Hanggang Pangarap Lang Ba

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/6/2019 Hanggang Pangarap Lang Ba

    1/1

    Hanggang Pangarap Lang Ba?

    Hanggang pangarap lang bang maituturing ang kaunlarang minimithi?

    Hanggang pangarap lang bang tumira sa isang bansang tahimik?

    Hanggang pangarap lang bang mamuhay sa mundong walang away at pighati?

    Hanggang pangarap lang bang buhay natiy gumanda?

    Pag-isip-isipan natin disisyong ating nagawa,

    Pagmunimunihan natin ang ating mga sinasabi,

    May punto ba ang ating nawika?

    Nakapagpabuti ba ito, kaysa dati?

    Mga kaibigan, kababayan at kapatid,

    Nasisira na ang mundo at ekonomiya,

    May mga taong nanahimik lang at ang iba ay nagmumura,

    Saan ka nabibilang sa dalawa?

    May isang bagay akong napansin habang akoy lumalaki,

    Isang katotohanang kalimitay hindi natin napapansin,

    Na ang ating ugali ay kadalasang sanhi,

    Ng pagkasira ng mundo at ekonomiyang, dapat sanay papalakasin.

    Mundoy nasisira dahil sa kawalan natin ng displina,

    Tapon roon, tapon dito,

    Aksaya doon, aksaya dito,

    Hindi na natin iniisip kung ano ang kahihinatnan.

    Kasabay ng pagkasira ng mundo, sinisira din natin ang ekonomiya,

    Kauupo pa nga lang ng mga opisyales sa pamamahalaan,

    Kadalasay negatibo na ang sinasabi,

    Na mas lalong nagpapababa sa pamahalaan.

    Hanggang pangarap lang bang maituwid natin ito?

    Hanggang pangarap lang bang mamuhay ng panatag?

    Hanggang pangarap lang bang tumira sa loob ng isang mundo at ekonomiyang napakaganda?

    Hanggang pangarap lang ba ang mga pangarap na ito?