9
Mga Nilalaman Ang Talon ng Pagsanjan , na nakikilala rin bilang Talon ng Magdapio , ay isa sa pinakabantog na mga talon sa Pilipinas . Matatagpuan ito sa lalawigan ng Laguna . Isa ito sa pinakapangunahing pang-akit na pangturismo sa rehiyon. Mararating ang talon sa pamamagitan ng paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ng bangka magmula sa munisipalidad ng Pagsanjan . Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na pangturista magmula pa noong Panahong Kolonyal ng Kastila na ang pinakamatandang pagsasalaysay ay noong 1894. Ang bayan ng Pagsanjan ay nasa daluyan ng dalawang mga ilog, ang Ilog ng Balanac at ang Ilog ng Bumbungan (na nakikilala rin bilang Ilog ng Pagsanjan). Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan: Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos,Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.

Mga Tanawin Sa Pilipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

1

Citation preview

Mga Nilalaman AngTalon ng Pagsanjan, na nakikilala rin bilangTalon ng Magdapio, ay isa sa pinakabantog na mgatalonsaPilipinas. Matatagpuan ito sa lalawiganngLaguna. Isa ito sa pinakapangunahing pang-akit na pangturismo sa rehiyon. Mararating ang talon sa pamamagitan ng paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ngbangkamagmula sa munisipalidad ngPagsanjan.Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na pangturista magmula pa noongPanahong Kolonyal ng Kastilana ang pinakamatandang pagsasalaysay ay noong 1894.Ang bayan ng Pagsanjan ay nasa daluyan ng dalawang mga ilog, angIlog ng Balanacat angIlog ng Bumbungan(na nakikilala rin bilang Ilog ng Pagsanjan).

AngHundred Islands National Park (Pangasinan:Kapulo-puloano kayaTaytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap,Lungsod ng Alaminos,Pangasinan,Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.

Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig.

Nakakalat saGolpo ng Lingayenang mga pulo at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62 acres). Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.

Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon at Children.AngBurnham Parkay isa sa mga tanyag at paboritong pasyalan na matatagpuan saLungsod Baguio. Sa pasyalang ito maaaring umupa ng bangka, kumain sa mga mesang bato, umupa ng bisikleta, mag-jogging, maglaro ng futbol, at manood ng libreng konsiyerto.

AngLiwasang BurnhamoParkeng Burnhamay isang liwasang urban sa puso ngLungsod ng Baguio,Pilipinas. Isinunod ang pangalan nito saAmerikanongarkitetkto aturban plannerna siDaniel Hudson Burnham, na nagplano ng lungsod. Ang ilang daan dito ay patunog saCamp John Hay.

AngLiwasang RizaloParkeng Rizalay nasa puso ngLungsod ng Maynila,Pilipinas. Dating tinatawag naBagumbayan(mula sa "bagong bayan") noong kapanuhan ng kolonyalismo sa ilalim ng mgaKastila, at tinawag naLunetapagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noongDisyembre 30,1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ngHimagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen oKilometro Seropatungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito saIntramurosat ang bahaging katimugan naman ay nasaErmita.Ang Krus ni Magellan--Bilang tagapagpagunita ng pangyayaring ito at upang ipagdiwang ang pagtanggap at pagpapalaganap ng Katolisismo ay nagtirik ng isang krus na kahoy si Magellan sa dako kung saan makikita ngayon ang isang krus na sinasabing kopya na lamang ng orihinal na krus ni Magellan. Ayon sa nakasulat sa lapida sa bandang ibaba ng krus, nakapaloob sa krus na ito na gawa sa tindalo ang tunay na krusDating bukas na dambana ang krus subalit noong unti-unti nang tinatapyas ng mga deboto ang krus upang makapag-uwi ng relikyang pinaniniwalaang nakapagpapagaling ng karamdaman o upang gawing alaala, ay itinago na ito at nagpatayo ang pamahalaan ng kapilyang gawa sa adobe, kahoy at pulang tisa sa paligid nito. May nagsasabing ang orihinal na krus ni Magellan ay matagal nang nawasak at pinalitan na lamang ito ng mga kastilang dumating pagkatapos ni Magellan na napatay ng pinuno ng tribo na si Lapu-Lapu sa labanan sa Mactan, na isang pook din sa Cebu. Sa loob ng kapilya ay may nakapintang mga eksena sa kisame. Matutunghayan ang eksena ng pagdaong ng barko ni Magellan sa Cebu, ang unang pagdaraos ng Banal na Misa, at ang pagtitirik ng orihinal na krus sa dalampasigan.

AngBulkang Taal, na tinagurian din bilangPulong Bulkang, na nasaLawa ng Taal saBatangas,Pilipinas. Ang Bulkang Taal ay mayroong taas na 984 na mga talampakan o 300 mga metro, na naglalaman ng isang maliit nabungangaocraterna pinangalanangLawang Dilaw. Sumabog ang bulkan nang 25 mga ulit magmula noong 1572, at ang pinaka kamakailan ay noong 1970.[

.AngHagdan-hagdang Palayan ngBanawe(Ingles:Banaue Rice Terraces) ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-pananim na nililok sa mga bulubundukin ngIfugaosaPilipinasng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanangBatad. Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang kawalong Kahanga-hangang Pook sa Mundo ". Tinatawag itongpayewsa katutubong pananalita sa Ifugao. Pinaniniwalaang gawa lamang ang mga mga palayang ito sa kaunting kagamitan at karamihang gawa na gamit ang mga kamay. Matatagpuan ang mga palayan sa humigit-kumulang na 1500 metro (5000 ft) sa itaas ng dagatat sumasakop ng lugar na may laking 10,360kilometro kuwadrado(mahigit kumulang sa 4000 milya kuadrado) ng gilid ng bundok. Pinapatubig ito sa pamamagitan ng isang sinaunang sistemang patubig mula sa mga kagubatan sa itaas ng mga palayan. Sinasabing kung pagdudugtungin ang mga dulo hakbang, papalibot ito sa kalahati ng mundo.

Bahagi ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ng Mga Hagdan-hagdang Palayan ng Cordillera, isang sinaunang gawang taong estruktura na umaabot mahigit kumulang sa 2,000 hanggang sa 6,000 taong gulang. Matatagpuan ito sa mga lalawigan ng Apayao, Benguet, Lalawigang Bulubundukinat Ifugao at isang Pook na Pamanang Pandaigdig ng UNESCO.AngBoracayay isang tropikal napulona tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ngMaynilaat 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panaysa SilangangVisayassaPilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mgaturistasa bansa.binubuo ang pulo ng mgabarangayng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ngbayanngMalay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ngAklan.

Ang Boracay ay ang pinakamatanyag na baybayin na dinarayo ng mga turista.Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong 'White Beach' na ito ang pinakamagandang baybayin sa buong mundo.Ang nagpapaligid nitong tubig ay mababaw at ang buhangin ay mas mapino at maliwanag sa ibat-ibang baybayin sa kapuluan.AngTalon ng Maria Cristinaay matatagpuan saIlog Agussa pulo ngMindanaw. Tinatawag itong "kambal na talon" sapagkat ang daloy nito ay hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok nito. Ang talon ay ang palatandaan ngLungsod ng Iligan, na binansagang Lungsod na may Kahanga-hangang Talon,dahil sa meron itong mahigit dalawampung (20) talon.Ito ay matatagpuan 9.3 kilometro ang layo hilagang-kanluran ng lungsod na hinahangganan ng sumusunod na mgaBarangayMaria Cristina, Ditucalan, at Buru-un. Kilala rin ito sa kanyang likas na ganda at kariktan ,ang 320 - talampakan (98 metro) taas ng talon ay ang pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad na pagkalahatang gamit naman ng mga industriya sa lungsod. Ito ay pinapadaloy naman ng PlantangHidroelektrikong Agus VI.Ang mgaTsokolateng Burol(Ingles:Chocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa saBohol,Pilipinas. Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50kilometro kwadrado (19sqmi). Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.

Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan. Kalipunan ng Magagandang Tanawin sa PilipinasIpapasa ni:Ismael L. RamiscalIpapasa kay:Gng. Fevilie T. Martinez

(Guro)