6

Makabagong Kritisismo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Makabagong Kritisismo ni Dr. Teresita Maceda

Citation preview

Page 1: Makabagong Kritisismo
Page 2: Makabagong Kritisismo
Page 3: Makabagong Kritisismo
Page 4: Makabagong Kritisismo
Page 5: Makabagong Kritisismo
Page 6: Makabagong Kritisismo

6

• pagsalin nito sa Filipino “na siyang higit na makapagpapadama ng hipo, kulay at tunog ng orihinal na wika” para maisakatuparan na ang paggamit ng wikang pambansa bilang “batayang wika ng pananaliksik sa buong bansa.” (“Mula sa Pabliser,” De La Salle University Press, 1986: viii-ix)

Ang maaring maging resulta ng proyekto ng seryeng pampanitikang ito ng 3 university presses ay ang pagbuo ng kanon ng pambansang panitikan sa isang banda, at ang pagsasaisantabi naman ng iba pang mga akda, sa kabilang banda. Bukod sa mga akdang kritikal na nabanggit sa unang seksyon ng papel na ito, nariyan ang pag-aaral ni Nicanor G. Tiongson (isa na nagpasimuno ng seryeng pampanitikan ng 3 university presses) sa Kasaysayan at Estetika ng Sinakulo at Ibang Dulang Panrelihiyon sa Malolos (1975), ang The Iloilo Zarzuela, 1903-1930 ni Doreen Fernandez (1978), ang Origins and Rise of the Filipino Novel, A Generic Study of the Novel until 1940 ni Resil Mojares (1983) at marami pang iba. Sa paglabas ng bawat libro’y unti-unti na nating nabubuo ang larawan ng kulturang bayan. Napapanahon na kung gayon ang pag-aaral na magsusuri sa pag-unlad ng kritisismong pampanitikan sa Pilipinas na nagsasaalang-alang sa

• mga kinaugatang katutubong tradisyon ng iba’t ibang anyong pampanitikan, • mga masalimuot na pwersang panlipunan at pampulitika na nagluwal ng mga

spesipikong anyo, nag-impluwensya sa uri ng pagtanggap, naghikayat sa mga tagatanggap na bumuo ng sarili nilang pakahulugan, at humubog sa kanilang pananaw,

• mga dinamikong proseso ng pagtanggap at pag-angkop ng impluwensya ng mga dayuhang teoryang pampanitikan.

Sa gayon, maari na tayong bumuo ng sariling mga teorya at pamantayang kritikal na nauukol at nababagay sa ating kultura. (Tala: Hindi ko sinama dito ang huling seksyon ng aking papel. Nakatuon ang papel sa mga nalimbag na libro. Kung gayon, hindi naisama ang ilang mahahalagang pag-aaral, halimbawa, ang Metakritisismo sa Nobelang Tagalog ni Ma. Luisa Torres Reyes. Mula nang naipresenta ang papel na ito, marami nang pag-aaral [ang ilan nailimbag, ang ilan di nailimbag] na maituturing na pagpalawak ng kritisimong pampanitikan sa Pilipinas [hal. Ang Pagkukrus ng Kasaysayan at Talinhaga sa Poetika ng Babae ni Benilda Santos, ang mga kritikal na sanaysay ni Roland Tolentino atbp. – 9/29/11, TGMaceda)