56

Isinalin sa wikang Tagalog ng - juan173.org fileay nag-aral ng paksa ng santuaryo, at dahil sa dagdag na liwanag at katotohanan na ating natamo bilang bayan, ang pag-aaral nito ay

  • Upload
    others

  • View
    18

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Isinalin sa wikang Tagalog ng

[email protected]

PAUNANG SALITA ANG usapin tungkol sa santuaryo ay napakainteresante at mahalagang paksa. Isa sa mga naunang manggagawa na may kaugnayan sa pagsasara ng gawain ng ebanghelyo na si Elder J.N. Andrews ay nagsabi: “Ito ay katulad ng isang gintong lubid na dumadaloy sa buong Bibliya.” Kung ating maalaala na dito nakasentro ang buong plano ng pagtubos, at ang pagkaunawa nito ay kailangan sa kaalaman ng pangkasalukuyang katotohanan at ng gawain ng Diyos sa panahong ito, na totoong ito ang susi sa ating katayuan, at ang pag-aaral nito na may mataimtim na panalangin ay nagbubukas sa atin ng malawak at mabungang bukirin ng katotohanan ng Bibliya na kung saan ang dakilang karamihan sa mundo ng Kristianismo ay nagpahayag ng kawalan ng kaalaman, kaya nga tayo, maaari, ay higit na makapagpahalaga sa importansya nito at ang halaga ng pagbibigay dito ng maingat at masusing pag-aaral. Ilang taon na rin ang nakalipas mula noong ang ating paaralang pangsabado ay nag-aral ng paksa ng santuaryo, at dahil sa dagdag na liwanag at katotohanan na ating natamo bilang bayan, ang pag-aaral nito ay nararapat na magkaroon ng dakilang interes at pakinabang sa sa ating lahat. Tunay na ito ang mangyayari sa mga gumagalang sa Panginoon at sa Kanyang santuaryo, na naglaan ng panahon sa pag-aaral ng paksa ng may tunay na pagpapakumbaba, may mapanalangining espiritu, at pagnanais na malaman ang katotohanan katulad ng kay Jesus. Ang mga aralin ay nararapat lamang na balangkasin ng may kaibahan sa pag-aaral ng aklat – na ating nagawa na sa nakalipas na isang taon at kalahati. Ang mga aralin sa Unang Pedro, Unang Juan, at ang aklat ni Lukas, ay nagbalangkas ng mga kasulatan sa bawat kabanata at bawat talata. Ngayon, sa ating muling pagaaral ng usapin, kinakailangang matukoy sa dulo ng bawat tanong ang talata o ang tala na sumasagot dito. Ang bilang ng mga aralin na nilimitahan sa labingtatlo, ang paksa ay hindi mapapalabas ng lubusan tulad ng ating nais; subali’t napagpasyahan na hindi na gaanong magiging malaki ang pakinabang kung aabutin ng anim na buwan ang pag-aaral ng paksang ito sa ating paaralang pangsabado sa kasalukuyang panahon; kaya nga labingtatlong aralin lamang ang ihinanda. Sa ating kasalukuyang pag-aaral ng santuaryo ay wala na tayong lugar, o naiisip na kakailanganin pa, na ikonsidera ang lahat ng mga kasulatan na tumutukoy sa templo ni Solomon at ang kasunod nitong kasaysayan. Hindi na nila tayo matutulungang makakuha ng kaalaman ng praktikal na kahalagahan sa bayan ng Diyos at kasalukuyang panahon. Para sa mga aklat na maaaring pag-aralan sa mga usaping ito, aming ipinapayo na basahin ang “Patriarchs and Prophets”, “The Atonement”, “The Sanctuary and It’s Cleansing”, “Early Writings”, “Great Controversy”, Vol. 4, at “Christ Our Advocate”.

i

TALAAN NG NILALAMAN

01 ARALIN 01: Ang Sangtuaryo ng Biblia 04 ARALIN 02: Ang Sangtuaryo sa Lupa 1 08 ARALIN 03: Ang Sangtuaryo sa Lupa 2 12 ARALIN 04: Ang Sangtuaryo sa Lupa 3 16 ARALIN 05: Ang Sangtuaryo sa Lupa 4 19 ARALIN 06: Ang Sangtuaryo sa Lupa 5 23 ARALIN 07: Ang Sangtuaryo sa Langit 1 26 ARALIN 08: Ang Sangtuaryo sa Langit 2 30 ARALIN 09: Ang Panahon ng Paghatol 1 34 ARALIN 10: Ang Panahon ng Paghatol 2 39 ARALIN 11: Ang Mensahe ng

Paghuhukom 1 43 ARALIN 12: Ang Mensahe ng

Paghuhukom 2 48 ARALIN 13: Ang Mensahe ng

Paghuhukom 3

ii

ARALIN 1: ANG SANGTUARYO NG BIBLIA Enero 05, 2019 ANG araling balangkas na ito ay inilalagay sa kaisipan sa pasimula ng pagaaral ng usapin, na may paniniwalang ito ay makatutulong sa mga susunod na mga aralin. Ang araling ito ay maiksi, at ang mag-aaral ay dapat maging pamilyar sa bawat talatang ginamit dito; at magkaroon ng kakayahang matagpuan sila ng walang pag-aalinlangan. Lahat ng mga ito ay mahagalang talatang patunay, at nararapat na maalala. 1. Ano ang kahulugan ng salitang “sangtuaryo”?

• “Isang banal na lugar, sagradong lugar, tahanan ng Kataastaasan.” • Tingnan ang Ex. 25:8, at ang "Webster's Dictionary."

2. Ilang ulit ginamit sa Biblia ang salitang ito?

• 146 na ulit. 3. Sa anong ibang pangalan tinawag ito sa Kasulatan?

• (1) Tabernakulo. Tingnan sa Heb. 8:1, 2. • (2) Templo. Tingnan sa Rev- 11:19 at 15:5.

4. Para sa anong layunin isinulat ang mga Kasulatan?

• Rom. 15:4; 2, Tim. 3:16. 5. Ano ang nararapat nating maunawaan patungkol sa usapin ng santuaryo? 6. Ano ang santuaryo mula pa sa pasimula?

• Jer. 17:12. 7. Saan ito matatagpuan?

• Ps. 102:19 8. Ano ang ipinag-utos ng Panginoon sa Kaniyang bayan sa panahon ni Moises?

• Ex. 25:8

1

9. Ano ang dahilan ng pagtatayo nito? 10. Paano ibinigay ang alituntunin kay Moises sa pagtatayo nito?

• Ex. 26:30; • Heb. 8:5.

11. Saan ito itinulad?

• Heb. 9:23. 12. Ano ang sinasabi tungkol sa sangtuaryo sa langit?

• Heb. 8:1, 2. 13. Paano ito ikukumpara sa templong itinayo ni Moises?

• talatang 2; 9:11. 14. Anong relasyon meron si Cristo patungkol dito?

• Heb. 8: 1, 2. 15. Kailan Siya nagpasimulang gumawa ng gawaing saserdorte?

• Pagkatapos na Siya’y umakyat sa langit. Tingnan ang Heb. 4:14; 8:1; 9:24.

16. Bakit hindi niya ginampanan ang gawain bilang saserdote habang Siya’y nandito sa lupa?

• Heb. 8:4. Note 1 17. Bakit walang pagmiministeryo sa makalangit na sangtuaryo bago dumating si Cristo?

• Heb. 9:3. Note 2. 18. Kapag natapos na ni Cristo ang Kaniyang gawain bilang saserdote, at ang gawain ng pagtubos ay natapos na, paano mananahan ang Diyos sa Kaniyang bayan?

• Rev. 21:1-3. Note 3. 19. Ano ang sinabi ni Juan tungkol sa syudad na yaon?

• Verse 22 20. Kaninong luklukan ang naroon?

• Verse 5; 22:1, 3

2

Mga dapat tandaan (NOTES) 1. SA plano ng Diyos ang tipikal na serbisyo at paghahandog sa unang dispensasyon ay aabot sa kamatayan ni Cristo, na naganap sa pagsasara ng Kaniyang buhay sa lupa. Inilagay Niya sa ating harapan ang walang dungis na halimbawa “ang daan, ang katotohanan, at ang buhay;” subalit hindi Niya maaaring ialay ang Kaniyang dugo bago ito nabuhos, at hindi rin Siya maaaring gumanap ng gawain bilang saserdote sa panahong yaon, sapagka’t hindi Siya bahagi ng lahi ni Levi. Heb. 7:12-14. 2. ANG tipikal na serbisyo na ginagawa sa sangtuaryo sa lupa ay anino ng serbisyo na magaganap sa hinaharap. Ang anino ay umabot sa inaaninuhan, subalit hindi maaaring sabay na umiral sa iisang panahon. Ang anino ay lumipas na kapag naabot na nito ang substansya. Hindi sila maaaring umukopa ng parehong kalagayan; kaya’t ang pagmiministeryo sa makalangit na templo ay hindi maaaring maganap sa ilalim ng banal na pahintulot. Malinaw rin na ang Kordero ng Diyos ay nararapat munang mamatay bago maialay ang kaniyang mahalagang dugo para sa ating kapakanan. Hindi nito pinigilan ang mga nabuhay bago si Cristo namatay na makinabang sa Kaniyang sakripisyo sapagka’t sa pamamagitan ng pananamapalataya ay kanilang pinanghawakan ang katotohanang nagliligtas na si Cristo ay ang Korderong pinaslang mula pa sa pagtatatag ng sanlibutan. Rev. 13:8 3. MULA sa mga Kasulatan ay natutunan natin na mananahang kasama ng mga tao ang Diyos, hindi tulad sa panahon ng mga sinaunang Israelita, sa pamamagitan ng simbolo – ang shekinah – sa templong gawa ng mga kamay, at nagtataglay ng mga kasangkapang nagpapaalala ng kasalanan, at ng serbisyong ginagawa upang ito’y matanggal; subali’t, Siya’y tunay na mananahang kasama ng mga tao sa pamamagitan ng Kaniyang personal na presensya, sa Bagong Jerusalem, “ang tahanan ng ating Ama,” na maraming malalaking tahanan, na ihinanda upang maging walang hanggang tahanan ng mga tinubos Niya na sa maiksing panahon ay muling babalik upang tanggapin tayo sa Kaniyang sarili. John 14:1-3

3

ARALIN 2: ANG SANGTUARYO SA LUPA

Unang Bahagi Enero 12, 2019 1. Sino ang nagbigay ng tagubilin sa pagtatayo ng santuaryo?

• Ex. 25:1, 8 2. Sino ang pinagkalooban ng tagubilin? 3. Saan at anong panahon ito ipinagkaloob?

• Ex 24:12-18 4. Anong uri ng mga handog ang dapat dalhin para sa santuaryo?

• Ex 25:2; Note 1 5. Ano ang mga maaring ihandog?

• Talatang 3-7 6. Para sa anong dahilan itinayo ang santuaryo?

• Talatang 8 7. Paano nalaman ni Moises kung paano ito itatayo?

• Talatang 9 8. Sino ang mga tinawagan upang mangasiwa sa gawain?

• Ex 31:1-11 9. Paano sila naging karapatdapat dito?

• Talatang 3, 6 10. Sa ilang bahagi nahahati ang santuaryo, at ano ang tawag sa kanila?

• Ex 26:33; Heb 9:2 (margin), 3. Tingnan rin ang Revised Version 11. Saan gawa ang bawat ang mga gilid nito?

• Ex. 26:15. Note 2. 12. Anong haba at lapad ng mga tablang ito?

• Talatang 16. Note 3. 4

13. Ilang mga tabla ang nasa dakong hilagaan at sa timugang bahagi ng tabernakulo?

• Talatang 18, 20. 14. Ilan ang sa dulong kanluran?

• Talatang 23. 15. Anong ang bumubuo sa mga sulok?

• Talatang 23. 16. Ano ang dapat ilagay sa isang dulo ng mga tablang ito?

• Talatang 17. 17. Sa ano dapat magkasya ang mga mitsang ito?

• Talatang 19, 21, 25 18. Saan gawa ang mga saket na ito? At gaano ito kabigat?

• Ex. 38:27 19. Anong ibang paraan ang ginamit upang mailagay ang mga tabla kanilang posisyon?

• Ex. 26:26-28 20. Sa paanong paraan inilagay ang mga barakilan sa kanilang lugar?

• Talatang 29. 21. Ano ang ipinangbinalot sa mga tabla at mga barakilan?

• Talatang 29.

5

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. MAY mahalagang aral para sa atin sa tagubiling ibinigay ng Panginoon sa kanyang bayan tungkol sa mga paghahandog para sa sangtuaryo. Kinakailangan nilang maghandog ng bukal sa kalooban, kinakailangang tayo ay magbigay na “hindi mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng masaya.” 2 Cor. 9:7. Maari nating isipin, na ang sinaunang Israel ay napakasama at mapaghimagsik na bayan (at ganoon nga sila sa ilang pagkakataon, at lalo na sa panahon ni Kristo) subalit ang kanilang pagiging mapagbigay sa paghahandog para sa sangtuaryo ay sadyang binanggit sa Kasulatan. Ex. 36:5-7; 1 Choron. 29:9-17. Hindi tayo maaring magbigay ng mabigat sa loob, o di kaya’y pagnakawan ang Diyos sa mga ikapu at mga handog, gaya ng sinabi ng Panginoon na ating ginawa, at bunga nito ay nagtamo ng Kaniyang sumpa. Mal. 3:8,9. Nais Niyang tumigil tayo sa pagnanakaw sa Kaniya, upang Kaniyang maibuhos ang mga pagpapala na walang sapat na lugar na kalalagyan. Talatang 10. Kung alalahanin natin na ang mga Judio ay nagbibigay ng halos ikatlong bahagi ng kanilang kita upang itustos sa gawain ng Diyos (Testimonies vol. 3. Page 395), at ang unang iglesia sa panahon ng mga apostol ay nagbibigay ng lahat para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, kailangang mapukaw tayo tungo sa pagibig at mabubuting gawa, masayang ipagkaloob ang ating mga tinatangkilik, at tanggaping may kagalakan ang pagkawala ng ating pag-aari, sa kaalamang mayroon tayong “pag-aaring higit na mabuti at tumatagal sa langit”. Heb. 10:34. At ngayon, na tayo ay nasa hangganan na ng lupang pangako, at wala na tayong madadala na ano pa man, kinakailangang tayo ay magbenta at mag bigay ng limos, upang tayo ay makapag-impok ng kayamanan sa langit, at ang ating mga pagmamahal at interes ay matuon doon, sa halip na maging maninirahan sa lupa. Luke 12:33-36.

2. “KAHOY NA SHITTIM”- Ang kahoy ng puno ng shittah. “Isang puno na ginamit sa mahalagang kahoy kung saan ang arka, lamesa, mga altar, mga tabla atb., ng tabernakulo ng mga Judio ay ginawa, na pinaniniwalaan ngayon na ito’y ang kahoy ng Acacia Seyal, na matigas, pino at madilaw na kayumanggi ang kulay.” – Webster. Ang orihinal na salita ay nasalin sa salitang acacia sa Revised Version.

6

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 3. “CUBIT”. Walang pagkalahatang pagkakasundo ang mga may otoridad patungkol sa haba ng siko. Ang pagkakaiba nito ay nasa sukat na mula sa labing walo hanggang sa dalawangpu’t dalawang pulgada, kaya’t ang sukat ng santuaryo at lahat ng may kinalaman dito ay madaling ipagpalagay sa talampakan at pulgada. 4. “ANG mga gilid ng tabernakulo sa patungong kanluran.” Sa katunayan sa kanluran ay may iisang gilid lamang, at higit na malinaw, sa dulo. Ang Revised Version ay ganito ang sinasabi, “Ang dulong bahagi ng tabernakulo patungong kanluran,” na sa katunayan ay tama, dahil ang tabernakulo ay nakaharap sa silanganan.

7

ARALIN 3: ANG SANGTUARYO SA LUPA

Ikalawang Bahagi

Enero 19, 2019

1. Saan gawa ang ibabaw ng santuaryo?

• Ex. 26:1. 2. Saan gawa ang mga kurtina nito?

• Talatang 1. 3. Ano ang mga haba at lapad nito?

• Talatang 2. 4. Ilan ang pinagsama upang makagawa ng isang kurtina?

• Talatang 3. 5. Paano pinagsama ang dalawang kurtina?

• Talatang 4-6; Note 1. 6. Sa anong materyal gawa ang unang pantakip dito?

• Talatang 7; Note 2. 7. Ilang mga kurtina ang bumubuo dito?

• Talatang 7. 8. Ano ang haba at lapad ng bawat isa nito?

• Talatang 8. 9. Ilang kurtina ang pinagsama?

• Talatang 9. 10. Ano ang gagawin sa pang-anim o sa sobrang kurtina?

• Talatang 9. 11. Paanong pinagsama ang dalawang magkahiwalay na tolda?

• Talatang 12. 8

12. Ano ang ginawa sa kalahati ng kurtinang nanatira? • Talatang 12.

13. Ano ang layunin ng dagdag na sukat ng kurtina?

• Talatang 13. 14. Saan gawa ang pangalawang pantakip?

• Talatang 14. Note 3. 15. Saan gawa ang pangatlo at ang huling pantakip?

• Talatang 14. 16. Saan gawa ang pintuan ng tabernakulo?

• Talatang 36. 17. Ano ang sumusuporta sa mga kurtina?

• Talatang 37. 18. Ano ang ginamit upang paghiwalayin ang harang sa pagitan ng banal at kabanal-banalang dako?

• Talatang 31,33. 19. Saan ito nakasampay?

• Talatang 32. 20. Ano ang tawag sa tabing nito?

• Heb. 9:3. 21. Nang ito ay itayo, saan nakaharap ang sangtuaryo?

• Ex. 26:22, 36; Num. 3:23, 38. Note 4.

9

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. TACHES “- Ito ang mga kawit na nakasabit sa mga tali na nagdudugtong sa mga kurtina. Ang salita ay tinawag na “clasps” sa Revise Version. Ang kawit para sa linong kurtina ay gawa sa ginto, samantalang ang kurtinang gawa sa balahibo ng kambing ay gawa sa tanso. 2. “PARA sa pantakip para sa tabernakulo.” Mapapansing ang pananalitang ito ay nagpapakita ng kaisipan na ang kurtinang ito na gawa sa balahibo ng kambing ay hindi nabibilang na bahagi ng tabernakulo, kundi pantakip dito. Ganito ang pagkasalin sa Revised Version “para sa tolda na nasa ibabaw ng tabernakulo.” Mas ginawang malinaw ang kahulugan ng ideya sa pamamagitan ng pananalitang ito. Ang Common Version at ang Revised Version ay parehong nagsasabi na “pinagsama ang tolda,” sa talatang 11, at ang parehong salin ay nagsasabi na “siya’y gumawa ng kurtina na gawa sa balahibo ng kambing para sa tolda sa ibabaw ng tabernakulo,” sa Ex 36:14. Nais nating tawagin ang atensyon sa katotohanan, na habang sa Ex 26:6 ay sinasabing ang mga linong kurtina “ay magiging isang tabernakulo,” ang talatang 11 ay nagsasabi, patungkol sa kurtinang gawa sa balahibo ng kambing, na ang mga pangkawit ang “nagdudugtong sa tolda, upang ito’y maging isa.” At gayon din sa talatang 13 ito ay nagsasabi patungkol sa “mga kurtina ng tolda,” at sa talatang 14 ang balat ng lalaking kambing ay tinatawag na “pantakip para sa tolda.” 3. “ANG bubong ng tabernakulo at ng tolda.” Walang pangkalahatang pagkakasundo ang mag-aaral ng Biblia kung paano inilagay ang mga tolda sa ibabaw ng mga nakatayong tabla na siyang bumubuo ng mga tagiliran at kanlurang dulo ng tabernakulo. Dahil ang kataungang ito ay hindi gaanong mahalaga, at wala tayong ibang mapagkakatiawlang impormasyon tungkol dito sa labas ng Biblia, hindi na natin bibigyan ng puwang ang pagpresenta iba’t-ibang paniniwala tungkol sa paksang ito.

10

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 4. ANG Panginoon ay malinaw na mayroong disenyo sa pagtatalaga ng sangtuaryo at templo na nakaharap sa silangan. Ang pagsamba sa araw ang dakilang karibal ng pagsamba sa tunay na Diyos, at ang mga mananamba nito na sumasamba sa araw ay laging nakaharap sa silangan. Sa mga papasok sa sangtuaryo o templo upang sumamba ay dapat na dumaan sa pinto o sa harapang bahagi ng sangtuaryo na nakarap dito, sapagka’t sa sangtuaryong yaon ang presensya ng Diyos ay ipinakikita. Sa paggawa nito sila’y tatalikod sa pagsamba sa araw at sa lahat ng mga pagsamba sa diyus-diyosan na nasa kalagitnaan nito; kung saan ang mga lubusang tumalikod mula sa Diyos at sumamba sa araw sa silangan, tulad ng kanilang kinaugalian, ay tumalikod sa Diyos at sa pagsamba sa Kaniya, at ito’y itinuring ng Panginoon bilang pinakadakilang kasuklaman na maaaring magawa.

11

ARALIN 4: ANG SANGTUARYO SA LUPA

Ikatlong Bahagi

Enero 26, 2019

1. Anong kasangkapan ang unang binanggit? • Ex. 25:10

2. Saan ito gawa at ano ang sukat nito?

3. Ano ang inilagay upang ito’y makalupkupan? • Talatang 11

4. Sa paanong paraan ito bubuhatin? • Talatang 12-14

5. Sa pamamagitan nino at sa paanong paraan ito bubuhatin? • Num. 4:15; 7:9; 1 Chron. 15:2, 12-15, Note 1

6. Ano ang ilalagay sa loob ng arka? • Ex. 25:16, 21; 31:18; 32:15; Deut. 4:12, 13

7. Ano ang ilalagay sa ibabaw ng arka? • Ex. 25:21; Note 2

8. Yari ito sa ano? • Talatang 17

9. Ano ang ginawa sa dalawang dulo ng luklukan ng awa? • Talatang 18, 19

10. Ilarawan ang kanilang posisyon. • Talatang 20

11. Saang lugar ipinangakong makikipagkita ang Diyos sa Kaniyang bayan? • Talatang 22

12. Saan dapat ilagak ang arka? • Ex. 26:33; Heb. 9:3-5

13. Sa anong mga pangalan tatawagin ang arka sa Kasulatan? • Ex. 26:33; Josh. 3:6; 6:12; 1 Sam. 3:3; Rev 11:19

12

14. Ilarawan ang mesa na dapat gawin. • Ex. 25:23-25

15. Anu-ano ang ilalagay sa mesa? • Talatang 29

16. Ano ang dapat laging nakalagay dito? • Talatang 30. Lev. 24:5,6

17. Tuwing kailan nilalagay dito ang bagong tinapay? • Lev. 24:8.

18. Bakit ang tinapay na ito ay tinawag na tinapay na handog? • Note 3.

19. Saan nakalagay ang mesa ng tinapay na handog? • Ex. 40:22

20. Ilarawan ang gintong kandelero? • Ex. 25:31-37

21. Saan ito nakalagay? • Ex. 40:24. Note 4.

22. Ilarawan ang altar ng insenso. • Ex. 30:1-4

23. Saan ito nakalagay? • Talatang 6

24. ilarawan ang altar na pinagsusunugan ng hain. • Ex. 27:1-4

25. Saan ito nakalagay at para saan ito ginagamit? • Ex. 40:29

26. Ilarawan ang hugasan. • Ex. 30:18

27. Ano ang layunin nito? • Talatang 19-21

28. Ilarawan ang looban ng tabernakulo. • Talatang 19-21

29. Pagkatapos magawa ang templo, paano ipinakita ng Diyos ang Kaniyang pagtanggap dito?

• Ex. 40:33-35

13

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. ANG karanasan ni David sa pagdadala ng arka ay masusing inaral upang matatak sa kaniya ang ang kahalagahan ng pagsunod sa mga bilin ng Panginoon, at huwag pangahasang ibahin ang mga ito. Ang Diyos ay partikular. Nagbibigay Siya ng mga alituntunin sa pagsamba sa Kaniya at sa Kaniyang gawain, at ang mga ito ang pinakamatalino at pinakamagaling na maaaring ibigay. Hindi walang katuwiran ang mga ito sa kanilang likas, subali’t ang mga ito ay sadyang itinalaga upang maabot ang tao sa kaniyang kalagayang nabagsak, at itaas siya sa walang hanggang kaluwalhatian at buhay. Paulit-ulit na sinikap ng Diyos na maitanim sa ating kaisipan ang kahalagahan ng lubos na pagsunod sa Kaniyang mga atas. Maraming halimbawa ang ibinigay sa atin sa Kaniyang Salita na nagpapakita ng katotohanan na Siya ay partikular. Ang mga pangyayari ng ating unang mga magulang, Cain at Abel, Nadab at Abihu, ang mahabang pangingilin ng Israel ng Sabbath at ang paghulog ng manna (Exodus 16), si Ananias at Sapphira, at iba pa. Lagi nating alalahanin na ang mga may kusang loob at masunurin ang kakain ng bunga ng lupain. Isa. 1:19 2. MAY mahalagang kaugnayan bakit nasa ilalim ng luklukan ng awa ang kautusan ng Diyos, at ang presensya ng Diyos ay nakikita sa itaas nila sa pagitan ng mga kerubin. Dito nakasentro ang lahat ng mga serbisyo ng sangtuaryo. Dito ang presensya, pag-uugali, at pamahalaan ng Diyos ay kinakatawanan. Ang kautusan ng Diyos ay ang “katarungan at kahatulan”na siyang pinananahanan ng Kaniyang luklukan. Ps. 89:14. Ito’y naglalaman ng walang hanggang mga prinsipyo na bumubuo sa paguugali Niya at pundasyon ng Kaniyang kapamahalaan. Ang awa at pagibig ay kasama sa mga ito pati na ang katarungan, sapagka’t ang kautusan ng Diyos ay salamin ng lahat ng mga katangian ng Kaniyang pag-uugali. Inuri ni Cristo ang kaawaan bilang isa sa mabigat na bahagi ng kautusan. Mat. 23:23. Subali’t habang ang kautusan ay nagtataglay ng prinsipyo ng awa at inaatasan ang lahat, subalit hindi nito lubos na ipinaunawa sa mga taong nagkasala. Nagpapakita ito ng mga pagkakasala ng tao, at nagpapakilala ng kaalaman tungkol sa kasalanan, subali’t sa pamamagitan ng ebanghelyo at kay Jesucristo lubusang nakikita ang pag-uugali ng Diyos at ng Kaniyang kautusan. Ang pantakip sa arka ay tinawag na luklukan ng awa, sapagka’t dito ang awa ay may luklukan, at ang kasalanan, ang pagsalangsang sa kautusan, na nasa ilalim ng luklukan ng awa, ay napatawad at natanggal sa pamamagitan ng dugo ng nagliligtas na sakripisyo na dito ginanap. “

14

Mga Dapat Tandaan (NOTES) Kaya’t sa gawain ni Cristo para sa ating pagliligtas, na sinisimbolohan ng serbisyo sa sangtuaryo, ang kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; ang katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.” Ps. 85.10 3. “ANG mesa ng tinapay na handog ay iniingatang palagi sa harap ng Diyos para sa walang hanggang tipan. Kaya’t ito’y magigng bahagi ng pangaraw-araw na handog. Ito ay tinatawag na tinapay na handog o tinapay ng presensya”, dahil ito ay lagin nasa harapan ng Panginoon. Ito ay pagpapayahayag ng pagdepende ng tao sa Diyos sa pisikal at espritual na pagkain, at ito ay matatanggap lamang sa pamamagitan ng pamamagitan ni Kristo. Pinakaen ng Diyos ang Israel sa ilang ng tinapay mula sa langit, at patuloy silang nakadepende sa binibigay Niya na temporal na pagkaen at ng mga espiritual pagpapala. Ang manna at ang tinapay na handog ay parehong tumutukoy kay Kristo, ang Buhay na Tinapay, na Siyang parating nasa presensya ng Diyos para sa ating lahat. Kaniya mismong sinabi, ‘ako ang Buhay na Tinapay na bumaba mula sa langit.’ Nilalagyan ng insenso ang mga tinapay. Kapag ang tinapay ay tinanggal tuwing Sabbath, upang palitan ng sariwang tinapay, ang insenso ay sinusunog sa altar bilang alaala sa harapan ng Diyos.” – Patriarchs and Prophets p. 354. 4. “SAPAGKA’T walang bintana sa tabernakulo, ang mga lampara ay hindi maaaring mamatay lahat ng sabay, subali’t ang kanilang liwanag ay dapat makita araw at gabi.” Patriarchs and Prophets, p. 348

15

ARALIN 5: ANG SANGTUARYO SA LUPA

Ikaapat na Bahagi

Pebrero 2, 2019

1. SINO ang mga pinili upang magsilbi sa gawain bilang saserdote? • Ex. 28:1

2. Anong mga kasuotan ang dapat gawin para sa kanila? • Talatang 4

3. Sino ang mga napili upang gumawa ng mga ito? • Talatang 3. Note 1

4. Anong materyales ang gagamitin para gawin ang mga kasuotan? • Talatang 5

5. Ilarawan ang epod. • Talatang 6, 7

6. Saan gawa ang sinturon? • Talatang 8

7. Ano ang pakay ng dalawang batong onyx na ginamit? • Talatang 9-12

8. Ilarawan ang pektoral (breastplate). • Talatang 15, 16

9. Ano ang ilalagay dito? • Talatang 17-20. Note 2.

10. Ano ang iuukit sa kanila? • Talatang 21

11. Sa paanong paraan nakakabit ang pektoral sa epod? • Talatang 26-28

12. Ano ang inilagay dito? • Talatang 30

13. Ilarawan ang balabal (robe) ng epod. • Talatang 31-34

16

14. Mula sa ano gawa ang mitra? • Talatang 39

15. Ano ang kailangang ilagawa sa mitra?

• Talatang 36-37 16. Saan dapat isuot ang mitra?

• Talatang 38 17. Para sa anong layunin at kalian isusuot ang mga damit na ito?

• Talatang 40, 43 18. Anong seremonya ang kailangang gawin bago makapaglingkod sa sangtuaryo ang mga saserdote?

• Talatang 41; Ex. 30:26-30 19. Ano ang sangkap sa langis na pampahid?

• Talatang 23-25 20. Sa anong paraan ng paggamit ipinagbabawal ito?

• Talatang 31-33

17

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. MAYROONG dakilang kaaliwan at kasiglahan sa aral na itinuturo sa talatang ito; at sa Ex. 31:1-6, para sa kanila na tinawag sa gawain ng Diyos. Siya’y nagbigay sa kanila ng karunungan at kakayanan na kanilang kailangan upang makagawang katanggap-tanggap. “Ang mapagpakumbabang loob ay Kaniyang gagabayan sa paghatol; at ang mapagpakumbabang loob ay tuturuan Niya ng Kaniyang daan.” Ps. 25:9. “Nguni’t kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo ay humingi sa Diyos, na Nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya.” James 1:5 2. “SA ibabaw ng epod ay ang pektoral, ang pinakabanal sa kasuutan ng saserdote. Ang tela nito ay tulad rin sa epod. Ang hugis nito ay parisukat, na may isang dangkal, at nakabitin mula sa mga balikat sa pamamagitan ng isang paneling bughaw na nakabit sa mga gintong singsing. Ang gilid nito ay binubuo ng iba’t-ibang mahahalagang bato katulad ng bumubuo sa labindalawang pinagsasaligan ng lungsod ng Diyos. Nakapaloob sa gilid ang labindalawang bato na nakalagay sa ginto, nakaayos sa apat na hanay, at, gaya noong nakalagay sa balikat, ay nakaukit ang mga pangalan ng mga lipi. Iniutos ng Panginoon na, “Dadalhin ni Aaron sa kanyang sinapupunan ang mga anak ni Israel na nasa pektoral ng kahatulan pagka siya’y pumapasok sa dakong banal, na pinakaalaala sa harap ng Panginoon, na palagi.” Ganoon din naman si Cristo, ang dakilang punong Saserdote, na ipinakikiusap ang Kanyang dugo sa harap ng Ama para sa makasalanan, nakaukit sa Kanyang puso ang pangalan ng bawat nagsisisi, at sumasampalatayang kaluluwa. Wika ng mang-aawit, “Ako’y dukkha at mapagkailangan; gayon ma’y inaalaala ako ng Panginoon.” Sa kanan at sa kaliwa ng pektoral ay may dalawang malalaking bato na napakakinang. Ang tawag sa mga ito ay Urim at Tummim. Sa pamamagitan nito inihahayag ng Diyos ang Kanyang kalooban sa punong saserdote. Kapag may katanungang nangangailangan ng kapasyahan na dinadala sa Panginoon, isang sinag ng liwanag ang sumisinag sa nasa kanan bilang tanda ng pagtanggap o pagsang-ayon ng Diyos, samantalang ang isang ulap na aanino sa nasa kaliwa ang katibayan ng pagtanggi o di pagsang-ayon.” Patriarchs and Prophets p. 351.

18

ARALIN 6: ANG SANGTUARYO SA LUPA

Ikalimang Bahagi

Pebrero 9, 2019

1. Kung ang saserdote ay nagkasala, anong handog ang kailangan niyang ialay?

• Lev. 4:3

2. Ano ang dapat munang gawin sa handog? • Talatang 4

3. Ano ang ginagawa sa dugo? • Talatang 5-7

4. Kung ang buong bayan ang nagkasala, anong serbisyo ang ginagawa? • Talatang 13-21

5. Kung isang namumuno ang nakagawa ng pagkakasala, ano ang dapat niyang ialay na handog?

• Talatang 22-23

6. Kung isang ordinaryong tao ang nagkasala, ano ang maaari niyang pagpilian para sa handog?

• Talatang 27, 28, 32

7. Anong pangako ang ibinigay sa mga nagdala ng kinakailangang handog? • Talatang 35

8. Anong uri ng paglilingkod ang ginagawa arawaraw sa buong taon? • Ex. 29:38, 39, 42; 30:1, 7, 8; Note 1

9. Saan ginaganap ang serbisyong ito? • Heb. 9:6

10. Sino lamang ang pumapasok sa ikalawang silid ng sangtuaryo? • Talatang 7

11. Gaano siya kadalas pumapasok dito?

19

12. Anong mga handog ang inialay sa panahong iyon? • Lev 16:2-5

13. Ano ang ginawa sa bawat isa? • Talatang 6-10

14. Anong ginawa sa dugo ng kambing na alay sa kasalanan? • Talatang 15, 18, 19

15. Anong natupad sa pamamagitan ng serbisyong ito? • Talatang 16-19. Note 2

16. Anong ginawa sa buhay na kambing? • Talatang 20-22

17. Sa anong panahon ng taon ginagawa ang serbisyong ito? • Talatang 29, 30. Note 3

18. Paano ipinapangilin ang araw na ito? • Talatang 31

19. Ano ang tawag sa araw na ito? • Talatang 33; Lev. 23:27-32

20. Ano ang tabernakulong ito at ano ang tawag sa serbisyong ginaganap dito?

• Heb. 9:9

21. Ano ang bumubuo ng serbisyo? • Talatang 10

22. Hanggang kalian ito magtatagal? • Talatang 10

23. Kailan nagiba ang sangtuaryo? • Dan. 9:25, 26. Note 4

24. Anong sangtuaryo ang pumalit dito? • Heb. 8:1, 2

25. Paano ito maihahalintulad sa sangtuaryo sa lupa? • Heb. 9:11

26. Sino ang naglilingkod doon bilang ating Mataas na Saserdote? • Heb. 8:1, 2; 9:11; 4:14

20

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. “ANG araw-araw na paglilingkod ay sumasaklaw sa regular na pag-aalay ng handog na susunugin sa umaga at gabi (Ex. 28:38-43), ang pagkasunog ng mabangong insenso sa gintong altar ng insenso tuwing umaga kapag inaayos ng punong saserdote ang mga lampara, at tuwing gabi kapag kaniya itong iniilawan (Ex 30), ang dagdag na gawaing itinalaga para sa mga Sabbath ng Panginoon, ang mga taunang mga Sabbath, bagong buwan, at mga kapistahan (Numbers kapitulo 28, 29), maliban pa sa itinalagang gawain na kailangang gampanan para sa bawat tao habang sila’y naghahandog ng kanilang mga alay sa buong taon.” The Sanctuary and Its Cleansing, p. 203. 2. “SA handog ukol sa kasalanan na dinadala sa loob ng taon, isang kahalili ang tinatanggap sa lugar ng nagkasala; subali’t ang dugo ng biktima ay hindi gumagawa ng buong pagtubos para sa kasalanan. Iyon ay nagkakaloob lamang ng paraan upang ang kasalanan ay mailipat sa sangtuaryo. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng dugo, ang makasalanan ay kumikilala sa awtoridad ng kautusan, tinatanggap ang kasalanan ng kaniyang pagsalangsang, at inihahayag ang pananampalataya sa Kaniya na mag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan; subali’t hindi pa siya nakawala ng lubos mula sa paggawad ng hatol ng kautusan. Sa Araw ng Pagtubos, ang punong saserdote, pagkatanggap ng handog para sa kapisanan, ay pumapasok sa kabanal-banalang dako dala ang dugo at iwiniwisik iyon sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa ibabaw ng tapyas ng kautusan. Sa ganoong paraan ang mga kahilingan ng kautusan, na umaangkin sa buhay ng nagkasala, at naipagkaloob. At sa Kanyang pagiging Tagapamagitan kinukuha ng saserdote ang mga kasalanan, at, iniiwan ang santuaryo, dala ang pasanin ng kasalanan ng Israel. Sa pinto ng tabernakulo ay ipinapatong niya ang kaniyang mga kamay sa ulo ng Azazel at isinasaysay sa ibabaw niya ang “lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at ang lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing.” At sa pagpapalayas sa kambing na nagtataglay ng mga kasalanan, ang mga iyon, ay taglay niya, at itinuturing na pang-walang hanggang nawalay mula sa bayan.” Patriarchs and Prophets, pp. 355, 356. 3. SA ikapitong buwan, sa oras ng mga Judio, na dumadating sa panahon ng taglagas ng taon, sapagka’t ang banal taon, na kinikilala ng mga Judio, ay nagsisimula sa tagsibol.

21

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 4. NANG si Cristo, ang Kordero ng Diyos, ay namatay sa Kalbaryo, ang sangtuaryo sa lupa at mga serbisyo dito ay naganap na ang layunin. Ang anino at ang nakaanino ay nagtagpo, at ang “tabing ng templo’y napunit sa dalawang bahagi mula sa itaas hanggang sa ibaba.” Matt. 27:50, 51. Ang mahimalang sagisag na ito ay nangangahulugang ang templo sa Jerusalem ay hindi na kikilalanin bilang sentro ng katanggap-tanggap na pagsamba sa Diyos, bagaman ang ang serbisyo sa templo ay ipinagpatuloy ng mga Judio hanggang sa pagkawasak ng Jerusalem sa pamamagitan ng mga Romano sa pamumuno ni Titus noong AD 70.

22

ARALIN 7: ANG SANGTUARYO SA LANGIT

Unang Bahagi

Pebrero 16, 2019

1. Saan matatagpuan ang sangtuaryo ng Panginoon?

• Ps. 102:19

2. Anong sangtuaryo ang anyo o pinaggayahan nito? • Heb. 9:8, 9, 23

3. Sa anong aspeto nagkakaiba ang sangtuaryo sa langit mula sa sangtuaryo sa lupa?

• Talatang 11

4. Anong mga kasangkapan ang nakita sa templo sa langit? • Rev. 4:5; 8:3; 11:19

5. Sa anong dako ng sangtuaryo sa lupa ang mga kasangkapang ito makikita?

6. Ano ang sinasabi tungkol sa mga banal na dakong gawa ng mga kamay? • Heb. 8:4, 5

7. Tungkol saan ang serbisyo ng pagkasaserdote ng mga Levita ay nagbibigay halimbawa?

• Heb. 8:4, 5

8. Sa ilang dako nagmiministeryo ang mga saserdote?

9. Ano ang dapat nating matanto tungkol sa paglilingkod sa makalangit na templo?

10. Sino ang ministro ng sangtuaryong yaon? • Heb. 8:1, 2; 4:14

11. Anong sinasabi tungkol sa kaniyang karanasan at pag-uugali? • Heb. 4:15; 5:7-9

23

12. Sa anong pagkasaserdote Siya kabilang? • Heb. 5:10; 6;20

13. Sino si Melchizedek? Heb. 7:1, 2; Note 1 14. Anong sinasabi tungkol sa kaniyang pinagmulan?

• Talatang 3 15. Sa anong aspeto katulad ni Cristo si Melchizedek?

• Talatang 3, 15-17, 24 16. Bakit hindi Siya maaaring makabilang sa pagkasaserdote ng mga Levita?

• Talatang 13, 14 17. Bakit kinakailangang sa ibang linya ng pagkasaserdote Siya makabilang?

• Talatang 11, 19 18. Bakit walang nagawang sakdal sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita?

• Heb. 9:8-10; 10:1-4, 11 19. Sa anong paraan naiiba si Cristo sa mga saserdote sa naunang dispensasyon?

• Heb. 7:23-28. Note 2. 20. Anong sinasabi tungkol sa dugong Kaniyang iniaalay?

• Heb. 9:11-14 21. Anong sinasabi tungkol sa bisa ng Kaniyang sakripisyo at paglilingkod bilang saserdote?

• Heb. 7:27; 9:25, 26, 28; 10:10-14. Note 3.

24

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. MARAMING mga haka tungkol kay Mechizedek, lalo na tungkol sa kung sino siya. Tunay na hindi ito kinakailangan. Ang banal na tala ay malinaw at sigurado. Sinabi rito na siya ang hari ng Salem at saserdote ng Kataastaasang Diyos. Ang iba ay sinasabing siya si Shem. Subali’t ang pananaw na ito ay taliwas sa patotoo ng Kasulatan, sapagka’t sinasabing walang tala ng kaniyang pinagmulan (Heb. 7:3), at ang tala ng pinagmulan ni Shem ay malinaw na nakasaad (Gen. 5:32). Kung ang tala ng pinagmulan ni Melchizedek ay masususog, o masisiguro, ang pagiging totoo ng Kasulatan ay mapapabulaanan, sapagka’t sinasabi na wala siya nito, at, maliban dito, si Cristo ay hindi magkakaroon ng pagkasaserdote ayon sa linya ni Melchizedek. Lahat ay dapat makuntentong iwanan ang bagay na ito kung saan ito iniwan ng kasulatan, at huwag maging higit na marunong kaysa sa nasusulat. 2. ANG katotohanang si Cristo ay naiiba mula sa mga saserdote as naunang dispensasyon ay hindi sa anumang paraan kumukontra laban sa katotohanan na ang kanilang paglilingkod bilang saserdote ay halimbawa ng sa Kanya. Si Cristo ay saserdote sa pagkasaserdote ni Melchizedek, nangangahulugang hindi kailangang magkaroon ng mauuna sa Kaniya at wala ring papalit sa Kanya. “Siya’y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan.” Heb. 7:25. 3. ANG sakripisyo at paglilingkod ni Cristo ay napakabisa kaya’t ito’y naganap ng “isang pagkakataon sa lahat.” Isang sakripisyo sa Kalbaryo ay sapat, at Siya’y naglingkod sa bawat dako ng makalangit na sangtuaryo ng “isang pagkakataon sa lahat.”

25

ARALIN 8: ANG SANGTUARYO SA LANGIT

Ikalawang Bahagi

Pebrero 23, 2019

1. Ano ang kailangan sa paglilinis ng templo sa langit?

• Heb. 9:11, 12, 23

2. Mula saan ito kailangang linisin? • Note 2

3. Kung isasaalang-alang ang simbolo, ano ang dapat maging likas ng gawaing ito?

4. Paano gagawin ng Panginoon ang gawain ng paghatol? • Rev. 20:12; Dan. 7:9,10

5. Ano ang Kaniyang dadalhin sa paghatol? • Rev. 12:13, 14. Note 3

6. Sa anong uri ng tao magsisimula ang gawain ng paghuhukom? • 1 Peter 4:17. Note 4

7. Saan nasusulat ang pangalan ng mga mananampalataya? • Phil. 4:3, Luke 10:20

8. Kaninong pangalan ang buburahin mula sa aklat ng buhay? • Rev. 3:5

9. Para kanino ipagkakaloob ang pagliligtas sa panahon ng kabagabagan? • Dan. 12:1

10. Anong gagawin sa kanilang mga kasalanan? • Acts 3:19

11. Paano ito magagawa at sa pamamagitan nino? • Note 5

12. Kailan ito magaganap? • Acts 3:19-21. Note 6

26

13. Noong ang mga kasalanan mula sa sangtuaryo sa lupa ay pinasan ng punong saserdote, ano ang ginagawa sa mga ito?

• Lev. 16:21 14. Kapag ang mga kasalanan ng bayan ng Diyos ay nabura na mula sa aklat ng tala, kanino ito ilalagay?

• Note 7 15. Kanino kumakatawan bilang simbolo ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel? 16. Kanino kumakatawan ang kambing na para sa Panginoon? – Cristo. Siya ang kambing para sa Panginoon (Lev 16:8, 9), o kaya’y para magrepresenta sa Panginoon. 17. Kailan at paano ni Cristo natupad ang anino?

• 1 Peter 2:24 18. Kailan, ayon sa anino, kinakailangang buhatin ni Satanas ang kasalanan ng bayang ng Diyos?

• Note 8 19. Ano ang magaganap pagkatapos na mabura ang mga kasalanan?

• Acts 3:19, 20; Rev. 22:11, 12; 1 Thess. 4:16; 1 Cor. 15:51-55 20. Anong pagkabuhay na mag-uli ang tawag dito?

• Rev. 20:4-6 21. Ano ang gagawin kay Satanas sa panahong iyon?

• Talatang 1-3, Note 9

27

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. ITO ay gawain ng paghatol. Ganito ito kinikilala ng lumang Israel. Ang mga tao ay kinakailangang bagbagin o papagpakumbabain ang kanilang mga kaluluwa, o mapahiwalay mula sa Israel. Lev. 23:29 2. ANG kasalanan ay nailipat sa sangtuaryo sa pamamagitan ng pagmiministeryo ng saserdote, katulad ng ipinakita sa simbolo, at ito’y nararapat na tanggalin o linisin sa pamamagitan ng dugo. Ang sangtuaryo, samakatuwid, ay kailangang linisin mula sa kasalanan at hindi sa pisikal na karumihan. 3. ANG bawat gawain ay dadalhin sa paghatol. Nagpapakita ito na ang kasalanan ay hindi nabubura sa panahon ng pagkahikayat. Sila’y nanatili sa aklat ng talaan hanggang sa paghuhukom, ang dakilang nakaaninong araw ng pagtubos, ang paglilinis ng makalangit na templo. ”Ang dugo ni Kristo, samantalang iyon ay nagpapalaya sa nagsisising makasalanan mula sa sumpa ng kautusan, ay hindi nagpapawala sa kasalanan; iyon ay mananatiling nakatala sa sangtuaryo hanggang sa wakas ng pagtubos; ganoon din naman sa anino ng dugo ng handog ukol sa kasalanan ay nag-aalis ng kasalanan mula sa nagsisisi subalit iyon ay nananatili sa sangtuaryo hanggang sa Araw ng Pagtubos.” Patriarchs and Prophets p. 357 4. ANG paghatol ay magsisimula sa bayan ng Diyos, at ang kanilang mga kaso ay kailangang madesisyunan bago pa dumating si Cristo, dahil ang mga banal ang hahatol sa sanlibutan pagkatapos na Siya’y dumating. Dan. 7:22; 1 Cor. 6:7-8; 4:5; Rev 20:4. 5. “SA dakilang araw ng huling ganti, kung kalian ang mga patay ay “hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.” At sa pamamagitan ng dugong pantubos ni Cristo, ang mga kasalanan ng lahat ng tunay na nagsisisi ay papawiin mula sa mga aklat ng langit. Sa ganoong paraan ang sangtuaryo ay napalaya, o nalinis, ang talaan ng mga kasalanan. Sa anino, ang dakilang gawaing ito ng pagtubos o pagpawi ng mga kasalanan, ay kinakatawanan ng mga paglilingkod sa Araw ng Pagtubos – ang paglilinis ng sangtuaryo sa lupa, na naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-aalis, sa pamamagitan ng dugo ng handog ukol sa kasalanan, sa mga kasalanang nakarumi doon.” Patriarchs and Prophets, pp. 357, 358

28

Mga Dapat Tandaan (NOTES)

6. ANG kasulatan ay itinuro ang panahon ng paglilinis ng kasalanan bago ang pagdating ni Cristo sa ikalawang pagkakataon. Natapos na ang Kaniyang gawain bilang saserdote bago Siya dumating. Ang pagbura ng mga kasalanan ng Kaniyang bayan ay, samakatuwid, mangyayari bago Niya tipunin ang mga hinirang.

7. SI Cristo, bilang ating dakilang PUNONG SASERDOTE, ay nagdala ng ating mga kasalanan mula sa makalangit na templo, tulad ng ipinakita sa anino, at ang mga ito’y inilagak sa ulo ni Satanas, ang nakaaninong kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel (scapegoat). “Sapagkat si Satanas ang pinagmulan ng kasalanan, ang tuwirang tagapag-udyok ng lahat ng mga kasalanang naging sanhi mg pagkamatay ng Anak ng Diyos, ang katarungan ay nag-uutos na si Satanan ay magdudusa sa huling pagpaparusa. Ang gawain ni Cristo sa pagliligtas ng tao at sa paglilinis ng sansinukob dahil sa kasalanan ay magtatapos sa pamamagitan ng pag-aalis ng kasalanan mula sa sangtuaryo sa langit at paglalagay ng mga kasalanang ito kay Satanas, na siyang magdadala ng huling kaparusahan. Kaya’t sa aninong paglilingkod, ang pang isang taong paglilingkod ay nagtatapos sa paglilinis ng sangtuaryo, at pagpataw ng mga kasalanan sa ulo ng Azazel. Patriarchs and Prophets p. 358

8. SA aninong paglilingkod ang mga kasalanan ng bayan ng Diyos ay inilalagay sa ulo ng kambing sa pagsasara ng taunang serbisyo. Ito ay gawaing ginagawa pagkatapos na linisin ang sangtuaryo, at ang saserdote ay lumabas na mula rito, dala ang kasalanan ng bayan. Kaya’t ang mga kasalanan ng bayan ng Diyos ay ilalagay kay Satanas sa pagsasara ng paglilingkod ng ating Tagapagligtas sa templo sa langit.

9. SA pagkabuhay na mag-uli ng mga banal, na mangyayari sa pasimula ng isang libong taon, kapag si Cristo ay dumating na sa ikalawang pagkakataon, si Satanas ay itatapon ng anghel sa kalaliman – abussos – abyss (tingnan ang Revised Version), na nangangahulugang naaksayang lugar, kawalan, lugar na walang nananahan. Ito ay malinaw na kinatawanan ng kambing na pinaalis sa pamamagitan ng malakas na tao sa ilang, tungo sa lugar na walang nakatira. Lev. 16:22, 22. Sa pagdating ni Cristo, ang mga banal ay dadalhin sa langit (1 Thess. 4:16, 17; John 14:1-3), at ang mga buhay na masasama ay mapupuksa (Isa. 24:1-3; Jer. 4:19-27; 2 Thess 2:8). Kaya’t ang lupa ay papanglaw at walang laman hanggang sa ang mga masasama ay buhayin mula sa kamatayan sa pagtatapos ng isang libong taon. Rev. 20:5, unang sugnay, 3, 7, 8.

29

ARALIN 9: PANAHON NG PAGHATOL

Unang Bahagi

Marso 2, 2019

1. SA anong bahagi ng kasaysayan ng sanlibutan dapat mangyari ang paghuhukom?

• Note 1

2. Anong itinalaga ng Diyos tungkol dito? • Acts 17:31. Note 2

3. Kailan magsisimula ang gawain ng paghatol? • Daniel 8:14. Note 3

4. Konektado sa anong pangitain ang 2300 ay ipinagkaloob? • Talatang 1, 2

5. Anong mga simbolo ang ipinakita kay Daniel? • Talatang 3, 5, 9

6. Anong tanong ang naging dahilan ng pagbibigay ng dakilang panahon ng propesiyang ito?

• Talatang 13

7. Sino ang nagtanong ng katanungang ito at para kanino?

8. Para kanino ibinigay ang kasagutan? • Talatang 14

9. Anong utos ang ibinigay kay Gabriel? • Talatang 15, 16

10. Hanggang saang panahon ang sinabi niyang pangitain ay aabot? • Talatang 17, 19

11. Paano ipinaliwanag ang kahulugan ng mga simbolo? • Talatang 20-25

12. Ano ang naging epekto ng pangitain kay Daniel at paano niya ito itinuring?

30

13. Anong bahagi ang naiwang hindi ipinaliwanag? 14. Sa aling bahagi ng pangitain pinagana ang isipan ni Daniel pagkatapos?

• Dan. 9:2 15. Sa anong panahon niya inisip na ito’y tumutukoy?

• Talatang 2, 16, 17 16. Ano ang kaniyang ginawa?

• Talatang 3-19 17. Paano sinagot ang kaniyang panalangin? Talatang 20, 21 18. Ano ang sinabi ni Gabriel kay Daniel?

• Talatang 22, 23 19. Sa anong pangitain niya ito itinukoy? 20. Sa anong bahagi niya sinimulang ipaliwanag ito?

• Talatang 24 21. Ano ang kaniyang sinabi? 22. Sa ano, kaya, nararapat na maging bahagi ang pitumpong sanlinggo?

• Note 4 23. Anong uri ng panahon ang ginamit sa simbolo ng propesiya? – Oras ng propesiya. 24. Anong panuntunan sa kautusan ang ginagamit sa pagpaliwanag ng panahon ng propesiya?

• Num. 14:33, 34; Eze. 4:4-6 25. Anong mangyayari sa loob ng pitumpung sanlinggo?

• Dan 9:24. Note 5 26. Sinong bayan ang tinutukoy sa talatang ito?

31

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. SA pinakalikas ng mga bagay ang paghatol ay dapat sumunod sa panahon pagkatapos ng palugit. Ang paghatol ng Diyos sa mundong ito ay nararapat na dumating sa panahon ng pagsasara ng kasaysayan nito. Ito rin ay malinaw kung ating aalalahanin na ang impluwensiya ng mga gawa ng tao ay nagpapatuloy kahit namatay na siya, at magpapatuloy hanggang sa pagsasara ng panahon ng pagsubok, kapag ang batas na matatagpuan sa Rev. 22:1 ay mangyari na. Ang kaniyang impluwensiya ay pagbabatayan sa paghatol sapagkat ito ang bunga ng kaniyang gawa. Eccl. 12:13, 14 2. ANG araw ng paghatol ay hindi dapat isipin na araw na may 24 oras. Ang Kasulatan ay nagsasalita tungkol sa araw ng Panginoon, at araw ng kaligtasan (2 Cor. 6:2). Ang mga ito ay mahabang bahagi ng panahon, at ang araw ng paghatol na itinalaga ng Diyos ay kinabibilangan ng paggawa na umaabot sa mahabang mga taon, katulad ng payak na itinuturo ng Bibliya. 3. NATAGPUAN natin na ang paglilinis ng sangtuaryo ay gawain ng paghatol. Kaya’t sa panahong ipinahayag ng Panginoon ang panahon ng paglilinis ng sangtuaryo, Kanya rin ipinahayag kung kalian ang simula ng paghuhukom. 4. SAPAGKAT sinimulan ng anghel ang usaping ng oras noong dumalaw siya kay Daniel upang ipaliwanag ang pangitain, ang pitumpong sanlinggo ay dapat maging bahagi ng panahon na binanggit sa pangitain. Habang ang pagbibigay gabay tungkol sa pitumpong sanlinggo ay hindi makakatulong sa anumang bahagi sa pagtukoy ng pasimula ng 2300 mga araw maliban na sila’y sabay magsimula, tayo ay naiiwanan ng kaisipan na ang dalawang panahon ay nagsabay sa kanilang pasimula. “Pitumpong sanlinggo ay tiniyak” – sa literal na kahulugan, “cut-off” or pinutol. Tingnan ang Sanctuary and Its Cleansing, chapter 6.

32

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 5. “Upang TAPUSIN ang pagsalangsang.” Ibig sabihin, punuin ang saro ng pagsalangsang ng Israel. Ang kundisyong ito ay naabot sa unang pagdating ni Cristo. Matt. 23:29-38. Upang tapusin ang mga pagkakasala. Ito ang ginawa ni Cristo, sa usaping propesiya, sa pagbibigay ng probisyon sa pagalis ng kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang sarili. Heb. 9:26. “Upang linisin ang kasamaan.” Ito ay ginawa ni Cristo sa pagpataw sa Kaniyang sarili ng parusa ng kasalanan, upang ang kautusan ay mabigyang karangalan at ang makasalanan ay maipanumbalik sa Diyos. 1 Cor. 15:3. “Upang dalhan ng walang hanggang katuwiran.” Ang katuwiran ng Diyos, na nakita sa walang dungis na buhay ni Jesucristo, at ito rin ang ipinagkakaloob sa bawat mananampalataya. Rom 3:21-25. “Upang tatakan ang pangitain at mga panghuhula.” Malinaw na makikita na ang mga salitang “upang tatakan” ay ginamit sa paraang sinisiguro sa halip na ginagawang lihim. Ang pitumpong sanlinggo ay ibinigay upang ipaliwanag ang pangitain at hindi upang padilim ito, upang ipahayag ang katotohanan at hindi takpan. Sinubok nila ang bawat nangungunang teorya at pananaw tungkol sa 2300 na mga araw. Ihinayag nila ang bawat maling paglalapat, at siniguro ang tunay. Ito ay lalabas kapag binigyang pansin ang mga bahagi ng propesiya. Dan. 7:25-2. “Upang pahiran ang kabanalbanalan.” Ang sangtuaryo sa lupa ay papahiran bago ang paglilingkod dito ay makapagsimula. Ex. 30:25-30. Kaya, pagkatapos ng kamatayan ni Cristo, Siya ay umakyat sa langit upang maglingkod bilang ating Punong Saserdote sa sangtuaryo, at ang paghahanda, ayon sa anino, ito ay papahiran.

33

ARALIN 10: PANAHON NG PAGHATOL

Ikalawang Bahagi

Marso 9, 2019

1. Anong pangyayari ang naging tanda ng pagsisimula ng pitumpong sanlinggo?

• Dan. 9:25

2. Anong mga batas ang nagbuo ng kautusang nabanggit sa propesiya? • Ezra 6:14

3. Saan ang naitala ang huling bahagi ng kautusan? • Ezra 7:11-26

4. Ano ang petsa nito? Tingnan ang margin ng Ezra 7. • Note 1

5. Sa ilang bahagi nahahati ang pitumpong sanlinggo at ano ang mga ito? • Dan. 9:25-27

6. Ano ang dapat gawin sa ung pitong linggo? • Note 2

7. Ilang linggo pa bago makarating sa Prinsipeng Tagapagligtas? • Talatang 25

8. Anong gawain ang dapat magawa sa huling sanlinggo ng pitumpu? • Talatang 27

9. Ano ang kailangang gawin ni Cristo sa gitna ng sanlinggo?

10. Paano ito nagawa? • Note 3

11. Simula sa 457 BC, kalian matatapos ang bawat hati ng pitumpung sanlinggo?

• Note 4

34

12. Paano maipagkakasundo ang mga petsang ito sa mga tala ng kasaysayan?

• Nore 5 13. Anong petsa ang pagpapakita ni Cristo bilang Tagapagligtas?

• Mark 1:14, 15 (margin), Note 6 14. Kailan Siya ipinako sa krus? –

• Sa tagsibol ng AD 34 15. Kailan naman matatapos ang pitumpung sanlinggo?

• AD 34 16. Anong naganap sa panahong iyon?

• Note 7 17. Pagkatapos ihiwalay ang pitumpung sanlinggo, o 490 na mga araw, mula sa 2300 na mga araw, ilang ang matitira?

• 1810 18. Simula AD 34, saan tayo dadalhin ng 1810 mga taon pagkatapos nito?

• 1844 19. Anong banal na gawain ng nagsimula noong 1844?

20. Sa anong panahon sa taon iyon natapos ang 2300 mga araw? • Note 8

21. Gaano na katagal nagaganap ang paghuhukom?

22. Gaano katagal ang serbisyo sa unang dako ng sangtuaryo sa lupa ay nagpatuloy ng walang pagbabago?

23. Sa usaping ng oras, paanong ang serbisyo sa kabanal-banalang dako maihahalintulad sa ginagawa sa banal na dako?

• Ito’y napakaikli lamang

24. Ano ang dapat nating isipin tungkol sa serbisyo sa makalangit na sangtuaryo?

• Note 9

25. Anong banal na pahayag ang malapit ng marinig? • Rev 22:11, 12

35

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. ANG petsa ng batas na naitala sa Ezra 7 ay isa sa pinakamahusay na matibay na petsa sa Kasulatan. It ay napatunayang tama sa pamamagitan ng pagtutugma ng mahigit sa dalawampung eklipse. Tingnan ang “Sanctuary and Its Cleansing,” chapter 7. 2. ANG pagtatayo ng bakod sa panahon ng kaguluhan ay malinaw na tumutukoy sa pagtupad sa kautusan upang isaayos at itayo ang Jerusalem alinsunod sa utos ni Artaxerxes noong 457 BC. The pitong sanlinggo, o apatnapu’t siyam na taon, ay mangyayari sa panahon ng 408 BC. Ang pagsasalin ni Houbigant sa talatang 25, katulad ng pagsipi ni Dr. Adam Clarke, ay malinaw sa puntong ito. Mababasa rito ang sumusunod: “Alamin, kaya’t unawain: mula sa utos na ipapahayag, upang bumalik at isaayos ang Jerusalem, ay magkakaroon ng 7 linggo. Pagkatapos ito’y lubusang isasayos, na may pagkabalisa sa panahong may kahirapan. At mula rito hanggang sa Prinsipeng Mesias ay magkakaroon ng animnapu’t dalawang sanlinggo.” 3. ANG sakripisyo at ang paghahandog, sa usaping katanggap-tanggap na serbisyo, ay pinatigil ng sakripisyo ni Cristo sa kalbaryo, sapagkat ang lahat ng katuparan ay naganap sa kamatayan ng Kordero ng Diyos. 4. ANG pitong sanlinggo ay magtatapos sa 408 BC; ang animnapu’t dalawang sanlinggo at magtatapos sa AD 27; ang gitna ng ikapitumpung sanlinggo, noong 31 AD; at ang katapusan ng pitumpung sanlinggo, noong AD 34. 5. ANG mga petsa ay tumpak na nagtutugma sa mga tala ng kasaysayan, kaya’t ang pitumpung sanlinggo, at ang bawat bahagi nito, ay nagsasara o sumisiguro sa pangitain at propesiya, sa pagpapakita ng pagiging tumpak ng tamang interpretasyon at pag-uukol ng oras, at tuklasin at ipakita ang lahat ng mga maling interpretasyon at pag-uukol. Ito ay madaling makikita kung ating sisimulan ang pagbilang sa kahit na anong petsa maliban sa 457 BC. 6. ANG “Mesias” ay nangangahulugan ng “Pinahiran”. Si Jesus ay pinahiran ng Banal na Espiritu sa kaniyang bautismo. Matt. 3:16; Acts 10:38. Kaya’t ang animnapu’t dalawang sanlinggo ay umabot sa 27 AD.

36

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 7. Ang espesyal na gawain para sa bayan ng Judio, ang pagkumpirma ng tipan sa marami sa loob ng isang linggo (ang huling linggo ng pitumpu), ay nagtapos noong 34 AD. Ang petsang ito ay minarkahan ng pangkalahatang pagtanggi sa ebanghelyo ng bayang yaon, ang pagkamartir ni Esteban, at ang dakilang pag-uusig sa iglesia ng mga Judio. Bilang bunga, ang mga mananampalataya ay kumalat sa iba’t ibang lupa, at humayo sa lahat ng dako na nangangaral ng ebanghelyo. Acts 7 at 8. Sunod na taon, AD 35, si Pablo ay nahikayat, at agad na nagsimula ng kaniyang gawain bilang apostol ng mga gentil. 8. BAGAMAN ang utos na ayusin at itayo ang Jerusalem ay ipinagkaloob sa tagsibol noong 457 BC, ang simula ng pagkumpuni ng pader, kung saan ang pitumpung sanlinggo ay tumutukoy, ay hindi nagpasimula hanggang dumating ang taglagas sa taong iyon. Ito ang makikita kung ating maaalaala na inabot ng ilang buwan ang paglalakbay para sa mga tao na maghanda para sa paglalakbay, at maghanda para sa dakilang gawain na kailangang gampanan. Ang tala ay nagsasabi na hindi sila nakarating sa Jerusalem hanggang sa ikalimang buwan. Ezra 7:8, 9. Mula sa katotohanan na ang pitong sanlinggo ng pitumpung sanlinggo ay ipinagkaloob sa pagtatayo ng pader, at ang trabaho ay hindi nagsimula hanggang sa taglagas ng 457 BC., maiisip natin na ang simula ng oras upang bilangin ang pitumpung sanlinggo ay mangyayari sa taglagas, o kung kalian nagkaroon ng pagtupad sa kautusan, at hindi ang petsa kung kailan ito ibinigay. Sa ibang salita, ang kasabihang, “Mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem,” ay dapat maunawaan sang-ayon sa mga katotohanang binigyan na natin ng pansin. Kaya nga ang 2300 mga araw, at lahat ng mga hati nito na naglalaman ng buong taon, ay magtatapos sa taglagas ng taong iyon. Ang pagbautismo kay Jesus ay mangyayari sa taglagas ng 27 AD, ang pagpako sa Kanya sa krus ay tagsibol ng 31 AD, at ang 2300 mga araw ay magtatapos noong taglagas ng 1844. Ito ay magiging kasangayon ng anino, katulad ng dakilang araw ng pagtubos, ang paglillinis ng sangtuaryo ay nangyari sa panahon ng taglagas, sa ikasampung araw ng ikapitong buwan. Ito ay may buong pagkakasundo sa pagkasunod-sunod na pangyayari ng 2300 mga araw sa lahat ng mga bahagi nito, gayundin sa pasimula at pagtatapos.

37

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 9. ANG pag-aaral ng anino ay magdadala sa atin sa kongklusyon na ang oras na ginamit sa paglilinis sa makalangit na sangtuaryo ay nararapat rin na maiksi lamang, kaya’t ito’y malapit na ring matapos. Ito ay malinaw makikita sa Kasulatan na ang Panginoon ay hindi nagdeklara ng tumpak na oras kung kailan matatapos ang pamamagitan ni Cristo para sa mga makasalanan, at ang palugit ay magsasara. Tingnan ang Matt. 24:42-44; Mark 13:32-37. Kaya’t nararapat na walang sinuman ang dapat magpalagay na ang panahong gugugulin sa kabanal-banalang dako ng templo sa langit ay katulad ng panahong ginugol sa banal na dako gaya ng ginawa sa templo sa lupa. Sa kautusang anino at serbisyo ay hindi natin makikita ang eksaktong representasyon ng paglilingkod sa makalangit na sangtuaryo. Heb. 10:1.

38

ARALIN 11: ANG MENSAHE NG

PAGHATOL Unang Bahagi

Marso 16, 2019

1. Ano ang mensahe na matatagpuam sa Rev 14:6, 7? 2. Gaano kalawak ang pagpapahag nito? 3. Ano ang sinasabi nito tungkol sa paghuhukom? 4. Ano ang malinaw na katibayan na makikita sa kasulatan ang ibinigay? 5. Kailan lang dapat ipagkaloob ang mensaheng ito? 6. Anong mensahe ang sumunod dito?

• Talatang 8-12 7. Anong dakilang pangyayari ang susunod sa tatlong mensaheng ito?

• Talatang 14 8. Kailan ipinagkaloob ang mensahe tungkol sa ikalawang pagbalik ni Cristo at ng paghatol?

• Note 3 9.Ano ang ipinangaral tungkol sa oras?

• Na si Cristo ay dadating ay hahatol sa sanlibutan noon 1844.

10. Sa anong talata nakabase ang mensahe tungkol sa oras? • Daniel 8:14

11. Anong alituntunin ang ibinigay kay Daniel tungkol sa propesiyang ito? • Daniel 12:4, 9

12. Kailan dumating ang panahon ng wakas? • Daniel 11:33-35. Note 4

39

13. Ano ang inaasahan nating makita? • Ang aklat ay nabuksan at ang mga nilalaman ay nauwaan.

14. Ano ang nakita ni Juan sa Isla ng Patmos? • Rev 10:1, 2

15. Paano inilarawan ang mararating ng pagpapahayag? • Talatang 2, 5

16. Ano ang malinaw na katibayan na pinagbasehan nito? • Talatang 2, unang sugnay

17. Ano ang pasanin ng pagpapahayag? • Talatang 5, 6

18. Sa anong aspeto ang dakilang kilusang Adventista ng 1840 hanggang 1844 natupad ang kasulatang ito?

• Talatang 1-6. Note 5

19. Anong mga nagpapatunay na ang oras na binanggit sa talatang 6 ay hindi tumutukoy sa literal or pangkaraniwang oras?

• Talatang 7, 11. Nagpapatuloy ang oras, at mayroon pang gawaing kailangang ipagkaloob sa sanlibutan

20. Paano inilarawan ang mapait na karanasan ng bayan ng Diyos sa panahong iyon?

• Talatang 6-8. Note 6

21. Sa anong mahalagang kaganapan ang oras na ito ay umabot? • Talatang 7. Note 7

22. Anong gawain ang maagang matatapos sa pagtunog ng trumpetang iyon?

• Talatang 7. Note 7

23. Ano ang hiwaga ng Diyos? • Ang ebanghelyo. Tingnan ang Eph 3:3-6, 6:19; Col. 1:23-27

24. Ano ang mga nakapaloob sa pagtatapos ng misteryong ito? • Note 8.

25. Kaninong propeta ito ipanagkaloob. • Daniel

26. Ulitin ang pahayag sa Daniel 8:14 40

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. MULA sa kasulatang ito nalaman natin na magkakaroon ng pagpapahayag sa sanlibutan patungkol sa paghuhukom, at ito’y nagpapatunay na may ilang makakaalam kung kailan dumating ang oras ng paghatol ng Diyos. Kaya’t nararapat lang na ang panahon ng paghuhukom ay ipahayag sa salita ng Diyos, kung hindi ay walang makakaalam kung kailan ito magsisimula. 2. ANG katulad na mensaheng ito ay hindi maaaring mangyari hanggang sa huling henerasyon ay dumating, sapagkat ang paghatol ay hindi mangyayari hanggang sa huling panahon ng kasaysayan ng sanlibutang ito. 3. SA dakilang kilusang Adventista, na nagsimulang dumami noong 1840, ang ikalawang pagparito ni Cristo at ng paghatol ay ipinangaral sa lahat ng panig ng daigdig. 4. ANG oras ng pag-uusig ng kapapahan ay ipinakita sa talatang ito, at ito ay makakarating hanggang sa wakas ng panahon. Ang panahong ito na nagsimula noong 538 AD, at nagpatuloy ng 1260 mga taon (tingnan ang Dan. 7:25; Rev. 11:2, 3; 12:6, 14; 13:5) kaya’t ito’y magtatapos noong 1798 AD; ang 1798 samakatuwid ay tanda ng pagsisimula ng panahon ng wakas. At ang propesiya ng Daniel ay mabubuksan, ang aklat ay mabubuksan, at marami ang tatakbo pabalik-balik dito, o magsasaliksik ng mga pahina nito ng may kasipagan, at ang kaalaman ay lalago at ang matalino ay makauunawa. Dan. 12:4, 9, 10. Ito ay literal na natupad mula noong 1798. 5. (a) ANG mensahe ay aabot sa buong daigdig. (b) Ito ay panahon ng mensahe (c) Ito ay nakabase sa aklat ni Daniel, ang munting aklat na ngayon ay nabuksan, bagaman dati ay nakaselyo o nakasara. (d) Hindi ito dati naunawaan ng lubos; isang bagay na itinago mula sa paningin. Ito ay kinakatawanan ng anghel na nadadamitan ng ulap. Ang panahon ng mensahe, na ipinangaral noong 1840-1844, ay tumupad ng eksakto sa Rev. 10:1-6, habang ang tunay na mensahe ng ikalawang pagdating mula noong 1844 ay naging katuparan ng Rev. 14:6-12, sapagkat, bago ang taglagas ng 1844, sila ay nangaral na ang paghuhukom ay magaganap sa ika-10 araw ng ika-7 buwan (oras ng Judio), 1844 (Oct 22), na noon ay sa darating na hinaharap, subalit mula sa mga oras na iyon tayo ay nangaral ng “ang oras ng Kaniyang paghatol ay dumating,” kung saan hindi nila nagawa at magagawang may katotohanan bago dumating ang panahong iyon.

41

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 6. ANG mapait na pagkabigo na naranasan ng mga Adventista pagkatapos na lumipas ang oras at hindi dumating ang Tagapagligtas, ay hindi patunay na hindi sila ang bayan Niya at hindi sila bahagi ng Kaniyang gawain, sapagkat ang pagkabigo ay malinaw na ihinula sa kasulatan kung saan natagpuan ang mensahe. 7. ANG mensahe ng oras ng Rev. 10:1-6 ay umabot sa pagtunog ng ikapitong trumpeta, at, dahil ito’y nakabase sa maliit na aklat na nagsasabing “sa loob ng 2300 mga araw, ang sangtuaryo ay lilinisin,” alam natin na ang panahong iyon din ang nagdala sa atin sa kaganapang iyon, na sa katotohanan ay ang pagtatapos ng misteryo ng Diyos. Talatang 7. 8. KABILANG sa pagtatapos ng gawain ng ebanghelyo ang pagsasara ng gawain ng ating Punong Saserdote sa makalangit na templo, o ang paglilinis ng sangtuaryo, at ang mensahe ng pagsasara ng ebanghelyo dito sa lupa, ang 3 pabalita ng Rev. 14:6-12. Ang huli ay kinakailangang pambuo ng nauna.

42

ARALIN 12: ANG MENSAHE NG

PAGHATOL Ikalawang Bahagi

Marso 23, 2019

1. Anong pagbabago sa posisyon ng punong saserdote ang kinakailangan kapag ang sangtuaryo ay lilinisin?

2. Paano inilarawan ang pagpapalit na ito sa gawaing pangsaserdote ng ating Tagapagligtas?

• Rev. 3:7, 8. Note 1 3. Ano ang nakita sa templo sa langit?

• Rev. 11:19 4. Aling dako ang nabuksan sa paningin? Bakit? 5. Kailan sinimulan ni Cristo ang pagmiministeryo doon, kaya’t nag-iwan sa Kanyang bayan ng bukas na pinto?

6. Ano ang ipinapakita nito sa mga pumapasok doon sa pamamagitan ng pananampalataya sa loob ng ikalawang tabing?

• Heb. 9:3, 4; Rev 11:19. Tingnan ang Note 1.

7. Ano ang nilalaman ng arka ng tipan? • Tingnan ang Note 1

8. Anong iglesia ang pinagkalooban ng bukas na pintuan sa kanilang harapan?

• Rev. 3:7, 8; Note2.

9. Kailan nagsimula ang gawain ng paglilinis ng sangtuaryo?

10. Kailan naman binuksan ng ating Punong Saserdote ang pinto para sa Kaniyang bayan?

11. Ano nagawa nilang makita? • Rev. 11:19

43

12. Sa tunog ng anong trumpeta it magaganap? • Talatang 15

13. Ano ang mangyayari sa pasimula ng pagtunog ng ikapitong trumpeta?

• Rev. 10:7 14. Anong gawain ni Cristo ang bumubuo sa pagtatapos ng hiwaga ng Diyos? 15. Paano naunawaan ng mga Adventista ang Dan. 8:14 noong 1844?

• Note 3. 16. Ano ang naging epekto sa kanila ng sila’y nagkaroon ng dakilang kabiguan?

• Note 4 17. Anong tagubilin at pampalakas ng loob ang natagpuan ng mga tapat sa Kasulatan?

• Heb. 10:32-39 18. Sa pagbabalik-aral nila sa kanilang pinaniwalaan, ano ang kanilang natagpuan tungkol sa panahon?

• Note 5

19. Ano ang kanilang natutunan tungkol sa sangtuaryo at sa paglilinis nito? • Note 6

20. Ano ang kanilang nakita sa templo ng Diyos sa langit? • Rev. 11:19

21. Ano ang kanilang nalaman na dapat nasa loob ng arka?

22. Sa pamamagitan ng pananampalataya ay natanaw nila ang banal na arka kasama ng banal na kautusan, paano sila pinatnubayan upang kilalanin ang mga ito?

• May higit na interes kaysa noong una.

23. Anong konklusyon ang kanilang naabot tungkol sa kautusan ng Diyos? • Na hindi maaaring baguhin ang likas nito, at nababasa, kaya’t

kinakailangang sundin ngayon katulad noong ito’y sinalita sa Sinai at inilagay sa loob ng arka.

44

24. Sa anong nakakahiyang kalagayan nila natagpuan ang kanilang mga sarili?

• Sila’y gumagawa sa Sabbath ng Panginoo, at nangingilin ng ibang araw.

25. Ano ang naging bunga nito na kanilang ginawa?

• Kanilang pinag-aralan ang tanong tungkol sa Sabbath ng may malalim na interes, upang matutunan kung paano ito nabago.

45

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 1. ANG ating Punong Saserdote ay naglilingkod sa dalawang dako ng templo sa langit. Sinasabi rin na nagbukas at nagsara Siya ng pinto na may kinalaman sa Kanyang gawain. Kaya’t tayo ay makakaisip na ang mga gawang ito ay kumakatawan sa pagpapalit ng Kaniyang kalagayan mula sa isang dako patungo sa kabila. Ang pagsasara ng Kaniyang gawain sa banal na dako ay malinaw na inilalarawan ng pagsasara Niya ng pinto o ng pasukan patungo dito, at ang pagsisimula ng Kaniyang gawain sa kabanal-banalang dako ay malakas na inirerepresenta ng pagbubukas Niya ng pinto sa dakong iyon; at sa paggawa niyaon, inilagay Niya sa harapan ng Kanyang bayan ang bukas na pintuan na walang taong maaaring magsara. Ito’y Nagbibigay sa kanila ng kakayahan na tumingin sa pamamagitan ng pananamapalataya, ang kanilang dakilang Punog Saserdote na naglilingkod sa harapan ng arka sa loob ng templo ng Diyos. Rev. 11:19. Nalaman natin sa pamamagitan ng anino na ang arka ay naglalaman ng banal na kautusan ng Diyos na walang nabago kahit kudlit o tuldok man. 2. NABUKSAN sa harapan ng iglesia sa Piladelpia ang pinto Rev. 3:7, 8. Ito ang iglesiang tumanggap ng mensahe ng pagdating ni Cristo hanggang sa taglagas ng 1844. Sila’y dumating sa panahon ng pagsasara ng dakilang panahon ng propesiya noong 1844, at doon mismo inilagay sa kanilang harapan ang bukas na pinto na nagpapakita ng arka ng tipan para sa mga nagsasaliksik upang malaman ang katotohanan. 3. ANG mga Adventista noon 1844 ay nag-isip na ang lupa ang sangtuaryo, at ang paglilinis ng sangtuaryo ay ang paglilinis ng lupa sa pamamagitan ng apoy sa ikalawang pagparito ni Cristo, paghahanda sa pagiging tahanan ng mga naligtas. Kaya’t sila’y naniwala na aabot na ng 2300 na mga araw sa pagdating ni Cristo sa ikalawang pagkakataon at ang paghatol, mga pangyayari na kanilang inakala na nagtagpo sa isang punto ng panahon. 4. ANG mapait na pagkabigo ay naging dahilan upang ang mga may tunay na karanasang kristiyano ay mag-aral ng Kasulatan ng higit na maingat at mapanalanginin kaysa noong una.

46

Mga Dapat Tandaan (NOTES) 5. SA pagbabalik araw sa kanilang pinaniniwalaan, natagpuan nila na walang mali kung panahon ang paguusapan, kaya’t nagsimula silang pag-aralan ang isa pang bahagi ng talata, na nagsasabi “ang sangtuaryo ay lilinisin.” Ang iba, gayunpaman, ay nag-isip na may problema sa pagbilang ng oras, at sila’y nagsikap na baguhin ang mga panahon ng propesiya; at dito nagpasimula ang lahat ng pagtatalaga ng oras mula pa ng 1844. 6. ANG mga maingat na nagsipag-aral ng usaping sangtuaryo ng may pagnanais na malaman ang katotohanan, ay natutunan ang mga katotohanang ipinapakita sa mga araling ito.

47

ARALIN 13: ANG MENSAHE NG

PAGHATOL Ikatlong Bahagi

Marso 30, 2019

1. Anong kapangyarihan ang natagpuan nila na sumubok na baguhin ang kautusan at ang Sabbath? Dan. 7:25; 2 Thess. 2:3, 4. Note 1

2. Nang kanilang matagpuan na ang kapapahan ang kapangyarihang tinutukoy, ano ang kanilang ginawa? Kanilang itinakwil ang Sabbath ng kapapahan, at nagsimulang mangilin ng Sabbath ng Panginoon at itinuro ito sa iba.

3. Nang kanila itong ginawa, anong mensahe ang kanilang ipinangaral? Rev. 14:9-12

4. Ano ang pamantayan ng paghatol sa korte sa langit? Rom. 12:12, 13; Eccl. 12:13, 14.

5. Sa ano dapat tinatawag ang atensyon ng mga tao sa panahong ito? Note 2

6. Saan lamang natin makikita ang kautusan sa kanyang kapuspusan at kasakdalan? Kay Jesucristo, Note 3

7. Upang maipakilala natin ng tama ang kautusan ng Diyos, ano ang nararapat nating gawin? Ipangaral si Cristo at Siyang napako sa krus. 1 Cor 2:2

8. Sa pagbibigay ng pabalita ng Unang Anghel, ano ang dapat nating ipangaral? Rev. 14:6

9. Ang mensahe ng paghatol ay kabilang sa bumubuo ng anong mensahe? Ang ebanghelyo. 10. Anong panawagan ang ginawa para dito tungkol sa ating pagsamba? Talatang 7

48

11. Kung tunay tayong sumasamba sa Diyos, anong pagsamba ang hindi dapat isali? Lahat ng huwad na pagsamba 12. Tayo ay binigyang babala sa ikatlong pabalita ng anghel laban sa ano? Talatang 9 13. Anong pananakot ang ibinigay laban sa mga hindi tatalima sa babala? Talatang 10, 11 14. Anong bumubuo sa walang halong galit na ito? Rev. 15:1 15. Sa pamamagitan ng anong simbolo ang isang nahating iglesia ay kinakatawanan sa huling mga araw? Rev. 14:8. Note 4 16. Ano ang dahilan ng kaniyang pagbagsak? Tingnan ang note 4 17. Anong paglalarawan ang ibinigay ni Pablo sa kaniyang kalagayan? 2 Tim. 3:1-5 18. Gaano kasama ang inabot ng Babilonya sa huli? Rev 18:1, 2 19. Anong relasyon mayroon siya sa mga pamahalaan dito sa lupa? Talatang 3. Note 5 20. Bakit tinatawagan ang bayan ng Diyos na lumabas mula sa kaniya? Talatang 4-8 21. Ano ang sinasabi tungkol sa mga taong napalabas sa pamamagitan ng huling mensahe? Rev. 14:12 22. Anong dakilang kaganapan ang agad na susunod? Talatang 14 23. Para kanino Niya ipingkaloob ang pagpapalaya at kaligtasan? Dan 12:1

49

24. Saan sila maghaharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon? Rev. 4:1-5, 7:9, 19:1, 20:4, 6 25. Anong gawain ang kanilang gagampanan? Rev. 20:14 26. Saan maghahari ang mga banal magpakailanman sa huli? Rev. 5:9, 10; Dan 7:27 27. Ano ang dapat munang mangyari? Ps. 37:9, 10, 11, 34 28. Anong awitin ng papuri at tagumpay ang maririnig? Rev 5:13

50

Mga Dapat Tandaan (NOTES)

1. ANG kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan (1 John 3:4), at ang sumalangsang ay makasalanan. Subalit kung ang isang tao ay hindi lang sa sarili niya nagkasala bagkus sa pamamagitan ng kaniyang impluwensya at kapangyarihan ay nagdulot ng pagkakasala ng maraming ibang tao, gaano pa katumpak na tawagin siyang “tao ng kasalanan.” Kaya’t ang kapapahan, sa ilalim ng simbolo ng maliit na sungay sa Daniel 7, ay sinasabing may “matang katulad ng sa tao, at bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay” (talatang 8), at inisip niyang baguhin ang mga panahon at kautusan (talatang 25), kung kaya’t ang Panginoon ay nararapat lang na tawagin siyang “tao ng kasalanan”. 2 Thess 2:3, 4

2. SA pananaw na ang paghatol ay nagpapatuloy na, at ang batas ng Diyos ang batayan ng paghuhukom, tunay na pasanin ng mga may liwanag na sumisinag mula sa sangtuaryo, ang ipamalita ang dakilang katotohanan na “ang oras ng Kaniyang paghatol ay dumating,” at magsumamo sa mga tao na talikuran ang lahat ng huwad na pagsamba at “ingatan ang kautusan ng Diyos at ang pananampalatya ni Jesus,” upang sila’y makatayo sa paghuhukom at ariing karapat-dapat tumanggap ng walang hanggang buhay. Ito ang mensahe na ngayon ay dapat ipangaral, at dapat ibigay sa sanlibutan, ayon sa hula. Rev. 14:6-12

3. ANG tao, sa kaniyang kalagayang nabagsak, ay binulag ng lubos ng kasalanan kaya’t hindi niya makita ang kabanalan at kasakdalan ng banal na kautusan. Ang ating mga mata ay kinakailangang laging pahiran upang tayo’y makakita. Kaya nga’t idinalangin ng Mangaawit, “Buksan mo ang aking mga mata, upang aking masilayan ang mga kagilagilalas na bagay mula sa iyong kautusan.” Ps 119:18. Ang ebanghelyo ay nagpapakita ng lahat ng kasakdalan at kagandahan sa persona ni Jesucristo. Nananahan sa Kaniya ang kabuuan. Col 2:9. Kaya’t sa pagtanggap kay Cristo at pagkakita sa Kaniya ang katuwiran ng kautusan ay nahahayag sa atin at nagaganap sa atin. Rom 8:3, 4

4. ANG Babilonya, mula sa Babel, na nangangahulugang pagkalito, ay tamang simbolo ng iglesia ngayon kasama ng kaniyang pagkarami-raming mga sekta at magulong pagtatalo-talo ng mga nagbabanggaang mga credo. Ang katotohanan ng Diyos para huling mga panahong ito ay dapat nagpagaling sa babilonya (Jer 51:7-9), subalit kaniyang itinakwil ang liwanag mula sa langit, at nagturo ng mga pabula at maling mga doktrina, upang ilayo ang mga tao mula sa katotohanan at gawain ng Diyos. Kaya’t ginawa niyang maglalasing ang mga bansa at nagtamo ng pagbasak ng moral.

51

5. SA kaniyang kalagayang nabagsak, sapagkat ihiniwalay niya ang kaniyang sarili sa Panginoon, ang pinanggagalingan ng kaniyang kaligtasan, ay kinuha niya ang tulong ng mga kapangyarihan dito sa lupa at nakipagkaisa sa kanila upang masiguro ito. Kaya’t siya’y nagkasala ng pakikiapid at napuno na niya ng tasa ng kaniyang pagsalangsang. Hindi magtatagal ang mga salot na inilarawan sa Rev 18:8-24 ay dadating sa Babilonya, kaya’t nararapat lang na humiwalay sa kaniya, at hindi makibahagi ng kaniyang mga kasalanan at tumanggap ng kaniyang mga salot. Talatang 4. Ang Babilonya ay ipinakita dito sa katotohanan na kinabibilangan ito ng nanay at mga anak ng dakilang pamilyang ito. Viz… ang Iglesia sa Roma at ang lahat ng mga iglesia na nakikiisa sa sanlibutan at itinatakwil ang Panginoon sa pamamagitan ng pagtanggi sa pagsunod sa Kaniyang salita at sa pagtuturo bilang doktrina ang mga kautusan ng mga tao.

52