2

Click here to load reader

Kultura Ng France

Embed Size (px)

DESCRIPTION

France

Citation preview

Kultura ng France: Kaugalian at TradisyonIsinalin sa Filipino ni Joselyn C. Sayson

Mga Wika sa FranceFrench ang pangunahing wika ng 65.4 milyong mamamayan, subalit may iba pang wika ang mga rehiyon. Ang French, ang wikang opisyal ng France ay ang unang wika ng 88% ng populasyon samantalang ito naman ang ikalawang wika ng mga tao rito na hindi French ang mother tongue o unang wika.

Tinatayang 3% ng populasyon ay nagsasalita ng wikang German, nangingibabaw ito sa mga probinsiya sa silangan, at may maliit na pangkat na nagsasalita ng Flemish sa Hilagang-Silangan. Arabic ang ikatlong pinakamalaking wikang ginagamit.

Italian naman ang ikalawang wika ng mga nakatira sa hangganan ng Italy, at Basque na ginagamit ng mga nakatira sa French-Spanish Border.

Ang iba pang wika ay Catalan, Breton (the Celtic language), Occitan dialects, at mga wika mula sa dating kolonya ng France tulad ng Kabyle at Antillean Creole.

Relihiyon ng FranceKatoliko ang pangunahing relihiyon ng France tinatayang 80% ay nagsasabing sila ay Katoliko. Ang iba pang pangunahing relihiyon ay Islam, (karaniwang relihiyon ng mga dayuhan mula sa hilagang Africa), Protestante, at Judaism.

Pagpapahalaga ng mga taga-FranceMalaki ang pagpapahalaga ng mga taga-France sa kanilang bansa at pamahalaan at karaniwang nagagalit kapag nakaririnig ng negatibong komento tungkol sa kanilang bansa. Ang pag-uugali nilang ito ay karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng mga Amerikano na kawalang-galang.

Ang ekspresiyong chauvinism ay nagmula sa France. Bagaman ang kababaihan ay gumaganap ng mahahalagang papel sa pamilya at negosyo, marami pa rin ang naniniwalang ang France ay male-dominated culture.

Niyayakap ng mga taga-France ang estilo at sopistikasyon at ipinagmamalaki nila ang katotohanang kahit sa mga pampublikong lugar ay mala-maharlika sila.

Ang mga taga-France ay naniniwala sa egalite na nangangahulugang pagkakapantay-pantay, at itoy bahagi ng motto ng kanilang bansa: Liberte, Egalite, Fraternite. Marami ang nagsasabi na mas pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-pantay kaysa kalayaan at pagkakapatiran, ang dalawang huling salita sa kanilang motto.

LutuinAng pagkain at alak ay sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan, at maraming mga pagtitipon ang nagaganap sa isang marangyang hapunan. Palaging may tinapay sa bawat oras ng pagkain, at karaniwan nang makakita ng mahaba, crusty baguettes na iniuuwi sa bahay. Ang keso ay mahalaga ring sangkap ng bawat pagkaing French.

Bagaman marami na ang pagbabago sa estilo ng pagluluto, marami pa rin ang nag-uugnay sa kanilang lutuin sa malapot na sarsa at komplikadong paghahanda.

Ang ilan sa matataas na uri ng pagkain nila ay boeuf bourguignon nilagang baka na kinulob sa red wine, beef broth at nilagyan ng bawang, sibuyas at kabute at coq au vin, ulam na may manok, alak na Burgundy, Jardons (maliliit na hiwa ng taba ng baboy), button mushrooms, sibuyas at maaari ring lagyan ng bawang.

PananamitAng Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France ay kilala sa hindi matatawarang mariringal na pananamit. Karamihan sa kanila ay sopistikado kung manamit, disente at sunod sa uso (professional and fashionable style), ngunit hindi sobra sa dekorasyon (overly fussy). Ang karaniwang damit nila ay mahahabang amerikana, terno, mga bandana (scarves) at berets o bilog at malalambot na sombrero.

SiningAng sining ay nasa lahat ng sulok ng France lalo na sa Paris at iba pang pangunahing lungsod at ang impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at Neoclassic ay makikita sa maraming simbahan at iba pang pampublikong gusali.

Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang ang Espanyol na si Pablo Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris, at sila rin ang nagpasimuno ng impressionism movement.

Ang Louvre Museum sa Paris ay ilan sa pinakamalalaking museum at ang tahanan ng maraming kilalang gawa ng sining, kasama na ang Mona Lisa at Venus de Milo.

Mga Piyesta at PagdiriwangIpinagdiriwang ng mga taga-France ang mga tradisyunal na piyesta ng mga Kristiyano tulad ng Pasko at Mahal na Araw. Inaalaala din nila ang May Day, kilala rin bilang Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1 at Araw ng Tagumpay sa Europa kapag Mayo 8 bilang pag-alaala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Araw ng Bastille ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang araw kung kailan ang fortress ng Paris ay binagyo ng mga rebolosyunista upang masimulan na ang Rebolusyon sa France.