66
MODYUL SA FILIPINO 3 MASINING NA PAGPAPAHAYAG Ginawa ni: Bb. Rosalyn V. De la Cruz

Modyul number 3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Modyul number 3

MODYUL SA FILIPINO 3

MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ginawa ni:

Bb. Rosalyn V. De la Cruz

Page 2: Modyul number 3

MODyul 3

MGA BATAYANG URI NG DISKORS

Page 3: Modyul number 3

LAYUNIN

Natutukoy ang mga batayang uri ng diskors

Nalalaman ang pagkakaiba ng mga uri ng diskors.

Nakasusulat at nagagawa ng mga iba’t ibang gawain ng sulatin

Nakalilikha ng sariling sulatin ayon sa mga uri ng diskors

Pagkaraang matapos ang aralin, ikaw ay inaasahan na:

Page 4: Modyul number 3

Aralin i

ANG DESKRIPTIV

Page 5: Modyul number 3

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kung ito’y tama, lagyan ng tsek. At kung ito’y mali, lagyan ng ekis.

____1. Pang-abay at pandiwa ang karaniwang gamitin ng sulating deskriptiv.

____2. Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang malantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina; ang pangungusap na ito ay isang halimbawa ng deskriptiv.

____3. Ang pagpili ng paksa ay isa sa mga pangangailangan ng deskriptiv na sulatin.

____4. Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng malalaking bahaging maaaring makita lamang sa pananaw ng naglalarawan.

____5. Pumupukaw ng guni-guni ang karaniwang deskripsyon.

Page 6: Modyul number 3

Tama ba ang mga sagot mo?

• 1./

• 2./

• 3. /

• 4. x

• 5. x

Page 7: Modyul number 3

ANG DESKRIPTIV

•Ang deskriptiv na diskors o paglalarawan ay naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isip o imahinasyon ng mga mambabasa o tagapakinig.

•Ang mga pang-uri at pang-abay ay karaniwang ginagamit sa isangn deskriptiv na diskors

•Maliwanag at mabisang nailalarawan ng mga pang-uri at pang-abay ang anumang bagay na nais ipamalas sa iba.

Page 8: Modyul number 3

DESKRIPTIV:Inihahalintulad sa isang pintor ang

sumusulat ng talatang naglalarawan.

Sa tingin mo, bakit inihahalintulad sa isang pintor ang isang sumusulat ng talatang naglalarawan?

Subukan mong sagutan:

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 9: Modyul number 3

DESKRIPTIV:

Inihahalintulad sa isang pintor ang nagsusulat ng isang deskriptiv o naglalarawan sapagkat ang isang pintor ay pumipili ng mga sangkap na isasama sa pagguhit upang makalikha ng isang buhay na larawan. Gayundin ang nagsusulat ng naglalarawan, pumupili siya ng mga salita at iba pang sangkap ng paglalarawan na makatutulong sa pagbuo ng larawan sa isipan ng mambabasa.

Inihahalintulad sa isang pintor ang nagsusulat ng isang deskriptiv o naglalarawan sapagkat ang isang pintor ay pumipili ng mga sangkap na isasama sa pagguhit upang makalikha ng isang buhay na larawan. Gayundin ang nagsusulat ng naglalarawan, pumupili siya ng mga salita at iba pang sangkap ng paglalarawan na makatutulong sa pagbuo ng larawan sa isipan ng mambabasa.

Page 10: Modyul number 3

Mga Pangangailangan sa Efektiv na

Deskripsyon :

Pagpili ng paksa

Piliin ang isang bagay na nais ilarawan. Lalong mainam kung may kaugnayan sa iyong kaalaman at hindi bago sa iyong paningin ang paksang pipiliin.Ang mga bagay na nakikita sa araw-araw tulad ng ina, kapatid, guro, punong-kahoy, gusali, palengke, hayop na alaga ay Maaaring maging paksa ng mabisang paglalarawan.

Page 11: Modyul number 3

Mga Pangangailangan sa Efektiv na

Deskripsyon :

Pagbuo ng isang PangunahingLarawan

Ito ang unang kakintalan ng bagay, pook, tao o pangyayaringInilalarawan sa nakikinig o bumabasa.Ang kabuuan muna ang unang nakikintal sa isipan, bago ang Bahaging maliliit na nasasangkap sa kabuuan.May kanya-kanyang katangian ang bawat bagay, tao, pook oAnumang namamasid ng mga tao.Kung magmamasid ka sa isang silid, ang unang kakintalang Nabubuo’y ang kaayusang, karangyaan, kaguluhan, Katahimikan o kalinisan.Ito ang pangunahin o batayang larawan.

Page 12: Modyul number 3

Mga Pangangailangan sa Efektiv na

Deskripsyon :

Pagpili ng sariling pananawO perspektiv

Nakikita ang pangunahing larawan dahil sa sariling pananaw.May sariling pananaw ang bawat naglalarawan mula sa kanyang Kinaroroonan na iba kaysa taong nasa ibang panig naman.Dapat pumili ang sumulat ng sariling pananaw at mula lamang Doon niya ilalarawan ang bagay, pook, tao o ang pangyayaring Kanyang tinatalakay. Maaaring isaalang-alang ang inilalarawan ayon sa agwat o layo saBagay.Halimbawa: ang larawan ng isang gusali ay magkaiba mula sa loobHanggang sa labas nito.

Page 13: Modyul number 3

Mga Pangangailangan sa Efektiv naDeskripsyon :

kaisahan

Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng maliliit na bahaging maaaring makita lamang mula sa pananaw na napili ng naglalarawan

Page 14: Modyul number 3

Mga Pangangailangan sa Efektiv na

Deskripsyon :

Pagpili ng mga sangkap na isasama

Hindi lamang ang mga bahaging bumubuo ng pangunahing larawan ang dapat isama.Dapat ding isama ang mga bahaging ikinaiiba ng bagay, tao, pook,o pangyayaring inilalarawan sa iba pang uri nito.

Page 15: Modyul number 3

Mga Pangangailangan sa Efektiv naDeskripsyon :

Batayan sa paglalarawan

Sa pagbuo ng malinaw na larawan ay may mahalagangTungkuling ginagampanan ang ankop at tamang pagpiliNg mga salita.Samakatuwid, ang kalinawan ng ginagawang paglala-rawan ay nababatay sa mayamang talasalitaan.Bukod sa mayamang talasalitaan, kailangan ding Maging matalas ang pandama (5 senses) upang makitaAt maibigay ng taong naglalarawan ang lahat ng mgaKatangian ng kanyang inilalarawan.

Page 16: Modyul number 3

Mga Pagsasanay:

A. Basahin ang mga sumusunod at subukin kung sa anong pandama ang bawat isa

nauugnay;1.Nagkalat na mga basura at basyong lata ang karaniwang masasagasaan sa masikip na daang papasok sa loobang kanyang pinanggalingan.2.Maanghang na ginatang laing, malinamnam na tinapang kabasi, labanos na sawsawan, tamang-tama sa asim na sinampalukang manok at matamis na kundol ang aming dinatnang nakaahin sa mesa.3.Nakatutulig at sunud-sunod na putok ang narinig na pumailanlang at kasunod noon ay tilian ng mga kababaihan.4.Nadama ko ang di pangkaraniwang inot ng kanyang palad at pananamlay ng kanyang tinig. Idiniit ko ang aking kamay sa kanyang noo at napatunayan kong sisya ay nilalagnat.5.Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa pinaghalong sangsang ng umaalingasaw sa labas at sa nakasusukang amoy na nanggaling sa isang malapit na kanal…

Page 17: Modyul number 3

Sagot:

1. Paningin2. Panlasa3. Pandinig4. Pandama5. Pang-amoy

Page 18: Modyul number 3

Mga Pagsasanay:

B. Piliin ang angkop na pang-uri sa bawat pangungusap.

1.Ang matiyaga sa paggawa ay taong (masipag, masikap, mabait, masunurin).2.(Masipag, Masikap, Mabait, Masunurin) ang mga sundalong sinanay na gumawa nang hindi nag-uusisa.3.Hindi makalakad nang mabilis si Dory dahil sa (masikip, makipot, mahigpit) ang suot niyang palda.4.(Masikip, Makipot, Mahigpit) ang daang patungo sa langit, ayon sa Banal na Kasulatan.5. (Magiting, Matapang, Mapusok) ang lalaking sumusugod sa ano mang away o basag-ulo.6.(Magiting, Matapang, Mapusok) ang lider na matapat na tumutupad sa kanyang tungkulin sa gitna ng ano mang panganib.

Page 19: Modyul number 3

Sagot:

1. Masikap2. Masunurin3. Masikip4. Makipot5. Matapang6. Magiting

Page 20: Modyul number 3

Dalawang uri ng Deskripsyon:

KARANIWANG

DESKRIPSYON

MASINING NA

DESKRIPSYON-Pagbubuo ito ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga katangiang ating napag-aralan na.-Ang layunin nito ay makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol sa katangian ng isang paksa, at walang kinalaman dito ang kuru-kuro at damdamin ng naglalarawan.

-Pumupukaw ng guni-guni ang masining na deskripsyon.-Higit sa nakikita ng paningin ang maaaring ilarawan ng salita sa tulong ng deskripsyong masining.-Gumagamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw, at matinding damdamin.

Page 21: Modyul number 3

Halimbawa ng Karaniwang Deskripsyon:

Maganda at madaling pakibagayan. Iyan ang impresyon ng sinumang makakaharap ni Linda. Dala marahil iyon ng kanyang mapang-akit na mga mata na nakahahalina sa sinumang makakakita nito. Ang kanyang namumurok na pisngi at ang napakalalim na biloy ay lalong nagpapaganda sa kanyang mukha kung siya ay tumatawa.

Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang malantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina ng kanyang mga mata. Sa kanyang pagtawa, mapapansin mo ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. Ayon sa marami, ang mahaba at maitim niyang buhok ay nagsisilbing pang-akit ni

Linda sa mga kalalakihan.

Si Linda ay may matatag na paninindigan sa buhay.

Page 22: Modyul number 3

Halimbawa ng Karaniwang Deskripsyon:Karugtong:

Ginagawa niya ang anumang kanyang sabihin. Makabago si Linda at sosyal pero matapat na nagpapahalaga at nag-iingat sa kanyang puri at pagbabago.

Relihiyosa at may takot sa Diyos si Linda. Lagi siyang nagsisimba, mababa ang loob at handang tumulong sa sinumang nangangailangan. Mapagpasensya rin siya kaya napakarami niyang kaibigan.

Page 23: Modyul number 3

Halimbawa ng Masining na Deskripsyon:

Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos ng bagyo ay higit pang malaki ang ipinagbago ng Magdalo kaysa sampung taong pagkawalay nila sa nayon niyang ito. Halos lahat ng nakikita niyang kabaguhan ay likha ng nakapag-aalimpuyong hangin at ulan. Gaya ng dati, ang malumot nang munting simbahan ni Aling Barang ay ibinagsak ng hangin, ngunit nakatayo pa sa harapan ng luklukang kawayang mahahabang oras ding pinagpag-init niya samantalang nakikipag-inuman siya ng tuba, nakikipagtayugan ng mga pangarap sa kanyang mga kapwa bata.

Mula sa Bahay na Bato

ni Antonio B.L. Rosales

Page 24: Modyul number 3

Isa pang halimbawa ng Masining na Deskripsyon:

Ikaw ang pinakamahalagang paksa ng anumang usapan. Maliban sa iyo at lahat ng iyo, lahat ng iba pa ay kailangang isantabi. Ngunit, sino ka nga ba?

Ikaw, oo, nakakamukha mo ang marami sa maraming bagay, ngunit wala kang katulad. Ikaw ay nag-iisa sa iyong individwalidad. Libo man ang superfisyal na gawain ay hindi makapagbabago sa iyo, sapagkat saan man, sa ano mang lugar, ang iyong hitsura, pag-uugali, kilos, ang paraan mo ng paggawa ng mga bagay, ang iyong paraan ng pagsasalita – lahat ng bagay tungkol sa iyo – hindi mo man namamalayan, ang kumbinasyon ng lahat ng iyon ay naglalahad ng tunay na ikaw.

Maaari kang magkunwari, o di kaya’y

manahimik, ngunit ang tunay na ikaw ay hindi mo maitatago sa iba.

Ang iyong individwalidad ay may higit na kahulugan

Page 25: Modyul number 3

Isa pang halimbawa ng Masining na Deskripsyon:

Kaysa sa iyong akala. Ikaw ang pinakamatalik na kaibigan o pinakamatinding kaaway ng iyong sarili. Ang ibang tao, taliwas sa mga lumang paniniwala, ay hindi makatutulong o makasasakit sa iyo, bagama’t maaaring madalas mo silang sinisisi sa iyong mga kakulangan. Lahat ng nangyayari sa iyo ay nagsisimula at nagtatapos sa iyo. Ang ibang tao ay mga paraan lamang sa pagkakamit ng anumang iyong sinimulan tungkol sa iyong sarili.

mula sa Ika ni E.Y. Cunanan

sarili ni RAB

karugtong

Page 26: Modyul number 3

#1 Interaktibong gawain:

Subukang sumulat ng isang talatang naglalarawan:

maaaring tungkol sa kaibigan, kapatid, kamag-anak, pamilya, kapaligiran o kaht ano pa man.

Pagkatapos mong sumulat ng talatang naglalarawan batay sa napili mong paksa.

Subukang ito naman ay iyong iguhit.

Page 27: Modyul number 3

Interaktibong gawain:

Naiguhit mo ba ito ng maayos?

Kung oo ang iyong sagot, ipabasa at ipakita ito sa iyong kamag-aral.

At hayaan ang inyong kamag-aral ang humusga sa iyong ginawa.

Naisulat mo ba nang tama ang mga salitang nagpapalarawan sa iyong talata?

Page 28: Modyul number 3

Aralin 2

ANG NARATIV

Page 29: Modyul number 3

Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon

ANG NARATIV•Ay may layuning magsalaysay o magkuwento ng mga magkakaugnay-ugnay na pangyayari.

•Ang batayan nito’y maaaring mga sariling karanasan, mga pangyayaring napakinggan/narinig, nakita/nasaksihan/napanood, nabasa/natunghayan o nabalitaan.

•Maaari ring magkuwento ng mga pangyayaring likhang-isip lamang.

Page 30: Modyul number 3

Mga Katangian Mabuting Narasyon

Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors

•Mabuting Pamagat– ang panawag pansin ng isang pasulat na narasyon

•Upang maging mabuti ang iyong pamagat, kailangang taglayin niyon ang mga sumusunod na katangian:

• Maikli

• Kawili-wili o kapana-panabik

• Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas

• Orihinal o hindi palasak

• Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala namang layuning magpatawa

• May kaugnayan o naaangkop sa paksang-diwa ng komposisyonDapat din tandaan na maaaring maging pamagat ay pangalan ng

tauhan, pook, panahon, mahahalagang pangyayari, paksang diwa at iba pa.

Page 31: Modyul number 3

Mga Katangian Mabuting Narasyon

Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors

•Mahalagang Paksa– kung gaano kahalaga ang isang narativ na diskors, gayundin naman ang paksa niyon.

•Tandang ang isang akdang nauukol sa isang walang-kwentong paksa ay nagiging walang-kwentang akda.

•Nasa sa istilo at orihinalidad ang buhay ng isang narasyon.

•Kung mahusay ang isang manunulat, ang isang lumang paksa ay maaari niyang gawing bago.

Page 32: Modyul number 3

Mga Katangian Mabuting Narasyon

Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors

•Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari•Iba-ibang ayos ng pagkakasunud-sunod ng isang narasyon:

•Karaniwang anyo:

• Simula-Gitna-Wakas

•Gumagamit ng Flashback o paraang pabalik:

• Gitna o dakong wakas

• Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita o pag-aalala

• Wakas

•O kaya’y may ganitong pagkakasunud-sunod:

• Nagsimula sa wakas

• Nagbabalik sa tunay na simula

• Nagtatapos sa tunay na wakas na ginamit sa simula ng sumulat

Page 33: Modyul number 3

Mga Katangian Mabuting Narasyon

Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors

•Mabuting Simula– upang maging mabuti kailangang maging kawili-wili.

•Ito ay nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa

•Nagsisilbi itong pwersang tumutulak sa mga mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa.

•Ito ay nararapat lamang na maging tiyak at tuwiran

•“Magsimula sa simula” ang payo ng maraming manunulat.

•Hindi kailangan ng mga maliligoy na introduksyon gaya ng:

• Noong unang panahon…..

• Isang araw, habang….

• Minsan, may isang…..

• Ang kwentong ito ay tungkol sa….

Page 34: Modyul number 3

Mga Katangian Mabuting Narasyon

Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors

•Mabuting Wakas– may mga audience na nabibigo sa pagbabasa dahil sa hindi mabuting pagwawakas ng isang narasyon.

•Tulad ng simula, kung gayon, ang wakas ay kinakailangang maging kawili-wili upang maikintal ang bisa ng narasyon sa mambabasa.

•Iwasan kung gayon ang mga prediktabol na wakas.

•Hangga’t magagawa, lagyan ng twist na makatwiran ang narasyon.

•Iwasan din ang maligoy na wakas, pagkatapus na pagkatapos ng kasukdulan o klaymaks, kailangang isunod na agad ang wakas.

•Hindi na rin kailangan ng paliwanag sa pagwawakas.

•Iwasan din ang pangangaral sa wakas, hindi na napapanahon ang ganitong istilo.

•Makabubuti kung ipinahihiwatig ng matalino at maingat na paggamit ang mga simbolismo at pagpapahiwatig.

Page 35: Modyul number 3

Pansinin ang kasunod na seleksyon, basahin at suriin kung taglay nito ang

mga katangian ng isang mabuting narasyon:

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking Itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni’t maalinsangan ang simoy ng hangin.

Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumatok si Itay sa pinto ng aking kwarto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya, sinabi niyang kailangan daw naming mag-usap at nakiusap siyang papasukin ko siya.

May pag-aalangang binuksan ko ang pinto at siya’y kagyat na pumasok sa aking silid. Laking gulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Kumabog ang aking dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na hinawakan ni Itay ang aking mga kamay. Hinaplus-haplos niya ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi at sa aking mga labi. Napasigaw ako.

Huwag Po, Itay…

Page 36: Modyul number 3

“Itay…huwag po! Huwag po! Ako’y inyong anak. Utang na loob, Itay!”

Nguni’t parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy lamang niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin. Mariin ang aking pagpikit. Hindi ko magawang lumuha.

Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw siya habang binabayo ang nakapinid na pinto ng aking kwarto. Nagpupumilit siyang pagbuksan ng pinto. Garalgal ang naghuhumiyaw niyang tinig.

“Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa sarili mong anak! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan!”

Karugtong..

Page 37: Modyul number 3

Subalit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumigil ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si Itay. Bakla pala siya. Ngunit hindi ako nagalit sa kanya, manapa’y labis akong nagalak sa galing at husay na ipinamalas niya. Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon.

Niyakap ko si Itay at kapwa napaluha sa labis na kagalakan.

Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Lovingly yours,

Badong

Karugtong..

Page 38: Modyul number 3

# 2 Isulat dito ang inyong mga napansin at obserbasyon at suri sa seleksyong inyong nabasa.

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Huwag Po, Itay…

Page 39: Modyul number 3

# 3 PAGSASANAY:

Pagsulat ng Komposisyon: Isulat ito sa isang papel at idagdag sa inyong mga naipong gawain mula sa naunang modyul na ibinigay ko sa inyo.

1. Mag-isip ng isang serye ng mga pangyayari para sa pagsulat ng isang narativ na komposisyon. Itala muna sa isang malinis na papel ang sikwens ng mga pangyayari.

2. Isulat na ang iyong komposisyon nang may pagsasaalang-alang sa mga katangian ng isang mabuting narasyon at gamit ang sikwens na iyong itinala.

3. Ikritik ang iyong sariling komposisyon at pagkaraa’y ipabasa sa iyong kamag-aral at tanungin ang kanilang reaksyon o masasabi sa iyong isinulat.

4. Pagkatapos ipunin ang iyong mga sulatin at ako ang huling magkikritik sa iyong sinulat.

Page 40: Modyul number 3

Aralin 3

ANG EKSPOSITORI

Page 41: Modyul number 3

Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon

ANG ekspositori•Ang diskors na ekspositori ay tinatawag na paglalahad sa maraming aklat sa Filipino.

•Layunin nitong gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao.

•Katulad ng deskriptiv ito ay maaaring maging karaniwan o masining.

•May mga iba’t ibang uri ito: pagbibigay-kahulugan o definisyon, panuto o direksyon, tala o listahan, balita, pitak o kolum, suring-basa o revyu at sanaysay.

Page 42: Modyul number 3

Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon

ANG ekspositori•Dahil sa pagiging karaniwan ng ibang uri ng diskors na ekspositori, hindi na natin tatalakayin sa modyul na ito ang mga iyon dahil:

•1. Ang pagbibigay-kahulugan o definisyon ay karaniwan nang matatagpuan sa mga diksyunaryo o ensayklopidya

•2. Ang mga panuto o direksyon ay karaniwan nang matatagpuan sa mga pagsusulit, sa mga daan, sa mga resipi sa pagluluto, sa mga tarhetang kasama ng mga gamot o bagong aplayanses at kung saan-saan pa.

•3. Ang mga tala o listahan ay makikita na kahit saan, gaya ng mga halimbawa nito na listahan ng mga kakilala at kanilang telepono, listahan ng mga sabjek sa eskwela, listahan ng mga bibilhin sa palengke at marami pana iba.

Page 43: Modyul number 3

Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon

ANG ekspositori•Samantala, ang suring-basa o revyu at editoryal o pangulong-tudling ay matatalakay sa mga susunod na modyul.

•Mas angkop ang mga itong ilagay sa ilalim ng malikhaing komposisyon na siyang paksa ng talakayan ng susunod na modyul.

•Sa modyul na ito, kung gayon, ang pagtutuunan natin ng higit na pansin ay ang sanaysay bilang isang pinakamahusay na halimbawa ng diskors na ekspositori.

Page 44: Modyul number 3

May iba-ibang pagpapakahulugan ang iba’t ibang

mga manunulat sa sanaysay.

Ang salitang sanaysay ay nagmula sa pariralang “salaysay ng isang sanay”, ang salitang ito ay nilikha ni Alejandro G. Abadilla.

Sinu-sino nga ba ang mga ito?

Page 45: Modyul number 3

Ayon kay Rubin, et.al (1989-91) ang sanaysay ay isang anyong pampanitikang naglalahad ng mga kontemporaryong usapin at paksain sa nababagong mundo.

Kung gayon, dapat isaalang-alang, na ang susulat ng isang sanaysay ay kailangang mag-angkin ng karampatang pagmamasid, kaalamang masaklaw at masusing pagsusuri nang hindi malihis ang mambabasa sa kawastuhan ng tatalakaying nilalaman.

Hinihingi ng isang efektivong sanaysay ang sapat na kakayahan sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin-masinop, malinaw at mapang-akit.

Ayon naman kay Belvez, et.al(1985), ang sanaysay ay isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at formal kaysa alinmang akda.

Binanggit nina Semorian, et.al.(1999) na ang sanaysay ay isang uri ng akdang naglalayong maglahad o maglarawan ng buhay sa makatotohanan at masining na paraan. Maaaring talakayin o paksain ang anumang tema-karaniwan o di karaniwan, magaan o seryoso- sapagkat buhay ang inilalahad dito.

Page 46: Modyul number 3

Dalawang Uri ng Sanaysay

Formal o Maanyo Di-formal o Di-maanyo

* Formal ang isang sanaysay kapag ito’y may lohikal na paglalahad ng mga kaisipan o may maayos na balangkas.

* Maingat din ang pagsusuri ng paksa nito.

* Mahigpit ang pagpili at paggamit ng mga pananalita

* Masusi ang pag-aaral ng temang tatalakayin

* Binibigyang-diin dito ang katotohanan, tuwirang pagpapahayag at seryosong pagtalakay.

* Ito ay may kalayaan sa ayod na paglalahad, may himig ng pakikipag-usap at pagbibiro at higit na kawili-wiling basahin.

* Subalit hindi rin dapat na kaligtaan na lakip din nito ang katalinuhan ng pag-iisip at masusing pagsusuri.

* May pagkaliberal ang paggamit ng salita sa anyong di-formal

* Subalit maging formal man o hindi, kailangang maging, malinaw ang anumang nais ipabatid sa kabuuan ng sanaysay.

Page 47: Modyul number 3

#4 Babasahin:

Basahin mo ng tahimik ang dalawang tekstong may pamagat na “ AIDS Awareness” at Paginhawain naman ang buhay ni Juan”ibinigay sa iyo na nakaphotocopy.

Basahin mo ng tahimik ang dalawang tekstong may pamagat na “ AIDS Awareness” at Paginhawain naman ang buhay ni Juan”ibinigay sa iyo na nakaphotocopy.

At pagkatapos, Uriin mo ang bawat isa at tukuyin ang paksang tinatalakay sa bawat sanaysay. Ihambing at ikontrast mo din ang wika, tono, at estilo ng bawat isa.

At pagkatapos, Uriin mo ang bawat isa at tukuyin ang paksang tinatalakay sa bawat sanaysay. Ihambing at ikontrast mo din ang wika, tono, at estilo ng bawat isa.

Page 48: Modyul number 3

#5 Interaktibong gawain:

1. Pumili ng isang awtoridad hinggil sa paksang inyong mapagkakasunduan sa klase.

2. Maghanda ng balangkas ng mga tanong kaugnay ng paksang inyong napagkasunduan.

3. Intervyuhin ang awtoridad na iyong napili. Irekord ang iyong intervyu hanggat maaari at itranskrayb iyon pagkatapos.

Pagsulat ng Komposisyon:

1. Sumulat ng isang formal na sanaysay batay sa mga datos na iyong nakalap sa intervyu. Isaalang-alang muli ang mga katangian ng isang mabuting talataan.

2. Ipakritik sa awtoridad na iyong intervyu ang sanaysay na iyong isinulat. At hingin ang kanyang reaksyon o masasabi sa iyong isinulat.

3. Muli itong idagdag sa mga sulatin at ako ang huling magkikritik.

Page 49: Modyul number 3

Aralin i

ANG ARGUMENTATIV

Page 50: Modyul number 3

ANG ARGUMENTATIV•Ang argumentative o pagmamatuwid ang mapapansing nasa dakong huli ng mga uri ng diskors.

•May konkretong dahilan ito sa pag-aaral sa kadahilanang hindi magkakaroon ng sapat, malinaw at mabisang argumento (lalo pa at pasulat) kung wala munang matibay na kaalaman at kakayahan sa mga naunang paraan ng pagpapahayag: pagsasalaysay/narativ, paglalarawan/deskriptiv at maging paglalahad/ekspositori.

•Kung lubhang kailangan sa narativ ang mahusay na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, sa deskriptiv ay ang malinaw na pagbibigay-katangian, sa ekspositori ay wastong pagpapaliwanag, sa argumentativ ay tiyak na kinakailangan ang mabisang panghikayat, at mapasusubaliang pagsisiwalat ng mga prinsipyo o paninindigan.

Page 51: Modyul number 3

ANG ARGUMENTATIV•Ang mag-isip ay isang prosesong natural lamang sa isang tao.

•Batay sa katotohanang ito, hindi maiiwasang may mga pagkakataong ang iniisip ng isa ay salungat sa maaaring isipin naman ng iba.

•Alam ninuman, hindi lamang ng mga abogado, na ang anumang argumento ay nananatiling halos opinyon lamang kung mananatiling pasalita.

•Makabubuting kung isulat muna (sa paraang wasto at mabisa) bago bigkasin kung kinakailangan.

•Sa mga legal na usapin, hindi mapag-aaralan ang isang panig kung walang nakasulat na dokumento.

•Maging sa isang akademikong debate, mahirap at hindi mabuting makipagtalo nang walang nakasulat na patunay o kaya’y nakahandang komposisyon

Page 52: Modyul number 3

MGa bahagi ng argumentativ na komposisyon

•ANG SIMULA:

•Mahalagang makuha ng manunulat ang atensyon at damdamin nila.

•GITNA:

•Magsisilbi itong dahilan ng mga mambabasa upang manatiling tapat sila sa iyo matapos ng mabisang simula, at kung papalarin ay nakatutok pa rin sila sa bawat mensaheng iyong ipinararating hanggang sa iyong mabisang pagwawakas.

•Ang bawat katwiran ay kailangan ding masuportahan ng mga evidensya, datos o istatistika, pahayag ng mga awtoridad o di kaya’y mga kolaborativ na pahayag mula sa aklat, sa mga magasin, jaryo at iba pang babasahin.

•WAKAS:

•Ang huling suntok, kumbaga sa boksing, na magpapabagsak sa kalaban.

•Kailangang payak, tuwiran, mariin, malinaw at mabisa ang pahayag sa bahaging ito.

Page 53: Modyul number 3

MGa Uri ng Maling Pangangatwiran:

1. Argumentum ad hominem2. Argumentum ad baculum3. Argumentum ad misericordiam4. Non sequitur5. Ignoratio elenchi6. Maling paglalahat7. Maling paghahambing8. Maling Saligan9. Maling awtoridad10.Dilemna

Page 54: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

Bawat salita n iyong diskors, dahil nga argumentativ ay sinusuri ng kabilang panig o ng iyong mambabasa.

Makatwiran, samakatuwid, na alalahanin ang mga Uri ng Maling Pangangatwiran (Fallacies of Reasoning) na madalas gamitin kahit hindi sinasadya ng isang nakikipag-argumento upang “makagulat” sa kanyang katalo o kaya naman ay “makalusot” sa isang isyung mahirap niyang pasinungalingan.

Page 55: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

Argumentum ad hominem

Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na

katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung

tinatalakay o pinagtatalunan.

Halimbawa:

Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong ni hinidi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!

Page 56: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

Argumentum ad baculum

Pwersa o awtoridad ang gamitupang maiwasan ang

isyu at ito ay maipanaloang argumento.

Halimbawa:

Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan! Baka sampalin kita at nang makita mo ang hinahanap mo!

Page 57: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

Argumentum ad

misericordiam

Upang makamit ang awa at Pagkampi ng mga nakikinig,

Bumabasa, ginagamit itoSa paraang pumipili ng mga

Salitang umaatake sa Damdamin at hindi sa kaisipan.

Halimbawa:

Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang sentimos bilang pantawid-gutom?

Page 58: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

Non sequitur

Sa ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn’t follow.

Pagbibigay ito ng konklusyonSa kabila ng mga walang

Kaugnayang batayan.

Halimbawa:

Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga. Masamang pamilya ang pinagmulan niya. Magulong paligid ang kanyang nilakhan. Ano pa ang inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!

Page 59: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

Ignoratioelenchi

Gamitin ito ng mga Pilipino Lalo na sa mga usapang

Baberya, wika nga. Kilala ito sa ingles naCircular reasoning o

Paliguy-ligoy.

Halimbawa:

Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipaliliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya pagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.

Page 60: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

Maling Paglalahat

Dahil lamang sa ilang aytem/Sitwasyon, nagbibigay na

Agad ng isang konklusyongSumasaklaw sa Pangkalahatan.

Halimbawa:

Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang artista namang iyon ay maraming asawa, samantalang bobo naman ang isang ito na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista!

Page 61: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

MalingPaghahambing

Karaniwang nang tinatawagNa usapang lasing ang

Ganitong uri pagkat mayroon Ngang hambingan ngunit

Sumasala naman saMatinong konklusyon.

Halimbawa:

(Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa!

Page 62: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

Maling Saligan

Nagsisimula ito sa malingAkala na siya namang

Naging batayan. Ipinapatuloy ang gayon

Hanggang magkaroon ngKonklusyong wala sa

Katwiran.

Halimbawa:

Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag-aasawa, kailangan ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na maging tapat at masipag ang mga kabataan.

Page 63: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

Maling Awtoridad

Naglalahad ng tao o Sangguniang walang Kinalaman sa isyung

kasangkot.

Halimbawa:

Ang Krsitiyano ay pananampalataya ng mga mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx.

Page 64: Modyul number 3

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran:

Dilemna

Naghahandog lamang ngDalawang opsyon/

Pagpipilian na para bangIyon lamang at wala nang

Iba pang alternativo.

Halimbawa:

Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong.

Page 65: Modyul number 3

#6 Babasahin:

Basahin mo ng tahimik ang tekstong may pamagat na “ Abuso sa Karapatan” na ibinigay sa iyo na nakaphotocopy.

Basahin mo ng tahimik ang tekstong may pamagat na “ Abuso sa Karapatan” na ibinigay sa iyo na nakaphotocopy.

At pagkatapos, tukuyin ang istilong ginamit ng awtor dito. Tukuyin din kung may mga maling pangangatwiran sa teksto at kung mayroon, uriin ang bawat isa. Isulat mo ito sa isang papel at idagdag sa inyong mga sulatin na ipapasa sa akin.

At pagkatapos, tukuyin ang istilong ginamit ng awtor dito. Tukuyin din kung may mga maling pangangatwiran sa teksto at kung mayroon, uriin ang bawat isa. Isulat mo ito sa isang papel at idagdag sa inyong mga sulatin na ipapasa sa akin.

Page 66: Modyul number 3

#7 Interaktibong gawain:

1. Magsagawa ng isang informal na pagtatalo sa klase hinggil sa isang napapanahong isyung nakakaafekto sa ating lipunan o sa global na komunidad.

2. Suriin ang mga argumentong inilahad sa pagtatalo. Pansinin kung may gumamit ng mga maling pangangatwiran.

Pagsulat ng Komposisyon:

1. Sumulat ng isang komposisyong argumentativ hinggil sa paksang pinagtalunan sa klase.

2. Ipakritik sa iyong mga kamag-aral ang komposisyong iyong ginawa at alamin ang kanyang reaksyon o masasabi sa iyong sinulat. Ipagamit sa kanila ang mga gabay na tanong sa pagkikritik ng komposisyon.

3. Muli itong idagdag sa mga sulatin mo at ako ang huling magkikritik.