Upload
jeni-p
View
437
Download
9
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Can be interesting.
Citation preview
Ang Alamat Ng Pitong Pulo
Noong unang panahon, daang-daang taon na ang nakalipas ay may isang mag-asawang nakatira sa Iloilo. Sila'y may pitong anak
na pawang mga babae. Masinop ang kanilang mga magulang kaya lumaki sila sa bait at kabanalan. Palibhasa'y magaganda at
mababait ay marami ang sa kanila''y pumipintuho at nag-aanyaya sa mga kasayahan.
Isang araw ay nadaig sila ng udyok na dumalo sa isang malaking piging na idadaos ng Gimaras. At sa halip sila tumungo sa
simbahan noong araw na iyon ay sumakay sila sa isang paraw o bangka at pumaroon sa pook ng kasayahan.
Ang kanilang ina ay balisang-balisa dahil sa hindi pag-uwi ng kaniyang mga anak na dalaga. Sa katatanong at kahahanap ay natanto niya ang nangyari, kaya sa malaking poot ay isinumpa
ang mga anak at sinabi."kung gayong nauna pa at mas higit sa kanila ang kasiyahan
kaysa Diyos ay maanong mangahulog na sila sa laot."Ang sumpa ay tumalab, ang mga anak na dalaga ay hindi na
nakabalik, pagkat nang sila ay nasa laot na, ay lumubog na bigla ang bangka na kanilang sinasakyan, at ang mga magkakapatid ay
nangalunod. Siya namang paglitaw ng mga pulong maliliit, pito ang bilang at magkakalapit. Pinamagatang 'Siete Pecados" o
Pitong Kasalanan, at ipinalagay na ito ang mga yumaong magkakapatid.
Ang Alamat ng Buwan at mga Bituin
Noong unang panahon ang mga ulap ay nasa ibabaw pa ng lupa. Ang mga unang tao noon na sina Malakas at si Maganda ay labis na nagsisikap sa pagtatrabaho upang mabuhay. Sa umaga sila ay nasa bukid upang magsaka. Si Maganda ang naghahanda ng pagkain at si Malakas naman ang nagtatanim. Tuwing sisikat ang araw, ang mga ulap ay kusang tumataas upang mamasyal sa ibat-ibang panig ng mundo. Ang araw ang nagbibigay buhay sa kanila. Kaya nga sa tuwing sasapit ang gabi, nawawalan ng buhay ang mga ulap at bumababa sa lupa hanggang sumikat ulit ang araw. Ganito ang buhay ng mga ulap.
Isang araw, habang nasa gubat si Malakas upang mangahoy, nakita niya ang isang makislap na bagay. Tila parang ginto ang bagay na kumikinang pero higit itong matingkad at makiwanag. Naisipan niyang gumawa ng isang sorpresa para kay Maganda at gawin itong isang magandang regalo. Dumaan ang ilang araw at nakagawa si Malakas ng isang magandang palamuti sa buhok, kwintas, pulseras at mga singsing para sa kanyang asawa. Labis na natuwa si Maganda sa natanggap niya galing sa kanyang asawa. Lagi niya itong isinusuot araw man o gabi.
Makalipas ang ilang linggo, ipinahatid ng isang lawin na mayroong bagyong paparating sa dakong kanilang tinitirahan.
“Ang bagyo ay nagdulot ng isang buwan na pag-ulan sa ibang dako na sinalanta nito” sabi ng Lawin na hapong hapo sapagkat siya ay tinangay ng malakas na
bagyo habang naghahanap ng pagkain kaya kailangan niyang lumipad ng mabilis upang maiwasan ito.
Labis na nataranta sina Malakas at Maganda sa nabalitaan. “Ilang araw pa ba bago dumating ang bagyo sa bayang ito?” tanong ni Maganda. “Sa loob ng tatlong araw, papatak ang napakalakas na ulan na dulot ng malakas na bagyo” sagot ng Lawin.
Dali-daling sinabihan ni Malakas si Maganda na maghanda para mag-ani ng kanilang mga pananim. Makalipas ang isang araw, naani na lahat ang mga tanim na palay. Ang mga ulap sa iba’t ibang dako ay naipon sa bayan ng mag-asawa.
“Mabuti na lang at nakapag-ani na tayo, kundi at mahihirapan tayong itaboy ang makakapal na ulap sa ating lupain” wika ni Maganda.
Pagkaraan ng dalawang araw, naani na lahat nina Malakas at Maganda ang kanilang pananim na bungangkahoy sa kagubatan. Nakapag ipon na rin sila ng malinis na tubig sa batis na kanilang maiinom habang sinasalanta ng bagyo ang kanilang lugar. Naayos na rin ni Malakas ang kanilang bahay upang maging matibay laban sa mapaminsalang hangin.
“Kailangan nating bayuhin ang mga naaning palay mahal ko upang makain natin” wika ni ni Malakas. Mayroon na lamang silang isang araw upang magbayo ng naaning palay para maging bigas. Inabot na sila ng dapit hapon at hindi pa sila natatapos.
Bumaba na ang mga ulap sa lupa dahil wala na ang sikat ng araw na bumubuhay sa mga ito. Napapagod na rin si Maganda sapagkat ang mga kwintas, palamuti sa buhok at mga singsing ay mabibigat at nakakaabala sa kaniyang paggalaw. Kaya naisipan niya itong isabit sa mga ulap. Nakaramdam ng ginhawa si Maganda at nakapagtrabaho ito ng mabuti. Bago sumikat ang araw, natapos ng mag-asawa ang kanilang gawain, hanggang sa pumatak na ang tubig ulan na hudyat ng pagsisimula ng matinding bagyo.
Agad na pumasok sa kanilang bahay sina Malakas at Maganda. Pagkasara ng pinto, umihip ang malakas na hangin at noo’y naalala ni Maganda ang kaniyang
mga alahas. Labis siyang nalungkot sa nangyari. Nilipad ng delubyo ang mga ulap sa lupa at tinangay sa kaitaasan ng daigdig. Lumipas ang isang buwan, at natapos ang malakas na bagyo. Ang buong daigdig ay natakpan ng makapal na ulap. Puno ng paghihinagpis ang mag-asawa dahil sa nakitang pinsalang tinamo ng kanilang lugar. Wala silang magawa kundi pagmasdan ang iniwang bakas ng kalamidad.
Hanggang nang sumapit ang gabi, habang si Maganda ay nasa bakuran ng bahay ay may nakita itong kumikislap sa kalangitan. Dali-dali nitong tinawag si Malakas at itinuro ang nga nakikitang kunikinang sa kadiliman ng kalangitan. “Tignan mo mahal ko ang mga kumikislap sa kaitasan ng langit, di nga ba iyon ang mga iniregalo mo sa akin?” sambit ni Maganda. “Oo nga aking mahal, natutuwa ako at hindi pala nawala ang mga iyon, bagkus ang mga iyon ay makikita natin bilang simbolo ng ating pag-ibig at pag-asa kahit anong kalamidad pa ang dumating sa ating buhay.
Mula noon, ang mga bituin at buwan y lagi ng makikita sa itaas ng kalangitan. Ang mga ito ay nag bibigay pag-asa sa mga tao na sa gitna ng kadilliman ng buhay, ay may pag-asang kumikislap at nagpapatibay ng ating kalooban laban sa anumang pagsubok sa ating buhay.
Ang Alamat ng Bundok Arayat (Sinukuan)
Nabasa ko ang kwentong ito sa isang librong Kapampangan sa
silid-aklatan ng Pampanga Agricultural College. Nais ko itong
ibahagi sa mga estudyanteng naghahanap ng mga alamat
tungkol sa Sinukuan.
Sabi sa libro, noong unang panahon, ang orihinal na kilalagyan ng
Mt. Arayat ay wala sa bayan ng Arayat kundi nasa bayan ng
Candaba. Itinayo ni Sinukuan, ang hari ng Arayat and bundok
para sa mga mamamayan ng Pampanga lalo na para sa mga taga
Candaba. Subalit dahil hindi naging maganda ang pag-uugali ng
mga tao noon doonay nagalit si Sinukuan at inilipat ang bundok
sa bayan ng Arayat kung saan narooon ito ngayon. Ang dating
kinalalagyan ng bundok sa bayan ng Candaba ay naging isang
malalim na hukay kung kaya ito ngayon ang tinatawag na
Candaba Swamp.
Pinaganda at pinatibay ni Sinukuan ang bundok Arayat upang
magpakitang gilas sa kanyang iniirog na si Maria Makiling. Iniibig
din ni Makiling si Sinukuan kung kaya ang isa pa niyang
manliligaw na si Pinatubo ay galit na galit sa kanila.
Isang araw, habang namamasyal sina Sinukuan at Maria Makiling
ay binato ni Pinatibo ang matayog na bundok ng Arayat (kung
kaya’t ang hugis ng Mt. Arayat ngayon ay tila napingas ang
tuktok nito). Nasira ang pinakatuktok na bahagi ng bundok. Nang
dumating si Sinukuan sa kaniyang bayan ay nagalit siya sa
kaniyang nakita, kung kaya’t dali-dali siyang sumugod kay
Pinatubo at ginulo ang at sinira niya ang napakataas na bundok
nito.
Kaya ngayon kung inyong makikita, ang bundok ng Pinatubo ay
isang napakahabang hilera ng mga bundok at hindi kagaya ng
ibang bundok na nag iisa lang.
Mga Alamat
At
Mga Kuwentong
Bayan
Ipinasa ni :
Jean Zurich k. Plucena
Ipinasa kay :
Ginoong Rajay Largo