63
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN GRADE FIVE TEACHER: LAILA Q. RUBIO 1 NOTEBOOK 1 MANILA PAPER (EACH) NOTEBOOK COLOR PER SECTION: 5-M.HIMOR PINK 5-E. DELA ROSA VIOLET 5-A. VIDAL ORANGE CHARACTER EDUCATION GRADE FIVE TEACHER: LAILA Q. RUBIO BRING: 1 NOTEBOOK 1 MANILA PAPER (EACH) NOTEBOOK COLOR PER SECTION: 5-M.HIMOR GREEN 5-E. DELA ROSA BLUE 5-M. PEDERNAL BROWN

LESSON 1 Pantahanan Latest!!!

Embed Size (px)

DESCRIPTION

epp again. revised

Citation preview

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN

GRADE FIVETEACHER: LAILA Q. RUBIO

1 NOTEBOOK1 MANILA PAPER (EACH)

NOTEBOOK COLOR PER SECTION:5-M.HIMOR PINK5-E. DELA ROSA VIOLET5-A. VIDAL ORANGE

CHARACTER EDUCATIONGRADE FIVE

TEACHER: LAILA Q. RUBIOBRING: 1 NOTEBOOK

1 MANILA PAPER (EACH)

NOTEBOOK COLOR PER SECTION:5-M.HIMOR GREEN5-E. DELA ROSA BLUE5-M. PEDERNAL BROWN5-A.VIDAL RED

MGA PAGBABAGONG NAGAGANAP SA NAGBIBINATA

(PUBERTY)1. Tumatangkad ng 7-12

sentimetro2. Lumalawak ang balikat at

dibdib3. Lumalaki ang kalamnan

(muscles)4. Tumutubo ang balahibo sa

kilikili at ibabaw ng ari5. Tumutubo an gang balahibo

sa binti at nagkakaron ng bigote

6. Nagkakaron ng Adam’s Apple7. Lumalagong ang boses o

pumipiyok

MGA PAGBABAGONG NAGAGANAP SA NAGDADALAGA (PUBERTY)

1. Tumatangkad ng 6-11 sentimetro

2. Umuumbok ang dibdib3. Lumalapad ang balakang4. Mabilis tumaba5. Nagkakaron ng buwanang

daloy o regla6. Tumutubo ang buhok sa

kilikili at balahibo sa ibabaw ng ari

7. Nagiging makinis at malambot ang kutis ng nagdadalaga dahil lumalabas ang maraming dugo sa pagreregla

TAKDANG ARALIN: EPP-VIsulat ang sagot sa kwaderno.1. Ano ang pituitary

gland? Ano ang nagagawa nito sa pagiging lalaki o babae ng nagdadalaga?

2. Maglista ng 5 pagbabagong nagaganap sa nagbibinata

3. Maglista ng 5 pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga

4. Magbigay ng 5 kalinisang dapat tandaan kapag may regla

5. Magbigay ng 5 dapat tandaan kapag bagong tuli

TAKDANG ARALIN: GMRC 5 Isulat ang sagot sa kwaderno.1. Bakit sinasabi na ang

pagagawa ng mabuti ay isang paraan ng pagpapakatao?

2. Isulat ang sampung utos ng Diyos (Tagalog)

3. Magbigay ng 5 relihiyon at ang kanilang mga paniniwala

4. Bakit dapat pakitaan ng tamang pakikitungo

ang lahat ng tao anuman ang kanyang relihiyon at paniniwala?

PANGANGALAGA SA SARILI SA PANAHON NG PAGREREGLA:Ang dumadaloy na dugo ay

nagsisimula sa loob ng bahay bata. Ito ay kumakapal at dumarami sa loob ng 26-30 araw. Kung hindi ito mapupunlaan ng semilya galing sa lalaki, ito ay babagsak sa bahay bata at magiging regla. ANg buwanang daloy ay tumatagal ng 3-7 araw.

Wastong Paggamit ng Pasador: Maaring ito ay lumang kamiseta o half slip na ilalagay sa panty. Ang

sanitary napkin naman ay may iba’t ibang laki at hugis na idinidigit sa panty upang hindi gumalaw. Magpalit ng napkin tuwing apat na oras sa isang araw kung kinakailangan. Ugaliing maghugas ng kamay kapag magpapalit ng napkin.Dysmenorrhea – pamimintig ng puson o pagkirot nito sa tuwing magkakaron ng regla sanhi ng pagurong ng laman ng bahay bata at sa unti unting pagdaloy ng dugo mula sa paligid nito.

KALINISANG DAPAT TANDAAN KAPAG MAY REGLA:

Maligo araw-araw Magshampoo ng buhok Dalasan ang paghihilamos upang maiwasan ang tagihawat

Magpalit ng pasador tuwing ika-4 na oras kung kinakailangan

Hugasan ang ari kapag magpapalit ng pasador

Magpalit ng panty araw-araw at bago matulog

Ibalot ang panty at itapon ng maayos sa basurahan

Kumain ng masustansyang pagkain at mag ehersisyo.

PANGANGALAGA SA SARILI SA PANAHON NG BAGONG TULIAng pagtutuli ay isinasagawa sa

lalaki upang maging makinis at maalis ang kulubot sa dulo ng tunod. Ito ay isang simpleng operasyon kung saan inaalis ang sobrang balat na bumabalot sa gland. Ito ay ginagawa upang mapanatiling malinis ang dulo ng tunod at maiwasan ang impeksyon.

KALINISANG DAPAT TANDAAN KAPAG BAGONG TULI

Magsuot ng maluwag na shorts/ panjama

Linisan at palitan ng ballot araw-araw

Linisan sa paggamit ng pinakuluang dahon ng bayabas

Maghugas ng kamay gamit ang sabon bago hawakan ang sugat.

Gumamit ng malinis na bulak at gasa kapag pupunasan ang sugat.

Kumain ng masusustansyang pagkain upang mapabilis ang paghilom ng sugat

Huwag kumain ng malalansang pagkain tulad ng isda, itlog, hipon, bagoong. Magiging sanhi ng pangangati ng sugat na magdudulot ng impeksyon

Ang mga pagbabago sa pangangatawan ng mga nagdadalaga at nagbibinata ay tanda ng pagdagdag ng gulang at paglaki ng isang bata tungo sa pagiging binata’t dalaga. Ang pagtaas ng timbang at pagtangkad ay napapansin ng lahat, ngunit ang pagiiba ng kilos at damdamin ay nararamdaman lamang sa sarili.

WASTONG PAGPILI AT PANGANGALAGA NG DAMIT

Kasuotan ayon sa panahon:Tag-init simple, koton, walang

kwelyo at manggasTaglamigmakapal na tela, sweater

JacketDamit Pambahay

Damit Pampaaralan

Damit Pang espesyal na okasyon

Damit Pang Laro

Damit Pang lakadtabas

Damit Pang tulog

Wastong Pananamit:

Upang maging maayos ang kaanyuan, kailangang ang maingat na pagpili ng sariling damit. Kung ang tao ay mababa, ang nababagay sa kanaya ay damit na simple lanag ang tabas, walang maraming magkakasalungat na guhit May isang kulay lang pati ang kanyang bag, sapatos, at iba pang gamit. Angkop ang may mataas na baywang. Kapag naman pandak at mataba, magsuot ng damit na guhitang patayo, huwag magsuot ng masikip dahil nahahalata lalo ang katabaan Huwag magsuot ng palda’t blusa na may iba ibang kulay.

WASTONG HAKBANG SA PAMAMALANTSA (POLO/ BLOUSE)

A.Polo/Blouse 1. Wisikan ng tubig bago plantsahin. Itupi nang pabilog at gumamit ng malinis na pasador sa paghagod ng manhid na bahagi ng damit. 2. Unahing plantsahin ang bahagi ng balikat sa likuran at unahan. 3. Plantsahin ang bahagi ng balikat sa

likuran at harap 4. Planstahin ang harapang bahago at ituloy hanggang makaikot sa buong katawan ng polo/blouse. 5. Planstahin muli ang laylayan ng polo/blouse kung ito ay polo jacket upang masundan ang pileges. 6. Ihanger nang maayos at nakasara ang unang dalawang butones sa bahagi ng leeg. 

B.Short/Pantalon 1.Wisikan ng tubig kung kailangan. 2. Unahing planstahin ang mga bulsa at isunod ang bahagi ng zipper. 3. Planstahin ang bahagi ng bewang at sinturera patungo sa bahaging balakang at hita ng pantalon. 4. Baliktarin-plantsahi muli ang baywang at balakang sa bahagi ng pantalon hanggang sa kuminis ang bahagi ng bulsa. 5. Planstahin ang kaliwang hita at isunod ang kanang bahagi. Pag-angkupin ang mga lupi bago ilapat ang

plantsa upang hindi maging doble ang piston ng pantalon mula sa paa. 6. Planstahin hanggang maging makinis ang bahagi ng hita o kabuuan ng pantalon. 7. Ihanger ang pantalon/short o itupi ng maayos. 

C.Palda 1. Wisikan ng tubig kung kailangan. 2. Unahing planstahin ang bulsa, bahagi ng bewango sinturera at zipper. 3. Baligtarin, planstahing muli ang bahagi ng baywang. 

4. Unatin ang buong palda at balikan sa bahagi ng zipper upang lupian nang wasto ang mga pileges. 5. Ihanger nang maayos.

PAGTATAYA: RUBRIKS SA AKTWAL NA PAMAMALANTSA

PAMANTAYAN Opo Hindi1. Malinis ang katawan

habang namamalantsa2. Hinahayaang tumulo

ang pawis habang namamalantsa

3. Nagtitipid sa kuryente habang namamalantsa

4. Naingatan ang sarili habang namamalantsa

5. Inilagay kahit saan ang damit habang namamalantsa

6. Maruming panyo ang ginamit panghagod ng gusot

PAG AALAGA NG MGA MAY SAKIT AT MATATANDA

Mga Karaniwang Sakit ng Matatanda1. Mataas na

presyon2. Sakit ng tiyan3. Diabetes4. Rayuma

5. Sakit ng ulo6. Impeksyon sa

baga7. Paglaki ng

puso8. Katarata

Sakit dulot ng epidemya1. Dengue 8. Sore eyes2. H-fever 9. AH1N13. Diarrhea 10. Swine Flu4. Kolera5. Eltor6. Trangkaso7. Malaria

Wastong Paraan ng Pagbibigay ng Gamot sa Maysakit

1. Tiyakin na ayon sa reseta ang ibinibigay na gamut

2. Basahin ng ilang ulit ang paraan at oras ng pagbibigay ng gamot. Basahin ang etiketa at alamin kung paano ito ipinapainom. Tignan ang petsa kung ito ay lipas na.

3. Ang ipainom na tabletas ay di dapat ilagay sa mga palad o daliri dahil baka hindi ito malinis. Ilagay sa takip ng botelya o malinis na tasa para sa gamot.

4. Ibuhos ang likidong gamot sa bahaging walang sulat upang hindi

mabura ang mga tuntunin sa pagpapainom nito.

5. Dalhin ang gamot sa tabi ng may sakit. Maghanda ng basong may tubig. Tulungan ang may sakit na umupo ng wasto upang madaling malunok ang gamot.

6. Huwag lumayo sa pasyente hangga’t di natitiyak na nalunok na ang gamot. Tulungan siya kapag nasusuka sa lasa ng gamot.

7. Itala ang uri ng gamot at oras ng pagpapainom upang malaman ang wastong oras ng susunod na paginom nito.

URI NG PAGKAIN NG MAY SAKIT1. Regular Diet – Pagkain na para sa

may sakit na walang ipinagbabawal ngunit sapat na dami lamang

2. Light Diet – pagkain na walang mantika, simple ang pagkakaluto, malambot at masabaw. Ito’y kailangan ng mga pasyenteng

maysakit sa bahagi ng tiyan na hindi dapat dumumi ng madami.

3. Soft Diet – Malambot ang hibla ng karne at masabaw. Walang lasa at anghang at madaling matunaw.

4. Liquid Diet – Ito’y pagkaing kailangang salain. Maaring dinurog at sinabawan o kaya ay osterized, halimbawa ang sopas, miswa, lugaw, oatmeal o gelatin

5. Special Diet – para sa isang uri ng sakit gaya ng diabetes, ang pagkain ay di ginagamitan ng ordinaryong asukal, kaunti ang lahok na asin , taba at protina. Sa mga pasyente na may mataas na presyon ay hindi mamantika at mataba ang pagkain.

TULA: Sa anumang gawai’y ipapakitaAng matapat na pagpapahalagaMasayang saloobi’y ipadamaMga kasama, sa iyo ay gagaya

Sa pagpapaganda ng inyong tahanan

Pagkukumpuni ng gamit gayunmanPagagawa ng kusang looob at pagtutulunganSa Gawain sa tahanan ito’y nakakapagpagaan

MGA GAWAING PINAGTUTULUNGAN SA TAHANANPang araw-araw: Pagliligpit ng higaan, pagluluto, paghahanda ng hapag kainan paghuhugas ng pinggan, pagwawalis, paglilinis ng palikuran, pagtatapon ng basura, pagdidilig ng halaman.Lingguhan: Paglalaba, Pagpaplantsa, paglilinis ng bakuran, pagpupunas ng mga kwadro, paglalagay ng floor wax, pagpapalit ng punda, kobre kama, pagpapalit ng mantelBuwanan: Pagpapalit ng kurtina, paglilinis ng bentilador, paglilinis ng cabinet at alulod, paggugpit ng damo.

Isulat ang T kung tama at M kung mali

1. Gumawa ng kusang loob sa pagtulong sa Gawain sa tahanan

2. Magdabog at umiyak habang naghuhugas ng pinggan

3. Ituring agad na mahirap ang Gawain upang ibigay ito sa ibang kapatid

4. Ang pagiging masayahin at pagagawa ng may kusang loob ay nakakapagpagaan ng gawaing bahay.

5. Kailangan ng malaking halaga upang makapaglibang ang mag-anak matapos ang kanilang Gawain

TAKDANG ARALIN: Gumawa ng salundiwa/ tula/ sanaysay tungkol sa pagagawa ng kusang loob sa mga gawaing pinagtutulungan sa tahanan. Isulat sa kwaderno.

MGA PARAAN NG PAG AAYOS AT PAGPAPAGANDA NG TAHANAN

Ang tahanan ay kailangang maganda, tahimik, maayos at maginhawa para sa lahat ng mag-anak. Dahil dito, dapat tayo ay marunong mag ayos at magpaganda ng tahanan. Ang tahanan

ay larawan din ng mga taong tumitira dito. Narito ang dapat sundin upang gawaing kaakit-akit at kasiya siyang tirahan ang tahanan.

1. Isaalang-alang ang laki, uri, at gamit ng kasangkapan sa pag aayos. Kailangang umaangkop ang mga kasangkapan sa silid na nilalagyan.

2. Dapat din na pagpangkat-pangkatin ayon sa hugis at uri ang maliliit na kasangkapan.

3. Lagyan ng mga palamuti upang magkaron ng kulay at may buhay ang silid. Ang kulay, hugis at tekstura ay dapat bumabagay din sa silid na kalalagyan, Isaayos din ito sa kaakit-akit na paraan. i. Ang mga bulaklak at halaman

ay kasiyasiyang tignan dahil sa kanilang kulay, anyo at kasariwaan. Isaalang alang ang laki, taas, kulay ng lalagyan ng bulaklak at pag-aayos nito. Ilagay sa tamang lugar sa bawat

silid ang ayos na bulaklak sa angkop na plorere

ii. Kabitan ng kurtina na angkop ang uri, kulay, at disenyo sa silid at bintanan na paglalagyan.

iii. Piliin ang larawang isasabit sa dingding na umaayon naman sa laki at lawak nito.

Tandaan: Ang maayos na tahanan ay malinis, mapayapa at ligtas sa panganib. Mahalaga ang pagsunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan. Responsibilidad ng bawat kasapi ng pamilya ang pagpapanatili ng kaayusan ng kanilang tahanan.TAKDANG GAWAIN: Isaayos ang silid aralan, pagandahin at gawing kaakit akitTALATAKDAAN NG GAWAIN PARA SA

ARAW NG SABADO

ORAS MGA GAWAINTAONG

GAGAWA6:00 – 6:15 Paggising,

Pagdarasal, Pagliligpit ng

Buong mag- anak

higaan

6:15 – 6:30Paglilinis ng

bakuranAma; kuya

6:30 – 6:45Paghahanda ng almusal

Ina; ate; kuya; bunso

6:45 – 7:00Pagluluto ng

almusalIna; ate

7:00 – 8:00

Pagkain ng almusal,

paghuhugas ng pinag kainan

Buong mag-anak ate; kuya;

bunso

8:00 – 12:00

Pagkukumpuni ng

kasangkapanAma; kuya

8:00 – 9:00 pamamalengke Ina; ate

9:00-10:00Paglilinis ng

bahayIna; ate; bunso

10:00 – 11:00

paglalaba Ina; ate

11:00 – 12:00

Paghahanda ng tanghalian

Ina; ate

12:00 – 1:00

Pagkain ng tanghalian

Buong mag anak ate;

paghuhugas ng pinagkainan

kuya; bunso

1:00 – 2:30 pagpapahingaBuong

mag- anak

2:30 – 4:00 PaglalaroBuong

mag- anak

4:00 – 5:00Pag aayos ng

tahananBuong

mag- anak

5:00 – 6:30Paghahanda ng hapunan

Ina; ate

6:30 – 7:30Hapunan at

paghuhuggasBuong mag

anak7:30 – 9:00 Pag- aaral Mga anak

7:30 – 9:00 Panoon ng TVBuong

mag- anak

9:00 - ---Paghahanda ng tulugan

Buong mag- anak

MGA GULAY NA MAARING ITANIN AT KABUTIHANG NATATAMO DITO

1. Mga gulay na mayaman sa Protina, Mga Bitamina at Mineral*mungo *kadios *cowpea

*soy beans *lima beans

2. Madahong gulay na mayaman sa Bitamina A at C, Calcium, Iron at Riboflavin*pechay *lettuce *kamote

*malunggay *kangkong *saluyot3. Mga gulay na mayaman sa enerhiya

*mais * kamote *balinghoy*gabi *ube *patatas

4. Prutas at gulay na mayaman sa carotene at Bitamina C*squash *kamatis *papaya

*karotsHIRARKIKAL DIAGRAM

Mga Gulay na maaring itanim sa pamayanan

Mga kabutihang dulot na nakukuha dito

PLANTING GUIDE

CROP SOIL TYPEPLANTING

DATEAmpalaya Sandy to

Clay LoamSept. - Jan

Carrot Silty Loam May – June

Nov - JanCabbage Clay Loam June – July

Nov - JanEggplant Sandy Loam Sept - FebMunggo Loam June – July

Sept – OctPatola Sand to clay

loamMay to JuneDec - Jan

Okra Silty - Loam Jan - FebPechay Clay Loam May – June

Sept - JanSitao Sandy to

Clay LoamMay – JuneJan – Feb

Tomato Sandy to clay loam

May to JuneNov - jan

Upo Sandy to clay loam

May – JuneOct - Jan

Pakwan Clay Loam Nov - JanMga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pangangalaga sa

Halamang GulayAng pagpapatupad sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman ay

makakatulong sa pag iwas sa mga sakuna. Ito ay kailangang pangalagaan upang mapakinabangan ng matagal. Gamitin ng wasto at maingat ang mga kasangkapan upang hindi masira.

1. Gumamit ng kasangkapan nasa maayos na kundisyon

2. Maglaan ng maayos at matibay na lalagyan ng mga kasangkapan at kagamitan

3. Gamitin ng maayos ang mga kasangkapan na may kasamang pag iingat

4. Huwag makipag kwentuhan, makipag talo o makipag laro habang gumagawa

5. Takpan ang ilong o bibig pag gumagamit ng pambombang gamot

6. Magsuot ng pangtrabaho kung gumagawa

7. Itago ng malinis malinis ang kagamitan at kasangkapang yari sa bakal ginagamit

8. Maghugas ng kamay ng mabuti pagkatapos gumawa

9. Itago sa isang kahong matibay ang kasangkapang hindi ginagamit

10. Linising mabuti ang lalagyan ng langis lalo na ang mga kagamitang yari sa bakal na ang mga gumagalaw na bahagi bago sila itago upang hindi kalawangin.

11. Tanggalin ang mga tanim ng barena at brace kung hindi ginagamit

12. Tiyakin na maliit at magaan ang mga malalaki at mabibigat na kasangkapan

TAKDANG ARALIN: Sagutin ang ss.:1. Ano ang mga dapat gawin upang

makaligtas ka sa paghahalaman?2. Ano ang maari mong gawin upang

mapangalagan ang mga kasangkapan sa paghahalaman?

PARAAN NG PAGTATANIMDi-tuwirang pagtatanim paglilipat ng punla sa tamang taniman. Tuwirang pagtatanim ginagawa sa pamamagitan ng paghulog kaagad ng buto o binhi

kung saan bahagi ng kama ibig itong patubuin.

DI TUWIRAN:1. Ihanda ang kahong punlaan na may tamang sukat . Tiyakin na may butas ito sa ilalim upang madaluyan ng tubig. Paghaluin ang tig-iisang katlong bahagi ng lupa, buhangin at humus sa loob ng kahong inihanda. 2. Ihanda ang mga buto ng halamang itatanim. Ibabad ang mga ito nang magdamag bago itanim at patubuin sa kahong punlaan.3. Takpan ang kahong punlaan habang hindi pa lumalabas ang unang sibol. Gumamit ng salamin o plastik. 4. Unti-unti ilantad ang kahong puhunan, kapag nagsimula ng sumibol ang mga buto. 5. Alisin ang takip kung husto na ang tubo ng mga punla. Piliin at alisin ang mga punlang payat at dikit-dikit. 6. Hintaying magkaroon ng dalawa hanggang apat na dahon ang mga

punla bago ilipat sa permanenteng pagtatamnan. 7. Diligin ang mga punla bago angatin at alisin sa kahong punlaan. 8. Gumamit ng dulos at angatin nang buong ingat ang punla ingatan di mapinsala ang mga ugat. 9. Pungusan ng dahon ang mga punla. Tiyakin ang pagpupungas ay hindi gaanong malapit sa tangkay. 10. Ilipat nang buong ingat ang mga punla sa permanenteng pagtataniman at alagaang mabuti. Iwasan ang paglilipat ng punla kung matindi ang sikat ng araw.

TUWIRAN1. Diligin ang inihandang lupa at hayaang makasipsip ng sapat na tubig. 2. Gumawa ng hanay sa pamamagitan ng paglalagay ng tulos sa magkabilang dulo ng kama at pagtatali ng pisi sa bawat tulos. Magsisilbi itong gabay sa paggawa ng butas.3. Sa pamamagitan ng patpat gumawa ng butas na may sapat na layo.

Dagdagan ang distansya kung ang dahon ng halamang itatanim ay mabukadkad.

- kung tag-init at ang lupa ay buhaghag at mabuhangin laliman ang butas.

- Kung sa panahon ng taglamig at ang lupang gagamitin ay siksik, gawing mababaw ang butas. 4. Hugutin at alisin ang tulos ay pising ginamit. Ihulog ang dalawa hanggang tatlong buto o binhi sa mga butas na ginawa. Takpan ng lupa at bahagyang pipiin ng kamay. 5. Diligin ang kamang taniman. Gawin ito ng buong ingat upang mapangalagaan ang mga butong bagong tanim.

MGA PARAAN NG PANGANGALAGA NG MGA

PANANIM1. Pagdidilig2. Bunutin ang mga damong ligaw

3. Bungkalin ang nakapaligid na lupa sa halamang taniman

4. Lagyan ng suporta o tungkod ang mga halamang tumutubo sa pagagamit ng patpat at sanga

5. Puksain ang mga kulisap at peste sa paggamit ng angkop na gamot.

6. Lagyan ng karagdagang pataba kung mabagal ang paglaki ng mga pananim

7. Pumili ng lugar na nasisikatan ng araw, may sariwang hangin, at malapit sa pinagmumulan ng tubig

TAKDANG ARALIN:Sumulat ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng wastong paraan ng pangangalaga ng mga halamang gulay. Lagyan ng disenyo at ilagay sa kwaderno.ANG PAGGAWA NG COMPOST PIT

1. Pumili ng angkop na lugar. a. patag at tuyo ang lupa b. may kalayuan sa bahay

c. malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa.

2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim at dalawang metro ang lapad. Patagin ang loob ng hukay at hayaang nakabilad sa araw upang hindi mabuhay ang anumang uri ng mikrobyo.3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon mga balat ng prutas at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas. Haluan ng 1 hanggang 2 kilo ng abono urea ang inilagay na basura sa hukay.4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15 sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo o apog. Gawin itong paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng pagdidilig arawaraw. Tiyaking hindi ito babahain kung panahon naman ng tag-ulan. Makabubuting takpan ang ibabaw ng

hukay ng ilang pirasong dahon ng saging upang hindi bahain.6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa gilid. Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng mga basura.7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong linggo. Haluing mabuti ang mga pinagsama-samang kalat at lupa. Pagkalipas ng dalawang buwang o higit pa ay maaari na itong gamiting pataba ayon sa mabilis na pagkabulok ng mga basurang ginamit.

PAGGAWA NG COMPOST BASKET1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatong-patong na tuyong dahon. dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad

ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan.3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura.4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.

TAKDANG ARALIN: Kapanayamin ang kilalang naghahalaman, tanungin kung anong uri ng pataba ang ginagamit sa paghahalaman at ang kabutihang nadudulot nito sa kanyang pananim

BIO INTENSIVE GARDENINGAng bio-intensive gardening ay isang

pamamaraan bayolohikal kung saan sa

ang maliit na sukat ng lupa ay natataniman ng maraming uri ng halaman subalit napapanatiling mataba at mayaman sa mga sustansya ang lupa. Sa pamamagitan ng BIG ang mga organikong bagay ay naibabalik sa lupa sa pamamagitan ng kompost. Ito ang nagbibigay buhay sa lupa. Nakatutulong din ito sa pag-dami ng mga bulate sa lupa na tumutulong para maging buhaghag ang lupa at madagdagan ang mga sustansya nito. MGA LOKAL NA PAMAMARAAN NG

BIO INTENSIVE GARDENINGDextrose/ Dripping Method – pagagamit ng tubig sa halamanContainerized Gardening – para sa mga siyudad na walang bakanteng pagtatanimanSALIK NA DAPAT ISAALANG ALANG

SA PAG AANI

1. Paraan ng pag-aani2. Lugar kung saan dapat imbakin3. Paraan ng pag-iimbak4. Pagbibigay halaga sa mga produkto

ay nakabatay sa kalakalang halaga5. Pagtimbang o pagbilang ng kalakalPALATANDAAN KUNG MAARI NG

ANIHIN ANG MGA BUNGA O TANIMDahong GulayKung malalapad na ang mga dahon nito at may anim na bilang tulad ng petsay, mustasa at letsugas.Bungang GulayKung katamtaman ang laki ngunit mura pa ang mga butoBungang UgatInaani bago tumigas at tumubo ang mga laman. Inaani pagkaraan ng nakatakdang arawButil ng gulay

Inaani habang maliliit pa ang mga buto nito at hindi pa naka umbok ang balat

CROP MATURITY DAYSAmpalaya 75 – 80Cabbage 62 – 110Cauliflower 75 – 90Cucumber 45 – 50Sayote 85 – 90 Eggplant 90 – 110Carrot 45 – 60Sweet Potato 45 – 120Pechay 30 – 65Mustard 40 – 60Tomato 75 – 120 Patola 75 – 85Sweet Corn 55 – 95 Okra 60 – 75 Kundol 75 – 85Broccoli 60 – 70

Paglalapat: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (√) ang bilang na tumutukoy sa salik na dapat isaalang-alang sa pag-aani at ekis (x) kung hindi.1. Ang pagbibigay halaga sa mga

produkto ay dapat ibatay sa kalakalang halaga upang hindi malugi.

2. Ang mga gulay at prutas ay hindi dapat anihin sa takdang panahon.

3. Ang isang magsasaka ay dapat may sapat na kaalaman tungkol sa paraan ng pag-aani at kung saan dapat imbakin ang produkto upang hindi masira ang uri o kalidad nito.

4. Ang pagtimbang o pagbilang ng mga kalakal ay mahalaga upang masukat ang dami at laki ng mga produkto.

5. Ang napapanahong pananim ay di – dapat dalhin agad sa pamilihan

PAGTATAYA: Piliin at isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.1. Umani ng maraming halamang gulay si

Mang Lucio. Ayon sa kanya’y kailangang ipagbili ang mga ito. Bakit kaya?a) Madaling mabulok ang gulayb) Upang makapagtanim mulic) Upang maubos agadd) Husto na ang gulang

2. Namitas ng maraming prutas ang katiwala ni G. Cruz sa kanyang orchard ng manga, kaymito, tsiko, atis atbp pang maihahanda sa pagsasapamilihan Alin sa mga ito ang mga kailangan niyang gawin upang maganyak lalo ang mga mamimili?a) Punasan ang mga ito upang luminisb) Ipamigay sa mga gustong humingic) Balutin upang di Makita ng mamimilid) Biyakin sa gitna ang mga bungang

kahoy

3. Naipahanda na rin ni G. Cruz ang isasapamilihang bungangkahoy. Alin sa mga ss. Ang dapat niyang ipagawa upang lalong makuha ang tiwala ng mamimili?a) Bawasan ang laman ng iniimbak na

produktob) Gawing bulok o hilaw ang

inempakeng prutasc) Dapat i-empake ng wasto ang mga

produktod) Dapat mahalan ang presyo

4. Pirmihang mamimili ni Aling Sepang si Mang Isko ng mga gulay at prutas, Laging mabili ang paninda niya sa palengke, ano kaya sa ss. Ang pinagtutuunang pansin ni aling sepang?a) Laging kulang sa timbangb) Tuyo’t di sariwa ang mga itoc) Mataas ang halaga ng produktod) Sariwa at mura ang halaga

5. May ari ng isang taniman ng prutas si Mang Basilyo na malapit sa pamilihan, Bakit kaya ibig niyang malapit sa pamilihan?a. Upang di maaksaya ang panahon sa

pagsasapamilihanb. Upang matiyak ang kahinugan ng

prutas at gulay sa pagsasapamilihanc. Upang mag aksaya ng pera at

panahond. Upang malugi ang negosyo

TAKDANG ARALIN:

Ibigay ang mga salik na dapat isaalang alang sa pag-aani.

PAGTATAYA: Basahin at pag-aralan ang talaan at sagutin ang mga katanungan:

1. Magkano ang kabuuang gastos/puhunan sa pagtatanim ng halamang prutas?

2. Magkano ang kabuuang halaga ng pinagbilhan?

3. Paano nakuha/ nalaman kung magakno ang pakinabang?a. Inalis ang kabuang gastos sa

kabuuang pinagbilhanb. Pinagsama ang gastos at

pinagbilhanc. Kinuha ang halaga ng

pinagbilhan4. Ilan ang bilang ng tanim na

naipagbili?5. Magkano ang naging pakinabang sa

pag-aalaga ng halamang prutas?

PAMANTAYAN SA PAG-UULAT

1. Tumayo ng Tuwid2. Magsalita nang maliwanag at

nauunawaan ng lahat3. Maging handa sa mga

Gawain

PAMANTAYAN SA PANONOOD/ PAKIKINIG

1. Manood nang tahimik at unawaing mabuti ang pag-uulat

2. Itala ang mga mahahalagang bagay na narinig sa pag-uulat