39
Polytechnic University of the Philippines College of Communication Department of Broadcast Communication Sta. Mesa, Manila FILI 1033 RETORIKA IPINASA NINA: CHERRY MAE P. GONZALES LORAINE D. CERILIO JOHN FERDINAND CALIMAG NICO JAMES NINO RHOYAL ANCHETA

Lalaki Sa Dilim

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Lalaki Sa Dilim

Polytechnic University of the PhilippinesCollege of Communication

Department of Broadcast CommunicationSta. Mesa, Manila

FILI 1033 RETORIKA

IPINASA NINA:

CHERRY MAE P. GONZALESLORAINE D. CERILIO

JOHN FERDINAND CALIMAGNICO JAMES NINORHOYAL ANCHETA

REYNALDO ALVARANCIELO LABRAGUE

JOHN CARLO DAVID BRIGOLABBRC 2-1 D

Page 2: Lalaki Sa Dilim

PAGSUSURI SA ISANG NOBELA

I. PAMAGAT:

LALAKI SA DILIM

a. KAHULUGAN NG PAMAGAT

Sa pamagat pa lamang ng nobela mahihinuha na may kinalaman sa isang madilim o maling gawain ang lalaki sa nobela. Kaya ‘Lalaki sa Dilim’ ang pamagat nito ay dahil na rin sa ang lalaki sa nobela ay nakagawa ng isang kasalanan noong sapilitan niyang ginahasa ang isang babaeng bulag. Maselang usapin ang gahasa saanman sa lipunan. Sa nobela makikita kung gaano kabigat ang gayon sa buhay ng isang babaeng bulag at mahirap. Sa pambihirang bisa ng panulat ng may-akda ay itinatampok sa nobela ang samotsaring pagtanaw sa gahasa: ang salapi, dangal, pighati, ugnayan, pag-asa, at iba pang tunggalian o kaisahan. Dito mababatid na ang pisikal na pagkabulag ng babae ang siyang magbibigay liwanag sa katauhang-dilim ng lalaki.

b. MAY-AKDA

Page 3: Lalaki Sa Dilim

BENJAMIN P. PASCUAL

c. TALAMBUHAY NG MAY-AKDA

Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Unang nakilala bilang matinik na kuwentista si Pascual bago niya sineryoso ang pagiging isang nobelista. Nagsimula siyang sumulat noong dekada 1950, sumubok mag-ambag sa komiks, hanggang hiranging maging staffer ng Liwayway. Nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kaniyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip Ang Langit” (1981). Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines ang nobelang “Utos ng Hari” noong 1975.

Page 4: Lalaki Sa Dilim

Unang nailathala sa Liwayway ang ‘Lalaki sa Dilim’ sa pamagat na ‘Shhhh…Ako ang Lalaki sa Dilim’ (1976).

May-akda rin siyang may pamagat na “Sapalaran, Walang Tanungan” (1997), isang komedya ng pag-iibigan at lingguhang isineserye nagyon ng Liwayway. Tinatayang nakatapos ng 13 na nobela si Pascual, na pinakarurok marahil ang “Halik sa Apoy” (1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda na umiinog sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang lalaking manunulat. Naging Filipino seksiyon editor si Pascual sa People’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon ay editor sa popular na Valentine Romances.

Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maikling kwento, dula, at nobela.

Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.

(PINAGKUNAN: Lalaki sa Dilim, Ang pagpapakilala sa May-akda)

Page 5: Lalaki Sa Dilim

II. BUOD NG NOBELA

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ng kanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita, isang opera singer. Nagawa niyang gahasain ang babaing kahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at maralita ang kanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi nakilala ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan. Walang ebidensyang makapagpapatunay.

Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa nagawa niyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa, binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabing sakanya din magpagamot ng mata upang masingil lamang ng kaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyang nagawang kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyang pangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawang kabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siya ng kanyang sariling anak.

Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick. Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lama tang kanilang samahan na humatong din sa hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae. Totally Americanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita ayos

Page 6: Lalaki Sa Dilim

lang na magkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta magkaroon lang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa’t isa.

Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael ay gumulantang sakanya ang isang balitang napatay si Margarita at Nick sa isang otel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marina ang asawa ni Nick na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ng asawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at makapatay ito.

Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Sela ang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sa katawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na papakasalan niya si Ligaya.

III. PAGSUSURI

A. ISTILO NG PAGLALAHAD

Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang halimbawa ng isang akdang modernista na kung saan ang tanging gusto ay magkaroon ng isang malaking pagbabago upang maging maginhawa ang pamumuhay ng bawat isa. Nilikha ni Pascual ang isang karakter na naipit sa isang sukdulang kasalanan at ang tanging nais ay malinis niya ang bahid ng sariling putik.

Page 7: Lalaki Sa Dilim

Mahahalata mula sa pagbabasa ang paulit-ulit na pagbanggit ng may-akda sa mga naganap na tagpo. Sadyang ginawa at pinanatili ng awtor ang ganoong istilo upang ipakita na ang kwento ay isang tuluyang nobela na batay sa istruktura ng isang magasin.

Bagaman sa kabuuan ay namayani sa nobela ang ating sariling wika, kapansin-pansin pa rin ang ilang pagsulpot ng wikang Ingles sa pagdaan ng kwento. Dahil na rin sa hinaluan ito ng ilang wikang Ingles na madali namang intindihin, naging payak at simple ang daloy ng pagpapalit ng linya ng mga karakter. Naging realistiko at natural ang pag-uusap ng mga karakter.

Ang nobela rin ay gumamit ng isang sentimental at romantikong genre ng kwento dahil ang paksa ay tungkol sa pag-iibigan ng isang lalaki at babae.

B.TAYUTAY NA GINAMIT

Iilang tayutay lamang ang napansin at nabasa sa nobelang ito dahil gumamit ang awtor ng mga simple at direktang pangungusap.

Wala ka ng ibang ginagawa kundi magtalaksan ng girlfriend. (PATALINGHAGA O ALLEGORY)

Page 8: Lalaki Sa Dilim

-Ang pahayag ay tumutukoy sa hindi literal na kahulugan ng mga salita. Sa pahayag na ito mapapansin na ang literal na kahulugan ng “magtalaksan” ay punong kahoy na panggatong na pinagpatung-patong sa isang talaksan. Ngunit sa pahayag ay patalinghaga itong sinabi na ang ibig ipagkahulugan ay nag-iipon ng mga babae ang anak upang mapunan ang apoy ng kandungan nito.

Madilim ang tingin niya sa paligid na para bang ang araw ay nilambungan ng takipsilim. (PERSONIFICATION O PAGBIBIGAY KATAUHAN)

-Pinakikilos na tulad ng tao ang mga bagay at sa tayutay na ito ay pinapahayag sa pamamagitan ng mga pandiwa. Ang nilambungan ay pagtakip sa isang bagay gamit ang ang mantel.

Kumagat na ang gabi. (PERSONIFICATION O PAGBIBIGAY KATAUHAN)

-Gaya ng nauna, pinakikilos na tulad ng tao ang mga bagay at sa tayutay na ito ay pinapahayag sa pamamagitan ng mga pandiwa. Ang ibig sabihin ng kumagat na ang gabi ay sumapit na ang kadiliman sa paligid.

Page 9: Lalaki Sa Dilim

1. PANSIN AT PUNA

a. TAUHAN

Ang mga lalaki sa nobela ang siyang nangingibabaw. Pinatunayan iyan ng ilang karakter. Si Rafael bilang isang mayamang duktor, ang sentro ng lahat. Samantala ang mga babae naman ay siyang mahihina ang kalagayan. Makikita iyan sa karakter nina Ligaya, isang babaeng bulag, mahirap at ginahasa, si Margarita na natuksong makipag-relasyon sa ibang lalaki, at si Marina na tila aping-api dahil sa babaerong asawa. Ang siklo ng karahasan ay pinasiklab ng mga lalaki at nalagot lamang sa pagsapit sa kawing-kawing na katauhan ng mga babae.

RAFAEL CUEVAS- Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklam suklam ang kaniyang karakter. Babaero, tomador at nagawa pang manggahasa ng isang babaeng bulag. Ngunit sa kalaunan ay makikita ang parteng liwanag ng kaniyang pagiging isang lalaki sa dilim. Makikita na kahit ganoon siya ay may konsensiya naman pala siya. Mahalaga na napagtanto niyang ang mga masasamang gawain niya dati ay bumubulag sa kaniyang pandama upang makita ang iba pang magaganda at mahahalagang bagay dito sa daigdig. Mahalaga ang kaniyang papel na ginagampanan dahil isa siyang patunay na pwede bang magbago ang tao kung

Page 10: Lalaki Sa Dilim

nanaisin lang niya. Hindi pa huli ang lahat, matuto lang tayong tanggapin ang ating kamalian at maging handa at gustuhin ang pagbabagong nais nating gawin sa ating mga sarili upang maging maginhawa ang ating pamumuhay at pakikisalamuha sa ibang tao. Masaya kaming nga nagbabasa dahil sa dulo ay luminaw ang paningin ni Rafel dahil sa pag-ibig. Ngunit ang maipipintas naming sa kaniya ay hinahayaan niya na lang lokohin siya ng kaniyang asawa at gawing tanga huwag lang masira ang kaniyang pangalan at puri. Dapat ay nagpakatotoo siya sa kaniyang sarili.

NICK CUERPO- Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya’t hindi nakita ang kaniyang responsibilidad sa asawa at mga anak. Isang karakter na hindi dapat tularan ng mga lalaki at maging ng mga kababaihan. Wala ng ibang ginawa kundi pasakitan ang pobreng asawa na si Marina. Kung si Rafael ay nagawang mabago, siya ay kahit sa katapusan ng kwento ay hindi nakita ang liwanag na dapat niyang sundin. Namatay siya kasama ang kalaguyong si Margarita. Isa siyang patunay na sa kasalukuyan at sa totoong buhay, may mga taong bulag pa rin sa kanilang mga responsibilidad at hindi pa rin alam kung ano ang tama at mali. Dapat lamang ang kaniyang karakter sa kwento dahil siya ang magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na kung ikaw ay may ginagawang hindi kaaaya aya, dapat mo lang itong pagbayaran at pagsisihan sa huli. Huwag hintayin ang

Page 11: Lalaki Sa Dilim

panahong sisingilin ka na ng panahon. Hangga’t maaga ay magbago na.

MARGARITA CARRASCO- Si Margarita, bagaman galing sa isang sosyal, edukado at disenteng pamilya ay nagawa pa ring magtaksil sa asawa. Isang opera singer na natuksong maglunoy sa ibang kandungan. Ginusto niya, gawa ng karaniwang tao, ang tunay na relasyon ng lalaki at babae. Masasabing pangit sa panangin ang karakter ni Margarita. Isa rin siyang karakter na hindi dapat gayahin. Dahil na rin sa implwensya ng mga kanluranin, iba ang pananaw niya sa kasal at pakikipagtalik. Siya ang sumisimbolo sa liberismo. Nabulag siya sa kaniyang sariling kahinaan. Nagpatangay siya sa pambobola ni Nick. Natural na mahihina ang mga babae ngunit hindi dapat ito gawing lisensya upang pumasok sa isang magulo at immoral na sitwasyon. Gaya ng karakter ni Nick, siya ang magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na kung ikaw ay may ginagawang hindi kaaaya aya, dapat mo lang itong pagbayaran at pagsisihan sa huli.

LIGAYA- Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang kaniyang pagpapahalaga sa sarili. Naging matatag siya sa kaniyang pagbangon mula sa nalasap na karahasan mula sa lalaki sa dilim na si Rafael. Hindi nga siya nakapag-aral ngunit kahanga-hanga ang kaniyang mga prinsipyo sa buhay. Kapwa siya at ang kaniyang inang si Aling Selya ang sumisimbolo sa liwanag na dapat makita

Page 12: Lalaki Sa Dilim

ng mga tao. Kahit mahirap lamang sila ay maalam sila sa buhay. Sila ang dapat gahayin ng mga mambabasa. Si Ligaya kahit na sinapit isang kalunos lunos na pangyayari at nabuo ito, pinili niyang huwag ipalaglag ang bungang iyon. Maganda ang prinsipyo niyang palalakihin niya ang bata dahil bigay iyon ng Diyos. Handa siyang bumangon at itayo muli ang kaniyang mga paa. Si Aling Selya naman ay handang gumabay sa anak. Handa rin itong magsakripisyo upang mabigyan ng kinabukasan ang mg anak sa hirap man o ginhawa. Totoong kahanga-hanga ang pagkakabuo sa kanilang mga karakter.

MARINA CUERPO- Isang inang mapagmahal sa kaniyang anak at handang ipaglaban ang mga ito hanggang sa kamatayan. Nakakaawa ang kaniyang karakter. Aping api siya dahil sa kaniyang babaerong asawa ngunit lubos na nagtitiis para sa mga anak. Hindi naming siya masisisi kung nagawa man niyang paslangin ang kaniyang sariling asawa. Sagad na sagad na siya. Ngunit ang mali lang doon ay nagpatangay siya sa nararamdaman niya. Inilagay niya sa sariling mga kamay ang batas. Siya ay nabulag na galit at sobra-sobrang pagmamahal sa anak. Dapat lamang siyang gayahain sa paraan ng pag-aalaga at pagmamahal sa anak ngunit huwag gayahin ang kaniyang pagiging mahina. Dapat ay maging mahinahon pa rin tayo at gamitin ang mga legal na paraan upang malutas ang problema.

Page 13: Lalaki Sa Dilim

b. GALAW NG MGA PANGYAYARI

“Iniuulit ang ilang mahahalagang tagpo sa mga kabanata dahil ang nobela ay nalalayo sa karaniwang pagkakasulat ng mga nobelang sadyang ipinaaklat (Anonuevo, 1997).”

Napansin din naming mga mambabasa ang nakasaad sa itaas. Ang kwento ay isang tuluyang nobela na batay sa istraktura mg isang magasin. Naging kapana-panabik ang mga pangyayari nobela dahil ang awtor ay tila lumikha ng isang pelikula. Maaari ring para kaming nakikinig sa isang drama sa radyo dahil sa agos ng kwento.

Ang paksang ‘gahasa’ ang nangibabaw at nagsilbing pundasyon ng kwento. Maigi ang transisyon ng mga pangyayari at dumadaloy ito ng husto. Hindi nakakalito ang mga eksena at nagagawa pang balikan ang mga mahahalagang detalye. Ito ay isang paraan upang huwag makaligtaan ang mga importanteng bahagi.

Gagana ang magiging malikot ang mga imahinasyon ng mga mambabasa sa oras na umpisahan nila ang nobela.

IV. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN

Page 14: Lalaki Sa Dilim

a. KALAGAYANG SOSYAL NG MGA TAUHAN

Mariing pinapakita ng nobela ang kalagayan sa lipunan ng bawat karaker. Isa itong konsepto ng kwento kung saan ang isang mayamang lalaki ay magkakagusto sa isang mahirap lamang na babae. Ngunit hindi ganoon kadali ang ikot ng kwento.

Si Rafael ay isang edukado, mayaman at sunod sa layaw na tao. Sa kwento mariing makikita na sinoportahan ng kabuuang katauhan ni Rafael ng mga tauhan na sina Nick, ang kaniyang kaibigang may ari ng isang kumpanya, si Margarita, isang opera singer na napangasawa niya at ang kaniya pang ibang barkada na may sinasabi rin sa buhay. Sa kabilang banda naman ay pinapakita ang baligtad na katauhan ng bidang babae sa nobela. Si Ligaya ay mahirap lamang at hindi nakapag-aral.

Naipakita sa akdang ito kung paano nakakaapekto ang estado ng buhay sa nagiging karakter ng isang tao. Dahil sa pagiging mayaman at laki sa layaw ni Rafael ay nagagawa niyang paglaruan lamang ang babaeng nasa paligid niya. Dahil na rin sa pagiging sosyal, liberated at modernong babae ni Margarita ay naipakita ritong wala siya gaanong pagpapahalaga sa kasal at ayos lamang sa kaniya ang pumatol pa sa iba kahit may asawa na siya. Makikita rin dito na kahit mahirap ay may disiplina at pagpapahalaga sa puri at dangal si Ligaya. At bilang isang babaeng may babaerong asawa, si Marina naman ay aping-api at tila walang kalaban laban sa nobela.

Page 15: Lalaki Sa Dilim

b. KULTURANG PILIPINO

Umiikot ang kwento sa panahon ng martial-post martial law time, ito ang umpisa ng pagiging liberal ng mga Pilipino dahil na rin sa pagkamulat ng kanilang diwa at damdamin upang maibalik ang demokrasya sa bansa. Sa panahong ito ay talamak ang karahasan. Ang nobela ay nagsasaad ng kalituhan sa kultura ng mga karakter noong kanilang dekada. Makikita dito ang nalalapit na modernisasyon at liberasyong impluwensiya ng mga kanluranin.

Sa karakter ni Marina, matatandaan na siya ang asawa ng babaerong si Nick, makikita ang pag-uugali ng mga Pilipino na kinikimkim lamang nila ang lahat ngunit kapag hindi na nila makayanan ay ang kaisa-isang bagay na natitira na lamang sa kanila ay magigising bigla mula sa matagal na pagiging manhid at maghahasik ng isang rebolusyon. Maraming beses na itong naipakita sa ating kasaysayan mula sa Sigaw sa Pugad Lawin hanggang sa Edsa Revolution noong panahon ng Martial Law kung saan sama-sama ang lumaban upang makamit ang demokrasya ng ating bansa.

Makikita rin dito na bagaman may impluwensiya na ng mga kanluranin ang ibang babaeng karakter sa nobela, ang karakter ni Ligaya naman ay nagpapakita ng pagiging isang Dalagang Pilipina. Siya ay may konserbatibo ang pananaw tungkol sa sex,

Page 16: Lalaki Sa Dilim

relasyon at iba pang pagbabago sa lipunan. Maingat siya sa kanyang puri at mayumi sa lahat ng kanyang kilos.

Makikita rin dito ang kaugalian ng mga Pilipino na magiliw tumanggap ng mga bisita, sa kwento kahit na mahirap lamang sina Ligaya at Aling Selya ay hindi matatawaran ang pagsistema nila kay Rafael na isang panauhin.

May ilan namang kapansin-pansing tradisyon at kulturang Pilipino na impluwensiya naman mula sa mga banyaga. Isa na rito ang paggugunita at pagdiriwang ng mga okasyon na may kaugnay sa aral ng Relihiyong Katoliko, gaya ng pagkakaroon ng binyag.

Mapapansin sa nobela ang nakaugaliang seremonya na binyag. Sa prosesong ito nagiging inaanak ng mga ninong at ninang ang taong bininyagan, at nagiging mga magkaka-kumpadre at magkaka-kumadre ang mga magulang at ang nag-anak na ninong at ninang. Kultura na rito sa Pilipinas ang pagbibigay din ang mga ninong at ninang ng regalong pakimkim, na maaaring salapi o bagay. Pagkatapos ng binyag ay isang malaking handaan.

Makikita rin sa nobela ang isa sa impluwensiya ng Tsina na Fixed Marriage, kung saan ang mga magulang ang pumipili ng taong ipakakasal nila sa kanilang anak. Nangyari ito kina Rafael at Margarita.

Page 17: Lalaki Sa Dilim

c. PILOSOPIYANG PILIPINO

May iilang pilisopiyang Pilipino ang mariing mapapansin sa nobela. Maliwanag ang mga katauhan ng mga kalalakihan sa nobela at mistulang sila ang palaging tama at palaging nasusunod. Naging matibay ang pagkakatatag ng prinsipyo ng ‘machismo’ sa nobela dahil ang mga lalake sa istorya ay sadyang nakakaimpluwensya. Makikita ito sa pagsasama nina Rafael at Margarita kung saan ang desisyon ni Rafael dapat ang masusunod kung hihiwalayan niya ang asawa o hindi. Una ring hinihingan ng payo ni Rafael ang kaniyang biyenang lalaki at ama.

Isang pilosopiya pang lumitaw dito ay ang konsepto ng pagkakaroon ng ‘Utang Na Loob’. Ito ang pagkilala ng isang tao sa kabutihang nagawa ng kanyang kapwa. Sa nobela, tumanaw ng isang malaking utang na loob sina Aling Sela at Ligaya sa kabutihan ni Rafael dahil sa paggamot nito sa mga mata ni Ligaya. Dahil sa utang na loob na iyon ay ginawa ng mag-anak na ninong si Rafael, at hinango rin nila ang pangalan ng bata sa lalaki.

Isa na rin dito ang Konsepto ng ‘Bahala Na’. Ito ay isang idyomatikong pariralang ginagamit ng mga Pilipino na nangangahulugang "Ang Diyos na ang maglalaan" o "Ang Diyos na ang magtatadhana”. Pinakakahulugan din ng maikling pananalitang nito ang "Tingnan natin kung ano ang mangyari,"

Page 18: Lalaki Sa Dilim

"Tingnan natin kung ano ang magaganap 'pag dating ng takdang panahon," o "Mangyari na ang dapat maganap”. Ganito ang pilosopiyang umiral kay Rafael matapos niyang magahasa si Ligaya. Bahala na kung ano ang mangyayari sa susunod pagkatapos niyang ibigay ang sulat at pera dahil inuusig siya ng kaniyang konsensiya.

d. SIMBOLISMONG PILIPINO

Sinisimbolo ni Rafael ang isang indibidwal na naiipit sa transisyon ng modern at tradisyunal na tao. Sa nobela, makikita ang pagiging modern niya dahil sa mga bisyo at pagiging laki sa layaw niya. Siya ay nakapag-aral at nagkaroon ng propesyon. Sa kabilang banda naman makikita ang kaniyang pagiging tradisyunal kung saan naghangad siya ng isang mabuting pagsasama ng magasawa at pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.

Samantala, si Margarita naman ang sumisimbolo sa sa liberismong umiiral sa bansa. Marahil naimpluwensyahan siya ng pagiging opera singer at namulat siya sa mga maka-kanluraning bagay-bagay. Inilarawan rin siya ni Rafael bilang extreme modern

Page 19: Lalaki Sa Dilim

woman dahil okay lang sa babaeng ito na magkaroon ng babae si Rafael habang siya naman ay mayroon ring lover. Makikita rin ang kaniyang pagiging liberated nang magkomento siya sa kwento ng paggahasa kay Ligaya. Sinabi niya na kung siya ang papipiliin, ayos lang naman daw na maggahasa dahil binigyan naman raw si Ligaya ng limampung libong piso.

Si Ligaya ang sumisimbolo sa pagiging isang Dalagang Pilipina. Hindi maipagkakaila na maliwanag ang kanyang pagiisip hinggil sa pagbangon mula sa pagkakasadlak sa kahirapan. Isa siyang tradisyonal na babae dahil sa kanyang pagiingat sa kanyang puri at ang pagiging mayumi sa lahat ng kanyang kilos.

Si Marina naman ang sumisimbolo sa pagiging isang rebulusyonaryo ng mga Pilipino. Nasa karurukan ng kapangyarihan ni Marcos at kasukdulan ang mga karahasan ng Martial Law noon kaya maaring siya ang ginamit na instrumento upang ipakita ang mga kagaya niyang handang magrebolusyon alang alang sa ating bansa upang makamit ang kasarinlan.

V. PAMPANITIKANG PAGTATALAKAY

a. PANLIPUNAN

Ang nobelang “Ang Lalaki sa Dilim” ay isang akdang sumasalamin ng iba’t-ibang uri ng tao sa lipunan at kung paano sila gumalaw sa loob nito. Ang mga tauhan ay kumilos ayon sa

Page 20: Lalaki Sa Dilim

kanilang katayuang sosyal. Umiikot ang kwento sa ilang bagay na tumatalakay sa ilang panlipunang isyu ngayon. Unang bagay, nakita sa nobela kung paano gamitin ng mga may kapangyarihan ang pera upang mapatakbo ang mundo, kung paano itinabing ang pera sa pagkakasala, at kung paano itinuwid ng pera ang kabaluktutan. Sunod, lantad din sa akda kung paaano nagbunga ang kamunduhan at tawag ng laman kung paanong may namatay na buhay at namatay na pangarap dahil sa pagnanasa. Ipinakita rin dito ang sitwasyon ng relasyong walang komunikasyon sa loob ng pamilya. Isa pang bagay na nakita dito ay ang pangangalaga sa tinatawag na propesyon at imahe. Ang mga nakatataas ay laging gumagawa ng paraan, mabuti man o masama, mabura lang ang mantsa sa pangalan nilang sila mismo ang gumawa.

b. PANG-MORAL

Sa nobelang ito, naipakita ng may-akda ang naging epekto kay Rafael ng imoral na bagay na kanyang nagawa, ang panggagahasa. Dito inilahad kung paano nahirapan si Rafael na harapin ang kanyang pang-araw-araw na buhay matapos niyang angkinin sa dilim ang bulag na si Ligaya. Marahil, nais iparating ng may-akda sa mga mambabasa ang maaring maging epekto ng isang maling gawi. Patuloy kang uusigin ng iyong konsensya at paniguradong darating ang araw na pagbabayaran mo ito. Sa kwento, gumawa si Rafael ng paraan para matulong si Ligaya.

Page 21: Lalaki Sa Dilim

Naibsan nito ang mabigat na pakiramdam na kanyang nadarama sa tuwing pumapasok sa kanyang isipan ang masama niyang nagawa sa bulag na si Ligaya. Ngunit sa reyalidad, hindi sapat na kabayaran ng iyong kasalanan ang pagbibigay ng tulong o pera. Iwasan masangkot sa ganitong gulo. Kontrolin ang sarili at matakot sa Diyos.

Ang lihim na relasyon ni Margarita at Nick ay masasabi ring imoral na gawi. Nagawa nilang pagtaksilan si rafal na kapwa malapit sa kanilang dalawa. Tahasang ipinagbabawal ang pakikiapid ayon sa ating Saligang Batas at maging sa batas ng Diyos. Sa kaso ni Margarita at Rafael, humantong ang kanilang pagsasama sa paghihiwalay dahil sa kasalanang nagawa ni Margarita at Nick. Sa totoong buhay, ang isang pagsasama na susubukin ng ganitong problema ay maari ring humantong sa hiwalayan kun hindi mapag-uusapan nang maigi ang problema. Ngunit upang hindi na humantong dito, huwag ng subukan pa o ni sumagi lamang sa iyong isip ang pagtataksil sa iyong kapareha sa buhay. Kapag ito ay iyong nagawa, may sapat na kabayaran ang naghihintay sa iyo. Maaari ka ng makulong, maaari pang mawala sa iyo ang iyong pamilya.

c. PANG-ARKETIPO

Sa akdang Lalaki sa Dilim, mapapansing hindi literal ang pagkakahulugan sa salitang “dilim” bagkus ito ay ginamit upang

Page 22: Lalaki Sa Dilim

ilarawan ang buhay ng isang lalaking sa kabila ng karangyaan sa buhay ay hindi pa rin ganap ang kanyang kaligayahang natatamasa. Dahilan nga ito upang maghanap siya ng ibang pagkakaabalahan na nagdulot sa kanyang ng pagkalulong sa isang hindi magandang gawi, at iyon ay ang pagkikipagtalik. Dahil din dito ay hindi niya sinasadyang makagawa ng masama sa isang babaeng bulag na walang nagawa kundi tanggapin na lamang ang kalunos-lunos na pangyayari sa kanyang buhay.

Samanala, sa akda ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ay isinalaysay ang buhay ni Simoun, isang mayamang mag-aalahas at tagapayo ng Kapitan-Heneral, na nagbalik upang maghiganti sa mga taong naging dahilan ng paghihirap niya noong siya ay kilala pa bilang Crisostomo Ibarra. Mapapansin na tulad ni Rafael sa akdang Lalaki sa Dilim, ay hindi rin masaya si Simoun sa kanyang buhay sa kabila ng karangyaang tinatamasa. Siya ay tila nababalot ng poot at ng pagnanasang maghiganti. Ito rin ang dahilan upang makagawa siya ng masama sa kapwa at madamay kahit ang mga taong walang kinalaman sa kanyang paghihiganti.

Kung ating susuriin, nagkakahawig ang kwento ng dalawang tauhan sa aspetong pareho silang nababalot sa kadiliman ng buhay na nag-udyok sa kanila upang makagawa ng kamalian sa kapwa na sa bandang huli naman ay pinilit nilang maitama.

Page 23: Lalaki Sa Dilim

d. PANG-SIKOLOHIKAL AT SOSYOLOHIKAL

Sosyolohikal

Ang isa sa suliraning mababasa sa akda ay ang madaming babaeng mababa ang lipad. Sa istoryang ito ay nagiging natural na gawain ng bida ang uminom ng minom at mambabae. Dito nag-umpisang masira ang pundasyon ng isang matibay na pamilya. Nasolusyunan ito ni Rafael ng kanyang iniwasan ang pagsama sa mga kaibigan ang gabi-gabing pagtambay sa klab at gumawa ng kasalanan. Mas pinili niyang manatili sa asawa at gawin ang kanyang responsibilidad bilang haligi ng tahanan.

Ang paglaganap ng krimen lalung –lalo na ang paglobo ng bilang ng mga babaing nagagahasa. Ito ay naging isa sa suliranin na kinaharap ng bida. Dahil sa kanyang kalasingan at kawalan ng katinuan sa sarili ang bagay na hindi naman niya dapat magagawa ay kanyang nagawa at gahasain ang babae na may kapansanan. Ito ang nagtulak kay Rafael na maging matino sapagkat sa bawat araw na kanyang maiisip at bawat oras na siya ay binabagabag ng kanyang konsensya ay kanyang napagtanto na muli ang kanyang ginawa at maling tao pa ang ginawan niya ng bagay na ito. Kanyang nasolusyunan ang problema sa pamamagitan ng pagtuong sa babaeng bulag, mula sa kapansanan nito hanggang sa pinansiyal ng pamilyang hikahos.

Page 24: Lalaki Sa Dilim

Ipinagtapat din niya sa huli ang buong katotohanan humanap lamang siya ng tamang oras para masabi ang lahat.

Sikolohikal

Sa istorya ng lalaki sa dilim, ang bidang lalaki na si Rafael ang naging sentro ng lahat. Si Rafael ay isang lalaki na ang tanging hilig ay lumabas kasama ang mga kaibigan na sina Nick at Lucas. Ang pagpunta sa klab, pag-inom at pakikipaglaro sa mga babang nagtatrabaho sa lugar. Subalit ng si Rafael ay ipinakakasal kay Margarita na botong boto ang niya ay kailangan niyang baguhin lahat ng kanyang nakagawian. Pero hindi pa rin niya mabago ang sarili at gawing maging mabuting asawa na lumagay na lamang sa tahimik. Dahil sa pangyayaring naganap sa buhay ng bida, kung saan sa di sinasdya ay nakapanghalay siya ng isang bulag na babae. Ito ang nagtulak sa kanya na ayusing ang buhay niyang magulo. Ang klinik niyang matagal ng nakasara ay kaniyang binuksan sa unang pagkakataon upang matulungan ang babaing naging biktima niya nang siya ay nasa panahon ng kadiliman. Naging abala siya sa kaniyang klinika upang asikasuhin ang bulag na babae. Maging responsable at naging tapat na rin itong asawa kay Margarita.

Page 25: Lalaki Sa Dilim

Nang malaman niyang siya ay niloloko ng kanyang kabiyak at ng kanyang kaibigan ay nagsimula na siyang magbago ng tuluyan. Lalo siyang nagpursige na tulungan ang babaing kanyang kinaaawaan at kany na ring nagustuhan sa paglipas ng mga araw.

VI. TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Klasismo/Klasisismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Sa nobela makikitang payak ang mga pangyayari at lubos na binigyang diin ang pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhan na kapwa magkaiba ang estado sa buhay. Si Rafael ay nabibilang sa alta syodad, samantalang si Ligaya ay mahirap at bulag. Kahit ang nobela ay nag-umpisa sa isang masalimuot na pangyayari, sa bandang huli ay makikita ang pangkaraniwang wakas. Ang bawat karakter ay nagkaayos, ang mga kontrabida ay napaparusahan, at ang pangunahing tauhan na nagkakaibigan ay nagkatuluyan.

Page 26: Lalaki Sa Dilim

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Sa nobela maariing pinakita ang pagbabago ng pag-uugali, paniniwala, pananaw, at pagkatao ni Rafael matapos niyang maggahasa si Ligaya at matapos siyang ikasal kay Margarita. Noong una ay laki siya sa layaw, tomador at walang ibang ginawa kundi manloko at gumamit ng babae. Ngunit matapos niyang magawan ng kasalanan si Ligaya, unti-unti siyang inusig ng konsensya niya at kasabay noon ang mga naging pababagong niyakap niya sa buhay niya. Nang ikasal sila ni Margarita ay tuluyan na niyang iniwan ang masamang imahe niya sa nakaraan. Naging responsableng asawa siya at doktor sa mga pasyente. Masasabing siya ay naghangad ng isang mabuting pagsasama ng magasawa at pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.

Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang mahusay na halimbawa ng isang akdang modernista na kung saan ang tanging gusto ay magkaroon ng isang malaking pagbabago upang maging maginhawa ang pamumuhay ng bawat isa. Higit pa riyan, nakalikha si Pascual ng isang karakter na naipit sa isang

Page 27: Lalaki Sa Dilim

sukdulang kasalanan at ang tanging nais ay malinis niya ang bahid ng sariling putik.

Teoryang Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Malinaw na ang nobela ay may teoryang romantisismo, ito ay kwneto ng pag-ibig ng isang mayamang lalaki na nagahasa ang isang mahirap na babae. Inusig siya ng kaniyang konsensya kaya binigyan niya ng pera ang babae ngunit hindi siya nagpakilala. Bilang isang duktor sa mata ay siya ang gumamot dito. Naging malapit sila ng babae. Hindi inaasahang may nabuong bata pala noong gabing nagahasa niya ito kaya nabuntis si Ligaya. Sa huli ay nabigyan rin ng hustisya si Ligaya at sa bandang huli dahil natanggap nito ang pagkatao ng lalaking lumapastangan sa kanyang puri at naghari ang pagibig, hindi ang galit at mapapait na emosyon.

Page 28: Lalaki Sa Dilim

Teoryang Moralistiko

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

Lubos dito tinalakay ang mga paksang maaring hindi angkop sa mga bata, gaya ng sex, prostitusyon, gahasa at pagtataksil sa asawa. Ang mga nabanggit ay mga immoral na gawain sa ating lipunan. Ngunit dahil sa impluwensya ng banyaga, nakita dito na ang mga karakter ay pilit na ginagawa ito na hindi naman akma sa kulturang Pilipino. Sa bandang huli ay nanaig ang mensaheng pahalagahan natin ang ating kapurihan hanggang sa makapag-asawa na tayo.At kahit nasa modernong panahon na ay maganda pa rin kung ang mga babae’y aakto gaya ng mga Dalagang Pilipina.

VII. IMPLIKASYON

Page 29: Lalaki Sa Dilim

A. KALAGAYANG PANLIPUNAN O PAMBANSA

Ang akda ay patungkol hindi lamang sa isang krimen bagamat ang paghahambing at paglalahad ng buhay at paniniwala ng ng dalawang antas ng buhay: mahirap at mayaman. Masasabi mang parehas Pilipino ang mga bida, nagiging malaki pa rin ang partisipasyon at impluwensiya ng lipunan sa paghulog ng ng kaisipan at damdamin ng isang indibidwal. Dahil tumira at nakamulatan din ang kaisipang kanluranin ng ilang krakter sa akda, may ibang gawain na ipinilit nilang gawin na hindi naman akma sa kulturang Pilipino. Gaya ng pakikiapid, sa ibang bansa ay normal ito, ngunit sa Pilipinas ay hindi.

Masasabi rin na ang batas sa Pilipinas ng walang ngipin. Walang ngipin para sa mga taong walang boses. Kawawa ang hindi naaninag ang kamunduhan ngunit mas kahabaghabag ang mga sumamong hindi naririnig. Ang lipunan ng mahihirap ay mundo ng mga matiisin at naaapi at sa mayayaman ay ang mundo ng mga mapagkubli at ayaw marungisan ang panagalang iniingatan. Samakatuwid ang akda ay umiikot sa isang mahirap ng pinagsamantalhan, mga mayamang pinasok ng kaisipang kanluranin at isang krimeng hindi napagbayaran sa batas.

Page 30: Lalaki Sa Dilim

Ang akdang ito ay isang patunay na ang buhay ay maaring magkaroon ng magandang katapusan ngunit may malubak na simulain.

B. KALAGAYANG PANSALIRI

Malaki ang naging implikasyon ng akda sa amin bilang isang mambabasa nito. Pagtutuunan ko ng pansin ang kalinisang puri ng kababaihan at ang kasagraduhan ng kasal maging ang pagtaguyod sa sarili.

Naging maganda ang pag-atake ng may-akda sa kalinisan ng isang babae. Nagawa ng may-akda na ikumpara ang dalawang babae rito. Si Ligaya at si Margarita. Si Ligaya na walang bahid ng karumihan ang puri at may paninindihan kung mag-isip samantalang si Margarita ay masasabing hindi napangalagaan ang kapurihan hanggang sa makapag- asawa. Si Ligaya na dapat tularan ng mga Pilipina na buo ang isip at damdamin kung magdesisyon at siyang maypagpapahalaga sa buhay. Sa kabilang banda, si Margarita na inaatupag lamang ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya.

Ang kasagraduhan din ng kasal ay napakahalaga ngunit sa kabilang banda ay dinala tayo ng may-akda sa isang sitwasyon kung saan ang kasal ay isang kasunduan lamang at ginawa upang tugunanan ang tawag ng laman.

Page 31: Lalaki Sa Dilim

Napagtanto rin naming na hindi dapat sinusukuan nang buhay. Lahat ng bagay ay ginawa ng may dahilan dapat lamang nating hanapin ang positibong aspeto ng mga pangyayari. Hindi tayo dapat ng nagtutuon sa mga negatibong pangyayari dahil ito ay magdudulot lamang pagkalinlang n gating isipan. Magagawa ang lahat kung ipauubaya sa Diyos samahan pa ng paggawa.