7 |

It’s more than bringing friends and family back home. It’s our shout out to the world to come and see the Philippines.

““ s

“Tourism Secretary Wanda Teo

Samantala, ang mga papremyo naman para sa “invitees” (mga banyagang bibisita sa Pilipinas) ay magkakamit ng dalawang roundtrip international business class tickets dagdag pa ang dalawang roundtrip domestic tickets papuntang Palawan (fi rst prize), dalawang roundtrip international premium economy tickets dagdag pa ang dalawang roundtrip domestic tickets papuntang Cebu (second prize), at dalawang roundtrip international economy tickets dagdag pa ang two roundtrip domestic tickets papuntang Davao (third prize).

Upang makasali, ang sponsor at ang invitee ay kailangang makapagrehistro sa BHAF micro site na makikita sa website ng DOT (tourism.gov.ph) o kaya ay sa mga booth na matatagpuan sa mga airport sa bansa. Ang buong instruksiyon ay makikita sa naturang website.

Page 8: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 8

INILUNSAD ng Presidential Communications Operations Offi ce (PCOO) kasama ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang Bases

Conversion and Development Authority (BCDA) ang Strategic Engagement and Collaboration to Undertake a Reliable and Effi cient Government Internet (SECURE GovNet) project noong Nobyembre 15.

Katuwang ang Facebook, ang proyektong SECURE GovNet ay naglalayon na itayo ang Luzon Bypass Infrastructure, isang ultra-high-speed information highway na magreresulta sa mas mabilis, abot-kaya ang halaga, at mas madaling gamitin na broadband internet sa buong bansa.

Itatayo ng BCDA ang Luzon Bypass Infrastructure na binubuo ng dalawang landing stations na pinagdudugtong ng 250-km long cable network corridor. Sa ganitong paraan ay magagamit ang topograpiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng terrestrial bypass route para sa international submarine cable owners na gustong makagamit ng Luzon Strait.

"The cable will provide direct connections from Luzon to internet hubs in the United States and Asia," ayon kay DICT

Mabilis naInternet Connection

ITATAYO NG PILIPINAS AT FACEBOOK

ULAT NG MMPM.NEWS

Page 9: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 9 |

Offi cer-in-Charge Secretary Eliseo Rio Jr.

Bilang “fi rst party to utilize the infrastructure”, ang Facebook ang magtatayo at magpapaandar ng submarine cable system na ilalatag sa cable stations sa East and West Coasts ng Luzon.

"In exchange for utilizing the bypass infrastructure, Facebook will provide the Philippine Government with spectrum equivalent to at least 2-million megabits per second (Mbps)," ayon pa kay Rio.

Dagdag niya, ang 2-million Mbps (o 2-terabyte per second) capacity ay katumbas ng kasalukuyang pinagsamang kapasidad ng Globe at Smart-PLDT. Sa ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ang magsisilbing “virtually a third player” sa ating telecommunications industry.

Ang SECURE GovNet ay kaugnay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng national broadband plan na makatutulong sa pamahalaan para mabawasan ng malaki ang gastos sa internet at mas mapabilis ang internet speed.

Ang nasabing proyekto ang siya ring magiging daan at makatutulong para sa pagpapatupad ng connectivity programs ng ating pamahalaan gaya ng Free Public Internet Access, ang National Government Portal, at iba pang information and communications technology projects ng iba’t ibang government line agencies and local government units.

Sa nasabing event, si DICT OIC Secretary Rio at BCDA President and Chief Executive Offi cer Vivencio Dizon, na naging kinatawan ng Philippine government, ang opisyal na nagselyo sa Landing Party Agreement. Ang isang partido ay kinatawan naman ni Facebook Sourcing Manager Nico Roehrich.

"We are signing the Agreement with Facebook and BCDA to build the government's fi rst cable landing stations under the Luzon Bypass Infrastructure Project," ayon sa DICT offi cial.

It’s a game changer. It’s going to change the way we communicate in our country, and it’s going to alleviate the daily struggles of people with respect to the internet. “DICT Offi cer-in-Charge

Eliseo Rio, Jr.

Dagdag pa niya, "It's a game changer. It's going to change the way we communicate in our country, and it's going to alleviate the daily struggles of people with respect to the internet."

Ang okasyon ay dinaluhan din nina Presidential Communications Operations Offi ce Secretary

Martin Andanar, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Presidential Adviser for Economic Affairs Ramon Jacinto, Department of Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña at Transportation Secretary Arthur Tugade.

Page 10: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 10

‘Filipino Spell Checker Software’isasapubliko sa KWF sa 2018

Ni MARVIN S. DELA PAZ

ISASAPUBLIKO sa 2018 ang isang Filipino spell checker software na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kasama ang National University

(NU). Ito ang inilabas na balita ng komisyon sa ginanap na Kapihan sa KWF nitong Nobyembre 7.

Ayon kay Bb. Jeslie del Ayre, kawani ng KWF, layon ng naturang software na paunlarin at itaguyod ang normal na paggamit ng Filipino.

Nilinaw rin niya na ang gastos sa naturang proyekto ay pinaghatian ng KWF at NU.

“Tie up namin ito ng NU, ang kalahati ng budget ay sa NU galing tapos ang kalahati noon ay sa amin. Nandoon na ‘yung honorarium ng mga computer expert, sa mga supplies na gamit, ‘yung mga MOOE (Maintenance and Other Operating Expenses) ng project. Mula 2016 hanggang ngayong 2017 ay nasa P1.2 [milyon] kung magkasama na rin ang budget ng NU at KWF,” ani Ayre.

“Actually, ang NU ay nag-propose sa KWF ng project na ‘to at sinuri ng KWF kung kapaki-pakinabang ba, doable ba… so, ayun tinanggap ng KWF,” dagdag pa niya.

Sinusubukan naman ng KWF na maisapubliko ang proyekto sa susunod na taon.

“Tina-target namin na sa 2018 ay mailabas ito sa publiko kung ipagpapatuloy namin simula ngayon dahil may language tool na tayo kung ipagpapatuloy natin ‘yung pagde-develop nito hanggang sa mga unang buwan ng 2018. Siguro late 2018 ay mailalabas namin ito.”

Isa ito sa tatlong gawaing nakapaloob sa proyektong “Kayamanang Pangwika bilang Pamanang Bayan: Pangongolekta ng mga Korpus at Pagpapangkat ng mga Wika.”

Ang Filipino spell checker ay isang software na binuo gamit ang tuntunin sa Ortograpiyang Pambansa na isinalin para maging isang computer code. Ito’y isang plug-in sa OpenOffi ce o LibreOffi ce na ginawa gamit ang Language Tool engine. Ginagamit nito ang isang rule fi le para alamin kung may mali sa spelling ng isang salita.

Ipinabatid din ni Ayre na ang ilalabas nilang software sa 2018 ay pilot testing pa lamang. Aniya “Pero mailalabas namin ito as pilot testing pa lang sa labas at siguro sa mga susunod pa na taon iyong pagsasapubliko. Kasi ang dami pang kailangan i-develop, pero ang nakakatuwa lang kasi ay unti-unti nating nagagawa.”

Inamin niya na kakulangan sa tao ang sanhi ng mabagal na pag-usad ng proyekto.

“Ang suliranin lang dito ay kulang kami sa tao na tututok sa proyekto na ito at doon sa mga expert kasi ang KWF walang computer, walang programmer at mayroon kaming IT expert na isa lang.”

Balak nilang magdagdag ng tao na bihasa sa larangan ng teknolohiya upang mapabilis at mapadali ang pagsasaayos sa naturang software.

Page 11: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 11 |

BUHAY ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa para sa mga taga-Sto Niño, Butuan City magmula nang itatag ang Sto.

Niño Multipurpose Cooperative noong taong 1991 sa kanilang lugar.

Isa si Maria Agnes, 57 anyos, chairman ng nasabing kooperatiba, sa patuloy na nagsisikap upang maipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang mga kabarangay.

Para kay Agnes, ay malaki ang naibunga ng kooperatiba para sa mga kabarangay niyang magsasaka dahil ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng mga kagamitan na kanilang kailangan sa paghahanapbuhay na naging dahilan ng kanilang masagana at mabungang ani.

Ang Sto. Niño Multipurpose Cooperative ay pinangungunahan ng Department of Agriculture. Ito ang nagsilbing daan upang matugunan ang pangangailangang pinansyal ng mga magsasaka sa pagtataguyod ng kanilang hanapbuhay.

Sa pamamagitan ng rice production loan na nakukuha ng bawat magsasaka sa kooperatiba na may dalawang porsiyentong interes lamang kada buwan ay naitataguyod na nila ang lahat ng kanilang pangangailangan sa kanilang sakahan.

Sa tulong din ng Department of Agriculture, nakapagpatayo ang kanilang kooperatiba ng 157 square meters na warehouse ngayong taon.

Inaasahan din nila ang parating na re-circulating dryer na ipagkakaloob sa kanilang barangay sa

Ni ANGEL SAGALES

KOOPERATIBISMO NAGING UGNAY SA TAGUMPAY NG MGA TAGA-STO.NIÑO

susunod na taon upang hindi masira ang kanilang aning palay kapag inaabot ng tag-ulan.

May mga traktora rin na darating upang mapabilis ang kanilangtrabaho.

Pagkakalooban din ng Agricultural Credit Policy Council ang kanilang kooperatiba ng kalahating milyon upang maipahiram sa mga magsasaka nang walang interes.

Dahil dito, naitataguyod na ng mga magsasaka ang kani-kanilang pamilya, at laging may nakahain sa kanilang mesa nang tatlong beses sa isang araw. Napag-aaral na rin nila ang kanilang mga anak dahil ang kanilang masaganang ani ay naibebenta nila sa magandang halaga.

Si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Department of Agriculture ang naging kakumpas ng mga taga-Sto Niño, Butuan City. Kaya malaki ang pasasalamat ni Agnes sa Pangulo sa ngalan ng kanyang mga kabarangay dahil ang tulong na ipinagkaloob ng pamahalaan ay nakabuo ng iisang himig tungo sa iisang tono ng pagbabago para sa kanilang buhay.

Page 12: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 12

AMBISYON NATIN2040

AKSYON TUNGO SA BANSANG KAMPEONNi ANGEL SAGALES

“SENTRO ang tao sa a ng plano.” Ito ang binigyang-diin ni Director Nerissa Esguerra

mula sa Na onal Economic and Development Authority (NEDA) sa ginanap na forum at focus group discussion tungkol sa “AmBisyon Na n 2040” na isinagawa sa Philippine Informa on Agency (PIA) noong Nobyembre 3.

Inilatag ni Esguerra ang mga plano ng NEDA upang makamit ang Matatag, Maginhawa at Panatag na buhay para sa bawat Filipino.

Aniya, ang Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022 ay ang kauna-unahang medium-term plan na tatahak sa isang long-term vision para sa a ng bansa.

Isa umano itong des nasyon kasama ang pamahalaan at ang bawat Filipino tungo sa isang kinabukasan na inaasam-asam ng lahat. Isang matatag na pamayanan kung saan ang bawat pamilya ay nagkakaisa at magkakasama. Ang bawat magkakaibigan ay may oras para sa isa’t isa. Ang bawat empleyado ay may natawag na work-life balance, at ang bawat Filipino ay may diwa ng pagtutulungan at kabayanihan. Isang maginhawang buhay kung saan

VOLUME 3 NUMBER 3 | 12

Page 13: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 13 |

malaya ang kahit sinuman sa gutom at kahirapan. Ang bawat Filipino ay may yak na ma rahan, maayos na transportasyon, at kakayahang malayang makapaglakbay. Isang panatag na buhay na yak na magbibigay ng solusyon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat indibidwal. At isang ligtas at mapayapang pamayanan, at isang malusog at komportableng pamumuhay.

Hinikayat din ni Esguerra ang bawat isa na makilahok at tumulong sa pagpapalaganap ng mensahe ng nasabing programa upang maging bukas ang kamalayan ng bawat isa sa pagbabago na magaganap sa a ng bansa dahil kinakailangan umanong umaksyon sa nasabing ambisyon para ang a ng bansa ay maging kampeon.

Sigaw niya, “Para maabot ang Ambisyon, Bawat isa may kontribusyon- ngayon. Tayo na!”

Page 14: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 14

ANG buwan ng Oktubre ay ang Indigenous Peoples Month kaya tinipon ng NCCA ang mga kababayan nating mga katutubo mula Luzon,

Visayas at Mindanao upang ibahagi ang kanilang kuwento, kultura, tradisyon, sining, musika at sayaw sa loob nang tatlong araw na pagdiriwang.

Ang nasabing selebrasyon ay binuksan nitong Oktubre 8 sa Rizal Park kung saan 40 na grupo ng mga katutubo ang nagkatipun-tipon kabilang na ang Apayao Isnag, Aeta of Bataan, Tarlac at Zambales, Ibanag Yogad Itakwit Malaweg, Bontok Balangao Applai, Bugkalot, Gaddang Isinay, Bolinao Pangasinense, Ibaloy Kankana-ey, Ifugao Kalanguya, Iloko Bago, Itbayat Ivatan, Kalinga, Kasiguran, Kapampangan Tagalog Sambal, Tinggian Itneg, Ati of Antique Aklan, Agta Dumagat, Ati of Capiz Iloilo Guimaras, Ilonggo Hiligaynon Kiniray-a Aklanon, Ati of Negros Occidental, Boholano Cebuano, Bikolano, Mangyan, Molbog Palawani Jama Mapun, Sulod Panay Bukidnon, Rombloanon Tagalog, Tagbanua Pala’wan Batak, Waray Abaknon, Iranun Maguindanao, Maranao, Bukidnon Higaonon Talaandig, Bagobo Kalagan Tagakaolo, Subanen, Sangir B laan, Kamayo Manobo Banwaon Higaonon, Mamanwa, Manobo Matigsalug Tigwahanon Ummayamnon, Kagan Mandaya Mansaka, Sama bangingi Jama Mapun Bajau, Teduray Arumanen, T’boli, Yakan at Tausug.

DAYAW 2017: Pambansang PagtatanghalPambansang Pagtatanghal

PATUNGO SA ENTABLADO NG BUONG MUNDO

Nakiisa rin sa makulay na pagdiriwang ang mga katutubo mula sa Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Laos, at South Korea.

Sinimulan ito sa isang ritwal na panalangin na inihanda ng mga Maguindanaoans at Atis, at sinundan ng mini-parade sa entablado kung saan isa-isang ipinakilala ang mga grupo na kaisa sa pagdiriwang.

Nagpakitang gilas din ang ilang grupo sa larangan ng pagluluto kung saan ibinida ng grupong Ifugao ang kanilang kakanin na tinatawag na ‘Binakle’. Inihain naman ng mga Kapampangan ang kanilang traditional sisig, at itinuro ng mga grupo ng Itbayat Ivatans ang pagluluto ng pangunahin nilang pagkain na manok at kanin na nakalagay sa dahon.

Nagkaroon din ng crafts making sa pagbubukas ng Dayaw 2017. Ibinahagi ng Ifugao Kalanguya cluster ang paggawa ng walis tambo. Ang paggawa ng isang walis tambo, ayon sa nasabing grupo, ay tumatagal ng kalahating araw.

Itinuro ng mga Kapampangan sa publiko ang kanilang traditional writing system na tinatawag na ‘Kulitan’.

May mga mini-bazaar din sa paligid ng Rizal Park kung saan ang ilang mga grupo kagaya na lamang ng mga Gaddangs ay nagbenta ng kanilang mga ipinagmamalaking produkto.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag si

Ni ANGEL SAGALES

Page 15: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 15 |

Pambansang Pagtatanghal

“Sa inyon g mga kasuotan ay hinahabi natin ang

kagandahan ng Pilipinas, at ang kagalingan ng mga katutubo.

#AngGalingNgMgaKatutubo”ALFONSO TESORO

Commissioner for Cultural Communities and Traditional ArtsNational Commission for Culture and the Arts

Marichu Tellano, Deputy Executive Director ng NCAA kung saan binigyang-pugay niya ang presensya ng mga kapatid nating katutubo mula sa Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Laos, at South Korea.

Aniya, “We are happy that they are joining this celebration. This is actually the start of leveling Dayaw from a national celebration to an international one.”

Mahalaga rin umano na maging hakbang ang taunang pagdiriwang upang matutunan ng bawat isa ang kani-kanilang kultura.

“Every year we look forward to this occasion, and we have been doing this for the last 10 years and I hope that through the years that we have been doing Dayaw, every occasion and every gathering is always a process of learning. Lahat tayo ay natututo sa bawat isa, at natututo tayo sa iba’t ibang kultura na mayroon tayo sa Pilipinas,” ani Tellano.

Natapos ang pagbubukas ng pagdiriwang sa pagpapalabas ng 40 na grupo ng mga katutubo at anim na bansa ng kani-kanilang ipinagmamalaking presentasyon.

Ilan sa mga ito ay ang ipinakitang traditional royal dance ng mga Maranaos na tinatawag na ‘Singkil’.

Tampok din ang isang dramatic dance ng mga Bicolano na nagpapakita ng pakikipaglaban ng rehiyon sa mga mananakop.

Ang ‘Dayaw’ ay nangangahulugang pagpapakita ng kagalingan ng isang tao na may dignidad at kagalakan. Nangangahulugan din ito ng karangalan sa iba’t ibang lengguwahe ng ating bansa kung kaya’t

napili ng NCCA ang salitang ‘Dayaw’ bilang pamagat ng nasabing pagdiriwang.

Nagkaroon naman ng outreach activities at cultural masters’ exhibit sa sumunod na araw kung saan bumisita ang ibang mga tribu na kalahok sa mga pampublikong paaralan upang ibahagi ang kanilang kultura. Isa sa mga paaralan na kanilang binisita ay ang Marikina High School.

Nagkaroon din ng pagkakataon na itampok sa SM Mall of Asia ang mga cultural masters’ work o ang tinatawag na National Living Treasures o Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA.

Sa huling araw ng pagdiriwang, ibinahagi naman ng ilang mga katutubo kabilang na si Presidential Communications Operations Offi ce (PCOO) Assistant Secretary Ana Marie Rafael-Banaag na tubong Cordillera ang kuwento sa likod ng kanilang mga tagumpay sa kani-kanilang larangan.

Nagtapos ang tatlong araw na selebrasyon sa isang masayang sayawan at pagbibigay-gawad sa mga naging modelo at instrumento upang mapangalagaan ang kultura at tradisyon ng kanilang komunidad.

Isang bonfi re rin ang inihanda na sinayawan ng mga katutubo bilang simbolo ng pagkakaisa sa kabila ng kanilang pagkakaiba-iba ng pinagmulang tribu.

PHOTO COURTESYNational Commission for Culture and the Arts

Page 16: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 16

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, lakas ng loob na humarap sa mga pagsubok at pag-asa na muling

lumaban at magpatuloy sa buhay ang pangunahing naibubunga ng lahat ng tulong na naipahahatid ng

pamahalaan sa bawat Filipino.

ISA ang 49 anyos na si Lhea Rebulta na tubong Butuan City sa nakaramdam ng tunay na

pagmamahal at malasakit ng pamahalaan.

Kagaya ng maraming Filipino, mahirap para kay Lhea na mairaos ang kanilang pang-araw-araw na buhay lalo na’t hindi sapat ang kinikita ng kanyang asawa sa pagiging security guard. Ang kinikita niya bilang manikurista ay hindi rin ganoon kalaki upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Lhea nang siya ay mapili bilang isa sa mga benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Dahil sa nasabing programa ay napagtapos niya, katulong ang kanyang asawa, ang kanilang mga anak.

Graduate ng fi sheries ang kanyang panganay. Nagkaroon din siya ng dalawang anak na guro habang ang pang-apat naman ay nakapagtapos bilang Cum Laude sa kursong Information Technology.

Sa kasalukuyan, ang bunsong anak ni Lhea ay patuloy na nag-aaral at nasa Grade 9.

Gayunpaman, dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ng kanilang pamilya nang pumanaw ang panganay niyang anak.

Dahil dito, buong puso siyang niyakap at hindi pinabayaan ng pamahalaan.

Pinagkalooban ng Department of Social Welfare and Development ang kanyang pamilya ng Assistance in Crisis Situation na bahagi ng nasabing programa kung kaya’t nagkaroon ng maayos na burol ang kanyang panganay.

At upang ibalik ang kabutihan ng pamahalaan sa kanilang pamilya, nagsilbi si Lhea bilang lider ng grupo ng mga benipisyaryo ng 4Ps sa kanilang lugar.

Naging aktibo siya sa pangunguna

Pantawid Pamilyang Pilipino ProgramNAGING DAAN SA MAGANDANG BUHAYNAGING DAAN SA MAGANDANG BUHAY Ni ANGEL SAGALES

sa mga aktibidad at programa ng kanilang samahan.

Lumakas din ang loob ni Lhea na makipag-ugnayan sa mga tao nang mapili siyang ipadala sa Senado upang ipaglaban na maisabatas ang 4Ps.

Dahil sa kanyang tapang at pagiging responsable ay umani siya ng respeto at tiwala sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan, abala si Lhea sa pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng kapwa niya kapos sa buhay.

Bilang lider ng kanilang samahan, nagkaroon ng kabuluhan ang kanyang buhay dahil sa pamahalaan.

Naliwanagan din siya na walang ibang magtutulungan kundi ang bawat isa karamay ang pamahalaan.

Isa si Lhea sa libu-libong natulungan ng pamahalaan sa buhay. Ngunit higit sa tulong pinansyal na

naibigay nito, tiyak na lakas ng loob at kabuluhan sa buhay ang pangunahing naidulot nito sa buhay niya at ng kanyang pamilya.

May panawagan naman si Lhea sa mga kapwa niya benepisyaryo ng 4Ps. Aniya, “’Yun pong mga ATM natin na mula sa pamahalaan ay huwag po nating isangla. Huwag din po nating ibili ng mga bagay na hindi natin kailangan. Gamitin po natin sa ating pamilya upang gumanda ang ating buhay.”

Hiling din niya na suportahan ang mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Tunay pong makamahirap ang ating Pangulo. Nalalaman po niya ang pangangailangan naming mga mahihirap. Sana po ay tulungan natin siyang matupad ang mga magagandang hangarin niya para sa ating bayan at sa ating lahat.”

Page 17: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 17 |

ANG Kilos SAMBAYANAN (Kilos para sa Sampung Ba-tayang Pangangailangan)

forum ay ginanap sa Bureau of Soils and Water Management, Quezon City noong October 20, 2017. Ito ay pinangunahan ng Na-tional Anti-Poverty Commission (NAPC) kasama ang Human De-velopment and Poverty Reduction (HDPRC), Philippine Information Agency (PIA) at Presidential Com-munications Operations Offi ce (PCOO). Layon ng talakayan na maipaliwanag sa mga tao ang serbisyo ng gobyerno na maka-tutugon sa kanilang mga pangan-gailangan gaya ng pagkain, lupa, at pabahay.

May sampung pangunahing pangangailangan na tinukoy ang NAPC: pagkain at land reform, patubig, pabahay, hanapbuhay at national industrialization, health-care, edukasyon, social protec-tion, healthy environment, kapay-apaan at partisipasyon ng tao.

#KilosSAMBAYANANAT ANG PAGTUGON NG PAMAHALAAN SA PANGANGAILANGAN NG MGA FILIPINO

Ni VICTORIA CORDERO

Ang #KilosSAMBAYANAN ay isang kampanya na pinangungu-nahan ng NAPC upang matugu-nan ang sampung pangangailan-gan ng mga kababayan natin lalo na ang mga mahihirap, at magsil-bing sukatan ng epekto ng mga programa ng pamahalaan sa bu-hay ng mga mahihirap.

Ang forum ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno: Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), Housing and Urban Development Coordinat-ing Council (HUDCC), Philippine Commission on Women (PCW), National Economic and Develop-ment Authority (NEDA), at Presi-dential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Ang kampanyang ito ay unang inilunsad sa Delpan, Binondo, Ma-nila noong July 16, 2017.

Page 18: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 18

Ni PATRISHA BAGALSO

#ASEAN50ISANG MALAKING TAGUMPAY

MASAYANG ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging bunga ng 31st ASEAN Summit and Related Summits

noong Nobyembre, 14 at inianunsyo rin ang mga kinalabasan ng mga pagpupulong na ginanap sa bansa.

Ilan sa mga tinukoy ni Pangulong Duterte bilang highlight ng summit ay ang pagsisimula ng usapan ukol sa Code of Conduct sa West Philippine Sea at ang paglagda sa Consensus on the Protection of the Rights of Migrant Workers.

“Yesterday, during the 20th ASEAN-China Summit, we announced the start of formal negotiations on a Code of Conduct of Parties in the South China Sea,” anang Pangulo. “Just a few moments ago, the other ASEAN leaders joined me in signing the ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers – our commitment to our people.”

Ayon sa Pangulo, magalang na sumang-ayon ang China sa pagsasagawa ng COC kung saan ipinapangako nito ang malayang paglalayag.

Nagkaroon din aniya ng ASEAN Plus Three at East Asia Summit kung saan kasama ng ASEAN ang kanilang Dialogue Partners gayundin ang mga

We looked at the progress of our cooperation with external partners and the future direction of ASEAN’s engagement with them, noting the

importance of ASEAN centrality, and the reality that relations bear fruit if cooperation is anchored on mutual

respect and benefi t.

“RODRIGO ROA DUTERTEPresident, Republic of the Philippines

Page 19: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 19 |

ASEAN-led mechanism. Layunin ng mga nasabing summit na ipagbigay-alam ang kahalagahan ng ugnayan sa pagtugon sa mga isyu ukol sa kapayapaan, seguridad at kasaganaan sa rehiyon.

Pinangunahan din ni Pangulong Duterte ang unang pagpupulong ng mga pinuno ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) kung saan inilatag niya ang desisyon sa nangyaring negosasyon ukol sa ekonomiya.

Nagkaroon din ng dalawang business council meetings ang mga pinuno – ang ASEAN Business Advisory Council at ang East Asia Business Council.

Ani Pangulong Duterte, “We looked at the progress of our cooperation with external partners and the future direction of ASEAN’s engagement with them, noting the importance of ASEAN centrality, and the reality that relations bear fruit if cooperation is anchored on mutual respect and benefi t.”

Higit din umanong pinagtuunan ng pansin ang

mga banta ng terorismo. Sa isang press conference, inihayag ng Pangulo

na ang isyu ukol sa terorismo ay isa sa prayoridad sa agenda ng pagpupulong ng mga lider ng ASEAN at ng kanilang mga dialogue partner.

“Half of the time during the interventions actually was the issue of terrorism. Everybody’s scared with the new vogue of dying just suddenly in the explosion of any… whatever,” aniya.

Dagdag pa ng Pangulo, “We vowed to work closely. We discussed it in confi dential meetings. We have agreed on so many things to enhance the defense of our country.”

Sa gitna ng pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalo at pulis na nakipaglaban sa mga terorista, nagbabala ang Pangulo na ang pagsalakay ng Maute terror group sa Marawi City ay isang paalala sa panganib na kinahaharap ng bawat bansa.

Ang pagtaas ng tensyon sa Korean Peninsula ay isa rin umano sa mga pangunahing paksa sa naganap na pagpupulong kung saan nakiisa ang China at US.

Ayon pa sa Pangulo, hindi maaaring simulan ng rehiyon ang isang malaking giyera.

Sa pagtatapos ng 31st ASEAN Summit and Related Summits, pinangunahan ni Pangulong Duterte ang paglilipat ng tungkulin ng ASEAN chairmanship sa Singapore.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Pangulo sa media sa pagbibigay ng malawak na coverage sa pagiging host country ng Pilipinas sa 31st ASEAN Summit.

“Before I close, I wish to express my appreciation to the members of the media for your coverage throughout the year of the Philippines’ Chairmanship of ASEAN. You have been [our] invaluable partners in raising ASEAN awareness to our peoples, particularly our hard work toward improving the lives of our peoples and in strengthening our ASEAN Community. I thank you for getting that message across to the public.

“We are honored that world leaders joined us in celebrating ASEAN’s achievements and contributions to [regional] peace, stability, and prosperity for the past 50 years,” masayang pagtatapos ng Pangulo sa ika-50th anibersaryo ng ASEAN at pagiging host country ng Pilipinas.

Bilang host country, ang tema ngayong taon ay “Partnering for Change, Engaging the World.”

Page 20: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 20

NAKIKITA ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang mas

malawakang pag-unlad ng Pilipinas sa mga susunod na panahon habang pinalalakas ng Duterte Administration ang pagpapatayo ng mga imprastruktura at maging ang human capital development para mas mapasigla ang ekonomiya at mas makalapit sa tinatawag na “financial inclusion”.

“Notwithstanding the continued political noise and the terrorist activity in Marawi, which President Duterte had decisively addressed, the economy managed to perform well in the third quarter as the government posted a double-digit increase in public investments and pursued initiatives to further improve fiscal health and boost investor sentiment,” pahayag ni Dominguez nitong Nobyembre 16 bilang tugon sa “6.9 percent economic expansion over the July-September 2017 period” na inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA).

“Expect a more riveting growth narrative in the fourth quarter and onwards as the Duterte Administration shifts to higher gear its unparalleled investment and stimulus program on the strength of the government’s greater absorptive capacity and its resolve to advance its ‘Build,

GDP NG PILIPINASMAS BIBILIS PA ANG PAGLAGO

NI REZEKIEL DE GUZMAN

Build, Build’ infra program as the main driver of the economy,” ayon pa sa kalihim.

Kumpiyansa rin si Dominguez na ang domestic economy ay nasa tamang landas para makamit ang

official full-year e x p a n s i o n target na 6.5-7.5 percent habang pinabibilis ng pamahalaan ang paggastos sa imprastruktura, na may pinakamataas na multiplier effect sa pag-unlad at sa human capital formation, na kapwa mahalaga para makamit ang tinatawag na “economic inclusion for all Filipinos”.

Tiniyak ng kalihim sa publiko na, “Malacañang would be able to maintain fiscal discipline despite the escalated public spending on the Duterte watch

owing to its commitment to provide a steady revenue stream for its P8.4-trillion ‘Build, Build, Build’ program through Official Development Assistance (ODA) packages and the Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) bill, which the Congress is expected to pass

this fourth quarter.”Dagdag pa ni

Dominguez, “There are such positive

benchmarks as the record Gross I n t e r n a t i o n a l Reserve (GIR) level, manageable debt service and formidable earnings from the OFW (overseas

Filipino workers) and BPO (business

process outsourcing) sectors that would

likewise help the government sustain its

economic stimulus plan into the medium term.”

Sinabi naman ni Secretary Ernesto Pernia ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang third quarter gross domestic product (GDP) performance ng Pilipinas ay mataas kaysa sa naging pagtataya ng mga ekonomista na 6.5 to 6.7 percent. Kumpara sa ibang bansa sa Asya, ang Pilipinas ay nananatiling “one of the region’s best performing economies” kasunod ng Vietnam na naiulat na may 7.5 percent growth sa third quarter, at mas mataas kaysa

g gaging ang elopment pasigla mas

wag n”.

g l

t

de he

ae in

and o further and boost ahayag ni

g (Congress is

this fourthDagd

Domiare

bethI

OF

anpro

sectlikewis

governmeconomic

the medium

Page 21: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 21 |

China na may 6.8 percent, at sa Indonesia na may 5.1 percent para sa katulad na panahon.

Ang ating bansa ay patungo na sa pagkakaroon ng “investment-led economy” sa harap ng dramatikong pagtaas sa foreign direct investment (FDI) inflows na nagkakahalaga ng $1.203 bilyon noong Agosto, o mas mataas ng 70 percent kumpara sa $708 milyon sa katulad na buwan noong isang taon, ayon kay Dominguez.

Aniya, ang positibong pananaw ng mga mamumuhunan ay makikita sa dalawang major investments sa mga nakalipas na buwan gaya ng $1 billion investment ng Japan Tobacco International (JTI) na nakuha ang assets ng cigarette manufacturer na Mighty Corp., at ang $1.3-bilyong kasunduan sa pagitan ng Energy Development Corporation (EDC) ng Pilipinas at ng grupo ng mga dayuhang mamumuhunan na suportado ng Macquarie Infrastructure and Real Assets (MIRA) at

Arran Investment Pte. Ltd., na kasosyo ng Singaporean sovereign wealth fund GIC.

Ayon sa PSA, ang ating ekonomiya ay lumago ng 6.9 percent sa third quarter, kumpara sa 6.7 percent noong second quarter (revised upward from 6.5 percent) at 7.0 percent sa katulad na panahon noong isang taon.

Batay naman sa paggastos ng pamahalaan, tinukoy ng PSA ang 6.9 percent growth noong July-September 2017 period na dahil sa “household final consumption expenditure, durable equipment, net exports, and government final consumption expenditure.”

Ang “services sector” ang may pinakamalaking kontribusyon sa third quarter GDP growth na may 4.2 percentage points, kasunod ng “industry” na may 2.5 percentage points, at “agriculture” na may 0.2 percentage points.

Makikita sa Department of Budget and Management (DBM) data na ang national

government disbursements ay tumaas ng 13.9 percent year-on-year noong Agosto sa P201.6 bilyon, kung saan ang “Infrastructure and Other Capital expenditures” ay umakyat sa 18.1 percent na may P40.1 bilyon sa nasabing buwan.

Samantala, ang datus ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nagpapakita na ang GIR ay umabot sa $80.62 bilyon sa katapusan ng buwan ng Oktubre, ang OFW remittances na idinaan sa mga bangko ay may kabuuang $18.6 bilyon mula Enero hanggang Agosto, at ang BPO revenues ay inaasahang aabot sa $24.5 bilyon ngayong taon.

Para naman sa debt payments, inihayag ng Bureau of the Treasury na ang debt service bill ay nasa P582.2 bilyon mula Enero hanggang Setyembre, mas mababa ng 16.27 percent kumpara sa P696.19 bilyon sa katulad na panahon noong isang taon.

Page 22: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 22

MAIKLI BA ANG INYONG

Ni EMMANUEL V. CAMARA

TAMAD na nga bang mag-isip ang mga Pinoy? Marami raw Pinoy ang tumatangkilik sa mga

gawa-gawa, kulang-kulang, mga kababawan at peke. Tingnan natin ang ating mga sarili at baka kasama na tayo sa mga ganoon.

Ito ang pananaw na nilalaman ng artikulong, “Opinyong Bulok” na lumabas sa philippineone.com noong November 3, 2017. Bihira na raw ang mga masinsinang talakayan o diskurso dahil kahit daw magkakasama ay mas gusto pa rin natin na maghimas ng gadget. Marami rin namang nagtatangkang himayin ang mga isyu pero tamad nang magbasa ang mga Pinoy. Ang mga artikulo kapag may 700-800 na salita ay katatamaran nang basahin. Ang resulta ay marami na sa mga Pinoy ang walang sariling opinyon—mayroon man ay mababaw o kaya naman ay bulok.

Nabanggit sa artikulo ang mga gadget at modernong teknolohiya, at marahil nga ay malaki ang kinalaman ng mga ito kung bakit ganito tayo ngayon. Dahil sa mga ito ay nagkaroon na tayo ng maikling attention span. At ang pagkakaroon ng short attention span ang dahilan kung bakit wala na tayong tiyaga sa

mga talakayan, at mas pinipili na lamang natin ang memes at video.

Attention span ang tawag sa haba (o ikli) ng oras kung saan puwede tayong mag-concentrate sa isang task na hindi nadi-distract. Kung minsan ay mga sakit ang sanhi kung bakit ito umiiksi gaya ng depression, bipolar disorder (extreme mood swings) at head injury.

Pero ayon sa prezi.com noong June 21, 2013 ay telebisyon ang isang sanhi nito. Ibinahagi sa nasabing site ang ulat ng USA Today na kapag maagang nalulong sa panonood ng TV ang isang bata ay mahihirapan siyang mag-concentrate kapag nag-aaral na. Ang isang oras daw na panonood ng telebisyon ay maaaring magdulot ng 10% pagtaas ng problema sa attention span.

Isa pa anilang sanhi ng pag-ikli ng ating attention span ang information overload at sangkatutak na external stimulation dahil overexposed na tayo sa media. At dahil sa ating mga laptop, tablet at smartphone ay palagi na lamang tayong nakababad sa media sa araw-araw.

Hindi maganda ang epekto ng pagkakaroon

VO | 22

VOLUME 3 NUMBER 3 | 22

Page 23: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 23 |

Attention span ang tawag sa haba (o ikli) ng oras

kung saan puwede tayong mag-concentrate sa isang task na

hindi nadi-distract.

ng maikling attention span. Ayon sa prezi.com ay nawawalan tayo ng tiyaga at humihina ang ating judgment. Ang nagiging gusto natin ay instant o mabilisan.

Ang atin daw utak ay nakadarama ng reward, hindi na dahil sa pananatili sa isang task kundi sa pagpapalipat-lipat sa iba’t ibang paksa o gawain. Eksakto ang mga ito sa mga obserbasyon na sinabi sa philippineone.com. Isang kabalintunaan na kung kailan pa naging madali ang pagkalap ng mga impormasyon ay saka naman tayo nawalan ng tiyaga na magsaliksik at magsuri at saka naman tayo natutong umasa na lamang sa mga meme para makabuo ng opinyon.

Kaya dapat lamang nating pahabain ang ating attention span para hindi mabansot ang ating kakayahang mag-isip at para makamit natin ang ating mga gusto sa buhay. Maraming paraan para mapahaba ang ating attention span at bumuti ang ating concentration, pero pumili na lamang tayo ng mga bagay na mas simpleng gawin. Ayon sa lifehack.org, ang pag-eehersisyo ay makatutulong dito. Ang atin daw utak ay may inire-release na mga kemikal na nakakatulong sa learning at memory kapag nag-e-exercise.

Dapat din tayong uminom ng sapat na tubig (hindi kape o soft drink). “Dehydration leads to inattention,” sabi sa artikulo. Walong basong tubig ang dapat nating inumin araw-araw.

Alisin na rin ang mga bagay na alam na nating magdudulot ng distraksyon. Patayin na muna o ilayo ang cellphone habang may ginagawa. Kung kailangang gumamit ng computer ay isara na muna ang mga tab na wala namang kinalaman sa ginagawa. Turuan din natin ang ating sarili na mag-refocus. Kapag napuna na natin na nadi-distract na tayo ay ibaling nating muli ang ating atensyon sa ating ginagawa. Hindi naman natin kailangang tuluy-tuloy na mag-concentrate. Puwede aniya itong maging cycle ng focus, distraction at refocus.

Sa panahon ngayon ay hindi lamang pasensya ang kailangang pahabain—dapat ay maging ang attention span din.

ME 3 NUMBER 3 23 ||||||

hindi nadi-distract. aya dapat lamang nating pahabain ang ating

ntion span para hindi mabansot ang ating yahang mag-isip at para makamit natin ang mga gusto sa buhay. Maraming paraan para ahaba ang ating attention span at bumuti ang concentration, pero pumili na lamang tayo ng bagay na mas simpleng gawin. Ayon sa lifehack.ang pag-eehersisyo ay makatutulong dito. Ang daw utak ay may inire-release na mga kemikal na katulong sa learning at memory kapag nag-e-

cise. apat din tayong uminom ng sapat na tubig (hindi o soft drink). “Dehydration leads to inattention,” sa artikulo. Walong basong tubig ang dapat g inumin araw-araw.

Alisin na rin ang mga bagay na alam na nating dudulot ng distraksyon. Patayin na muna o

ang cellphone habang may ginagawa. Kung ngang gumamit ng computer ay isara na a ang mga tab na wala namang kinalamaninagawa. Turuan din natin ang ating sarili

mag-refocus. Kapag napuna na natin na distract na tayo ay ibaling nating muli ating atensyon sa ating ginagawa. Hindi an natin kailangang tuluy-tuloy na mag-entrate. Puwede aniya itong maging

e ng focus, distraction at refocus.a panahon ngayon ay hindi lamang nsya ang kailangang pahabain—t ay maging ang attention span

VOLUME 3 NUMBER 3

Page 24: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 24

DAPAT BANG ISUKO SA MGA

'TROLL' ANG INTERNET?Ni EMMANUEL V. CAMARA

MINSAN ay nakakita ako ng isang meme sa internet na nakatawag sa aking pansin. Larawan ito ni Johnny Depp sa kanyang

karakter na Jack Sparrow mula sa pelikulang Pirates of the Caribbean na hinahabol ng mga galit na katutubo. Ang caption ng larawan ay “When you expressed your opinion in the internet.”

Para sa akin ay tumpak ang paglalarawang ito. Ako man ay hindi iisang beses na naputakte sa internet dahil sa pagpapahayag ng saloobin.

Ayon sa journalist na si Joel Stein sa kanyang mahabang artikulong lumabas sa time.com ay naiba na ang personalidad ng internet. Dati aniya ay daan ito ng malayang daloy ng impormasyon. Kapag mayroon kang mga problemang teknikal ay nakatutulong ito. Ngayon aniya, kapag sinabi mong nalulungkot ka ay itutulak ka pa ng internet para lalong magpakamatay.

Kadluan pa rin naman ng impormasyon ang internet pero kapuna-puna nga

ang mga masasamang elemento na matatagpuan dito na kung tawagin ay troll. Inilarawan ni Stein ang mga ito bilang mga halimaw na nagtatago sa dilim at nagbabanta sa mga tao. Bagama’t mas malapit ito sa literal na kahulugan ng troll ay ganoon din naman ang ginagawa ng mga ito sa internet.

Dahil puwedeng itago ang tunay na katauhan sa internet ay sinasamantala nila ito para magsagawa ng pranks o panloloko, mang-harass at magbanta ng karahasan.

Ibinahagi ni Stein ang resulta ng survey ng Pew Research Center na nagsasaad na 70% ng mga kabataang 18 hanggang 24 gulang na gumagamit ng internet ay nakaranas ng harassment, at 26% ng mga kababaihan ay nakaranas ng online stalking.

Kapag nakursunadahan ng mga troll ang isang tao ay puwede

siyang laitin, hiyain at pagbantaan sa internet.

VOLUME 3 NUMBER 3 | 24

Page 25: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 25 |

Isinalaysay ni Stein ang mga taong nakaranas ng pang-aabuso sa internet. May nakaranas na i-search ang phone number ng mga magulang para tawagan ang mga ito at laitin ang biktima. Nakita na lamang ng isang biktima ang kanyang picture sa internet na iniinsulto at nilalait ng mga troll. May mga pinagbantaan ng rape, at may isang ama na nakakita ng larawan ng kanyang anak na babae na naglalakad galing sa school na may caption ng pagbabantang gagahasain.

Ayon sa artikulong, “How Trolls are Ruining the Internet” ay nagagawa ito ng mga troll dahil sa tinatawag na disinhibition effect. Nawawala ang inhibisyon ng mga troll dahil hindi sila kilala. Nawawalan aniya ng saysay ang moralidad o mga pamantayan ng tama at mali na libong taon na nilikha ng lipunan bilang gabay sa ating asal dahil nga puwede silang hindi magpakilala, hindi sila nakikita at kulang ang awtoridad na nagbabantay sa internet.

Kaugnay nito ay mayroon ding pag-aaral na isinagawa noong 2014 na napalathala sa Personality and Individual Differences na 5% ng mga nagsasabi na sila ay troll ay matataas ang score sa narcissism, psychopathy at sadism na hindi magagandang aspeto ng personalidad. At sila lang iyong mga umaamin na sila ay troll.

Isinalaysay rin ni Stein ang kaso ng isang troll na nambiktima sa writer na si Lindy West. Nakaranas ng trolling si West dahil sa mga artikulo na kanyang sinulat. Nang mag-react si West ay humingi ng apology ang kanyang troll at nagpaliwanag na hindi aniya ito maligaya sa buhay nito at galit ito sa kanya dahil gusto nito ang buhay niya.

Minsan din ay naisipang imbitahan ni Stein ang troll na dalawang taon nang umaatake sa kanya at minsan ay nagbanta na ito ng karahasan sa kanya. Nagbakasakali lamang siya pero sa kanyang pagtataka, nang yayain niya ang kanyang troll na si Megan Koestner ng libreng tanghalian ay magiliw itong sumagot at pinaunlakan ang kanyang paanyaya. Nagkakilala sila nang harapan at nalaman niya na wala itong permanenteng trabaho

samantalang siya ay masasabing matagumpay sa kanyang career. Nayayabangan daw sa kanya si Koestner. Nang magtanong si Stein kay Koestner kung bakit hindi na lamang siya suntukin nito o kaya ay pagsabihan nang harapan, nagtaka pa raw ito at tiningnan siya na parang ipinapalagay siyang mangmang. Kasunod ay nagtanong din ito kung bakit nito kailangang gawin iyon. Ang internet aniya ay lupain ng mga duwag. Ang mga tao dito ay “all sound no fury.”

May ideya na kayo siguro kung anong klaseng tao ang mga troll.

Malaki sana ang maitutulong ng internet para malaman natin ang mga nangyayari sa

ating lipunan at ang mga bagay na may kinalaman dito. Malaki

rin sana ang maitutulong nito para malaman natin

ang mga kailangang gawin para mapabuti

ang ating bansa. Ang kaso ay ginugulo ng mga troll ang mga usapang matino sa internet.

Ayaw na tuloy m a g p a h a y a g ng opinyon o magbahagi ng i m p o r m a s y o n ng maraming tao

dahil alam nila na maaari silang umani

ng mga panlalait at insulto at dumanas

nang pang-aabuso. Ayon pa kay Stein, kahit mga

writer ng TIME ay namimili na ng isyung tatalakayin dahil

pinangangambahan nila ang magiging online response.

Ito ang nagagawang pinsala ng mga troll sa internet. Nahahadlangan nila ang daloy ng impormasyon at tinig ng katotohanan. Pinalalaganap nila ang galit sa halip na katuwiran. Dahil sa kanila, ang mabuting intensyon ay nalulunod sa mga pang-uuyam, panlalait at mga pagbabanta.

May mga nagsasabing lalong ginaganahan ang mga troll kapag may pumapansin sa kanila kaya mayroon ding kasabihan na, “Don’t feed the trolls.” Baka nga mas mainam na huwag na lamang silang pansinin. Sa isang banda ay dapat din siguro nating ipaglaban ang katotohanan at karapatang magpahayag. At puwede rin tayong magbigay ng pampalakas-loob sa mga nabibiktima sa internet.

Huwag nating isuko sa mga troll ang internet.

mga troll dahil hindiwalan aniya ng dad o mga

ma at mali nilikhaabay ahilng a, a

and ces mga

ay troll score sa opathy at

magagandang idad. At sila lang

malaman natin ang ating lipunan at

may kinalamrin sana

nito paang

gawangkamui

in

dama

nginsult

nang ppa kay

writer ng na ng isyung

pinangangambaha

Page 26: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 26

NAGING isyu at usap-usapan sa social media ang tungkol sa

depression dahil kay Joey de Leon. Ayon sa ulat ni Nina Guno sa inquirer.net noong October 5, 2017, sa isang segment ng show na Eat... Bulaga! kung saan ang mga host ay nagpupunta sa mga barangay, ay isang nanalong contestant ang nagkuwento na ang kanyang ina ay may sakit na depression.

Sa studio, bilang reaksyon ay sinabi ni Joey de Leon na, “’Yung depression, gawa-gawa lang ‘yan… gawa nila sa sarili nila.”

Sumagot ang isa pang host na si Maine Mendoza na, “Uy, pero di biro ‘yan, ha? Siyempre maraming nakararanas ng ganoon lalo na sa mga kabataan kaya dapat kapag may nakakaranas ng ganoon, kailangan natin bigyan ng suporta.” Pero nagpilit aniya si Joey de Leon at nagsabing, “Huwag n’yo nang suportahan. Gawa-gawa lang nila iyon… Nagpapasosyal lang.”

Kinabukasan ay humingi naman agad ng apology si Joey de Leon dahil nagkamali raw siya ng akala tungkol sa depression, at sinabi niya na maganda na ring mapag-usapan ang tungkol dito. At tama naman iyon.

May magandang paliwanag ang TED (“media organization which posts talks aimed at students and educators online for the free distribution under the slogan “Ideas Worth Spreading”) tungkol sa depression.

Sa kanilang video na may pamagat na “What is Depression” na sinulat ni Helen M. Farrell ay inilarawan ang depression bilang “leading cause of disability” sa mundo. Sa US ay halos 10% anila ng mga taong nasa wastong gulang ay nakikipaglaban sa

PAANO MO LALABANAN ANG DEPRESYON?Ni EMMANUEL V. CAMARA

Page 27: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 27 |

Iba anila ang clinical depression. Isa itong

medical disorder, at hindi ito basta mawawala

dahil lang gusto natin itong mawala.

sakit na ito. Pero mas mahirap itong maunawaan dahil ito ay isang sakit sa pag-iisip o mental illness.

Hindi rin naman natin masisisi si Joey de Leon sa kanyang pagkakamali dahil ayon sa video ay pinagmumulan talaga ng kalituhan ang pagkakaiba ng depression at ang sinasabing “feeling depressed.” Halos lahat ay nakakaramdam ng kalungkutan paminsan-minsan (feeling depressed o feeling down). Halimbawa ay bumagsak ang isang indibidwal sa test, nawalan ng trabaho o nakipag-argumento. Kahit nga raw pagiging maulan ay nakapagdudulot ng kalungkutan sa maraming tao. Kahit walang trigger ay puwedeng mangyari ito. Pero kapag nabago ang sitwasyon ay nawawala ito.

Iba anila ang clinical depression. Isa itong medical disorder, at hindi ito basta mawawala dahil lang gusto natin itong mawala. Maaari itong magtagal ng at least dalawang linggo, at maaaring makasagabal sa trabaho, paglilibang o paglalaro at kahit sa pakikipagrelasyon o pakikitagtalik.

Maraming sintomas ang depression gaya ng pagnanais na mapag-isa, kawalan ng interes sa mga bagay na dati namang ine-enjoy, pagbabago ng gana sa pagkain (nawawalan ng gana o lumalakas kumain), hindi mapagkakatulog o napapasobra ng tulog, humihina ang konsentrasyon, hindi mapakali, bumabagal kumilos, nawawalan ng enerhiya at paulit-ulit nakakaisip na magpatiwakal. Ang isang tao na may lima pataas na sintomas ay maaari ng ma-diagnose na may depression ayon anila sa mga psychiatric guideline.

Hindi lamang sa mga behavioral symptom makikita ang depression. Mayroon din itong mga physical manifestation sa utak. Ayon sa video, ang mga taong may depression ay kakikitaan ng maliit na frontal lobe at hypocampus. Kaugnay din anila ang depression sa abnormal transmission ng neurotransmitters gaya ng serotonin, norepinephrine at

hormone abnormality gaya ng mataas na cortisol at deregulation ng thyroid hormones.

Hindi pa rin kumpleto ang kaalaman ng mga scientist tungkol sa sanhi ng depression, pero may kinalaman anila ito sa complex interaction ng genes at environment. At dahil intangible ang mga sintomas ng depression ay mahirap matukoy kung sino sa mga tao na mukhang masaya naman pero dumadanas pala nito. Ayon sa National Institute of Mental Health ay umaabot ng sampung taon bago magkalakas-loob ang isang taong mayroon nito na humingi ng tulong o humanap ng kaukulang lunas.

Pero may mga epektibong paraan para malunasan ang depression. May medication at therapy para palakasin ang brain chemicals. Mayroon ding tinatawag na electro-convulsive therapy para sa mga malalalang kaso. May mga bagong paraan pa ng panggagamot ang tinutuklas sa ngayon.

Hinimok ng video ang mga manonood na kung may kilala silang may ganitong sakit ay malumanay nilang sabihan na lumapit sa doktor para malapatan

ng kaukulang lunas. Puwede rin anila silang makatulong sa pamamagitan nang paghahanap ng therapist o pagtatala ng mga bagay na puwedeng itanong sa doktor. Para sa isang taong may depression, ang mga panimulang hakbang na ito ay mahirap gawin kaya malaki ang maitutulong nila. Kung nahihiya sila o nagi-guilty, ipaliwanag anila na ito ay isang medical condition na gaya ng asthma o diabetes. Hindi ito mawawala kung gagamitan lang ng positive thinking.

Sakali namang tayo mismo ang nakakaranas ng depression, iwasan nating ikumpara ito sa ordinaryong kalungkutan na nararanasan ng ibang tao. Iba ang kaso ng depression. Makatutulong din kung hayagan itong mapag-uusapan. Makatutulong ang mga open conversation tungkol sa mental illness para mawala ang stigma nito at maging mas madali para sa mga dumadanas nito na humingi ng tulong.

At habang dumadami ang mga pasyente na naghahanap ng lunas, lalong matututunan ng mga scientist ang tungkol sa depression, at lalong magiging mahusay ang panggagamot dito.

Page 28: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 28

SHANGHAI, CHINA – Nakaangkla sa layunin na mas mapalakas pa ang

kakayahan ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon, bumisita si Presidential Communications Operations Offi ce (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga pangunahing multimedia state-owned companies ng China nitong

TINALAKAY ANG POSIBLENG PAGTUTULUNGAN SEC. ANDANAR AT MULTIMEDIA COMPANIES NG CHINA,

Nobyembre 24, at sa hangarin na magkaroon ng bilateral communications agreements upang mapaunlad ang ating government media platforms.

Nakipagkita si Sec. Andanar sa mga ehekutibo ng tatlong Shanghai multimedia companies na posibleng maging kaagapay ng PCOO.

Nakausap ng Kalihim si Xu

Shiping, pangulo at editor-in-chief ng Eastday Co. Ltd., at tinalakay niya ang mga oportunidad para sa cooperative media projects.

Nangako ang PCOO Chief na mas gagawin niyang moderno ang ating government media operations sa ilalim ng kanyang pamumuno, at mas palalakasin ang communication arm ng pamahalaan. Ipinakita sa kanya

Page 29: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 29 |

ng Eastday president kung paano nakaakit ang kumpanya ng 100 million netizens sa loob ng halos 20 taon, at kung paano nila ito nagawa bilang isang multi-billion company.

Ang Oriental Pearl Tower at ang China Eastern Airline ay “partly owned” ng Shanghai Eastday Co. Ltd.

Binisita rin ni Sec. Andanar ang pinakamalaking media and cultural conglomerates ng China, ang Shanghai Media Group (SMG), kung saan pinag-usapan nila ni Chen Yuren, bise presidente ng kumpanya, ang ilang proyekto.

Ang huling kumpanya na pinuntahan ni Sec. Andanar ay ang Shanghai United Media Group (SUMG), ang nangungunang newsprint company sa Shanghai na nagpapatakbo sa dalawang respetadong pahayagan, ang Jeifang Daily Group at Wenhui-Xinmin United Media.

Nakipag-usap ang Kalihim sa kanilang director for external relations na si Xia Jun, at sa general manager na si Chen Qiwe. Tinalakay nila ang posibilidad ng mga proyekto na naglalayon na makapaghatid ng makabagong programang pangkomunikasyon sa publiko.

Ang pagbisita sa Shanghai ay bahagi ng four-day China trip ni Sec. Andanar kung saan dumalo siya sa China-ASEAN Information Ministerial Meeting na ginanap sa Suzhou, China nitong November 21 - 23.

Noon namang Disyembre 2016 ay bumisita ang Kalihim sa Singapore para alamin ang mga oportunidad para sa maayos na media policy and information exchange.

Ang communications offi ce ng Pilipinas ay gumagawa ng mga hakbang upang maisakatuparan ang mga plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na makalikha ng media hubs sa buong bansa upang mapalakas ang public information and education.

(Rom Dulfo/PNA/MMPM.news)

Page 30: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 30

HINDI lamang mensahero ng mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presiden al Communica ons Opera ons Offi ce (PCOO) Secretary

Mar n Andanar kundi siya rin ang nagsisilbing lente at boses ng sambayanan upang ipakita ang lahat ng accomplishments ng Duterte Administra on. Ang mga ak bidad ng Kalihim ang patunay na ang pamahalaan ay hindi puro salita kundi talagang may ginagawa.

Pag-upo pa lang ni Sec. Andanar sa PCOO ay nag-isip na siya ng mga konsepto upang makipag-ugnayan sa publiko. Masugid siya sa paggamit sa social media upang makara ng sa kamalayan lahat—maging ng mga millennial—ang mga gawain ng pamahalaan sa paraan at pla orm na mauunawaan nila.

Pinakahuli sa kanyang mga inisya ba ang “Cabinet Report” at ang “On The Side”.

Ang Cabinet Report ay nagpapakita ng mga accomplishments ng pamahalaan sa execu ve branch, samantalang ang On The Side ay nagpapakita ng mga tunay na karanasan at istorya ng a ng mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Sa dalawang programang ito ay mismong si Sec. Andanar ang nagtutungo at nakikipag-usap sa kanyang mga subject.

Inilarawan niya ang mga programang ito bilang

EXCLUSIVE!ON-GROUND!

ON-LOCATION!

“webisodes” at “mini-documentaries”. Nakapanayam ng Ugnay Magazine si Howard Lance

Uyking, Director for Experien al Marke ng, Presiden al Communica ons Development and Strategic Planning Offi ce. Ayon sa director, “Ang objec ve talaga namin here is to really show ‘yung side ng government. We really want to show the Filipinos that there’s really a lot of accomplishments under the Duterte Administra on.”

Inilarawan ni Dir. Uyking ang Cabinet Report at ang On The Side ni Sec. Andanar bilang “exclusive, on-ground and on-loca on.”

Pahayag pa ni Dir. Uyking, “’Yung idea talaga nito is kay Sec. Mar n Andanar. He really wanted kasi na parang… you know, may makakita naman ng accomplishments ng other departments sa execu ve branch at sa government. Kasi right now, kung magre-release tayo ng statement, ‘yung media ay pwede nilang i-pickup, pwedeng hindi. So, it’s the media’s choice kung ano lang ang stories na gusto nilang i-feature. Moreover, kahit ang media pa ang mag-cover, ang inire-release lang kasi na statement usually ng mga departments ay puro lang in text format na ito ang accomplishments namin, ito ‘yung ganito. So, kung ikaw ang viewer siyempre, sa buhay mo na ang dami-dami mong distrac ons, ang dami-dami mong priori es in life, kung naka-text base [form] ang

ON THE SIDECABINET REPORT

Page 31: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 31 |

balita ay hindi mo talaga mapapansin ‘yan. Parang walang magko-compel sa ’yo para basahin iyon.”

Aniya, ang pla orm na naisip ni Sec. Andanar ay upang mas makuha ang a en on, and at the same me ay ma-entertain ang mga manonood.

Ang Facebook ang isa sa pinaka-popular na social media pla orm sa bansa, kaya ang Pilipinas ang naguriang social media capital of the world. Katunayan, 58 percent ng populasyon ng a ng bansa ay ac ve sa social media users on a monthly basis ayon sa pag-aaral na inilabas ng We Are Social and Hootsuite noong Enero 2017.

Ilan lamang ang mga ito sa dahilan kung bakit ang tech savvy na PCOO secretary ay ginagamit ang social media upang sabayan ang digital shi ng mga Pilipino at higit pang makipag-ugnayan sa taumbayan lalung-lalo na sa ne zens at maipaba d ang tunay na kalagayan ng a ng bansa at ang mga karanasan ng a ng mga kababayan saan mang panig ng mundo.

Nais din ng Kalihim na mapakinabangan ng mga mamamayan ang lahat ng communica on facili es ng pamahalaan. Ang Cabinet Report at ang On The Side ay ipinalalabas din sa PTV4 upang mapanood naman ng mga kababayan na n na hindi masyadong ak bo sa social media at nanana ling ang telebisyon ang pinagkukunan ng mga balita at impormasyon.

“Actually, ang main pla orm na inilagay ito is really digital. So, a er digital, ‘yun na ‘yung inilalagay ng PTV (PTV4) sa TV, may audio version sa Radyo Pilipinas tapos ginagamit din sa mga events ng Philippine Informa on Agency [PIA] at iba pang communica on arm ng pamahalaan. Ang goal namin, at least once a week. Every week. Right now we already have 10 episodes,” pagbahagi pa ni Dir. Uyking.

“What makes it diff erent from every other show sa government is, si Sec. Mar n, he has exclusive access sa mga either events or mga projects ng execu ve branch. Like ‘yung sa Marawi, hindi naman lahat nakapupunta sa Marawi, but the Secretary can as the Secretary of Communica ons,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Dir. Uyking na marami pang nakalatag na proyekto si Sec. Andanar. “Also, ang goal namin sa future, hopefully we can feature more departments. Kasi right now, ‘yung focus aside from crime, OFWs and ‘yung Build, Build, Build Projects, hopefully when we have more partnerships with other departments, we can feature projects from the Department of Health, DSWD, Department of Energy.

“It’s our way rin of helping them because not all departments have a communica on arm and we need to take advantage in all our pla orms where we upload our videos. Ngayon, Presiden al Communica ons has 1.2 million followers in PCOO Facebook Page. Tapos hawak pa na n ang PTV which has a million, not coun ng pa ang listeners ng Radyo Pilipinas, ’yung viewers ng PTV channel na n. We are really u lizing government media for this. It’s not enough na maririnig mo lang. Although important naman na nai-announce ng Presiden al Spokesperson ang mga accomplishments, iba pa rin pag napanood mo in actual.”

Hinikayat naman ni Dir. Uyking na subaybayan ng publiko ang mga proyekto ng PCOO at ni Sec. Andanar. “Ang gusto ko lang is to invite people to watch Cabinet Report. Now it’s available sa PTV, you can listen to it sa Radyo Pilipinas. Ang main talaga namin na pla orm na sana they can follow ay sa link na ito: [h ps://www.facebook.com/presiden alcom/]. Dito namin inilalagay lahat ng video outputs namin. Ang On The Side at ang Cabinet Report, nariyan lahat...”

Page 32: VOLUME 3 NUMBER 3 - bcs.gov.phbcs.gov.ph/wp-content/uploads/2019/05/Ugnay-v03-n03.pdf · Sa pakikipanayam sa kanila, ipinabatid ni Brgy. Chairman Galvez ang kalagayan ng mga residente

VOLUME 3 NUMBER 3 | 32

VOLUME 3 NUMBER 3VOVOLULUMEME 3 3 N NUMUMBEBER R 33VOVOLULUMEME 3 3 N NUMUMBEBER R 33

Presidential Communications Operations Offi ce (PCOO) Undersecretary George Apacible (front center) and Bureau of Communications Services (BCS) Director Benjie Felipe (back center, in glasses) leads the Ribbon Cutting Ceremonies during the launching of the photo exhibit LIWANAG SA DILIM: The ASEAN Action on Transnational Crimes on October 19 at the Sangguniang Panglungsod Building in Davao City. Also in the photo are (left to right) Davao City councilors Hon. Mary Joselle Villafuerte, and Hon. Bernard Al-ag.