272
Bagong Tipan Manwal ng Guro sa Doktrina ng Ebanghelyo

Bagong Tipan Manwal ng Guro sa Doktrina ng Ebanghelyo

  • Upload
    doanh

  • View
    490

  • Download
    7

Embed Size (px)

Citation preview

Bagong TipanManwal ng Guro sa Doktrina ng Ebanghelyo

Bagong Tipan

Manwal ng Guro sa Doktrina ng Ebanghelyo

Inilathala ngAng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling ArawLungsod ng Salt Lake, Utah

Pabalat: Ang Pangangaral sa Bundok, ni Carl Bloch. Ginamit nang may pahintulot ng National Historic Museum ng Frederiksborg.

© 1998 ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling ArawAng lahat ng karapatan ay nakalaanInilimbag sa Estados Unidos ng Amerika

Pagsang-ayon sa Ingles: 1/98Pagsang-ayon sa pagsasalin: 1/98Pagsasalin ng New Testament Gospel Doctrine Teacher’s ManualTagalog

iii

Mga Nilalaman

Bilang at Pamagat ng Aralin Pahina

Mga Tulong Para sa Guro v

1 “Upang Kayo’y Magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo” (Isaias 61:1–3; Pagsasalin ni Joseph Smith, Lucas 3:4–11; Juan 1:1–14; 20:31) 1

2 “Dinadakila ng Aking Kaluluwa ang Panginoon” (Lucas 1; Mateo 1) 6

3 “Sapagka’t Ipinanganak sa Inyo Ngayon . . . ang Isang Tagapagligtas” (Lucas 2; Mateo 2) 10

4 “Ihanda Ninyo ang mga Daan ng Panginoon” (Mateo 3–4; Juan 1:35–51) 15

5 “Ipanganak na Muli” (Juan 3–4) 21

6 “At Pagdaka’y Iniwan Nila ang mga Lambat” (Lucas 4:14–32; 5; 6:12–16;Mateo 10) 26

7 “[Siya] Rin ang Kumuha ng Ating mga Sakit, at Nagdala ng Ating mga Karamdaman” (Marcos 1–2; 4:35–41; 5; Lucas 7:11–17) 31

8 Ang Pangangaral sa Bundok: “Isang Daang Kagalinggalingan” (Mateo 5) 36

9 “Hanapin Muna Ninyo ang Kaniyang Kaharian” (Mateo 6–7) 42

10 “Pasanin Ninyo ang Aking Pamatok at Mag-aral Kayo sa Akin” (Mateo 11:28–30; 12:1–13; Lucas 7:36–50; 13:10–17) 49

11 “Pinagsalitaan Niya Sila ng Maraming mga Bagay sa mga Talinghaga” (Mateo 13) 54

12 “Ako ang Tinapay ng Kabuhayan” (Juan 5–6; Marcos 6:30–44; Mateo 14:22–33) 59

13 “Ibibigay Ko sa Iyo ang mga Susi ng Kaharian” (Mateo 15:21–17:9) 65

14 “Sino ang Aking Kapuwa Tao?” (Mateo 18; Lucas 10) 71

15 “Ako ang Ilaw ng Sanglibutan” (Juan 7–8) 77

16 “Ako’y Naging Bulag, Ngayo’y Nakakakita Ako” (Juan 9–10) 82

17 “Ano ang Gagawin Ko Upang Magmana ng Buhay na Walang Hanggan?” (Marcos 10:17–30; 12:41–44; Lucas 12:13–21; 14; 16) 87

18 “Siya’y Nawala, at Nasumpungan” (Lucas 15; 17) 93

19 “Pinagaling Ka ng Pananampalataya Mo” (Lucas 18:1–8, 35–43; 19:1–10; Juan 11) 98

20 “Sa Aba Ninyo . . . mga Mapagpaimbabaw” (Mateo 21–23; Juan 12:1–8) 103

iv

21 “Ano ang Magiging Tanda ng Iyong Pagparito” (Joseph Smith—Mateo [Mateo 24]) 109

22 “Manahin Ninyo ang Kahariang Nakahanda sa Inyo” (Mateo 25) 114

23 “Kung Paanong Iniibig Ko Kayo, ay Mangag-ibigan Naman Kayo sa Isa’t Isa” (Lucas 22:1–38; Juan 13–15) 119

24 “Ito ang Buhay na Walang Hanggan” (Juan 16–17) 124

25 “Huwag Mangyari ang Aking Kalooban, Kundi ang Iyo” (Mateo 26:36–46; Marcos 14:32–42; Lucas 22:39–46) 130

26 “Ako’y Ipinanganak Dahil Dito” (Mateo 26:47–27:66; Marcos 14:43–15:39; Lucas 22:47–23:56; Juan 18–19) 135

27 “Siya’y Wala Rito; Sapagka’t Siya’y Nagbangon” (Mateo 28; Lucas 24; Juan 20–21) 142

28 “Mga Saksi Kami” (Ang Mga Gawa 1–5) 148

29 “Dumadami ang Bilang ng mga Alagad” (Ang Mga Gawa 6–9) 155

30 “Hindi Nagtatangi ang Dios ng mga Tao” (Ang Mga Gawa 10–14; 15:1–35) 161

31 “Kaya Nga, ang mga Iglesia’y Pinalakas sa Pananampalataya” (Ang Mga Gawa 15:36–18:22; I at II Mga Taga Tesalonica) 167

32 “Nangabubuhay sa Pamamagitan ng Espiritu” (Ang Mga Gawa 18:23–20:38; Mga Taga Galacia) 173

33 “Kayo’y Templo ng Dios” (I Mga Taga Corinto 1–6) 179

34 “Iniingatan Ninyong Matibay ang mga Turo, na Gaya ng Ibinigay Ko” (I Mga Taga Corinto 11–16) 185

35 “Kayo’y Makipagkasundo sa Dios” (II Mga Taga Corinto) 191

36 “Mga Iniibig ng Dios, Tinawag na mga Banal” (Mga Taga Roma) 196

37 Jesucristo: “Ang Gumawa at Sumakdal ng Ating Pananampalataya” (Sa Mga Hebreo) 202

38 “Nagpapatoo Ka sa Akin” (Ang Mga Gawa 21–28) 208

39 “Sa Ikasasakdal ng mga Banal” (Mga Taga Efeso) 214

40 “Lahat ng mga Bagay ay Aking Magagawa [sa Pamamagitan ni Cristo]” (Mga Taga Filipos; Mga Taga Colosas; Filemon) 219

41 “Natapos Ko na ang Aking Takbo” (I at II Kay Timoteo; Kay Tito) 225

42 “Dalisay na Relihion” (Santiago) 230

43 “Isang Lahing Hirang” (I at II Ni Pedro; Judas) 235

44 “Ang Dios ay Pag-ibig” (I, II, at III Ni Juan) 240

45 “Ang Matagumpay ay Magmamana ng mga Bagay na Ito” (Apocalipsis 1–3; 12) 245

46 “Siya’y Mananahan sa Kanila, at Sila’y Magiging mga Bayan Niya” (Apocalipsis 5–6; 19–22) 252

v

Mga Tulong Para sa Guro

Matapos magpakita ang nabuhay na mag-uling Panginoon sa kanyang mgaApostol, siya ay muling nagpakita sa isang pangkat nila sa Dagat ng Galilea.Habang kasama niya sila ay tinanong niya si Pedro nang makatatlong ulit:“Iniibig mo baga ako?” Sa tuwing sasagot si Pedro ng, “Nalalaman mo na kita’y iniibig” ay ganito ang naging tugon ng Panginoon sa pahayag ni Pedro:“Pakanin mo ang aking mga kordero. . . . Alagaan mo ang aking mga tupa. . . .Pakanin mo ang aking mga tupa” (Juan 21:15–17).

Bilang isang guro sa Doktrina ng Ebanghelyo ay maipakikita ninyo ang inyongpagmamahal sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanyang tupa, natinitiyak na ang bawat miyembro ng inyong klase ay “maalaala at mapangalagaanng mabuting salita ng Diyos” (Moroni 6:4). Ang isang mahalagang layunin ngsalita ng Diyos ay upang tulungan tayong “magsisampalataya na si Jesus ay angCristo, ang Anak ng Dios; at sa pagsampalataya ay magkaroon [tayo] ng buhay sakaniyang pangalan” (Juan 20:31). Sa paggabay ng Espiritu ay matutulungan ninyoang mga miyembro ng klase na palakasin ang kanilang mga patotoo tungkol saTagapagligtas, sa kanilang pananampalataya sa kanya, at sa kanilang pangakongipamumuhay ang kanyang ebanghelyo. Matutulungan din ninyo silang tanggapinang iba pang mga biyayang nagmumula sa taimtim na pag-aaral ng Bagong Tipan,tulad ng ipinahayag ni Pangulong Thomas S. Monson:

“Ang buong mensahe ng Bagong Tipan ay nagdudulot ng diwa ng pagpukaw sa kaluluwa ng tao. Ang mga anino ng kawalang pag-asa ay pinapawi ng mgasinag ng pag-asa, ang kalungkutan ay nagagapi ng kagalakan, at ang damdaminng kawalang-kabuluhan sa kalipunan ng mga tao sa buong daigdig ay naglalahosa tiyak na kaalaman na ang ating Ama sa Langit ay nagmamalasakit sa bawatisa sa atin” (“The Spirit Giveth Life,” Ensign, Hunyo 1997, 2).

Pagtuturo sa Pamamagitan ng Espiritu Kapag naghahanda para sa klase ng Doktrina ng Ebanghelyo, mahalagang

hangarin ninyo ang inspirasyon at patnubay mula sa Espiritu Santo. “AngEspiritu ay ibibigay sa inyo sa pamamagitan ng panalangin nang maypananampalataya” ang sabi ng Panginoon, “at kung hindi ninyo natanggap ang Espiritu kayo ay hindi magtuturo” (Doktrina at mga Tipan 42:14). Tandaanna ang Espiritu Santo ang siyang guro sa inyong klase.

Masusumpungan ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aayuno, pag-aaral ng mga banal na kasulatan araw-araw, at pagsunod sa mga kautusan. Habang naghahanda para sa klase, manalangin na tulungan kayo ng Espiritu na maunawaan ang mga banal na kasulatan at ang mgapangangailangan ng mga miyembro ng klase. Matutulungan din kayo ngEspiritu na makapagplano ng makabuluhang mga paraan upang matalakay angmga banal na kasulatan at maipamuhay ang mga ito sa kasalukuyan (tingnan sa 1 Nephi 19:23). Sa pamamagitan ng patnubay ng Espiritu kayo ay magigingmabisang kasangkapan sa kamay ng Panginoon upang maituro ang kanyangsalita sa kanyang mga anak.

Nakasaad sa ibaba ang ilang mungkahi kung paano maaanyayahan ang Espiritusa inyong klase:

1. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na mag-alay ng mga panalangin bago magsimula at pagkatapos ng aralin. Habang nagkaklase, mataimtim namanalangin na patnubayan kayo ng Espiritu na buksan ang puso ng mgamiyembro ng klase, at magpatotoo at magbigay inspirasyon sa kanila.

2. Gamitin ang mga banal na kasulatan (tingnan sa “Pagtutuon ng Pansin samga Banal na Kasulatan,” sa ibaba).

3. Magbigay ng patotoo sa tuwing bibigyang-inspirasyon kayo ng Espiritu, hindilamang sa pagtatapos ng aralin. Magpatotoo tungkol kay Jesucristo. Madalasna anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbigay ng kanilang mgapatotoo.

4. Gamitin ang mga himno, mga awit sa Primarya, at iba pang sagradong musikaupang maihanda ang puso ng mga miyembro ng klase na madama angEspiritu.

5. Ipadama ang pagmamahal sa mga miyembro ng klase, sa iba, at sa Ama saLangit at kay Jesucristo.

6. Magbahagi ng mga ideya, damdamin, at karanasan na may kaugnayan saaralin. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na gawin din ang gayon.Maaari ring sabihin ng mga miyembro ng klase kung paano nilang naisagawaang mga alituntuning tinalakay sa mga nakaraang aralin.

Pagtutuon ng Pansin sa mga Banal na Kasulatan Itinuro ni Elder Boyd K. Packer na, “Ang totoong doktrina, kapag naunawaan,

ay akapagpapabago ng pag-uugali at saloobin” (sa Conference Report, Okt. 1986,20; o Ensign, Nob. 1986, 17). Sa inyong paghahanda at habang nagkaklase, ituon ang pansin sa mga nakapagliligtas na doktrina ng ebanghelyo ayon sapagkakalahad ng mga ito sa mga banal na kasulatan at sa mga turo ng mgapropeta sa mga huling araw. Hinihingi nito na pag-aralan ninyo nang buongtiyaga at may panalangin ang mga banal na kasulatan. Iniutos ng Panginoon na, “Huwag hangaring ipahayag ang aking salita, kundi hangarin munang matamoang aking salita.” Habang natatamo ninyo ang kanyang salita sa pamamagitanng pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay ipinangangako ng Panginoon na,“pagkatapos ay kakalagan ang iyong dila; pagkatapos, kung iyong nanaisin,mapapasaiyo ang aking Espiritu at ang aking salita, oo, ang kapangyarihan ngDiyos sa ikahihikayat ng mga tao” (Doktrina at mga Tipan 11:21).

Himukin ang mga miyembro ng klase na dalhin ang kanilang mga banal nakasulatan sa klase linggu-linggo. Sama-samang basahin ang mga piling talata ng banal na kasulatan habang tinatalakay ninyo ang mga ito.

Ang bawat miyembro ng klase ay dapat mabigyan ng kopya ng Gabay sa Pag-aaralng Miyembro ng Klase sa Bagong Tipan (35682 893). Matutulungan ng buklet na itoang mga miyembro ng klase na pag-ibayuhin ang kanilang mga kasanayan sapag-aaral at bumaling sa mga banal na kasulatan para sa mga kasagutan sakanilang mga tanong. Makatutulong ito sa kanila upang maunawaan ang mgabanal na kasulatan, ipamuhay ang mga ito, maghandang talakayin ang mga ito sa klase, at gamitin ang mga ito sa mga talakayan ng pamilya.

vi

Paggamit sa Manwal na Ito Ang manwal na ito ay isang gamit na tutulong sa inyo upang maituro ang mga

doktrina ng ebanghelyo mula sa mga banal na kasulatan. Isinulat ito para samga klase ng Doktrina ng Ebanghelyo ng mga kabataan at ng mga nasa wastong gulang at gagamitin ito tuwing ikaapat na taon. Hindi na kailangan ang mgakaragdagang sanggunian at komentaryo upang ituro ang mga aralin.

Ang mga aralin sa manwal na ito ay naglalaman ng higit na kailangangimpormasyon kaysa maaari ninyong maituro sa isang oras ng klase. Hangarinang Espiritu ng Panginoon sa pagpili ng mga pangyayari sa banal na kasulatan,mga tanong, at iba pang mga materyal ng aralin na pinakamainam namakatutugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng klase.

Ang bawat aralin ay naglalaman ng sumusunod na mga bahagi:

1. Pamagat. Ang pamagat ay binubuo ng dalawang elemento: isang maiklingnaglalarawang parirala o siping-banggit at ang mga banal na kasulatan nadapat ninyong basahin bago ihanda ang aralin.

2. Layunin. Ang pangungusap na nagsasaad ng layunin ay nagmumungkahi ngisang pangunahing ideya na mapagtutuunan ninyo ng pansin habanginihahanda at itinuturo ninyo ang aralin.

3. Paghahanda. Ibinubuod ng bahaging ito ang mga pangyayari sa banal nakasulatan na nasa banghay ng aralin at nagbibigay ng mga mungkahi upangmatulungan kayong makapagturo nang mas mabisa. Maaari rin itongkabilangan ng karagdagang pagbabasa at iba pang mga mungkahi para sapaghahanda, kagaya ng mga materyal na nais ninyong dalhin sa klase.

4. Gawaing pantawag-pansin. Ang bahaging ito ay binubuo ng isang simplenggawain, pakay-aralin, o tanong upang tulungan ang mga miyembro ng klasena maghandang matuto, makilahok, at madama ang impluwensiya ngEspiritu. Kung gamit man ninyo ang gawaing pantawag-pansin ng manwal o ang gawain na inyong ginawa, mahalagang ituon ang pansin ng mgamiyembro ng klase sa simula ng aralin. Dapat ay maikli lamang ang gawain.

5. Talakayan at pagsasagawa ng banal na kasulatan. Ito ang pangunahing bahaging aralin. Pag-aralan nang may panalangin ang mga pangyayari sa banal nakasulatan upang mabisa ninyong maituro at matalakay ang mga ito. Gamitinang mga mungkahing nasa “Paghimok ng Talakayan sa Klase” at “Paggamitng Iba’t Ibang Paraan sa Pagtuturo ng mga Banal na Kasulatan” (mga pahina00 [vii–viii] upang maiba ang paraan ng inyong pagtuturo at upangmapanatili ang interes ng mga miyembro ng klase.

6. Katapusan. Ang bahaging ito ay tumutulong sa inyong maibuod ang aralin athimukin ang mga miyembro ng klase na ipamuhay ang mga alituntunin nainyong natalakay. Pinaaalalahanan din kayo nito na magbigay ng patotoo.Tiyaking maglaan ng sapat na oras upang tapusin ang bawat aralin.

7. Karagdagang mga ideya sa pagtuturo. Ang bahaging ito ay matatagpuan sa haloslahat ng aralin sa manwal. Ito ay maaaring kabilangan ng mga karagdagangkatotohanan mula sa mga pangyayari sa banal na kasulatan, panghalilingpamamaraan ng pagtuturo, gawain, o iba pang mga mungkahi na nagsisilbingkaragdagan sa banghay ng aralin. Maaaring naisin ninyong gamitin ang ilansa mga ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

Mga Tulong Para sa Guro

vii

Pagbalik-aralan ang bawat aralin ng kahit isang linggo man lamang bago ituro.Kapag pinag-aaralan ninyo ang takdang babasahin at ang materyal ng aralinnang maaga, makatatanggap kayo ng mga kaisipan at impresyon sa buonglinggo na tutulong sa inyo na maituro ang aralin. Habang pinagninilay-nilayanninyo ang aralin sa buong linggo, manalangin na patnubayan kayo ng Espiritu.Manalig na pagpapalain kayo ng Panginoon.

Paghimok ng Talakayan sa Klase Karaniwan ay hindi kayo dapat magbigay ng mga lektyur. Sa halip ay tulungan

ang mga miyembro ng klase na makisali nang makabuluhan sa pagtalakay ngmga banal na kasulatan. Ang pakikilahok ng mga miyembro ng klase aynakatutulong sa kanila upang:

1. Higit na matutuhan ang mga banal na kasulatan.

2. Matuto kung paano isasagawa ang mga alituntunin ng ebanghelyo.

3. Magkaroon ng mas matibay na pangako na ipamuhay ang ebanghelyo.

4. Anyayahan ang Espiritu sa klase.

5. Turuan at patatagin ang bawat isa (Doktrina at mga Tipan 88:122) upangmakinabang sila mula sa mga kaloob, kaalaman, karanasan, at mga patotoong bawat isa.

Ang mga talakayan sa klase ay dapat makatulong sa mga miyembro na lumapitkay Cristo at mamuhay bilang kanyang mga disipulo. Iwasan ang mga talakayanna hindi magsasakatuparan sa mga layuning ito.

Hangarin ang patnubay ng Espiritu habang pinag-aaralan ninyo ang mgatanong sa manwal na ito at magpasiya kung alin ang mga itatanong. Angmanwal ay naglalaan ng mga sanggunian sa banal na kasulatan upang tulungankayo at ang mga miyembro ng klase na matagpuan ang mga sagot sa karamihansa mga tanong na ito. Ang mga sagot sa iba pang mga tanong ay magmumula samga karanasan ng mga miyembro ng klase.

Mas mahalagang tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan atmaipamuhay ang mga banal na kasulatan kaysa talakayin ang lahat ng materyalng aralin na inyong inihanda. Kung ang mga miyembro ng klase ay natututomula sa isang mabuting talakayan, madalas na makatutulong kung hahayaangmagpatuloy ito sa halip na piliting talakayin ang kabuuan ng materyal ng aralin.

Gamitin ang sumusunod na mga panuntunan upang humimok ng talakayan sa klase:

1. Magtanong ng mga katanungan na mangangailangan ng pag-iisip attalakayan sa halip na mga sagot na “oo” o “hindi.” Ang mga tanong nanagsisimula sa bakit, paano, sino, ano, kailan, at saan ay karaniwangpinakamabisa sa paghimok ng talakayan.

2. Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan nanagpapakita kung paano magagamit sa kanilang buhay ang mga alituntuninat doktrina sa banal na kasulatan. Himukin din silang ibahagi ang kanilangdamdamin tungkol sa natututuhan nila mula sa mga banal na kasulatan.Magbigay ng mga positibong komentaryo tungkol sa kanilang mga naiambag.

3. Maging sensitibo sa mga pangangailangan ng bawat miyembro ng klase. Kahit na dapat himukin ang lahat ng miyembro ng klase na makisali sa mga

viii

talakayan sa klase, ang ilan ay maaaring mag-atubiling tumugon. Maaarininyong naising makipag-usap sa kanila nang sarilinan upang malaman kungano ang kanilang damdamin tungkol sa pagbabasa nang malakas o pakikisalisa klase. Mag-ingat at huwag tawagin ang mga miyembro ng klase kungmagiging sanhi ito ng kanilang pagkapahiya.

4. Magbigay ng mga sangguniang banal na kasulatan upang matulungan angmga miyembro ng klase na matagpuan ang mga sagot sa ilang tanong.

5. Himukin ang mga miyembro ng klase na pagnilay-nilayin ang mga tanong saGabay sa Pag-aaral ng Miyembro ng Klase sa Bagong Tipan habang pinag-aaralannila ang mga takdang babasahin sa bawat linggo. Habang inihahanda ninyoang bawat aralin, isaalang-alang kung paano tatalakayin ang mga tanong naito sa klase. Mas madaling makasasali sa mga talakayan ang mga miyembro ngklase kung napag-aralan nila ang takdang babasahin at kung magtatanongkayo ng mga katanungan na handa nilang sagutin.

Paggamit ng Iba’t Ibang Paraan sa Pagtuturo ng mga Banal na Kasulatan Gamitin ang sumusunod na mga mungkahi upang mas mabisang maituro ang

mga pangyayari sa banal na kasulatan at upang magkaroon ng pagkakaiba-iba:

1. Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan kung ano angitinuturo ng mga banal na kasulatan tungkol kay Jesucristo. Hilingin sakanila na isaalang-alang kung paano napag-iibayo ng ilang talata angkanilang pananampalataya sa Tagapagligtas at kung paano ito nakatutulongsa kanila na madama ang kanyang pagmamahal.

2. Hilingan ang mga miyembro ng klase na mag-isip at magbahagi ng mgatiyak na paraan kung paano magagamit ang isang talata ng banal nakasulatan sa kanilang buhay. Hayaang ituring nila na sila ang tinutukoy samga banal na kasulatan sa pamamagitan ng paghalili ng kanilang pangalansa mga piling talata nang sa isip lamang.

3. Bilang karagdagan sa pagtuturo ng doktrina, bigyang-diin ang mga kuwentosa Bagong Tipan na nakapagpapatatag ng pananampalataya, na tinitiyak naang mga ito ay nauunawaan ng mga miyembro ng klase at talakayin angmga paraan kung paano maisasagawa ang mga ito.

4. Papaghanapin ang mga miyembro ng klase ng mga salita, parirala, o ideyana madalas ulitin sa isang talata ng banal na kasulatan o may natatangingkahulugan para sa kanila.

5. Ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan ay sadyang makatutulong sapansariling pag-aaral at talakayan sa klase.

6. Isulat sa pisara ang mga parirala, pangunahing salita, o tanong na maykaugnayan sa pangyayari sa banal na kasulatan. Pagkatapos ay basahin oibuod ang pangyayari. Habang pinakikinggan ng mga miyembro ng klaseang mga parirala, pangunahing salita, o sagot sa mga tanong, tumigil attalakayin ang mga ito.

7. Sa buong Aklat ni Mormon, ang pariralang “Oo, sa gayon nakikita natin” ayginagamit upang ipakilala ang buod ng mga alituntuning itinuturo (tingnan

Mga Tulong Para sa Guro

ix

ang halimbawa sa Helaman 3:28). Matapos talakayin ang isang talata ngbanal na kasulatan, hilingin sa mga miyembro ng klase na ipaliwanag angalituntunin sa talata na ginagamit ang pariralang “Oo, sa gayon nakikitanatin.”

8. Maghanap at talakayin ang mga sagisag na ginagamit sa Bagong Tipan.Halimbawa, ang Kasintahang lalaki at babaeng ikakasal ay sumasagisag saTagapagligtas at sa kanyang mga tao.

9. Pansinin kung paano maihahambing sa isa’t isa ang mga tao at pangyayari sa mga banal na kasulatan.

10. Ipasadula sa mga miyembro ng klase ang mga kuwento sa banal na kasulatansa pamamagitan ng pagbabasa nang malakas sa mga salita ng magkakaibangtauhan sa mga kuwento. Tiyaking ang mga pagsasadula ay nagpapakita ngkaukulang paggalang sa mga banal na kasulatan.

11. Hatiin ang klase sa dalawa o tatlong maliliit na grupo. Pagkatapos nito aypagbalik-aralan ang isang pangyayari sa banal na kasulatan, ipasulat sa bawatgrupo ang mga alituntunin at doktrina na itinuro sa salaysay. Pagkatapos ayhayaang maghalinhinan ang mga grupo sa pagtalakay kung paanomaisasagawa ang mga aral na ito sa ating buhay.

12. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magdala ng lapis upangmarkahan ang mahahalagang talata habang tinatalakay ninyo ang mga ito.

Pagtulong sa mga Bagong Miyembro Bilang guro ng Doktrina ng Ebanghelyo, maaaring magkaroon kayo ng

pagkakataong turuan ang mga miyembro na bago pa lamang sa Simbahan. Ang inyong pagtuturo ay makatutulong sa mga bagong miyembro na magingmatatag sa pananampalataya.

Sinabi ng Unang Panguluhan na: “Ang bawat miyembro ng Simbahan aykailangang mahalin at pangalagaan, lalo na sa mga unang ilang buwan mataposang kanilang binyag. Kapag ang mga bagong miyembro ay nakatanggap ng tapatna pakikipagkaibigan, mga pagkakataon upang makapaglingkod, at espirituwalna pangangalaga na nagmumula sa pag-aaral ng salita ng Diyos, sila aynakararanas ng pangmatagalang pagbabago at nagiging ‘mga kababayan nakasama ng mga Banal, at sangbahayan ng Dios’ (Mga Taga Efeso 2:19)” (Lihamng Unang Panguluhan, ika-15 ng Mayo 1997).

Pagtuturo ng Ebanghelyo sa mga Kabataan Kung tinuturuan ninyo ang mga kabataan, alalahanin na kadalasan ay kailangan

nila ng aktibong pakikisali at mga bisuwal na paglalarawan ng mga doktrina na tinatalakay. Ang paggamit ninyo ng mga pagpapalabas ng video, larawan, at gawain na iminumungkahi sa manwal ay makatutulong sa mga kabataan na manatiling interesado sa mga aralin. Para sa iba pang mga ideya namakatutulong sa inyo sa pagtuturo ng ebanghelyo sa kabataan, sumangguni sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin (33043 893) at ang Gabay saPagtuturo (34595 893).

x

1

Aralin

1“Upang Kayo’y Magsisampalatayana si Jesus ay ang Cristo”Isaias 61:1–3; Pagsasalin ni Joseph Smith, Lucas 3:4–11; Juan 1:1–14, 20:31

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na patatagin ang kanilang mga patotookay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bagong Tipan.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Isaias 61:1–3; Pagsasalin ni Joseph Smith, Lucas 3:4–11. Sina Isaias at JuanBautista ay nagpropesiya tungkol sa misyon ng Tagapagligtas.

b. Juan 1:1–14; 20:31. Ang Apostol na si Juan ay nagpatotoo na si Jesucristoang “tunay na Ilaw.” Ipinahayag niya na ang kanyang layunin sa pagsusulatng kanyang patotoo ay upang tulungan ang iba na “magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo.”

2. Kumuha ng kopya ng Gabay sa Pag-aaral ng Miyembro ng Klase sa Bagong Tipan(35682) para sa bawat tao sa inyong klase. (Dapat ay na-order na ng purok angmga gabay na ito sa pag-aaral bilang bahagi ng taunang order ng kurikulum.Ang isang miyembro ng pamunuang obispo ang dapat magbigay ng mga ito sa panguluhan ng Panlinggong Paaralan.)

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, hilingan ang ilangmiyembro ng klase na maghandang basahin o ibuod ang isang paboritongtalata sa Bagong Tipan at maikling ipaliwanag kung bakit nakapagbibigayinspirasyon o nakatutulong sa kanila ang talatang iyon.

4. Kung makukuha ang sumusunod na mga larawan, gamitin ang mga ito saaralin: Nagsusulat si Isaias Tungkol sa Pagsilang ni Cristo (34730 893; Paketeng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 113) at Nangangaral sa Ilang si Juan(34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 207). Kunggagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, magdala rin ng ilang larawanna nagpapakita ng mga pangyayari sa Bagong Tipan, katulad ng Pinagagalingni Jesus ang Bulag (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo213) at Si Maria at ang Nabuhay na Mag-uling Panginoon (34730 893; Paketeng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 233).

5. Mungkahi sa pagtuturo: Himukin ang mga miyembro ng klase nakumpletuhin ang takdang babasahin sa bawat linggo at dumating sa klase na handang talakayin ang kanilang nabasa. Ang paghahandang ito aymakatutulong upang maisakatuparan ang pangako ng Panginoon na “siya na nangangaral at siya na nakatatanggap [sa pamamagitan ng Espiritu ng katotohanan] ay nauunawaan ang isa’t isa, at sila ay kapwa pinagtitibay at magkasamang magsasaya” (Doktrina at mga Tipan 50:22).

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Magpakita ng mga retrato na naglalarawan ng mga pangyayari mula sa BagongTipan.

Hilingan ang mga miyembro ng klase na pag-isipan ang sumusunod na tanong:

• Anong mga pangyayari o turo sa Bagong Tipan ang partikular na nakapagbigayinspirasyon o nakatulong sa inyo?

Bigyan ng ilang minuto ang mga miyembro ng klase upang makapag-isip, atpagkatapos ay anyayahan ang bawat isa sa mga inatasang miyembro ng klase na basahin o ibuod ang isang paboritong talata sa Bagong Tipan. Kung nais ngibang miyembro ng klase na magbahagi ng paboritong talata, pahintulutan angilan sa kanila na makapagbahagi.

Ipahayag ang inyong damdamin tungkol sa pagkakataong makapagturo at pag-aralan ang Bagong Tipan ngayong taong ito. Ipaliwanag na ang layunin sa taongito ng pag-aaral ng Bagong Tipan ay upang tulungan ang mga miyembro ng klasena patatagin ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo at higit na matutuhanang tungkol sa kanyang buhay at misyon.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Sina Isaias at Juan Bautista ay nagpropesiya tungkol sa misyon ngTagapagligtas.

Basahin at talakayin ang Isaias 61:1–3 at Pagsasalin ni Joseph Smith, Lucas 3:4–11.(Ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Lucas 3:4–11 ay matatagpuan sa Gabay sa mgaBanal na Kasulatan.)

Ipakita ang larawan ni Isaias na nagsusulat tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas.Ipaliwanag na mapatatatag natin ang ating mga patotoo tungkol kay Jesucristo at ang ating pasasalamat sa Bagong Tipan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mgasalita ni Isaias at ng iba pa na nagpropesiya tungkol sa misyon ng Tagapagligtas.

• Anong mga aspeto ng misyon ng Tagapagligtas ang inilalarawan sa Isaias61:1–2? (Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase. Maaaringmaibilang sa mga sagot ang mga nakalista sa ibaba.)

a. “Ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo” (talata 1).b. “Magpagaling ng mga bagbag na puso” (talata 1).c. “Magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo” (talata 1).d. “Aliwin yaong lahat na nagsisitangis” (talata 2).

• Paano natupad ni Jesus ang mga propesiyang ito? (Himukin ang mgamiyembro ng klase na magbigay ng mga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan at magbahagi ng pansariling mga karanasan.)

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

2

Ituro na binanggit ni Jesus ang talatang ito sa pagsisimula ng kanyang ministeryoupang ipahayag na siya ang Mesiyas (Lucas 4:16–21; tingnan sa aralin 6).

Ipakita ang larawan ni Juan Bautista na nangangaral sa ilang. Ipaliwanag na si Juan Bautista ay nagpropesiya tungkol sa misyon ng Tagapagligtas bagosinimulan ni Jesus ang kanyang mortal na ministeryo.

• Paano inilarawan ni Juan Bautista ang misyon ng Tagapagligtas? (Tingnan saPagsasalin ni Joseph Smith, Lucas 3:4–9. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mgamiyembro ng klase. Kung walang makuhang Pagsasalin ni Joseph Smith ngmga talatang ito, isulat ang mga propesiya na tulad ng ipinakikita sa ibaba.)

a. “Alisin ang kasalanan ng sanlibutan” (talata 5).b. “Magdala ng kaligtasan sa mga bansang di-binyagan” (talata 5).c. “Sama-samang tipunin ang mga yaong nangawala” (talata 5).d. “Isagawa ang pangangaral ng ebanghelyo sa mga Gentil” (talata 6).e. “Maging isang ilaw sa lahat ng yaong nakaupo sa kadiliman” (talata 7).f. “Maisakatuparan ang pagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay” (talata 7).g. “Maggawad ng katarungan sa lahat” (talata 9).h. “Ipakita sa lahat ng makasalanan ang kanilang mga makasalanang gawa”

(talata 9).

• Paano natupad ni Jesus ang mga propesiyang ito? (Himukin ang mgamiyembro ng klase na magbigay ng mga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan at magbahagi ng pansariling mga karanasan.)

• Ano ang nadarama ninyo kapag naiisip ninyo ang tungkol sa mga bagay naginawa ni Jesus para sa atin? Ano kaya ang magiging buhay natin kung hindiginawa ni Jesus ang mga bagay na ito para sa atin?

2. Ang Apostol na si Juan ay nagpatotoo na si Jesucristo ang “tunay na Ilaw.”

Basahin at talakayin ang Juan 1:1–14; 20:31. (Gamitin ang Pagsasalin ni JosephSmith ng Juan 1:1–14 kung may makukuha nito. Matatagpuan ito sa Gabay samga Banal na Kasulatan.)

• Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jesucristo mula sa Juan 1:1–3, 14?(Tingnan sa listahan sa ibaba. Pansinin na “ang Verbo” sa Juan 1:1, 14 aytumutukoy sa Tagapagligtas.)

a. Siya “nang pasimula’y” sumasa Diyos Ama (Juan 1:1–2). Pansinin na angmisyon ng Tagapagligtas ay nagsimula sa daigdig bago pa ang buhay rito sa lupa, matagal na panahon bago pa siya isilang sa Bet-lehem.

b. Siya ay Diyos (Juan 1:1). Ipaliwanag na kapag pinag-uusapan natin angDiyos ay karaniwan nating tinutukoy ang Ama sa Langit. Gayunman, “ang personahe na kilala bilang Jehova noong kapanahunan ng LumangTipan . . . ay ang Anak, na kilala bilang Jesucristo, . . . na isa ring Diyos. SiJesus ay kumikilos sa ilalim ng pamamahala ng Ama. . . . Marami sa mgabagay na isinasaad ng banal na kasulatan na ginawa ng Diyos ay isinagawa niJesus . . . sa katunayan” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Diyos,” 46–47).

c. Sa pamamagitan niya ang ebanghelyo ay ipinangaral sa daigdig bago pa angbuhay na ito (Pagsasalin ni Joseph Smith, Juan 1:1).

d. Ginawa niya ang lahat ng bagay (Juan 1:3).e. Siya ang Bugtong na Anak ng Diyos sa laman (Juan 1:14; tingnan din sa

1 Nephi 11:14–21). Ang doktrinang ito ay tinatalakay rin sa aralin 2.

Aralin 1

3

• Sinabi ni Apostol Juan na “nasa kanya [Jesus] ang buhay” (Juan 1:4).Pinatotohanan din niya na si Jesus “ang tunay na Ilaw, samakatuwid baga’yang ilaw na lumiliwanag sa bawat tao na pumaparito sa sanglibutan” (Juan1:9). Paano kayo nabigyan ng buhay at liwanag ng Tagapagligtas? (Habangtinatalakay ng mga miyembro ng klase ang tanong na ito, maaari ninyongnaisin na sumangguni sa Juan 8:12; I Mga Taga Corinto 15:20–22; Moroni7:15–18, 41; Doktrina at mga Tipan 88:6–14; at Gabay sa mga Banal naKasulatan, “Ilaw, Liwanag ni Cristo,” 79–80.)

• Ano ang layunin ni Juan sa pagsusulat ng kanyang patotoo? (Tingnan sa Juan20:31.) Ano ang ibig sabihin ng “sumampalataya na si Jesus ay ang Cristo”?(Ipaliwanag na ang Christ ay salitang Griyego na ang ibig sabihin ay hinirang.Kapag mayroon tayong patotoo na si Jesus ang Cristo, alam nating siya angAnak ng Diyos at hinirang siya at noon pa inordenan na maging atingTagapagligtas.) Paano kaya matutulungang mapatatag ng pag-aaral ng BagongTipan sa Panlinggong Paaralan sa taong ito ang inyong patotoo na si Jesus ayang Cristo?

• Ano ang maaaring gawin ng bawat isa sa atin at ng buong klase upangmapatnubayan ng Espiritu habang pinag-aaralan natin ang Bagong Tipan?(Tingnan sa Santiago 1:5–6; Doktrina at mga Tipan 50:17–22; 88:118.)

• Paano maiaakma sa atin ang mga salita sa Juan 1:10–14, kahit na wala pa tayosa daigdig noong panahon ng mortal na ministeryo ng Tagapagligtas?

Itinuro ni Elder Thomas S. Monson na:

“Hindi natin kailangang dalawin ang Banal na Lupain upang madamang malapitsiya sa atin. Hindi natin kailangang lumakad sa baybayin ng Galilea o sa mgaburol ng Judea upang lumakad sa nilakaran ni Jesus.

“Sa tunay na kahulugan, ang lahat ay makalalakad sa nilakaran ni Jesus kapagnaglalakbay tayo sa buhay na ito na taglay sa ating mga labi ang kanyang mgasalita, nasa ating puso ang kanyang espiritu, at nasa ating buhay ang kanyangmga aral” (sa Conference Report, Abr. 1974, 70; o Ensign, Mayo 1974, 48).

Magpatotoo tungkol kay Jesucristo at ipahayag ang inyong damdamin hinggil sapagkatuto tungkol sa kanya sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bagong Tipan.

Bigyang-katiyakan ang mga miyembro ng klase na ang kanilang mga patotootungkol sa Tagapagligtas ay madaragdagan habang hinahangad nila angpatnubay ng Espiritu sa kanilang pag-aaral ng Bagong Tipan at habangnakikibahagi sila sa mga talakayan sa klase. Himukin silang gamitin ang Gabay sa Pag-aaral ng Miyembro ng Klase sa Bagong Tipan habang pinag-aaralan nila ang mga banal na kasulatan bilang paghahanda sa bawat klase.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

Katapusan

4

1. Pananaw sa Bagong Tipan

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na buklatin ang pahina ng MgaNilalaman ng Biblia at pagbalik-aralan ang mga pangalan ng 27 aklat sa BagongTipan. Ipaliwanag na ang Bagong Tipan ay maaaring hatiin sa apat na bahagi(maaari ninyong isulat ang mga ito sa pisara):

a. Ang mga Ebanghelyo (Mateo, Marcos, Lucas, at Juan), na tala at patotootungkol sa buhay, misyon, at mga aral ni Jesucristo.

b. Ang aklat ng Ang Mga Gawa, na ulat ng ministeryo ng mga Apostol makalipasang pagkamatay at Pagkabuhay na mag-uli ni Jesus. Ang aklat na ito aynakatuon sa mga gawa ni Pedro sa mga Judio at sa mga gawa ni Pablo sa mgaGentil.

c. Ang mga sulat (liham) ni Pablo at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan, na isinulat upang tagubilinan at palakasin ang mga Banal noong kanilangkapanahunan.

d. Ang paghahayag ng Panginoon sa Apostol na si Juan sa pulo ng Patmos.

2. Mga pagpapalabas ng video

Kung may makukuhang Karagdagang Video ng Gabing Pantahanan ng Mag-anak(5x736 893), maaari ninyong naising ipalabas ang limang-minutong yugto na“Ano ang Palagay Ninyo kay Cristo?” Gamitin ang pagpapalabas ng video upangpasimulan ang Bagong Tipan at bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroonng patotoo na si Jesus ang Cristo.

Kung may makukuhang New Testament Video Presentations (53914), maaari rinninyong naising ipalabas ang “The Message of the New Testament,” palabas namay dalawang-minutong yugto.

3. “Siya ang . . . pumarito upang kaniyang patotohanan ang Ilaw” (Juan 1:8)

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang Juan 1:6–8.

• Sino ang taong binabanggit sa mga talatang ito? (Juan Bautista.) Ano angkanyang misyon? (Tingnan sa Juan 1:8.) Paano nating “patototohanan angIlaw” tulad ni Juan?

Aralin 1

5

6

Aralin

2“Dinadakila ng Aking

Kaluluwa ang Panginoon”Lucas 1, Mateo 1

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na magkaroon ng mas malakingpananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng buhay ninaElisabet, Zacarias, Juan Bautista, Maria, at Jose.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal na kasulatan:

a. Lucas 1:5–25, 57–80. Nagpakita si anghel Gabriel kay Zacarias at sinabi,bilang sagot sa panalangin, na ang asawa ni Zacarias na si Elisabet, aymagluluwal ng isang anak na lalaki. Ang anak na ito, na pangangalanangJuan, ang maghahanda sa mga tao para sa pagdating ng Panginoon. Nag-alinlangan si Zacarias sa mga salita ni Gabriel at siya ay napipi. Naglihi si Elisabet kahit na matanda na siya, at si Juan ay isinilang. Nagpamalas si Zacarias ng panibagong lakas ng pananampalataya habang siya aynagpopropesiya tungkol sa misyon ni Juan.

b. Lucas 1:26–56; Mateo 1:18–25. Sinabi ni anghel Gabriel kay Maria na siyaang magiging ina ng Anak ng Diyos. Sina Maria at Elisabet ay nangagalak sa balitang darating ang Tagapagligtas. Nalaman ni Jose na si Maria angmagsisilang sa Tagapagligtas.

2. Kung makukuha ang sumusunod na mga larawan, gamitin ang mga ito saaralin: Nangangaral sa Ilang si Juan (34730 893; Pakete ng Larawan ng Siningng Ebanghelyo 207) at The Annunciation: The Angel Gabriel Appears to Mary(Gospel Art Picture Kit 241).

3. Mungkahi sa pagtuturo: Kapag ang tao ay nagtuturo sa pamamagitan ngkapangyarihan ng Espiritu Santo, “ang kapangyarihan ng Espiritu Santo angnagdadala nito sa puso ng mga anak ng tao” (2 Nephi 33:1). Ang pagkadamasa impluwensiya ng Espiritu ay nagpapalakas sa patotoo ng mga miyembro ngklase, sa kanilang pagmamahal sa Panginoon at sa bawat isa, at sa kanilangpangakong mamuhay nang matwid. May panalanging isaalang-alang kungano ang magagawa ninyo upang maanyayahan ang Espiritu sa bawat aralin.(Tingnan sa mga pahina v–vi ng manwal na ito at sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, (33043 893) Yunit A, Paksa 9, “Magturo saPamamagitan ng Espiritu,” 17–18; at Yunit E, Paksa 2, “Pagtuturo saPamamagitan ng Espiritu,” 96–97.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Itanong sa mga miyembro ng klase ang sumusunod na mga katanungan:

• Kung makakadaupang-palad ninyo ang sinuman sa Bagong Tipan maliban kay Jesus, sino ang nanaisin ninyong makilala? Bakit gugustuhin ninyongmakilala ang taong iyon?

Gawaing Pantawag-pansin

Matapos sagutin ng ilang miyembro ng klase ang mga tanong, ipaliwanag namadalas ay gusto natin ang mga taong matwid dahil sinusunod nila angTagapagligtas at nagpapatotoo sila tungkol sa kanya. Habang higit natingnakikilala ang mga taong ito ay mas nakikilala rin natin si Jesucristo. Tinatalakayng araling ito ang ilang tao na nagpakita ng mabubuting halimbawa namakatutulong sa atin upang higit na mapalapit sa kanya.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan. Dahil hindi madalingitanong ang bawat katanungan o talakayin ang bawat punto ng aralin, piliinnang may panalangin ang mga pinakamainam na makatutugon sa mgapangangailangan ng mga miyembro ng klase.

1. Isinilang si Juan Bautista kina Elisabet at Zacarias.

Talakayin ang Lucas 1:5–25, 57–80. Anyayahan ang mga miyembro ng klase nabasahin nang malakas ang mga piling talata.

• Paano inilalarawan sina Elisabet at Zacarias sa mga banal na kasulatan?(Tingnan sa Lucas 1:6–9.)

• Anong biyaya ang hiniling sa panalangin nina Zacarias at Elisabet? (Tingnansa Lucas 1:7, 13.) Paano sinagot ang panalanging ito sa dakong huli? (Tingnansa Lucas 1:11–13, 24–25. Ituro na malamang ay maraming taon nangipinanalangin ni Zacarias at Elisabet na magkaroon ng isang anak. Gayunman,hindi ipinagkaloob sa kanila ng Ama sa Langit ang biyayang ito hangga’t hindidumarating ang tamang panahon upang maisakatuparan ang kanyang mgalayunin.) Paano tayo mananatiling matapat at paano natin maiiwasan angmawalan ng pag-asa kapag hindi kaagad sinagot ang ating taimtim na mgapanalangin sa paraang nais natin?

• Ano ang propesiya ni Gabriel tungkol sa misyon ni Juan? (Tingnan sa Lucas1:14–17. Ipakita ang larawan ni Juan na nangangaral sa ilang, at ibuod ang mga propesiya ni Gabriel sa pisara. Talakayin ang kahulugan ng mgapropesiyang ito, kung paano naisakatuparan ni Juan ang mga ito, at kungpaano natin masusundan ang halimbawa ni Juan sa mga bagay na ito.)

a. “Papagbabaliking-loob [ni Juan ang maraming tao] sa Panginoon nakanilang Diyos” (Lucas 1:16).

b. “Papagbabaliking-loob [niya] ang mga puso ng mga ama sa mga anak”(Lucas 1:17).

c. “Ang mga suwail ay [palalakarin niya sa] karunungan ng mga matuwid”(Lucas 1:17).

d. Kanyang “ipaglalaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda” (Lucas 1:17).

Paalala: Si Juan Bautista “ang bantog na nagtataglay ng PagkasaserdotengAaron sa buong kasaysayan” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “JuanBautista,” 99). Maaari ninyong naising talakayin kung paano maiaangkop samga miyembro ng klase na nagtataglay ng Pagkasaserdoteng Aaron ang mganaunang aspeto ng misyon ni Juan.

• Ano ang nangyari kay Zacarias nang mag-alinlangan siya sa mga salita nganghel? (Tingnan sa Lucas 1:18–20.) Paano ipinakita ng mga kilos ni Zacariasang panibagong lakas ng kanyang pananampalataya pagkatapos maisilang siJuan? (Tingnan sa Lucas 1:59–63. Pinangalanan nila ni Elisabet ang kanilang

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

7

anak na Juan, sa gayon ay sumunod sila sa utos ng Diyos sa halip na sundinang nakaugalian na sa kanilang lugar.)

• Habang nagpopropesiya si Zacarias tungkol sa misyon ng kanyang anak aynagsalita rin siya tungkol sa pagtubos, kaligtasan, kapatawaran ng mgakasalanan, magiliw na awa, at liwanag (Lucas 1:68–79). Sino ang kanyangtinutukoy noong magsalita siya ng tungkol sa mga bagay na ito? (Jesucristo.)Anyayahan ang isang miyembro ng klase na basahin ang Juan 1:6–9.Magpatotoo na tulad ni Juan Bautista ay dapat nating ituon ang atingpaglilingkod sa pagtulong sa iba na lumapit kay Cristo.

• Pagkatapos maisilang si Juan, siya ay lumaki at “lumakas sa espiritu” (Lucas1:80). Bakit sa palagay ninyo kailangan ni Juan na lumakas sa espiritu upangmatupad ang kanyang misyon? Ano ang magagawa natin upang magingmalakas sa espiritu?

2. Nalaman nina Maria at Jose na si Maria ang magiging ina ng Anak ng Diyos.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Lucas 1:26–56 at Mateo1:18–25. Ipakita ang larawan ng Pagbati.

• Ano ang napag-alaman ni Maria mula kay anghel Gabriel? (Tingnan sa Lucas1:26–33.) Bakit kinailangang maging anak ng isang mortal na ina at isangimortal na Ama ang Tagapagligtas?

Itinuro ni Elder Bruce R. McConkie ang bagay na ito tungkol kay Jesucristo:

“Ang Diyos ang kanyang Ama, kung saan mula sa Imortal na Personahengito . . . ay minana niya ang kapangyarihan ng imortalidad, na siyangkapangyarihan na mabuhay magpakailanman; o dahil sa pinili [niyang]mamatay, ito ang kapangyarihan na magbangong muli tungo sa imortalidad,at doon mabuhay magpakailanman at hindi na muling mamamatay. . . .

“ . . . Si Maria ang kanyang ina, na kung saan mula sa mortal na babaengito . . . ay minana niya ang kapangyarihan ng mortalidad, na siyangkapangyarihang mamatay. . . .

“Nang dahil dito . . . sa pagsasanib ng banal at mortal sa iisang katauhan, kungkaya naisagawa ng Panginoon ang walang-katapusan at walang hanggangpagbabayad-sala. Dahil sa ang Diyos ang kanyang Ama at si Maria angkanyang ina, kung kaya nagkaroon siya ng kapangyarihang mabuhay omamatay, batay sa nais niya, at sa kusang pagbibigay ng kanyang buhay aymay kapangyarihan din siyang kunin itong muli. At sa gayon, sa isang paraanna hindi natin nauunawaan, ay ipinaabot ang mga epekto ng pagkabuhay namag-uling iyon sa lahat ng tao upang ang lahat ay muling magbangon mula salibingan” (The Promised Messiah [1978], 470–71).

• Ano ang matututuhan natin tungkol kay Maria mula sa kanyang mga pakikipag-usap sa anghel at kay Elisabet? (Tingnan sa Lucas 1:26–38, 45–49; tingnan din sa Alma 7:10. Ibuod sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase. Kungkabataan ang inyong tinuturuan, maaari ninyong naising imungkahi na ituringnila si Maria bilang halimbawa ng isang mabuting kabataang babae.)

a. Si Maria ay kinalugdan ng Diyos (Lucas 1:28, 30). Ano ang ibig sabihin ngmakalugdan ng Diyos? Ano ang ibang bagay na inaasahan ng ilang tao napagmumulan ng lugod? Paano nagiging mahirap na makalugdan ng Diyoskapag naghahanap tayo ng lugod mula sa ibang mga bagay na ito?

b. Si Maria ay naging karapat-dapat upang mapasakanya ang Panginoon (Lucas 1:28). Ano ang maaari nating gawin upang maging karapat-dapattayo sa pagpapalang ito?

8

c. Si Maria ay mapagpakumbaba at masunurin sa kalooban ng Panginoon(Lucas 1:38, 48). Bakit mahalaga para sa atin ang sumunod sa kalooban ngPanginoon? Paano tayo magiging higit na mapagpakumbaba at masunurin?

d. Si Maria ay nagalak sa kanyang Tagapagligtas (Lucas 1:47). Paano tayomagagalak sa Tagapagligtas?

• Bakit nagalak si Elisabet at ang kanyang anak na nasa sinapupunan pa noongdumalaw si Maria? (Tingnan sa Lucas 1:39–44; tingnan din sa Lucas 1:15. Ituro na ang isa sa mga pangunahing ginagampanan ng Espiritu Santo ay angmagpatotoo tungkol kay Jesucristo.) Kung naaangkop, ikuwento kung paanokayo natulungan ng Espiritu Santo na magkaroon ng patotoo tungkol kayJesucristo, at anyayahan ang iba na gawin din ang gayon.

• Paano sinubok ang pagmamahal ni Jose kay Maria? (Tingnan sa Mateo 1:18.)Ano ang naging reaksiyon ni Jose nang malaman niyang nagdadalantao siMaria? (Tingnan sa Mateo 1:19. Ituro na sang-ayon sa batas ay maaaringparatangan ni Jose si Maria na sumira ito sa tipan ng kasal at sa gayon aylitisin sa publiko. Ang gayong paglilitis ay maaaring humantong sakaparusahang kamatayan. Sa halip na gawin ito, nagpasiya siyang bigyang-layasi Maria mula sa kasunduan ng pagpapakasal.)

• Paano tinulungan ng Ama sa Langit si Jose na matanggap ang kalagayan niMaria at makapaghanda para sa kanyang sariling mga pananagutan? (Tingnansa Mateo 1:20–23.) Ano ang ginawa ni Jose bilang pagtugon sa panaginip naito? (Tingnan sa Mateo 1:24–25.) Ano ang inihahayag ng tugon na ito tungkolsa kanyang pagkatao?

Katapusan Anyayahan ang isang miyembro ng klase na basahin ang Lucas 1:46. Ipaliwanagna sa talatang ito, ang salitang dinadakila ay nakapatungkol sa mga pagsisikap niMaria na papurihan ang Panginoon at tulungan ang iba na makita ang kanyangkagitingan.

• Paano nakatulong sa inyo ang mga halimbawa nina Elisabet, Zacarias, JuanBautista, Maria, at Jose na makita ang kadakilaan ng Tagapagligtas at madagdaganang inyong pananampalataya sa kanya? Paano natin matutulungan ang iba namadagdagan ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo?

Ipahayag ang inyong pasasalamat sa mabubuting halimbawa nina Elisabet,Zacarias, Juan Bautista, Maria, at Jose. Magpatotoo tungkol sa mga katotohanangtinalakay ninyo.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. “Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinurosa iyo” (Lucas 1:4)

• Ipinatungkol ni Lucas ang kanyang patotoo sa isang taong nagngangalangTeofilo (Lucas 1:3). Ano ang layunin ni Lucas sa pagsusulat ng kanyangpatotoo? (Tingnan sa Lucas 1:3–4. Upang matulungan si Teofilo na malamanang katiyakan ng mga bagay na naituro.) Paano kayo napalakas ng pakikinigsa iba na nagpapatotoo tungkol sa mga pangkaraniwang doktrina at kilalangmga pangyayari sa banal na kasulatan?

Aralin 2

9

10

Aralin

3“Sapagka’t Ipinanganak sa Inyo

Ngayon . . . ang Isang Tagapagligtas”Lucas 2; Mateo 2

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na magalak sa pagsilang ni Jesucristo atsundan ang ipinakita niyang halimbawa noong kanyang kabataan, “[lumaki] sakarunungan at sa pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao”(Lucas 2:52).

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal na kasulatan:

a. Lucas 2:1–7. Si Jesucristo ay isinilang.b. Lucas 2:8–39. Ang mga anghel at marami pang iba ay nagalak sa pagsilang

ni Jesus.c. Mateo 2. Dinalaw si Jesus ng mga pantas mula sa silanganan at hinandugan

siya ng mga regalo. Si Herodes, na nakadama ng takot sa pagsilang ng Haring mga Judio, ay nag-utos na patayin ang lahat ng mga batang dalawangtaong gulang pababa na naninirahan sa Bet-lehem at sa mga karatig pooknito. Isang anghel ng Panginoon ang nag-utos kay Jose na magtungo saEgipto na kasama sina Maria at Jesus at pagkaraan ay magbalik sa Israel nakasama nila.

d. Lucas 2:40–52. Sa pamamagitan ng patnubay ng Ama, si Jesus ay lumaki atnaghanda noong kanyang kabataan para sa kanyang ministeryo.

2. Karagdagang pagbabasa: Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 3:24–26; 1 Nephi11:1–23; Helaman 14:1–8; 3 Nephi 1:4–21; 27:13–16; Doktrina at mga Tipan93:11–20.

3. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, gamitin ang ilan sa mga ito sa aralin:

a. “Luke II,” isang anim-na-minutong yugto mula sa New Testament VideoPresentations (53914).

b. Ang mga larawang No Room at the Inn (62115); Ang Pagsilang ni Jesus(34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 200); AngKapanganakan ni Jesus (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ngEbanghelyo 201); Ang Pagpapahayag ng Pagsilang ni Cristo sa mga Pastol(34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 202); Ang mgaPantas na Lalaki (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo203); Pagtakas Patungong Egipto (34730 893; Pakete ng Larawan ng Siningng Ebanghelyo 204); Ang Batang si Jesus sa Templo (34730 893; Pakete ngLarawan ng Sining ng Ebanghelyo 205); Ang Pagkabata ni Jesucristo (34730;893 Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 206); at Jesus and HisMother (Gospel Art Picture Kit 242).

4. Mungkahi sa pagtuturo: Gumamit ng mga angkop na larawan at pagpapalabasng video upang maanyayahan ang Espiritu, magkaroon ng mga iba’t ibangparaan sa pagtuturo sa mga aralin, at matulungan ang mga miyembro ng klase na maalala ang mga pangyayari sa banal na kasulatan na tinatalakay nila (tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit G,“Paghahanda at Paggamit ng mga Kagamitan sa Pagtuturo,” 189).

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Isulat ang sumusunod na mga tao sa pisara: isang pastol, Simeon, isang pantas mulasa silanganan, Herodes, isang taong nasa bahay panuluyan, Ana, isang anghel, Maria.

Basahin ang sumusunod na mga sagot sa pagsilang ni Jesucristo. Hilingin sa mgamiyembro ng klase na itugma ang bawat tugon sa angkop na tao:

1. Naglakbay ako nang malayo upang hanapin siya, binigyan ko siya ng mgaregalo, at sinamba siya. (Isang pantas mula sa silanganan; Mateo 2:1–2, 9–11.)

2. Hindi ko siya binigyan ng silid. (Isang taong nasa bahay panuluyan; Lucas 2:7.)

3. Sa pagtanggap ko ng patotoo mula sa Espiritu Santo, kinarga ko ang bata atalam kong maaari na akong mamatay nang payapa. (Simeon; Lucas 2:25–32.)

4. Sinabi kong, “Luwalhati sa Dios sa kataas-taasan, at sa lupa’y kapayapaan samga taong kinalulugdan niya.” (Isang anghel; Lucas 2:13–14.)

5. Kaagad akong nagpunta upang makita siya. (Isang pastol; Lucas 2:15–16.)

6. Nabagabag ako at tinangka kong patayin siya. (Herodes; Mateo 2:3–4, 16.)

7. Pagkatapos ko siyang makita sa templo, nagpahayag ako ng pasasalamat atipinamalita ang kanyang pagsilang. (Ana; Lucas 2:36–38.)

8. Pinag-isipan kong mabuti ang pangyayari sa aking puso. (Maria; Lucas 2:19.)

Hilingan ang mga miyembro ng klase na pagnilay-nilayin ang sumusunod namga tanong sa aralin:

• Ano ang inyong nadarama tungkol sa pangyayari sa pagsilang ngTagapagligtas? Ano ang inyong nadarama tungkol sa kanyang buhay,kamatayan, pagbabayad-sala, at pagkabuhay na mag-uli?

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata mula sa banal nakasulatan, tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan kung bakitdapat tayong magalak sa pagsilang ng Tagapagligtas. Talakayin ang mga paraanng pagsunod sa ipinakita niyang halimbawa noong kanyang kabataan.

1. Si Jesucristo ay isinilang.

Basahin at talakayin ang Lucas 2:1–7. Ipakita ang ilan sa mga larawan nanakalista sa bahaging “Paghahanda.”

• Si Jesus ay may kaluwalhatian sa piling ng Ama sa Langit “bago angsanglibutan ay naging gayon” (Juan 17:5). Nilikha niya ang kalangitan at ang mundo (Mosias 3:8). Bilang si Jehova ay inihayag niya ang mga kautusanat katotohanan ng ebanghelyo sa mga propeta ng Lumang Tipan (3 Nephi15:2–5). Bakit nagpunta sa daigdig si Jesus? (Tingnan sa 3 Nephi 27:13–16.)

• Ano ang mga kalagayan noong isinilang si Jesus? (Tingnan sa Lucas 2:7.)Paano inilarawan noong una pa ng mga kalagayang ito ang kanyang mortal na ministeryo at ang kanyang pagbabayad-salang sakripisyo? Sa paanong mga

Talakayan at Pagsasagawa ng Banal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

11

paraan tumatanggi ang mga tao sa ngayon na maglaan ng silid para saTagapagligtas sa kanilang buhay? Ano ang magagawa natin upangmapaglaanan siya ng silid sa ating buhay?

2. Ang mga anghel at marami pang iba ay nagalak sa pagsilang ni Jesus.

Talakayin ang Lucas 2:8–39. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahinnang malakas ang mga piling talata. Ipakita ang ilan sa mga larawang nakalistasa bahaging “Paghahanda.”

Kung gagamitin ninyo ang pagpapalabas ng video na “Luke II”, ipalabas na itongayon.

• Ano ang sinabi ng mga anghel habang ibinabalita nila ang pagsilang ni Jesus?(Tingnan sa Lucas 2:13–14.) Paano niluwalhati ni Jesus ang Ama? Paano siyanagdulot ng kapayapaan at kabutihan sa lahat ng tao at sa inyo na rin mismo?Paano natin maipakikita ang ating pasasalamat sa Diyos sa pagkakaloob niyang kanyang Anak?

• Ano ang ginawa ng mga pastol matapos nilang makita ang bagong silang naTagapagligtas? (Tingnan sa Lucas 2:17–18.) Ano ang magagawa natin upangmasundan ang kanilang halimbawa? Anyayahan ang mga miyembro ng klasena mag-isip ng isang tao na mababahaginan nila ng kanilang patotoo tungkolsa Tagapagligtas.

• Ano ang ginawa ni Maria pagkatapos ng pagsilang ni Jesus at ng pagdalaw ngmga pastol? (Tingnan sa Lucas 2:19.) Ano ang inihahayag nito tungkol kayMaria? Bakit mahalagang mag-ukol ng panahon sa pagpapahalaga atpagninilay-nilay ng mga sagradong karanasan?

• Paano inihanda sina Simeon at Ana para makita ang batang si Jesus? (Tingnansa Lucas 2:25–26, 37.) Ano ang kanilang reaksiyon nang kanilang makita siya?(Tingnan sa Lucas 2:27–35, 38.) Ano ang matututuhan natin tungkol saTagapagligtas mula sa kanilang mga propesiya?

3. Dumating ang mga pantas na lalaki upang sambahin ang batang si Jesus.Hinanap siya ni Herodes upang patayin.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mateo 2. Ipakita ang ilanglarawan mula sa bahaging “Paghahanda.”

• Bakit hinanap si Jesus ng “mga pantas na lalaking mula sa silanganan”?(Tingnan sa Mateo 2:1–2.) Ano ang ginawa nila nang makita nila si Jesus?(Tingnan sa Mateo 2:11. Pansinin na noong makita nila si Jesus sa dakonghuli, siya ay isang “sanggol” na ang tunay na ibig sabihin nito ay isang batangpaslit o musmos at hindi batang kasisilang pa lamang.) Anong mga regalo angmaaari nating ihandog sa Panginoon?

• Bakit gusto ni Herodes na matagpuan si Jesus? (Tingnan sa Mateo 2:3–6, 13.Siya ay nabagabag, at nais niyang patayin si Jesus.) Bakit nabagabag ang hari sa pagsilang ni Jesucristo? (Tingnan sa Mateo 2:2, 6. Sang-ayon sa propesiya, si Jesus ay maghahari sa Israel.)

• Paano napangalagaan si Jesus mula kay Herodes? (Tingnan sa Mateo 2:13–15.)Paano nalaman ni Jose na dapat na palang magbalik mula sa Egipto? (Tingnansa Mateo 2:19–23.) Bakit sa palagay ninyo natanggap ni Jose ang ganitongpatnubay mula sa Diyos? Ano ang maaaring gawin ng mga ama at ina sangayon upang makatanggap sila ng paghahayag tungkol sa kanilang mga

12

pamilya? Paano kayo natulungan ng Diyos habang hinahangad ninyo angkanyang patnubay para sa inyong pamilya?

4. Sa pamamagitan ng patnubay ng Ama ay nakapaghanda si Jesus noongkanyang kabataan para sa kanyang ministeryo.

Basahin at talakayin ang Lucas 2:40–52. Ipakita ang ilang larawan na nakalista sa bahaging “Paghahanda.” Ipaliwanag na taun-taon ay ipinagdiriwang nina Joseat Maria at ng iba pang matatapat na mga Judio ang Kapistahan ng Paskua saJerusalem. Tulad ng nakagawian na, sinamahan sila ni Jesus noong sumapit siyasa gulang na 12 (Lucas 2:41–42).

• Pagkatapos maidaos ang Kapistahan ng Paskua sa Jerusalem ay sinimulan nanina Maria at Jose ang kanilang paglalakbay pabalik sa Nasaret nang matantonila na ang 12 taong gulang na si Jesus ay hindi nila kasama (Lucas 2:43–45).Saan nila natagpuan si Jesus sa dakong huli? (Tingnan sa Lucas 2:46.) Kunghindi alam ng inyong mga magulang o ng ibang mga mahal sa buhay kungsaan kayo naroroon, makatitiyak ba sila na ginagawa ninyo ang mga bagay nakalugud-lugod sa inyong Ama sa Langit?

• Sinasabi sa Lucas 2:46 ng Pagsasalin ni Joseph Smith na ang mga kalalakihan[guro] sa templo ay “nakikinig [kay Jesus], at nagtatanong sa kanya.” Ano anginihahayag nito tungkol sa kabataan at kasanayan ni Jesus?

• Nang makita nina Maria at Jose si Jesus ay sinabi ni Maria sa kanya na, “Angiyong ama at ako [ay] hinahanap kang may hapis” (Lucas 2:48). Sino angtinutukoy niya nang sabihin niyang “ang iyong ama”? (Si Jose.) Paano sinagotni Jesus ang pag-aalala ni Maria? (Tingnan sa Lucas 2:49.) Sino ang tinutukoyni Jesus nang sabihin niyang, “aking Ama”? (Ang Ama sa Langit.) Ano angsinasabi nito sa atin tungkol sa pagkaunawa ng batang si Jesus sa kanyangmisyon na inordena noon pa?

• Paano pinakitunguhan ni Jesus sina Maria at Jose noong kanyang kabataan?(Tingnan sa Lucas 2:51. Kahit na siya ang Anak ng Diyos, siya ay nagpasailalimsa kanyang ina at kay Jose.) Ano ang matututuhan natin mula sa halimbawangito?

• Noong kanyang kabataan, si Jesus ay “lumaki sa karunungan at sapangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao” (Lucas 2:52). Sa madaling salita, siya ay umunlad sa kaisipan, sa pangangatawan, saespirituwal, at sa pakikisalamuha sa mga tao. Ano ang ilang tiyak na mgabagay na magagawa natin upang umunlad tayo sa kaisipan, pangangatawan,sa espirituwal, at sa pakikisalamuha sa mga tao?

• Ano ang matututuhan natin mula sa Doktrina at mga Tipan 93:11–17 tungkol sa paglaki ng Tagapagligtas noong kanyang kabataan? (Sa kanyangpaghahanda upang maging ating Manunubos, hindi kaagad-agad nanatanggap ni Jesus ang lahat ng kailangang katalinuhan, kapangyarihan,karunungan, at kaluwalhatian. Natanggap niya ang mga ito nang “biyaya sabiyaya,” nang unti-unti.) Paano naaangkop sa atin ang katotohanang ito?(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 93:18–20.)

Katapusan Magpatotoo sa mga katotohanang tinalakay ninyo sa araling ito. Himukin angmga miyembro ng klase na magalak sa pagsilang ng Tagapagligtas at sundan anghalimbawang ipinakita niya noong kanyang kabataan.

Aralin 3

13

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. “Datapuwa’t iningatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito napinagbulay-bulay sa kaniyang puso” (Lucas 2:19)

Habang tinatalakay ninyo ang may paggalang na pagtugon ni Maria hinggil sapagsilang ni Jesus, anyayahan ang isang ina na sabihin ang kanyang nadamamatapos maisilang ang isa sa kanyang mga anak.

2. Gawaing pangkabataan

Pumili ng limang mahahalagang talata ng banal na kasulatan mula sa aralin, at ipabatid sa mga miyembro ng klase ang mga nilalaman ng bawat talata.Pagkatapos ay ipasara sa mga miyembro ng klase ang kanilang mga Biblia.Magbigay ng mga pahiwatig na magtuturo sa mga miyembro ng klase tungo samga talata ng banal na kasulatan na inyong pinagbalik-aralan, na sinasabi angbawat pahiwatig upang hindi magkaroon ng pag-aalinlangan kung aling talataang inyong tinutukoy. (Halimbawa, maaari ninyong sabihing, “Ang talatang ito ay naglalaman ng mga salita ng papuri ng anghel sa Diyos noong isilang si Jesus.” Ang tanging posibleng sagot ay ang Lucas 2:14.) Matapos ninyongbasahin ang isang pahiwatig, ipabuklat sa mga miyembro ng klase ang kanilangmga Biblia at ipahanap ang tamang talata. Gamitin ang gawaing ito upangmaging lalong pamilyar sa mga talata ng banal na kasulatan sa halip na mauwisa paligsahan. Huwag gugugol nang hihigit sa ilang minuto rito.

14

15

Aralin

4“Ihanda Ninyo ang mga Daan ng Panginoon”Mateo 3–4; Juan 1:35–51

Layunin Bigyang-inspirasyon ang mga miyembro ng klase na lumapit sa Tagapagligtas sapamamagitan ng pagsisisi ng kanilang mga kasalanan, pagtupad sa kanilang mgatipan sa pagbibinyag, at paglaban sa mga tukso.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mateo 3:1–12. Si Juan Bautista ay nangaral ng pagsisisi at nagbinyag atinihanda ang daan ng Panginoong Jesucristo.

b. Mateo 3:13–17. Si Jesus ay bininyagan ni Juan Bautista.c. Mateo 4:1–11. Pinaglabanan ni Jesus ang mga panunukso ni Satanas sa ilang.d. Juan 1:35–51. Ang ilan sa mga disipulo ni Juan Bautista ay nagpasiyang

sumunod kay Jesus.

2. Karagdagang pagbabasa: Marcos 1:1–13; Lucas 3:1–22; 4:1–14; Juan 1:19–34;2:1–25; 2 Nephi 31: Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagbibinyag,” 176–178;“Juan Bautista,” 99; “Magsisi o Pagsisisi,” 142.

3. Kung makukuha ang sumusunod na mga larawan, gamitin ang mga ito saaralin: Nangangaral sa Ilang si Juan (34730 893; Pakete ng Larawan ng Siningng Ebanghelyo 207) at Binibinyagan ni Juan Bautista si Jesus (34730 893;Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 208).

4. Mungkahi sa pagtuturo: Maging matalino sa paggamit ng oras ng klase.Planuhin kung ano ang inyong tatalakayin at kung gaanong oras ang naisninyong gugulin sa bawat bahagi ng aralin, ngunit hayaang patnubayan kayong Espiritu. Huwag tapusin ang isang mahalagang talakayan upang matalakaylamang ang buong aralin. Mas mahalagang matuto at madama ng mgamiyembro ng klase ang Espiritu kaysa talakayin ang bawat punto ng aralin.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Isulat ang sumusunod sa pisara, at tanungin ang mga miyembro ng klase kungalam nila ang sinasabi nito:

Gawaing Pantawag-pansin

Ipaliwanag na ito ang salitang Hebreo na Messiah, na ang ibig sabihin ayhinirang. Daan-daang taon na ang ipinaghintay ng mga Judio sa pagdating ngMesiyas, na, sang-ayon sa propesiya, ay siyang hihirangin bilang kanilang Hari atTagapagligtas. Ang salitang Griyego para sa Messiah ay Christ. Si Jesucristo angmatagal nang hinihintay na Mesiyas, at si Juan Bautista ang propetang ipinadalaupang ihanda ang daan para sa kanya.

Talakayin kung paanong higit na makapagpapalapit sa atin sa Tagapagligtas ang mga turo sa sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan. Dahil hindimadaling itanong ang bawat katanungan o talakayin ang bawat punto ng aralin,piliin nang may panalangin ang mga pinakamainam na makatutugon sa mgapangangailangan ng mga miyembro ng klase.

1. Inihanda ni Juan Bautista ang daan ng Panginoong Jesucristo.

Basahin at talakayin ang Mateo 3:1–12. Ipakita ang larawan ni Juan nanangangaral, at ibahagi ang sumusunod na impormasyon sa inyong sariling mgapananalita tungkol sa nangyari:

Daan-daang taon bago pa sumapit ang pagsilang ni Juan ay nakini-kinita na ng maraming propeta ang kanyang ministeryo at nagpatotoo sila tungkol sakanyang kadakilaan bilang siyang maghahanda ng daan para sa Mesiyas (Isaias40:3; 1 Nephi 10:7–10). Bilang paghahanda sa ministeryo ni Juan ay ibinalita nganghel Gabriel ang nalalapit na pagsilang ni Juan (Lucas 1:13–19), nagpropesiyasi Zacarias tungkol sa araw ng pagpapangalan at pagtutuli kay Juan (Lucas1:67–79), at inordenan ng isang anghel sa kanyang misyon ang walong araw nagulang na si Juan (Doktrina at mga Tipan 84:27–28). Ang pinakamataas na antasng pananalita tungkol sa kagitingan ni Juan ay nagmula mismo sa Tagapagligtasna nagsabing, “Sa mga ipinanganak ng mga babae ay walang dakila [propeta]kaysa kay Juan [Bautista]” (Lucas 7:28).

Si Juan ay isinilang nang mga anim na buwan bago isilang si Jesus. Pagkataposna pagkatapos na maisilang si Jesus, si Herodes, na natatakot sa pahayag na isangbagong hari ng mga Judio ang isinilang, ay nag-utos at “ipinapatay ang lahat ngmga sanggol na lalake na nangasa Bet-lehem, at sa buong palibot-libot noon,mula sa gulang na dalawang taon hanggang sa pababa” (Mateo 2:16). Upangmapangalagaan si Jesus, isang anghel ang nagpakita kay Jose sa isang panaginipat inutusan siyang dalhin sina Jesus at Maria sa Egipto (Mateo 2:13–15). Upang

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

16

mapangalagaan si Juan, “Inutusan ni Zacarias [si Elisabet] na dalhin siya [si Juan]sa mga kabundukan, kung saan siya pinalaki sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanya ng balang at pulot-pukyutan” (Teachings of the Prophet Joseph Smith,pinili ni Joseph Fielding Smith [1976], 261). Paglipas ng maraming taon aysinimulan ni Juan ang kanyang ministeryo sa publiko, una ay nangaral siya sailang at pagkatapos sa Jerusalem at sa “buong lupain sa palibot-libot ng Jordan” (Mateo 3:5).

• Ano ang misyon ni Juan Bautista? (Tingnan sa Lucas 1:76–79; 3:3–4.) Bakit sapalagay ninyo mahalagang may maghanda ng daan ng Panginoon?

• Anong mensahe ang ipinangaral ni Juan upang maihanda ang mga tao sapagdating ng Tagapagligtas? (Tingnan sa Mateo 3:1–2.) Ano ang ibig sabihinng magsisi? (Habang tinatalakay ng mga miyembro ng klase ang mga sagot satanong na ito, isulat sa pisara ang ilang aspeto ng pagsisisi tulad ng nakapakitasa ibaba. Maaari ninyong naising anyayahan ang mga miyembro ng klase nabasahin ang kasamang mga banal na kasulatan.)

a. Pagkadama ng kalumbayang mula sa Diyos para sa kasalanan (II Mga TagaCorinto 7:9–10).

b. Pag-amin at pagtalikod sa mga kasalanan (Doktrina at mga Tipan 58:42–43).c. Pagtutuwid, kung maaari, ng mga kamaliang nagawa (Lucas 19:8).d. Pagsunod sa mga kautusan (Doktrina at mga Tipan 1:31–32).e. Pagbaling sa Panginoon at paglilingkod sa kanya (Mosias 7:33).

• Paano tayo inihahanda ng pagsisisi upang makapanirahan sa piling ng Ama saLangit at ni Jesucristo? (Tingnan sa 3 Nephi 27:19.) Paano tayo natutulunganng pagsisisi na mapalapit sa kanila sa bawat araw?

• Nasaksihan ng mga Fariseo at Saduceo ang mga pagbibinyag na isinagawa niJuan ngunit pinili nilang huwag magpabinyag (Mateo 3:7; Lucas 7:29–30).Pinagalitan sila ni Juan at hinikayat silang magsisi at magbunga ng karapat-dapat sa pagsisisi (tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 3:35;alalahanin na ang salitang magbunga ay tumutukoy sa mga resulta at ang ibig sabihin ng salitang karapat-dapat ay naaangkop). Anu-ano ang bunga ng pagsisisi? (Tingnan sa Moroni 8:25–26.)

• Si Juan ay nagbinyag “sa tubig sa pagsisisi” at nangakong si Jesus aymagbabautismo “sa Espiritu Santo, at apoy” (Mateo 3:11). Ano ang ibigsabihin ng magbautismo “sa Espiritu Santo, at apoy”?

Binabautismuhan tayo sa Espiritu Santo at apoy kapag tinatanggap natin angkaloob na Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay(Doktrina at mga Tipan 20:41). “Ang kaloob na Espiritu Santo ay angkarapatang mapasaatin, sa tuwing karapat-dapat ang isang tao, ang paggabayng Espiritu Santo. . . . Ito ay nagsisilbing panlinis upang dalisayin ang isangtao at pabanalin siya mula sa lahat ng kasalanan. Kung kaya’t ito aykadalasang tinutukoy bilang ‘apoy’ ” (Bible Dictionary, “Holy Ghost,” 704).

2. Si Jesus ay bininyagan ni Juan Bautista.

Basahin at talakayin ang Mateo 3:13–17. Ipakita ang larawan ni Juan nabinibinyagan si Jesus.

• Bakit nag-atubili si Juan na binyagan si Jesus? (Tingnan sa Mateo 3:14.) Bakitkinailangang binyagan si Jesus? (Tingnan sa Mateo 3:15; 2 Nephi 31:6–7,

Aralin 4

17

9–11.) Bakit kailangan tayong binyagan? (Tingnan sa 2 Nephi 31:5, 12–13,17–18; Doktrina at mga Tipan 20:71; 49:13–14.)

• Anong mga tipan ang ating ginagawa kapag tayo ay binibinyagan? (Tingnan saDoktrina at mga Tipan 20:37.) Paano dapat makaapekto sa ating pang-araw-araw na mga kilos ang mga tipang ito? (Tingnan sa Mosias 18:8–10.)

3. Pinaglabanan ni Jesus ang mga panunukso ni Satanas sa ilang.

Basahin at talakayin ang Mateo 4:1–11. (Tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smithng Mateo 4:1–2, 5–6, 8–9, at 11 sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.)

• Pagkatapos na pagkatapos na mabinyagan si Jesus, siya ay inakay ng Espiritupatungo sa ilang upang makapiling ng Diyos (Pagsasalin ni Joseph Smith,Mateo 4:1). Paano sa palagay ninyo naihanda si Jesus ng karanasang ito upangmapaglabanan niya ang mga tukso ni Satanas? Paano tayo pinatatatag ng pag-aayuno, panalangin, at “pag-akay . . . ng Espiritu” laban sa tukso?

• Anong pagnanasa (appetite) ang sinubukang akitin ni Satanas noong tuksuhinniya si Jesus, na noon ay nag-aayuno, na gawing tinapay ang mga bato?(Tingnan sa Mateo 4:2–3. Sinubukan niyang akitin ang pagnanasang bigyangkasiyahan ang pisikal na hilig sa pagkain.) Paano tayo tinutukso ni Satanas napagbigyan ang pisikal na hilig sa pagkain? Paano natin makikilala atmapaglalabanan ang mga tuksong ito?

• Sinubukan ni Satanas na gawing daan ang kapalaluan nang tuksuhin niya siJesus na magpatihulog mula sa taluktok [ng templo] at patunayan na maykapangyarihan siyang maligtas ng mga anghel (Mateo 4:5–6). Paanosinusubukan ni Satanas na pairalin natin ang ating kapalaluan? Paano natinmakikilala at mapaglalabanan ang mga tukso na bigyang- kasiyahan angmapagnasang kapalaluan?

• Ano ang inialok ni Satanas kung sasambahin siya ni Jesus? (Tingnan sa Mateo4:8–9.) Paano tayo tinutukso ni Satanas ng makamundong mga kayamanan atkapangyarihan? Paano natin makikilala at mapaglalabanan ang ganitong mgatukso? (Tingnan sa Mateo 4:10.)

• Ano ang hindi totoo sa alok ni Satanas na ibibigay kay Jesus ang mga kaharianng daigdig? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 104:14.) Anong mgakabulaanan ang iniaalok ni Satanas sa ngayon upang ganyakin tayo sakasalanan?

• Tinugon ni Jesus ang bawat panunukso ni Satanas sa pamamagitan ngpagbanggit sa mga banal na kasulatan (Mateo 4:3–4, 6–7, 8–10). Paano tayobinibigyan ng lakas ng mga banal na kasulatan upang mapaglabanan angtukso? (Tingnan sa Helaman 3:29–30.)

• Dalawang ulit na tinanong ni Satanas si Jesus kung siya ang Anak ng Diyos(Mateo 4:3, 6). Bakit kaya ito itinanong ni Satanas? Paano niya ito itinatanongsa daigdig sa ngayon? Kapag nahaharap tayo sa tukso, paano nakatutulong angkaalaman na tayo ay mga anak ng Diyos? (Tingnan sa Moises 1:12–22.)

• Paano makatutulong sa atin ang malaman na si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay naharap din sa mga tukso na tulad ng mga nakakaharap natin? (Habangtinatalakay ng mga miyembro ng klase ang tanong na ito, maaari ninyongnaising ipabasa sa kanila ang sa Mga Hebreo 4:14–15.)

18

Sinabi ni Elder Joseph B. Wirthlin na: “Alam na alam ng Panginoon ang atingbuhay sa mundo. Alam niya ang ating mga kahinaan. Nauunawaan niya angmga hamon ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Lubos ang kanyangpakikiramay sa mga tukso ng makamundong hilig at pagkahumaling” (saConference Report, Abr. 1996, 46; o Ensign, Mayo 1996, 34).

4. Ang ilan sa mga disipulo ni Juan Bautista ay nagpasiyang sumunod kay Jesus.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Juan 1:35–51.

• Noong simulan ni Jesus ang kanyang mortal na ministeryo, ano ang hinimokni Juan Bautista na gawin ng kanyang sariling mga disipulo? (Tingnan sa Juan1:35–37.) Nang makita ni Jesus na sinusundan Siya ng dalawa sa mga disipuloni Juan Bautista, ano ang kanyang ginawa? (Tingnan sa Juan 1:38–39.)

• Nang marinig at makilala ni Andres ang Tagapagligtas, ano ang kanyangginawa? (Tingnan sa Juan 1:40–42.) Matapos makatanggap ng patotoo na siJesus ang Mesiyas, paano sinagot ni Felipe ang mga agam-agam ni Natanael?(Tingnan sa Juan 1:43–46.) Ano ang maaari nating gawin upang maanyayahanang iba na “pumarito at tingnan” ang Tagapagligtas?

Katapusan Magpatotoo na ang paanyayang “pumarito at tingnan” ang Tagapagligtas ayipinaabot sa ating lahat. Ipaliwanag na maaari nating tanggapin ang paanyayangiyon sa pamamagitan ng pagsisisi, pagpapabinyag, pagtupad sa ating mga tipansa pagbibinyag, at paglaban sa tukso.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. Mahahalagang bagay na dapat malaman mula sa pagbibinyag ngTagapagligtas

Pagbalik-aralan ang Mateo 3:16–17.

• Paano ipinakikita ng salaysay tungkol sa naging binyag ng Tagapagligtas naang binyag ay kailangang maisagawa sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig?(Tingnan sa Mateo 3:16; tingnan din sa Juan 3:23; Mga Taga Roma 6:3–6; 3Nephi 11:23–26; ‘Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagbibinyag, Binyagan,’ ”176–178, na nagpapaliwanag na ang salitang pagbibinyag ay “nagmula sasalitang Griyego na ang ibig sabihin ay itubog o ilubog.”)

• Ano ang nakita ni Juan matapos niyang binyagan si Jesus? (Tingnan sa Mateo3:16.) Kaninong tinig ang kanyang narinig? (Tingnan sa Mateo 3:17.) Ano ang itinuturo sa atin ng salaysay ng pagbibinyag ng Tagapagligtas tungkol sakatauhan ng Panguluhang Diyos? (Ang Ama sa Langit, si Jesucristo, at angEspiritu Santo ay magkakahiwalay na katauhan.)

2. Nagpakita si Jesus ng paggalang at pagmamahal sa kanyang ina

Ipaliwanag na pagkatapos mabinyagan si Jesus, siya at ang kanyang mga disipuloay dumalo sa isang piging ng kasal sa Cana (Juan 2:1–11). Nang sabihin sa kanya

Aralin 4

19

ng kanyang ina na walang alak para sa piging ay itinanong niya sa kanyang inakung ano ang nais nitong gawin niya para sa kanya at sinabing gagawin niya ito(tingnan sa Joseph Smith Translation, John 2:4).

• Ano ang inihayag ng mga salita ni Jesus sa kanyang ina tungkol sa kanyangdamdamin para sa ina? Ano ang ginawa niya para tulungan ang ina? (Tingnan sa Juan 2:6–11. Ituro na ito ang unang himala ni Jesus na natala sa Bagong Tipan.)

3. Si Jesus ay nagpakita ng paggalang habang nililinis niya ang templo

Ipabasa sa mga miyembro ng klase ang Juan 2:13–17, na naglalaman ng kuwentotungkol sa nakita ni Jesus na paglapastangang ginawa ng mga mangangalakal at mamamalit ng salapi sa templo. Kung may makukuhang larawan ng AngPaglilinis ni Jesus ng Templo (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ngEbanghelyo 224), ipakita ito. Ituro na nagpakita ng paggalang at pagpipitagan siJesus nang “itinaboy niyang lahat sa templo, . . . at ibinubo niya ang salapi ngmga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang” (Juan 2:15). Ipaliwanag na ang pagpipitagan sa ating Ama sa Langit ay hindi lamang kinapapalooban ng tahimik na pag-upo sa Simbahan. Kabilang dito ang pagpapakita sapamamagitan ng ating mga kilos na mahal natin siya at kinikilala natin angkanyang kapangyarihan.

20

21

Aralin

5“Ipanganak na Muli”

Juan 3–4

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan na upang makatanggap ngbuhay na walang katapusan ay kailangan nating “ipanganak na muli” at patuloyna sundan si Jesucristo.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal na kasulatan:

a. Juan 3:1–22. Itinuro ni Jesus kay Nicodemo na ang lahat ay kailangangmaipanganak na muli sa tubig at Espiritu upang makapasok sa kaharian ngDiyos. Itinuro ni Jesus na siya ang Bugtong na Anak ng Diyos, na ipinadalaupang iligtas ang sangkatauhan.

b. Juan 4:1–42. Tinuruan ni Jesus ang isang babaeng taga Samaria na nasa Tabing Balon ni Jacob. Maraming Samaritano ang nagbalik-loob.

2. Karagdagang pagbabasa: ‘Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Buhay na Tubig,’ 32.”

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, magdala sa klase ng:

a. Isang halamang maganda ang tubo at nadidiligang mabuti at isanghalamang lanta dahil sa kakulangan ng tubig (o magdrowing sa pisara ngisang halamang maganda ang tubo at isang lantang halaman, tulad ngnakapakita sa gawaing pantawag-pansin).

b. Isang pitsel ng tubig.

4. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, gamitin ang ilan sa mga itosa aralin:

a. Ang larawan ng Ang Babae sa May Balon (34730 893; Pakete ng Larawan ngSining ng Ebanghelyo 217).

b. “The Woman at the Well,” isang walong minutong yugto mula sa NewTestament Video Presentations (53914).

c. Mapa ng Palestina noong panahon ng Bagong Tipan (mapa 4 sa Gabay samga Banal na Kasulatan).

5. Mungkahi sa pagtuturo: “Ang pangunahing layunin ng pagtuturo sa Simbahanay tumulong na makapagdulot ng mga kapaki-pakinabang na pagbabago sabuhay ng mga tao. Ang pakay nito ay bigyan ng inspirasyon ang isang tao namag-isip, makadama, at pagkatapos ay kumilos tungkol sa mga katotohanan at alituntunin ng ebanghelyo” (Rex A. Skidmore, sinipi sa Pagtuturo—WalangHigit na Dakilang Tungkulin, Yunit E, Paksa 6, “Nakahihikayat na Pagtuturo ngEbanghelyo”, 103–104).

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ipakita ang halamang may maganda ang tubo at ang nalantang halaman(tingnan sa bahaging “Paghahanda”), o idrowing ang mga ito sa pisara tulad ng nakapakita sa kasunod na pahina. Ipakita rin ang pitsel ng tubig.

• Ano ang nangyayari sa isang halaman kapag hindi ito tumatanggap ng tubig?Ano ang nangyayari sa atin kapag hindi tayo tumatanggap ng tubig?

Ipaliwanag na kung paanong tayo ay pisikal na mamamatay kapag hindi tayotumatanggap ng tubig ay gayundin naman na espirituwal tayong mamamataykapag hindi tayo tumatanggap ng espirituwal na tubig. Isinasaad ng araling itoang mga aral ni Jesus tungkol sa pagsilang sa pamamagitan ng tubig at ngEspiritu at tungkol sa buhay na tubig na kanyang iniaalay.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Itinuro ni Jesus kay Nicodemo na ang lahat ay kailangang maipanganakna muli sa tubig at Espiritu upang makapasok sa kaharian ng Diyos.

Talakayin ang Juan 3:1–22. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahinnang malakas ang mga piling talata. Ipaliwanag na si Nicodemo ay isang pinunosa pamayanang Judio. Nagpunta siya kay Jesus dahil alam niyang si Jesus ayisang “guro na nagbuhat sa Dios” (Juan 3:2).

• Ano ang itinuro ni Jesus kay Nicodemo na kailangan niyang gawin upangmakapasok sa kaharian ng Diyos? (Tingnan sa Juan 3:5.) Ano ang ibig sabihinng “ipanganak ng tubig”? (Juan 3:5; mabinyagan). Paano naging sagisag ngpagsilang na muli ang pagbibinyag? (Ang paglulubog sa tubig ay sagisag ngkamatayan o paglilibing ng ating mga nakaraang kasalanan; sa pagbangonnatin mula sa tubig, tayo ay nagsisimula ng panibagong buhay.) Ano ang ibigsabihin ng “ipanganak ng . . . Espiritu”? (Juan 3:5; tanggapin ang kaloob naEspiritu Santo).

Talakayan at Pagsasagawa ng Banal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

22

• Itinuro ni Elder Bruce R. McConkie na “ang mga miyembro ng Simbahan ay hindi ipinapanganak na muli sa pamamagitan lamang ng pagbibinyag”(Doctrinal New Testament Commentary, 3 tomo [1966–73], 1:142). Bukod sapagbibinyag at pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, ano pa ang kailanganupang maipanganak na muli? (Tingnan sa Juan 3:16, 18; Mosias 5:1–7;27:25–26; Alma 5:14–35; 22:15–18. Maaari ninyong naising pamarkahan sa mga miyembro ng klase ang mga parirala sa mga talatang ito na maykaugnayan sa pagkapanganak na muli. Isang halimbawa ng listahan ang nasaibaba. Ituro na nililinaw ng mga talata mula sa Aklat ni Mormon ang ibigsabihin ng maipanganak na muli.)

a. Pagsampalataya kay Jesucristo (Juan 3:16, 18).b. Pagdanas ng “malaking pagbabago sa . . . aming mga puso, kaya nga kami

ay wala nang hangarin pang gumawa ng masama, kundi ang patuloy nagumawa ng mabuti” (Mosias 5:2; tingnan din sa Alma 5:12–14, 26).

c. Pagkakaroon ng “[pagbabago] mula sa [isang] makamundo at pagkahulog na kalagayan, tungo sa kalagayan ng kabutihan” (Mosias 27:25).

d. Pagiging “mga anak ni Cristo, mga anak niyang lalaki, at mga anak niyangbabae” (Mosias 5:7; 27:25).

e. Pagiging “mga bagong nilikha” (Mosias 27:26).f. Pagtataglay “ng larawan ng Diyos na nakaukit sa [ating] mga mukha”

(Alma 5:19; tingnan din sa talata 14).g. Pagsisisi nang sa gayon ang ating “kasuotan [ay kailangang] dalisayin

hanggang sa ito ay maging malinis sa lahat ng dumi, sa pamamagitan ngdugo niya [ni Cristo]” (Alma 5:21; tingnan din sa Alma 5:19, 33–34; 22:18).

• Itinuro rin ni Elder Bruce R. McConkie na ang pagkapanganak na muli ay“hindi nangyayari sa isang iglap. [Ito] ay isang proseso” (“Jesus Christ and Him Crucified,” sa 1976 Devotional Speeches of the Year, 399). Ano ang maaarinating gawin upang maipagpatuloy ang prosesong ito sa buong buhay natin?(Tingnan sa 2 Nephi 31:19–20.) Paano natin mapaglalabanan ang kawalan ng pag-asa o mga sagabal sa ating espirituwal na pag-unlad? Anong mgapagbabago ang inyong napansin sa inyong sarili o sa isang tao habang nasaproseso ng pagkapanganak na muli?

• Anyayahan ang isang miyembro ng klase na basahin nang malakas ang Juan3:14–18. Paano nauugnay ang mga katotohanang ito tungkol sa misyon ngTagapagligtas sa kanyang kautusan na tayo ay ipanganak na muli?

• Ginamit ni Jesus ang mga konsepto ng liwanag at kadiliman upang turuan si Nicodemo (Juan 3:19–21). Bakit pinipili ng ilan ang kadiliman sa halip naliwanag? Paano natin mapananatili ang kakayahang mahalin ang liwanag atitakwil ang kadiliman? Anong mga pangako ang ginawa ng Panginoon sa mgalumalapit sa liwanag? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 50:24; 88:67.)

2. Tinuruan ni Jesus ang isang babaeng taga Samaria na nasa Tabi ng Balonni Jacob.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Juan 4:1–42. Ipakita ang mapang Palestina. Ipaliwanag na habang naglalakbay si Jesus at ang kanyang mgadisipulo mula sa Judea patungong Galilea (maaari ninyong naising ituro ang mgalugar na ito sa mapa), sila ay tumigil upang magpahinga sa tabi ng Balon ni Jacobsa Samaria. Habang nakaupo si Jesus sa tabi ng balon, isang babaeng taga Samariaang lumapit upang umigib ng tubig.

Aralin 5

23

Ipakita ang larawan ng babaeng nasa tabi ng balon. Kung gagamitin ninyo angpagpapalabas ng video na “The Woman at the Well,” ipalabas na ninyo itongayon.

• Ang mga Judio ay “hindi nakikipag-usap sa mga Samaritano” (Juan 4:9) atkaraniwang iniiwasan ang Samaria kapag naglalakbay sila. Gayunman aykusang dumaan si Jesus sa Samaria. Ano ang inihahayag nito tungkol sakanya? Sino ang ilan sa “mga Samaritano” sa daigdig sa ngayon? (Ang mgasagot ay maaaring kabilangan ng sinumang tao o grupo na itinuturing nanakabababa.) Paano natin sila dapat pakitunguhan?

• Paano ginawa ng babaeng taga Samaria na mas madali siyang maturuan niJesus? (Tingnan sa Juan 4:9, 11–12, 15, 19, 25. Maaaring maibilang sa sagot nasiya ay mapagpakumbaba, naghangad siyang madagdagan pa ang kanyangnalalaman, at pinaniwalaan niya ang kanyang mga salita.) Ano ang maaarinating gawin upang mas madali nating matanggap ang mga aral ngTagapagligtas?

• Paano nabago ang babaeng taga Samaria habang nakikipag-usap sa kanya siJesus? Paano nakatulong si Jesus upang maisagawa ang pagbabagong ito?(Maaaring kabilang sa mga sagot ang tinuruan niya ang babae sa antas na abotng kanyang pang-unawa, nagpatotoo siya tungkol sa kanyang sarili, mabisaniyang ginamit ang sagisag ng tubig, at nagpakita siya ng habag.) Paano natinmasusundan ang kanyang halimbawa habang tinuturuan natin ang iba?

• Sinabi ni Jesus sa babaeng taga Samaria na siya ay mabibigyan niya ng “tubigna buhay” (Juan 4:10). Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “tubig nabuhay”? (Tingnan sa 1 Nephi 11:25; Doktrina at mga Tipan 63:23. Maaaringmaibilang sa mga sagot ang mga doktrina ng ebanghelyo, ang pag-ibig ngDiyos, at ang Pagbabayad-sala.) Paano natin makakamtan ang tubig na buhay?Paano kayo napagpala ng tubig na buhay na ito?

• Ang babaeng taga Samaria ay nagpunta sa balon para sumalok ng tubig (Juan4:7). Gayunman, pagkatapos niyang makipag-usap kay Jesus ay iniwan niyaang kanyang pitsel sa tabi ng balon at umalis upang sabihan ang iba tungkolsa karanasang ito (Juan 4:28–29). Ano ang matututuhan natin mula sakanyang halimbawa?

• Paano napagpala ang ibang tao dahil sa pananampalataya ng babaeng taga Samaria? (Tingnan sa Juan 4:39–42.) Paano kayo napagpala o paanoninyo nakitang napagpala ang iba sa paniniwala sa Panginoon? Paanomaaapektuhan ng ating pananampalataya ang mga nakapaligid sa atin?

Katapusan Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, muli ninyong ipakita angmga halaman at tubig na nasa pitsel. Ipaliwanag na kung paanong kailangan ngmga halaman ang tubig upang mabuhay, ay gayundin naman na kailangannating sundin ang Tagapagligtas at ang kanyang mga aral upang maipanganakna muli at magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Magpatotoo tungkol sa mga katotohanang tinalakay ninyo sa aralin. Hamuninang mga miyembro ng klase na hanapin si Jesucristo, sundan siya, at magpatuloysa proseso ng pagkapanganak na muli.

24

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. “Hindi ako ang Cristo, kundi . . . ako’y sinugo sa unahan niya” (Juan 3:28)

• Sa Juan 3:25–36, ano ang saloobin ni Juan tungkol sa kanyang ginampanangtungkulin at sa pagkilala niya sa tungkuling ginampanan ng Tagapagligtas?Paano ipinakita ng saloobin ni Juan ang pagiging tunay na disipulo? Paanonatin maisasagawa ang ganitong saloobin sa ating paglilingkod sa Simbahan?

2. “Ang mga bukid . . . [ay] mapuputi na upang anihin” (Juan 4:35)

• Ano ang itinuro ni Jesus sa kanyang mga disipulo tungkol sa gawaingmisyonero sa Juan 4:35–38? Ano ang ibig niyang ipakahulugan nang sabihinniyang ang bukid ay maputi na at handa nang anihin? Paano iniugnay ngTagapagligtas ang sagisag ding ito sa Doktrina at mga Tipan 4:1–4 at 75:3–5?Hilingan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga naging karanasannila sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba.

3. Pinagaling ni Jesus ang anak ng isang taong mayaman

Basahin at talakayin ang Juan 4:46–54.

• Ano ang kailangan kay Jesus ng lalaking mayaman? (Tingnan sa Juan 4:46–47.)Ano ang unang isinagot ni Jesus sa kanya? (Tingnan sa Juan 4:48.) Paanotumugon ang lalaking mayaman? (Tingnan sa Juan 4:49.)

• Ano ang pangalawang sagot ni Jesus sa lalaking mayaman? (Tingnan sa Juan4:50.) Ano ang naging reaksiyon ng lalaking mayaman? (Tingnan sa Juan4:50.) Ano ang naging bunga ng pananampalataya ng lalaking mayaman?(Tingnan sa Juan 4:51–54.) Ano ang matututuhan natin mula sa pangyayaringito tungkol sa kapangyarihan ng pananampalataya?

Aralin 5

25

26

Aralin

6“At Pagdaka’y Iniwan Nila

ang mga Lambat”Lucas 4:14–32; 5; 6:12–16; Mateo 10

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan na ang mga Apostol aytinawag upang maging natatanging saksi ni Jesucristo at pinagpapala tayo kapagitinataguyod at sinusunod natin sila.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Lucas 4:14–32. Nagturo si Jesus sa isang sinagoga sa Nazaret at nagpatotoona siya ang Mesiyas na ipinropesiya ni Isaias. Galit na galit na tinanggihansiya ng mga tao.

b. Lucas 5:1–11, 27–28; 6:12–16. Tinawag ni Jesus ang kanyang LabindalawangApostol.

c. Mateo 10. Inordenan at tinagubilinan ni Jesus ang Labindalawang Apostolat isinugo sila upang ipangaral ang ebanghelyo.

2. Karagdagang pagbabasa: Isaias 61:1–2; Mateo 4:18–22; Marcos 1:16–20;3:13–19; 6:7–13; Lucas 9:1–6; 12:1–12; Doktrina at mga Tipan 107:23–24,33–35, 39, 58; ‘Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Apostol,” 13. ’

3. Kung makukuha ang sumusunod na mga larawan, gamitin ang mga ito saaralin: Pagtawag sa mga Mangingisda (34730 893; Pakete ng Larawan ngSining ng Ebanghelyo 209) o Si Jesus at ang mga Mangingisda (34730 893;Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 210); Inoordenan ni Cristo angmga Apostol (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 211); at isang larawan ng kasalukuyang Korum ng Labindalawang Apostol (mula sapinakahuling isyu ng Ensign o Liahona na nauukol sa komperensiya).

4. Mungkahi sa pagtuturo: Alamin at gamitin ang mga pangalan ng mgamiyembro ng klase. Kapag ganito ang ginagawa ninyo, makikita ng mgamiyembro ng klase na nagmamalasakit kayo sa kanila bilang mga indibiduwal.Ang malaman ang mga pangalan ng mga miyembro ng klase ay makatutulongdin sa inyo na makahimok ng paglahok dahil magagawa ninyong ibaling angmga tanong sa tiyak na tao. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na DakilangTungkulin, Yunit E, Paksa 16, “Paggamit ng mga Tanong Upang Pumukaw ngPag-iisip,” 128–130.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang unang bahagi ng Mosias 27:31(hanggang sa “kikilalanin na siya ay Diyos”). Ipaliwanag na sa IkalawangPagparito ni Jesucristo ay kikilalanin siya ng lahat bilang Tagapagligtas. Hindi ito

Gawaing Pantawag-pansin

nangyari noong kanyang unang pagparito. Pinag-aralan ng mga Judio ang mgapropesiya tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas sa loob ng daan-daang taon,subalit marami sa mga nakarinig kay Jesus ang nabigong makilala siya bilangsiyang Tagapagligtas. Dahil hindi pinalaya ni Jesus ang mga Judio mula sapamumuno ng Roma, na tulad ng inasahan nilang gagawin ng Mesiyas, maramisa kanila ang nagtakwil sa kanya at sa kanyang mensahe.

Ituro na tatalakayin ng unang bahagi ng araling ito kung ano ang nangyarinoong unang ipahayag ni Jesus na siya ang matagal nang hinihintay na Mesiyas.Tatalakayin naman ng iba pang mga bahagi ng aralin ang pagtawag ni Jesus ngmga Apostol upang tulungan siya sa pagpapalaganap ng kanyang mensahe.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin ang mga biyayang nagmumula sa pagkakilala na si Jesucristo angTagapagligtas at sa pagsunod sa mga Apostol.

1. Ipinahayag ni Jesus na siya ang Mesiyas.

Talakayin ang Lucas 4:14–32. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahinang mga piling talata. Ipaliwanag na inanyayahang magbasa si Jesus ng isangtalata ng banal na kasulatan at nahilingan din na magbigay ng puna tungkol ditohabang dumadalo sa pagpupulong sa sinagoga sa Nazaret.

• Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang Lucas 4:16–19. (Ituro na ang mgatalata 18–19 ay sinipi mula sa Isaias 61:1–2. Si Isaias ay tinawag na “Esaias” saLucas 4:17.) Tungkol saan ang mga talatang ito? (Ang mga ito ay paglalarawanng propeta tungkol sa mga bagay na gagawin ng Mesiyas; tingnan sa aralin 1.)

• Nang matapos basahin ni Jesus ang talata mula sa Isaias, anong patotoo angkanyang ibinigay? (Tingnan sa Lucas 4:21. Ipinahayag niya na siya angMesiyas na ipinropesiya ni Isaias at siya ring hinihintay ng mga Judio sa loobng daan-daang taon.) Paano tumugon ang mga tao sa sinagoga sa pahayag niJesus? (Tingnan sa Lucas 4:22–29.)

• Bakit sa palagay ninyo nahirapan ang mga tao sa sinagoga sa pagtanggap kayJesus bilang ang Mesiyas? (Tingnan sa Lucas 4:22. Maaaring maibilang sa mgasagot na siya ay kilala nila at nakita ang kanyang paglaki, kung kaya’t hindinila maubos maisip kung paano siya magiging ang dakilang Mesiyas nainaasahan nilang darating.) Bakit sa palagay ninyo nahihirapan ang ilang mgatao sa ngayon na tanggapin si Jesucristo? Paano natin mapalalakas ang atingmga patotoo na si Jesus ang Tagapagligtas?

2. Tinawag ni Jesus ang kanyang Labindalawang Apostol.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Lucas 5:1–11, 27–28; 6:12–16.Ipakita ang larawan ni Jesus at ng mga mangingisda at ang larawan ngkasalukuyang Labindalawang Apostol. Habang tinatalakay ninyo ang mga talatang banal na kasulatan, tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan naang mga Apostol ay tinawag upang gawin nila ang ginawa mismo ni Jesus sasinagoga sa Nazaret—ipahayag na siya ang Mesiyas, ang Tagapagligtas.

• Ano ang ginagawa nina Simon Pedro, Santiago, at Juan noong magpunta siJesus sa kanila? (Tingnan sa Lucas 5:1–2.) Ano ang sinabi sa kanila ni Jesustungkol sa kung paano mababago ang kanilang buhay kung susunod sila sa

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

27

kanya? (Tingnan sa Lucas 5:10.) Paano naapektuhan ang inyong buhay dahilsa inyong pasiyang sundin si Jesucristo?

• Paano nagmistulang pagbabadya ang himala na nangyari sa mga lambattungkol sa magiging mga karanasan nina Pedro, Santiago, at Juan bilang “mga mamamalakaya ng mga tao”? (Marcos 1:17). Sabihin sa mga miyembrong klase na isaalang-alang ang sumusunod na mga parirala:

a. Lucas 5:5: “Sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.” (Gagawa silakung saan sila papuntahin ni Jesus.)

b. Lucas 5:6: “Nakahuli sila ng lubhang maraming isda; at nagkampupunit angkanilang mga lambat.” (Matatagpuan nila ang maraming tao na tatanggapsa ebanghelyo.)

c. Lucas 5:7: “Kinawayan nila ang mga kasamahan . . . upang magsilapit atsila’y tulungan.” (Tatawagin nila ang iba pa upang tumulong sa gawain.)

• Ituro na sa Lucas 5:1–11 ay tinawag ni Jesus sina Pedro, Santiago, at Juan namaging kanyang mga disipulo. Sa dakong huli ay tatawagin niya sila upangmaging mga Apostol. Isulat sa pisara ang Disipulo at Apostol. Ano ang kaibahanng isang disipulo at isang Apostol?

Ipaliwanag na ang disipulo ay sinumang tagasunod ni Jesucristo (Gabay sa mgaBanal na Kasulatan, “Disipulo,” 44–45). Ang Apostol ay isang disipulo natinawag na maging isang natatanging saksi ni Cristo (Doktrina at mga Tipan107:23). Ang ibig sabihin ng salitang Apostol ay “isang isinugo” (Gabay sa mgaBanal na Kasulatan, “Apostol,” 13). Ang mga miyembro ng Korum ngLabindalawang Apostol ay isinusugo upang magpatotoo sa daigdig na si Jesusang Tagapagligtas at Manunubos ng sangkatauhan.

• Bakit mahalaga ang pagtawag ni Jesus ng mga Apostol? (Tingnan sa Mateo9:36–38; 16:19; Marcos 3:14–15; Juan 20:19–21, 23; Mga Taga Efeso 4:11–15.Tutulungan nila si Jesus na ipangaral ang ebanghelyo at pamunuan angSimbahan at ipagpatuloy ang awtoridad ng pagkasaserdote kapag wala na siJesus.) Bakit mahalaga na tumawag ang Panginoon ng mga Apostol sa ngayon?

• Paano pinili ni Jesus ang orihinal na Labindalawang Apostol? (Tingnan saLucas 6:12–13.) Paano inihanda ni Jesus ang kanyang sarili sa pagtawag sakanila? Paano ito maihahambing sa paraan ng pagtawag sa mga tao sa ngayon na maging mga Apostol at maglingkod sa iba pang mga tungkulin saSimbahan? (Ang mga pinuno ng Simbahan ay nananalangin at naghahangadng inspirasyon na malaman kung sino ang nanaisin ng Panginoon namaglingkod sa bawat tungkulin.)

• Ano ang sinasabi sa atin ng mga banal na kasulatan tungkol sa nakaraan atpagkatao ng mga lalaking tinawag ni Jesus na maging mga Apostol? (Tingnansa Lucas 5:5, 8, 11, 27–28. Maaaring maibilang sa mga sagot na hindi silanagkaroon ng pormal na pagsasanay para sa ministeryo, ngunit sila aymapagpakumbaba, masunurin, masisipag na kalalakihan na buong-pusongmagsasakripisyo ng lahat nang mayroon sila para lamang sumunod saPanginoon.) Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa kung paano nagigingkarapat-dapat ang isang tao na maglingkod sa Panginoon? (Tingnan din saDoktrina at mga Tipan 4:3, 5–6; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5.)

28

3. Inordenan at tinagubilinan ni Jesus ang Labindalawang Apostol.

Basahin at talakayin ang piling mga talata mula sa Mateo 10. Ipakita ang larawanni Cristo na inoordenan ang mga Apostol.

• Pagkatapos tawagin ni Jesus ang Labindalawang Apostol ay ibinigay niya sakanila ang kapangyarihan ng pagkasaserdote at itinuro sa kanila ang kanilangmga pananagutan. Ano ang natututuhan natin tungkol sa mga kapangyarihanat pananagutan ng mga Apostol mula sa payo ni Jesus sa Mateo 10? (Isulat sapisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase. Maaaring maibilang sa mgasagot ang mga nakalista sa ibaba.)

a. May kapangyarihan silang pagalingin ang may espirituwal at pisikal nakaramdaman (talata 1).

b. Isinugo sila sa mga ligaw na tupa ng Israel upang ipangaral na ang kaharianng langit ay malapit nang dumating (mga talata 6–7).

c. Gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan ng pagkasaserdote upangbasbasan at pagalingin ang mga tao (talata 8).

d. Hahanapin nila ang mga nakahandang makinig sa ebanghelyo (mga talata11–14).

e. Magtuturo sila ayon sa patnubay ng Espiritu (mga talata 19–20).f. Iuukol nila ang kanilang buong buhay sa gawain ng Tagapagligtas

(talata 39).

• Paano maihahambing ang mga kapangyarihan at tungkuling ibinigay saorihinal na mga Apostol sa mga ibinigay sa mga Apostol sa huling araw?(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:23, 33, 35; 112:14, 19–22, 30–31.)Paano ninyo nakitang isinasakatuparan ng mga Apostol sa huling araw angmga tungkuling ito?

• Anong mga biyaya ang ipinapangako sa mga sumusunod sa mga Apostol?(Tingnan sa Mateo 10:40–42; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan124:45–46.)

Sinabi ni Elder Spencer W. Kimball na: “Ang sinuman sa Simbahang ito ayhindi kailanman maliligaw ng landas kung buong katapatan at walangpagbabago nilang susundin ang mga Awtoridad ng Simbahan na itinalaga ngPanginoon sa kanyang Simbahan. Ang Simbahang ito ay hindi kailanmanmaliligaw ng landas; hindi kayo kailanman ililigaw ng Korum ng Labindalawa;hindi ito kailanman nangyari at hindi ito kailanman mangyayari” (saConference Report, Abr. 1951, 104).

Katapusan Magpatotoo na si Jesucristo ang tunay na Mesiyas at ang Labindalawang Apostolay mga natatanging saksi niya. Maaari ninyong naising magbahagi ng isangkaranasan kung saan pinagpala ang inyong buhay ng pagsunod sa payo ng isangApostol.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

Aralin 6

29

1. Ang kasalukuyang Labindalawang Apostol

Ipakita ang mga larawan ng kasalukuyang Labindalawang Apostol at tulunganang mga miyembro ng klase na matutuhan ang kanilang mga pangalan. Maaarininyong naising gamitin ang sumusunod na maikling pagsusulit:

Bigyan ang bawat miyembro ng klase ng lapis at isang piraso ng papel, athilingin sa kanilang lagyan nila ng bilang ang kanilang mga papel mula 1hanggang 12. Ipakita ang larawan ng bawat Apostol nang hindi ibinubunyag ang kanyang pangalan, at hilingin sa mga miyembro ng klase na isulat angpangalan sa kanilang mga papel na kasunod ng angkop na bilang. Kapagnaipakita na ninyong lahat ang mga larawan, balikan ang tamang mga sagot.

2. Ang orihinal na Labindalawang Apostol

Tulungan ang mga miyembro ng klase na matutuhan ang mga pangalan ngorihinal na Labindalawang Apostol (Mateo 10:2–4). Ilahad ang sumusunod naimpormasyon sa sarili ninyong pananalita upang tulungan ang mga miyembrong klase na maunawaan kung paano tinutukoy sa mga banal na kasulatan angiba’t ibang Apostol:

Dalawang Apostol ang nagngangalang Santiago: si Santiago na anak ni Zebedeoat si Santiago na anak ni Alfeo. Dalawa ang nagngangalang Simon: si SimonPedro at si Simon na Cananeo, na tinatawag ding Simong Masikap (“ang taongmasyadong masigasig”). Dalawa ang nagngangalang Judas: si Judas (na tinatawagding [Lebbaeus] Tadeo) at si Judas Iscariote, na nagkanulo kay Cristo. Si Mateo ay tinatawag na Levi sa Lucas 5:27–28. Si Tomas ay kilala rin bilang si Didimo, na ang ibig sabihin ay “kambal.” Ang Apostol na tinukoy na Bartolome sa mgaebanghelyo nina Mateo, Marcos, at Lucas ay ipinagpapalagay na siya ringtinutukoy na Natanael sa ebanghelyo ni Juan.

3. “Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kaysa akin ay hindi karapat-dapatsa akin” (Mateo 10:37)

Ipabasa sa mga miyembro ng klase ang Mateo 10:35–38.

• Paano natutupad kung minsan ang mga talata 35 at 36 kapag sumasapi angisang tao sa Simbahan? Bagaman nalalaman natin na nais ng Panginoon namaging mapayapa at nagkakaisa ang ating mga pamilya, bakit kaya sa palagayninyo binigkas niya ang mga pangungusap na ito? Kanino natin dapat iukol ang ating buong katapatan? (Tingnan sa mga talata 37–38; tingnan din sa Lucas 14:33.)

4. Pagpapalabas ng video

Ang unang yugto ng “New Testament Customs,” isang piling bahagi mula sa NewTestament Video Presentations (53914), ay maaaring maging kapaki-pakinabang saaraling ito. Ang yugtong ito ay kinapapalooban ng impormasyon tungkol sakung ano ang kahulugan kay Jesus ng kanyang sariling pagpapahayag na siyaang hinirang (anointed one), o Mesiyas (Lucas 4:18); tungkol sa pagsamba sasinagoga; at kung ano ang ibig sabihin ng ipangaral ang ebanghelyo nangwalang supot ng salapi at supot ng pagkain, na tulad ng ibinilin ni Jesus nagawin ng kanyang mga Apostol (Mateo 10:9–10).

30

31

Aralin

7“[Siya] Rin ang Kumuha ng Ating mga Sakit, at Nagdala ng Ating mga Karamdaman”Marcos 1–2; 4:35–41; 5; Lucas 7:11–17

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan ang ilan sa mga dahilankung bakit nagsagawa ng mga himala ang Tagapagligtas.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Marcos 1:14–15, 21–45. Si Jesus ay naglakbay sa buong Galilea na nagtuturong ebanghelyo, nagtataboy ng mga demonyo, at nagpapagaling ngmaysakit. Itinaboy niya ang isang karumal-dumal na espiritu mula sa isangtao, pinagaling ang biyenan na babae ni Simon Pedro, at pinagaling angisang ketongin.

b. Marcos 2:1–12. Pinatawad ni Jesus ang mga kasalanan ng isang tao atpinagaling ang isang lalaking lumpo.

c. Marcos 4:35–41; 5:1–20; Lucas 7:11–17. Pinayapa ni Jesus ang maunos nadagat, itinaboy ang isang pulutong ng mga demonyo, at binuhay mula samga patay ang anak na lalaki ng balo ng Nain.

d. Marcos 5:21–43. Pinagaling ni Jesus ang babaing inaagasan at binuhay mulasa mga patay ang anak na babae ni Jairo.

2. Karagdagang pagbabasa: Mateo 8–9; Lucas 4:33–44; 5:12–32; 8:22–56; Alma7:11–12; Mormon 9:7–20; Moroni 7:27–29, 33–37; Gabay sa mga Banal naKasulatan, “Himala,” 74.

3. Kung ang mga larawang Pagpapatigil sa Bagyo (34730 893; Pakete ng Larawanng Sining ng Ebanghelyo 214) at Binabasbasan ni Jesus ang Anak na Babae niJairo (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 215) aymakukuha, gamitin ang mga ito sa aralin.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Kailangang malaman ng mga miyembro ng klasekung bakit mahalaga sa panahon ngayon ang mga turo sa mga banal nakasulatan. Habang inihahanda ninyo ang bawat aralin, may panalangingisaalang-alang kung ano ang magagawa ninyo upang himukin ang mgamiyembro ng klase na iakma sa kanilang pamumuhay ang mga alituntunin ngebanghelyo. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, 136;Yunit E, Paksa 21, “Pagtulong sa mga Miyembro ng Klase na Ipamuhay angmga Alituntunin ng Aralin,” 144–146.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

• Ano ang himala? (Isang hindi pangkaraniwang pangyayari na sanhi ng banal oespirituwal na kapangyarihan; tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Himala,” 74.)

• Ano ang isa sa mga himala ng Tagapagligtas na nais sana ninyongmasaksihan? Bakit? (Maaari ninyong naising isulat sa pisara ang ilan sa mgahimala ni Cristo upang tulungan ang mga miyembro ng klase na sagutin angtanong na ito.)

Ipaliwanag na tatalakayin sa araling ito ang ilan sa mga himala ng Tagapagligtasat ang kanyang dahilan sa pagsasagawa ng mga ito.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw napamumuhay. Bigyang-diin na si Jesus ay patuloy na gumagawa ng mga himala sa ating buhay. Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi, kungnaaangkop, ng mga himalang naranasan na nila. (Maaari ninyong naisingpaalalahanan ang mga miyembro ng klase na ang ilang mga karanasan aynapakasagrado upang ibahagi. Matutulungan sila ng Espiritu Santo na malamankung kailan nararapat na ibahagi ang isang karanasan.)

1. Si Jesus ay naglakbay sa buong Galilea na nagtuturo ng ebanghelyo atnagsasagawa ng mga himala.

Talakayin ang Marcos 1:14–15, 21–45. Anyayahan ang mga miyembro ng klasena basahin nang malakas ang mga piling talata.

• Habang naglalakbay si Jesus sa buong Galilea na nagtuturo ng ebanghelyo,siya ay gumawa ng maraming himala, kabilang na ang pagpapagaling ngmaysakit at pagtataboy ng mga demonyo (Marcos 1:34, 39). Bakit ginawa ni Jesus ang mga ito at ang iba pang mga himala sa panahon ng kanyangministeryo? (Maaaring maibilang sa mga sagot ang mga nakalista sa ibaba.)

a. Upang magpakita ng pagmamahal at habag (tingnan sa Marcos 5:19;tingnan din sa 3 Nephi 17:6–7).

b. Upang patatagin at pagtibayin ang pananampalataya (tingnan sa Mateo9:27–30).

c. Upang patunayan ang kanyang kabanalan at kapangyarihan (tingnan saMarcos 1:27; 2:10–11).

Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase, at iwanan anglistahang ito sa pisara hanggang sa katapusan ng aralin. Habang tinatalakayninyo ang mga himalang isinagawa ni Jesus, talakayin ang ilan sa mga layuninna natupad sa pamamagitan ng bawat himala. Idagdag sa listahan anganumang karagdagang mga layunin na binanggit sa aralin.

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

32

• Bakit namangha ang mga tao sa sinagoga sa Capernaum sa mga aral ni Jesus at sa kanyang kakayahang magtaboy ng masasamang espiritu? (Tingnan sa Marcos 1:22, 27.) Sa pamamagitan ng anong awtoridad nagturo si Jesus at nagsagawa ng mga himala? (Sa pamamagitan ng kapangyarihan ngpagkasaserdote, na hindi taglay ng mga eskriba.) Paano napapasaatin sangayon ang kapangyarihan at awtoridad na ito?

• Sang-ayon sa Marcos 1:41, ano ang isang dahilan kung bakit pinagaling niJesus ang ketongin? Ituro na maraming isinagawang himala si Jesus natuwirang nagbigay pagpapala sa isang tao lamang. Ano ang ipinakikita ng mgapangyayaring ito hinggil sa nadarama ni Jesus sa bawat isa sa atin? Paano siyanakapagpakita ng pagmamahal at pagkahabag sa inyo?

• Paano natin maipakikita ang pagmamahal at pagkahabag na tulad ng kayCristo sa mga taong nakapaligid sa atin? Paano nakapagpakita sa inyo ngpagmamahal at pagkahabag na tulad ng kay Cristo ang ibang tao?

2. Pinatawad ni Jesus ang mga kasalanan ng isang tao at pinagaling angisang lalaking lumpo.

Basahin at talakayin ang Marcos 2:1–12.

• Kaninong pananampalataya ang nakatulong sa pagpapagaling sa lalakinglumpo? (Tingnan sa Marcos 2:3, 5.) Paano ipinakita ng mga taong ito angkanilang pananampalataya? (Tingnan sa Marcos 2:1–4.) Paano natin mapaiiralang pananampalataya para sa kapakanan ng iba? Paano nakatulong angpananampalataya ng iba sa inyo o sa isang tao na kakilala ninyo?

• Ano ang inisip ng ilan sa mga eskriba nang sabihin ni Jesus sa lalaking lumpona ang kanyang mga kasalanan ay napatawad na? (Tingnan sa Marcos 2:5–7.)Paano tinugon ni Jesus ang mga eskribang ito? (Tingnan sa Marcos 2:8–11.)Ituro na kung paanong isang himala ang paggaling ng lalaki sa kanyangpagiging lumpo ay gayundin naman na himala para sa kanya ang mapatawadsa kanyang mga kasalanan. Bigyang-diin na ang himalang ito ay makakamtanng bawat isa sa atin kapag tayo ay nagsisisi.

• Anong higit na dakilang kapangyarihan ng pagpapagaling ang maaaringisagisag ng pisikal na pagpapagaling ng Tagapagligtas? (Tingnan sa Isaias 53:5;2 Nephi 25:13; 3 Nephi 9:13.) Paano kayo pinagpala ng espirituwal ngkapangyarihan ni Jesus na magpagaling? Paano natin masusumpungan angespirituwal na pagpapagaling?

3. Pinayapa ni Jesus ang dagat, itinaboy ang mga demonyo, at binuhay mulasa mga patay ang anak na lalaki ng balo ng Nain.

Basahin at talakayin ang piling mga talata mula sa Marcos 4:35–41; 5:1–20 atLucas 7:11–17. Ipakita ang larawan ni Jesus na pinapayapa ang unos.

• Ang mga pisikal na aspeto ng mga himala ng Tagapagligtas ay kadalasangsumasagisag sa mga espirituwal na katotohanan. Anong mga espirituwal nakatotohanan ang matututuhan natin mula sa sumusunod na mga himala?(Ang mga posibleng sagot ay nasa panaklong.)

a. Marcos 4:35–41. Pinayapa ni Jesus ang dagat. (Mabibigyan niya tayo ngkapayapaan.)

Aralin 7

33

b. Marcos 5:1–20. Itinaboy ni Jesus ang isang pulutong ng mga demonyo.(Maitataboy rin niya si Satanas at ang kanyang impluwensiya sa atingbuhay.)

c. Lucas 7:11–17. Binuhay ni Jesus ang isang kabataang lalaki mula sa mgapatay. (Dahil sa kanyang Pagbabayad-sala, tayo ay mabubuhay mula sa mgapatay sa Pagkabuhay na mag-uli.)

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na banggitin ang iba pang mgahimala na isinagawa ng Tagapagligtas at ang mga espirituwal na katotohananna matututuhan natin mula sa mga himalang iyon.

• Anong iba pang mahahalagang bagay ang napag-alaman ninyo mula sa pag-aaral ng tatlong himalang ito?

4. Pinagaling ni Jesus ang babaeng inaagasan at binuhay mula sa mga patayang anak na babae ni Jairo.

Basahin at talakayin ang piling mga talata mula sa Marcos 5:21–43.

• Paano ipinakita ng babaeng inaagasan ang kanyang pananampalataya?(Tingnan sa Marcos 5:25–29.) Ano ang dahilan ng kanyang paggaling?(Tingnan sa Marcos 5:34. Bigyang-diin na ang kanyang pananampalataya sakapangyarihan ni Jesus, hindi ang paghipo sa kanyang kasuotan, ang dahilanng kanyang paggaling.)

• Ipakita ang larawan ni Jesus na binabasbasan ang anak na babae ni Jairo.Paano ipinakita ni Jairo ang kanyang pananampalataya sa Tagapagligtas?(Tingnan sa Marcos 5:22–23.) Ano ang sinabi ni Jesus upang palakasin angpananampalataya ni Jairo noong marinig ni Jairo na ang kanyang anak nababae ay patay na? (Tingnan sa Marcos 5:36.) Paano ninyo maisasagawa angmga salitang ito sa inyong buhay?

• Bakit sa palagay ninyo kailangang mauna muna ang pananampalataya kaysasa mga himala? (Tingnan sa Eter 12:12, 18; Moroni 7:37; at ang sumusunod nasiping-banggit.) Bakit hindi tanging ang mga himala lamang angmakapagbibigay ng matibay na pundasyon para sa pananampalataya?

Sinabi ni Brigham Young na: “Ang mga himala, o ang mga hindipangkaraniwang pagpapatunay na ito ng kapangyarihan ng Diyos, ay hindipara sa mga di-mananampalataya; ang mga ito ay para sa ikagagaan ng loobng mga Banal, at upang palakasin at pagtibayin ang pananampalataya ng mganagmamahal, may takot, at naglilingkod sa Diyos” (Discourses of BrighamYoung, pinili ni John A. Widtsoe [1941], 341).

• Bakit mahalaga sa inyo ang mga himalang isinagawa ni Jesus noong panahonng kanyang buhay sa lupa? Bakit mahalagang malaman na patuloy pa rinsiyang gumagawa ng mga himala sa ngayon? Ano ang ilang halimbawa ngmakabagong mga himala?

34

Katapusan Magpatotoo na ang Tagapagligtas ay makapagpapagaling kapwa ng espirituwal atpisikal na karamdaman. Ipahayag ang inyong pasasalamat sa lahat ng kanyangginawa para sa atin. Kung naaangkop, maaari ninyong naising isalaysay angisang himala na nagpala sa inyong buhay.

Hilingin sa mga miyembro ng klase na tahimik na pagnilay-nilayin ang mgahimalang naranasan na nila. Himukin silang makilala at pasalamatan ang mgahimala sa kanilang buhay.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. Mga himala sa Lumang Tipan

Ipaliwanag na ang mga himala ay hindi bago sa mga Judio. Ang mga himala aynaisagawa na noong una ng mga propetang iginalang ng mga Judio sa LumangTipan. Sandaling pagbalik-aralan ang sumusunod na mga halimbawa:

a. Binuhay mula sa mga patay ng propetang si Elijah ang isang batang lalaki (I Mga Hari 17:17–24).

b. Pinakain ng propetang Eliseo ang isang pulutong sa pamamagitan ng kauntingpagkain (II Mga Hari 4:42–44).

c. Pinagaling ni propetang Eliseo si Naaman, na isang ketongin (II Mga Hari5:1–19).

• Sa anong kapangyarihan nagsagawa ng mga himala ang mga propetang ito?(Ang pagkasaserdote, ang banal na kapangyarihan na ibinigay sa kanila ngAma sa Langit at ni Jesucristo.)

2. “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit”(Marcos 2:17)

• Ano ang naging reaksiyon ng mga eskriba at mga Fariseo nang makita nilang kumakain si Jesus na kasalo ang mga taong itinuturing nilang mgamakasalanan? (Tingnan sa Marcos 2:15–16.) Ano ang sinabi ni Jesus sa kanila?(Tingnan sa Marcos 2:17.) Ano ang ibig sabihin nito? Sa anong mga paraantayong lahat “nangangailangan . . . ng manggagamot”?

Aralin 7

35

36

Aralin

8Ang Pangangaral sa Bundok:

“Isang Daang Kagalinggalingan”Mateo 5

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na lumapit kay Cristo sa pamamagitan ngpagsasabuhay sa mga alituntuning itinuro niya sa Pangangaral sa Bundok.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal na kasulatan:

a. Mateo 5:1–12. Sa isang bundok sa Galilea ay itinuro ni Jesus sa kanyang mgadisipulo ang mga Lubos na Pagpapala [Beatitudes].

b. Mateo 5:13–16. Ipinahayag ni Jesus na ang kanyang mga disipulo ang “asinng lupa” at ang “ilaw ng sanglibutan.”

c. Mateo 5:17–48. Ipinahayag ni Jesus na siya ay dumating upang tuparin angbatas ni Moises, at itinuro niya ang isang mas mataas na batas.

2. Karagdagang pagbabasa: Lucas 6:17–36; Mosias 13:28–35; Alma 34:13–16;3 Nephi 12; Eter 12:11; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Lubos na Pagpapala,Mga,” 134; at “Pangangaral sa Bundok,” 207.

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, bigyan ang bawatmiyembro ng klase ng bolpen o lapis at isang piraso ng papel.

4. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, gamitin ang mga ito saaralin:

a. Ang larawan ng Sermon sa Bundok (34730 893; Pakete ng Larawan ngSining ng Ebanghelyo 212).

b. Isang lalagyan ng asin at isang ilawan.

5. Mungkahi sa pagtuturo: Si Jesucristo ang Dakilang Guro. Habang pinag-aaralan ninyo ang Pangangaral sa Bundok, pansinin ang mga paraan ngkanyang pagtuturo at maghanap ng mga paraan kung paano ninyo siyapamamarisan bilang guro. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na DakilangTungkulin, Yunit A, Paksa 10, “Magturo nang Tulad ng Pagtuturo ni Jesus,”19–20, para sa iba pang mga mungkahi sa kung paano masusundan anghalimbawa ng Tagapagligtas bilang isang guro.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Bigyan ang bawat miyembro ng klase ng isang piraso ng papel at bolpen o lapis.Ipaliwanag na ang mga banal na kasulatan ay kinapapalooban ng maramingpaanyaya mula sa Tagapagligtas. Maaari ninyong naising ipabasa sa mgamiyembro ng klase ang mga paanyaya ng Tagapagligtas sa Mateo 11:28–29 at

Gawaing Pantawag-pansin

3 Nephi 27:27. Hilingin sa mga miyembro ng klase na isulat ang Inaanyayahan akong Tagapagligtas na: sa itaas ng papel. Pagkatapos ay ipaliwanag na ang araling itoay nakatuon sa Pangangaral sa Bundok, na naglalaman ng maraming paanyayamula sa Tagapagligtas. Himukin ang mga miyembro ng klase na humanap ng mgapaanyaya habang tinatalakay ang aralin at isulat ang mga ito sa piraso ng papel.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan. Dahil hindi madalingitanong ang bawat katanungan o talakayin ang bawat punto ng aralin, piliinnang may panalangin ang mga pinakamainam na makatutugon sa mgapangangailangan ng mga miyembro ng klase.

1. Itinuro ni Jesus ang mga Lubos na Pagpapala sa kanyang mga disipulo.

Ipaliwanag na maraming daang taon pagkatapos na maibigay ng hindi pa mortalnoon na Cristo ang batas ni Moises sa Bundok ng Sinai, ang mortal na Mesiyasay bumaba sa isa pang bundok upang ipahayag ang higit na mataas na batas saisang diskurso na tinatawag na Pangangaral sa Bundok. Ipakita ang larawan naPangangaral sa Bundok.

Ang unang mga turo sa sermong ito ay kilala bilang ang mga Lubos na Pagpapala(Mateo 5:1–12). Ang salitang lubos na pagpapala (beatitudes) ay nagmula sa Latinna beatus, na ang ibig sabihin ay mapalad, masaya, o pinagpala. Basahin ang mgaLubos na Pagpapala at talakayin ang mga ito tulad ng nakabalangkas sa ibaba.

• Mateo 5:3. Ano ang ibig sabihin ng “mapagpakumbabang-loob”? (Magingmapagpakumbaba. Tingnan din sa 3 Nephi 12:3.) Bakit mahalaga na magingmapagpakumbaba tayo? Paano tayo magiging higit na mapagpakumbaba?

• Mateo 5:4. Ano ang ilang mga paraan na inilalaan ng Panginoon upang maaliwtayo? (Tingnan sa Juan 14:26–27 at Mosias 18:8–9 para sa ilang halimbawa.)Paano kayo naaliw sa mga oras ng pagdadalamhati?

• Mateo 5:5. Ano ang ibig sabihin ng maging maamo? (Maging magiliw,mapagpatawad, o mapagkawanggawa.) Paano tayo magiging maamo?(Tingnan sa Mosias 3:19; Alma 7:23; 13:28.)

• Mateo 5:6. Ano ang ipinangako ni Jesus sa mga “nangagugutom atnangauuhaw sa katuwiran”? (Tingnan sa Mateo 5:6; 3 Nephi 12:6.) Ano angmaaari nating gawin upang sa halip na hangarin ang mga bagay ng daigdig ayhangarin natin ang mga bagay na nauukol sa katuwiran?

• Mateo 5:7. Paano tayo makapagpapakita ng habag sa iba? Bakit kailangan natinang habag mula sa Panginoon? (Tingnan sa Alma 42:13–15.)

• Mateo 5:8. Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng magkaroon ng dalisay napuso? Paano natin mapadadalisay ang ating mga puso? (Tingnan sa Helaman3:35.) Bakit kailangan nating magkaroon ng dalisay na puso para makita natinang Diyos at mamuhay sa kanyang piling? (Tingnan sa Moises 6:57.)

• Mateo 5:9. Paano tayo magiging mga tagapagpayapa sa ating mga tahanan atpamayanan?

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

37

• Mateo 5:10–12. Bakit inuusig kung minsan ang mabubuting tao? Paano tayodapat tumugon sa pag-uusig? (Tingnan sa Mateo 5:44; Lucas 6:35.)

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, hilingin sa mga miyembrong klase na isulat ang mga paanyaya na nasa mga Lubos na Pagpapala na sapakiramdam nila ay malaki ang maitutulong sa kanila.

2. Ipinahayag ni Jesus na ang kanyang mga disipulo “ang asin ng lupa” at“ang ilaw ng sanglibutan.”

Basahin at talakayin ang Mateo 5:13–16. Habang tinatalakay ninyo ang mgatalatang ito, maaari ninyong naisin na magpakita ng isang lalagyan ng asin atisang ilawan.

• Sinabi ni Jesus na ang kanyang mga disipulo “ang asin ng lupa” (Mateo 5:13;Doktrina at mga Tipan 101:39). Ano ang ilang gamit ng asin? (Ang mga sagotay maaaring kabilangan ng, ang asin ay pampalasa at pangpreserba.) Paanomagiging “ang asin ng lupa” ang mga Banal sa mga Huling Araw?

• Anyayahan ang isang miyembro ng klase na basahin ang Doktrina at mgaTipan 103:9–10. Anong mahahalagang bagay ang idinaragdag ng mga talatangito tungkol sa kahulugan ng pagiging “ang asin ng lupa”? Paano tayomagiging “mga tagapagligtas ng tao”? (Ang mga sagot ay maaaring kabilanganng pagbabahagi ng ebanghelyo at paggawa ng gawain sa templo.)

• Paano magiging “ang ilaw ng sanglibutan” ang mga Banal sa mga HulingAraw? (Mateo 5:14; tingnan din sa talata 16). Ano ang mangyayari kung angisang kandila ay ilalagay sa “ilalim ng isang takalan”? (Mateo 5:15; pansininna ang takalan ay isang malaking basket). Bilang mga miyembro ng Simbahan,paano natin kung minsan inilalagay ang ating ilaw sa ilalim ng isang takalan?Paano natin mapaliliwanag ang ating ilaw sa paraan na maaakay nito ang ibana “luwalhatiin ang [ating] Ama . . . na nasa langit”? (Tingnan sa Mateo 5:16;3 Nephi 18:24.)

3. Itinuturo ni Jesus ang isang mas mataas na batas kaysa sa batas ni Moises.

Talakayin ang Mateo 5:17–48. Anyayahan ang mga miyembro ng klase nabasahin nang malakas ang mga piling talata.

• Sinabi ni Jesus na siya ay dumating upang tuparin ang batas ni Moises, hindipara sirain ito (Mateo 5:17–18). Paano niya tinupad ang batas ni Moises?

Ipaliwanag na ang batas ni Moises ay “maibibigay sa mga anak ni Israel, . . .sapagkat sila ay mga taong matitigas ang leeg, mabilis sa paggawa ngkasamaan, at mabagal sa pag-alaala sa Panginoon nilang Diyos.” Iyon ay“isang batas ng mga gawain at ng mga ordenansa, . . . na kanilang [Israelita]susundin sa araw-araw, upang mapanatili sila sa pag-alaala sa Diyos at sakanilang tungkulin sa kanya” (Mosias 13:29–30). Ang mga nakaunawa sa batasay “matatag na umaasa kay Cristo, hanggang sa matupad ang mga batas.Sapagkat, sa layuning ito ibinigay ang mga batas” (2 Nephi 25:24–25).

Tinupad ng Tagapagligtas ang batas ni Moises nang magbayad-sala siya para saating mga kasalanan (Alma 34:13–16). Pagkatapos ng Pagbabayad-sala, angmga tao ay hindi na inutusang maghandog ng mga hayop, na kinailanganbilang bahagi ng batas ni Moises upang maituro ang pagbabayad-salangsakripisyo ni Jesucristo. Sa halip, ang mga tao ay inutusang “mag-aalay [kayo]

38

bilang pinaka-hain . . . ng isang bagbag na puso at nagsisising espiritu”(3 Nephi 9:20; tingnan din sa talata 19).

• Sinabi rin ni Jesus na ang katuwiran ng kanyang mga disipulo ay dapat na“hihigit . . . sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo” (Mateo 5:20). Anoang kulang sa “katuwiran” ng mga eskriba at mga Fariseo? (Ang tangingpinagtutuunan nila ng pansin ay ang panlabas na anyo ng batas atipinagwawalang-bahala ang kahalagahan ng panloob na katapatan. Kungnatupad nila ang batas na tulad ng kung paano ito ibinigay ay maaaringnakilala nila si Jesus bilang ang Mesiyas.)

Sa gawing kaliwa sa itaas na bahagi ng pisara ay isulat ang Narinig ninyo na sinabi.Ipaliwanag na sa Pangangaral sa Bundok ay ginamit ni Jesus ang mga salitang itonoong tukuyin niya ang mga kautusan na bahagi ng batas ni Moises. Sa gawingkanan sa itaas na bahagi ng pisara ay isulat ang Datapwat sinasabi ko sa inyo. Iturona ginamit ni Jesus ang mga salitang ito noong ituro niya sa kanyang mgadisipulo ang mas mataas na batas.

• Sa Mateo 5:21, anong sinaunang batas ang tinukoy ni Jesus? (Isulat ang Huwagkang papatay sa ibaba ng Narinig ninyo na sinabi.) Anong mas mataas na batasang ibinigay ni Jesus na may kaugnayan sa kautusang ito? (Tingnan sa Mateo5:22. Isulat ang Huwag magagalit sa ibaba ng Datapwat sinasabi ko sa inyo.Paano mas mataas ang kautusan na pag-iwas sa galit kaysa sa kautusang huwagpapatay? Paano nakaaapekto ang ating damdamin ng pagkagalit sa atingpakikipag-ugnayan sa Diyos? Ano ang maaari nating gawin upang makontrolang mga damdamin ng pagkagalit at hangaring alisin ang mga ito sa atingbuhay?

• Binanggit ng Tagapagligtas ang tungkol sa pagdadala ng “hain sa dambana,”na tinutukoy ang sinaunang kaugalian ng pagdadala ng sakripisyong alay sadambana (Mateo 5:23). Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin ng kanyangmga disipulo kung sila ay may galit habang naghahanda silang magdala nghain sa dambana? (Tingnan sa Mateo 5:23–24.) Paano ito maiaakma sa atin?

• Ano ang dapat nating gawin kapag nasaktan ng isang tao ang ating kalooban?(Tingnan sa Mateo 5:24; 18:15; Doktrina at mga Tipan 64:8–11.) Ano ang mgapanganib ng paghihintay sa taong nakasakit sa ating damdamin na humingi saatin ng kapatawaran?

• Sa Mateo 5:27, anong sinaunang batas ang tinukoy ni Jesus? (Isulat ang Huwagkang mangangalunya sa ibaba ng Narinig ninyo na sinabi.) Anong batas angibinigay ni Jesus na kahalili ng kautusang ito? (Tingnan sa Mateo 5:28. Isulatang Iwasan ang mahahalay na kaisipan sa ibaba ng Datapwat sinasabi ko sa inyo.)Ano ang ilang bunga ng maruruming kaisipan? (Tingnan sa Mosias 4:30; Alma12:14; Doktrina at mga Tipan 63:16.) Ano ang maaari nating gawin upangmapanatiling dalisay ang ating mga kaisipan?

• Isinasaad ng Pagsasalin ni Joseph Smith na ang mata at kamay na binanggit saMateo 5:29–30 ay sumasagisag sa mga kasalanan. Ano ang itinuturo sa atin ngmga talatang ito tungkol sa kung ano ang dapat nating gawin sa ating mgakasalanan?

• Sang-ayon sa nakatala a Mateo 5:33, paano ipinahiwatig ng mga tao noongkapanahunan ng Lumang Tipan na nagsasabi sila ng katotohanan? (Isulat angTuparin ang mga ipinangako sa Panginoon sa ibaba ng Narinig ninyo na sinabi.)

Aralin 8

39

Anong batas ang ibinigay ni Jesus bilang kapalit ng gawaing ito? (Tingnan sa Mateo 5:34–37. Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R.McConkie. Pagkatapos ay isulat ang Tuparin ang inyong sinabi sa ibaba ngDatapwat sinasabi ko sa inyo.)

Sinabi ni Elder Bruce R. McConkie na: “Sa ilalim ng batas ni Moises angpanunumpa ay tunay na pangkaraniwan at malawak ang nasasakupan nitokung kaya, sa pang-araw-araw na buhay ay kakaunti lamang ang katotohanangnakapaloob sa mga pangungusap na ginawa nang walang panunumpa. . . . Sailalim ng perpektong batas ni Cristo ang salita ng bawat tao ay pangakongbinitiwan, at ang lahat ng binibigkas na pangungusap ay kasing totoong tuladng mga binigkas na salita na may kaakibat na panunumpa” (The MortalMessiah, 4 na tomo [1979–81], 2:140).

• Sa Mateo 5:38, anong sinaunang batas ang tinukoy ni Jesus? (Isulat ang Matakung mata sa ilalim ng Narinig ninyo na sinabi. Ipaliwanag na ang ibig sabihinng “mata kung mata” ay tatanggapin ng taong nakasakit sa kanyang kapwaang katulad na sakit bilang kaparusahan; tingnan sa Levitico 24:17–21.) Anongkautusan ang humalili sa batas na ito? (Tingnan sa Mateo 5:39–40. Isulat angIharap ang kabilang pisngi sa ibaba ng Datapwat sinasabi ko sa inyo.) Anong mgaalituntunin ang itinuro ni Jesus nang banggitin niya ang tungkol sapaghaharap ng kabilang pisngi sa isang taong nananakit sa atin at angpagbibigay ng ating balabal sa isang taong kumuha sa ating tunika?

• Sa Mateo 5:43, anong sinaunang kaugalian ang tinukoy ni Jesus? (Isulat angMahalin ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway sa ibaba ng Narinigninyo na sinabi.) Anong kautusan ang humalili sa kaugaliang ito? (Tingnan saMateo 5:44–47. Isulat ang Mahalin ang inyong kaaway sa ibaba ng Datapwatsinasabi ko sa inyo.) Paano tayo magkakaroon ng pagmamahal sa ating kaaway?(Tingnan sa Moroni 7:47–48 para sa halimbawa.) Paano mababago ang atingbuhay kapag minamahal natin ang ating mga kaaway? Paano maaaringmabago ang kanilang buhay?

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, hilingin sa mga miyembrong klase na tumingin sa pisara at isulat ang mga paanyaya sa Mateo 5:17–47 nasadyang makatutulong sa kanila.

• Paano ang dapat na maging pag-unawa natin sa utos ng Tagapagligtas namaging sakdal tayo? (Ang iba pang kahaliling salin sa wikang Griyego ngsalitang sakdal ay “kumpleto, tapos na, buung-buo na.” Paano makahihikayatsa atin ang utos na maging sakdal sa halip na magpahina sa ating kalooban?

Sinabi ni Pangulong Joseph Fielding Smith na:

“Naniniwala akong hindi nagbibiro ang Panginoon noong sabihin niya: nakailangan nating maging sakdal na tulad ng pagiging sakdal ng ating Ama salangit. Hindi mangyayari nang minsanan ang lahat ng ito, kundi nangtaludtod sa taludtod, at tuntunin sa tuntunin, halimbawa sa halimbawa, atmagkagayon man ay hindi pa rin sa buhay na ito, dahil makararating pa tayosa kabilang buhay bago natin makamtan ang kasakdalang iyon at magigingkatulad ng Diyos.

“Ngunit dito natin itinatatag ang pundasyon. Dito itinuturo sa atin ang mgasimpleng katotohanang ito ng ebanghelyo ni Jesucristo, sa pansamantalang

40

kalagayan na ito, upang ihanda tayo sa kasakdalang iyon. Tungkulin natingmaging mas mabuti ngayon kaysa kahapon, at maging mas mabuti bukaskaysa ngayon. . . . Kung sinusunod natin ang mga kautusan ng Panginoon,tayo ay nasa landas patungo sa pagiging sakdal” (Doctrines of Salvation, tiniponni Bruce R. McConkie, 3 tomo [1954–56], 2:18–19; tingnan din sa Doktrina atmga Tipan 93:11–14, 19–20).

• Paano tayo tinutulungan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas na makamit angpagiging sakdal? (Tingnan sa Moroni 10:32–33; Doktrina at mga Tipan76:68–70.) Paano tayo tinutulungan ng mga turo ng Pangangaral sa Bundok na“lumapit kay Cristo, at maging ganap sa kanya”?

Katapusan Magpatotoo na ang mga turo sa Pangangaral sa Bundok ay nakatutulong sa atinna “lumapit kay Cristo, at maging ganap sa kanya” (Moroni 10:32). Himukin angmga miyembro ng klase na isagawa ang mga aral na iyon sa kanilang buhay.Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, hilingin sa mga miyembrong klase na tingnan ang mga paanyaya na isinulat nila at pumili ng isa o dalawana pagtutuunan nila ng pansin sa loob ng darating na linggo.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. “Higit na mabuting paraan” (Eter 12:11)

Anyayahan ang ilang miyembro ng klase na dumating sa klase na nakahandangmagbahagi ng mga ideya tungkol sa kung paano makatutulong sa kanila satahanan, sa paaralan, o sa trabaho ang mga aral sa Mateo 5.

2. Ang itinuturo ng Tagapagligtas hinggil sa diborsiyo

Kung may tanong kayo o ang mga miyembro ng klase tungkol sa Mateo 5:31–32,tingnan ang ikalimang karagdagang ideya sa pagtuturo sa aralin 14 (tingnan sapahina 00 [60].

3. Pagpapalabas ng video

Ang ikalawang yugto ng “New Testament Customs,” na piling bahagi mula saNew Testament Video Presentations (53914), ay ipinapaliwanag ang katagangtagapagturo, na ginagamit sa Mga Taga Galacia 3:24–25 upang ilarawan ang batasni Moises. Kung ipapalabas ninyo ang yugtong ito, talakayin kung paanong angbatas ni Moises ay isang tagapagturo upang dalhin ang mga tao kay Cristo.

Aralin 8

41

42

Aralin

9“Hanapin Muna Ninyo ang

Kaniyang Kaharian”Mateo 6–7

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na maging higit na matapat na mgadisipulo ni Jesucristo.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal na kasulatan, bilang pagpapatuloy ng Pangangaral sa Bundok:

a. Mateo 6:1–6, 16–21. Tinuruan ni Jesus ang kanyang mga disipulo namaglimos, manalangin, at mag-ayuno nang lihim at mangagtipon ng mgakayamanan sa langit sa halip na sa lupa.

b. Mateo 6:7–13, 7:7–11. Ipinakita niya sa kanyang mga disipulo kung paanomanalangin at itinuro na babasbasan ng Ama sa Langit ang mga humihingisa kanya ng kanilang kailangan.

c. Mateo 6:14–15; 7:1–6, 12. Itinuro ni Jesus sa kanyang mga disipulo napatawarin ang iba, na magbigay nang matwid na paghatol, at pakitunguhanang iba na tulad ng nais nilang maging pakikitungo sa kanila.

d. Mateo 6:22–34; 7:13–29. Itinuro niya sa kanyang mga disipulo napagpapalain sila sa paglilingkod nila sa Ama sa Langit at sa pagsunod sakanyang kalooban.

2. Karagdagang pagbabasa: Lucas 6:37–49; 11:1–13, 34–36; 12:22–34; 16:13;3 Nephi 13–14.

3. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, gamitin ang mga ito sa aralin:

a. Ang larawang Sermon sa Bundok (34730 893; Pakete ng Larawan ng Siningng Ebanghelyo 212).

4. Maaari ninyong naising maghanda upang awitin ang “Ang Matalino at AngHangal” (Aklat ng mga Awit Pambata) na kasama ang mga miyembro ng klase.

5. Mungkahi sa pagtuturo: Mailalarawan ng mga kuwento ang mga alituntuninng ebanghelyo at mas makukuha nito ang pansin ng mga miyembro ng klasekaysa sa ilang ibang pamamaraan ng pagtuturo. Madalas na gumamit ng mga kuwento si Jesus upang ituro ang mahahalagang aral o upang linawin ang malalabong ideya. Habang inihahanda ninyo ang inyong mga aralin,isaalang-alang kung paano ninyo magagamit ang mga kuwentong ito upangmatulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan ang mga alituntuninng ebanghelyo. Kapag nagkukuwento kayo, tiyaking nauunawaan ng mgamiyembro ng klase kung ito ay tunay na pangyayari o kathang-isip lamang na kuwento na nilikha ninyo upang ituro ang isang punto. (Tingnan saPagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit E, Paksa 13,“Pagkukuwento,” 119–122; at Yunit F, Paksa 5, “Ano ang Bumubuo sa Isang Magandang Kuwento?,” 157.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Isalaysay ang sumusunod na kuwento sa inyong sariling pananalita:

Minsan ay nakipag-usap si Elder William R. Bradford ng Pitumpu sa obispo ngisang purok na may mga kabataan na nagtrabaho upang kumita ng salapi para saisang gawain. Tinanong ng obispo si Elder Bradford kung matutulungan niya angmga kabataan na tumanggap ng parangal sa kanilang ginawa. Nagulat angobispo nang sabihin ni Elder Bradford na hindi niya gagawin ito. Sinabi niyangnatutuwa siya na nagsikap na mabuti ang mga kabataan, ngunit hindi namanmahalaga na tumanggap sila ng parangal ng madla para sa trabahong kanilangginawa.

Nang magpasiya ang mga kabataan na iambag ang kanilang salapi sapangkalahatang pondo ng misyonero sa Simbahan sa halip na gamitin ito para sagawain, ninais nilang magpakuha ng retrato na kasama si Elder Bradford habangginagawa nila ang pagbibigay-donasyon, at nais nilang mailagay ang retrato,kalakip ang isang artikulo sa pahayagan. Muli ay ginulat sila ni Elder Bradford sapamamagitan ng pagsasabing “hindi.” Sinabi niya sa obispo na: “Baka namangusto mong tulungan ang iyong mga kabataan na matutuhan ang isang masmataas na batas ng pagpaparangal. Ang pagpaparangal mula sa kaitaasan aytahimik na ginagawa. Buong ingat at tahimik itong itinatala roon. Hayaan mongdamahin nila ang kagalakan at kamtin ang yaman sa kanilang puso at kaluluwana nagmumula sa tahimik, at hindi makasariling paglilingkod” (sa ConferenceReport, Okt. 1987, 90–91; o Ensign, Nob. 1987, 75).

• Anong mga aral ang matututuhan natin mula sa sagot ni Elder Bradford samga kabataan?

Ituro na ang isang aral na ating matututuhan ay dapat nating gawin angmabubuting bagay dahil mahal natin ang Diyos at nais nating bigyan siya ngkasiyahan, hindi dahil sa nais nating tumanggap ng parangal mula sa ibang tao.Ito ang isa sa mga katangian ng isang tunay na disipulo ni Jesucristo.

Isulat sa pisara ang Tunay na mga Disipulo. Habang tinatalakay ninyo angPangangaral sa Bundok, isulat ang mga katangian ng tunay na disipulo naitinuro ng Tagapagligtas sa sermong ito.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,himukin ang bawat miyembro ng klase na isaalang-alang ang kailangan nilanggawin upang maging higit na masigasig at matapat na disipulo ni Cristo.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng pansariling mgakaranasan na may kaugnayan sa mga alituntunin ng pagiging tunay na disipulo.

1. Ginagawa ng tunay na mga disipulo ang tamang mga bagay sa tamangdahilan.

Basahin at talakayin ang Mateo 6:1–6, 16–21.

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

43

• Bakit tinuligsa ni Jesus ang ilang tao sa paggawa ng mabubuting bagay natulad ng pagbibigay ng limos (sa mahihirap), pananalangin, at pag-aayuno?(Tingnan sa Mateo 6:1–2, 5, 16. Ginagawa nila ang mga bagay na ito sa malingdahilan.) Tinawag ni Jesus ang mga taong ito na mga mapagpaimbabaw. Anoang taong mapagpaimbabaw? (Isang taong nagkukunwaring nagtataglay ngilang katangian ngunit sa katunayan ay wala naman ito sa kanya; isang taongnagsisikap na magmukhang mabuti ngunit hindi naman. Ang salitang Griyegong mapagpaimbabaw ay maaari ring isalin bilang mapagkunwari. Tingnan saMateo 15:8; Lucas 11:39.)

• Ano ang magiging gantimpala ng mga taong gumagawa ng mabubuting bagaypara lamang makita ng iba? (Tingnan sa Mateo 6:2, 5, 16.) Anong mga bagayang maaaring gawin natin para lamang makita ng iba sa halip na bigyangkasiyahan ang Diyos? Paano natin mapadadalisay ang ating mga pakay sapaglilingkod at paggawa ng iba pang mabubuting gawa?

• Sa sermong ito, ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa dapat nating pahalagahansa lahat? (Tingnan sa Mateo 6:19–21.) Ano ang ibig sabihin ng “mangagtiponng mga kayamanan sa langit”? Ano ang ilan sa mga makalangit na kayamananna maaari nating hangarin? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 18:14–16 at130:18–19 para sa dalawang halimbawa.)

• Ano ang ibig sabihin ng “kung saan naroon ang iyong kayamanan, doonnaman doroon ang iyong puso”? Paano natin malalaman kung ano ang atingpinahahalagahan? (Ang isang paraan ay timbangin kung gaanong panahon,salapi, at kaisipan ang ginugugol natin sa isang bagay.) Ano angpinahahalagahan ng mga tao sa ngayon? Hilingin sa mga miyembro ng klasena isipin ang mga bagay na kanilang pinahahalagahan at tahimik na isaalang-alang kung ano ang ipinahihiwatig ng mga kayamanang ito tungkol sa kungsaan naroon ang kanilang puso.

2. Sinusunod ng tunay na mga disipulo ang halimbawa ng panalangin ngTagapagligtas.

Basahin at talakayin ang Mateo 6:7–13; 7:7–11. Ituro na ang Mateo 6:9–13 aykilala bilang ang Panalangin ng Panginoon.

• Ano ang itinuturo sa atin ng Panalangin ng Panginoon tungkol sa kung paanotayo dapat manalangin? (Tingnan sa Mateo 6:9–13.)

• Paano ipinapakita ng Panalangin ng Panginoon ang pagpipitagan at paggalangni Jesus sa Ama sa Langit? Paano natin maipakikita ang pagpipitagan atpaggalang sa Ama sa Langit kapag nananalangin tayo?

Pinuna ni Elder Dallin H. Oaks ang uri ng pananalita na dapat nating gamitinkapag nananalangin tayo: “Ang natatanging lengguwahe ng panalangin ayiba-ibang kaayusan ang sinusunod sa iba’t ibang wika, ngunit ang prinsipyo ayiyon pa rin. Dapat nating ipatungkol ang mga panalangin sa ating Ama saLangit na gamit ang mga salitang ginagamit ng mga nagsasalita ng wikangiyon na may kaugnayan sa pagmamahal at paggalang at pagpipitagan atpagiging malapit. . . . Ang mga kalalakihan at kababaihan na nagnanaismagpakita ng paggalang ay mag-uukol ng panahon upang matutuhan angnatatanging lengguwahe ng panalangin” (sa Conference Report, Abr. 1993, 17,20; o Ensign, Mayo 1993, 16, 18).

44

• Paano natin maiiwasan ang paggamit ng “walang kabuluhang paulit-ulit”kapag nananalangin tayo? (Tingnan sa Mateo 6:7.)

• Dahil alam na ng Ama sa Langit kung ano ang kailangan natin bago pa mantayo manalangin (Mateo 6:8), bakit kailangan pa nating manalangin? Bakitmahalaga sa ating espirituwal na pag-unlad ang paghiling, paghahanap, atpagkatok (Mateo 7:7)? Paano tayo magiging higit na masigasig sapaghahangad ng tulong mula sa Ama sa Langit?

• Paano ang dapat na maging pagkaunawa natin sa pangako ng Tagapagligtas na“ang bawat humihingi ay tumatanggap”? (Mateo 7:8.) Bakit kung minsan ayhindi natin tinatanggap ang ating hinihingi sa oras na hinihiling na ito o saparaang nais natin? (Tingnan sa 3 Nephi 18:20.) Paano ninyo nalaman naalam ng Diyos ang pinakamainam para sa inyo?

3. Ang tunay na mga disipulo ay buong kabaitan at pantay-pantay nanakikitungo sa iba.

Basahin at talakayin ang Mateo 6:14–15; 7:1–6, 12.

• Bakit sa palagay ninyo inuutusan tayo ng Tagapagligtas na patawarin angibang tao? Paano tayo magiging higit na mapagpatawad?

• Iniwasto ng Pagsasalin ni Joseph Smith ang Mateo 7:1 upang mabasa nangganito, “Huwag hahatol nang di makatarungan, upang huwag kayong hatulan;datapwat humatol nang makatarungan” (Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo7:2). Ano ang makatarungang paghatol? Anong pinsala ang maaaring sapitinnatin at ng mga taong hinahatulan natin kung di makatarungan ang atingpaghatol? Paano tayo makatitiyak na makatarungan ang ating paghatol?(Tingnan sa Mateo 7:3–5; Moroni 7:14–18.)

• Sinabi ni Jesus na ang taong nagsisikap na ituwid ang iba nang hindimakatarungan ay isang mapagpaimbabaw (Mateo 7:4–5). Paanongpalatandaan ng pagpapaimbabaw ang hindi makatarungang paghatol?

• Ang turo na nasa Mateo 7:12 ay karaniwang tinatawag na Ginintuang Aral.Anong mga karanasan ang nagpakita sa inyo ng kahalagahan ng alituntuningito? Paano tayo ginagawang higit na mabubuting disipulo ni Jesucristo ngpagsunod sa Ginintuang Aral?

Inilarawan ni Elder Marvin J. Ashton ang isang pulong kung saan isinaalang-alang ng isang grupo ng mga miyembro ng Simbahan ang katanungang ito“Paano ninyo masasabi na ang isang tao ay nagbalik-loob kay Jesucristo?”:

“Sa loob ng apatnapu’t limang minuto ang lahat ng dumalo ay nagbigay ngilang mungkahi bilang tugon sa tanong na ito, at buong ingat na isinulat ngpinuno ang bawat sagot sa isang malaking pisara. Ang lahat ng mga puna aypinag-isipan at naaangkop. Ngunit paglipas ng ilang sandali ay binura lahat ngmagiting na gurong ito ang kanyang mga isinulat. Pagkatapos kilalanin na anglahat ng mga puna ay naging kapaki-pakinabang at pinasasalamatan ay itinuroniya ang isang mahalagang alituntunin: ‘Ang pinakamainam atpinakamaliwanag na sukatan na tayo ay espirituwal na umuunlad at lumalapitkay Cristo ay ang paraan ng ating pakikitungo sa ibang tao.’ ”

Idinagdag pa ni Elder Ashton na: “Ang paraan ng ating pakikitungo sa mgamiyembro ng ating pamilya, sa ating mga kaibigan, sa mga kasamahan natin

Aralin 9

45

sa trabaho sa araw-araw ay kasing halaga ng ilan sa mga higit na kapansin-pansing mga alituntunin ng ebanghelyo na ating binibigyang-diin paminsan-minsan” (sa Conference Report, Abr. 1992, 25; o Ensign, Mayo 1992, 20).

4. Ang tunay na mga disipulo ay naglilingkod sa Diyos at sinusunod angkanyang kalooban.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mateo 6:22–34; 7:13–29.

• Bakit imposibleng pagsilbihan kapwa ang Diyos at ang kayamanan, okamunduhan? (Tingnan sa Mateo 6:24.) Anong mga pagpapala angipinapangako ng Diyos sa mga naglilingkod sa kanya? (Tingnan sa Mateo6:25–33; Doktrina at mga Tipan 11:7.)

• Ipinangako ni Jesus na kung ating “hanapin muna . . . ang kanyang [Diyos]kaharian,” ay ibibigay sa atin ang iba pang mga bagay na kailangan natin(Mateo 6:33). Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo upang magkamitng patotoo tungkol sa pangakong ito?

• Paano mahihila papalayo sa kamunduhan ang ating katapatan at paglilingkodsa Diyos? Ano ang ilang mga paraan kung paano maaari tayong matuksonghanapin muna ang mga bagay ng daigdig bago hanapin ang mga bagay nanauukol sa Diyos? (Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ng pagpapaliban sapagbabayad ng ikapu hangga’t hindi nabibili ang mga bagay na kailangan ogusto natin o pagpapasiyang huwag nang magmisyon dahil sa paghahangad samakamundong mga bagay.)

• Noong malapit nang matapos sa kanyang pangangaral si Jesus, ano ang itinuroniya tungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit? (Tingnan sa Mateo 7:13–14,21–23.) Bakit mahalaga na ang daan patungo sa buhay na walang hanggan aymakipot, samantalang ang daan patungo sa kapahamakan ay malawak?

• Sa dakong huli ng Pangangaral sa Bundok ay ikinuwento ni Jesus angtalinghaga ng matalinong lalaki at ng mangmang na lalaki (Mateo 7:24–27).Paano naaangkop sa atin ang talinghagang ito? Ano ang “bato” na dapat natingpagtayuan? (Tingnan sa Helaman 5:12.) Sa anong mga bagay, na maaaringmaihambing sa buhangin, itinatatag ng ilang tao ang kanilang buhay?

Maaaring naisin ninyong ipaawit sa mga miyembro ng klase ang “AngMatalino at ang Hangal” (Aklat ng mga Awit Pambata).

Katapusan Magpatotoo tungkol sa kahalagahan ng pagsunod kay Jesucristo. Himukin angmga miyembro ng klase na isipin kung ano ang kailangan nilang gawin upangmaging mas mabubuting disipulo ni Cristo.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

46

1. “Sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila” (Mateo 7:20)

• Binalaan ni Jesus ang kanyang mga tagasunod tungkol sa bulaang mgapropeta—mga taong nagtuturo ng maling doktrina o sinisikap na akayin angmga tao papalayo kay Cristo (Mateo 7:15). Paano natin makikilala ang bulaanat ang tunay na mga propeta? (Tingnan sa Mateo 7:16–20; tingnan din saMoroni 7:5, 10–11.) Paano maiaakma sa atin at gayundin sa mga propeta angMateo 7:20?

2. Pagpapalabas ng video

Ang ikalawang yugto ng “New Testament Customs,” isang piling bahagi mula sa New Testament Video Presentations (53914), ay nagpapaliwanag tungkol sapaggamit ng mga Judio ng mga pilakteria at tirintas. Kung ipapalabas ninyo angyugtong ito, talakayin kung paano ang mga bagay na ito, na minsa’y ginamitupang ipakita ang pagsunod sa Diyos, ay naging mga sagisag ng paghahangad ngmga Fariseo na “makita ng mga tao” habang sila ay sumasamba (Mateo 6:5).

3. Paghanap sa tahilan na nasa ating sariling mata

Ibahagi ang sumusunod na kuwento tungkol sa kung paano tinuruan niPropetang Joseph Smith ang isang kapatid na babae na hanapin ang tahilan sakanyang sariling mata kapag nakasakit ng iba:

Isang babae na nagagalit sa ilang bagay na sinabi tungkol sa kanya ng isa pangmiyembro ng simbahan ang nagpunta kay Propetang Joseph Smith. Sinabi ngPropeta sa kanya na kung ang mga sinabi ng lalaki ay hindi totoo, ay dapatniyang ipagwalang-bahala ang bagay na iyon, dahil ang mga katotohanan aymangingibabaw at ang mga kasinungalingan ay hindi mananaig. Nadama ngbabae na ang mga puna ay hindi totoo, ngunit hindi mapanatag ang kanyangkalooban sa pagwawalang bahala sa bagay na ito. Sa gayon ay isiniwalat ngPropeta ang kanyang paraan ng pakikitungo sa gayong mga puna:

“Kapag ang isang kaaway ay gumawa ng kuwento upang siraan siya, na madalasna ginagawa sa kanya, bago siya humatol ay tumitigil siya at ibinabalik sakanyang alaala ang oras at lugar at pangyayaring nauugnay sa kuwento.Ipinapalagay niya na marahil nabuo ang kuwento dahil sa ilang hindisinasadyang salitang nabanggit niya o ikinilos. Kung matutuklasan niyangnagawa nga niya ang gayon ay sinasabi niya na noon din sa kanyang puso aypinatatawad niya ang kaaway, at nagpapasalamat na nakatanggap siya ng babalatungkol sa isang kahinaan na hindi niya batid na taglay niya.”

Sinabi ng Propeta sa kapatid na babae na dapat ay isipin niyang mabuti kunghindi sinasadya na nabigyan niya ng dahilan ang taong iyon upang sabihin angmga bagay na sinabi nito. Pagkatapos ng matagal na pag-iisip, nagpasiya siya nanagawa nga niya ang gayon, at pinasalamatan niya ang Propeta at lumisan na.(Tingnan sa Jesse W. Crosby, sinipi sa Hyrum L. Andrus at Helen Mae Andrus,mga nagtipon sa They Knew the Prophet [1974], 144.)

4. Gawaing pangkabataan

Isulat ang lahat ng sumusunod na mga parirala mula sa Mateo 6 at 7 sa isanghiwalay na kard:

Aralin 9

47

Huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay (6:3)Iyong Ama na nakakikita sa lihim (6:6)Huwag ninyong gamitin (6:7)Ipatawad ninyo sa mga tao (6:14)Mangagtipon kayo (6:20)Hindi kayo makapaglilingkod (6:24)Hanapin muna ninyo (6:33)Alisin mo muna ang tahilan (7:5)Magsihingi kayo (7:7)Magsihanap kayo (7:7)Mangag-ingat kayo (7:15)Sa kanilang mga bunga (7:20)

Ilatag nang pataob ang mga kard sa mesa o sa sahig. Hatiin ang mga miyembrong klase sa dalawang koponan, at hayaang maghalinhinan ang dalawangkoponan sa pagpili ng dalawang kard. Kung magkatugma ang mga kard, aalisinang mga ito ng koponang iyon mula sa mesa o sahig at sila pa rin ang pipili.Kung hindi magkatugma ang mga kard, ilalagay itong muli ng koponan sakanilang dating kinalalagyan, at ang kabilang koponan naman ang pipili.Magpatuloy hanggang sa mapagtugma ang lahat.

Ang ginagawa ng inyong kanang kamay(6:3)Ay gagantihan ka (6:6)

Ang walang kabuluhang paulit-ulit (6:7)Ang kanilang mga kasalanan (6:14)Ng mga kayamanan sa langit (6:20)Sa Diyos at sa mga kayamanan (6:24)Ang kaharian ng Diyos (6:33)Sa iyong sariling mata (7:5)At kayo’y bibigyan (7:7)At kayo’y mangakasusumpong (7:7)Sa mga bulaang propeta (7:15)Ay mangakikilala ninyo sila (7:20)

48

49

Aralin

10“Pasanin Ninyo ang Aking Pamatok at Mag-aral Kayo sa Akin”Mateo 11:28–30; 12:1–13; Lucas 7:36–50; 13:10–17

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan na sa pagpasan natin ngpamatok ng Tagapagligtas at paggawa sa kanyang kalooban, tayo aymakasusumpong ng kapayapaan at kagalakan na ipinangako niya.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mateo 11:28–30. Inaanyayahan ni Jesus ang lahat ng napapagal atnabibigatan sa kanilang pasanin na lumapit sa kanya, pasanin ang kanyangpamatok, at mag-aral sa kanya.

b. Mateo 12:1–13; Lucas 13:10–17. Ipinahayag ni Jesus na siya ang Panginoonng Sabbath. Nagpapagaling siya sa Sabbath at binatikos dahil dito.

c. Lucas 7:36–50. Isang babaing naghahangad ng kapatawaran ang naghugassa mga paa ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mga luha; binatikosni Simon na Fariseo si Jesus sa pagpayag na mahawakan Siya ng babaingmakasalanan. Itinuro ni Jesus kay Simon ang talinghaga ng dalawang taongmay utang at pinatawad ang babae.

2. Karagdagang pagbabasa: Isaias 58:13–14; Mateo 11:16–19; 12:14–50; 26:6–13;Marcos 2:23–3:12; 14:3–9; Lucas 6:1–11; Doktrina at mga Tipan 59:9–19.

3. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, gamitin ang mga ito saaralin:

a. “Come Unto Me,” isang pitong minutong yugto mula sa New TestamentVideo Presentations (53914).

b. Ang larawang Mary Fielding Smith and Joseph F. Smith Crossing the Plains(62608; Gospel Art Picture Kit 412), na nagpapakita ng pares ng dalawangbaka na nakapamatok.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Habang inihahanda ninyo ang bawat aralin, isaalang-alang nang may panalangin kung paano hihikayatin ang bawat miyembro ng klase na makilahok. Ang mga palabas, maliliit na grupong talakayan,pagsasadula, at iba pang naaangkop na mga gawain ay makatutulong sa mgamiyembro ng klase na aktibong makisali. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higitna Dakilang Tungkulin, Yunit F, Paksa 9, “Maliliit na Grupong Talakayan [BuzzSessions],” 164–165; Yunit F, Paksa 11, “Pagtatanghal,” 168–169; Yunit F,Paksa 16, “Pagsasadula at Pagsasadrama,” 178–180; Yunit F, Paksa 17, “MgaLarong Nagtuturo,” 181–183.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Hilingan ang isang miyembro ng klase na magpunta sa harapan ng klase at itaasang kanyang mga kamay. Maglagay ng ilang aklat o iba pang mabibigat na bagaysa mga kamay ng taong ito. Patuloy na lagyan ng mga bagay ang mga kamay ngmiyembro hanggang sa mabigatan na siya. Pagkatapos ay itanong:

• Gaano katagal mo makakayanan ang dalahin na ito bago ka magpahinga? Anoang mga dapat mong ilagay sa ayos upang mabuhat mo ang pasaning ito samalayo?

Ipaliwanag na maraming uri ng pasanin, o dalahin. Ang ilan ay pisikal,samantalang ang iba naman ay espirituwal o emosyonal at hindi madalingmakita. Marami sa mga hindi nakikitang pasanin ang higit pa sa makakayanating dalhin nang mag-isa, at tayo ay napapagod. Tinatalakay sa araling itokung paano mapagagaan ng Panginoon ang ating mga pasanin at kung paanotayo mabibigyan ng kapahingahan.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Inaanyayahan tayo ni Jesus na pasanin ang kanyang pamatok, at mag-aral sa kanya.

Basahin at talakayin ang Mateo 11:28–30.

• Ano ang ibig sabihin ng “nangapapagal at nangabibigatang lubha”? (Mateo11:28). Ano ang ilang halimbawa ng mga pasanin na tinitiis natin sa buhay naito? Paano “[tayo] mabibigyan ng kapahingahan” ng Panginoon mula sapasaning ito?

• Ano ang pamatok? (Ipakita ang larawan nina Mary Fielding at ni Joseph F.Smith at ituro ang mga bakang may pamatok na nasa larawan. Ipaliwanag naang pamatok ay isang kahoy na inilalagay sa dalawang tao o mga hayop nahumihila o nagdadala ng mabibigat na pasanin. Binabalanse ng pamatok angpasanin at nagiging madali ang paghila o pagbuhat nito. Bilang karagdagan saliteral na kahulugan nito, ang konsepto ng isang pamatok ay makikita rin samaraming banal na kasulatan bilang metapora (metaphor) ng pagkaalipin opagkabusabos; tingnan sa Jeremias 28:2; Alma 44:2.) Ano ang ibig sabihin ngpasanin natin ang pamatok ni Cristo? (Buong pagpapakumbabang gawin angkanyang kalooban at pahintulutan siyang gabayan tayo at pangasiwaan angating buhay.)

Kung gagamitin ninyo ang palabas sa video na “Come Unto Me,” ipakita nangayon ang unang bahagi nito. Itigil ang video kapag natapos na sa pagsasalita siPangulong Howard W. Hunter.

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

50

• Sinabi ng Panginoon na, “Malambot ang aking pamatok, at magaan ang akingpasan” (Mateo 11:30). Sa paanong paraan malambot ang pamatok ngTagapagligtas? Bakit iniisip ng ilang tao na ang mga turo ng Panginoon aymasyadong mahigpit? Paano pinagagaan ang ating mga dalahin ng pagsunodat paglilingkod sa Panginoon?

2. Ipinahayag ni Jesus na siya ang Panginoon ng Sabbath.

Talakayin ang Mateo 12:1–13 at Lucas 13:10–17. Anyayahan ang mga miyembrong klase na basahin nang malakas ang mga piling talata.

• Ano ang ginawa ng mga Fariseo nang makita nila ang mga disipulo ni Jesus nanamimitas ng mais sa araw ng Sabbath? (Tingnan sa Mateo 12:1–2. Ipaliwanagna ang naging pakahulugan ng mga Fariseo sa batas ni Moises ay nagwalangbahala sa tunay na diwa at layunin ng Sabbath at sa halip ay nagtuon ngpansin sa mga tradisyon na naghihigpit na mabuti sa mga gawain sa araw ngSabbath.) Ano ang itinuro ng Panginoon sa pagtugon niya sa kanilangparatang? (Tingnan sa Mateo 12:3–8.)

• Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niyang, “Habag ang ibig ko, athindi hain”? (Mateo 12:7. Nais niyang ituon ng mga tao ang kanilang pansinsa pagmamahal sa iba, at hindi lamang sa pagsasagawa ng mga seremonyangnauukol sa relihiyon sa harap ng madla.) Paano natin magagamit angalituntuning ito upang magabayan tayo sa ating mga gawain sa araw ngSabbath?

• Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa layunin ng Sabbath noong pagalingin niyaang lalaking tuyo ang kamay at ang babaing matagal nang maysakit? (Tingnansa Mateo 12:10–13; Lucas 13:10–17.) Ano ang itinuro niya tungkol sa Sabbathsa Marcos 2:27–28? (Ituro na ipinaliliwanag ng Pagsasalin ni Joseph Smith ngMarcos 2:26 na ang Sabbath ay ibinigay bilang isang araw ng pamamahinga ataraw upang luwalhatiin ang Diyos.) Ano ang maaari nating gawin sa araw ngSabbath upang luwalhatiin ang Diyos? Paano makapagpapagaan sa ating mgapasanin at makapagdudulot ng kapahingahan ang pagpapanatiling banal saaraw ng Sabbath?

3. Pinatawad ni Jesus ang isang babae na nasa bahay ni Simon na Fariseo.

Kung ginagamit ninyo ang palabas sa video na “Come Unto Me,” ipalabas nangayon ang nalalabing bahagi nito. Pagkatapos ay basahin at talakayin ang mgapiling talata mula sa Lucas 7:36–50.

• Pasan ng babaing pumasok sa bahay ni Simon na Fariseo ang bigat ngkasalanan (Lucas 7:37). Ano ang ginawa ng babae na naging daan upang alisinni Jesus ang kanyang pasanin? (Tingnan sa Lucas 7:38, 44–50.) Ano ang maaarinating gawin upang alisin ng Tagapagligtas ang bigat ng kasalanan sa atingbuhay?

• Paano nagkaiba ang makasalanang babae at si Simon na Fariseo sa kanilangsaloobin tungkol kay Jesus? (Ihambing ang pagsisisi ng babae, paggalang,kababaang-loob, at pagmamahal sa mga ugali ni Simon na kapalaluan,kakulangan ng pagpipitagan, at mapanghusgang pag-uugali. Tingnan din angsiping-banggit na nasa ibaba.) Bakit mahalaga ang mga katangiang taglay ngbabae kapag nagsisisi tayo at naghahangad ng kapatawaran? Paano hahadlang

Aralin 10

51

sa ating pagsisisi ang mga katangiang taglay ni Simon?

Itinuro ni Elder James E. Talmage na: “Kaugalian noong mga panahong iyon napag-ukulan ng kakaibang atensiyon ang kilalang panauhin; tanggapin siya sapamamagitan ng isang halik ng pagbati, maglaan ng tubig para sa paghuhugasng alikabok sa kanyang mga paa, at langis na pampahid sa kanyang buhok atbalbas. Ang lahat ng mga mapitagang atensiyon na ito ay hindi ginawa niSimon” (Jesus the Christ, ika-3 edisyon [1916], 261).

• Paano parang pinabigat lalo ng pag-uugali ni Simon ang pasaning dala ngbabae? Paano natin kung minsan tila pinabibigat nang husto ang dinadalangkasalanan ng isang tao? Ano ang matututuhan natin mula sa sagot ngTagapagligtas sa babae?

• Kahit na hindi siya inanyayahan at malamang na hindi pakitunguhan nangmagandang ni Simon at ng kanyang sambahayan, ang babae ay kaagad nalumapit kay Cristo nang malaman niya kung saan siya matatagpuan (Lucas7:37). Ano ang matututuhan natin mula sa kanyang halimbawa? Anong mgabalakid ang maaaring humadlang sa atin sa pagsisisi at paglapit kay Cristo?Paano natin mapaglalabanan ang mga hadlang na ito?

• Ano ang matututuhan natin mula sa talinghaga ng dalawang may utang?(Tingnan sa Lucas 7:41–50.) Paano maihahambing ang kasalanan sapagkakautang? (Tingnan sa Lucas 7:44–50.) Paano makapagpapagaan sa atingmga pasanin kung si Cristo ang ating magiging “pinagkakautangan”?

Katapusan Magpatotoo na maaari nating piliin na pasanin ang mga dalahin ng daigdig okaya naman ay ang pamatok ni Jesus. Magpatotoo na ang mga aral ni Cristo aytotoo at makatatagpo tayo ng kapahingahan kapag sumusunod tayo sa kanya.Himukin ang mga miyembro ng klase na matuto pa ng tungkol kay Cristo atsundin ang kanyang mga aral upang makatagpo sila ng kapahingahan atkapayapaan.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang itobilang bahagi ng aralin.

1. Ang kahalagahan ng pagkakaisa

Basahin at talakayin ang Mateo 12:22–30.

• Paano nahahati kung minsan ang ating pansin sa ating pamilya, tahanan, o purok? Ano ang maaari nating gawin upang higit tayong magkaisa?

• Sinabi ni Jesus sa mga Fariseo, “Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin”(Mateo 12:30). Bakit nga ba ganoon?

2. “Bawat salitang walang kabuluhan” (Mateo 12:36)

Basahin at talakayin ang Mateo 12:33–37.

• Ano ang inihahayag ng mga salitang ating binibigkas tungkol sa ating sarili?Bakit gayon na lamang ang pagpapahalaga ni Jesus sa mga salita na atingbinibigkas? Ano ang ilang halimbawa ng “salitang walang kabuluhan”? (Angmga sagot ay maaaring kabilangan ng panunuya, tsismis, kasinungalingan,

52

kalapastanganan, kagaspangan.) Paano natin mapalalakas ang ating pangakona magsasalita lamang sa mabuting paraan?

3. Gawaing pangkabataan

Maghanda ng isang papel para sa bawat miyembro ng klase na naglalaman ngsumusunod na palaisipan. Pagkatapos ninyong basahin at talakayin ang takdangbabasahin, ipamigay ang mga kopya ng palaisipan. Hilingan ang mga miyembrong klase na maghanap ng mga salitang may kaugnayan sa aralin na nakatago sa palaisipan. Ang mga salita ay maaaring patayo, pahalang, o pahilis. Kungkailangan ng tulong ng mga miyembro ng klase pagkaraan ng ilang minuto,ipabasang muli sa kanila ang mga talatang naglalaman ng mga nakatagong salita(Mateo 11:28–30: pasanin, nangabibigatan, pamatok; Mateo 12:1–13: Sabbath,magpagaling; Lucas 7:36–50: talinghaga, may utang, pinatawad).

Y H N O G P K A D W K

L I A P H Q L T E Y I

B P N Q P R M A F A O

M A G P A G A L I N G

O S A R M A N I H B A

S A B B A T H N I D R

N N I S T B P G J E S

A I B T O D I H K F T

R N I U K E N A L G U

K J G W I F A G M H W

B L A P X B T A B G A

D K T A K G A O P J B

E L A B L H W B Q K O

F M N O M I A S R L E

G N F E N J D T U M R

Z M A Y U T A N G X Y

Aralin 10

53

54

Aralin

11“Pinagsalitaan Niya Sila

ng Maraming mga Bagay sa mga Talinghaga”

Mateo 13

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na magkaroon ng “mga taingangmakikinig” upang maunawaan nila kung paano naaangkop sa kanila ang mga talinghaga ni Jesus (Mateo 13:9).

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mateo 13:1–17. Inilahad ni Jesus ang talinghaga ng manghahasik atipinaliwanag ang paggamit niya ng mga talinghaga.

b. Mateo 13:18–23. Ipinaliwanag ni Jesus ang talinghaga ng manghahasik.c. Mateo 13:24–53. Itinuro ni Jesus ang tungkol sa kaharian ng langit sa lupa

(ang Simbahan ni Jesucristo) sa pamamagitan ng mga talinghaga ng trigo at mapanirang damo, ang butil ng mustasa, ang lebadura, ang natatagongkayamanan sa bukid, ang mahalagang perlas, at ang lambat na inihulog sa dagat.

2. Karagdagang pagbabasa: Marcos 4:1–34; Lucas 8:4–18; 13:18–21; Doktrina at mga Tipan 86:1–7; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ebanghelyo Mga,49–55” “Talinghaga,” 243 at “Kaharian ng Diyos o Kaharian ng Langit,” 104.

3. Mungkahi para sa pagtuturo: Sinabi ni Elder Boyd K. Packer: “Walangpamamaraan ng pagtuturo ang makahihigit, at iilan ang makakapantay, sapisara. . . . Magagamit ninyo ito upang maituon ang paningin ng inyong mgatinuturuan habang inilalahad ang pangunahing aralin nang maliwanag sapandinig nila. Habang nagsasalita kayo ay sapat ang mailalagay ninyo sa pisaraupang matuon ang kanilang pansin dito at mabigyan sila ng ideya, ngunithindi labis na tulad ng bisuwal na tulong na nakaaabala at nagiging maskawili-wili kaysa sa inyong aralin” (Teach Ye Diligently [1975], 224–25; tingnandin sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin , Yunit G, Paksa 1,“Paggamit ng Pisara,” 191; at Yunit G, Paksa 2, “Pagguhit ng mga SimplengLarawan,” 192–193).

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na isipin nila na sila ay nakasakay saisang bus. Habang patuloy ang paglalakbay ay nakatanaw sila sa bintana ng busat minamasdan ang tanawin.

Gawaing Pantawag-pansin

• Pagkatapos maglakbay sa iisang bus, pareho kaya ang mapapansin ninyongmga bagay sa mga napansin ng ibang mga pasahero? Bakit oo o bakit hindi?

Ituro na ang mga tao sa magkaparehong situwasyon ay hindi palagingmagkapareho ang napapansing mga bagay. Gayundin naman, hindi lahat ng tao na nakarinig kay Jesus na nagturo sa pamamagitan ng mga talinghaga aynakauunawa kung paano naaangkop sa kanila ang mga talinghaga. Tatalakayinsa araling ito kung paano natin mauunawaan at maisasagawa ang mgatalinghaga ni Jesus.

Habang tinatalakay ninyo ang sumusunod na mga talinghaga, tiyakin na alamng mga miyembro ng klase kung ano ang isinasagisag ng magkakaibang tauhan,bagay, at kilos. Ito ay makatutulong sa kanilang maunawaan ang mga talinghagaat gamitin ang mga ito sa kanilang buhay.

1. Inilahad ni Jesus ang talinghaga ng manghahasik at ipinaliwanag angpaggamit niya ng mga talinghaga.

Basahin at talakayin ang Mateo 13:1–17.

• Nang magtipun-tipon ang mga tao sa dalampasigan, si Jesus ay “[nagsalita] . . .ng maraming mga bagay sa mga talinghaga” (Mateo 13:3). Ano ang isangtalinghaga? (Isang nagbibigay siglang kuwento na nagtuturo ng mgakatotohanan ng ebanghelyo sa pamamagitan ng paghahambing sa mga ito sa mga bagay na makalupa.) Ano ang sinabi ni Jesus na layunin niya sa pagtuturo sa pamamagitan ng mga talinghaga? (Upang sabay niyangmaituro ang kanyang mensahe sa kanyang mga disipulo at maitago naman ito sa mga hindi naniniwala. Tingnan sa Mateo 13:10–13.)

Hilingan ang isang miyembro ng klase na basahin nang malakas ang talinghagang manghahasik (Mateo 13:3–8). Anyayahan ang iba pang mga miyembro ngklase na sumabay sa pagbabasa, na tinatandaan na ang mga bagay at kilos satalinghaga ay kumakatawan sa mga katotohanan ng ebanghelyo.

• Ano ang humahadlang sa pag-usbong ng mga binhi na bumabagsak sa tabi ngdaan? (Tingnan sa Mateo 13:4. Isulat sa pisara ang Mga binhi sa tabi ng daan—kinakain ng mga ibon.)

• Bakit nangatutuyo ang mga binhi na nasa batuhan? (Tingnan sa Mateo 13:5–6;Lucas 8:6. Isulat sa pisara ang Mga binhi sa batuhan—walang ugat.)

• Ano ang nangyayari kapag nalalaglag ang ilang binhi sa mga dawag? (Tingnansa Mateo 13:7. Isulat sa pisara ang Mga binhi sa mga dawag—nasasakal ng mgatinik.)

• Ano ang nangyayari sa mga binhing nalalaglag sa mabuting lupa? (Tingnan saMateo 13:8. Isulat sa pisara ang Mga binhi sa mabuting lupa—nagbubunga.)

Iwanan sa pisara ang mga salitang inyong isinulat, at ipaliwanag na sa loob ng ilang minuto ay tatalakayin ninyo ang mga katotohanang kinakatawan ngmga ito.

• Ano ang maaaring maging reaksiyon ng mga tao kapag narinig nila angtalinghagang ito nang walang anumang pagpapaliwanag tungkol sa kahulugannito? (Ang ilang tao ay maaaring makadama ng kabiguan dahil hindi nila ito

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

55

nauunawaan. Maaaring maunawaan ito ng iba ngunit iisiping hindi itonaaangkop sa kanila. Ang iba naman ay maaaring pagnilay-nilayan ito atmagtanong hanggang sa maunawaan nila ito at malaman kung paano itoisasagawa sa kanilang buhay.)

• Ano ang paanyayang ipinarating ni Jesus matapos niyang ilahad angtalinghaga ng manghahasik? (Tingnan sa Mateo 13:9.) Ano sa palagay ninyoang ibig sabihin ng salitang makinig sa paanyayang ito? Ano ang ibig sabihinnang tumingin ngunit hindi makakita at makinig ngunit hindi makarinig?(Tingnan sa Mateo 13:13–15.)

Sinabi ng Propetang Joseph Smith na: “Hindi tinanggap . . . ng mga tao angKanyang sinabi . . . dahil ayaw nilang tumingin sa pamamagitan ng kanilangmga mata, at makinig sa pamamagitan ng kanilang mga tainga; hindi dahil sa hindi nila magawa, at hindi sila binigyan ng pribilehiyong makakita atmakarinig, kundi dahil sa ang kanilang mga puso ay puno ng kasamaan atkarumal-dumal. . . . Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi tumanggapang mga tao . . . ng pagpapaliwanag tungkol sa Kanyang mga talinghaga, aydahil sa kawalan ng pananampalataya” (Teachings of the Prophet Joseph Smith,pinili ni Joseph Fielding Smith [1976], 96–97).

2. Ipinaliwanag ni Jesus ang talinghaga ng manghahasik.

Basahin ang Mateo 13:18–23, at talakayin ang kahulugan ng mga bagay at kilossa talinghaga ng manghahasik.

Binhi

• Sa talinghaga ng manghahasik, ano ang isinasagisag ng binhi? (Tingnan saMateo 13:19; Lucas 8:11. Isulat sa pisara ang Binhi = salita ng Diyos.)

Tabi ng Daan

• Ano ang isinasagisag ng tabi ng daan? (Tingnan sa Mateo 13:19.) Isulat sapisara ang Tabi ng Daan = mga taong nakakarinig sa salita ng Diyos ngunit hindiito nauunawaan (daglatin ang pangungusap kung nais).

• Ano ang ilang bagay na maaaring ginagawa natin na humahadlang sa atin sa pag-unawa sa salita ng Diyos? (Tingnan sa Mosias 26:1–3 para sa isangposibleng sagot.) Ano ang kailangan nating gawin upang maunawaan angsalita ng Diyos? (Tingnan sa Alma 32:27.) Paanong ang kakulangan ng pang-unawa ay nakapagpapadali kay Satanas sa pag-aalis ng salita sa ating mgapuso? (Tingnan sa Mateo 13:19.)

Batuhan

• Ano ang isinasagisag ng batuhan? (Tingnan sa Mateo 13:20–21.) Isulat sapisara ang Batuhan = mga taong nakakarinig at tumatanggap sa salita ng Diyosngunit hindi ito pinahintulutang mag-ugat sa kanilang kalooban (daglatin angpangungusap kung nais).

• Bakit hindi pinahihintulutan ng ilang tao na magkaroon ng ugat ang salita ng Diyos sa kanilang kalooban? (Tingnan sa Mateo 13:21; Marcos 4:5.) Paano natin mapahihintulutang mag-ugat nang malalim ang binhi sa atingkalooban? (Tingnan sa Alma 32:41–43.) Paano tayo matutulungan nito namapagtiisan ang init na dulot ng paghihirap, pang-aapi, at pagkasugat ngdamdamin?

56

Mga Dawagan

• Ano ang isinasagisag ng mga dawagan? (Tingnan sa Mateo 13:22; Marcos 4:19;Lucas 8:14.) Isulat sa pisara ang Mga Dawagan = mga taong nakakarinig sa salitang Diyos ngunit nagagambala ng mga alalahanin ng daigdig (daglatin angpangungusap kung nais).

• Ano ang ibig sabihin ng pagiging hindi mabunga ng isang tao? Anong mga“tinik” ang dahilan ng pagiging hindi mabunga ng mga tao? (Tingnan saMateo 13:22; Marcos 4:19; Lucas 8:14.) Paano malinaw na makikita ang mgatinik na ito sa daigdig sa ngayon? Ano ang maaari nating gawin upangmaiwasang masakal ng mga tinik na ito ang salita ng Diyos na nasa atin?

Mabuting Lupa

• Ano ang isinasagisag ng mabuting lupa? (Tingnan sa Mateo 13:23.) Isulat sapisara ang Mabuting Lupa = mga taong nakakarinig sa salita ng Diyos, nauunawaanito, at gumagawa ng kabutihan (daglatin ang pangungusap kung nais).

• Ano ang maaaring magawa upang matulungang mamunga ang mga bahaginghindi namumunga? (Ang tabi ng daan ay maaaring araruhin at lagyan ngpataba, ang mga bato ay maaaring alisin, at maaaring bunutin ang mga tinik.)Paano ito maiaangkop sa ating mga pagsisikap na maging higit na madalingtumanggap ng salita ng Diyos?

• Bakit sa palagay ninyo mas pinagtuunan ng pansin ng talinghaga ngmanghahasik ang lupa kaysa sa manghahasik o sa binhi?

3. Gumagamit si Jesus ng mga talinghaga upang ituro ang tungkol sakaharian ng langit sa lupa (ang Simbahan ni Jesucristo).

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mateo 13:24–53. Ipaliwanagna sa mga talatang ito ang katagang “kaharian ng langit” ay tumutukoy saSimbahan ni Jesucristo, na siyang kaharian ng langit sa lupa (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Kaharian ng Langit o Kaharian ng Diyos,” 104).

• Ano ang kahulugan ng talinghaga ng trigo at ng mga mapanirang damo?(Tingnan sa Mateo 13:24–30, 36–43; Doktrina at mga Tipan 86:1–7. Maaarininyong naising gumawa ng listahan sa pisara tulad ng ginawa ninyo satalinghaga ng manghahasik. Isulat kung sino o ano ang kinakatawan ngmaghahasik, ng bukid, ng mabuting binhi, ng mga mapanirang damo, ngkaaway, ng pag-ani, at ng mga mang-aani.)

• Sa talinghaga ng trigo at mga mapanirang damo, bakit tumanggi angmanghahasik na kaagad tipunin ng kanyang mga alipin ang mga mapanirangdamo, o damo? (Tingnan sa Mateo 13:27–30; tingnan din sa Doktrina at mgaTipan 86:5–7, na nagbibigay-linaw sa Mateo 13:30.)

• Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang mga talinghaga ng buto ng mustasaat ng lebadura ay tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mgaHuling Araw (Teachings of the Prophet Joseph Smith, pinili ni Joseph FieldingSmith [1976], 98–100). Ano ang matututuhan natin tungkol sa ipinanumbalikna Simbahan mula sa paghahambing dito ng Tagapagligtas sa isang buto ngmustasa? (Tingnan sa Mateo 13:31–32.) Sa lebadura? (Tingnan sa Mateo 13:33.Ipaliwanag na ang lebadura, ay isang sangkap, na tulad ng yeast o baking

Aralin 11

57

powder, na dahilan upang umalsa ang tinapay.) Paano ninyo nakitangumunlad ang gawain ng Diyos na tulad ng inilalarawan sa mga talinghagangito?

• Ano ang matututuhan natin mula sa mga talinghaga ng kayamanan atmahalagang perlas? (Tingnan sa Mateo 13:44–46.) Anong mga sakripisyo angdapat nating kusang gawin upang makamtan ang kayamanan ng ebanghelyo?Anong mga sakripisyo ang ginawa na ninyo o ng mga kakilala ninyo para saebanghelyo? Anong mga pagpapala ang naging bunga ng mga sakripisyongiyon?

• Ano ang kinakatawan ng lambat sa talinghaga ng lambat na inihulog sa dagat?(Tingnan sa Mateo 13:47.) Ano ang ibig sabihin ng matipon sa lambat? Anoang kinakatawan ng ginagawang pagtitipon ng mabubuti sa mga sisidlan atpagtatapon sa masasama? (Tingnan sa Mateo 13:48–50. Maaari ninyongnaising gamitin ang Joseph Smith—Mateo 1:4 upang ipaliwanag na “angkatapusan ng sanglibutan” sa talata 49 ay tumutukoy sa pagkalipol ngmasasama.) Ano ang maaari nating gawin upang matulungan ang ating sarilina manatiling matapat sa Simbahan at tulungan ang iba na gawin din anggayon?

Katapusan Bigyang-diin na ipinaliwanag ni Jesus ang kanyang mga talinghaga sa mganaghahangad ng pang-unawa. Magpatotoo na habang pinag-aaralan natin angmga talinghaga ni Jesus nang may matapat na hangaring maunawaan ang mgaito, ay makikita natin kung paano naaangkop ang mga ito sa ating panahon.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

Mga pakay aralin Upang matulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan at matandaanang mga talinghaga sa aralin, ipakita ang ilang bagay na inilarawan sa mgatalinghagang ito. Halimbawa, maaari ninyong ipakita kung ano ang reaksiyon nglebadura kapag inihalo sa tubig at asukal. Maaari kayong gumawa ng isangtinapay na may lebadura at isa na walang lebadura, at hayaang makita atmatikman ng mga miyembro ng klase ang pagkakaiba. Maaari rin ninyongipakita ang ilang buto ng mustasa (o durog na paminta, na tila itim na buto ngmustasa). Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit E,Paksa 11, “Pagtuturo ng mga Pakay-aralin,” 115–116, para sa mga mungkahi sapagtuturo kung gumagamit ng mga bagay.

58

59

Aralin

12“Ako ang Tinapay ng Kabuhayan”Juan 5–6; Marcos 6:30–44; Mateo 14:22–33

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na tumingin kay Jesucristo bilang “angtinapay ng kabuhayan,” ang pinagmumulan ng buhay na walang hanggan (Juan 6:47–48).

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Juan 5. Pinagaling ni Jesus ang isang lalaki sa [araw ng] Sabbath. Hinangadna patayin ng mga pinuno ng mga Judio si Jesus dahil sa kanyangpagpapahayag na siya ang Anak ng Diyos.

b. Juan 6:1–14; Marcos 6:30–44. Buong himalang pinakain ni Jesus angmahigit sa 5,000 tao.

c. Juan 6:15–21; Mateo 14:22–33. Lumakad si Jesus sa dagat, inanyayahan si Pedro na lumapit sa kanya, at pinayapa ang mga hangin.

d. Juan 6:22–71. Ipinahayag ni Jesus na siya “ang tinapay ng kabuhayan” at ang mga naniniwala sa kanya ay magkakaroon ng buhay na walanghanggan. Marami ang hindi tumanggap sa turo na ito, ngunit si Pedro at ang iba pang mga Apostol ay nanatiling kasama ni Jesus.

2. Karagdagang pagbabasa: Mateo 14:1–21; Marcos 6:1–29, 45–52; Lucas 9:10–17.

3. Hilingan ang isang miyembro ng klase na dumating sa klase na nakahandangmagbahagi ng maikling buod ng pangyayari tungkol sa pagpapagaling ni Jesussa isang lalaki sa tabi ng tangke (pool) ng Betesda (Juan 5:1–9).

4. Kung makukuha ang mga larawang Feeding the Five Thousand (62143) atChrist Walking on the Water (Gospel Art Picture Kit 243), gamitin ang mga itosa aralin.

5. Mungkahi para sa pagtuturo: Madalas na gumamit ang Tagapagligtas ng mgabagay na karaniwang makikita sa araw-araw, tulad halimbawa ng tinapay omga binhi, upang ituro ang mga alituntunin ng ebanghelyo. Habanginihahanda ninyo ang bawat aralin, isaalang-alang kung paano ninyomagagamit ang mga bagay-bagay upang makuha ang atensiyon ng klase omailarawan ang isang mahalagang punto. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higitna Dakilang Tungkulin, Yunit E, Paksa 11, “Pagtuturo ng mga Pakay-aralin,”115–116.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Idrowing ang sumusunod na mga paglalarawan sa pisara:

Gawaing Pantawag-pansin

• Ano ang ipinagkapareho ng mga bagay na ito?

Bigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng klase na maikling talakayin ang posibleng mga kasagutan sa tanong. Pagkatapos ay ipabasa sa kanila angHelaman 5:12, kung saan tinutukoy ni Helaman si Jesucristo bilang “ang bato,”at ang Juan 8:12, kung saan ipinahayag ni Jesus na siya “ang ilaw ngsanglibutan.” Ipaliwanag na maya-maya lamang sa aralin ay tatalakayin ninyo kung paanong si Jesus “ang tinapay ng kabuhayan” (Juan 6:35).

Habang itinuturo ninyo ang araling ito, tulungan ang mga miyembro ng klase na“saliksikin [ninyo] ang mga kasulatan” (Juan 5:39). Himukin silang magbahaging mga karanasan na may kaugnayan sa mga alituntuning tinatalakay nila.

1. Pinagaling ni Jesus ang isang lalaki [sa araw] ng Sabbath at ipinahayag nasiya ang Anak ng Diyos.

Talakayin ang Juan 5. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin nangmalakas ang mga piling talata.

• Anyayahan ang inatasang miyembro ng klase na ibuod ang pangyayaritungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa isang lalaki sa tabi ng tangke ng Betesda(Juan 5:1–9). Anong mga tagubilin ang ibinigay ni Jesus sa lalaki nang makitaniya ito sa templo kinahapunan ng araw na iyon? (Tingnan sa Juan 5:14.)Bakit “mas masama” ang mga epekto ng kasalanan kaysa sa mga pisikal nakaramdaman?

• Bakit hinangad ng mga pinuno ng mga Judio na patayin si Jesus? (Tingnan sa Juan 5:16–18.) Sa pagtugon ni Jesus sa nagagalit na mga Judio, ano anginihayag niya tungkol sa kanyang kaugnayan sa Ama? (Tingnan sa Juan5:19–23, 30.)

• Sinabi ni Jesus sa mga tao na hindi magtatagal ay gagawa siya ng “lalongdakilang mga gawa” kaysa pagpapagaling sa may sakit (Juan 5:20). Sang-ayonsa kanya, ano ang lalong dakilang mga gawang ito? (Tingnan sa Juan 5:21–29.Isasakatuparan niya ang Pagkabuhay na Mag-uli, hahatulan niya ang lahat ngtao, at bibigyan ng buhay na walang hanggan ang matatapat.)

• Anong mga saksi ang sinabi ng Tagapagligtas na nagpapatotoo hinggil sakanya? (Tingnan sa Juan 5:32–39, 45–47.) Bakit mahalagang magkaroon ngganitong mga saksi? (Tingnan sa Jacob 4:6.) Paano tayo magiging mga saksi ng Tagapagligtas?

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Bato Ilaw Tinapay

60

• Hinamon ni Jesus ang mga pinuno ng mga Judio na “saliksikin . . . ang mgakasulatan” (Juan 5:39). Ano ang kaibahan ng pagsasaliksik ng mga banal nakasulatan at pagbabasa ng mga ito? (Maaaring naisin ninyong gamitin angunang karagdagang ideya sa pagtuturo sa hulihan ng aralin habang tinatalakayninyo ang tanong na ito.) Paano ninyo ginawang higit na makabuluhan anginyong pansarili at pangmag-anak na pag-aaral ng mga banal na kasulatan?Paano kayo nabiyayaan sa pagsasaliksik ninyo sa mga banal na kasulatan?

• Sang-ayon sa Juan 5:39, ano ang maaari sanang nalaman ng mga pinuno ngmga Judio kung sinaliksik at pinaniwalaan nila ang mga banal na kasulatan?(Malalaman sana nila na nagpapatotoo ang mga banal na kasulatan tungkolkay Jesucristo. Tingnan din sa Juan 5:40, 46–47.) Paano pinalakas ng mgabanal na kasulatan ang inyong pananampalataya kay Cristo?

2. Buong himalang pinakain ni Jesus ang mahigit sa 5,000 tao.

Basahin at talakayin ang piling mga talata mula sa Juan 6:1–14 at Marcos6:30–44. Ipakita ang larawan ni Jesus na pinakakain ang maraming tao.

• Bakit nagpunta sa bundok si Jesus at ang kanyang mga disipulo? (Tingnan saJuan 6:1–3; sinasabi sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Marcos 6:31 na si Jesus atang kanyang mga disipulo ay nagpunta sa isang mapanglaw na lugar.) Paanotumugon si Jesus nang lapitan siya ng maraming tao? (Tingnan sa Marcos6:33–34; Mateo 14:14.) Paano natin masusundan ang kanyang halimbawa ngpagkahabag?

• Paano pinakain ni Jesus ang maraming tao? (Tingnan sa Juan 6:5–13; tingnandin sa Mateo 14:21.) Paano natin masusundan ang halimbawa ng batang lalaki na nagbigay ng kanyang mga tinapay at isda kay Jesus? Paano tayobinibiyayaan ng Panginoon kapag tayo, tulad ng batang lalaki, ay nagbibigayng anumang mayroon tayo sa paglilingkod sa Kanya?

Sinabi ni Elder James E. Faust:

“Maraming hindi kilalang tao na may mga kaloob na katumbas lamang nglimang piraso ng tinapay at dalawang maliliit na isda ang gumaganap namabuti sa kanilang tungkulin at naglilingkod nang hindi napapansin onapaparangalan, ang literal na nagpapakain ng libu-libo. . . . Ang mga ito ang daan-daang libong mga pinuno at guro sa lahat ng mga pantulong nasamahan at korum ng pagkasaserdote, ang mga tagapagturo ng tahanan, ang mga tagapagturong dumadalaw ng Samahang Damayan. Sila angmapagpakumbabang mga obispo ng Simbahan, ang ilan ay hindi nakaabot ng mataas na pinag-aralan o pagsasanay ngunit lubos na binasbasan ngPanginoon upang magawa ang mga bagay na lagpas sa kanilang kakayahan,palaging natututo, nang may mapagpakumbabang pagnanais namapaglingkuran ang Panginoon at ang mga tao ng kanilang mga purok. . . .

“Ang isang malaking dahilan kung bakit lumago ang simbahang ito mula saabang pasimula nito tungo sa kasalukuyan nitong lakas ay ang katapatan atdebosyon ng milyun-milyong mapagpakumbaba at debotong mga tao na maylilimang tinapay lamang at dadalawang maliliit na isda na maiaalay sapaglilingkod sa Panginoon. Isinuko na nila ang kanilang sariling mga interesat sa paggawa ng gayon ay nasumpungan ‘ang kapayapaan ng Diyos, na dimasayod ng pag-iisip’ (Mga Taga Filipos 4:7)” (sa Conference Report, Abr.1994, 4–5; o Ensign, Mayo 1994, 5–6).

Aralin 12

61

• Ano ang ilang mga halimbawa na nakita ninyo sa buhay ng mga tao na lubosna tinulungan ng Panginoon habang sila ay naglilingkod sa kanya?

• Paano sinisimbulo ng mahimalang piging mula sa limang piraso ng tinapay atdalawang isda ang espirituwal na piging na iniaalok ng Tagapagligtas sa atin?

3. Lumakad si Jesus sa dagat, inanyayahan si Pedro na lumapit sa kanya, atpinayapa ang mga hangin.

Basahin at talakayin ang Juan 6:15–21 at Mateo 14:22–33. Ipaliwanag namatapos pakainin ni Jesus ang maraming tao ay tinagubilinan niya ang kanyangmga disipulo na sumakay sa daong at magpunta sa kabilang panig ng dagat.Pagkatapos ay pinaalis niya ang maraming tao at umakyat sa isang bundokupang manalangin. Habang papatawid ng dagat ang mga disipulo ay nakasagupanila ang malalakas na hangin.

• Ano ang naging reaksiyon ng mga disipulo nang makita nilang lumalakad saibabaw ng tubig si Jesus patungo sa kanila? (Tingnan sa Mateo 14:26; Juan6:19.) Paano tumugon si Jesus sa kanilang pagkatakot? (Tingnan sa Mateo14:27; Juan 6:20.)

Ipakita ang larawan ni Cristo na lumalakad sa ibabaw ng tubig.

• Ano ang hiniling ni Pedro nang marinig niya ang tinig ng Tagapagligtas?(Tingnan sa Mateo 14:28–29.) Bakit nanghina ang pananampalataya ni Pedronang lumalakad na siya sa ibabaw ng tubig? (Tingnan sa Mateo 14:30.) Paanotayo nakagagawa ng gayon ding pagkakamali kapag dumarating na ang mgaproblema?

• Ano ang ginawa ni Pedro nang magsimula siyang lumubog? (Tingnan saMateo 14:30.) Ano ang ginawa ni Jesus? (Tingnan sa Mateo 14:31–32.) Anoang inihahayag nito tungkol sa kaugnayan natin sa Panginoon? Paano ninyonadamang pinalakas kayo ng Tagapagligtas at pinayapa ang inyong takot?

4. Ipinahayag ni Jesus na siya “ang tinapay ng kabuhayan.”

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Juan 6:22–71.

• Kinabukasan pagkatapos ng himala na ginawa ni Jesus sa mga tinapay at isdaay sinundan siya ng mga tao sa Capernaum. Bakit sila sumunod sa kanya?(Tingnan sa Juan 6:26.) Paano ginamit ni Jesus ang kasabikan ng mga taotungkol sa himalang ginawa niya noong nakaraang araw upang magpatotoo sa kanyang misyon? (Tingnan sa Juan 6:27–35.)

Napuna ni Elder Jeffrey R. Holland na: “Noong panahon ng ministeryo ngTagapagligtas sa Galilea ay sinumbatan Niya ang mga nakarinig na nagpakainsiya ng 5,000 sa pamamagitan lamang ng limang tinapay at dalawang isda, at ngayon ay dumagsa sa Kanya na naghihintay ng libreng tanghalian. Angpagkaing iyon, bagaman totoong mahalaga, ay hindi naman talagang bahaging tunay na pagkain na sinisikap Niyang ibigay sa kanila” (sa ConferenceReport, Okt. 1997, 87; o Ensign, Nob. 1997, 65).

• Paanong naging angkop na paglalarawan sa Tagapagligtas at sa mga biyayanginiaalok niya sa atin ang “tinapay ng kabuhayan”? (Tingnan sa Juan 6:35,47–51.) Ano ang ibig sabihin ng “hindi na kailanman magutom” at “hindi nakailanman mauhaw”? Paano tayo makikibahagi sa “tinapay ng kabuhayan”?

62

(Tingnan sa Juan 6:47, 51–54; Mateo 26:26–28; Alma 5:33–35; Doktrina at mgaTipan 20:77.)

Ipinayo ni Pangulong Howard W. Hunter na: “Kailangang makilala pa natinnang mas lubusan si Cristo kaysa pagkakakilala natin sa kanya ngayon;kailangang mas madalas pa natin siyang alalahanin kaysa pag-alaala natin sakanya ngayon; kailangang paglingkuran natin siya nang mas magiting kaysapaglilingkod natin sa kanya ngayon. Sa gayon ay iinom tayo ng tubig nabumubukal tungo sa buhay na walang hanggan at kakain ng tinapay ngkabuhayan” (sa Conference Report, Abr. 1994, 84; o Ensign, Mayo 1994, 64).

Ituro na ang ilang tao ay hindi naniwala kay Jesus dahil nakita nila siya bilang“ang anak [lamang] ni Jose” (Juan 6:42). Ang ilan na nagsabing mga disipulo silani Jesus ay nangagreklamo at tumalikod sa kanya, na nagsasabing hindi nilanauunawaan ang espirituwal na kahulugan ng kanyang pagpapahayag na siyaang tinapay ng buhay at ang kanyang aral tungkol sa pangangailangang kaininang kanyang laman at inumin ang kanyang dugo (Juan 6:51–66).

• Nang hindi tanggapin ng ilang tao ang pangangaral ni Jesus, ano angitinanong ni Jesus sa Labindalawang Apostol? (Tingnan sa Juan 6:67.) Ano angsagot ni Pedro? (Tingnan sa Juan 6:68.) Ano ang naunawaan ni Pedro at ng ibapang mga Apostol tungkol kay Jesus na hindi naunawaan ng mga taongumalis? (Tingnan sa Juan 6:69.)

Katapusan Magpatotoo na si Jesucristo ang “tinapay ng kabuhayan” at taglay niya “ang mga salita ng buhay na walang hanggan” (Juan 6:35, 68). Himukin ang mgamiyembro ng klase na isagawa ang mga pangako niya mula sa Pangangaraltungkol sa Tinapay ng Kabuhayan: “Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom,at ang sumasampalataya sa akin kailan ma’y hindi mauuhaw. . . . Angsumasampalataya ay may buhay na walang hanggan” (Juan 6:35, 47).

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. “Saliksikin [ninyo] ang mga kasulatan” (Juan 5:39)

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin nang tahimik ang Juan5:20–30 habang binabasa ninyo ito nang malakas.

Basahin ito nang mabilis nang hindi tumitigil o tinatalakay ang kahit alinman samga talata.

Ipaliwanag na katatapos ninyong basahin ang Juan 5:20–30 at ngayon ay sama-sama ninyong sasaliksikin ang talata. Hatiin ang mga miyembro ng klase sa tatloo apat na grupo. Atasan ang bawat grupo ng kahit isa man lamang sa sumusunodna mga bahagi mula sa Juan 5:20–30: mga talata 20–22, 23–24, 25–27, at 28–30.Bigyan ang mga grupo ng ilang minuto upang gumawa nang sama-sama. Ipabasasa kanila ang iniatas na mga talata, pumili ng tatlo sa pinakamahahalagang salitasa mga talata, at maghandang ipaliwanag kung bakit mahahalaga ang mgasalitang iyon.

Aralin 12

63

• Ano ang nakita ninyo nang saliksikin ninyo ang mga banal na kasulatan nahindi ninyo nakita nang basahin natin nang mabilis ang mga ito? Ano angmaaari nating gawin upang tayo mismo ay makapagsaliksik ng mga banal nakasulatan?

Ipaliwanag na ang Propetang si Joseph Smith ay nakatanggap ng pangitaintungkol sa mga kaharian ng kaluwalhatian matapos pagnilay-nilayin ang Juan5:29. Anyayahan ang isang miyembro ng klase na basahin ang Doktrina at mgaTipan 76:15–20.

• Anong kaalaman ang napasaatin dahil sinaliksik ni Joseph Smith ang Juan5:29?

2. “Bantayan ninyo ang mga naghihintay sa gilid ng tangke ng Betesda”

Ginamit ni Elder Boyd K. Packer ang pangyayari sa Juan 5:1–9 upang bigyang-diin na dapat nating tulungan ang mga tao na may mga kapansanan. Sinabi niyana ang mga katawan at isipan na may mga kapansanan, “ay gagawing perpekto.Samantala, kailangan nating bantayan ang mga naghihintay sa gilid ng tangkeng Betesda” (sa Conference Report, Abr. 1991, 8; o Ensign, Mayo 1991, 9).

• Ano ang magagawa natin upang matulungan ang mga taong may mgakapansanan sa pangangatawan o sa isipan?

64

65

Aralin

13“Ibibigay Ko sa Iyo ang mga Susi ng Kaharian”Mateo 15:21–17:9

Layunin Palakasin ang mga patotoo ng mga miyembro ng klase na si Jesus ang Cristo atang mga susi ng pagkasaserdote na ipinagkaloob sa Bundok ng Pagbabagong-anyo ay naipanumbalik na.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mateo 15:21–39. Pinagaling ni Jesus ang anak na babae ng isang babaingGentil at buong himalang pinakain ang mahigit sa 4,000 tao, na angkaramihan ay mga Gentil.

b. Mateo 16:13–19. Nagpatotoo si Pedro na si Jesus ang Cristo. Itinuro ni Jesusna ang kanyang Simbahan ay itinayo sa ibabaw ng bato ng paghahayag atipinangakong ibibigay kay Pedro ang mga susi ng kaharian.

c. Mateo 17:1–9. Nagbagong-anyo si Jesus sa harapan nina Pedro, Santiago, at Juan.

2. Karagdagang pagbabasa: Marcos 7:24–9:10; Lucas 9:18–36; 12:54–57; Gabay samga Banal na Kasulatan, “Paghahayag,” 179–180 at “Pagbabagong-anyo,” 175.

3. Kung may makukuhang mapa ng Palestina noong kapanahunan ng BagongTipan (mapa 4 sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan), gamitin ito sa aralin.Maaari ninyong naising gumawa ng pinalaking kopya nito upang makita itong mabuti ng mga miyembro ng klase.

4. Mungkahi para sa pagtuturo: Ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, kabilangang mga piling bahagi mula sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia, aymaaaring mapagkunan sa paghahanda at pagtuturo ng inyong mga aralin.Tulungan ang mga miyembro ng klase na matutuhang gamitin ito sa kanilangpersonal na pag-aaral ng banal na kasulatan.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ibahagi ang sumusunod na kuwento:

Maraming taon na ang nakalilipas nang dalawin ni Pangulong Spencer W.Kimball at ng ilan pang pinuno ng Simbahan ang maliit na katedral saCopenhagen, Denmark, kung saan nakalagak ang tanyag na estatuwa niJesucristo at ng Labindalawang Apostol na gawa ni Bertel Thorvaldsen. Ganitoang sinabi ni Elder Rex D. Pinegar tungkol sa karanasang ito: “Habang nakatinginkami sa magagandang gawang iyon ng sining ay napansin namin na si Pedro ay

Gawaing Pantawag-pansin

nililok na may hawak na malalaking susi sa kanyang mga kamay. . . . Nangpapalabas na kami ng katedral, ang tagapangalaga na taga Denmark . . . aynakatayong malapit sa pintuan at naghihintay sa aming pag-alis. Kinamayan siya ni Pangulong Kimball [at] pinasalamatan siya sa kanyang kabaitan sapagpapahintulot sa aming dalawin ang katedral. Pagkatapos ay sinimulan ngpangulo ang pagpapaliwanag tungkol sa simbahang itinatag ni Jesucristo at angkahalagahan nito sa atin. . . . Pinalapit niya sina Pangulong Tanner, ElderMonson, at Elder Packer, at ang pangulo ay nagpatuloy, ‘Kami ang mga buhay naapostol ng Panginoong Jesucristo. May Labindalawang Apostol at tatlong iba pana siyang panguluhan ng Simbahan. Taglay namin ang tunay na mga susi, tuladni Pedro, at ginagamit namin ang mga ito sa araw-araw. Palaging ginagamit angmga ito’ ” (sa Conference Report, Okt. 1976, 104; o Ensign, Nob. 1976, 69).

Ipaliwanag na tatalakayin sa araling ito ang mga susi ng pagkasaserdote at kungpaano tinanggap ni Pedro ang mga ito sa Bundok ng Pagbabagong-anyo.

Ipabuklat sa mga miyembro ng klase ang kanilang mga banal na kasulatan samapa ng Palestina, o ipakita ang pinalaking kopya na ginawa ninyo (tingnan sabahaging “Paghahanda”). Ituro na ang mga pangyayaring tinalakay sa araling itoay naganap sa Tiro, Sidon, Decapolis, at Cesaria ni Filipo. Tulungan ang mgamiyembro ng klase na makita ang mga lugar na ito sa mapa. Ipaliwanag na angmga paglalakbay ni Jesus sa pook na ito ang nagbigay daan upang makadaupang-palad niya ang maraming Gentil (mga hindi Israelita).

1. Pinagaling ni Jesus ang anak na babae ng isang Gentil at pinakain angmahigit sa 4,000 tao.

Talakayin ang Mateo 15:21–39. Anyayahan ang mga miyembro ng klase nabasahin nang malakas ang mga piling talata.

• Ano ang hiniling ng babaing taga Canaan na gawin ni Jesus? (Tingnan saMateo 15:22.) Bakit hindi kaagad pinagbigyan ni Jesus ang kanyangkahilingan? (Tingnan sa Mateo 15:24. Hindi siya Judio, at ang mga pagpapalang ebanghelyo ay ibibigay muna sa mga Judio bago sa mga Gentil.) Bakit sabandang-huli ay pinagaling ni Jesus ang anak ng babaing iyon? (Tingnan saMateo 15:28.) Ano ang matututuhan natin mula sa babaing ito? (Maaaringmaibilang sa mga sagot ang katotohanan na ang mga hindi pa nakatatanggapng kabuuan ng ebanghelyo ay maaari pa ring magkaroon ng malakingpananampalataya, at hindi tayo dapat mawalan ng pananampalataya kapagang mga biyaya ay hindi kaagad ipinagkakaloob na tulad ng ating inaasahan.)

• Ang Tagapagligtas ay umalis upang magtungo sa Dagat ng Galilea, nadumaraan sa Decapolis (Marcos 7:31). Ang Decapolis ay isang pook na nasasilangan ng Dagat ng Galilea kung saan nakatira ang maraming Gentil. Paanonagpakita ng pagkahabag ang Panginoon sa mga taong naroroon? (Tingnan saMateo 15:29–31.) Ano ang naging reaksiyon ng maraming tao? (Tingnan saMateo 15:31.) Anong mga himala sa ating kapanahunan ang naging dahilanupang luwalhatiin ninyo ang Diyos?

• Ang maraming tao ay namalagi sa piling ni Jesus sa loob ng tatlong araw, at nang oras na para umalis hindi sila pinayagang umalis ni Jesus nangnagugutom. Anong himala ang ginawa niya para sa kanila? (Tingnan sa Mateo 15:32–38.)

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

66

Ipaliwanag na ang himalang ito ay kaiba sa naunang pagpapakain sa 5,000(Mateo 14:15–21) dahil ang karamihan sa mga taong ito ay mga Gentil.Ipinaliwanag ni Elder Bruce R. McConkie na sa pagpapakain ng 5,000, ay“itinatatag [ni Jesus] ang saligan para sa kanyang hindi mapapantayang sermontungkol sa Tinapay ng Kabuhayan” (Juan 6:22–69; tingnan sa aralin 12). Sapamamagitan ng pagpapakain sa 4,000 makaraan ang naunang pagpapakain aymasagisag na itinuro ni Jesus na sa hinaharap, ang buhay na tinapay ay iaalok samga bansang Gentil. (Doctrinal New Testament Commentary, 3 tomo [1966–73],1:375.)

2. Ipinangako kay Pedro ang mga susi ng kaharian.

Basahin at talakayin ang Mateo 16:13–19.

• Nilisan ni Jesus ang Decapolis at nagtungo sa pook ng Cesaria ni Filipo, kungsaan ay tinanong niya ang kanyang mga disipulo na, “Ano ang sabi ninyokung sino ako?” (Mateo 16:15). Ano ang sagot ni Pedro? (Tingnan sa Mateo16:16.) Ano ang pinagmulan ng patotoo ni Pedro? (Tingnan sa Mateo 16:17.)Ano ang matututuhan natin mula sa pangyayaring ito tungkol sa ating mgapatotoo?

• Sinabi ni Jesus kay Pedro, “Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang akingiglesia” (Mateo 16:18). Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang batongtinutukoy ni Jesus ay ang paghahayag (Teachings of the Prophet Joseph Smith,pinili ni Joseph Fielding Smith [1976], 274). Sa anong paraan naging saliganng Simbahan ng Panginoon ang paghahayag?

• Nangako ang Tagapagligtas na ibibigay kay Pedro ang “mga susi ng kaharianng langit” (Mateo 16:19). Ano ang mga susing ito? Bakit kailangan ang mgaito? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 128:9–10; 132:46.) Sino angnagtataglay ng mga ito sa ngayon?

Itinuro ni Pangulong Joseph F. Smith:

“Ang Pagkasaserdote sa pangkalahatan ang awtoridad na ibinigay sa tao upanggumanap para sa Diyos. Ang bawat lalaking inordenan sa anumang antas ngPagkasaserdote, ay nagtataglay ng awtoridad na ito.

“Subalit mahalaga na ang bawat pagganap na gagawin sa ilalim ng awtoridadna ito ay dapat maisagawa sa tamang panahon at lugar, sa tamang paraan, at ayon sa tamang kaayusan. Ang kapangyarihan ng pangangasiwa sa mgagawaing ito ang bumubuo ng mga susi ng Pagkasaserdote. Sa kanilangkabuuan, ang mga susi ay hawak lamang ng iisang tao sa isang panahon, ang propeta at pangulo ng Simbahan. Maaari niyang ipakatawan sa isang tao ang kahit aling bahagi ng kapangyarihang ito, at sa ganitong kalagayan ay taglay ng taong iyon ang mga susi ng kaukulang gawaing iyon” (GospelDoctrine, ika-5 edisyon [1939], 136).

• Bakit mahalagang bahagi ng ating mga patotoo ang matibay na paniniwala nataglay ng propeta ang mga susi?

3. Nagbagong-anyo si Jesus sa harapan nina Pedro, Santiago, at Juan.

Basahin at talakayin ang Mateo 17:1–9. Ipaliwanag na mga isang linggo mataposmaipangako kay Pedro ang mga susi ng kaharian, ay nasaksihan nila, ni Santiago

Aralin 13

67

at ni Juan ang Pagbabagong-anyo ng Tagapagligtas at tumanggap sila ngmahalagang kaalaman, at mga susi. Ito ang isa sa mahahalagang pangyayari sa Bagong Tipan. Nakatulong ito sa paghahanda kay Jesus para sa kanyangPagbabayad-sala at pinatatag ang tatlong Apostol para sa karagdagang mgatungkulin na mapapasakanila sa lalong madaling panahon bilang mga pinunong Simbahan.

• Ano ang ibig sabihin ng pagbabagong-anyo? (Isang pansamantalang pagbabago sa kaanyuan at likas ng isang tao; isang pagbabago tungo sa masmaluwalhating kalagayan. Ito ay pinapangyayari ng kapangyarihan ng Diyos.Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 67:11; Moises 1:11.)

• Sang-ayon sa Mateo 17:1–5, ano ang nangyari noong nasa Bundok ngPagbabagong-anyo sina Jesus, Pedro, Santiago, at Juan? (Maaari ninyongnaising isulat sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase.)

a. Ang mukha ni Jesus ay nagliwanag na tulad ng araw, at ang kanyangkasuotan ay naging busilak sa kaputian.

b. Sina Moises at Elias (Elijah) ay nagpakita.c. “Isang maliwanag na ulap ang tumabon sa kanila,” at narinig nila ang

tinig ng Ama na nagbibigay patotoo tungkol sa kanyang Anak.

Maaari ninyong naising ipaliwanag na ang pangalang Elias ay ginamit sa iba’tibang paraan sa mga banal na kasulatan. Sa Mateo 17:3–4 ito ay katumbas saGriyego ng pangalang Hebreo na Elijah. Sa iba pang lugar (katulad ng Mateo17:10–13), ito ay titulo na naglalarawan sa isang taong nangunguna, onaghahanda.

Ipaliwanag na mas marami ang itinuro ng mga propeta sa huling araw tungkolsa naganap sa Bundok ng Pagbabagong-anyo. Pagbalik-aralan ang sumusunodna mga aral na kasama ang mga miyembro ng klase at, kung nais ninyo, ibuodang mga ito sa pisara:

a. Sina Pedro, Santiago, at Juan ay nakakita ng isang pangitain tungkol sapagbabagong-anyo ng mundo sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas(Doktrina at mga Tipan 63:20–21).

b. Sila ay “nagbagong-anyo sa harapan ni [Cristo]” (Teachings of the ProphetJoseph Smith, 158).

c. Itinuro sa kanila ang tungkol sa kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ngTagapagligtas (Pagsasalin ni Joseph Smith, Lucas 9:31).

d. Tinanggap nila mula kina Jesus, Moises, at Elijah ang mga susi ngpagkasaserdote na kakailanganin nila sa pamamahala sa Simbahanpagkatapos mamatay ng Tagapagligtas (Teachings of the Prophet JosephSmith, 158; Joseph Fielding Smith, Doctrines of Salvation, 3 tomo [1954–56], 2:110).

• Noong 1836 ay muling nagbalik sa daigdig sina Moises at Elijah. Ipinatongnila ang kanilang mga kamay sa ulo nina Joseph Smith at Oliver Cowderyupang ipanumbalik ang mga susing ibinigay noon kina Pedro, Santiago, atJuan. Aling mga susi ang ipinanumbalik ni Moises? (Tingnan sa Doktrina atmga Tipan 110:11. Ang mga susi ng pagtitipon ng Israel.) Aling mga susi angipinanumbalik ni Elijah? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 110:13–16. Angmga susi ng kapangyarihang magbuklod.) Paano ginagamit ang mga susing ito

68

sa ngayon? (Sa gawaing misyonero at gawain sa templo, na pinangangasiwaansa ilalim ng pamamahala ng Pangulo ng Simbahan.)

• Itinuro ni Elder David B. Haight na ang Pagbabagong-anyo ni Jesus “aynilayon para sa ating espirituwal na kaliwanagan at gayundin naman sa mga nakasaksi mismo” (sa Conference Report, Abr. 1977, 8; o Ensign, Mayo1977, 7). Ano ang matututuhan natin mula sa Pagbabagong-anyo namakatutulong sa atin kapag nangangailangan tayo ng espirituwal nakalakasan?

Maaari ninyong naising pagbalik-aralan ang sumusunod na mga ideya nainilahad ni Elder Haight (sa Conference Report, Abr. 1977, 9–10; o Ensign,Mayo 1977, 7–9):

a. Dapat nating sundan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng mataimtim na pananalangin kapag kailangan natin ng espirituwal nakalakasan (Lucas 9:28). Ganito ang sinabi ni Elder Haight tungkol saPagbabagong-anyo: “Marahil ang nadama ni Jesus noon ay hindi lamangang makalangit na kapayapaan na maidudulot ng pagkakataong makipag-ugnayan nang mag-isa sa Kanyang Ama, kundi higit pa rito. Marahil aynadama niyang itataguyod Siya pagsapit ng oras sa pamamagitan ng mgapagmiministeryong hindi matatagpuan sa daigdig na ito. . . . Habangnananalangin Siya sa Kanyang Ama, Siya ay iniangat palayo sa pag-aagam-agam at kasamaan ng daigdig na tumalikod sa Kanya.”

b. Maaaring mapasaatin ang katiyakan na bibigyan tayo ng lakas ni Jesus tuladng ginawa niya kina Pedro, Santiago, at Juan. Sinabi ni Elder Haight na,“Isinama niya ang Kanyang tatlong apostol sa paniniwalang sila, mataposmakita ang Kanyang kaluwalhatian . . . ay maaaring mapatatag, upang angkanilang pananampalataya ay lumakas para maihanda sila sa magaganap namga pang-aalipusta at mapanghamak na pangyayari.”

c. Mapalalakas tayo ng patotoo tungkol sa Tagapagligtas (Mateo 17:5) at ngmga doktrina ng ebanghelyo. Sinabi ni Elder Haight na, “Ang tatlongpiniling apostol ay tinuruan ng tungkol sa darating na kamatayan ng[Tagapagligtas] at gayundin ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli, mga turona makapagpapalakas sa bawat isa sa kanila sa makasaysayang mga araw nadarating.”

Katapusan Bigyang-diin na bilang mga Banal sa mga Huling Araw ay nasa atin angimpormasyon na makatutulong sa atin upang maunawaan kung ano angnaganap sa Bundok ng Pagbabagong-anyo. Magpatotoo tungkol sa kahalagahanng paghahayag sa Simbahan sa ngayon at sa pangangailangan sa mga susi ngpagkasaserdote. Bigyang katiyakan ang mga miyembro ng klase na malalamannatin, tulad ni Pedro, sa pamamagitan ng Espiritu Santo na si Jesus ang Cristo,ang Anak ng Diyos na Buhay.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

Aralin 13

69

Mga pagkakataon kung kailan nagpatotoo ang Ama tungkol sa Anak

May apat na pagkakataon na nakatala sa mga banal na kasulatan kung kailanipinakilala at nagpatotoo ang Ama tungkol sa kanyang Anak. Ang isa sa mga itoay tinatalakay sa araling ito. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na isipinang tatlo pang pagkakataon.

1. Binyag ni Jesus (Mateo 3:13–17)2. Sa Pagbabagong-anyo (Mateo 17:1–9)3. Pagpapakita ni Jesus sa mga Nephita (3 Nephi 11:1–7)4. Sa Unang Pangitain ni Joseph Smith (Joseph Smith—Kasaysayan 1:13–17)

70

71

Aralin

14“Sino ang Aking Kapuwa Tao?”Mateo 18; Lucas 10

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na maging mapagpakumbaba,magpatawad sa iba, at magpakita ng pag-ibig sa kapwa-tao.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mateo 18:1–6, 10–11, 14. Itinuro ni Jesus na kailangan tayong magbalik-loob at maging tulad ng maliliit na bata upang makapasok sa kaharian nglangit.

b. Mateo 18:15, 21–35. Sa pamamagitan ng talinghaga ng walang awang alipinay itinuro ni Jesus ang tungkol sa pagpapatawad.

c. Lucas 10:25–37. Sa pamamagitan ng talinghaga ng mabuting Samaritano ayitinuro ni Jesus ang tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao.

2. Karagdagang pagbabasa: Marcos 9:33–50; Mosias 3:17–21; 4:16–19, 26.

3. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, gamitin ang mga ito saaralin:

a. Ang mga larawang Si Cristo at ang mga Bata (34730 893; Pakete ng Larawanng Sining ng Ebanghelyo 216) at Ang Mabuting Samaritano (34730 893;Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 218).

4. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, anyayahan ang isangmagulang na magsalita sa klase tulad ng nakabalangkas sa gawain.

5. Mungkahi sa pagtuturo: Paminsan-minsan ay anyayahan ang mga miyembrong klase (o iba pang miyembro ng purok) na tumulong sa aralin sapamamagitan ng pag-uulat, pagbabahagi ng isang kuwento, pagbibigay ngpatotoo, o pagtulong sa iba pang paraan. Kapag nagbibigay ng takdanggawain, linawin kung ano ang nais ninyong ipagawa sa isang tao at kunggaano katagal ninyo inaasahan na gagawin niya ito. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit F, Paksa 12, “Paggamit ng mga TaongMapagtatanungan Tungkol sa Paksa,” 170–171 at Yunit F, Paksa 14 “Mga Natatanging Ulat,” 175.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Anyayahan ang isang magulang na may maliit na anak (tatlo hanggang limangtaong gulang) na dalhin ang bata sa klase, ipakilala siya, at maikling ilarawan ang ilan sa mga kahanga-hangang katangian ng bata. Kapag natapos na ang

Gawaing Pantawag-pansin

magulang, hilingan ang mga miyembro ng klase na mag-isip ng mga katangian natulad ng sa bata na nais ni Jesus na taglayin natin. Isulat ang mga sagot sa pisara.

Ipaliwanag na tinatalakay ng araling ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ngmga katangiang tulad ng sa bata at pakikitungo sa lahat ng tao nang maykababaang-loob at kabaitan.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano natin masusundan ang halimbawa ng mga aral ngTagapagligtas tungkol sa kababaang-loob, pagpapatawad, at pag-ibig sa kapwa-tao.

1. Itinuro ni Jesus na kailangan tayong maging katulad ng maliliit na bata.

Basahin at talakayin ang Mateo 18:1–6, 10–11, 14.

• Bakit sa palagay ninyo lubhang nag-alala ang mga disipulo tungkol sa kungsino ang magiging pinakadakila sa kaharian ng Panginoon? (Mateo 18:1;Marcos 9:33–34). Paano tayo nakagagawa kung minsan ng gayunding mgapagkakamali? Paano natin maisasantabi ang gayong mga alalahanin?

• Ipakita ang larawan ni Cristo at ng mga bata. Ano ang payo ni Jesus sa mganaghahangad na makamtan ang tunay na kadakilaan sa kanyang kaharian?(Tingnan sa Mateo 18:2–4; Marcos 9:35.) Bakit mahirap sundin ang payong itokung minsan? Paano maihahambing ang payong ito sa itinuturo ng daigdigtungkol sa kung paano magtatamo ng kadakilaan?

• Ano ang ibig sabihin ng maging tulad ng maliliit na bata? (Tingnan sa Mosias3:19. Ipaliwanag na kahit na hindi perpekto ang mga bata ay marami silangkatangian na kailangan nating taglayin upang manahin ang kaharian nglangit. Ang mga katangiang ito ay kinabibilangan ng kababaang-loob,kapakumbabaan, at kusang-loob na paniniwala.) Ano ang natutuhan ninyomula sa mga bata? Paano tayo magiging higit na tulad ng mga bata at maginghigit na nagpapasailalim sa kalooban ng ating Ama sa Langit?

• Ano ang ibig sabihin ng “magbigay ng ikatitisod ng isa sa maliliit na ito”? (Sapuntong ito, ang ibig sabihin ng magbigay ikatitisod ay maging dahilan ngpagkadapa.) Ano ang ilan sa mga paraan kung saan ang mga tao ay nagigingdahilan ng pagkadapa ng mga bata? (Maaaring maibilang sa mga sagot angpagiging masamang halimbawa sa kanila, pambabatikos sa kanila sa nakasasakitna paraan, hindi pagtuturo sa kanila, at pang-aabuso sa kanila.) Ano sapaningin ng Panginoon ang mga kasalanang ito? (Tingnan sa Mateo 18:6.)

Sinabi ni Elder M. Russel Ballard na: “Naririnig natin ang mga nakababagabag na ulat tungkol sa mga magulang o tagapag-alaga na lubhang nalalayo saEspiritu ni Cristo kung kaya’t inaabuso nila ang mga bata. Kung ang pang-aabusong ito ay pisikal man, o sa pananalita, o kaya’y hindi gaanongnahahalata ngunit kasing-tindi ng emosyonal na pang-aabuso, ito ay karumal-dumal at mabigat na kasalanan sa Diyos” (sa Conference Report, Abr. 1991,107; o Ensign, Mayo 1991, 80).

• Paano makatutulong sa pangangalaga natin sa mga bata ang ating pagigingtulad ng isang bata? Ano ang maaari nating gawin upang maisagawa ang

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

72

kalooban ng Diyos na “ang isa sa maliliit na ito ay [hindi] mapahamak”?(Mateo 18:14).

2. Sa pamamagitan ng talinghaga ng walang awang alipin ay itinuro ni Jesusang kapatawaran.

Basahin at talakayin ang Mateo 18:15, 21–35.

• Sa Mateo 18:15, ano ang sinabi ng Panginoon na dapat nating gawin kungnasaktan ang ating kalooban? Bakit ito ang pinakamabuting paraan sa paglutasng mga alitan?

• Ano ang tugon ni Jesus nang magtanong si Pedro kung gaano kadalas siyadapat magpatawad? (Tingnan sa Mateo 18:22. Ipaliwanag na ginamit ni Jesusang mataas na bilang na ito upang ituro na dapat nating palaging patawarinang ibang tao.) Bakit mahirap magpatawad kung minsan? Paano kayopinagpala sa pagpapatawad ninyo sa iba o sa pagpapatawad nila sa inyo?

• Upang lalong mabigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatawad sa iba ayibinigay ni Jesus ang talinghaga ng hindi marunong magpatawad na alipin(Mateo 18:23–35). Sinu-sino ang isinisimbolo ng hari at ng mga alipin?(Tingnan sa Mateo 18:35. Ang isinisimbolo ng hari ay ang Ama sa Langit attayo ang isinisimbolo ng mga alipin.) Paano tayo katulad ng alipin ng hari sa ating pagkakautang sa Panginoon? (Tingnan sa Mateo 18:24–27.) Ano angkailangan nating gawin upang mapatawad sa ating “pagkakautang”?

• Ano ang matututuhan natin mula sa halimbawa ng hari sa pagpapatawad sa iba? (Tingnan sa Mateo 18:33.) Ano ang ilan sa mga panganib ng hindipagpapatawad sa iba? (Tingnan sa Mateo 18:34–35.)

3. Sa pamamagitan ng talinghaga ng mabuting Samaritano ay itinuro niJesus ang tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao.

Basahin at talakayin ang Lucas 10:25–37. Ipakita ang larawan ng mabutingSamaritano.

• Paano tumugon si Jesus sa isang tagapagtanggol [abugado] na nagtanong kungano ang dapat niyang gawin upang magtamo ng buhay na walang hanggan?(Tingnan sa Lucas 10:25–28.) Paano nasasakop ng mga kautusang mahalin angDiyos at ang ating kapwa ang kabuuan ng ebanghelyo? Paano natin mas lubosna masusunod ang dalawang kautusang ito?

• Paano tumugon si Jesus nang magtanong ang tagapagtanggol ng, “Sino angaking kapuwa tao?” (Tingnan sa Lucas 10:29–37.) Ano ang itinuturo ngtalinghagang ito tungkol sa kung sino ang ating mga kapwa-tao?

Sinabi ni Pangulong Howard W. Hunter na: “Kailangan nating tandaan nakahit na tayo ang pumipili ng ating mga kaibigan, ang Diyos naman anglumikha sa ating mga kapwa-tao—sa lahat ng dako. Hindi dapat magkaroonng hangganan ang ating mga katapatan; hindi dapat na iilan lamang ang atingpapanigan” (sa Conference Report, Okt. 1986, 44; o Ensign, Nob. 1986, 35).

• Ano ang ginawa ng saserdote at ng Levita nang makita nila ang lalakingninakawan at sugatan? (Tingnan sa Lucas 10:31–32.) Sa anong paraanmaaaring mangailangan ang mga tao sa ngayon ng tulong? Ano ang ilang

Aralin 14

73

mga dahilan kung bakit hindi natin tinutulungan ang ibang taongnangangailangan? (Tingnan sa Mosias 4:16–19 para sa isang halimbawa.)

• Paano tinulungan ng mabuting Samaritano ang lalaking ninakawan atsugatan? (Tingnan sa Lucas 10:33–35.) Anong mga katangian ng mabutingkapwa-tao ang taglay ng Samaritano? Paano kayo nabiyayaan ng “mabubutingSamaritano”? Paano tayo magiging “mabubuting Samaritano”? (Tingnan saMosias 4:26.)

Katapusan Magpatotoo tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtassa pamamagitan ng pagpapakumbaba sa ating sarili, pagpapatawad sa iba, atpagpapakita ng pag-ibig sa kapwa-tao. Hamunin ang mga miyembro ng klase naipamuhay ang mga aral na ito.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. Sina Maria at Marta

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang Lucas 10:38–42.

• Paano pinaglilingkuran ni Marta ang Panginoon? Ano ang “magaling nabahagi” na pinili ni Maria? Paano tayo kung minsan “naliligalig sa maramingpaglilingkod” kung kaya’t hindi natin tinatanggap si Jesus na tulad ng dapatmangyari? Ano ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito?

2. “Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata” (Marcos 10:14)

Habang tinatalakay ninyo ang aral ng Tagapagligtas na dapat tayong magingtulad ng maliliit na bata, maaari rin ninyong naising talakayin ang pangyayari sakanyang pagbabasbas sa mga bata sa Marcos 10:13–16.

• Paano tumugon ang mga disipulo ni Jesus nang dalhin sa kanya ang maliliitna bata? (Tingnan sa Marcos 10:13.) Ano ang sinabi ni Jesus sa kanyang mgadisipulo? (Tingnan sa Marcos 10:14–15.) Ano ang ginawa ni Jesus para sa mgabata? (Tingnan sa Marcos 10:16.) Ano ang matututuhan natin tungkol kayJesus mula sa pangyayaring ito? Paano natin higit na masusundan anghalimbawang ipinakita niya sa pangyayaring ito?

3. Karagdagang talakayan ng Mateo 18

• Talakayin ang Mateo 18:8–9 at Marcos 9:43–48 (tingnan din sa Mateo5:29–30). Ano ang ibig sabihin ng mga talatang ito? (Tinutukoy sa Pagsasalinni Joseph Smith ang mga nakatitisod na elementong ito bilang ang mga taong nagliligaw ng ating landas. Mas makabubuting putulin natin ang atingpakikipag-ugnayan sa mga tao kaysa pahintulutan silang akayin tayo tungo sakasalanan. Tingnan din sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Marcos 9:40–48.)

• Itinala sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Mateo 18:11 ang pagsasabi ni Jesus nahindi kailangan ng maliliit na bata ang pagsisisi. Bakit ganito ang kanyang

74

sinabi? (Tingnan sa Moroni 8:11–12.) Paano naging “buhay kay Cristo” angmaliliit na bata? (Tingnan sa Moroni 8:12; Doktrina at mga Tipan 29:46–47.)Ano ang kailangan nating gawin upang maging “buhay kay Cristo”? (Tingnansa Mateo 18:4; Mosias 3:19; Moroni 8:10.)

• Basahin ang Mateo 18:11–14. Paano natin maisasagawa sa ating buhay angtalinghaga ng nawawalang tupa? Paano kayo o ang isang kakilala ninyopinagpala ng isang taong sumunod sa prinsipyo ng talinghagang ito?

4. “Ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa” (Lucas 10:1)

• Talakayin ang Lucas 10:1–24. Paano maihahambing ang mga tagubilin ngPanginoon sa Pitumpu sa mga tagubiling ibinigay niya sa Labindalawa saMateo 10? Ano ang mga pananagutan ng Pitumpu sa ngayon? (Tingnan saDoktrina at mga Tipan 107:25, 34, 38, 93–97.)

5. Ang kabanalan ng ugnayan sa kasal

Ipaliwanag na inilalarawan ng Mateo 19:1–12 ang isang situwasyon kung saansinubukang hulihin ng mga Fariseo si Jesus sa pamamagitan ng pagtatanong sakanya kung naaayon ba sa batas ang diborsiyo (tingnan din sa Marcos 10:1–12).Ang diborsiyo ay mainit na paksa noon sa mga iskolar at pinuno ng mga Judio,at umasa ang mga Fariseo na ang kasagutan ni Jesus sa kanilang tanong aymagpapagalit sa mga Judio. Ipabasa nang malakas sa isang miyembro ng klaseang Mateo 19:3–9.

• Ano ang sagot ni Jesus sa tanong ng mga Fariseo sa talata 3? (Tingnan saMateo 19:4–6. Sinabi niya sa kanila na ang diborsiyo ay hindi inordena ngDiyos.) Bakit pinahintulutan ni Moises ang diborsiyo sa mga Israelita?(Tingnan sa Mateo 19:7–8.)

Ipaliwanag na sa sinaunang Israel ay maaaring iwanan o diborsiyohin ng isanglalaki ang kanyang asawa sa maliliit na kadahilanan. Itinuro ni Jesus na saperpektong daigdig, tulad ng kahariang selestiyal, ang diborsiyo ay hindi umiiral.Dahil hindi pa perpekto ang daigdig, ang diborsiyo ay pinahihintulutan ngunithindi dapat mangyari maliban sa pinakamabigat na mga kadahilanan. Isinasaadsa Mateo 19:9 na ang isang lalaki na mang-iiwan sa kanyang asawa sa hindigaanong mabigat na kadahilanan ay kasal pa rin sa kanya [sa asawang babae] samata ng Diyos, at ang asawang lalaki ay nagkakasala ng pangangalunya kungmagpapakasal siya sa isa pang babae. (Tingnan sa James E. Talmage, Jesus theChrist, ika-3 edisyon [1916], 473–75, 484.)

• Ano ang papel na ginagampanan ng kababaang-loob, pagpapatawad, at pag-ibig sa kapwa-tao sa isang matagumpay na kasal? Paano makatutulong sa atinang pagsisikap natin na maging tulad ni Cristo sa pag-aasawa at sa iba pangmga pakikipag-ugnayan?

• Paano natin matutulungan ang mga taong nakaranas ng matinding dagok ngdiborsiyo?

6. Gawaing pangkabataan

Magsulat (o pasulatin ang mga miyembro ng klase) ng mga tanong tungkol saaralin sa maliliit na piraso ng papel. (Bilang gawaing pagbabalik-aral, maaari

Aralin 14

75

kayong pumili ng mismong mga tanong na mula sa bawat bahagi ng aralin.)Ilagay ang mga piraso ng papel sa isang supot o kahon. Ipaayos nang pabilog sa mga miyembro ng klase ang kanilang mga upuan, at ilagay ang supot o kahonsa isang upuan sa gitna ng bilog. Hayaang maghalinhinan ang mga miyembro ng klase sa pagkuha ng mga tanong mula sa supot o kahon at sa pagsagot sa mga ito. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit F,Paksa 3, “Mga Pamamaraan ng Pabilog na Pagkakaupo”, 153–155.)

76

77

Aralin

15“Ako ang Ilaw ng Sanglibutan”Juan 7–8

Layunin Palakasin ang mga patotoo ng mga miyembro ng klase na si Jesucristo ang atingTagapagligtas at sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya ay magkakaroon tayo ngtunay na kalayaan.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Juan 7. Dumalo si Jesus sa Pista ng mga Tabernakulo at nagturo sa templo.Naniniwala ang ilang tao na siya ang Cristo, samantalang iniisip naman ngiba na siya ay isang manlilinlang.

b. Juan 8:1–11. Isang babae na nahuling nangangalunya ang dinala kay Jesus.Siya ay pinakitaan niya ng habag.

c. Juan 8:12–36. Ipinahayag ni Jesus na, “Ako ang ilaw ng sanglibutan.”Tinuruan niya ang naniniwalang mga Judio na ang pagsunod sa kanya angmagpapalaya sa kanila sa espirituwal na pagkaalipin.

2. Mungkahi sa pagtuturo: Laging pagbalik-aralan ang inyong aralin ng mga isang linggo man lamang bago ituro. Kapag binabasa ninyo ang mgapiling banal na kasulatan nang maaga, makatatanggap kayo ng mga ideya atimpresyon sa buong linggo na makatutulong sa inyo na maituro ang aralin.Habang pinagninilay-nilayan ninyo ang aralin sa buong linggo, manalanginna patnubayan kayo ng Espiritu at manampalataya na pagpapalain kayo ngPanginoon. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, YunitC, Paksa, “Kailan Ihahanda ang Aralin”, 58–60 at Yunit C, Paksa 2, “Pag-uukol ng Panahon Upang Maghanda ng mga Aralin,” 61.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Gawing madilim ang silid hangga’t maaari sa pamamagitan ng pagpatay ng mga ilaw at pagsara ng mga kurtina o blinds. Hilingin sa isang miyembro ng klasena basahin nang malakas ang Doktrina at mga Tipan 93:1–2. Kapag nabasa (osinubukang basahin) na ng miyembro ng klase ang mga talatang ito tanunginsiya ng:

• Mahirap bang basahin ang mga talatang ito? Paano mapadadali ang pagbabasanito? (Dagdag na liwanag.)

Sindihan ang mga ilaw at hawiin ang mga kurtina o blinds. Hilingan angmiyembro ng klase na basahing muli ang Doktrina at mga Tipan 93:1–2.Ipaliwanag na ang ilaw ay ginamit saan mang bahagi ng mga banal na kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

bilang simbolo ni Jesucristo. Ginamit mismo ni Jesus ang sagisag na ito noongnagtuturo siya sa templo. Tatalakayin sa araling ito kung sa papaanong paraannaging isang ilaw si Jesucristo para sa atin.

Kung hindi ninyo mapadidilim nang husto ang silid, sa halip ay magdrowing ngisang parola sa pisara (o ipakita ang larawan ng isang parola). Ipaliwanag na anglayunin ng isang parola ay bigyang-babala ang mga barko sa nagbabantangpanganib at gabayan ang mga ito tungo sa kaligtasan. Pagkatapos ay ipaliwanagna ang ilaw ay isa sa mga simbolo na ginamit ni Jesus sa pagtuturo tungkol sakanyang misyon at sa kanyang kaugnayan sa atin. Tatalakayin ng araling itokung paanong si Jesus ay naging isang ilaw na nagtuturo sa atin ng daanpatungo sa espirituwal na kaligtasan.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga pangyayari sa banal nakasulatan, magbigay ng patotoo tungkol kay Jesucristo kapag nadarama ninyongito ay naaangkop. Himukin din ang mga miyembro ng klase na magbigay ngpatotoo tungkol kay Jesucristo kapag nadama nilang kailangan nilangmagbahagi.

1. Dumalo si Jesus sa Pista ng mga Tabernakulo at nagturo sa templo.

Talakayin ang Juan 7. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin nangmalakas ang mga piling talata. Ipaliwanag na ang Pista ng mga Tabernakulo aytaunang kapistahan ng mga Judio na idinaraos mga anim na buwan matapos angPista ng Paskua. Tumatagal ito ng walong araw at inaalaala ang mga pagbabasbasng Panginoon sa mga anak ni Israel sa kanilang mga paglalakbay sa ilang.Ipinagdiriwang din nito ang buong taong ani at palatandaan ito ng pagtataposng panahon ng tag-ani. Ang kapistahang ito ay itinuturing ng mga Judio napinakamalaki at pinakamasaya sa lahat ng kanilang mga kapistahan. (Tingnan sa Levitico 23:34–43.)

Bigyang-diin na naglakbay si Jesus mula sa Galilea patungo sa Jerusalem upangmakadalo sa kapistahang ito sa templo (Juan 7:1–10).

• Ano ang sinabi ng mga tao sa piging tungkol kay Jesus habang hinihintay nilaang kanyang pagdating? (Tingnan sa Juan 7:12.) Bakit namangha ang mga taonang magsimulang magturo si Jesus? (Tingnan sa Juan 7:14–15.)

• Ano ang sinabi ni Jesus sa mga tao sa templo tungkol sa kanyang mga aral?(Tingnan sa Juan 7:16.) Ano ang itinagubilin niyang gawin ng mga tao upangmagkaroon sila ng patotoo tungkol sa kanyang mga aral? (Tingnan sa Juan7:17.) Paano natin maisasagawa ang tagubiling ito sa ating buhay?

Sinabi ni Elder John K. Carmack ng Pitumpu na: “Ipinaliwanag ni Jesus na,‘Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, aymakikilala niya ang turo, kung ito’y sa Dios, o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili’ (Juan 7:17). Sa madaling salita, habang sinusubukan natin ito ay malalaman natin na ito’y totoo. Nangangailangan ito ngpananampalataya na sumubok, subalit ito ay magdudulot ng espirituwal na katibayan. Sa disipulo na susubok mag-eksperimento ay darating angmatibay na paniniwala, kaalaman, at liwanag” (sa Conference Report, Okt. 1988, 32; o Ensign, Nob. 1988, 26).

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

78

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na isalaysay kung paano pinalakasang kanilang patotoo tungkol sa isang alituntunin ng ebanghelyo nang dahil sa ito ay ipinamuhay nila (maaari ninyong naising ibahagi ang isangkaranasan ninyo). Bigyang-diin na ang kabaligtaran ng pangako sa Juan 7:17ay totoo rin: kung hindi natin ipamumuhay ang mga alituntunin ngebanghelyo, ang ating mga patotoo ay manghihina.

• Habang nagtuturo si Jesus ay patuloy na nahahati ang mga tao sa kanilangmga opinyon tungkol sa kanya. Ano ang ilan sa mga dahilan kung bakitnaniwala ang mga tao na siya ang Cristo? (Tingnan sa Juan 7:31, 37–41.) Anoang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi naniwala ang mga tao na siya angCristo? (Tingnan sa Juan 7:27, 41–42, 52.) Paano nalaman ng mga tao sa isangbansa kung saan nanggaling si Jesus? (Kilala nila ang kanyang pamilya at angkanyang pinagmulang bayan.) Paano nila hindi nalaman sa isang banda kungsaan siya nanggaling? (Tingnan sa Juan 7:28–29; 8:14, 19, 23–29. Hindi nilanaunawaan na isinugo siya ng Ama sa Langit.)

• Paano natin mapatatatag ang ating mga patotoo tungkol sa misyon niJesucristo?

2. Isang babae na nahuling nangangalunya ang dinala kay Jesus.

Basahin at talakayin ang Juan 8:1–11.

• Bakit dinala kay Jesus ng mga eskriba at mga Fariseo ang mapangalunyangbabae? (Tingnan sa Juan 8:4–6. Nais nilang mahuli si Jesus kung susumpainniya ang babae tungo sa kamatayan nito o lalabagin Niya ang batas ni Moises.)Ano ang sinabi ni Jesus sa mga eskriba at mga Fariseo? (Tingnan sa Juan 8:7.)Bakit hindi nila binato ang babae? (Tingnan sa Juan 8:9.)

• Kahit na hindi ikinatuwa ni Jesus ang kasalanan ng babae, hindi rin namanniya isinumpa ang babae sa nagawa nito (Juan 8:10–11). Ano angmatututuhan natin mula sa halimbawa ng Tagapagligtas tungkol sa kungpaano tayo dapat tumugon sa mga taong nagkasala nang mabigat?

Ipinaliwanag ni Elder Marvin J. Ashton na: “Dinala ng mga eskriba at mgaFariseo sa Tagapagligtas ang isang babaeng nahuling nangangalunya. Angkanilang layunin ay hindi upang magpakita ng pagmamahal sa babae o saTagapagligtas, kundi upang hiyain at linlangin si Jesus. . . . Hindi pinatawadni Jesus ang pangangalunya nang gayun-gayon lamang; walang pag-aalinlanganan sa Kanyang saloobin hinggil sa wasto at malinis na pag-uugali.[Ngunit] pinili Niyang magturo nang may pagmamahal—upang ipakita sa mga eskriba at mga Fariseo na kailangang paglingkuran ang isang indibiduwaltungo sa kanyang ikabubuti at upang ipakita ang nakapipinsalang puwersa ngpanlilinlang at panghihiya” (sa Conference Report, Abr. 1981, 31–32; o Ensign,Mayo 1981, 24).

3. Ipinahayag ni Jesus na, “Ako ang ilaw ng sanglibutan.”

Basahin at talakayin ang Juan 8:12–36.

• Noong Pista ng mga Tabernakulo, ang templo sa Jerusalem ay tinatanglawanng ningas na nagmumula sa apat namalalaking kandelero. Ang mga ningas na ito ay nakikita sa buong lungsod. Bakit ito ang angkop na tanawin sapagpapahayag ni Jesus na, “Ako ang ilaw ng sanglibutan”? (Juan 8:12). Ano

Aralin 15

79

ang ibig sabihin ng si Jesus ang ilaw ng sanlibutan? (Tingnan sa Juan 8:12;Alma 38:9; 3 Nephi 15:9; Doktrina at mga Tipan 88:6–13.)

• Habang nagsisikap ang mga tao na maging tulad ni Jesus, sila rin ay nagigingilaw ng sanlibutan, na taglay ang kanyang liwanag (Mateo 5:14; 3 Nephi18:24). Paano natin matutulungan ang iba na makita ang liwanag na handogni Cristo? (Tingnan sa Mateo 5:16; 28:18–20; Mga Taga Filipos 2:14–15.)

• Sinabi ni Jesus sa mga tao sa templo na palagi niyang ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kanyang Ama (Juan 8:29). Paano natin higit namaipapangako ang ating sarili sa paggawa ng mga bagay na kalugud-lugod sa Ama sa Langit?

• Habang nagpapatotoo si Jesus tungkol sa kanyang Ama sa Langit, “aymaraming nagsisampalataya sa kanya” (Juan 8:30). Ano ang ipinangako ni Jesus sa mga taong ito kung magpapatuloy sila sa pagsunod sa kanya?(Tingnan sa Juan 8:31–32.) Mula sa ano tayo pinalalaya ng katotohanan?(Tingnan sa Juan 8:33–34.) Paano tayo inilalagay sa pagkaalipin ng paggawang kasalanan? (Tingnan sa Alma 12:11; 34:35.) Paano kayo pinalaya ngpagkaalam sa katotohanan?

• Sa bandang huli ay tinawag ni Jesus ang kanyang sarili na “katotohanan”(Juan 14:6). Paano ito nakaaapekto sa inyong pang-unawa sa pangako sa Juan 8:32? Paano tayo pinalalaya ng pagkakilala sa Tagapagligtas? Paano natin siya makikilala?

Katapusan Magpatotoo na si Jesucristo ang ating Tagapagligtas at siya lamang ang tangingmakapagpapalaya sa atin mula sa pagkaalipin sa kasalanan. Himukin ang mgamiyembro ng klase na sundan si Cristo, “ang ilaw ng sanglibutan,” upang sila aymagabayan niya tungo sa espirituwal na kaligtasan.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. Tubig na buhay

Sa isa sa mga seremonyang pinangasiwaan noong Pista ng mga Tabernakulo,isang saserdote ang naglagay sa altar ng tubig na mula sa tangke ng Siloe. Angalay na ito ay ginawa upang humingi ng ulan at tagumpay sa pananim sasusunod na taon. Sa pagtuturo ni Jesus sa templo sa huling araw ng kapistahanay inanyayahan niya ang mga tao na inumin ang tubig na buhay (Juan 7:37–38).

• Sa ano pang ibang pagkakataon binanggit ni Jesus ang tubig na buhay?(Tingnan sa Juan 4:5–15.) Ano ang “tubig na buhay”? Paano natin maiinom ito?

2. Si Jesucristo ang Jehova

Basahin at talakayin ang Juan 8:37–59.

• Bakit sinabihan ni Jesus ang hindi naniniwalang mga Judio na hindi sila mgaanak ni Abraham? (Tingnan sa Juan 8:39–40. Kahit na sila ay literal na inapo

80

ni Abraham, sila ay hindi gumawa ng mabubuting gawa na tulad ni Abraham.)Bakit sinabi ni Jesus sa kanila na hindi sila mga anak ng Diyos? (Tingnan saJuan 8:41–44.) Paano natin maipakikita sa ating mga kilos na tayo ay mgaanak ng Ama sa Langit?

• Bakit nagalit ang mga Judio sa mga puna ng Panginoon tungkol kay Abraham?(Tingnan sa Juan 8:51–53, 56–57. Hindi nila natanto na tinutukoy ni Jesus angkanyang kakayahang mapagtagumpayan ang espirituwal na kamatayan [talata51] at gayundin ang kanyang buhay bago ang buhay sa mundong ito [mgatalata 56–57].) Ano ang ipinauunawa sa atin ng pangungusap ni Jesus na,“Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga” (Juan 8:58) tungkol sa kanya?(Tingnan sa Exodo 3:13–14. Si Jesus ang Jehova, ang Dakilang “Ako Nga,” ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob.) Bakit mahalagang malaman na siJesus ang Jehova bago ang kanyang buhay sa lupa?

Aralin 15

81

82

Aralin

16“Ako’y Naging Bulag,

Ngayo’y Nakakakita Ako”Juan 9–10

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na magkaroon ng higit na pagkakaunawaat pagpapahalaga kay Jesucristo bilang Ilaw ng Sanglibutan at Mabuting Pastor.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Juan 9. Pinatotohanan ni Jesus na siya ang Ilaw ng Sanglibutan atpinagaling ang isang lalaking isinilang na bulag. Nagpatotoo sa mga Fariseoang lalaking pinagaling at sinamba niya si Jesus.

b. Juan 10:1–15, 25–28. Itinuro ni Jesus na siya ang Mabuting Pastor atibibigay niya ang kanyang buhay para sa kanyang mga tupa. Ang mga tupa ng Panginoon ay ang mga dumirinig ng kanyang tinig at sumusunodsa kanya.

2. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal ay gamitin ang mga ito saaralin:

a. Ang larawan na Pinagagaling ni Jesus ang Bulag (34730 893; Pakete ngLarawan ng Sining ng Ebanghelyo 213).

b. Bahagi 3 ng “New Testament Customs,” isang piling bahagi mula sa NewTestament Video Presentations (53914).

3. Mungkahi sa pagtuturo: “Ang kababaang-loob sa harapan ng Diyos ay isang susi sa tagumpay. Ang isang gurong mapagpakumbaba sa harapan ng Panginoon ay nananalig mula sa bukal ng lahat ng kaalaman atkapangyarihan at walang humpay na sumasalok mula rito. Iiwan ng Espirituang isang guro na labis na umaasa sa sariling kakayahan. Kung wala ang Diyos,wala [tayong] magagawa. Sa pamamagitan niya, ang lahat ng bagay aymaaaring mangyari” (Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit A,Paksa 3, “Maging Mapagpakumbaba sa Inyong Tungkulin,” 6–7).

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Hilingin sa mga miyembro ng klase na mag-isip ng ilang kapansanan sa katawanna ginamot ni Jesus sa panahon ng kanyang mortal na ministeryo. Isulat sapisara ang kanilang mga sagot. Pagkatapos ay bigyang-diin na bahagi ng aralingito ang tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa isang bulag na lalaki—isanghimalang madalas niyang ginagawa.

• Sa inyong palagay bakit isang napakahalagang himala sa ministeryo ngTagapagligtas ang pagpapagaling sa bulag? Ano ang maaaring espirituwal na

Gawaing Pantawag-pansin

isagisag ng pagpapagaling ng bulag? (Ang kapangyarihan ng Tagapagligtas na matulungan tayong mapagtagumpayan ang espirituwal na pagkabulag at“makita” o maunawaan ang espirituwal na mga katotohanan.)

Ipaliwanag na ang mga banal na kasulatan na pag-aaralan sa araling ito aynakatuon sa pagtingin at pagdinig sa Tagapagligtas at sa ating pananagutan natulungan ang iba na gawin ang gayon.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Binigyan ni Jesus ng paningin ang lalaking isinilang na bulag.

Talakayin ang Juan 9. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin angmga piling talata. Ipakita ang larawan ni Jesus na pinagagaling ang lalakingbulag.

• Bago pagalingin ang lalaking isinilang na bulag, sinabi ni Jesus, “Ako ang ilawng sanglibutan” (Juan 9:5). Sa anu-anong paraan binigyang liwanag ni Jesusang bulag na lalaki? (Tingnan sa Juan 9:6–7, 35–38.)

• Nagpatotoo nang ilang ulit ang bulag na pinagaling siya ni Jesus (Juan9:10–11, 15, 17, 24–25, 27, 30–33. Maaari ninyong naising hikayatin ang mgamiyembro ng klase na markahan ang mga talatang ito sa kanilang mga banalna kasulatan). Ano ang maaari nating matutuhan mula sa halimbawa ng taongito? (Maaaring maibilang sa mga sagot ang responsibilidad nating ibahagi angating mga patotoo. Bigyang-diin na matapang na nagpatotoo ang lalaki samaraming tao, maging sa mga hindi naniwala sa kanyang patotoo at nagbantasa kanya.)

• Paano lumago ang patotoo ng lalaking ito habang ibinabahagi niya angkanyang patotoo? (Paghambingin ang mga talata 11, 17, 33, at 38.) Paanolumago ang inyong patotoo nang ibahagi ninyo ito?

• Ano ang ginawa ng mga Fariseo nang marinig nila ang tungkol sa himala?(Tingnan sa Juan 9:16.) Sa palagay ninyo bakit nila itinanggi na ginawa niJesus ang himalang ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos?(Maaaring maibilang sa mga sagot ang kapalaluan, galit kay Jesus dahil sapagpapagaling niya sa araw ng Sabbath, takot dahil maaaring mawala sa kanila ang kapangyarihan o katanyagan, at iba pa.) Paano tinangkangpasinungalingan ng mga Fariseo ang mga ginawa ni Jesus? (Tingnan sa Juan9:16, 18–20, 24, 28–29, 34.) Paano itinatanggi ng ilang tao ngayon angkapangyarihan ng Diyos?

• Ano ang isinagot ng mga magulang ng lalaking dating bulag nang tanunginsila ng mga Fariseo tungkol sa himala? (Tingnan sa Juan 9:18–23.) Bakit ganitoang naging sagot ng kanyang mga magulang? (Tingnan sa Juan 9:22.) Paanotayo minsan nagiging katulad ng mga magulang ng lalaking ito? Paano tayomagiging higit na magiting sa ating mga patotoo?

• Paano pinarusahan ng mga Fariseo ang lalaki nang patuloy niyangpinatotohanan na si Jesus ang nagpagaling sa kanya? (Tingnan sa Juan 9:34.

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

83

Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pinalayas ay itiniwalag.) Ano ang ginawa ni Jesus nang marinig niyang pinalayas ang lalaki dahil sa kanyang patotoo?(Tingnan sa Juan 9:35–37.) Paano kayo pinagpala ng Panginoon dahil sapananatili ninyong matapat sa gitna ng kahirapan?

Kung gagamitin ninyo ang pagpapalabas ng video, ipalabas na ngayon ang “The Synagogue.”

• Sa paanong paraan nakakikita ang mga Fariseo, at sa paanong paraan silabulag? (Tingnan sa Juan 9:39–41. Batid nila nang husto ang batas, ngunitbulag sila sa tunay na layunin nito. Itinatanggi nilang pumarito si Jesus bilangkatuparan ng batas.) Ano ang kaibahan ng pagkakita sa pamamagitan ng atingmga mata at “pagkaunawa” o espirituwal na pag-unawa? Ano ang ilangdahilan ng espirituwal na pagkabulag? Ano ang matututuhan natin sakuwentong ito tungkol sa kung paano mapagtatagumpayan ang espirituwal na pagkabulag?

2. Itinuro ni Jesus na siya ang Mabuting Pastor.

Basahin at talakayin ang Juan 10:1–15, 25–28. Sa mga talatang ito, inilarawan niJesus kung paano pinangangalagaan at inaalagaan ng pastor ang kanyang mgatupa. Ipaliwanag na noong kapanahunan ni Jesus, ang mga tupa ay dinadala saisang kulungan pagsapit ng gabi. Isa sa mga pastor ang magbabantay ng pintuansamantalang ang iba naman ay uuwi ng bahay upang magpahinga. Kung maymabangis na hayop na nakapasok sa kulungan, ibibigay ng pastor ang kanyangbuhay kung kailangan upang mapangalagaan ang mga tupa. Sa umaga, angbawat pastor ay babalik at tatawagin ang kanyang mga tupa. Makikilala nila angkanyang tinig at susunod sa kanya sa pastulan.

• Sa pagtatalakay ni Jesus tungkol sa pastor at kanyang mga tupa, sino angkinakatawan ng mga tupa? (Tingnan sa Juan 10:4, 27.) Sino ang pastor?(Tingnan sa Juan 10:11.) Ano ang ilang katangian ng isang mabuting pastor?(Maaari ninyong naising isulat ang mga katangiang ito sa pisara tulad ngipinakikita sa ibaba.)

a. Kilala niya ang kanyang mga tupa, tinatawag sila sa kanilang pangalan,pinangungunahan sila (Juan 10:3–4, 14).

b. Siya ang pintuan ng mga tupa, pinahihintulutan silang sumama sa kawanupang maligtas at makakita ng pastulan (Juan 10:7, 9).

c. Binibigyan niya ang mga tupa ng “buhay . . . at magkaroon ng kasaganaannito” (Juan 10:10).

d. Ibinibigay niya ang kanyang buhay para sa mga tupa (Juan 10:11, 15).

• Ano ang kaibahan ng isang pastor at ng isang nagpapaupa? (Tingnan sa Juan10:11–14.) Paano naging ganap na halimbawa si Jesus ng isang pastor? (Gamitang tala na inyong isinulat sa pisara, talakayin kung paano ipinakita ni Jesusang bawat isa sa mga katangiang ito. Tingnan sa 2 Nephi 9:41–42 habangtinatalakay ninyo kung paano naging pintuan si Jesus ng mga tupa. Habangtinatalakay ninyo ang kahandaan ni Jesus na ibigay ang kanyang buhay parasa atin, tingnan ang Juan 10:17–18.)

• Paano nakikilala ng mga tupa ang kanilang pastor? (Tingnan sa Juan 10:3–4.)Paano natin maririnig ang tinig ng Panginoon? (Tingnan sa Doktrina at mgaTipan 1:37–38; 18:33–36; 97:1.) Paano tayo napapangalagaan kung kilala atsinusunod natin ang tinig ng Mabuting Pastor?

84

Kung ginagamit ninyo ang pagpapalabas ng video, ipalabas na ngayon ang “The Shepherd” at “The Sheepfold.”

• Sino ang mga tulisan at magnanakaw na nagtatangkang pumasok sakulungan? (Tingnan sa Juan 10:1. Sila ang mga taong nagtatangkang gawan ng masama ang mga tagasunod ng Panginoon o akayin sila sa masama.) Paanonatin makikilala ang tunay na mga pastor at ang mga taong nagtatangkangumakay sa atin sa masama? (Tingnan sa Juan 10:10.)

• Paano ginagantimpalaan ang mga tupa sa pagsunod nila sa Mabuting Pastor?(Tingnan sa Juan 10:9–10, 28). Paano kayo biniyayaan sa pagsunod ninyo saTagapagligtas?

Katapusan Magpatotoo na si Jesus ang Ilaw ng Sanglibutan at ang Mabuting Pastor. Kungnaaangkop, ibahagi sa mga miyembro ng klase kung paano kayo tinulungan ngPanginoon na espirituwal na makakita at sumunod sa kanya.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. Ang mga responsibilidad natin bilang mga pastor

• Paano tayo naging mga pastor din ng mga tupa ng Panginoon? Ano angmagagawa natin upang matulungan ang iba na makinig at sumunod sa tinigng Mabuting Pastor?

Itinuro ni Elder Bruce R. McConkie na: “Ang sinumang naglilingkod saanumang tungkulin sa Simbahan na kung saan siya ay may pananagutan sakagalingang pang-espirituwal at temporal ng sinumang anak ng Panginoon aypastor ng mga tupang ito. Papananagutin ng Panginoon ang mga pastor parasa kaligtasan ng kanyang mga tupa” (Mormon Doctrine, ika-2 edisyon [1966],710).

2. “Mayroon akong ibang mga tupa” (Juan 10:16)

• Sino ang tinutukoy ng Panginoon sa Juan 10:16? (Tingnan sa 3 Nephi15:21–24.) Kailan narinig ng “ibang mga tupa” ang tinig ng Tagapagligtas?Paano makatutulong ang talatang ito sa isang taong nagsisiyasat sa Simbahanna magkaroon ng mabuting pag-unawa sa Aklat ni Mormon?

Itinuro ni Elder Howard W. Hunter na: “Ang mga taong pamilyar sa buhay at mga turo ng Guro mula sa kanilang kaalaman sa mga aklat ng Biblia ay magiging interesadong malaman na mayroon ding tala ng kanyangpagpapakita sa mga tao sa kanlurang bahagi ng mundo—ang ibang tupa na tinukoy niya. Ito ay pinamagatang Aklat ni Mormon na ipinangalan sapropetang nagtipon at nagpaikli ng mga tala ng mga tao sa kontinente ngAmerika. Ang Aklat ni Mormon ay isa pang saksi ni Cristo at naglalaman ngkanyang mga turo sa iba pang mga kawan sa Bagong Daigdig” (sa ConferenceReport, Abr. 1983, 19; o Ensign, Mayo 1983, 16).

Aralin 16

85

3. Iba’t ibang paraan ng pagtingin

Upang mas lubos na matulungan ang mga miyembro ng klase na pahalagahanang mga paraan kung paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas na makakita,gumawa ng sinulatang papel para sa ilang kahulugan ng salitang pagtingin (angmga mungkahing kahulugan ay makikita sa ibaba). Ilagay ang mga sinulatangpapel sa sumbrero o kahon, at isa-isang papiliin ang mga miyembro ng klase ng isang sinulatang papel at ipaliwanag kung paano tayo natutulungan ngTagapagligtas na makakita sa paraang inilalarawan nito. Ang ideyang ito aymagiging mas epektibo sa klase ng mga kabataan.

isaalang-alang

tingnan

matuklasan

ituring na posibilidad

malaman

maunawaan

makita ng mata

86

87

Aralin

17“Ano ang Gagawin Ko Upang Magmana ng Buhay na Walang Hanggan?”Marcos 10:17–30; 12:41–44; Lucas 12:13–21; 14; 16

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na kailangan tayong maging handa naisakripisyo ang mga bagay ng mundong ito para magtamo ng lugar sa kaharianng langit.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Marcos 10:17–30; 12:41–44. Isang mayamang kabataang lalaki angnagtanong kung ano ang kailangan niyang gawin upang magkaroon ngbuhay na walang hanggan, at itinuro ni Jesus na ang pagtitiwala sakayamanan ay maaaring maging hadlang sa pagpasok ng isang tao sakaharian ng Diyos. Pinuri ni Jesus ang pobreng balo na naghulog ngdalawang lepta sa kabang-yaman.

b. Lucas 12:13–21. Sa talinghaga tungkol sa mayamang hangal, itinuro ni Jesus ang mga panganib ng kasakiman. Pinayuhan niya ang kanyang mga tagasunod na hangarin ang mga kayamanan ng langit kaysakayamanan ng mundo.

c. Lucas 14:15–33. Sa talinghaga ng malaking hapunan, itinuro ni Jesus na ang mga susunod sa kanya ay nararapat na maging handa na talikuran ang lahat.

d. Lucas 16:1–12. Sa talinghaga ng lilong katiwala, itinuro ni Jesus sa kanyangmga tagasunod na hangarin ang espirituwal na kayamanan na kasing sigasigna tulad ng mga taong naghahangad ng kayamanan ng mundo.

2. Karagdagang pagbabasa: Mateo 19:16–30; Lucas 18:18–30; 21:1–4; Jacob2:18–19.

3. Kung makukuha ang larawang Christ and the Rich Young Ruler (Gospel ArtPicture Kit 244), gamitin ito sa aralin.

4. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, gumawa ng bitag saunggoy o gumuhit ng isa sa pisara (tingnan ang paglalarawan sa ibaba). Upangmakagawa ng bitag sa unggoy, kumuha ng isang kahong may takip. Idikit angtakip sa kahon, at gumawa ng butas sa isang gilid ng kahon na sapat lamangna magkasya ang inyong palad ngunit hindi ang buong kamao. Maglagay ngisang pirasong prutas o ilang mani sa loob ng kahon.

5. Mungkahi sa pagtuturo: Sinabi ni Nephi, “Inihalintulad ko sa amin ang lahatng banal na kasulatan upang ito ay maging para sa aming kapakinabangan at kaalaman” (1 Nephi 19:23). Pag-aralan ang Pagtuturo—Walang Higit naDakilang Tungkulin, Yunit E, Paksa 6, “Nakahihikayat na Pagtuturo ngEbanghelyo,” 103–104 at Yunit E, Paksa 21, “Pagtulong sa mga Miyembro ng Klase na Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Aralin,” 144–146, upangmalaman kung paano ninyo matutulungan ang mga miyembro ng klase namaihalintulad o maipamuhay, ang mga banal na kasulatan sa kanilang buhay.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ipakita ang bitag na inyong ginawa o iginuhit (tingnan sa bahaging“Paghahanda”). Ipaliwanag na ang ganitong bitag ay maaaring magamit napanghuli ng unggoy. Ang lalagyan ay matibay na itinatali sa lupa, at lalagyan ngpain (tulad ng mani o prutas) sa loob. Ang laki ng butas ay sapat lamang paramaipasok ng unggoy ang kamay nito ngunit hindi niya mailalabas ang kamayniya kung hawak na nito ang pain (maaari ninyong ipakita ito). Makikita ngunggoy ang pain at ipapasok nito ang kamay upang kunin ito. Kapag nakuha nanito ang pain, nanaisin pa nitong mahuli kaysa bitawan ang pain. Hindi nitoisasakripisyo ang gantimpalang ito para sa mas malaki pang gantimpala—angkanyang kalayaan.

Bigyang-diin na minsan ay may mga pagkakamali rin tayong tulad ng sa unggoy.Kapag may natamo tayong bagay na kanais-nais, maaaring hindi tayo maginghanda na mawala ito kahit na ito ay mangahulugan na may mawawala sa atin na mas higit pa. Ang araling ito ay tungkol sa ilang bagay na maaari natingisakripisyo upang matanggap ang pinakadakilang biyaya: ang buhay na walanghanggan na kasama ang ating Ama sa Langit at si Jesucristo.

Gawaing Pantawag-pansin

88

Habang itinuturo ninyo ang mga talata sa banal na kasulatan, tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan na maaari tayong mahilingan namagsakripisyo ng iba’t ibang bagay para sa kaharian ng Diyos. Dapat ay handangtayong isakripisyo ang anumang hilingin sa atin ng Diyos.

1. Ang pagtitiwala sa kayamanan ay maaaring maging hadlang sa pagpasokng isang tao sa kaharian ng Diyos.

Basahin at talakayin ang Marcos 10:17–30; 12:41–44. Ipakita ang larawan niCristo at ng mayamang kabataang pinuno.

• Ano ang sinabi ni Jesus sa mayamang kabataang lalaki na nagtanong kungpaano makatatanggap ng buhay na walang hanggan? (Tingnan sa Marcos10:17–21.) Bakit ikinalungkot ng kabataang lalaki ang mga tagubiling ito?(Tingnan sa Marcos 10:22.) Sa palagay ninyo bakit hiniling ng Panginoon natalikuran niya ang lahat ng kanyang mga ari-arian? Paano naaangkop sa atinang tagubilin ng Tagapagligtas sa mayamang kabataang lalaki?

Sinabi ni Pangulong Joseph F. Smith: “Ang mahirap para sa kabataang lalaki ay[dahil] marami ang kanyang ari-arian, at mas ninais pa niyang magtiwala sakanyang kayamanan kaysa talikuran ang lahat at sumunod kay Cristo. . . .Walang sinuman na magtatamo ng kaloob na buhay na walang hangganmaliban lamang kung handa siyang isakripisyo ang lahat ng bagay sa mundoupang makamtan ito” (Gospel Doctrine, ika-5 edisyon [1939], 261).

• Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa kaugnayan ng pagkakaroon ng kayamananat pagpasok sa kaharian ng Diyos? (Tingnan sa Marcos 10:23–25.) Ano angkaibahan ng pagkakaroon ng mga kayamanan at ng lubos na pananalig sa mga ito? Paano tayo magkakaroon ng tamang saloobin tungo sa mga bagay ng mundo? (Tingnan sa Mosias 4:19, 21.)

Itinuro rin ni Pangulong Smith: “Ang Diyos ay walang kinikilingan. Angmayaman ay malayang makapapasok sa kaharian ng langit na tulad din ng mahirap, kung itutuon niya ang kanyang puso at pagmamahal namapasailalim sa batas ng Diyos at sa alituntunin ng katotohanan; kung iibiginniya ang Diyos, kung ang kanyang puso ay nasa katotohanan, at ang kanyangkaluluwa ay nasa pagsasakatuparan ng mga layunin ng Diyos, at hindiitinutuon ang kanyang pagmamahal at pag-asa sa mga bagay ng mundo”(Gospel Doctrine, 260–61).

• Paghambingin ang mayamang kabataang lalaki at ang pobreng balo sa Marcos12:41–44. Ano ang handang gawin ng balo na hindi handang gawin ngmayamang kabataang lalaki? (Tingnan sa Marcos 12:44. Handa niyang ibigayang lahat ng mayroon siya para sa kaharian ng Diyos.) Paano tayomagkakaroon ng saloobing taglay ng pobreng balo?

2. Hangarin ang mga kayamanan ng langit, kaysa kayamanan ng mundo.

Basahin at talakayin ang Lucas 12:13–21.

• Ano ang sinabi ni Jesus sa lalaking nag-aalala tungkol sa kanyang mana?(Tingnan sa Lucas 12:13–15.) Ano ang kasakiman? (Matinding pagnanais sakayamanan o pag-aari ng iba.) Ano ang mga bagay na pinaghahangaran nanglabis ng mga tao sa ngayon? Bakit mapanganib ang maging sakim?

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Aralin 17

89

• Sa mundo na ito na kadalasang pinapahalagahan ang mga materyal na ari-arian, paano natin matatandaan na ang ating halaga bilang indibiduwal ayhindi nasusukat sa dami ng ating ari-arian? (Tingnan sa Lucas 12:15.) Anongmga biyaya ang mas mahalaga kaysa materyal na pag-aari? (Tingnan sa Lucas12:31–34; Doktrina at mga Tipan 6:7 para sa ilang halimbawa.)

• Paano pinagpala ang lalaki sa talinghaga ng mayamang hangal? (Tingnan saLucas 12:16.) Ano ang ipinasiya niyang gawin sa labis niyang kayamanan?(Tingnan sa Lucas 12:18.) Ano ang ipinahiwatig ng kanyang mga kilos?(Tingnan sa Lucas 12:19–21. Ang kanyang puso ay nakatuon sa kanyang mgakayamanan.) Ano sana ang maaaring ginawa niya sa kanyang kasaganaankung ang hangad niya ay makalangit na kayamanan, sa halip na makalupangmga kayamanan? (Tingnan sa Mosias 4:26; Doktrina at mga Tipan 52:40.)

• Bakit itinutuon ng maraming tao ang kanilang mga puso sa makalupangkayamanan kahit na alam nilang pansamantala lamang ito? Paano natinmalalaman kung masyado tayong abala sa mga materyal na ari-arian? Paanotayo magiging higit na bukas-palad sa ating materyal na kayamanan at ibapang mga biyaya, tulad ng panahon at talino? (Maaari ninyong naisinghimukin ang mga miyembro ng klase na pag-isipan pang mabuti ang bagay naito sa labas ng klase, nang nag-iisa sila o kasama ang mga miyembro ngpamilya.)

3. Kailangan ay handang talikuran ng mga tagasunod ni Cristo ang lahat ngbagay upang maging tunay na mga disipulo.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Lucas 14:15–33.

• Sa pagbibigay kahulugan sa talinghaga ng malaking hapunan ay itinuro niElder James E. Talmage na ang mga inanyayahang panauhin ay kumakatawansa mga pinagtipanang tao, o sambahayan ni Israel. Nang hilingin ng alipin(Jesus) sa kanila na dumalo sa piging (tanggapin ang ebanghelyo), sila aygumawa ng mga dahilan at tumangging dumalo (Jesus the Christ, ika-3 edisyon[1916], 452). Bakit hindi dumalo sa piging ang mga Israelita? Sino ang “mgadukha, at ang mga pingkaw, at ang mga bulag, at ang mga pilay” na hindidumalo sa piging? (Lucas 14:21).

• Paano maiaakma sa atin ang talinghaga ng malaking hapunan? Anong mgadahilan ang ginagawa natin sa hindi pagkain sa hapag ng Panginoon—halimbawa, hindi pagbabasa ng mga banal na kasulatan o hindi pagpunta sa templo? Paano natin maipapakita ang pagpapaunlak sa paanyaya ngPanginoon sa piging?

• Itinuro ni Jesus na ang kanyang mga disipulo ay kailangang maging handangisakripisyo ang anumang bagay na hihilingin niya sa kanila (Lucas 14:26–33).Ano ang ilang bagay na hiniling na isakripisyo ng mga naunang disipulo? Anoang ilang bagay na hinihiling na isakripisyo ng mga disipulo sa ngayon? Anoang hiniling sa inyo ng Panginoon na isakripisyo? Paano kayo pinagpala sapagsasagawa ng mga sakripisyong ito?

4. Hangarin ang espirituwal na kayamanan nang buong sigla at lakas.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Lucas 16:1–12. Upangmatulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan ang talinghaga ng di-makatwirang katiwala, ibahagi ang sumusunod na impormasyon:

90

Ipinaliwanag ni Elder James E. Talmage na ginamit ng Panginoon angtalinghagang ito “upang ipakita ang pagkakaiba sa pagitan ng pagmamalasakit,pagiging maalalahanin, at debosyon ng mga tao sa mga bagay na may kinalamansa salapi sa mundo, at sa hindi taos sa pusong mga pamamaraan ng marami nanagsasabing nagsisikap na makamtan ang espirituwal na mga kayamanan.”Hindi iminumungkahi ng Panginoon na tularan natin ang masasamang gawainng di-makatwirang alipin, kundi dapat nating hangarin ang espirituwal nakayamanan na taglay ang kasigasigan at pagsisikap na tulad ng ipinamalas ngalipin sa paghahangad ng materyal na kayamanan.

Ipinagpatuloy ni Elder Talmage na, “Ang mga tao na makamundo ang kaisipanay hindi nakakaligtaan ang paglalaan para sa kanilang hinaharap, at kadalasan ay buong pagkakasalang masigasig na nagtitipon ng maraming kayamanan;samantalang ang mga ‘anak ng liwanag,’ o ang mga naniniwala na masnakahihigit ang espirituwal na kayamanan kaysa makamundong ari-arian, ay di-gaanong masigasig, masinop, at matalino” (Jesus the Christ, 463).

• Hilingan ang mga miyembro ng klase na matahimik na paghambingin angdami ng oras, pag-iisip, at lakas na inuukol nila sa pagkakamit ng salapi at mgaari-arian sa dami ng oras, pag-iisip, at lakas na inuukol nila sa paghahanap ngespirituwal na mga kayamanan. Paano tayo magiging higit na dedikado atmasigasig sa paghahanap ng espirituwal na mga kayamanan?

Katapusan Magpatotoo na upang makamtan ang buhay na walang hanggan, kailangan ayhanda tayong isaisantabi ang mga bagay ng daigdig at paglingkuran angPanginoon ng ating buong puso, kaluluwa, pag-iisip, at lakas. Himukin ang mgamiyembro ng klase na magpasalamat sa mga makalupang pagpapala ngunitsikaping ilagay ang mga ito sa tamang kalalagyan.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. Kababaang-loob

Basahin at talakayin ang Lucas 14:7–11.

• Paano ninyo nakita ang katotohanan sa pahayag ni Jesus sa Lucas 14:11?

2. Tunay na pag-ibig sa kapwa-tao

• Ano ang matututuhan natin mula sa Lucas 14:12–14 tungkol sa kung paanomaglingkod? (Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ng hindi tayo dapatmaglingkod kung ang layunin natin ay maghintay ng kapalit, at hindi natindapat limitahan ang ating paglilingkod sa mga magbabayad o magpapasalamatsa atin.) Ano ang dapat na maging pakay natin sa paglilingkod?

• Paano tayo tinutulungang higit na mapalapit sa Panginoon ng tunay na pag-ibig sa kapwa-tao?

3. Ang talinghaga ng mayamang lalaki at ni Lazaro

Ipabasa at ipatalakay sa mga miyembro ng klase ang talinghaga sa Lucas 16:19–31.

Aralin 17

91

• Matapos mamatay ang mayamang lalaki, ano ang hiniling niyang gawin niAmang Abraham para sa kanyang mga kapatid? (Tingnan sa Lucas 16:27–28.)Paano tumugon si Abraham? (Tingnan sa Lucas 16:29–31.) Ano ang itinuturonito sa atin tungkol sa pakikinig sa propeta?

• Ano ang itinuturo sa atin ng talinghagang ito tungkol sa kahalagahan ngpangangalaga sa mga dukha? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 104:18.)

Maaaring ikatuwa ng mga kabataan ang pagsasadula ng talinghagang ito. Ilagayang dalawang miyembro ng klase (Abraham at Lazaro) sa isang panig ng harangkagaya ng hanay ng mga upuan (ang malaking gulpo), at isa pang miyembro ng klase (ang lalaking mayaman) sa kabilang panig. Gawing tagapagsalaysay ang pang-apat na miyembro ng klase. Ipabasa sa mga miyembro ng klase ang kanilang mga linya mula mismo sa Lucas 16:19–31, na binabasa ngtagapagsalaysay ang lahat ng linya na hindi binibigkas ng isa man sa mgagumaganap. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit F, Paksa 16, “Pagsasadula at Pagsasadrama,” 178–180.)

92

93

Aralin

18“Siya’y Nawala, at Nasumpungan”Lucas 15; 17

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan ang kagalakan nanadarama kapag tayo ay nagsisisi at kapag tinutulungan natin ang iba namagsisi.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Lucas 15:1–10. Sa pamamagitan ng talinghaga ng nawawalang tupa at ngtalinghaga ng piraso ng pilak ay itinuro ni Jesus ang kahalagahan ng mgakaluluwa.

b. Lucas 15:11–32. Sa pamamagitan ng talinghaga ng alibughang anak ayitinuro ni Jesus na malaki ang kagalakan ng Ama sa Langit sa pagpapatawadsa taong nagsisisi. Tinuruan din ng Tagapagligtas ang kanyang mgatagasunod na maging mapagpatawad.

c. Lucas 17:11–19. Ang isang lalaking ketongin na pinagaling ni Jesus aynagbalik upang magpasalamat sa kanya.

2. Karagdagang pagbabasa: Mateo 18:11–14.

3. Kung makukuha ang mga larawang Ang Alibughang Anak (34730 893; Paketeng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 220) at Ang Sampung Ketongin (34730893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 221), gamitin ang mga ito sa aralin.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Kadalasan ay nagtatanong si Jesus upang himukin ang kanyang mga tagapakinig na ipamuhay ang mga alituntunin na kanyangitinuro (tingnan sa Mateo 16:13–16; Lucas 7:41–42). Buong panalangingmaghanda ng mga tanong na hihimok sa mga miyembro ng klase na makisalisa mga talakayan at makatutulong sa kanila na maunawaan at maipamuhayang mga alituntuning itinuturo. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit naDakilang Tungkulin, Yunit E, Paksa 16, “Paggamit ng mga Tanong UpangPumukaw ng Pag-iisip,” 128–130 at Yunit F, Paksa 7, “Angkop na mga Tanongpara sa Pagtuturo ng Ebanghelyo,” 161.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magkuwento ng isang pagkakataonnang nawala nila ang isang bagay na mahalaga sa kanila o nang nawala angisang miyembro ng pamilya. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

Gawaing Pantawag-pansin

• Ano ang nadama ninyo nang mawala ang mahalagang bagay o tao sa inyongbuhay? Ano ang nadama ninyo nang matagpuan ninyo ang bagay o ang taona inyong hinahanap?

Maaari ninyong naising hilingan ang mga miyembro ng klase na magkuwentong naging karanasan nila nang mawala at matagpuan nilang muli ang isangbagay.

Ipaliwanag na kadalasan ay nagtuturo si Jesus ng mga espirituwal na aralin sapamamagitan ng pag-uugnay ng mga ito sa mga pangkaraniwang karanasan ngmga tao. Tinatalakay ng araling ito ang ilang talinghaga na nagtuturo ngkahalagahan ng paghahanap at pagkahanap sa mga nawawala.

Habang tinatalakay ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan na mahal ng Ama saLangit at ni Jesucristo ang bawat isa sa atin at nais nilang makabalik tayo atmamuhay muli sa kanilang piling.

1. Itinuro ng Tagapagligtas ang kahalagahan ng mga kaluluwa.

Basahin at talakayin ang Lucas 15:1–10. Ipaliwanag na inilahad ni Jesus angtalinghaga ng nawawalang tupa at ang talinghaga ng piraso ng pilak mataposmagbulung-bulungan ang mga Fariseo at eskriba na nagsasabing, “Tinatanggapng taong ito ang mga makasalanan, at sumasalo sa kanila” (Lucas 15:2).

• Sa talinghaga ng nawawalang tupa, iniwan ng pastor ang siyamnapu’t siyamna tupa upang hanapin ang isa na nawawala (Lucas 15:4). Sa talinghaga ngpiraso ng pilak ay buong sigasig na hinanap ng babae ang isang barya nanawawala (Lucas 15:8). Ano ang matututuhan natin mula sa mga inasal na ito ng pastor at ng babae? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 18:10–13.)

• Sa anong mga paraan maaaring “mawala” ang isang tao? Ano ang inyongpananagutan sa mga nawawala? (Tingnan sa Lucas 15:4–5, 8; Alma 31:34–35.)

Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley:

“Ang ilan sa ating nasasakupan . . . ay dumaraing sa sakit at pagdurusa atkalungkutan at takot. Tayo ay may dakila at sagradong tungkulin na lapitan attulungan sila, iangat sila, pakainin sila kung sila ay nangagugutom, alagaanang kanilang mga espiritu kung nauuhaw sila sa katotohanan atkabutihan. . . .

“ . . . Nariyan ang mga minsan ay mainit sa pananampalataya, ngunit ngayo’ynanlamig na ang kanilang pananampalataya. Marami sa kanila ang nagnanaismagbalik ngunit hindi nila alam kung paano ito gagawin. Kailangan nila angmga kaibigan na lalapit sa kanila. Sa pamamagitan ng kaunting pagsisikap,marami sa kanila ang maibabalik upang muling sumalo sa piging sa hapag ngPanginoon.

“Mga kapatid ko, aasahan ko, mananalangin ako na ang bawat isa sa atin . . . ay magpapasiyang hanapin ang mga nangangailangan ng tulong, na nasamapanganib at mahirap na mga kalagayan, at iangat sila sa diwa ngpagmamahal tungo sa pagyakap ng Simbahan, kung saan magiging mainit ang pagtanggap sa kanila, aaliwin sila, itataguyod sila, at ilalagay sila sa

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

94

landas ng kaligayahan at mabungang pamumuhay ng matitipunong bisig atmapagmahal na mga puso” (sa Conference Report, Okt. 1996, 118; o Ensign,Nob. 1996, 86).

• Paano tayo dapat tumugon sa pagbabalik ng isang taong naligaw ng landas?(Ipahanap sa mga miyembro ng klase ang isang ideya na inuulit-ulit sa Lucas15:5, 6, at 9. Tingnan din sa mga talata 7 at 10 at sa Doktrina at mga Tipan18:15–16.)

2. Itinuro ni Jesus na ang Ama sa Langit ay nagagalak na magpatawad sataong nagsisisi.

Basahin at talakayin ang Lucas 15:11–32. Ipakita ang larawan ng alibughanganak.

• Sa talinghaga ng alibughang anak, ano ang ginawa ng bunsong anak na lalakisa kanyang mana? (Tingnan sa Lucas 15:13. Pansinin na ang ibig sabihin ngalibugha ay mapag-aksaya.) Sa anong mga paraan nakagagawa ang mga tao sangayon ng pagkakamaling tulad ng ginawa ng alibughang anak?

• Ano ang nangyari sa alibughang anak matapos niyang aksayahin ang lahat ng kanyang mana? (Tingnan sa Lucas 15:14–16.) Paano ito umiiral sa atingpanahon?

• Nang mangailangan ang alibughang anak, sino sa malayong bansa angnagmalasakit sa kanya? (Tingnan sa Lucas 15:16.) Ano ang matututuhan natinmula rito?

• Sino ang naisip ng anak nang makita niyang wala ni isa man sa malayongbansa ang nagmamalasakit sa kanya? (Tingnan sa Lucas 15:17.) Ano angmatututuhan natin tungkol sa pagsisisi mula sa pag-uugali ng anak? (Tingnansa Lucas 15:18–19.)

• Ano ang ginawa ng ama nang makita niyang nagbalik ang kanyang anak?(Tingnan sa Lucas 15:20.) Paano tumugon ang ama sa pagtatapat ng kanyanganak? (Tingnan sa Lucas 15:21–24.) Paano naging katulad ng pagtugon ngPanginoon ang pagtugon ng ama kapag nagsisisi tayo? (Tingnan sa Lucas 15:7;Mosias 26:30; Doktrina at mga Tipan 58:42.)

• Sa anong mga paraan tayo katulad ng alibughang anak? (Tingnan ang siping-banggit na nasa ibaba.) Anong pag-asa ang ibinibigay sa atin ng talinghaga ngalibughang anak?

Sa pagtukoy sa talinghaga ng alibughang anak ay ganito ang sinabi niPangulong Gordon B. Hinckley: “Hinihiling ko sa inyo na basahin angkuwentong iyon. Dapat itong basahin nang paulit-ulit ng bawat magulang.Napakalawak nito kaya’t nasasakop nito ang bawat sambahayan, at higit pangnapakalawak kung kaya’t nasasakupan nito ang buong sangkatauhan, dahilhindi nga ba tayong lahat ay mga alibughang anak na kailangang magsisi atmakibahagi sa mapagpatawad na awa ng ating Ama sa Langit at pagkatapos aysundan ang Kanyang halimbawa?” (“Of You It Is Required to Forgive,” Ensign,Hunyo 1991, 5).

• Bakit nagalit ang nakatatandang anak na lalaki sa paraan ng pagtanggap ngkanyang ama sa nakababatang anak na lalaki? (Tingnan sa Lucas 15:25–30.)Paano tumugon ang ama sa reklamo ng nakatatandang anak? (Tingnan sa

Aralin 18

95

Lucas 15:31–32.) Bakit mahirap kung minsan na tanggaping muli ang isang“alibughang anak” na nagsisi? Ano ang matututuhan natin mula sa nagingpagtugon ng lalaking ito sa kanyang nagbalik na anak? (Tingnan sa Lucas15:32.)

3. Ang isang lalaking ketongin na pinagaling ni Jesus ay nagbalik upangmagpasalamat sa kanya.

Basahin at talakayin ang Lucas 17:11–19. Ipakita ang larawan ng sampungketongin.

• Habang patungo ang Tagapagligtas sa Jerusalem ay pinagaling niya angsampung ketongin (Lucas 17:11–14). Sa sampung ketongin na iyon, ilan angnagbalik upang magpahayag ng pasasalamat? (Tingnan sa Lucas 17:15–16.)Ano ang ilang dahilan kung bakit tayo, tulad ng siyam na ketongin na hindinagpasalamat, ay hindi palaging nagpapahayag ng ating pasasalamat para samga biyayang tinatanggap natin? Bakit mahalagang magpahayag tayo ngpasasalamat sa Panginoon?

• Kahit na nalinis ang sampung ketongin, tanging ang nagbalik na lalaki anglubusang gumaling (Lucas 17:14, 19). Ano ang kaibahan ng paggaling sakaramdaman at paggaling ng buong pagkatao? (Tingnan ang siping-banggit na nasa ibaba.) Paano nakatutulong sa paggaling ng ating buong pagkatao angating pasasalamat at pananampalataya?

Itinuro ni Obispo Merrill J. Bateman na: “Sa paggaling ng buong pagkatao, angnagpasalamat na ketongin ay pinagaling kapwa sa loob at labas. Noong araw naiyon siyam na ketongin ang gumaling sa sakit nila sa balat, ngunit iisa lamangang may pananampalataya upang gumaling ang kanyang buong pagkatao” (sa Conference Report, Abr. 1995, 16; o Ensign, Mayo 1995, 14).

Katapusan Magpatotoo na nakadarama tayo ng malaking kagalakan kapag nagsisisi tayo atnagbabalik sa Panginoon at kapag tinutulungan natin ang iba na magbalik sakanya. Maaari ninyong naising magpahayag ng pasasalamat sa mga talinghaga niJesus at sa iba pang mga turo na nagpapakita sa pagmamahal ng Diyos para sakanyang mga anak at sa kanyang pagnanais na mahalin natin ang bawat isa.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang itobilang bahagi ng aralin

1. Ang talinghaga ng aliping walang kabuluhan

Basahin at talakayin ang talinghaga ng aliping walang kabuluhan (Lucas 17:5–10).

• Inilahad ni Jesus ang talinghagang ito matapos hilingin sa kanya ng mgaApostol na, “Dagdagan mo ang pananampalataya namin” (Lucas 17:5). Anoang matututuhan natin mula sa talinghaga na ito tungkol sa kung paano natinmadaragdagan ang ating pananampalataya? (Maaaring maibilang sa mga sagotang paglago ng ating pananampalataya sa pamamagitan ng masigasig napaglilingkod sa Panginoon.)

96

• Bakit tayo mga aliping walang kabuluhan kahit na ginagawa natin ang lahatng bagay na inuutos ng Panginoon na gawin natin? (Tingnan sa Mosias2:20–25.) Ano ang inihahayag nito tungkol sa pagmamahal na iniuukol sa atin ng Panginoon?

2. Ang talinghaga ng mga manggagawa sa ubasan

Basahin at talakayin ang talinghaga ng mga manggagawa sa ubasan (Mateo20:1–16).

• Sa talinghagang ito, ano ang tinanggap ng bawat manggagawa sa ubasan?

Bigyang-diin na ang mga nagtrabaho sa loob ng isang oras ay tumanggap ngkabayaran na tulad ng mga nagtrabaho nang buong araw. Hindi tayo dapat mag-alala sa kung sino ang tumatanggap ng pinakamarami o kung sino ang masgumagawa sa paglilingkod sa Panginoon. Ang perpektong Hukom sa lahat, nanakakaalam sa nilalaman ng ating puso, ay hahatol sa atin nang may awa atbibigyan tayo ng “nasa katuwiran” (Mateo 20:4, 7).

3. Pagpapalabas ng mga video

Ang ikaapat na yugto ng “New Testament Customs,” na pinili mula sa NewTestament Video Presentations (53914), ay maaaring magamit sa pagpapaliwanagkung paano pinakikitunguhan ang mga ketongin noong panahon ng BagongTipan at kung gaano kalaking pagpapala ang pagbabago ng buhay ng sampungketongin dahil pinagaling sila ni Cristo.

Ang yugtong ito ay naglalaman din ng impormasyon tungkol sa kung paanosinusukat ng mga Judio sa Bagong Tipan ang oras. Maaari ninyong naisingipalabas ang bahaging ito kung tinatalakay ninyo ang talinghaga ng mgamanggagawa sa ubasan (tingnan ang ikalawang karagdagang ideya sa pagtuturo),upang matulungan ang mga miyembro ng klase na higit na maunawaan angpuno ng sangbahayan na “lumabas nang malapit na ang ikatlong oras” atgayundin sa ikaanim, ikasiyam, at ikalabing-isang oras (Mateo 20:3, 5–6).

Aralin 18

97

98

Aralin

19“Pinagaling Ka ng

Pananampalataya Mo”Lucas 18:1–8, 35–43; 19:1–10; Juan 11

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na magkaroon ng mas malakas napananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Lucas 18:1–8. Sa pamamagitan ng talinghaga ng di-makatuwirang hukom atng balo ay itinuro ni Jesus ang kahalagahan ng masigasig na panalangin.

b. Lucas 18:35–43. Isang lalaking bulag ang nagpamalas ng kanyangpananampalataya at pinagaling siya ni Jesus.

c. Lucas 19:1–10. Tinanggap si Jesus sa tahanan ni Zaqueo.d. Juan 11:1–54. Nagpatotoo si Jesus tungkol sa kanyang kabanalan sa

pamamagitan ng pagpapabangon kay Lazaro mula sa mga patay.

2. Karagdagang pagbabasa: Marcos 10:46–52; Lucas 11:5–13; Gabay sa mga Banalna Kasulatan, “Pananampalataya,” 203–205.

3. Kung makukuha ang mga larawang Pinagagaling ni Jesus ang Bulag (34730893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 213) at Binubuhay ni Jesus si Lazaro mula sa mga Patay (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ngEbanghelyo 222), gamitin ang mga ito sa aralin.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Sinabi ni Pangulong David O. McKay na, “Maituturolamang ninyo nang mabisa ang mga bagay na nadarama ninyo mismo”(Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit A, Paksa 8, “Ang Patotooay Mahalaga sa Pagtuturo ng Ebanghelyo,” 16; Gospel Ideals [1953], 190).Magsaliksik sa pamamagitan ng pag-aaral, panalangin, at pagkamasunurinupang palakasin ang inyong patotoo tungkol sa mga alituntunin na inyongitinuturo. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit A,Paksa 8, “Ang Patotoo ay Mahalaga sa Pagtuturo ng Ebanghelyo,” 15–16.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Bago umalis patungong misyon si Elder Hugh B. Brown ay sinabi sa kanya ngkanyang ina:

“Hugh, naaalala mo pa ba noong maliit ka pa at nagkakaroon ka ng masamangpanaginip o gumigising ka sa gabi na nahihintakutan? Mula sa iyong silid aytumatawag ka at sinasabi mong, ‘Nanay, nariyan po ba kayo?’ at sasagot ako atsisikaping payapain ka at aalisin ang takot mo. Ngayong magmimisyon ka na at

Gawaing Pantawag-pansin

lalabas sa daigdig, may mga pagkakataon na mahihintakutan ka, na madaramamong nanghihina ka, na kulang ang iyong kakayahan, nag-iisa, at may mgaproblema. Gusto kong malaman mong maaari mong tawagin ang iyong Ama sa Langit na tulad ng pagtawag mo sa akin at sasabihin mong, ‘Ama, nariyan po ba kayo? Kailangan ko po ang inyong tulong.’ Gawin mo ito na taglay angkaalaman na nariyan Siya at handa Siyang tumulong sa iyo kung gagawin moang iyong bahagi at mamumuhay nang karapat-dapat sa iyong mga pagpapala.Gusto kong tiyaking muli sa iyo na nariyan Siya at sasagutin ang iyong mgapanalangin at pangangailangan para sa iyong lubos na ikabubuti” (isinalaysay ni Marvin J. Ashton, “Know He Is There,” Ensign, Peb. 1994, 50).

Ipaliwanag na sa araling ito ay pag-aaralan natin ang mga pangyayari sa banal na kasulatan na makatutulong sa atin na magkaroon ng mas malakingpananampalataya na kilala at mahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang bawatisa sa atin.

Piliin ng buong panalangin ang mga talata sa banal na kasulatan, mga tanong, at iba pang materyal ng aralin na pinakamainam na makatutugon sa mgapangangailangan ng mga miyembro ng klase. Talakayin kung paano maisasagawasa pang-araw-araw na buhay ang mga piniling banal na kasulatan. Himukin angmga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na may kaugnayan samga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Inilahad ni Jesus ang talinghaga ng di-makatuwirang hukom at ng balo.

Basahin at talakayin ang Lucas 18:1–8. Ipaliwanag na inilahad ni jesus angtalinghaga sa isang grupo ng mga Fariseo.

• Sang-ayon sa Lucas 18:1, bakit ibinigay ni Jesus ang talinghaga ng di-makatuwirang hukom at ng balo? Paano itinuturo ng talinghagang ito na“dapat tayong palaging manalangin”? (Tingnan sa Lucas 18:1–8.)

Itinuro ni Elder James E. Talmage na, “Hindi binanggit ni Jesus na kungpaanong pinagbigyan ng masamang hukom ang pagsusumamo ay gayundinnaman ang gagawin ng Diyos; kundi binigyan Niya ng diin na kung ang isangtaong tulad ng hukom na ito, na ‘hindi natatakot sa Diyos, at ni hindinagpipitagan sa tao,’ ay pinakinggan at pinagbigyan ang kahilingan ng balo sa bandang huli, kaya walang sinumang dapat mag-alinlangan na ang Diyos,ang Makatarungan at Maawain, ay makikinig at sasagot sa pagsusumamo”(Jesus the Christ, ika-3 edisyon [1916], 436).

• Ano ang ibig sabihin ng palaging manalangin? (Tingnan sa Lucas 18:7; Alma34:27.) Anong mga biyaya ang maaaring dumating sa atin kapag palagi tayongnananalangin? (Tingnan sa Lucas 18:7–8; 2 Nephi 32:9; Doktrina at mga Tipan90:24.)

• Paano naging pagpapairal ng pananampalataya ang pagiging masigasig sapanalangin? Ano ang dapat nating gawin kapag naging masigasig tayo sapananalangin at nadama nating wala pa tayong natatanggap na kasagutan?

Sinabi ni Elder Richard G. Scott:

“Mali ang mag-akala na ang bawat panalangin na ating inaalay ay sasagutinkaagad. Ang ilang panalangin ay nangangailangan ng kaunting pagsisikap saating panig. . . .

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

99

“Kapag ipinapaliwanag natin ang isang problema at iminumungkahi angkalutasan [sa ating Ama sa Langit], kung minsan ay sumasagot Siya ng oo,kung minsan ay hindi. Kadalasan ay inaantala niya ang sagot, hindi dahil sakakulangan ng pagmamalasakit, kundi dahil mahal Niya tayo—nang lubusan.Nais niyang ipamuhay natin ang mga katotohanang ibinigay Niya sa atin.Upang umunlad, kailangan nating magtiwala sa ating kakayahang gumawa ngmga tamang pagpapasiya. Kailangan nating gawin ang nadarama nating tama.Hindi magtatagal, Siya ay sasagot. Hindi niya tayo bibiguin” (sa ConferenceReport, Okt. 1989, 38; o Ensign, Nob. 1989, 30–31).

• Ano ang natutuhan ninyo sa pagiging masigasig ninyo sa panalangin?

2. Ipinamalas ng isang bulag na lalaki ang kanyang pananampalataya atpinagaling siya ni Jesus.

Basahin at talakayin ang Lucas 18:35–43. Ipakita ang larawang pinagagaling niJesus ang bulag.

• Paano ipinakita ng bulag na lalaki na malapit sa Jerico na maypananampalataya siya sa Panginoon? (Tingnan sa Lucas 18:38–42.) Paano kayopinagpala sa pagpapairal ninyo ng pananampalataya kay Jesucristo?

• Paano ipinakita ng lalaki ang pasasalamat nang magkaroon na siya ngpaningin? (Tingnan sa Lucas 18:43; tingnan din sa Marcos 10:52.) Paano natinmaipakikita ang ating pasasalamat sa Panginoon?

3. Tinanggap si Jesus sa tahanan ni Zaqueo.

Basahin at talakayin ang Lucas 19:1–10.

• Sino si Zaqueo? (Tingnan sa Lucas 19:2. Ipaliwanag na ang mga maniningil ngbuwis (publikano) ay mga Judio na nagtatrabaho bilang mga tagasingil ngbuwis para sa pamahalaang Romano. Karaniwang hindi gusto ng mga Judioang mga maniningil ng buwis at itinuturing silang mga taksil at makasalanan.)

• Paano ipinakita ni Zaqueo ang kanyang matinding paghahangad na makita siJesus? (Tingnan sa Lucas 19:3–4.) Ano ang sinabi ni Jesus kay Zaqueo mataposniyang makita ito sa puno? (Tingnan sa Lucas 19:5.) Paano tumugon si Zaqueosa mga salita ni Jesus? (Tingnan sa Lucas 19:6.) Ano ang maaari nating gawinupang buong kagalakan nating tanggapin ang Tagapagligtas sa ating tahanan?

• Ano ang naging reaksiyon ng mga tao nang magtuloy si Jesus kina Zaqueoupang manatili doon? (Tingnan sa Lucas 19:7.) Paano naiba ang sagot ni Jesuskay Zaqueo sa sagot ng iba? (Tingnan sa Lucas 19:5.) Ano ang matututuhannatin mula sa halimbawa ni Jesus sa pangyayaring ito?

• Maraming tao ang umiwas kay Zaqueo dahil sa kanyang trabaho bilang isangmaniningil ng buwis (Lucas 19:2, 7; Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Maniningil ng Buwis, Mga” ). Sa anong mga paraan tayo kung minsannakagagawa ng katulad na mga panghuhusga laban sa ibang tao? Bakitmahalagang hindi natin iwasan ang iba o isipin na mas mabuti tayo kaysakanila? (Tingnan sa Alma 5:54–56; 38:13–14.) Paano natin mapaglalabananang hindi mabuting damdamin sa iba?

Sinabi ni Elder Joe J. Christensen na: “May mga taong gumigising tuwingumaga na natatakot magpunta sa paaralan, o kahit na sa gawain sa Simbahan,

100

dahil nag-aalala sila na baka kung ano ang gawing pakikitungo sa kanila. Nasainyo ang kapangyarihang baguhin ang kanilang buhay upang mas bumutiito. . . . Umaasa ang Panginoon sa inyo na magiging tagapag-angat kayo attutulungan ninyo sila. Huwag ninyong pakaisipin ang inyong sarili at lalopang isipin ang kapangyarihang nasa inyo upang matulungan ang iba, magingang mga taong bahagi mismo ng inyong pamilya” (sa Conference Report, Okt.1996, 54; o Ensign, Nob. 1996, 39).

4. Binuhay ni Jesus si Lazaro mula sa mga patay.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Juan 11:1–54. Ipaliwanag na pagkatapos na pagkatapos na magpunta si Jesus sa tahanan ni Zaqueo, aynakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang mga kaibigan na sina Maria at Marta na nagsasaad na ang kanilang kapatid na si Lazaro, na matalik dingkaibigan ni Jesus, ay maysakit (Juan 11:1–5). Makalipas ang dalawang araw,inutusan ni Jesus ang kanyang mga disipulo na sumama sa kanya sa Betania, anglungsod sa Judea kung saan nakatira sina Maria, Marta, at Lazaro (Juan 11:6–7).

• Nang magbalik si Jesus sa Betania ay apat na araw nang patay si Lazaro (Juan11:17). Ano ang ginawa ni Marta nang marinig niyang darating si Jesus?(Tingnan sa Juan 11:20.) Ano ang hinangaan ninyo sa patotoo ni Martatungkol sa banal na misyon ng Tagapagligtas? (Tingnan sa Juan 11:21–27.)

• Ano ang ginawa ni Jesus nang makita niyang umiiyak si Maria at ang iba pang mga tao? (Tingnan sa Juan 11:33–35.) Paano naiimpluwensiyahan ng pangyayaring ito ang inyong damdamin tungkol kay Jesus?

• Sa kabila ng kanyang matatag na patotoo ay tila nanghina angpananampalataya ni Marta nang hilingin ni Jesus na alisin ang bato salibingan ni Lazaro (Juan 11:39). Paano siya tinulungan ni Jesus? (Tingnan sa Juan 11:40.) Ano ang matututuhan natin dito tungkol sa inaasahan ngPanginoon sa atin?

• Ano ang maituturo sa atin ng panalangin ni Jesus bago niya binuhay si Lazarotungkol sa kanyang kaugnayan sa kanyang Ama? (Tingnan sa Juan 11:41–42.)Paano natin masusundan ang halimbawa ni Jesus sa ating pansarili atpangmag-anak na mga panalangin?

Ipakita ang larawan ni Jesus na binubuhay si Lazaro mula sa mga patay, atanyayahan ang isang miyembro ng klase na basahin ang Juan 11:43–44.

• Tapos nang buhayin ni Jesus ang dalawang tao mula sa mga patay (Marcos5:22–24, 35–43; Lucas 7:11–17). Paano naging kaiba ang pagbuhay kay Lazarosa naunang dalawang pangyayari? (Ang anak na babae ni Jairo at ang anak na lalaki ng balo ng Nain ay binuhay mula sa mga patay pagkatapos napagkatapos maghiwalay ng kanilang katawan at espiritu. Hindi sila nailagay sa libingan. Apat na araw nang patay si Lazaro at ang kanyang katawan aynasa loob na ng libingan.)

• Paano naging saksi ng banal na misyon ng Tagapagligtas ang himala ngpagbuhay kay Lazaro mula sa mga patay? Ano ang naging epekto ng himalang ito sa mga taong nakasaksi nito? (Tingnan sa Juan 11:45–46.) Paano nakapagpapalakas ng inyong pananampalataya sa Tagapagligtas anghimalang ito?

Aralin 19

101

Katapusan Ipaliwanag na ang mga alituntuning itinuturo sa mga pangyayaring tinalakayninyo ay makapagpapalakas sa ating pananampalataya sa Ama sa Langit at kayJesucristo. Matapos na sandaling pagbalik-aralan ang mga pangyayari, basahinang sumusunod na pahayag ni Elder Thomas S. Monson:

“Ang paglipas ng panahon ay hindi nakapagpabago sa kakayahan ng Manunubosna baguhin ang buhay ng mga tao. Kagaya ng sinabi niya sa patay na si Lazaro,ay gayundin ang sinasabi niya sa inyo at sa akin: ‘ . . . lumabas ka.’ (Juan 11:43.)Lumabas ka mula sa kawalang pag-asa ng pag-aalinlangan. Lumabas ka mula sa pighati ng kasalanan. Lumabas ka mula sa kamatayan ng kawalan ngpananampalataya. Lumabas ka tungo sa bagong buhay. Lumabas ka” (saConference Report, Abr. 1974, 72; o Ensign, Mayo 1974, 50).

Himukin ang mga miyembro ng klase na maghanap ng mga paraan kung paanonila mapalalakas ang kanilang pananampalataya sa Ama sa Langit at kayJesucristo.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

Ang talinghaga ng Fariseo at ng maniningil ng buwis

Basahin at talakayin ang talinghaga ng Fariseo at ng maniningil ng buwis (Lucas 18:9–14).

• Paano ninyo ilalarawan ang panalangin ng Fariseo sa talinghagang ito? Paano ninyo ilalarawan ang panalangin ng maniningil ng buwis?

• Ano ang ibig sabihin ng “Ang bawat nagmamataas sa kaniyang sarili aymabababa; datapuwa’t ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas”?(Tingnan sa Lucas 18:14; Eter 12:27.)

102

103

Aralin

20“Sa Aba Ninyo . . . mgaMapagpaimbabaw”Mateo 21–23; Juan 12:1–8

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na makilala at maiwasan angpagpapaimbabaw at sa gayon ay patatagin ang kanilang pangako kay Jesucristo.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Juan 12:1–8. Naglakbay si Jesus sa Betania, kung saan pinahiran ni Maria nglangis ang kanyang mga paa. Binatikos ni Judas ang paggamit ni Maria ngmamahaling langis.

b. Mateo 21:1–11. Nagbalik si Jesus sa Jerusalem para sa Pista ng Paskua.Ginawa niya ang matagumpay na pagpasok sa lungsod, na nakasakay sabatang asno na anak ng babaeng asno.

c. Mateo 21:23–46. Ang mga punong saserdote at elder ay lumapit kay Jesus sa templo at hinamon ang kanyang awtoridad. Sa halip na sagutin angkanilang mga tanong, isinalaysay ni Jesus sa kanila ang talinghaga ngdalawang anak na lalaki at ang talinghaga ng puno ng sangbahayan.

d. Mateo 22:15–46. Tinangkang hulihin ng mga eskriba at Fariseo si Jesus sapagsasabi ng isang bagay na maaari nilang gamitin na panira at pantuligsasa kanya.

e. Mateo 23. Binatikos ni Jesus ang mga eskriba at Fariseo sa kanilangpagpapaimbabaw.

2. Karagdagang pagbabasa: Mateo 26:6–13; Marcos 11–12; 14:3–9; Lucas 11:37–51;19:29–48; 20; Juan 12:12–18; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Fariseo, Mga,”64–65 at “Saduceo, Mga,” 220.

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, magdala ng isang tasana malinis ang labas at loob at isang katulad na tasa na malinis ang labasngunit marumi ang loob.

4. Kung makukuha ang larawang Ang Matagumpay na Pagpasok (34730 893;Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 223), gamitin ito sa aralin.

5. Mungkahi sa pagtuturo: Habang naghahanda kayong magturo, dapat ay hindi lamang ninyo basahin ang itinakdang mga banal na kasulatan. Pag-aralan ang bawat banal na kasulatan ng kahit tatlong ulit man lamang. Sa unang pagkakataon, basahin ito upang maunawaan ang nilalaman ngtalata. Pagkatapos ay mas maingat itong pag-aralan, na hinahanap ang mgaalituntunin, doktrina, at makabuluhang pangyayari. Pagkatapos ay muli itong basahin, na inaalam kung aling mga talata ang pinakamainam namakatutugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng klase atpinaplano ang mga paraan kung paano tatalakayin ang mga talatang iyon.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ipakita ang dalawang tasa (tingnan ang bahaging “Paghahanda”). Tiyaking anglabas lamang ng tasa ang nakikita ng mga miyembro ng klase.

• Alin sa dalawang tasang ito ang mas gugustuhin ninyong inuman?

Ipakita sa mga miyembro ng klase ang loob ng bawat tasa.

• Ngayon aling tasa ang mas gugustuhin ninyong inuman? Bakit?

Ipaliwanag na inihambing ni Jesus ang mga Fariseo sa isang tasa na malinis salabas ngunit marumi sa loob (Mateo 23:25–26). Ang mga Fariseo ay masyadongnagbibigay pansin sa panlabas na mga ordenansa at kilos na nagpapakita na tilamatwid sila, ngunit hindi nila talagang binibigyang halaga ang pagiging matwidsa kanilang puso. Dahil dito ay tinawag sila ni Jesus na mga mapagpaimbabaw.Tatalakayin sa araling ito ang pagbatikos ng Tagapagligtas sa mgamapagpaimbabaw—mga taong nagsisikap na magmukhang matwid ngunit hindi naman nagsisikap na mamuhay nang matwid.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung ano ang itinuturo ng mga ito tungkol sa pag-iwas sa pagigingmapagpaimbabaw. Himukin ang mga miyembro ng klase na ituon ang kanilangpansin sa pagtukoy at pagtutuwid ng pagpapaimbabaw sa kanilang sarilingbuhay, sa halip na hanapin ito sa ibang tao.

1. Pinahiran ni Maria ng langis ang mga paa ni Jesus.

Basahin at talakayin ang Juan 12:1–8. Ipaliwanag na limang araw bago sumapitang Pagpapako sa Krus ay ginugol ni Jesus ang isang gabi sa piling ng kanyangmga kaibigan sa Betania. Doon pinahiran ni Maria, na kapatid nina Marta atLazaro, ang mga paa ng Tagapagligtas ng langis ng unguentong taganas nanardo, isang mamahaling pamahid (Juan 12:1–3). Ipinaliwanag ni Elder James E.Talmage kung bakit niya ginawa ang ganito:

“Ang pagpapahid ng pangkaraniwang langis sa ulo ng isang panauhin aypagpapakita ng paggalang sa kanya; ang pagpapahid ng langis sa kanyang mgapaa ay pagpapakita ng hindi pangkaraniwan at natatanging pagpapahalaga;subalit ang pagpapahid ng unguentong taganas na nardo sa ulo at paa, nangmaramihan, ay pagpapakita ng napakataas na pagpapahalaga na madalang gawinmaging sa mga hari. Ang ginawang ito ni Maria ay pagpapahayag ng pagsamba;iyon ay matimyas na pag-uumapaw ng puso na puspos ng pagsamba atpagmamahal” (Jesus the Christ, ika-3 edisyon [1916], 512).

• Pinahiran ni Maria ng langis ang mga paa ng Panginoon upang ipakita angkanyang pagmamahal sa kanya. Paano natin ipinakikita ang atingpagmamahal sa Panginoon?

• Ang mga ginawa ni Maria ay binatikos ni Judas. Ano ang sinabi niyang dapatna ginawa sa pamahid? (Tingnan sa Juan 12:4–5.) Paano naging

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

104

mapagpaimbabaw si Judas? (Tingnan sa Juan 12:6. Kung hindi ninyo ginamitang gawaing pantawag-pansin, gamitin ang impormasyon sa gawain upangipaliwanag kung ano ang mapagpaimbabaw. Bigyang-diin na sa bandang huling aralin ay tatalakayin kung ano ang nadarama ng Tagapagligtas tungkol samga mapagpaimbabaw.)

2. Ginawa ni Jesus ang matagumpay na pagpasok sa Jerusalem.

Basahin at talakayin ang Mateo 21:1–11. Ipakita ang larawan ng matagumpay napagpasok ni Jesus. Ipaliwanag na nang magbalik si Jesus sa Jerusalem para saPaskua ay maraming tao ang nagpunta sa kanya dahil narinig nila na binuhayniya si Lazaro mula sa mga patay (Juan 12:17–18). Nang papalapit na si Jesus salungsod, siya ay binati ng maraming tao na naglatag ng kanilang mga kasuotansa kanyang daraanan at sinalubong siya na may hawak na mga sanga ng punongkahoy [o palaspas], parangal na karaniwang inilalaan sa mga hari at mananakop.Isinakatuparan nito ang isang propesiya ni Zacarias (Zacarias 9:9) at ito aykaragdagan pang saksi na si Jesus ang ipinangakong Mesiyas.

• Ano ang nakaantig sa inyo sa pangyayaring si Jesus ay nakasakay sa asno nangbuong kababaang-loob gayunman ay puno ng tagumpay na pumasok saJerusalem? Ano kaya ang maaaring nadama ninyo kung naroon kayo nangaraw na iyon?

• Si Jesus ay kinilalang propeta at hari ng mga taong sumalubong sa kanya namay hawak na mga sanga ng punong kahoy (Mateo 21:9, 11; Lucas 19:38),ngunit hindi naunawaan ng iba ang kanyang misyon o tinanggihan siya. Sa paanong mga paraan hindi nauunawaan o tinatanggihan ng mga tao sangayon ang Tagapagligtas? Paano natin siya mas lubos na matatanggap atmapapapasok sa ating buhay?

3. Ibinigay ni Jesus ang talinghaga ng dalawang anak na lalaki at angtalinghaga ng puno ng sangbahayan.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mateo 21:23–46.

• Sa talinghaga ng dalawang anak na lalaki, paano pinatunayan ng unang anak na mas masunurin siya kaysa sa ikalawang anak? (Tingnan sa Mateo21:28–30.) Paano iniugnay ni Jesus ang talinghagang ito sa kanyang mgatagapakinig? (Tingnan sa Mateo 21:31–32; tingnan din ang Pagsasalin niJoseph Smith ng Mateo 21:33.) Paano naging katulad ng unang anak ang mga maniningil ng buwis at patotot? (Sa una ay tinanggihan nila ang mgakautusan ng Diyos, ngunit nang mangaral si Juan sa kanila ay tinanggap nila si Cristo at pinagsisihan ang kanilang mga kasalanan.) Paano naging katuladng ikalawang anak ang mga punong saserdote at elder? (Sinasabi nilangsinusunod nila ang Diyos, ngunit tinanggihan nila ang mga aral ni Juan attinanggihan nila si Jesus kahit na matapos nilang makita siya.) Paano nagingmapagpaimbabaw ang ikalawang anak?

• Anong mga pangako ang ginawa natin sa Panginoon? (Maaari ninyong naisingtalakayin ang mga pangakong tulad ng mga ginawa natin sa binyag, sapagtanggap ng sakramento, at pagtanggap ng pagkasaserdote.) Paano tayokatulad ng ikalawang anak kung minsan? Paano natin mapatatatag ang atingpangako sa Panginoon? Paano natin matutulungan ang bawat isa na matupadang mga pangakong ginawa natin sa Panginoon?

Aralin 20

105

• Sa talinghaga ng puno ng sangbahayan (Mateo 21:33–41), sino angisinasagisag ng puno ng sangbahayan, o panginoon ng ubasan? (Ang atingAma sa Langit.) Ng mga magsasaka? (Ang mga pinuno ng relihiyon ng mgaJudio noong kapanahunan ni Jesus.) Ng mga alipin? (Ang mga propeta.) Ng anak na pinatay ng mga magsasaka? (Si Jesucristo.)

• Paano naging katulad ng mga magsasaka ang mga pinuno ng relihiyon ng mgaJudio? Ano ang inamin ng mga punong saserdote at elder na mangyayari samga magsasaka kapag dumating na ang panginoon ng ubasan? (Tingnan saMateo 21:41.)

• Sino “ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali”? (Tingnan sa Mateo21:42; Mga Gawa 4:10–12.) Sino ang nangagtatayo? Ano ang sinabi ni Jesus namangyayari sa mga nangagtatayo na tatanggi sa panulukang bato? (Tingnan saMateo 21:43–44.) Paano naaangkop sa atin ang mga salita ni Jesus sa talata 43?

• Paano tumugon ang mga punong saserdote at Fariseo nang matanto nilangsila ang tinutukoy ni Jesus sa mga talinghagang ito? (Tingnan sa Mateo21:45–46.) Paano natin mapaglalabanan ang anumang kapalaluan o pagkagalitna maaaring madama natin kapag tinatawag tayong magsisi?

4. Tinangkang hulihin [sa pananalita] ng mga eskriba at Fariseo si Jesus.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mateo 22:15–46. Ipaliwanagna itinala ng mga talatang ito ang tatlong ulit na pagtatangka ng mga Fariseo atSaduceo na hulihin si Jesus sa pagsasabi ng isang bagay na magagamit nila upangsiraan at tuligsain siya.

• Paano unang tinangkang hulihin ng mga Fariseo si Jesus? (Tingnan sa Mateo22:15–17. Ipaliwanag na kung sumagot ng oo si Jesus sa katanungan ay maaarinilang ibintang na itinataguyod niya ang kinasusuklamang pamahalaan ngRoma. Kung sumagot siya ng hindi ay maaari nilang ibintang na nag-aalsa siyalaban sa pamahalaan.) Ano ang nadama ni Jesus tungkol sa mga nagtatanongsa kanya? (Tingnan sa Mateo 22:18. Bigyang-diin na alam ng Panginoon angnilalaman ng ating mga puso at isipan. Wala tayong maitatago sa kanya.)Paano sinagot ni Jesus ang tanong? (Tingnan sa Mateo 22:19–21.) Paano tayo magagabayan ng sagot na ito tungo sa pagbibigay pugay sa Diyos at sa makalupang mga pamahalaan? (Tingnan din sa Mga Saligan ngPananampalataya 1:12.)

• Paano tinangkang hulihin ng mga Saduceo si Jesus? (Tingnan sa Mateo22:23–28.) Paano naging mapagpaimbabaw ang mga Saduceo sa kanilangpagtatanong? (Tingnan sa Mateo 22:23. Nagkunwari silang nag-aalala tungkolsa kasal sa pagkabuhay na mag-uli, ngunit hindi naman sila naniniwala sapagkabuhay na mag-uli.) Paano sinagot ni Jesus ang tanong nila? (Tingnan saMateo 22:29–30. Ipaliwanag na nililinaw ng Doktrina at mga Tipan 132:15–16,19 ang turo ni Jesus. Ang mga taong hindi gumawa at tumupad sa mga tipanng kasal sa templo ay mananatiling nag-iisa sa langit. Sa mga gumagawa attumutupad sa mga tipang ito, ang kasal ay magtatagal hanggang sa kawalang-hanggan.)

• Ano ang ikatlong pagtatangka para hulihin si Jesus? (Tingnan sa Mateo22:34–36.) Paano nilutas ng sagot ni Jesus ang tanong na ito? (Tingnan saMateo 22:37–40.) Bakit sa palagay ninyo napakahalaga ng dalawang kautusan

106

na ito? Ano ang maaari nating gawin upang lubos nating maipamuhay angmga kautusang ito?

Sinabi ni Elder Howard W. Hunter na: “Ang nagmamahal sa Panginoon ng buoniyang puso ay siya . . . na handang talikuran, gawin, o danasin ang anumangbagay upang matuwa at luwalhatiin siya. Ang nagmamahal sa Diyos ng buoniyang kaluluwa ay siya . . . na handang ibuwis ang kanyang buhay para sakanyang kapakanan at handang mapagkaitan ng mga kaginhawahan ngdaigdig upang luwalhatiin siya. Ang nagmamahal sa Diyos ng buo niyanglakas ay siya na ginagawa ang lahat sa abot ng makakaya ng kanyang katawanat kaluluwa upang maglingkod sa Diyos. Ang nagmamahal sa Diyos ng buoniyang isip ay siya na ang tanging hangad ay makilala ang Diyos at malamanang kanyang kalooban, na nakikita ang Diyos sa lahat ng bagay at kinikilalasiya sa lahat ng paraan” (sa Conference Report, Abr. 1965, 58; o ImprovementEra, Hunyo 1965, 512).

5. Isinusumpa ni Jesus ang kasalanan ng pagiging mapagpaimbabaw.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mateo 23.

• Ang mga eskriba at Fariseo ay nagbabayad ng ikapu, naglilimos sa mahihirap,dumadalo sa mga pagsamba, at palaging nagpupunta sa templo. Ano angdahilan kung bakit sila isinumpa ng Panginoon? (Tingnan sa Mateo 23:5, 14,23–28. Ginawa nila ang mga bagay na ito hindi dahil sa pananampalataya,kundi dahil sa pagnanais na makita sila ng ibang mga tao na sila ay matwid.)Anong “lalong mahahalagang bagay” ang sinabi ng Panginoon na hindi nilaginawa? (Tingnan sa Mateo 23:23.) Paano tayo makatitiyak na hindi natinnakakaligtaan ang “lalong mahahalagang bagay” na ito sa ating sarilingbuhay?

• Bilang mga miyembro ng Simbahan, paano tayo kung minsan nagiging mgamapagpaimbabaw? (Halimbawa, kapag dumadalo tayo sa mga pulong ngSimbahan ay maaaring mas nais nating makita tayo ng iba sa halip nasambahin ang Diyos. Maaaring nagrereklamo tayo tungkol sa mga iniaatas ngSimbahan kung saan hindi tayo gaanong napapansin sa ating paglilingkod.Maaaring sinasang-ayunan natin ang ating mga pinuno sa Simbahan atpagkatapos ay tinutuligsa ang kanilang mga pasiya.)

• Ano ang maaari nating gawin upang maiwasan ang pagigingmapagpaimbabaw? Hilingan ang mga miyembro ng klase na tahimik na isaalang-alang ang mga tanong na ito: Nagbabayad ba ako ng ikapu,naglilimos sa mahihirap, dumadalo sa mga pulong, at naglilingkod sa iba para sa aking sariling kaluwalhatian o para sa kaluwalhatian ng Diyos? Sa lahat ng aking mga kilos, hinahangad ko bang maging mas malapit sa aking Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Katapusan Himukin ang mga miyembro ng klase na suriin ang kanilang buhay kung maybahid ba ito ng pagpapaimbabaw at hangaring alisin ito. Magpatotoo na angtaimtim na paghahangad na maglingkod at sumunod kay Jesucristo, nabinigyang-sigla ng pagmamahal at pananampalataya sa kanya, ay mas maglalapitsa atin sa kanya at magdaragdag sa ating pagmamahal at pananampalataya.

Aralin 20

107

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang itobilang bahagi ng aralin.

1. Isinumpa ni Jesus ang isang hindi namumungang puno ng igos, isanghalimbawa ng pagpapaimbabaw.

Talakayin at basahin ang Mateo 21:17–22. Ipaliwanag na ang isa pang sagisag ngpagpapaimbabaw ay ang puno ng igos na nakita ni Jesus sa pagpunta niya saJerusalem.

• Ano ang ginawa ni Jesus nang matuklasan niyang maraming dahon ang punongunit walang bunga? (Tingnan sa Mateo 21:19.) Paanong katulad ngmapagpaimbabaw ang puno ng igos?

Ipinaliwanag ni Elder James E. Talmage na: “[Ang puno] ang ginawangtampulan ng sumpa at paksa ng mga ibinibigay na tagubilin ng Panginoon,dahil, sa pagkakaroon nito ng mga dahon, ito ay tila makapamumunga. Kung ang puno ay nagtataglay lamang ng kalayaang pumili, masasabi sananating mapagpaimbabaw ito, ang kawalan nito ng bunga at kasaganaan ngdahon nito ang tila katulad ng pagpapaimbabaw ng tao” (Jesus the Christ, ika-3 edisyon [1916], 527).

2. Pagpapalabas ng video

Ang ikalawang yugto ng “New Testament Customs,” na pinili mula sa NewTestament Video Presentations (53914), ang nagpapaliwanag sa paggamit ng mgaJudio ng pilakteria at tirintas sa mga laylayan. Kung hindi ninyo ipinalabas angyugtong ito sa aralin 9, maaari ninyo itong ipalabas ngayon upang matulunganang mga miyembro ng klase na maunawaan ang Mateo 23:5 (“nangagpapalapadsila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilangmga kasuotan”). Talakayin kung paano isinasagisag ng mga bagay na ito angpagpapaimbabaw ng mga eskriba at Fariseo.

3. “Iniibig nila ang kaluwalhatian sa mga tao” (Juan 12:43)

• Itinala ni Juan na maraming tao na naniniwala kay Jesus ang ayaw aminin ang kanilang paniniwala dahil “iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mgatao kay sa kaluwalhatian sa Dios” (Juan 12:42–43). Paano tayo masyadongnababahala kung minsan sa pagtanggap “ng kaluwalhatian sa mga tao”? Anoang mga kahihinatnan ng paghahangad sa “kaluwalhatian sa mga tao”? Paanonatin mapaglalabanan ang paghahangad na hanapin ang papuri at pagkilalang ibang tao? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 82:19; 88:67.)

108

109

Aralin

21“Ano ang Magiging Tanda ng Iyong Pagparito?”Mateo 24

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na makilala ang mga palatandaan namangyayari bago sumapit ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas at himukin angmga miyembro na ihanda ang kanilang sarili para sa dakilang pangyayaring ito.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mateo 24:1–5, 9–13, 15–22. Nagpropesiya si Jesus tungkol sa nalalapit napagkawasak ng Jerusalem.

b. Mateo 24:6–8, 14, 23–51. Inilarawan ni Jesus ang mga palatandaan namangyayari bago sumapit ang kanyang Ikalawang Pagparito at itinuro kungpaano makapaghahanda ang kanyang mga hinirang para sa kanyangpagparito.

2. Karagdagang pagbabasa: Marcos 13; Lucas 21:5–36; Doktrina at mga Tipan45:15–55.

3. Kung makukuha ang larawang Ang Ikalawang Pagparito (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 238), gamitin ito sa aralin.

4. Mungkahi para sa pagtuturo: Ang tawag upang magturo ay hindinangangailangan na alam ninyo ang lahat ng bagay tungkol sa ebanghelyo,kung kaya hindi kayo dapat mahiya kung magtatanong ang isang miyembrong klase ng katanungan na hindi ninyo masasagot. Sa halip na magbigay ngkasagutan na gawa-gawa lamang, aminin na hindi ninyo alam ang sagot atsabihing sisikapin ninyong humanap ng kasagutan.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Patanawin ang mga miyembro ng klase sa isang bintana at patingnan angkalangitan. Kung walang bintana sa silid-aralan, tanungin ang mga miyembro ngklase kung ano ang klima nang dumating sila sa simbahan. Pagkatapos ay hulaanang isang bagay na hindi mangyayari na may kinalaman sa klima. Halimbawa, kungmaaliwalas ang kalangitan at mainit sa labas, hulaan na uulan sa loob ng ilang oras.Kung malamig at umuulan sa labas at tila magpapatuloy ang pag-ulan, hulaan namagiging mainit at tuyo ang kapaligiran sa labas sa loob ng limang minuto.

Tanungin ang mga miyembro ng klase kung ano ang masasabi nila tungkol sanaging hula ninyo. Pagkatapos nilang magbigay puna, itanong ang mga sumunod:

• Ano ang inyong hula hinggil sa panahon sa susunod na mga oras? Ano angdahilan ninyo upang bigkasin ang gayong hula?

Gawaing Pantawag-pansin

• Paano maaaring makaimpluwensiya sa mga bagay na ating ginagawa ang mga palatandaan ng paparating na kalagayan ng panahon? (Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ng madalas tayong naghahanda batay sa mgapalatandaang ito. Halimbawa, maaari tayong magplano ng mga gawain salabas ng bahay kapag tila magiging maganda ang panahon, o maaaringgumawa tayo ng natatanging mga paghahanda para mapaghandaan ang isang malakas na bagyo.)

Bigyang-diin na ang paghula sa panahon ay isang situwasyon na kung saan ayumaasa tayo sa mga palatandaan upang matulungan tayong maghanda para sadarating na mga pangyayari. Kung babantayan natin ang mga palatandaan aymababawasan ang pagkakataon na mahuli tayong hindi handa. Gayundinnaman, ang pagbabantay natin sa mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo ang makatutulong sa atin upang makapaghanda para sa dakilangkaganapang iyon. Tinatalakay ng araling ito ang ilan sa mga palatandaan naipinropesiya ni Jesus na magaganap bago ang kanyang Ikalawang Pagparito.(Maaari ninyong naising bigyang-diin na ang hula ay tumutukoy sa isang bagayna maaaring mangyari, samantalang ang propesiya ay tumutukoy sa isang bagayna talagang mangyayari. Ang isang hula tungkol sa panahon ay maaaringmagkamali, ngunit ang mga propesiya sa mga banal na kasulatan tungkol saIkalawang Pagparito ay matutupad na lahat.)

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata sa banal na kasulatan,tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan na naghayag angPanginoon ng impormasyon na makatutulong sa atin upang makapaghanda parasa kanyang Ikalawang Pagparito. Sa kabila ng mga kahirapan sa mga huling araway maaari nating asamin nang may kagalakan ang dakilang pangyayaring ito.

Ipaliwanag na ang kabanata 24 ng Mateo ay naglalaman ng mga propesiya ngTagapagligtas tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem at tungkol sa kanyangIkalawang Pagparito. Sa paglipas ng panahon, ang mga talata sa kabanatang itoay binago at muling inayos kung kaya minsan ay mahirap maunawaan kungaling pangyayari ang inilalarawan ng isang partikular na talata. Sa kabutihangpalad, bilang bahagi ng kanyang inspiradong pagsasalin ng Biblia, nilinaw ngPropetang Joseph Smith ang dalawang propesiya at ipinanumbalik angkaragdagang impormasyon. Ang inspiradong pagsasalin ng Propeta sa Mateo 24ay matatagpuan sa Joseph Smith—Mateo sa Mahalagang Perlas. Ipinakikita ngaraling ito ang pagkakasunod ng mga talata na ginamit sa Joseph Smith—Mateoat kasama ang ilang karagdagang impormasyon na ibinigay sa pagsasaling iyon.

Ipakita ang larawan ng Ikalawang Pagparito sa buong oras ng aralin.

1. Nagpropesiya si Jesus tungkol sa nalalapit na pagkawasak ng Jerusalem.

Talakayin ang Mateo 24:1–5, 9–13, 15–22. Anyayahan ang mga miyembro ngklase na basahin ang mga piling talata. (Pansinin na sang-ayon sa PropetangJoseph Smith, ang mga talata 6–8 at 14 ay tumutukoy sa Ikalawang Pagparito niJesucristo. Tatalakayin ang mga ito sa kasunod na bahagi.)

• Ilang araw bago ipinako si Jesus ay sinamahan siya ng ilan sa kanyang mgadisipulo sa Bundok ng mga Olivo. Ano ang dalawang katanungan naitinanong ng mga disipulo kay Jesus? (Tingnan sa Mateo 24:3.)

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

110

Ipaliwanag na ang una nilang tanong na, “Kailan magaganap ang mga bagayna ito?” ay tumutukoy sa pagkawasak ng templo at ng lungsod ng Jerusalem,na ipinropesiya ni Jesus (tingnan sa Mateo 24:1–2; tingnan din sa Lucas19:41–44; 21:5–6). Ang ikalawa nilang tanong na, “Ano ang magigingpalatandaan ng inyong pagparito, at ng katapusan ng daigdig?” ay tumutukoysa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Ipaliwanag na nililinaw ng pagsasalinni Joseph Smith na ang ibig sabihin ng “katapusan ng daigdig” ay angpagkalipol ng masasama sa Ikalawang Pagparito, at hindi ang katapusan ngpag-iral ng mundo (Joseph Smith—Mateo 1:4).

• Anong mga palatandaan ang ipinropesiya ng Tagapagligtas na mangyayaribago ang pagkawasak ng Jerusalem? (Tingnan sa Mateo 24:4–5, 9–12.)

• Ano ang ipinagagawa ni Jesus sa kanyang mga tagasunod upang maiwasan angpagkalipol? (Tingnan sa Mateo 24:13, 15–18.) Bakit mahalagang hindi nasilabumalik sa kanilang mga tahanan minsang nakaalis na sila? (Tingnan sa Lucas9:62; Doktrina at mga Tipan 133:14–15.)

Ipaliwanag na kahit na maraming Judio ang hindi naniwala na ang kanilangmalaking lungsod at templo ay hindi maaaring gibain ay natupad pa rin ang mgapropesiya ng Panginoon noong A.D. 70. Sa paniniwalang darating ang Mesiyas attutulungan sila sa pakikidigma, ang mga Judio ay nag-alsa laban sa mga Romanonoong A.D. 66. Makaraan ang apat na taon ay nawasak ng mga Romano angbuong lungsod. Ang mga sumunod sa payo ng Tagapagligtas at nagtago sa mgakabundukan ay nangaligtas. Ang mga hindi nakinig sa payong ito ay ikinalat atnilipol.

2. Inilarawan ni Jesus ang mga palatandaan na magaganap bago angIkalawang Pagparito.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mateo 24:6–8, 14, 23–51.Paalalahanan ang mga miyembro ng klase na ang ikalawang tanong ng mgadisipulo ay hinggil sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Bigyang-diin na ang pagsasalin ni Joseph Smith ng Mateo 24 ay nagsasaad na marami sa mgapalatandaan na magaganap bago sumapit ang Ikalawang Pagparito ay magigingtulad ng mga pangyayaring naganap bago ang pagkawasak ng Jerusalem noongA.D. 70. Mawawasak muli ang Jerusalem bago magbalik ang Tagapagligtas.

Habang tinatalakay ninyo ang mga palatandaan at malalaking paghihirap namagaganap bago ang Ikalawang Pagparito ay ilista ang mga ito sa pisara.

• Anong mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ang nabanggit sa Mateo 24:6?Anong katibayan ang nakikita ninyo na natutupad ang mga propesiyang ito?Itinuro ng Panginoon na “hindi tayo dapat magulumihanan” nang dahil samga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan. Paano tayo makatatagpong kapayapaan sa ganito kaligalig na mga panahon? (Tingnan sa Mateo11:28–30; 1 Juan 4:16–18; Doktrina at mga Tipan 6:34–36; 45:34–35; 59:23.)

Ibinigay ni Elder M. Russell Ballard ang sumusunod na payo ng pag-asa atpanghihimok:

“Bagama’t sinasabi sa atin ng mga propesiya na magaganap ang mga bagay na ito, parami pa rin nang parami ang mga tao na nagpapakita ng malakingpagkabahala sa tila mabilis na lumaganap na kalamidad sa buong daigdig. . . .Aaminin natin na may sapat tayong dahilan na mabahala nang labis dahil wala

Aralin 21

111

tayong nakikitang kagyat na kasagutan sa tila walang kalutasang mga suliraninna kinakaharap ng mga tao sa mundo. Ngunit anuman ang tila walangkalutasang suliranin na ito, na tuluyan naman talagang magiging malala, hindinatin dapat pahintulutan ang ating sarili na mawalan ng pag-asa! . . .

“ . . . Ang Panginoon ang namamahala. Alam niya ang katapusan mula sasimula. Binigyan niya tayo ng sapat na tagubilin na, kung susundin, aymagliligtas sa atin sa anumang krisis. Matutupad ang kanyang mga layunin, atbalang-araw ay mauunawaan natin ang walang hanggang mga dahilan para salahat ng mga kaganapang ito. Kung gayon, kailangan tayong maging maingatngayon at huwag mag-alala nang labis, ni hindi tayo dapat maging lubhangabala sa labis na paghahanda; kundi ang kailangan nating gawin ay sundinang mga kautusan ng Diyos at huwag kailanman mawawalan ng pag-asa!

“Ngunit saan natin matatagpuan ang pag-asa sa gitna ng gayong kaguluhan at malaking kapahamakan? Madali lang, ang ating nag-iisang pag-asa saespirituwal na kaligtasan sa mga panahong ito ng kabalisahan ay ang ibaling ang ating mga isipan at ang ating mga puso kay Jesucristo. . . . Suot ang kalasag ng pananampalataya, ay mapagtatagumpayan natin angmarami sa ating pang-araw-araw na mga hamon at madadaig ang atingpinakamatitinding kahinaan at takot, na nalalaman na kung gagawin natinang lahat upang masunod ang mga kautusan ng Diyos, anuman ang mangyari,tayo ay mananatiling ligtas” (sa Conference Report, Okt. 1992, 41–43; oEnsign, Nob. 1992, 31–32).

• Anong mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ang inilalarawan sa Mateo24:7? Anong katibayan ang nakikita ninyo na nagpapatunay na ang mgapropesiyang ito ay nagaganap? Ano ang ipinayo sa atin ng mga propeta sa mga huling araw na gawin natin upang maging handa para sa mga natural na kalamidad na magaganap bago ang Ikalawang Pagparito?

• Anong palatandaan ng Ikalawang Pagparito ang inilalarawan sa Mateo 24:14?Paano naisasakatuparan ang propesiyang ito sa ngayon? (Lumalaganap anggawaing misyonero, at ang ebanghelyo ay naituturo at tinatanggap ngmaraming lugar sa buong daigdig.) Ano ang maaaring gawin ng bawat isa sa atin upang makatulong sa pagsasakatuparan ng propesiyang ito?

• Anong palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas ang inilalarawansa Mateo 24:24? Anong mga katibayan ang inyong nakikita na nagpapatunayna ang propesiyang ito ay natutupad? Paano natin maiiwasan ang madaya ngmga bulaang propeta? (Tingnan sa Mateo 7:15–20; Doktrina at mga Tipan45:57; 46:7–8.)

• Sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Mateo 24, sinasabi ni Jesus na kungpahahalagahan natin ang kanyang salita, tayo ay hindi malilinlang sa mgahuling araw (Joseph Smith—Mateo 1:37). Paano natin mapahahalagahan ang salita ng Panginoon? Paano nakatulong sa inyo ang pagpapahalaga sasalita ng Panginoon upang maiwasan ang malinlang?

• Sinabi ng Panginoon sa kanyang mga tagasunod sa Jerusalem na “[tumayo] sadakong banal” (Mateo 24:15), at ibinigay niya ang gayunding pagpapayo sa atingpanahon (Doktrina at mga Tipan 87:8; 101:22). Ano ang ilang dakong banal nakung saan ay dapat tayong tumayo? Paano makatutulong ang mga lugar na ito sa pangangalaga sa atin sa mga oras ng kahirapan sa mga huling araw?

112

Sinabi ni Pangulong Ezra Taft Benson na, “Ang mga banal na kalalakihan atbanal na kababaihan ay tumatayo sa banal na mga lugar, at ang banal na mga lugar na ito ay kinabibilangan ng ating mga templo, ating mga kapilya,ating mga tahanan, at ng mga istaka ng Sion, na sang-ayon sa pahayag ngPanginoon, ‘ay maaaring maging isang tanggulan, at isang kanlungan mula sa bagyo, at mula sa poot sa panahong ito [na] ibubuhos nang walang halo sabuong lupa’ (Doktrina at mga Tipan 115:6)” (“Prepare Yourselves for the GreatDay of the Lord,” Brigham Young University 1981 Fireside and Devotional Speeches[1981], 68; tingnan din sa Teachings of Ezra Taft Benson [1988], 106).

• Ano ang itinuro ni Jesus sa sumusunod na mga talata na tutulong sa atin namakapaghanda para sa kanyang Ikalawang Pagparito?

a. Ang talinghaga ng puno ng igos (Mateo 24:32–36).b. Ang paghahambing ng Ikalawang Pagparito sa kapanahunan ni Noe

(mga talata 37–39).c. Ang propesiya tungkol sa dalawang lalaki na nagtatrabaho sa bukid at ng

dalawang babaing nagsisigiling sa gilingan (mga talata 40–41).d. Ang talinghaga ng mabuting lalaki at ng magnanakaw (mga talata 42–44).e. Ang talinghaga tungkol sa panginoon at sa kanyang mga alipin (mga talata

45–51).

• Bakit mahalagang patuloy tayong magmasid at maghanda para sa pagdatingng Panginoon? Paano tayo makapagmamasid at makapaghahanda upangmakilala ang Panginoon?

• Ano ang mangyayari sa mabubuti kapag pumarito nang muli angTagapagligtas? (Tingnan sa Mateo 24:31; 45–47; I Mga Taga Tesalonica 4:16–18;Doktrina at mga Tipan 88:96–98.)

Katapusan Magpatotoo na ang mga propesiya sa mga banal na kasulatan tungkol saIkalawang Pagparito ni Jesucristo ay magaganap lahat. Bigyang-diin na sapamamagitan ng pag-aaral ng mga turo ng Tagapagligtas at pagsunod sa payo ng mga buhay na propeta ay magagawa nating ihanda ang ating sarili namakilala si Cristo. Kung handa tayo, ang Ikalawang Pagparito ay magiging kagila-gilalas na araw para sa atin.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

Mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito na inihayag sa mga huling araw

Ipaliwanag na ang Propetang si Joseph Smith ay nakatanggap ng paghahayag nanag-ulit at naglinaw sa mga propesiyang ibinigay sa sinaunang mga disipulo niJesus. Ang paghahayag na ito ay matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 45.Ipahambing sa mga miyembro ng klase ang Doktrina at mga Tipan 45:15–55 sa Mateo 24. (Maaari ninyong naising bigyang-diin na ang Doktrina at mgaTipan 45:60–61 ay naglalaman ng tagubilin ng Panginoon kay Joseph Smith na simulan ang inspiradong pagsasalin ng Bagong Tipan.)

Aralin 21

113

114

Aralin

22“Manahin Ninyo ang Kahariang

Nakahanda sa Inyo”Mateo 25

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na ihanda ang kanilang sarili para saIkalawang Pagparito sa pamamagitan ng matwid na pamumuhay, pagpapaunladng kanilang mga talino, at paglilingkod sa iba.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mateo 25:1–13. Sa pamamagitan ng talinghaga ng sampung dalaga, itinuroni Jesus na kailangan nating maghanda para sa kanyang Ikalawang Pagparito.

b. Mateo 25:14–30. Sa pamamagitan ng talinghaga ng mga talento, itinuro niJesus na dapat nating pagyamanin ang mga kaloob na natatanggap natinmula sa Diyos.

c. Mateo 25:31–46. Sa pamamagitan ng talinghaga ng mga tupa at kambing,itinuro ni Jesus na dapat tayong taos-pusong maglingkod sa isa’t isa.

2. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, magdala ng isang maliitna babasaging garapon, isang sisidlan ng langis o ng tubig na kinulayan, at,kung may makukuha, ang larawan ng Ang Ikalawang Pagparito (34730 893;Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 238).

3. Kumuha ng isang piraso ng papel at pluma o lapis para sa bawat miyembro ng klase.

4. Mungkahi para sa pagtuturo: Paminsan-minsan ay gumamit ng mga pahayagng mga propeta sa mga huling araw, na matatagpuan sa manwal na ito at samga magasin ng Simbahan, upang makatulong sa pangangasiwa at paglilinawng mga talakayan sa klase at upang bigyang-diin na ang Panginoon ay patuloyna naghahayag ng kanyang kalooban sa ngayon. Gamitin ang mga siping-banggit na ito upang itaguyod, hindi upang palitan, ang pagbabasa sa banal na kasulatan at talakayan sa klase.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ipakita ang maliit na babasaging garapon, isang sisidlan ng langis o ng tubig nakinulayan, at ang larawan ng Ikalawang Pagparito.

Ipaliwanag na ang araling ito ay nakatuon sa tatlong talinghagang itinuro ngTagapagligtas bilang tugon sa mga tanong ng kanyang mga Apostol tungkol sakanyang Ikalawang Pagparito. Sabihin sa mga miyembro ng klase na gagamitinninyo ang garapon at ang langis o ang tubig na kinulayan upang isagisag angating paghahanda para sa Ikalawang Pagparito.

Gawaing Pantawag-pansin

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Inilahad ni Jesus ang talinghaga ng sampung dalaga.

Basahin at talakayin ang Mateo 25:1–13. Ipaliwanag na ang talinghaga ngsampung dalaga ay batay sa mga kaugalian ng mga Judio sa kasal. Noongpanahon ni Jesus ay sinasamahan ng kasintahang lalaki at ng kanyang mgakaibigan ang kasintahang babae mula sa kanyang tahanan patungo sa tahananng kasintahang lalaki. Sa daan ay naghihintay ang mga kaibigan ng kasintahangbabae upang makisali sa kanila. Kapag nakarating na sila sa tahanan ngkasintahang lalaki, silang lahat ay papasok sa loob para ganapin ang kasal. Ang mga kasalang ito ay karaniwang nagaganap sa gabi, kung kaya ang mganaghihintay sa kasintahang babae at kasintahang lalaki ay may dala-dalangmaliliit na ilawan na may langis.

• Sa talinghaga ng sampung dalaga, sino ang kinakatawan ng kasintahanglalaki? (Ang Tagapagligtas.) Sino ang kinakatawan ng mga dalaga? (Mgamiyembro ng Simbahan.) Ano ang isinisimbolo kasalan? (Ang IkalawangPagparito ng Tagapagligtas.) Ano ang isinisimbolo ng langis sa mga ilawan?(Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito.)

• Ano ang kamangmangang ginawa ng lima sa mga dalaga? (Tingnan sa Mateo25:3.) Ano ang mga ibinunga ng kanilang kakulangan ng paghahanda?(Tingnan sa Mateo 25:8–12.) Paano natin kung minsan nagagawa ang katuladna pagkakamaling ginawa ng mga mangmang na dalaga?

• Ano ang katalinuhang ginawa ng lima sa mga dalaga? (Mateo 25:4.) Ano angmga ibinunga ng kanilang paghahanda? (Tingnan sa Mateo 25:10.) Ano angmatututuhan natin mula sa mga inasal ng limang matatalinong dalaga?(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 45:56–57. Kailangan nating ihanda angating sarili para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.)

• Pinananatili sa ating isipan na ang langis sa talinghaga ay sumasagisag sapaghahanda para sa Ikalawang Pagparito, ano ang ilang paraan kung paanonatin madaragdagan ang “langis” sa ating “mga ilawan”? (Ang mga sagot aymaaaring kabilangan ng tiyak na mga sangkap ng mabuting pamumuhay,katulad ng pagpapairal ng pananampalataya, pagtanggap ng mga ordenansa,pagtupad sa mga tipan, o paglilingkod.)

Kung gagamitin ninyo ang garapon at ang langis o tubig na kinulayan(tingnan ang gawaing pantawag-pansin), ipaliwanag na ang garapon aysumasagisag sa mga ilawan sa talinghaga. Maglagay ng isang patak ng langis otubig sa garapon sa tuwing magmumungkahi ang isang miyembro ng klase ngmaaari nating gawin upang makapaghanda. Maaari ninyong naising ibahagiang sumusunod na mga kaisipan mula kay Pangulong Spencer W. Kimball:

“Sa talinghaga, ang langis ay maaaring mabili sa palengke. Sa ating buhay anglangis ng pagiging handa ay unti-unting naiipon sa matwid na pamumuhay.Ang pagdalo sa mga pulong-sakramento ay nakadaragdag ng langis sa atingmga ilawan, nang patak-patak sa paglipas ng mga taon. Ang pag-aayuno,panalangin ng mag-anak, pagtuturo sa tahanan, pagpigil sa mga pita ng

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

115

katawan, pangangaral ng ebanghelyo, pag-aaral ng mga banal na kasulatan—ang bawat pagpapakita ng dedikasyon at pagkamasunurin ay isang patak nanadaragdag sa ating imbak [na langis]. Ang mga gawa ng kabaitan, pagbabayadng mga handog at ikapu, malinis na kaisipan at kilos, kasal sa loob ng tipanpara sa kawalang-hanggan—ang mga ito rin ay nakaaambag nang malaki salangis na magagamit natin sa hatinggabi upang malagyan ng langis ang atingnatutuyuang ilawan” (Faith Precedes the Miracle [1972], 256).

Hilingan ang mga miyembro ng klase na isaalang-alang ang sumusunod na mgatanong:

• Ano ang ginawa ninyo nitong nakaraang linggo upang madagdagan ang langissa inyong ilawan? Ano ang ilang bagay na gagawin ninyo sa darating nalinggo upang madagdagan ang langis sa inyong ilawan?

2. Inilahad ni Jesus ang talinghaga ng mga talento.

Basahin at talakayin ang Mateo 25:14–30. Ipaliwanag na noong panahon ngBagong Tipan, ang isang talento ay halaga ng salapi.

• Sa talinghaga ng mga talento, sino ang kinakatawan ng taong naglakbay saisang malayong lupain? (Ang Panginoon.) Sino ang kinakatawan ng mgaalipin? (Ang bawat isa sa atin.) Ano ang isinisimbolo ng mga talento? (Mgakaloob mula sa Diyos.)

• Ano ang ginawa sa salapi ng mga alipin na binigyan ng limang talento atdalawang talento? (Tingnan sa Mateo 25:16–17.) Anong gantimpala ang kapwa nila tinanggap? (Tingnan sa Mateo 25:21, 23.) Ano ang itinuturo ngtalinghagang ito tungkol sa walang hanggang gantimpala na ipagkakaloob saatin ng ating Ama sa Langit? (Maaaring maibilang sa mga sagot ang mga tao natila kakaunti lamang ang mga kaloob na nagmula sa Diyos ay makatatanggapng lahat ng biyaya kung gagamitin nilang maigi ang kanilang mga kaloob.)

Sinabi ni Elder James E. Faust ang ganito tungkol sa mga taong tilanakatanggap ng kakaunti lamang na talento:

“Kung ang kanilang mga talento ay ginagamit upang itatag ang kaharian ng Diyos at paglingkuran ang iba, tatamasahin nila nang lubos ang mgapangako ng Tagapagligtas. Ang dakilang pangako ng Tagapagligtas ay, sila ay‘makatatanggap ng [kanyang] gantimpala, maging kapayapaan sa daigdig naito, at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating’ (Doktrina at mgaTipan 59:23)” (sa Conference Report, Abr. 1994, 5; o Ensign, Mayo 1994, 6).

• Ano ang ginawa sa salapi ng alipin na binigyan ng isang talento? (Tingnan saMateo 25:24–25.) Ano ang sinabi ng panginoon sa kanya? (Tingnan sa Mateo25:26–30.) Bakit nabibigo tayo kung minsan na pagyamanin ang mga talentoat kaloob na ibinigay sa atin ng Diyos? Paano natin mapaglalabanan ang mgabalakid sa pagpapaunlad ng mga kaloob na ito?

• Itinuro ni Elder Marvin J. Ashton na, “karapatan at pananagutan natin natanggapin ang ating mga kaloob at ibahagi ang mga ito” (sa Conference Report,Okt. 1987, 23; o Ensign, Nob. 1987, 20). Paano natin makikilala at matatanggapang mga talento o kaloob na ipinagkatiwala sa atin ng Panginoon? Bakit sapalagay ninyo mahalaga na ibahagi ang ating mga talento o kaloob? Anong mgabiyaya ang dumating sa inyong buhay dahil sa napaunlad ninyo at naibahagininyo ang inyong mga talento o kaloob? Paano kayo napagpala dahil saibinahagi ng iba ang kanilang mga talento o kaloob?

116

• Ang bawat tao ay nabigyan ng kahit isa man lamang na kaloob mula sa Diyos(Doktrina at mga Tipan 46:11–12), subalit ang ilang kaloob ay mas madalingmakilala kaysa sa iba. Ano ang ilan sa mga kaloob na maaaring mahirap makilalangunit maaaring magamit sa paglilingkod sa iba at pagluwalhati sa Diyos?

Sinabi ni Elder Marvin J. Ashton:

“Hayaan ninyong banggitin ko ang ilang kaloob na hindi palaging nakikita onapapansin ngunit napakahalaga. Maaaring kabilang sa mga ito ang inyongmga kaloob—mga kaloob na hindi gaanong nakikita gayunman ay tunay atmahalaga.

“Pagbalik-aralan natin ang ilan sa mga di-gaanong napapansin na kaloob: angkaloob ng paghiling; ang kaloob ng pakikinig; ang kaloob ng pagdinig atpaggamit sa banayad na munting tinig; ang kaloob ng pagiging marunongtumangis; ang kaloob ng pag-iwas sa pagtatalo; ang kaloob ng pagigingmapagsang-ayon; ang kaloob ng pag-iwas sa walang-kabuluhang pag-uulit; angkaloob ng paghahangad ng mabuti; ang kaloob ng pagiging hindi mapanghusga;ang kaloob ng pagbaling sa Diyos para sa patnubay; ang kaloob ng pagigingisang disipulo; ang kaloob ng pagmamalasakit sa iba; ang kaloob ng magnilay-nilay; ang kaloob ng pag-aalay ng panalangin; ang kaloob ng pagbibigay ngmakapangyarihang patotoo; at ang kaloob ng pagtanggap sa Espiritu Santo” (sa Conference Report, Okt. 1987, 23; o Ensign, Nob. 1987, 20).

Bigyan ang bawat miyembro ng klase ng bolpen o lapis at isang piraso ng papel.Hilingan silang isulat ang isa o dalawa sa kanilang mga talento o kaloob nakasama ang kahit isang bagay na gagawin nila sa susunod na ilang linggo upanggamitin ang mga ito sa paglilingkod sa iba.

Kung ginagamit ninyo ang garapon at ang langis o ang tubig na kinulayan,magdagdag ng ilan pang patak sa garapon. Ipaliwanag na habang pinauunladnatin ang mga talento o kaloob na ibinigay sa atin ng Diyos ay nagdaragdag tayo ng langis sa ating mga ilawan.

3. Inilahad ni Jesus ang talinghaga ng mga tupa at mga kambing.

Basahin at talakayin ang Mateo 25:31–46.

• Itinuro ni Jesus na sa kanyang Ikalawang Pagparito ay paghihiwalayin niyatayo tulad ng paghihiwalay ng pastol sa mga tupa mula sa mga kambing(Mateo 25:31–32). Sa talinghaga ng mga tupa at mga kambing, sino angkinakatawan ng mga tupa? (Tingnan sa Mateo 25:33–34.) Sino angkinakatawan ng mga kambing? (Tingnan sa Mateo 25:33, 41.)

• Ano ang itinuturo ng talinghagang ito na kailangan nating gawin upangmakapaghanda para sa Ikalawang Pagparito at sa araw ng paghuhukom?(Tingnan sa Mateo 25:35–46.)

Sinabi ni Elder Marion D. Hanks:

“Itinuro ni Jesus sa kanyang mga tagasunod ang talinghaga ng mga tupa atmga kambing, na sumasimbolo sa paghuhukom na darating, na kung saanmalinaw niyang tinukoy ang mga magmamana ng ‘buhay na walang hanggan’at ang mga ‘mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan’ (Mateo 25:46).Ang pangunahing pagkakaiba ay ang mga dapat magmana ng kaharian nakasama niya ay naging ugali ang tumulong, naranasan ang kagalakan ng

Aralin 22

117

pagbibigay at ang kapanatagan ng kalooban sa paglilingkod. Tumugon sila samga pangangailangan ng mga nagugutom, nauuhaw, walang tahanan, walangkasuotan, maysakit, at nasa bilangguan. . . .

“Wala nang mas lilinaw pa sa mataas na pagpapahalaga na ibinibigay ngTagapagligtas sa buong pusong paglilingkod sa iba bilang isang mahalagangsangkap ng Kristiyanong pag-uugali at ng kaligtasan. Ang pagtulong, pagbibigay,at pagsasakripisyo ay, o nararapat na maging, likas na tulad ng paglaki atpaghinga” (sa Conference Report, Abr. 1992, 10; o Ensign, Mayo 1992, 9).

Kung ginagamit ninyo ang garapon at ang langis o tubig na kinulayan,magdagdag ng ilan pang patak sa garapon. Ipaliwanag na habang naglilingkodtayo sa iba ay dinaragdagan natin ang langis sa ating mga ilawan. Matutulungandin natin ang iba na magdagdag ng langis sa kanilang sariling mga ilawan.Magbahagi ng mga halimbawa ng nakita ninyong paglilingkod, at anyayahanang mga miyembro ng klase na magbahagi ng nakita nilang mga halimbawa.

• Paano natin mapagpapala ang iba sa pamamagitan ng ating paglilingkod?Paano kayo napagpala ng paglilingkod sa ibang tao? Ano ang nadarama ninyosa mga pinaglilingkuran ninyo? Ano ang nadarama ninyo sa mga naglilingkodsa inyo? Paano tayo magiging higit na sensitibo sa mga pangangailangan ngiba? Paano tayo magiging higit na masigasig sa paglilingkod sa iba?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng Tagapagligtas nang sabihin niyang,“Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliitna ito, ay sa akin ninyo ginawa”? (Mateo 25:40; tingnan din sa Mosias 2:17).

Katapusan Magpatotoo na dapat tayong maghanda para sa Ikalawang Pagparito niJesucristo. Dapat nating paunlarin ang mga kaloob na ibinigay sa atin ng Diyosat sundan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagtatalaga ng ating buhay sapaglilingkod sa iba. Bigyang-diin na magagawa natin ang lahat ng bagay na ito,anuman ang ating mga katayuan.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. “A Poor Wayfaring Man of Grief”

Kasama ang mga miyembro ng klase, awitin o basahin ninyo ang mga salita sahimnong “A Poor Wayfaring Man of Grief” (Hymns). Pagkatapos ay basahin angMateo 25:40. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilangmga damdamin tungkol sa mensahe ng himno at ng talata ng banal nakasulatan.

2. Pagpapalabas ng video

Maaari ninyong naising gamitin ang ikalimang yugto ng “New TestamentCustoms,” isang piling bahagi mula sa New Testament Video Presentations (53914),upang maipaliwanag ang ilang kaugalian ng piging sa kasalan noong panahonng Bagong Tipan.

118

119

Aralin

23“Kung Paanong Iniibig Ko Kayo, ay Mangag-ibigan Naman Kayo sa Isa’t Isa”Lucas 22:1–38; Juan 13–15

Layunin Bigyang-inspirasyon ang mga miyembro ng klase na sundan ang halimbawa niJesus sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa isa’t isa.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Lucas 22:7–30. Nakipagpulong si Jesus sa kanyang Labindalawang Apostolpara sa Pista ng Paskua. Pinasimulan niya ang sakramento at tinuruan angmga Apostol na dapat nilang paglingkuran ang iba.

b. Juan 13. Hinugasan ni Jesus ang mga paa ng mga Apostol at inutusan silangmahalin ang isa’t isa.

c. Juan 14:1–15; 15. Itinuro ni Jesus na, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay.” Inihambing niya ang kanyang sarili sa isang baging at angkanyang mga disipulo sa mga sanga ng baging. (Pansinin: ang mga talatamula sa kabanata 14 at 15 na tungkol sa Tagaaliw ay tatalakayin saaralin 24.)

2. Karagdagang pagbabasa: Mateo 26:1–5, 14–35; Marcos 14:1–2, 10–31.

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, makipag-ayos sa isangsoloista o maliit na grupo ng mga nasa wastong gulang o mga bata na awitinang “Magmahalan” (Mga Himno) sa simula ng klase. Kung hindi ito maaari,magdala ng tape ng awitin o maghandang ipaawit ito nang sabay-sabay sa mgamiyembro ng klase.

4. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, gamitin ang mga ito saaralin:

a. Ang mga larawang Ang Huling Hapunan (34730 893; Pakete ng Larawan ngSining ng Ebanghelyo 225) at Hinuhugasan ni Jesus ang mga Paa ng mgaAlagad (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 226).

b. Isang maliit na halaman na maglalarawan sa inyong talakayan hinggil saJuan 15:1–8.

5. Mungkahi para sa pagtuturo: Ang pag-awit o pagpapatugtog ng isang himno o awit sa Primarya na may kaugnayan sa paksa ng aralin ay isang mabutingparaan ng pag-anyaya sa Espiritu sa oras ng aralin. Sinabi ng Panginoon, “Angaking kaluluwa ay nagagalak sa awitin ng puso; oo, ang awit ng mabubuti ayisang panalangin sa akin, at ito ay tutugunan ng pagpapala sa kanilang mgaulo” (Doktrina at mga Tipan 25:12; tingnan din sa Mga Taga Colosas 3:16).Ang mga himno at awitin sa Primarya ay makatutulong din sa mga miyembrong klase na matutuhan ang mga doktrina ng ebanghelyo. (Tingnan saPagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit F, Paksa 13, “May MusikaBa sa Inyong Silid-aralan?” 172–174.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ipaawit sa soloista o sa maliit na grupo ang “Magmahalan,” o magpatugtog ngtape o ipaawit ang himno sa mga miyembro ng klase nang sabay-sabay (tingnansa bahaging “Paghahanda”).

Ipaliwanag na ang teksto ng himnong ito ay mula sa Juan 13:34–35. Ipabuklat sa mga miyembro ng klase ang banal na kasulatang ito at hilingan ang isa nabasahin ito nang malakas. Bigyang-diin na binigkas ni Jesus ang mga salitang ito sa Huling Hapunan. Tatalakayin ng araling ito ang kautusang ito at ang ibapang mga bagay na sinabi at ginawa ni Jesus sa oras na ito ng kanyangpakikipagpulong sa kanyang mga Apostol.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano nagpakita ng kanyang pagmamahal sa kanyang mgaApostol at gayundin sa atin ang mga salita at ginawa ng Tagapagligtas noongHuling Hapunan. Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan na naisni Jesus na sundan natin ang kanyang halimbawa ng pagmamahal atpaglilingkod sa iba.

1. Pinasimulan ni Jesus ang sakramento.

Talakayin ang Lucas 22:7–30. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahinnang malakas ang mga piling talata. Bigyang-diin na ang pagkain na ito ngPaskua, na pinagsaluhan ni Jesus at ng kanyang mga Apostol noong araw bagoipako sa krus si Jesus, ay kadalasang tinatawag na Huling Hapunan. Ipakita anglarawan ng Huling Hapunan.

• Nang magsama-sama sina Jesus at ang kanyang mga Apostol upang kainin ang pagkain na ito ng Paskua ay pinasimulan ni Jesus ang ordenansa ngsakramento. Ano ang sinabi niya sa mga Apostol tungkol sa layunin ngsakramento? (Tingnan sa Lucas 22:19–20. Iyon ay upang tulungan silangmaalaala siya at ang kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.) Paanonakatutulong sa inyo ang pagtanggap ng sakramento na maalaala ninyo ang Tagapagligtas?

Sinabi ni Elder Jeffrey R. Holland na: “Simula pa noong karanasan sa silid saitaas noong gabi bago magpunta sa Getsemani at Golgota, ang mga anak sapangako ay napasailalim na ng tipan na gunitain ang sakripisyo ni Cristo ditosa mas bago, mas mataas, mas banal at natatanging paraan na ito. . . . Kungang paggunita ang ating pangunahing tungkulin, ano ang maaaring sumagi sa ating isipan kapag ang mga payak at mahahalagang simbolo ng sakramentoay inihahandog sa atin?” (sa Conference Report, Okt. 1995, 88, 90; o Ensign,Nob. 1995, 67, 68).

Talakayin ang mga sagot sa tanong ni Elder Holland, kabilang na ang ilan sasumusunod na mga bagay na iminungkahi ni Elder Holland na dapat natinggunitain tungkol sa Tagapagligtas (sa Conference Report, Okt. 1995, 90–91; oEnsign, Nob. 1995, 68–69):

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

120

a. Ang kanyang pagmamahal at katatagan sa Malaking Kapulungan sa Langit.b. Na siya ang Lumikha ng langit at lupa.c. Ang lahat ng kanyang ginawa sa kanyang buhay bago ang buhay na ito

bilang si Jehova.d. Ang simpleng kamaharlikahan ng kanyang pagsilang.e. Ang kanyang mga turo.f. Ang kanyang mga himala at pagpapagaling.g. Na “ang lahat ng bagay na mabubuti ay nagmumula kay Cristo”

(Moroni 7:24).h. Ang kalupitan, pagtanggi sa kanya, at kawalang katarungan na tiniis niya.i. Na nagpakababa siya sa lahat ng bagay upang mapagtagumpayan ang

lahat ng ito.j. Na isinagawa niya ang kanyang mga pagpapakasakit at pinagtiisan ang

kanyang mga pagdadalamhati para sa bawat isa sa atin.

• Bakit mahalaga na tanggapin natin ang sakramento tuwing linggo? Paanonatin espirituwal na maihahanda ang ating sarili bago tanggapin angsakramento?

• Sa Huling Hapunan ay muling nagtalu-talo ang mga Apostol tungkol sa “kungsino kaya sa kanila ang ibibilang na pinakadakila” (Lucas 22:24; tingnan din saMateo 18:1; Lucas 9:46). Sa anong mga paraan natin kung minsan hinahangadna maituring na mas nakahihigit kaysa sa iba? Paano natin mapaglalabananang ganitong mga damdamin?

• Ano ang itinuro ng Panginoon tungkol sa tunay na kadakilaan? (Tingnan saLucas 22:25–27; tingnan din sa Mateo 20:25–28.) Paano siya mismo nagiginghalimbawa ng kanyang itinuturo? Paano natin masusundan ang kanyanghalimbawa?

2. Matapos hugasan ang kanilang mga paa, inutusan ni Jesus ang kanyangmga Apostol na mahalin nila ang isa’t isa.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Juan 13. Ipakita ang larawanni Jesus na hinuhugasan ang mga paa ng mga Apostol. Ipaliwanag na mataposkumain ng Huling Hapunan si Jesus at ang kanyang mga Apostol ay hinugasanni Jesus ang mga paa ng bawat Apostol (Juan 13:4–5). Ang trabahong ito aykaraniwang ginagawa ng isang alipin kapag dumarating ang isang panauhin. Ang isang dahilan kung bakit ginawa ito ni Jesus ay upang ituro sa kanyang mga Apostol ang tungkol sa kababaang-loob at paglilingkod.

• Bakit sa palagay ninyo tumanggi si Simon Pedro nang simulan ni Jesus nahugasan ang kanyang mga paa? (Tingnan sa Juan 13:6, 8. Nadama niyanghindi nararapat kumilos bilang isang alipin ang Panginoon.) Paano tumugonsi Jesus? (Tingnan sa Juan 13:8.)

• Ano ang sinabi ni Jesus sa mga Apostol na dahilan kung bakit niya hinugasanang kanilang mga paa? (Tingnan sa Juan 13:12–17. Sinabi niya sa kanila nadapat nilang sundan ang kanyang halimbawa ng paglilingkod.) Paanonakapagdulot sa inyo ng kaligayahan ang paglilingkod sa iba?

• Ano ang matututuhan natin mula sa mga salita at gawa ni Jesus tungkol samga katangian ng mabubuting pinuno? Paano natin masusundan angkanyang halimbawa kapag tayo ang nasa katayuan ng pamumuno?

Aralin 23

121

• Noong Huling Hapunan ay paulit-ulit na sinabi ni Jesus sa kanyang mgadisipulo na mahalin nila ang isa’t isa (Juan 13:34–35; 15:12, 17). Ano ang ilangtiyak na mga bagay na magagawa natin upang masundan ang halimbawa ngpagmamahal ni Cristo?

3. Itinuro ni Jesus na “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” at “Ako ang tunay na puno ng ubas.”

Talakayin ang Juan 14:1–15; 15. Anyayahan ang mga miyembro ng klase nabasahin nang malakas ang mga piling talata.

• Bakit nag-alala si Tomas nang sabihin ni Jesus sa mga Apostol na, “At kungsaan ako paroroon, ay nalalaman ninyo ang daan”? (Tingnan sa Juan 14:4–5.)Ano ang sinabi ni Jesus kay Tomas? (Tingnan sa Juan 14:6.) Bakit si Jesus angtanging daan upang makarating tayo sa Ama sa Langit?

• Itinuro ni Jesus sa kanyang mga disipulo na ipakita ang kanilang pagmamahalsa iba sa pamamagitan ng paglilingkod. Ano ang sinabi niyang gawin nilaupang maipakita nila ang kanilang pagmamahal sa kanya? (Tingnan sa Juan14:15.) Paano ipinakikita ng ating pagkamasunurin ang ating pagmamahal saPanginoon?

• Habang tinuturuan niya ang kanyang mga Apostol ay ginamit ni Jesus angsagisag ng puno ng ubas (Juan 15:1–8). Sino ang kinakatawan ng puno ngubas? ng magsasaka (hardinero)? ng mga sanga? (Tingnan sa Juan 15:1, 5.)

Kung nagdala kayo ng halaman sa klase ay ipakita na ito ngayon.

• Ano ang nangyayari sa dahon o sanga na pinutol mula sa halaman? Paanongang inyong kaugnayan sa Tagapagligtas ay katulad ng kaugnayan ng isangdahon o sanga sa katawan ng halaman?

• Sa paghahambing ng Tagapagligtas, ano ang ginagawa ng hardinero sa mgasanga ng ubas na hindi nagbubunga? (Tingnan sa Juan 15:2.) Ano angginagawa niya sa mga sanga na nagbubunga? Ano ang maaaring kaugnayannito sa atin?

• Itinuro ni Jesus na, “Ang nananatili sa akin, at ako’y sa kaniya, ay siyangnagbubunga ng marami: sapagka’t kung kayo’y hiwalay sa akin ay walakayong magagawa” (Juan 15:5). Paano ninyo natuklasan na tama ito?

• Sang-ayon sa Juan 15:13, ano ang isa sa mga pinakadakilang pagpapakita ngpagmamahal? Ano ang mensahe nito sa atin tungkol sa pagmamahal sa atinng Tagapagligtas?

Katapusan Magpatotoo na mahal tayo ni Jesucristo at nais niyang mahalin at paglingkurannatin ang isa’t isa. Hamunin ang mga miyembro ng klase na gunitain angPagbabayad-sala ni Cristo at ang kanyang pagmamahal sa atin sa oras ngsakramento tuwing linggo.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

122

1. Pagtataglay sa ating sarili ng pangalan ni Cristo

Sa talakayan ninyo tungkol sa sakramento, maaari ninyong naising talakayin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa pagtataglay sa ating sarili ng pangalanni Cristo. Ang ilan sa mga iminumungkahing sagot ay hango sa pahayag naibinigay ni Elder Dallin H. Oaks sa pangkalahatang komperensiya noong Abril1985 (tingnan sa Conference Report, Abr. 1985, 101–5; o Ensign, Mayo 1985,80–83).

• Kailan natin tinataglay sa ating sarili ang pangalan ni Cristo?

a. Kapag binibinyagan tayo sa kanyang Simbahan (2 Nephi 31:13; Mosias25:23; Moroni 6:3; Doktrina at mga Tipan 18:22–25; 20:37).

b. Kapag sinasariwa natin ang ating tipan sa pagbibinyag sa pamamagitan ng pagtanggap ng sakramento (Moroni 4:3; 5:2; Doktrina at mga Tipan20:77, 79).

c. Kapag ipinapahayag natin ang ating paniniwala sa kanya.d. Kapag tinataglay natin sa ating sarili ang awtoridad na kumilos sa kanyang

pangalan at pairalin ang awtoridad na iyon.e. Kapag nakikilahok tayo sa sagradong mga ordenansa ng templo.

• Ano ang ipinapangako natin kapag tinataglay natin sa ating sarili angpangalan ni Cristo?

a. Ipinakikita natin ang ating kahandaan na gawin ang gawain ng kanyangkaharian at ang ating determinasyon na paglingkuran siya hanggang sawakas (Doktrina at mga Tipan 20:37; Moroni 6:3).

b. Ipinapangako nating susundan siya nang taos-puso, susundin siya atmagsisisi sa ating mga kasalanan (2 Nephi 31:13; Mosias 5:8).

• Ano ang ipinapangako sa atin ni Jesucristo kapag tinataglay natin ang kanyangpangalan? (Tayo ay nagiging kanyang mga anak na lalaki at babae, nanagtataglay ng kanyang pangalan. Ang mga tatawagin sa kanyang pangalan sa huling araw ay dadakilain; tingnan sa Mosias 5:7–9; 15:12; Alma 5:14; 3 Nephi 27:5–6; Doktrina at mga Tipan 76:55, 58, 62).

2. Pagpapalabas ng video

Ang ikalimang yugto ng “New Testament Customs,” isang piling bahagi mula sa New Testament Video Presentations (53914), ay naglalaman ng impormasyontungkol sa mga pista noong panahon ng Bagong Tipan. Ang yugtong ito aymakatutulong sa mga miyembro ng klase na mailarawan sa kanilang isipan ang idinaos na Huling Hapunan at maunawaan ang pagtukoy sa disipulo na“nakahilig sa sinapupunan ni Jesus” (Juan 13:23).

3. Pagtatanghal ng miyembro ng klase

Ang mga paghahambing na tulad ng, “Ako ang tunay na puno ng ubas” aymaaaring mahirap maunawaan ng ilang tao, lalo na ng mga kabataan. Para samas personal na paglalarawan ng pagmamahal sa atin ni Jesucristo, anyayahanang isa o dalawang miyembro ng klase na magbahagi ng karanasan kung saannadama nila ang pagmamahal ng Tagapagligtas na nagbibigay sa kanila ngkalakasan, tulad ng pagbibigay ng lakas ng puno ng ubas sa mga dahon o mgasanga nito. Gawin ang pag-anyaya ng mga isang linggo man lamang, at himukinang mga miyembro ng klase na hangarin ang inspirasyon ng Espiritu Santo sapagpili ng karanasan na angkop na ibahagi.

Aralin 23

123

124

Aralin

24“Ito ang Buhay na Walang

Hanggan”Juan 16–17

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na maging madaling makadama saimpluwensiya ng Espiritu Santo at mas maging malapit pa sa Ama sa Langit atkay Jesucristo.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Juan 16:1–15. Inihanda ni Jesus ang kanyang mga Apostol para sa mgapanahon ng pagsubok na magaganap pagkatapos ng pagpapako sa kanya sa krus. Itinuro niya sa kanila ang tungkol sa misyon ng Espiritu Santo atipinangako na tatanggapin nila ang kaloob na Espiritu Santo.

b. Juan 16:16–33. Ipinropesiya ni Jesus ang kanyang kamatayan at pagkabuhayna mag-uli at pinayuhan ang mga Apostol na “magkaroon ng kapayapaan.”

c. Juan 17. Inialay ni Jesus ang dakilang panalangin ng pamamagitan(intercessory prayer) para sa kanyang mga Apostol at sa lahat ng naniniwalasa kanya.

2. Karagdagang pagbabasa: Juan 14:16–31; 15:18–27; 3 Nephi 19:19–36; Doktrinaat mga Tipan 132:21–24; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Mang-aaliw,” 148 at “Espiritu Santo,” 61–62.

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, magdala sa klase ngdalawang kahon ng regalo (o magdrowing sa pisara ng larawan ng dalawangkahon ng regalo). Maghanda ng dalawang sinulatang piraso ng papel nailalagay sa mga kahon sa oras ng aralin: isa na nagsasaad na Kaloob na EspirituSanto at isa na nagsasaad na Buhay na Walang Hanggan.

4. Mungkahi para sa pagtuturo: Bukod sa pananalangin na sana ay makapagturokayo sa pamamagitan ng Espiritu, manalangin na matuto ang mga miyembrong klase sa pamamagitan ng Espiritu at tanggapin ang kanyang pagpapatibaytungkol sa mga katotohanan na itinuturo (tingnan sa Pagtuturo—Walang Higitna Dakilang Tungkulin, Yunit A, Paksa 9, “Magturo sa Pamamagitan ng Espiritu,” 17–18).

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang masimulan ang aralin.

Ipakita ang dalawang kahon ng regalo (o magdrowing sa pisara ng larawan ngdalawang kahon ng regalo). Anyayahan ang mga miyembro ng klase namagsalita nang sandali tungkol sa mga kaloob na nais nilang matanggap.

Gawaing Pantawag-pansin

Ipaliwanag na ang isa sa mga kahon ng regalo na ipinakita ninyo ay sumasagisagsa isa sa mga pinakadakilang kaloob na maaari nating tanggapin sa buhay na ito.Ang isa pang kahon ay sumasagisag sa tinatawag ng Panginoon na “pinakadakilasa lahat ng kaloob ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 14:7).

Ipaliwanag na sa araling ito ay matutuklasan ng mga miyembro ng klase kungano ang dalawang regalong ito at malalaman nila kung paano tanggapin angmga ito.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata sa banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop sa ating lahat ang mga salita ng Tagapagligtassa kanyang mga Apostol. Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na may kaugnayan sa aralin.

1. Ipinangako ni Jesus sa kanyang mga Apostol na tatanggapin nila angkaloob na Espiritu Santo.

Talakayin ang Juan 16:1–15. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahinnang malakas ang mga piling talata.

• Sa mga huling sandali ng kanyang mortal na ministeryo ay tinuruan atpinalakas ni Jesus ang kanyang mga Apostol. Bakit kinailangang palakasin angmga Apostol sa sandaling ito? (Tingnan sa Juan 16:1–6; tingnan din sa Juan15:18–20.)

• Sinabi ng Tagapagligtas sa mga Apostol na isusugo niya ang Mang-aaliw (ang Espiritu Santo) sa kanila (Juan 16:7). Ano ang misyon ng Espiritu Santo?(Tingnan sa Juan 14:26; 15:26; 16:7–14. Isulat sa pisara ang mga sagot tulad ng nakapakita sa ibaba.)

Ang Espiritu Santo:

a. Nang-aaliw (Juan 14:26).b. Nagtuturo (Juan 14:26).c. Ibinabalik sa ating alaala ang katotohanan (Juan 14:26).d. Nagpapatotoo tungkol sa Tagapagligtas (Juan 15:26).e. Inaakay tayo sa lahat ng katotohanan (Juan 16:13).f. Ipinakikita sa atin ang mga darating na pangyayari (Juan 16:13).g. Niluluwalhati ang Tagapagligtas (Juan 16:14).

• Ang Labindalawang Apostol ay nakaranas ng mga pagpapatunay ng EspirituSanto noong ministeryo ni Jesus sa lupa, ngunit hindi nila natanggap angkaloob na Espiritu Santo hangga’t hindi natatapos ang kanyang kamatayan atpagkabuhay na mag-uli (Juan 20:22). Ano ang pagkakaiba ng pagpapatunay ngEspiritu Santo at ng kaloob na Espiritu Santo? (Tingnan sa siping-banggit saibaba.) Paano kayo natulungan ng pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo?

Itinuro ni Elder Dallin H. Oaks na:

“Ang mga pagpapatunay ng Espiritu Santo ay ibinibigay upang akayin angnaghahanap na matatapat tungo sa mga katotohanan ng ebanghelyo nahihikayat sa kanila sa pagsisisi at pagpapabinyag. Ang kaloob na Espiritu Santoay mas malawak. . . . Kabilang [dito] ang karapatan sa palagiang paggabay [ngEspiritu], nang sa tuwina ay mapasa[atin] ang kanyang Espiritu’ (Doktrina atmga Tipan 20:77).

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

125

“Sinabi sa akin ng isang bagong binyag na miyembro ang kanyang nadamanang tanggapin niya ang kaloob na iyon. Ito ay isang matapat na Kristiyanongbabae na nag-ukol ng kanyang buhay sa paglilingkod sa iba. Kilala at mahalniya ang Panginoon, at nadama niya ang mga pagpapatunay ng KanyangEspiritu. Nang matanggap niya ang karagdagang liwanag ng ipinanumbalik naebanghelyo, siya ay nabinyagan at ipinatong ng mga elder ang kanilang mgakamay sa kanyang ulo at ibinigay sa kanya ang kaloob na Espiritu Santo.Naalala niya na, ‘Nadama ko ang impluwensiya ng Espiritu Santo na lumukobsa akin na talagang kakaiba na kailanman ay hindi ko nadama. Siya ay tuladng isang matagal nang kaibigan na gumabay sa akin noong nagdaang mgapanahon ngunit dumating ngayon upang mamalagi na’ ” (sa ConferenceReport, Okt. 1996, 80; o Ensign, Nob. 1996, 60).

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, ilagay sa isa sa mga kahonng regalo ang papel na sinulatan ng Kaloob na Espiritu Santo.

• Matapos nating tanggapin ang kaloob na Espiritu Santo, paano tayo magigingkarapat-dapat sa palagiang patnubay ng Espiritu Santo? (Tingnan sa Ang MgaGawa 5:32; Doktrina at mga Tipan 6:14; 20:77, 79; 76:116; 121:45–46.) Paanonatin mababatid ang impluwensiya ng Espiritu Santo? (Tingnan sa Mga TagaGalacia 5:22–23; Doktrina at mga Tipan 6:15, 23; 11:13.)

Itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer na: “Ang Espiritu Santo ay nagsasalita sapamamagitan ng isang tinig na mas nadarama ninyo kaysa naririnig. Ito ayinilalarawan bilang isang ‘marahan at banayad na tinig.’ At habang pinag-uusapan natin ang ‘pakikinig’ sa mga bulong ng Espiritu, kadalasan ayinilalarawan ang espirituwal na pag-uudyok sa pamamagitan ng pagsasabing,‘May nadama ako . . . ’ . . . Ang paghahayag ay dumarating bilang mgasalitang mas nadarama natin kaysa naririnig” (sa Conference Report, Okt. 1994,77; o Ensign, Nob. 1994, 60).

Sa isang panaginip na ibinigay kay Pangulong Brigham Young, siya aytinagubilinan ng Propetang si Joseph Smith na ituro sa mga Banal na “angEspiritu ng Panginoon . . . ay magbubulong ng kapayapaan at kagalakan sakanilang kaluluwa; aalisin nito sa kanilang mga puso ang kahalayan, poot,alitan at lahat ng kasamaan; at ang magiging buong hangarin nila ay anggumawa ng mabuti, maging matwid at itatag ang kaharian ng Diyos”(Manuscript History of Brigham Young, 1846–1847, tinipon ni Elden J. Watson[1971], 529).

2. Ipinropesiya ni Jesus ang kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Juan 16:16–33.

• Matapos turuan ni Jesus ang mga Apostol tungkol sa Espiritu Santo, sinabiniya sa kanila na malapit na siyang mamatay at muli siyang mabubuhay (Juan16:16–20). Pagkatapos ay sinabi niyang, “Ang mga bagay na ito ay sinalita kosa inyo, upang kayo’y magkaroon sa akin ng kapayapaan” (Juan 16:33). Ano sapalagay ninyo ang ibig sabihin ng magkaroon ng kapayapaan sa kanya? Anoang matututuhan natin mula sa mga turo ni Jesus sa Juan 16 na makatutulongsa atin na magkaroon ng kapayapaan sa kanya? (Tingnan din sa Mga TagaFilipos 4:7–9; Doktrina at mga Tipan 59:23.)

• Sinabi ni Jesus sa kanyang mga Apostol na, “Sa sanglibutan ay mayroonkayong kapighatian: ngunit laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang

126

sanglibutan” (Juan 16:33). Paano kaya makatutulong sa atin ang kaalaman na nadaig ni Jesus ang daigdig upang magkaroon tayo ng lakas ng loob kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok? Bakit mahalagang magkaroon nglakas ng loob?

3. Inialay ni Jesus ang dakilang panalangin ng pamamagitan (intercessoryprayer).

Basahin at talakayin ang Juan 17, na naglalaman ng panalangin na inialay niJesus bago ang kanyang pagdurusa sa Halamanan ng Getsemani at sa krus. Ang panalanging ito ay kadalasang tinatawag na dakilang panalangin ngpamamagitan (intercessory prayer) dahil habang nananalangin si Jesus, siya aynamagitan, o tumayo sa pagitan natin at ng Ama sa Langit, upang magsumamopara sa ating kaligtasan. Hangarin ang patnubay ng Espiritu sa pagpili ng mgatalata na babasahin at tatalakayin.

• Nang simulan ni Jesus ang kanyang panalangin, paano niya inilarawan angkanyang misyon sa mundo? (Tingnan sa Juan 17:1–2; tingnan din sa Moises1:39.) Paano niya isinagawa ang misyong ito?

• Sa kanyang panalangin ay sinabi ng Tagapagligtas na, “At ito ang buhay nawalang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang [si Jesucristo] iyong sinugo” (Juan 17:3). Paanong kaiba ang pagkakilala sa Amasa Langit at kay Jesucristo sa pagkakaalam lamang ng tungkol sa kanila? Paanonatin sila makikilala? (Tingnan sa I Ni Juan 4:7–8; Mosias 5:10–13; Alma 22:18;Doktrina at mga Tipan 18:33–36; 132:21–24.)

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, ilagay ang papel nasinulatan ng Buhay na Walang Hanggan sa ikalawang kahon ng regalo.Anyayahan ang isang miyembro ng klase na basahin ang Doktrina at mga Tipan 14:7.

• Sa unang bahagi ng kanyang panalangin ay inilarawan ni Jesus ang mga bagayna ginawa niya tungo sa pagtupad sa kanyang misyon (Juan 17:4–8). Paanonatin iniuulat sa Ama sa Langit ang ating mga pagsisikap? Paano maaaringmaapektuhan ang ating mga kilos kung sa gabi-gabi ay isasama natin sa atingmga panalangin ang ulat tungkol sa ating mga pagsisikap na paglingkuran siyasa araw na iyon?

• Kahit na alam ni Jesus na matindi ang kanyang magiging pagdurusa, sino parin ang ipinalangin niya? (Tingnan sa Juan 17:6–9, 20.) Ano ang matututuhannatin mula dito?

• Paano tayo, tulad ni Jesus at ng kanyang mga Apostol, makapamumuhay sadaigdig nang hindi nagiging “taga sanglibutan”? (Juan 17:14; tingnan din samga talata 15–16).

Sinabi ni Elder M. Russell Ballard:

“Sa Simbahan ay madalas nating banggitin ang tambalang pangungusap na,‘Mamuhay sa daigdig ngunit huwag maging taga daigdig.’ Habangpinanonood natin ang mga palabas sa telebisyon na kung saan ginagawangpangkaraniwan at kaakit-akit ang kalapastanganan, karahasan, at kataksilan,ay madalas nating pangarapin na sana kahit paano ay masarhan natin angdaigdig at ilayo ang ating pamilya sa lahat-lahat ng mga ito. . . .

Aralin 24

127

“Marahil dapat nating banggitin ang tambalang pangungusap na nabanggitkanina at gawing dalawang magkahiwalay na babala. Una, ‘Mamuhay sadaigdig.’ Makisali, makialam. Sikaping maging maunawain at mapagparaya atkalugdan ang mga taong may iba’t ibang uri ng kultura, paniniwala, at iba pa.Gumawa ng makabuluhang mga kontribusyon sa lipunan sa pamamagitan ngpaglilingkod at pakikisali. Ikalawa, ‘Huwag maging taga daigdig.’ Huwag sundanang mga maling landas o baguhin ang inyong mga paniniwala o huwag ilagaysa alanganin ang inyong mga pamantayan para lamang magbigay puwang otanggapin ang hindi tama.

“Dapat nating sikaping baguhin ang tiwali at imoral na pagkahilig sa telebisyonat sa lipunan sa pamamagitan ng hindi pagpapapasok sa ating mga tahanan ng mga bagay na nakasasakit ng damdamin at nakapagpapababa ng pagkatao.Sa kabila ng lahat ng kasamaan sa daigdig, at sa kabila ng lahat ng pagsalungatsa kabutihan na nakikita natin sa ating paligid, ay hindi natin dapat subukangialis ang ating sarili o ang ating mga anak sa daigdig. Sinabi ni Jesus, ‘Angkaharian ng langit ay tulad ng lebadura,’ o pampaalsa (Mateo 13:33). Dapatnating iangat ang daigdig at tulungan ang lahat na makabangon mula sakasamaan na nakapalibot sa atin. Ang Tagapagligtas ay nanalangin sa Ama:

“ ‘Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama’ (Juan 17:15)” (sa Conference Report, Abr. 1989, 101;o Ensign, Mayo 1989, 80).

• Paano “iisa” ang Ama sa Langit at si Jesucristo tulad ng nakasaad sa Juan17:21–22?

Tungkol naman sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Espiritu Santo ay ganitoang sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley: “Sila ay magkakahiwalay nakatauhan, ngunit iisa sila sa layunin at pagsisikap. Nagkakaisa sila sapagsasakatuparan ng dakila at makalangit na plano para sa kaligtasan atkadakilaan ng mga anak ng Diyos. . . . Ang perpektong pagkakaisa sa pagitanng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo ang nagbubuklod sa tatlong ito tungosa pagkakaisa ng banal na Panguluhang Diyos” (sa Conference Report, Okt.1986, 69; o Ensign, Nob. 1986, 51).

• Bakit mahalaga para sa mga Apostol ang maging iisa? (Tingnan sa Juan17:22–23.) Bakit kailangan nating makiisa sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?sa iba pang mga miyembro ng Simbahan? sa ating mga pamilya? Paano tayomakatutulong sa pagdaragdag ng pagkakaisa sa mga ugnayang ito? (Tingnan saJuan 17:26; Mosias 18:21; Doktrina at mga Tipan 35:2.)

Katapusan Hilingin sa mga miyembro ng klase na isipin kung ano ang nadarama nila kapagalam nilang ipinapanalangin sila ng isang tao. Anyayahan silang pagnilay-nilayan kung ano kaya ang mararamdaman nila kung nakasama nila si Jesusnang ialay niya ang panalangin ng pamamagitan. Ipaliwanag na ang panalanginng pamamagitan ay makatutulong sa atin na mapasalamatan ang mahalagangkaloob ng buhay na walang hanggan na nais ipagkaloob sa atin ng Tagapagligtas.Magpatotoo na pagpapalain tayo habang sinisikap nating sundin ang mgaibinibigay na inspirasyon ng Espiritu Santo at maging kaisa ng Ama sa Langit atni Jesucristo.

128

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

Pag-anyaya sa Espiritu

Upang matulungan ang mga miyembro ng klase na madama at makilala angimpluwensiya ng Espiritu Santo, kausapin ang ilan sa kanila nang maaga, nainaanyayahan ang bawat isa sa kanila na pumili ng isa sa sumusunod na mgapagtatanghal na gagawin bilang bahagi ng aralin:

a. Basahin ang isang paboritong talata sa banal na kasulatan.b. Magbigay ng patotoo.c. Awitin ang isang himno o awit sa Primarya na tungkol sa Tagapagligtas.d. Ipahayag ang pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.e. Magbahagi ng isang espirituwal na karanasan (kung naaangkop).

Pagkatapos ng mga pagtatanghal sa klase, anyayahan ang mga miyembro ngklase na ilarawan kung ano ang kanilang nadama sa oras ng mga pagtatanghal.Basahin ang pahayag ni Pangulong Boyd K. Packer na nasa mga pahina 126 attulungan ang mga miyembro ng klase na makilala ang mga damdamingnagmumula sa Espiritu Santo. Sabihin kung ano ang nadarama ninyo kapagnakakatanggap kayo ng patnubay mula sa Espiritu Santo.

Aralin 24

129

130

Aralin

25“Huwag Mangyari ang Aking

Kalooban, Kundi ang Iyo”Mateo 26:36–46; Marcos 14:32–42; Lucas 22:39–46

Layunin Palakasin ang mga patotoo ng mga miyembro ng klase na makatatanggap sila ngkapatawaran, kapayapaan, at buhay na walang hanggan dahil sa Pagbabayad-salani Jesucristo.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal na kasulatan, na nagbibigay ulat tungkol sa karanasan ng Tagapagligtas saHalamanan ng Getsemani: Mateo 26:36–46, Marcos 14:32–42, at Lucas22:39–46.

2. Karagdagang pagbabasa: 2 Nephi 2:5–8; Alma 7:11–14; 34:8–16; 42:1–31;Doktrina at mga Tipan 19:15–24; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Bayad-sala”, o “Pagbabayad-sala,” 26–27 at “Getsemani” 69.

3. Kung makukuha ang larawan na Si Jesus ay Nananalangin sa Getsemani(34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 227), gamitin ito sa aralin.

4. Anyayahan ang ilang miyembro ng klase na dumating sa klase nanakahandang magpahayag ng kanilang nadarama tungkol sa Pagbabayad-salani Jesucristo sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang paboritong talata sa banalna kasulatan na may kaugnayan sa Pagbabayad-sala o pagbigkas ng ilang linyamula sa isang paboritong himno na pangsakramento.

5. Mungkahi para sa pagtuturo: Sinabi ng Panginoon na ‘Huwag hangaringipahayag ang aking salita, kundi hangarin munang matamo ang aking salita”(Doktrina at mga Tipan 11:21). Upang mabisang makapagturo mula sa mgabanal na kasulatan, dapat ninyong pag-aralan at pagnilay-nilayin ang mga itoaraw-araw. Palagiang alagaan ang inyong patotoo tungkol sa kapangyarihan at katotohanan ng mga ito. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na DakilangTungkulin, Yunit A, Paksa 7, “Alamin nang May Katiyakan ang Aking mgaDoktrina,” 13–14 at Yunit E, Paksa 7, “Pagbibigay-buhay sa mga Banal naKasulatan,” 105–107.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ilang taon bago naordenan bilang Apostol si Elder Orson F. Whitney aynakatanggap siya ng pangitain tungkol sa Tagapagligtas na nasa Halamanan ng Getsemani. Basahin ang sumusunod na siping-banggit, na paglalarawan niElder Whitney sa kanyang pangitain:

Gawaing Pantawag-pansin

“Para bang ako ay nasa Halamanan ng Getsemani, isang saksi sa pagdurusa ngTagapagligtas. Nakita ko sa Kanya ang kapayakan na hindi ko nakita kahitkanino. Habang nakatayo ako sa likuran ng isang puno sa gawing harapan aynakita ko si Jesus na kasama sina Pedro, Santiago, at Juan, habang papasok sila saisang maliit . . . na pasukan sa gawing kanan ko. Nang iwanan niya ang tatlongApostol doon, matapos sabihin sa kanilang lumuhod at manalangin, ang Anakng Diyos ay nagpunta sa kabilang panig ng Halamanan ng Getsemani, kung saanlumuhod din Siya at nanalangin. Iyon ay panalangin na pamilyar sa lahat ngmga mambabasa ng Biblia: ‘Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin angsarong ito: gayon ma’y huwag ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.’

“Habang nananalangin Siya ay dumaloy ang luha sa kanyang mukha, nanakaharap sa akin. Labis na naantig ang aking kalooban sa tagpong iyon kungkaya’t umiyak din ako, dahil sa nais kong damayan siya nang lubusan. Angbuong puso ko’y nahabag sa kanya; minahal ko siya nang aking buong kaluluwa,at ibig na ibig kong makapiling siya higit sa anupaman.

“Makaraan ang ilang sandali ay tumayo na Siya at naglakad patungo sa lugar kung saan nakaluhod ang mga Apostol na iyon—na mahimbing na natutulog!Marahang niyugyog niya sila, ginising sila, at sa mahinahon na tinig, na wala ni kaunting bahid ng galit o pagkayamot, ay nagtanong sa kanila nang maykalungkutan kung hindi ba nila magagawang makipagpuyat sa kanya sa loob ngisang oras. Naroon Siya, na pasan sa kanyang mga balikat ang matinding bigatng kasalanan ng sanlibutan, kasama ang dalamhating dulot ng bawat lalaki,babae, at bata na tumitimo sa kanyang sensitibong kaluluwa—at hindi nilamagawang makipagpuyat a kanya kahit sa loob lamang ng isang oras!

“Nagbalik siya sa kanyang lugar, inialay Niya ang gayon ding panalangin tuladng dati; pagkatapos ay nagbalik at muling natagpuan silang nangatutulog. Muliniyang ginising ang mga ito, muling pinaalalahanan, at minsan pa’y nagbalik atnanalangin. Tatlong ulit itong nangyari” (Through Memory’s Halls [1930], 82).

Ipakita ang larawan ni Jesus na nananalangin sa Getsemani. Hilingin sa mgamiyembro ng klase na isipin ang kanilang pagmamahal para sa Tagapagligtas at kung ano ang mararamdaman nila kung sakaling nakita nila siya nanananalangin sa Halamanan ng Getsemani noong gabi bago ang kanyangPagpapako sa Krus. Anyayahan ang ilang miyembro ng klase na ibahagi angkanilang mga naiisip.

Ang araling ito at ang aralin 26 ay tungkol sa Pagbabayad-sala—ang bukal sakaloobang pag-ako ni Jesucristo sa kamatayan at mga kasalanan at karamdamanng buong sangkatauhan. Ang araling ito ay nakatuon sa karanasan ngTagapagligtas sa Halamanan ng Getsemani, samantalang tinatalakay naman ng aralin 26 ang kanyang Pagpapako sa Krus. Mahalagang tandaan na angPagbabayad-sala ay kinapapalooban kapwa ng pagdurusa ng Tagapagligtas sahalamanan at sa krus.

Itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson na: “Sa Getsemani at sa Kalbaryo ayisinagawa Niya ang walang katapusan at walang hanggang pagbabayad-sala. Iyon ang nag-iisang pinakadakilang pagpapakita ng pagmamahal sa nakatalangkasaysayan. Kung kaya Siya ang naging Manunubos natin—tinubos tayong lahatmula sa kamatayang pisikal, at tinubos mula sa kamatayang espirituwal ang mga

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

131

taong susunod sa mga batas at ordenansa ng ebanghelyo” (The Teachings of EzraTaft Benson [1988], 14).

1. Inako ng Tagapagligtas sa kanyang sarili ang ating mga kasalanan atkaramdaman.

Talakayin ang Mateo 26:36–46; Marcos 14:32–42; at Lucas 22:39–46. Anyayahanang mga miyembro ng klase na basahin nang malakas ang mga piling talata.

• Ano ang hiniling ni Jesus na gawin ng Kanyang mga Apostol sa Halamanan ng Getsemani? (Tingnan sa Lucas 22:39–40.) Bakit hiniling ni Jesus sa mgaApostol na manalangin? (Tingnan sa Lucas 22:40.) Paano tayo pinalalakas ngpanalangin laban sa tukso?

• Ano ang hiniling ni Jesus na gawin nina Pedro, Santiago, at Juan saHalamanan ng Getsemani? (Tingnan sa Mateo 26:38, 41. Bigyang-diin na angibig sabihin ng gamit na ito ng salitang makipagpuyat ay manatiling gising.)Paano maaaring naaangkop sa atin ang utos na magpuyat, o manatiling gisingsa pagsisikap nating ipamuhay ang ebanghelyo? (Tingnan sa 2 Nephi 4:28;Alma 7:22; 32:26–27.)

• Bakit bukal sa kalooban ni Jesus na magpasailalim sa matinding paghihirap na alam niyang daranasin niya sa Halamanan ng Getsemani? (Tingnan saMateo 26:39, 42, 44.) Ano ang matututuhan natin mula sa panalangin ngTagapagligtas sa Getsemani? Paano kayo pinagpala sa pagpapasailalim ninyosa kalooban ng Ama sa Langit?

• Matapos sabihin ni Jesus na gagawin niya ang kalooban ng Ama sa Langit, ay “nagpakita sa kanya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sakanya” (Lucas 22:43). Ano ang maituturo nito sa atin tungkol sa ating Ama saLangit? (Maaaring maibilang sa mga sagot ang palalakasin niya tayo habangbuong kababaang-loob nating sinusunod ang kanyang kalooban.)

• Ano ang naranasan ng Tagapagligtas sa Getsemani? (Tingnan sa Doktrina atmga Tipan 19:16–19; Lucas 22:44; Mosias 3:7; Alma 7:11–13.)

Itinuro ni Elder James E. Talmage na: “Ang pagdurusa ni Cristo sa halamanan ay hindi maaarok ng may-hangganang kaisipan, kapwa sa kasidhian at layuninnito. . . . Nakipaglaban siya at dumaing sa paghihirap na hindi maaabot ngkaisipan ng sinumang nilalang na nabuhay sa mundo. Iyon ay hindi lamangpisikal na paghihirap, ni dalamhating pangkaisipan, na naging dahilan upangdanasin niya ang gayong labis na hirap na naging sanhi upang lumabas angdugo sa bawat butas ng kanyang balat; kundi isang espirituwal na pagdurusang kaluluwa na tanging ang Diyos ang makababata ng gayong karanasan. . . .Sa oras na iyon ng pagdurusa ay hinarap at napagtagumpayan ni Cristo anglahat ng kakila-kilabot na bagay na maaaring ihasik ni Satanas, ‘ang prinsipeng sanglibutang ito,’. . . . Sa di malaman na kalagayan, sa aktuwal at kahindik-hindik na katotohanan bagama’t hindi kayang arukin ng tao, tinaglay ngTagapagligtas sa Kanyang sarili ang bigat ng mga kasalanan ng sanlibutanmula kay Adan hanggang sa dulo ng daigdig” (Jesus the Christ, ika-3 edisyon[1916], 613).

Sinabi ni Elder Neal A. Maxwell na: “Bilang bahagi ng Kanyang walanghanggang pagbabayad-sala, alam ni Jesus ‘ayon sa laman’ ang lahat ng atingpagdaraanan. (Alma 7:11–12.) Tiniis niya ang mga kasalanan, pighati,

132

dalamhati, at sakit ng bawat lalaki, babae, at bata (tingnan sa 2 Nephi 9:21)”(sa Conference Report, Abr. 1987, 89; o Ensign, Mayo 1987, 72).

2. Kailangan natin ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

• Bakit kailangan natin ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo? (Tingnan sa Alma 34:9.)

a. Dahil sa Pagkahulog ni Adan at ni Eva, tayo ay daranas ng kamatayangpisikal, na siyang paghihiwalay ng katawan at espiritu (Moises 6:48).

b. Kapag nagkakasala tayo ay nagdudulot tayo ng kamatayang espirituwal saating sarili dahil inilalayo natin ang ating sarili sa Diyos. Ang ating mgakasalanan ang nagpaparumi sa atin at dahilan ng ating pagiging hindikarapat-dapat na mamuhay sa piling ng Diyos (1 Nephi 10:21).

c. Dahil hindi natin mapagtatagumpayan ang pisikal o espirituwal nakamatayan nang tayo lamang, ipinadala ng Ama sa Langit ang kanyangBugtong na Anak upang ipaabot ang Pagbabayad-sala (Juan 3:16; 2 Nephi2:5–9).

• Anong mga biyaya ang mapapasaatin dahil sa pagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas? Paano natin matatanggap ang mga biyayang ito?

a. Dahil ang Tagapagligtas ay napasailalim sa kamatayan at nabuhay na mag-uli, tayong lahat ay mabubuhay na mag-uli, na napagtatagumpayan angkamatayang pisikal (Mosias 16:7–8).

b. Dahil inako niya ang ating mga kasalanan, mapagsisisihan natin ang atingmga kasalanan at tayo ay mapapatawad, at magiging malinis at karapat-dapat tayong mamuhay sa piling ng Diyos (Alma 7:13–14; Mga Saligan ngPananampalataya 1:3).

c. Dahil inako niya sa kanyang sarili ang ating mga karamdaman,nauunawaan niya ang ating mga paghihirap at alam niya kung paano tayomatutulungan (Alma 7:11–12). Nakatatanggap tayo ng kapayapaan sa kanyahabang buong kababaang-loob tayong sumusunod sa kanya (Doktrina atmga Tipan 19:23).

Ipinaliwanag ni Elder Marion G. Romney na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala, ang lahat ng tao ay maliligtas mula sa kamatayang pisikal at ang nagsisisi at masunurin ay maliligtas din mula sa kasalanan:

“Kinailangan ang pagbabayad-sala ni Jesucristo upang mapagsamang muli angmga katawan at espiritu ng mga tao sa pagkabuhay na mag-uli. Kung kaya angbuong daigdig, mga mananampalataya at mga di-mananampalataya, ay mayutang sa Manunubos sa tiyak nilang pagkabuhay na mag-uli, dahil angpagkabuhay na mag-uli ay magiging kasinglaganap ng pagkahulog, nanagdulot ng kamatayan sa bawat tao.

“May isa pang bahagi ang pagbabayad-sala na dahilan kung bakit lalo ko pang minahal ang Tagapagligtas, at pinupuspos ang aking kaluluwa ngpasasalamat na hindi maipaliwanag. Iyon ay bukod pa sa pagbabayad-sala sapaglabag ni Adan, na nagbigay-daan sa pagkabuhay na mag-uli, pinagbayaranng Tagapagligtas ang aking sariling mga kasalanan sa pamamagitan ngkanyang pagpapakasakit. Pinagbayaran niya ang utang ng inyong sariling mga kasalanan at ang utang ng bawat nabubuhay na tao na nanirahan samundo o maninirahan sa buhay na ito sa mundo. Ngunit ginawa niya itonang may pasubali. Ang mga benepisyo ng pagdurusang ito para sa ating

Aralin 25

133

kani-kanyang paglabag ay hindi darating sa atin nang walang pasubali natulad ng pagkabuhay na mag-uli na darating sa atin anuman ang atingginagawa. Kung tatanggapin natin ang mga biyaya ng pagbabayad-sala na may kaugnayan sa ating indibiduwal na paglabag, kailangan nating sundinang batas.

“ . . . Kapag nakagagawa tayo ng kasalanan ay nahihiwalay tayo sa Diyos atnagiging hindi karapat-dapat na pumasok sa kanyang kinaroroonan. Walangmaruming bagay na makapapasok sa kanyang kinaroroonan. Hindi natinmagagawa sa ating sarili, anuman ang ating gawin, na maalis ang batik nanasa atin bunga ng ating sariling mga paglabag. Kailangang maalis ang batik sa pamamagitan ng dugo ng Manunubos, at ipinakita niya ang paraan kungpaano maaalis ang batik na iyon. Ang paraan na iyon ay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Hinihiling ng ebanghelyo na maniwala tayo sa Manunubos,tanggapin ang kanyang pagbabayad-sala, pagsisihan ang ating mga kasalanan,magpabinyag sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig para sa ikapapatawad ngating mga kasalanan, tanggapin ang kaloob na Espiritu Santo sa pamamagitanng pagpapatong ng mga kamay, at patuloy na sundin nang buong katapatan, o gawin ang pinakamainam na magagawa natin upang sundin, ang mgaalituntunin ng ebanghelyo sa buong buhay natin” (sa Conference Report, Okt. 1953, 35–36).

Anyayahan ang inatasang mga miyembro ng klase na ibahagi ang mgapagtatanghal na inihanda nila (tingnan sa bahaging “Paghahanda”).

Katapusan Magpatotoo tungkol kay Jesucristo at ipahayag ang inyong pasasalamat sakanyang Pagbabayad-sala. Kung naaangkop, hilingin sa mga miyembro ng klasena gawin din ang gayon.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. Pagpapalabas ng video

Ang ikalimang yugto ng “New Testament Customs,” isang piling bahagi mula saNew Testament Video Presentations (53914), ay nagpapaliwanag na ang ibigsabihin ng Getsemani ay “gilingan ng olivo.” Kung ipalalabas ninyo ang yugtongito, talakayin kung paano angkop na pangalan ang Getsemani sa halamanankung saan tiniis ng Tagapagligtas ang ating mga kasalanan.

2. “Ang Tagapamagitan”

Gumamit si Elder Boyd K. Packer ng isang talinghaga upang ituro kung paanotayo pinalalaya ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo mula sa kasalanan kapagnagsisisi tayo at sumusunod sa mga kautusan. Maaari ninyong naising ibahagiang talinghagang ito upang tulungan ang mga miyembro ng klase namaunawaan ang pangangailangan sa Pagbabayad-sala. Ang talinghaga aymatatagpuan sa sumusunod na mga mapagkukunan:

a. Mga Alituntunin ng Ebanghelyo [1997], Kabanata 12, mga pahina 78–83.

134

135

Aralin

26“Ako’y Ipinanganak Dahil Dito”Mateo 26:47–27:66; Marcos 14:43–15:39; Lucas 22:47–23:56; Juan 18–19

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na madama ang pagmamahal sa kanila ng Tagapagligtas at mapag-ibayo ang kanilang pagmamahal sa kanya at angkanilang pasasalamat sa kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mateo 26:47–75; Marcos 14:43–72; Lucas 22:47–71; Juan 18:1–27.Pagkatapos na pagkatapos ng kanyang pagdurusa sa Getsemani, si Jesus ayipinagkanulo ni Judas, na dumating na kasama ang mga punong saserdote,Fariseo, at kawal. Ipinaubaya ni Jesus ang kanyang sarili sa mga humuli sakanya, sila na kumuha sa kanya mula sa halamanan at nagpasailalim sakanya sa paglilitis ng mga Judio. Una siyang tinanong ni Ana, isang datingmataas na saserdote, at pagkatapos ay si Caifas, na manugang ni Anas napumalit sa kanya. Dinuraan si Jesus ng mga punong saserdote at matatandana naroon, inalipusta siya, iginapos siya, at pinaratangan siya ngkalapastanganan sa Diyos, isang pagkakasalang ang kaparusahan aykamatayan. Sa labas ng palasyo ni Caifas ay ikinaila ni Pedro na kakilalaniya si Jesus.

b. Mateo 27:1–26; Marcos 15:1–15; Lucas 23:1–25; Juan 18:28–19:16. Dahilwalang kapangyarihan ang mga punong saserdote at matatanda na hatulansi Jesus ng kamatayan, siya ay ipinadala upang litisin ni Poncio Pilato, anggobernador ng Roma sa Judea (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pilato,”214). Sa harapan ni Pilato ay pinaratangan si Jesus na kaaway ni Cesar. Nang malamang si Jesus ay mula sa Galilea, siya ay ipinadala ni Pilato kayHerodes, isang gobernador sa Galilea. Tumanggi si Herodes na hatulan siJesus at ipinabalik siya kay Pilato, na pumayag sa kahilingan ng mga tao naipako sa krus si Jesus.

c. Mateo 27:27–66; Marcos 15:16–39; Lucas 23:26–56; Juan 19:17–42. Si Jesus ay hinampas at ipinako sa krus. Sa krus ay naranasan niya angpinakamatinding pagdurusa habang iniaalay niya ang kanyang sarili bilang isang sakripisyo para sa sangkatauhan.

2. Karagdagang pagbabasa: Isaias 53; Marcos 15:39–47; Juan 3:16; 15:13; 1 Nephi 11:32–33; 19:7–9; 2 Nephi 9:21–22; Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Pagpapako sa Krus,” 191–192.

3. Ihanda ang pitong sinulatang papel na inilarawan sa pahina 138–139 (o maghandang isulat ang mga pangungusap sa pisara).

4. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, gamitin ang mga ito saaralin:

a. Ang mga larawan na Ang Pagkakanulo kay Jesus (34730 893; Pakete ngLarawan ng Sining ng Ebanghelyo 228); Ang Pagkakaila ni Pedro (34730

893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 229); at Ang Pagpapako saKrus (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 230).

b. “To This End Was I Born,” isang labing-anim na minutong yugto ng NewTestament Video Presentations (53914).

5. Mungkahi sa pagtuturo: Kapag ang mga guro at miyembro ng klase aymapitagan, inaanyayahan nila ang Espiritu na dumalo. Ang mga miyembro ng klase ay dapat na “malayang magtalakayan, malayang magsalita, malayangmakisali sa mga gawain sa klase, subalit walang miyembro ng klase na maykarapatang gambalain ang isa pang estudyante sa pamamagitan ngpanggigitgit o pagsasalita ng mga bagay na walang kabuluhan o walanggaanong saysay” (David O. McKay, Gospel Ideals [1954], 224). Magpakita nghalimbawa ng pagpipitagan sa Diyos at paggalang sa bawat miyembro ngklase.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ipabuklat sa mga miyembro ng klase ang “Ang Jerusalem sa Panahon ni Jesus”(mapa 5 sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan).

Ipaliwanag na ang araling ito ay nakatuon sa Pagpapako sa Krus ng Tagapagligtasat sa mga pangyayari noong mga oras bago ito sumapit. Ang mga pangyayaringito ay naganap sa mga lugar na matatagpuan sa mapa. Tulungan ang mgamiyembro ng klase na hanapin ang sumusunod na mga lugar: (1) angHalamanan ng Getsemani, (2) ang bahay ni Caifas, (3) ang looban ng mgaGentil, (4) Moog ng Antonia, (ang bahay ni Pilato), at (5) ang Burol ng Golgota(Kalbaryo).

Kapag nahanap na ng mga miyembro ng klase ang Burol ng Golgota, ipaliwanagna doon ipinako sa krus si Jesus. Ipakita ang larawan ng Pagpapako sa Krus.Hilingan ang mga miyembro ng klase na isipin nila ang isang maliit na bata nanakatingin sa larawan at nagtatanong na, “Bakit kinailangang mamatay si Jesus?”Anyayahan ang mga miyembro ng klase na mag-ukol ng panahon sa oras ngaralin upang pagnilay-nilayan ang sasabihin nila sa bata. Sabihin sa kanila natatalakayin ninyo ang tanong sa bandang huli ng araling ito.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan ang pagmamahal naipinakita ng Tagapagligtas para sa kanila nang hayaan niya ang kanyang sarili namapagmalupitan at maipako sa krus.

1. Si Jesus ay ipinagkanulo, inaresto, at pinaratangan ng kalapastanganan saDiyos; ikinaila ni Pedro si Jesus nang tatlong ulit.

Talakayin ang Mateo 26:47–75; Marcos 14:43–72; Lucas 22:47–71; at Juan18:1–27. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin nang malakas angmga piling talata. Maaari ninyong naising ibuod ang pangyayaring ito tulad ng

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

136

nakabanghay sa 1a ng bahaging “Paghahanda.” Ipakita ang larawan ni Jesus naipinagkakanulo sa Getsemani.

• Paano tumugon si Pedro sa mga kalalakihang dumating sa Halamanan ngGetsemani upang kunin si Jesus? (Tingnan sa Juan 18:10.) Paano tumugon siJesus sa mga taong ito? (Tingnan sa Lucas 22:51–53; Juan 18:11–12.) Bakithinayaan ni Jesus na maisama nila siya? (Tingnan sa Mateo 26:53–54; Juan10:17–18. Ipaliwanag na kalooban ng Ama sa Langit na ibigay ni Jesus angkanyang buhay para sa atin.)

• Pinaratangan si Jesus ng mga punong saserdote at matatanda ng mga Judio ngkalapastanganan sa Diyos, isang krimen na ang kaparusahan ay kamatayan(Marcos 14:64). Ano ang kalapastanganan sa Diyos? (Kawalang pitagan saDiyos o pagsasabing kapantay ang Diyos.) Ano ang sinabi ni Jesus na inakalang mga punong saserdote at matatanda na kalapastanganan sa Diyos?(Tingnan sa Marcos 14:60–63.)

• Habang inilalayo sa halamanan si Jesus, ang karamihan sa kanyang mgadisipulo ay “iniwan siya . . . at nagsitakas” (Mateo 26:56). Gayunman, patuloypa ring sumunod sa kanya sina Pedro at Juan (Mateo 26:58; Juan 18:15;ipinapalagay na ang hindi nabanggit na disipulo sa Juan 18:15 ay si Juan). Ano ang ginawa ni Pedro nang sabihin ng mga taong nasa labas ng palasyo ni Caifas na kilala niya si Jesus? (Tingnan sa Mateo 26:69–74.) Ano ang ginawani Pedro nang matanto niyang ikinaila niya si Jesus nang tatlong ulit?(Tingnan sa Mateo 26:75; tingnan din ang mga talata 33–35.)

Ipakita ang larawan ni Pedro na ikinakaila si Jesus.

• Tulad ni Pedro, paano ikinakaila kung minsan ng ilan sa atin ang atingpananampalataya? Ano ang matututuhan natin mula sa buhay ni Pedromatapos niyang ikaila ang Panginoon?

Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley:

“Naaawa ako kay Pedro. Marami sa atin ang katulad na katulad niya.Sumusumpa tayo na magiging matapat tayo; pinaninindigan natin ang atingdeterminasyon na magiging matapang; sinasabi natin, kung minsan kahit samadla, na anuman ang mangyari ay gagawin natin ang tama, na paninindigannatin ang tama, na magiging matapat tayo sa ating sarili at sa iba.

“Pagkatapos ay nagsisimulang dumating ang mga pagsubok. Kung minsan angmga ito ay mula sa pakikihalubilo natin sa ating kapwa. Kung minsan ang mgaito ay ang pagkahilig natin sa mga bagay. Kung minsan ang mga ito ay angmga maling ambisyon. Nagiging mahina ang paninindigan. Lumalambot angdisiplina sa sarili. Nabibigyang daan ang tukso. At pagkatapos ay matindingkalungkutan, na sinusundan ng panunumbat sa sarili at mapait na luha ngpanghihinayang. . . .

“ . . . Kung mayroon mang mga tao sa Simbahan na sa pamamagitan ng salitao gawa ay itinatuwa ang pananampalataya, idinadalangin ko na magtamokayo ng kapanatagan at pagpapasiya mula sa halimbawa ni Pedro, na, kahit na araw-araw na nakasama si Jesus, sa oras ng panganib ay pansamantalangikinaila ang Panginoon at gayundin ang kanyang patotoo na tinaglay niya sa kanyang puso. Gayunman ay pinaglabanan niya ito at naging matatag natagapagtanggol at makapangyarihang tagapamagitan. Gayundin naman na

Aralin 26

137

may paraan upang makabalik ang sinumang tao at idagdag ang kanyang lakasat pananampalataya sa lakas at pananampalataya ng iba sa pagtatatag ngkaharian ng Diyos” (“And Peter Went Out and Wept Bitterly,” Ensign, Mar.1995, 2–4, 6).

2. Hinatulan si Jesus na mapako sa krus.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mateo 27:1–26; Marcos15:1–15; Lucas 23:1–25; at Juan 18:28–19:16. Maaari ninyong naising ibuod angpangyayaring ito tulad ng nakabalangkas sa 1b ng bahaging “Paghahanda.”

• Nang malaman ni Pilato na si Jesus ay taga Galilea, siya ay ipinadala niya kayHerodes, na gobernador sa Galilea (Lucas 23:6–7). Bakit “lubhang nagalak” si Herodes na makita si Jesus? (Tingnan sa Lucas 23:8.) Paano tumugon angTagapagligtas sa mga tanong ni Herodes? (Tingnan sa Lucas 23:9; ihambingang talatang ito sa propesiya sa Isaias 53:7.)

• Matapos paratangan at hamakin ni Herodes at ng kanyang mga tauhan siJesus, siya ay ipinabalik nila kay Pilato (Lucas 23:11). Ano ang hatol naibinigay ni Pilato kay Jesus? (Tingnan sa Lucas 23:13–17; tingnan din sa Lucas 23:4.) Bakit hinatulan ni Pilato si Jesus na mapako sa krus? (Tingnan sa Mateo 27:15–24; Marcos 15:6–15; Lucas 23:18–25; Juan 19:1–16.) Paano ba tayo tulad ni Pilato, na nagsisikap kung minsan na maiwasan angpananagutan sa mahihirap na desisyon?

• Sa isa sa mga tanong ni Pilato kung hari ba si Jesus ay sinabi ni Jesus na,“Ako’y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, upangbigyang patotoo ang katotohanan” (Juan 18:37). Sa paanong mga paraan isangHari si Jesus? (Tingnan sa Mga Awit 24:10; Isaias 44:6; Apocalipsis 11:15; 15:3;2 Nephi 10:14.) Ano ang ibig sabihin ng ang kanyang “kaharian ay hindi rito[sa daigdig]”? (Juan 18:36).

3. Si Jesus ay hinampas at ipinako sa krus.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mateo 27:27–66; Marcos15:16–39; Lucas 23:26–56; at Juan 19:17–42. Ipakita ang larawan ng Pagpapakosa Krus.

• Ano ang ginawa ng mga tao kay Jesus matapos siyang mahatulan na mapakosa krus? (Tingnan sa Mateo 27:27–44; Lucas 23:34–39.) Bakit hinayaan ni Jesusna pagmalupitan siya ng mga tao? (Tingnan sa 1 Nephi 19:9.)

Itinala ng mga banal na kasulatan ang pitong pangungusap na binigkas ni Jesussamantalang nasa krus. Basahin at talakayin ang mga talatang nakalista sa ibaba.Habang tinatalakay ninyo ang mga ito, ipakita ang papel na sinulatan ng mgapangungusap o isulat ang mga pangungusap sa pisara.

1. Lucas 23:34. “Ama, patawarin mo sila; sapagka’t hindi nila nalalaman angkanilang ginagawa.”

• Mula sa Pagsasalin ni Joseph Smith ay malalaman natin na noong sabihin ito ni Jesus, siya ay nananalangin para sa mga kawal Romano na nagpako sa kanya sa krus (Pagsasalin ni Joseph Smith ng Lucas 23:35). Ano anginihahayag nito tungkol sa kanya? Ano ang makamundong paraan ngpagtugon sa mga taong nakasakit o nakasugat ng ating damdamin? Paano tayo pinagpapala kapag sinusunod natin ang halimbawa ni Jesus?

138

2. Lucas 23:43. Sa nagsisising magnanakaw: “Katotohanang sinasabi ko sa iyo,Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.”

3. Juan 19:26–27. Sa kanyang inang si Maria: “Babae, narito, ang iyong anak!” KayJuan: “Narito, ang iyong ina!”

• Kaninong mga pangangailangan ang iniisip ni Jesus sa oras ng kanyangpagpapakasakit? (Tingnan sa Lucas 23:43; Juan 19:26–27.) Ano angmatututuhan natin mula rito? (Kung may mga katanungan tungkol sapangungusap ni Jesus sa Lucas 23:43, tingnan ang ikatlong karagdagang ideya sa pagtuturo.)

4. Mateo 27:46; Marcos 15:34. “Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?”

• Ano ang naranasan ni Jesus sa krus na dahilan kung kaya’t nauunawaan attinutulungan niya tayo kapag tayo ay nag-iisa? Bakit mahalagang malaman na maaaring pasanin ng Tagapagligtas hindi lamang ang ating mga kasalanankundi maging ang ating kalungkutan, pighati, at takot?

Sinabi ni Elder Jeffrey R. Holland na: “Dahil sa bandang huli ay kailanganniyang yapakan nang mag-isa ang alilisan ng alak [winepress], magagawa baniyang tiisin ang pinakamalagim na sandali sa lahat, ang sindak na dulot ngpinakamatinding paghihirap? Ito ay darating hindi sa pamamagitan ng mgatinik at mga pako, kundi sa pamamagitan ng kilabot na nadarama nang dahilsa pag-iisa: . . . ‘Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?’ (Marcos 15:34).Magagawa ba niyang tiisin ang lahat ng ating kasalanan at gayundin ang atingtakot at kalungkutan? Napagtiisan niya at pinagtitiisan niya at pagtitiisan paniya” (sa Conference Report, Okt. 1989, 32; o Ensign, Nob. 1989, 26).

5. Juan 19:28. “Nauuhaw ako.”

• Sa kabila ng lahat ng dinanas ni Jesus, ito lamang ang kanyang tangingpagbanggit ng pisikal na kabalisahan. Ano ang ibinigay sa kanya nang sabihinniyang nauuhaw siya? (Tingnan sa Juan 19:29.)

6. Juan 19:30. “Naganap na.”

• Sang-ayon sa Pagsasalin ni Joseph Smith, sinabi ni Jesus na naganap na;naisakatuparan na ang kalooban ng kanyang Ama (tingnan sa Joseph SmithTranslation, Matthew 27:54). Bakit kinailangang mamatay ang Tagapagligtasupang maisagawa ang kalooban ng Ama sa Langit? (Tingnan sa 2 Nephi 9:5;3 Nephi 27:13–16. Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin,anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng kanilang mga ideyatungkol sa kung paano sagutin ang tanong ng bata.)

Sinabi ni Pangulong Spencer W. Kimball: “Kinailangan siyang mamatay, upangmabuksan niya ang mga libingan ng lahat ng tao tulad ng pagkabukas ngkanyang sariling libingan. Kung wala ang pusikit na kadiliman ng oras ngpagpapako sa krus, ay hindi magkakaroon ng tagsibol ng paglabas mula salibingan” (sa Conference Report, Abr. 1975, 4; o Ensign, Mayo 1975, 4).

7. Lucas 23:46. “Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu.”

Kung gagamitin ninyo ang palabas sa video na “To This End Was I Born,”ipalabas na ito ngayon.

Aralin 26

139

Katapusan Ipaliwanag na ang unang naitalang mga salita ng Tagapagligtas noon sa buhaybago pa ang buhay na ito ay “Narito ako, isugo ako” (Abraham 3:27). Kabilang sa kanyang unang naitalang mga salita sa buhay na ito ay ang “”Dapat akongmaglumagak sa bahay ng aking Ama” (Lucas 2:49). Kabilang sa huling mgasalitang binigkas niya sa buhay na ito ay nang sabihin niya sa Ama na angkanyang gawain ay natapos na; natupad na ang kalooban ng Ama (tingnan saJoseph Smith Translation, Matthew 27:54). Hindi kailanman nawala sa isipan niJesus ang kalooban ng kanyang Ama o ang kanyang sariling misyon. Maaari sananiyang tawagin ang hukbo ng mga anghel upang iligtas siya, ngunit hindi niyaito ginawa (Mateo 26:53–54). Sa kabila ng pagdurusa, hindi kailanman nawalaang kanyang kababaang-loob at ang kanyang kahandaang isagawa ang walanghanggang Pagbabayad-sala.

Magpatotoo tungkol sa mga katotohanang tinalakay sa aralin. Kung naaangkop,anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mga patotoo.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang itobilang bahagi ng aralin.

1. Pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtas sa mga panahon ng kahirapan

Ang mga gawa ng Tagapagligtas noong huling araw ng kanyang buhay sa lupa aynagpapakita ng kadakilaan ng kanyang pagkatao. Pagbalik-aralan ang ilan sa mgapagsubok na pinagtiisan ni Jesus noong araw na iyon. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

• Anong mga katangian ng pag-uugali ang makikita kay Jesus sa panahong itong paghihirap? (Maaaring maibilang sa mga sagot ang mas nag-alala siya sa iba kaysa sa kanyang sarili, na siya ay mapagpatawad, na masunurin siya sakagustuhan ng Ama sa Langit, na hindi niya isinumpa ang iba dahil sakanilang mga kahinaan, at hindi siya dumaing. Isulat sa pisara ang mga sagotng mga miyembro ng klase. Hilingin sa mga miyembro ng klase na bumanggitng tiyak na mga pangyayari na nagpapakita sa mga katangiang nabanggit.)

• Anong mga katangian ang makikita sa atin sa panahon ng atingpinakamatinding paghihirap? Paano natin masusundan ang halimbawa ngTagapagligtas sa mga panahon ng kahirapan?

2. “Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan”(Mateo 27:4)

• Ano ang ginawa ni Judas sa pagtatangkang magsisi sa pagkakanulo niya saTagapagligtas? (Tingnan sa Mateo 27:3–5.) Ano ang matututuhan natin mulasa kanyang karanasan tungkol sa “kabayaran” na ibinibigay ng daigdig sa atinbilang kapalit ng ating mga kasalanan?

3. “Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43)

Gamitin ang sumusunod na impormasyon kung kailangan ninyong ipaliwanagang mga salita ng Tagapagligtas sa Lucas 23:43.

140

Sinabi ni Propetang Joseph Smith na sinabihan ni Jesus ang magnanakaw na,“Ngayon ay ipagsasama kita sa daigdig ng mga espiritu” (Teachings of the ProphetJoseph Smith, pinili ni Joseph Fielding Smith [1976], 309).

Mula sa Doktrina at mga Tipan 138:36–37 ay nalaman natin na si Jesus aynagpunta sa daigdig ng mga espiritu sa panahon sa pagitan ng kanyangkamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli at doon ay inihanda niya ang matatapat na mga espiritu upang ipangaral ang kanyang ebanghelyo sa mga espiritu nahindi nakatanggap ng ebanghelyo sa daigdig.

Aralin 26

141

142

Aralin

27“Siya’y Wala Rito; Sapagka’t

Siya’y Nagbangon”Mateo 28; Lucas 24; Juan 20–21

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na makadama ng pasasalamat saPagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas at sa mga pagpapalang idinudulot nitosa atin.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mateo 28:1–15; Lucas 24:1–12; Juan 20:1–10. Si Maria Magdalena at ang ibapang mga kababaihan ay nagpunta sa libingan ni Jesus at nakitang wala naitong laman. Ibinalita ng mga anghel na si Jesus ay nabuhay nang mag-uli.Sina Pedro at Juan ay nagpunta upang tingnan ang libingan na wala nanglaman. Ang nabuhay na mag-uling Panginoon ay nagpakita sa mgakababaihan.

b. Lucas 24:13–35. Si Jesus ay lumakad at nakipag-usap sa dalawang disipulo sa daan patungong Emaus. Siya ay hindi nila nakilala hanggang sa hatiinniya ang tinapay para sa kanila.

c. Mateo 28:16–20; Lucas 24:33–53; Juan 20:19–31. Nagpakita si Jesus sakanyang mga Apostol, ipinakita sa kanila na nabuhay na siyang mag-uli, at inutusan silang ituro ang ebanghelyo sa lahat ng bansa. Hinipo ni Tomas ang mga sugat sa mga kamay, paa, at tagiliran ni Jesus.

d. Juan 21. Nagpakita muli si Jesus sa ilan sa mga Apostol sa Dagat ng Tiberias(ang Dagat ng Galilea). Inutusan niya si Pedro na, “Alagaan mo ang akingmga tupa.”

2. Karagdagang pagbabasa: Marcos 16; Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Pagkabuhay na Mag-uli,” 182–183.

3. Hilingan ang isang miyembro ng klase na maghandang ibuod ang tungkol sa paglalakad ni Jesus at ng dalawang disipulo patungong Emaus (Lucas24:13–32).

4. Kung makukuha ang sumusunod na mga larawan, gamitin ang mga ito saaralin: Ang Libing ni Jesus (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ngEbanghelyo 231); Ang Libingan ni Jesus (34730 893; Pakete ng Larawan ngSining ng Ebanghelyo 232) o ang The Empty Tomb (Gospel Art Picture Kit245); Si Maria at ang Nabuhay na Mag-uling Panginoon (34730 893; Pakete ngLarawan ng Sining ng Ebanghelyo 233); Ipinakikita ni Jesus ang Kanyang mgaSugat (34730 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 234); at AngNabuhay na Mag-uling si Jesucristo (34730 893; Pakete ng Larawan ng Siningng Ebanghelyo 239).

5. Mungkahi sa pagtuturo: Ang utos ng Panginoon kay Pedro na, “Alagaan moang aking mga tupa” (Juan 21:16–17), ay angkop sa lahat ng mga guro. Buongpanalanging maghanap ng mga paraan upang maging kaakit-akit sa mgamiyembro ng klase ang espirituwal na pagkain ng mga banal na kasulatan para

naisin nilang magpakabusog sa mga ito. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higitna Dakilang Tungkulin, Yunit A, Paksa 1, “Walang Higit na DakilangTungkulin,” 3.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Isalaysay ang sumusunod na kuwento ni Elder James M. Paramore:

“Maraming taon na ang nakalilipas . . . isang manunulat sa isang pahayagan angtinanong ng isang mahalagang katanungan, ‘Anong pinakamahalagang balitaang maaaring tanggapin ng daigdig?’ ”

• Paano ninyo sasagutin ang tanong na ito?

Si Elder Paramore ay nagpatuloy: “Pinag-isipang mabuti [ng manunulat] angtanong, kinausap niya ang maraming tao, at binasa ang lahat ng maaari niyangbasahin sa pagsisikap na makahanap ng kasagutan para sa kanyang sarili. At sawakas, inilimbag niya ang kanyang sagot, ‘Ang malaman na buhay ngayon siJesucristo ang siyang pinakamahalagang balita na maaaring tanggapin ngdaigdig. Sa katunayan, kung nabubuhay Siya ngayon, tayo din ay mabubuhaynang walang hanggan tulad ng Kanyang sinabi’ ” (sa Conference Report, Okt.1990, 80; o Ensign, Nob. 1990, 64).

Ipakita ang mga larawan na nakalista sa bahaging “Paghahanda.” Ipaliwanag naang pagdadalamhati ng mga disipulo sa pagkamatay ni Cristo ay napalitan nghindi maipaliwanag na kaligayahan sa kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Tayo rinay maaaring magsaya sa kaalaman na si Cristo ay nabuhay na mag-uli.

Iwanang nakikita ang mga larawan. Tukuyin ang mga ito sa angkop napagkakataon sa aralin.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin sa mga miyembro ng klase kung paano nakaaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay ang kanilang kaalaman tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli.Sa halip na subukang alamin ang eksaktong pagkakasunud-sunod ng mgapangyayaring may kaugnayan sa Pagkabuhay na Mag-uli (ang bawat manunulatng Ebanghelyo ay may kaunting pinagkaiba sa pagkakasunud-sunod), ituon angpansin sa mga patotoo hinggil sa Pagkabuhay na Mag-uli na ibinigay sa bawatsalaysay ng Ebanghelyo.

1. Si Maria Magdalena at ang iba pang mga babae ay mga saksi ng nabuhayna mag-uling Panginoon.

Talakayin ang Mateo 28:1–15; Lucas 24:1–12; at Juan 20:1–10. Anyayahan angmga miyembro ng klase na basahin nang malakas ang mga piling talata.Ipaliwanag na pagkatapos na mapako sa krus si Jesus, ang kanyang katawan ay binalot sa malinis na telang linen at inilagay sa libingan na pag-aari ni Jose ng Arimatea, isa sa mga disipulo ni Jesus (Mateo 27:57–60; Lucas 23:50–53; Juan 19:38–42). Mabilis itong isinagawa dahil magsisimula na ang Sabbath.

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

143

Kinabukasan pagkaraan ng Sabbath, si Maria Magdalena at ang iba pang mgakababaihan ay nagbalik sa libingan na may dalang mga unguento at pabangoupang pahiran (pabanguhin) ang katawan ni Jesus.

• Ano ang natuklasan ni Maria Magdalena at ng iba pang mga kababaihan nangdumating sila sa puntod ni Jesus? (Tingnan sa Mateo 28:1–4; Lucas 24:1–4.Pansinin na isinasaad sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Mateo 28, tulad din ngnakasaad sa Lucas, na may dalawang anghel doon.) Ano ang sinabi ng mgaanghel sa mga kababaihan? (Tingnan sa Mateo 28:5–7; Lucas 24:5–8.)

• Ano ang ibig sabihin ng mga anghel nang sabihin nilang, “Siya’y nagbangon”?(Si Jesus ay nabuhay na mag-uli.) Ano ang ibig sabihin ng mabuhay na mag-uli? (Tingnan sa Alma 11:42–45; Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Pagkabuhay na Mag-uli,” 182–183) Anong mga biyaya ang tatanggapin natin dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus? (Tingnan sa I Mga TagaCorinto 15:22, 50–58; Alma 11:42–45. Tayong lahat ay mabubuhay na mag-uli at mabibigyan ng katawan na hindi na mamamatay kailanman.)

• Sinabi ni Pangulong Howard W. Hunter na ang mga salitang “Wala siya,datapuwa’t nagbangon” (Lucas 24:6) “ay taglay ang lahat ng pag-asa,katiyakan, at paniniwalang kailangan upang maitaguyod tayo sa ating buhayna puno ng hamon at kung minsa’y puno ng dalamhati” (sa ConferenceReport, Abr. 1986, 18; o Ensign, Mayo 1986, 15–16). Paano kayo natulungan ng inyong patotoo hinggil sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli sapanahon ng kahirapan?

• Ano ang ginawa ng mga kababaihan matapos magsalita ang mga anghel?(Tingnan sa Mateo 28:8; Lucas 24:8–9.) Ano ang matututuhan natin mula sakanilang halimbawa?

• Si Maria at ang iba pang kababaihan ang una sa maraming tao na nakakita kayJesucristo pagkatapos na siya ay mabuhay na mag-uli (tingnan din sa ikalawaat ikatlong karagdagang mga ideya sa pagtuturo). Bakit sa palagay ninyonaging mahalaga na magpakita ang nabuhay na mag-uling Panginoon sa mga saksi rito sa lupa? (Tingnan sa II Mga Taga Corinto 13:1.)

2. Ang dalawang disipulo sa daan patungong Emaus ay mga saksi ngnabuhay na mag-uling Panginoon.

Talakayin ang Lucas 24:13–35. Ipabuod sa inatasang miyembro ng klase angtalata ng banal na kasulatan.

• Bakit malungkot si Cleopas at ang kanyang kasama habang naglalakad silapatungo sa Emaus? (Tingnan sa Lucas 24:13–24.) Ano ang itinuro sa kanila ngnabuhay na mag-uling Panginoon habang sila ay naglalakad? (Tingnan saLucas 24:25–27.)

• Ano ang nadama ng dalawang disipulo habang tinuturuan sila ni Jesus?(Tingnan sa Lucas 24:32.) Ano ang nagbigay sa kanila ng damdaming ito? (Ang impluwensiya ng Espiritu Santo.) Anyayahan ang mga miyembro ngklase na magsalaysay ng mga karanasan nang sila ay makatanggap ng patotoomula sa Espiritu habang pinag-aaralan nila ang ebanghelyo o pinakikingganang isang taong nagtuturo nito.

144

3. Ang mga Apostol ay mga saksi ng nabuhay na mag-uling Panginoon.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mateo 28:16–20; Lucas24:33–53; at Juan 20:19–31.

• Ano ang inakala ng mga Apostol na nakita nila nang magpakita sa kanila angTagapagligtas noong kinagabihan ng araw na siya ay nabuhay na mag-uli?(Tingnan sa Lucas 24:36–37.) Paanong tiniyak na muli sa kanila ni Jesus nasiya ay isang nilalang na nabuhay na mag-uli, at hindi isang espiritu? (Tingnansa Lucas 24:38–43.)

• Paano tumugon si Tomas sa mga patotoo ng iba pang mga Apostol nanabuhay na mag-uli na nga ang Panginoon? (Tingnan sa Juan 20:24–25.)Paano siya naniwala na nabuhay na ngang mag-uli ang Panginoon? (Tingnansa Juan 20:26–29.) Paano natin kung minsan naipakikita ang kahinaan natulad ng kay Tomas?

Sinabi ni Elder Gordon B. Hinckley:

“Hindi ba ninyo naringgan ang iba na nagsalita na tulad ni Tomas? ‘Bigyanninyo kami,’ ang sabi nila, ‘ng tunay na katibayan. Patunayan ninyo mismo saaming mga mata, at aming tainga, at aming mga kamay, dahil kung hindi ayhindi kami maniniwala.’ Ito ang pananalita ng ating panahon sa kasalukuyan.Ang Nag-aalinlangang si Tomas ang halimbawa ng mga tao, sa lahat ngpanahon, na ayaw tumanggap maliban kung ang isang bagay ay makikita at maipapaliwanag—na para bang makikita nila ang pagmamahal, opananampalataya, o maging ang pisikal na kababalaghang tulad ngelektrisidad. . . .

“Sa lahat ng nakaririnig sa aking tinig na maaaring may mga pag-aalinlangan,inuulit ko ang mga salitang binigkas kay Tomas habang hinihipo niya angsugatang mga kamay ng Panginoon: ‘Huwag kang di mapanampalatayahin,kundi mapanampalatayahin’ ” (sa Conference Report, Abr. 1978, 90; o Ensign,Mayo 1978, 59).

• Paano natin higit na masusunod ang payo ng Panginoon na, “huwag magingdi mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin”? (Juan 20:27).

4. Muling nakita si Jesus ng ilan sa mga Apostol sa Dagat ng Tiberia (Dagatng Galilea).

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Juan 21.

• Muling nagpakita ang nabuhay na mag-uling Panginoon sa pito sa kanyangmga Apostol habang sila ay nangingisda. Paano nila nalaman na si Jesus angnasa dalampasigan? (Tingnan sa Juan 21:4–7.) Matapos silang kumain, anoang hiniling ni Jesus na gawin ni Pedro at ng iba pang mga Apostol? (Tingnansa Juan 21:15–17.) Paano natin maaalagaan ang mga tupa ng Panginoon?

• Ano ang dahilan ni Juan sa pagsusulat ng ilan sa mga bagay na binigkas atginawa ng nabuhay na mag-uling si Jesus? (Tingnan sa Juan 20:30–31.) Paanokayo nakinabang mula sa pag-aaral ng mga pangyayari sa banal na kasulatantungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus?

Aralin 27

145

Katapusan Magpatotoo na si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli at dahil sa kanya tayo rin ay mabubuhay na mag-uli. Magbigay ng patotoo tungkol sa lakas at kapanataganng kalooban na naidulot sa inyo ng inyong kaalaman hinggil sa Pagkabuhay naMag-uli.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang itobilang bahagi ng aralin.

1. “Siya’y nagbangon” (Mateo 28:6)

Makipag-ayos sa isang maliit na grupo na awitin ang “Siya’y Nabuhay” (MgaHimno) o “Si Jesus ay Nabuhay” (Mga Himno) sa hulihan ng aralin. O ipaawit sa isang grupo ng mga bata ang “Si Jesus Ba ay Talagang Nagbangon?” (Aklat ngmga Awit Pambata).

2. “Babae, bakit ka umiiyak?” (Juan 20:15)

Bigyang-diin na ang Ebanghelyo ni Juan ang tanging Ebanghelyo na naglalamanng salaysay tungkol sa pagpapakita ng Panginoon kay Maria Magdalenapagkatapos na pagkatapos ng kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Ipabasa nangmalakas sa isang miyembro ng klase ang pangyayaring ito sa Juan 20:11–18.Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mga kaisipan at damdamin tungkol sa pangyayaring ito.

3. Iba pang mga saksi ng nabuhay na mag-uling Panginoon

• Bilang karagdagan sa maraming saksi na binanggit sa mga Ebanghelyo, sinoang iba pang nakakita sa nabuhay na mag-uling Panginoon? (Ang ilang sagotay nakalista sa ibaba.)

Esteban (Ang Gawa 7:55)Mahigit sa 500 kapatid [na lalaki] (I Mga Taga Corinto 15:6)Ang Apostol Santiago (I Mga Taga Corinto 15:7)Ang Apostol Pablo (I Mga Taga Corinto 15:8)2,500 Banal sa sinaunang mga America (3 Nephi 11:8–15; 17:25)Ang Propetang Joseph Smith (Joseph Smith—Kasaysayan 1:17; Doktrina atmga Tipan 76:22–24)Sidney Rigdon (Doktrina at mga Tipan 76:22–24)

4. Mga banal na kasulatan tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli

Ang ilang mga talata ng banal na kasulatan mula sa Aklat ni Mormon atDoktrina at mga Tipan ay nakadaragdag sa ating pang-unawa tungkol saPagkabuhay na Mag-uli. Talakayin ang lahat ng maaari ninyong talakayin sa mgasumusunod na punto kung may oras pang nalalabi:

a. Si Jesus ang pinakaunang nabuhay na mag-uli (2 Nephi 2:8), at dahil sakanyang Pagkabuhay na Mag-uli, ang lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli(2 Nephi 9:22; Alma 11:42, 44).

146

b. Pagkatapos ni Jesucristo, ang mga tatanggap ng kaluwalhatiang selestiyal ang mauunang mabubuhay na mag-uli, at susundan ng mga tatanggap ngkaluwalhatiang terestriyal, ng mga tatanggap ng kaluwalhatiang telestiyal, at sa bandang huli ng mga anak na lalaki ng kapahamakan (Doktrina at mga Tipan 88:96–102).

c. Kapag nabuhay na tayong mag-uli, ang ating mga espiritu ay sasanib na mulisa ating perpektong katawan, at hindi na kailanman maghihiwalay (Alma11:43, 45).

d. Ang kaalaman at katalinuhan na matatamo natin sa mundo ay “kasama natingbabangon sa pagkabuhay na mag-uli” (Doktrina at mga Tipan 130:18–19).

e. Pagkakaalipin ang tingin ng mga espiritu ng mga patay sa pagkahiwalay nitomula sa katawan; binibigyang daan ng pagkabuhay na mag-uli na maranasannatin ang mapuspos ng tuwa at galak (Doktrina at mga Tipan 138:12–17, 50).

Aralin 27

147

148

Aralin

28“Mga Saksi Kami”

Ang Mga Gawa 1–5

Layunin Paalalahanan ang mga miyembro ng klase tungkol sa kanilang pananagutan namaging saksi ni Jesucristo at tulungan silang makita kung paano silatinutulungan ng kaloob na Espiritu Santo na gawin ang gayon.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Ang Mga Gawa 1. Matapos maglingkod sa kanyang mga disipulo sa loob ng 40 araw, ang nabuhay na mag-uling Panginoon ay umakyat sa langit.Pinili si Matias upang punan ang kakulangang iniwan ni Judas sa Korum ng Labindalawang Apostol.

b. Ang Mga Gawa 2. Sa araw ng Pentecostes, ang mga Apostol ay napuspos ngEspiritu Santo at nangagsalita sa maraming wika. Marami sa mga nakarinigsa kanila ang nagbalik-loob.

c. Ang Mga Gawa 3–4. Pinagaling nina Pedro at Juan ang isang lalaking lumpoat nagpatotoo na ang lalaki ay pinagaling ng kapangyarihan ni Jesucristo.Nanalangin ang mga Apostol at tumanggap ng dakilang kapangyarihan sapamamagitan ng Espiritu Santo.

d. Ang Mga Gawa 5:12–42. Nagpatuloy ang mga Apostol na mangaral atmagpagaling sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan. Sila ay dinakip at ikinulong ngunit pinakawalan sa piitan ng isang anghel. Ipinahayag nilasa mga punong saserdote na sinusunod nila ang Diyos sa halip na sundinang tao. Pinayuhan ni Gamaliel ang mga Fariseo na huwag patayin ang mga Apostol.

2. Karagdagang pagbabasa: Marcos 16:19–20; Lucas 24:49–53; Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–25.

3. Kung makukuha ang larawang Ang Pag-akyat sa Langit ni Jesus (34730 893;Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 236), gamitin ito sa aralin.

4. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, makipag-ayos sadalawang tao na dumating sa klase bago magsimula ang klase, samantalangnauupo pa ang mga miyembro ng klase. (Kung maaari, ang mga taong ito aydapat na hindi karaniwang dumadalo sa inyong klase.) Papasukin sila sa silid,gawin sandali ang isang bagay (halimbawa, makipag-usap sa inyo o magdalang isang bagay sa silid), at pagkatapos ay umalis na. Hindi sila dapat makipag-usap sa mga miyembro ng klase o kaya ay tumawag man lang ng pansin.

5. Mungkahi sa pagtuturo: Kailangang magpatotoo ang mga guro na angitinuturo nila ay totoo. Magpatotoo tungkol kay Jesucristo at sa kanyangebanghelyo sa tuwing bibigyang-inspirasyon kayo ng Espiritu, hindi lamang sa bandang huli ng aralin. Ang pagbibigay ng patotoo ay nagdudulot ngkapangyarihan sa inyong pagtuturo. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit naDakilang Tungkulin, Yunit A, Paksa 8, “Ang Patotoo ay Mahalaga sa Pagtuturong Ebanghelyo,” 15–16, at Yunit E, Paksa 18, “Ang Banal na Tungkulin ngGuro,” 134–138.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Tanungin ang mga miyembro ng klase kung napansin nila ang dalawang taongpumasok sa silid at pagkatapos ay lumabas bago magsimula ang klase (tingnanang bahaging “Paghahanda”). Kung may nakapansin na sinumang miyembro ngklase, hayaang sabihin nila kung ano ang napuna nila sa mga tao, tulad ng kungsino sila, ano ang suot nila, at kung ano ang ginawa nila. Bigyang-diin na angmga miyembro ng klase na nakakita sa mga panauhing ito ay mga saksi. (Kungwalang nakapansin sa mga panauhin, sabihin kung ano ang ginawa nila atipaliwanag na ikaw ay isang saksi.) Ang isang tao na nakakita o nakaranas ngisang pangyayari at nagsasabi sa iba ng tungkol dito ay isang saksi.

Tanungin ang sinumang miyembro ng klase na hindi nakakita sa mga panauhin:

• Pinaniniwalaan ba ninyo ang mga sinabi ng mga saksing ito sa inyo? Bakit ooat bakit hindi?

Ipaliwanag na ang aralin sa araw na ito ay tungkol sa sinaunang mga Apostol,mga saksi ng nabuhay na mag-uling si Jesucristo. Nang magpatotoo sila hinggilsa kanya, maraming tao ang naniwala sa kanila at bininyagan sa Simbahan.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,bigyang-diin ang pananampalataya at kapangyarihang taglay ng mga Apostolnang magpatotoo sila tungkol sa nabuhay na mag-uling Panginoon. Talakayin sa mga miyembro ng klase kung paano rin sila maaaring maging mga saksi niJesucristo.

Ipaliwanag na ang aklat ng Ang Mga Gawa ay salaysay ni Lucas tungkol samahahalagang pangyayari sa Simbahan sa loob ng humigit-kumulang na 30 taonpagkatapos ng buhay na mortal ni Jesucristo. Ikinuwento ni Lucas ang tungkol sa40 araw na ministeryo ng nabuhay na mag-uling Panginoon at ang kanyang Pag-akyat sa Langit. Pagkatapos ay inilarawan niya ang malaking espirituwal napagbuhos sa araw ng Pentecostes, ang pamumuno ni Pedro sa Simbahan, angsinaunang gawaing misyonero ng mga Apostol, at ang pambihirang pagbabalik-loob ni Pablo. Ang ikalawang bahagi ng aklat ay nakatuon sa gawaing misyoneroni Pablo sa mga Gentil.

1. Umakyat sa langit ang Panginoon. Tinawag si Matias na maging isangApostol.

Talakayin ang Ang Mga Gawa 1. Anyayahan ang mga miyembro ng klase nabasahin nang malakas ang mga piling talata. Ipakita ang larawan ng Pag-akyat sa Langit.

• Pagkatapos na mabuhay na mag-uli si Jesus, siya ay lumagi sa piling ngkanyang mga disipulo sa loob ng 40 araw, “at nagpahayag ng mga bagaytungkol sa kaharian ng Dios” (Ang Mga Gawa 1:3). Sa loob ng ilang sandalibago siya magbalik sa kanyang Ama sa Langit, ano ang ipinangako niya sakanyang mga Apostol na matatanggap nila sa loob ng sandaling panahon?

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

149

(Tingnan sa Ang Mga Gawa 1:4–5; tingnan din sa Lucas 24:49. Bigyang-diin nakahit na naranasan ng mga Apostol ang mga pagpapahiwatig ng Espiritu Santo,ay hindi pa nila natanggap ang kaloob na Espiritu Santo.)

• Ano ang sinabi ni Jesus sa mga Apostol na dapat nilang gawin pagkataposnilang matanggap ang kaloob na Espiritu Santo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa1:8.) Paano maihahambing ang tagubiling ito sa pananagutang ibinibigay samga Apostol sa ngayon? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:23, 35.)Paano ginampanan ng mga Apostol ang tungkuling ito noong pagkatapos napagkatapos ng Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus? (Pansinin, halimbawa, angilan sa mga makapangyarihang pagpapatotoo sa Ang Mga Gawa 2–5.) Paanoginagampanan ng mga Apostol ang tungkuling ito sa ngayon?

• Paano tinulungan ng kaloob na Espiritu Santo ang mga Apostol sa kanilangmga pananagutan na maging mga saksi ni Jesucristo? (Tingnan sa Juan15:26–27; I Mga Taga Corinto 12:3.) Ano ang papel ng Espiritu Santo sa atingmga pagpupunyaging maituro ang ebanghelyo? (Tingnan sa 2 Nephi 33:1;Doktrina at mga Tipan 42:14.)

• Habang pinagmamasdan ng mga Apostol si Jesus na papaakyat sa langit,dalawang kalalakihan na nakaputi ang nakatayo sa hindi kalayuan. Ano angsinabi ng mga kalalakihang ito sa mga Apostol? (Tingnan sa Ang Mga Gawa1:10–11.) Magpatotoo na ang Ikalawang Pagparito ni Cristo ay tunay namangyayari. Si Cristo ay magbabalik sa mundo upang pasimulan ang Milenyoat maghari sa lupa.

• Pagkatapos ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon, isang bagong Apostol angpinili upang punan ang kakulangan sa Korum na iniwan ni Judas. Paano napili si Matias bilang bagong Apostol? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 1:21–26.) Paanopinipili sa ngayon ang mga Apostol at iba pang pinuno ng Simbahan?(Tingnan sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5.)

2. Sa araw ng Pentecostes, ang mga Apostol ay napuspos ng Espiritu Santo.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 2. Ipaliwanagna ang Pista ng Pentecostes ay pagdiriwang ng pag-ani na ginaganap sa loob ng50 araw pagkalipas ng Pista ng Paskua. Ang mga Judio mula sa maraming bansaay dumarating sa Jerusalem para sa kapistahang ito.

• Anong mahalagang pangyayari ang naganap sa araw ng Pentecostes, isanglinggo makalipas ang Pag-akyat sa Langit ng Tagapagligtas? (Tingnan sa AngMga Gawa 2:1–4. Bigyang-diin kung paano natupad ang mga pangakong itong Panginoon sa Juan 14:26, 15:26, at 16:7–14 at sa Ang Mga Gawa 1:5.)

• Ano ang ginawa ng mga Apostol nang matanggap nila ang Espiritu Santo?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 2:4.) Ano ang naging reaksiyon ng mga tao nangmarinig nilang nagsasalita ng iba’t ibang wika ang mga Apostol? (Tingnan saAng Mga Gawa 2:5–13.) Paano katulad ng pangangaral ng ebanghelyo sangayon ang pangangaral noong araw ng Pentecostes? (Tingnan sa Doktrina atmga Tipan 90:11; 100:5–8.)

• Paano tumugon si Pedro sa mga nangutya sa mga Apostol sa pagsasalita ngmga wika? (Tingnan sa ang Mga Gawa 2:14–24, 36.) Ano ang nakapagpahangasa inyo sa tugon ni Pedro? Bakit mahalagang magkaroon ng patotoo tungkolkay Jesucristo at sa kanyang banal na misyon? Bakit mahalaga para sa atin ang

150

ibahagi ang ating mga patotoo sa iba? Paano tayo matutulungan ng EspirituSanto na maibahagi ang ating mga patotoo?

• Paano nakaapekto ang patotoo ni Pedro sa mga nakarinig nito? (Tingnan saAng Mga Gawa 2:37.) Ano ang itinuro ni Pedro sa mga taong naniwala sakanyang patotoo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 2:38.) Hayaang ihambing ngmga miyembro ng klase ang Ang Mga Gawa 2:38 sa ikaapat na saligan ngpananampalataya at sa 3 Nephi 27:19–20. Bigyang-diin na ang pangunahingalituntunin at ordenansa ng ebanghelyo ay magkakatulad sa lahat ngdispensasyon.

• Mga 3,000 tao ang naniwala sa mga salita ni Pedro at nabinyagan. Paanoipinakita ng mga taong ito na sila ay nagbalik-loob sa ebanghelyo niJesucristo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 2:41–47. Ilista sa pisara ang mga sagotng mga miyembro ng klase.) Ano ang matututuhan natin mula sa kanilanghalimbawa?

3. Pinagaling nina Pedro at Juan ang lalaking lumpo sa pamamagitan ngkapangyarihan ni Jesucristo.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 3–4. Maaarininyong naising ipabasa nang malakas sa isang miyembro ng klase ang Ang MgaGawa 3:1–11.

• Kahit na walang salaping maibigay sina Pedro at Juan sa lalaking lumpo nanasa tarangkahan ng templo, ano ang tanging maiaalok nila sa kanya? Saanong kapangyarihan napagaling ang lalaki? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 3:6,12–13, 16; 4:10.) Paano ninyo nadama sa inyong buhay angnakapagpapagaling na kapangyarihan ni Jesucristo?

• Ginamit ni Pedro ang himalang ito bilang isang pagkakataon upangmagpatotoo tungkol kay Jesucristo (Ang Mga Gawa 3:12–26; 4:5–12). Anongmga pagkakataon ang mayroon tayo upang makapagpatotoo tungkol kayCristo? Paano kayo pinagpala sa pagiging saksi ninyo (o naringgan ang iba nanaging mga saksi) ni Jesucristo?

• Ano ang naging reaksiyon ng mga saserdote at Saduceo sa pangangaral niPedro? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 4:1–3. Ipinadakip nila sina Pedro at Juan.)Ano ang naging reaksiyon ng maraming tao sa pangangaral? (Tingnan sa AngMga Gawa 4:4.) Bakit sa palagay ninyo magkaibang-magkaiba ang nagingreaksiyon ng dalawang grupong ito sa iisang pangangaral? Ano ang inihahayagng ating reaksiyon sa mga salita ng mga pinuno ng Simbahan tungkol sakalagayan ng ating mga puso?

• Dahil naroon ang lalaking pinagaling, hindi magawang ikaila ng mgasaserdote at Saduceo na naganap ang isang himala (Ang Mga Gawa 4:13–14,16). Dahil wala silang dahilan para ikulong sina Pedro at Juan, ano sa halipang ginawa nila? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 4:15–18. Bigyang-diin na angmga pinuno ng relihiyon ng mga Judio ay umasa na si Jesus at ang kanyangmga turo ay malilimutan pagkatapos ng Pagpapako sa Krus. Nang magpatuloyang mga Apostol sa pangangaral ng ebanghelyo ni Jesucristo, sila aytinangkang pigilan ng mga pinuno ng mga Judio.)

• Ano ang naging reaksiyon nina Pedro at Juan sa kahilingan ng mga saserdoteat Saduceo na tumigil na sila sa pagtuturo ng ebanghelyo? (Tingnan sa Ang

Aralin 28

151

Mga Gawa 4:19–20.) Ano ang ilang pangyayari sa inyong buhay na maaaringmangailangan ng gayunding lakas ng loob sa pagiging isang saksi niJesucristo?

• Matapos mapawalan sina Pedro at Juan, sila ay nagbalik sa mga miyembro ngSimbahan at nanalangin na kasama nila (Ang Mga Gawa 4:23–30). Ano anghiniling nila sa panalangin? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 4:29–30.) Ano angnangyari bilang bunga ng panalanging ito at ng kasunod na ginawa ng mgaApostol? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 4:31–35; 5:12–16.)

4. Nagpatuloy na mangaral ang mga Apostol at nagpagaling sapamamagitan ng dakilang kapangyarihan.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 5:12–42.

• Nang magpatuloy ang mga Apostol sa pangangaral at paggawa ng mga himala,sila ay ikinulong ng mga saserdote at Saduceo (Ang Mga Gawa 5:17–18). Paanosila nakalaya mula sa kulungan? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 5:19–20.) Anoang ginawa nila matapos silang makalaya? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 5:21,25.) Bakit nagpatuloy ang mga Apostol sa pangangaral ng ebanghelyo magingpagkatapos nilang makulong? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 5:29–32.)

• Anong payo ang ibinigay ni Gamaliel sa mga pinuno ng Judio na naispumatay sa mga Apostol? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 5:33–39.) Anong mgakaranasan ang nagpatunay sa inyo tungkol sa katotohanan ng mga salita niGamaliel?

• Anong pagbabago ang idinulot sa mga Apostol ng kaloob na Espiritu Santo?(Ihambing ang Mateo 26:47–56, 69–75 sa Ang Mga Gawa 4:5–21; 5:17–18,26–42.) Paano tayo mabibigyang inspirasyon ng mga halimbawa ng mgaApostol upang tayo ay maging mga saksi ng katotohanan?

Katapusan Ipaliwanag na pagkatapos matanggap ng mga Apostol ang kaloob na EspirituSanto, sila ay naging mabisang mga saksi ni Jesucristo. Bagama’t maynatatanging tungkulin ang mga Apostol na maging mga saksi ni Cristo, angbawat miyembro ng Simbahan ay may pananagutan din na magbigay ng patotoohinggil sa kanya. Magbigay ng patotoo na maaari tayong tulungan ng EspirituSanto na malaman kung kailan at kung paano magpapatotoo tungkol kay Cristo.Habang sinusunod natin ang mga inspirasyong dulot ng Espiritu, ang atingpananampalataya ay madaragdagan, ang pagiging sensitibo natin sa Espiritu aylalago pa, at tayo ay magiging mabisang mga saksi para sa Panginoong Jesucristo.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang itobilang bahagi ng aralin.

1. Pagpapahiwatig ng Espiritu Santo sa paglalaan ng Templo sa Kirtland

Ipaliwanag na ang pagbuhos ng Espiritu na katulad ng nasa Ang Mga Gawa 2:1–4ay nangyari sa paglalaan ng Templo sa Kirtland noong ika-27 ng Marso 1836.Ipabasa nang malakas sa isang miyembro ng klase ang Doktrina at mga Tipan109:36–37, ito ay bahagi ng panalangin ng paglalaan kung saan ay hiniling ni

152

Propetang Joseph Smith ang gayong pagbuhos ng Espiritu. Pagkatapos ay ipabasasa isa pang miyembro ng klase ang sumusunod na pangungusap, nanaglalarawan kung paano pinagbigyan ang kahilingang ito:

Sinabi ni Propetang Joseph Smith na sa pulong noong gabi ng paglalaan ngTemplo sa Kirtland, “si Kapatid na George A. Smith ay tumayo at nagsimulangmagpropesiya, nang may narinig na ingay na tulad ng tunog ng rumaragasangmalakas na hangin, na pumuspos sa Templo, at ang buong kongregasyon ay sabay-sabay na nagsitayo, na pinakikilos ng isang hindi nakikitang kapangyarihan;marami ang nagsimulang magsalita sa mga wika at nangagpropesiya; ang iba aynakakita ng maluwalhating mga pangitain; at namasdan ko na napuno ng mgaanghel ang Templo, isang katotohanan ay ipinabatid ko sa kongregasyon. Ang mgatao sa pamayanan ay nangagtakbuhang papalapit (na nakakarinig ng hindipangkaraniwang tunog sa loob, at nakakakita ng matinding liwanag na tulad ng haligi ng apoy na nakalukob sa Templo), at nangamangha sa nangyayari”(History of the Church, 2:428).

2. “Panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay” (Ang Mga Gawa 3:21)

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang Ang Mga Gawa 3:20–21.

• Ano ang nakini-kinita ni Pedro nang magpropesiya siya tungkol sa “pagsasaulisa dati ng lahat ng mga bagay”? (Nakinita niya ang pagpapanumbalik ngebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith.)

3. “Lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan” (Ang Mga Gawa 4:32)

Talakayin ang Ang Mga Gawa 4:32–5:11. Ipaliwanag na itinuring ng mgamiyembro ng sinaunang Simbahan na ang “lahat nilang pag-aari ay sakalahatan” (Ang Mga Gawa 2:44; tingnan din sa Ang Mga Gawa 4:32, 34–37).Inilaan nila ang lahat ng mayroon sila upang matugunan ang pangangailanganng bawat isa. (Maaari ninyong naising ihambing ito sa lungsod ni Enoc [Moises7:18], sa mga inapo ni Lehi [4 Nephi 1:1–3], at sa mga sinaunang miyembro ngSimbahan sa dispensasyong ito [Doktrina at mga Tipan 42:30–34].)

• Ano ang naging reaksiyon ni Bernabe sa sistemang ito ng paglalaan ng mgaari-arian? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 4:36–37.) Paano nilabag nina Ananias atSafira ang sistemang ito? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 5:1–2.) Ano ang sinabinina Ananias at Safira tungkol sa kanilang mga inasal? (Tingnan sa Ang MgaGawa 5:3–4, 8–9.) Paano natin matitiyak na tapat tayo sa Diyos?

• Kahit na hindi tayo namumuhay sa ilalim ng pormal na sistema ng paglalaan,ano ang hinihiling na ibigay natin sa Diyos o kaya ay ibahagi sa ibang tao?(Tingnan sa Omni 1:26; Mosias 4:16; Doktrina at mga Tipan 4:2; 119:4 para sa ilang halimbawa.) Paano natin kung minsan “inililingid ang bahagi nghalaga”?

Ganito ang naging puna ni Elder Neal A. Maxwell:

“Sina Ananias at Safira ay kapwa . . . ‘inilingid’ ang bahagi sa halip na ilaanang lahat ng mayroon sila (tingnan sa Ang Mga Gawa 5:1–11). Si Jesus ayhindi ipagbibili ng ilan sa halagang tatlumpung piraso ng pilak, ngunit hindirin naman nila ibibigay sa Kanya ang lahat ng mayroon sila!

Aralin 28

153

“ . . . Iniisip natin na ang paglalaan ay sa pamamagitan lamang ng ari-arian atsalapi. Ngunit maraming paraan ng paglilingid ng bahagi. Ang isang tao aymaaaring nagbibigay ng salapi at panahon ngunit gayunma’y ipinagkakait angmalaking bahagi ng kanyang sarili. Ang isang tao ay maaaring nagbabahagi ngmga talento sa madla ngunit may kimkim na kapalaluan kapag nag-iisa nasiya. Ang isang tao ay maaaring nag-aatubiling lumuhod sa harapan ngluklukan ng Diyos ngunit nagpapakita ng paggalang o pagpapasailalim saisang partikular na grupo. Ang isang tao ay maaaring tumanggap ng tungkulinsa Simbahan ngunit ang kanyang puso naman ay mas nakatuon sapagpapanatili sa papel na kanyang ginagampanan sa mundo” (sa ConferenceReport, Okt. 1992, 90; o Ensign, Nob. 1992, 66).

• Paano natin mapaglalabanan ang pagkatukso sa “paglilingid ng bahagi”?Anong mga biyaya ang magmumula sa pagbibigay natin ng mayroon tayo saPanginoon?

4. Gawaing pangkabataan

Maaaring naisin ng mga guro ng mga kabataan na gamitin ang proseso ng“pagsasanay sa pagtatanong” sa mga bahagi ng aralin (ang prosesong ito aynakalarawan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit F, Paksa 19,“Pagsasanay sa Pagtatanong,” 187). Halimbawa, maaari ninyong hayaangsubukan ng mga miyembro ng klase na alamin kung ano ang paksa ng aralin sa pamamagitan ng mga tanong na masasagot ng “oo” o “hindi.”

154

155

Aralin

29“Dumadami ang Bilang ng mga Alagad”Ang Mga Gawa 6–9

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na malaman na ang gawain ng Simbahanay isinasagawa ng maraming tao, at iniaambag nilang lahat ang kanilang mgatalento at patotoo upang palakasin ang Simbahan.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Ang Mga Gawa 6:1–7. Inordenan ng Labindalawang Apostol ang pitongkalalakihan upang pangasiwaan ang temporal na gawain ng Simbahan.

b. Ang Mga Gawa 6:8–7:60. Si Esteban, na isa sa pito, ay nagpatotoo saharapan ng Sanhedrin. Nagalit ang mga taong nakikinig sa kanyang mga salita, at siya ay dinala nila palabas sa lungsod at binato siya hanggangsa mamatay.

c. Ang Mga Gawa 8:4–40. Si Felipe, isa sa pito, ay nangaral at nagsagawa ngmga himala sa Samaria. Nagturo siya at nagbinyag ng isang lalaking tagaEtiopia.

d. Ang Mga Gawa 8:1–3; 9:1–31. Inusig ni Saulo ang Simbahan hanggang samakatanggap siya ng pangitain tungkol kay Jesucristo. Si Saulo ay nagbalik-loob at nabinyagan at nagsimulang mangaral ng ebanghelyo.

2. Karagdagang pagbabasa: Ang Mga Gawa 22:1–16; 26:1–5, 9–18.

3. Mungkahi sa pagtuturo: Alalahanin na nagtuturo kayo sa klase ng mgaindibiduwal. Maaaring malaki ang pagkakaiba ng kani-kanilang karanasan sabuhay, tagal ng pagkakasapi sa Simbahan, pagkaunawa sa doktrina at mgaalituntunin ng ebanghelyo, mga talento at kakayahan, at mga oportunidad sa edukasyon. Hangaring maunawaan ang mga pagkakaiba ng mga miyembrong klase at tulungan ang bawat tao na maunawaan ang mga katotohanangitinuturo. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit B,Paksa 1, “Isang Maunawaing Puso,” 33–34; Yunit B, Paksa 2, “Paghahanap saIsa,” 35–38; Yunit B, Paksa 3, “Pagiging Handa ng Mag-aaral,” 39–41; Yunit B,Paksa 6, “Tungkol sa Kabataan,” 51–54; “Pag-unawa sa mga May Sapat naGulang,” 55.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Tanungin ang mga miyembro ng klase:

• Aling bahagi ng inyong katawan sa palagay ninyo ang pinakamahalaga? Bakit?

Gawaing Pantawag-pansin

Matapos sumagot ang ilang miyembro ng klase ay itanong:

• Sinong miyembro ng Simbahan sa palagay ninyo ang pinakamahalaga? Bakit?

Muli ay hayaang sumagot ang ilang miyembro ng klase. Pagkatapos ay ipabasa sa miyembro ng klase ang I Mga Taga Corinto 12:14–21, at ipabasa sa isa pangmiyembro ng klase ang I Mga Taga Corinto 12:12–13. Ipaliwanag na sa mgatalatang ito ay inihambing ni Apostol Pablo ang mga miyembro ng Simbahan sa mga bahagi ng katawan. Katulad ng kung paano mahalaga ang paa, kamay,tainga, at mata sa kanilang magkakaibang gamit, gayundin naman na mahalagaang lahat ng miyembro ng Simbahan sa kanilang magkakaibang mga kasanayanat talento.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Pitong kalalakihan ang inordenan upang pangasiwaan ang temporal nagawain ng Simbahan.

Basahin at talakayin ang Ang Mga Gawa 6:1–7. Ipaliwanag na sa ilalim ngpamamahala ng mga Apostol ang Simbahan ay mabilis na lumago, at maramiang nangagbalik-loob sa maraming bansa. Ito ang dahilan ng malakingpagdiriwang, ngunit lumikha din ito ng ilang mga hamon. Habang lumalago ang Simbahan, kinailangan din ng mga Apostol ang ibang mga miyembro upangtumulong sa pamamahala sa Simbahan at sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos.

• Sa paglago ng Simbahan, ang mga grupo sa loob nito ay nagkakaroon din ngmga pagtatalu-talo sa isa’t isa. Bakit nagreklamo ang ilan sa mga miyembrongGriyego laban sa mga miyembrong Hebreo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 6:1.)Bilang mga miyembro ng Simbahan, paano natin mapaglalabanan ang mgaalitan at pagkakahati sa ating kalipunan, maging ang mga ito man aynababatay sa lahi (ethnic), ekonomiya, kultura, o iba pang mga pagkakaiba?Bakit mahalagang mapaglabanan ang gayong mga pagkakahati-hati? (Tingnansa 2 Nephi 26:33; Doktrina at mga Tipan 38:26–27.)

Sinabi ni Pangulong Howard W. Hunter na: “Sa pamamagitan ng pagkaunawaat pagtanggap [sa] pangkalahatang pagiging ama ng Diyos aymapasasalamatan nang lubos ng buong sangkatauhan ang pagmamalasakit ng Diyos sa kanila at ang kaugnayan nila sa bawat isa. Ito ay isang mensahe ng buhay at pagmamahal na tumatagos nang walang kinikilingan sa lahat ng nakasasakal na mga tradisyon na batay sa lahi, wika, katayuangpangkabuhayan o pulitikal, antas ng edukasyon, o kinalakihang kultura, dahil tayong lahat ay may iisang espirituwal na pinagmulan. Banal ang atingninuno; ang bawat tao ay espirituwal na anak ng Diyos” (sa ConferenceReport, Okt. 1991, 22; o Ensign, Nob. 1991, 18).

• Paano nakapagpapayaman at nakapagpapalakas sa Simbahan ang pagkakaiba-iba sa mga miyembro? Paano tayo maaaring magkaiba-iba ngunit sa kabilanito ay nananatiling nagkakaisa?

• Nadama ng mga Apostol na hindi nila dapat gugulin ang oras ng pangangaralng ebanghelyo upang ayusin ang mga pagtatalu-talo at asikasuhin ang iba

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

156

pang temporal na gawain (Ang Mga Gawa 6:2). Paano nila nilutas angproblemang ito? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 6:3–6.) Bakit mahalagang ibahagiang gawain ng Simbahan sa maraming tao? Paano kayo pinagpala ng mgapagkakataon na maglingkod sa Simbahan?

• Anong mga pagbabago sa organisasyon ang binigyang inspirasyon na ipagawang Panginoon sa mga pinuno ng Simbahan habang lumalago ang Simbahan?(Maaaring maibilang sa mga sagot ang pagkakadagdag ng mga Korum ngPitumpu o ang kaayusan ng Simbahan sa mga pook na pinamumunuan ngmga Panguluhan ng Pook.) Paano nakatulong ang mga pagbabagong ito sapagtugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng Simbahan sa buongdaigdig?

2. Nagpatotoo si Esteban sa harapan ng Sanhedrin at binato hanggang samamatay.

Talakayin ang Ang Mga Gawa 6:8–7:60. Anyayahan ang mga miyembro ng klasena basahin nang malakas ang mga piling talata.

• Si Esteban, isa sa pitong kalalakihan na tinawag upang tumulong saLabindalawang Apostol, ay dinakip dahil sa mga maling paratang nakalapastanganan sa Diyos at dinala siya sa Sanhedrin, ang kapulungan ng mga Judio (Ang Mga Gawa 6:11–15; kung kinakailangan, ipaliwanag na angkalapastanganan sa Diyos ay ang kawalan ng pitagan sa Diyos o sa mgasagradong bagay). Ano ang ginawa ni Esteban habang nililitis siya ngSanhedrin? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 7:1–53. Isinalaysay niya ang bahagi ng kasaysayan ng mga Israelita.)

• Bakit sa palagay ninyo binigyang-diin ni Esteban ang makapangyarihang mgagawa ng Panginoon sa kasaysayan ng Israel? Paano tayo makatitiyak na hindinatin nalilimutan ang mga gawain ng Panginoon sa ating buhay? Paanonakatutulong ang pag-alaala sa mga nakaraang biyayang mula sa Panginoon sa pananatili nating matapat sa kasalukuyan?

• Bakit kaya binigyang-diin din ni Esteban ang madalas na pagkalimot atpagsuway ng Israel sa Diyos? Anong paghahambing ang ginawa ni Esteban sapagitan ng kanyang mga tagapakinig at ng sinaunang suwail na mga Israelita?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 7:51–53.) Ano ang naging reaksiyon ng mga tao sapaghahambing na ito? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 7:54.)

• Anong pangitain ang tinanggap ni Esteban pagkatapos niyang magsalita?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 7:55–56.) Ano ang ginawa ng mga tao nangsabihin niya sa kanila ang tungkol sa kanyang pangitain? (Tingnan sa AngMga Gawa 7:57–58.) Ano ang inihahayag ng huling mga salita ni Estebantungkol sa kanyang pagiging disipulo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 7:59–60.)

3. Si Felipe ay nangaral at gumawa ng mga himala sa Samaria.

Basahin at talakayin ang piling mga talata mula sa Ang Mga Gawa 8:4–40.

• Si Felipe, na isa pa sa pitong kalalakihan na pinili upang tumulong sa mgaApostol, ay nangaral at nagsagawa ng mga himala sa Samaria. Ano ang nagingreaksiyon ng mga tao ng Samaria sa mensahe ni Felipe? (Tingnan sa Ang MgaGawa 8:6–8, 12.) Paano tinanggap ng mga taong ito ang kaloob na EspirituSanto? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 8:14–17.)

Aralin 29

157

• Ang isa sa mga nagbalik-loob na Samaritano ay isang manggagaway (sorcerer)na nagngangalang Simon. Sino ang binigyang papuri ni Simon sa mga ginawaniyang pagkilos sa pamamagitan ng panggagaway? (Tingnan sa Ang MgaGawa 8:9–11.) Kanino nagbigay papuri ang mga Apostol sa mga himala nakanilang nagawa? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 4:7–10.) Bakit malaki angkahalagahan ng pagkakaibang ito? (Bigyang-diin na ang maraming tao nanakikipagpaligsahan upang makuha ang ating atensiyon at katapatan aykaraniwang ginagawa ang gayon para luwalhatiin ang kanilang sarili. Sakabaligtaran ay ibinigay ng mga tagapaglingkod ng Diyos ang kaluwalhatiansa Kanya. Ang pagkaunawa sa pagkakaibang ito ay makatutulong sa atin upangpag-aralan ang maraming impluwensiya sa ating buhay.)

• Ano ang ginawa ni Simon nang makita niyang ipinagkakaloob ng mga Apostolang kaloob na Espiritu Santo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 8:18–19.) Paanosinagot ni Pedro ang kahilingan ni Simon? (Tingnan sa Ang Mga Gawa8:20–23.) Paano nagiging karapat-dapat ang isang tao na tumanggap ngkapangyarihan ng pagkasaserdote? (Tingnan sa Mga Hebreo 5:4; Doktrina atmga Tipan 121:36.)

Sinabi ni Pangulong James E. Faust: “Ang pinakadakilang kapangyarihang ito sa lahat, ang kapangyarihan ng pagkasaserdote, ay hindi nakakamtan saparaan na tulad ng pagkakamit ng kapangyarihan sa daigdig na ito. Hindi itomaaaring bilhin o kaya nama’y ipagbili. . . . Ang kapangyarihan sa mundong ito ay kadalasang ginagamit sa malupit na pamamaraan. Gayunman, angkapangyarihan ng pagkasaserdote ay nagagamit lamang sa pamamagitan ng mgaalituntunin ng kabutihan na siyang paraan ng pamamahala ng pagkasaserdote”(sa Conference Report, Abr. 1997, 59–60; o Ensign, Mayo 1997, 43).

• Paano nakatagpo ni Felipe ang lalaking taga Etiopia? (Tingnan sa Ang MgaGawa 8:25–29.) Anong mga biyaya ang dumating kay Felipe at sa taga Etiopiadahil sa pagsunod ni Felipe sa Espiritu? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 8:30–38.)Anong mga biyaya ang dumating na sa inyo (o sa isang taong kilala ninyo)dahil sa sinunod ninyo ang Espiritu?

• Paano nagpakita ng kababaang-loob ang taga Etiopia? (Tingnan sa Ang MgaGawa 8:30–39.) Paano nakatutulong sa atin ang kababaang-loob sa pag-unawaat pagtanggap ng salita ng Diyos?

4. Si Saulo ay nagbalik-loob at nabinyagan at sinimulan niyang ipangaralang ebanghelyo.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 8:1–3 at9:1–31. Ipaliwanag na si Saulo ay dating Fariseo na aktibong umuusig sasinaunang mga Banal. Naroon siya noong binabato si Esteban (Ang Mga Gawa7:58) at siya ang may pakana sa pagkakakulong at pagkamatay ng maramingmiyembro ng Simbahan (Ang Mga Gawa 8:3; 22:4). Gayunman, nakaranas siyang mahimalang pagbabalik-loob at naging isang dakilang misyonero.

• Ano ang dahilan ng pagbabago ni Saulo mula sa isang taga-usig ng mga Banaltungo sa pagiging dakilang tagapaglingkod ng Panginoon? (Tingnan sa AngMga Gawa 9:1–9, 17.) Bigyang-diin na nagbalik-loob si Saulo nang marinigniya ang tinig ng Panginoon. Paano natin maririnig ang tinig ng Panginoon?(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 1:38; 6:23; 8:2; 18:34–36.) Paanomakatutulong sa ating pagbabalik-loob ang pagdinig sa kanyang tinig?

158

Paalalahanan ang mga miyembro ng klase na ang pagbabalik-loob ay kadalasangtahimik at unti-unting karanasan, hindi biglaan at mahimalang tulad ngkaranasan ni Saulo. Sinabi ni Elder Robert D. Hales na, “Kung minsan ang mgatao ay maaaring magkaroon ng [mga karanasang tulad ng kay Saulo], ngunitkadalasan, ang pagbabalik-loob ay nangyayari pagkaraan ng ilang panahonhabang tinutulungan tayo ng pag-aaral, panalangin, karanasan, atpananampalataya na umunlad sa ating patotoo at pagbabalik-loob” (sa Conference Report, Abr. 1997, 111; o Ensign, Mayo 1997, 80).

• Sinabi ni Elder Ezra Taft Benson na ang tanong ni Pablo na, “Panginoon, anopo ang gusto ninyong gawin ko?” ang siyang pinakamahalagang tanong namaitatanong natin sa buhay na ito (sa Conference Report, Okt. 1972, 53; oEnsign, Ene. 1973, 57). Bakit napakahalaga na itanong natin ito? Paano kayopinagpala ng pagpapasailalim ninyo sa kalooban ng Panginoon para sa inyo?

• Bakit atubiling makipagkita si Ananias kay Saulo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 9:10–14.) Bakit nagpunta pa rin si Ananias sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 9:15–16.) Ano ang matututuhannatin mula sa mga gawa ni Ananias? (Maaaring maibilang sa mga sagot angmabibigyan tayo ng Diyos ng lakas ng loob na gawin ang anumang hilinginniya sa atin at hindi natin dapat pabayaan ang isang tao, kahit na tila hindi na siya maaaring matulungan sa espirituwal.)

• Ano ang ginawa ni Ananias para kay Saulo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa9:17–18.) Ano ang ginawa ni Saulo pagkatapos siyang mabinyagan? (Tingnansa Ang Mga Gawa 9:19–22, 26–29.) Ano ang ating mga pananagutan minsangnagbalik-loob na tayo sa ebanghelyo ni Jesucristo? (Tingnan sa Lucas 22:32;Juan 8:31; Mosias 18:8–10; Doktrina at mga Tipan 88:81.)

Katapusan Bigyang-diin na tayo, tulad nina Esteban, Felipe, at Saulo, ay nabubuhay sapanahon kung kailan mabilis ang paglago ng Simbahan. Magpatotoo na nais ng Panginoon na maglingkod ang bawat isa sa atin sa kanyang kaharian habang lumalago ito. Himukin ang mga miyembro ng klase na makilala atmapasalamatan ang magkakaibang katangian, talento, at karanasan naibinabahagi ng bawat miyembro ng purok o sangay sa paglilingkod saPanginoon.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang itobilang bahagi ng aralin.

1. “Mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis” (Ang Mga Gawa 26:14)

• Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang Ang Mga Gawa 26:14. Ano ang ibigsabihin ng “sumikad sa mga matulis”? (Ang huwag sundin ang tagubilin outos. Ang matulis na patpat ay ginagamit kung minsan para tusukin ang mga hayop upang bumilis ang kanilang pagkilos o magpunta sa tiyak napatutunguhan. Kung sisikaran ng hayop ang patpat na ito habang tinutusoksiya, mas masasaktan ang hayop.) Paano makasasama kay Saulo ang kanyangmga ikinikilos noong bago niya matanggap ang pangitain? Paano natinsinasaktan ang ating sarili kapag kinakalaban natin ang katotohanan?

Aralin 29

159

2. Gawaing pangkabataan

Isulat ang sumusunod na mga salita sa pisara o sa papel: Ananias, awtoridad,masama, mga mata, Espiritu Santo, liwanag, mangaral, timbangan, walang masabi,nanginginig, sisidlan, tinig.

Ipaaral sa mga miyembro ng klase ang Ang Mga Gawa 9:1–22 at alamin angkahalagahan at kaayusan ng mga salitang ito sa kuwento ng pagbabalik-loob niSaulo. Pagkatapos ay papagkuwentuhin sila na gamit ang lahat ng mga salita.

160

161

Aralin

30“Hindi Nagtatangi ang Dios ng mga Tao”Ang Mga Gawa 10–14; 15:1–35

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na matanto na ang ebanghelyo ay para salahat ng tao at na ang Simbahan ay ginagabayan sa pamamagitan ng patuloy napaghahayag.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Ang Mga Gawa 10:1–11:18. Nagpakita ang isang anghel kay Cornelio saisang pangitain at sinabi sa kanyang ipasundo ang Apostol Pedro. Napag-alaman ni Pedro sa isang pangitain na ang ebanghelyo ay dapat ipangaral samga Gentil (mga taong hindi Judio). Nagpunta siya sa Cesaria para turuan siCornelio at ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpadama ang EspirituSanto kay Cornelio at sa iba pa, at sila ay nabinyagan. Binatikos ng ilangmiyembro ng Simbahan si Pedro sa pagtuturo niya sa mga Gentil, ngunitnoong sabihin niya ang tungkol sa kanyang pangitain, tinanggap nila itobilang paghahayag para sa Simbahan.

b. Ang Mga Gawa 12. Pinatay ni Haring Herodes si Santiago at ikinulong siPedro. Ipinagdasal ng mga Banal ang paglaya ni Pedro, at isang anghel ngPanginoon ang nagpalaya sa kanya. Si Herodes ay hinampas ng anghel ngPanginoon at namatay.

c. Ang Mga Gawa 13–14. Sina Saulo (kilala na ngayon bilang si Pablo) atBernabe ay naglakbay sa kauna-unahang pagkakataon bilang mgamisyonero, at itinatag ang Simbahan sa ilang lungsod ng mga Gentil.

d. Ang Mga Gawa 15:1–35. Itinuturo ng ilang mga Banal na Judio na ang mgaGentil na sumasapi sa Simbahan ay kailangang tumupad sa Batas ni Moises,kabilang na ang pagtutuli sa mga kalalakihan. Tiniyak ng mga Apostol naito ay hindi hinihiling ng Panginoon.

2. Karagdagang pagbabasa: Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagtutuli,” 199;“Cornelio,” 35.

3. Kung makukuha ang mapa ng unang paglalakbay ni Pablo bilang isangmisyonero (mapa 6 sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan), maaari ninyongnaising gamitin ito sa aralin.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Sinabi ni Elder Gordon B. Hinckley: “Higit pa sainyong kaalaman ang dapat na tanggapin ng inyong mga tinuturuan. Karapat-dapat at nauuhaw sila sa inspirasyong inyong ibibigay. Ibig nila ang mainit napagtanggap sa mga pakikitungo sa isa’t isa. Ito ang palaging kilalang katangianng isang dakilang guro” (sa Conference Report, Okt. 1965, 52; o ImprovementEra, Dis. 1965, 1124). May panalanging isaalang-alang kung paano ninyomapauunlad at maipakikita ang pagmamahal sa bawat miyembro ng klase.(Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit A, Paksa 4,“Hangarin ang Dalisay na Pag-ibig ni Cristo,” 8–9.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ibigay ang sumusunod na mga pahiwatig, nang isa-isa, at hilingin sa mgamiyembro ng klase na alamin kung anong makasaysayang pangyayari saSimbahan ang tinutukoy ng mga ito:

1. Paghahayag2. Ika-8 ng hunyo 19783. Pangulong Spencer W. Kimball4. Pagkasaserdote5. Opisyal na Pahayag 2

Ipabuklat sa mga miyembro ng klase ang Opisyal na Pahayag 2 (na makikita sa hulihan ng Doktrina at mga Tipan) at ipabasa sa kanila nang tahimik angikalawang taludtod (na nagsisimula sa “Sa unang bahagi ng Hunyo”). Bigyang-diin na nakatala sa Opisyal na Pahayag 2 ang paghahayag na maaari nangigawad ang pagkasaserdote sa lahat ng karapat-dapat na lalaking miyembro ng Simbahan.

Kung mayroon sa mga miyembro ng klase na nakaaalala sa araw kung kailanibinalita ang paghahayag, anyayahan sila na ilarawan kung ano ang nadama nilanang malaman nila ang tungkol dito.

• Sino ang pumayag na maigawad ang pagkasaserdote sa lahat ng karapat-dapatna miyembrong lalaki ng Simbahan? (Ang Panginoon.) Paano ipinaalam ngPanginoon ang kanyang kagustuhan sa Simbahan? (Inihayag niya ito sapropeta, na siya namang nagbalita nito sa mga miyembro ng Simbahan.)Paano nakaapekto sa Simbahan ang paghahayag na ito?

Ipaliwanag na ang paghahayag na ito ay isang halimbawa ng kung paanopatuloy na pinapatnubayan ng Panginoon ang kanyang Simbahan sapamamagitan ng paghahayag. Tinatalakay ng araling ito ang katulad dingpaghahayag na ibinigay sa mga miyembro ng Simbahan pagkatapos napagkatapos ng Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,bigyang-diin ang kahalagahan sa Simbahan ng patuloy na paghahayag mula saPanginoon. Himukin ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mgapatotoo tungkol sa patuloy na paghahayag.

1. Nalaman ni Pedro sa isang pangitain na ang ebanghelyo ay dapatipangaral sa mga Gentil.

Talakayin ang Ang Mga Gawa 10:1–11:18. Anyayahan ang mga miyembro ngklase na basahin ang mga piling talata.

• Anong uri ng tao si Cornelio? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 10:1–2, 30–31. Siyaay mabuting tao na naniniwala sa Diyos, ngunit siya ay isang Gentil, o hindiJudio.) Ano ang mensahe ng anghel kay Cornelio? (Tingnan sa Ang Mga Gawa

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

162

10:3–6.) Ano ang naging reaksiyon ni Cornelio sa mensaheng ito? (Tingnan saAng Mga Gawa 10:7–8, 33.) Bakit mahalagang kumilos kaagad-agad sa mgatagubilin o inspirasyon mula sa Diyos?

• Habang naglalakbay ang mga tauhan ni Cornelio sa Joppe, si Pedro aynakatanggap ng pangitain (Ang Mga Gawa 10:9–16). Ano ang nakita ni Pedrosa pangitaing ito? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 10:11–12.) Ano ang ipinagagawakay Pedro? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 10:13.) Bakit tumanggi si Pedro?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 10:14. Ayaw niyang kumain ng mga hayop naitinuturing na marumi sa ilalim ng batas ni Moises.) Paano tumugon angPanginoon sa pag-aalala ni Pedro? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 10:15–16.)

• Sa pakikipagkita niya kay Cornelio ay naunawaan ni Pedro ang ibig sabihin ngkanyang panaginip. Ano ang ibig sabihin nito? (Tingnan sa Ang Mga Gawa10:28, 34–35. Ang ebanghelyo ay para sa lahat ng tao, hindi lamang para samga Judio. Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng “hindi nagtatangi ang Dios ngmga tao” ay bibigyan ng Diyos ng pagkakataon ang bawat tao na matanggapang mga pagpapalang dulot ng plano ng kaligtasan.) Bakit naging simbulo ngmga Gentil ang maruruming hayop sa panaginip? (Inakala ng mga Judio naang mga Gentil ay hindi karapat-dapat sa espirituwal o marumi, tulad ng mga hayop na ipinagbawal ng batas ni Moises na kainin ng mga Judio. Sapagsasabing ang mga hayop sa panaginip ay “nalinisan” na ngayon, aysinasabi ng Panginoon kay Pedro na ang ebanghelyo ay dapat na ngayongipangaral sa lahat ng tao.)

• Pagkatapos ipaliwanag ni Pedro ang kanyang panaginip ay sinimulan niyangturuan si Cornelio at ang kanyang mga kaibigan. Ano ang itinuro niya sakanyang unang pangangaral sa kanila? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 10:36–43.)Ano ang nangyari samantalang nangangaral si Pedro? (Tingnan sa Ang MgaGawa 10:44, 46.) Bakit nakumbinsi nito si Pedro na si Cornelio at ang kanyangmga kaibigan ay dapat nang mabinyagan? (Tingnan sa Ang Mga Gawa10:47–48; tingnan din sa Ang Mga Gawa 11:15–17.)

• Ano ang naging reaksiyon ng ilang miyembro ng Simbahan nang marinignilang nagtuturo si Pedro ng ebanghelyo sa mga Gentil? (Tingnan sa Ang MgaGawa 11:1–3.) Bakit nagalit ang mga miyembrong ito? (Hindi nila itinuringang mga Gentil na bahagi ng mga taong pinili ng Diyos.)

• Paano nagbago ang opinyon ng mga miyembro ng Simbahan matapos sabihinsa kanila ni Pedro ang tungkol sa kanyang pangitain at ang kanyang karanasankay Cornelio? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 11:4–18.) Ano ang dapat natinggawin kapag nakatanggap tayo ng bagong tagubilin mula sa ating mga pinunosa Simbahan, kahit na sa una ay ayaw natin ang mga tagubilin o nahihirapantayong unawain ang mga ito? (Tingnan sa Juan 7:17; 2 Nephi 28:30; Doktrinaat mga Tipan 6:11, 14–15.)

• Bakit si Pedro ang nakatanggap ng paghahayag na ituro ang ebanghelyo samga Gentil? (Siya ang pinuno ng Simbahan noong panahong iyon.) Sino ang tumatanggap ngayon ng paghahayag para sa buong Simbahan? Bakitmahalagang magkaroon ng iisang tao lamang na tatanggap ng paghahayagpara sa buong Simbahan? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 43:2–6.)

Aralin 30

163

2. Buong himalang nakalaya si Pedro mula sa kulungan.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 12.

• Pinatay ni Haring Herodes si Apostol Santiago, pagkatapos ay ikinulong siPedro at mahigpit na pinabantayan (Ang Mga Gawa 12:1–4). Ano ang nagingreaksiyon ng mga miyembro ng Simbahan sa pagkakakulong ni Pedro?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 12:5.) Paano makatutulong sa propeta at sa ibapang mga pinuno ng Simbahan sa ngayon ang ating mga panalangin?(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 43:12; 93:51; 107:22.)

Ipinahayag ni Pangulong Joseph F. Smith na, “Hindi dapat lumipas ang kahitisang araw nang hindi nagpapaabot ng kanilang tinig sa pananalangin saPanginoon ang mga taong bumubuo sa Simbahan upang itaguyod angkanyang mga tagapaglingkod” (Gospel Doctrine, ika-5 edisyon [1939], 223).

• Paano nakatakas sa kulungan si Pedro? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 12:6–10.)Sa anong mga pagkakataon buong himalang iniligtas ng Panginoon ang buhayng isang tao hanggang sa matapos niya ang kanyang misyon sa lupa? (Angmga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan ay kinabibilangan ninaDaniel; Sadrach, Mesach, at Abed-nego; Abinadi; Alma at Amulek; at si JosephSmith.)

• Ano ang nangyari kay Haring Herodes matapos makalaya si Pedro? (Tingnansa Ang Mga Gawa 12:21–23.) Ihambing ang nangyari kay Herodes sa nangyarisa Simbahan, ayon sa pagkakalarawan sa susunod na talata (Ang Mga Gawa12:24). Paano ninyo nakitang lumago ang Simbahan sa kabila ng pagsisikap ngilang tao na wasakin ito?

3. Sina Saulo (na kilala na ngayon bilang Pablo) at Bernabe ay nangaral ngebanghelyo sa mga Gentil.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 13–14. Kungginagamit ninyo ang mapa, ituro ang mga lugar na dinalaw nina Pablo atBernabe habang tinatalakay ninyo ang mga ito.

• Ano ang ipinapakita ng pagtawag kina Saulo at Bernabe tungkol sa kungpaano tinatawag ang mga miyembro ng Simbahan na maglingkod sa Diyos?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 13:1–3. Talakayin kung bakit kailangan angpanalangin at pag-aayuno, paghahayag, at awtoridad ng pagkasaserdote sapagtawag sa mga miyembro upang maglingkod sa Simbahan.) Anong mgakaranasan ang nakatulong sa inyo upang malaman na ang mga tungkulin saSimbahan ay binibigyang inspirasyon ng Espiritu?

• Inanyayahan si Pablo ng mga namumuno sa sinagoga ng Antioquia namagsalita sa araw ng Sabbath (Ang Mga Gawa 13:14–15). Ano angpangunahing mensahe ni Pablo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 13:23–31,38–41.) Ano ang naging reaksiyon ng mga Gentil sa Antioquia sa mgamisyonero at sa kanilang mensahe? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 13:42–44, 48.)Bakit inusig ng ilan sa mga Judio sina Pablo at Bernabe? (Tingnan sa Ang MgaGawa 13:45–47.)

• Ano ang naging reaksiyon ng mga tao sa Listra nang pagalingin ni Pablo anglalaking pilay? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 14:8–13. Ipaliwanag na sina Jupiterat Mercurio ay mga huwad na diyos na sinasamba ng mga tao.) Paano

164

tumugon sina Pablo at Bernabe sa papuri at pagbibigay-pansin na ito?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 14:14–18.) Bigyang-diin na ang tunay na mga gurong salita ng Diyos ay palaging naghahangad na ibigay ang kaluwalhatian saDiyos at umiiwas na mapansin ang kanilang sarili. Paano ninyo nakita angsaloobing ito sa mga pinuno ng Simbahan sa ngayon?

• Dinalaw nina Pablo at Bernabe ang bawat lungsod, nakatagpo sila ng mgataong sabik tumanggap sa ebanghelyo, ngunit nakatagpo din sila ng mgataong umusig sa kanila at nagsulsol sa iba na magalit sa Simbahan (Ang MgaGawa 13:43–45, 50; 14:1–6, 19). Bakit bumalik sina Pablo at Bernabe sa bawatlungsod kahit na inusig na sila doon? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 14:21–23.Nagtatag sila ng mga sangay ng Simbahan sa mga lungsod, at nagbalik silaupang hikayatin at turuan ang mga bagong miyembro ng mga sangay na ito.)Ano ang maaari nating gawin upang maitaguyod ang mga bagong miyembrong ating purok o sangay?

Ganito ang tinuran ni Pangulong Gordon B. Hinckley: “Sa patuloy na pagdaming bilang ng mga nagbabalik-loob ay kailangan nating magsikap pa nanglubusan upang tulungan sila habang tinatahak nila ang kanilang daan. Angbawat isa sa kanila ay nangangailangan ng tatlong bagay: isang kaibigan, isangtungkulin, at pangangalaga sa pamamagitan ng ‘mabuting salita ng Diyos’(Moroni 6:4). Tungkulin at pagkakataon natin na ilaan ang mga bagay na ito”(sa Conference Report, Abr. 1997, 66; o Ensign, Mayo 1997, 47).

4. Tiniyak ng mga Apostol na hindi kailangan ng mga Gentil na sundin angbatas ni Moises.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 15:1–35.

• Anong pagtatalo ang pinuntahan nina Pablo at Bernabe sa Jerusalem upanglutasin? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 15:1–2; Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Pagtutuli,” 199. Ipaliwanag na ang pagtutuli ay sumisimbulo sa buong batasni Moises. Ang taong tinuli ay ang taong sumunod sa batas. Kahit na natupadni Jesucristo ang batas ni Moises, ito ay ipinamumuhay pa rin ng ilangKristiyanong Judio at nais nilang ipamuhay rin ito ng mga nagbalik-loob namga Gentil.) Paano nalutas ang pagtatalo? (Matapos ang masusing talakayan,nagpasiya ang mga Apostol sa pamamagitan ng inspirasyon na itigil na angpagtutuli.)

• Paano ipinakikita ng mga pangyayaring ito na nakasaad sa Ang Mga Gawa15:6–31 ang parisan kung paano ginagawa ang pagpapasiya tungkol sapatakaran at mga isinasagawa ng Simbahan?

a. Nagpupulong ang mga pinuno ng Simbahan upang isaalang-alang angpaksa (talata 6).

b. Tinatalakay nilang mabuti ang paksa (mga talata 7–21).c. Gumagawa sila ng pasiya na naaayon sa kalooban ng Panginoon (mga talata

19–21).d. Pinagtitibay ng Espiritu Santo na ang pasiya ay tama (talata 28).e. Ang pasiya ay ibinabalita sa mga Banal para sang-ayunan (mga talata

22–31).

Aralin 30

165

Katapusan Magpatotoo na ang Simbahan ay palaging ginagabayan ng banal na paghahayagat ang paghahayag ay patuloy pa rin sa ngayon. Himukin ang mga miyembro ngklase na sundin ang payo ng buhay na propeta at ng ibang mga pinuno ngSimbahan.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

Ang Simbahan sa buong daigdig

Upang maipakita sa mga miyembro ng klase kung gaano na ang isinulong ngSimbahan, ipakita ang mapa ng daigdig. Ituro ang mga lugar kung saannanirahan ang mga miyembro ng Simbahan noong kapanahunan ni Cornelio(makabagong Israel, Turkey, Grecia, at ang karatig na mga lugar.) Pagkatapos ayipaturo sa mga miyembro ng klase ang mga lugar kung saan naninirahan angmga miyembro ng Simbahan sa ngayon. Ipaliwanag na sa pagsisimula ng taong1998, ang Simbahan ay may mahigit na sa sampung milyong miyembro nananinirahan sa 162 mga bansa at teritoryo. May mahigit sa 57,000 mgamisyonero na nangangaral sa 116 na mga bansa, na nagsasalita ng 45pangunahing mga wika at maraming karagdagang mga diyalekto. (Maaaringmakahanap kayo ng mas bagong estadistika sa kamakailan lamang na isyu ngmga magasin ng Simbahan.)

166

167

Aralin

31“Kaya nga, ang mga Iglesia’yPinalakas sa Pananampalataya”Ang Mga Gawa 15:36–18:22; I at II Mga Taga Tesalonica

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na matuto mula sa mga turo ni Pablotungkol sa kung paano ibahagi ang ebanghelyo at kung paano mamuhay bilangmga Banal.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Ang Mga Gawa 15:36–41; 16; 17:1–15; 18:1–22. Matapos malutas angpagtatalo tungkol sa nagbalik-loob na mga Gentil at sa batas ni Moises, sina Pablo at Bernabe ay naghanda para sa kanilang ikalawang paglalakbaybilang misyonero. Hindi sila nagkasundo tungkol sa isang kasamangmisyonero at nagpasiyang maghiwalay. Isinama ni Pablo sina Silas atTimoteo at nagsimula ng gawaing misyonero sa Macedonia at Grecia.Madalas silang inuusig ngunit nakapagpapabalik-loob ng maraming tao.

b. Ang Mga Gawa 17:16–34. Dumalaw si Pablo sa Atenas at nakitangsumasamba sa mga diyus-diyosan ang buong lungsod. Nagpatotoo siya samga pilosopong taga Atenas at nangaral sa gitna ng Areopago (Mars Hill)tungkol sa katauhan ng Diyos, ang pagkakaisa ng mga tao bilang mga anakng Diyos, at ang Pagkabuhay na mag-uli.

c. I at II Mga Taga Tesalonica. Gumawa si Pablo ng dalawang liham sa mgaBanal sa Tesalonica, isang lungsod sa Macedonia. Pinayuhan niya silatungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo, paghahanda para sa IkalawangPagparito, at pamumuhay bilang mga Banal.

2. Karagdagang pagbabasa: I Mga Taga Corinto 2:4–5, 10–13; ‘Gabay sa mga Banalna Kasulatan, “Sulat ni Pablo, 1 at 2 Mga Taga-Tesalonica, 234–235].’ ”

3. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, maaari ninyong naisinggamitin ang mga ito sa aralin:

a. Mapa ng ikalawang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero, mapa 6 sa Gabaysa mga Banal na Kasulatan.

b. “The Second Coming,” isang tatlong minutong yugto ng New TestamentVideo Presentations (53914).

4. Mungkahi sa pagtuturo: Ang mga miyembro ng klase ay may pananagutangdumating sa klase nang nakahandang magtanong, mag-ambag ng mga ideya,magbahagi ng mga karanasan, at magbigay ng patotoo. Himukin ang mgamiyembro ng klase na maghanda para sa klase sa pamamagitan ng pag-aaralng mga banal na kasulatan at araw-araw na pananalangin. Magpahayag nginteres at pasasalamat sa mga ambag sa klase ng mga miyembro ng klase.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Isalaysay ang sumusunod na kuwento:

Habang nakatira sa piling ng pamilyang Heywood sa Lungsod ng Salt Lakenoong mga huling bahagi ng taong 1800, si John Morgan ay nanaginip isanggabi na naglalakbay siya sa isang lansangang patungong Georgia. Natandaanniya ang lansangan dahil madalas siyang dumaan dito bilang isang sundalo saDigmaang Sibil ng Estados Unidos. Nakarating siya sa pagsasanga ng daan atnakita niya si Brigham Young na nakatayo roon. Kahit na ang kanang daan aypatungo sa susunod na bayan, sinabi pa rin sa kanya ni Pangulong Young natahakin ang kaliwang daanan.

Sinabi ni G. Morgan, na hindi pa miyembro ng Simbahan mga panahong iyon,kay Kapatid na [babae] Heywood ang tungkol sa kanyang panaginip at itinanongkung ano sa palagay niya ang tungkol dito. Sinabi niya sa kanya na naniniwalasiyang magiging miyembro ng Simbahan si G. Morgan at magmimisyon sakatimugang estado, at isang araw ay matatagpuan niya ang kanyang sarili nanasa lansangan na nakita niya sa kanyang panaginip. Kapag nangyari iyon aymaaalala niya ang payo ni Brigham Young at tatahakin niya ang kaliwanglansangan.

Maraming taon ang lumipas, matapos mabinyagan si John Morgan at natawagna misyonero sa katimugang estado, siya ay dumating sa sangang-daan na nakitaniya sa kanyang panaginip. Naalala niya ang payo na tahakin ang landas sakaliwa, at kanya itong ginawa. Makalipas ang isang oras, natagpuan niya angkanyang sarili sa gilid ng Lambak ng Heywood—isang magandang lugar nataglay ang pangalan ng pamilya na tinirahan niya nang mapanaginipan niya ito.

Habang naglalakbay siya sa kabuuan ng lambak at nangangaral, natagpuan niyaang mga taong handang-handa nang makinig sa ebanghelyo. Matapos siyangmadinig na magturo, binanggit ng ilang pamilya na may isang hindi kilalang taona nagpunta sa lambak mga sampung araw na ang nakalilipas, na humihingi ngpahintulot na mamarkahan ang kanilang mga Biblia. Sinabi sa kanila ngestranghero na may isa pang mensahero na darating at ipapaliwanag sa kanilaang minarkahang mga pahina. Ipinaliwanag ni John Morgan ang minarkahangmga pahina habang itinuturo niya ang ebanghelyo. Nang sumunod na mgalinggo, tinuruan at bininyagan ni Elder Morgan ang lahat maliban sa tatlo sadalawampu’t tatlong pamilya sa lambak. (Bryant S. Hinckley, The Faith of OurPioneer Fathers [1956], 242–44.)

• Ano ang nakatulong sa tagumpay ni John Morgan bilang isang misyonero?(Maaaring maibilang sa mga sagot na maluwag sa kanyang kalooban angmagtrabahong mabuti, nakikinig siya sa Espiritu, at ang mga puso ng mga tao ay naihanda sa pagtanggap ng ebanghelyo.)

Ipaliwanag na ang araling ito ay tungkol sa Apostol Pablo, na, tulad ni JohnMorgan, ay nakinig sa Espiritu at naging matagumpay na misyonero. Sa kanyangikalawang paglalakbay bilang misyonero, si Pablo ay dumanas ng maraming pag-

Gawaing Pantawag-pansin

168

uusig ngunit nakatagpo rin ng maraming tao na handang tumanggap saebanghelyo ni Jesucristo.

Habang itinuturo ninyo ang tungkol sa ikalawang paglalakbay ni Pablo bilangmisyonero, talakayin kung ano ang matututuhan natin mula kay Pablo tungkolsa pagtuturo ng ebanghelyo, paghahanda sa ating sarili na malaman angebanghelyo, at pagpapatatag ang ating mga patotoo.

1. Sina Pablo, Silas, at Timoteo ay nangaral sa buong Macedonia at Grecia.

Talakayin ang Ang Mga Gawa 15:36–41; 16; 17:1–15; 18:1–22. Anyayahan angmga miyembro ng klase na basahin ang mga piling talata. Maaari ninyongnaising paalalahanan ang mga miyembro ng klase na ang aklat ng Ang MgaGawa ay isinulat ni Lucas. Tila baga naglakbay siyang kasama ni Pablo sa ilan samga paglalakbay ni Pablo bilang misyonero, dahil madalas niyang gamitin angsalitang kami kapag tinutukoy ang mga ginawa ni Pablo at ng kanyang mgakasamang misyonero (Ang Mga Gawa 16:10).

• Sa ikalawa niyang paglalakbay bilang misyonero, si Pablo ay nangaral samaraming lungsod sa Macedonia at Grecia, kabilang na ang Filipos, Tesalonica,Berea, Corinto, at Atenas. (Ituro ang mga lungsod na ito sa mapa.) Paanoginabayan ng Espiritu si Pablo at ang kanyang mga kasama habangnaglalakbay? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 16:6–10; 18:9–11.) Paano ginabayanng Espiritu ang inyong mga pagsisikap na paglingkuran ang Panginoon?

• Nakatala sa mga banal na kasulatan na pinakinggan at pinaniwalaan ni Lidiaang mga salita ni Pablo dahil binuksan ng Panginoon ang kanyang puso (AngMga Gawa 16:14–15). Bakit kailangan ang isang bukas na puso sa pagbabalik-loob sa ebanghelyo? (Tingnan sa Mosias 2:9; Doktrina at mga Tipan 64:34.)Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magsalaysay ng mga karanasankung kailan binuksan ng Panginoon ang kanilang puso (o ang puso ng isangtaong kilala nila) sa ebanghelyo.

• Bakit ikinulong si Pablo at ang kanyang mga kasama sa Tiatira? (Tingnan saAng Mga Gawa 16:16–24.) Paano sila napalaya? (Tingnan sa Ang Mga Gawa16:25–26.) Paano nila ginamit ang karanasang ito bilang pagkakataon sagawaing misyonero? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 16:27–34.) Ano ang ilan pangmga halimbawa, mula sa kasaysayan ng Simbahan o sa inyong sariling buhay,kung saan mabuti ang naging bunga ng pag-uusig?

• Ano ang itinuro ni Pablo sa mga tao sa Tesalonica nang lumagi siya ng tatlongSabbath sa sinagoga na kapiling sila? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 17:1–3.) Anoang naging mga bunga ng pagtuturo ni Pablo sa Tesalonica? (Tingnan sa AngMga Gawa 17:4–10.)

• Paano tinanggap ng mga tao sa sinagoga ng Berea ang mga turo ni Pablo?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 17:10–12.) Paano natin “[matatanggap] ang salitang buong pagsisikap” sa pag-aaral ng ebanghelyo?

2. Nangaral si Pablo sa gitna ng Areopago (Mars Hill) sa mga pilosopong tagaAtenas.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 17:16–34.Ipaliwanag na matapos lisanin ni Pablo ang Berea, siya ay nagpunta sa Atenas, na

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Aralin 31

169

siyang sentro ng kultura ng daigdig. Ang pananaw ng mga pilosopo roon saDiyos ay isa siyang hindi mailarawang nilalang o kapangyarihan, sa halip naliteral na Ama ng ating mga espiritu. Sinamba nila ang mga nilikha ng Diyos sa halip na sambahin ang Diyos mismo. Pinalitan nila ang paghahayag ngpangangatwiran at pagtatalo, higit na pinahahalagahan ang karunungan ng mga tao sa halip na ang mga katotohanan ng Diyos.

• Ang mga pilosopo na Ateniense ay “walang ibang ginagawa, kundi angmagsipagsaysay o mangakinig ng anumang bagay na bago” (Ang Mga Gawa17:21). Paano nakikita ang ganitong sistema sa ngayon? Ano ang maaaringmga panganib sa palaging paghahangad ng “bagay na bago”?

• Ano ang itinuro ni Pablo sa mga Ateniense tungkol sa Diyos? (Tingnan sa AngMga Gawa 17:22–31.) Bakit mahalagang malaman na “tayo nama’y sa kanyanglahi”? (Ang Mga Gawa 17:28). Paano nakatutulong ang pagkaunawa tungkolsa tunay na katauhan ng Diyos at sa kanyang papel bilang ating Ama upangmahalin at sambahin natin siya?

• Sinagot ni Pablo ang katwiran at paliwanag ng mga pilosopo sa pamamagitanng isang tapat na pagpapatotoo tungkol sa Diyos, na ating Ama. Sa pagtuturong ebanghelyo, bakit mas nakahihikayat ang isang matapat na patotoo kaysasa paliwanag at katwiran? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 2:4–5, 10–13.)

• Bakit nakinig ang mga pilosopo kay Pablo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa17:18–21.) Paano sa palagay ninyo nakaapekto ang layon na ito sa kanilangtugon sa mensahe ni Pablo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 17:32–33.) Paanonatin maihahanda ang ating sarili na pakinggan at unawain ang mga salita ngmga pinuno ng Simbahan?

3. Sumulat ng mga liham ng pagpapayo si Pablo sa mga Banal sa Tesalonica.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa I at II Mga Taga Tesalonica.

• Nag-alala si Pablo tungkol sa mga Banal sa Tesalonica ngunit hindi nagawangmagbalik upang dalawin sila, kung kaya’t isinugo niya si Timoteo (I Mga TagaTesalonica 2:17–18; 3:1–2, 5–7). Matapos ang pagbabalik ni Timoteo, si Pabloay sumulat ng dalawang liham na nagbibigay ng payo at panghihikayat samga Banal sa Tesalonica. Ano ang matututuhan natin mula sa mga pagsisikapni Pablo sa kapakanan ng mga bagong miyembro ng Simbahan?

• Ano ang itinuturo ni Pablo sa I Mga Taga Tesalonica 1:5 at 2:2–12 tungkol sakung paano ituturo ang ebanghelyo sa ibang tao? (Isulat sa pisara ang mgasagot ng mga miyembro ng klase.) Paano nakatulong sa inyong pagtuturo ngebanghelyo ang pagsunod sa mga alituntuning ito?

• Anong mga alalahanin ng mga Banal sa Tesalonica ang ipinakikita sapagpapaliwanag ni Pablo tungkol sa Ikalawang Pagparito? (Tingnan sa I MgaTaga Tesalonica 4:13–18; 5:1–3.) Ano ang sinabi ni Pablo sa mga tagaTesalonica na mangyayari bago ang Ikalawang Pagparito? (Tingnan sa II MgaTaga Tesalonica 2:1–4.) Paano natupad ang propesiyang ito? (Tingnan saDoktrina at mga Tipan 1:15–16; 112:23; Joseph Smith—Kasaysayan 1:19.)

• Ano ang sinabi ni Pablo sa mga Banal sa Tesalonica na dapat nilang gawinupang makapaghanda para sa Ikalawang Pagparito? (Tingnan sa I Mga TagaTesalonica 5:4–8.) Ano ang dapat nating gawin upang makapaghanda para saIkalawang Pagparito?

170

Kung gagamitin ninyo ang pagpapalabas ng video na “The Second Coming,”ipalabas na ito ngayon. Maikling talakayin ang payo nina Elder Packer at ElderMaxwell tungkol sa paghahanda para sa Ikalawang Pagparito nang walanganumang pag-aalala kung kailan ito mangyayari.

• Anong payo ang ibinigay ni Pablo sa mga taga Tesalonica tungkol sapamumuhay bilang mga Banal? (Tingnan sa I Mga Taga Tesalonica 4:9–12;5:11–22.) Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase. Ayon sapatnubay ng Espiritu, talakayin ang ilan sa mga punto ng pagpapayo nainyong isinulat. Maaaring ibilang sa talakayan ang kung paano natin higit namasusunod ang payo at kung paano tayo pinagpapala kapag ginagawa natinang gayon.

Katapusan Magbigay ng patotoo sa mga katotohanang itinuro ni Pablo tungkol sa mgakatangiang dapat taglayin ng matagumpay na mga misyonero at maawaing mgaBanal sa mga Huling Araw. Himukin ang mga miyembro ng klase na hangaringtaglayin ang mga katangiang ito upang makatulong sa paghahanda ng kanilangsarili at ng iba para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

Pagtuturo ng ebanghelyo na may tamang saloobin

Ipabasa sa mga miyembro ng klase ang I Mga Taga Tesalonica 2:2–3. Bigyang-diinna sinabi ni Pablo na ang ebanghelyo ay dapat na ituro nang may tapang at nangwalang pandaraya o panlilinlang. Idinagdag pa ni Elder James E. Talmage nadapat nating ituro ang katotohanan nang buong tapang nang hindi pinupulaano tinutuligsa ang paniniwala ng ibang tao. Ibahagi ang sumusunod na kuwentoupang maipakita ito:

Noong estudyante pa siya, minsan ay nilapitan si Elder Talmage ng isang lalakingnag-aalok na ipagbibili sa kanya ang isang napakagandang langis na ilawan.Mayroon nang ilawan noon si Elder Talmage na kasiya-siya sa kanya, ngunitpinapasok pa rin niya ang lalaki sa kanyang silid upang ipakita nito sa kanyakung paano ito gamitin.

“Pumasok kami sa aking silid, at sinindihan ko ang aking magandang ilawan.Puno ng papuri ang aking panauhin. Iyon na daw ang pinakamagandang ilawan,at wala pa siyang nakitang ilawan na mas maayos pa kaysa rito. Pabalik-balikniyang ipinihit ang mitsa, at sinabing perpekto rin ito.

“ ‘Ngayon,’ ang sabi niya, ‘sa pahintulot mo’y sisindihan ko ang aking ilawan,’ at inalis ito sa sisidlan. . . . Pinaliwanag ng ningas nito ang kasuluk-sulukangbahagi ng aking silid. Dahil sa maningning na liwanag nito ay naging mahina atmalabo ang ilaw ng aking ilawan. Sa sandaling iyon ng pagpapakita ko lamangnabatid kung gaano kadilim ang aking naging pamumuhay at pagsisikap, pag-aaral at pagpupunyagi.”

Binili ni Elder Talmage ang bagong ilawan, at sa dakong huli ay iminungkahiniya kung ano ang matututuhan natin mula sa nagtitinda ng ilawan habangitinuturo natin ang ebanghelyo: “Hindi minaliit ng lalaking nagtitinda ang aking

Aralin 31

171

ilawan. Inilagay niya ang kanyang mas maningning na liwanag sa tabi ng akingmas malamlam na ningas, at kaagad akong nagpasiya na kunin iyon.

“Ang mga tagapaglingkod na misyonero ng Simbahan ni Jesucristo sa ngayon ay isinusugo, hindi para batikusin ni tuligsain ang mga paniniwala ng tao, kundi para ipakita sa daigdig ang mas nakahihigit na liwanag, kung saanmakikitang mabuti ang mausok na kadiliman ng aandap-andap na ningas ng mga doktrinang gawa ng tao. Ang gawain ng Simbahan ay para magtatag,hindi para manira” (sa Albert L. Zobell Jr., Story Gems [1953], 45–48; tingnan dinsa The Parables of James E. Talmage, tinipon ni Albert L. Zobell Jr. [1973], 1–6).

172

173

Aralin

32“Nangabubuhay sa Pamamagitan ng Espiritu”Ang Mga Gawa 18:23–20:38; Mga Taga Galacia

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na hangarin ang mga inspirasyon mula saEspiritu Santo at iwasan ang mga saloobin at kilos na hahadlang sa pagtanggapnila ng mga inspirasyong ito.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Ang Mga Gawa 18:23–19:41. Sinimulan ni Pablo ang kanyang ikatlongpaglalakbay bilang misyonero. Itinuro nina Aquila at Priscila angebanghelyo kay Apolos. Si Pablo ay nagturo, nagbinyag, at naggawad ngkaloob na Espiritu Santo sa mga mananampalataya sa Efeso. Sinulsulan niDemetrio at ng iba pang mga panday-pilak ang mga tao sa Efeso paramagalit kay Pablo.

b. Ang Mga Gawa 20. Nilisan ni Pablo ang Efeso at nangaral sa Macedonia atGrecia. Sa pagbabalik niya sa Jerusalem, siya ay nagbigay ng talumpati ngpamamaalam sa mga pinuno ng Simbahan mula sa Efeso, na nagbabalalaban sa lubusang pagtalikod.

c. Mga Taga Galacia. Sumulat si Pablo ng isang liham na pinagagalitan angmga taga Galacia sa pagbabalik sa batas ni Moises. Ipinaalala niya sa kanilaang kahalagahan ng pananampalataya kay Jesucristo at hinikayat silanghangarin ang mga bunga ng Espiritu.

2. Karagdagang pagbabasa: Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Espiritu Santo,”61–62 at “Sulat ni Pablo, Mga: 1 at 2 Mga Taga-Corinto, Mga Taga-Galacia,Mga Taga-Roma,” 234–235.

3. Kung may makukuhang mapa ng ikatlong paglalakbay ni Pablo bilangmisyonero (mapa 7 sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan), maaari ninyongnaising gamitin ito sa aralin.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Ang ilan sa mga pinakamagagandang kuwento athalimbawa ay ang mga nagmumula sa inyong sariling buhay. Umasa natutulungan kayo ng Espiritu na malaman kung alin sa inyong mga karanasanang magiging angkop at magagamit sa pagbabahagi sa mga miyembro ngklase. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit E,Paksa 8, “Pagpapayaman sa Inyong mga Aralin sa Pamamagitan ng mgaHalimbawa,” 108–110, at Yunit F, Paksa 5, “Ano ang Bumubuo sa IsangMagandang Kuwento?,” 157.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Gawaing Pantawag-pansin

Hilingan ang mga miyembro ng klase na mag-isip ng isang talento o kasanayan(kagaya ng pagtugtog ng isang instrumento, pananahi, pagsusulat, o paglalaro)na minsan na nilang pinagyaman ngunit matagal nang hindi ginagamit.Itanong:

• Komportable pa kaya kayo sa ngayon na gamitin ang talento o kasanayangito? Ganon pa rin kaya kayo kahusay tulad ng dati? Ano ang kakailanganinninyong gawin upang magamit ang talento o kasanayang ito na tulad ngpaggamit ninyo rito noong nakaraan? (Kung walang miyembro ng klase namakaiisip ng mga talento o kasanayang nabanggit, talakayin ang isanghalimbawa mula sa inyong sariling buhay.)

Bigyang-diin na ang pagkakilala sa mga inspirasyon ng Espiritu Santo aymaituturing na isang espirituwal na talento o kakayahan. Kapag lagi natingginagamit ang talentong ito ay lalo tayong nagiging mahusay rito.

• Paano tayo magkakaroon ng kakayahang makilala ang mga inspirasyon nanagmumula sa Espiritu Santo? (Maaaring maibilang sa mga sagot na sapamamagitan ng matwid na pamumuhay, sa paghahangad ng inspirasyon sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at sa pagsunod sa mga inspirasyon kapagnatanggap natin ang mga ito.) Ano ang mangyayari kung napaghusay angkakayahang ito at pagkatapos ay pabayaan na lamang ito?

Ipaliwanag na ang talakayan ngayon tungkol sa ikatlong paglalakbay ni Pablobilang misyonero at ang kanyang liham sa mga taga Galacia ay kabibilangan ng talakayan ng mga kalagayan kung saan kailangan nating sundin ang mgainspirasyon ng Espiritu Santo at kung paano tayo pagpapalain sa pamamagitanng paggawa ng mga bagay na ito.

Buong panalanging piliin ang mga talata ng banal na kasulatan at tanong napinakamainam na tutugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng klase.Talakayin kung paano maiaangkop ang mga banal na kasulatan na ito sa pang-araw-araw na buhay. Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ngmga karanasan na may kaugnayan sa mga alituntuning ito ng banal nakasulatan.

1. Si Pablo ay nagturo, nagbinyag, at naggawad ng Espiritu Santo sa mgamananampalataya sa Efeso.

Talakayin ang Ang Mga Gawa 18:23–19:41. Anyayahan ang mga miyembro ngklase na basahin ang mga piling talata. Ipaliwanag na matapos makabalik siPablo mula sa kanyang ikalawang misyon, siya ay nag-ukol ng ilang panahon saAntioquia, at pagkatapos ay lumisan para sa ikatlong misyon (Ang Mga Gawa18:22–23). Sa ikatlong misyon na ito ay halos ginugol niya lahat ng kanyangpanahon—halos tatlong taon—sa pangangaral sa Efeso. (Kung ginagamit ninyoang mapa, ituro ang kinalalagyan ni Pablo sa angkop na mga pagkakataonhabang tinatalakay ninyo ang kanyang ikatlong paglalakbay bilang misyonero.)

• Si Apolos ay isang Judio na nakaaalam tungkol sa pagbibinyag na itinuro niJuan Bautista ngunit hindi niya alam ang tungkol sa kaloob na Espiritu Santo.Nang marinig nina Aquila at Priscila, dalawang miyembro ng Simbahan nanasa Efeso, ang pangangaral ni Apolos, itinuro nila sa kanya “ang daan ngPanginoon ng lalong maingat” (Ang Mga Gawa 18:26). Ano ang mga

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

174

katangian na naging dahilan upang madaling maturuan si Apolos? (Tingnansa Ang Mga Gawa 18:24–28.) Paano rin siya ginawang epektibong guro ng mgakatangiang ito? Paano natin tataglayin ang ganitong mga katangian?

• Anong espirituwal na pagpapahiwatig ang naganap nang tanggapin ng ilangmga taga Efeso ang kaloob na Espiritu Santo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa19:6.) Sa alin pang mga pagkakataon naganap ang ganitong uri ngpagpapahiwatig? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 2:1–4; 10:44–46. Ang mgaApostol ay nagsalita sa mga wika nang tanggapin nila ang kaloob na EspirituSanto sa araw ng Pentecostes. Ang ilang Gentil sa Cesarea ay nagsalita rin samga wika matapos tanggapin ni Pedro ang pangitain na dapat ituro angebanghelyo sa mga Gentil.) Anong mga pagpapahiwatig ng Espiritu Santo angmadalas na nararanasan sa ngayon? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:15,23; 8:2 para sa ilang halimbawa; tingnan din sa I Mga Hari 19:12.)

• Bakit iniwan ni Pablo ang sinagoga sa Efeso at nagsimulang magturo sapaaralan sa Tiranno? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 19:8–9. Pansinin na ang ibigsabihin ng nangangatuwiran ay nangangaral o nagpapaliwanag.) Paano tayodapat tumugon sa mga taong umuusig o sumasalungat sa ebanghelyo?(Tingnan 3 Nephi 11:29–30.)

Itinuro ni Elder Marvin J. Ashton na: “Kapag ang ibang tao ay hindi sumasang-ayon sa ating pinaniniwalaan ay hindi tayo dapat makipagtalo,makipagtunggali, o makipaglaban sa kanila. . . . Tungkulin nating ipaliwanagang ating panig sa pamamagitan ng pangangatuwiran, panghihikayat na tulad ng sa isang kaibigan, at mga katotohanan. Tungkulin nating magingmatatag at naninindigan sa moral na mga isyu ng ating panahon at sa walanghanggang mga alituntunin ng ebanghelyo, nang hindi nakikipaglaban sakaninumang tao o organisasyon. Ang pagtatalo ay lumilikha ng pagkakahati sa mga tao. Ang pag-ibig ay nagbibigay daan sa komunikasyon. . . . Angpagtatalo ay hindi kailanman naging at hindi kailanman magiging kapanig ngpag-unlad” (sa Conference Report, Abr. 1978, 10; o Ensign, Mayo 1978, 7–8).

• Bakit nagalit si Demetrio at ang iba pang mga panday-pilak sa pangangaral niPablo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 19:23–28. Sila ay lumilikha at nagbibili ngmga dambanang pilak ni Diana, isang huwad na diyosa, at nangabahala nabaka mawalan ng mga suki sa pagtulong ni Pablo sa mga tao na magbalik-loobsa ebanghelyo ni Jesucristo.) Paano makaaapekto sa ating katapatan sa Diyosang labis na pag-aalala tungkol sa materyal na kayamanan o iba pangmakamundong interes? Paano makaaapekto ang gayong mga alalahanin saating kakayahang makinig sa mga inspirasyon ng Espiritu?

• Ihambing ang mga pag-uugali ni Demetrio at ng mga panday-pilak sa pag-uugali ng mga taga Efeso na sumira ng kanilang mga aklat sa panggagawaynang magsimula silang sumunod kay Jesucristo (Ang Mga Gawa 19:18–19).Paano natin mapananatili ang tamang pananaw hinggil sa mga ari-arian samundo?

2. Si Pablo ay nagbigay ng talumpati ng pamamaalam sa mga pinuno ngSimbahan na mula sa Efeso.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 20. Ipaliwanagna nilisan ni Pablo ang Efeso at naglakbay sa buong Macedonia at Grecia, naipinapangaral ang ebanghelyo. Nagbalak siyang bumalik sa Jerusalem para sa

Aralin 32

175

Pista ng Pentecostes. Sa kanyang pagbabalik sa Jerusalem, siya ay nagsugo ngisang mensahero upang hilingan ang mga pinuno ng Simbahan sa Efeso namakipagpulong sa kanya sa Mileto. Nagbigay siya ng makaantig damdamingpamamaalam na talumpati at pagkatapos ay nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.

• Naniniwalang ito na ang kanyang huling pagkakataon na makikipag-usap samga matatanda na taga Efeso, ano ang binigyang-diin ni Pablo sa kanyangpamamaalam na talumpati? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 20:28–35.) Sino ang“mga ganid na lobo” na ibinabala ni Pablo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 20:29.Mga kalaban ng Simbahan.) Sino pa ang ibinabala ni Pablo? (Tingnan sa AngMga Gawa 20:30. Mga miyembro ng Simbahan na lubusang tatalikod atmagsisikap na akayin palayo ang iba pang mga miyembro.) Sa ating buhay,paano tayo makapag-iingat sa lubusang pagtalikod?

• Ano ang sinabi ni Pablo na dapat gawin ng matatandang taga Efeso upangtumulong sa pangangalaga sa mga miyembro ng Simbahan mula sa mgamagsisikap na akayin silang papalayo sa Simbahan? (Tingnan sa Ang MgaGawa 20:28; tingnan din sa Juan 21:15–17.) Paano tayo makatutulong sapangangalaga sa mga tupa ng Diyos mula sa “mga ganid na lobo”?

• Tinapos ni Pablo ang kanyang talumpati sa mga kapatid na taga Efeso sapamamagitan ng pagpapaalala sa kanila tungkol sa turo ng Panginoon na “lalo pang mapalad ang magbigay kaysa tumanggap” (Ang Mga Gawa 20:35).Paano ninyo nalaman na totoo ito sa inyong buhay?

3. Pinagalitan at pinayuhan ni Pablo ang mga Banal na taga Galacia.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa liham ni Pablo sa mga tagaGalacia. Ipaliwanag na habang si Pablo ay nasa kanyang ikatlong paglalakbaybilang misyonero, sumulat siya ng isang liham sa mga Banal sa Galacia, kungsaan ang karamihan sa kanila ay nagbalik sa pagtupad sa batas ni Moises.Pinagalitan niya ang mga naniniwala na ang kaligtasan ay maaaring dumating sa mga gawaing hinihiling ng batas ni Moises sa halip na sa pamamagitan ngpananampalataya sa Panginoong Jesucristo.

• Ano ang layunin ng batas ni Moises? (Tingnan sa Mga Taga Galacia 3:23–26;Jacob 4:4–5; Mosias 13:29–30. Ibinigay ng Panginoon sa mga Israelita angbatas na ito upang tulungan silang maalaala siya at upang ihanda silangtanggapin ang kaligtasan sa pamamagitan ng kanyang Pagbabayad-sala.)Paano natupad ang batas ni Moises? (Tingnan sa 1 Nephi 15:2–5; Alma 34:10;3 Nephi 9:19. Isinakatuparan ni Jesus ang batas ni Moises sa pamamagitan ngkanyang Pagbabayad-sala, na sinisimbolo ng maraming ordenansa ng batas.)

• Namangha si Pablo sa mabilis na pagbabalik ng mga Banal na taga Galacia sabatas ni Moises matapos na matutuhan ang ebanghelyo ni Jesucristo (MgaTaga Galacia 1:6; 4:9). Bakit nagpakita ng kakulangan ng pananampalataya saPanginoon ang pagbabalik na ito sa batas ni Moises? (Tingnan sa Mga TagaGalacia 2:16; 3:1–5; 5:1–6.)

• Noong kapanahunan ni Pablo ay hinangad ng ilang tao na sirain, o baguhinang ebanghelyo ni Jesucristo (Mga Taga Galacia 1:7–8). Ano ang ilang patunaynito sa makabagong panahon? Paano ang dapat na maging tugon natin samga pagsisikap na sirain ang ebanghelyo?

176

• Ano ang matututuhan natin mula sa Mga Taga Galacia 1:11–12 tungkol sakung paano tayo tumatanggap ng patotoo ng ebanghelyo? Bakit mahalaga na ang ating mga patotoo ay nakabatay sa paghahayag mula kay Jesucristo?(Maaari ninyong naising talakayin kung paanong ang mga patotoongnakatatag sa ibang mga pundasyon, tulad ng pakikipag-ugnayang panlipunano pagsusuring pangkaisipan, ay kadalasang hindi matatag sa mga pagsubok nanauukol sa pananampalataya.)

• Binalaan ni Pablo ang mga taga Galacia sa paggawa “ng mga gawa ng laman”(Mga Taga Galacia 5:19). Ano ang mga gawa ng laman? (Tingnan sa Mga TagaGalacia 5:19–21.) Ano ang mga bunga ng paggawa ng ganito? (Tingnan sa MgaTaga Galacia 5:21.) Sa kabila ng laganap na mga gawa ng laman sa daigdig sangayon, ano ang maaari ninyong gawin sa linggong ito upang mapag-ibayoang espirituwal na kapaligiran sa inyong tahanan?

• Hinimok ni Pablo ang mga taga Galacia na hanapin ang mga bunga, o resulta,ng pamumuhay ayon sa Espiritu (Mga Taga Galacia 5:16, 25). Ano ang ilan samga bungang ito? (Tingnan sa Mga Taga Galacia 5:22–23.) Paano naipakitaang mga bungang ito sa inyong buhay? Ano ang dapat nating gawin kungmadarama nating wala ang mga bungang ito sa ating buhay?

• Ano ang itinuro ni Pablo sa mga Banal na taga Galacia tungkol sa kung paanopakikitunguhan ang kanilang mga kapwa? (Tingnan sa Mga Taga Galacia 5:14;6:2; tingnan din sa Mosias 18:8–10.) Paano tayo maaaring“mangagdalahan . . . ng mga pasanin ng isa’t isa”? Paano tayo higit nainilalapit kay Jesucristo ng paggawa ng ganito?

• Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang sabihin niyang “Ang Diyos ay hindinapabibiro”? (Tingnan sa Mga Taga Galacia 6:7; tingnan din sa Doktrina atmga Tipan 63:58. Ang isang kahulugan ay ang mga taong sumusuway sa Diyos at hindi nagsisisi ay hinahamak siya at parurusahan sila.) Paanohinahamak ng mga tao ang Diyos sa ngayon?

• Ano ang ibig sabihin ng “ang lahat ng ihasik ng tao, ay siya namang aanihinniya”? (Tingnan sa Mga Taga Galacia 6:7–9.) Paano naaangkop angalituntuning ito sa ating kakayahang makinig at sumunod sa mga inspirasyonng Espiritu Santo? Paano ito naaangkop sa ating mga pakikipag-ugnayan saibang tao? Paano ito naaangkop sa iba pang situwasyon sa ating buhay?

Katapusan Magpatotoo na ang hindi matwid na mga saloobin at kilos, tulad ng pagtatalo,kamunduhan, at lubusang pagtalikod, ang hahadlang sa atin sa pagtanggap ng mga inspirasyon mula sa Espiritu Santo. Ngunit kung magsisikap tayongmamuhay nang matwid at susundin ang mga inspirasyon na ating tinatanggap,ang ating kakayahan na makilala at sundin ang mga inspirasyon aymadaragdagan. Himukin ang mga miyembro ng klase na hangarin at sundin ang mga inspirasyon mula sa Espiritu Santo.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

Aralin 32

177

Pagtuturo ng ebanghelyo tulad ng ginawa ni Pablo

• Ano ang matututuhan natin mula kay Pablo tungkol sa pagtuturo ngebanghelyo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 19:8–10, 21; 20:7–12, 18–24, 27, 31,35–36. Tingnan din ang talakayan sa I Mga Taga Tesalonica 1:5 at 2:2–12 saaralin 31.)

Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase, at talakayin kungpaano natin masusundan ang halimbawa ni Pablo sa ating pagtuturo.

178

179

Aralin

33“Kayo’y Templo ng Dios”

I Mga Taga Corinto 1–6

Layunin Bigyang-inspirasyon ang mga miyembro ng klase na hangarin ang mga biyaya na nagmumula sa pakikiisa kay Cristo, pagsunod sa Espiritu, at pagiging malinissa pagkatao.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. I Mga Taga Corinto 1:10–13; 3:1–11. Hinikayat ni Pablo ang mga Banal naiwasan ang pagtatalu-talo at maging iisa sa kaisipan at paghatol.

b. I Mga Taga Corinto 1:17–31; 2:1–16. Pinayuhan ni Pablo ang mga Banal na umasa sa Espiritu sa halip na magtiwala sa karunungan at mga pilosopiyang daigdig.

c. I Mga Taga Corinto 3:16–17; 5; 6:9–20. Hinikayat ni Pablo ang mga Banal namaging malinis sa pagkatao.

2. Karagdagang pagbabasa: I Mga Taga Corinto 7–10; ‘Gabay sa mga Banal naKasulatan, “Sulat ni Pablo, Mga: 1 at 2 Mga Taga-Corinto, Mga Taga-Galacia,Mga Taga-Roma.’ ”

3. Mungkahi sa pagtuturo: Ipinayo ni Elder Boyd K. Packer na: “Mahalaga saisang guro na maunawaan na ang mga tao ay likas na mabuti. Mahalagangmalaman na mas malamang na gagawin nila ang tama. Ang gayong dakilangkaisipan ay nagdudulot ng pananampalataya. Malaki ang pagkakaiba ngpagtayo natin sa harapan ng ating sariling mga anak at ng pagtayo sa harapan ng isang klase ng mga kabataan upang turuan sila” (Teach YeDiligently, [1975], 73).

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Gumuhit ng isang daan sa pisara, at gumuhit ng isang kotse o isa pang sasakyansa daan. Pagkatapos ay ibahagi ang sumusunod na karanasan na isinalaysay niElder Joseph B. Wirthlin:

“Samantalang naglalakbay sa isang bulubunduking daan isang gabi nanagkataong may malakas na bagyo na may taglay na madalas na pagkulog at matatalim na pagkidlat, ay halos hindi namin maaninag ng aking asawa[Kapatid na Wirthlin] ang daan, maging sa unahan namin o sa kanan at sakaliwa. Pinagmasdan kong mabuti ang mga puting guhit sa daan. Ang pananatilisa mga guhit ang dahilan kung bakit hindi kami napunta sa gilid ng daan atmapunta sa matarik na bangin sa kabilang panig at nakatulong ito upang

Gawaing Pantawag-pansin

maiwasan ang mabangga sa mga parating na sasakyan. Ang paglagpas samagkabilang linya ay magiging lubhang mapanganib. Pagkatapos ay naisip kong,‘Gugustuhin ba ng isang taong matino ang pag-iisip na lumisya sa kaliwa o sakanan ng linya ng trapiko kung nalalaman niyang masama ang ibubunga nito?Kung pinahahalagahan niya ang kanyang buhay sa mundo, tiyak na mananatilisiya sa pagitan ng mga linyang ito.’

“Ang karanasang iyon ng paglalakbay sa daan sa bundok ay tulad din ng buhay.Kung mananatili tayo sa pagitan ng mga linya na minarkahan ng Diyos, tayo aypangangalagaan niya, at makararating tayo nang ligtas sa ating patutunguhan”(sa Conference Report, Okt. 1990, 80; o Ensign, Nob. 1990, 64).

Ipaliwanag na noong panahon na isulat ni Pablo ang kanyang unang sulat samga Banal sa Corinto, ang ilan sa kanila ay nagsimula nang lumampas sa mgaguhit ng ebanghelyo. Tatalakayin sa araling ito ang mga panghihikayat ni Pablona pagsisihan ng mga Banal ang tatlong paglihis sa daan na sinimulan nilanggawin. Gumuhit ng tatlong linya sa pisara na nagpapakita na ang sasakyan aylumilihis sa daan. Sa dulo ng unang linya ay isulat ang Pagtatalu-talo at hindipagkakaisa. Sa dulo ng ikalawang linya ay isulat ang Pagtitiwala sa karunungan ngdaigdig. At sa dulo ng ikatlong linya ay isulat ang Imoralidad.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop sa ating panahon ang payo ni Pablo at kungpaano natin maisasagawa ang kanyang turo sa ating sariling buhay.

1. Iwasan ang pagtatalu-talo at magkaisa.

Basahin at talakayin ang I Mga Taga Corinto 1:10–13; 3:1–11.

• Anong problema ang tinukoy ni Pablo sa I Mga Taga Corinto 1:10–13? Anoang ibig sabihin ng ang ilan sa mga Banal ay nagsabing sila ay “kay Pablo,”ang ilan ay “kay Apolos,” ang ilan ay “kay Cefas,” at ang ilan ay “kay Cristo”?(Sa halip na magkaisa bilang mga tagasunod ni Jesucristo, ang ilan sa mgaBanal ay nagkahati-hati sa mga grupo sa loob ng Simbahan.) Paano natin kung minsan nagagawa ang ganitong pagkakamali? Ano ang mga bunga ngganitong uri ng mga pagkakahati-hati? Paano naaapektuhan ng pagkakahati-hati at pagtatalu-talo ang ating pagkakapatiran bilang mga disipulo ni Cristo?(Tingnan sa Mosias 18:21–22; 3 Nephi 11:29–30; Doktrina at mga Tipan38:27.)

• Ano ang ipinayo ni Pablo na dapat gawin ng mga Banal upang higit namagkaisa? (Tingnan sa Mga Taga Corinto 1:10. Habang binabasa ng isangmiyembro ng klase ang talatang ito, isulat sa pisara ang bawat bahagi ng payoni Pablo tulad ng nakapakita sa ibaba.) Paano natin maisasagawa ang payongito sa tahanan at sa Simbahan?

a. “Mangagsalita ng isa lamang bagay.”b. “Huwag magkakaroon sa inyo ng mga pagkakabaha-bahagi.”c. “Mangalubos sa isa lamang [na] pag-iisip at isa lamang [na] paghatol.”

• Bakit ang “gatas” lamang ng ebanghelyo ang natanggap ng mga Banal saCorinto? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 3:1–4.) Bakit humahadlang angpagtatalu-talo sa pagtanggap natin ng “laman” ng ebanghelyo? Paano natinmaihahanda ang ating sarili sa pagkain ng “laman” ng ebanghelyo?

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

180

• Itinuro ni Pablo na maraming ministro (tagapaglingkod) ang ebanghelyongunit si Jesucristo ang siyang tanging tiyak na saligan (I Mga Taga Corinto3:5–11). Bakit mahalagang ang Tagapagligtas ang siyang saligan ng atingpananampalataya? (Tingnan sa Helaman 5:12.)

2. Umasa sa Espiritu sa halip na magtiwala sa karunungan ng daigdig.

Talakayin ang I Mga Taga Corinto 1:17–31; 2:1–16. Anyayahan ang mgamiyembro ng klase na basahin ang mga piling talata.

• Itinuro ni Pablo na “gagawing mangmang” ng karunungan ng Diyos angkarunungan ng daigdig (I Mga Taga Corinto 1:18–21). Paano naiiba angkarunungan ng Diyos sa karunungan ng daigdig? (Tingnan sa Isaias 55:8–9;Doktrina at mga Tipan 38:1–2.) Ano ang ilang halimbawa na ginagawangmangmang ng karunungan ng Diyos ang karunungan ng daigdig?

• Sa anong mga paraan nagiging pagpapala sa atin ang sekular na kaalaman?(Kung kailangan, ipaliwanag na ang ibig sabihin ng sekular ay hindi nauukol sa relihiyon.) Sa anong mga paraan magiging batong kinatitisuran ito sa atin?Paano natin mapagtitimbang ang sekular at espirituwal na pagkatuto?(Tingnan sa 2 Nephi 9:28–29.)

Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball na: “May pagkakataon paramakamtan kapwa ang [sekular at espirituwal na pagkatuto] nangmagkasabay. . . . Kung gugugulin natin ang ating mga araw sa buhay na ito sa pagkakamit ng sekular na kaalaman at isasaisantabi ang espirituwal,kung gayon tayo ay hindi susulong, dahil ito ang panahon para maghandaang mga tao sa pagharap sa Diyos; ito ang panahon para patatagin angpananampalataya, para isagawa ang pagbibinyag, para tanggapin ang EspirituSanto, para isagawa ang mga ordenansa. Maaaring maging kasabay ngprogramang ito ang sekular na kaalaman, dahil kahit na maging sa daigdig ngmga espiritu pagkatapos ng kamatayan ang ating mga espiritu ay maaaringmagpatuloy sa pagkatuto” (The Teachings of Spencer W. Kimball, inedit niEdward L. Kimball [1982], 390).

• Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang sabihin niya na pinili ng Diyos “ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mgamarurunong” at “ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyainniya ang . . . malalakas”? (I Mga Taga Corinto 1:27). Bakit madalas piliin ngDiyos ang “mahihinang bagay ng sanglibutan” upang maisakatuparan angkanyang mga layunin?

• Anong mga kahinaan ang kinaharap ni Pablo habang itinuturo niya angebanghelyo? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 2:1–3.) Paano ginawang mgakalakasan ang kanyang mga kahinaan? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 2:2,4–5.) Paano kayo tinulungan ng Panginoon nang madama ninyong hindininyo kaya o natatakot kayong gawin ang kanyang gawain?

• Sang-ayon kay Pablo, paano natin malalaman ang “mga bagay ng Diyos”?(Tingnan sa I Mga Taga Corinto 2:10–13.) Bakit kung minsan ay masnagtitiwala tayo sa ating karunungan at katalinuhan kaysa sa paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu? Anong mga pagkakaiba ang napansin ninyo sa pagitan ng pagkatuto na nagmumula sa Espiritu at sa pagkatuto nanagmumula sa katalinuhan lamang?

Aralin 33

181

Itinuro ni Elder Bruce R. McConkie na: “Ang dalisay na relihiyon ay bagay namay kaugnayan sa Espiritu at hindi sa katalinuhan lamang, at ang mgakatotohanan nito ay kailangang maipadama sa mga puso ng mga tagapakinigsa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu, dahil kung hindi, angkaluluwa ng tao ay hindi mababago . . . at ang naghahanap ng kaligtasan ayhindi nagiging buhay kay Cristo” (Doctrinal New Testament Commentary, 3tomo [1966–73], 2:318).

• Itinuro ni Pablo na imposibleng tanggapin ng “likas na tao” ang mga bagay ng Diyos (I Mga Taga Corinto 2:14). Bakit ganito sa palagay ninyo? Ano angkailangan nating gawin upang mapaglabanan ang likas na tao? (Tingnan saMosias 3:19.)

3. Maging malinis sa pagkatao.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa I Mga Taga Corinto 3:16–17; 5;6:9–20.

• Sa ano inihambing ni Pablo ang ating mga katawan? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 3:16–17; 6:19–20.) Bakit sa palagay ninyo naaangkop angpaghahambing na ito? Anong mga bagay ang maaaring makasama sa atingkatawan? Ano ang dapat nating gawin upang maituring na mga templo angating mga katawan?

• Sa pagbabala niya laban sa maraming mabibigat na kasalanan noong kanyangkapanahunan ay isinama ni Pablo ang ilang seksuwal na kasalanan (I MgaTaga Corinto 6:9). Ano ang batas ng Diyos tungkol sa seksuwal na moralidad?(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:23; 59:6.)

Sinabi ni Elder Richard G. Scott na: “Ang anumang seksuwal na pagtatalik salabas ng buklod ng kasal—ang ibig kong sabihin ay anumang sinasadyangpagdaiti sa sagrado at pribadong mga bahagi ng katawan ng isang tao, mayroonmang saplot o wala—ay kasalanan at ipinagbabawal ng Diyos. Paglabag din angsadyaing pukawin ang mga damdaming nasa loob ng inyong sariling katawan”(sa Conference Report, Okt. 1994, 51; o Ensign, Nob. 1994, 38).

• Bakit napakabigat ng mga kasalanang seksuwal? (Tingnan ang sumusunod namga siping-banggit.) Ano ang mga biyaya ng pagkakaroon ng malinis napagkatao?

Itinuro ni Elder Joseph B. Wirthlin na: “Ang isa sa mga pinakalaganap napanlilinlang sa mga nakaraang taon ay ang pagpapalagay na ang imoralidad ay normal at katanggap-tanggap at walang negatibong mga ibubunga. Sakatotohanan, ang imoralidad ang siyang pangunahing dahilan ng karamihansa mga paghihirap at iba pang mga problemang umiiral sa ngayon, kabilangna ang lumalaganap na sakit, pagpapalaglag, mga sirang tahanan, mgapamilyang walang ama, at mga ina na pawang mga bata pa” (sa ConferenceReport, Okt. 1994, 100–101; o Ensign, Nob. 1994, 76).

Itinuro ni Elder Boyd K. Packer na: “Alam ni [Satanas] na ang kapangyarihanng paglikha ay hindi lamang nagkataon sa plano, kundi ito ang susi rito. Alamniya na kung matutukso niya kayong gamitin ang kapangyarihang ito nangwala sa panahon, na gamitin ito kaagad-agad, o gamitin ito sa maling paraan,ay maaaring mawala sa inyo ang mga pagkakataon para sa walang hanggangpag-unlad” (sa Conference Report, Abr. 1972, 137; o Ensign, Hulyo 1972, 112).

182

• Pinayuhan ni Pablo ang mga Banal na “huwag kayong [makisama] sa mgamapakiapid” (I Mga Taga Corinto 5:9). Paano maaaring iangkop ang payongito sa atin? (Talakayin kung paano makaaapekto ang mga kaibigan at uri nglibangan na ating pinipili sa ating mithiin at kakayahang maging malinis sapagkatao.) Paano natin maiiwasan ang mahahalay na impluwensiya?

• Anong mga paraan ang ginagamit ni Satanas sa pagsisikap na hikayatin tayona may mga hindi kasali sa mga batas ng Diyos tungkol sa moralidad?(Tingnan ang siping-banggit sa ibaba.) Paano natin mapaglalabanan ang mgatuksong ito? Anong katiyakan ang ibinibigay sa atin ng I Mga Taga Corinto10:13 habang sinisikap nating paglabanan ang tukso na makagawa ngkasalanang seksuwal? Paano kayo pinagpala sa paghahangad ninyo ng tulongmula sa Panginoon upang mapaglabanan ang tukso?

Sinabi ni Elder Richard G. Scott na: “Tinutukso ni Satanas ang isang tao namaniwala na may mga katanggap-tanggap na antas ng pisikal na pagdadaiti sapagitan ng sumasang-ayong mga indibiduwal na naghahangad ng matindingpagkapukaw ng mga damdaming likha ng mga ito, at kung hindi lalampas samga hangganan, ay walang masamang ibubunga. Bilang saksi ni Jesucristo,pinatototohanan ko na ito ay malaking kamalian. . . . Magpasiya kung anoang inyong gagawin at kung ano ang hindi. Kapag dumating ang tukso, huwagninyong baguhin ang inyong mga pamantayan” (sa Conference Report, Okt.1994, 51; o Ensign, Nob. 1994, 38).

• Anong pangako ang ipinaaabot ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa mganagsisisi sa mga seksuwal na kasalanang ginawa? (Tingnan sa I Mga TagaCorinto 6:11; Isaias 1:18; Doktrina at mga Tipan 58:42.)

Katapusan Magpatotoo na tulad ni Pablo, ang mga apostol at propeta sa ating panahon aypatuloy na nagtuturo sa atin kung ano ang dapat nating gawin upang manatili samga hangganang itinakda ng Panginoon. Maaari ninyong naising talakayin nangsandali ang isang talumpati sa kamakailan lamang ginanap na komperensiyakung saan ang propeta o ang isa sa mga apostol ay nagsalita tungkol sa isangpaksa na tinalakay ni Pablo sa kanyang liham sa mga taga Corinto, tulad ng pag-iwas sa pagtatalo, pagtitiwala sa Espiritu, o pananatiling malinis sa pagkatao.Kung naaangkop, ibahagi kung paano kayong pinagpala sa pagsunod ninyo sapayong mula kay Pablo o sa isa sa mga apostol o propeta ng mga huling araw.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. “Anumang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sakaniya” (I Mga Taga Corinto 2:9)

• Ano ang pinakakahanga-hanga o pinakamagandang bagay na nakita na ninyoo naranasan?

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang I Mga Taga Corinto 2:9. Magpatotoo na ang mga biyayang inihanda ng Diyos para sa atin kung mahal natin siya at sinusunod ang kanyang mga kautusan ay higit na kahanga-hanga kaysaanumang bagay na maiisip natin.

Aralin 33

183

2. “Ang kapatid ay nakikipag-usapin laban sa kapatid” (I Mga Taga Corinto 6:6)

Basahin at talakayin ang I Mga Taga Corinto 6:1–8.

• Paano nilutas ng karamihan sa mga Banal sa Corinto ang kanilang mgapagtatalu-talo? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 6:1–8.) Paano ito lumikha nghigit na pagkakahati-hati? Paano nakikita ang problemang ito sa ngayon? Ano ang matututuhan natin mula sa payo ni Pablo?

184

185

Aralin

34“Iniingatan Ninyong Matibay ang mga Turo, na Gaya ng Ibinigay Ko”I Mga Taga Corinto 11–16

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na kilalanin ang kahalagahan ngpamumuhay nang naaayon sa mga doktrina ng ebanghelyo at pagtanggap ngmga ordenansa ng pagkasaserdote.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. I Mga Taga Corinto 11:1–3, 11–12. Itinuro ni Pablo ang ugnayan ng mgamag-asawa sa isa’t isa at sa Panginoon.

b. I Mga Taga Corinto 11:17–29. Itinuro ni Pablo na ang sakramento ay isangsagisag ng sakripisyo ng Tagapagligtas at dapat na tanggapin bilang pag-alaala sa Kanya.

c. I Mga Taga Corinto 12–14. Itinuro ni Pablo na maraming espirituwal nakaloob at ang lahat ng mga ito ay mahalaga sa Simbahan. Itinuro niya naang pag-ibig sa kapwa-tao ay mas mahalaga kaysa alinman sa ibang mgakaloob o katangian. Itinuro niya na ang mga espirituwal na kaloob ay dapatgamitin para sa kapakanan ng lahat.

d. I Mga Taga Corinto 15. Itinuro ni Pablo na dahil kay Jesucristo, lahat tayo aymabubuhay na mag-uli. Binanggit din niya ang pagbibinyag para sa mgapatay at ang tatlong antas ng kaluwalhatian.

2. Karagdagang pagbabasa: 3 Nephi 18:1–14; Moroni 7:44–48; 10:8–18; Doktrinaat mga Tipan 46:1–26; 76:50–119; 88:27–32, 95–102.

3. Kung makukuha ang sumusunod na mga larawan, gamitin ang ilan sa mga itosa aralin upang ilarawan ang pag-ibig sa kapwa-tao: Waiting Our Turn (62316),Sharing the Tricycle (62317); Family Fun (62384); Administering to the Sick(62342; Gospel Art Picture Kit 613); Home Teaching (Gospel Art Picture Kit614); Serving One Another (Gospel Art Picture Kit 615).

4. Mungkahi sa pagtuturo: Upang mabisang maituro ang ebanghelyo, kailanganng mga guro ang kaloob na maunawaing puso. Upang higit na maunawaanang mga pangangailangan ng mga miyembro ng klase, ang mga guro ay dapat na magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao at magabayan ng Espiritu Santo. Dapat ay buong panalanging isaalang-alang ng mga guro ang mgapangangailangan ng bawat miyembro ng klase at kung paano makatutulong sapagtugon sa mga pangangailangang iyon. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higitna Dakilang Tungkulin, Yunit B, Paksa 1, “Isang Maunawaing Puso,” 33–34.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Tanungin ang mga miyembro ng klase kung alam nila kung ano ang padila(railroad switch point). Gumuhit ng isa sa pisara (tulad ng nakapakita sa ibaba),at ipaliwanag na ang padila ay isang lugar sa riles ng tren kung saan maaaringilipat ang tren mula sa isang riles patungo sa isa pang riles.

Ibahagi ang sumusunod na karanasan na isinalaysay ni Elder Gordon B.Hinckley:

“Maraming taon na ang nakalilipas nang magtrabaho ako sa punong tanggapanng isa sa ating mga istasyon ng tren. Nakatanggap ako ng tawag sa teleponoisang araw mula sa aking kasama sa trabaho sa Newark, New Jersey, na nagsabingisang pampasaherong tren ang dumating nang hindi kasama ang lalagyan ngmga bagahe. Nagalit ang mga pasahero.

“Natuklasan namin na ang tren ay ginawa nang maayos sa Oakland, California,at dinala nang maayos sa St. Louis, at mula sa istasyong ito ay dadalhin namanito sa patutunguhan nito sa silangang bahagi [ng Estados Unidos]. Ngunit sabakuran ng St. Louis, isang lalaki na tagapindot (switchman) ang naglipat ngisang piraso ng bakal na may tatlong pulgada ang haba. Ang kapirasong bakal naiyon ang siyang padila (switch point), at ang lalagyan [ng bagahe] na dapat nanasa Newark, New Jersey, ay nasa New Orleans, Louisiana, na dalawang libo atsiyamnapung kilometro ang layo” (sa Conference Report, Okt. 1972, 106–7; oEnsign, Ene. 1973, 91).

Kapag natapos na ninyo ang kuwento, ituro ang padila na nasa pisara at itanongang mga sumusunod:

• Paano nagkaroon ng gayon kalaking epekto sa kinahantungan ng tren anggayong tila napakaliit na pagbabago? Ano ang ilang maaaring padila [switchpoint] sa ating buhay? (Maaaring maibilang sa mga sagot ang mga kaganapan,pasiya, bagong kaalaman, o anumang mga pagbabago sa direksiyon ng atingbuhay. Ang mga padila ay maaaring maging negatibo kung aakayin tayo ngmga ito palayo sa katotohanan o kaya ay positibo kung ibabalik tayo ng mgaito sa tamang landas.)

Gawaing Pantawag-pansin

186

Ang mga huling kabanata ng unang liham ni Pablo sa mga taga Corinto aynakapatungkol sa apat na padila sa doktrina kung saan nalayo sa katotohananang mga taga Corinto. Ipaliwanag na habang pinag-aaralan natin ang mga turoni Pablo sa mga kabanatang ito, ay mapatatatag natin ang ating pangako nasundin ang landas ng kabutihan na aakay sa atin patungo sa ating Ama sa Langit.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Ang mga ugnayan ng mag-aasawa sa isa’t isa at sa Panginoon

Basahin at talakayin ang I Mga Taga Corinto 11:1–3, 11–12.

• Anong tatlong ugnayan ang binabanggit ni Pablo sa I Mga Taga Corinto 11:3?Bakit sa palagay ninyo pinagsama-sama ni Pablo ang lahat ng mga ugnayangito? Anong mga katangian ang umiiral sa ugnayan sa pagitan ni Jesucristo atng kanyang Ama? (Tingnan sa Juan 5:20; 8:29; 17:21–22.) Paano maaaringmapasaatin ang mga katangiang ito sa ating ugnayan kay Jesucristo? Paanomaaaring mapaunlad ng mga mag-asawa ang mga katangiang ito sa kanilangugnayan?

• Ano ang ibig sabihin ng “ang babae ay di maaaring walang lalake at ang lalakeay di maaaring walang babae sa Panginoon”? (I Mga Taga Corinto 11:11). Bakit napakahalaga ng ugnayan ng mag-asawa sa kaharian ng Diyos? Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa kung paano dapat pakitunguhan ng mag-asawa ang bawat isa?

Itinuro ni Pangulong Marion G. Romney na: “Ang [mag-asawa] ay dapat namagkasundo, may paggalang, at may konsiderasyon sa isa’t isa. Wala ni isa sa kanila ang dapat magbalak o sumunod sa isang nagsasariling hakbangin.Dapat silang magsanggunian, manalangin, at magpasiya na magkasama. . . .Tandaan na ni ang babae o lalaki ay hindi alipin ng isa. Ang mga mag-asawaay pantay sa lahat ng bagay” (“In the Image of God,” Ensign, Mar. 1978, 2, 4).

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, talakayin kung paanomagsisilbing positibo o negatibong padila [switch point] sa ating buhay ang mgaugnayang ito.

2. Ang layunin ng sakramento

Basahin at talakayin ang I Mga Taga Corinto 11:17–29. Ipaliwanag na marami samga Banal sa Corinto ang hindi sumusunod sa layunin ng pulong-sakramento.Sa halip na ituon ang pansin sa ordenansa ng sakramento, sila ay nagtatalu-taloat kumakain at nag-iinuman nang labis (I Mga Taga Corinto 11:18–22).

• Ano ang pangunahing layunin ng pulong-sakramento? (Tingnan ang JosephSmith Translation ng 1 Corinthians 11:20, kung saan sinasabing ang layuninay upang kainin ang hapunan ng Panginoon?)

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland na: “Dahil sa laki ng nakataya [angsakramento] ay dapat na tanggapin nang mas taimtim kaysa sa dati. Ito aydapat na maging makapangyarihan, mapitagan, at sandali ng pagmumuni-

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Aralin 34

187

muni. Dapat itong humimok ng espirituwal na damdamin at impresyon. Dahil dito kung kaya hindi ito dapat madaliin. Hindi ito isang bagay na dapat‘mairaos lamang’ upang ang tunay na layunin ng pulong-sakramento aymaisagawa. Ito ang tunay na layunin ng pulong” (sa Conference Report, Okt.1995, 89; o Ensign, Nob. 1995, 68).

• Sang-ayon kay Pablo, ano ang mga layunin ng sakramento? (Tingnan sa I MgaTaga Corinto 11:23–26; tingnan din sa Lucas 22:19–20.) Paano natin higit namaitutuon ang ating mga puso at isipan kay Jesus habang tinatanggap natinang sakramento?

• Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa kahalagahan ng pagtanggap ngsakramento nang karapat-dapat? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 11:27–29.)Ano ang ibig sabihin ng tanggapin ang sakramento nang hindi karapat-dapat?Bakit mahalagang bahagi ng sakramento ang pagsusuri ng ating pagigingkarapat-dapat?

• Paano kayo nabiyayaan ng pagtanggap ng sakramento? Paano magagawanghigit na makabuluhan ang ordenansang ito sa ating buhay?

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, talakayin kung paanong angating saloobin sa sakramento ay maaaring maging padila (switch point) sa atingbuhay.

3. Ang kahalagahan ng lahat ng espirituwal na kaloob

Talakayin ang I Mga Taga Corinto 12–14. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin nang malakas ang mga piling talata. Ipaliwanag naiminumungkahi ng liham ni Pablo na ang mga Banal sa Corinto ay maaaringnagbigay ng labis na pagpapahalaga sa kaloob ng mga wika (I Mga Taga Corinto14:2–14, 27–28). Sa mga kabanata 12–14, ipinaliwanag ni Pablo na ang lahat ngmga kaloob ng Espiritu ay mahalaga, ngunit dapat hangarin ng mga Banal angmga kaloob na magiging kapaki-pakinabang sa lahat.

• Ano ang mga espirituwal na kaloob? (Mga espirituwal na kaloob o kakayahanna ibinibigay sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Tingnan sa I Mga TagaCorinto 12:7–11; Doktrina at mga Tipan 46:11.) Bakit nagbibigay ang Diyos ngmga espirituwal na kaloob? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 46:26.)

• Anong mga kaloob ng Espiritu ang naranasan o namalas na ninyo? (Maaarininyong naising ilista at talakayin ang ilan sa mga espirituwal na kaloob nainihayag sa I Mga Taga Corinto 12:8–10, Moroni 10:8–17, at Doktrina at mgaTipan 46:13–25.) Paano kayo nabiyayaan ng mga kaloob na ito o kaya’y angibang mga tao?

• Bakit kaya inihambing ni Pablo ang mga miyembro ng Simbahan sa iba’tibang bahagi ng katawan? (I Mga Taga Corinto 12:12–25. Upang ipakita na ang bawat miyembro ay mahalaga sa ibang mga miyembro at sa Simbahan sakabuuan.) Paano natin maiaangkop ang paghahambing na ito sa iba’t ibangkaloob ng Espiritu?

• Pinapayuhan tayo ng mga banal na kasulatan na hangarin ang mgaespirituwal na kaloob (I Mga Taga Corinto 12:31; Doktrina at mga Tipan 46:8).Ano ang dapat na maging dahilan natin sa paghahangad ng mga espirituwalna kaloob? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 14:12; Doktrina at mga Tipan 46:9.

188

Kung kailangan, ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pagtibayin ay patatagin,turuan, pagbutihin, at bigyang-kaliwanagan.)

• Ano ang itinuro ni Pablo na pinakadakila sa lahat ng espirituwal na kaloob?(Tingnan sa I Mga Taga Corinto 13. Bigyang-kahulugan ang bawat katangianng pag-ibig sa kapwa-tao na binabanggit sa mga talata 4–7, at talakayin kungpaano natin magagawa ang mga ito sa ating buhay. Maaari ninyong naisingilista sa pisara ang mga katangian.) Bakit mas mahalaga ang pag-ibig sa kapwa-tao kaysa sa iba pang espirituwal na kaloob? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto13:1–3, 8–13.)

• Paano kayo pinagpala ng isa pang tao na nagpakita sa inyo ngpagkakawanggawa? Paano tayo magkakaroon ng higit pang pag-ibig sa kapwa-tao? (Tingnan sa Moroni 7:44–48.)

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, talakayin kung paanomaaaring maging padila [switch point] sa ating buhay ang pag-ibig sa kapwa-tao.

4. Ang Pagkabuhay na Mag-uli at ang mga antas ng kaluwalhatian

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa I Mga Taga Corinto 15.Ipaliwanag na marami sa mga taga Corinto ang nagsimulang magtalu-talotungkol sa katotohanan ng Pagkabuhay na Mag-uli (I Mga Taga Corinto 15:12).

• Anong mga patunay ng Pagkabuhay na Mag-uli ang binanggit ni Pablo?(Tingnan sa I Mga Taga Corinto 15:5–8.) Bakit sa palagay ninyo nagbanggit siPablo ng napakaraming saksi ng Pagkabuhay na Mag-uli? (Tingnan sa II MgaTaga Corinto 13:1.) Bakit mahalaga sa inyo ang mga patunay tungkol saPagkabuhay na Mag-uli?

• Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa kaugnayan ng Pagkahulog ni Adan at ngPagkabuhay na Mag-uli? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 15:20–23.)

• Paano ginamit ni Pablo ang doktrina ng pagbibinyag para sa mga patay upangituro ang Pagkabuhay na Mag-uli? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 15:29. Angordenansa ng pagbibinyag para sa mga patay ay mawawalan ng kabuluhankung wala ang Pagkabuhay na Mag-uli.)

• Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa mga kaharian ng kaluwalhatian? (Tingnansa I Mga Taga Corinto 15:35–44. Mabubuhay tayong mag-uli sa iba’t ibangkaharian ng kaluwalhatian—selestiyal, terestriyal, o telestiyal. Tingnan din saDoktrina at mga Tipan 88:27–32.) Paano naiimpluwensiyahan ang uri nginyong pamumuhay ng inyong kaalaman tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uliat sa mga kaharian ng kaluwalhatian?

Katapusan Magpatotoo tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga doktrina na aakay saatin pabalik sa ating Ama sa Langit. Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, anyayahan ang mga miyembro ng klase na suriin ang kanilang sarilingbuhay sa anumang mga padila [switch point]—mga saloobin at kilos, na kungsusundin, ay makapagpapabago sa direksiyon ng kanilang buhay. Himukin silangpiliin ang mga direksiyon na positibong makaaapekto sa kanilang buhay.

Aralin 34

189

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. “Ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan” (I Mga Taga Corinto 14:33)

Ipabasa sa mga miyembro ng klase ang I Mga Taga Corinto 14:33. Pagkatapos ayitanong ang mga sumusunod:

• Ano ang ilang paksa na kung saan ay maraming pagkalito at pagtatalu-talo sadaigdig? Bakit kaya sa palagay ninyo napakarami ng kalituhan sa daigdig?Paanong ang Diyos ang siyang “may-akda . . . ng kapayapaan”?

2. Gawaing pangkabataan

Bago magklase, mag-isip ng ilang situwasyon sa pang-araw-araw na buhay ngmga kabataan kung saan mayroon silang pagkakataon na magpakita ng pag-ibigsa kapwa-tao (halimbawa, pagkakita sa isang tao na nangangailangan ng tulong sa paaralan, hindi pagsang-ayon sa isang kapatid na lalaki o babae, o pagkakaroon ng kaibigan na malungkot o hindi pinapansin). Ilahad ang mga situwasyong ito sa mga kabataan, at itanong kung paano nila magagamitang mga katangian ng pag-ibig sa kapwa-tao, na tulad ng itinuro ni Pablo sa I Mga Taga Corinto 13, upang mapabuti ang situwasyon.

190

191

Aralin

35“Kayo’y Makipagkasundo sa Dios”II Mga Taga Corinto

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na maging tunay na mga disipulo niJesucristo sa pamamagitan ng pagsasagawa sa payo ni Pablo sa II Mga TagaCorinto.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. II Mga Taga Corinto 1:3–11; 4; 6:1–10; 11:21–33; 12:1–10. Itinuro ni Pabloang tungkol sa pagtitiis sa malaking pagdurusa.

b. II Mga Taga Corinto 2:5–11. Hinimok ni Pablo ang mga Banal na patawarinang bawat isa.

c. II Mga Taga Corinto 7:8–10. Itinuro ni Pablo ang tungkol sa pagkadama ngkalumbayang mula sa Diyos para sa mga kasalanan.

d. II Mga Taga Corinto 5:17–21. Hinimok ni Pablo ang mga Banal namakipagkasundo sa Diyos.

2. Kung may makukuhang kopya ng New Testament Video Presentations (53914),ipalabas ang “Godly Sorrow,” isang labing-isang minutong yugto, sa kasalukuyan ng aralin.

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, magdala ng kauntingbuhangin sa klase.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Mag-ukol ng oras sa bandang huli ng klase upangibuod ang inyong itinuro. Ang maingat na naiplanong buod ay makatutulongsa mga miyembro ng klase upang maisaayos at malinawan ang kanilangnatutuhan at maisaalang-alang kung paano ito isasagawa sa kanilang buhay.(Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit E, Paksa 4,“Pagbubuod ng Aralin,” 101, para sa ilang paraan ng pagbubuod.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang masimulan ang aralin.

Ipakita sa mga miyembro ng klase ang buhangin na dinala ninyo sa klase.

• Kung inabutan kayo ng buhangin ng isang taong pinagkakatiwalaan ninyo at nangakong naglalaman ito ng ginto, ano ang gagawin ninyo?

Hayaang sumagot ang mga miyembro ng klase sa tanong. Pagkatapos ay basahinang sumusunod na pangungusap ni Elder Henry B. Eyring tungkol sa pagtanggapng payo mula sa mga propeta:

Gawaing Pantawag-pansin

“Huwag ipagwalang bahala ang payo, at sa halip ay pahalagahan ito. Kung aabutankayo ng buhangin ng isang taong pinagkakatiwalaan ninyo at mangangakongnaglalaman ito ng ginto, maaari ninyong buong talinong hawakan ito sa inyongkamay sa loob ng ilang saglit, na iniaalog ito nang marahan. Sa tuwing gagawin koang gayon sa payo ng isang propeta, pagkatapos ng ilang sandali ay nagsisimulanglumitaw ang maninipis na piraso ng ginto at nagpapasalamat ako” (sa ConferenceReport, Abr. 1997, 35; o Ensign, Mayo 1997, 26).

• Ano ang ibig sabihin ng pangungusap ni Elder Eyring?

Ipaliwanag na ang aklat ng II Mga Taga Corinto ay naglalaman ng mga payo ng propeta na angkop sa ating panahon. Ang mga turo ni Pablo sa liham na ito ay katulad ng mga turo na madalas nating marinig sa pangkalahatangkomperensiya. Napansin din ni Elder Eyring na, “Kapag tila paulit-ulit ang mga salita ng propeta, ay dapat nating ituon nang mabuti ang ating pansin sa [mga ito]” (sa Conference Report, Abr. 1997, 32; o Ensign, Mayo 1997, 25).Himukin ang mga miyembro ng klase na tanggapin ang payo sa araling ito at“pahalagahan ito.”

Ang araling ito ay nahahati sa apat na bahagi na nagtutuon ng pansin samahahalagang paksa sa II Mga Taga Corinto. Buong panalanging piliin kung alin sa mga paksang ito ang tatalakayin sa mga miyembro ng klase.

1. Pagtitiis sa matinding pagdurusa

Basahin at talakayin ang II Mga Taga Corinto 1:3–11; 4; 6:1–10; 11:21–33;12:1–10. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin nang malakas angmga piling talata.

• Ang liham ni Pablo sa mga taga Corinto ay isinulat matapos ang panahon ng matinding pag-uusig nang sina Pablo at Timoteo ay “nawalan na ng pag-asa sa buhay” (II Mga Taga Corinto 1:8). Bakit nagawang iwasan nina Pablo at Timoteo ang kawalan ng pag-asa sa kabila ng sila ay nababagabag, nalilito,inuusig, at inilulugmok? (Tingnan sa II Mga Taga Corinto 1:3–5; 4:5–15.) Bakitang Ama sa Langit at si Jesucristo ang pinakamainam na pagmumulan ngating kapanatagan ng kalooban?

Tiniyak ni Elder Neal A. Maxwell sa atin na tutulungan tayo ni Jesucristo saating mga paghihirap:

“Kapag dinadala natin ang pamatok ni Jesus, ito ang nagbibigay pahintulot saatin sa bandang huli sa tinatawag ni Pablo na ‘pakikisama ng kanyang [Cristo]kahirapan’ (Mga Taga Filipos 3:10). Maging ito man ay karamdaman o pag-iisa,kawalang katarungan o pagtanggi, . . . ang ating tila maliliit na pagdurusa,kung mababa ang ating kalooban, ay titimo sa pinakakaloob-looban ngkaluluwa. Kung gayon mas mainam na pasalamatan natin hindi lamang ang mga pagdurusa ni Jesus para sa atin, kundi maging ang Kanyang hindimapapantayang pagkatao, na nagbibigay inspirasyon sa atin tungo sa higit na pagsamba at pagtulad sa kanya.

“Inihayag ni Alma na alam na alam ni Jesus kung paano tayo tutulungan sagitna ng ating mga kapighatian at karamdaman dahil pinagtiisan na ni Jesusang ating mga kapighatian at karamdaman (tingnan sa Alma 7:11–12).Naranasan niya ang mga ito; kung kaya ang kanyang pakikiramay sa ating

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

192

mga pagdurusa ay naramdaman niya sa pamamagitan ng mga bagay naKanyang pinagtiisan. Siyempre, hindi natin mauunawaan ito nang mabuti na tulad ng hindi rin naman natin mauunawaan kung paano niya tiniis ang lahat ng mga kasalanan ng tao, ngunit ang Kanyang Pagbabayad-sala ay nananatiling tunay na makapagliligtas at nakapagbibigay katiyakan” (sa Conference Report, Abr. 1997, 13; o Ensign, Mayo 1997, 12).

• Paano kayo natulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa panahon ngkahirapan?

• Ipinahiwatig ni Pablo ang pagnanais na tulungan ang iba na matanggap ang kapanatagan ng kalooban na tinanggap niya mula sa Diyos (II Mga Taga Corinto 1:4). Paano natin matutulungan ang iba na tumanggap ngkapanatagan ng kalooban mula sa Diyos?

• Pinasalamatan ni Pablo ang mga Banal na nanalangin para sa kanya at kayTimoteo sa panahon ng kanilang paghihirap (II Mga Taga Corinto 1:11). Bakitmahalagang ipanalangin natin ang bawat isa? Paano naging biyaya sa inyo osa isang kakilala ninyo ang panalangin ng iba? Paano tayo nabibiyayaan kapagnananalangin tayo para sa iba?

• Paano makatutulong sa atin ang mga turo sa II Mga Taga Corinto 4:17–18 sa panahon ng kahirapan? (Tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 121:7–8.)Bakit makatutulong na tingnan natin ang ating mga pagsubok mula sa walanghanggang pananaw? Paano natin matututuhang tingnan ang ating mgapagsubok mula sa isang walang hanggang pananaw?

• Ikinuwento ni Pablo sa mga taga Corinto ang mga pagsubok na tiniis niya at ng mga Banal dahil sa kanilang paniniwala kay Jesucristo (II Mga TagaCorinto 6:4–5; 11:23–33). Anong mga katangian ang itinuro ni Pablo na dapatmapasaatin upang matulungan tayong tiisin ang mga pagsubok? (Tingnan saII Mga Taga Corinto 6:4, 6–7.) Paano nakatulong sa inyo ang isa o higit pa samga katangiang ito sa panahon ng pagsubok?

• Sinabi ni Pablo na binigyan siya ng Panginoon ng kapansanan—isang “tinik salaman” (II Mga Taga Corinto 12:7). Bakit ibinigay ng Panginoon kay Pablo angkapansanang ito? (Tingnan sa II Mga Taga Corinto 12:7.) Ano ang natutuhanni Pablo nang hindi inalis ng Panginoon ang kanyang “tinik sa laman” natulad ng kanyang kahilingan? (Tingnan sa II Mga Taga Corinto 12:8–10.)Paano makatutulong sa atin ang ating mga kahinaan upang makatanggap ngkalakasan mula kay Jesucristo? (Tingnan sa Eter 12:27.) Paano ninyo nakitaang katotohanan ng pahayag ni Pablo na “Pagka ako’y mahina, ako nga’ymalakas”?

2. Pagpapatawad sa iba

Basahin at talakayin ang II Mga Taga Corinto 2:5–11.

• Hinimok ni Pablo ang mga Banal na patawarin ang isa’t isa (II Mga TagaCorinto 2:5–8). Bakit mahalagang patawarin natin ang iba? (Tingnan sa Mateo6:14–15; II Mga Taga Corinto 2:7–8; Doktrina at mga Tipan 64:9–10. Talakayinkung paano tayo—at ang iba—naaapektuhan kapag tayo ay nagpapatawad atkapag hindi tayo nagpapatawad.)

Aralin 35

193

Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley:

“Nakikita natin ang pangangailangan ng [pagpapatawad] sa mga tahanan ngmga tao, kung saan ang maliliit na mga hindi pagkakaunawaan ay nagigingmalaking pagtatalo. Nakikita natin ito sa mga magkakapitbahay, kung saanang maliliit na di-pagkakaunawaan ay humahantong sa walang katapusangkapaitan. Nakikita natin ito sa mga magkakasosyo sa negosyo na nangag-aaway at tumatangging magkasundo at magpatawad samantalang, samaraming pagkakataon, kung magkukusang loob na magsiupo at mangag-usap nang mahinahon, ang suliranin ay malulutas sa kapakinabangan nglahat. Sa halip, ginugugol nila ang kanilang mga araw sa pagkimkim ng galit at pagpaplano na makapaghiganti. . . .

“Kung mayroon sinumang nagkikimkim sa kanilang puso ng nakapipinsalangdamdamin ng pagkakagalit sa isa’t isa, nagsusumamo ako sa inyo na humilingsa Panginoon ng lakas upang makapagpatawad. Ang pagpapahayag na ito ng pagnanais ang siyang pagmumulan ng inyong pagsisisi. Maaaring hindimadali, at maaaring hindi ito dumating kaagad. Ngunit kung hahangarinninyo ito nang taos-puso at pagyayamanin ito, tiyak na darating ito. . . .

“ . . . Walang katahimikan sa pagsasariwa sa sakit na dulot ng mga sugat noong nakaraan. Tanging sa pagsisisi at pagpapatawad may kapayapaan. Ito ang matamis na kapayaan ng Cristo, na nagsabing, ‘mapalad ang mgamapagpayapa; sapagka’t sila’y tatawaging mga anak ng Dios.’ (Mat. 5:9.)” (“Of You It Is Required to Forgive,” Ensign, Hunyo 1991, 2, 5).

• Ano ang maaari nating magawa upang maging higit na mapagpatawad?

3. Pagkadama ng kalumbayang mula sa Diyos para sa ating mga kasalanan

Basahin at talakayin ang II Mga Taga Corinto 7:8–10.

• Matapos marinig na ang isa sa kanyang mga liham ay “nakapagpalumbay [samga taga Corinto], si Pablo ay nagalak (II Mga Taga Corinto 7:8–9). Bakitganito ang naging pagtugon ni Pablo sa pagkalumbay ng mga taga Corinto?(Tingnan sa II Mga Taga Corinto 7:9–10.) Ano ang ibig sabihin ng makadamang “kalumbayang mula sa Diyos” para sa ating mga kasalanan?

Kung gagamitin ninyo ang pagpapalabas ng video na “Godly Sorrow,” ipalabasna ito ngayon.

• Ano ang pagkakaiba ng kalumbayang mula sa Diyos at ng “kalumbayang ayonsa sanglibutan”? Bakit mahalagang bahagi ng pagsisisi ang kalumbayang mulasa Diyos?

Ipinaliwanag ni Pangulong Spencer W. Kimball na: “Kung ang isang tao aynagsisisi dahil lamang sa natuklasan ng isa pang tao ang kanyang kasalanan,ang kanyang pagsisisi ay hindi kumpleto. Ang kalumbayang mula sa Diyos angdahilan upang naisin ng isang tao na magsisi, kahit na hindi siya nahuli ngiba, at ginagawa siyang determinado nito upang gawin ang tama anuman angmangyari. Ang ganitong uri ng pagsisisi ang nagdudulot ng kabutihan atmagbibigay daan sa kapatawaran” (Repentance Brings Forgiveness [polyeto,1984], 8).

194

4. Pakikipagkasundo sa Diyos

Basahin at talakayin ang II Mga Taga Corinto 5:17–21.

• Pinayuhan nina Pablo at Timoteo ang mga taga Corinto na “makipagkasundosa Diyos” (II Mga Taga Corinto 5:20). Ano ang ibig sabihin ngmakipagkasundo sa Diyos?

Itinuro ni Elder Bruce R. McConkie na: “Ang pakikipagkasundo ang proseso ngpagtubos sa tao mula sa kanyang makasalanang kalagayan at sa espirituwal nakadiliman at sa pagpapanumbalik sa kanya sa katayuan ng pagkakasundo atpakikiisa sa Maykapal. . . . Ang tao, na minsa’y naging makalaman at masama,na namuhay sa makamundong pamamaraan, ay naging bagong nilalang ngEspiritu Santo; siya ay muling isinilang; at kahit na munting bata, siya aybuhay kay Cristo” (Doctrinal New Testament Commentary, 3 tomo [1965–73],2:422–23).

• Paano tayo magiging kasundo ng Diyos? (Tingnan sa II Mga Taga Corinto5:17–19, 21; 2 Nephi 25:23; Jacob 4:10–11.)

Katapusan Patotohanan ang mga katotohanan na inyong tinalakay. Himukin ang mgamiyembro ng klase na alalahanin at sundin ang payo ni Pablo sa II Mga TagaCorinto.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang itobilang bahagi ng aralin.

1. Ang “pagkataong labas” at ang “pagkataong loob” (II Mga Taga Corinto 4:16)

• Nagsalita si Pablo tungkol sa “pagkataong labas” at sa “pagkataong loob”(II Mga Taga Corinto 4:16). Ano kaya ang ibig sabihin ng dalawang katagangito? Paano [maaaring] mabago sa araw-araw ang “pagkataong loob”? (II MgaTaga Corinto 4:16).

2. “Mga sugo sa pangalan ni Cristo” (II Mga Taga Corinto 5:20)

• Sinabi ni Pablo na siya at si Timoteo ay “mga sugo sa pangalan ni Cristo”(II Mga Taga Corinto 5:20). Ano ang isang sugo? (Ang sugo ay isang opisyal nakinatawan na nagsasalita sa ngalan ng pamunuan ng isang bansa o samahan.Ang sugo ay gumagawa upang magtatag ng mabuting pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao na kanyang kinakatawan at ng iba pang mga tao.)Paano naging mga sugo sa pangalan ni Jesucristo sina Pablo at Timoteo? Paano magiging sugo sa pangalan ni Jesucristo ang bawat isa sa atin?

Aralin 35

195

196

Aralin

36“Mga Iniibig ng Dios,

Tinawag na mga Banal”Mga Taga Roma

Layunin Paalalahanan ang mga miyembro ng klase na sila ay mga anak ng Diyos athimukin silang mamuhay nang karapat-dapat sa kanilang banal na mamanahin.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mga Taga Roma 2–5. Itinuro ni Pablo na ang lahat ng tao ay inaaring-ganapsa pananampalataya kay Jesucristo, na ipinapakita sa pamamagitan ngmabubuting gawa.

b. Mga Taga Roma 6; 8. Itinuro ni Pablo na ang mga anak ng Diyos aymaaaring isilang na muli at maging mga kasamang tagapagmana ni Cristo.

c. Mga Taga Roma 12–13; 15:1–7. Pinayuhan ni Pablo ang mga taga Roma namabuhay na tulad ng mga Banal.

2. Karagdagang pagbabasa: Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Awa; Maawain,” 16at “Sulat ni Pablo, Mga: I at 2 Mga Taga Corinto, Mga Taga Galacia, Mga TagaRoma,” 234–235.

3. Maaari ninyong naising anyayahan ang isang soloista o maliit na grupo naawitin o tugtugin ang “Ako ay Anak ng Diyos” (Mga Himno, o Aklat ng mgaAwit Pambata) o “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo” (Aklat ng mga AwitPambata). Kung hindi ito maaari, maaari ninyong naising maghanda upangawitin ang isa o ang dalawang awiting ito na kasama ang mga miyembro ngklase.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Sa kanyang liham sa mga taga Roma, pinaalalahananni Pablo ang mga guro na mahalagang ipamuhay ang mga alituntuningkanilang itinuturo (Mga Taga Roma 2:21–22). Ang inyong halimbawa ay higitna makapagtuturo sa mga miyembro ng klase kaysa sa inyong mga salita.Ipakita sa mga miyembro ng klase na ang inyong patotoo tungkol sa mgaalituntunin ng ebanghelyo ay nagmumula sa pamumuhay ng mgaalituntuning iyon sa araw-araw (Juan 7:17). (Tingnan sa Pagtuturo—WalangHigit na Dakilang Tungkulin, Yunit A, Paksa 6, “Mamuhay Batay sa InyongItinuturo,” 11–12; at Yunit E, Paksa 8, “Pagpapayaman sa Inyong mga Aralin saPamamagitan ng mga Halimbawa,” ika-8 pamagat [sa ilalim nito], “Ang SariliBilang Halimbawa,” 110.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Gawaing Pantawag-pansin

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang Mga Taga Roma 3:10. Ipaliwanag na sa talatang ito ay hindi naman ipinahihiwatig ni Pablo na walang sinumanggumagawa ng matwid; sa halip, binibigyang-diin niya na walang sinuman saibabaw ng mundo ang ganap na matwid. Si Cristo lamang ang tanging tao nanamuhay sa mundo na talagang hindi nagkasala. Ang lahat ay nakagawa ngkasalanan kahit paano (tingnan din sa Mga Taga Roma 3:23).

• Kapag nagkasala tayo, ano ang kailangan nating gawin upang muling magingmalinis? (Pairalin ang pananampalataya kay Cristo at pagsisihan ang atingmga kasalanan upang matanggap natin ang nakalilinis na kapangyarihan ngkanyang Pagbabayad-sala.)

Ipaliwanag na minsang makagawa tayo ng kasalanan, hindi na tayo mulingmagiging lubusang malinis nang tayo lamang. Tatalakayin ng araling ito kungpaano tayo magiging malinis sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo,isang paraan na tinawag ni Pablo na inaaring-ganap.

Buong panalanging piliin ang mga talata at tanong sa banal na kasulatan napinakamainam na makatutugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ngklase. Himukin ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mgapatotoo tungkol sa mga doktrina at alituntuning tinalakay sa aralin.

1. Tayo ay inaaring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kayJesucristo.

Basahin at talakayin ang Mga Taga Roma 2–5. Anyayahan ang mga miyembro ngklase na basahin nang malakas ang mga piling talata. Ipaliwanag na sumusulat siPablo sa mga miyembro ng Simbahan sa ilang lugar na nanumbalik sa pagsunodsa batas ni Moises, na naniniwalang ang mahigpit na pagtupad sa batas na ito ay kailangan para sa kaligtasan. Kahit na ang mga Banal sa Roma ay matatag saebanghelyo (Mga Taga Roma 1:8), isinulat ni Pablo ang liham na ito upangbigyang-diin na ang pag-aring-ganap at kaligtasan ay nagmumula sapananampalataya kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng batas ni Moises.

• Sa kanyang liham, sinikap ni Pablo na tulungan ang mga Banal na taga Romana maunawaan ang doktrina ng pag-aring-ganap. Ano ang ibig sabihin ngariing-ganap? (Makipagkasundo sa Diyos, mapatawad sa kaparusahan ngkasalanan, at maipahayag na matwid at walang-sala.)

• Bakit kailangan tayong ariing-ganap? (Tingnan sa Mga Taga Roma 3:10–12, 23;tingnan din sa Alma 7:21. Nasaktan nating lahat ang damdamin ng Diyos atnaging marumi dahil sa kasalanan. Dahil sa walang maruming bagay namakapananahan sa piling ng Diyos, kailangan tayong ariing-ganap upangmakabalik sa kanya.)

• Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa kung paano tayo inaaring-ganap?(Tingnan sa Mga Taga Roma 3:24, 28; 5:1–2; tingnan din sa 2 Nephi 2:6. Tayo ay inaaring-ganap sa pamamagitan ng awa ni Jesucristo at ng atingpananampalataya sa kanya.) Ano ang awa? (Tulong o lakas na mula sa langit;tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Awa,” 16). Paano mapapasaatinang tulong na ito mula sa langit? (Tingnan sa Mga Taga Roma 5:8–11; 2 Nephi 2:7–8. Ang awa ni Jesucristo ay napapasaatin sa

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

197

pamamagitan ng kanyang Pagbabayad-sala.) Bakit kailangan natingmagkaroon ng pananampalataya upang lubusang matanggap ang awa ngTagapagligtas?

• Ipinaliwanag ni Pablo na ang pag-aring-ganap ay nagmumula sa awa niJesucristo, hindi sa pamamagitan ng “mga gawa ng kautusan” (Mga Taga Roma 3:20, 24, 28). Bakit hindi tayo maaaring ariing-ganap at tumanggap ngkaligtasan kung sa pamamagitan lamang ng ating mga gawa? (Tingnan saMosias 2:20–21; Alma 22:14.)

• Maraming tao ang nagpakahulugan na ang ibig sabihin ng mga sulat ni Pabloay maaari tayong ariing-ganap sa pamamagitan lamang ng pananampalatayaat walang kasamang mabubuting gawa. Ano ang kaugnayan sa pagitan ngating mga kilos (o mga gawa) at ng pag-aring-ganap sa pamamagitan ng awa niCristo? (Tingnan sa Mga Taga Roma 3:31; Santiago 2:14–18, 24; 2 Nephi 25:23;Doktrina at mga Tipan 88:38–39.)

Sinabi ni Propetang Joseph Smith na: “Upang ariing-ganap sa harapan ng Diyos ay kailangan nating mahalin ang bawat isa; kailangan natingpaglabanan ang masama; kailangan nating dalawin ang mga ulila at mgababaing balo sa kanilang kapighatian, at pag-ingatang walang dungis ang ating sarili sa sanlibutan: dahil ang gayong mga katangian ay dumadaloy mula sa dakilang bukal ng dalisay na relihiyon, na pinatatatag ang atingpananampalataya sa pamamagitan ng pagdaragdag ng bawat mabutingkatangian na pumupuspos sa mga anak ng pinagpalang Jesus. Maaari tayongmanalangin sa oras ng panalangin; maaari nating mahalin ang ating kapwa natulad ng ating sarili, at maging matapat sa oras ng pagsubok, na nalalaman naang gantimpala sa gayon ay mas higit pa sa kaharian ng langit. Anong lakingkasiyahan! Anong laking kagalakan!” (Teachings of the Prophet Joseph Smith,pinili ni Joseph Fielding Smith [1976], 76).

2. Maaari tayong isilang na muli at maging kasamang tagapagmana niCristo.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mga Taga Roma 6 at 8.

• Inihambing ni Pablo ang pagbibinyag sa kamatayan, paglilibing, atpagkabuhay na mag-uli. Paano sumisimbolo ang pagbibinyag sa kamatayan,paglilibing, at pagkabuhay na mag-uli (bagong pagsilang)? (Tingnan sa MgaTaga Roma 6:3–4; Doktrina at mga Tipan 76:50–52.) Paano naging bagongpagsilang para sa inyo ang pagbibinyag?

Ipaliwanag na ang binyag sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig ay simbolo ngating espirituwal na pagsilang muli. Kapag inilubog na tayo sa tubig, ito ay isangsimbolo na inililibing natin ang ating lumang pagkatao sa isang libingan. Kapagumahon na tayo mula sa tubig, sagisag ito na hinugasan na tayo at malinis. Tayoay naging bagong tao na nakipagtipan na sundan si Cristo.

• Paano natin mapananatili ang kalinisan at “panibagong buhay” (Mga TagaRoma 6:4) na naranasan natin sa binyag? (Ang mga sagot ay maaaringkabilangan ng pagsariwa sa ating mga tipan sa pagbibinyag habangtumatanggap tayo ng sakramento tuwing linggo, sa pamamagitan ng pagsisisiat paghahangad ng kapatawaran mula sa Panginoon, at sa pagsisimula sabawat araw na may panibagong determinasyon na paglingkuran ang Diyos.)

198

• Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng “kaisipan ng laman”? (Tingnan sa MgaTaga Roma 8:5–6.) Ano ang mga bunga ng pagkakaroon ng kaisipan ng lamano mahalay na pag-iisip? (Tingnan sa Mga Taga Roma 8:6–8, 13.) Paano natinmaaalis sa ating mga isipan at puso ang mahalay na bagay? Paano kayopinagpala sa pagpili ninyong maging espirituwal ang kaisipan?

• Nagpatotoo si Pablo “na tayo’y mga anak ng Dios” (Mga Taga Roma 8:16).Paano kayo naaapektuhan ng kaalaman na kayo ay anak ng Diyos? Ano angipinahihiwatig nito tungkol sa inyong mga kakayahan at potensiyal?

Sinabi ni Elder Dallin H. Oaks na: “Isaalang-alang ang kapangyarihan ng ideyana itinuturo sa ating kinagigiliwang awitin na ‘Ako ay Anak ng Diyos’ (MgaHimno). . . . Narito ang sagot sa isa sa mga malaking katanungan sa buhay,‘Sino Ako?’ Ako ay anak ng Diyos na may espiritung nagmula sa makalangit na mga magulang. Ang ating pinagmulan ang naglalarawan sa ating walanghanggang potensiyal. Ang makapangyarihang ideyang ito ay mabisangpampasigla. Mapatatatag nito ang bawat isa sa atin upang makagawa ng mgamabuting pagpapasiya at hangarin ang pinakamabuti sa magagawa natin.Buuin sa isipan ng isang kabataan ang makapangyarihang ideya na siya ay isang anak ng Diyos, at nabigyan ninyo ang kabataang iyon ng paggalangsa sarili at panghihikayat na labanan ang mga suliranin ng buhay” (saConference Report, Okt. 1995, 31; o Ensign, Nob. 1995, 25).

Kung nakipag-ayos kayo upang awitin o tugtugin ang “Ako ay Anak ng Diyos”bilang natatanging bilang na musikal, hayaang itanghal na ito ngayon ngsoloista o ng maliit na grupo. O awitin ito na kasama ang mga miyembro ngklase (tingnan sa bahaging “Paghahanda”).

• Anong dakilang pangako ang sinabi ni Pablo na tatanggapin ng mga anak ngDiyos? (Tingnan sa Mga Taga Roma 8:17.) Ano ang ibig sabihin ng magingkasamang tagapagmana ni Cristo? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:50,54–70.) Ano ang kailangan nating gawin upang matanggap ang dakilangpamanang ito? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:51–53.)

• Paano makatutulong sa atin ang kaalaman na tayo ay mga anak ng Diyos atpotensiyal na kasamang tagapagmana ni Cristo sa pagtitiis sa mga pagsubokng daigdig na ito? (Tingnan sa Mga Taga Roma 8:18, 28, 31; tingnan din saMga Taga Roma 5:3–5.) Paano ninyo nakitang “ang lahat ng mga bagay aynagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios”? (MgaTaga Roma 8:28).

• Ano ang itinuro ni Pablo sa Mga Taga Roma 8:35–39 tungkol sa pag-ibig niJesucristo? Paano ninyo nadama ang pag-ibig ng Tagapagligtas sa inyongbuhay? Anong kaibahan ang nagawa ng kanyang pag-ibig sa inyong buhay?

Kung nakipag-ayos kayo na ipaawit o ipatugtog ang “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo” bilang isang natatanging bilang na musikal, ipatanghal na ito ngayon sa soloista o sa maliit na grupo. O awitin ito na kasama ang mgamiyembro ng klase (tingnan sa bahaging “Paghahanda”).

3. Dapat tayong mamuhay na tulad ng mga Banal.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mga Taga Roma 12–13;15:1–7.

Aralin 36

199

• Hinikayat ni Pablo ang mga Banal na taga Roma na ihandog ang kanilang mgasarili bilang “isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios” (Mga Taga Roma12:1). Paano natin maihahandog ang ating sarili bilang mga haing buhay saDiyos? (Tingnan sa 3 Nephi 9:20; Doktrina at mga Tipan 59:8.)

Ipinaliwanag ni Elder Bruce R. McConkie na, “Ang ng ihandog [ang sarili]bilang isang haing buhay ay lumapit nang may bagbag na puso at nagsisisingespiritu sa pamamagitan ng pagsunod” (Doctrinal New Testament Commentary,3 tomo [1966–73], 2:292).

• Pinayuhan ni Pablo ang mga Banal na taga Roma na “huwag kayongmagsiayon sa sanglibutang ito” (Mga Taga Roma 12:2). Ano ang ilang paraankung paano sinusubukan nating makiayon sa sanlibutan ngayon? Paano natinmaiiwasan ang ganitong pagkahilig? (Tingnan sa Mga Taga Roma 12:2.)

• Nakatala sa Mga Taga Roma 12 at 13 ang maraming katangian ng tunay namga Banal. Ipatukoy sa mga miyembro ng klase ang mga katangiang ito, at isulat ang mga ito sa pisara. (Maaari ninyong naising hatiin ang klase samaliliit na pangkat at atasan ang bawat grupo na saliksikin ang bahagi ngisang kabanata.) Pagkatapos ay talakayin ang sumusunod na mga tanongtungkol sa ilan sa mga katangiang ito: Bakit mahalagang paunlarin angkatangiang ito? Ano ang maaari nating gawin ngayong linggong ito upanghigit pang mapaunlad ang katangiang ito?

• Paano tayo tinagubilinan ni Pablo tungkol sa pakikitungo sa ating mgakaaway? (Tingnan sa Mga Taga Roma 12:19–21.) Anong mga biyaya angdarating sa ating buhay kung pakikitunguhan natin sa ganitong paraan ang ating mga kaaway? Anong mga halimbawa ang nakita ninyo sa isang tao na gumagamit ng kabaitan upang labanan ang kasamaan o poot?

• Anong kautusan ang sinabi ni Pablo na kinabibilangan ng lahat ng iba pangmga kautusan? (Tingnan sa Mga Taga Roma 13:8–9.) Paano kabilang sakautusang ito ang iba pang mga kautusan? (Tingnan sa Mga Taga Roma 13:10.)

• Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa kung paano dapat tumugon ang mgamiyembrong may matatag na pananampalataya sa mga miyembrong mahina ang pananampalataya? (Tingnan sa Mga Taga roma 15:1–7.) Paanomatutulungan ng isang taong may malakas na pananampalataya ang isangtaong mahina?

Katapusan Bigyang-diin na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo at samatwid na pamumuhay tayo ay maaaring ariing-ganap—ipinahayag na mabutiat kasundo ng Diyos. Magpatotoo na tayo ay mga anak ng Diyos at maypotensiyal na maging mga kasamang tagapagmana ni Cristo kung maypananampalataya tayo sa kanya at namumuhay tulad ng ipinag-uutos niya sa atin.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang itobilang bahagi ng aralin.

200

1. “Hindi ko ikinahihiya ang evangelio [ni Cristo]” (Mga Taga Roma 1:16)

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang Mga Taga Roma 1:16.

• Paano natin maipapakita na hindi natin ikinahihiya ang ebanghelyo niJesucristo? (Tingnan sa I Ni Pedro 3:15 para sa isang mungkahi. Isulat sa pisaraang mga sagot ng mga miyembro ng klase, at himukin ang bawat miyembrong klase na gawin ang kahit isa man lamang sa mga bagay na ito sa daratingna linggo.)

2. Gawaing pangkabataan

Bigyan ng isang piraso ng papel at bolpen o lapis ang bawat miyembro ng klase.Ipasulat sa papel ng mga miyembro ng klase ang sumusunod na tanong mula saMga Taga Roma 8:31:

“Kung nasa panig natin ang Diyos, sino ang mananaig sa atin?” (Maaari ninyongnaising gamitin ang mga salita mula sa Pagsasalin ni Joseph Smith, na sa hulingbahagi ng pangungusap ay nagsasabing sino ang mananaig sa atin?)

Talakayin kung paano mapalalakas ng pangungusap na ito ang mga miyembrong klase sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Himukin ang mga miyembro ngklase na ilagay ang kard sa lugar kung saan madalas nila itong makikita.

Aralin 36

201

202

Aralin

37Jesucristo: “Ang Gumawa at

Sumakdal ng AtingPananampalataya”

Sa Mga Hebreo

Layunin Paalalahanan ang mga miyembro ng klase na ang kaligtasan ay makakamit sapamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo at pagsunod sa kanyang mgakautusan.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Sa Mga Hebreo 1–4. Nagpatotoo si Pablo na si Jesucristo, ang Bugtong naAnak ng Ama sa Langit, ang ating Tagapagligtas.

b. Sa Mga Hebreo 5; 6:20; 7. Ipinaliwanag ni Pablo na ang PagkasaserdotengMelquisedec ay bahagi ng kaganapan ng ebanghelyo.

c. Sa Mga Hebreo 8:1-10:18. Itinuro ni Pablo na ang batas ni Moises ay anglumang tipan sa pagitan ng Diyos at ng kanyang mga anak, samantalangang ebanghelyo ni Jesucristo ay ang bagong tipan. Ang lumang tipan ayisang uri, o parisan, ng bagong tipan, ngunit tanging ang bagong tipan ang may kapangyarihang magligtas.

d. Sa Mga Hebreo 10:19–11:40. Hinikayat ni Pablo ang mga Banal na pairalinang pananampalataya kay Jesucristo upang magmana sila ng lugar sakaharian ng Diyos.

2. Karagdagang pagbabasa: Sa mga Hebreo 6; 12–13; Gabay sa mga Banal naKasulatan, “Sulat ni Pablo, Mga: Mga Taga-Filipos, Mga Taga-Colosas, MgaTaga-Efeso, Kay Filemon, Sa Mga Hebreo,” 234–235.

3. Mungkahi sa pagtuturo: Mag-ingat na huwag maging tagapaglektyur. Kungminsan ay kakailanganin ninyo ang maikling paglelektyur upang ilahad angimpormasyon, ngunit nawawala ang bisa ng paglelektyur kapag ito lamangang paraan na gamit sa pagtuturo. Matapos ninyong ibigay ang impormasyono maipaliwanag ang isang alituntunin, tiyaking bigyan ng pagkakataon angmga miyembro ng klase upang sumagot at magbahagi. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit F, Paksa 4, “Pagtatalakay[Lecturing],” 156–157.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Gawaing Pantawag-pansin

Ilarawan ang sumusunod na mga situwasyon, at hilingan ang mga miyembro ngklase na hanapin ang isang banal na kasulatan na maaaring gamitin sa isa sa mgasituwasyon. (May ilang banal na kasulatan na iminumungkahi sa loob ngpanaklong.)

1. Isang batang kakilala ninyo ang ngayon pa lamang nalaman sa Primarya na si Jesucristo ang lumikha sa daigdig at nais niyang malaman kung saan itoipinapaliwanag sa mga banal na kasulatan. (Sa Mga Hebreo 1:2; Juan 1:1–3, 10;Mga Taga Efeso 3:9; Mosias 3:8)

2. Isang kaibigan ang nagkakaroon ng ilang personal na problema at nag-iisipkung paano siya mismo mapagmamalasakitan ng Tagapagligtas o kung paanoniya mauunawaan ang kanyang dinaranas. (Sa Mga Hebreo 2:6–8, 18; 2 Nephi1:15; Alma 7:11–12)

3. Isang kaibigan na hindi miyembro ang nag-iisip kung talagang kailangangmagkaroon ng pagkasaserdote ang isang tao upang makapagsagawa ng mgapagbibinyag at iba pang mga ordenansa. (Sa Mga Hebreo 5:1, 4; Exodo 28:41;Juan 15:16)

Anyayahan ang isa o dalawang miyembro ng klase na basahin ang mga banal nakasulatan na pinili nila para sa bawat situwasyon. Bigyang-diin na ang liham niPablo sa mga Hebreo ay naglalaman ng mga banal na kasulatan na maaaringkapaki-pakinabang sa bawat isa sa tatlong situwasyon. Anyayahan ang mgamiyembro ng klase na pakinggan ang mga banal na kasulatang ito habangtinatalakay ninyo ang aklat ng Mga Hebreo.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

Ipaliwanag na sa kabuuan ng kanyang paglalakbay bilang misyonero ay sinikapni Pablo na kumbinsihin ang mga miyembro ng Simbahan na hindi na niladapat sundin ang batas ni Moises. Kahit na ang mga Kristiyanong Judio aynaturuan na ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan ng pananampalatayakay Jesucristo, marami pa rin sa kanila ang naniwala na ang pagsunod sa batas niMoises ay mahalaga sa kanilang kaligtasan. Isinulat ni Pablo ang liham sa mgaHebreo upang muling bigyang-diin na ang batas ni Moises ay natupad kayCristo.

1. Si Jesucristo, na Bugtong na Anak ng Ama sa Langit, ang atingTagapagligtas.

Talakayin ang Sa Mga Hebreo 1–4. Anyayahan ang mga miyembro ng klase nabasahin ang mga piling talata.

• Ano ang natututuhan natin tungkol kay Jesucristo mula sa Mga Hebreo 1?(Isulat ang mga sagot ng mga miyembro ng klase sa pisara. Maaaringmaibilang sa mga sagot ang mga nakalista sa ibaba.)

a. Nilikha niya ang daigdig (mga talata 2, 10).b. Siya ay nasa wangis ng Diyos Ama (talata 3).c. Tinubos niya ang ating mga kasalanan (talata 3).

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

203

d. Siya ang Panganay na Anak ng Diyos Ama (mga talata 5–6).e. Ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan ay walang hanggan at hindi

nagbabago (mga talata 8, 12).

• Sinabi ni Pablo na ang Anak ng Diyos na “naging lalong mabuti kaysa mgaanghel” (Sa Mga Hebreo 1:4), ay “ginawang mababa ng kaunti kaysa mgaanghel” (Sa Mga Hebreo 2:9). Sa anong paraan ginawang “mababa ng kauntikaysa mga anghel” si Jesus? (Tingnan sa Mosias 13:34–35. Nagpunta siya sadaigdig bilang isang mortal at dumanas ng sakit at kamatayan.) Bakitkinailangan ito? (Tingnan sa Mga Hebreo 2:9–10, 16–18; 4:15–16; tingnan din sa Mateo 23:10–11.)

• Hinikayat ni Pablo ang mga Banal na mamuhay nang matwid upangmakapasok sila sa kinaroroonan ng Diyos (Mga Hebreo 3:7–19; 4:1–11). Anoang ibig sabihin ng mapunta sa kinaroroonan ng Diyos? (Tingnan sa Doktrinaat mga Tipan 84:23–24; 3 Nephi 27:19.) Ano ang paliwanag ni Pablo hinggil sakung bakit hindi nakapasok sa kinaroroonan ng Diyos ang ilan sa mga anak niIsrael noong kapanahunan ni Moises? (Tingnan sa Mga Hebreo 3:7–11, 16–19;4:1–2.) Paano natin matutulungan ang bawat isa na maging karapat-dapat napumasok sa kinaroroonan ng Diyos? (Tingnan sa Mga Hebreo 3:13–14; 4:11;Alma 13:12–13, 16.)

2. Ang Pagkasaserdoteng Melquisedec ay bahagi ng kaganapan ngebanghelyo.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mga Hebreo 5; 6:20; 7.

• Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa kung paano kailangang tanggapin atgamitin ng isang lalaki ang awtoridad ng pagkasaserdote? (Tingnan sa MgaHebreo 5:1–4.) Bakit kailangang “tawagin ng Diyos” ang isang maytaglay ng pagkasaserdote sa halip na “[tanggapin] sa kaniyang sarili [ang]karangalang ito”?

• Anong awtoridad ng pagkasaserdote ang kaakibat ng batas ni Moises? (AngPagkasaserdoteng Aaron, na tinatawag ding pagkasaserdote ng mga Levita, mas mababa, o paghahanda para sa mas mataas na pagkasaserdote. Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:25–27.) Anong awtoridad ng pagkasaserdote anghawak ni Jesucristo? (Tingnan sa Mga Hebreo 5:5–6; 6:20.) Ipaliwanag na nangdumating si Jesus at tuparin niya ang batas ni Moises ay ipinanumbalik dinniya ang Pagkasaserdoteng Melquisedec. Bakit kailangan ito? (Tingnan sa MgaHebreo 7:11. Ang Pagkasaserdoteng Aaron ay walang awtoridad na magsagawang lahat ng mga ordenansang kinakailangan para sa kaligtasan.)

“Kahit na ang batas ni Moises ni ang pagkasaserdote ni Aaron na nangasiwanito ay hindi magagawang akayin sa kaganapan ang mga anak ng Diyos. Ang Pagkasaserdoteng Aaron ay mas mababang awtoridad, at ang ebanghelyona maghahanda para sa mas mataas na awtoridad ang siya lamangpinangangasiwaan nito. Ang Pagkasaserdoteng Melquisedec, sa kabilang dako,ang mas mataas na pagkasaserdote, na inatasang mangasiwa sa mga ordenansang ebanghelyo sa kabuuan ng mga ito at kayang padalisayin ang ating buhayupang muli tayong makapasok sa kinaroroonan ng Panginoon” (The Life andTeachings of Jesus and His Apostles [manwal ng Sistemang Pang-Edukasyon ngSimbahan, 1979], 385–86; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 107:18–20).

204

• Bakit tinatawag nating mas nakatataas na pagkasaserdote angPagkasaserdoteng Melquisedec? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:2–4.)Paano pinagpapala ang mga miyembro ng Simbahan sa ngayon sapagkakaroon ng Pagkasaserdoteng Melquisedec at gayundin ngPagkasaserdoteng Aaron? Paano pinagpala ng pagkasaserdote ang inyongbuhay?

3. Ang ebanghelyo ni Jesucristo ang bagong tipan sa pagitan ng Diyos at ngkanyang mga anak.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mga Hebreo 8:1–10:18.Ipaliwanag na pinaalalahanan ni Pablo ang mga miyembro ng Simbahan na angpagsamba sa ilalim ng batas ni Moises ay nakatuon sa Panginoong Jesucristo.

• Sang-ayon sa Mga Hebreo 8:5, ano ang ipinagawa ng Panginoon kay Moiseshabang itinatayo ang tabernakulo na gagamitin ng mga Israelita sa pagsamba?(Ipaliwanag na ang mga seremonya sa tabernakulo ay sumisimbolo sa“makalangit na mga bagay,” na tulad ng nakabalangkas sa ibaba.)

• Ipinaliwanag ni Pablo na ang batas ni Moises ang matandang tipan sa pagitanng Diyos at ng kanyang mga tao (Sa Mga Hebreo 8:9; tingnan din sa Mga TagaGalacia 3:24–25). Ano ang bagong tipan na dala ni Jesucristo? (Tingnan sa MgaHebreo 8:6–8, 10–13. Ang kaganapan ng ebanghelyo.) Bigyang-diin na angmatandang tipan ay inilarawan sa Lumang Tipan ng Biblia, samantalang angbagong tipan ay inilarawan sa Bagong Tipan.

• Bakit hindi nagawang gawing sakdal ng matandang tipan ang mga taongnaging bahagi nito? (Tingnan sa Mga Hebreo 10:1–4.) Bakit binibigyan tayo ng bagong tipan ng higit pang pag-asa sa pagiging sakdal? (Tingnan sa MgaHebreo 10:9–18.)

Ordenansa sa tabernakulo:

a. Ang mga saserdote ay nag-aalayng mga hayop bilang mga hain sa Diyos (Sa Mga Hebreo10:1–4, 11).

b. Inilalagay ng mga saserdote sa altar ang dugong mula sainihaing mga hayop upangisagisag ang paglilinis atpagdadalisay ng mga tao (Sa Mga Hebreo 9:6–7, 19–23).

c. Ang mataas na saserdote aydumaraan sa tabing patungo sa Dakong Banal (Sa Mga Hebreo 9:1–7).

Ano ang isinisimbolo nito:

Inalay ni Jesus ang kanyang sarilibilang hain para sa ating mgakasalanan (Sa Mga Hebreo 9:26–28;10:4–12).

Ang dugo ni Jesus, na natigis saPagbabayad-sala, ang naglilinis atnagpapadalisay sa atin mula sakasalanan (Sa Mga Hebreo9:11–15).

Si Jesus, ang dakilang mataas nasaserdote, ay dumaan sa tabingpatungong langit mismo (Sa MgaHebreo 9:24).

Aralin 37

205

4. Ang mga nagpapairal ng pananampalataya kay Jesucristo ay magmamanang lugar sa kaharian ng Diyos.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mga Hebreo 10:19–11:40.Bigyang-diin na matapos ipaliwanag ni Pablo ang mga paraan kung saan angkaganapan ng ebanghelyo ay mas mataas, mas kumpletong batas na pumalit sabatas ni Moises ay hinikayat niya ang mga Banal na sundin ang “daang bago atbuhay” na ito sa pamamagitan ng pagtutuon ng kanilang pananampalataya kayJesucristo (Sa Mga Hebreo 10:19–22).

• Ano ang una, o pinakapangunahing, alituntunin ng ebanghelyo? (Tingnan saMga Saligan ng Pananampalataya 1:4.) Ano ang pananampalataya? (Tingnansa Mga Hebreo 11:1; Alma 32:21; Eter 12:6.) Paanong higit pa sa paniniwalaang pananampalataya? Bakit mahalaga sa ating kaligtasan angpananampalataya kay Jesucristo?

• Si Pablo ay nagbigay ng maraming halimbawa ng mga taong nakagawa ngmga dakilang bagay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Sinu-sino ang kanyang binanggit? (Tingnan sa Mga Hebreo 11:4–12, 17–34.) Isulatsa pisara ang mga pangalan ng mga binanggit, at talakayin kung sa paanongparaan nangailangan ng pananampalataya ang mga nagawa ng bawat tao.

Maaari ninyong naising hatiin sa maliliit na grupo ang mga miyembro ngklase para sa talakayang ito. Atasan ang bawat grupo na isaalang-alang ang ilansa mga taong binanggit sa Mga Hebreo 11. Bigyan ang mga grupo ng ilangminuto upang mapag-usapan kung paano nangailangan ng pananampalatayaang mga nagawa ng mga tao, at pagkatapos ay hayaang ilahad nang maikli ngbawat grupo ang kanilang mga pangwakas na puna sa klase.

• Itinuro rin ni Pablo na matutulungan tayo ng pananampalataya sa mgapanahon ng kahirapan o pakikilaban (Sa Mga Hebreo 11:32–38). Paano kayonatulungan ng pananampalataya na mapaglabanan ang kahirapan? Ano paang ibang mga biyaya na natanggap ninyo (o ng isang taong kilala ninyo) sapamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo?

Katapusan Bigyang-diin na pinagpala tayong mabuhay sa panahon na ang kaganapan ngebanghelyo ay narito sa lupa. Magpatotoo na ang kaligtasan ay nakakamit sapamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo at pagsunod sa kanyang mgakautusan. Himukin ang mga miyembro ng klase na tuparin ang mga tipan atkautusan ng ipinanumbalik na ebanghelyo.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o dalawa sa mga ideyang itobilang bahagi ng aralin.

1. Tutuparin ng Diyos ang kanyang mga pangako

• Ano ang itinuturo sa Mga Hebreo 6:10–19 tungkol sa mga pangako ng Diyos saKanyang mga anak? Ano ang itinuturo ng talata 15 tungkol sa kaugnayan sapagitan ng pagtitiis ng mga pagsubok at pagtanggap ng mga pangako mula saDiyos? (Tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 82:10.) Ano ang mga nagingkaranasan na ninyo sa pagtupad ng Diyos sa kanyang mga pangako sa inyo?

206

2. “Pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig” (Sa Mga Hebreo 12:6)

Ipabasa sa mga miyembro ng klase ang Sa Mga Hebreo 12:5–11.

• Paano tayo pinarurusahan ng Panginoon? Paanong “para sa atingkapakinabangan” ang parusang nagmumula sa Panginoon? (Tingnan sa Mga Hebreo 12:10; Doktrina at mga Tipan 61:8; 95:1; 101:5.) Paano natinmagagamit ang pagpaparusa bilang pagkakataon na matuto at lumago?Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magkuwento ng mga pagkakataonnang sila ay parusahan ng Panginoon at kung ano ang natutuhan nila mula sakaranasang iyon.

Aralin 37

207

208

Aralin

38“Nagpatotoo Ka sa Akin”

Ang Mga Gawa 21–28

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na sundan ang halimbawa ni Pablo atmaging matapat na mga saksi ni Jesucristo maging sa gitna ng mga pagsubok at kahirapan.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Ang Mga Gawa 21:1–22:21. Sa kabila ng mga pagtutol ng kanyang mgakasama, na natatakot na baka siya mamatay, ay naglakbay pa rin si Pablopatungong Jerusalem. Nag-ulat siya sa mga kapatid na naroon tungkol sakanyang paglalakbay bilang misyonero. Nagpunta siya sa templo at kinuhang galit na lupon ng mga tao. Dinakip siya ng punong kapitan ngunitpinahintulutan siyang makapagsalita sa mga tao. Isinalaysay ni Pablo angtungkol sa kanyang pagbabalik-loob sa ebanghelyo ni Jesucristo.

b. Ang Mga Gawa 22:22–23:35. Tinanggihan ng mga tao si Pablo at tinangka siyang patayin. Inilayo ng punong kapitan si Pablo mula sa mga tao atinilagay siya sa isang kastilyo. Kinabukasan ay dinala ng punong kapitan siPablo sa harapan ng Sanhedrin. Nagkaroon ng isa pang malaking pag-aalsa,at muling inilayo ng punong kapitan si Pablo at ipinadala sa kastilyo.Kinagabihan ay nagpakita ang Panginoon kay Pablo at sinabi sa kanyangtinatawag siya upang magbigay patotoo sa Roma at gayundin sa Jerusalem.Mahigit sa 40 mga Judio ang nagbalak na pumatay kay Pablo, at dinala siyakay Felix na gobernador, upang doon ay maging ligtas siya.

c. Ang Mga Gawa 26. Makalipas ang ilang taon na pag-uusig at pagkakulong, si Pablo ay dinala sa harapan ni Haring Agripa upang magpatotoo. Hinditinanggap ni Agripa ang patotoo ni Pablo at ipinadala siya sa Roma upangmakipagkita kay Cesar.

d. Ang Mga Gawa 27–28. Nasiraan ang barkong sinasakyan ni Pablopatungong Roma matapos ipagwalang-bahala ng kapitan ng barko angkanyang payo. Nang makarating siya sa Roma, ikinulong siya, ngunitnangaral siya sa lahat ng mga nais makinig.

2. Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, gamitin ang mga ito sa aralin:

a. “Paul—A Chosen Vessel,” isang labing-isang minutong yugto ng NewTestament Video Presentations (53914). Panoorin muna ang yugtong ito kung maaari, upang malaman ninyo kung kailan ititigil ang video para sa talakayan.

b. Mapa ng paglalakbay ni Pablo sa Roma (mapa 8 sa Gabay sa mga Banal naKasulatan).

3. Mungkahi sa pagtuturo: “Mahalagang pakainin ang inyong mga tinuturuan,upang maturuan sila ng isang bagay. Sa tuwing darating sila, dapat ay maykahit isa man lamang na kaisipan, ideya, inspirasyon na mapapasakanila dahil

sa pagdalo sa klase. Ito ay maaaring isang kaisipan, kaisipang pangkaraniwanlamang—sa katunayan, habang ito ay nagiging mas simple ay lalo mongnagagawa ang dapat mong isagawa” (Boyd K. Packer, Teach Ye Diligently [1975],154).

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

• May isang tao ba sa banal na kasulatan na nadarama ninyong katulad dinninyo, dahil sa magkatulad ang inyong mga kaisipan, karanasan, o kalagayan?Bakit nadarama ninyong malapit kayo sa taong ito?

Hayaang magbigay puna ang ilang miyembro ng klase. Pagkatapos ay bigyang-diin na sa kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang mga karanasan matapos angUnang Pangitain, ay nadama ng Propetang Joseph Smith na ang kanyang mgakaranasan ay katulad ng kay Apostol Pablo. Ipabasa sa mga miyembro ng klaseang Joseph Smith—Kasaysayan 1:23–25 upang matuklasan kung bakit.

Ipaliwanag na ang pagharap ni Apostol Pablo kay Haring Agripa ay isa sa mgakaganapan na tatalakayin sa araling ito. Sa kalagayang ito at sa kabuuan ngkanyang mga paglalakbay bilang misyonero, sa kabila ng pagtakwil at pang-uusigsa kanya, si Pablo ay nanatiling matatag sa pananampalataya at buong tapang nanagbigay ng patotoo tungkol kay Jesucristo.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano tayo magkakaroon ng lakas ng loob at pananampalatayana kasingtatag ng kay Pablo. Himukin ang mga miyembro ng klase namagkuwento ng mga pagkakataon kung saan ay buong tapang silang nagbigayng patotoo sa pamamagitan ng kanilang mga salita o kilos.

1. Nag-ulat si Pablo tungkol sa kanyang mga paglalakbay at hinarap anggalit na grupo ng mga tao sa Jerusalem.

Kung gagamitin ninyo ang pagpapalabas ng video na “Paul—A Chosen Vessel,”ay ipakita na ngayon ang unang bahagi nito. Itigil ang video matapos sabihin ngtagapagsalaysay na, “He fulfilled the Lord’s words that he would bear His namebefore kings and rulers” (habang binabanggit ang mga salitang ito, si Pablo aymay bantay na ilang sundalo sa pasilyo).

Talakayin ang Ang Mga Gawa 21:1–22:21. Anyayahan ang mga miyembro ngklase na basahin ang mga piling talata. Ipaliwanag na matapos ang tatlongmatatagumpay na paglalakbay bilang misyonero na nagdala sa kanya sa buongimperyo ng Roma, si Pablo ay nagbalik sa Jerusalem, kahit na alam niyangmapanganib gawin ang gayon.

• Bakit tinangkang pigilan si Pablo ng kanyang mga kaibigan sa pagbabalik saJerusalem? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 21:10–12.) Paano tumugon si Pablo sapag-aalala ng kanyang mga kaibigan? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 21:13.)Paano nito ipinakita ang tapat na pangako ni Pablo kay Cristo?

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

Gawaing Pantawag-pansin

209

• Ano ang ginawa ni Pablo noong araw na makarating siya sa Jerusalem?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 21:17–19.) Paano ito katulad ng ginagawa ng mgamisyonero ngayon matapos silang makabalik mula sa kanilang misyon?(Iniuulat nila ang kanilang mga karanasan sa misyon sa pangulo ng istaka atmataas na kapulungan at kadalasan sa mga miyembro ng purok o sangay saaraw ng pulong-sakramento.) Paano kayo nakinabang sa pakikinig sa mgakaranasan ng ibang misyonero?

• Maraming Kristiyanong Judio ang nagalit kay Pablo dahil itinuro niya na angkaligtasan ay dumating sa pamamagitan ni Jesucristo, at hindi sa batas niMoises (Ang Mga Gawa 15:1–35). Upang mabigyang kasiyahan ang mga taongito, hinilingan ng mga kapatid sa Jerusalem si Pablo na magpunta sa templo at sumailalim sa rituwal na paglilinis bilang tanda na sinusunod pa rin niyaang batas (Ang Mga Gawa 21:20–25). Ano ang nangyari habang nasa templo si Pablo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 21:26–30. Hinabol siya ng lupon ng mga tao na nagparatang na nagtuturo siya ng labag sa batas ni Moises atdinudungisan ang templo sa pamamagitan ng pagpapapasok ng hindi Judio saloob nito.) Paano nailigtas si Pablo mula sa mga taong ito? (Tingnan sa AngMga Gawa 21:31–36.) Ano ang ginawa ni Pablo nang pahintulutan siya ngpunong kapitan na magsalita sa mga tao? (Tingnan sa Ang Mga Gawa21:37–22:21. Bakit nangailangan ito ng tapang?

Maaari ninyong naising simulang isulat sa pisara ang lahat ng mga naitala sa AngMga Gawa 21–28 tungkol sa mga pagpapakita ng tapang ni Pablo bilang saksi niJesucristo. Magdagdag sa listahan sa oras ng aralin kung naaangkop.

• Kailan kayo nakapagbahagi ng inyong patotoo sa isang kalagayan nanangailangan ng tapang? Paano kayo nagkaroon ng lakas ng loob na gawinito? Paano makatutulong sa atin ang pagkaalam sa mga ginawa ni Pablo upang magkaroon tayo ng higit na lakas ng loob na ibahagi ang ating mgapatotoo sa ibang tao?

2. Si Pablo ay iniharap sa Sanhedrin.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 22:22–23:35.

• Ano ang naging reaksiyon ng mga tao sa labas ng templo sa salaysay ni Pablotungkol sa kanyang pagbabalik-loob? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 22:22.) Anoang pangunahing layunin ng punong kapitan sa paglalayo kay Pablo mula samga lupon ng mga tao? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 22:24.) Paano naiwasan ni Pablo ang paghampas (pagpalo) sa kanya? (Tingnan sa Ang Mga Gawa22:25–26. Binigyang-diin niya na siya ay mamamayan ng Roma. Ito aynagbigay sa kanya ng natatanging mga karapatan at pribilehiyo sa imperyongRomano, kung saan naging bahagi ang Jerusalem.)

• Ano ang kauna-unahang sinabi ni Pablo nang iharap siya sa Sanhedrin (angkapulungan ng mga Judio)? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 23:1; tingnan din saAng Mga Gawa 24:16. Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 135:4 para sa katuladna pahayag na ginawa ng Propetang si Joseph Smith.) Paano sa palagay ninyonakatulong kay Pablo sa oras na ito ang “malinis na konsiyensiya sa harap ngDiyos”? Anyayahan ang mga miyembro ng klase na isaalang-alang ang mgapagbabagong kailangan nilang gawin sa kanilang sariling buhay upangmagkaroon ng “malinis na konsiyensiya sa harap ng Diyos.”

210

• Ano ang sinabi ng Panginoon nang magpakita siya kay Pablo pagkatapossiyang siyasatin ng Sanhedrin? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 23:11.) Paano kayonatulungan ng Panginoon na “magkaroon ng lakas ng loob” sa panahon ngkahirapan?

• Kinabukasan matapos magpakita ang Panginoon kay Pablo, mahigit sa 40 mgaJudio ang nagtangkang pumatay kay Pablo, at nangagsipangakong hindikakain o iinom hangga’t hindi sila nagtatagumpay (Ang Mga Gawa 23:12–15).Paano naprotektahan si Pablo mula sa kanilang plano? (Tingnan sa Ang MgaGawa 23:16–35. Maaari ninyong naising bigyang-diin na ito ang ikatlongpagkakataon sa loob lamang ng ilang araw kung saan ay naligtas si Pablo mulasa kamatayan.)

3. Nagpatotoo si Pablo kay Agripa, ngunit tinanggihan ang kanyangpatotoo.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 26. Maaarininyong naising ibuod ang sumusunod na impormasyon mula sa Ang Mga Gawa24–25: Si Pablo ay ipinadala kay Felix, ang gobernador, at nagpatotoo nangbuong tapang sa kanyang harapan. Nanatiling nakabilanggo si Pablo sa loob ng dalawang taon samantalang umasa si Felix na tatanggap ng salapi upangpalayain siya. Nang si Felix ay palitan ni Festo bilang gobernador, hiniling ngmga Judio kay Festo na ipadala si Pablo sa Jerusalem para litisin. Tumanggingmagpunta si Pablo, nalalaman na hindi patas ang paglilitis na isasagawa doon. Sa halip ay umapela si Pablo kay Cesar, dahil karapatan niya iyon bilangmamamayan ng Roma. Pumayag si Festo na ipadala si Pablo sa Roma, ngunitkailangan munang humarap si Pablo kay Herod Agripa, ang hinirang ng Roma na mamuno sa Judea.

Kung ginagamit ninyo ang pagpapalabas ng video, ipakita na ngayon angikalawang bahagi. Itigil ang video pagkatapos ng pahayag ni Pablo na “I would to God that not only thou, but also all who hear me this day, were such as I am,except these bonds” (bago pa samahan ng mga sundalo si Pablo mula sa bakuranni Haring Agripa).

• Ano ang hinangaan ninyo sa mga salita ni Pablo kay Haring Agripa? (Tingnansa Ang Mga Gawa 26:2–27.) Paano tinugon ni Agripa ang mga salita ni Pablo?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 26:28.) Ano ang maaaring humahadlang kayAgripa sa pagiging isang Kristiyano? Anong mga saloobin o iba pang mgaproblema ang humahadlang sa mga tao sa ngayon sa pagtanggap ngebanghelyo ni Jesucristo?

• Paano nagkaiba ang reaksiyon nina Festo at Agripa kay Pablo? Paanonagkatulad ang mga ito? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 26:24, 28. Bigyang-diinna walang katanggap-tanggap sa Panginoon maliban sa pagbibigay ng buongdebosyon. Kahit na para kay Agripa ay halos kapani-paniwala ang mensahe niPablo at kahit na tahasan namang itong tinanggihan ni Festo, kapwa sila hindinakapasa sa pagsubok ng pananampalataya na inalok sa kanila ni Pablo.)

4. Nasiraan ang barkong sinasakyan ni Pablo patungong Roma.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Ang Mga Gawa 27–28.Ipaliwanag na kusang-loob sanang pawawalan ni Agripa si Pablo (Ang Mga Gawa 26:32), ngunit umapela si Pablo kay Cesar at dahil dito ay ipinadala siya

Aralin 38

211

sa Roma. Habang tinatalakay ninyo ang paglalakbay ni Pablo patungong Roma,ipakita ang mapa at ituro ang mga lugar na pinangyarihan, tulad ng MabubutingDaongan, kung saan pinayuhan ni Pablo ang mga kalalakihan na manatili parasa taglamig, at ang Melita, kung saan lumangoy patungo sa dalampasigan angmga pasaherong lulan ng nasirang barko.

• Ano ang nangyari nang tanggihan ng pinuno ng barko ang babala ni Pablo na lubhang mapanganib ang maglayag mula sa Mabubuting Daongan?(Tingnan sa Ang Mga Gawa 27:7–20.) Ano ang nag-udyok sa senturyon upangipagwalang-bahala ang payo ni Pablo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 27:11–12.)Bakit kung minsan ay ipinagwawalang-bahala ng ilan sa atin ang payo ng mgapinuno ng Simbahan? Paano ninyo nalaman ang kahalagahan ng pagsunod sapayo ng mga pinuno ng Simbahan?

• Paano nalaman ni Pablo na ang lahat ng mga pasahero ay makararating salupa nang matiwasay, kahit na masisira sa bagyo ang barko? (Tingnan sa AngMga Gawa 27:21–26.) Paano natupad ang propesiyang ito? (Tingnan sa AngMga Gawa 27:27–44.)

• Paano ginamit ni Pablo ang kanyang kapangyarihan ng pagkasaserdotesamantalang nasa isla ng Melita? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 28:7–9.) Ano ang ipinahihiwatig ng pangyayaring ito tungkol sa layunin ng kapangyarihanng pagkasaserdote? Paano nakatutulong ang paggalang sa pagkasaserdote saating paglilingkod bilang mga saksi ni Cristo?

• Sa wakas, makalipas ang ilang buwan ay narating ni Pablo ang Roma, kungsaan muli siyang ibinilanggo. Paano niya ginawang kapaki-pakinabang sakanya ang tila hadlang na ito? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 28:16–31. Binigyansiya ng kaukulang kalayaan, kung kaya ginugol niya ang kanyang panahon sa pagtuturo ng ebanghelyo at pagpapatotoo hinggil kay Cristo.) Ano angmatututuhan natin mula kay Pablo tungkol sa pagiging matapat na saksi niJesucristo? (Kung nakagawa na kayo sa pisara ng listahan ng mga pagkakataonkung kailan nagpakita ng tapang si Pablo sa pagiging matapat na saksi,tukuyin ito.)

Kung ginagamit ninyo ang pagpapalabas ng video, ipakita ang karugtong nitongayon.

Katapusan Ipaliwanag na ipinagpalagay ng mga manunulat ng kasaysayan na si Pablo aynamatay na martir sa Roma noong dakong A.D. 65. Sa buong buhay niya aytinupad niya ang kanyang tungkulin bilang isang Apostol na “magsiyaon ngakayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa” (Mateo 28:19).Tinupad din niya ang propesiya ng Panginoon na ipapangaral niya angebanghelyo sa “harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel”(Ang Mga Gawa 9:15). Isa siyang matapat na saksi ni Cristo sa kabila ng mgamasasakit na salita at pisikal na pagsalakay, hindi makatarungangpagkakakulong, at mga kalamidad.

Magpatotoo na kung susundan natin ang halimbawa ni Pablo sa pamamagitanng pagiging matapat na mga saksi ni Jesucristo sa lahat ng kalagayan, tayo aybibigyan Niya ng lakas upang mapagtiisan ang ating mga pagsubok.

212

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng

aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

Pagbabalik-aral sa buhay ni Pablo

Upang matulungan ang mga miyembro ng klase na mapahalagahan kung paanotinupad ni Pablo ang kanyang misyon sa buhay na ito upang magpatotoo hinggilkay Cristo, hayaang tunghayan nila ang salitang “Pablo” sa Gabay sa mga Banalna Kasulatan . Papiliin ang bawat miyembro ng klase ng isang pangyayari sabuhay ni Pablo nang magpatotoo siya hinggil kay Cristo. (Ang mga kaganapanghindi nakalista sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan ay maaari ding gamitin.)Anyayahan ang bawat miyembro ng klase na ibahagi sa klase ang kanyang napili,at ilista ang lahat ng mga kaganapan sa pisara. Pagkatapos ay hayaang tunghayanng mga miyembro ng klase ang mga mapa ng paglalakbay ni Pablo (mga mapa6–8 sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan) at tukuyin kung saan naganap angbawat pangyayari. Tulungan ang mga miyembro ng klase na pagbalik-aralan angangkop na mga banal na kasulatan kung kinakailangan upang malaman anglugar na pinangyarihan.

Aralin 38

213

214

Aralin

39“Sa Ikasasakdal ng mga Banal”

Mga Taga Efeso

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan na ang proseso ngpaggawang “sakdal . . . ng mga banal” (Mga Taga Efeso 4:12) ay nangangailanganng dagdag nating pananampalataya kay Cristo, pagsunod sa mga turo ng mgaapostol at propeta, at pangangalaga sa ating sarili mula sa kasamaan ng daigdig.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mga Taga Efeso 1:9–10. Itinuro ni Pablo na ang layunin ng dispensasyon ngkaganapan ng mga panahon ay “tipunin ang lahat ng bagay na kay Cristo.”

b. Mga Taga Efeso 2:12–22; 4:1–16. Itinuro ni Pablo na si Jesucristo ang atingbatong panulok. Itinuro niya na binigyan tayo ng Panginoon ng mgaapostol at propeta upang tulungan tayong maging perpekto at dumating sa“pagkakaisa ng pananampalataya.”

c. Mga Taga Efeso 5:22–29; 6:1–4. Itinuro ni Pablo na kailangan ang pagkakaisasa pagitan ng mag-asawa at sa pagitan ng mga magulang at mga anak.

d. Mga Taga Efeso 4:21–32; 6:10–18. Itinuro ni Pablo na dapat tayong“mangagbihis ng bagong pagkatao” at “mangagbihis ng kagayakan ng Dios”upang mapangalagaan tayo mula sa kasamaan ng daigdig.

2. Karagdagang pagbabasa: Juan 17:11; Mosias 18:21–22; Doktrina at mga Tipan 27:15–18; 38:25–27; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Dispensasyon,Mga,” 45.

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, magdala sa klase ngisang piraso ng sinulid (mga 1 hanggang 3 talampakan ang haba) at isangputol ng pisi na halos ganoon din ang haba.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Ang pagmamarka ng mga banal na kasulatan aynakatutulong sa mga guro at miyembro ng klase na tandaan angmahahalagang salita, ideya, mga tao, at mga pangyayari. Maaari ninyonghimukin ang mga miyembro ng klase na markahan ang kanilang mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mahahalagang alituntunin,pagbibigay ng iba pang sanggunian, o pagsasabi ng kung ano ang isinulatninyo sa gilid ng inyong mga banal na kasulatan.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ipakita sa mga miyembro ng klase ang sinulid at pisi (tingnan sa bahaging“Paghahanda”).

Gawaing Pantawag-pansin

• Anong bagay ang parehong mayroon ang sinulid at pisi? (Kapwa yari sa mgahibla ng mga materyal ang mga ito.) Paano nagkakaiba ang mga ito? (Angsinulid ay isang hibla lamang, samantalang ang pisi ay yari sa maraming hiblana pinagsala-salabid.) Alin sa mga bagay na ito ang mas matibay?

Ipaliwanag na, tulad ng isang piraso ng sinulid, tayo ay mahina kapag sa atingsarili lamang tayo umaasa. Gayunman, tulad ng pisi, maaari tayong magingmatibay kapag nagkakaisa tayo sa pananampalataya at kabutihan. Sa kanyangliham sa mga taga Efeso, binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng paggawang“sakdal . . . ng mga banal” at pagkakaroon ng “pagkakaisa ng pananampalataya”(Mga Taga Efeso 4:12–13). Tinatalakay ng araling ito kung paano tayo bilang mgapamilya at Simbahan ay makagagawa tungo sa pagiging perpekto at pagkakaisasa pamamagitan ng pagtitiwala sa Tagapagligtas, pagsunod sa mga apostol at mgapropeta, pagkakaroon ng matatag na mga pamilya, at pagbibihis ng buongkagayakan ng Dios.

Buong panalanging piliin ang mga talata ng banal na kasulatan at mga tanongna pinakamainam na makatutugon sa mga pangangailangan ng mga miyembrong klase. Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasanna may kaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Ang dispensasyon ng kaganapan ng mga panahon

Basahin at talakayin ang Mga Taga Efeso 1:9–10.

• Sa unang kabanata ng Mga Taga Efeso, nagsalita si Pablo tungkol sa“dispensasyon ng kaganapan ng mga panahon” (Mga Taga Efeso 1:10). Anoang isang dispensasyon ng ebanghelyo? (Isang kapanahunan kung saan angPanginoon ay may isang tagapaglingkod sa lupa na may hawak ng mga susi ngpagkasaserdote at binigyang karapatan upang pangasiwaan ang ebanghelyo.Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Dispensasyon, Mga.”

• Ano ang dispensasyon ng kaganapan ng mga panahon? (Ang dispensasyon nanagsimula sa pagpapanumbalik ng ebanghelyo at organisasyon ng Simbahansa pamamagitan ni Joseph Smith.) Bakit tinaguriang kaganapan ng mgapanahon ang ating dispensasyon?

Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley na: “Ikaw at ako ay nakararanas ng napakalaki at kahanga-hangang mga pagpapala ng dispensasyon ngkaganapan ng mga panahon. Sa araw at panahong ito ay naipanumbalik salupa ang lahat ng alituntunin, kapangyarihan, biyaya, at susi ng lahat ngnangaunang dispensasyon” (sa Conference Report, Abr. 1992, 98; o Ensign,Mayo 1992, 70).

• Ano ang sinabi ni Pablo na gagawin ng ating Ama sa Langit sa dispensasyongito? (Tingnan sa Mga Taga Efeso 1:9–10.) Ano sa palagay ninyo ang ibigsabihin ng “tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo”? Ano ang ilang bagayna magkakasamang tinitipon sa ating kapanahunan? (Maaaring kabilang samga sagot ang mga banal na kasulatan, mga miyembro ng Simbahan, mgatalaan ng mga patay, at mga pamilyang naibuklod sa templo.) Paano tayomakatutulong sa prosesong ito ng pagtitipon?

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

215

2. Si Jesucristo bilang ating batong panulok

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Mga Taga Efeso 2:12–22 at4:1–16.

• Paghambingin ang Mga Taga Efeso 2:12 at 2:19. Paano inilarawan ni Pablo angmga pagbabagong naganap sa mga tumanggap at sumunod sa Tagapagligtas?Paano ninyo nakita ang ganito ring mga pagbabago sa inyong sarili at sa iba?Paano pinagpala ang inyong buhay ng inyong pakikisalamuha sa ibang mgamiyembro ng Simbahan bilang “mga kababayan” sa ebanghelyo?

• Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa pagtuturo niya na si Jesucristo ang“pangulong batong panulok” ng Simbahan? (Mga Taga Efeso 2:20). (Kungkinakailangan, ipaliwanag na ang batong panulok ay isang pundasyong batona inilalagay sa sulok kung saan nagtatagpo ang dalawang dingding. Angbatong panulok ay mahalaga sa katatagan at pagkakabuo ng istruktura.) Paanosi Jesucristo naging batong panulok ng inyong pananampalataya?

• Ano ang itinuro ni Pablo sa Mga Taga Efeso 2:20 at 4:11–14 tungkol sakahalagahan ng mga apostol at propeta? Bakit mahalaga sa tunay naSimbahan ang buhay na mga apostol at propeta? Ano ang ilang turo mula samga apostol at propeta ng mga huling araw na tumutulong sa ating umunladtungo sa kasakdalan at pagkakaisa? (Maaari ninyong naising isulat sa pisaraang mga sagot ng mga miyembro ng klase.)

Itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer na: “Ang ministeryo ng mga propeta at apostol ay palagi at kailanma’y aakay sa kanila tungo sa tahanan at sapamilya. . . . Ang pinakalayunin ng lahat ng ating itinuturo ay pagsamahinang mga magulang at mga anak sa pananampalataya sa Panginoong Jesucristo,na sila ay masaya sa tahanan, ibinuklod sa isang walang hanggang kasal,naiugnay sa kanilang mga henerasyon, at binigyang katiyakan na tatanggapng kadakilaan sa kinaroroonan ng ating Ama sa Langit” (sa Conference Report,Abr. 1995, 8; o Ensign, Mayo 1995, 8).

• Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa pagtuturo na may “isang Panginoon, isangpananampalataya, isang bautismo”? (Mga Taga Efeso 4:5). Bakit mahalagangmagkaisa tayo sa ating pag-unawa at pagtuturo ng mga pangunahing doktrinang Simbahan?

3. Pagkakaisa sa pagitan ng mag-asawa at sa pagitan ng mga magulang at anak

Basahin at talakayin ang Mga Taga Efeso 5:22–29; 6:1–4.

• Anong paghahambing ang ginamit ni Pablo nang ilarawan niya ang ugnayansa pagitan ng mag-asawa? (Tingnan sa Mga Taga Efeso 5:22–29.) Ano angmatututuhan ng mga mag-asawa mula sa paghahambing na ito upangmatulungan silang magkaroon ng higit na pagmamahal at pagkakaisa sakanilang pagiging mag-asawa? (Talakayin ang mga tiyak na paraan kung paanoipinamalas ni Jesus ang kanyang pagmamahal sa Simbahan at kung paanomaiaangkop ang bawat paraan sa kasal. Maaari ninyong naising isulat sa pisaraang mga sagot ng mga miyembro ng klase.)

Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball na: “”May makikita ba kayo sa mgasagradong banal na kasulatan kung saan binigo ng Panginoong Jesucristo ang

216

kanyang simbahan? . . . Naging matapat ba siya? Naging totoo ba siya?Mayroon bang anumang mabuti at karapat-dapat na bagay na hindi niyaibinigay? Kung gayon iyon ang ating hinahanap—ang kanyang hinahanap sa isang asawang lalaki. . . .

“ . . . Naiisip ba ninyo kung gaano niya kamahal ang Simbahan? Mahalaga sakanya ang bawat hininga nito. Ang bawat pag-unlad, ang bawat indibiduwalnito, ay mahalaga sa kanya. Ibinigay niya sa mga taong iyon ang lahat ngkanyang lakas, lahat ng kanyang kapangyarihan, lahat ng kanyang interes.Ibinuwis niya ang kanyang buhay—ano pa ang maaaring ibigay ng isang taona hihigit pa rito?” (Men of Example [talumpating ibinigay sa mga guro ngrelihiyon, ika-12 ng Set. 1975], 4–5).

• Ano ang payo ni Pablo sa mga anak sa Mga Taga Efeso 6:1–3? Bakit mahalagaang payong ito sa ngayon? Paano kayo pinagpala sa paggalang ninyo sainyong mga magulang?

• Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang payuhan niya ang mga magulang napalakihin ang isang anak sa “saway at aral ng Panginoon”? (Mga Taga Efeso6:4). Paano espirituwal na mapapangalagaan ng mga magulang ang mga anak?Paano masusunod ng mga magulang ang halimbawa ng Panginoon kapagnangangaral sa mga anak?

• Paano makatutulong sa pagpapatatag ng mga ugnayan ng pamilya atpagpapanatili ng pagkakaisa sa tahanan ang payo ni Pablo sa mga magulang at sa anak? Anong payo ang ibinigay sa atin ng mga apostol at propeta sa mgahuling araw tungkol sa mga pamilya? Anyayahan ang mga miyembro ng klasena talakayin ang payo na kamakailan lamang ibinigay sa mga pangkalahatangkomperensiya, sa iba pang mga pulong o fireside, at sa mga lathalain ngmagasin ng Simbahan.

Sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” ay itinuro ng UnangPanguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol na ang “kaligayahan sabuhay ng mag-anak ay lalong higit na makakamit kapag isinalig sa mga turong Panginoong Jesucristo. Ang mga matagumpay na buhay mag-asawa at mag-anak ay itinatatag at pinananatili sa mga alituntunin ng pananampalataya,panalangin, pagsisisi, pagpapatawad, paggalang, pagmamahal, awa, gawa, at mga kapaki-pakinabang na gawaing panlibangan” (Ang Mag-anak: IsangPagpapahayag sa Mundo 35538 893).

4. Pagbibihis ng “bagong pagkatao” at ng “buong kagayakan ng Dios”

Basahin at talakayin ang Mga Taga Efeso 4:21–32 at 6:10–18.

• Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang hikayatin niya ang mga taga Efeso na“mangagbihis ng bagong pagkatao”? (Mga Taga Efeso 4:24). Ano ang ilangkatangian ng mga taong naging “bago” sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo? (Tingnan sa Mga Taga Efeso 4:21–32.)

• Habang hinihikayat ang mga Banal na isuot ang buong kagayakan ng Diyos,sila ay binalaan ni Pablo tungkol sa maraming uri ng masasamangimpluwensiya (Mga Taga Efeso 6:10–12). Ano ang ilan sa mga masasamangimpluwensiya sa buhay na ito?

Aralin 39

217

• Ano ang iba’t ibang piraso ng tinatawag ni Pablo na kagayakan ng Diyos? Ano ang isinasagisag ng bawat piraso? (Tingnan sa Mga Taga Efeso 6:13–18;Doktrina at mga Tipan 27:15–18. Maaari ninyong naising isulat ang mga sagot sa pisara sa ilalim ng mga pamagat na Kagayakan at Sagisag.) Paano tayo mapangangalagaan ng bawat piraso ng kagayakan ng Diyos laban saimpluwensiya ni Satanas? Ano ang maaari nating gawin upang maisuot araw-araw ang kagayakang ito?

Katapusan Magpatotoo na itinatag ng Panginoon ang kanyang Simbahan, na may mgaapostol at propeta, upang tulungan tayong maging katulad niya at makabalikupang mamuhay sa kanyang piling. Himukin ang mga miyembro ng klase nasama-samang magsikap para sa “ikasasakdal ng mga Banal” sa pamamagitan ngpagsunod sa mga turo ni Pablo sa mga taga Efeso.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. “Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios” (Mga Taga Efeso 6:11)

Ipalabas ang “The Whole Armor of God,” isang labintatlong minutong yugtomula sa New Testament Video Presentations (53914). Pagkatapos ay itanong angmga sumusunod:

• Anong mga panganib ang nakaharap ng mga sundalo sa video? Anong mgapanganib ang nakaharap ng mga kabataan? Paano pinagpala ang mgamiyembro ng bawat grupo sa pagsusuot ng kanilang kagayakan?

2. Pananalangin para sa mga pinuno ng Simbahan

• Basahin ang Mga Taga Efeso 6:18–20. Bakit sa palagay ninyo hiniling ni Pablosa mga taga Efeso na manalangin para sa kanya? Kailan kayo napalakas ngmga panalangin ng ibang tao? Bakit mahalaga na manalangin tayo para isa’tisa at para sa mga pinuno ng Simbahan?

3. “Sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya”(Mga Taga Efeso 2:8)

• Ano ang itinuro ni Pablo sa Mga Taga Efeso 2:8–9 tungkol sa kung paanonakatatanggap ng kaligtasan ang isang tao? Bakit imposible para sa atin angiligtas ang ating sarili sa pamamagitan ng ating mga gawa? (Tingnan sa MgaTaga Roma 3:23; Mosias 3:17; Alma 22:14. Maaari ninyong naising bigyang-diin na kinailangang madalas na paalalahanan ni Pablo ang mga Banal na mga Judio na ang mga gawa ng batas ni Moises ay hindi maaaring magligtas sa kanila. Para sa mas madetalyeng talakayan tungkol sa awa at mga gawa,tingnan sa aralin 36.)

218

219

Aralin

40“Lahat ng mga Bagay ay Aking Magagawa [sa Pamamagitan ni Cristo]”Mga Taga Filipos; Mga Taga Colosas; Filemon

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na taglayin ang mga katangian ng tunayna mga tagasunod ni Jesucristo.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Mga Taga Filipos. Pinasalamatan ni Pablo ang mga Banal sa Filipos para satulong na kanilang ipinadala sa kanya at hinimok silang magkaisa, atmaging matapat na mga tagasunod ni Cristo.

b. Mga Taga Colosas 1. Pinaalalahanan ni Pablo ang mga Banal sa Colosas naang pagkatubos ay makakamit lamang sa pamamagitan ni Jesucristo.

c. Mga Taga Colosas 2:1–8, 16–23; 3; 4. Itinuro ni Pablo sa mga Banal saColosas ang tungkol sa mga bagay na dapat nilang gawin at mga katangiangdapat nilang taglayin bilang mga hinirang ng Diyos.

d. Filemon. Hinikayat ni Pablo si Filemon na maging mapagpatawad kayOnesimo, na isang takas na alipin.

2. Karagdagang pagbabasa: Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sulat ni Pablo,Mga: Mga Taga Filipos, Mga Taga Colosas, Mga Taga Efeso, Filemon, MgaHebreo,” 234–235.

3. Mungkahi sa pagtuturo: Ang isang balangkas ng aralin o ilang talata ng banal na kasulatan ay maaaring maglaman ng materyal na labis sa oras namagagamit ninyo sa klase. Habang inihahanda ninyo ang bawat aralin, buong panalanging magpasiya kung aling mga doktrina at alituntunin angpinakakapaki-pakinabang sa inyong klase. Planuhing ituro muna ang mga ito,kasama ang iba pang mga bahagi ng aralin kung may oras pa. Habangnagtuturo kayo, gayunman, maging sensitibo sa Espiritu at nakababagay nangsapat upang mabago ninyo ang inyong plano kung madarama ninyong dapatgawin ang gayon. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin,Yunit E, Paksa 19, “Paggamit at Pangangalaga sa Oras ng Aralin,” 139–140.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Isulat sa pisara ang ilang susing salita mula sa ikalabintatlong saligan ngpananampalataya, gaya ng matapat, tunay, marangal, at maipagkakapuri.

Gawaing Pantawag-pansin

• Aling saligan ng pananampalataya ang naglalaman ng mga salitang ito? (Kunghindi alam ng mga miyembro ng klase, patingnan ito sa kanila sa Mga Saliganng Pananampalataya, na matatagpuan sa hulihan ng Mahalagang Perlas.)

Kapag tama ang sagot ng mga miyembro ng klase, hilingan ang isang miyembrong klase na bigkasin o basahin ang ikalabintatlong saligan ng pananampalataya.Pagkatapos ay ipabigkas muli sa miyembro ng klase ang unang kalahati ngsaligan ng pananampalataya, hanggang sa “ang payo ni Pablo.”

• Ano ang “payo ni Pablo”? Saan ito matatagpuan?

Ipabuklat sa mga miyembro ng klase ang Mga Taga Filipos 4:8 at ihambing ito saikalabintatlong saligan ng pananampalataya. Ipaliwanag na noong banggitin niJoseph Smith ang payo ni Pablo sa ikalabintatlong saligan ng pananampalataya,ang tinutukoy niya ay ang Taga Filipos 4:8, na bahagi ng isang liham na isinulatni Pablo sa mga Banal sa Filipos. Tatalakayin ng aralin ngayong araw na ito angpabalat ng liham na ito at ang mga liham ni Pablo sa mga taga Colosas at kayFilemon, na isinulat lahat noong nakakulong si Pablo sa Roma. Tinatalakay ngmga liham na ito ang mga katangian na dapat nating hangaring taglayin bilangmatatapat na tagasunod ni Jesucristo.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa atin sa ngayon tulad ng kungpaano naangkop ang mga ito sa mga Banal noong kapanahunan ni Pablo.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Hinimok ni Pablo ang mga Banal na taga Filipos na sundin si Jesucristo.

Talakayin ang liham ni Pablo sa mga taga Filipos. Anyayahan ang mga miyembrong klase na basahin nang malakas ang mga piling talata.

• Si Pablo ay nakakulong sa Roma nang sumulat siya sa mga taga Filipos. Anoang naging reaksiyon ng ibang mga miyembro ng Simbahan sa pagkakakulongni Pablo? (Tingnan sa Mga Taga Filipos 1:12–18.) Paano kayo natulungan nangmakita o marinig ninyo ang iba na naging malakas ang loob sa paglilingkod saPanginoon?

• Sa Mga Taga Filipos 2:2–3, ano ang hinikayat ni Pablo na gawin ng mgamiyembro ng Simbahan? Sa anong mga paraan dapat “mangagkaisa ngkaluluwa [sa kaisipan]” ang mga miyembro ng Simbahan? (Tingnan sa MgaTaga Filipos 1:27; 2:14–15.) Bakit kung minsan ginagawa natin ang mga bagaypara sa “pagpapalalo”? Bakit sa palagay ninyo nagpayo si Pablo ng laban dito?Bakit mahalagang hindi natin isipin na mas mabuti tayo kaysa sa ibang tao?(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 38:24–26.)

• Ano ang itinuro ni Pablo tungkol kay Jesus sa Mga Taga Filipos 2:5–8? Paanoipinakita ni Jesus ang perpektong halimbawa ng pagiging mapagpakumbaba at masunurin sa kalooban ng kanyang Ama? (Tingnan sa Juan 8:29.) Paanotayo higit na magiging mapagpakumbaba at pasasailalim sa kalooban ng Amasa Langit?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig ipakahulugan ni Pablo nang sabihin niya samga taga Filipos na, “Lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtasna may takot at panginginig”? (Mga Taga Filipos 2:12).

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

220

Ipinaliwanag ni Pangulong David O. McKay na: “Ang ‘Gawin ang inyongsariling kaligtasan’ ay isang panghihikayat na ipakita sa pamamagitan nggawain, ng pinag-isipan, at masunuring pagsisikap ang katotohanan ngpananampalataya. Ngunit kailangan itong gawin nang may lubos na kabatiranna ang lubusang pag-asa sa sarili ay maaaring maging sanhi ng kapalaluan atkahinaan na hahantong sa kabiguan. Dapat nating hangarin ang lakas at awang Diyos nang ‘may takot at panginginig’ para sa inspirasyon na makamtanang tagumpay sa wakas” (sa Conference Report, Abr. 1957, 7).

• Paulit-ulit na pinayuhan ni Pablo ang mga taga Filipos na “mangagalak saPanginoon” (Mga Taga Filipos 3:1; 4:4). Paano tayo mangagagalak saPanginoon?

• Sinabi ni Pablo sa mga taga Filipos na naisakripisyo niya ang lahat ng bagaypara kay Cristo (Mga Taga Filipos 3:7–8). Ano ang naisakripisyo ni Pablo? Bakitmahalagang magsakripisyo tayo para kay Cristo? (Tingnan sa Mga Taga Filipos3:9–12.)

Itinuro ni Propetang Joseph Smith na: “Ang isang relihiyon na hindinangangailangan ng sakripisyo ng lahat ng bagay ay hindi kailanmanmagkakaroon ng sapat na kapangyarihan upang lumikha ngpananampalatayang kinakailangan tungo sa buhay at kaligtasan; dahil, mula pa sa unang pag-iral ng tao, ang pananampalatayang kailangan tungo sa pagtatamasa ng buhay at kaligtasan ay hindi kailanman makakamtan kung wala ang pagsasakripisyo ng lahat ng bagay sa mundo” (Lectures on Faith [1985], 69).

• Paano natin makakamtan ang “kapayapaan ng Dios” na binabanggit sa MgaTaga Filipos 4:7? (Tingnan sa Mga Taga Filipos 4:6–7.) Kailan ninyo nadamaang kapayapaan ng Diyos?

• Paano natin maisasagawa ang payo ni Pablo sa Mga Taga Filipos 4:8? (Tingnandin sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13.) Paano tayo pinagpapala kapagsinusunod natin ang payong ito?

• Nagpatotoo si Pablo na, “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon [kayCristo] sa nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipos 4:13). Paano sa palagayninyo nakamtan ni Pablo ang patotoong ito tungkol kay Cristo? Paano ninyonakitang makakaya ninyong “gawin ang lahat ng mga bagay sa pamamagitanni Cristo”?

2. Pinaalalahanan ni Pablo ang mga taga Colosas na ang pagkatubos aymakakamit lamang sa pamamagitan ni Cristo.

Talakayin ang Mga Taga Colosas 1. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin nang malakas ang mga piling talata. Ipaliwanag na ang mga Banal sa Colosas, na isang maliit na lungsod sa gawing silangan ng Efeso, ay naimpluwensiyahan ng mga turo na hindi gaanong nagpapahalaga saTagapagligtas at nakatuon sa pagkakamit ng kaganapan sa pamamagitan ngpagsunod sa mga ordenansa at pagsamba sa mga anghel. Sa kanyang liham samga taga Colosas ay nagbabala si Pablo laban sa mga turo na ito, na hinihikayatang mga Banal na magpatuloy na “nababaon at matitibay” (Mga Taga Colosas1:23; tingnan din sa Mga Taga Colosas 2:5–7) sa kaalaman na ang pagkatubos aymakakamit lamang sa pamamagitan ni Jesucristo.

Aralin 40

221

• Anong mga katotohanan tungkol kay Jesucristo ang itinuro ni Pablo sa mgataga Colosas? (Tingnan sa Mga Taga Colosas 1:12–22. Isulat sa pisara ang mgasagot ng mga miyembro ng klase.) Bakit mahalaga para sa mga taga Colosas namaunawaan ang mga katotohanang ito? Paano naaapektuhan ng inyongkaalaman at patotoo tungkol kay Jesucristo ang paraan ng inyongpamumuhay?

• Ano ang “mana ng mga banal” na maaari nating tanggapin mula sa ating Amasa Langit? (Tingnan sa Mga Taga Colosas 1:12; 2 Nephi 9:18; Doktrina at mgaTipan 50:5.) Sino ang gumawa ng paraan upang maging posible ang manangito? (Tingnan sa Mga Taga Colosas 1:12–14.) Ano ang kailangan nating gawinupang matanggap ang manang ito? (Tingnan sa Mga Taga Colosas 1:10–12;2 Nephi 9:18; Alma 5:51; Doktrina at mga Tipan 50:5.)

• Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang hikayatin niya ang mga taga Colosas namanatiling “nababaon at matitibay” sa ebanghelyo? (Tingnan sa Mga TagaColosas 1:23.) Ano ang mga dahilan kung bakit ang mga tao ay “nalalayo sapag-asa ng ebanghelyo”? (Mga Taga Colosas 1:23). Ano ang maaari natinggawin upang mapatatag ang ating mga patotoo?

3. Itinuro ni Pablo sa mga taga Colosas ang dapat nilang gawin bilang mgahinirang ng Diyos.

Talakayin ang Mga Taga Colosas 2:1–8, 16–23; 3; 4. Anyayahan ang mgamiyembro ng klase na basahin nang malakas ang mga piling talata.

• Nais ni Pablo na ang mga puso ng mga Banal ay maging “magkakalakip sa pag-ibig” at sa kaalaman tungkol sa Diyos Ama at kay Jesucristo (Mga TagaColosas 2:2–3). Paano natin ito maisasagawa sa ating sariling purok o sangay?

• Ano ang ibig sabihin ng “nangauugat at nangatatayo” kay Cristo? (Tingnan sa Mga Taga Colosas 2:7.) Paano tayo mauugat kay Cristo? Paano tayomatutulungan ng “pagkaugat at pagkatayo” kay Cristo sa panahon ngpagsubok? (Maaari ninyong naising ihambing ang punong may maiikli atmababaw ang na ng mga ugat sa isang puno na mahahaba at malalim ang mga ugat. Talakayin kung aling puno ang higit na makatatagal sa mgapagsubok na tulad ng mga bagyo at tagtuyot.)

• Anong mga katangian ng “mga hinirang ng Diyos” ang nakalista sa Mga TagaColosas 3:12–15? (Ilista sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase.)Paano ipinakita ni Jesucristo ang halimbawa ng mga katangiang ito? (Hilinganang mga miyembro ng klase na mag-isip ng mga tiyak na pangyayari kungsaan nakita kay Jesus ang bawat katangian.) Paano natin mas lalongmapauunlad ang mga katangiang ito?

• Paano natin mahahayaang manatili sa atin ang salita ni Cristo, tulad ng payoni Pablo? (Tingnan sa Mga Taga Colosas 3:16–17; tingnan din sa Doktrina atmga Tipan 1:37; 18:34–36.) Paano mapalalakas ng mga himno ang ating pang-unawa at patotoo tungkol sa salita ni Cristo? Paano natin higit na magagamitang mga himno at iba pang sagradong musika?

Sinabi ni Elder Dallin H. Oaks na: “Kailangan nating gamitin pa nang hustoang ating mga himno upang makaayon tayo sa Espiritu ng Panginoon, upangmapag-isa tayo, at upang tulungan tayong maituro at matutuhan ang atingdoktrina. Kailangan nating gamitin pa nang husto ang ating mga himno sa

222

pagtuturo ng mga misyonero, sa mga klase ng ebanghelyo, sa pulong ngkorum, sa gabing pantahanan, at sa pagdalaw ng mga pagtuturo ng tahanan.Ang musika ay mabisang paraan ng pagsamba sa ating Ama sa Langit at sakanyang Anak na si Jesucristo. Dapat nating gamitin ang mga himno kapagkailangan natin ng espirituwal na kalakasan at inspirasyon” (sa ConferenceReport, Okt. 1994, 13; o Ensign, Nob. 1994, 12).

• Paulit-ulit na binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng pagigingmapagpasalamat (Mga Taga Colosas 2:7; 3:15, 17). Bakit mahalagangmagpasalamat tayo? Paano natin maipakikita ang pasasalamat sa Ama saLangit at kay Jesucristo sa lahat ng pagkakataon?

4. Hinimok ni Pablo si Filemon na maging mapagpatawad kay Onesimo.

Talakayin ang liham ni Pablo kay Filemon. Anyayahan ang mga miyembro ngklase na basahin nang malakas ang mga piling talata. Ipaliwanag na sumulat si Pablo ng personal na liham kay Filemon, isang miyembro ng Simbahan saColosas, tungkol sa alipin ni Filemon na si Onesimo. Ninakawan ni Onesimo si Pablo at tumakas papuntang Roma, kung saan niya nakilala si Filemon atnagbalik-loob sa Simbahan. Hiniling ni Pablo kay Filemon na patawarin siOnesimo at tanggapin siya bilang kapatid sa ebanghelyo.

• Ano ang malalaman natin tungkol kay Pablo mula sa kanyang liham kayFilemon?

• Paano ipinakita ni Pablo ang paggalang niya sa kalayaan sa pagpili ni Filemon?(Tingnan sa Filemon 1:14.) Paano niya ipinakita ang kanyang pagmamalasakitsa kapakanan ni Onesimo?

• Ano ang matututuhan natin mula sa liham na ito tungkol sa kapangyarihanng ebanghelyo na baguhin ang mga ugnayan ng mga tao? (Tingnan saFilemon 1:16.) Paano naaapektuhan ng ebanghelyo ang inyong pakikipag-ugnayan sa mga taong nakapaligid sa inyo?

Katapusan Magpatotoo tungkol sa kahalagahan ng pagtataglay ng mga katangian nanakatutulong sa atin na maging higit na katulad ni Jesucristo, gaya ng mgabinanggit sa mga liham ni Pablo sa mga taga Filipos, sa mga taga Colosas, at kayFilemon. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin ang Mga TagaFilipos 4:8 at Mga Taga Colosas 3:12–15 at pumili ng isang katangian mula samga talatang iyon na pagsisikapan na taglayin sa linggong ito.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. Mga ugnayan sa pagitan ng mga magulang at mga anak

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang Mga Taga Colosas 3:20–21.

• Sang-ayon kay Pablo, ano ang tungkulin ng isang anak sa kanyang mgamagulang? Ano ang tungkulin ng mga magulang sa isang anak? Paano ninyomapagbubuti ang ugnayan sa pagitan ng mga magulang at mga anak sainyong pamilya?

Aralin 40

223

2. “Naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Colosas 3:24)

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang Mga Taga Colosas 3:23–24.

• Paano natin masusunod ang mga tagubilin ni Pablo sa mga talatang ito?(Tingnan din sa Mateo 25:34–40.) Anong kaibahan ang maaaring ibunga ng saloobing ito sa paraan ng ating paglilingkod?

224

225

Aralin

41“Natapos Ko na ang Aking Takbo”I at II Kay Timoteo; Kay Tito

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na pag-aralan at ituro ang tunay nadoktrina at maging mabubuting halimbawa sa ibang tao.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. I Kay Timoteo 4; II Kay Timoteo 1–4; Kay Tito 1. Inilarawan ni Pablo angmga palatandaan ng lubusang pagtalikod sa katotohanan. Itinuro niyangang pag-aaral at pagtuturo ng tunay na doktrina ay nakatutulong upangmakaiwas sa lubusang pagtalikod sa katotohanan.

b. I Kay Timoteo 4:12. Itinuro ni Pablo na dapat tayong maging “halimbawang mga nananampalataya.”

c. I Kay Timoteo 6; Kay Tito 2–3. Itinuro ni Pablo na dapat tayong“sumunod . . . sa katuwiran” at tanggihan ang kalikuan.

2. Karagdagang pagbabasa: Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sulat ni Pablo,Mga: 1 at 2 Kay Timoteo, Kay Tito,” “Timoteo,” at “Tito,” 234–235.

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, maghanda ng mgapapel na sinulatan ng mga sumusunod na pangungusap, o maghandang isulat ang mga ito sa pisara:

Upang matapos ko ang aking takbo, kailangan kong:Pag-aralan at ituro ang tamang doktrinaMaging halimbawa ng mga nananampalatayasumunod . . . sa katuwiran at tanggihan ang kalikuan.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Gumamit ng iba-ibang materyal at pamamaraan sapagtuturo. Halimbawa, maaari kayong gumamit ng mga larawan o audiovisualna mga materyal, isang kakaibang paraan ng talakayan, o kakaibangpagkakaayos ng mga upuan. Ang iba’t ibang paraan ay makatutulong sapagpapanatili ng interes sa mga aralin. Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit C, Paksa 8, “Pagiging Malikhain sa Silid-aralan,”73–74; at Yunit E, Paksa 12, “Pagtuturo nang may Pagkakaiba-iba,” 117-118,para sa mga materyal at pamamaraan na maaaring angkop para sa inyong mga aralin.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

• Ano ang huling karera (paligsahan) na nilahukan o pinanood ninyo? Ano angkaibahan ng pananalo at pagtapos ng isang mahigpitang karerahan? Ilan ang

Gawaing Pantawag-pansin

mga nananalo sa isang karaniwang paligsahan? Ano ang kailangan ninyonggawin upang manalo?

• Paano katulad ng isang paligsahan ang ating buhay? Paano ito hindi katuladng isang paligsahan? (Lahat ng tao ay maaaring manalo sa “karera” ng buhay.)Ano ang kailangan nating gawin upang matapos nang matagumpay ang karerang buhay?

Hilingan ang isang miyembro ng klase na basahin ang II Kay Timoteo 4:7.(Maaari ninyong naising bigyang-diin na ang isang “karera” ay maaari dingtawaging isang “takbuhan.”) Ipaliwanag na ang Apostol Pablo ay namuhay saparaan na kung saan ay maaari niyang taglayin ang pahayag na ito hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Tinatalakay ng araling ito ang ilang turo ni Pablo na makatutulong sa atin habang nagsisikap tayong tapusin nangmatagumpay ang ating pagtakbo.

Ipakita ang papel na sinulatan ng Upang matapos ko ang aking pagtakbo, kailangankong:

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

Ipaliwanag na sina Timoteo at Tito ay mga pinagkakatiwalaang kasama ni Pablona tumulong sa kanya sa pangangaral ng ebanghelyo. Paglaya ni Pablo sa unaniyang pagkabilanggo sa Roma ay ipinagpatuloy niya ang kanyang mgapaglalakbay bilang misyonero. Iniwan niya sa Efeso si Timoteo upangpangasiwaan ang Simbahan, at iniwan niya sa Creta si Tito na may gayundingtungkulin. Sa pagpapatuloy ni Pablo sa kanyang paglalakbay ay nagsulat siya ngmga liham upang patatagin ang mga kapatid na ito at payuhan sila sa kanilangmga pananagutan bilang mga pastor o pastol sa mga Banal. Ito ang dahilan kungbakit madalas tawagin ang mga liham na ito na liham ng pastor sa kanyangnasasakupan.

1. Pag-aralan at ituro ang tamang doktrina.

Talakayin ang I Kay Timoteo 4; II Kay Timoteo 1–4; at Kay Tito 1. Anyayahan angmga miyembro ng klase na basahin nang malakas ang mga piling talata.

• Anong mga palatandaan ng lubusang pagtalikod sa katotohanan anginilarawan ni Pablo sa kanyang mga liham kina Timoteo at Tito? (Tingnan saI Kay Timoteo 4:1–3; II Kay Timoteo 3:1–7, 13; 4:3–4; Kay Tito 1:10–11.) Paanonakikita ang mga palatandaang ito ng lubusang pagtalikod sa katotohanan sangayon? (Tingnan sa 2 Nephi 28:3–9; Doktrina at mga Tipan 1:15–16.) Paanonatin mapoprotektahan ang ating sarili laban sa mga kasamaang ito?

• Bakit ang ilang tao ay “laging nagsisipag-aral, at kailan pa man ay hindinakararating sa pagkaalam ng katotohanan”? (II Kay Timoteo 3:7). Paano tayomakatitiyak na ang ating pag-aaral ay umaakay sa atin tungo sa kaalaman ngkatotohanan”?

• Ano ang itinuro ni Pablo kay Timoteo tungkol sa pananagutan ng mga taongnangangaral ng ebanghelyo? (Tingnan sa I Kay Timoteo 4:6–7, 13–16; II Kay

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

226

Timoteo 2:16, 23–25; 3:14–17; 4:2, 5. Maaari ninyong naising isulat sa pisaraang mga pananagutang ito.) Anong mga pagkakataon mayroon tayo upangmaituro ang ebanghelyo? (Maaaring kabilang sa mga sagot ang pagtuturo samga miyembro ng pamilya, pagtupad sa mga tungkulin sa Simbahan, atpagtatalakayan tungkol sa ebanghelyo na kasama ang mga kaibigan at kakilala.Bigyang-diin na ang bawat isa sa atin kahit paano ay isang guro ngebanghelyo.) Paano natin mas mabisang maituturo ang ebanghelyo?

• Binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng pagtuturo at pag-aaral ng tamangdoktrina (I Kay Timoteo 1:3; 4:6, 13; Kay Tito 2:1). Paano tayo matutulunganng pag-aaral ng tamang doktrina na makaiwas sa lubusang pagtalikod sakatotohanan? Ano ang ilan sa mga panganib ng mga maling turo? Paanopinagpala ng pag-aaral ng tamang mga doktrina ng ebanghelyo ang inyongbuhay?

Sa pagsasalita tungkol sa kapangyarihan ng tamang doktrina ay ganito angsinabi ni Elder Boyd K. Packer: “Ang tamang doktrina, kapag naunawaan, aynakapagpapabago ng pag-uugali at saloobin. Ang pag-aaral ng mga doktrina ngebanghelyo ay mas mabilis na makapagpapabuti ng pag-uugali kaysa sapagpapabuting magagawa ng pag-aaral ng pag-uugali. . . . Ito ang dahilankung bakit labis nating binibigyan ng diin ang pag-aaral ng mga doktrina ngebanghelyo” (sa Conference Report, Okt. 1986, 20; o Ensign, Nob. 1986, 17).

• Paano tayo makatitiyak na ang itinuturo natin ay tamang doktrina? (Tingnansa Mosias 18:19–20; Doktrina at mga Tipan 52:9.)

Si Elder Joseph B. Wirthlin ay nagpayo na: “Inihayag ng Diyos ang lahat ngbagay na kailangan para sa ating kaligtasan. Dapat nating ituro at talakayinang mga bagay na naihayag at iwasan ang pag-uusisa sa mga tinatawag nabagay na misteryo. Ang payo ko sa mga guro sa Simbahan, nagtuturo man sila sa mga purok at istaka, sa mga institusyon ng Simbahan sa mas mataas napag-aaral, sa mga dalubhasaan ng relihiyon, seminary, o maging bilang mgamagulang sa kanilang mga tahanan, ay ang ibatay ang kanilang mga pagtuturosa mga banal na kasulatan at sa salita ng mga propeta ng mga huling araw” (sa Conference Report, Okt. 1994, 101; o Ensign, Nob. 1994, 77).

• Ano ang ipinayo ni Pablo na gawin natin minsang natanggap natin angmagaling na aral? (Tingnan sa II Kay Timoteo 1:13; Kay Tito 1:9.) Ano sapalagay ninyo ang ibig sabihin ng “kumapit”? (Tingnan sa 1 Nephi 15:23–24.)

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, ipakita ang papel nasinulatan ng Pag-aralan at ituro ang tamang doktrina.

2. “Maging uliran ng mga nagsisisampalataya.”

Basahin at talakayin ang I Kay Timoteo 4:12.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “maging uliran ng mganagsisisampalataya”? (I Kay Timoteo 4:12). Paano kayo naimpluwensiyahanng isang taong naging “uliran ng mga nagsisisampalataya”?

Isulat ang bawat paraan na sinabi ni Pablo kay Timoteo upang maging isanguliran (halimbawa). Hilingin sa mga miyembro ng klase na ilarawan kung paanotayo magiging uliran sa bawat isa sa mga paraan na ito.

Aralin 41

227

SalitaPakikipag-usap (maaaring mangahulugan din ng kilos o pag-uugali)Pag-ibig sa kapwa-taoEspirituPananampalatayaKadalisayan

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, ipakita ang papel nasinulatan ng Maging uliran ng mga nagsisisampalataya.

3. “Sumunod . . . sa katuwiran” at tanggihan ang kalikuan.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa I Kay Timoteo 6 at Kay Tito 2–3.

• Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa pag-ibig sa salapi? (Tingnan sa I KayTimoteo 6:7–10.) Sa anong paraan nagiging “ugat ng lahat ng kasamaan” ang pag-ibig sa salapi? Paano tayo makatitiyak na hindi natin masyadongpinagtutuunan ng pansin ang salapi at ang iba pang materyal na kayamanan?(Tingnan sa I Kay Timoteo 6:17–19; Jacob 2:18–19.)

Itinuro ni Elder Dallin H. Oaks na: “Hindi naman likas na masama ang salapi.Ang ginamit na salapi ng Mabuting Samaritano sa paglilingkod sa kanyangkapwa-tao ay katulad ng salaping ginamit ni Judas sa pagkakanulo sa Guro.Ang ‘pag-ibig sa salapi ang [siyang] ugat ng lahat ng kasamaan.’ (I Kay Timoteo6:10; idinagdag ang pagkakahilig ng mga titik.) Ang malaking kaibahan ay ang antas ng espirituwalidad na pinaiiral sa pagtanaw, pagtimbang, atpangangasiwa ng mga bagay ng daigdig na ito” (sa Conference Report, Okt.1985, 78; o Ensign, Nob. 1985, 63).

• Sa kanyang mga sulat kina Timoteo at Tito ay nagbigay si Pablo ng maramingtagubilin tungkol sa matwid na pamumuhay. Anong payo ang ibinigay niPablo sa sumusunod na mga talata: I Kay Timoteo 6:11–12; II Kay Timoteo2:22; Kay Tito 2:1–8, 12; 3:1–2, 8? (Ibuod sa pisara ang mga sagot ng mgamiyembro ng klase. Talakayin kung ano ang ibig sabihin ng mga tagubiling ito at kung paano maiaangkop ang mga ito sa ating buhay.)

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, ipakita ang papel nasinulatan ng Sumunod . . . sa katuwiran at tanggihan ang kalikuan.

Katapusan Ipaliwanag na alam ni Pablo na hindi magtatagal at papatayin siya dahil sakanyang patotoo tungkol kay Jesucristo. Ngunit alam din niyang dahil saipinamuhay niya ang ebanghelyo, ay “natataan sa [kanya] ang putong nakatuwiran” (II Kay Timoteo 4:8). Magbigay ng patotoo hinggil sa kahalagahan ng paggawa ng tamang mga bagay araw-araw at pananatili sa landas upangmasabi nating tulad ni Pablo na, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka,natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya” (II KayTimoteo 4:7).

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

228

1. Karagdagang talakayan tungkol sa I Kay Timoteo

• Anong payo ang ibinigay ni Pablo tungkol sa panalangin sa I Kay Timoteo2:1–3? Bakit dapat nating ipanalangin ang lahat ng tao? Paano natin itomagagawa nang makabuluhan? Bakit dapat nating ipanalangin nang lubos ang mga pinuno ng mga bansa?

• Sa I Kay Timoteo 3:1–7 ay itinakda ni Pablo ang mga katangian ng isangobispo. Bakit mahalaga ang mga katangiang ito sa isang obispo?

• Ano ang itinuro ni Pablo sa I Kay Timoteo 5:8 tungkol sa pangangalaga saating mga pamilya? Bakit sa palagay ninyo madiin ang pagsasalita ni Pablolaban sa mga hindi tumutupad sa pananagutang ito?

2. “Hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan” (II Kay Timoteo 1:7)

Hilingan ang isang miyembro ng klase na basahin ang II Kay Timoteo 1:7.

• Ano ang ilang mga bagay na kinatatakutan ng mga tao sa mundo sa ngayon?Anong katiyakan ang ibinigay ni Pablo kay Timoteo hinggil sa “espiritu ngkatakutan”? Paano ninyo napatunayan na totoo ang pangakong ito sa inyongsariling buhay?

3. Pagiging mabubuting empleyado

Basahin at talakayin ang Kay Tito 2:9–10.

• Paano naaangkop sa mga empleyado ang payo ni Pablo sa mga alipin sa mgatalatang ito? (Bigyang-diin na ang ibig sabihin ng mangagdaya ay magnakaw omaling paglalaan ng salapi.) Paano kung minsan ninanakawan ng empleyadoang kanilang amo? (Maaaring kabilang sa mga sagot ang paglulustay ng salapi,pagkuha ng mga gamit ng opisina para sa sariling paggamit, o hindipagtatrabaho nang sapat sa maghapon.)

• Ano ang sinabi ni Pablo na dapat nating gawin sa halip na mandaya?(Magpakita ng “buting pagtatapat,” o maging matapat at mapagkakatiwalaan.)Ano na ang nakita ninyong ibinunga ng pagpapakita ng “buting pagtatapat”sa pinagtatrabahuhan?

Aralin 41

229

230

Aralin

42“Dalisay na Relihion”

Santiago

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan ang mga katangian nadapat nating taglayin upang maipamuhay nang lubusan ang ating relihiyon.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang mga sumusunod na banal nakasulatan:

a. Santiago 1:1–4; 5:10–11. Itinuro ni Santiago na dapat nating pagtiisan nangbuong tiyaga ang kahirapan.

b. Santiago 1:5–7; 4:8. Itinuro ni Santiago na dapat tayong manalangin saDiyos nang may pananampalataya.

c. Santiago 1:19–20, 26; 3:2–18. Itinuro ni Santiago na dapat nating pigilanang ating mga dila at “magmakupad sa pagkagalit.”

d. Santiago 1:22–25, 27; 2:14–26; 4:17. Itinuro ni Santiago na dapat tayongmaging “tagatupad . . . ng salita,” na ipinakikita ang ating pananampalatayasa pamamagitan ng ating mga gawa.

2. Karagdagang Pagbabasa: Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Santiago, Kapatidng Panginoon” 225–226.

3. Mungkahi sa pagtuturo: “Ituro na mayroong personal na komunikasyon mulasa Diyos at patungo sa Diyos. Tulungan ang bawat indibiduwal na maunawaankung paano manalangin nang karapat-dapat at kung paano makatatanggap at makakikilala ng mga sagot mula sa Diyos” (Richard G. Scott, “FourFundamentals for Those Who Teach and Inspire Youth,” sa CES Old TestamentSymposium Speeches, 1987 [1987], 3).

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Isulat sa pisara ang Dalisay na Relihiyon, at itanong ang mga sumusunod:

• Ano ang ibig sabihin ng salitang dalisay? (Maaaring kabilang sa mga sagot ang tunay, totoo, kumpleto, at perpekto.) Ano ang ibig sabihin ng relihiyon?(Maaaring kabilang sa mga sagot ang paglilingkod at pagsamba sa Diyos, isangsistema ng mga pinaniniwalaan at kaugalian, at tapat na pangako o debosyonsa isang partikular na paraan ng pamumuhay.)

• Paano ninyo ipaliliwanag ang dalisay na relihiyon?

Hilingan ang isang miyembro ng klase na basahin ang Santiago 1:27. Ipaliwanagna tinatalakay ng araling ito kung paano natin maisasagawa ang mga turo ni Santiago upang matulungan tayong ipamuhay ang “dalisay na relihion” at maging “walang dungis sa harapan ng ating Dios.”

Gawaing Pantawag-pansin

Habang tinatalakay ninyo ang mga turo sa aklat ni Santiago, ilista ang mga ito sa pisara sa ilalim ng pamagat na Dalisay na relihiyon. Talakayin kung paanomakatutulong sa atin ang bawat konsepto na itinuro ni Santiago upangmaipamuhay ang isang dalisay na relihiyon.

Ipaliwanag na ang sumulat ng aklat ni Santiago ay karaniwang iniisip na siyangkapatid na lalaki ni Jesucristo. Pagkatapos na mabuhay na mag-uli si Jesucristo, si Santiago ay naglingkod bilang Apostol at isang mahalagang pinuno ngsinaunang Simbahan (Mga Gawa 12:17; 15:13–20).

1. Dapat nating pagtiisan nang may pagtitiyaga ang kahirapan.

Basahin at talakayin ang Santiago 1:1–4; 5:10–11.

• Ano ang itinuro ni Santiago tungkol sa pagharap sa mga pagsubok ng atingpananampalataya? (Tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Santiago 1:2 na nagpapakita na ang pariralang sari-saring tukso ay binago at ginawangmaraming paghihirap.) Paano makatutulong sa atin ang mga pagsubok sapagkakaroon natin ng pagtitiis? Paano tayo nabibiyayaan kapag buongpagtitiis nating pinagtitiisan ang mga kahirapan? (Tingnan sa Santiago 1:4;Mga Taga Roma 5:3–5; Alma 36:3.)

Isinulat ni Elder Orson F. Whitney na: “Wala tayong sakit na tinitiis, walangtayong pagsubok na dinaranas na nasasayang lamang. Nakadaragdag ito sa ating edukasyon, sa pagkakaroon ng mga katangiang tulad ng pagtitiis,pananampalataya, katatagan ng loob, at kabaang-loob. Ang lahat ng atingnararanasan at pinagtitiisan, lalo na kapag pinagtitiisan natin ito nang buongtiyaga ay nagpapatatag sa ating pagkatao, nagpapadalisay sa ating mga puso,nagpapalawak sa ating kaluluwa, at ginagawang tayong mas maawain atmapagmahal sa kapwa tao, higit na karapat-dapat na tawaging mga anak ngDiyos” (sinipi sa Spencer W. Kimball, Faith Precedes the Miracle, [1972], 98).

• Sino ang binanggit ni Santiago na mabubuting halimbawa ng pagtitiis sakahirapan? (Tingnan sa Santiago 5:10–11.) Paano ninyo nakita sa mga propetang mga huling araw ang pagtitiis na ito? Paano nakatulong sa inyo angkanilang halimbawa?

2. Dapat tayong manalangin sa Diyos nang may pananampalataya.

Basahin at talakayin ang Santiago 1:5–7 at 4:8.

• Anong payo ang ibinigay ni Santiago sa mga “nagkukulang ng karunungan”?(Tingnan sa Santiago 1:5–6.) Ano ang gagawin ng Ama sa Langit kung hihilingtayo nang may pananampalataya? Ano ang mga naging karanasan ninyo sapagtanggap ng mga kasagutan sa panalangin?

• Paano naimpluwensiyan si Propetang Joseph Smith ng payo na nasa Santiago1:5? (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:11–13.) Ano ang matututuhannatin mula sa kanyang karanasan? Paano nakaaapekto sa atin ang pasiya niJoseph na sundin ang payo sa Santiago 1:5? (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:14–20.)

Sinabi ni Pangulong Spencer W. Kimball na: “Dahil nagpunta ang labing-apatna taong gulang na batang lalaki sa kakahuyan upang manalangin, tulad ngpagkabasa niya sa mga banal na kasulatan, . . . dahil ipinamuhay niya ang mga

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

231

paghahayag mula sa kaitaasan, ay nasa atin sa ngayon Ang Simbahan niJesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nasa atin lahat ang biyaya nalubos ng makapagpapaligaya sa atin sa buong daigdig, dahil nagpunta sakakahuyan ang isang batang lalaki na labing-apat na taong gulang upangmanalangin” (sa Conference Report, Melbourne Australia Area Conference1976, 23).

Kung kabataan ang inyong tinuturuan, magpatotoo na ang paghiling sa Diyosnang may pananampalataya at ang pagtanggap ng karunungan ay hindilimitado sa edad o sa iba pang mga kalagayan. Si Joseph Smith ay 14 na taonggulang nang subukin niyang gawin ang mga salita ni Santiago at natanggapang Unang Pangitain. Siya ay 17 taong gulang nang dalawin siya ng anghel nasi Moroni at ihayag kung saan nakatago ang mga laminang ginto.

• Paano inilarawan ni Santiago ang mga nananalangin nang walangpananampalataya? (Tingnan sa Santiago 1:6–7.) Ano ang maaari nating gawinupang palakasin ang ating pananampalataya?

• Itinuro ni Santiago na, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo”(Santiago 4:8). Paano tayo mas inilalapit sa Dios ng taos-pusong panalangin?

3. Dapat nating pigilan ang ating dila at “magmakupad sa pagkagalit.”

Talakayin ang Santiago 1:19–20, 26; 3:2–18. Anyayahan ang mga miyembro ngklase na basahin nang malakas ang mga piling talata.

• Itinuro ni Santiago na dapat tayong “magmaliksi sa pakikinig, magmakupad sa pananalita” (Santiago 1:19). Anong mga karanasan sa inyong buhay angnakapagpatibay sa karunungan ng payo na ito? Paano tayo magiging higit na mabuting tagapakinig at mas maalalahaning tagapagsalita?

• Itinuro din ni Santiago na dapat tayong “magmakupad sa pagkagalit”(Santiago 1:19). Ano ang ilang nagiging bunga ng pagsasalita o pagkilos nanggalit? Anong mga karanasan sa inyong buhay ang nagpatibay sa karununganng payo ni Santiago? Paano natin mapaglalabanan o mapipigilan angdamdamin ng pagkagalit?

• Itinuro ni Santiago na dapat nating pigilin ang ating dila (Santiago 1:26). Anoang layon ng preno sa kabayo? (Upang magabayan at makontrol ang kabayo.)Paano natin maisasagawa ang payo ni Santiago na “pigilan” natin ang atingdila? (Tingnan sa Santiago 4:11. Maaaring kabilang sa mga sagot ang pag-iwassa tsismis, kasinungalingan, pakikipag-away, pagmumura, at mga galit nasalita. Sa halip, dapat nating gamitin ang ating dila na maging magalang,pagsasabi ng katotohanan, pananalangin, at paglikha ng kapayapaan.)

• Basahin ang Santiago 3:3–5. Sa ano inihambing ni Santiago ang dila sa mgatalatang ito? (Sa pangkagat sa preno ng kabayo, at sa ugit ng daong. Maaarininyong naising ipaliwanag na ang pangkagat ay ang bakal na bahagi ngpreno na ipinapasok sa bibig ng kabayo.) Ano ang matututuhan natin mula sa mga paghahambing na ito? Paano makatutulong sa atin na kontrolin angibang aspeto ng ating buhay ang pagkatutong kontrolin ang ating mga salita?

• Basahin ang Santiago 3:9–13. Ano ang itinuro ni Santiago sa mga talatang itotungkol sa pagpigil sa ating mga pananalita? (Talakayin ang mga pagsasagawang payong ito sa mga miyembro ng klase. Halimbawa, kung may saserdote sa

232

mga miyembro ng klase, maaari ninyong talakayin ang kahalagahan ngpagpapanatiling malinis ng kanilang pananalita sa buong linggo upangmaging karapat-dapat sila na magbasbas ng sakramento sa Linggo. Maaaringgawin din ang gayong pagsasagawa ng mga nagtuturo ng ebanghelyo.)

• Paano nakatutulong sa pagkakaroon ng kapayapaan ang pagpigil sa ating dila?(Tingnan sa Santiago 3:16–18.) Bakit mahalagang bahagi ng dalisay narelihiyon ang pagpipigil sa ating mga dila?

4. Dapat tayong maging “mga tagatupad ng salita,” sa pamamagitan ngpagpapakita ng ating pananampalataya sa ating mga gawa.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Santiago 1:22–25, 27; 2:14–26;4:17.

• Ano ang ibig sabihin ng maging “mga tagapakinig lamang” ng salita?(Santiago 1:22). Sa anong paraan dinadaya ng “mga tagapakinig lamang” angkanilang sarili? (Tingnan sa Santiago 1:22–25; 4:17.) Ano ang mga pagpapalang pagiging “mga tagatupad ng salita”?

• Ano ang itinuro ni Santiago tungkol sa kaugnayan ng pananampalataya atmga gawa? (Tingnan sa Santiago 2:14–26.) Bakit patay ang pananampalatayana walang gawa? Paano pinalalakas ng mabubuting gawa ang atingpananampalataya kay Jesucristo?

• Ano ang binigyang-diin ni Santiago na dapat nating gawin upang ipamuhayang dalisay na relihiyon? (Tingnan sa Santiago 1:27 o ipaalala sa mgamiyembro ng klase ang gawaing pantawag-pansin.) Bakit sa palagay ninyobahagi ng dalisay na relihiyon ang pagdalaw at pagtulong sa mga taongnangangailangan?

• Ano ang maaari nating gawin upang manatiling “walang dungis ang sarili . . .sa sanglibutan” (Santiago 1:27; tingnan sa Doktrina at mga Tipan 59:9). Paanonakatutulong sa atin na ating mapanatiling walang dungis ang ating sarili sasanglibutan ang pagdalo sa simbahan at pagtanggap ng sakramento?

Katapusan Magpatotoo tungkol sa katotohanan ng mga turo ni Santiago. Bigyang-diin na maaari nating ipamuhay nang higit pang dalisay ang ating relihiyon sapamamagitan ng pagiging matiisin sa mga pagsubok, pananalangin sa Diyosnang may pananampalataya, pagdisiplina sa ating mga sarili at paggawa ngmabubuting bagay.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. Mga pagtatanghal ng mga miyembro ng klase

Isang linggo bago ituro ang araling ito ay hilingan ang limang miyembro ngklase na pag-aralan ang magkakaibang kabanata sa Santiago. Sa pagsisimula ngklase (pagkatapos na pagkatapos ng gawaing pantawag-pansin, kung ginamitninyo ito), ipabahagi sa mga taong ito ang kanilang mga ideya tungkol sa mgakabanatang kanilang pinag-aralan.

Aralin 42

233

2. Pagpapalabas ng video

Basahin ang Santiago 1:27 at pagkatapos ay ipalabas ang “The Body Is a Temple,isang anim na minutong yugto mula sa New Testament Video Presentations(53914). Talakayin kung ano ang itinuturo ng pagtatanghal na ito ng videotungkol sa pagpapanatiling walang dungis ng ating sarili sa sanglibutan.

3. Karagdagang talakayan tungkol sa aklat ni Santiago

• Sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Santiago 1:12, ang salitang nagtitiis aypinalitan ng salitang lumalaban. Ano ang pagkakaiba ng pagtitiis ng tukso at paglaban sa tukso? Ano ang mga pangako sa mga lumalaban sa tukso?(Tingnan sa Santiago 1:12; 4:7.)

• Ano ang itinuro ni Santiago tungkol sa paghatol sa iba? (Tingnan sa Santiago2:1–9.) Bakit hinuhusgahan ng ilang tao ang iba sa pamamagitan ng kanilangmga katayuan sa lupa o materyal na ari-arian? Paano natin matututuhanghindi tingnan ang panlabas na kaanyuan ng tao at sa halip ay tingnan angkanyang puso, tulad ng ginagawa ng Diyos? (Tingnan sa I Samuel 16:7;Doktrina at mga Tipan 38:24–27.)

• Ano ang itinuro ni Santiago tungkol sa mga epekto ng pag-iimbot atpagnanasa? (Tingnan sa Santiago 3:16; 4:1–6.) Paano natin mapaglalabananang damdamin ng pag-iimbot o pagnanasa? (Tingnan sa Santiago 4:7–10.)

• Ano ang itinuro ni Santiago tungkol sa pangangasiwa sa mga maysakit?(Tingnan sa Santiago 5:14–15.) Paano kayo pinagpala o kaya ay nakitaninyong pinagpala ang iba sa pamamagitan ng kapangyarihan ngpagkasaserdote na magpagaling?

• Binigyang-diin ni Santiago ang kahalagahan ng pagtulong sa mga taong“nalilihis sa katotohanan” (Santiago 5:19–20). Paano natin magagawa ito?

234

235

Aralin

43“Isang Lahing Hirang”

I at II Ni Pedro; Judas

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na mamuhay sa kabanalan at magingisang lahing hirang.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. I Ni Pedro 1; 2:1–10. Itinuro ni Pedro na kailangan nating magkaroon ng pananampalataya at mamuhay sa kabanalan. Itinuro niya na ang mga Banal ay isang lahing hirang, na tinawag upang ipakita ang mga pagpuri ng Tagapagligtas.

b. I Ni Pedro 2:19–24; 3:13–17; 4:12–19. Itinuro ni Pedro na kailangan natingsundan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagbabata ng mga pagsubok atpag-uusig.

c. II Ni Pedro 1. Hinikayat tayo ni Pedro na makibahagi tayo sa kabanalangmula sa Diyos at pagsikapang mabuti na mangapanatag tayo sa pagkatawagat pagkahirang sa atin.

d. II Ni Pedro 2–3; Judas. Sina Pedro at Judas ay nagbabala laban sa mgabulaang guro at sa mga nagtatatuwa sa Ikalawang Pagparito. Hinikayat nilaang mga tagasunod ni Cristo na manatiling matapat.

2. Karagdagang pagbabasa: I Ni Juan 3:2–3; 3 Nephi 12:48; Doktrina at mga Tipan122:7–8.

3. Mungkahi para sa pagtuturo: Pag-aralang mabuti ang bawat aralin upangmaituro ito nang hindi madalas na tumitingin sa manwal. Kapag alam ninyoang inyong materyal ay makatitingin kayo sa mga mata ng mga miyembro ng klase habang kayo ay nagtuturo. Ang palagiang pagtingin sa mata aynakapagpapabuti sa pakikilahok at pag-uugali ng mga miyembro ng klase atnakatutulong sa pagpapahiwatig ninyo sa kanila ng inyong pagmamahal atpagmamalasakit. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin,Yunit E, Paksa 17, “Panatilihin ang Pagtingin sa Mata,” 131–133.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ibahagi ang sumusunod na kuwento na isinalaysay ni Obispo Vaughn J.Featherstone:

“Maraming taon na ang nakalilipas nang marinig ko ang kuwento tungkol saanak ni Haring Louis XVI ng Pransiya. Si Haring Louis ay inalis sa kanyang tronoat ikinulong. Ang kanyang batang anak na lalaki, ang prinsipe, ay tinangay ng

Gawaing Pantawag-pansin

mga nagpaalis sa hari sa trono. Inakala nila na dahil sa ang anak ng hari angmagmamana ng kaharian, at kung masisira nila ang kanyang pagkatao, ay hindina niya kailanman malalaman ang dakila at magiting na hinaharap naipinagkaloob sa kanya ng buhay.

“Siya ay dinala sa isang malayong pamayanan, at doon ay inilantad nila angbatang lalaki sa lahat ng uri ng masama at kasuklam-suklam na bagay namaiaalok ng buhay. . . . Siya ay pinakitunguhan nang ganito sa loob ng anim na buwan—ngunit ni minsan ay hindi napatukso ang batang lalaki. Sa bandanghuli, makaraan ang matitinding tukso, siya ay tinanong nila. Bakit hindi siyanapatukso sa mga bagay na ito—bakit hindi siya tumikim? Ang mga bagay na itoay makapagdudulot ng kasiyahan, makapagbibigay kasiyahan sa kanyang mgapagnanasa, at kanais-nais ang mga ito; ang lahat ng ito ay sa kanya. Ang sabi ngbatang lalaki ay, ‘Hindi ko magagawa ang ipinagagawa ninyo dahil isinilang akoupang maging isang hari’ ” (“The King’s Son,” New Era, Nob. 1975, 35).

Ganito ang naging puna ni Obispo Featherstone:

“Ang ating Ama ay isang hari, at tulad ng anak ng hari na nalantad sa bawatkasuklam-suklam at tiwaling bagay sa buhay, ay gayundin naman na malalantadkayo sa napakaraming kasamaan at kababaan ng pagkatao ng ating salinlahi.Ngunit kayo . . . ay isinilang din upang maging mga hari at reyna, mga lalaki at babaeng saserdote” (New Era, Nob. 1975, 35).

• Ano ang ating potensiyal bilang mga espiritung anak ng ating Ama sa Langit?Paano maimpluwensiyahan ng kaalaman tungkol sa ating banal na potensiyalang paraan ng ating pamumuhay?

Bigyang-diin na bilang mga anak ng ating Ama sa Langit, tayo ay maaaringmaging katulad niya at maaari nating manahin ang lahat ng mayroon siya. Ang mga liham nina Pedro at Judas ay nag-aalok ng mahahalagang turo namakatutulong sa atin upang mamuhay nang karapat-dapat bilang mga anak ng Diyos.

Buong panalanging piliin ang mga talata ng banal kasulatan, tanong, at iba pangmateryal sa aralin na pinakamainam na makatutugon sa mga pangangailanganng mga miyembro ng klase. Talakayin kung paano naaangkop ang mga banal nakasulatang ito sa pang-araw-araw na buhay. Himukin ang mga miyembro ngklase na magbahagi ng mga karanasan na may kaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Mamuhay nang may pananampalataya at kabanalan bilang isang lahinghirang.

Talakayin ang I Ni Pedro 1 at 2:1–10. Anyayahan ang mga miyembro ng klase nabasahin ang mga piling talata.

• Ano ang itinuro ni Pedro sa kabanata 1 tungkol sa misyon ni Jesucristo?(Tingnan sa I Ni Pedro 1:3–4, 18–21.) Paano dapat makaapekto sa ating pang-araw-araw na kilos ang kaalaman tungkol sa misyon at sakripisyo ngTagapagligtas? (Tingnan sa I Ni Pedro 1:8, 13–16, 22–23; 2:5. Maaari ninyongnaising isulat sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase.)

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

236

• Bakit “lalong mahalaga kaysa ginto” ang pananampalataya, tulad ng sinabi niPedro? (Tingnan sa I Ni Pedro 1:7; Sa Mga Hebreo 11:6; 1 Nephi 7:12.) Ano sapalagay ninyo ang ibig sabihin ng pagsubok sa ating pananampalataya sapamamagitan ng apoy? Ano ang pinakalayunin ng ating pananampalataya?(Tingnan sa I Ni Pedro 1:5, 9.)

• Itinuro ni Pedro na ang mga propetang nagpatotoo hinggil kay Jesucristo ay“nagsikap at nagsiyasat na maigi” (I Ni Pedro 1:10; tingnan din sa talata 11).Paano mapalalakas ng masigasig na panalangin at pag-aaral ng banal nakasulatan ang ating mga patotoo tungkol sa Tagapagligtas?

• Sino ang lahing hirang na binanggit ni Pedro? (Tingnan sa I Ni Pedro 2:9–10 atang siping-banggit sa ibaba.) Ano ang ating pananagutan bilang isang lahinghirang? (Tingnan sa I Ni Pedro 2:9.) Paano natin matutupad angpananagutang ito? (Tingnan sa Mateo 5:16.)

Inilarawan ni Elder Bruce R. McConkie ang lahing hirang bilang, “hindi sila mga taong nabubuhay sa isang partikular na kapanahunan, kundi . . . angsambahayan ni Israel noong sinauna, sa kalagitnaan ng panahon, at sangayong mga huling araw. . . . [Kabilang dito] ang matatapat na miyembro ngSimbahan na tinaglay sa kanilang sarili ang pangalan ni Cristo at inampon sakanyang pamilya” (Doctrinal New Testament Commentary, 3 tomo [1966–73],3:294).

2. Sundan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagtitiis ng mga pagsubok atpag-uusig.

Basahin at talakayin ang I Ni Pedro 2:19–24; 3:13–17; 4:12–19.

• Isinulat ni Pedro na si “Cristo . . . ay nagbata dahil sa inyo [atin], na kayo’y[tayo] iniwanan ng halimbawa” (I Ni Pedro 2:21). Ano ang maaari natinggawin upang masundan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagtugon sa mga pagsubok at pag-uusig? (Tingnan sa I Ni Pedro 2:19–23.) Anong mgahalimbawa ang nakita ninyo sa mga taong tulad ni Cristo sa pagbabata ng mga pagsubok? Paano tayo pinagpapala sa pagsunod natin sa halimbawa ngTagapagligtas sa pagtugon sa mga pagsubok?

• Kailan kayo (o ang isang kakilala ninyo) pinag-usig dahil sa pagsunod sakalooban ng Panginoon? Paano tayo pinayuhan ni Pedro na tumugon sagayong mga kalagayan? (Tingnan sa I Ni Pedro 3:13–17; 4:12–19. Maaarininyong naising isulat sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase.) Sa anong mga paraan tayo binibigyan ng pagkakataon ng mga pagsubok namaging mas malapit sa Panginoon at luwalhatiin siya?

3. Makibahagi tayo sa kabanalang mula sa Diyos at pagsikapangmangapanatag tayo sa pagkatawag at pagkahirang sa atin.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa II Ni Pedro 1.

• Aling mga katangian ang inilarawan ni Pedro na bahagi ng kabanalang mulasa Diyos? (Tingnan sa II Ni Pedro 1:4–7. Isulat ang mga katangian sa pisara.)Bakit mahalagang taglayin natin ang mga katangiang ito? (Tingnan sa II NiPedro 1:8.) Paano ninyo nakita ang mga katangiang ito sa ibang tao?

Aralin 43

237

• Hinikayat ni Pedro ang mga Banal na “pagsikapan [ninyo] na mangapanatag[kayo] sa pagkatawag at pagkahirang [sa inyo]” (II Ni Pedro 1:10). Ano ang ibigsabihin ng mapanatag sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo? (Tanggapin mulasa Diyos ang katiyakan o pangako ng kadakilaan sa kahariang selestiyal. Ang isang tao na panatag sa pagkatawag at pagkahirang sa kanya ay nalalamanna siya ay “ibinuklod sa buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ngpaghahayag at ng diwa ng propesiya” [Doktrina at mga Tipan 131:5].Tinanggap ni Joseph Smith ang pangakong ito mula sa Panginoon, tulad ngnakatala sa Doktrina at mga Tipan 132:49.)

• Ano ang kailangan nating gawin upang matiyak ang ating pagkatawag atpagkahirang?

Itinuro ni Propetang Joseph Smith na: “Matapos magkaroon ng pananampalatayaang isang tao kay Cristo, magsisi ng kanyang mga kasalanan, at mabinyagan parasa ikapagpapatawad ng kanyang mga kasalanan, at matanggap ang Espiritu Santo(sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay), . . . sa gayon patuloy siyangmagpakumbaba sa harapan ng Diyos, na nauuhaw at nagugutom sa kabutihan, at nabubuhay sa bawat salita ng Diyos, at hindi magtatagal ay sasabihin sa kanyang Panginoon na, Anak, ikaw ay tatanggap ng kadakilaan. Kapag lubusan nasiyang nasubukan ng Panginoon, at napagtantong buo ang kalooban ng tao na maglingkod sa Kanya sa kabila ng mga panganib, kung magkagayon aymaseseguro ng tao ang katiyakan ng kanyang pagkatawag at pagkahirang”(Teachings of the Prophet Joseph Smith, pinili ni Joseph Fielding Smith [1976], 150).

4. Iwasan ang mga bulaang guro at ang mga nagtatatuwa sa IkalawangPagparito.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa II Ni Pedro 2–3 at Judas.Ipaliwanag na si Judas ay anak nina Jose at Maria at kapatid ni Jesus.

• Sina Pedro at Judas ay nagbabala na magkakaroon ng mga bulaang guro sakalipunan ng mga miyembro ng Simbahan. Ayon sa kanila ano ang ilan samga katangian ng mga huwad na guro? (Tingnan sa II Ni Pedro 2:1–3, 10,12–19; Judas 1:4, 8, 10–13, 16, 18–19.) Paano natin makikilala ang mga huwad na guro sa ngayon?

• Anong payo ang ibinigay nina Pedro at Judas na makatutulong sa atin upangmaiwasan ang mga huwad na turo at manatiling matapat habang naghahandatayo para sa Ikalawang Pagparito? (Tingnan sa II Ni Pedro 3:11–14, 17–18;Judas 1:3, 20–21; tingnan din sa Moroni 7:12–17; Doktrina at mga Tipan45:57; 46:7–8.)

Katapusan Patotohanan ang mga katotohanang inyong tinalakay. Himukin ang mgamiyembro ng klase na sundin ang mga turo nina Pedro at Judas habang sinisikapnilang mamuhay nang may pananampalataya at kabanalan.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o ang dalawang ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

238

1. Karagdagang talakayan ng I Ni Pedro

• Sa I Ni Pedro 1, anong mga paghahambing ang ginawa ni Pedro sa pagitan ng nasisira o naglalaho at sa hindi nasisira o walang katapusan? (Tingnan sa INi Pedro 1:4, 7, 18–19, 23–25. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga miyembrong klase sa ilalim ng dalawang pamagat na: Nasisira o Naglalahoat Hindi Nasisira o Walang Katapusan.) Ano ang matututuhan natin mula samga paghahambing na ito?

• Itinuro ni Pedro na si Jesus ay “nakilala [naordenan] nga nang una bagoitinatag ang sanglibutan” upang maging Tagapagligtas (I Ni Pedro 1:20;tingnan din sa Apocalipsis 13:8). Bakit mahalaga ang katotohanang ito? Ano ang idinaragdag ng mga banal na kasulatan na inihayag sa mga hulingaraw sa ating pang-unawa tungkol sa pagkaordena noon pa ng Tagapagligtas?(Tingnan sa Moises 4:1–4; Abraham 3:27–28.)

• Anong payo ang ibinigay ni Pedro tungkol sa mga batas ng lupain? (Tingnansa I Ni Pedro 2:13–15.) Anong payo ang inihayag ng Panginoon sa mga hulingaraw tungkol sa mga batas ng lupain? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan58:21–22; 98:4–10; 134:5; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:12.)

• Ano ang itinuro ni Pedro tungkol sa gawain ng pangangaral ng ebanghelyo samga patay? (Tingnan sa I Ni Pedro 3:18–20; 4:6.) Kailan nagpunta si Jesus sadaigdig ng mga espiritu upang ayusin ang pangangaral ng ebanghelyo sa mgapatay? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:27.) Bakit niya ginawa ito?(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:29–37.) Ano ang inihahayag ngministeryo ng Tagapagligtas sa daigdig ng mga espiritu tungkol sa gawain ngDiyos? (Maaaring kabilang sa mga sagot ang dahil sa perpektong katarungan at awa ng Diyos, ang lahat ng tao na nabuhay sa mundo ay magkakaroon ngpagkakataong tanggapin ang ebanghelyo at tamasahin ang kaganapan ng mgapagpapala nito.)

• Anong payo ang ibinigay ni Pedro sa mga pinuno ng Simbahan sa I Ni Pedro5:1–4? Paano magagawa ng mga pinuno ng Simbahan na “pangalagaan angkawan ng Diyos”? (I Ni Pedro 5:2; tingnan sa II Ni Pedro 1:12–15; Doktrina atmga Tipan 42:12–14). Paano kayo napagpala ng mga pinuno ng Simbahan nanakasunod sa payong ito?

2. “Alinmang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sarilingpagpapaliwanag” (II Ni Pedro 1:20)

• Basahin ang II Ni Pedro 1:20–21. Ano ang itinuro ni Pedro sa mga talatang itotungkol sa pinagmulan ng mga banal na kasulatan? Ano ang itinuro ni Pedrotungkol sa pagpapakahulugan sa mga banal na kasulatan? Paano natinmatitiyak na tama ang pagpapakahulugan natin sa mga banal na kasulatan?(Maaaring kabilang sa mga sagot ang paghahangad ng may inspirasyongpagpapakahulugan ng mga pinuno ng Simbahan at sa pamamagitan ngpaghahangad ng patnubay ng Espiritu Santo.) Paano nakatulong sa inyo angmga turo ng Simbahan o ang patnubay ng Espiritu upang maunawaan angisang partikular na banal na kasulatan?

Aralin 43

239

240

Aralin

44“Ang Dios ay Pag-ibig”

I, II, at III Juan

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan kung paano ipinapakitang Ama at ng Anak ang kanilang pagmamahal sa atin at kung paano natin dapatipakita ang ating pagmamahal sa kanila.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang mga sumusunod na banal nakasulatan:

a. I Ni Juan 2:28–29; 3:1–2; 4:7–19; 5:1, 11–15. Itinuro ni Juan na ipinapakitang Ama sa Langit ang kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ngpaglalaan ng paraan upang tayo ay maging katulad niya at magmana ngbuhay na walang hanggan.

b. I Ni Juan 1:7–9; 2:1–2; 3:5–8, 16; 5:11–13. Itinuro ni Juan na ipinakita ni Jesus ang kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ng kanyangpagbabayad-salang sakripisyo, na nagpapahintulot sa atin na magingkatulad tayo ng ating Ama sa Langit.

c. 1 Juan 2:3–17; 3:9–24; 4:4–21; 5:1–10; II Ni Juan; III Ni Juan. Itinuro ni Juanna ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa ating Ama sa Langit at kayJesucristo sa pamamagitan ng ating pagkamasunurin at ating pagmamahalsa bawat isa.

2. Karagdagang pagbabasa: Moroni 7:48; Doktrina at mga Tipan 45:3–5.

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, magdala ng isanglarawan ng pamilya o isa sa sumusunod na mga larawan: A Family WorkingTogether (62313); Family Fun (62384); o Family Togetherness (Gospel ArtPicture Kit 616).

4. Mungkahi sa pagtuturo: “Ang pagmamahal, pagmamalasakit, katapatan satungkulin, hindi pagiging makasarili, pag-aaral ng banal na kasulatan, atpanalangin ang nagbibigay ng espirituwal na pundasyon sa inyong pagtuturo.Ang pagsasama-sama ng mga elementong ito sa paghahanda ninyo ng mgaaralin ay tutulong sa inyo upang malikha ang mga aralin nang espirituwal sainyong puso at isipan bago ninyo ituro ang mga ito sa mga miyembro nginyong klase” (Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Paunang Salita,talata 6, (iii).

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ipakita ang larawan ng isang pamilya.

Gawaing Pantawag-pansin

• Ano ang ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng mga magulang ng kanilangpagmamahal sa kanilang mga anak? Paano ipinapakita ng mga anak angkanilang pagmamahal sa kanilang mga magulang at kapatid?

• Sa anong paraan tayong lahat ay miyembro ng iisang pamilya?

Paalalahanan ang mga miyembro ng klase na bilang karagdagan sa pagigingkabilang sa isang pamilya sa lupa, ang bawat isa sa atin ay espiritung anak nalalaki o babae ng ating Ama sa Langit, na nagmamahal sa atin at nagnanais napagpalain tayo. Sa kanyang mga liham ay paulit-ulit na binigyang-diin ni Juankung paano ipinapakita ng Ama at ng Anak ang kanilang pagmamahal sa atin at kung paano natin maipapakita ang ating pagmamahal para sa kanila.

Habang itinuturo ninyo ang sumusunod na mga talata ng banal na kasulatan,talakayin kung paano naaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.Himukin ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan na maykaugnayan sa mga alituntunin ng banal na kasulatan.

1. Mga pagpapahiwatig ng pamamahal ng Ama sa Langit para sa atin

Talakayin ang mga talatang nakalista sa ibaba. Maaari ninyong naising ibuod sapisara ang talakayan sa pamamagitan ng pagsusulat dito ng mga pagpapakita ngpag-ibig ng Diyos.

• Kung gagamit kayo ng isang salita upang ilarawan ang Ama sa Langit, anokaya ang salitang ito? Anong salita ang ginamit ni Juan upang ilarawan angAma sa Langit sa I Ni Juan 4:8, 16? Bakit angkop ang salitang ito?

• Basahin ang 1 Juan 3:1–2. Anong pagpapahiwatig ng pag-ibig ng Diyos angbinanggit ni Juan sa mga talatang ito? (Tatawagin tayo ng Diyos na kanyangmga anak [na lalaki] at gagawin tayong tulad ni Cristo—niluwalhati, dinakila,at kasamang tagapagmana [ni Cristo]; tingnan din sa Mga Taga Roma 8:14–17.)Ano ang kailangan nating gawin upang matawag na mga anak [na lalaki] ngDiyos? (Tingnan sa I Ni Juan 2:28–29; 4:7; 5:1; Mga Taga Galacia 3:26–27;Mosias 5:5–9; Moroni 7:48. Ipaliwanag na samantalang tayong lahat ay mgaespiritung anak ng Diyos, ang gamit ng salitang “mga anak [na lalaki] ngDiyos” sa I Ni Juan 3:1–2 ay tumutukoy sa mga nagtataglay ng pangalan niCristo sa pamamagitan ng pagpapabinyag at gumagalang sa kanyang pangalansa pamamagitan ng pananampalataya at kabutihan.)

• Basahin ang I Ni Juan 4:9–10. Anong pagpapahiwatig ng pag-ibig ng Diyos angbinanggit ni Juan sa mga talatang ito? (Tingnan din sa Juan 3:16; I Ni Juan5:11; II Nephi 9:10. Ipaliwanag na ang salitang pangpalubagloob sa I Ni Juan4:10 ay tumutukoy sa nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo.) Paanopagpapahiwatig ng pag-ibig sa atin ng Ama sa Langit ang pagsusugo ngkanyang Anak upang tubusin ang ating mga kasalanan?

• Basahin ang I Ni Juan 4:13. Anong mga pagpapahiwatig ng pag-ibig ng Diyosang binanggit ni Juan sa talatang ito? Paano naging mahalagang kaloob angEspiritu sa inyong buhay?

• Itinuro ni Juan na sasagutin ng Ama sa Langit ang ating mga panalangin kung hihiling tayo ayon sa Kanyang kalooban (I Ni Juan 5:14–15). Paanonakatulong ang panalangin upang madama ninyo ng pag-ibig ng Ama sa

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

241

Langit? Bakit mahalaga ang panalangin upang maging katulad tayo ng atingAma sa Langit?

• Itinuro ni Juan na “tayo’y nagsisiibig [sa Diyos], sapagka’t siya’y unang umibigsa atin” (I Ni Juan 4:19). Ano ang ilan sa mga paraan kung paano ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa inyo? Ano ang nadarama ninyo kapagisinasaalang-alang ninyo ang mga paraan ng Diyos sa pagpapahiwatig ngkanyang pagmamahal sa inyo?

Sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson na: “Ang plano ng ating Ama sa Langitay naglalaman ng sukdulang mga pagpapakita ng tunay na pagmamahal. Anglahat ng ating pinakamamahal—maging ang ating mga pamilya, ating mgakaibigan, ating kasiyahan, ating kaalaman, ating mga patotoo—ay maglalahokung hindi dahil sa ating Ama at sa Kanyang Anak, ang PanginoongJesucristo. . . . Ang mundo ay hindi kailanman nakasaksi ng mas dakilangkaloob, ni nakakilala kailanman ng higit na wagas na pagmamahal” (saConference Report, Abr. 1993, 77; o Ensign, Mayo 1993, 62–63).

2. Mga pagpapahiwatig ng pag-ibig ng Tagapagligtas sa atin

Talakayin ang mga talatang nakasulat sa ibaba.

• Basahin ang I Ni Juan 3:16. Anong pagpapahiwatig ng pag-ibig ngTagapagligtas ang binanggit ni Juan sa mga talatang ito? Anong mga biyayaang matatanggap natin dahil sa nagbabayad-salang sakripisyo ngTagapagligtas? (Tingnan sa I Ni Juan 1:7–9; 5:11–13; II Nephi 9:11–13; Alma11:40–44. Maaari ninyong naising isulat sa pisara ang mga sagot ng mgamiyembro ng klase habang tinatalakay ninyo ang mga talatang ito.)

• Basahin ang I Ni Juan 2:1–2. Anong pagpapahiwatig ng pag-ibig ngTagapagligtas ang binanggit ni Juan sa mga talatang ito? Ano ang isangtagapamagitan? (Isang taong nagsusumamo para sa kapakanan ng isa pangtao.) Ano ang ginagawa ni Jesus, bilang ating tagapamagitan, para sa atin?(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 45:3–5.)

• Itinuro ni Juan na ang Anak ng Diyos ay dumating upang sirain ang mgagawain ng diyablo (I Ni Juan 3:8). Paano sinisira ng buhay at mga turo ngTagapagligtas ang mga gawain ng diyablo?

3. Pagpapakita ng ating pagmamahal sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa iba

Talakayin ang mga talatang nakalista sa ibaba. Maaari ninyong naising ibuod angtalakayan sa pisara sa pamamagitan ng paglilista ng mga paraan kung paanonatin maipakikita ang ating pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

• Basahin ang I Ni Juan 2:3–6. Ano ang matututuhan natin mula sa mgatalatang ito tungkol sa kung paano maipapakita ang ating pagmamahal saDiyos? (Tingnan din sa Juan 14:15; I Ni Juan 3:24; 5:3; II Ni Juan 1:6.) Paanoipinapakita ng pagkamasunurin ang ating pagmamahal sa Diyos?

• Basahin ang II Ni Juan 1:4 at III Ni Juan 1:4. Paano makapagdudulot ngkagalakan sa ating Ama sa Langit ang ating katapatan?

242

• Basahin ang I Ni Juan 2:15–17. Ano ang matututuhan natin mula sa mgatalatang ito tungkol sa kung paano natin maipapakita ang ating pagmamahalsa Diyos? Paano tayo kung minsan nagpapakita ng pagmamahal sa daigdig sahalip na pagmamahal sa Diyos? Paano tayo naaapektuhan kapag nagpapakitatayo ng pagmamahal sa daigdig? Paano natin mapaglalabanan angpagmamahal sa mga makamundong bagay?

• Basahin ang I Ni Juan 4:7–8, 11. Ano ang matututuhan natin mula sa mgatalatang ito tungkol sa kung paano natin maipapakita ang ating pagmamahal saDiyos? (Tingnan din sa I Ni Juan 3:11, 23; 4:21.) Paano inilarawan ni Juan angmga taong nagsasabing mahal nila ang Diyos subalit hindi “nagmamahalan saisa’t isa”? (Tingnan sa I Ni Juan 2:9, 11; 3:14–15, 17; 4:20.) Bakit sukatan ngating pagmamahal sa Diyos ang ating pagmamahal sa ibang tao? Paano natinmadarama at maipadarama ang higit na pagmamahal para sa isa’t isa? Paanokayo napagpala ng pagmamahal ng ibang tao sa inyo?

Kung ginamit ninyo ang gawaing pantawag-pansin, ipakita muli ang larawan ngpamilya at itanong ang mga sumusunod:

• Ano ang mga biyaya ng pamumuhay sa isang pamilya na kung saan ang mgamiyembro nito ay nagmamahalan at minamahal nila ang Diyos? Paano natinmatutulungan ang iba na matamasa ang gayunding mga pagpapala bilangbahagi ng pamilya ng Diyos?

Katapusan Magpatotoo tungkol sa dakilang pagmamahal sa atin ng Ama sa Langit at niJesucristo. Himukin ang mga miyembro ng klase na alalahanin ang mga turo niJuan habang nagsisikap silang ipakita ang kanilang pagmamahal sa Ama saLangit at kay Jesucristo at sa iba pang mga tao.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. “Nagsisilakad sa liwanag” (I Ni Juan 1:7)

Basahin ang I Ni Juan 1:6–7.

• Ano ang ibig sabihin ng “nagsisilakad sa kadiliman”? Ano ang ibig sabihin ng“nagsisilakad sa liwanag”? (Bilang bahagi ng inyong talakayan sa mga tanongna ito, maaari ninyong naising ipaawit sa mga miyembro ng klase ang“Turuang Lumakad sa Liwanag.” Tingnan sa Mga Himno o Aklat ng mga AwitPambata.)

2. Nagbabala si Juan laban sa espiritu ng anti-Cristo

• Sa kanyang mga liham ay paulit-ulit na binalaan ni Juan ang mga Banal naiwasan ang mga anti-Cristo. Ano ang sinabi ni Juan na pinagsisikapang gawinng mga anti-Cristo? (Tingnan sa I Ni Juan 2:22–23; 4:1–3; II Ni Juan 1:7). Bakitsa palagay ninyo sinisikap ng kalaban na sirain ang ating mga patotoo tungkol sa Tagapagligtas? Ano ang maaari nating gawin upang mapanatiling malakasang ating mga patotoo?

Aralin 44

243

Itinuro ni Elder M. Russell Ballard na: “Ang indibiduwal at personal na patotootungkol sa katotohanan ng ebanghelyo, lalo na tungkol sa banal na buhay atmisyon ng Panginoong Jesucristo, ay mahalaga sa ating buhay na walanghanggan. . . . Ang buhay na walang hanggan ay nakasalalay sa ating sarilingindibiduwal at personal na kaalaman tungkol sa ating Ama sa Langit at saKanyang Banal na Anak. Ang pagkakaroon lamang ng kaalaman tungkol sakanila ay hindi sapat. Kailangan tayong magkaroon ng personal at espirituwal na mga karanasan upang maging matatag tayo sa ating patotoo. Ang mga itoay matatamo sa pamamagitan ng paghahanap sa mga ito nang buong sigasigna tulad ng paghahanap ng pagkain ng isang taong nagugutom” (saConference Report, Abr. 1996, 111; o Ensign, Mayo 1996, 80).

3. “Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios” (I Ni Juan 4:12)

Kung ang iniisip ng mga miyembro ng klase na ang ibig sabihin ng I Ni Juan 4:12ay hindi maaaring makita ng tao ang Diyos, pasangguniin sila sa katugmangtalata sa Pagsasalin ni Joseph Smith, na mababasa nang ganito, “Walangsinumang tao ang nakakita sa Diyos kailanman, maliban sa kanila na naniniwala”sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, I Ni Juan 4:12. Bigyang-diin na maramingpropeta ang nakakita sa Diyos. Tingnan sa Exodo 33:9–11; Juan 6:46; Ang MgaGawa 7:55–56; Doktrina at mga Tipan 67:10–12; Moises 1:1–2; Abraham 3:11;Joseph Smith—Kasaysayan 1:16–17.

4. Talakayan ng mga kabataan

Sundan ang gawaing pantawag-pansin sa pamamagitan ng higit na madetalyengtalakayan tungkol sa kung paano makapagpapakita ang kabataan ng higit napagmamahal sa kanilang mga magulang. Himukin ang mga miyembro ng klasena sundan ang kanilang mga ideya, at hilingin sa kanilang maghandang ibahagiang kanilang mga karanasan sa susunod na linggo.

5. Mga himno tungkol sa pagmamahal

Pumili ng isang himno tungkol sa pagmamahal. Makipag-ayos upang awitin ngmaliit na grupo ng mga miyembro ng klase ang himno, o ipaawit sa buong klaseang himno, basahin ang mga salita nito, o patugtugin ito.

244

245

Aralin

45“Ang Matagumpay ay Magmamana ng mga Bagay na Ito”Apocalipsis 1–3; 12

Layunin Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan ang ilan sa mga biyaya nadarating sa mga nakagagapi sa mga pagsubok ng buhay na ito sa pamamagitanng kanilang patotoo tungkol kay Jesucristo.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal nakasulatan:

a. Apocalipsis 1:1–3, 9–20. Si Juan ay tinagubilinan na itala ang paghahayag na tinatanggap niya mula sa Panginoon sa pamamagitan ng isang anghel.Nakita ni Juan sa paghahayag ang ilang simbolo na sumasagisag sa mgabahagi ng Simbahan ni Jesucristo.

b. Apocalipsis 2–3. Sa pamamagitan ni Juan ay itinuro ng Panginoon sa pitongsangay ng Simbahan sa Asia ang tungkol sa dakilang mga pagpapala nanaghihintay sa mga nakagagapi sa mga pagsubok at tukso ng buhay na ito.

c. Apocalipsis 12. Nakita ni Juan ang pangitain tungkol sa Digmaan sa Langitat ang pagpapatuloy nito sa daigdig. Napag-alaman niya na nagagapi ngmga Banal si Satanas sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtasat ng kanilang mga patotoo.

2. Karagdagang pagbabasa: Apocalipsis 21:7; Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Paghahayag ni Juan,” 180–181.

3. Kung gagamitin ninyo ang gawaing pantawag-pansin, maghandang gamitinang mga paglalarawan sa pahina 00 (191). Maaari ninyong naising gumuhit ng mas malaking paglalarawan ng mga ito sa pisara o sa isang malaking papelupang makita ng mga miyembro ng klase ang mga ito.

4. Mungkahi sa pagtuturo: Ang mabubuting guro ay mabubuting tagapakinig.Ang pakikinig ay kinapapalooban hindi lamang ng pagdinig kundi maging ngpagsisikap na maunawaan kung ano ang sinasabi. Ang mga guro na nakikinigay maingat na ipinapakita na nauunawaan nila at pinahahalagahan ang bawatmiyembro ng klase. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin,Yunit H, Paksa 3, “Pakikinig,” 211–214.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Hilingan ang mga miyembro ng klase na mag-isip ng mga simbolo na ginamit ng Panginoon sa kanyang pagtuturo noong kasalukuyan siyang nagmiministeryosa lupa. (Maaaring kabilang sa mga sagot ang asin, trigo at mapanirang damo,tinapay, at mga punong olibo.)

Gawaing Pantawag-pansin

• Bakit kapaki-pakinabang sa pagtuturo ang mga simbolo? (Matutulungan ngmga ito ang nag-aaral na maunawaan at matandaan ang aralin sapamamagitan ng paghahambing ng mga hindi pangkaraniwang ideya o bagaysa mga mas pangkaraniwan; maaaring magkaroon ang mga ito ng iba’t ibangantas ng kahulugan; mahihikayat ng mga ito ang nag-aaral na pag-isipan nangmas mabuti ang itinuturo.)

Ipaliwanag na ang mga simbolo ay ginagamit sa kabuuan ng mga banal nakasulatan, ngunit lalung-lalo na sa aklat ng Apocalipsis. Ipakita ang mgapaglalarawan sa pahina 251, at bigyang-diin na ang mga paglalarawang ito aynagpapakita ng mga simbolo na tinatalakay sa kabanata 1 ng Apocalipsis. Angbawat isa sa mga simbolong ito ay tatalakayin sa araling ito.

Maaari ninyong naising ipaliwanag na si Apostol Juan, ang may-akda ng aklat ng Apocalipsis, ay nabuhay sa isang kultura na malawakang gumamit ngsimbolismo sa lengguwahe at literatura nito. Ang mga mambabasa sa ngayon ay madalas na nahihirapan sa simbolismo sa mga isinulat ni Juan. Kung literalnating bibigyan ng pakahulugan ang mga bagay, ang aklat ng Apocalipsis ay tilamagiging kakaiba at nakalilito. Kung tatandaan natin na marami sa bagay aymay simbolo at sumasagisag sa mga tao, bagay, o konsepto na kung saan aypamilyar na tayo, ang aklat ay nagiging mas madaling maunawaan.

Buong panalanging isaalang-alang kung aling mga talata ng banal na kasulatanat mga tanong mula sa araling ito ang pinakamainam na makatutugon sa mgapangangailangan ng mga miyembro ng klase. Gugulin ang karamihan sa oras ngklase sa pagtalakay ng mga talata at tanong na ito. Tulungan ang mga miyembrong klase na makita na ang aklat ng Apocalipsis ay angkop at kapaki-pakinabangsa atin sa ngayon.

1. Nakita ni Juan ang ilang simbolo na sumasagisag sa mga bahagi ngSimbahan ni Jesucristo.

Basahin at talakayin ang Apocalipsis 1:1–3, 9–20.

Kasama ang klase ay pagbalik-aralan ang sumusunod na pangkalahatangimpormasyon tungkol sa aklat ng Apocalipsis.

Si Juan ay isa sa mga orihinal na apostol ng Tagapagligtas. Itinapon siya ngpamahalaang Romano sa Patmos, isang maliit na isla sa kanlurang bahagi ngTurkey sa ngayon, dahil sa pagpapatotoo kay Jesucristo. Samantalang naroon ay dinalaw si Juan ng isang anghel at binigyan ng paghahayag na itinala niya sa kanyang mga liham sa pitong sangay ng Simbahan sa Asia (Apocalipsis 1:1,9–11). Ang mga liham na ito ang naging aklat ng Apocalipsis.

Ang aklat ng Apocalipsis ay unang isinulat sa masimbulong lengguwahe. Angpaksa nito ay “magkakaroon ng tagumpay sa bandang huli sa mundong ito ngDiyos laban sa diyablo; isang permanenteng tagumpay ng mabuti sa masama, ng mga banal laban sa mga umusig sa kanila, ng kaharian ng Diyos laban sa mga kaharian ng mga tao at ni Satanas. . . . Ang mga detalye tungkol sa mgahalimaw, ang mga digmaan, ang mga anghel, ang mga tao, atbp., ay tumutulongsa ikauunlad ng paksang ito. Sa pamamagitan ng kaunting pag-aaral, ang paksaay mauunawan kahit na hindi lubusang natukoy ang mga detalye” (BibleDictionary, “Revelation of John,” 762).

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

246

Nakatala sa tatlong pambungad na kabanata ng aklat ang patotoo ni Juantungkol sa katotohanan ng paghahayag, ang mga tagubilin ni Juan mula saPanginoon, at ang payo ni Juan sa pitong sangay ng Simbahan sa Asia. Nakatalasa kabanata 4 ang pangitain ni Juan tungkol sa langit, at sa kabanata 5 hanggang20 ay nakatala ang kanyang pangitain tungkol sa matagumpay na patutunguhanng kaharian ng Diyos. Ipinakikita ng pangitaing ito ang mga pakikipagdigmaanlaban sa kaharian ni Satanas, ang pagkawasak ng kaharian ni Satanas, at ang mgahuling tagpo sa kasaysayan ng daigdig. Pagkatapos nito ay ang pangitain tungkolsa bagong kalangitan at bagong mundo—ang daigdig sa selestiyal na kalagayannito (Apocalipsis 21:1–5). Ang aklat ng Apocalipsis ay nagtatapos sa patotoo nganghel at karagdagang payo mula sa Panginoon.

• Ano ang unang anyo, o simbolo, na nakita ni Juan sa paghahayag na ito?(Tingnan sa Apocalipsis 1:12.) Ano ang isinagisag ng mga kandelero? (Tingnansa Apocalipsis 1:20.) Bakit angkop na simbolo para sa mga sangay ngSimbahan ang mga kandelero? (Tingnan sa 3 Nephi 18:24 at ang siping-banggit sa ibaba.) Paano maaaring maging katulad ng mga kandelero ang mga purok at sangay sa ngayon?

Sinabi ni Elder Bruce R. McConkie na: “Ang mga kandelero ay naghahatid ngliwanag; hindi sila ang may likha nito. Ang gamit ng mga ito ay magbigaytanglaw, hindi para lumikha ng liwanag. Kung kaya sa paggamit ng pitongkandelero upang katawanin ang pitong simbahan na bibigyan ngayon ni Juan ng payo, ay ipinapakita ng Panginoon na ang kanyang mga kongregasyon samundo ay nararapat na dalhin ang kanyang liwanag sa mundo” (Doctrinal NewTestament Commentary, 3 tomo [1966–73], 3:442).

• Saan naroon ang Tagapagligtas kung iuugnay sa pitong kandelero? (Tingnan sa Apocalipsis 1:13.) Paano nasa gitna ng kanyang Simbahan sa ngayon angTagapagligtas? Bakit mahalaga para sa atin ang malaman na siya ay nasa gitnang kanyang mga tao?

• Ano ang hawak ng Tagapagligtas sa kanyang kanang kamay nang tumayo siya sa gitna ng pitong kandelero? (Tingnan sa Apocalipsis 1:16.) Ano angisinasagisag ng pitong bituin? (Tingnan sa Apocalipsis 1:20, tingnan din saApocalipsis 2:1, at Apocalipsis 3:1. Sa kabuuan ng Pagsasalin ni Joseph Smithng Apocalipsis 1–3, ang salitang mga anghel ay pinalitan ng salitang mgatagapaglingkod, nililinaw na ang mga bituin ay sumasagisag sa mga pinuno ngpitong sangay ng Simbahan.) Paanong tulad ng mga bituin ang mga pinunong Simbahan? (Maaaring kabilang sa mga sagot ang hindi nagbabago ang mgaito at nagbibigay direksiyon sa mga tumitingin dito.)

• Ano ang lumabas sa bibig ng Tagapagligtas sa pangitaing ito? (Tingnan saApocalipsis 1:16.) Ano ang isinagisag ng tabak na ito? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:2.) Sa paano mga paraan tulad ng isang tabak ang salita ngPanginoon? (Tingnan sa Mga Hebreo 4:12; Helaman 3:29.)

• Anong iba pang simbolo ang tinaglay ng Panginoon sa paghahayag na ito?(Tingnan sa Apocalipsis 1:18.) Ano ang gagawin ng Tagapagligtas sa mgasusing ito? (Ililigtas niya ang lahat ng tao mula sa pisikal na kamatayan, at ililigtas niya ang mabubuti mula sa espirituwal na kamatayan. Tingnan sa 2 Nephi 9:10–13.)

Aralin 45

247

2. Sinabi ng Panginoon sa pitong sangay sa Asia ang tungkol sa mgabiyayang ipinangako sa mga nagtatagumpay.

Talakayin ang Apocalipsis 2–3. Anyayahan ang mga miyembro ng klase nabasahin nang malakas ang mga piling talata. Ipaliwanag na ang mga kabanata2 at 3 ay naglalaman ng mga salita ng Panginoon sa bawat isa sa pitong sangayng Simbahan sa Asia. Binalikan ng Panginoon ang ilan sa mga kalakasan atkahinaan ng bawat sangay at binalaan ang mga Banal na itama ang kanilangmga kahinaan.

• Kung paano pinuri at itinama ng Panginoon ang mga miyembro ng Simbahansa Asia ay gayon din naman na pinupuri at itinatama niya tayo sa ngayon. Sa anong bagay tayo maaaring papurihan ng Panginoon? Ano ang sinabi ngPanginoon sa atin na itama?

Ipaliwanag na sa kanyang mga tagubilin sa mga sangay ng Simbahan sa Asia ayipinangako din ng Panginoon ang dakilang mga pagpapala sa mga makagagapisa mga pagsubok at tukso ng buhay na ito. Isulat sa pisara ang Mga Pangako samga Nagtatagumpay. Habang tinatalakay ninyo ang bawat pangako, isulat ito sapisara sa ilalim ng pamagat na ito.

Sa Efeso (Apocalipsis 2:1–7)

• Binalaan ng Panginoon ang mga taga Efeso na kailangan nilang magsisi,ngunit ipinangako din niya na, “Ang magtagumpay, ay siya kong pakakaninng punong kahoy ng buhay.” Ano ang isinasagisag ng punong kahoy ngbuhay? (Tingnan sa 1 Nephi 11:21–22.) Bakit ito ang pinakakanais-nais salahat ng biyaya?

Sa Smirna (Apocalipsis 2:8–11)

• Binalaan ng Panginoon ang mga Banal sa Smirna na daranas sila ng kahirapan,ngunit ipinangako din niya na, “Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ngikalawang kamatayan.” Ano ang ikawalang kamatayan? (Tingnan sa Alma12:16, 32; Helaman 14:18.) Paano makatutulong sa ating an pangako ngPanginoon sa mga Banal sa Smirna upang makita ang ating mga paghihirap sa tamang pananaw?

Sa Pergamo (Apocalipsis 2:12–17)

• Binatikos ng Panginoon ang ilan sa mga tao sa Pergamo sa pagsunod sadoktrina ni Balaam, isang propeta sa Lumang Tipan na mas naghangad ngmga papuri at gantimpala ng daigdig sa halip na hangarin niyang sundin angkalooban ng Panginoon. Anong mga papuri at gantimpala ng daigdig angmaaaring kailanganin nating talikuran upang masunod ang kalooban ngPanginoon?

• Sa mga Banal sa Pergamo ay ipinangako ng Panginoon na, “Ang magtagumpayay bibigyan ko ng manang natatago.” (Ang ibig sabihin ng salitang natatagosa kontekstong ito ay sagrado, o hindi nakikita ng sinuman.) Ano kaya angisinasagisag ng natatagong mana? (Tingnan sa Juan 6:35, 49–51.)

Sa Tiatira (Apocalipsis 2:18–29)

• Sa kanyang mga salita sa mga Banal sa Tiatira, ano ang ipinangako ngPanginoon sa mga nagtatagumpay? (Tingnan sa Apocalipsis 2:26–28.Ipaliwanag na ang mga pangakong ito ay tumutukoy sa mga pagpapala ng

248

kadakilaan at buhay na walang hanggan, kapag pamumunuan na ng mgamatwid ang mga makalangit na kaharian.) Ano ang gabay na bakal nagagamitin ng mga matwid sa pamumuno sa mga bansa? (Tingnan sa 1 Nephi11:25; Pagsasalin ni Joseph Smith, Apocalipsis 2:27.) Paano natin magagamitang salita ng Diyos upang mapamunuan ang ating sariling buhay?

• Sino ang tala sa umaga na binanggit sa Apocalipsis 2:28? (Tingnan saApocalipsis 22:16.) Ano ang maaaring ibig sabihin ng mabigyan ng tala saumaga? (Maaaring kabilang sa mga sagot ang tanggapin si Cristo sa atingbuhay at tanggapin ang mga pagpapala ng kanyang Pagbabayad-sala.)

Sa Sardis (Apocalipsis 3:1–6)

• Anong mga biyaya ang ipinangako ng Panginoon sa mga Banal sa Sardis?(Tingnan sa Apocalipsis 3:5.) Paano tayo inihahanda ng pakikilahok sa mgaordenansa sa templo upang “madamitan ng mapuputing damit” sa walanghanggan? Ano ang aklat ng buhay? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 128:7;tingnan din sa Exodo 32:33; Alma 5:58; Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Aklat ng Buhay,” 4.) Ano ang mangyayari sa mga taong ang pangalan aynakasulat sa aklat at hindi binura dahil sa kasamaan? (Tingnan sa Apocalipsis21:10, 23–27; Alma 5:58; Doktrina at mga Tipan 88:2.)

Sa Filadelfia (Apocalipsis 3:7–13)

• Ano ang sinabi ng Panginoon na gagawin niya para sa mga Banal sa Filadelfiadahil sa kanilang “tinupad . . . ang [kanyang] salita, at . . . hindi . . . ikinailaang [kanyang] pangalan”? (Tingnan sa Apocalipsis 3:10.) Bakit mas madalingmapaglabanan ang tukso kapag matwid ang pamumuhay?

• Ipinangako ng Panginoon sa mga nagtatagumpay na, “Isusulat ko sa kaniyaang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios.” Anoang ibig sabihin ng maisulat sa atin ang pangalan ng Diyos at ang pangalan ng kanyang lungsod? (Magiging katulad tayo ng Diyos at mga nagiging mgamamamayan ng kanyang walang hanggang kaharian.)

Sa Laodicea (Apocalipsis 3:14–22)

• Isinumpa ng Panginoon ang mga Banal sa Laodicea na “[malahininga at] hindimalamig o mainit man” (Apocalipsis 3:15–16). Paano tayo kung minsan“malahininga” sa espirituwal? Paano natin madaragdagan ang ating taos napangako sa ebanghelyo ni Jesucristo?

• Ipinangako ng Panginoon sa mga taga Laodicea na, “Ang magtatagumpay, ayaking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko namanna nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan”(Apocalipsis 3:21). Anong mga pagpapala ang isinasagisag ng pangakongmauupo kasama ng Panginoon sa kanyang luklukan? (Tingnan sa Mga TagaRoma 8:16–17.)

Sumangguni sa talaan ng mga pangako sa pisara, at ipaliwanag na kapag anglahat ng pangakong ito ay magkakasamang isinasaalang-alang, ay inilalarawanng mga ito ang walang hanggang patutunguhan ng mga mabubuti. Ipabasa samga miyembro ng klase ang Doktrina at mga Tipan 132:20 bilang buod ng mgapangakong ito.

Aralin 45

249

3. Nalaman ni Juan na napagtagumpayan ng mga Banal si Satanas sapamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at ng kanilang mgapatotoo.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Apocalipsis 12. Ipaliwanag nabilang bahagi ng kanyang paghahayag ay nakita ni Juan ang isang masimbulongpangitain tungkol sa Digmaan sa Langit at ang pagpapatuloy nito sa mundo.

Ipaliwanag na ang babaing inilalarawan sa Apocalipsis 12:1–2, 5 ay sumasagisagsa Simbahan ng Diyos. Ang batang kanyang isinilang ay sumasagisag sa kaharianng Diyos—ang pamahalaan na iiral sa mundo sa panahon ng pamumuno niJesucristo sa milenyo. (Tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Apocalipsis 12:7.)

• Sino ang isinasagisag ng dragon sa Apocalipsis 12? (Tingnan sa Apocalipsis12:9.) Ano ang nangyari sa dragon at sa kanyang mga tagasunod sa Digmaansa Langit? (Tingnan sa Apocalipsis 12:3–4, 7–9.) Ano ang ginawa ng dragonmatapos siyang itaboy? (Tingnan sa Apocalipsis 12:17.) Sino ang kinakalabanni Satanas sa ngayon? (Tingnan sa Apocalipsis 12:12.)

Sinabi ni Pangulong Wilford Woodruff na: “May dalawang kapangyarihan saibabaw ng mundo at sa kalipunan ng mga naninirahan sa mundo—angkapangyarihan ng Diyos at ang kapangyarihan ng diyablo. . . . Noongmagkaroon ang Diyos ng mga tao sa mundo, sa kahit na alin pangkapanahunan, si Lucifer, ang anak ng umaga, at ang milyun-milyon na mganahulog na espiritu na itinaboy mula sa langit, ay nakipagdigmaan sa Diyos,laban kay Cristo, laban sa gawain ng Diyos, at laban sa mga tao ng Diyos. At hindi sila atubili sa paggawa nito sa ating panahon at salinlahi. Sa tuwingilaladlad ng Panginoon ang Kanyang kamay upang isagawa ang anumanggawain, ang mga kapangyarihang iyon ay kumikilos upang ibagsak ito” (sa Deseret Evening News, ika-17 ng Okt. 1896, 9; sinipi ni Gordon B. Hinckley,sa Conference Report, Okt. 1986, 56; o Ensign, Nob. 1986, 43).

• Paano mapagtatagumpayan ng Simbahan at ng kaharian ng Diyos si Satanas sa bandang huli? (Tingnan sa Apocalipsis 12:11.) Paano makatutulong sa atinang Pagbabayad-sala ni Cristo at ang ating mga patotoo sa ating kani-kanyangpakikipagtunggali laban kay Satanas?

Katapusan Magpatotoo na ang mga nagtatagumpay laban sa mga tukso at pagsubok ng daigdig ay magmamana ng mga biyaya ng buhay na walang hanggan.Paalalahanan ang mga miyembro ng klase na ang Pagbabayad-sala ngTagapagligtas ay nagbibigay-daan upang magtagumpay tayo kung magsisisi tayo at magiging matapat.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang ideyang ito bilang bahagi ng aralin.

“Narito, ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok” (Apocalipsis 3:20)

Ipakita ang larawang Si Jesus na Nasa Pintuan (62170 893; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 237).

• Ano ang itinuturo ng Apocalipsis 3:20 tungkol sa Panginoon? (Tingnan din saApocalipsis 22:17.) Paano ninyo napatunayan na totoo ito?

250

252

Aralin

46“Siya’y Mananahan

sa Kanila, at Sila’y Magiging mga Bayan Niya”

Apocalipsis 5–6; 19–22

Layunin Himukin ang mga miyembro ng klase na harapin ang bukas nang may pag-asadahil alam nilang ang mga puwersa ng masama ay magagapi at ang Tagapagligtasay matagumpay na maghahari.

Paghahanda 1. Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang mga sumusunod na banal nakasulatan:

a. Apocalipsis 5:1–5; 6. Nakita ni Juan sa pamamagitan ng paghahayag angisang aklat na may pitong tatak at napanood ang ilan sa mga kaganapan ng unang anim na tatak, o kapanahunan. Nakita niyang nakipaglaban siSatanas sa mabubuting tao sa lahat ng panahon.

b. Apocalipsis 19:1–9; 20:1–11. Nakita ni Juan na igagapos si Satanas atmatagumpay na maghahari si Cristo sa Milenyo.

c. Apocalipsis 20:12–22:21. Nalaman ni Juan na pagkatapos ng hulingpaghuhukom, ang mga mabubuti ay maninirahan sa piling ng Diyos.

2. Karagdagang pagbabasa: Doktrina at mga Tipan 77; Gabay sa mga Banal naKasulatan, “Paghahayag ni Juan,” 180–181.

3. Mungkahi sa pagtuturo: “Higit sa lahat, ang pinakamahalagang paghahandaay ang sa inyong sarili. Maghanda upang mapasainyo ang impluwensiya ng Espiritu Santo” (Boyd K. Packer, Teach Ye Diligently [1975], 219). Ang bawat isa sa atin ay dapat na magsikap na mamuhay tulad ng pamumuhay ng Tagapagligtas at magturo tulad ng ginawa niyang pagtuturo. Buongpanalanging isaalang-alang kung ano ang magagawa ninyo upang makatiyakna nagtuturo kayo sa pamamagitan ng impluwensiya ng Espiritu Santo.(Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit A, Paksa 6,“Mamuhay Batay sa Inyong Itinuturo,” 11–12; at Yunit A, Paksa 9, “Magturo sa Pamamagitan ng Espiritu,” 17–18.)

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kung naaangkop, gamitin ang sumusunod na gawain o ang sariling gawa ninyoupang simulan ang aralin.

Ipakita ang isang bagong pahayagan, at bigyang-diin ang dalawa o tatlongnakagagambalang mga lathalain, kagaya ng mga pangyayari tungkol sa mgakrimen o kalamidad.

• Ano ang nadarama ninyo kapag nakakabasa kayo ng mga pangyayaring tuladng mga ito? (Huwag talakayin nang detalyado ang bawat pangyayari.)

Gawaing Pantawag-pansin

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang II Kay Timoteo 3:1.

Bigyang-diin na nabubuhay tayo sa mga huling araw, sa panahon na inilarawanni Apostol Pablo na “mapanganib.” Ipaliwanag na ang isa sa mga hamon ngpamumuhay sa mga huling araw ay pagkatutong gapiin ang takot at kawalan ngpag-asa upang mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok at tukso. Tatalakayinng araling ito kung paano natin masusumpungan ang pag-asa at lakas ng loob sapamamagitan ng pag-unawa sa mga pangyayaring magaganap sa mga hulingaraw.

Talakayin kung paano makatutulong sa atin ang sumusunod na mga talata ngbanal na kasulatan upang magkaroon ng pag-asa habang hinaharap ang mgakahirapan sa mga huling araw. Tulungan ang mga miyembro ng klase namaunawaan na hindi kailangang katakutan ng mga mabubuting tao angIkalawang Pagparito.

1. Nakikipaglaban si Satanas sa mga mabubuti.

Talakayin ang Apocalipsis 5:1–5; 6. Anyayahan ang mga miyembro ng klase nabasahin nang malakas ang mga piling talata. Ipaliwanag na ang unang tatlongkabanata ng aklat ng Apocalipsis ay nakapatungkol sa kapanahunan ni Juan(tingnan sa aralin 45). Ang nalalabing bahagi ng aklat ay tumatalakay sa mgapangyayari na hindi magaganap sa kapanahunan ni Juan kundi sa hinaharap pa,mula sa Lubusang Pagtalikod [sa katotohanan] na naganap matapos angpagkamatay ng mga Apostol hanggang sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at sa huling paghuhukom.

Ipaliwanag na ginamit ng mga kabanata 5 at 6 ng Apocalipsis ang simbulo ngisang aklat na “tinatakang mahigpit ng pitong tatak” (Apocalipsis 5:1). Angbawat tatak ay sumasagisag sa isang libong taon na kapanahunan ng temporal na pag-iral ng mundo (Doktrina at mga Tipan 77:6–7); tayo ay nabubuhay sakapanahunang isinasagisag ng ikaanim na tatak. (Tingnan ang ikatlongkaragdagang ideya sa pagtuturo para sa karagdagang impormasyon tungkol sapitong tatak.) Sa kabanata 6 ay binuksan ng Kordero (Jesucristo) ang unang animna tatak, na nagpapakita ng ilan sa mga pangyayaring may kaugnayan sa bawatisa sa mga kapanahunan.

• Ang isang bagay na natutuhan natin mula sa kabanata 6 ay ang nakipaglabansi Satanas sa mabubuti sa kabuuan ng kasaysayan ng mundo. Ayon saApocalipsis 6:4–11, ano ang ilang paraan kung paano niya ginawa ito?(Maaaring kabilang sa mga sagot ang mga nakalista sa ibaba.)

a. Karahasan at digmaan (Apocalipsis 6:4, 8)b. Kagutuman at taggutom (Apocalipsis 6:5–6, 8. Ipaliwanag na ang salaping

Romano ay katamtamang sahod sa maghapon at ang isang takal ng trigo aykatumbas ng isang araw na pagkain ng isang tao; isinasaad ng talata 6 naang sahod sa maghapon ay makabibili lamang ng katumbas na pagkain saisang araw para sa isang tao.)

c. Pag-uusig (Apocalipsis 6:9–11)

• Anong mga paraan (taktika) ang ginagamit ni Satanas ngayon sa pagsisikap natuksuhin ang mabubuting tao?

Talakayan atPagsasagawa ngBanal na Kasulatan

253

Isinaad ni Pangunong Gordon B. Hinckley na:

“Ang digmaang iyon, na napakapait, at napakatindi, ay nagpatuloy pa rin, athindi kailan man natigil. Ito ang digmaan sa pagitan ng katotohanan atkamalian, sa pagitan ng kalayaang pumili at pamumuwersa, sa pagitan ng mgatagasunod ni Cristo at ng mga nagtatuwa sa Kanya. Ginagamit ng kanyangmga kaaway ang bawat pamamaraan sa tunggaliang iyon. Nagpapasasa sila sapagsisinungaling at panlilinlang. Ginagamit nila ang salapi at kayamanan.Nalilinlang nila ang kaisipan ng mga tao. Pumapatay sila at naninira atginagawa ang bawat makasalanan at masamang gawain upang hadlangan ang gawain ni Cristo. . . .

“Ang [pagsalungat] ay nadarama sa bawat walang-tigil na pagsisikap ngmarami, kapwa sa loob at sa labas ng Simbahan, upang sirain angpananampalataya, maliitin, hamakin, pasinungalingan, tuksuhin at akitin at ganyakin ang ating mga tao sa mga gawaing hindi naaayon sa mga turo at pamantayan ng gawaing ito ng Diyos. . . .

“Ang digmaan ay nagpapatuloy. Ito ay pinagtatalunan sa buong daigdig samga isyu tungkol sa kalayaang pumili at pamumuwersa. Ito ay pinagtatalunanng hukbo ng mga misyonero sa mga isyu tungkol sa katotohanan at kamalian.Ito ay pinagtatalunan sa ating sariling buhay, araw-araw, sa ating mgatahanan, sa ating trabaho, sa ating mga samahan sa paaralan; pinagtatalunanito sa mga tanong na ukol sa pag-ibig at paggalang, sa katapatan, sapagkamasunurin at integridad. Lahat tayo ay kasangkot dito” (sa ConferenceReport, Okt. 1986, 55–58; o Ensign, Nob. 1986, 42, 44–45).

• Matapos ibigay ang mga puna na binanggit sa itaas ay idinagdag ni PangulongHinckley na, “Napapanalunan natin [ang pakikipagdigmaan laban kaySatanas], at ang hinaharap ay hindi kailanman naging mas maliwanag” (sa Conference Report, Okt. 1986, 58; o Ensign, Nob. 1986, 45). Paano natin mapananatili ang pag-asa at ang isang positibong pananaw habangnakikipaglaban tayo sa digmaan laban kay Satanas? Ano ang mgamapagkukunan natin na makapagpapalakas sa atin laban sa kapangyarihan ni Satanas at ng kanyang mga tagasunod? (Maaaring kabilang sa mga sagotang mga banal na kasulatan at ang mga turo ng mga buhay na propeta,awtoridad ng pagkasaserdote, mga templo, at pakikisalamuha sa iba pang mga miyembro ng Simbahan.)

2. Si Satanas ay igagapos, at si Cristo ay matagumpay na maghahari saMilenyo.

Basahin at talakayin ang Apocalipsis 19:1–9 at 20:1–11.

• Binanggit ni Juan ang maraming salot, digmaan, at paghuhukom namagaganap bago sumapit ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo (Apocalipsis8–16). Pagkatapos, sa Apocalipsis 19 ay inilarawan niya ang pagdating ngPanginoon, na isinagisag ng hapunan ng isang kasalan (Apocalipsis 19:7–9).Ano ang isinasagisag ng asawa ng Cordero? (Ang Simbahan ni Jesucristo.) Ano ang ipinahihiwatig ng simbulo ng hapunan ng kasalan, kung saan siCristo ang kasintahang lalaki at ang Simbahan ang kasintahang babae, tungkol sa ugnayan sa pagitan ng Panginoon at ng kanyang Simbahan?

254

• Ano ang kailangan nating gawin upang maanyayahan sa hapunan ng kasalang ito?

Ipinaliwanag ni Elder Bruce R. McConkie na: “Ipinararating na ngayon ng mga elder ng Israel ang mga paanyaya sa hapunan ng kasal ng Panginoon; ang mga naniniwala at sumusunod sa ebanghelyo ay tinatanggap angpaanyaya at mauupo sa takdang oras . . . sa hapag ng kasal” (Doctrinal NewTestament Commentary, 3 tomo [1966–73], 3:563–64).

• Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo ang magpapasimula sa Milenyo, isanglibong taong panahon kung kailan personal na maghahari si Cristo sa mundo.Ano ang mangyayari kay Satanas sa Milenyo? (Tingnan sa Apocalipsis 20:1–3.)Ano na ang magiging kalagayan ng buhay kapag naigapos na si Satanas?(Tingnan sa 1 Nephi 22:26; Doktrina at mga Tipan 45:55, 58.) Paano natinmalilimitahan ang kapangyarihan ni Satanas sa ating buhay sa ngayon?

• Pagkatapos ng Milenyo ay pawawalan si Satanas sa loob ng maikling panahon,at isang kahuli-hulihang digmaan ang paglalabanan ng mga hukbo ng Diyosat ng mga hukbo ni Satanas (Apocalipsis 20:7–8; Doktrina at mga Tipan88:111–13). Ito ay tinatawag kung minsan na digmaan sa Gog at sa Magog.Ano ang magiging resulta ng malaking digmaang ito sa dakong huli ngMilenyo? (Tingnan sa Apocalipsis 20:9–11; Doktrina at mga Tipan 88:114–15.)Dahil sa alam na ang magiging resulta ng digmaan, ano ang atingpananagutan tungkol sa tagumpay na ito?

Sinabi ni Pangulong Ezra Taft Benson na: “Araw-araw ay nadaragdagan angmga bagong kasapi ng mga puwersa ng masama at ng puwersa ng mabuti.Araw-araw ay personal tayong gumagawa ng mga pagpapasiya na nagpapakitakung aling mithiin ang ating itinataguyod. Ang kahihinatnan ay natitiyakna—ang mga puwersa ng kabutihan ay magwawagi. Ngunit ang nananatilingaabangan ay kung saan papanig ang bawat isa sa atin, ngayon at sa hinaharap,sa digmaang ito—at kung gaano kalakas ang ating loob na manindigan.Mananatili ba tayong matapat sa ating nalalabing mga araw at tutuparin ang ating mga misyon na inordena noon pa mang una?” (“In His Steps,”Ensign, Set. 1988, 2).

3. Pagkatapos ng huling paghuhukom, ang mabubuti ay mananahan sapiling ng Diyos.

Basahin at talakayin ang mga piling talata mula sa Apocalipsis 20:12–22:21.

• Pagkatapos ng huli at malaking digmaan ay magaganap ang hulingpaghuhukom. Ano ang matututuhan natin mula sa Apocalipsis 20:12 tungkolsa kung paano tayo huhusgahan? Anong mga pagpapala ang darating sa mgamahahatulang mabubuti? (Tingnan sa Apocalipsis 21:3–7. Isulat sa pisara angmga sagot ng mga miyembro ng klase. Maaaring kabilang sa mga sagot angmga nakalista sa kasunod na pahina.)

Ang mabubuti ay:

a. Mananahan sa piling ng Diyos (Apocalipsis 21:3).b. Hindi na makararanas ng kamatayan, kalungkutan, pag-iyak, o sakit

(Apocalipsis 21:4).c. Mamanahin ang lahat ng bagay bilang mga anak na lalaki at anak na babae

ng Diyos (Apocalipsis 21:7).

Aralin 46

255

• Paano makatutulong ang kaalaman tungkol sa mga dakilang pagpapalang ito sa pagharap natin sa mga kahirapan sa buhay na ito?

• Inilalarawan ng Apocalipsis 21:10–22:5 ang kaluwalhatiang selestiyal ngmundo at ng lungsod na titirahan ng mga nagkamit ng kaluwalhatiangselestiyal. Bakit walang templo sa lungsod na selestiyal? (Tingnan saApocalipsis 21:22. Ang layunin ng templo ay ilapit tayo sa Diyos at ituro saatin ang kanyang plano. Kapag nanirahan na tayong muli sa kanyang pilingay hindi na kakailanganin ang mga templo.) Ano ang sinasabi sa atin ngApocalipsis 22:14 na kailangan nating gawin upang makapasok sa tarangkahanng lungsod na walang hanggan?

Ikinuwento ni Pangulong David O. McKay ang isang pangitain kung saannakakita siya ng isang magandang lungsod, ng maraming taong nakasuot ngputing kasuotan, at ang Tagapagligtas:

“Sa pagkaunawa ko ang lungsod ay [sa Tagapagligtas]. Iyon ang Lungsod naWalang Hanggan; at ang mga taong sumusunod sa kanya ay maninirahandoon sa kapayapaan at walang hanggang kaligayahan.

“Ngunit sino sila?

“Tila nabasa ng Tagapagligtas ang aking kaisipan, sumagot siya sapamamagitan ng pagtuturo sa isang pabilog na noo’y lumitaw sa may itaasnila, at kung saan ay nasusulat sa ginto ang mga salitang: Ito ang mga Tao naNapagtagumpayan ang Daigdig—Na Tunay na Isinilang na Muli!” (CherishedExperiences from the Writings of President David O. McKay, tinipon ni ClareMiddlemiss [1976], 60).

Katapusan Bigyang-diin na ang Bagong Tipan ay nagtatapos sa isang mensahe ng malakingpag-asa. Nakita ng mga propetang tulad ni Juan na Tagapagpahayag ang mgabagay na darating at sinabi niya sa atin ang mga biyayang matatanggap natinkung mananatili tayong mabuti at magtitiis hanggang sa wakas. Magpatotoo naang mabubuti ay magtatagumpay sa katapusan ng mundo. Himukin ang mgamiyembro ng klase na magkaroon ng lakas ng loob at pag-asa mula sa kaalamangito habang naninindigan sila laban sa kasamaan at hangaring mapagtagumpayanang mga balakid sa buhay na ito.

Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo Ang sumusunod na materyal ay karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin.

Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilangbahagi ng aralin.

1. Ang mga panganib ng pagtutuon ng ating mga puso sa mga ari-arian samundo

• Itinuturo ng Apocalipsis 18:11–18 na ang masasama ay tatangisan ang paglahong kanilang mga ari-arian sa mundo at mamamangha sa pagkawasak ngmalaking kaharian ng mundo sa napakaikling panahon. Kailan kayo nakakitang nawasak o naglahong mga ari-arian sa mundo sa napakadaling panahon?

256

• Ano ang mga panganib ng pagtutuon ng ating mga puso sa mgamakamundong bagay? Sa anong mga paraan tayo ginugulo at inilalayo ngmakamundong mga bagay mula sa espirituwal na mga bagay?

2. Ang Unang Pagkabuhay na Mag-uli

Ipabasa sa isang miyembro ng klase ang Apocalipsis 20:4–6. Upang matulunganang mga miyembro ng klase na maunawaan ang mga talatang ito, ibahagi angsumusunod na impormasyon (nasa ibaba):

Ang Unang Pagkabuhay na Mag-uli, o ang pagkabuhay na mag-uli ng mgamatwid, ay magsisimula sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Ang mgatatanggap ng selestiyal o kaya’y terestriyal na gantimpala ay magbabangon sapagkabuhay na mag-uling ito (Doktrina at mga Tipan 88:98–99). Ang IkalawangPagkabuhay na Mag-uli, o ang pagkabuhay na mag-uli ng masasama, ay hindimagsisimula hangga’t hindi natatapos ang Milenyo. Ang mga tatanggap ngtelestiyal na gantimpala at ang mga anak na lalaki ng kapahamakan aymagbabangon sa pagkabuhay na mag-uling ito (Doktrina at mga Tipan88:100–102).

3. Ang pitong tatak sa aklat ng Apocalipsis

Ang kasunod na tsart ay naglalaan ng karagdagang impormasyon tungkol sabawat isa sa pitong tatak. Ang tsart ay maaaring maging kapaki-pakinabang dinsa pag-unawa ng istruktura ng aklat ng Apocalipsis.

Pagpapatuloy ng Lubusang Pagtalikod sa Katotohanan; pagpapanumbalik ng ebanghelyosa pamamagitan ng Propetang si Joseph Smith; mga palatandaan ng panahon ay ipinakikita(Apocalipsis 6:12–17; 7:1–8).

Ang mundo ay magiging selestiyal (Apocalipsis 21:1–22:6).

Mga digmaan, salot, at kapanglawan; Ikalawang Pagparito ng Panginoon (Apocalipsis 8:1–19:21).Milenyo ng kapayapaan (Apocalipsis 20:1–6). Pawawalan ng sandaling panahon si Satanas,ang huling malaking digmaan, at ang huling paghuhukom (Apocalipsis 20:7–15).

Ikaapat natatak

Ikaanim natatak

Pagkataposng ikapitongtatak

Unangtatak

Ang paglikha at ang pagkahulog nina Adan at Eva; ang ministeryo ni Enoc at angpagbabagong kalagayan ng kanyang lungsod patungo sa langit (Apocalipsis 6:1–2).

Si Noe at ang Baha (Apocalipsis 6:3–4).

Ang ministeryo ni Moises; ang Exodo; ang kapanahunan ng pamumuno ng mga hukom;ang kapanahunan ng pamumuno ng mga hari; ang pagkakahati ng kaharian; ang paggapisa mga kaharian (Apocalipsis 6:7–8).

Ang pagsilang, ministeryo, pagpapako, at pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo; ang pagkakatatagng kanyang Simbahan at ang ministeryo ng mga Apostol; pagpaslang sa mga Apostol; angLubusang Pagtalikod sa Katotohanan (Apocalipsis 6:9–11).

Ang ministeryo nina Abraham, Isaac, Jacob, at Jose (Apocalipsis 6:5–6).

Ikalawangtatak

Ikatlongtatak

Ikalimangtatak

Ikapitongtatak

Mga Panguhaning PangyayariTatak

Aralin 46

257

• Bigyang-diin na ang unang limang tatak ay tinalakay sa 11 talata, ang ikaanimna tatak ay tinalakay sa 14 na mga talata, at ang ikapitong tatak ay tinalakay sa226 na mga talata. Ano ang itinuturo sa atin ng pagbibigay-diin na ito?

Bigyang-diin na pinagtuunan ni Juan ng matamang pansin ang mga kaganapansa ating kapanahunan at sa kapanahunang darating. Ang aklat ng Apocalipsis ayisinulat para sa ating panahon, at ang ating buhay ay pagpapalain habang pinag-aaralan natin ito at naghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

258

35681 8934 02356 81893 1