23
1 ISANG KOMPARATIBONG PAG-AARAL SA PAGIGING EPEKTIBO NG TABLOID AT BROADSHEET SA MGA ORDINARYONG EMPLEYADO AT PROPERYUNAL, MGA MAG-AARAL NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN nina Alvarez, Princess Joy T. Baño, Ellaine Jewel G. Camilon, Ma. Katrina M. Sabillo, Alexander Nicole P. Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan sa ZFI 112 Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina Pamantasan ng Silangan 105 Samson Road, Caloocan City Marso 2013 Prop. Enrico M. Pilongo, MD. Ed.

Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Bilang pagtupad sa mga pangangailangan sa asignaturang Fil111, Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan. Ay inihanda at ipinasa ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa ABCA-2B

Citation preview

Page 1: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

1

ISANG KOMPARATIBONG PAG-AARAL SA PAGIGING EPEKTIBO NG

TABLOID AT BROADSHEET SA MGA ORDINARYONG EMPLEYADO

AT PROPERYUNAL, MGA MAG-AARAL NG PAMPUBLIKO AT

PRIBADONG PAARALAN

nina

Alvarez, Princess Joy T.

Baño, Ellaine Jewel G.

Camilon, Ma. Katrina M.

Sabillo, Alexander Nicole P.

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan sa ZFI 112

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina

Pamantasan ng Silangan

105 Samson Road, Caloocan City

Marso 2013

Prop. Enrico M. Pilongo, MD. Ed.

Page 2: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

2

Pahina ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa mga pangangailangan sa asignaturang Fil111, Pagbasa at Pagsulat

sa Iba’t ibang Disiplina, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Isang komparatibong

pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong

empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan. Ay

inihanda at ipinasa ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa ABCA-2B na binubuo

nina:

Princess Joy T. Alvarez Jan Paulene F. Cacnio Ellaine Jewel G. Baño Ma. Katrina M. Camilon Alexander Nicole P. Sabillo

Ang pananaliksik na ito ay minarkahang _____ %

ng dalabgurong si

PROP. ENRICO M. PILONGO MD. Ed.

Kolehiyo ng Sining at Agham

Page 3: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

3

Pasasalamat

Ang pananaliksik na ito ay naging matagumpay sa tulong ng mga

taong sumusuporta at gumabay sa paggawa ng pag-aaral na ito. Mga

taong bihasa sa kanilang mga propesyon na nagbigay ng kanilang opinyon,

suwestyon at puna sa aming ginawang pag-aaral.

Nais naming pasalamatan ang mga taong walang sawang sumuporta

sa aming ginawang pag-aaral. Una sa lahat, sa Diyos na lumikha. Ang

walang hanggang papuri’t pasasalamat ay nakalaan sa kanyang kapurihan.

Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible ng hindi dahil sa kanyang

pagmamahal at kapangyarihan. Ito ay alay sa kanyang kabutihan at

kaluwalhatian, ngayon at magpakailan pa man.

Sa aming mga magulang, sa kanilang walang sawang pagsuporta at

pagmamahal. Kung ano mang bagay, materyal o espiritwal ang mayroon

kami ngayon ay utang namin sa kanila. Sila ang nagsilbing inspirasyon, at

gumabay sa amin sa lahat ng pagkakataon. Sa mga magulang ni Princess

Alvarez, sa kanilang pagpayag na gamitin ang kanilang munting tahanan

upang mayroon kaming lugar sa aming paggawa ng pag-aaral na ito. Sa

aming mga magulang, dahil naiintindihan nila ang aming pag-uwi ng mas

huli kaysa sa aming tamang oras ng pag-uwi. At sa pang-unawa sa amin

dahil kung minsan ay hindi na namin nagagawa ang gawaing bahay na

nakaatas sa amin.

Sa aming guro sa ZFI 112, Propesor Enrico M. Pilongo. Maraming

salamat sa walang sawang pagtuturo at pagsuporta sa aming ginawang

pananaliksik. . Kung hindi dahil sa inyo ay hindi namin magagawa ang pag-

aaral na ito ng wasto at tama. At salamat rin sa pagtuturo sa amin ng tunay

na kahulugan ng pagiging mananaliksik.

Page 4: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

4

Sa aming mga kaibigan, sa kanilang pagsuporta at pagtitiwala na

magagawa namin ang pag-aaral na ito. Sa pagtulong sa mga oras na

kailangan namin ng tulong at pagsagot sa mga tanong namin. Ang kanilang

ginawang mga suwestyon at puna sa aming ginawang pag-aaral ay labis

na nakatulong sa aming ginawang pananaliksik. Sa mga taong sumagot sa

aming ginawang serbey, sa aming mga kaibigan na draybers. Sa aming

butihing kaibigan na si Bb. Mary Paulene Omae San Miguel, mag-aaral ng

Journalism sa unang taon ng Polytechnic University of the Philippines, na

tumulong sa amin na magsagawa ng serbey sa nasabing pamantasan. Sa

mga propesyunal na naglaan sa amin ng kanilang mahalagang oras upang

sagutan ang nasabing serbey. At sa aming mga kaklase sa pamantasang

ito. Maraming salamat, dahil kung hindi dahil sa inyo ay hindi namin

magagawa ang pag-aaral na ito.

- Mga Mananaliksik

Page 5: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

5

Abstrak

Pamagat: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng

“tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at

properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan.

Mananaliksik: Princess Joy T. Alvarez Jan Paulene F. Cacnio

Ellaine Jewel G. Baño Ma. Katrina M. Camilon

Alexander Nicole P. Sabillo

Paaralan: University of the East Caloocan

Taon: 2013

Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang dalawang uri ng peryodiko, ang

“tabloid” at “broadsheet” upang malaman kung ano sa dalawang nabanggit ang mas

epektibo sa mga mambabasa.

Mga Natuklasan

1. Ang mga mag-aaral ng AB Communication Arts na nasa unang taon S.Y. 2012-

2013 ay nakakuha ng kaalaman ukol sa mas epektibong pahayagan sa tabloid at

broadsheet.

2. Ang mga kababayan nating jeepney drayber ay mas nagbabasa ng pahayagan

kumpara sa ating mga kababayanag bus at FX drayber.

3. Mas binabasa ng ating mga kababayang jeepney drayber ang tabloid dahil mas

naiintindihan nila ito at mas naaayon sa kanilang pamumuhay.

4. Ang mag kababayan nating mga propesyunal naman ay mas binabasa ang

broadsheet dahil ayon sa kanila mas kumpleto ang mga balitang nakukuha dito.

5. Lumabas din na ang mga mag-aasral ng CA sa pamantasan ng Silangan at ng

Journalism sa Poleteknikong Pamantasan ng Pilipinas na hindi na sila gaanong

sumasangguni sa pahayagan dahil sa modernong teknolohiya.

Page 6: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

6

6. Ang ibang mag-aaral ng Pamantasan ng Silangan at Poleteknikong Pamantasan

ng Pilipinas na sumasangguni pa sa pahayagan ay mas binabasa ang

broadsheet dahil ayon sa kanila ay mas kumpleto ang impormasyon at balitang

makukuha dito.

Mga Konklusyon

Mas madalas magbasa ng pahayagan ang ating mga kaibigang jeepney drayber

dahil na rin sa mas madali ang pagbili ng pahayagan sa kanila. Sa mga terminal

kasi ay medaling bumili.

Mas madaming dyipni draybers ang nagbabasa ng tabloid dahil sa mas madali

itong bilhin at mura sa presyo kung ikukumpara sa broadsheet.

Mas sapat ang nakukuhang impormasyon sa broadsheet kaysa sa tabloid dahil

mas kumpleto ito ng bahagi.

Mas madaming balita ang malalagay at mas makatotohanan ang mga nakalagay

sa broadsheet.

Mas epektibo din ang broadsheet sa pangangalap ng balita dahil buong-buo ang

impormasyon na mahahanap dito, hindi naka “summary” ang mga balita at

nakasaad dito ang bawat detalye ng pangyayari.

Mas nakukuha din ng mabilis ang impormasyong iyong nais malaman sa

broadsheet dahil na kaayos na ito batay sa katigorya.

Mas pinagkakatiwalaan ang balitang nasa broadsheet dahil mas makalidad ang

mga kinukuhang manunulat.

Mga Rekomendasyon

1. Iniririkumenda ng mga mananaliksik na tangkilikin ng mga mambabasa ang broadsheet sa kadahilanang mas kumpleto ang laman, impormasyon at balitang makukuha dito.

2. Tangkilikin natin ang mga pahayagan sa ating bansa upang hindi ito mawala sa ating sistema.

3. Basahin natin ang mga pahayagan lalo na ang broadsheet upang maibalik ang kagustuhan ng mga kabataan ngayon sa pagbabasa.

Page 7: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

7

Talaan ng Nilalaman

Pahina ng Pamagat………………………………………………………….i

Pahina ng Pagpapatibay…………………………………………………….ii

Pagpapasalamat……………………………………………………………..iii

Kabanata 1: ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO Buod………………………………………………………………………….1

Panimula……………………………………………………………………...1-3

Paglalahad ng Suliranin………………………………………………………3

Hinuha………………………………………………………………………..3

Disenyo ng Pananaliksik……………………………………………………...4

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………….4

Instrumentong Ginamit……………………………………………………….4

Kasaklawan at Limitasyon……………………………………………………4-5

Kabanata 2: MGA KAUGNAY NA PANITIKAN Kaugnay na Panitikan………………………………………………………..13

Kabanata 3: METODOLOHIYA Metodolohiya…………………………………………………………………6

Disenyo ng Pananaliksik……………………………………………………....6

Pangangalap ng Datos………………………………………………………...6-7

Paraan ng Sampling…………………………………………………………...7

Instrumento ng Pananaliksik…………………………………………………..7-8

Kabanata 4: PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA RESULTA

AT TALAKAYAN Pagbabasa ng pahayagan …………………………………………………………9

Anong uri ng pahayagan ang mas binabasa ng nakakarami ……………………..10

Anong uri ng pahayagan mas kakikitaan ng kumpletong impormasyon…………11

Mga Isinasa alang-alang ng mga mambabasa.....................................................…12

Kabanata 5: IMPLIKASYON, KONGKLUSYON AT

REKOMENDASYON Implikasyon………………………………………………………………….12

Konklusyon………………………………………………………………….12-13

Rekomendasyon……………………………………………………………..13

Talasanggunian………………………………………………………………13

Dagdag na dahon A-Talatunugan……………………………………………13

Dagdag na dahon B-Resume…………………………………………………14

Page 8: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

8

Talaan ng Talahanayan

Talahanayan Blg. 1-Mga indibidwal na naging kalahok sa pag-aaral(Bahagdan)........................5

Resulta ng Sarbey(Numerikal) Talahanayan Blg. 2- Pagbabasa ng pahayagan………………………………………………….9

Talahanayan Blg. 3- Uri ng Pahayagan na mas binabasa ng nakararami……………………….10

Talahanayan Blg. 4-Uri ng Pahayagan na nakikitaan ng kumpletong impormasyon…………...11

Talahanayan Blg. 5-Mga isinasaalang-alang ng mga mambabasa………………………………12

Page 9: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

9

Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at

“broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal,

mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan.

Ang tabloid at broadsheet ay isang uri ng pahayagan. Ang pahayagan ay isa sa

ating pinagkukunan ng impormasyon at balita sa ating pang araw-araw na pamumuhay.

Masasabing kadikit na nga daw ito ng ating buhay. Kabilang sa tradisyong Pilipino na

sinasabuhay simula pa ng dumating ang mga mananakop na Español. Upang malaman

kung ano ang mas epektibo sa dalawang uri ng pahayagan, isang pag-aaral ang

isinagawa kasama ang Isang daan (100) katao na may iba’t-ibang estadao sa buhay

bilang respondente sa nasabing pag-aaral. Ang bawat respondent ay binigyan ng

servey form na naglalaman ng walong (8) katanungan. Lumalabas sa aming

pananaliksik na mas madalas magbasa ng pahayagan ang ating mga kaibigang

jeepney drayber, dahil na din sa mas madali ang pagbili nila ng dyaryo. Lumalabas din

na bagamat mas madami sa atin ang nagbabasa ng tabloid, mas kompleto pa din ang

imposmasyon na nakakalap sa broadsheet, dahil una (1) mas kompleto ito ng mga

bahagi, at pangalawa (2) makakaasa ka na ang balita at impormasyon iyong makukuha

dito ay totoo at tama. Dahil kinukuha ito sa mismong source ng balita. Isa din ito sa

sinasaalang-alang ng mga mambabasa. Ang nilalaman ng pahayagan kung ito ba ay

tama.

Panimula:

Kabilang na sa pang-araw araw

na pamumuhay ng mga Pilipino ang

pagbabasa ng dyaryo. Isa na itong ritwal

tuwing umaga kasama ng paghigop ng

mainit na kape na samahan pa ng

monay o kaya’y mainit na pandesal.

Nagamit na din itong paraan ng

pagpapahayag ng damdamin noong

panahon ng kastila. Naging tulay sa

pagmamahayag ng saloobin ng mga

bayaning naging dahilan upang lumaya

sa mga mananakop na dayuhan. Ito rin

ay pangunahing pinagkukunan ng

impormasyon ng ating mamamayan.

Kaalintabay ng pakikinig sa radyo o di

kaya ay panunuod sa telebisyon.

Ano ba ang Tabliod? Ang tabloid

ay isang uri ng pahayagan na mayroong

mas maliit na sukat kaysa sa

broadsheet. At karaniwang binibigyang

pansin ng mga artikulo nito ay ulat

Page 10: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

10

tungkol sa krimen, hula o zodiac signs,

at balita tungkol sa mga artista na

karaniwan ay stismis lamang.

Ang Broadsheet naman ay isang

uri din na peryodiko at ang pinakamalaki

sa uri nito. At ito din ang mayroong

madaming pahina. Kinalalamnan ito ng

mas madami at kompletong

impormasyon.

Ang broadsheet ay ang pinaka

kilalang format ng diyaryo, na tipikal na

11-12 pulgada ang lapad at mahigit 20

na pulgada ang haba. Karaniwan sa

mga broadsheet ay meron 6 na hanay.

Ang tabloid naman ay may sukat na 11

X 17 na pulgada at meron 5 hanay. Mas

makipot kumpara sa broadsheet. Dahil

sa mas maliit ang tabloid, ang nilalaman

nito ay mas kakaunti kumpara sa mga

istoryang nilalaman na makikita sa

broadsheet.

Makikita ang matalas na

pagkakaiba ng broadsheet at tabloid sa

usapin ng pagpili ng istorya. Dahil

karaniwang sentro ng istorya ng tabloid

ay krimen at showbiz. Karaniwan din

itong gumagamit ng mga bulgar na

salita na ang mga tao sa alta sosyalidad

ay hindi maiintindihan. Bagamat ang

isang karaniwang Pilipino ay madaling

makakaintindi o makakabasa nito.

Mayroon din itong bilang na parte kaya

limitado lamang ang mga nakalagay

dito. Dahil din sa maliit ito at kulang sa

espasyo kaya kakaunti lamang ang

balitang nakalagay dito. Samantalang

ang broadsheet naman ay nakasentro

sa madaming aspeto. Madami kasi itong

bahagi kaya madaming istorya ang

malalaman. At hindi lang ito nakasentro

sa showbiz at krimen dahil mayroon din

itong mga parte para sa iba pang balita.

Gaya nalang ng word new, TV guide,

classified ads, editoryal atpb. Pero hindi

naan puro balita lang ang laman nito,

kahalintulad ng tabloid. Mayroon din

itong panglibangan kagaya ng word

search, sudoko at cross word puzzle.

Isa pang pinagkaiba ng dalawang

nasabing pahayagan ay ang istilo ng

panunulat. Wala naman gaanong

pagkakaiba maliban na lamang na ang

broadsheet ay karaniwang nakasualat

sa ingles. Samantalang ang tabloid

naman karaniwang nakasulat sa

tagalog.

Sa kabuuan, ang layunin ng pag-

aaral na ito ay upang pagkomparahin

ang dalawang uri ng peryodiko (tabloid

at broadsheet) upang malaman ng

mambabasa kung ano ang mas

Page 11: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

11

epektibo at mas mainam basahin sa

dalawang peryodikong nabanggit.

Suliranin

Parte na ng pang araw araw na

buhay ng mga Pilipino ang pagbabasa

ng dyaryo. Ang pag-aaral na ito ay

naglalayong malaman ang pagkakaiba

ng istilo ng panulat ng mga mamahayag

at malaman kung saan mas may

nakukuhang tama at kumpletong

impormasyon ang mga mambabasa.

Ang pag-aaral na ito ay

naglalayong matugunan ang mga

sumusunod na katanungan:

1.1 Sapat ba ang nakukuhang

impormasyon sa peryodiko?

1.2 Ano ang mas epektibong

gamitin sa pangangalap ng

balita o impormasyon?

1.3 Nakabasa ka na ba ng mga

salitang hindi pamilyar na

ginagamit sa pang-araw

araw?

1.4 Nakukuha ba agad ang mga

impormasyon na nais

malaman?

1.5 Anu-ano ang isinasaalang-

alang ng mga mambabasa kapag

nagbabasa ng pahayagan?

Hinuha

Mas madami ang tumatangkilik at

nagbabasa ng broadsheet kaysa sa

tabloid dahil mas kumpleto ang mga

datos na naririto. Walang binabastos at

hindi gumagamit ng mga salitang bulgar

dahil ito ay nakasulat sa paraang

pormal.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit

ng paglalarawan at mapanuring paraan

ng pananaliksik upang matukoy o

matuklasan ang mas epektibong

babasahin o peryodiko. Sa

pamamaraang ito, ang mga

impormasyon na hango sa iba't-ibang

nakalap na literatura ay maayos na

nabigyang paliwanag at naiuri ayon sa

kanilang saklaw. Nakapaloob na rin sa

isinagawang pagsusuri na ito ang mga

resultang kaugnay ng pag-aaral. Sa

pananaw ng mga mananaliksik, ang

pamamaraang ito ang nararapat at

pinakamabisang gamitin. Ito ay

sapagkat sa paggamit ng nasabing

paraan ay maaaring mailarawan ang

kasalukuyang sitwasyon o kalagayan ng

pananampalataya ng mga kabataan, at

Page 12: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

12

ginagawang posible ang pagsusuri o

pag-aanalisa ng mga natuklasan batay

sa mga nakalap na datos.

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay

makakatulong sa pag-aaral at

pananaliksik ng mga susunod na

henerasyon lalo na ang mga mag-aaral

na sumasangguni sa dyaryo. Higit sa

lahat ay ang mga mag-aaral ng

Journalism Makaktulong din ito upang

malaman kung anong uri ng pahayagan

mas kapupulutan ng maayos at tapat na

balita.

Pamamaraan

Instrumentong ginamit

Ang mabisang pagsasagawa ng

pag-aral na ito ay sa pamamagitan ng

talatanungan o questionnaires. Ang

nasabing questionnaire ay binubuo ng

anim (6) na katanungan na karaniwang

masasagot ng oo o hindi. Sadyang

ganito uri ng questionnaire ang

ginawang estilo ng mga mananaliksik ay

upang mas madaling malaman ang

datos at mas medaling sagutan. Ang

pagbuo at pag balangkas ng mga

katanungan na nahandirito ay nakabase

sa mga suliranin na nabanggit at

bibigyan ng kasagutan

Kasaklawan at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay

sumasaklaw sa istilo ng pagsusulat ng

artikulo ng mga manunulat sa dalawang

uri ng peryodiko, ang broadsheet at

tabloid, kabilang din sa pag-aaral na ito

kung anong uri ng peryodiko sa

dalawang nabanggit ang mas binabasa

ng mamamayan, mas naiintindihan at

nakakakuha ng mas mainam na

impormasyon. Ang mga mananaliksik ay

nagsarbey ng isangdaang (100) katao

mula sa iba’t-ibang uri ng mamamayan

ng ating lipunan. Kabilang dito ang mga

estudyante ng Pamantasan ng Silangan

at P.U.P., mga propesyonal at mga

draybers.

Pagpili ng mga respondente

Ang mananaliksik ay nagserbey

sa Isangdaan at limangpung katao

(150) na kinabibilangan ng iba’t-ibang

antas ng tao sa lipunan.

Kinabibilangan ito ng mga estudyante

ng Journalism mula sa Polytechnic

University of the Philippines na nasa

unang baitang sa kolehiyo, estudyante

Page 13: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

13

ng Communication Arts mula sa

Pamantasan ng Silangan na nasa

mataas na baitang, mga propesyonal

na kinabibilangan ng mga guro,

duktor, mangangalakal, atbp., at mga

namamasada ng jeep. Napili ang

mga sumusunod na respondente dahil

ayon sa aming pananaliksik at ayon

na din sa aming obserbasyon. Ang

mga sumusunod ay ang mga

madalas na nagbabasa ng dyaryo.

TALAHANAYANG Blg. 1: Mga indibidwal na naging kalahok sa pag-aaral

Respondente Bilang ng respondente

Porsyento (%)

Estudyante ng Journalism

mula sa PUP.

25

25%

Estudyante ng Comm Arts mula sa UE.

25

25%

Mga propesyonal na kinabibilangan

ng guro, duktor, mangangalakas

atbp.

25

25%

Namamasada ng Jeep.

25

25%

Kabuuan

100

100%

Page 14: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

14

METODOLOHIYA

Ang paraang ginamit ay paalarawan kung saan ipinakita ang pagkakaiba at

pagkakaarehas ng dalawang uri ng pahayagan.

DISENYO NG PANANALIKSIK

BALANGKAS ng “Komparatibong pag-aaral sa istilo ng pagsusulat ng

Broadsheet at Tabloid ”

NAKALAP

Mga datos kung saan

nagpapakita ng

pagkakaiba at

pagkakaparehas ng

peryodikong tabloid at

broadsheet,pagiging

epektibo ng bawat isa sa

mga mamamayan.

NATUKLASAN

Ang mga mananaliksik ay

nagkaroon ng kaalaman

tungkol sa pagkakaiba at

pagkakaparehas ng dalawang

peryodikong nabanggit.

Nalaman din kung anong uri

ng peryodiko ang mas

mainam basahin, gamitin at

epektibo.

Pagkuha at

paghahanap ng mga

lathalain na may

kaugnay sa tabloid.

Sa tulong nito,

makakagawa ng mga

katanungan na

ilalagay sa sarbey.

Pagkuha ng mga

respondante na

kakailanganin upang

masagutan ang mga

tanung na inilagay sa

sarbey at inihanda ng

mga mananaliksik.

Page 15: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

15

PANGANGALAP NG DATOS

Ang mga datos na nakalap ay

nagpapakita ng pagkakaparehas at

pagkakaiba ng mga peryodikong tabloid

at broadsheet. Sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito malalaman ng mga

mamamayan ang mga nakukuhang

kaalaman sa tabloid at broadsheet,

malalaman din dito kung anong

pahayagan ang mas epektibo at mas

binabasa ng karaniwang tao. Upang

makuha ang mga datos na

kinakailangan at ang importanteng mga

impormasyon, nagsagawa ang mga

mananaliksik ng paghahanap ng mga

lathalain na may kaugnayan sa mga

pahayagang broadsheet at tabloid. Ang

mga impormasyon na nakalap at

nakuha mula sa internet, mga libro at

mga pahayagan ay lubos na nakatulong

upang maisagawa ng maayos at

makakalap ng sapat na impormasyon.

Sa pamamagitan nito, nakabuo ang

mga mananaliksik ng mga katanungan

na nakatulong upang makagawa ng

isang sarbey. Mula sa nagawang

survey, ipinamahagi ito sa mga

estudyante, propesyonal at mga

draybers. Pagkatapos nito ay muling

kinalap ang mga survey form, ito ay

itinala at binilang upang magamit sa

estatistikong pag-aaral.

PARAAN NG SAMPLING

Ang mga mananaliksik ay

kumuha ng mga respondante na mula

sa mga propesyonal (25), draybers (25

)at mga estudyante (50) na binubuo ng

isandaang katao (100), ang pagpiling

naganap ay binase sa mga tao na

kumpirmadong nagbabasa ng

pahayagan. Karamihan naman sa ating

mga mamamayan ay nagbabasa ng

pahayagan ngunit ang mga

mananaliksik ay nagpokus sa mga

taong na mas madalas magbasa ng

pahayagan. Ang kwalipikasyon ay

umikot lamang sa mga respondanteng

propesyonal, estudyante at draybers. Sa

ganitong paraan, malalaman kung

anong pahayagan ang mas binabasa ng

mga nasabing respondante ayon sa

kanilang propesyon at trabaho. Sa

ganitong paraan ang magiging resulta

ay magiging katotohanan sapagkat

magpapakita ito ng tunay na kasagutan

ng bawat mambabasang respondate at

malalaman rin rito dito ang mga

pagkakaiba ng pahayagang tabloid at

broadsheet.

Page 16: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

16

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Sa pag-aaral na ito, ang

pangunahing ginamit na instrumento ay

pangangalap ng datos na naging daan

upang makagawa ng mga tanong para

sa serbey na gagaawin. Ang burador ng

palatanungan ay ginawa at ipinasuri sa

aming Propesor , para sa mga

mahahalagang komento, puna, at

mungkahi. Ginawa ito upang mas

mapaunlad ang mga katanungan at mai-

tama ang mga mali sa naturang

palatanungan sa serbey. Ang

palatanungan ay naglalaman ng bating

panimula. Nakasaad din dito ang

paghingi ng pahintulot sa mga

respondante bago nila sagutin ang mga

tanong. Ito ay kinalolooban ng walong

(8) katanungan na naglalayong alamin

ang saloobin ng mga mambabasa ukol

sa dalawang uri ng pahayagan. Ang

pagbuo ng mga katanungan ay ibinatay

sa pahayag ng suliranin upang makalap

ang mga impormasyon at reaksyong ng

mga mambabasa na kailangan sa

pananaliksik.

Mga Resulta at Talakayan

Gaano kadalas magbasa ng

pahayagan

Dahil nga sa iba’t-ibang uri at

estado sa buhay ang aming

pinagserbeyan, iba’t-iba ang

kasagutang nakuha ng mga

mananaliksik. Lumalabas sa datos na

aming nakalap na mas madalas

magbasa ng pahayagan ang ating mga

kaibigang jeepney drayber. Naging

bahagi na kasi ito ng kanilang

pamumuhay, habang nasa terminal at

naghihintay ng kanilang byahe ang

pahayagan na ang nagsisilbi nilang

libangan. Isa pa, madali ang pagbili para

sa kanila ng pahayagan. Dahil madami

ang mga nagtitinda nito sa kanilang mga

terminal. Lumalabas din na ang mga

estudyante ng CA sa Pamantasan ng

Silangan at ng Journalism sa

Polytechnic University of the Philippines

ay hindi gaano sumasangguni sa mga

pahayagan. Dahil na rin sa modernong

teknolohiya ngayon, ang ating mga

kabataan ay nakakakuha na ng balita at

impormasyon sa pamamagitan ng

telebisyon at lalong lao na sa mga

“social networking sites” na madalas

gamitin ng mga kabataan ngayon.

Page 17: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

17

Karamihan na kasi sa mga kabataan

ngayon ay lagi ng nakabatay sa

kompyuter, hindi rin nawawala sa

kanilang araw-araw na gawain. Ang

mga guro naman at mga propesyunal

na aming nakalapan ng datos ay

ganoon din. Dahil na nga sa umuunlad

na teknolohiya, karamihan sa mga

propesyonal ay hindi na nagbabasa at

nakakapgbasa ng pahayagan bagkus ay

nakikinig na lamang sa radio o di kaya

ay nanunuod nalang sa telebisyon. Mas

komportable kasi ito. Pwede kang may

ginagawang iba habang nakikinig ng

balita (Multi tasking). Lalung-lalo na ang

ating mga guro dahil madami silang

ginagawa ng mga papeles sa paaralan,

wala na silang panahon o oras

upang makapagbasa pa. Sa mga

gurong maraming gingawang gawain na

pampaaralan, mas pinipili nila kung

saan magiging praktikal at episyente

ang kanilang oras at Gawain.

TALAHANAYAN Blg. 2: Pagbabasa ng pahayagan

Araw-araw Minsan isang

linggo

Minsan isang

buwan

Hindi ako

nagbabasa

Kabuuan

Bilang % Bilang % Bilang % Bilang %

Propesyunal

13

52%

10

40%

1

4%

1

4%

25 – 100%

Mga mag-aaral

ng P.U.P.

4

16%

17

68%

4

16%

-

0%

25 – 100%

Mga mag-aaral

ng Pamantasan

ng Silangan

14

56%

6

24%

4

16%

1

4%

25 – 100%

Drayber

22

88%

2

12%

-

0%

-

0%

25 – 100%

Pahayagan na kanilang binabasa

Kung susuriin naman ang resulta

ng sarbey tungkol kung anong uri ng

pahayagan ang kanilang binabasa,

lumalabas dito na nakadepende ito sa

uri ng taong magbabasa katulad na

lamang sa mga draybers. Lumabas sa

sarbey na mas malaking poryento ng

ating mga draybers ang nagbabasa ng

tabloid. Sa kadahilanang mas

convenient ito dalhin dahil sa maliit na

sukat nito, mas naaagaw nito ang

kanilang pansin dahil sa mga larawang

Page 18: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

18

nakapaloob dito, ang mga ginagamit na

salita rito ay mababaw lamang at hindi

mahirap intindihin at higit sa lahat mas

mura ito kaysa sa broadsheet. Salungat

naman ito sa lumabas na resulta sa

mga propesyonal na nagbabasa ng

pahayagan, mas pinipili nilang basahin

ang broadsheet, dahil nga kung gaano

naman kalaki ito, siksik naman ito sa

kaalaman at nilalaman. Hindi ito

gumagamit ng bulgar na mga salita.

Dahil nga ang mga propesyonal ay

sinusuri ang bawat nilalaman mas

kapaki-pakinabang ito para sa kanila,

nakakatulong rin ito upang mahasa lalo

ang iyong kakayahan sa pagbabasa at

pagsasalita sa wikang ingles. Kung

susumahin, ang mas mataas na presyo

ng tabloid ay worth it naman dahil sa

siksik, liglig at umapaaw na mga

nilalaman nito

TALAHANAYAN Blg. 3: Anong uri ng pahayagan ang mas binabasa ng

nakakarami

Propesyunal Mag-aaral ng

P.U.P

Mag-aaral ng Pamantasan ng

Silangan

Drayber

Bilang % Bilang % Bilang % Bilang %

Tabloid

8

32%

5

20%

6

24%

17

68%

Broadsheet

17

68%

20

80%

19

76%

8

32%

Kabuuan

25

100%

25

100%

25

100%

25

100%

Saang pahayagan ng pahayagan mas

makakakuha ng kompletong

impormasyon.

Ayon na din sa nakalap ng datos

ng mananaliksik. Mas makakakuha ka

ng kompletong impormasyon sa

broadsheet. Dahil na din sa ang tabloid

ay di hamak na mas maliit ang espasyo

kaysa sa broadsheet. Mas madami ang

malalaman dito na balita. Isa pa,

kompleto din ang mga bahagi ng

broadsheet.

Kabilang na dito ang editoryal kung

saan makikita ang saloobin ng mga

manunulat patungkol sa isang paksa.

Sports section kung saan mo

Page 19: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

19

matatagpuan ang pinaka bagong balita

tungkol sa isports. Meron din itong world

news na seksyon kung saan mo

makikita ang iba’t-ibang balita sa buong

mundo. Tanging Lathalain, tinatampok

dito ang katangi-tanging artikulo na

maaaring tao, pook, pangyayari, bagay,

lunan, at kakaibang paniniwala o

panuntunan sa buhay

(www.answers.com). Meron din itong

Entertainment section ngunit hindi

kasing dami ng nasa tabloid. Dahil mas

kinauukulan nito ng pansin ang mas

mahahalagang balita. Ngunit, hindi lang

naman puro balita ang laman ng

broadsheet, meyroon din itong

panglibangan kung saan kinalolooban

ito ng mga cross word puzzles, Sudoku,

word search atpb.

TALAHANAYAN Blg. 4: Anong uri ng pahayagan mas kakikitaan ng

kumpletong impormasyon

Propesyunal Mag-aaral ng

P.U.P

Mag-aaral ng Pamantasan ng

Silangan

Drayber

Bilang % Bilang % Bilang % Bilang %

Tabloid

2

8%

-

0%

-

0%

8

32%

Broadsheet

23

92%

25

100%

25

100%

17

68%

Kabuuan

25

100%

25

100%

25

100%

25

100%

Ano ang isinasaalang-alang ng

mambabasa?

Ang isinasaalang-alang ng mga

mambabasa, batay sa resulta ng

isinagawang sarbey ng mga

mananaliksik, ay ang nilalaman ng

mismong pahayagan. Sumusunod sa

listahan ay ang Pangalan ng pahayagan

at ng sumulat nito. Dahil mayroong mga

tao na namimili din ng pangalan o ng

brand ng pahayagan na babasahin.

Dahil naniniwala ang ilan na ang tapat

Page 20: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

20

na balita ay nakasalalay din sa tapat na

pahayagan at mapagkakatiwalaang mga

mananaliksik at manunulat. Marahil ay

dala na din ng komersyalismo ng mga

Pilipino at ng mga sabi sabi ng mga

taong mapagkakatiwalaan. Kahalintulad

na lamang ng mga palabas sa

telebisyon

TALAHANAYAN Blg. 5: Mga Isinasa alang-alang ng mga mambabasa

Nilalaman Convenience Pangalan ng Tabloid/Broadsheet

o ng sumulat

Itsura/ayos front page

Kabuuan

Bilang % Bilang % Bilang % Bilang

Propesyunal 24 96% - - 1 4% - - 25 – 100%

Mga mag-

aaral ng

P.U.P.

21

84%

1

4%

1

4%

2

8%

25 – 100%

Mga mag-

aaral ng

Pamantasan

ng Silangan

19

76%

4

16%

2

8%

-

-

25 – 100%

Drayber

19

76%

4

16%

2

8%

-

-

25 – 100%

Page 21: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

21

Kongklusyon, Implikasyon, at

Rekomendasyon

Ayon sa resulta na ginawang

pag-aaral. Mas sapat ang nakukuhang

impormasyon sa broadsheet kaysa sa

tabloid dahil mas kumpleto ito ng

bahagi. Mas madaming balita ang

malalagay at mas makatotohanan ang

mga nakalagay dito. Mas epektibo din

ang broadsheet sa pangangalap ng

balita dahil buong-buo ang

impormasyon na mahahanap dito, hindi

naka “summary” ang mga balita at

nakasaad dito ang bawat detalye ng

pangyayari. Mas nakukuha din ng

mabilis ang impormasyong iyong nais

malaman sa broadsheet dahil na kaayos

na ito batay sa katigorya. May mga

parte ang broadsheet na iyon lamang

hahanapin para makita ang

impormasyong iyong gustong malaman.

Halimbawa, gusto mong maghanap ng

trabaho o mga binebentang ga ari-arian

ay pupunta ka lamang sa “Classified

Ads” ng broadsheet kung saan nakatala

ang mga naghahanap ng trabahador.

Mas pinagkakatiwalaan ito dahil mas

makalidad ang mga kinukuhang

manunulat. Hindi rin ito gumagamit ng

mga salita o mga larawang hindi

maaaring ipabasa o ipakita sa mga bata

o sa mga wala pa sa hustong edad.

Kung impikasyon naman ang

pagbabasehan, mas malaki ang sukat

nito kaysa sa tabloid, nasa wikang

ingles ito nakalimbag at mas mahal ito

kaysa sa pahayang tabloid.

Inererekomenda ng mga

mananaliksik na mas magbasa o mas

sumangguni sa broadsheet kaysa sa

tabloid. Bagamat ang parehong uri ng

pahayagan ay nagbibigay impormasyon

sa atin, ang broadsheet ay mas

nagbibigay ng kumpleto at angkop na

impormasyon na ating magagamit sa

araw-araw. Makakatulong din ito upang

maging updated tayo sa nangyayari

hindi lamang sa loob pati na rin sa labas

na ating bansa. Maipapabasa rin ito sa

ating mga kabataan dahil wala kang

kailangang iwasan na bulgar na mga

salita o malalaswang imahe.

Makakatulong din ito upang mas

mapalawak ang ating komprehensyon

sa mga salitang ingles at masanay sa

pagbabasa at pagsasalita ng wikang ito.

Malaki man ang sukat ng pahayagang

ito, at mas mahal. Mas marami naman

ang makakalap at makukuhang

impormasyon na angkop para sa

panlasa at hinahanap-hanap ng masang

Pilipino.

Mga Sanggunian:

Page 22: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

22

www.answers.com

Sterling, Christopher H.

Encyclopedia of Journalism. Vol. 1.

Hinango noong, Disyembre 15, 2012,

mula sa:

file:///C:/Users/MA25D2~1.KAT/AppData

/Local/Temp/Encyclopedia%20of%20Jo

urnalism%20%20Google%20Mga%20a

klat.htm

Apendiks

Serbey

Isang mapagpalang araw sa iyo

kaibigan. Kami, ay mga estudyante ng

ABCA sa Pamantasan ng Silangan ay

humihingi ng pahintulot upang sagutin

ang mga sumusunod na katanungan na

may kaugnay sa aming ginagawang

pananaliksik hinggil sa pamamaraan ng

pagsusulat at sa tabloid at broadsheet.

Ang inyong pagsagot sa mga

sumusunod na katanungan ay malaking

bagay sa aming ginagawang

pananaliksik.

Apendiks

Serbey

Pangalan (Opsyonal):_____________

Edad:___________________

Propesyon/Kurso/Trabaho:_________

Panuto: Lagyan ng tsek ang katapat na

kahon na kumakatawan sa iyong sagot.

1. Gaano ka kadalas magbasa ng

pahayagan?

Araw-araw

Minsan isang lingo

Minsan sa isang buwan

Hindi ako nagbabasa

2. Anong uri ng pahayagan ang

iyong binabasa?

Tabloid

Broadsheet

3. Sapat ba ang impormasyong

iyong nakukuha sa iyong

binabasang pahayagan?

Oo

Hindi Masyado

Hindi

Page 23: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan

23

4. Kumpleto ba ang bahagi ng iyong

pahayagang binabasa?

Oo

Hindi

5. Saan ka makakabasa ng mas

kompletong impormasyon?

Tabloid

Broadsheet

6. Nakakabasa kana ba ng mga di

pangkaraniwang salita na hindi

kadalasang ginagamit araw-

araw?

Oo

Hindi

7. Sa iyong palagay, ano ang mas

magandang basahin?

Tabloid

Broadsheet

8. Ano ang iyong isinasaalang-

alang mo kapag nagbabasa ng

pahayagan?

Nilalaman

Convenience

Pangalan ng

Tabloid/Broasheet

o ng sumulat

Itsura/ayos ng front page

Maraming salamat at mabuhay po

kayo!