30
Raquel E. Sison-Buban, PhD [email protected] Twitter: @rakkisisonb Midya at Pedagohiya sa Kolehiyo Literasing Pang-media

Midya at Pedagohiya sa Kolehiyo Literasing Pang … Perspektiba bilang manonood o Perspektiba ng tagaprograma Perspektiba ng Manonood “Pagdanas sa mga bagay na hindi pa nararanasan.”

Embed Size (px)

Citation preview

Raquel E. Sison-Buban, PhD [email protected]

Twitter: @rakkisisonb

Midya at Pedagohiya sa Kolehiyo

Literasing Pang-media

Theodore Roszak

Ang Kulto ng Impormasyon

Tulad ng lahat ng kulto,

intensiyon din nitong magkaroon

ng mga disipulong

sunod-sunuran at uto-uto.

Kung nais nating muling mapasaatin ang

tunay na sining ng pag-iisip at

makabangon mula sa nakapipilay na

pagkalito,

kakailanganin nating magsumiksik sa

kapal ng rahuyo ng advertisement,

maling mga balita, at propaganda ng mga

patalastas.

Ang impormasyon ang pinakamahal na

komoditi sa isang negosyo.

Sa anomang negosyo.

Wiener: “Nagiging isang alipin din

ang sinomang makipagtagisan

sa mga alipin.”

Sa isang lipunang pinatatakbo ng

impormasyon, kaalaman ang siyang

nagpapataas ng halaga. (Global brain)

Iba’t ibang Dimensyon

ng Katotohanan

Ano ba ang Realidad?

o Ang realidad ang isa

sa pinakamahirap na bigyang-

katuturan sa anomang konteksto.

o Isang komplikadong realidad

ang ideya.

o Maraming dimensiyon ito

at walang katulad.

o May iba’t ibang digri rin

o antas ng realidad.

o Gaya ito ng isang Jigsaw puzzle.

Konseptuwalisasyon ng Kritisismong Pangmidya

Anim na Dimensiyon

1. Aktuwalidad --kung ano ang

talagang pangyayari.

2. Posibilidad --kung ano ang

maaaring mangyari.

3. Dalas --kung ano ang madalas

nangyayari.

4. Hugot --ang digri ng damdamin at

pahiwatig ng identidad ng isang tao

na maaaring mahugot sa isang

mensahe.

5. Konsistensi ng naratibo – tumutukoy sa buod ng isang istorya at kung paano nito nagagawang ipadama sa mga tao na kapani-paniwala ang mga naging takbo ng pangyayari.

6. Hikayat –persepsiyon --tumutukoy sa kung ano ang talagang anyo ng mga imahen.

Isaalang-alang sa panonood:

o Perspektiba bilang manonood o Perspektiba ng tagaprograma

Perspektiba ng Manonood

“Pagdanas sa mga bagay na hindi pa

nararanasan.”

Paniniwala na imposibleng maranasan

ang isang bagay/pangyayari.

“Suntok sa buwan!”

Masyadong magastos.

Perspektiba ng Programmer

Kailangang laging maakit ang manonood

na tumutok sa kanilang programa.

“Ano ang gusto ng manonood?

Ano ang hinahanap nila?”

“Tweaked” realities. (mapa drama man,

advertising, o kahit sa balita)

“Asong nangagat ng tao” vs

“taong nangagat ng aso.”

Literasing Pang-media

…o kung paano hindi maging

sunod-sunuran!

Tungkol sa pagkakaroon ng kontrol

ang literasing pang-media.

Tatlong Pangunahing Tuntungan

ng Literasing Pang-media

Ano ang iyong layunin?

1. Personal na locus.

Nakasalalay sa layunin kung paano

pagaganahin ng utak ang pagproseso sa

impormasyon--kung paano sasalain,

at kung ano ang babalewalain.

2. Mga balangkas ng kaalaman

“Tingnan ang Buong Larawan.”

3. Mga Kasanayan

Mas mataas ang kasanayan,

mas malalim ang pang-unawa,

kontrol, at pagpapahalaga.

Maraming salamat po!