102
7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 1/102 233 DEPED COPY Modyul 3 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

LM - Modyul 3.04.14.15pdf

  • Upload
    japphet

  • View
    2.122

  • Download
    27

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 1/102

233

DEPED COPY

Modyul 3

MGA AKDANG PAMPANITIKAN

NG AFRICA AT PERSIA

Page 2: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 2/102

234

DEPED COPY

I. PANIMULA

 Ang panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagongbunsod ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ngpagkatao at ng takbo ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito ay maningning

na masisilayan sa mga panitikan ng Africa at Persia (Iran) na nalinang ng paggamitng kawikaan at pambihirang katawagan, matatalinghaga at makatawag-pansingpananalita, at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sa pamamagitan ngpaglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatuwiran.

Sa Modyul 3, ganap na mauunawaan at mapahahalagahan mo ang mgaakdang pampanitikang buhat sa iba’t ibang panig ng Africa at Persia, gaya ngmitolohiya ng Kenya, anekdota ng Persia, sanaysay ng South Africa, tula ngUganda, maikling kuwento ng East Africa, epiko ng Mali, at nobela ng Nigeria.Matututuhan din ang mga kasanayang pangkomunikatibong hango sa pag-aaralng mga pamantayan sa pagsasaling-wika, diskursong pagsasalaysay, paggamitng tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe, wastong gamit ngsimbolismo at matatalinghagang pananalita, mga salitang naglalahad ng opinyon,mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon, o damdamin, at pang-ugnay nanagpapaliwanag na magsisilbing katuwang sa pagsasakatuparan ng mga gawainsa Modyul.

Sa pagtatapos ng aralin, masasagot mo ang mga pokus na tanong na:Paano naiiba ang mga akdang pampanitikan ng sa Africa at Persia sa iba pangakda mula sa ibang panig ng mundo at paano nakatutulong ang kaalaman sagramatika at retorika sa pagpapalawak ng kaalaman sa kultura ng iba’t ibang

bansa. Inaasahang makalilikha ka ng komposisyong popular sa anyo ng patalastaspantelebisiyon. Mamarkahan ang iyong pagganap sa sumusunod na pamantayana.) kasiningan, b.) kaangkupan, c.) kawastuhan, at d.) kawilihan.

Sa puntong ito, sasagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit sasagutang papel. Layon ng pagsusulit na sukatin ang iyong kaalaman sa mgaaraling pag-aaralan. Simulan mo na!

Page 3: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 3/102

235

DEPED COPY

II. PANIMULANG PAGTATAYA

Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong

nasa wikang isasalin?a. panlapi c. pagpapakahulugan

b. gramatika d. pagsasaling-wika

2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.

a. pangangatuwiran c. paglalahad

b. paglalarawan d. pagsasalaysay

3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa

harap ng maraming tao.

a. tula c. talumpati

b. sanaysay d. balagtasan

4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.

a. nobela c. dula

b. karilyo d. maikling kuwento

5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.

a. idyoma c. simbolismo

b. matatalinghagang pananalita d. tayutay

6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang

pananalita.

a. pandamdamin c. blangko berso

b. malaya d. tradisyonal7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging

tuluyan.

a. epiko c. sanaysay

b. anekdota d. mitolohiya

8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbue Ezeudu. Nakaramdam

ng kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya

si Ogbue Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta

sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may

salungguhit?

a. Ito ay malaking metal bell  na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.

b. Ito ay yari sa shell   na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.

Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.

c. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga

ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.

d. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at

sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan

na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng

Nigeria.

Page 4: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 4/102

236

DEPED COPY

9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat

isaalang-alang sa pagsasalin?

“Love excuses everythingbelieve all things,hopes allthings,endures all things”.

“Mapagpatawad ang pag-ibig,pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,

puno ng pag-asa sa mga bagay,

nakakaya ang lahat ng bagay.”a. Basahin nang paulit-ulit.

b. Ikumpara ang ginawang salin.

c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin.

d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.

a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”

b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”

c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang

buhay.”

d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”

Para sa bilang 11 at 12

11. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay

ang taglay nito?

a. Ito ay napapanahon.

b. Mahusay ang sumulat.

c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.

d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na

paraan ng pagpapahayag.

12. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?

a. katapatan sa bayan

b. pagpapahalaga sa kapwa

c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba

d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan

“A negative mind will never give you a positive life”.

“Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagposang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpuntasa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahiliniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at

dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kaparesna tsinelas.

Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal

Page 5: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 5/102

237

DEPED COPY

Para sa bilang 13-16

13. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay

nangangahulugang ____________________.

a. pagtanggi at paglaban sa batas

b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad

c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso

d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi

14. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.

a. pagtanggi sa rasismob. pagkalugmok ng sarili

c. espiritwal at pisikal na kaisahan

d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo

15. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang _________.

a. pagpapahirap sa mamamayan

b. pagkakaroon ng malupit na pinuno

c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa

d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa

buhay

16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal

subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may

salungguhit ay nagpapahiwatig ng ____________.

a. paghihinuha c. panghihikayat

b. paglalarawan d. pangangatuwiran

17. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?

a. Tara, punta tayo roon.

b. Hindi kita iiwan, pangako iyan.

c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.

d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.

18. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa KaniyangPanganay,” ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

 Ang poo’y di marapat pagnakawan,Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.

a. nais c. hangad

b. mithi d. pangarap

 Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito aynagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwingmakikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwingmakikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mgatao sa mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay

na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.

Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

Page 6: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 6/102

Page 7: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 7/102

239

DEPED COPY

Para sa bilang 24-25

24. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na

ipagpatuloy ang kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin?

a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.

b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.

c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.

d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi

ay kaniyang nakagawian.

25. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?

a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.

b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa.

c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan.d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.

Para sa bilang 26-29

26. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?

a. pagkalungkot c. paghihinanakit

b. pagkabalisa d. panghihinayang

27. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa

niya kami kaysa sa kaniyang sarili?

a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.

b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.

c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong

kapakanan.

d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak.

Alanganing Dalaw  Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sahapag kainan nang may isang panauhing dumating.  “Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan.  Gayon na lamang ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag nasinabi, “Napakaalanganin naman ng oras ng dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa salaupang di mainip.”  Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings angkinaroroonan ng kaibigan.  “Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alassiyete ang aming hapunan.”  “Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “ katunayan, iyan ang sinabi mosa akin nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.”

Halaw sa Little Book of Music Anecdoteni Helen Kauffman

Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawalaang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala kona manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyangmatatag at nakakapit sa Diyos.

Page 8: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 8/102

240

DEPED COPY

28. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?

a. malulungkutin subalit matatag

b. nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak

c. mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak

d. inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos

29. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya saDiyos ng isang ina?

a. katatagan ng buong pamilya.

b. panghihina ng espiritwal na aspekto.

c. pamumuhay ng masaganang materyal.

d. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya.

30. Pinasusuri ng iyong kaibigan ang kaniyang isinulat na kuwento. Kung

magmumungkahi ka sa kakulangan ng detalye nito, alin sa sumusunod na

pahayag ang iyong gagamitin?

a. Parang may kulang pang detalye

b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.

c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran

ng pangunahing tauhan.

d. Maaari ring maingat mong ilagay ang detalye tungkol sa

pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.

31. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matatalinghagang

pananalita ang iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag?

a. bukas-palad c. sawimpalad

b. kapos-palad d. makapal ang palad 

32. Anong simbolismo ang akmang ilapat sa dalawang tulang binasa batay sa

talinghaga ng mga ito?

Unang Tula

Samakatuwid, ako’y minahal.Samakatuwid, ako’y lumigaya.

Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng

dangal.

Hele ng Ina sa Kaniyang PanganaySalin sa Filipino ni Mary Grace A.

Tabora

Ikalawang Tula

 At kung ako’y iyong nahambing saiba

na di nagkaisip na layuan siya,disin ako ngayo’y katulad nila

nawalan ng buhay at isang patayna.

 Ang Matanda at ang BatangParuparo

Rafael Palma

a. araw at gabi c. halakhak at luha

b. diyamante at bato d. puti at itim

Page 9: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 9/102

241

DEPED COPY

Para sa bilang 33

33. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko, kaninong kilalang

personalidad ng kasaysayan sa bansa sila maihahambing?

a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos

b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu

c. George W. Bush at Sadam Hussein

d. Nelson Mandela at Oliver Tambo

Para sa bilang 34 at 35

34. Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya?

a. Palaganapin ang Kristiyanismo.

b. May tatlong persona sa iisang Diyos.

c. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan.

d. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala.

  “Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahilako ang pula’t mainit na baga.”  “Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas naagos na tatangay sa iyo.”  “Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog sa ibangpuno.”  “At ako, ako ang nananakal na baging na gagapang sa tuktok ng higantengkagubatan.”  “Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang Mali.”  “Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro;pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.”  “Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ika’y hindi ko uurungansubalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa akingsilid. Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.”  “Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpokat bubura sa iyo sa lupa.”

Hango sa “Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali” Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isanginterpreter  na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ng mgataga-Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang kanilang pagsamba sa diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan. Hindi naman maunawaan noon ng mgataga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katuladng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamangna panginoon. Layunin naman ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismosa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev.James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyonang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya parasa pagsamba sa Bathala ng Lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ngisang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan,sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev.Smith.

Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera

Page 10: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 10/102

242

DEPED COPY

35. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba

sa Bathala ng Lupa?

a. Nagkasakit si G. Brown.

b. Sinunog ang tahanan ni Enoch.

c. Sumanib ang isang masamang espiritu.

d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu.

Para sa bilang 36-50  Sumulat ng mabisang diyalogo na gagamitin sa bubuuing patalastas

pantelebisyon na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansa sa Africa at Persia.

III. YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN

Sagutin ang paunang gawain na titiyak sa lawak ng kaalaman mo sa mga araling nasamodyul.

GAWAIN 1: Pagkakakilanlan ng Bayan

Sagutin ang mga tanong. Gayahin sa sagutang papel ang kasunod na pormat.

LINANGIN

Naririto ang mga araling aakay sa iyo upang lubos mong maunawaan at mapahalagahan

ang mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia.

  Ano-ano ang kultura ng

Africa?

Ano ang naging ambag

nito sa panitikan?

Ano-ano ang kultura ng

Iran?

Ano ang naging ambag

nito sa panitikan?

Page 11: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 11/102

243

DEPED COPY

  Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ngEthiopia sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan, Tanzania sa Timog, Ugandasa Kanluran, at Sudan sa Hilagang Kanluran. Kasama ang karagatang Indiansa Timog-Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining

sa inukit na bato, arkitektura ang mga palasyo, at museo na yari sa putik, maymusika, at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng kanilang lahi. Masasalaminnatin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya nahigit na magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya.

 Ang Aralin 3.1 ay isang mitolohiya mula sa Kenya, bahagi ng araling itoang pagtalakay sa mga pamantayan sa pagsasaling wika. Inaasahang masasagotmo ang mga pokus na tanong na: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloobsa mitolohiya na may iba’t ibang batayan?; Paano magagamit nang angkop angmga pamantayan sa pagsasaling wika?

Gayundin, inaasahang makapagsasalin ka ng alinmang akdangpampanitikan mula sa bansang Africa at Persia batay sa sumusunod na

pamantayan: katapatan at kawastuhan.

Tuklasin

Ngayon ay handa ka nang simulan ang mga gawain upang malaman ang mga sagotsa mga pokus na tanong: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya

na may iba’t ibang bayani?; at Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayansa pagsasalarawan?

GAWAIN 1: Magagawa NatinBasahin ang kasunod na mitolohiya mula sa Africa.Suriin ito bilang pagpapahalaga atsagutin ang kasunod na mga tanong sa sagutang papel.

 

Aralin 3.1

Panimula

 Yugto ng Pagkatuto

A. Panitikan:  Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya)  Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

B. Gramatika at Retorika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika

C. Uri ng Teksto:  Naglalahad

Page 12: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 12/102

244

DEPED COPY

Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha

  Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at babae. Nagmulaang ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu nasinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakinang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd.

  Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siyang demonesa sa katauhan ni Jeh.  Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mulasa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay aymay tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman. At ditonanggaling sina Mashya at Mashyana.  Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu.Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na kumalat sabuong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Mga Tanong Mga Sagot

1. Tungkol saan ang mitolohiya?

2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyuat ang ginawa ni Ahura Ohrmuzd?

3.  Ang pagpatay ba ni Ahura Ohrmuzdkay Gayomard ang pinagmulan ngsuliranin ng kuwento? Patunayan.

4. Bakit tumulong sina Mashya at Mashyanasa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu?

Gawain 2: Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng panaklong.Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot .

 Noong unang (1.)  Time (Bagyo, Oras, Panahon,) ang kalangitan at angkalupaan ay mag-asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit at Tubigan.Sila ay may kaniya-kaniyang (2.)  Covered   (palaruan, nasasakupan, palayan).Si Langit ay diyosa ng (3.)  Galaxy (kalawakan, lupain, kalangitan), at si (4.) Pond   . (Kalikasan, Katubigan, Tubigan) naman ay diyosa ng katubigan. SinaLangit at Tubigan ay (5.)  Married   (nagiibigan, nagpakasal, magkababata) at angnaging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki, at isa ang babae. Si Dagat ay (6.)  Chic  (makisig, mayabang, mabait ) malakas na lalaki at ang katawan ay mulato. Si Aldaw ay(7.)  Cheerful (masayahin, masigla, mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto.SiBulan ay isang (8.)  Weak   (maginoong, mahinang, matabang ) lalaki na angkatawan ay ginto.Si Bulan ay isang mahinang lalaki na ang katawan ay kulay tanso.

Si Bitoon ang (9.)  Only   (tanging, marami, grupo ) babae na maganda ang katawanat kulay (10.)  Silver   ( pilak, ginto, tanso).

Page 13: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 13/102

245

DEPED COPY

Linangin

Basahin ang isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung masasalaminba dito ang kanilang kultura.

LiongoIsinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasabaybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay namakata sa kanilang lugar. Malakas at mataasdin siya tulad ng isang higante, na hindinasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunitkung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyangpusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at

ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalamnito.Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta,at Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng tronong Pate na unang napunta sa kanyang pinsangsi Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago aynaging mabilis mula sa Matrilinear   na pamamahala ng mga kababaihan tungo saPatrilinear   na pamamahala ng kalalakihan sa  pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggong isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labasng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay.Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan saWatwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabutisa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ngpagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyangnakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi niLiongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyanganak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya.Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sakaniya.

- Mula sa http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htm

GAWAIN 3: Paglinang ng TalasalitaanSa pamamagitan ng salita na nasa loob ng kahon ay tukuyin ang pinagmulan nito namay kaugnayan sa mitolohiya.

 

Ozi

 ______________________________________

 ______________________________________

 ______________________________________

Matrilinear

 ______________________________________

 ______________________________________

 ______________________________________

Page 14: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 14/102

246

DEPED COPY

GAWAIN 4: Pag-unawa sa Akda A. Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang suliranin ng tauhan?

2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan.

3. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag.4. Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo?

5. Anong mahalagang aral ang nais nitong ipabatid mula sa iyong binasang akda?

B. Ibigay ang mga pangyayaring kaugnay ng mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiyabatay sa suliranin ng akda, kilos, at gawi ng tauhan. Gawin sa pamamagitan ngstory board . Ilagay sa sagutang papel.

Upang higit pang maunawaan ang katangian ng mito, basahin mo ang isang mitolohiyana nagmula sa bansang Nigeria.

2.1.

4.3.

6.5.

Patrilinear

 ______________________________________

 ______________________________________

 ______________________________________

Faza

 ______________________________________

 ______________________________________

 ______________________________________

Gala

 ______________________________________

 ______________________________________

 ______________________________________

Page 15: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 15/102

247

DEPED COPY

Maaaring Lumipad ang TaoNaisalaysay ni Virginia Hamilton

Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipadang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis nila

ang kanilang pakpak.Inililihim nila ang kanilangkapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila aynagbalatkayong mga tao mula sa Africa na maymaiitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalamsa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi. 

May matandang lalaki na nagngangalangToby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalangang batang babae na dating may pakpak aysi Sarah. Makikitang may batang nakatali sakaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat angmga gawain. Sa ganitong pangyayari sisigawansiya ng tagapagbantay ng lupain.

  Nagtatrabaho siya sa palayan mula sapagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito.

Inihalintulad raw siya sa kumpol ng putik, uling na kumikinang sa matigas na batongnakasalansan na hindi matanggal.

  Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo angmga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawainupang maging mabilis ang kanilang paggawa .

  Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang angbata ay tulog sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyaknang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nangumiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata.

“Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakanniya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata nglatigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa.

  Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis akonang mabilis,” sabi niya pagdaka.

Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng arawang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. “Kaawaan mo kami, kaawaanmo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo nalamang sa pilapil .

  “Tumayo ka, ikaw, maitim na baka” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarahat muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay nagingbasahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo.

  Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya.

  “Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.”

  “Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung alammo kung paano ka makaaalis.”

Page 16: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 16/102

248

DEPED COPY

  “Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihanang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas angisang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kaniyang paglipad nahawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, angmisteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng isang ibon, naanimo’y balahibong umiilanlang sa hangin.

  Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalangsi Sarah, at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mganagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyangtulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba.Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakitanila ito.

  Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay samaiinit na palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay atnilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salitang lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad maintindihan.Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata,

nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantalasiyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyangnakalipad.

  Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sanakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay“kumkumka yali, kum… tambe!” Pabulong niyang sabi at muli na naman silangnakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may makislapna tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil,sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig .

  “Bihagin ang matanda,” sabi ng tagapagbantay.

  “Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.”

  Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyanglatigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrongsi Toby.

  Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyokilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasapalayan.” At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkanng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ngmalupit na latigo.

  “Buba… Yali... Buba... tambe…”

  May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat,matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay. Nagsasalitahabang nakabilog animo singsing, umaawit pero hindi sila magkakahalo hindi pala silaumaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay-langkay na animo mga ibong tumatakipsa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipadnang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mgaalipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan.

Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak,hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubongalipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila.

Page 17: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 17/102

249

DEPED COPY

  “Isama ninyo kami sa paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot sumigaw.

Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataonna makatakbo “paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “Kausapin mosila ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho.

  Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. “Ito

ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ayhindi nagsalita sapagkat alam niya ang totoo.

  Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilangmga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila aymalaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan.

  At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipadhanggang ngayon.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

GAWAIN 5: Suriin NatinIhanay ang mga pangyayari sa kuwento gamit ang Story Ladder .

GAWAIN 6: Mahalaga ang Opinyon MoMagbigay ng mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiya. Itala sa tsart atlagyan ng tsek (a) ang kolum kung ito ay makatotohanan o di makatotohanan atipaliwanag ang iyong sagot sa huling kolum.

Kaisipan MK DMK Paliwanag

1.

2.

3.

4.

5.

 

Page 18: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 18/102

250

DEPED COPY

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Alam mo ba na...ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapitna katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang isinasalin ay ang diwang talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.(Santiago, 2003).

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya angkahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta sadiksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan athalagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sapagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin aykailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatidng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo,at pagsusunod-sunod.

3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Angkakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin atkaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung anglahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin angmanunulat.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin aymay higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam atnakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

  Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling

bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ngibang bansa.

Gabay sa Pagsasaling-wika

Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito.Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalamansa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahangmagsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawangwikang kasangkot sa pagsasalin.

1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin athindi salita.

2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag,pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nangwalang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.

3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin angbahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din angaspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.

  Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahuluganng isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuhaang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.

Page 19: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 19/102

251

DEPED COPY

Pagsasanay 1:  A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita.

Tagapagbantay ___________________________ Misteryo ___________________________ Nagpagulong-gulong ___________________________ Mahika ___________________________ 

Kumikinang ___________________________ 

B. Isalin sa Filipino ang kasunod na talata.

There was a great outcryin. The bent backsstraighted up, old, and young who were calledslaves and could y joined hands. Say likethey would ring-sing but they didn’t shufe ina circle

C. Isalin sa Filipino ang sumusunod:

Pagsasanay 2: Suriin ang salin ng mitolohiyang “Maaring Lumipad ang Tao” gamit angkasunod na talahanayan. Lagyan ng tsek (a) ang mapipiling eskala: 5 – Napakataas,4 – Mataas, 3 – Mataas-taas, 2 – Hindi mataas, at 1 – Paunlarin pa.

 

1. The Kikuyos are large tribe.

They speak a beautiful Bantu

language and lived on the slopes

of Movement Kenya.

Kikuyo Literatura ng Africa

2. The Yoruba believe that there isa god, Ori, who supervise

 people’s choice in heaven.

Destiny (Yoruba)

Literatura ng Africa

3. In the days of King Solomon, three thousand years ago, there lived in

Ethiopia a dynasty of Queen, who reigned with great wisdom.

The Queen of Ethiopia (Literatura ng Africa)

The Overseer rode after her,hollerin,” Sarah flew over thefences. She flew over the woods,tall trees could not snag her. Norcould the Overseer. She flew like an

eagle. Now, until she was gonefrom sight. No one dared speakabout it. Couldn’t belive it. But itwas, because they that was there

saw that it was. 

 Ang bantay ay nagrondahabang humihiyaw, sumisigaw.Samantalang si Sarah at angkaniyang anak ay lumilipad sabakuran, sa mga kahoy, sa mganagtataasang puno na hindi siya

nakikita maging ng tagapagbantay.Lumilipad siyang tulad ng isangagila hanggang sa unti-unti nasilang makita ng mga taong nasaibaba. Walang sinuman angmakapagsalita tungkol dito, hindimakapaniwala, subalit nakita nilaito.

Page 20: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 20/102

252

DEPED COPY

Katangian 1 2 3 4 5

Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikangkasangkot sa pagsasalin.

Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansakaugnay sa pagsasalin.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalin ng teksto? Angkop ba ang mga ginamit

na salita sa pagsasalin? Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya?

Patunayan.

2. Paano nakatulong sa iyo ang binasang teksto na nakasalin sa Filipino?

3. Kung ang bersyong nasa Ingles lang ang binasa mo, ganito rin kaya ang

pagkaunawa mo sa teksto? Pangatuwiran.4. Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika ng mga akda sa pagpapahalagang

pampanitikan?

Pagnilayan at Unawain

Sagutin ang mga pokus na tanong na nasa loob ng kahon.

Ilipat

Isa kang mahusay na tagapagsalin. Napili ka ng embahada ng Africa atPersia upang isalin ang kanilang mga mitolohiya sa wikang Filipino upangmaipakilala ang kanilang bansa sa buong daigdig. Tiyaking magagamit moang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.

 A. Katapatan................. ................................................................. 50 puntosB. Kawastuan ................................................................................. 50 puntosKabuuan ....................................................................................100 puntos

 

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang salinsa modyul. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyongpaglalakbay sa mundo ng anekdota.

1. Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may iba’tibang batayan?

2. Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika?

Page 21: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 21/102

253

DEPED COPY

Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng

Medo, at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangangabayo. Ang pagsasabing katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sadaigdig.

 Ang Aralin 3.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia (Iran) na kakikitaan ng mgakasabihan, relihiyon sa paniniwalang Susm, pagpapaunlad ng isang indibiduwal sapamamagitan ng pandama. Masusuri rin ang kanilang matapat na pakikipamuhaysa kapwa at mga naiambag ng kanilang mahusay na mga manunulat sa mundo ngpilosopiya at paniniwala. Kasabay din nito ang pagpapaunlad ng iyong kasanayansa pagsasalaysay.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagmumungkahi at

makapaglalapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring makapag-iiwan ng kakintalan o aral sa mga bumabasa.

 Aalamin mo kung paano naiba ang anekdota sa mga kauri nito. Gayundinkung paano nakatulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at pagbasa ngmga anekdota batay sa sumusunod na pamantayan: a.) Ang pamagat ay maikli,orihinal, at napapanahon, b.) mahalaga ang paksa o diwa, c.) maayos at di-maligoyang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at d.) kaakit-akit na simula at maykasiya-siyang wakas.

 

Aralin 3.2

Panimula

A. Panitikan: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/Iran)  Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

B. Gramatika at Retorika: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik saPagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota

C. Uri ng Teksto:  Nagsasalaysay

Page 22: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 22/102

254

DEPED COPY

Tuklasin

Gawain 1: Basahin mo ang isang anekdota at iyong suriin ang mga pangyayari sabinasa na may kaugnayan sa pagdedesisyon sa pamamagitan ng pagpunan satalahanayan.

Akasya o KalabasaConsolation P. Conde

 Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nangmalaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng taona pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwannang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad dinnga sa paghahalaman.

  Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas napaaralan sa Maynila.

  Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…

  Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihandakapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simonnaman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak napag-aaralain sa Maynila.

  Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama.

Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatalana abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.

  Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa maypintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punung-guro.”

  “Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.  “Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namangnagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sakanila?”

  “E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”

  “A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.  “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noongnakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon.

  “Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?”

  “Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niyaay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makataposagad, maaari po ba?”

 

 Yugto ng Pagkatuto

Page 23: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 23/102

255

DEPED COPY

  “Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalongpinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gustoninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong napunong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ayilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”

  Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro.Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.

  At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungonglalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo angkurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyangkinabukasan.”

- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970 

Pangyayari Kaugnay na Pagdedesiyon

GAWAIN 2:  Ating Suriin

1. Ang akdang “Akasya o Kalabasa’’ ay isang anekdota. Ibigay ang mga katangianng akda?

2. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?3. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pagsasalaysay.

GAWAIN 3: Buuin mo

  Sumulat ng isang karanasang hawig ang paksa sa binasang anekdota.Maaaring tungkol sa sarili o isang kakilala. Pagkatapos mong maisagawa ang mgagawain, basahin ang isang anekdota mula sa bansang Iran upang makilala angkanilang mga paniniwala at prinsipyo. Tingnan natin kung nagtataglay ito ng mgaelemento ng isang anekdota.

Alam mo ba na...ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayarisa buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandangkaranasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan oang pangyayari ay makatotohanan.

  Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusapay kukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap aykapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak samambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

Naririto ang ilang katangian ng anekdota:

a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat

ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa

ideyang nais ilahad.

b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais

nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng

pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.  Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota

Page 24: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 24/102

256

DEPED COPY

Linangin

Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan. Dalubhasang pilosopo attagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar. Nagsimula ang kaniyang mga kuwento

sa Persia. Naniniwala ang Sus na ang pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahansa bawat tao. Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir). Dakilang guro sapagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ngkaisipan at paniniwala na di-makakasakit subalit nakapagbibigay-sigla sa mambabasa.Iyong alamain kung paano naiba ang anekdota ng Persia sa iba pang mga kauri nito.

Mullah NassreddinIsinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang MullahNassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sapagkukuwento ng katatawanan sa kanilangbansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na

dating mga Persiano noong sila ay mga batapa. Libo-libong kuwento ng katatawanan angnaiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilanglipunan. Tinagurian din siyang alamat ng siningsa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ngkatatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salinsa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulatmula noon magpasahanggang ngayon.

Naimbitahan si Mullah Nassreddin upangmagbigay ng isang talumpati sa harap ng maramingtao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alamba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mganakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa

mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanunginang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si MullahNassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayanginang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sakaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddinupang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang akingsasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng“Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si MullahNassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sakalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.

- Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-master-anecdotes.html 

GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa

pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sapatlang.

 ______1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan. ______2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong

aksayahin.

a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan

Page 25: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 25/102

257

DEPED COPY

 ______3. Nangimi  ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya. ______4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan. ______5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao. GAWAIN 5: Ating Suriin A. Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ilarawan si Mullah.

2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?

3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay

makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?

4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao?

5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah?

Patunayan ang sagot.

6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?

7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota anong

paksa ang nais mong isulat? Bakit?

8. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba angkanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?

B. Suriin ang mahalagang bahagi ng Anekdota “Mullah Nassreddin.” Gawin ito sapamamagitan ng pagbuo ng tsart na nasa ibaba.

Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala dahil sa dalawangkadahilanan: Una ang pagiging simple sa paggamit ng direktang lengguwahe o salita

upang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa pagsisimula ng mga mag-aaral naPersiano. Ikalawa, binubuo ito ng simpleng kasabihan at mga kuwento na itinuturingna mahusay na mga pahayag ng paniniwalang Su.

  Para sa Sus, ang Susm ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya, bahagi itong buhay. Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga saoras, pera o maging karangalan. Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidwalsa pamamagitan ng kanilang mga pandama.

Mullah Nassreddin

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

Page 26: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 26/102

258

DEPED COPY

 Ang pagkaunawa sa Su ay maihahalintulad sa pagbibinata o pagdadalagana kung paanong ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang pagbibinata/pagdadalaga. Matutuhan ng tao ang kaalamang Su sa proseso, pag-unawa atpagsasanay.

Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang magandang ikabubuhay at taimtim nadumadalangin sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sa kanilang mga panulat ng naisasalaysayang hiwaga na naabot ni Saadi gayundin ang kaniyang pagbabahagi ng kaniyangkaalaman sa buong mundo.

Mula sa mga Anekdota ni SaadiPersia

ni Idries ShahIsinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.

Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan namanna namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang

nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mgatao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang uloang Mongheng Mohametano habang dumadaansiya.

  Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuotng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya nghayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang atkababaang loob.”

  Kung kaya’t ang vizier  o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! AngSultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ngkaukulang paggalang?”

  Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan angmagbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandanggawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyangnasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

GAWAIN 6: Ating KilalaninKilalaning mabuti si Saadi, punan ang Character Web sa ibaba.

 

SAADI

Page 27: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 27/102

259

DEPED COPY

GAWAIN 7: Sagutin NatinIhambing ang anekdota sa iba pang mga akdang pampanitikan. Gayahin ang pormatsa sagutang papel at isulat ang sagot.

Anekdota TalambuhayTala ng Paglalakbay

(Travelogue)Paksa

Tagpuan

Paraan ngpagkakasulat

Mensahe/Aral

Nilalaman

GAWAIN 8: Ating Palawakin A. Magmungkahi at maglapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring

nakapag-iwan ng kakintalan o aral.

B. Isulat ang karanasang nangingibabaw sa nabasang anekdota.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Alam mo ba na...ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasangmagkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat mano pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraanng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayagsapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kuwentong bayan ng ninunongmga Pilipino maging sa ibang bansa man.

  Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ngpagsasalaysay.Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalagaring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa.

Page 28: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 28/102

260

DEPED COPY

Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa

1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamangdamdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian,at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.

2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.

3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan,hilig, at layunin ng manunulat.

4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay aynakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pookna pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghabasa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook napinangyarihan ng salaysay.

5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyangpansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng

pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasanng mismong nagsasalaysay.2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang

pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit,tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagangtiyakin muna ang katotohanan bago isulat.

3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha

ng isang salaysay.5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring

maging batayan ng pagbuo ng salaysay.6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na

nauunawaan ang mga pangyayari.

MGA URI NG PAGSASALAYSAY

1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasasa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ngtauhan.

2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitanng mga saknong.

3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, angkanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayosng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentongito ay isinulat upang itanghal.

4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong - puno ng mga masalimuot na

pangyayari.5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay

ng isang tao mula sa kanyang wakas.8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang

tao, pook o bansa.9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,

pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

Page 29: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 29/102

261

DEPED COPY

Pagsasanay 1: Isulat ang mga salaysay na ginamit sa nabasang kuwento.

Pagsasanay 2: Punan ang kasunod na Double Entry Journal  ng sariling reaksiyontungkol sa mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang anekdota.

Pagsusuri Ang Aking Reaksiyon

Kawilihan ng Paksa

Sapat na kagamitan

Kakayahang Pansarili

Tiyak na panahon o pook

Pagkilala sa mambabasa

Pagsasanay 3: Suriin natin ang mga katangiang dapat taglayin ng anekdotangnatalakay. Alamin natin sa pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan. Lagyan ng tsek(a) kung tama batay sa iyong pagsusuri at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong sagot.

Katangian Oo Katamtaman Hindi Paliwanag

Makatawag pansin ang mga katangiaanng tauhan.

Payak at maikli ang pagpapahayag.

Nakakalibang habang binabasa.

Nakatulong ito upang lalong makilala siMullah/Saadi.

 Pagsasanay 4: Sumulat ng isang anekdota batay sa sariling karanasan o pangyayaringnasaksihan sa iba. Isaalangalang ang sumusunod na pamantayan: lohikal napagkakasunod-sunod ng pangyayari, malikhain at masining, maikli at madalingmakuha ang interes ng mambabasa.

 

Mullah Saadi

Page 30: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 30/102

262

DEPED COPY

Pagnilayan at Unawain

Sagutin ang mga tanong.

1. Mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay, noong nagsimulakang mag-aral. Isalaysay.

2. Mula sa iyong karanasan, ano ang iyong natutuhan? Ipaliwanag.

3. Kung isasalaysay mo ito sa iba, ano ang gusto mong matutuhan ng iyong

kapwa?

4. Paano naiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?

5. Nakatutulong ba ang gramatikal, diskorsal, estratedyik sa pagsasalaysay ng

mga orihinal na anekdota na buhat sa mga bansa ng daigdig?

Ilipat

  Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan angmodyul. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyongpamamasyal. Ang bansang susunod mong papasyalan ay ang South Africa. Muli mongmasasalamin sa susunod na bansa ang kanilang kultura at tradisyon. Maligayangpaglalakbay at pag-aaral.

Naanyayahan ka para magbigay ng talumpati sa isang pagtitipon sa inyong bayan.Sa iyong pagtatalumpati, isasalaysay mo ang mga nakatutuwang karanasanng iyong buhay, mga desisyong ginawa mo na nakatulong ng malaki sa iyongpagtatagumpay.

Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan.

a. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik, at napapanahon ... 25 puntosb. Mahalaga ang paksa o diwa .... 25 puntosc. Maayos at di-maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.. 25 puntos

d. Kaakit-akit na simula at may kasiya-siyang wakas ... 25 puntos

Page 31: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 31/102

263

DEPED COPY

 Ang Aralin 3.3  ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpatina binigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang

pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na gisingin ang damdamin

ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at kalayaan. Sa

araling ito ay kailangang maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa

talumpati sa tulong ng mga pahayag na nanghihikayat.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng balangkas

ng napakinggang talumpati  upang mas madaling matukoy ang mahahalagang

impormasyon na nais nitong ipabatid. Ito ay gagawin batay sa sumusunod na

pamantayan: a.) nilalaman, b.) taglay ang wastong pagkuha ng mahahalagang

impormasyon, at c.) makatotohanan.

Sa tulong ng iba’t ibang gawain, tuklasin kung mabisa bang paraan ang

sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa at

kung paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa

paglalahad nito.

 

Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, tutuklasin ang iyong kaalaman sa sanaysay.

GAWAIN 1: Deskripsiyon sa SanaysayPiliin ang mga salitang may kaugnayan sa sanaysay pagkatapos ay bumuo ngmahalagang kaisipan gamit ang mga salitang napili.

 

Aralin 3.3

Panimula

 Yugto ng Pagkatuto

A. Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa(Talumpati mula sa South Africa)

Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

B. Gramatika at Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag saPaghahatid ng Mensahe

 C. Uri ng Teksto:  Naglalahad

Page 32: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 32/102

264

DEPED COPY

GAWAIN 2: Iayos MoPagsama-samahin ang mga impormasyon sa kahong dapat na magkakapangkatat iayos ang wastong pagkakasunod-sunod nito upang makabuo ng wastongimpormasyon tungkol sa balangkas.

GAWAIN 3: Alin ang totoo?

Suriin ang mga pahayag:“Ayon sa pananaliksik, ang musika, panitikan, sining, at kultura ng Africa ay nakakuhang mataas na pagpapahalaga at paggalang sa lipunan. Sa tingin ko, ang lumangpaniniwala na ang Africa ay tulad sa isang bata, ang pag-unlad ang naging dahilanupang hindi ito mapansin noon.”

Sagutin: Aling pahayag ang mas pinaniniwalaan mo? Bakit?

Ngayong nalaman mo na ang iyong natatanging kaalaman sa panitikan at sa akdangtatalakayin, maaari mo nang basahin ang akda. Maligayang pagbasa!

SANAYSAY

opinyon

balita pananaw

sukat

tugmatalumpati

ideya isyukuro-kuro

saloobin

tauhan banghay

iskeleton ng susulatin

kahalagahan

kahulugan

mapa ng impormasyon

mapag-iisipang mabuti ang paksa

mapipili mo ang mga ideya o konsepto

mas magiging madaling ayusin ang mga ideya

plano ng paksang isusulat

Page 33: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 33/102

265

DEPED COPY

Alam mo ba na...ang sanaysay  ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipantungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysayay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas. Angbalangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawanng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.

  Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang uring panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.  Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” Noong1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ngSanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai  sa wikang Pranses na nangangahulugangisang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.  Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal. Nariritoang pagkakaiba ng dalawa:

Pormal Di-Pormal o Personal

Nagbibigay ng impormasyon. Nagsisilbing aliwan/libangan.Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan,

o kaalaman sa pamamagitan ngmakaagham at lohikal na pagsasaayos

sa paksang tinatalakay.

Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ngpagtalakay sa mga paksang karaniwan,

pang-araw-araw, at personal.

Maingat na pinipili ang pananalita. Ang himig ng pananalita ay parang

nakikipag-usap lamang.

 Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.

Obhektibo o di-kumikiling sa damdaminng may-akda.

Subhektibo sapagkat pumapanig sadamdamin at paniniwala ng may-akda.

Linangin

Basahin at unawain ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya noongMayo 10, 1994 nang siya ay pasinayaan bilang pangulo. Naging daan ang panitikanpartikular na ang sanaysay o talumpati sa paglalahad ng pagnanais ng kalayaan ngkanilang bansa. Sa talumpati ay naihahayag din nila ang pagkauhaw sa kalayaan,karapatan, at katarungan na naging bahagi na ng kanilang buhay, ng kanilang kultura.

Page 34: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 34/102

266

DEPED COPY

Nelson Mandela: Bayani ng AfricaIsinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan…

  Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa

sa kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahaging mundo.

  Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao nanamayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.

  Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa aykailangang magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwalang sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa,at magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat.

  Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto

ngayon.

  Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isasa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag napuno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.

  Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdamannatin ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ngpanahon. 

Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiranat sa pagbukadkad ng mga bulaklak.

  Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito aynagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikitanatin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwingmakikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao samundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiyaat pagkakaroon ng rasismo.

  Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakannang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng bataskamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sasarili nating lupain.

  Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sapagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpaypara sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad.

  Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharapsa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ngmga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.

Page 35: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 35/102

267

DEPED COPY

  Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan atang kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo,tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyanang aking Second Deputy President , ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk.

  Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad

sa pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayangeleksiyon at ang transisyon sa demokrasya, mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na nag-aalangan pa ring makakita ng liwanag.

  Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na.

  Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagigingdahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na.

  Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na.

  Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong

palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, atiba pang diskriminasyon.

  Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan.Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan, atpanghabambuhay na kapayapaan.

  Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyongmamamayan. Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan anglahat ng mamamayan ng Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takotsa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad –isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa.

  Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Governmentof National Unity  ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin angisyu ng amnestiya ng mga taong kasalukuyang nakakulong.

  Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa ibapang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upangtayo ay lumaya.

  Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilanghandog.

  Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo

na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulong nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sapagkakapantay-pantay ng kasarian.

  Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan.

  Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay. 

Page 36: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 36/102

268

DEPED COPY

  Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayanpara sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo,para sa pagsilang ng bagong mundo.

  Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.  Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.

  Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat.  Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa aydapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.

  Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ngkawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagigingkatutubo sa mundo.

  Maghari nawa ang kalayaan.  Pagpalain ka ng Diyos, Africa!  Salamat.  - Mula sa http://www.anc.org.za/show.php?id=3132 

GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan - AnalohiyaIbigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa talumpating binasa.Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa isa’t isa upang mabigyang-linawkung bakit ito ang iyong naging sagot.

1. bulaklak : hardin :: aklat : _____________ 

2. berde : kapaligiran :: asul : ______________ 3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : _______________ 

4. puso : katawan :: ___________ : puno

5. ____________ : gutom :: tubig : uhaw

GAWAIN 5: Sa Antas ng Iyong Pag-unawaSagutin ang mga gabay na tanong.

1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang

talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at sa isang bansa?

2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa.

3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang talumpati?

Ganito rin ba ang katangiang taglay ng namumuno sa ating bansa? Maglahad

ng mga pangyayaring nagpapatunay nito.

4. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging

damdamin sa talumpati ni Mandela?

5. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao, lahi o

bansa?

6. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na kapayapaan,

kalayaan, at katarungan?

 

kagubatan karagatan katawan prutassilid-aklatan tinapay

Page 37: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 37/102

269

DEPED COPY

  Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na nagbibigay ngimpormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayatdin na siya ay tulungan sa pagtupad sa kaniyang tungkulin at mithiin – ang magkaroonng kalayaan. Sa susunod na gawain ay susubukin ang iyong kakayahang kumuha ngmahahalagang impormasyon sa isang talumpati.

  Ang isa pang anyo ng sanaysay ay di-pormal. Upang mas maunawaan pa,basahin ang isa pang sanaysay na di-pormal na may kinalaman sa wika. Tayo ba aymalaya sa wika o tayo ba ay nakatanikala pa rin sa anino ng mga dayuhan?

Ako ay Ikawni Hans Roemar T. Salum

“ Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindisanay sa mga wikang banyaga, ako’y Pinoy na may sariling wika. Wikang Pambansa,ang gamit kong salit a…” Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting ito ni Florante.Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.

  Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong

Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong,gamitin, at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, angPilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah,tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon.Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa.Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mgaPinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernongito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabaysa makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawagna Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatayay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bangkasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika?

Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masamaang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti atikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wikakung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyakna ang ating patuloy na pag-unlad.

 Ang nais iparating ng isang akda sa mambabasa ay tinatawag ding layuninat mas madaling makita sa pamamagitan ng pagbabalangkas. Ano-anoba ang tiyak na layunin sa paggawa ng balangkas?

1. Nakatutulong ito sa pag-oorganisa ng mga ideya.2. Naipakikita ang materyal sa lohikal na paraan.3. Naipakikita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya.

 Ang mga ito ay dapat ding isaalang-alang sa pagkuha o pagtala ngmahahalagang impormasyon

Makikita natin sa binasang sanaysay ang mahahalagang impormasyong naisnitong iparating sa mambabasa. Sa tulong ng gawain sa ibaba, alamin kung anongmahahalagang impormasyon ang iyong nakita.

Page 38: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 38/102

270

DEPED COPY

GAWAIN 6: Sa  Antas ng Iyong Pag-unawaIsulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa?

2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na: “Mga kabataan, ang totoo, ako ay

ikaw na sasalamin sa ating bansa.” 

3. Isa sa nakipaglaban para sa wika ay si Pangulong Quezon. Kung ikaw ay nasa

katayuan niya, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang

magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit?

4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng

wikang pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng

ibang taong nakapaligid sa iyo.

5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang

sarili?

6. Pakinggan ang awit na Ako’y Isang Pinoy. Anong damdamin ang namamayani

sa iyo tungkol sa wika? Ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit.

GAWAIN 7: Itala, Impormasyong MahalagaSa sanaysay na binasa, isulat nang pabalangkas ang mahahalagang impormasyonna nais nitong iparating sa mambabasa. Gawing gabay ang sumusunod:

Ako ay Ikaw

I. Bunga ng Pakikipaglaban A.B.C.

II. Kalagayan sa Makabagong Panahon

 A. 1.2.3.

GAWAIN 8: Ugnayang PanlipunanIlahad ang kaugnayan ng talumpati sa kultura o kalagayang panlipunan ng Africa atsa kulturang Pilipino.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Alam mo ba na…

nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ngangkop na mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag? Mahalaga ang mga itosa pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas malinawang isang sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag.Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o opinyon.

May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumentoupang makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay, atiba pa.

Page 39: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 39/102

Page 40: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 40/102

272

DEPED COPY

Ngayong nauunawaan mo na ang kahalagahan ng sanaysay sa paglalahad ngmahahalagang impormasyon at ang paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag, pag-aralan ang sumusunod na impormasyon at ilipat mo sa isang kapaki-pakinabang nagawain ang iyong mga natutuhan.

 Ilipat

Upang matiyak na naunawaan ang araling ito, gumawa ka ng balangkas  sanapakinggang talumpati

MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA PAGGAWA NG BALANGKAS A – NapakahusayB – MahusayC – Hindi mahusayD – Paunlarin pa

Pamantayan 4 3 2 1Nilalaman – maayos at organisado

Taglay ang wastong pagkuha ng mahahalagang impormasyon

Wastong balangkas – taglay ang wastong pamamaraan sapagbalangkas

Makatotohanan – totoo ang mga impormasyong ipinakita

  Ikaw bilang stenographer   ng isang pahayagan ay naatasang gumawa ngbalangkas ng mahahalagang impormasyon  sa napakinggang talumpati. Ito ay

ibabalangkas mo at iuulat mo sa punong-patnugot sapagkat ilalathala niya ito sa isangpahayagan. Ito ay ibabahagi mo sa iyong punong-patnugot at sa mga manunulatng inyong pahayagan. Tatayahin ang iyong balangkas batay sa: a.) nilalaman,b.) pagkawasto ng pagkuha ng mahahalagang impormasyon, c.) wastong balangkas,at d.) makatotohanan.

 

Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiranat di-tuwirang pahayag sa pagkuhang mahahalagang impormasyon?

Page 41: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 41/102

273

DEPED COPY

Narito ang ilang gabay sa pagsukat ng balangkas.

  Napakahusay mo, binabati kita sa naging bunga ng iyong pagtitiyaga – angtagumpay. Inaasahan kong ang iyong natutuhan sa aralin, sa tulong ng mga tanong

at gawain ay iyong isasabuhay. Muli, ang bagong hamon para sa bagong aralin aybinubuksan ko na para sa iyo.

Anyo ng Balangkas

 Ang balangkas ay maaaring gumamit ng paksa o pangungusap. Sa anyong salita oparirala, hindi ginagamitan ng bantas. Madaling mailahad ang maikling kabuuan ng

paksang tatalakayin at mabilis pa itong isulat kaysa pabalangkas na pangungusap.  Ang pabalangkas na pangungusap ay gumagamit ng buong pangungusap salahat ng entrada at nilalapatan ng wastong bantas. Kung sisimulan nang patanongang balangkas, dapat ay patanong din ang iba pang bahagi nito.

Halimbawa:

Mga Karapatan ng Mamamayan

I. Karapatang Likas A. Karapatang mabuhayB. Karapatang maging maligayaC. Karapatang umibig

  II. Karapatang Konstitusyonal A. Karapatan sa Saligang Batas

1. Kalayaan sa paghalughog2. Kalayaan sa komunikasyon3. Karapatan sa pamamahayag4. Kalayaan sa relihiyon5. Kalayaan sa paninirahan

B. Karapatang itinatakda ng batas1. Karapatan sa pagmamana

Interpretasyon:

16 - 20  – Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mgagawain.

11 - 15 – Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan okagalingan.

6 - 10  – Hindi mahusay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit kailangan ngpagrebisa upang mapaunlad pa ang gawain.

1 - 5 – Ulitin pa ang gawain upang maging makabuluhan ito sa sarili at sa titinginng iyong likha.

Page 42: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 42/102

274

DEPED COPYSa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula nakanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyayinginuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliwat pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ngUganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilangmagulang. Kaya naman ipakikita sa tulang tatalakayin ang maingat na pagpili ngina sa pangalan ng anak, mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak, panghuhulang ina sa magandang kinabukasan ng anak at ang positibong pagbabagong hatidnila sa kanilang magulang.

Sa Aralin 3.4, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa atpagpapahalaga sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na isinalin saFilipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg na A Song of a Mother to Her Firstborn. Matututuhan mo rin ang kahalagahan ngpaggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sapagbuo ng tula. Sa pagtatapos, ay kakatha ka ng sariling tula na lalapatan mo nghimig. Tatayahin ang nasabing pagganap batay sa sumusunod na pamantayan:a.) kahusayan ng pagkakabuo ng tula, b.) himig/melodiya, at c.) paraan ngpresentasiyon nito.

Sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo nang may pag-unawa

ang mga tanong na: Paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang malaya?;Paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang kultura ngbansang pinagmulan nito? at Paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismoat matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng isang tula?

 

Aralin 3.4

Panimula

A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay

  (Tula mula sa Uganda)Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula saSalin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng

   A Song of a Mother To Her Firstborn B. Gramatika at Retorika: Wastong Gamit ng Simbolismo at

Matatalinghagang Pananalita

C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay 

Page 43: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 43/102

275

DEPED COPY

 

Tuklasin

Upang masagot mo ang tanong na  paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulangmalaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang kultura ngbansang pinagmulan nito ay makabubuting isagawa mo ang mga na gawain.

GAWAIN 1: Ibahagi Mo! Awitin ang isang bahagi ng obra ni Gary Granada na “Magagandang Anak.” Pagkataposay isagawa ang Think-Pair-Share. Pag-uusapan ng inyong kapareha ang kadakilaanng ina. Ibahagi ito sa klase.

 Ang aming ina’y, masinop na maybahay Adhikain niya’y kagaya ni itay

Kami ay pag-aralin, pakainin, bihisan atKatulad ng inyong magagandang anak.

Sana, sana ang kawalan ay malunasan.Sana, sana ang kapayapaa’y maranasan.

GAWAIN 2: Isa-isahin Mo!Paramihan ng maibibigay na matatalinghagang pananalita at simbolismo sa salitangnasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng tulang may isang saknong gamitang simbolismo at matatalinghagang salitang ibinigay.

 

 Yugto ng Pagkatuto

Page 44: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 44/102

276

DEPED COPY

GAWAIN 3: Pagbulayan Mo!Suriin at paghambingin ang dalawang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong.Isulat ang pagsusuri sa sagutang papel.

Ako ang Daigdigni Alejandro Abadilla

Iako

ang daigdig

akoang tula

akoang daigdig

ng tulaang tula

ng daigdig

akoang walang maliw na ako

ang walang kamatayang akoang tula ng daigdig

IIako

ang daigdig ng tulaako

ang tula ng daigdig

ako ang malayang akomatapat sa sarilisa aking daigdig

ng tula

akoang tula

ng daigdigako

ang daigdigng tula

ako

IIIako

ang damdamingmalaya

akoang larawang

buhay

Gabini Ildefonso Santos

Habang nagduruyan ang buwang ninikatsa lundo ng kanyang sutlang liwanag,isakay mo ako. Gabing mapamihag,

sa mga pakpak mong humahalimuyak!

Ilipad mo ako sa masalimsimna puntod ng iyong mga panganorin;

doon ang luha ko ay padadaluyinsaka iwiwisik sa simoy ng hangin!

Iakyat mo ako sa pinagtipunanng mga bitui’t mga bulalakaw,at sa sarong pilak na nag-uumapaw,palagusan mo ako ng kaluwalhatian!

Sa gayon, ang aking pusong nagsatala’ymakatatanglaw din sa pisngi ng lupa;

samantala namang ang hamog kong luhasa sangkalikasa’y magpapasariwa!

 At ano kung bukas ang ating silahisay papamusyawin ng araw ang langit?

Hindi ba’t bukas din tayo ay sisisidSa dagat ng iyong mga panaginip?

Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,ang ilaw at hamog ng aking paggiliw;

ilipad mo habang gising ang damdaminsa banal na tugtog ng bawat bituin!

Page 45: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 45/102

277

DEPED COPY

akoang buhay

na walang hanggan

akoang damdamin

ang larawanang buhay

damdaminlarawanbuhay

tulaako

IVako

ang daigdig

sa tula

akoang tula

sa daigdig

akoang daigdig

akoang tula

daigdigtula

  ako....

TANONG:

1. Ano ang sukat at tugma ng mga tula?

2. Paano naging marikit ang mga tulang binasa?

3. Ano ang talinghaga ng mga tulang binasa? Ipaliwanag.

4. Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito?

Patunayan.

Page 46: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 46/102

278

DEPED COPY

Ngayon nama’y humakbang ka sa susunod na bahagi ng iyong pag-aaral nang sagayo’y matuklasan mo ang sagot sa mga tanong na paano naiiba ang tulang tradisyunalsa tulang malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal angkultura ng bansang pinagmulan nito?

Alam mo ba na...ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod? Bawat saknongnaman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mgapantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayagay piling-pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita, atsimbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung

bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.

Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elementonito. Ito ay ang sumusunod:

1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos 

 A/li/pa/tong/ lu/ma/pagSa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/takSukat-Pipituhing Pantig

2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal

Tunay ngayong umid yaring dila’t pusoSinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo.

Tugmang - Ganap

3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at angkabuuan nito.Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen

Ito ba ang mundong hinila kung saanNg gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?

Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula oang ipinahihiwatig ng may-akda.Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez 

Putol na tinapayat santabong sabaw

sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantayhalos ay sinaklot ng maruming kamay

Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.

Page 47: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 47/102

279

DEPED COPY

Linangin

Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng magandangkinabukasan sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula ng isang inang taga-Ugandapara sa kaniyang sanggol sa akdang, Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay. Basahinat unawain mo ang akda upang iyong matuklasan ang katangian ng tulang malayaat makita ang kaibhan nito sa tulang tradisyunal, maging ang kultura ng bansangpinagmulan nito. Mapatutunayan mo rin na ang mga simbolismo at matatalinghagangpananalita ay nakatutulong sa pagiging masining ng pagbuo ng taludturan ng isangtula.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg

Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.

Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling. Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’ymunsik.Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.Kamay na magpapasaya sa iyong ama.Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:Nagbabalak nang humawak ng panulag namatalim.

 Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,at mamumuno sa kalalakihan. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo saakin,Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, At ang pagsulyap-sulyap sa akin.Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?” Ang poo’y di marapat na pagnakawan,Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.

Page 48: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 48/102

280

DEPED COPY

Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab. At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay. At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,Maging sa iyong halakhak.

Paano ka pangangalanan, aking inakay?Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang. Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.Ngayon, ako’y ganap na asawa.Hindi na isang nobya, kundi isang ina.

Maging maringal, aking supling na ninanasa.Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama. Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak. Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat, Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.Samakatuwid, ako’y lumigaya.Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw. Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan. At ako ang ina ng kaniyang panganay.Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.Ika’y mahimbing, Ako’y wala nang mahihiling.

Page 49: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 49/102

281

DEPED COPY

GAWAIN 4: Paglinang sa TalasalitaanIsaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayagng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sasagutang papel.

Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin

kagalakankatuwaan

kaluwalhatiankaligayahankasiyahan

5.

4.3.

2.

1.

Paliwanag saPag-aantas

Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin

lungkotlumbay

dalamhatipighati

pagdurusa

5.

4.

3.

2.

1.

Paliwanag SaPag-aantas

GAWAIN 5: Tarukin Mo!Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel.

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa

paglalarawan sa katangiang taglay niya?4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay

ang iyong pananaw ukol dito?5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sang-

ayon ka ba rito? Bakit?6. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa

kaniyang ama? Sa poon?7. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan pagkatapos

basahin ang akda? Ipaliwanag.

Page 50: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 50/102

282

DEPED COPY

GAWAIN 6: Patunayan Mo!Sa sagutang papel, bumuo ng kongklusyon sa tulong ng kasunod na grapikongrepresentasiyon sa kabilang pahina.

 Ang akdang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” ay isang tulang malaya nanagsalaysay ng nadarama at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak. Sapagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael Palma, “AngMatanda at ang Batang Paruparo.” Basahin at alamin kung ito ba’y tulang malaya otulang tradisyonal.

Ang Matanda at ang Batang Paruparo

Rafael Palma 

Isang paruparo na may katandaan,Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;

Palibhasa’y di nasisilaw sa ilawBinigyan ang anak ng ganitong aral:

 Ang ilaw na iyang maganda sa mataNa may liwanag nang kahali-halinaDapat mong layuan, iyo’y palamara,Pinapatay bawat malapit sa kaniya.

“Ako na rin itong sa pagiging sabik!Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,ang aking napala’y palad ko pang tikisnasunog ang aking pakpak na lumiit.”

“At kung ako’y itong nahambing sa ibana di nagkaisip na layuan siya,

disin ako ngayo’y katulad na nila,nawalan ng buhay at isang patay na.”

 

KONGKLUSYON

PATUNAY PATUNAY

Suriin ang tulang binasa. Ito ba’y isang tulang malaya o tulang

tradisyonal? Malinaw bang naisalaysay ang kultura ng bansang

pinagmulan nito? 

Page 51: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 51/102

283

DEPED COPY

 Ang pinangaralang anak ay natakotat pinangako ang kaniyang pagsunod;

ngunit sandali lang. Sa sariling loobibinulong-bulong ang ganitong kutob;

“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin

ng ina ko upang lumayo sa ningning?Diwa’y ibig niyang ikait sa akinang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”

“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!isang bagay na hindi dapat layuan,itong matanda ay totoo nga namang

sukdulan ng lahat nitong karuwagan!”

“Akala’y isa nang elepanteng ganidang alin mang langaw na lubhang maliit,

at kung ang paningin nila ang manaigmagiging higante ang unanong paslit.”

“Kung ako’y lumapit na nananaganoay ano ang sama ng mapapala ko?Kahit na nga niya murahin pa ako

ay sa hindi naman hangal na totoo.”

“Iyang mga iba’y bibigyan ng matwidsa kanilang gawa ang aking paglapit,

sa pananakali’y di magsisigasigsa nagniningningang ilaw na marikit.”

Nang unang sandaliy’ walang naramdamankundi munting init na wari’y pambuhay,

ito’y siyang nagpapabuyo pang tunayupang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Natutuwa pa nga’t habang naglalaroay lapit nang lapit na di nahihinto

sa isang pag-iwas ay biglang nasulotuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

Nang unang sandali’y walang naramdamankundi munting init na wari’y pambuhay,ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunay

upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

 At siya’y hindi na muling makalipadhanggang sa mamatay ang kahabag-habag,ang ganyang parusa’y siyang nararapatsa hindi marunong sumunod na anak.

- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970 

Marahil natalastas mo ang nais ibahagi ng may-akda sa tula. Ito’y patunayan sapamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain.

Page 52: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 52/102

284

DEPED COPY

GAWAIN 7: Ipaliwanag Mo!Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag sa sagutang papel gamit ang kasunod nagrapikong representasiyon. 

ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI

a. Sukatb. Tugma

c. Kariktan

d. Talinghaga

Paglalahat Batay sa Pagsusuri

Ito ba’y tulang tradisyonal o malaya? Patunayan.

Nasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa paanongparaan? Patunayan.

Sagutin ang tanong sa loob ng Speech Balloon sa iyong sagutang papel.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Naririto ang karagdagang kaalaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismoupang mapatunayan na nakatutulong ang paggamit ng mga ito sa pagiging masiningsa pagbuo ng taludturan ng isang tula.

Alam mo ba na…nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamitng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulongupang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din

sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagangpananalita.

  Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantadna kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhainng anumang wika.

   Ano ang layunin ng tulang binasa? Anong uri ito ng teksto? _______________________________________________  _______________________________________________

Paano naiba ang unang tulang binasa sa ikalawang tula?Magkatulad ba ang pagiging masining ng dalawang tula?

Patunayan. _______________________________________________  _______________________________________________

Page 53: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 53/102

285

DEPED COPY

Pagsasanay 1:  Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ngtula. Hanapin ang matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat angkahulugan nito sa sagutang papel.

1. Mata’y napapikit sa aking namasdan;  Apat na kandila ang nangagbabantay.

(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)

2. Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod  na walang paupa sa hirap at pagod;  minsan sa anyaya, minsan sa kusang-loob,  pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.  (Kabayanihan ni Lope K. Santos)

Halimbawa: 

1. butas ang bulsa - walang pera

2. ilaw ng tahanan - ina

3. kalog na ang baba - gutom

4. alimuom - tsismis

5. bahag ang buntot - duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabawMarami sa tao’y sa salapi silaw?

Kaya kung isa kang kapus-kapalaranWala kang pag-asang umakyat sa lipunan.

(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

  Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkatang una’y nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang angikalawa’y tumutukoy sa mahirap.

  Ang  simbolismo naman  ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sapamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ayordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatangingkahulugan.

Halimbawa: 1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman2. gabi- kawalan ng pag-asa3. pusang-itim-malas4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan5. bulaklak- pag-ibig

Palay siyang matino,Nang humangi’y yumuko,

Nguni’y muling tumayo:Nagkabunga ng ginto!

(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

  Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok nakaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay.

Page 54: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 54/102

286

DEPED COPY

3. May tanging laruan isang bolang-apoy  Aywan ba kung sino ang dito’y napukol.  At sino rin kaya ang tagapagsindi  Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?  (Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos)

4. Siya’y mabiyayang inilatag,  Sa tubong matamis ay matingkad,  Itong disyerto’y kaniyang buhok.  Ginintuang paa’y namumukod,  At ang kaniyang dibdib ay bundok  Na sa ilog ng Nile nalulunod,  Kaya’t siya’y pinong itinakda,  Na ginawarang itim tuwina.  (Salin mula sa tulang Africa ni Maya Angelou)

5. Sandaling lisanin ang nakasanayan  Unatin yaring kaluluwa’t katawan

  Kawangis ng paghalik ng Maylalang  Sa burol, dalampasiga’t kaparangan.  (Salin sa tulang All The Hemispheres ni Daniel Ladinsky mula sa tula ni Haz)

Pagsasanay 2:  Itala ang matatalinghagang pananalita at simbolismo mula sanapakinggan at napanood na tulang liriko/sabayang pagbigkas mula sa link  na ilalahadng guro. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito sa sagutang papel.

Pagsasanay 3: A. Sa sagutang papel, kompletuhin ang isang saknong ng tula na salin mula sa tulang

Pilgrimage of African ni Wayne Visser sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong

salita sa patlang na makukuha sa katabing kahon.

Tinalunton, ang ________ ng kalikasan,

 Ako’y _______ dumating, isang buhay.

Binuklod ng _______ng mga ninuno,

Kami’y ________ dumating, isang _________.

tribo

hangin

bakas

leon

kamay

Page 55: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 55/102

287

DEPED COPY

B. Sa sagutang papel, kompletuhin ang tula sa pamamagitan ng paglalagay ngmatatalinghagang pananalita at simbolismo. Bigyan din ito ng sariling pamagat.

Pagsasanay 4: Sumulat ng tulang mayaman sa matatalinghagang pananalita atsimbolismo na tungkol sa kadakilaan ng ina, tiyaking hindi bababa sa tatlong saknongang tulang lilikhain. Mamarkahan ito batay sa sumusunod na pamantayan: kayarian,kasiningan, at kaangkupan.

Maayos mong naisakatuparan ang mga gawain kayat ipagpatuloy mo ang iyongpagkatuto.

Pagnilayan at Unawain

Masusing pag-aralan ang mga salita sa loob ng magkahiwalay na kahon at gamitin angmga ito sa pagbuo ng tatlong mahahalagang konsepto. Isulat ang sagot sa sagutangpapel.

Ikinagagalak kong pinagbuti mo nang lubos ang iyong pagkatuto. Narito ka na ngayonsa huling hamon ng araling ito.

 ______________________ Sa ami’y...

Isa kang ______ na may dalang ligaya,Ika’y tuwinang bukas-palad sa iba.

 Ang iyong gawi’y hindi ________________,Kayat kami’y humahalik sa ‘yong paa.

Sa ami’y...Isa kang __________ na laging sandata,Di _____________ sa hampas ng pala

Dito’y nasisilip, maningning na _______,Kaya’t kami’y humahalik sa ‘yong paa.

  1. tradisyonal sukat malaya tugma tula

3. sapagkat simbolo kariktan pahayag matalinghaga

2. tula kultura bansa pinagmulan isinasalaysay 

Page 56: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 56/102

288

DEPED COPY

Ilipat

Sa bahaging ito masusubok ang kaalaman mo tungkol sa pagkakaiba ng tulang

tradisyonal at tulang malaya maging ang karunungan mo sa simbolismo atmatatalinghagang pananalita. Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong iyongnapagtibay. Kung mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, makabubutingmagtanong ka sa iyong guro o balikan mo ang mga naunang gawain sa pagkatuto.

Tunghayan ang pamantayan kung paano mamarkahan ang isinagawang pagganap.

Pamantayan Bahagdan

Kahusayan ng Tula(Kasiningan at Talinghaga)

60 puntos

Himig o Melodiya(Tinig)

30 puntos

Kabuuang Pagtatanghal(Presentasiyon)

10 puntos

Kabuuang Marka 100 puntos

  Binabati kita. Salamat at matiyaga mong pinag-ukulan ng panahon ang pag-aaral sa araling ito. Handa ka na ngayong pag-aralan ang susunod na aralin ngmodyul.

 

Magkakaroon ng Reunion ang inyong mag-anak sa mismong Araw ng mga Ina.Isang presentasyon ang iniatang sa iyong balikat, nahilingan kang maghanda ngisang rendisyon ng tulang iyong kakathain na nagsasalaysay ng dakilang pag-aaruga ng isang ilaw ng tahanan sa kaniyang mga anak upang sila’y alayan ngnatatanging pagpapahalaga.

 Ang iyong pag-awit ay lubos na maiibigan ng iyong mga kamag-anak at

lalong-lalo na ng iyong ina kung titiyakin mong sumunod ito sa pamantayang:kahusayan ng tula, harmoniya ng awit, at kabuuang pagtatanghal.

Page 57: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 57/102

289

DEPED COPY

Matapos mong pag-aralan ang mito, anekdota, sanaysay, at epiko, ang maikling

kuwento naman ang iyong bibigyang-pansin sa araling ito.

Nilalaman ng araling ito ang maikling kuwento ni Barbara Kimenye, “Ang

 Alaga” na isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson. Inilalahad sa akdang

ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa kaniyang alaga. Bahagirin ng aralin ang pagtalakay sa mga salitang nagsasaad ng paghihinuha na

makatutulong sa pag-unawa sa tatalakaying paksa at sa paglalahad.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makabuo ng isang

patalastas na pasulat batay sa sumusunod na pamatayan: a.) makatotohanan,

b.) masining, c.) kaalaman sa paksa, at d.) maayos ang paglalahad.

 Aalamin natin kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa

pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Gayundin,

kung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng

opinyon.

Tuklasin

GAWAIN 1: Checklist Lagyan ng tsek (a) ang patlang bago ang bilang na may kaugnayan sa maiklingkuwento. Mula sa naging sagot, bumuo ng isa o dalawang pangungusap namagpapahayag tungkol sa maikling kuwento.

 _____ 1. naglalahad ng mahahalagang kaisipan _____ 2. maaaring pormal at di-pormal _____ 3. banghay _____ 4. wakas _____ 5. simula _____ 6. suliranin _____ 7. tunggalian _____ 8. may mga kabanata _____ 9. kasukdulan _____ 10. mga tauhan

 

Aralin 3.5

Panimula

 Yugto ng Pagkatuto

A. Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento mula sa East Africa)  ni Barbara Kimenye

  Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson

B. Gramatika at Retorika: Mga Salitang Naglalahad ng Opinyon

C. Uri ng Teksto:  Naglalarawan

Page 58: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 58/102

290

DEPED COPY

GAWAIN 2:  Anticipation GuideBago basahin ang akda, basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat sa unang

kolum kung sang-ayon o di-sang-ayon na mababasa ang pahayag sa tatalakayingakda. Pagkatapos mabasa ang akda, lagyan ng tsek (a) ang ikatlong kolum na wastoang iyong naging hinuha.

Sang-ayon odi-sang-ayon?

Pahayag

Hindi na naging interesado ang mga kasamahanni Kibuka sa kaniya.

Sa pag-iisa ni Kibuka ay naiisip niyang kasiya-siya ang kaniyang buhay kaya’t kailangan niyangmagpatuloy sa pakikibaka.

Isang biik ang pasalubong ng paboritong apo niKibuka sa kaniya.

Sa una ay naisip ni Kibuka na ang biik ay alagaan.

Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki angbaboy ay maraming problemang dumarating.

Sa naganap na aksidente, ang baboy na alaga niKibuka lamang ang nakaligtas.

Sa huli ay naisip din ni Kibuka na makakatulog nasiya nang maayos.

GAWAIN 3: Sa iyong Palagay

1. Piliin sa kasunod na kahon ang sa iyong palagay ay mga salita o pahayag na

naglalahad ng opinyon.ayon sa/kay... batay sa/kay...kung ako ang tatanungin... maliban sa...naniniwala akong... sa aking palagay...sa tingin ko... tunay na

2. Sa iyong palagay, bakit kaya mahalagang maunawaan ang mga salitang ito?

 Ang iyong dati nang kaalaman sa maikling kuwento at sa mga salitang naghahayag ngopinyon ay mas lalawak pa sa pagpapatuloy ng aralin. Makatutulong ang pagbasa samga akda upang lubos mong maunawaan ang tungkol dito. Halina’t simulan.

Alam mo ba na… ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisangmaikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa

buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari? Taglaynito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhangmay mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay saisang madulang bahagi ng buhay; (4) may mahalagang tagpuan; (5) may kawilihanhanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas.  Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan  – angbinibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong iyongbinasa ay nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumilos ayonsa kaniyang paligid.

Batay sa aking mga naging kasagutan, ang maikling kuwento ay ______________  ______________________________________________________________.

Page 59: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 59/102

291

DEPED COPY

Linangin

Basahin at unawain ang maikling kuwento upang malaman kung paano nakatutulongang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayarisa lipunan.

Ang Alagani Barbara Kimenye

Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson

Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyangmapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw,may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapanupang alamin kung sino ang mga kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod napangyayari sa likod ng maitim na kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na siya,may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho.

  Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sakasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyangtanggapan upang tingnan kung kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong.Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga papeles at napatunayanniya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan, nagkalat din ang iba’tibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na hindi dapat makita ngkung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila walang pakialamang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa teleponohabang napaliligiran ng ilang babae.

  Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang

dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka.

  Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabing ilog sa Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyanghaharapin. Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa aynasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siyaat mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubigpara sa iinuming tsaa. Sa ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparatingna kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang alamin kung sino angdumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo, mataas, payat, at kabosesni Kibuka.

  Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.

  “Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghandaako ng maiinom na tsaa.”

  “Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang poang katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.”

Page 60: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 60/102

292

DEPED COPY

  “Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong paay lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandangnaiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng kapanabikan.

  “Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siyamapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.”

  Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik.

  Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik.Sampung minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungayna mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibukasa apo at habang kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik.

  Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin siMiriami na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi niYosefu.

Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunodnang sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi itoumaalis sa tabi niya. Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka.

  Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirangpagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipasng ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ngmatoke si Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay.

  Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon,hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaganiyang baboy sapagkat ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sabahay ni Kibuka ang nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang

makita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-anakito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito.

  Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahildito, pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat naingat siya na malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ngalagang baboy. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal naiyon kay Kibuka.

  Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maramingproblema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain athindi naman ganoon karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nang

makain ang baboy, pupunta ito sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanimna mga gulay at kape. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkainmaibigay lamang sa alagang baboy.

  Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagangbaboy gaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik nanakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ayilalabas na niya ang alagang baboy at itatali na lamang sa puno.

Page 61: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 61/102

293

DEPED COPY

  Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy aymahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang angmakapagsasabi.

  Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sailog.

  Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisawang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas angagos ng tubig na maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboyna magtampisaw rito. Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan angalagang baboy ng mga batang naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilogat lunurin ang baboy.

  Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagangbaboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mgatagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboyhabang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit

ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagangbaboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya.Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad nanasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi atibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang oras. Hindina niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.

  Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon nakinakausap ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunitang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya itomaipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga.

  Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang

naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahangpangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isangmotorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagangbaboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay na siya, natuwa siya sapagkat buopa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na sumasakit at dugo sa mgakamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na tila hindi namangaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha atmakikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod. 

Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy niKibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang baboydahil sa pagkakaipit ng leeg nito at namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang

aksidente na nag-iwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakauposiya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari.Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan si Kibuka at namatay na alagang hayopat pagkatapos ang motorsiklo naman ang kanilang titingnan. Dumating si Musisi, angHepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan siKibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya.

  “Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunanng pahayag. Magpahinga muna kayo.”

Page 62: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 62/102

294

DEPED COPY

  “Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.”

  “Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Masmabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaringmagtagal sa klase ng klima ngayon.”

  Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop.Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba  ililibing ang alagang hayop. Sinabi niyana ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisipniya na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siyatutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito. Sa bandang huli, naisip niya na bakithindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa namatay niyang alaga.Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.

  Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka atipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng baboyay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikasosa namatay na baboy.

  Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyangbalikat ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa anumang sakit na nararanasanniya. Umupo sandali habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising samagandang sikat ng araw. Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang pinakamagandaniyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan.Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang tingnan kung ang pata ngalaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu.

  “Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabayna sa akin pagpunta roon?”

  Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng

baboy na dinala sa kaniya ni Musisi.

  “Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.”

  Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay angmga detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu namananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong niMusisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapansina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap angpagkain nila ng pananghalian.

  “Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habangnaglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.”

  “Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok atnapakasarap pa,” pahayag naman ni Miriamu.

  May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahalniyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy parin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alamniya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nangmaayos.

Page 63: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 63/102

295

DEPED COPY

GAWAIN 4: Paglinang ng TalasalitaanIbigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit. Pagkatapos,gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.

1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng

ilog sa Kalansanda.

2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamangsa alaga niyang baboy.

3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog.

4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi

niya ito maipagbibili.

5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon

sa iba’t ibang direksiyon.

6. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di

inaasahang pangyayari ang naganap.

GAWAIN 5: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

 Sagutin ang mga gabay na tanong.1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kaniyang kalakasan at

kahinaan bilang tauhan.

2. Batay sa mga pangyayari sa akda, paano mo ilalarawan ang isang alaga nang

may pagpapahalaga?

3. Ano ang suliraning nangibabaw sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang

pangyayari sa lipunan.

4. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa?

5. Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan at

pandaigdig.

6. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan? Patunayan.

7. Masasalamin ba ang kultura ng Africa sa akdang iyong binasa? Ipaliwanag.

8. Ipaliwanag: May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na

karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali

lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan.

Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon

at sa halip makakatulog na siya nang maayos.9. Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito

wawakasan? Isalaysay.

10. Bakit isinulat ng may-akda ang maikling kuwentong tinalakay? Magsaliksik sa

lugar at kondisyon ng panahon sa pagkakalikha nito.

 

Kahalagahan ng akda

sa...

sarili

daigdig

lipunan

Page 64: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 64/102

296

DEPED COPY

Basahin ang kasunod na teksto na nagsasaad ng katangian ng isang tao nainilarawan ayon sa pagkakakilala sa kaniya ng isang taong malapit sa kaniyang buhay.Pansinin ang mga salitang may salungguhit.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ilarawan ang katangian ng ina sa teksto. Gumawa ng paghahambing sa ina sa

binasang teksto at sa iyong ina.

2. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong ina?

3. Batay sa pagkakalahad, anong uri ito ng teksto? Patunayan.

4. Ano ang layunin ng mga salitang may salungguhit?

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Basahin at unawain ang impormasyon tungkol sa gramatika upang maunawaankung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon.Makatutulong ang mga pagsasanay sa bahaging ito upang mas lalo mo pangmaunawaan ang kahalagahan nito. 

Pagkakatulad

 _____________  _____________

Pagkakaiba _____________  _____________ 

 

Paglalarawan sa Ina sa

tekstoPaglalarawan sa iyong

Ina

ROSALIA VILLANUEVA TEODORO, DAKILANG INA

Mapagmahal, maasikaso, malambing, matalino at higitsa lahat may takot sa Diyos, iyan ang aking ina. Walanghindi gagawin para sa kapakanan naming magkakapatid.Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysakaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon nalamang ang pag-aalala namin sa kaniya, inaakala ko namanghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwalsubalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.Sa paniniwala ng aking mga kapatid lalo pa nga siyangtumapang at tumatag, iyon ay upang patuloy niya kaming

magabayan. Sa ganang akin, wala nang papantay pa sakadakilaan ng aking ina.

Page 65: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 65/102

297

DEPED COPY

Alam mo ba na…ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang maunawaan natin?Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.

Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon:sa palagay ko…

ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi…batay sa aking paniniwala…sa tingin ko…maaaring…baka…siguro…

Pagsasanay 1: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita o pahayag nanaglalahad ng opinyon batay sa sumusunod na sitwasyon.

1. Pagkakaroon ng Senior High School2. Pagtaas ng bilihin

3. Ekonomiya ng bansa4. Krimen na nangyayari sa bansa5. Pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot

Pagsasanay 2: Masdang mabuti ang larawan sa ibaba. Sumulat ng tekstongnaglalarawan tungkol dito. Maglahad din ng opinyon kung paano makatutulong upangmabawasan ang ganitong senaryo sa bansa.

Pagsasanay 3: Suriin ang patalastas sa telebisyon tungkol sa isa sa mga produktongtinatangkilik ng lipunan. Ilahad ang iyong pananaw tungkol dito. Gamitin at salungguhitanang pahayag na naglalahad ng iyong opinyon.

  Ngayong alam mo na ang kahalagahan ng mga salitang nagbibigay-hinuhasa paglalarawan at ang katangiang taglay ng mga tao na may pagkakaiba-ibangkatangian, kailangan na matiyak ang iyong natutuhan.

Page 66: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 66/102

298

DEPED COPY

 

Pagnilayan at Unawain

Sagutin ang sumusunod upang matiyak na naunawaan ang mahalagang konsepto ng

aralin.

1. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa

pandaigdigang pangyayari sa lipunan? Gamitin ang diagram sa pagsagot.

2. Bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng

opinyon?

Ilipat

Layunin mo sa bahaging ito na mailapat ang mga konseptong natutuhan sa mgaaraling tinalakay. Balikan ang impormasyon tungkol sa patalastas bago mo ito gawin.

Patalastas

   Ang patalasatas ay maaaring pasalita at pasulat. Ang pagsasahimpapawiday ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa paraang pasalita tulad ng ginagawa saradyo at sa telebisyon. Ipinakikita rito ang mga produktong maaaring magustuhanng mga tao o kaya’y mga paligsahang ipinababatid sa publiko.

  Sa paraang pasulat ay maaaring ipakita o ilathala sa pahayagan, billboards, poster , at magasin. Nakalimbag dito ang nais ianunsyong mga gawain o hanapbuhayna kailangan ng isang tao o kompanya; mga larawan o hitsura’t katangian ngprodukto o kaya’y panawagan para sa mga nagnanais lumahok sa paligsahan.

  Paano nakatutulong ang

maikling kuwento sa

pagkakaroon ng kamalayan

sa pandaigdigang

pangyayari sa lipunan? 

Page 67: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 67/102

299

DEPED COPY

Halimbawa ng patalastas na pasulat:

Basahin nang may pang-unawa ang sitwasyon sa ibaba upang maisagawa ito.Sa nalalapit na foundation day sa inyong bayan, bilang Presidente ngorganisasyong MAMAYBAY o Mamamayang Ipinagmamalaki ang Bayan,naatasan kang magbigay ng impormasyon sa iyong bayan upang magkaroon ngkamalayan ang ibang tao rito. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng patalastas: na pasulat. Ang magiging panauhin na magtataya ng iyong ginawa ay angGobernador at Bise Gobernador ng inyong lalawigan, Mayor, Bise Mayor, atkonsehal ng bayan. Tatayain nila ang iyong ginawa batay sa sumusunod napamantayan: a.) makatotohanan, b.) masining, c.) kaalaman sa paksa, atd.) maayos ang paglalahad ng impormasyon gamit ang patalastas.

Rubriks sa Paggawa ng Patalastas na PasulatMga Pamantayan 5 4 3 2 1

 A. Makatotohanan

B. Masining

C. Kaalaman sa paksa

D. Maayos ang paglalahad

Napakahusay! Tunay ngang naunawaan mo ang araling ito. Isabuhay mo ang iyongnatutuhan. Inaasahan kong ang dedikasyon mo sa mga naging gawain ay iyongipagpapatuloy sa mga susunod pang aralin.

Gabay sa Pagmamarka

21 – 25…………………… Napakahusay16 – 20 …………………… Mahusay11 – 15 …………………… Katamtamang Husay  5 – 10 …………………… May husay subalit kailangang dagdagan pa ang

sikap

Page 68: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 68/102

300

DEPED COPY

 Ang Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na Imperyong Manding ay naging

makapangyarihan sa West Africa noong 1230 hanggang 1600 na siglo. Sa

pamamayagpag nito, ang imperyo’y higit pang malawak sa Western Europe. Dito’y

umusbong ang isang epiko na kabilang sa maituturing na dakilang kayamanan

ng panitikang pandaigdig, maihahanay ito sa epiko ng Hindu na Ramayana at

Mahabarata at epikong Griyego na Iliad at Odyssey. Ang epikong pag-aaralan

ay taal na tulang pasalaysay na pinagsalin-salin ang mga berso ng mahuhusay

na mananalaysay na sinasaliwan ng instrumentong musikal. Itatampok dito ang

mabuting pagbabagong dala ng pagtatagumpay laban sa kasamaan.

Sa Aralin 3.6, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at

pagpapahalaga sa epikong Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali na isinalin saFilipino ni Mary Grace A. Tabora hango sa salaysay ni D.T. Niane at salin sa Ingles

ni J.D. Pickett sa pinakatanyag na epiko ng Africa sa kasalukuyan, ang Sundiata:

 An Epic of the Old Mali . Layon ng araling ipakita ang kaugnayan ng epiko sa

kasaysayan at malinang ang kasanayan sa mga ekspresiyong sa pagpapahayag

ng damdamin o layon. Bilang pangwakas na gawain, magsasagawa ng isang

pagtatalo tungkol sa katangian ng mga pangunahing tauhan ng dalawang epiko.

Susukatin ang husay sa pagmamatuwid batay sa sumusunod na pamantayan:

a.) paglalatag at pag-aanalisa ng katibayan, b.) pangangatuwiran at panunuligsa,

at c.) pagpapahayag.

Sa araling ito, matatalos mo rin ang kasagutan sa mga pokus na tanong

na: bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko sa Africa sa bayani ng

kanilang kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa

pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan?

 

Aralin 3.6

Panimula

A. Panitikan: Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali  (Epiko mula sa Mali, West Africa)

  Mula sa Sundiata: An Old Epic of Mali  ni D.T. Niane salin sa Ingles ni G.D. Pickett  Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora B. Gramatika at Retorika: Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng

Layon o Damdamin

C. Uri ng Teksto: Nangangatuwiran 

Page 69: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 69/102

301

DEPED COPY

Tuklasin

Marahil handa ka na, simulan mong isagawa ang mga gawain upang matutuhan angsagot sa mga pokus na tanong na: Bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epikosa Africa sa bayani ng kanilang kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mgaekspresiyon sa pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan?

GAWAIN 1: Tilamsik ng SaloobinSa iyong sagutang papel, ibigay ang iyong posisyon o paninindigan tungkol sa paksangnasa timbangan. Mainam na batay ang iyong paninindigan sa mga napagtibay nangimpormasyon o ebidensiya.

GAWAIN 2: Itugon ang LayonIsulat sa sagutang papel ang layon ng mga pahayag.

1. Halika, maupo ka’t pakinggan mo ang plano ng ating pag-atake.

2. Pangako, babalik ako at babawiin ang pag-aari ko na iyong kinamkam.

3. Sumige ka’t makikita mo ang lupit ng aking kapangyarihan.

4. Mas makatutulong ang digmaan sa pagkamit ng ating kalayaan.

5. Tama ang iyong paniniwala na dapat mag-ingat sa mga lihim na kaaway.

GAWAIN 3: Magkatulad na BayaniIbigay ang hinihingi sa bawat kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

 

 Yugto ng Pagkatuto

Dalawang Kilalang Bayani ng Epiko

Ihambing sa Kilalang Bayani ng Kasaysayan

Patunay ng Paghahambing

 Ang mga manggagawa ba ay bayani ng

makabagong panahon?

Page 70: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 70/102

302

DEPED COPY

 Linangin

 Ang epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa hinaharap.Ito ay salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at kalahati’ysupernatural . Masasalamin sa epiko ang mataas na pagpapahalaga ng lipunan,kasaysayan, at napapaunawa sa kultura at tradisyon. Kaya mainam na basahin at

unawain mo ang akda upang masuri at mapagtibay mo na ang bayani ng epiko ng Africa ay hinahalaw sa kanilang magigiting na bayani ng kasaysayan.

Alam mo ba na…ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na isinalaysay nggriot (mananalaysay) na si Djeli Mamoudou Kouyate na mahusay na alagad ngkuwentong-bayan na si D.T. Niane? Isinalin niya ito buhat sa Mandigo sa wikangPranses. Kalaunan, ang kaniyang salin ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles.

  Si Sundiata Keita o Mari Diata (Mari Jata), ang bayani’t pangunahing tauhanng epiko ay totoong nabuhay. Isa siya sa labindalawang magkakapatid na lalakina tagapagmana ng trono. Siya’y isang makapangyarihang pinuno na tumalo saestadong Sosso sa Kanlurang Africa noong 1235. Itinatag niya ang ImperyongMandingo ng Matandang Mali. Ang kaniyang pamamayagpag ay tumagal nangmahigpit 250 taon.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Alam mo ba na…ang paninindigan ay isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatuwiran? Layonng naninindigan na mahikayat ang tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan okatotohanan ng pinaniniwalaan sa pamamagitan ng paglalatag ng sapat na katibayano patunay upang ang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.Gayundin sa paninindigan ay maaaring gumamit ng iba’t ibang ekspresyon upang

maipaabot ang layon o damdamin ng pagpapahayag.

Page 71: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 71/102

303

DEPED COPY

Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang MaliSundiata: An Epic of the Old Mali  salin sa Ingles ni J.D. Pickett

Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring Maghan KonFatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang

mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isangmakapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander, ang maalamatna Griyegong mananakop. Ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkatpitong taong gulang na si Mari Djata ay hindi pa nakalalakad. Tila walang katiyakangmapabilang siya sa mga pagpipiliang maging emperador.

  Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kaya’t hinirang ng kaniyang unangasawang si Sassouma Bérété ang sariling anak na si Dankaran Touma na tagapagmanang trono ng ama. Madalas silang naninibugho kay Mari Djata at sa kaniyang ina, kaya’tipinatapon niya ang mag-anak sa likod ng palasyo. Napilitan ang mga itong mamuhayna isang kahig isang tuka.

  Nabuhay si Sogolon Kedjou sampu ng kaniyang mga anak sa tira ng InangReyna, pinagyayaman niya ang maliit na halamanan sa likuran ng nayon. Sa taniman,nagagalak siya na pagmasdan ang mga tanim na ubas at gnougous. Isang araw,kinapos siya ng pampalasa at nagtungo sa Inang Reyna upang magmakaawa ngkaunting dahon ng baobab.

  “Tingnan mo ang iyong sarili,” wika ng mapanghamak na si Sassouma. Angaking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para saakin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalapng mga dahon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat angiyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak.” Siya’y nanunudyong humalakhaknang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa kaibuturan.

  Natigagal si Sogolon. Hindi niya maisip na ang galit ay may puwersangnapakalakas. Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa lalamunan. Sa labas ngkanilang kubo, si Mari Djata ay nakaupo sa kaniyang walang silbing mga binti at walangpakialam na sumusubo’t tangan-tangan ang calabash. Hindi napigilan ni Sogolon angkaniyang sarili, siya’y napahikbi at dumampot ng kaputol na kahoy, hinagupit niya anganak.

  “Oh anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba makalalakad? Dahil sa iyongpagkukulang ako’y nakaranas ng matinding pangdudusta sa aking buhay! Ano angaking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?”

  Dinampot ni Mari Djata ang kaputol na kahoy at matiim na tumitig sa ina, “Inay,

anong problema?”

  “Manahimik ka, walang makapaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.”

  “Ano ba yaon?”

  “Si Sassouma’y pinahiya ako dahil lamang sa dahon ng baobab. Sa edadmong iyan, ang kaniyang anak ay nakapipitas na ng dahong iyon para sa kaniyangina.”

Page 72: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 72/102

304

DEPED COPY

  “Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.”

  “Hindi. Ito’y sobra na. Hindi maaari.”

  “Mahusay, kung gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito,” sabi ni Mari Djata.“Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal.

Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko sa iyoang buong puno?”

  “Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko ngpuno’t ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa.”

  Nang oras na iyon ay naroroon si Balla Fasséké, humangos siya sapinakamahusay na panday, si Farakourou, upang magpagawa ng tungkod na bakal.

  Umupo si Sogolon sa harapan ng kanilang dampa. Siya’y tahimik na lumuluhahabang sakbibi ng kalungkutan. Binalikan ni Mari Djata ang kaniyang pagkain na tilawalang nangyari. Maya’t maya niyang sinusulyapan ang kaniyang ina na bumubulong,

“Ibig ko ang buong puno, sa harap ng aking dampa, ang buong puno.”

  Walang ano-ano, sumambulat ang isang malakas na tinig na humahalakhakmula sa likod ng kubo. Ito’y likha ng buktot na si Sassouma na nagsasalaysay sakaniyang utusan tungkol sa panghihiyang ginawa kay Sogolon, sinasadya niyangmadinig ito ng huli. Mabilis na pumasok si Sogolon sa kaniyang silid at tinakpan ang ulong kumot upang hindi masilayan ang pabayang anak na abalang-abala sa kaniyangpagkain kaysa sa ano pa mang bagay. Walang tigil sa pananangis si Sogolon. Nilapitansiya ng kaniyang anak na babae, Sogolon Djamarou, at tumabi sa kaniya, “Tahan naina. Bakit ka umiiyak?”

  Nasimot ni Mari Djata ang kaniyang pagkain at pilit na kinaladkad ang katawan,umupo sa malilim na dingding ng kubo sapagkat nakapapaso ang sinag ng araw.

Kung ano ang nanunulay sa kaniyang kamalayan, tanging siya ang nakaaalam.

  Ang laksang panday na nasa labas ng maharlikang pader ay okupado ngpaggawa ng pana’t palaso, sibat, at kalasag na ginagamit ng mga mandirigma ngNiani. Nang dumating si Balla Fasséké at humiling ng tungkod na bakal, napabulalassi Farakourou, “Dumatal na ba ang dakilang araw?”

  “Tumpak, ngayon ay isang namumukod na araw, isisiwalat ang hindi panasaksihan sa anomang pagkakataon.”

  Ang puno ng mga panday ay anak ng matandang si Noufaïri, at kawangking ama niya ay isa ring manghuhula. Sa kaniyang pagawaan ay katakot-takot ang

nakaimbak na bareta ng bakal na niyari ng kaniyang ama. Lahat ay nagtataka kungsaan nakalaan ang mga bakal. Tinawag ni Farakourou ang anim na baguhangmanggagawa at ipinabuhat ang mga bakal upang dalhin sa tahanan ni Sogolon.

  Nang maibaba ang mga dambuhalang bakal, ang ingay na nilikha nito’ynakapangingilabot,pati si Sogolon ay nagulantang at napalundag. Pagkatapos aynangusap si Balla Fasséké, anak ni Gnankouman Doua, “Naririto na ang dakilangaraw, Mari Djata. Ika’y aking kinakausap, Maghan, anak ni Sogolon. Ang kristal ngNiger ay pumapawi ng mantsa ng katawan ngunit hindi kayang lipulin ang pang-uusig.

Page 73: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 73/102

305

DEPED COPY

Tumindig ka, batang leon, umatungal, at ihayag sa palumpong na simula ngayon silaay may panginoon.”

  Sumaksi ang mga baguhang panday sa nagaganap, lumabas si Sogolon atpinanood si Mari Djata. Siya’y painod-inod na gumapang at lumapit sa mga baretangbakal. Sa tulong ng kaniyang tuhod at isang kamay siya’y lumuhod, samantalang

ang isang kamay ay umaabot ng baretang bakal na walang kaabog-abog na itinindig.Humawak ang dalawang kamay sa mga bakal habang nakaluhod. Isang nakamamatayna katahimikan ang sumakbibi sa lahat. Mariing pumikit si Sogolon Djata, kinuyom angmga kamao’t umigting ang kalamnan. Sa isang marahas na paghila, iwinasiwas niDjata ang katawan at umangat ang kaniyang tuhod sa lupa. Pinagtuunan ng pansin niSogolon ang mga binti ng anak na nangangatal na tila kinukoryente. Pinagpapawisannang malapot si Djata na umaagos mula sa kaniyang noo. Buong igting niyang itinuwidang katawan gamit ang mga paa subalit biglang bumaluktot at nagbagong anyo angbakal na hawak, ito’y naging pana!

  Biglang umawit si Balla Fasséké ng “Himno ng Pana” sa madamdaming tinig:

“Kunin mo ang iyong pana, At tayo ay humayo.Kunin mo ang iyong pana,

Butihing gerero.”

  Nang makita ni Sogolon ang anak na nakatayo, siya’y saglit na naumid,pagkatapos ay kara-karakang humimig ng papuri sa Diyos na naghimala sa anak:

“Anong rikit ng umaga? Araw ng labis na saya.

 Allah, makapangyarihang Allah,Banal na manlilikha,

Yaring anak ay may halaga!”

  Ang tinig ni Balla Fasséké ang namalita sa buong palasyo ng nagaganap, angmga tao’y humahangos na nagtungo sa kanilang kinaroroonan at ang lahat ay namanghasa nasaksihang pagbabago sa anak ni Sogolon. Ang Inang Reyna ay napasugod dinat nang makitang nakatayo si Mari Djata siya’y nangatog at pinanghinaan ng tuhod.Matapos mahabol ang hininga, inalis ni Djata ang bakal, ang kaniyang unang hakbangay dambuhala. Napayukod at itinuro ni Balla Fasséké si Djata, siya’y napasigaw:

“Ang lahat ay tumabi,Tayo’y gumalaw.

 Ang leon ay nabuhay,

 Antelope’y magkubli.”

  Sa likuran ng Niani ay nakatanim ang munting puno ng baobab, doon namimitasng dahon ang mga supling ng nayon para sa kanilang ina. Buong lakas na binunot atpinasan ni Djata ang puno. Inilagak niya ito sa harapan ng kanilang kubo, “Inay, nariritoang ilang dahon ng baobab para sa iyo. Simula ngayon, ito’y mananatili sa labas ngating dampa at ang lahat ng kababaihan ng Niani ay tutungo rito upang mangalakal.”

Page 74: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 74/102

306

DEPED COPY

  Nakalakad si Mari Djata. Buhat nang araw na yaon, hindi na natahimik angkalooban ng Inang Reyna. Ngunit sino nga ba ang makasasalungat sa tadhana? Wala,ang taong nasa impluwensiya ng kahibanga’y naniniwalang kaya niyang baguhin angitinakda ng Panginoon. Subalit ito’y binabalangkas Niya sa paraang kailanman ayhindi malilirip ng kamalayan ng tao. Samakatuwid, lahat ng hakbang ni Sassoumalaban sa anak ni Sogolon ay nawalan ng saysay. Hamakin ang mga nakalipas na

panahon at tutulan ang panlilibak sa harap ng madla. Ngayon, ang anak ni Sogolon aykasing palasak ng dating pang-aalimura sa kaniya. Hindi mabilang ang nagmamahalat nasisindak sa kaniyang angking lakas. Sa bayan ng Niani, walang ibang pinag-uusapan kundi si Djata; ang mga ina’y hinihikayat ang kanilang mga anak na lalakina samahan si Djata sa pangangaso o makipaglaro sapagkat nais nilang makinabangang mga inakay sa tinatamasang kabantugan ng anak ng babaing magsasaka. Ang pahayag ni Doua sa araw ng pagngangalan sa anak ni Sogolon ay nanariwasa kalalakihan. Si Sogolon ay napapalibutan ngayon ng mataas na paggalang; samga umpukan madalas na inihahambing ang kayumian ni Sogolon sa kapalalua’tmasamang hangarin ni Sassouma Barété sapagkat ang una’y isang huwarang asawaat ina kayat dininig ng Panginoon ang kaniyang panalangin, pinananaligang kung higitna lumalalim ang pagmamahal at paggalang sa kabiyak at ang pagsasakripisiyo para

sa anak ay magiging magiting at matapang ang kanilang anak pagsapit ng tamangpanahon. Ang bawat anak ay anak ng kaniyang ina, hinding-hindi makahihigit ang anaksa kaniyang ina. Hindi kataka-taka kung bakit si Dankaran Touma ay walang kabuhay-buhay, palibhasa’y ang kaniyang ina ay hindi man lamang nagpamalas nang kahit nakatiting na pagpapahalaga sa kaniyang asawa, sa naparam na Haring Maghan KonFatta, hindi siya nagpakita ng pagpapakumbaba na isinasabuhay ng bawat asawangbabae sa kanilang kaisang-dibdib. Ginunita ng mga tao ang mga tagpo nang siya’ynanibugho, nayamot at nagbitiw ng mga maaanghang na pananalitang ikinalat labansa mga kapwa niya asawang babae at mga anak nito. Kayat seryosong napagtibay ngmga tao, “Sino ang nakakaalam ng misteryo ng Diyos. Ang ahas ay walang binti’t paangunit kasimbilis ng mga hayop na may apat na paa.”

  Bata pa lamang si Sundiata ay naging mahusay ng mangangaso. Naging

matalik niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng kaniyang ama sa ikatlongasawa. Nang mabigo ang balak na pag-utas kay Djata nina Sassouma at Dankaran,ipinatapon nila ang mag-anak. Ang bayani sampu ng kadugo ay nakahanap ngkanlungan sa kaharian ng Mema.

  Habang nagbibinata si Sundiata, ang maitim na budhing si Soumaoro Kanté,isang manggagaway na hari ng kanugnog na kaharian ay nang-aagaw at nananakopng maraming bayan. Gayon pa man si Sundiata’y nakagawa ng paraan na makaratingsa Sosso, ang kabisera ng lungsod ni Soumaoro upang makaharap ang halimawna pinuno. Maraming digmaan ang pinangunahan at pinagtagumpayan ni Sundiatahabang patungo sa Sosso. Siya’y naging popular na lider, maraming kawal ang sumapisa kaniya.

  Humayo si Sundiata at nagtayo ng kampo sa Dayala na nasa lambak ngNiger. Hinarangan niya ang daan ni Soumaoro patungo sa Timog. Sa panahong iyon,patuloy ang labanan sa pagitan ng dalawa bagaman wala ni isa man ang naghayag ngdigmaan. Walang nagtataguyod ng isang digmaan nang hindi inilalahad ang ugat nito. Ang nagtutunggali ay nararapat na isa-isahin ang kanilang karaingan bago ihudyatang simula ng digmaan. Kaparis ng isang salamangkero na kailangang huwag lusubinang isang tao nang hindi siya inaanyayahang tanggapin ang tungkulin na gawin angmasamang gawain, dahil dito ang hari’y hindi dapat mandigma nang hindi ibinubukaang bibig sa sanhi ng pagsasakatuparan nito.

Page 75: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 75/102

307

DEPED COPY

  Sumulong si Soumaoro hanggang sa Krina, malapit sa nayon ng Dayala na nasaNiger at nagpasyang sabihin ang kaniyang karapatan bago lumusong sa madugonglabanan. Batid ni Soumaoro na si Sundiata ay kagaya niyang salamangkero kayat sahalip na magpadala ng sugo, ipinasaulo niya ang kaniyang saloobin sa isa sa alagangkuwago. Nang gabing iyon, dumapo ang ibon sa bubong ng kulandong ni Djata atnangusap. Ang ginoo nama’y nagsugo rin ng kuwago kay Soumaoro. Nagsagutan ang

dalawang salamangkerong-hari:

  “Hinto, binata. Ako ang Hari ng Mali. Kung hinahangad mo ang kapayapaan,bumalik ka sa iyong pinagmulan,” litanya ni Soumaoro.

  “Ako’y nagbabalik Soumaoro upang muling yakapin ang aking kaharian. Kunghangad mo ang kapayapaan, ika’y magbayad-pinsala sa aking mga kapanalig atumuwi sa Sosso kung saan ika’y hari.”

  “Ako ang Hari ng Mali sa pamamagitan ng puwersa ng aking kamao. Ang akingkarapatan ay maluwat nang napatunayan ng aking pananakop.”

  “Kung gayon, aagawin ko ang Mali sa iyo gamit ang puwersa ng aking kamaoat tutugisin kita hanggang sa iyong kaharian.”

  “Samakatuwid, kailangan mong mabatid na ako ang mabangis na nami sabatuan, walang sinomang makapagpapalayas sa akin sa Mali.”

  “At kailangan mo ring mabatid, ako’y may katotong pitong panday na dudurogsa batuhan. Pagkatapos, nami, ika’y aking lalamunin.”

  “Ako ang makamandag na kabute na nagdudulot ng mabangis na pagbuga.” 

“Para sa akin, ako ang mapanagpang na tandang; ang lason ay walang bisasa akin.”

  “Ika’y magtino, munting bata, baka pagliliyabin ko ang iyong mga paa, dahilako ang pula’t mainit na baga.”

  “Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agosna tatangay sa iyo.”

  “Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak, na matayog sa ibangpuno.”

  “At ako, ako ang nananakal na baging na gagapang sa tuktok ng higantengkagubatan.”

  “Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang Mali.”

  “Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro;pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.”

  “Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa, ika’y hindi ko uurungan subalititimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunayna kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.”

Page 76: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 76/102

308

DEPED COPY

  “Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpokat bubura sa iyo sa lupa.”

  Sa ibang banda, ang griot  ni Djatang si Ball Fasséké at Nana Triban, kapatidniyang babae sa ama na nadakip at nakulong sa karsel sa palasyo ni Soumaoro aynakatakas. Sumali sila sa pakikipagdigma ni Sundiata sa gabi ng mismong labanan

sa Krina. Si Fakoli Korona, pamangkin ni Soumaoro ay dumating din sa kampo. Dahilsa dinukot ni Soumaoro ang kabiyak niya, sumumpa siyang maghihiganti. Ipinangakonina Nana Triban at Fakoli ang katapatan kay Sundiata. Inilantad ni Nana Tribanang lihim ni Soumaoro, inilahad niya kung paano matitiyak ni Sundiata na magagapiniya ang kalaban sa pamamagitan ng pagdampi sa balat niya ng tari ng tandang.Pagsapit ng bukang-liwayway bumuo ng plano sina Sundiata at Manding Bory upangmahubaran ng kapangyarihan si Soumaoro.

  “Kapatid, naihanda mo na ba ang iyong pana?” tanong ni Manding Bory.

  “Oo, iyong masdan,” ang sagot ni Sundiata.

  Inalis niya ang mahiwagang palaso sa pagkakasabit sa dingding. Ito’y tilahindi bakal, waring kahoy, at ang dulo’y ang matalim na tari ng puting tandang namakatatanggal ng tana ni Soumaoro, isang lihim na nailabas ni Nana Triban sa Sosso.

  “Kapatid, sa oras na ito’y pihadong batid na ni Soumaoro na ako’y nakatakas.Pilitin mong makalapit sa kaniya sapagkat asahan mong siya’y iiwas sa iyo,” angpaalala ni Nana Triban.

  Nabahala si Djata sa mga binitiwang pahayag ni Nana Triban subalit kinalamayni Balla Fasséké ang kaniyang kalooban sa pagsasabi sa kaniyang panaginip aykaniyang malulupig ang mortal na kaaway.

  Sa kabilang ibayo’y mahinhing sumikat ang araw at nagsabog ng liwanag sa

kapaligiran. Ang pangkat ni Sundiata’y pumuwesto mula sa gilid ng ilog hanggang sakabilang ibayo, ngunit bulto ang bitbit na hukbo ni Soumaoro kayat ang ibang sofas nanaiwan sa Krina ay umakyat sa burol upang panoorin ang digmaan. Dahil sa malakingkoronang suot ni Soumaoro, agad siyang nakita’t natukoy mula sa kalayuan. Angkaniyang sandataan ay hindi mahulugang karayom, pinuno ang magkabilang ibayong burol.

  Hindi ikinalat ni Sundiata ang lahat ng kaniyang kawal. Ang mga namamanang Wagadou at Djallonkés ay pumuwesto sa hulihan at handang magpaulan ngpalaso sa bahaging kaliwa ng burol kapag tumagal ang digmaan. Sina Fakoli Koronaat Kamandjan ay kahilera ni Sundiata at nangunguna sa bungad sampu ng kaniyangkabalyeriya.

  Sa kaniyang makapangyarihang tinig, sumigaw si Sundiata “An gwewa!” Angkautusan ay umalingawngaw sa bawat tribo at nagsimulang sumulong ang bataliyon.Si Soumaoro’y nakatindig sa gawing kanan kasama ang kaniyang kabalyeriya.

  Mabilis na sumalakay sina Sundiata ngunit sila’y napigilan ng mga kabalyerong Diaghan at ang pagsasagupaan ay nagsimula nang kumalat. Si Tabon Wana atang mga mamamana ng Wagadou ay sumulong sa direksiyon ng burol at matulinglumaganap ang digmaan habang ang araw ay hindi natitinag sa pamamayagpag sa

Page 77: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 77/102

309

DEPED COPY

himpapawid. Ang mga kabayo ng Mema ay lubhang maliksi at tumakbong nakataasang unahang paa na sumikwat sa mga kabalyero ng Diaghan. Nagpagulong-gulong,at tinapakan ng mga kabayo. Nagbigay ng puwang ang pagbagsak at pag-atras ngmga kalalakihan ng Diaghan. Ang pusod ng kalaban ay nabuwag.

  Sa puntong iyon, biglang kinabig ni Manding Bory si Sundiata at ibinalitang si

Soumaoro’y palusob kasama ang mga itinagong kawal kay Fakoli at sa mga pandaynito upang lantarang parusahan ang nagtaksil na pamangkin. Pagkat nalipol angmalaking bilang ng mga sofas ni Soumaoro, ang mga kasamahan ni Fakoli ay unti-unting nagkawatak-watak. Ang digmaa’y hindi pa naipapanalo.

  Nagliliyab ang mga mata ni Sundiata sa poot. Tinipon niya ang kabalyeriyasa kaliwang dako ng burol kung saan magiting na iniinda ni Fakoli ang panlulupig ngtiyo. Kaalinsabay nito, ang lahat ng maraanan ni Sundiata’y namamalita na nagagalaksi Kamatayan at ang kaniyang panandaliang pagtigil ay nagpapanumbalik ngpagtitiwala ng kaniyang kawal bagaman hindi nauubos ang mga sofas ni Soumaoro.Hinanap ni Djata ang salamangkerong-hari. Nasulyapan niya ito sa gitna ng labanan.Sinunggaban ni Sundiata ang bawat Sossong sofas, kaliwa’t kanan ang ginawang

pagbalya, nagkakandahirap na tumatabi ang mga ito kung kayat madali siyangnakalapit kay Soumaoro. Nang mapansin ng huli ang ikinikilos ni Djata, siya’y dahan-dahang bumuwelta subalit siya’y nasundan ng tingin ng matapang na bayani.

Huminto si Sundiata at hinutok ang kaniyang pana. Lumipad ang palaso atdumaplis sa balikat ni Soumaoro. Nang tumama ang tari ng tandang, naramdamanniyang ito’y hindi lamang munting gasgas kayat kagyat naglaho ang kaniyangkapangyarihan. Nagtagpo ang mata nila ni Sundiata. Siya’y nangatal na tila dinapuanng matinding lagnat, napatingala ang nauupos na si Soumaoro sa langit. Isangmalaking ibon ang paikot-ikot na lumilipad at kaniyang napagtanto. Ito ay ang ibon ngkasawian.

  “Ang ibon ng Krina,” ang kaniyang naungol.

  Ang Hari ng Sosso’y sumigaw nang ubod lakas. Napalingon ang kaniyangkabayo at siya’y tumalilis. Nakita ng mga Sosso ang kanilang hari, siya’y kanilangpinarisan, lumiko ang mga Sossong sofas at mabilis ding tumakas. Ang kamatayanay mamamasdan sa paligid, nagkalat ang mga duguan at naghihingalo. Sinoang makapagsasabi kung ilang Sosso ang nasawi sa Krina? Ang pagtakas aynaisakatuparan at hinabol ni Sundiata si Soumaoro.

  Hindi nagtagumpay sina Sundiata’t Fakoli na tugisin si Soumaoro datapuwatnapasakamay nila si Sosso Balla, ang anak ng haring umalpas patungo sa yungib atnaglahong parang bula. Pumunta si Sundiata sa kalapit na nayon, Koulikoro, dito niyahinintay ang kanilang hukbo.

  Ang panalo sa Krina’y nakasisilaw. Ang mga Sossong sofas ay umuwi’t nagtago,ang Imperyong Sosso ay natalo. Lahat ng mga hari sa kapuluan ay nagpasailalim sakapangyarihan ni Sundiata. Ang Hari ng Guidimakhan ay nagpadala ng mamamahalingmuwebles kay Sundiata at ipinagkasundo ang kaniyang anak na babae sa nagwagingbinata. Natipon ang mga sugo sa Koulikoro subalit nang nakumpleto ang hukbo niSundiata sila’y nagmartsa sa direksiyon ng Sosso na lungsod ni Soumaoro. ItongSosso ay lungsod ng mga dalubhasang panday sa paghawak ng sibat.

Page 78: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 78/102

310

DEPED COPY

  Sa pagkawala nina Soumaoro at Sosso Balla, si Noumounkeba, ang puno ngtribo ang tumayong lider upang depensahan ang lungsod. Daglian niyang tinipon anglahat maging ang mga kalapit na kabukiran upang makapaghanda. 

 Ang Sosso ay maringal na lungsod. Ang makaikatlong tulis ng tore nito’y halosumabot sa langit. Ang lungsod ay binubuo ng walungpu’t walong muog at ang palasyo

ni Soumaoro’y maaaninag sa itaas ng lungsod tulad ng isang malaking tore. AngSosso ay mayroon lamang isang pasukan; gahiganteng gawa sa bakal na ginawa ngmga anak ng apoy. Umasa si Noumounkeba na magapi si Sundiata sa labas ng Sossosapagkat ang kanilang pagkain ay husto lamang para sa isang taon.

  Papalubog na ang araw nang marating nina Sundiata ang Sosso. Sa tuktokng burol, minalas nina Sundiata at ng kaniyang heneral ang kinatatakutang lungsodng mapandigmang hari. Ang hukbo niya’y nagkampo sa kapatagan na kabilang ibayong malaking tarangkahan ng Sosso. Napagpasiyahan ni Sundiata na sakupin angbayan sa loob nang maghapon. Binusog niya nang labis ang mga sofas na katotohabang walang humpay ang pagtambol ng mga tam-tam upang ipaalala’t pukawinang pagtatagumpay sa Krina.

  Sa pamimitik ng araw, ang tore’y nagkulay itim sa pagkakahanay ng mga sofas. Ang iba ay nakaposisyon sa mga muog, sila ang mga mamamana, ang mga Mandingona bihasa sa sining ng pagkubkob ng bayan. Sa harap ni Sundiata nakapuwestonaman ang mga sofas ng Mali. Samantalang ang mga may bitbit ng hagdan ay nasaikalawang linya na nakakubli sa mga kalasag ng mga maninibat. Ang pinakapunongkatawan ng hukbo ang siyang aatake sa pasukan ng lungsod. Nang handa na anglahat, inihudyat ni Sundiata ang paglusob. Ang mga tambol at tambuli’y sabay-sabayna pinatunog, katulad ng kati unti-unting umusad ang mga Mandingong nasa harapanna ginigiya ng mga makapangyarihang sigaw. Nakatakip ang mga kalasag sa ulo,marahan silang sumulong sa paanan ng pader, at nagsimulang maghulog ng malalakingbato ang mga Sosso sa mga kaaway. Gumanti ang mga Wagadou na nasa dulonghanay, sila’y nagbuhos ng sunod-sunod na palaso. Si Sundiata ay may itinatagong

kawal na pinakamagaling, sila ang mga mamamana ng Hari ng Bobos na kaagad naipinadala bago pa man naganap ang sa Krina, ang pinakadalubhasa sa pamamaraan.Pinaulanan ng nagniningas na mga palaso ang kuta ng mga Sosso. Nagliyab angmga kabayanan. Naitayo ng mga Mandingo ang mga hagdan at umakyat sa tuktokng pader. Sinaklot ng sindak ang mga Sosso nang makitang nasusunog ang kanilangbayan, sila’y natigilan. Bumagsak ang bakal na pasukan sa palad ng mga panday niFakoli sapagkat sila ang maestro nito. Napasok nila ang lungsod, ang hiyawan ngmga bata’t kababaihan ay nagbunsod ng pagkalito sa mga Sosso kayat nabuksan angpasukan, ang pangunahing pangkat ng hukbo ni Sundiata ay tuluyang nakapasok. 

Pagkatapos ay nagsimula ang nakahihindik na patayan. Ang kababaihan atkabataan na nasa kalagitnaan ng pagtakas ay nagsumamo. Napadpad sina Sundiata

at ang kaniyang kabalyeriya sa harap ng kamangha-manghang palasyo ni Soumaoro.Kahit natitiyak ni Noumounkeba na siya ay talunan, pangahas na itinaas niya angespada at akmang uundayan si Sundiata, ngunit siya’y nalansi ng huli, nadakma’tmalupit na pinihit ang kaniyang bisig, marahas na inginudngod sa sahig hanggangmailaglag niya ang espada. Hindi pinatay ni Sundiata si Noumounkeba bagkus ayinilagak sa kamay ni Manding Bory.

  Sa wakas, nasa pagpapala na ni Djata ang reyno ni Soumaoro.Habangsaanmang dako ng Sosso’y mauulinig ang pagbabangayan ng magkakanayon.

Page 79: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 79/102

311

DEPED COPY

Pinangunahan ni Balla Fasséké kasunod ni Sundiata ang pagpasok sa tore niSoumaoro. Alam ng griot  ang pasikot-sikot at kasulok-sulukan ng palasyo mula sakaniyang alaala nang siya’y mabihag, itinuro niya kay Djata ang maharlikang silid-tulugan.

  Nang buksan ni Balla Fasséké ang pinto ng silid, natuklasan nilang naiba

ang anyo nito buhat nang matamaan ng mortal na palaso ang nagmamay-ari ng silidna nawalan ng kapangyarihan. Ang ahas sa babasaging pitsel ay naghihingalo, angmga kuwagong nasa dapuan ay kalunos-lunos na pumapagaspas padausdos sasahig. Lahat ay nag-aagaw-buhay sa adobe ng salamangkero, lahat ng nakakabitsa kapangyarihan ni Soumaoro. Sinamsam ni Sundiata ang mga anting-anting niSoumaoro at marahas na tinipon ang lahat ng asawa’t mga prinsesa ng kaharian.Itinali ang mga bilanggo’t sama-samang pinastol. At ayon sa kagustuhan ni Sundiata,napasakaniya ang Sosso nang araw na iyon. Nang makalabas ang lahat, inatas niDjata ang ganap na paggunaw sa Sosso. Sinunog ang mga kabahayan, walang itiniraat ginamit ang mga preso sa pagtibag ng mga pader. Samakatuwid, ang balak niSundiatang wasakin ang pundasyon ng Sosso ay maningning na naisagawa.

  Tama, ang Sosso ay naging alikabok at humalo sa lupa, ang matayog nalungsod ni Soumaoro na dating niyuyukuran ng mga hari. Ito ay naging nangungulilangparang, ang Sosso ay tahanan ngayon ng mga naliligaw na hayop.

  Gumulong ang panahon, patuloy ang pagbagtas ng buwan sa kalangitan. Sakasalukuyan, ang Sosso ay isa na lamang balintataw sa panaginip ng mga griot . Angmga hayna ay nananaghoy sa pook sa kailaliman ng gabi, ang mga usa’t liyebre namanay naging silong ito sa paghahanap ng pagkain, nasaan na ang haring nakadamit ngroba na gawa sa balat ng tao?

  Tanging si Sundiata, anak ng magsasaka, ang naghandog ng kapanglawan sapook. Matapos lamunin ng lupa ang lungsod ni Soumaoro, ang mundo’y walang ibangkinilalang panginoon kundi si… Sundiata.

 GAWAIN 4: Paglinang ng TalasalitaanIhanay sa dalawang pangkat ang mga salitang magkakaugnay at tukuyin ang lohikang isinagawang pagpapangkat. Gamitin ang grapikong representasiyon at gawin itosa sagutang papel.

salamangkeromangangaso

pandaymahiwaga

anting-anting

kawalmanghuhula

kapangyarihanmamamana

mananalaysay

PANGKAT 1

LOHIKA NG PAGPAPANGKAT:

PANGKAT 2

LOHIKA NG PAGPAPANGKAT:

Page 80: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 80/102

312

DEPED COPY

GAWAIN 5: Mabisang TugonSagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel.

1. Ano-ano ang katangian ni Sundiata na kahanga-hanga?

2. Mayroon bang suliranin o mga suliraning nangibabaw sa epiko? Isa-isahin ang

mga ito.

3. May kaugnayan ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan? Pangatuwiranan ang

sagot.

4. Sa iyong tingin, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa?

Bakit?

5. Pumili ng bahaging naibigan sa akdang binasa. Ipaliwanag ito.

6. Kaninong tauhan sa epiko maihahambing ang sarili? Ipaliwanag ang sagot.

7. Tama ba ang ginawa ni Sundiata sa lungsod ng Sosso? Bakit?

8. Sa iyong tingin, bakit mahalagang magplano upang matiyak ang pagtatagumpay

sa hinaharap?

GAWAIN 6: Mahalagang Perspektibo

 A. Ibigay ang hinihingi sa grapikong representasyon. Sagutin ito sa sagutang papel.

Isa-isahin ang mga pahayag sa akda na may kaugnayan sa sumusunod:

Lugar Kondisyon ng

PanahonKasaysayan ng Akda

Kahalagahang Binigyang-Diin sa Akda

Pansarili Panlipunan Pandaigdig

B. Pumili ng kapareha. Gawin ang gawain sa sagutang papel. Gamitin ang AnalyzingPerspective Organizer.

Tanong: Masasabi mo bang ang pangunahing-tauhan ng epikongtinalakay ay isang bayani ng kasaysayan ng Africa?

Sariling Perspektibo:

Dahilan:

Pespektibo ng Iba:

Dahilan:

Kongklusyon:

Page 81: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 81/102

Page 82: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 82/102

314

DEPED COPY

Sagutin mo ang kasunod na gawain upang mapatunayan na nauunawaan mo angpagtatalo.

GAWAIN 8: Pinagdugtong na KaalamanSa sagutang papel, kompletuhin ang Making The Connection Organizer .

 Anong uri ngteksto angbinasa?

Ipinahahayag ngteksto ang tungkol

sa…

Ipinaalala ng teksto na…(Kaugnayan sa Epikong

Binasa)

Pagsasanib ng Gramatika at RetorikaSa pag-aaral ng kaalamang nakapaloob sa bahaging ito ng Modyul, masasagot moang tanong na nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa pagpapahayagng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan?

Alam mo ba na…iba’t ibang ekspresiyon ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng layon odamdamin?

1. Ginagamit ang mga initiman sa kasunod na mga pangungusap sa pagpapayo

at/o pagmumungkahi.

• Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna.

• Ano kaya kung pumanig ka na sa amin?

• Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral.

• Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula.

• Higit na mabuting ito ang unahin mo.

• Inaakala kong mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga hindinatutunaw na basura.

2. Ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap ay ginagamit sa pag-

aanyaya o pag-iimbita/ panghihikayat.

• Halika, tingnan mo ito’t napakarikit.

• Gusto mong sumang-ayon sa aking pinaniniwalaan?

• Puwede ka ba bukas sa ating pagpaplano?

• Inaanyayahan kitang pakatimbangin ang mga bagay-bagay.

3. Ang mga salita/pariralang initiman sa kasunod na mga pangungusap ay

ginagamit sa pagbababala na maaaring may kasamang pananakot (mahalaga

ang intonasyon sa pahayag) at/o pag-aalala (may kasamang inilalarawang

sitwasyon).Babalang may kasamang pananakot

• Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin!

• Kung hindi ka titigil, pupulutin ka sa kangkungan!Babalang may kasamang pag-aalala

• Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo.

• Mapanganib iyan, kaya tingnan ang tinatahak.

Page 83: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 83/102

315

DEPED COPY

Pagsasanay 1: Piliin sa teksto at epikong tinalakay ang mga pangungusap naginamitan ng iba’t ibang ekspresiyon at ilagay ito sa wastong kahon batay sa layon odamdaming inihahahayag. Gamitin ang pormat sa ibaba at gawin sa sagutang papel.

Pag-aanyayao Pag-iimbitaPaghihikayat

Pagbababala(Pananakot/Pag-aalala)

Panunumpaat/o

Pangangako

Pagpapayo at/oPag-

mumungkahi

Pagsang-ayon at

Pagsalungat

4. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa panunumpaat/o pangangako.

• Pangako, hindi kita iiwan.

• Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang malaking pagkakamali.

• Itaga mo sa bato, ang aking winika ang katotohanan.

• Hindi ako nagsisinungaling, tamaan man ako ng kidlat.

5. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa pagsang-

ayon at pagsalungat .

• Tama, mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad.

• Ganyan din ang aking palagay, iyan ang solusyon sa suliraning

ating kinaharap.

• Mali ang iyong ipinagdidiinang panukala.

• Walang pakinabang na maidudulot iyan.

• Ikinalulungkot ko ngunit di iyan magbubunga ng positibo.

 Ang mga ekpresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng layon o damdamin aymaaaring pangkatin sa sumusunod:

Salita/PariralaMatatalinghagang

PananalitaPang-ugnay

Patanong/Tanong

kung ako ikawpangako

sumpa manpangakolagot ka

ganyan ang aking palagayinaanyayahan

mag-ingat kayotingnan ang tinatahaklagot ka

itaga mo sa batotamaan man ako

ng kidlatpupulutin sakangkungan

maswalamalitamasigurohigit/nangunit

 Ano kaya?Puwede ka

ba?

Page 84: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 84/102

316

DEPED COPY

Pagsasanay 2: Sa sagutang papel, ilahad ang iyong matuwid sa sumusunod naisyu. Gamitan ito ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng layon o damdamin ayon sahinihingi dito.

1. Isyu: Kabutihan o Kasamaan ang tunay na kampeon?Layon: Pang-aanyaya/Pag-iimbita/Panghihikayat

Matuwid: ____________________________________ 

2. Isyu: Kailangan muna bang mamatay bago kilalaning bayani?Layon: Pagsalungat/Pagsang-ayonMatuwid: ____________________________________ 

3. Isyu: Susi sa pagtatagumpay: Katalinuhan at Kalakasan?Layon: Pagpapayo/PagmumungkahiMatuwid: ____________________________________ 

4. Isyu: Sino sa ina o ama ang malaki ang ambag sa pagkatao ng anak?Layon: Pagbababala (Pananakot/Pag-aalala)

Matuwid: ____________________________________ 

5. Isyu: Nasa palad ba ng tao ang kaniyang pag-unlad?Layon: Panunumpa/PangangakoMatuwid: ____________________________________ 

Pagsasanay 3: Pumili ng kapareha at sumulat ng diyalogong nagtatalo/nagdedebatena nilangkapan ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin upangmabuo ang komik istrip na hindi bababa sa dalawang frame.

 

Page 85: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 85/102

317

DEPED COPY

Naisagawa mo na ang yugto ng pagkatuto, tumungo ka ngayon sa kasunod na bahagiupang mapagtibay ang natutuhan.

Pagnilayan at Unawain

Sa bahaging ito, mahusay mong ilahad ang paglalahat sa mahahalagang konseptongnatutuhan. Balikan at sagutin ang mga pokus na tanong. Gamitin ang E-chart   sapagsagot at ilagay sa sagutang papel.

Magaling! Subalit hindi pa rito natatapos ang pagsubok sa mga kasanayang iyongnatutuhan, narito pa ang isang pagsubok.

Ilipat

Ilapat lahat ng kasanayang natutuhan sa makabuluhang performance na nasa kahontungkol sa pangunahing-tauhan ng epiko ng Africa na hinalaw sa bayani ng kanilangkasaysayan at sa mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin. Kungmayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, mainam na magtanong ka saiyong guro o balikan mo ang mga naunang gawain sa pagkatuto. Bago mo isagawa

ang performance, pagbulayan mo muna ang mga impormasyong nasa kahon.

Alam mo ba na…ang pagtatalo ( Arrogante, 2000 ) ay isang sining ng gantihang katuwiran o matuwidng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersiyalna paksa? Isinasagawa ito pamamagitan ng pagpapahayag ng mga katuwiran atnaaayon sa itinatakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay nakasalalaysa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayundin kung pasulat. Mayroonitong dalawang uri, ang pormal na pagtatalo na kung saan ang paksa sa uring itoay masining na pinag-uusapan at masusing pinagtatalunan. Ito ay may takdangpanahon, araw, at oras kung kailan gaganapin. Kailangan dito ang paghahanda.

Mayroon itong tatlong hakbang: (1)Pangangalap ng datos; (2) Paggawa ng daglio balangkas (3) Pagpapatunay ng katuwiran. Sa pagtutuligsa naman ay tukuyinang sumusunod: (1) maling katuwiran, (2) mga pahayag na walang batayan, (3)kahinaan ng katibayan, at (4) mga pahayag na labas sa buod ng napagkasunduan.May tatlong uri ng pormal na pagtatalo- ang Debateng Oxford, Debateng Oregonat Debateng Oxford-Oregon. Samantalang ang di-pormal na pagtatalo ay hindimaayos na pagpapalitang-kuro at palagay matapos ihayag ng tagapangulo angpaksang pagtatalunan.

  Mahahalagang Konsepto sa

PanitikanPatunay

PatunayMahahalagang Konsepto sa

Gramatika at Retorika

Page 86: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 86/102

318

DEPED COPY

Narito ang pagganap/ performance  na iyong isasakatuparan at kasunod angpamantayan kung paano ito tatayahin.

Pamantayan Bahagdan

Paglalatag at Pag-aanalisa ng Katibayan 40%

Pangangatuwiran at Panunuligsa 40%

Pagpapahayag 20%Kabuuan 100%

  Binabati kita! Ang pagpupunyagi upang matuto ay labis na kahanga-hanga.Tuklasin mo naman ngayon ang susunod na aralin ng modyul.

Nalalapit na ang pambansang halalan at isang programa sa telebisyon angnag-anyaya ng mga political analyst  upang maging kalahok sa masinsinang pagtatalo

tungkol sa karapat-dapat iluklok na pangulo sa pagitan nina Gilgamesh at Sundiata.Sila’y ipinangkat batay sa kandidatong kanilang napipisil. Ito’y pihadong tututukanng sambayanan kayat marapat na ipakita ang kagalingang nakabatay sa mahusayna paglalatag at pag-aanalisa ng katibayan, pangangatuwiran at pagtuligsa at talasng isip sa pagpapahayag.

Page 87: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 87/102

319

DEPED COPY

 Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan.

Sa kasalukuyan, maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat

sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran.

 Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan

ng mamamayan ng bansa pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay, kultura,

tradisyon, at suliranin sa politika. Gayundin ang tungkol sa kasarian at kalagayan

ng kababaihan sa lipunan. Mga akdang pampanitikan din ang nakatulong upang

maiangat ang kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong talakay

sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng pamumuhay ng mga taga-Nigeria.

Sinasabing ang kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria

ay mas tumatalakay sa kung ano ang nakaraan, lumipas, o naglaho na.

Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman,

ang tuon ng kanilang panitikan ay sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan

sadyang kinilala at nagbigay sa Africa ng pagkakakilanlan pagdating sa panitikan.

Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart ,

ipinakita sa atin ang kumplikadong mga batas at gawi ng angkang pinagmulan

ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng maayos na ugnayan. Halimbawa nito ay ang

pagsasalo o pag-aalok ng lambanog at kola nuts na binabanggit sa kabuuan ng

nobela ang isang paraan ng mga Igbo ng mapayapang pakikiharap sa sino mang

tatanggaping bisita sa tahanan o sino mang taong pakikiharapan. Ang gayong

gawi ay pagpapakita ng maayos na paraan ng pagtanggap o pagtanggi sa kung

ano man ang pakay o layon ng paghaharap. Isang paraan ng pakikipagkapwa-

tao ng mapayapa para sa mga Igbo ang nasabing gawi. Kapag nakapanghiramng pera at sisingilin na, mahusay namang hinaharap ng mga Igbo ang nasabing

maniningil. Bumabanggit sila ng mga sawikain na angkop sa nais nilang ipabatid

na mensahe. Tulad na lamang halimbawa kapag hindi sila makababayad agad,

sasambitin ang mga kasabihang maaaring makapagpabago ng isip ng maniningil

upang ipagpaliban muna ang paniningil. Malinaw na sinasabi ng mga kultura at

nakagisnang tradisyon ng mga Igbo ang kanilang pagiging payapa sa pagharap

ng ganitong suliranin.

 

Aralin 3.7

Panimula

A. Panitikan:  Paglisan (Buod)  Nobela mula sa Nigeria

ni Chinua Achebe  Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

B. Gramatika at Retorika: Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag

C. Uri ng Teksto : Naglalahad

Page 88: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 88/102

320

DEPED COPY

Paulit-ulit na binabanggit ni Chinua Achebe ang kapayapaan ng mga

Igbo bagama’t sila sa maraming pagkakataon ay may komplikadong tradisyon at

nakagisnang mga gawi. Ginawa ni Achebe ito sa nobela upang maipabatid na

hindi barbaro ang mga Africano tulad ng pagkakakilala sa kanila ng mga Europeo.

 Ang Aralin 3.7 ay naglalaman ng buod ng nobelang “Paglisan” mula sa

Nigeria na isinulat ni Chinua Achebe at isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. Sapagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang magpapamalas ng pag-unawa at

pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa sa tulong ng mga pang-

ugnay na ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri sa halaw  ng

isang nobela. Inaasahan din na makapagtatanghal ka ng isang  puppet show  na

nagpapakita ng mga kulturang nananatili pa sa inyong lugar.

Tuklasin 

GAWAIN 1: Scrambled Letter , Gawing Better  Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang sinisimbolo ng mga bagayna tanyag sa bansang Africa. Ang unang letra ay ibinigay na. Isulat ang sagot sasagutang papel.

1. 4.KMOUINAKYSNO EPSRIUTI

2. 5.

P G A L L I I W N G A A T A R D I S O Y N

3.

I N G N N- BYANA

 

 Yugto ng Pagkatuto

Page 89: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 89/102

321

DEPED COPY

GAWAIN 2: Kahulugan ng Salita, Ilantad Na!Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat. Isulat sa iyong sagutang papel angsagot.

GAWAIN 3: Pang-angkop, IangkopLagyan ng wastong pang-angkop ang bawat patlang.

  Masaya __ nag-aagahan ang pamilya __ Rivera isang malamig __ umaga.Nagluto ng ginisa __ kangkong ang kanila __ kasambahay. Nilagyan ito ng kaunti __toyo upang magsilbing pampalasa sa ulam. Naging tampok ng kanila __ kuwentuhanang nagdaan __ gabi. Sari-sari __ katatawanan ang naganap bago sila natulog.Nagbiruan. nagtawanan at nauwi sa seryosohan ang usapan. Dahil sa nakalilibang nagabi, kinain ng pusa ang tira __ ulam sa mesa. Dapat sana ito ay kanila __ umagahanpa. Kaya naman nauwi sa ginisa __ kangkong ang kanila __ umagahan. Sa kabilanito, batid nila ang sustansiya __ dulot ng ginisa __ kangkong.

GAWAIN 4: Hula-ooppss!Hulaan ang tinutukoy ng saknong sa ibaba.

Gamit sa teatro at telebisyonartistiko at produktibong solusyon

sa komersyo’y mainam na produksyonsa kalusugan bawas alta presyonsa mga bata ay isang atraksyonkarilyo ito noong unang panahon

ano ito sa ating panahon?Sagot:__________ 

 

Katapangan

Page 90: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 90/102

322

DEPED COPY

Linangin

  Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng nobelang mula sa Nigeria.

Kasunod ang ilang salita na tutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang akdaupang sa gayo’y maipamalas mo ang iyong pagpapahalaga at pag-unawa sa kulturang bansang Africa lalo na sa Nigeria.

Cowrie – Yari sa shell  na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit dinsa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.

Ekwe – Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy.Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.

Egwugwu – Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanibsila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mgaEgwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.

Ogene – Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.Igbo – Katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay

magsasaka at mangangalakal.

Alam mo ba na…ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan? Naglalahad ito ngmga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na angpinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at nghangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining na pagsasalaysay ng maramingpangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay maykaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.May mga elemento ang nobela tulad ng sumusunod:

1. Tagpuan – Lugar at panahon ng mga pinangyarihan2. Tauhan – Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela3. Banghay – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela4. Pananaw – Panauhang ginagamit ng may-akda a.) una - kapag kasali ang

may-akda sa kwento, b.) pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap, atc.) pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

5. Tema – Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela6. Damdamin – Nagbibigay kulay sa mga pangyayari7. Pamamaraan – Istilo ng manunulat8. Pananalita – Diyalogong ginagamit sa nobela9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at

pangyayarihan

Page 91: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 91/102

Page 92: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 92/102

324

DEPED COPY

  Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbue Ezeudu.Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito aynoong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin siIkemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngawng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si OgbueEzeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang

pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anakng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalananlaban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa angpumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakanng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop,kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanansa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo angtiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ngkanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilangmunting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyangtanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.

Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taongiyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sadating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buongsipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuoa. Isangmasamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdalasiya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa dingpamayanan ng mga Umuoa.

Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isanginterpreter  na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mgataga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malakingkasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng

mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katuladng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamangna Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbantaat hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith,isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta.Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupahinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil saespiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch atang simbahang itinayo nina Rev. Smith.

  Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilangsimbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuoa. Sa

pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuoa at ikinulong. Nakatikimng pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuoa.

  Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong atnapagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkanna maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mgamensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakasang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyangmga kaangkan sa isang giyera.

Page 93: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 93/102

325

DEPED COPY

  Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siyasa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo.Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbalsa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ayisang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapangat malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang

ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi niObierika, ang kaniyang kaibigan.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

GAWAIN 4: Paglinang ng TalasalitaanPiliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan ng salita. Gamitinito sa makabuluhang pangungusap. Isulat sa papel ang sagot.

1. palamuti 

2. ipinabatid

3. napagwagihan 

4. magpatirintas

5. kagimbal-gimbal

GAWAIN 5: Tradisyong Africa, Pahiwatig Ano Ba?Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. Isulat sa sagutang papel angsagot.

1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa tuwing may pag-uusapangmahalagang bagay.

2. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag dumarating angmga maniningil ng utang.

3. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara ng giyera4. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.5. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay naipatapon.

 

abubot dekorasyon

ipinaalam isinangguni

nagpasalapid nagpapusod

kagulat-gulat kataka-taka

napagtagumpayan nalampasan

Page 94: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 94/102

326

DEPED COPY

GAWAIN 6: Fan-Fact Analyzer Gamit ang graphic organizer, pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa binasangbuod ng isang nobela mula sa Nigeria.

GAWAIN 7: Komprehensiyon at Reaksiyon sa LeksiyonSagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.

2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang sinisimbolo

ng pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para kay Okonkwo?

3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan.

4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning isangmagiting na mandirigma? Bakit?

5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang paniniwalaat paninindigan?

 6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa kaniyang

pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan?

7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan ang sagot.

8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang iyongbibigyang kulay? Bakit?

GAWAIN 8: Iskrip: Basahin at SuriinNarito ang bahagi ng iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na isinulat ni Shaira Mella-Salvador sa Direksiyon ni Romy V. Suzara. Gamit ang pormat na kasunod, suriin angbahagi ng iskrip.

I. PamagatII. Mga TauhanIII. Buod ng PelikulaIV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar )

a. Tagpuanb. Protagonistac. Antagonistad. Suliranine. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliraninf. Mga Ibinunga

V. Paksa o TemaVI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya

 

Page 95: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 95/102

327

DEPED COPY

b. Musika

c. Visual Effects

d. Set DesignVII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula

 Adaptasyon mula sa nobelang A Little Princess.

Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang iwanan ngkaniyang amang si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah saboarding house ng head mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtatanggolsiya ng kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin).

SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE. DAY.Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (doll). Hustong nakalabas na ngofce ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main entrance. Sarahsees him.SARAH : Papa! Papa!Mr. Barrow does not look back. Tuloy-tuloy ito sa paglakad.

Sarah runs after him.Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns around to look at her.Show the surprise and the disappointment on Sarah’s face. Mr. Barrow shakes hishead sadly and walks away.SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY Back in the ofce, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia isdepressed about Sarah’s situation.MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan natin siya Ate.MISS MINCHIN: (sharply)  Anong kawawa? Mas kawawa tayo!Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow… walangibang kukupkop kay Sarah.MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang ito… baonna baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia?MISS AMELIA: Nasaan ang kunsensiya mo, Ate?MISS MINCHIN: (raises her voice)  Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay angama ni Sarah?Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Ameliasees her .MISS MINCHIN: Sarah…Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away,

clutching Emily close to her.

GAWAIN 9: Kaya MoSagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula?2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng isang nobela bago ito isapelikula?3. Ano-ano ang dapat nilalaman ng isang iskrip?

Page 96: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 96/102

328

DEPED COPY

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Pagsasanay 1: Gamit ang 3R’s, Read, React, Reenact,  isagawa ang tungkol sasumusunod na sitwasyon na mula sa iskrip ng “Ang Munting Prinsesa.”

1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay SarahRead _________________________________

React _________________________________Reenact _______________________________

2. Kabutihang loob ni Miss Amelia kay Sarah

3. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama

4. Pagtatalo ng magkapatid na Minchin at Amelia

Alam mo ba na...sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayongdapat bigyan ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na Trip To QuiapoScriptwriting Manual , una, kailangang maging malinaw muna ang konseptongpinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang major concepts  ng materyal. Ikatlo,

dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saanba talaga ang istorya. Kailangang masagot ang anomang mga tanong tungkoldito.  Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman angmaayos na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon hindi lamang angpagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo. Malaki angmaitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.

Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag samga detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandangnakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanagng mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat naGramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma, maipaliliwanagang isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1) pagpapalawak at/opagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit namaliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-ugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa. Makatutulongnang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa angpagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilangpang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na,ng, g . Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig,ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n at ginagamit namanang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig. Maliban dito, ang mgapangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit dinsa mahusay na pagpapaliwanag.

  MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!

Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.

Hindi ko na problema iyon…  Alam mo namang nakasangla sa banko

ang eskwelahang ito…baon na baon na tayo sa utang kay Mr.

Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia? Bakit kasalanan ko ba kung

bakit namatay ang ama ni Sarah???

Page 97: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 97/102

Page 98: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 98/102

330

DEPED COPY

Alam mo ba na...ang  puppet show   ay isang pagtatanghal na ang pangunahing tauhan ay mga puppet ? Ang puppet  ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba’t ibang mga midya,kagamitan, at pamamaraan. Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain atkakayahan sa paggawa ng isang likhang- sining sa pamamagitan ng mga patapongbagay. May mga puppet  na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid, puppetna pang kamay o hand puppet   tulad ng medyas na  puppet ,  puppet  na supot, at puppet  na bag at stick puppets. Ang stick puppet  ang pinakapayak sa lahat ng urinito. Mayoon lamang mga larawang ginupit at idinikit sa stick . Ang medyas na mgapuppet ay simple rin. Isusuot lamang ng bata ang medyas sa kanyang kamay atpagagalawin niya ito sa pamamagitan ng mga daliri habang nagsasalita kasamaang hinlalaki para magmukhang bibig ng puppet. Maaaring lagyan ng tali, butonesat kapirasong damit para magmukhang mukha ng tao.  Pagkatapos makalikha ay maaari nang magtanghal ng isang  puppet . Angmesa na nababalutan ng tela ang magsisilbing tanghalan habang nakatago sa likodnito ang nagtatanghal ( puppeteers).Narito ang ilang halimbawa ng paggawa ng puppet :

Puppet  na SupotPamamaraan:

1. Kumuha ng isang supot na papel.2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa

dakong ilalim ng supot.3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.4. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi

ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitinang supot.

5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyongloob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila.

6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit.Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sapamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang “ puppet ” habangikaw ay nagkukuwento.

Puppet  na Medyas1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig.2. Gumupit ng tela o retasong hugis bilohaba na kulay dalandan, pula o rosas,

at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng medyas.3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakong

talampakan ng medyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw ngmedyas upang malaman kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong.

4. Lagyan ng mga mata at ilong ang puppet  sa pamamagitan ng mga butones,abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga mataat ilong

5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang magmukhangbuhok o sombrero.

6. Suotan ng damit ang iyong puppet upang matakpan ang iyong braso.

Page 99: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 99/102

331

DEPED COPY

Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo upangmaipamalas mo ang iyong galing. Ngayon nama’y simulan mo na ang pangwakas nagawain.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN (PARA SA MODYUL 3)

Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, isa sa mga bumubulaga sa atin ay ang mgamakatawag-pansing patalatas tulad ng mga nababasa sa mga pahayagan, magasin,tarpaulin,  billboard, at   polyeto, narinig sa radyo at napapanood sa telebisiyon, atinternet/online sites.

 Ang patalastas o anunsiyo ay isang mabisang instrumento ng komunikasiyonna nanghihimok sa mga manonood, tagapakinig at mambabasa na patuloy na kumilos

o gumawa. Nakatutulong din ito sa pagpapalaganap ng mahalagang impormasiyonat nakaiimpluwensiya sa mga mamimili na tangkilikin ang produktong iniaalok. Angmga Egyptian ang nagpasimula nito sa pamamagitan ng paglalathala ng mga paskil okaratula sa mga bato o haligi gamit ang papyrus at ang katibayan nito’y matatagpuan saPompeii at matandang Arabia. Samantalang isang karaniwang anyo ng patalastas angpagpipipinta sa mga tabike o bato sa Asia, Africa at South America hanggang sa ito’ylumaganap at sumikat kasabay ng modernisasiyon. Tunay na hindi mapasusubalianang ambag ng patalastas o anunsiyo sa ekonomiya.

Kaya naman isa sa popular na komposisiyon ang malikhaing paglikha ngpatalastas. Anupa’t ang mga mag-aaral ay sinasanay sa pagbuo at pagdidisenyo nitoupang higit na mahasa ang kanilang kasanayan sa pakikipagtalatasan.

Puppet  na Gumagalaw1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang stockings

na binalumbon at itinali sa mga hugpungan.2. Lagyan ng mga mata, ilong, at bibig sa pamamagitan ng mga butones at

patapong mga bagay.3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid.

4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit.5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali

ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat. Maaari mo itong pagalawin sapamamagitan ng paggalaw sa patpat.

6. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang  puppet   at kung saan pangbahagi ng katawan maaari itong talian.

Page 100: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 100/102

332

DEPED COPY

  Ngayon, ikaw naman ang magtatanghal ng natatanging pagganap na bungang mahahalagang kasanayang nalinang sa iyo. Lilikha ka ng isang palatalastaspantelebisyon na nagpapakita ng kagandahan ng kultura ng alinmang bansa sa Africa at Persia batay sa mga binasang akdang pampanitikan. Tatayahin ang iyongpagganap ayon sa sumusunod na pamantayan: kasiningan, kaangkupan, kawastuhan,at kawilihan. Ngunit bago mo gawin ang inaasahang pagganap maingat mo munang

sagutin ang mga gawain sa yugtong ito.

GAWAIN 1: Katibayan ng KaalamanGumawa ng paglalahat/sintesis sa kabuuan ng Modyul sa tulong ng organizer. Gawinito sa sagutang papel.

GAWAIN 2: Natatandaan KoSa pamamagitan ng Text Connection Organizer , sagutin ang mga tanong.

Aralin Ano ang aking nabasa? Ano ang aking natutuhan?

Aralin 3.1

Aralin 3.2

Aralin 3.3

Aralin 3.4

Aralin 3.5

Aralin 3.6

Aralin 3.7

Page 101: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 101/102

333

DEPED COPY

GAWAIN 3: Kayang-kaya MoSagutin ang sumusunod na tanong sa sagutang papel.

1. Bakit kailangang pag-aralan ang mga saling-panitikan ng Africa at Persia?

2. Nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa Africa at Persia matapos mabasa

ang mga saling akda mula sa mga bansa nito? Bakit?

3. Masasabi mo bang may pagkakatulad ang kultura ng mga bansang pinagmulan

ng mga saling akdang pampanitikang pinag-aralan sa kultura ng Pilipinas?

Pangatuwiranan.

4. Isulat ang sagot sa mga tanong sa sagutang papel. Gamitin ang pormat ng

Grafti Wall Organizer .

Sapagkat ganap nang natimo sa iyong isip ang mga kansanayang nakapaloob sa Aralin 3.1 hanggang Aralin 3.7, marahil handa ka nang isagawa ang inaasahangprodukto/pagganap para sa modyul. At upang matiyak na magiging mahusay ito,

makabubuting isaalang-alang mo ang sumusunod na hakbang:

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paghahandang Palatastas na Pantelebisyon

1. Ang patalastas na lilikhain ay dapat na orihinal. Kakaiba ang estilong ginamit

at mahusay ang bubuing mga diyalogo.

2. Ito’y dapat na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansang napili.

Makatotohanan ang mga impormasyong ilalangkap.

3. Tiyaking ang haba ng pagpapalabas nito ay tatagal lamang ng dalawa

hanggang tatlong minuto.

4. Maaari itong ihanda sa Movie Maker  o Power Director .

Paano naiiba ang mga akdangpampanitikan buhat sa Africa at Persiasa iba pang akda mula sa ibang panig

ng mundo?

Paano nakatutulong ang mga

kaalaman sa gramatika at retorika sa

pagpapalawak ng iyong kaalaman sa

kultura ng iba’t ibang bayan ng Africa

at Pesia?

Page 102: LM - Modyul 3.04.14.15pdf

7/25/2019 LM - Modyul 3.04.14.15pdf

http://slidepdf.com/reader/full/lm-modyul-3041415pdf 102/102

DEPED COPY

ILIPAT (PARA SA MODYUL 3)

Naririto ang mga pamantayan sa pagmamarka sa inaasahang pagganap.

Pamantayan Puntos

Kasiningan  – orihinalidad at estilo ng pagsulat atpagkakabuo

40 puntos

Kaangkupan – totoo/tunay ang ipinakitang kagandahan ngkultura ng bansa

30 puntos

Kawastuhan – wasto at angkop na gamit ng gramatika atretorika

15 puntos

Kawilihan – hikayat sa manonood/nakaaaliw 15 puntos

KABUUAN 100 puntos

  Binabati kita! Matagumpay mong naunawaan ang mga aralin at natutuhanang mga kasanayang nakapaloob sa Modyul 3. Tiyak na masasagutan mo ang mgakatanungan sa pangwakas na pagtataya. Matapos nito, pagtuunan mo ang walang-kamatayang nobelang El Filibusterimo ni Dr. Jose Rizal.

Nakuha ng inyong adverstising agency  ang isang malaking proyekto mula sa isang

internasyonal na kompanyang panturismo. Nagkasundo kayong lumikha ng isangpatalastas pantelebisyon na magtatampok sa kagandahan ng alinmang bansa sa Africa at Persia na tatagal ng dalawa hanggang tatlong minuto at ito’y ipalalabas saiba’t ibang panig ng mundo. Mahigpit na hiniling ng kompanya na tiyakin ninyong angpatalastas ay makapanghihiyakat ng mga dayuhan na tumaas ang kita ng turismosa bansa gayundin marapat na ito’y maging a.) masining, b.) kawiwili-wili, c.) wastoang pagkakasulat ng mga linya, at d.) totoo ang impormasyong ilalahad.