2
Pag-IBIG Fund, kadamay mo sa buhay… Iisa ang layunin ng Pag-IBIG Fund – ang makatulong na iangat ang kabuhayan ng mga miyembro nito sa tulong ng pag-iimpok at pagbibigay ng tulong pinansyal para sa pabahay. Muling ipinamalas sa atin ang kagandahan ng pag-iimpok sa Pag-IBIG – ang matapat na paghuhulog ng monthly savings at pagbabayad ng amortization -- sa kwento ni Lourdes Rabe, isang OFW sa Hong Kong. Taong 2005 ng magrehistro sa Pag-IBIG Fund si Lourdes. At matapos ng apat na taon ay nakabili siya ng bahay at lupa sa isang subdivision sa Marilao, Bulacan sa tulong ng Pag-IBIG Housing Loan Program. Masaya si Lourdes dahil isa-isa nang natutupad ang kanyang mga pangarap, salamat sa Pag-IBIG Fund. Ika-4 ng Abril, 2012. Habang naglalakad si Lourdes sa may tapat ng isang apartment building sa Taikoo Shing, Quarry Bay, isang Chinese national ang tumalon mula sa bintana at bumagsak sa walang kamalay-malay na si Lourdes. Dahil dito si Lourdes Aure Rabe – 49 taong-gulang, dalaga, isang Filipinang may 14 na taong nagtrabaho bilang service staff sa Hongkong, – ay dineklarang patay sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital dahil sa multiple body injuries. Sa kabila ng pagpanaw ni Lourdes ay nanatiling buhay ang kanyang mga pangarap. Noong Agosto 3, 2012 ay tinanggap ng kanyang kapatid na si Merlita R. Lor, mula kay ni Lourdes at ang ang mga dibidendong kinita nito, ang ₱6,000 death benefit grant, at ang mga premium na hindi nagamit sa kanyang housing loan matapos ang settlement ng Mortgage Redemption Insurance o MRI. Mahalaga ang MRI dahil tinitiyak nito na mababayaran ng buo ang housing loan sakaling mamatay ang member-borrower bago matapos ang kanyang loan term. Isa itong pagtitiyak na hindi na mahihirapan ang mga naiwan ng pumanaw sa pagbabayad ng housing loan. Kung kaya bukod sa mga benepisyong natanggap ng pamilya ni Lourdes, ay ibinigay na rin sa kanila ang titulo ng Vice President at Pag-IBIG Chairman Jejomar Binay, ang mga benepisyo ng kanyang yumaong kapatid mula sa Pag-IBIG Fund.Ito ay nagkakahalaga ng ₱112,900.00. Kabilang sa halagang ito ang kabuuang naimpok

Pag-IBIG Fund, kadamay mo sa · PDF filepaghuhulog ng monthly savings at pagbabayad ng amortization -- sa kwento ni Lourdes ... pagtupad ng kanyang mga pangarap. Hanggang sa kamatayan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pag-IBIG Fund, kadamay mo sa · PDF filepaghuhulog ng monthly savings at pagbabayad ng amortization -- sa kwento ni Lourdes ... pagtupad ng kanyang mga pangarap. Hanggang sa kamatayan

Pag-IBIG Fund,kadamay mo sa buhay…

Iisa ang layunin ng Pag-IBIG Fund – ang makatulong na iangat ang kabuhayan ng mgamiyembro nito sa tulong ng pag-iimpok at pagbibigay ng tulong pinansyal para sa pabahay. Muling ipinamalas sa atin ang kagandahan ng pag-iimpok sa Pag-IBIG – ang matapat na paghuhulog ng monthly savings at pagbabayad ng amortization -- sa kwento ni Lourdes Rabe, isang OFW sa Hong Kong.

Taong 2005 ng magrehistro sa Pag-IBIG Fund si Lourdes. At matapos ng apat na taon ay nakabili siya ng bahay at lupa sa isang subdivision sa Marilao, Bulacan sa tulong ng Pag-IBIG Housing Loan Program. Masaya si Lourdes dahil isa-isa nang natutupad ang kanyang mga pangarap, salamat sa Pag-IBIG Fund.

Ika-4 ng Abril, 2012. Habang naglalakad si Lourdes sa may tapat ng isang apartment building sa Taikoo Shing, Quarry Bay, isang Chinese national ang tumalon mula sa bintana at bumagsak sa walang kamalay-malay na si Lourdes. Dahil dito si Lourdes Aure Rabe – 49 taong-gulang, dalaga, isang Filipinang may 14 na taong nagtrabaho bilang service staff sa Hongkong, – ay dineklarang patay sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital dahil sa multiple body injuries.

Sa kabila ng pagpanaw ni Lourdes ay nanatiling buhay ang kanyang mga pangarap. Noong Agosto 3, 2012 ay tinanggap ng kanyang kapatid na si Merlita R. Lor, mula kay

ni Lourdes at ang ang mga dibidendong kinita nito, ang ₱6,000 death benefit grant, at ang mga premium na hindi nagamit sa kanyang housing loan matapos ang settlement ng Mortgage Redemption Insurance o MRI. Mahalaga ang MRI dahil tinitiyak nito na mababayaran ng buo ang housing loan sakaling mamatay ang member-borrower bago matapos ang kanyang loan term. Isa itong pagtitiyak na hindi na mahihirapan ang mga naiwan ng pumanaw sa pagbabayad ng housing loan. Kung kaya bukod sa mga benepisyong natanggap ng pamilya ni Lourdes, ay ibinigay na rin sa kanila ang titulo ng

Vice President at Pag-IBIG Chairman Jejomar Binay, ang mga benepisyo ng kanyang yumaong kapatid mula sa Pag-IBIG Fund.Ito ay nagkakahalaga ng ₱112,900.00.Kabilang sa halagang ito ang kabuuang naimpok

Page 2: Pag-IBIG Fund, kadamay mo sa · PDF filepaghuhulog ng monthly savings at pagbabayad ng amortization -- sa kwento ni Lourdes ... pagtupad ng kanyang mga pangarap. Hanggang sa kamatayan

bahay at lupa sa Bulacan, bilang patunay na ang housing loan niya sa Pag-IBIG ay nabayaran na ng MRI.

Noong nabubuhay ay umasa si Lourdes na magiging kaagapay niya ang Pag-IBIG Fund sa pagtupad ng kanyang mga pangarap. Hanggang sa kamatayan pala ay naging maaasahang karamay niya ang Pag-IBIG.

Pag-IBIG MEMBERSHIP PARA SA MGA OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Sa bisa ng Republic Act 9679, simula Enero 2010 lahat ng mga Overseas Filipino Workers, land-based o sea-based man, ay kinakailangang magparehistro sa Pag-IBIG Fund bilang miyembro. Ang minimum membership savings buwan-buwan ay P100 lamang.

T: Anu-ano ang mga benepisyo na matanggap ng isang miyembro sa Pag-IBIG?

S: Ang lahat ng miyembro ng Pag-IBIG ay makakatanggap ng mga sumusunod na benepisyo:

• Savings• Short-term loans• Abot-kayang programa sa pabahay

T: Paano magpaparehistro sa Pag-IBIG?

S: Ang mga OFWs ay maaaring magrehistro online. Pumunta lamang sa Pag-IBIG website, www.pagibigfund.gov.ph at i-click ang “E-SERVICES.”

Maaari ding magrehistro sa mga sumusunod na tanggapan:• Pag-IBIG desks na matatagpuan sa mga Philippine Embassies o consulates sa labas ng Pilipinas• Pag-IBIG Fund International Operations Group, 6/F Justine Bldg., Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City• Alinmang sangay ng Pag-IBIG sa Pilipinas• Pag-IBIG satellite office sa POEA

T: Kailan maaaring makuha ang naihulog o impok sa Pag-IBIG?

S: Maaaring makuha o ma-withdraw ng isang miyembro ang kanyang kabuuang impok sa mga sumusunod na kadahilanan:

• Membership maturity matapos ang 20 taon na pahuhulog at matapos makapaghulog ng 240 monthly savings• Retirement sa edad na 60; mandatory retirement sa edad na 65• Pagkakatanggal o pag-alis sa trabaho dahil sa permanenteng pagkabaldado, o karamdamang pangkalusugan o sa pagiisip, • Permanent departure from the country• Pagkamatay ng miyembro, kung saan ang kanyang legal heirs ang syang tatanggap ng kanyang provident benefits.

T: Anong mangyayari sa mga naimpok ng miyembro kung siya ay mamatay?

S: Ang kabuuang impok ng pumanaw na miyembro ay ibabalik sa kanyang mga legal heirs. Ibabawas dito ang kanyang mga loan obligations sa Pag-IBIG, kung meron man. Kung ang miyembro ay isang housing loan borrower of good standing, ang Mortgage Redemption Insurance o MRI ang siyang magbabayad ng kanyang pagkakautang. Ang mga legal heirs ng namatay ay makakatanggap din ng additional death benefit na ₱6,000 o ang katumbas na halaga ng naimpok ng miyembro, alin man ang mas mababa.