Manwal ng Mana 2 - dojododo.webs.comdojododo.webs.com/documents/aManwal 2.pdf · Gayunman, hindi hangad ng manwal na ito na magturo kung paano ang pagiging isang tanyag na manlalahi,

Embed Size (px)

Citation preview

  • Manwal

    ng

    Mana 2

    Praktikal na Pagpapalahi

  • sila dahil sa dami ng mga sabungero. Ngunit hindi tayo dapat mag-ing kampanteng naka-sandal sa sinasabing dami na yan. Marupok ang dami natin kung walang pagkakaisa at pagpupunyagi.

    Marunong ang kalaban. Magulang na rin sila sa ganitong uri ng labanan. Gamit nila lahat dahil may pundo sila. Ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) ay may annual budget na 30 million US dollars. Ang PETA ay isa lang sa maraming organisas-yon na may katulad na hangarin laban sa sabong.

    D a h i l s a kanilang pundo ang mga organisasyon na ito ay makakagamit ng public relations, advertise-ments, propaganda, information at education pro-gram, political lobbying, at social positioning. Nakababayad sila ng mga mamahaling modelo, ang iba ay naghuhubad pa nga sa ngalan ng animal rights. Pinagaralan nila ang mga mensahe na dapat iparating sa bawat target public. Samantalang, sa kabilang panig, tayo ay hindi pa organisado na makipagdigma sa kanila. Ang totoo, para bang hindi pa natin dam-dam ang panganib. Kampante pa tayo na hindi kailan man mangyayari sa Pilipinas ang nangyari sa Europa, North at South America at sa maraming bansa sa Asia. Ganito rin ang pagiisip ng mga Amerikano may ilang taon lang ang nakalipas. May panahon pa nga na napaka-importante ng mga tao na naugnay sa sabong sa Amerika. Mga politiko, huwes at maging si Presidente Abraham Lincoln. Ngunit tingnan ngayon ano ang nangyari sa sabong sa Estados Unidos. Labag na sa batas. Akoy natatakot sa ating pagkawalang takot.

    Totoo may mga organisasyon sa sabong. Samahan ng mga sabungero, ng mga nagpapalahi, ng mga cockpit operators. Pero ang mga ito ay hindi pa nakatuon ang pansin sa pakikipaglaban upang mapanatili ang sabong sa Pilipinas.

    O baka nga lang na ang ilan sa atin ay, sa totoo, walang paki-alam kung ano man ang man-gyari sa sabong? Baka nga. Dahil kung ikaw ay isang sugarol, kung mawala ang sabong, marami pang sugal. Kung ikaw ay nagnenegosyo sa sabong, marami pang negosyo na pwede mong pasukin, kahit wala na ang sabong. Kung kasiyahan at li-bangan lang ang habol mo sa sabong, maraming ibang kasiyahan at libangan. Ang talagaang makipaglaban ng patayan para sa sabong ay tayo na ang tingin sa sabong ay bahagi ng buhay Pilipino, bilang bahagi ng ating kultura na namana natin sa mga kanunuan; bilang industriya na naging kabuhayan ng maraming ma-hihirap; at bilang isang tradisyon na makapagdulot ng magagandang asal at aral sa buhay. Ito ang ispirito ng Mana, mga kamana.

    Ang Masang Nagmamanok (Mana) ay isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

    Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partiku-lar na, ang mga naghahanap-buhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, kasador, kristos, sentensi-yador, farm hands ay mag-kakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

    Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordi-naryong sabungero sa pag-mamanok. At, silay mabi-gyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

    Ang ipaglaban ang sabong sa harap ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bi-lang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

    Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

    Inaasahan na matupad ng MANA ang

    nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

    Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na Llamado Tayo, na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito ay arawaraw na lu-malabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications.

    Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

    Kasunod nito, ang MANA ay nakapag-paseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipi-nas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excel-lence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.

    Mahal natin ang kapwa masang nag-mamanok. Dahil alam natin na tayo ang tunay na gulugod ng industriya ng sabong. At, tiyak, pag-dating ng panahon, ang masang nagmamanok ang payak na sabungero tulad ni Juan, Pedro at Pablo, ang malalagay sa harapan sa pakikipagdigma upang ipaglaban ang sabong. Ang kapalaran ng sabong sa ibat-ibang lugar ng mundo, kung saan itoy naging labag sa batas, ay bunsod sa tinatawag na numbers game. Ang mga argumento sa magkabilang panig ay patas lang, dahil depende ito sa punto de vista ng nakikinig. Ngunit ang dahilan bakit sa maraming bansa ay natatalo ang sabong, ay ang takot ng mga politiko na matalo sa eleksyon. Sa mga bansa kung saan popular ang mga animal protection movement, tiyak walang panalo ang sabong. Dito sa Pilipinas medyo mahihirapan

    P A G E 2

    Ang Masang Nagmamanok

    Akoy

    natatakot

    sa ating

    pagkawala

    pang takot

  • Ricardo. Bagkus, ang manok ni Mang Pepe ang makakalaban ay kay Mang Carding. Ito ang ganda ng sabong. Yan ang unang nating gawin kung tayoy magpapapalahi. Ang mag-takda ng realistikong pamantayan at hangarin. Para sa atin na pang-karaniwang sabungero, hindi makakatotohanan na mag hangad tayo na manalo sa mga international derbies kung saan libo-libo kundi man milyon-milyong piso ang kailangan kung nais nating su-mali.Wala tayong kakayahan na maglaan ng sapat na salapi para dyan. Kung tayo ay magpapalahi sapat na sigu-rong hangarin ang makapaglikha ng mga manok na magpapanalo sa partikular na daigdig ng sabong na ating ginagalawan. Kung ang hangad natin ay yun lang makabuo ng isang linya ng mga panabong na maaring isabak sa mga hakpayt at maliliit na derbi, hindi siguro gaano kahirap. O kayay makabuo ng mga linyada na mawiwilihan ng mga mamimili at makadulot sa atin ng karagda-gan mapagkakitaan. Subalit hindi ibig sabihin na ang ating layunin at hangarin sa pagpapalahi ay mananatiling ganyan habang panahon. Kung may pagkakataon bakit hindi tayo maghangad ng mas mataas? May mga nagpapalahi na nagumpisa sa halos wala ngunit lumaki ng lumaki. Ang ibig lang natin sabihin dito, na dapat ang hangarin natin ay batay sa ating pangkasalukuyang kakayahan. Ang hangarin ay magiiba, alisunod sa pagiba rin ng ating kakayahan. Gayunman, hindi hangad ng manwal na ito na magturo kung paano ang pagiging isang tanyag na manlalahi, dahil walang sino man ang makakapagturo ng ganoon nino man. Ang layunin natin dito ay ang pagbigay ng patnubay sa laran-gan ng praktikal na pagpapalahi na sapat upang ang isang masang sabungero na magnanais mag-palahi ay makapagsimula sa wastong hakbang. Harinaway magtagumpay ang manwal na ito.

    Ito ay ang pangalawang manwal para sa Masang Nagmamanok (Mana) na inihanda at pi-nalabas ng RB Sugbo Gamefowl Technology. Ang una ay ang Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon. Inuna natin ang manwal sa pagpili at pagkundisyon da-hil, palagay natin mas nararapat na unang matutu-nan ang pagpili at paglalaban kaysa ng manok panabong kaysa pagpapalahi ng mga ito. Walang sinuman ang magiging magaling na manlalahi kung siyay hindi marunong pumili ng magaling na manok. Kung di natin alam kung ano ang manok na magaling paano natin malala-man kung anong uri ng manok ang ipalabas sa ating pagpapalahi? Pamamagitan lang ng paglalaban o panunuod ng laban natin matutunan kung ano ang magaling na Manok. Sa loob ng mahabahabang panahon ng paglalaban, magiging bihasa tayo sa pagpili. Kapag tayoy bihasa na sa pagpili saka lang natin pasukin ang larangan ng pagpapalahi. Tulad ng naunang manwal, ang pangala-wang ito ay payak at walang palamuti. Una kasi nating konsiderasyon ay ang isiksik ang lahat na impormasyon sa pinakatipid na paraan. Walang magagarang litrato, walang makulay na pahina. Wala ring mabuklaklak na mga salita na makapa-pahaba sa talakayan at aagaw ng malaking is-pasyo. Ang mga ito ang makapagpataas ng ating printing cost. Tulad ng nasabi natin sa naunang Mawal, ang atin ay inihaw lang. Walang rekados, ngunit nandyan pa rin ang laman at ang sarap. Puno pa rin at siksik sa kalaaman na magagamit natin sa ating pagnanais na makapalabas ng manok na matatawag na sarili nating likha. Ang layunin lang naman natin ay mabu-sog ang ating mga kamana. Oo, ang layunin ng RB Sugbo, simula sapol, ay ang makapamahagi ng kaalaman sa paraan na abot kaya namin, at makakaya rin ninyo. Layunin natin na mabigyan ang masang sabungero, sa paraan na maging abot kamay ang kaalaman na dati-ratiy ang mga big timer at mga mayayaman lang ang may taglay. Ang manwal na ito ay naglalaman ng sistema at pamamaraan sa praktikal na pagpa-palahi na angkop para sa atin mga maliliit o back-yard breeders. Karamihan sa mga aklat sa pagpa-palahi ay mga idealistic. O ang tinatalakay la-mang ay ang mga ideal o tularan na sitwasyon. Kung ganun, walang puwang ang maliliit sa laran-gan ng pagpapalahi. Karamihan sa mga aklat sa pagpapalahi ay nagsisimula sa pagtalakay sa laki ng perang kakailanganin; sa lawak ng lupain; at sa mahabang panahon na gugulgulin. Kaya, kung pakinggan, napakahirap para sa atin ang pagpa-palahi. Totoo. Yan ang dapat. Yan ang tularan na sitwasyon. Subalit kung di natin matupad ang tularan na kalagayan, hindi na ba lang tayo magpa-palahi? Wala na ba lang tayong karapatan na masi-yahan at malibang sa aspetong ito sa pag-mamanok? Kung ganun ang mga mayayaman lang ang makakapagpalahi. Si Don Jose lang ba ang maaaring magpalahi, si Mang Pepe, hindi?

    Maari naman tayong magpalahi kahit hindi sa isang ideal na sitwasyon o tularan na kala-gayan. Dahil ang ating pagsasabong ay maari na-man nating ibatay sa kalibre ng ating kakayahan o sarili natin kaurian. Pwede naman tayo mag-takda ng pamantayan sa pagpapalahi na abot kaya at aboy-kamay natin at angkop sa libel ng pag-mamanok kung saan tayo naglalaban. Ang manok ni Don Jose, ang makakalaban ay manok ni Don

    P A G E 3

    Pambungad: Pamantayan na abot-kamay

    Si Don Jose lang ba ang maaring

    magpalahi, si Mang Pepe hindi?

    Bakit? Kung tutusin ang manok ni Don Jose

    ang makakalaban ay kay Don Ricardo, at

    ang manok ni Mang Pepe, ang makakalaban

    ay kay Mang Carding lang naman.

  • P A G E 4

    Tamang Pagumpisa 5

    Simpleng genetics para sa komon tao 6

    Pangasta: Pagpili at paghanda 8

    Pagpakasta: Sistema at pamamaraan 10

    Pamamaraan ng praktikal na manlalahi 11

    Pakain ng mga pangasta at sisiw 15

    Bio-organic gamefowl 17

    NILALAMAN

  • P A G E 5

    libangan. Ang iba naman ay seryosong nagpa-palahi at talagang dibdiban ang kanilang pag-nanais makabuo ng sariling magaling na linyada. Anuman ang hangarin, iisa lang ang da-pat gawin. Ang magumpisa ng tama. Walang ti-yak sa pagpapalahi ngunit ayon sa mga esperto makakatulong ng malaki kung ikaw ay mag uumpisa ng tama, kumuha ka ng mga materyales na subok. Subok na magagaling at subok na nag-papanalo. Sa aklat na Lihim sa Pagbuo ng Sariling Linyada ni Dr. Andrew T. Bunan, PhD, ay maba-basa ninyo ang payo ng tanyag na breeder ng lemon guapo at Aguirre grey na si Mayor Juancho Aquirre ng La Carlota, Negros Occ. Ito ang sabi niya: Mag-umpisa ng tama at kumuha ng mga lahi sa mga taong matagal na sa industriya at may magandang record sa loob o labas ng sabungan. Matagal bumuo ng isang linyada subalit ang pa-ghihintay ay masusuklian ng tuwa kapag nakita mong tama ang iyong ginagawa. Sabi nga, pareho ang mga pagkain sa mahina at magaling na manok, subalit mahirap kumuha ng tunay na lin-yada kung tayo ay hindi mamumuhunan at kukuha ng mga material sa mga breeder na ating mapag-kakatiwalaan.Maaring mahal sa una, pero pag sinuma mo ang tagal ng panahon sa pagbuo ng linyada dito mo makikita, malaki pala ang natipid mo at mas maikli ang panahong gugulgulin mo para makapagpalabas ng mahuhusay na mga-manok-panabong. (Lihim sa Pagbuo ng Sariling Linyada; Bunan; Llamado Publications; p.83)

    Anuman ang ating hangarin at layunin sa ating pagpapalahi, dapat ay may mailaan tayong sapat na salapi, panahon at sikap. Bago tayo mag-umpisang magpalahi dapat ay tayahin natin ang ating mga kakayahan at limitasyon. Pagkatapos ating alamin ang mga gagawing hakbang. Ma-hirap kasi kung nakagasta na tayo ng malaking halaga at nakagugol ng mahaba-habang panahon at saka lang natin madiskobre na mali pala ang ating ginawa. Ang mga bagay na dapat tiyakin ay ang mga sumusunod:

    Na tayo ay may sapat na kabuohang kaalaman sa pagmamanok, hindi lang sa pagpapalahi;

    Na may mailalaan tayong panahon sipag at salapi na batay sa ating hangarin sa pagpapalahi;

    Na makahanap tayo ng kahit maliit ngunit angkop na lugar, at kaya natin itong i-develop;

    Na may makukuhang katulong na mapagkakatiwalaan;

    Na makakahanap tayo ng maku-kunan ng magagaling na panga-sta.

    In na in ngayon ang pagpapalahi ng sa-sabunging manok. Napakarami na talaga ang nag-papalahi ngayon. May mga nagpapalahi upang magkapera. Sa tingin nila ang pagpapalahi ay ne-gosyo o trabaho lang. May nagpapalahi naman upang malibang. Sa kanila ang pagpapalahi ay

    Tamang pagumpisa

    Anuman ang

    hangarin, iisa

    lang ang dapat

    gawin. Ang

    magumpisa ng

    tama.

  • salungat ngunit maaring ring maipalabas sa isang linyada. Ang praktikal na kaalaman sa pagpa-palahi ay kaalaman na sapat lang sa ating pangan-gailangan sa pagpalahi ng manok pang sabong. Phenotype-genotype Bago ang lahat, tatalakayin muna natin ang phenotype at genotype. Dahil ang mga ito ay ang pundasyon ng ating pamantayan sa pagpili ng pangasta. Ang isang indibidwal na manok ay bi-nubuo ng kanyang phenotype at genotype. Ang kahulugan ng phenotype ay ang ka-tangian ng manok na makikita tulad ng hugis ng palong, kulay ng paa o balahibo, pangangatawan at ang kakayahan sa pakipaglaban. Ang phenotype ng isang manok ay itinakda ng kanyang mga genes, at maaring pinaunlad o kayay sinira ng pagpapalaki. Ang genotype ay hindi nakikita. Ga-yunman, ang genotype ang kabuhuan ng mga genes na nagtakda sa phenotype ng indibidwal. Subalit ito ay maari ngang maapektahan ng ka-paligiran at pamamaraan ng pagpalaki. Ang isang manok ay maaring may geno-type para kagalingan sa pakipaglaban, ngunit kung ito ay pinalaki sa maling pamamaraan hindi ma-kikita ang kagalingang ito sa kanyang phenotype. Dominant-recessive gene action Para madaling maunawaan, sabihin na lang natin na ang bawat katangian o bagay sa kata-wan ng indibidwal na manok ay binubuo ng dala-wang genes. Isa galing sa ama ang isa galing sa ina. Ang dalawang genes na ito ay magiging isang katangian. Halimbawa ang simpleng katangian ng hugis ng palong. Ang ama ay nagbigay sa anak ng isang gene para sa hugis ng palong at ang ina ay nagbigay naman ng isang gene para sa katangiang ito. Ang dalawang genes na ito na tigiisa galing sa bawat magulang, ang magtatakda sa hugis ng pa-long ng anak. Ang tinatawag na dominant-recessive gene action naman ang magtatakda sa lalabas na hugis ng palong. Sa kaso ng palong, ang pea comb ay dominante kaysa straight comb. Ibig sabihin kung parehong taglay ng indibidwal ang gene para peacomb at gene para straight comb, ang lalabas na hugis ng palong ng nasabing indibidwal ay ang dominanteng peacomb. Ang indibidwal na puro sa isang katangian, sa ating halimbawa hugis ng pa-long, ay tinatawag na homozygous sa katangiang ito. Ang indibidwal na magkaiba ang genes sa isang katangian ay tinatawag na heterozygous sa katangiang yon.Kung ang dalawang magulang ay parehong nagbato ng peacomb ang labas sa anak ay peacomb, dahil ,maliban sa dominante ito, ay wala namang genes para sa ibang hugis. Ito ay homozygous sa peacomb. Kung ang isa sa mga magulang ay peacomb ang ibinato at ang isa ay straight comb ang labas ng hugis ng palong ng anak ay peacomb dahil dominante ito. Bagaman ang indibidwal na ito ay heterozygous dahil may gene din ito para sa straight comb. Sa pag-kakataon lang na kapwa straight comb na genes ang binigay ng dalawang magulang saka lang lala-bas ang straightcomb sa anak. Kahit na recessive ang straight comb, dahil walang dominanteng genes na taglay ang indibidwal, kaya walang makakapagpigil upang ang recessive genes ay magpakita. Ito ay homozygous straight comb. Tan-daan na ang recessive na katangian ay lalabas lang kung ang indibidwal ay homozygous sa katan-giang ito.

    Ang pagpapalahi ay isang gawain na nan-gangailangan ng kaalaman sa genetics. Ang genet-ics ay ang siyensya o batas ng pagpapalahi. Isa itong komplikadong pag-aaral sa pagsalin ng mga katangian mula sa isang salinlahi o henerasyon sa susunod. Ang pagiging komplikado ng genetics ang siyang dahilan kung bakit ang pagpapalahi ay hindi isang madaling gawain. Walang breeder o manlalahi ang makatitiyak sa galing at kalalabasan ng bawat henerasyon ng kanyang palahi. Dahil dito ang pagpapalahi ay tinuturing na pinaka-mataas na antas sa pagmamanok. Hindi basta-basta ang pasukin ang larangan ng pagpapalahi. Ang totoo, dito sa pagpapalahi pinaka-malaki ang angat ng mayayaman sa mga pang-karaniwang sabungero. Sa ibang aspeto ng sabong tulad ng pagpili, pagtari, at paglaban maaring makapantay pa tayo sa mga mayayaman, ngunit hindi sa pagpapalahi. Ang pagpapalahi ay nangan-gailangan ng malaking puhunan sa pagbili ng pan-gasta, lupain, at maging panahon. Sa pagbili ng pangasta ay hindi sapat ang isa, dalawa, o tatlong trio upang makasiguro na maganda ang iyong mai-palabas na palahi. Dahil nga walang tiyak sa pag-papalahi. May elemento ng patsamba, tulad ng lotariya. Kaya tulad ng lotariya, mas maraming tiket ang iyong mabili, mas malaki ang pag-kakataon na manalo. Ang malawak na lupain ay kailangan upang mabigyan ang manok ng karapatdapat na kapaligiran na angkop sa kanilang pangangailan-gan. Alam nating na hindi basta-basta ang maha-laga ng lupain ngayon. Kaya sa pagpapalahi, malaki talaga ang lamang ng mayayaman sa mga ordinaryong tulad natin. Pero huwag natin itong gawing hadlang sa ating pagnanais na matikman ang kasiyahan ng isang manlalahi. Ang kasiyahan na maidudulot ng pagpapalahi ay dahil na masasabi natin na naka-gawa tayo ng buhay na indibidwal na sarili nating nilikha. Napakamahalaga ng pagpapalahi dahil ang ganda at uri ng linyada o lahi ay ang pinakau-nang haligi sa pundasyon ng manok. Ang iba ay bahagi ng pagpalaki, ang mga itoy ang su-musunod: angkop na kapaligiran, wastong pag-pakain at sapat na ehersisyo. . Upang bigyan naman ng gabay ang ating mga kapwa pangkaraniwang sabungero sapagpa-palahi tayo ay naglalabas ng Manwal ng MANA sa Praktikal na Pagpapalahi. Alinsunod ito sa la-yunin ng RB Sugbo Gamefowl Technology, at ang Masang Nagmamanok o MANA, na makatulong sa mga komon sabungero. Dahil tayoy may kara-patang matuwa at masiyahan sa lahat ng aspeto ng sabong na gusto nating pasukin. At, ang pagpa-palahi ng manok panabong, big-time man o back-yard, ay maaring mapagkakitaan. Makakatulong talaga ang kaalaman sa genetics. Ngunit hindi kailangan na ma-master natin ang genetics para tayo makapagpalahi. S a l i -gang kaalaman lang ang kailangan para naman medyo masiyahan tayo sa ating ginagawa. Hindi tayo masisiyahan sa isang bagay na mangmang tayo. Pag may kunti tayong kaalaman maari tayong magtakda ng hangarin, na magiging pamantayan natin kung tayo nga ay nagtagumpay. Maaring ang layunin natin ay mga sim-pleng bagay lang. Tulad halimbawa, ng pagpala-bas ng straight comb na linyada o strain galing sa magkaparehang peacomb na mga magulang. O kayay mga kumplikadong bagay tulad ng pag-palabas ng power at speed, o taas ng lipad at shuf-fle sa ground, mga katangiang maaring magka-

    P A G E 6

    Simpleng genetics para sa komon tao

    Ang praktikal na

    kaalaman sa

    pagpapalahi ay

    kaalaman na

    sapat lang sa

    ating

    pangangailangan

    sa pagpapalahi

    ng manok

    panlaban

  • P A G E 7

    Ang cross breeding ay ang pagpapalahi ng hindi mag-kamaganak o mga indibidwal na walang relasyon sa isat-isa sa loob ng 4-6 hen-erasyon o salinlahi na kanilang pinagmulan. Ang hangad ng crossbreeding ay ang ipagsama ang magagaling na katangian sa magkabilang magu-lang upang ang anak ay lumabas na mas magaling kaysa alin man sa mga magulang. Ito ngayon ang tinatawag na hybrid vigor o heterosis. Maraming paraan ng crossbreeding. May two-way cross kung saan dalawang puro na manok ang iyong pinagpares. Halimbawa puro lemon ang ama at ang ina ay puro kelso. Ang anak nila ay two-way cross, 50% sa dugo ay lemon at 50% sa dugo ay kelso. Kung ang two-way cross na ito ay ipares natin sa isa pang puro na indibid-wal, halimbawa puro sweater, ang sunod na sa-linlahi ay ang tinatawag na triple cross. Kalahati o 50% sa dugo nito ay sweater at 25% ay lemon, 25% ay kelso. Kung ipagpares natin ang dalawang two-way cross ang labas ay 4-way cross. Kung dalawang 3-way crosses ang ipagpares natin ang labas ay 6-way cross. Kung ang 2-way cross ay ipagpares natin sa 3-way ang labas ay 5-way cross. Walang limit ang paraan ng pag-cross breeding. Para sa mas magandang resulta ang payo ng mga esperto ay huwag lumampas sa 4-way cross. Ang sobrang dami ng lahing pina-ghalohalo ay hahantong sa tinatawag na crossed-up o sabog, o chopsuey dahil sa dami na ng mga katangian na naghalohalo.

    Huwag nalang nating pagtuonan ng pan-sin ang mga ito at baka malito lang tayo. Ang praktikal na nagpapalahi ay hindi masyadong nagiisip kung ilang way cross ang palahi basta lumabas lang ito na katangitangi sa atin batay sa ating pamantayan. Tandaan lang na kung ang la-yunin ng inbreeding ay ang maging puro ang ma-gandang katangian, ang sa crossbreeding ay ang paghalohalo sa mga magagandang katangian sa magkabilang linyada upang ito ay parehong luma-bas sa anak.

    Kaya malimit, ang inbred individual ay magandang pangasta. Ang crossbred individual ay magandang panlaban.

    Hindi na lang natin tatalakayin ang iba pang aspeto ng genetics. Para sa atin mga prakti-kal na manlalahi, hindi kailangan ang masyadong malalim na kaalaman sa genetics. Kung nais natin ang mas malalim na talakayan sa paksang ito makakatulong ng malaki ang aklat ni Dr. Andrew Bunan na Lihim sa Pagbuo ng Sariling Linyada.

    Ganun din sa kulay ng balahibo at kulay ng paa. Dahil mahalaga ang dominant-recessive gene action sa ating pagtakda ng gusto nating pag-kakilanlan ng ating palahi, kailangang tandaan natin mabuti ang sumusunod na halimbawa: Ang peacomb ay dominante sa straight comb. Ang white leg ay dominante sa yellow leg, ang yellow leg naman ay dominante sa dark leg tulad ng green o blue. Ang talisayin ay dominante sa pula. Ang puti ay maaring maging dominante maaring hindi. Pero di na natin ipaliwanag dito baka lalayo na tayo masyado. Panindigan natin ang ating punto na para sa isang praktikal na manlalahi hindi gaanong kailangan ang malalim na kaalaman sa genetics. Inbreeding Ang inbreeding ay ang pagpapalahi ng magkamag-anak. Ibig sabihin ay ang tatyaw at ang inahin ay may magkaparehong ninuno sa loob ng 4-6 henerasyon o salinlahi. Ginagawa ang inbreeding upang maging puro ang mga katangian na ibig nating isalin sa susunod na henerasyon. Ito ang tinatawag na to purify. Ang pagpurify o pagpapuro ng mga ma-gagaling na katangian upang ang mga itoy mas madaling maisalin sa mga sumusunod na hen-erasyon, ay ang layunin ng pag in-breeding. Subalit, may malaking posibilidad din na sa halip na ang mga positibong katangian o kakayahan, ang mga negatibo ang maging puro. Kapag ito ang mangyari ay masama ang epekto ng inbreeding. Mga halimbawa ng inbreeding ay ang ipagpares ang anak sa ama o sa ina; ang pagpares sa magkapatid na buo. Ang mga ito ay matindi na inbreeding. Ang pagpapares ng magkapatid sa ina o sa ama lang, at ang tiyahin o tiyuhin sa pamang-kin, pinsan sa pinsan ay mga halimbawa naman ng hindi gaanong matinding inbreeding. Ang tindi ng inbreeding ay tinataya pamamagitan ng inbreeding co-efficient. Pero hindi na rin natin ito tatalakayin dito, dahil nga, hindi na gaanong kailangan sa ating praktikal na pagpapalahi. Para sa atin sapat na na alam natin na ang layunin ng inbreeding ay upang maging puro ang magagandang katangian at ang indibidwal ay maging homozygous sa katangiang ito. Kapag homyzygous ang indibidwal wala na itong ibang ibabato sa anak kundi ang genes para sa katan-giang iyon. Magiging magandang tatyaw o inahin ang indibidwal na ito. Cross breeding

    Ang pagpapuro

    ng mga

    kanaisnais na

    katangian ay

    upang ang mga

    ito ay madaling

    maisalin sa

    susunod na

    salinlahi.

    Masang Nagmamanok (Mana) is a nationwide organization of common sabungeros dedicated to the promotion and preservation of sabong in the Philippines as industry, sport, livelihood and cultural heritage. And, to work for the welfare of common sabungeros.

    It engages in projects and services to the sabungro public such as information and instructional column, articles and publications on cockfighting in Tumbok, in cooperation with RB Sugbo Gamefowl Technology.

    Gamefowl and all-purpose chicken dispersal;

    Hands-on-at-farm gamefowl technology transfer, in cooperation with RB Sugbo GT;

    Seminars and trainings in cooperation with the National Gamefowl Training Center;

    And, gamefowl print and on-line publications.

  • mga materyales para sa pagpapalahi. Ang dami nang mga napakagaling na linyada na nasa kamay na ng mga Pinoy na manlalahi. Ang iba sa mga manlalahi na ito, ay hindi mahal kung mag benta. Wika nga, pera na lang ang kailangan. Ngunit ganito ba talaga ito kadali? Hindi. Kailangan din ang sapat na kaala-man sa pagpili. Ang wastong pagpili ay siyang susi sa tagumpay sa sabong. Ito may mapa sa pagpapalahi o sa paglalaban sa sabungan. Ito ang dahilan kaya inuna natin sa pagpalabas ang Man-wal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pag-pili at Pagkundisyon, bago ang manwal na ito. Payo natin na dapat maging bihasa muna sa pag-pili at paglalaban bago pasukin ang larangan ng pagpapalahi. Ang pagpili ng tatyaw ay tulad ng pagpili ng panlaban.Kaya lang ikunsidera natin ang kakayahan ng indi-bidwal na nagustu-han natin na isalin sa anak ang maga-gandang katangian. Ito ang tinatawag na pre-potency o kakayahan sa pag-salin ng mga katan-gian sa anak. Makakakuha tayo ng ideya sa pre-potency ng isang indibidwal kung alam natin kung paano ipinalabas ang indibidwal na ito. May mga manok kasi na makisig at ma-galing sa bitaw ngunit hindi ito homozygous o puro sa mga magagan-dang katangiang taglay niya. Pag ginawa itong tat-yaw maaring mag-kataon na ang na-katagong recessive genes na hindi kanaisnais ang maibato nito sa anak. Kapag homyzygous ang indibidwal para sa isang magandang katangian wala na itong ibang ibabato sa anak kundi ang genes para sa katangiang iyon. Magiging magan-dang tatyaw o inahin ang indibidwal na ito. Pagdating sa pagpili ng inahin lalo pang mahalaga ang kagalingan ng linyada at kaganda-han ng anyo dahil hindi natin mapili ang inahin batay sa kagalingan nito sa pakipaglaban. Ang pinakamaige nating gawin pagdating dito ay ang tingnan ang kagalingan sa bitaw ng mga kapatid at ng ama nila. Isa pang mahalagang bagay ang ting-nan kung ang istilo sa pakipaglaban at hitsura ng mga kapatid ng tatyaw o inahin na napupusuan natin ay,higit kumulang, magkatulad at magka-mukha. Ito ay nagpapakita na ang mga katangiang nagustuhan natin ay nakatakda na sa kanilang lin-yada at hindi tsambang lumabas sa isang indibid-wal lang. Kung ang kagalingan nila ay nakatakda na sa kanilang linyada malamang na malamang maitapon ito sa susunod na salinlahi o henerasyon. Kung tsamba lang lumabas sa isang indibidwal, ay baka patsamba lang rin kung lalabas ito sa susunod na henerasyon.

    Pagpili ng pangasta Sa Paghanap ng magaling na palahiin, unang-una ay huwag tayong magdalawang isip na gumasta ng malaking halaga, hanggang sa abot ng ating makakaya, sa pagbili ng mga pangasta o palahiin. Kung may isang bagay saan hindi tayo dapat magtipid, ito ay ang pagdating sa pagbili ng broodcock at broodhens. Ang inisyal na halaga ng breeding materi-als, gaano man ito kamahal, ay kalaunan ay na-pakaliit na lang kung ihahambing sa ibang gastos tulad ng sa mga pabahay, pasilidad at mga gamit sa manukan, pakain, at sahod ng mga tauhan. Lalo na ang panahon na masasayang pag lumabas di mabuti ang ating mga palahi dahil bulok ang ma-teryales na nakuha natin. Huwag tayong matakot na magbayad hanggang abot-kaya natin, ngunit hindi ibig sabi-hin na basta na lang tayo susugod. Ang praktikal na manlalahi ay wais na manlalahi. Lalo na pag-dating sa gastos. Ilagay natin sa isip na hindi porke mahal ang materyales ay magaling na ito. Hindi rin na dahil mura lang ang materyales na ito ay hindi magaling. May pagkakataon na ang bina-bayaran natin ay ang katanyagan lang ng manla-lahi kung saan natin kinuha ang materyales. Ngayon hindi na mahirap maghanap ng materyales. Madali nang makuha nang mga nu-mero ng telepono ng mga sikat na manlalahi dahil sa nagsilabasang aklat, magazine at programa sa telebisyon tungkol sa larong sabong.Ang gawin lang natin ay ang magpasya kung anong uri ng manok ang gusto natin. Pagdating sa pagpasya hindi ang pangalan ng linyada o kasikatan ng manlalahi ang gawing batayan. Ang problema ng maraming baguhan ay binabatay nila ang bloodline selection sa mga ban-tog na pangalan ng lahi. Kung sikat ang sweater, hanap tayo ng sweater. Kung sa panahon na lemon ang bantog, lemon naman ang hanap natin. Pero ang totoo ang kagalingan ay wala sa pangalan ng lahi. May sweater na magaling, may sweater na bulok. Ganon din ang lemon, roundhead, hatch, kelso, clarets, at iba pang mga lahi. Sa ating pagpili ng panlaban batay sa bloodline, hindi ang pangalan, kundi ang perform-ance ng indibidwal na pamilya ang ating pag-ukulan ng pansin. Dapat nanggaling sa isang ma-husay at nagpapanalong linyada kahit ano pa man ang tawag nito. Kaya mahalaga na ang manlalahi ay may kaalaman sa sabong, "in general", at hindi lang sa pagpapalahi. Dahil kung di natin alam kung anong uri ng manok ang nagpapanalo ay hindi rin natin malalaman kung anong manok ang ipalabas sa ating palahian. Kung naitakda na natin ang hangarin sa ating pagpapalahi ay mag-umpisa tayong magma-sid kung sinu-sino sa mga manlalahi ang mga ganitong palahi. Alamin natin ang presyo ng kanilang mga pangasta at nang malaman natin kung alin sa mga ito ang abot-kaya natin. Kung makakaya natin ang presyo ng mga malalaki at kilalang manlalahi, mas mabuti na doon na ku-muha. Dahil kung magbebenta tayo ng ating mga palahi, magagamit na puhunan at makadagdag presyo kung makatotohanan nating masabi na ang ating palahi ay galing sa isang tanyag na breeder. Kung hindi abot-kaya ang presyo ng mga tanyag na palahian, huwag mawalan ng pag-asa sapagkat may mga maliliit o hindi pa gaaanong kilala na palahian na maaaring may magagaling na linyada na angkop sa ating hinahanap. Oo, madali na ngayon makahanap ng

    P A G E 8

    Pangasta: Pagpili at paghanda

    Dapat tingnan kung ang

    magkakapatid ay magkamukha

    at magkatulad ang kagalingan

    sa pakipaglaban. Kung ganun

    ang mga katangiang ito ay

    nakatakda na sa kanilang

    linyada at madaling isalin sa

    susunod na salinlahi

  • Pagpalit ng tatyaw Sa isang pagbaba ng tatyaw ay maaring ilang itlog o ilang

    araw pa bago mawala ang impluwensya ng semelya ng tatyaw.

    Kaya hindi kailngan na bawat araw mababaan ng tatyaw ang

    inahin. Isang baba sa bawat tatlong araw ay sapat na sapat pa.

    Kung magpalit ng tatyaw dapat may pagitan na 10 araw para

    makatiyak na ang itlog ay sa bagong tatyaw na ang lamang se-

    melya.

    Pagpapisa May dalawang paraan ng pagpapisa ng sisiw. Natural o ang paggamit ng inahin sa paglimlim at ang artificial, o ang pag-

    gamit ng incubator. Parehong epektibo ang dalawang ito. Baga-

    mat may mga inahin na mas magaling maglimlim at may incuba-

    tor naman na mas maganda ang pagkagawa kay sa iba. Subalit

    parehong sapat ang dalawang paraang ito para sa pagpapisa ng

    itlog. Ang mahalaga ay ang pagimbak ng itlog. Dapat kolektahin

    ang itlog arawaraw. Linisin pamamagitan ng pagpunas ng tuyong

    tela, markahan at iimbak. Lapis ang gamitin sa pag marka huwag

    pentel pen. Ang tenta ng pentel pen ay maaring maka apekto sa

    sisiw. Para siguradong di makalimutan o magkamali sa pagmarka

    magdala ng lapis at markahan ang itlog kung saan nakuha. Kung

    flock mating ilagay ang numero ng yard o pen. Kung single mating

    ilagay ang legband o kayay pangalan o ano ang pagkakilanlan ng

    inahin.

    Ang payo ng mga dalubhasa ay huwag iimbak ang itlog

    ng lampas isang linggo bago ipalimlim o isalang sa incubator.

    Subalit sa natural na sitwasyon na pinababayaan lang ang inahin,

    hindi ba lampas isang linggo o dalawa pa minsan bago ang inahin

    ay maglimlim? Mahalaga lang siguro na galawin natin ang itlog

    arawaraw para hindi dumikit ang embryo sa shell. Sa natural na

    sitwasyon nagagalaw ng inahin ang itlog bawat pagsampa nito sa

    pugad upang magitlog. Isa pa, dapat sa malamig na lugar natin

    iimbak ang itlog, kung di man sa refrigerator. Paglampas kasi ng

    ng temperatura sa 16 0 17 degrees celsius , magsimulang ma de-

    velop ang embryo at dahil kulang ang init na ito para mapisa ang

    itlog, ang mangyayari ay mamatay o hihina lang ang embryo. Ang

    tamang temperatura upang mapisa ang itlog pagdaan ng 21 days

    ay 38 celsius o 100 farenheit. Sa mga lugar, tulad ng Metro Ma-

    nila, kung saan may nga mapagkatiwalaang commercial hatchery,

    doon na lang natin sa commercial hatchery ipapisa ang mga itlog.

    Culling Ang culling ay ang paghiwalay ng mga rejects galing sa ating

    flock. Ihiwalay ang mga masakitin. Ihiwalay ang mga may kapun-

    apunang kapintasan. Ihiwalay ang mga pangit. At itoy gawin

    bawat pagkakataon na may mapuna ka. Mas maaga ang pag cull

    sa mga babae na hindi natin balak gamitin sa pagpapalahi. Kasi

    kahit wala pa itong kapintasan, kung ang genetic composition nito

    ay hindi nakaprogramang gamitin sa pagpapalahi, dapat ihiwalay

    na ito ng maaga para makatipid tayo sa pakain at gamot.

    Sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon tinalakay natin doon kung paano ang pagpili ng magaling na panlaban. Una ay ang linyada o bloodline, kasali dito ang pagpapalahi at kung paano pinalaki ang ating pinagpipilian, at ang winning percentage ng mga ninuno at kapatid. Kung nasisiyahan na tayo sa aspetong ito, tinitingnan natin ang ganda ng pisikal na anyo ng manok . Pagkatapos sinusubu-kan natin ang galing nito sa bitaw. Ganito rin sa pagpili ng manok palahiin. Kaya lang dapat idagdag pa natin dito ang poten-syal ng indibidwal na maging pre-potent. Lalo na sa mga inahin, dahil sa mga inahin hindi natin makikita ang kagalingan sa pakigpaglaban pamamagitan sa pagbitaw. Ang kagalingan ng isang linyada o bloodline ay isang konkretong aspekto na taglay ng manok mula maghalo ang semelya ng ama at itlog ng ina. Ang linyada ang pundasyon ng ating pagpili.

    Pagdating sa pagpili ng palahiin una ay alamin kung itoy nanggaling sa isang linyada na nagpapanalo. Pagkatapos kilatising mabuti ang hugis at hipo ng katawan, ang balanse, ang gara ng lakad at galaw, at iba pang katangiang pisikal at kakisigan. Dapat ang mga itoy tugma sa mga ka-tangiang pisikal ng magaling na manok. Pag nasi-yahan na tayo sa linyada, pagpapalaki, pagpa-panalo, kakisigan at iba pang konkretong katan-gian, saka lang natin ibitaw ang manok upang tingnan kung kasiyasiya ba rin ang kagalingan nito sa pakipaglaban. Ibitaw natin at alamin kung ang galing at istilo nito sa pakipaglaban ay tugma sa ating hinahangad. Subalit ang pinakamahalaga sa lahat ay kung ang manlalahi na bibilhan mo ay mapag-kakatiwalaan ba. Marami kasi sa mga dapat ala-min, tulad ng pagka puro ng pangasta; kung ito bay inbred o hindi; patina kung ito nga bay nang-galing sa linyadang lamang sa panalo, ay mga im-pormasyon na ang manlalahi lang ang nakakaalam at makakapagsabi. Tandaan na ang salita ng isang manlalahi ay singhalaga lang ng kanyang katapatan at reputasyon. Kung sabagay, karamihan sa mga tanyag na manlalahi ay mapagkakati-walaan. Dahil kung hindi pa sila tapat at mapag-katiwalaan, sanay di na sila nagtatagal sa larangan ng sabong. Paghanda ng mga pangasta Mga isang buwan bago ang pagsalang ng mga pangasta sa breeding pens kinukundisyon natin ang mga ito. Tulad ng pagkundisyon ng mga panlaban pinupurga, liniligo ng anti mite shampoo at bina-bacterial flushing na mga broodfowl. Bina-bakunahan din natin laban sa mga sakit na komon sa ating lugar. Ang pinaka-basic na bakuna ay laban sa Newcastles disease (NCD) at fowl pox. Tulad ng mga panlaban bibibigyan din natin ang mga pangasta ng masustansyang pakain at suple-mentong bitamina at mineral. Bigyan ng b com-plex at cvitamins A,D at E. Ang pakain sa mga broodcock at tulad ng kinukundisyon. Tulad din sa mga panlaban ang voltplex ay napakagandang suplemento para sa mga broodcocks. Kahit 3 beses lang bawat linggo ang bigay.

    Ang mga broodhen ay layer or breeders pellets at grains ang ipakain. Lamang ang pellets, 80% pellets at 20% lang ang grains. Dahil mas marami ang inahin sa tatyaw, may katwiran na tayong magtipid sa pakain sa inahin. Pwedeng haluan natin ng kunting maintenance pellets.

    Tandaan lang na kailangan hindi kulang sa katawan ang mga inahin, ngunit wag din ang mataba dahil hindi ito mangingitlog. Sa mali-wanag at madamo na lugar ilagay ang mga panga-sta.

    P A G E 9

  • Sa yarda kung hahayaan natin ang tatyaw na di nakatali mapupuna natin na may paborito siyang inahin na hinahabol o kinakasama palage. Ang isang inahin naman kung pagagalain sa cord area kung saan maraming tandang ang nakatali, ito ay mamimili ng iilan sa mga tandang kung saan sa mga ito lang siya paulitulit nagpa-pakasta. Ang kalikasan kasi ay may sariling pamamaraan upang manatiling buhay ang mga sarisaring hayop sa kalikasan. Alam ng hayop kung aling kapareha ang dapat upang mas malaki ang tsansa ng kanilang anak na mabuhay. Sa ilang at sa kalikasan survival of the fittest kasi. Ang matalino, malakas, matapang at mabilis ang may pinakamalaking pagasa na manatiling buhay. Ang mga katangian ng hayop na magbibi-gay sa kanila ng malaking tsansa na mabuhay sa kalikasan, ay ang siyang mga katangian din ng manok na kailangan sa labanan sa sabungan. Kaya, bat di natin bigyan ng pagkakataon ang katangian ng tatyaw at inahin na pumili ng ka-pareha? Ito ang nagudyok sa atin na subukan ang tinatawag natin na controlled natural selection. Sa isang malaking yarda ay naglalagay tayo ng tatlo hanggang limang tatyaw. Nakatali ito ng mahahaba at malayo sa isat isa kaya malawak-lawak ang teritoryo ng bawat isa. Sinasamahan natin ng 15 hanggang 25 ka inahin sa ratio na li-mang inahin sa bawat tatyaw. Natural selection na rin ito dahil makakapili ang mga inahin kung sa aling tatyaw sila lumapit at magpakasta. Ang mga tatyaw naman ay makakapili sa mga inahin na lumalapit sa kanila. Kalau-nan mapupuna natin na may isang tatyaw na marami ang lumalapit na inahin. May tatyaw naman na kukunti lang. Dito pa lang ay makaideya na tayo kung alin sa mga tatyaw ang may mas m a g a n d a n g semelya. Upang maging kontrolado pa rin natin ang pagpapalahi, ang ginagawa natin ay lahat ng tatyaw ay kabilang sa isang linyada, ganoon din ang mga inahin. Ka-limitan ang mga tatyaw ay magkakapatid. Sa mga inahin marami ang magkakapatid. Ang iba ay pin-san, o tiyahin o ina ng ilan basta ang genetic com-position ay magkatulad. Ano mang mangyari mag-katulad pa rin ang genetic composition ng mga sisiw. Sa istriktong salita o mahigpit na pagtu-pad sa batas ng tularan na pagpapalahi hindi ito dapat. Isa lang ang dapat. Ang single mating lang. Pero para sa praktikal na manlalahi na gustong magparami ng isang subok na cross, ang sistemang ito ay sapat na. May bentahe pa. Dahil siguro sa natural instinct ng manok na pumili ng kapareha, sa kara-nasan ng RB Sugbo mas mataas ang survival rate sa mga sisiw na pinalabas pamamagitan ng gani-tong pamaraan.

    Single mating Ang single mating ay ang pagpapares ng isang tatyaw sa isang inahin. Ang isang inahin ay dapat isang tatyaw. Subalit ang tatyaw ay maari nating ipares sa maraming inahin na nasa indibid-wal na kinalalagyan. Single mating pa rin ito. Sa ganitong paraan maaring hanggang 9 ka inahin ang pwedeng i-single mate sa tatyaw. Sa unang araw sa hen no 1, 2 at 3 ang tatyaw. Isang inahin sa umaga, isa sa tanghali at isa sa hapon. Bantayan lang na pagkatapos makakasta alisin agad ang tatyaw at ibalik sa cord. Halimbawa alas 6 ng umaga ay pakastahan ang hen no. 1. Pagkata-pos ibalik ang tatyaw sa cord at doon pakainin. Bandang 10am ang pangalawang inahin ang pakastahan. Kunin na naman agad pagkatapos at ibalik sa cord. Mga alas tres bago pakainin ay pakastahan naman ang pangatlo. Kinabukasan ang hens 4,5 at 6 naman. Sa pangatlong araw ang hens 7,8 at 9 naman. Samakatuwid ang bawat inahin ay nabababaan ng isang beses sa bawat tatlong araw. Sapat na ito upang ma-fertilize ang mga itlog ng lahat ng inahin. Flock mating Ang flock mating ay ang pagpares ng isang tatyaw sa maraming inahin sa loob ng isang kinalalagyan, na malimit ay yarda o malaking pen. Maaring magkaiba ang linyada ng mga inahin pero mas maige kung ang mga itoy kabilang sa isang linyada lang. Para pwedeng isang marking lang para sa lahat ng sisiw galing sa flock na ito at alam na natin ang kumposisyon ng dugo. Kung halohalo ang mga inahin, ang tiyak lang natin na kalahati ng dugo ng sisiw ay sa linyada ng ama. Ang kalahati ng dugo ay di tiyak kung saang inahin nanggaling. Kung ang sistemang flock mating ang sinusunod dapat malakilaki ang kinalalagyan at nakatali ang broodcock sa gitna o sa isang sulok. Sa ganitong paraan ang inahin na fertile at gustong magpakasta ang kusang lalapit. Kung maliit ang lugar o hindi nakatali ang tatyaw, pabalikbalik na hahabulin at bababaan ng tatyaw ang paborito ni-tong inahin. Sa isang araw ang mga paborito ay mabababaan ng ilang beses samantala ang iba ay hindi at walang laman na semelya ang itlog ng mga ito. Flock-single mating May sistema din na maraming inahin ang pinagsasamama sa isang kinalalagyan na kasama ang tatyaw tulad ng ginagawa natin sa flock mat-ing. Subalit gumagamit tayo ng trap nest. Makapa-sok ang inahin sa trapnest upang mangitlog ngunit hindi na ito makakalabas pagkatapos. Ang man-gyayari ay aabutan ito ng tagaipon ng itlog at mamamarkahan ang itlog kung saang inahin nang-galing. Samakatuwid, malalaman natin ang ama at maging ang ina ng sisiw katulad ng sa single mat-ing. Sa ganitong sistema ay pwede na pwede kahit magkakaiba pa ang linyada ng mga inahin sa isang flock. Controlled natural selection mating Sa ilang, kung saan ang mga manok la-buyo ay pagalagala lang, malayang mamili ang mga inahin at tandang kung sino ang nais nilang makapareha. Ito ang tinatawag na natural selec-tion. Sa palahian kontrolado ng nagpapalahi ang pagparespares ng tatyaw at inahin. Ito ang tina-tawag na controlled selection mating. Ang nasa isip natin na mas alam ng tao ang dapat gawin. Ngunit may mga bagay pa rin na di natin lubos maintindihan.

    P A G E 1 0

    Pagpakasta: Sistema at pamamaraan

    SI PONKAN; Ang orihinal na tatyaw na nag-pasimula ng Ponkan blood-line ng RB Sugbo Gamefowl Tech-nology. Si ponkan ay isang sweater na galing sa El Dia Gamefarm ni Doc Ayong Lorenzo. Ang komposisyon ng ponkan bloodline ngayon ay 5/8 ni ponkan; 3/16 lemon 84; 3/16 Lance round-head.

  • dating na sa proseso sa pagpapanatili ng linyada, ay hindi na in-breeding ang kailangan, kundi out-crossing. Ang proseso sa pagbuo at pagpapanatili ng linyada na itinataguyod ni Dr. Andrew Bunan sa kanyang aklat ay ang sumusunod:

    Mag-crossbreeding upang makahanap ng magaling na cross na magandang gawing bagong linyada;

    Mag-inbreeding upang mapapuro ang mga kanaisnais na katangian at mag-ing magkamukha ang lahat ng manok na kabilang sa linyadang bubuuhin;

    Gumawa ng hiwawalay na pamilya mula sa mga in-bred na indibidwal na na-palabas;

    Paglipas ng ilang henerasyon ang manok na kabilang sa bawat hiwalay na pamilya ay hindi na kamag-anak ng mga manok na kabilang sa iba pang pamilya. Pag ang mga manok sa isang pamilya ay pinagpares natin sa manok na galing sa kabilang pa-milya, ito ay hindi na inbreeding. Ang mga supling sa pagpapares na ito ay hindi in-bred ngunit puro pa rin sa dugo ng linyadang nabuo natin.

    Ang sistemang ito ang tularan o ideal na proseso. Ang mga manok na lalabas gamit ang prosesong ito ay puro na sa mga kanais-nais na katangian puro pa sa blood composition ng lin-yada. Subalit, di hamak na anim hanggang sam-pung taon o mahigit pa ang ating aantayin bago natin ito magawa. Napakahabang panahon para sa isang praktikal na manlalahi. Ang praktikal na manlalahi ay madaya, nag-syusyurkat. Hindi ito ginagawa ng tradisyonal na maginoong manla-lahi dahil para sa kanila ang pinakamahalaga ay ang manatiling buo ang integridad ng kanilang bloodline. Tama man o mali, totoo man o hindi, palaging ipinagmamalaki nila na itong linyada kung ito ay napanatili kong puro sa ganito o ganoon kahabang panahon. Isa pa, karamihan sa mga maginoong manlalahi ay may kaya at hindi mahalaga sa kanila kung gumulgol man ng malak-ing halaga at mahabang panahon. Ang praktikal na manlalahi, may kaya man o wala, ay naghahabol ng resulta bago makagulgol ng malaking halaga at mahabang panahon. Ang praktikal na manlalahi ay praktikal nga. Katulad ng sabi ni Mao Tse Tung, isang lider ng China, It doesnt matter if the cat is black or white as long as it catches mice. na kung isalin natin sa Pilipino, ay Di bale kung ang pusa ay itim man o puti, basta nakakahuli ng daga. Pagpalabas ng kumbinasyon ng mga katangian Halimbawa nakabuo na tayo ng pamilya ng mabibilis kahit walang in-breeding. At, naka-buo narin tayo ng isa pang pamilya ng malalakas, maari na nating i-cross ang dalawang ito sa pa-ghangad na makapalabas ng panlaban na mabilis at malakas. Pero hindi ganito kasimple ang pagpa-palahi. Una ang dalawang katangiang yan ay hindi sapat upang magpanalo ang ating palahi. Kailan-gan pa ang tapang at tibay, utak at liksi at pina-kamahalaga cutting ability. Pangalawa, sa pag-palahi maraming pagkakataon na ang kalalabasan ay taliwas sa ating inaasahan. Kaya mas mahaba ang proseso mas maraming di inaasahan ang man-gyayari at maaring mas maraming pagkakamali ang magawa. Kung ganito ano ang gagawin ng isang praktikal na manlalahi?

    Para sa isang praktikal na nagpapalahi hindi na kailangan ang malalalim na kaalaman sa genetics. Sa atin sapat na alam natin na ang la-yunin ng inbreeding ay upang maging puro ang magagandang katangian para ang indibidwal ay maging homozygous sa katangiang ito. Kapag homyzygous ang indibidwal wala na itong ibang itatapon sa anak kundi ang genes para sa katan-giang iyon. Magiging magandang tatyaw o inahin ang indibidwal na ito. At, alam din natin na ang paghahalo ng dalawa talong purong linyada ay magbubunga ng isang mestiso o cross na malimit lalabas na mas magaling kaysa alin mang magu-lang na puro. Kaya kailangan ang puro dahil pamamagitan ng pag-gamit sa mga inbred at puro na mga indibidwal ay makapalabas tayo ng maga-galing na battlecrosses. Itoy maging two-way , three way o higit pa. Ang habol ng praktikal na manlalahi ay ang magbunga agad ng magaling na panlaban sa pinakamaikling panahon. Kaya maar-ing maiiba ang pamamaraan ng isang praktikal na manlalahi kung ihambing sa mga pamamaraan sa isang tradisyonal na manlalahi. Pagpapuro ng mga katangian Alam natin na ang hangad ng in-breeding ay ang ma-purify o gawing puro ang mga kanais-nais na katangian na taglay ng isang pamilya ng manok. Kaya pinagparespares natin ang mga mag-kamaganak na kabilang sa pamilya o linyada. Ta-lagang subok na ang pamamaraan na ito, ngunit masilan at mahabahabang panahon ang kailangan. Masilan dahil may pagkakataon na papasok ang inbreeding depression at maging duwag, lumiliit, masakitin at mahina sa labanan ang mga lalabas na supling. Kung tayo ay mag-iinbreeding kailangan ang di hamak na kaalaman sa pagpili kung alin-alin sa mga magkakamag-anak ang gagawing pan-gasta. Sa praktikal na pagpapalahi may ibang paraan. Kung ang layunin natin ang makapalabas ng langkay ng manok na puro sa isang katangian, halimbawa bilis sa pakipaglaban, maari namang gawin ito kahit hindi pamamagitan ng pag inbreeding. Halimbawa kumuha tayo ng tatyaw na napakabilis sa labanan at ipares natin sa isang inahin na hindi kamaganak ng tatyaw ngunit nang-gagaling sa isang linyada na kilala sa pagiging mabilis. Malamang ang anak nila ay mabilis. Kung ang ang anak na ito ay ipagpares natin sa bago na namang linyada ng mga mabibilis, malamang ang kalalabasan ay mabilis din ang mga manok sa ka-sunod na henerasyon. Kalaunan ma-purify natin ang katangiang mabilis kahit hindi tayo mag-inbreeding. Magagawa rin natin ito sa iba pang katangian tulad ng lakas, tapang, tibay at talino. Ingatan lang natin na ang mga indibidwal na pi-nagparespares natin sa proseso ay higit kumulang magkamukha ang hitsura, kulay ng balahibo at paa, hugis ng palong at iba pang pisikal na anyo upang hindi magka-sabogsabog ang hitsura ng ating mga palahi. Baka puro nga sa katangian na nais natin ngunit magkaiba naman ang kulay at hitsura ng mga ito. Walang masama kung maga-galing naman sa labanan, kaya lang hindi magan-dang tingnan sa manukan natin at hindi rin ito madaling ibenta sa mga mamimili. Bagaman, kung para sariling panlaban lang natin maige pa nga na ibaiba ang hitsura para hindi madaling matandaan ng mga tao sa sabungan na palagi nating pinupun-tahan at hindi katatakutan sa ulutan. Ang proseso ng pagbuo ng sariling lin-yada ay nangangailangan ng pagpapuro pamam-agitan ng pag-inbreeding. Ngunit, ang totoo, pag-

    P A G E 1 1

    Pamamaraan ng praktikal na manlalahi

    Hindi

    mahalaga kung

    itim man o puti,

    ang pusa, basta

    ba itoy

    makakahuli ng

    daga Mao

    Tse Tung

  • Corrective mating Halimbawa ng corrective mating ay kung

    ang isang linyada mo ay mababa ang tindig o maliit. Ang ginagawa natin ay ang ipares ito sa isang lin-yada na matatangkad at malalaki. Kung kulang sa lipad ipares natin sa linyada na mataas ang lipad. Kung kulang sa lakas bigyan natin ng linyada na malalakas. Ito ang tinatawag na corrective mating. May pagkakataon kasi na kahit ang magandang linyada na ating nabuo ay sa kalaunan ay makakara-nas ng ganitong kapintasan lalo na kung tayo ay nag-inbreeding. Tandaan lang na huwag na huwag subuking itama ang linyada na kulang sa cutting ability o kulang sa tapang. Agad-agad na i-reject ang linyada pag ganito. Napakamahalagang bagay ang cutting ability at tapang na kung ang alin sa ito ang makulang sa ating linyada wag na lang ipatuloy o tangkaing itama pa. Huwag tayo maniwala sa mga nagsasabi na may linyada sila na duwag pero nanalo 80% sa mga laban nila. Kung hindi yan sales talk, simpleng yabang lang yan. Ang pinakamatapang at pinakamagaling nga na linyada mahihirapan manalo ng 65%. Ang duwag pa? Ang linyada ay maitutur-ing na winning line kung itoy makapanalo 60% ng kanilang mga laban. Mangyayari lang yang 80% o 90% ang naipanalo kung kunti pa lang ang nailaban. Kung halimbawa isa pa lang ang nailaban mo at nanalo, 100% yan. Ang tamang batayan ng porsi-yento ng panalo ay kung abot na ng tatlongpung laban. Sa sampu may idea ka na. Sa dalawampu malapitlapit ka na sa katotohanan. Hindi na lang natin ipaliwanag ito ng husto, dahil nagiiwas tayo sa sobrang malalim na genetics mapunta pa tayo sa malalim na statistics. Upgrading Ang upgrading ay isang simulain sa pag-papalahi na angkop na angkop sa isang praktikal na manlalahi. Ang upgrading ay ang patuloy na pagpa-sok sa ating palahi ng bagong linyada na inaakala nating makadagdag sa kakayahan ng ating mga pangkasalukuyang linyada. Bagay ito sa praktikal na manlalahi dahil sa halip na magtiyaga tayo sa pag-inbreeding o intra-bloodline selection para ma-paangat ang antas ng ating linyada, hahahanap na lang tayo ng bagong linyada na magaling at ipasok ito sa ating palahi. Kaya itong gawin ng praktikal na manlalahi. Subalit para sa mga tradisyonal na manlalahi masakit para sa kanila na sa bawat pag-kakataon ay kalahati na lang sa dugo ng kanilang linyada ang matira dahil ang kalahati ay palaging bago. Isang praktikal na programa gamit ang upgrading ay ganito: Una kumuha ng trio ng mga pure galing sa isang linyada, at ilan pang inahin na hindi kamaga-nak ng trio. Kung kapos sa budget pair lang ng isang linyada at ang iang inahin ay galing sa naii-bang linyada. Pag ganito kasi, sabay kang makapag-papuro sa isang linyada at makapagcross pa. Sa unang taon ay may pure line ka, tawagin natin na pure A, at may two-way cross ka, tawagin natin na two-way 1. Kung maganda ang resulta sa unang henerasyon, sa pangalawang taon ipagpatuloy ang pagpapuro ng pure A. Ipagpatuloy ang iyong cross, ang two-way 1. Kumuha ng bagong magaling na pure pair ng isang linyada na kamukha ng iyong linyada ngunit hindi kamaganak. Ito ang gamitin tatyaw sa mga pure pullets na napalabas mo sa na-karaang taon. Ito naman ang two-way 2 mo. Ma-gamit mo rin itong tatyaw sa mga pullets ng iyong cross. Ito ang three-way 1 mo. Habang pinares mo rin sa isat-isa ang iyong bagong pair. Ito ang pure line B. Sa pangalawang taon palang ay may dala-wang pure lines ka, A & B; dalawang two-way cross, 1 & 2 at isang triple cross, na tawagin nating three-way 1.

    Sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon ay isinaad natin ang mga katangian na nagbubuo ng maganda at ma-husay na manok. Uulitin natin na dapat una nating matutunan ang sining ng pagpili bago pasukin ang larangan ng pagpapalahi upang alam na natin kung anong uri ng manok ang ipalabas sa ating palahian. Hindi biro ang magpalabas ng pamilya ng manok na taglay ang maraming kumbinasyon ng mga katangiang kanaisnais. Halimbawa lang, sabi-hin natin na apat lang ang mga katangiang kina-kailangang taglay ng manok at matawag na itong tularan na manok. Kahit na ang tototo sobra talaga sa apat. Ang apat na gawin nating halimbawa ay cutting ability, tapang, talino at bilis. Ang gina-gawa ng mga manlalahi noong araw ay ang maghanap ng apat na linyada. Ang isa ay taglay ang matinding cutting ability, ang isa na-pakatapang, ang isa napakatalino, ang isa napakabi-lis. Noong araw kung kailan ang butcher ay talagang butcher, ang hatch ay talagang hatch, ang roundhead ay talagang roundhead at ang kelso at claret ay talagang kelso at claret, ang mga ito ang kinatawan ng mga nasabing katangian. Ang butcher para sa cut; hatch para sa tapang at tibay; round-head sa talino; at kelso o claret sa bilis. Ang mga ito ang malimit na ginagamit ng mga manlalahi noon sa Amerika.. Ang isang tradisyonal na manla-lahi ay magsisimula pamamagitan ng pagpalahi ng apat na linyada. Pagkatapos ay gumagawa ng dala-wang two-way crosses. Ipagpares nya ang mga two-way crosses na ito upang makabuo ng 4 way-cross na taglay ang apat na katangian. Pagkatapos saka palang siya gumagawa ng adjustments kung alin na naman sa apat na linyada ang ipasok uli para mapunan ang pagkukulang ng kanyang 4-way cross. Tandaan na apat lang na katangian ang gi-nawa nating halimbawa at mahabahaba na ang proseso bago marating ang finish line. Ang finish lineay ang makapalabas ng battle crosses na taglay ang apat na katangian sa tamang proporsyon. Malayo ang finish line kung gagawin natin ang ginagawa ng mga tradisyonal na manla-lahi. Naguumpisa sila sa starting line. Ang prakti-kal na manlalahi ay hindi naguumpisa sa starting line. Naguumpisa tayo malapit sa finish line. Oo dahil ngayon maari na tayong magsimula malapit sa finish line. Sa halip na magsimula tayo sa pagha-hanap ng apat na linyada ay kumuha na lang tayo ng dalawang linyada na parehong taglay ang apat na naturang katangian. Noong araw mahirap ito gawin dahil sa kakulangan sa mga linyada na taglay na ang ibat-ibang katangian. Ngayon hindi na. Napakaraming linyada ngayon ang nagsila-basan na taglay ang napakaraming katangian. Ang ating mapagpipilian ay ang magsimula sa totoong starting line at kumuha ng apat na linyada na may ibat-ibang taglay na katangian at makapagyabang na authentic ang mga linyada natin, o ang mag-short cut at may tsansa na agad makapagpalabas ng magagaling na battle crosses at makatipid sa gastos at panahon. Kaya nga lang, kung pipiliin natin ang huli, hindi tayo dumaan sa tamang proseso sa pag-papalahi, at wala tayong kahit isa man lang sa tina-tawag nilang authentic pure, anuman ang kahu-lugan o kahalagaan ng salitang ito. Ang praktikal na manlalahi ay madaya nga. Nagsyusyurkat. Sa pagsyusyurkat nating ito wala naman talaga tayong dinadaya na tao. Ang dinaya natin ay ang pera at panahon na magastos sana natin kung susunod tayo sa tradisyonal na proseso. Hindi ba the end justifies the means? Lalo na para sa ating mga masang nagmamanok na ang hangad lang ay ang masiyahan sa ibat-ibang as-peto ng sabong kagaya ng ating mga kapatid na may kaya.

    P A G E 1 2

    Ang praktikal

    na manlalahi ay

    madaya.

    Nagsyusyurkat.

    Dinadaya natin

    ang pera at

    panahon na

    sanay ating

    magugulgol.

  • Intervention Ang intervention ay salitang ibinigay ng RB Sugbo Gamefowl Technology sa isang naka-kaibang uri ng infusion o breeding in-breeding out. Di kasi natin alam kung ano ang tugmang genetic na termino kung mayroon. May pagkakataon kasi na sa ating palahi ay may malaking kaibahan na gusto nating gawin. Halimbawa may sweater na linyada tayo. Pula dahil sweater nga. Pero gusto nating magpalabas ng sweater na talisayin. Kaya ginawa natin ay nagpasok tayo ng pure talisayin sa ating sweater. Dahil dominante ang talisayin sa pula lahat ng anak ay naging talisayin bagaman talisayin lang ang mga ito at sweater. Kasunod ay pinares natin ang mga 1/2 talisayin-1/2 sweater sa isa pang sweater na puro. Ang mga anak ay sweater na at talisayin. Sa salinhaling ito kala-hati na lang sa bilang ang talisayin ang kulay dahil ang mga talisayin na gamit natin na pangasta sa henerasyon na ito ay hindi na puro talisayin. Ipag-patuloy pa natin. Kukuha tayo ng mga kulay tali-sayin sa mga sweater -1/4 talisayin at ipares natin sa isa na namang puro sweater. Ang susunod na mga supling ay 7/8 sweater at 1/8 talisayin na lang. Kalahati pa rin ng mga ito ay talisayin ang kulay dahil dominante nga ang talisayin. Kung ulitin pa natin magiging 15/16 sweater na ang mga ito. Parang sweater na talaga sa dugo ngunit may kalahati pa rin sa bilang nila ang talisayin. Kung ipagpares natin ang mga talisayin sa mga ito maari tayong makapalalabas ng puro talisayin. Samakatuwid nakagawa tayo ng sweater na talisayin ang kulay. Ang pagkaiba ng infusion dito sa tinatawag natin na intervention ay ang han-garin. Samantalang ang hangarin ng infusion ay unti-unting ibalik ang linyada sa orihinal, ang sa intervention ay nais nating manatili ang kaibahan na ating ipinasok bagamat halos balik na tayo sa orhinal na komposisyon ng dugo. Ang sistemang ito ang dahilan kung bakit ibat-iba ang mga katangian at kakayahan ng mga linyada kahit magkatulad ang pangalan ng kanilang lahi. Ang lacy roundhead ni manlalahi A ay maaring iba sa lacy roundhead ni manlalahi B kahit pa na ang mga orihinal nila na materyales ay galing sa isang pamilya lang o magkakapatid pa. Depende kasi sa gusto ng partikular na manlalahi. Pamamagitan ng intervention o infusion, maaring gawin ni manlalahi A na mas mabilis ang kanyang lacy kay sa orihinal niyang nakuha. Maari namang gawin ni manlalahi B na mas malakas ang sa kanya. Kaya palagi nating pinaalala sa mga prakti-kal na manlalahi at sa mga kamana natin na hindi dapat ibatay sa pangalan ng lahi ang pagpili kundi sa aktwal na katangian at kakayahan. May sweater na magaling may sweater na bulok, may sweater na mabilis may sweater na mabagal. Gayundin ang lahat pa ng ibang linyada. Piliin natin ang manok na gusto natin ano paman ang pangalan ng lahi nito. 3-way cross: Mas maige ba kung ang puro ay ang tatyaw? May mga batikang manlalahi na nagsa-sabi na ang kagalingan ng manok sa pakipaglaban ay nakukuha sa ina. Marami na tayong narinig na ganyan. Minsan nga si Philip Neri, na isa ring manlalahi at manunulat sa mga magazine sa pag-mamanok, si Dr Andrew Bunan, tanyag na may akda ng ilang aklat sa pagpapalahi, at ang inyong lingkod, ay nagkaroon ng mga kaugnay na arti-kulo sa Pit Games hinggil sa paksang iyan. Nagsil-beng diskasyon ang tatlong nagkasunod na arti-kulo namin. Nag-umpisa yon sa isinulat ni Neri na pinamagatang The Hen Factor. Nasabi niya sa artikulong iyon na batay sa kanyang karanasan ang fighting style a pinapasa ng inahin sa anak nito na lalake at nang tatyaw sa anak nito na babae. Sinun-dan ito ng artikulo nating pinamagatang Can we create pures out of crosses?

    Sa pangatlong taon kahit hindi ka pa kukuha ng bagong linyada, maramirami na ang matings na posible mong gawin. Kung lahat sa mga matings mo sa nakaraang taon ay magagaling ipatuloy mo. Iilan sa mga panibagong pagparespares na maari mong gawin ay Pure A x Pure B; unang brood-cock x Pure B; at two-way 1 x two-way 2. Ang pagpares ng two-way 1 at three way 1 ay inbreed-ing. Hindi lang ang mga ito, dahil maari kang mag-backcross sa mga tatyaw at mga inahin. Sa paggawa ng mga kumbinasyon makikita ang kakayahan ng manlalahi. Ito ang kahalagahan ng kaalaman sa pagpili. Kung talagang mahuhusay ang dalawa mong trio, at tama ang iyong pag-parespares, dahil magaling ka sa pagpili, sa loob ng tatlo o apat na taon maari nang makilala ang palahi mo. Paglipas ng ilang taon maari ka na na-mang mag upgrade at kumuha ng bagong linyada, kung sa palagay mo kakailanganin. Para sa isang praktikal na manlalahi, ma-ganda ang programang gamit ang patuloy na up-grading. Ang konsepto ng infusion ay hindi para sa isang praktikal na manlalahi. Para malaman natin kung bakit, tatalakayin natin ang infusion. Infusion

    Ang infusion ay pagpapasok ng bagong linyada sa ating palahi na unti-unti naman nating tinatanggal. Ito ay breeding in at breeding out. Halimbawa ang palahi ng RB Sugbo na ponkan ay nangangailangan ng karagdagang bilis, ang gina-gawa natin ay mag-infuse o magpasok tayo ng, halimbawa, radio na dugo na kilala sa pagiging mabilis. Ang labas ng mga anak ay 50% ponkan at 50% radio. Kung ang half and half ponkan/ radio na ito ay ibalik natin sa isa pang purong ponkan. Ang mga anak ay 3/4 ponkan at 1/4 radio. Kung ipagpatuloy pa natin ang pag breed out ang kalala-basan ay 7/8 ponkan at 1/8 na lang ang radio. Maari itong gawin hanggang 15/16-1/16, 31/32-1/32 o lampas pa hanggang nais natin o hanggang dapat.

    Ang layunin ng infusion ay ang tinatawag sa Inglis na shot in the arm o kung sa atin ay pampagising. Sa katagalan kasi ng pag-inbreeding maging puro ang ating manok. Ang mangyayari ay magiging limitado ang genetic variation kaya wala nang masyadong mangyayari. Kaya nilalagyan natin ng panibagong mga genes para kumulo na naman. Ngunit unti-unti rin natin itong i-breed out upang mabalik naman sa pagiging ponkan ang ating palahi, na may taglay na mas maraming sari ng genes at balik na naman ang bilis.

    Hindi bagay sa isang praktikal na manla-lahi ang infusion. Kukuha tayo at gagasta para sa isang bagong linyada upang alisin sa kalaunan? Shot in the arm? Bakit ang upgrading ba ay hindi shot in the arm? Ang dahilan bakit ginagawa ang infusion ay ang tinatawag na sentimental attach-ment ng breeder sa kanilang linyada. Linawin natin ito. Ang hangad ng infusion ay upgrading din. Hangad natin na mapaangat ang galing ng ating linyada. Ngunit sentido komon ay makapag-sabi na pagdating ng ilang henerasyon paliit ng paliit ang impluensiya ng linyadang ginamit mo para infusion, kung mayroon mang natira. Baka, ang di natin alam ay gumaling ulit ang linyada natin hindi dahil sa bagong dugo kundi sa maha-bang proseso ng breeding out ay nakagamit tayo ng indibidwal na nanggaling sa ating linyada na napakagaling na pangasta.

    Ang kaibahan ng upgrading sa infusion, ang sa upgrading hindi kailangang i-breed out ang bagong dugo. Ibig sabihin mananatiling malaki ang impluensiya nito sa susunod na mga hen-erasyon. Kaya sulit ang gastos natin sa pagbili ng bagong linyada.

    P A G E 1 3

    Upgrading ay

    angkop sa

    isang praktikal

    na manlalahi,

    ang konsepto

    ng infusion ay

    hindi.

  • dahilan nila ay malimit mas magaling sa pakipaglaban ang

    two-way cross kay sa puro. Tama. Ito rin ang kalimitan

    nating ginagawa sa RB Sugbo. Hindi dahil buo

    ang ating paniniwala sa sinasabing sa inahin magmumula ang kagalingan sa pakipaglaban,

    kundi dahil sa praktikal tayo. Una mas marami

    ang magagamit natin na inahin kaysa tatyaw

    dahil ang ratio natin ay lima hanggang sampung

    inahin bawat tatyaw. At, siyempre sa mga pala-

    hian mas marami ang crosses kaysa pure. Pan-

    galawa, mas malakas mangitlog ang crosses

    kaysa pure. Kung ang mga inahin ng ating triple-

    crosses ay mga pure, baka kukunti lang ang mai-

    palabas natin. Pangatlo at pinakamahalaga, ang

    lalaki napipili natin batay sa kagalingan sa paki-pagpaglaban dahil maari nating ibitaw at ma-

    kikita kung sa partikular na tatyaw na ito ay

    wala pang masamang epekto ang inbreeding

    pagdating sa pakipaglaban. Sa mga pure na ba-

    bae hindi natin ito magawa.

    Nasabi natin doon na kung totoo ang obserbasyon ni

    Neri maari nating nakawin ang fighting style ng kanyang

    hulsey, isang linyada niya na ayaw ipagbili. Gagawin

    natin ito pamamagitan ng pagpapalahi ng kanyang kelso-hulsey cross na pwede niyang ipagbili. Sabi

    natin pagdaan ng tatlong henerasyon ang mga palahi

    natin maging tandang man o ma-inahin ay puro na sa

    fighting style ng kanyang hulsey.

    Sumunod ang artikulo ni Dr. Bunan. Sabi

    niya bagamat hindi sa lahat na pagkakataon na itoy

    mangyayari, may posibilidad na magkatotoo nga ang

    isinulat ko. Samakatuwid lumitaw sa aming magka-

    sunod na artikulo na may butil ng katotohanan sa

    kasabihan na ang kagalingan sa pakipaglaban ay na-

    kukuha ng tandang galing sa ina. Narinig at nabasa narin natin ito sa iba pang nagpapalahi hindi lang

    dito sa Pilipinas kundi maging sa Estados Unidos.

    Kaya baka nga may katotohanan.

    Dahil dito ang payo ng karamihan sa mga

    bihasang manlalahi ay kung nais mag-triple cross,

    ang gawin ay puro ang tatyaw, two-way cross ang inahin. Ang

    P A G E 1 4

    Mga kaganapan sa Mana sa unang taon nito (2007-2008) Dec 20, 2006: Unang lumabas ang pitak Llamado tayo ni kamanang Rey Bajenting sa pahayagang Tumbok Aug 7, 2007: Boying Santiago ng Camarines Sur, at noon ay PIO ng Bicol Gamefowl Breeders Association

    ay nag mungkahi sa pitak llamado Tayo na magtatag ng samahan o kilusang pambansa para sa mga pangkaraniwang sabungero. Nagsimula ang membership ng Mana pamamagitan ng pag text.

    Dec 20 2007: Unang anibersaryo ng Llamadao Tayo. Ang mga nagpamembro pamamagitan ng text ay umabot ng lampas isang libo. Dito naenganyo ang iilan sa mga prime movers sa Visayas na i-organisa ang Mana sa Central Visayas at Eastern Visayas.

    Feb 16, 2008: Pinakaunang Mana seminar at chapter natatag sa City of Naga Cebu, katuwang ang Sagupaan Super Feeds. Si Dr. Marlou Sabit ng Sagupaan ang nagpaseminar.

    March 8, 2008: Sinundan ng pagtatag ng southwest Cebu chapter sa Ronda, Cebu. Si Dr. Marlou Sabit ng Sa-gupaan at Dra. Nieva Ariate na sa panahong iyon ay sa Secret Weapon pa konektado, ang nagpaseminar.

    April 24-26 2008: Nagpunta tayo ng Tuguegarao upang i-semento ang paguusap pagitan natin at Jt Northern Star; Nag-conduct din tayo ng Hands-on-at-farm training sa ating mga kamana doon pati na ang iilan na taga-Kalinga.

    April 27, 2008: Mana- Secret Weapon seminar sa Quezon. Ang kaunaunahang Mana seminar sa Metro Ma-nila. Si Ginoong Biboy Enriquez ang nag-conduct ng Seminar. Katulong si Dra Nieva Arieta.

    May 17, 2008: Isa na namang Mana- Secret Weapon seminar sa Nabua, Camarines Sur sa Pangunguna nila kamanang Jessie Abonite, kagawad ng Iriga, City at ni kamanang Boying Santiago.

    June 28, 2008 : Sa National Gamefowl Training Center ( NGTC) sa San Mateo Rizal, ginanap ang Mana- Ex-cellence Poultry & Livestock Specialist seminar.

    July 19,, 2008: Mana-Sagupaan seminar ang naganap sa Lawaan, Eastern Samar. Natatag sa Lawaan Eastern Samar ang kaunaunahang chapter ng Mana sa Eastern Visayas. Pagkatapos nito ay may iilan na ring kasunod na mga pulong, seminars at training sa dakung ito ng Pilipinas, ang Leyte-Samar o Region 8.

    Aug 8, 2008: Mana- Thunderbird seminar sa Caloocan. Si ginoong Boy Marzo ang pangunahing speaker. Aug 10, 2008: Natatag ang unang chapter ng Mana sa Caraga region, sa Surigao del Sur ang base.

    Sept 16, 2008: Lumabas ang Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon. Oct 26 to November 6, 2008: Nag-organize ang Mana sa Northern Mindanao, at Bohol Nov 8, 2008: Advanced seminar sa Quezon City. Sa seminar na ito maraming napagpasyahan mahahalagang

    bagay. Dec 5,6 and 12, 13, 2008: Trainors training para sa Visayas regions 7 & 8 ginanap sa Eastern Samar at sa Bo-

    hol Dec 20, 2008. Pangalawang anibersaryo ng llamado Tayo. Ito na rin ang dineklarang unang Araw ng Mana. Napagti-bay ang pagtutulungan ng Excellence Poultry and Livestock Specialist at ng Mana ang pakipagtulungan para sa ika-bubuti ng masang sabungero, pamamagitan ng Voltplex Kill Quick Welfare Series at iba pang aktibidad sa taong 2009.

    Kasunod nito ay nagbigay din ng tulong ang B-meg para sa Mana gamefowl dispersal program. Sa pagpasok nang taong 2009, masigasig na naghanda ang samahan para sa isang mas masagana na taon. Sa

    pagpasok ng taong 2009 may lampas sampung libo na ang mga kamana sa buong kapuluan. May apat na Mana divi-sions. Ang Metro na binubuo ng regional chapters ng NCR, S. Tagalog at Bicol; ang Northern division, Regions 1,2,3 at CAR; Central division ang Visayas regions; at ang Southern Division na binubuo ng mga chapters sa Mindanao.

    Sa 2010 pinagpatuloy ang mga proyekto tulad ng seminars at gamefowl dispersal. At naglunsad ng website at online publication sa internet ang manainc.webs.com na tinatangkilik ngayon ng napakarami.

    Nagkaroon din ng libreng cocking school sa internet, ang Pinoy Manok Academy.

    Ang istilo sa

    pakipaglaban ay

    namamana nga ba

    ng tandang galing

    sa ina?

  • Pakain ng mga pangasta at mga sisiw

    P A G E 1 5

    Halos sa lahat ng pagkakataon ay pinapayo natin ang magtipid. Mas nakaka-enjoy kasi ang larong sabong kung di ito magiging pabigat sa bulsa. At sa atin na mga masang sabungero, ang kaunting halagang matitipid natin ay malaki na rin ang maitutulong sa ating budget. Sa halip na mga mamahalin at branded na pellets at grains ang ipatuka natin sa mga manok maghanap tayo ng medyo mura ngunit ayos pa rin ang kalidad. May mura na hindi mumurahin. May paraan din sa pagtipid na hindi masasakripisyo ang pagbigay ng nararapat na sustansya. Halimbawa sa patuka, may mga kumpaniya na gumagawa ng feeds na matataas ang reputasyon. May mga top of the line feeds sila na mamahalin. May mga ordinary equivalent din sila na mas mura. Halimbawa ang B-meg ay may Derby Ace chick booster, junior starter, stag developer at mga maintenance at condi-tioning pellets. Subalit, may Integra series din sila na may booster, stag developer, at maintenance pellets. Ganoon din ang Thunderbird, may GMP line of feeds sila na mura kaysa Thunderbird brands. May lamang talaga sa quality ang top of the line products nila kaysa kanilang economy series, ngunit alam natin ang reputasyon ng mga kumpaniyang ito, hindi sila gagawa ng produkto na makakasira sa pangalan nila, samakatuwid kahit ang mga tipid na feeds na gawa nila ay angkop pa rin sa pangan-gailangan ng manok. Pwede na tayong mag tiyaga sa mga ito. Sa halip na puro laying o breeders pellets, stag developer, at conditioning feeds ang ibigay natin, pagtiyagaan na lang natin ang pigeon pellets o ang Integra at GMP. At sa halip na ang ihalo natin sa pellets ay puro mamahalin na conditioner grain mix, haluan na lang din natin ng pangkaraniwang grains concentrate. Sa pakain gawin nating halimbawa ang programa natin sa Mana Gamefowl Dispersal sa Teresa, Rizal. Ito ang pro-grama natin. Sa brood cock: Halo ng Halimbawa Derby Ace Power Conditioner Pellets at kasing dami ng Thunderbird Multi-grains conditioner. Ibig sabihin sa ating halo 50% ang pellets 50% ang grains. Pagdating sa mga tatyaw di na kailangang magtipid pa tayo dahil kukunti lang ang tatyaw at saka kailangan talaga ng tatyaw ang pinakamasustansya na pakain lalo na kung maraming inahin ang kasama nito. Tandaang ihiwalay ang tatyaw sa mga inahin sa oras ng pagpapakain. Kung kasama ang tatyaw sa mga inahin hindi ito makakain dahil ibibigay o ipararaya ng tatyaw sa mga inahin ang pakain niya. Broodhens: 40% Derby Ace Breeder Layer Pellet, 40% B-meg Integra 3000 maintenance pellets; at 20% Thunderbird multi-grains concentrate. Kung tayoy mag wet feeding palitan natin ang Integra 3000 ng Bmeg layer crumbles. Maliliit kasi masyado ang crumbles kaya kailangan basa ito kung ipakain sa mga inahin. Sa atin kailangan ang dry feeding kaya Integra maintenance pellets ang gamit natin. Inahagis lang kasi natin sa yard ng mga inahin ang pakain para kalat at yong mga nasa ma-baba sa pecking order ay makakain parin. Kung wet feeding mapipilitan tayong ilagays sa kainan kaya ang matatapang lang ang makakain ng marami. Ang mangyayari walang mangingitlog dahil ang matatapang ay sobrang taba ang iba naman ay payat. Bigyan din paminsan-minsan ng mumurahing vitamin A, D at E at minerals na calcium at phosphorous. Mas mainam yong ihalo mo sa inuming tubig kaysa tabletas o kapsula na kailangan mo pang isubo paisa-isa. Isang magandang concentrated mineral supplement ay ang Secret Weapon. Ipatak lang ito sa tubig o pakain. Ang Excellence Poultry ang Livestock Specialist, halimbawa, ay may cal-phos. May generic na b-complex injectable din na tipid. Makakatulong ang vitamin bcomplex na in-jectable. Isang turok lang sa bawat dalawang linggo ay sapat na. Mahalaga lang na hindi mataba ang inahin. Dahil hihina ang pangingitlog nito. Mainam kung makakakain ang inahin ng damo o gulay. Lalo itong sisigla. At, tiyakin na ang kinalalagyan ng inahin ay may hindi bababa sa 12-14 oras ang liwanag. Kaya sa mga malalaking palahian ay may ilaw ang mga breeding pens. Sisiw: Unang arawtubig lang na may kunting asukal, May sustansya pa ang sisiw na galing sa nakuha nito sa itlog. Pangalawang araw- umpisahan na nating magbigay ng Derby Ace Chick Booster . Karamihan sa chick booster ay 22-23% ang crude protein. Sa Derby Ace 24% ang crude protein. Maari na rin nating haluan ng MVE o multivitamins with electro-lytes ang tubig, halimbawa Electrogen o Selectrogen. Pangatlo at pang-apat na araw- Derby Ace Chick Booster at MVE pa rin. 6th- 7th daypuro chick booster pa rin. Ang hinahalo natin sa tubig sa mga araw na ito ay pro-biotics. Yong lactobacil-lus. Ang Lacto Pafi ay mabibili na ngayon sa mga agrivet stores. Ihalo lang ang isang kutsaritang lacto sa iang litrong tubig. Kung napapansin nyo sa unang linggo ay di pa tayo nagbibigay ng anti-biotics. Ang punto natin dito ay di pa kailangan dahil ang sisiw ay mayroon pa sa tinatawag na natural immunity at itoy magtatagal hanggang dalawang linggo. Kaya sa unang linggo, sa halip na gamitan natin ng anti-biotics na maari pang makamamatay pati sa mga good bacte-ria, ang ginagawa natin ay ang mas palakasin pa ang kanilang immune system pamamagitan ng pagbigay ng bitamina, mineral, at pag-introduce ng pro-biotics sa kanilang sistema. Ang pro-biotics ay ang pag-paparami ng mga good bacteria upang maging panlaban sa bad bacteria. Kung mas malakas ang good bacteria kaysa bad bacteria sa katawan, ito ay magiging malusog at ligtas sa sakit. 2nd week. 8-14th dayPuro chick booster pa rin ang ating pakain. Dito ay nagbibigay na tayo ng anti-biotics. Ang ginagamit natin ay tetracycline lang muna o ang mga variants nito. Sa days 8, 9 and 10 natin ito binibigay. Sa days 11 at 13 pro-biotics na naman tayo. MVE sa days 12 at 14. Bale sa unang 3 araw ng linggo anti-biotic at sa susunod na 4 na araw alternate natin ang pro-biotic at MVE.

    Tantyahin lang natin na ang tubig na may gamot ay mauubos nila sa buong araw. Sa gabi po plain water ang binibigay natin. Sa umaga na natin palitan uli ng may gamot. Ito ang ating sistema palage. 3rd week. Days 15-21 Sa first half po ng linggong ito ay puro chick booster pa rin ang pakain natin. Simula sa day 19 dahan dahan nating hinahaluan ng corn grits para unti-unting bumaba ang antas ng protein at ang halaga ng ating pakain. Umpisa na tayong magtipid. Sa day 19 haluan ng 10% corn grits Sa day 20 ay 20% sa day 21 ay 30% na ang corn grits. At upang mas makatipid pa dahan dahan din nating hinahaluan ang chick booster ng bsc o broiler starter crumbles. Ganoon din po ang sistema. 10%,20% at 30%. Sa makatuwid pagdating ng Day 21 ang ating halo ay 40% chick booster, 30% bsc at 30% corn grits. Malaki po ang matipid natin dito. At hindi naman gaanong bababa ang CP natin dahil ang bsc ay may 22% crude protein din tulad ng chick booster. Nasa 18% to 19% pa rin ang CP ng halo na ito. Ang supplement po natin sa linggo ito ay katulad ng sa 2nd week. 3 days anti-biotic, Tapos alternate ang probiotic, at vitamins and electrolites sa nalalabing 4 na araw. TMPS o cotrimazine na ang anti biotic natin sa linggong ito. Ganoon pa rin plain water sa gabi.

  • P A G E 1 6

    4th week Sa linggong ito ay patuloy nating pinapalitan ang chick booster. May ibang programa na stag developer ang dahan da-han nilang pinapalit. Ngunit batay sa ating karanasan, malalaki pa ang micro-pellets gaya ng stag developer para sa mga mag-iisang buwan palang na sisiw. Sa atin dahan dahan nating wina-wala ang chick booster ngunit ang pinapalit natin ay bsc, at ang Derby Ace Junior Starter. Crumbles din ang Derby Ace Junior Starter kaya tama lang ang para sa sisiw na 1 month old pa lang. May corn grits pa rin pero yong medyo malalaki na ang butil. Ang mangyayari pagkatapos ng linggong ito ang pakain natin ay 30% corn, 30% bsc at 40% Bmeg jr starter . Sa unang buwan po ay adlibitum ang pakain natin. Walang limit, hanggang sawa. At dahil may ilaw pa ang brooder, ibig sabihin 24 hours may pakain ang mga sisiw. Ang ating suplemento ay ganoon parin. Ngunit ang ating anti- biotic ay yong mas marami ng sulfaquinoxaline. Malapit na kasi nating ibaba ang mga sisiw galing brooder na may sahig papuntang brooder o pen na nasa lupa. Ang pen na nasa lupa ay linalagyan natin ng rice hull para mas malinis at mas masaya ang mga sisiw sa pagkakha. Nakakatulong din ang rice hull sa pag-bigay ng init sa gabi. Ang sulfaquinoxaline ang panlaban natin sa coccidiosis na malimit umatake sa sisiw na bagong baba sa lupa. Ipagpatu-loy pa rin natin ang pro-biotic. Pag may sobrang pro-biotic o lactobacillus mixture ay sa loob ng pen itapon. Ang probiotic ay makakatulong sa paglaban ng bad bacteria na nasa lupa. Ito din po ang ginagamit nating preventive disinfectant ng lupa. Ayaw nating gumamit ng chemicals, maliban lang kung talagang emergency at kailangan na malinis agad-agad ang lupa. Mabilis ang bisa ng chemical laban sa mga mikrobyo. Pero di naman ito makakabuti sa lupa in the long run. Samantala, ang organic at probiotic na sistema ay nangangailangan ng mas mahabang panahon upang gumana. Ngunit wala itong ma-samang epekto sa lupa. Sa kalaunan mas maka benepisyo pa ang lupa na patuloy na ginagamitan nito. Ganoon din po sa katawan. Kung kailangan ang immediate na gamutan, anti-biotic po ang ating kinakailangan. Pero may risk ito. Dahil maaring hihina maging good bacteria at hihina din ang immune system ng katawan. At saka ang patuloy ng paggamit ng isang uri ng anti-biotic at maaring ma-immune ang mikrobyo at hindi na tatablan sa partikular na antibiotic na gina-gamit natin. Kaya nga ang sabi nila, dahil sa patuloy nating paggamit ng anti-biotic, ang mga bacteria daw ngayon ay nakasakay sa tangke at ang mga air-borne virus ay nakasakay sa eroplano. 1 to 2 months Sa unang tatlong linggo ay ipagpatuloy natin ang pagbigay ng ating halo na 30% bsc, 30% corn at 40% Bmeg jr starter. Ika-4 na linggo ng pangalawang buwan ay dahan-dahan nating i-introduce ang Integra 2000 stag developer. Sa pangalawang buwan habang nasa pen sila, case-to-case ang ilaw natin. Kung gabi na umuulan o malamig iniilawan pa natin sila. Kung hindi, pinapatay na natin ang ilaw, lalo na simula sa pangatlong linggo ng ikalawang buwan. Samakatuwid, kahit ad libitum ang pagbigay natin ng pakain, maaring hindi na 24 hours ang pagkain nila. Tandaan lang na sa panahong ito kahit ad-libitum pa rin ang pakain natin hindi ibig sabihin na hindi natin ipauubos muna ang pakain bago tayo maglagay. Mas maige kasi na may panahon na ginugutom ng bahagaya ang mga sisiw para mag-galaw galaw ito at magiging ak-tibo, at maeehersisyo naman. Ang totong ad-libitum na pagpapakain ay para lang sa nga broilers. Ayaw kasi nating malikot ang mga broilers para mas madali itong tumaba at bumigat ang timbang. Tandaan sa broilers ang mahalaga lang ay ang rate ng feed conversion into body weight. Sa gamefowl hindi timbang at laki ang pinakamahalaga kundi ang ehersisyo. Sa panahong ito patuloy tayong nagbibigay ng pro-biotic, MVE at anti-biotic na halo sa tubig. Ganoon pa rin ang sis-tema sa isang linggo 3 days anti-biotic, 4 days alternate ang probiotic at MVE. Ang ating anti-biotic ay alternante din. Sa unang linggo ay sulfaquinoxaline, sa pangalawa, tmps, pangatlo contramaz-ine at sa ika-apat ay i-introduce natin ang mas matapangtapang na anti-biotic laban sa sipon tulad ng tiamulin at amoxycillin. Ito ay dahil di magtagal ay nasa pagalaan na ang mga sisiw at mas matindi na ang pagka-expose nila sa kalikasan. Pinupurga natin ang mga sisiw sa pagtapos ng buwan na ito. Dahil sa loob ng isang buwan na nasa lupa sila maaring magkaroon ang mga ito ng bulate. 2-3 months. Sa simula ng pangatlong buwan, umpisa nating i-introduce, dahan dahan pa rin, ang stag developer, at pigeon pellets o kayay maintenance micro pellets. Dahan-dahan din nating hinahaluan ng ibang maliliit na grains. Maliban sa cracked corn, maaring bigyan natin ng wheat. Basta ang proportion ay 30% corn at wheat, 30% pigeon o Integra maintenance micro pellets at 40% Integra stag developer. Ganoon pa rin ang halo natin sa tubig. Anti-biotic 3 days sa isang linggo at alternate ang MVE at pro-biotic sa nalabing 4 na araw sa isang linggo. Pagkatapos ng pakain sa hapon, plain water na lang. 3-6 months. Sa panahong ito nasa pagalaan ang mga cockerels at young pullets . Ang ating pakain ay 30% concentrate, 30% Pigeon pellets o maintenance micro pellets at 40% stag developer. Tatlong beses ang pagbigay natin ng pakain. Sa 7am 12 pm at 4 pm. Pinapalitan din natin ang tubig bawat pagpakain. Halos ganoon pa rin ang ating gamot sa tubig. At pinupurga natin bawat 45 days. Samakatuwid dalawang beses sa loob ng tatlong buwang nasa free range ang mga manok. 6 months up Ito na ngayon ang growing maintenance stage. Tumutubo pa ang mga bagong huling stags kaya growing maintence stage ang tawag natin dito. Pagkahuli, pinupurga, liniligo ng anti-mite at bina-bacterial flushing natin ang mga ito. Tapos dinadaan natin sa tina-tawag na hardening process. Ang pakain natin dito ay concentrate at pigeon pellets o grower maintenance micro pellets na lang. 50- 60% ang pellets at 50-40% ang grains. Depende ito sa pangangatawan ng mga stags. Ang halo natin sa tubig ay MVE na lang at pro-biotic at paminsanminsan na lang. Mga twice a week na lang. Di na tayo nagbibigay ng anti-biotic kung walang sakit.

  • Bio-organic gamefowl

    P A G E 1 7

    Ang manok na sa pagalaan, sa bukirin o sa linang lu-maki ay mas maige kaysa manok na sa maliit na kulungan o yarda lang inalagaan. Mas matibay ang pangangatawan, mas maige ang pagunlad ng kalamanan at pagiisip, at mas malakas at mabilis ang manok na laki na pinagala sa madamo at malak-ing lugar. Nakakain ito ng mga damo, halaman at prutas, at ng mga insekto uod at bulate. Kung ilalaban an ganitong manok mas magagaling at matitibay kaysa laking kulungan. Kung gawin namang karne, mas masarap ang lasa. Ang kaalamang ito ang nag-udyok sa RB Sugbo Gamefowl Technology na isali sa programa ang bio-organic gamefowl raising. Ang hangad ay ang gawing panlaban ang mga lalaki at karne ang mga babae at reject na lalaki. Kung may nagaalaga pa ng native chickens para karne at kumikita naman, di hamak, na mas malaki ang kikitain kung sa halip na native chicken ang aalagaan, manok Amerikano nalang na maaring pansabong. Pagpapalahi: Napakadali ang sistema na ito ng RB Sugbo. Una pumili ng mga tatyaw dalawa, tatlo o marami depende sa lugar at sa makakayanan. I-cord ang tatyaw na malalayo sa isat-isa sa loob ng nakabakod na malaking yarda o pagalaan. Samahan ng mga inahin. Kahit lima hanggang sampung inahin sa bawat tatyaw. Samakatuwid kung dalawang tatyaw maaring hanggang dalawampung inahin ang pagsamasamahin natin. Ang tawag natin dito ay controlled natural selection mating. (Basahin ang controlled natural selection mating sa naunang yugto sa pag-pakasta, pahina 10) Pagpapaisa Maglagay sa loob ng yarda ng pabahay kung saan doon matutulog ang mga inahin sa gabi, at ito na rin ang mag-silbeng nesting area. Maglagay tayo ng nests kung saan sila mangingitlog. Isang nest sa bawat apat o limang inahin tama na. Hindi naman lahat ay sabay na mangitlog at maglilim. Walang kailangan ng incubator ang mga inahin na mismo ang kusang maglimlim. Pag may napisa na ilipat ang inahin kasama ang mga sisiw sa isang brooding pen. Diretso sa lupa ang mga sisiw. Pagmalakilaki na ang mga sisiw binubuksan ang pintuan

    sa araw upang ang mga sisiw ay makagala sa labas ng pen habang ang inahin ay nakatali sa loob. Ang pen na ito ay portable na linilipat bawat dalawa o tatlong araw. Palaging malinis ang lupa na kinala-lagyang ng mga sisiw at saka sariwa ang damo. Darating ang panahon na ang mga sisiw ay hihi-walay na sa inahin at hindi na babalik sa loob ng brooding pen. Sa labas na ang mga ito matutulog. Kaya sa loob ng tinatawag natin na brooding yard, ay may mga pabahay din kung saan doon makakatulog ang mga sisiw sa gabi. Sa gabi pag nasa loob na ang mga sisiw sinasara ito upang walang hayop na makapasok na maaring kumain sa mga sisiw. Pagpagala Sa edad na tatlong buwan pinapalabas na natin ang mga sisiw sa brooding yard papunta sa mas malaking pa-galaan, ang free range area. Pero bago ito gawin dapat ay kumpleto na ang ating vaccination o bakuna.

    Sa RB Sugbo walang fixed na pabahay sa pa-galaan. Ang ginagawa natin ay yong mga sisiw na paga-galain na ay pinatutulog natin ng dalawa o tatlong araw sa bahay na may gulong. Pagkatapos ay dahan-dahan nating ilabas at ilayo ang bahay na ito. Ilagay ito sa lugar na ma-layo sa ibang pabahay. Ito ang magiging kampo ng mga sisiw hanggang sa malaki na sila at sa mga punong kahoy na hahapon. Sa edad na tatlong buwan pinipili na natin ang mga babae na ititira. Ang iba ay kinakatay at pinagbibili bilang spring chicken. Ang iba ay binibili ng buhay para gawing palahian. Iba naman ang presyo nito kaysa kinakatay na por kilo lang ang presyo. Harvest Pag naglaban-laban na ang mga binatilyo, hinuhuli ang mga ito at tinatali sa cord area. Ito ang ating harvest. Pakain Makakatipid Tayo sa pakain dahil makakahanap ng pakain ang mga manok sa pagalaan. Lalo nat kung sinusuportahan natin ng natural inputs ang pagalaan. Halimbawa maglagay tayo ng mga decomposed o bulok na punong kahoy kung saan maninirahan ang mga anay at insekto, at mga bulok na prutas at gulay. Kukunti na lang ang ating ibibigay na com-mercial feeds. O kayay mais at kukunting pellets na lang. Kasi ang protina, bitamina at mineral ay makukuha na ng manok galing sa lupa at sa pagalaan. Maghalo lang din tayo ng mumurahing gamot at suplement sa tubig.

    Artipisyal na lilim sa range area sa bio-organic gamefowl farm. Ang mga halaman at baging na inilagay ay hindi lang nagbibigay ng lilim, pinalalagian din ng mga insekto at uod at may dahon at bunga na makakain ng manok.

    Pabahay kagaya nito ay para sa inahin at sisiw. Kalaunan pag malakilaki na ang mga sisiw, binubuksan ang pinto upang ang mga sisiw ay makagala sa labas, habang ang inahin ay nakatali sa loob. Portable ang pabahay na ito upang mailipat ng lugar bawat dalawang araw. Sa ganun, palaging presko ang damo at malinis. May mga malalaking modelo ang RB Sugbo para sa tatyaw at mga inahin. Ang mga malalaking pabahay ay may gulong upang madali lang ilipat ng lugar.

  • Ang manok ay nilikhang palaban

    Para ma