32
3 YUGTO ISANG TEKSTO NI GABRIEL MARCEL Panimulang pagtalakay May isang mahalagang pagmumuni-muning isinulat si Gabriel Marcel ukol sa pag-asa. Ang pag-asa ay isang atitud na angkop at nararapat sa taong nagsisikap mabuhay sa pakikipagtagpo sa Banal. Ang katha ni Marcel ay maaring magbigay-liwanag at tulong sa taong nagsisikap umasa. Kaya’t isinalin ko mula sa Pranses. Ngunit, bago ko ialay ang pagsalin na ito sa mambabasa, inakala kong mabuting maglahad muna ng isang panimulang pagtalakay . . . halo-halong paglagom, komentaryo’t pagmumuni-muni. Dilim at pag-asa Bahagi ng buhay ng taong nakikipagtagpoat nakikipagkapuwa sa Banal, na kung may panahon ng liwanag, meron din namang mga panahon ng kadiliman. May mga panahon ng matinding damdamin, mga panahon na nadarama ang pagsasaatin ng Banal, ang kanyang liwanag at presensiya. Meron namang mga panahon na ang pandama at damdamin ay naglalaho. Parang nagiging kahungkagan at pagdaya ang mga nakaraang presensiya at liwanag. May kahiligang isipin sa sarili na ang lahat ng mga naranasan sa Banal ay guni-guni, paglinlang at pagbigo sa sarili. Sa ganyang kagipitan, maaring magbigay-hilig ang tao sa dilim, talikdan ang Banal. Maari naman siyang bumaling sa lihim at tahimik na sinag ng pag-asa. Sa panahon na parang wala nang dahilan upang manatiling tapat sa Banal, pinapabangon ng pag-asa ang kalooban, umuusbong ang isang buhay at matinding pananalig, isang matibay na pagkilala at pagpuri sa Banal. Itong kilus ng pag-asa ay hindi otomatik. Ito ay isang ubos lakas na pagtaya na nagmumula sa kaloob-looban ng sarili. Isang malayang pasya na hinuhubog ng tao sa kanyang pagharap sa kadiliman ng meron. Isang biyaya na galing sa Maykapal na sabay ginagalang at pinapatibay ang ating kalayaan. Ang mahahanapan natin sa katha ni Marcel ay isang pagbabalangkas ng mga posibilidad na hinaharap natin kapag nababalot sa dilim ang ating buhay, at ng mga posibilidad na gumagalaw sa kalaliman ng ating kalooban na nakakadanas sa dilim. Ang metodong ginagamit Gumagamit si Marcel ng isang uring penomenolohiya: gumagalaw ang pagmumuni-muni sa malay tao: kanyang malay tao, ating malay tao. Hindi sa “tuktok ng ulo”, sa isang laro ng mga purong konsepto; ni sa “init ng dibdib”, sa pagpapatangay sa mga alon ng damdamin; kundi sa pagmumulat o pagsisikap ipamulat sa buong katauhan, ang karanasan na nakasangkot. Sa kasong ito: ang pag-asa. Hindi gingamit ni marcel ang uri ng penomenolohiya na nilalagay ang eksistensya sa loob ng mga panaklong, upang lumitaw sa pamamalay ang mga purong balangkas ng mga esensya. Ang kanyang uri ng penomenolohiya ay hindi pinaparentesis ang meron, athindi hinahabol ang using unibersal at maka- matematikang istruktura ng gma esensya. Ibig niyang isisid ang malay tao sa meron at hanapin kung may mga balangkas sa meron na magagabayan siya tungo sa isang pamumuhay na makatotohanan. At kung meron siyang matuklasan ay sinusubukan niyang ibahagi. Ibig niyang iwasan ang dalawang kalabisan. Ang kalabisan ng unibersal na maka-matematika, na ginagamit ng pilosopiya na umiikot sa puring konsepto, at ang kalabisan ng pagkulong ng sarili sa pribadong pagninilay na hindi maibabahagi kanino man. Ibig niyang gumalaw sa nibel na nasa pagitan ng dalawa: sa nibel ng personal na pangkalahatan. Personal: sapagkat nagmumula sa sariling kalooban. Pangkalahatan: sapagkat nagmumula sa pakikipagkapuwa-kalooban. Pinagsisikapan niyang gumalaw sa nibel na inuunawa natin ang ating kapuwa bilang taong kagaya natin, na sabagay ay hindi rin kagaya natin. Ang pilosopo raw ay isang taong tumatahak sa landas na naghahanap ng pag-uunawa upang siya’y maging matino sa kanyang pamumuhay. Tapos, ibinabahagi niya ang kanyang natuklasan. Sasabihin niya sa kanyang kausap: Ito ang landas na tinahak ko; ito ang aking mga natanaw; mnga ganito ang mga pagmumuni-muni na tumalab sa akin, at natulungan ako. Inaanyayahan kita na tahakin mo rin ang mga ganitong landas, at tumanaw ka rinl naka meron kang makikita; baka magkaroon ka pa ng mga hawig ng pagmumuni-muni; baka may tumalab sa iyo, at baka masiyahan ka. Dalawang oryentasyon Ayon sa oryentasyon, atitud, pagtungo sa meron, ng malay tao, magiging iba ang karanasan. May dalawang oryentason na napagmasdan ni Marcel sa malay tao. Dalawang oryentasyon na magkasalungat, ngunit sabay na umiiral sa kalooban ng isang tao. Gawain ng tao ang kilatisn ang mga naglalabanang kilus at sundan ang tunay. Ang dalawang oryentayon ay tinatawag niyang avoir or pag-aari. At etre o tunay na meron. Sa oryetasyon ng pag-aari ako ang itinuturing kong pinag-iikutan ng lahat. Nais kong angkinin na pag-aari ko ang lahat ng linalang at nais ko ring angkinin nila na pag-aari ko sila. Hilig kong gawing kasangkapan ang aking kapuwa: gamitin siya upang makuha ko ang aking gusto. Kaya’t kung minsa’y tinatawag ni Marcel na moi-je ang taong nasa ganitong oryentasyon, sa hubad na pagsasali’y maaring lumabas na “sa akin ako” o “akong ako” ang moi-je; isang

Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Tagalog version

Citation preview

Page 1: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

3 YUGTO

ISANG TEKSTO NI GABRIEL MARCEL Panimulang pagtalakay May isang mahalagang pagmumuni-muning isinulat si Gabriel Marcel ukol sa pag-asa. Ang pag-asa ay isang atitud na angkop at nararapat sa taong nagsisikap mabuhay sa pakikipagtagpo sa Banal. Ang katha ni Marcel ay maaring magbigay-liwanag at tulong sa taong nagsisikap umasa. Kaya’t isinalin ko mula sa Pranses. Ngunit, bago ko ialay ang pagsalin na ito sa mambabasa, inakala kong mabuting maglahad muna ng isang panimulang pagtalakay . . . halo-halong paglagom, komentaryo’t pagmumuni-muni. Dilim at pag-asa Bahagi ng buhay ng taong nakikipagtagpoat nakikipagkapuwa sa Banal, na kung may panahon ng liwanag, meron din namang mga panahon ng kadiliman. May mga panahon ng matinding damdamin, mga panahon na nadarama ang pagsasaatin ng Banal, ang kanyang liwanag at presensiya. Meron namang mga panahon na ang pandama at damdamin ay naglalaho. Parang nagiging kahungkagan at pagdaya ang mga nakaraang presensiya at liwanag. May kahiligang isipin sa sarili na ang lahat ng mga naranasan sa Banal ay guni-guni, paglinlang at pagbigo sa sarili. Sa ganyang kagipitan, maaring magbigay-hilig ang tao sa dilim, talikdan ang Banal. Maari naman siyang bumaling sa lihim at tahimik na sinag ng pag-asa. Sa panahon na parang wala nang dahilan upang manatiling tapat sa Banal, pinapabangon ng pag-asa ang kalooban, umuusbong ang isang buhay at matinding pananalig, isang matibay na pagkilala at pagpuri sa Banal. Itong kilus ng pag-asa ay hindi otomatik. Ito ay isang ubos lakas na pagtaya na nagmumula sa kaloob-looban ng sarili. Isang malayang pasya na hinuhubog ng tao sa kanyang pagharap sa kadiliman ng meron. Isang biyaya na galing sa Maykapal na sabay ginagalang at pinapatibay ang ating kalayaan. Ang mahahanapan natin sa katha ni Marcel ay isang pagbabalangkas ng mga posibilidad na hinaharap natin kapag nababalot sa dilim ang ating buhay, at ng mga posibilidad na gumagalaw sa kalaliman ng ating kalooban na nakakadanas sa dilim. Ang metodong ginagamit Gumagamit si Marcel ng isang uring penomenolohiya: gumagalaw ang pagmumuni-muni sa malay tao: kanyang malay tao, ating malay tao. Hindi sa “tuktok ng ulo”, sa isang laro ng mga purong konsepto; ni sa “init ng dibdib”, sa pagpapatangay sa mga alon ng damdamin; kundi sa pagmumulat o pagsisikap

ipamulat sa buong katauhan, ang karanasan na nakasangkot. Sa kasong ito: ang pag-asa. Hindi gingamit ni marcel ang uri ng penomenolohiya na nilalagay ang eksistensya sa loob ng mga panaklong, upang lumitaw sa pamamalay ang mga purong balangkas ng mga esensya. Ang kanyang uri ng penomenolohiya ay hindi pinaparentesis ang meron, athindi hinahabol ang using unibersal at maka-matematikang istruktura ng gma esensya. Ibig niyang isisid ang malay tao sa meron at hanapin kung may mga balangkas sa meron na magagabayan siya tungo sa isang pamumuhay na makatotohanan. At kung meron siyang matuklasan ay sinusubukan niyang ibahagi. Ibig niyang iwasan ang dalawang kalabisan. Ang kalabisan ng unibersal na maka-matematika, na ginagamit ng pilosopiya na umiikot sa puring konsepto, at ang kalabisan ng pagkulong ng sarili sa pribadong pagninilay na hindi maibabahagi kanino man. Ibig niyang gumalaw sa nibel na nasa pagitan ng dalawa: sa nibel ng personal na pangkalahatan. Personal: sapagkat nagmumula sa sariling kalooban. Pangkalahatan: sapagkat nagmumula sa pakikipagkapuwa-kalooban. Pinagsisikapan niyang gumalaw sa nibel na inuunawa natin ang ating kapuwa bilang taong kagaya natin, na sabagay ay hindi rin kagaya natin. Ang pilosopo raw ay isang taong tumatahak sa landas na naghahanap ng pag-uunawa upang siya’y maging matino sa kanyang pamumuhay. Tapos, ibinabahagi niya ang kanyang natuklasan. Sasabihin niya sa kanyang kausap: Ito ang landas na tinahak ko; ito ang aking mga natanaw; mnga ganito ang mga pagmumuni-muni na tumalab sa akin, at natulungan ako. Inaanyayahan kita na tahakin mo rin ang mga ganitong landas, at tumanaw ka rinl naka meron kang makikita; baka magkaroon ka pa ng mga hawig ng pagmumuni-muni; baka may tumalab sa iyo, at baka masiyahan ka. Dalawang oryentasyon

Ayon sa oryentasyon, atitud, pagtungo sa meron, ng malay tao, magiging iba ang karanasan. May dalawang oryentason na napagmasdan ni Marcel sa malay tao. Dalawang oryentasyon na magkasalungat, ngunit sabay na umiiral sa kalooban ng isang tao. Gawain ng tao ang kilatisn ang mga naglalabanang kilus at sundan ang tunay.

Ang dalawang oryentayon ay tinatawag niyang avoir or pag-aari. At etre o tunay na meron. Sa oryetasyon ng pag-aari ako ang itinuturing kong pinag-iikutan ng lahat. Nais kong angkinin na pag-aari ko ang lahat ng linalang at nais ko ring angkinin nila na pag-aari ko sila. Hilig kong gawing kasangkapan ang aking kapuwa: gamitin siya upang makuha ko ang aking gusto. Kaya’t kung minsa’y tinatawag ni Marcel na moi-je ang taong nasa ganitong oryentasyon, sa hubad na pagsasali’y maaring lumabas na “sa akin ako” o “akong ako” ang moi-je; isang

Page 2: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

dobleng pagturing sa malabis at mayabang na paghanga sa sarili. Isinalin kong” “Aba ako!”

Para sa aba ako, isang pagligsahan ang buhay. Ang bawat kapuwa ay ribal na hindi maaring pabayaang manalo kailan ma. Ang pamumuhay ng aba ako ay isang uring palabas. Pinapanuod ko ang aking sarili at hinahangaan. Nagpapapanuod naman ako sa mga iba upang makasagip ako ng papuri. Ang salita ko’y mga diskurso na naghihintay ng palakpakan. Sapagkat kailangan kong marinig ang mga alingawngaw ngpaghahanga upang huwag kong marinig ang talbog ng aking kahungkagan.

Ang oryentasyong tunay na meron ay isang pagbubukas ng kalooban sa tunay na sarili ng kapuwa at sa tanang linalang. Iniiwanan ang mabagsik na udyok ng paligsahan na umiiral lamang sa mga pinapanuod at nagpapapanuod na palabas. Ang pinagsisikapan dito ay pakikibahagi at pakikisangkot sa buhay. Hindi pagpuri sa sarili, hindi rin pagtanggi sa sarili, ang buhay sa tunay na meron. Ang pinagsisikapan dito ay pakikibahagi at pakikisangkot sa buhay. Hindi pagpuri sa sarili, hindi rin pagtanggi sa sarili, ang buhay sa tunay na meron. Ang pinagsisikapang gawin ay buksan ang aking sarili at tanggapin ang iyong sarili. Kapag binigkas ko ang “ako”, binibigkas ko ang pagpasok sa aking sariling kalaliman at sabay pagtungo sa iyong kalaliman. Pag binigkas ko ang “ikaw”, binibigkas ko ang pagtanggap ko at sabay magalang na pag-urong sa hiwaga ng iyong sariling kalaliman. Ang tunay na meron ay gumgalaw sa mayaman na larangan ng ako, ikaw, kita, tayo.

Sa larangang ito, ang bawat pagbigay ay pagtanggap din, at ang bawat pagtanggap ay pagbigay din. Kung tinutulungan kita o kung binibigyan kita ng anoman, hindi tunay ang pagtulong o pagbigay kung hindi ko sabay at maligayang tinatanggap ang iyong ipinagkakaloob sa akin na pagkakaibigan. At kung tinutulungan mo ako o kaya’y dinudulutan ng anomang biyaya, hindi tunay ang aking pagtanggap kung hindi ko sabay na iniaalay sa iyo ang aking taos na pagmamahal at pagpapasalamat.

Kaya’t madalas sabihin sa oryentasyong ito: esse est co-esse: pakikipag-meron ang tunay na meron. Tinatawag ding pakikipagkapuwa, komunidad, ang tunay na meron. Karanasang ng kadiliman Sa karaniwang buhay ng tao, marahil masasabi natin na itinuturing niyang makahulugan ang kanyang kalagayan. Marami nga siyang kabiguan. May mga kalungkutan. Madalas siyang mainis. Ngunit, kahit na papaano’y natutuwa siyang nabubuhay siya. Meron siyang mg anakasisiyang talino. Kapiling siya ng kanyang mga minamahal sa buhay at, sa kabila ng lahat, nagbibigay loob sila sa isa’t isa. May sapat na kalusugan ag kanyang katawan. At, sabihin natin, meron din siyang pananalig sa Maykapal.

Ngayon, maaring may mangyari at, sa buhay na ito, tiyak na may mangyayari: na lahat ng mga nagbbigay lugod sa kanyang buhay ay nawawalan ng katuturan. Baka namatay ang pinakamamahal niya sa buhay o baka nagkaroon sila ng malubhang di pagkakaunawaan, kung kaya’t lahat ng mga sangkap ng buhay niya’y naging parang paglilinlang. Ang buong buhay ay nagiging kadiliman. Sa gabing malalim at walang ilaw, ang mga inaakala nating kilala natin ay hindi na nakikita. Iya’y larawan ng buhay na nawawalan ng katuturan. Ganyan ang ama namany anak na pumunta sa digmaan at matagal nang walang balita. O isang manunulat na ang buong ligaya niya ay kumatha, ngunit matagal nang natuyo ang kanyang inspirasyon. O sinomang tao na naratnan ng malubhang sakit o nabagsakan ng mabigat na kapansanan o sapilitang humaharap sa kamatayan. O kahit na walag espesyal na nangyari, pero sa simpleng pagmumuni-muni’y natauhan ang tao na lahat ng mga mahalaga sa kanyang buhay, mga napakahalaga kaya’t hindi dapat, hindi maaring lumipas, ay . . . lilipas din. Kaya’t parang bulag siya ngayon sa mga nakikita niya noon. Para siyang nasa bilangguan at tinutuya siya ng alaala ng mga nagagawa niya noong araw na hindi na niya nagagawa ngayong nakagapus siya. Ngayon ang panahon ng testasyong itaboy ang buhay, tawagin itong absurdo. Tentesyon na angkinin ang pagbuwal ng kalooban sa kadiliman bilang huling sagot sa buhay. Ang panahon ng tentasyon ay panahon din na maaring magsimulang umasa ang tao. Sapagkat ang tunay na pag-asa ay maarin lamang umiral sa abot tanaw ng walang hintong tentasyon na magwalang pag-asa. Sa panahon ng dilim, ang taong umaasa ay bumabaling sa liwanag. Ang pagbaling na to ay tugon ng buong kakanyahan ng tao laban sa hatak ng kadiliman. Isang nisus, isang ubos lakas na pagbangon laban sa dilim upang angkinin ang liwanag. Optimismo May pilosopiya na tinatanaw ang mga pangyayari sa buhay, sa lipunan, sa daigdig, mula sa malayo at sinasabi: Sa mga nakakakita sa kabuoanm walang tunay na kadiliman , lahat ay mabuti, makahulugan. Ito ay tinatawag na optimismo. Sa pangkaraniwang pangungusap, madalas mangyari na ang taong tinatawag na optimista ay hindi isang alagad ng pilosopiyang ito. Nangyayari na tinatawag na optimista ang isang taong nagsisikap na talagang umasa. Ngunit, sa pilosopiya ng mga pamantasan, tinatawag na optimismo ang pilosopiyang naninindigan na ang daigdig natin ngayon ay siyang pinakamabuti sa lahat ng mga posibleng daigdig. Tanyag sa ganitong paninindigan ang pilosopong si Leibniz. Siya yata ang tintuya ni Voltaire sa kanyang maikling nobelang Candide. Istudiante ng pilosopiya si Candide. Idolo niya ang kanyang propesor na si Pangloss. Naglalakbay si Candide sa iba’t ibang bansa at nasasaksihan niya ang kung ano-anong mga nakakatakot na sankuna. Dito, halimbawa, mga taong walang awang nagpapatayan, doon naman mga taong nadadaganan at nadudurog

Page 3: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

sa lindol. Sa kanyang mga sulat, lahat ai inilalarawan niya kay Pangloss. At ang kinalabasan para kay Candide ay palaging sa tono ng: “At, salamat sa iyo, nakita ko na lahat nito ay mabuti. Kay ganda ng ating daigdig!” At sa wakas, puspos pa rin ng ligaya, pinasya niyang magpahinga sa kanyang bayan, “linangin ang kanyang sariling hardin.” Lahat ay pinapanuod ng pilosopiyang ito na parang isang pintura na yari sa maliliwanag na kulay. Kung may kaunting itim dito o kaya dilim doon, iyon ay pampatingkad lamang sa kolor. Ang purong optimism ay umiiral sa oryentasyon ng aba ako. May anyong paligsahan. May himig ng: “Kung nalaman mo lamang ang lahat ng aking nalalaman, makikita mo na walang kadiliman.” Pesismismo Kung baga sa damit, parehoong baro sa optimismo ang pesimismo, ngunit, isinuot ng baliktad. Pinapanuod pa rin ang lahat mula sa malayo at nakikitang madilim ang lahat. King may kaunting liwanag dito’t doon, ito ay upang lalong umitim ang dilim. Gumagalaw pa rin sa aba ako at may tono pa rin ng paligsahan: “Kung nauunawaan mo lamang ang nauunawaan ko, hindi ka palilinlang sa mga anyo ng liwanag.” Istowisismo Ngunit may pilosopiyang nasa larangan ng pag-aar na may isang uring dignidad: ang istowisismo. Ito ay naninindigan na ang ultimong kalagayan ng tao ay kadiliman. Kahit na gaano kabuti o kagaling ng tao, ang kanyang tiyak na hantungan ay: na mawawasak siya. Kung hindi sa anomang ibang sakuna, tiyak na mararatnan ang tao ng kamatayan. Kaya’t ang taong buhay ay dapat magpakabirtud: gumawa ng mabuti, manindigan sa katarungan, huwag pahintulutang malugmok sa kahihiyan ang kanyang pagkatao. At lahat nito ay gagawin niya habang mulat siya na ang tinutunguhan niya ay isang tiyak at hindi maiiwasang pagkawasak. Ngunit, pasya niya na sa lahat nito’y hindi niya ihihinto ang pagtupad sa birtud. Pagdating ng kamatayan na siyang sukdulan na sakuna, ang mararatnan ay hindi isang taong nasira’t nabuwal ang loob, kundi isang taong tigas-loob na tumututol sa kanyang di maiiwasang pagkawasak. Ika nga ng makatang Romano na si Horatius: “Magiba man ang kalangitan, ang madadaganan at madudurog ay isang taong walang takot.” Hindi sa aba ako Ang pag-asa ay nagiging posible sa taong humaharap sa karanasa ng dilim. Ngunit hindi ito otomatik. Ang pagdanas sa dilim ay may kabalintunaan: Sa pagdanas sa dilim, namumulatan ang tao na lahat ng mga kahulugan na mas nakalugod sa kaniya hanggang ngayon ay may kahalo pala na pagka-walang-kahulugan. Kaya’t kung tutuusinm ang mga naranasan niyang kahulugan ay hindi

sapat sa kanyang hangarin, sapagkat ang hangad niya ay kahulugan na buong buo’t likas na walang katapusan. Kaya’t ang mga naranasan niya hanggang ngayon ay matatawag niyang “kahulugan na hindi angkop sa tao” . . . iniiwasan siyang hungkag; binibigo siya. Sa ganyang kagipitan, nasa sangang daan ang tao. Sa isang banda, maari niyang akalain: “Lahat ng mga inangkin kong makahulugan hanggang ngayon ay hindi pala totoo. Malubha ang aking pagkabigo.” Sa kabilang banda, maari naman siyang maghinala: “Baka lahat ng mga naranasan ko hanggang ngayon ay pambungad lamang sa katuparan a aking hinahangad. Makakaraos pa yata ako. Baka may katotohanan na lampas sa mga itinuturing kong rasonable.” Kung ako’y nasa oryentasyong aba ako, nakakulong na ako sa unang sanga. Nasa labas ako ng mga pangyayari. Hangarin kong panuorin at manipulahin an gmga pangyayari. Hilig kong kasangkapin ang aking kapuwa na itinuturing kong ribal. Kaya’t hindi ko kayang magbukas loob. At habang hindi ako nagbubukas loob, hindi ako matatauhan na meron pang mga posibilidad na hindi ko pa napapasok. Ngunit maaring pumasok sa ikalawang sanga iyong taong bukas ang loob sa pakikipagkaluwa. Kahit na siya’y napasadlak sa dilim, maari siyang bumaling sa liwanag. Baka sabihin niya: “Kutob ko, hinala ko; hindi ito ang lahat. Umaasa ako, hinihintay ko, may ibang darating.” Maari na iyan ay malabong pagsikap lamang na umasa, ngunit maaring simula ng pagtubo. Pero ito’y hindi maaring mangyari kung ako’y isang taga-panuod lamang, na sinusubukang manipulahin ang mga pangyayari mula sa labas. Kailangan na ako’y nakikisangkot sa loob ng mga pangyayari, sa pakikipagkapuwa tao. Meron ngang kasabihan: Tumingin ka bago ka lumundag. Totoo iyan. Kailangan natin laging tumingin, tumimbang, mangilatis. Ngunit, ang nagbibigay halaga sa lahat niyan ay: na kailangan nating lumundag , makipagsapalaran, magbukas ng loob sa pakikipagkapuwa tao. Sa pakikipagkapuwa tao’y nagiging posible ang hindi pagtanggap sa kadiliman bilang huling sagot ng buhay. Katangian May mga katangiang mapagpasdan sa taong umaasa. Halimbawa, katangian ng umaasa ang kaluwagang loob. Ang taong umaasa’y hindi nakikikompetisyon kanino man, kaya’t hindi siya nagmamadali, hindi nagugulo ang loob niya. Hindi dahil sa katamaran, kundi mula sa panatag na kalooban. Umiiral sa kanya ang isang kaluwagang loob na nagpapasigla. Hawig sa kapanatagan ng isang taong magaling sa isang laro, o kaya matinong nakahanda para sa pagsusulit. Tahimik siya, alisto, handang kumilus ng magaling. Matigas ang loob ng istowiko. Nagpapatigas siya laban sa mga pangyayari na sa wakas ay tiyak na dudurugin siya. Maluwag ang loob ng umaasa. Hindi niya kaaway ang mga pangyayari. Hindi niya kalaban ang panahon. Hindi niya alam kung papaano,

Page 4: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

pero alam niyang may nakakaalam ukol sa panahon. Nanalig siya sa may hawak sa mga panahon at mga pangyayari. Isa pang katangian ng umaasa ay ang pasensya. Ang pag-asa ay naisisilang sa abot tanaw ng pakikipagkapuwa tao, ng katapatan sa kapuwa tao. Kaya’t palaging umiiral sa pasensya. Kung pinagpapasensyahan mo ang isang tao, pinapaligiran mo siya ng isang papawirin na ginagawang posible na tumubo ang kanyang pagkatao. Ang pagtubo ay parang musika na may sariling ritmo at kompas. Kailangan mong galangin ang ritmo at sundan ang kompas ng tugtugin, kung hindi’y masisira ang musika. Ganoon din ang pagtubo. Sa alamat ni Mencius, mau magsasakang ibig pabilisin ang pagtubo ng palay, kung kaya’t hinatak niya ang mga tanim, na nagsimatay tuloy. Ang nananatiling tapat sa kapuwa tao’y iniintindi, sinusubaybayan, ginagalang ang ritmo at kompas ng kanyang pagpapakatao. Hindi ipinipilit sa kanya ang “alam kong ikabubuti mo”. Hindi rin basta’t pinapabayaan. Kung wala ka nang hinihintay sa isang tao’y kinokondena mo siya sa pagkabaog. Ang nagpapasensya’y naniniwala na ang buod ng kanyang kapuwa ay kabutihan, na ang tunay na udyok niya’y tumubo, na ang magagwa ng kumakaibigan ay maghintay at magsubaybay. At natututuhan niyang pagpasensyahan ang kanyang sarili. Ang bawat isa sa atin ay may batang menor de edad sa loob niya, hindi matino, nagdadadabog. Kailangang hanapin ang buod ng kanyang kabutihan, pagpasensyahan, patubuin. Pangyayari at kahulugan Ang pangyayari ay maaring ituring na isang “basta’t nagkataon lamang”. At anomang nakikitang kahulugan ng pangyayari ay maaring ituring na “ipinapalagay lamang”, “bunga ng mga di-namamalayang pagnanais lamang”. Meron namang ibang pagtanaw na nakikita ang “nagkataon” at ang “kahulugan” bilang nagtatalaban at bumubuo sa isang talagang totoo, isang buong meron. Maihahambing ito sa nakikita ng mata. Kung nakikita ko an gisang tandang, at ang pumapaligid sa kanya ang gulo at alingawngaw ng sabungan; at kung mamaya’y makita ko ang parehong tandang at ang pumapaligid sa kanya ay kabukiran na kanyang piangpapasyalan . . . ang bawat pagpakita ng tandang ay may kakaibang kahulugan. At ang bawat kahulugan ay tumatalab sa buhay ng tandang, bahagi ng kanyang meron bilang nilalang na buhay. Sa bagay na ito, parang nakikiusap si Marcel kay Hume. Ayon kay Hume, ang kaya lamang tanawin ng tao ay ang mga dumidiin sa kanyang pangdama (sense impression). Tawagin nating “mga impresyon sa pandama”. Para kay Hume, ang impresyon ng nasa harapan, at ang impresyon ng pumapaligid (background: sa kanyang teksto, dalawang beses na ginagamit ni Marcel ang katagang Ingles na “background”) ay palaging hiwalay sa isa’t isa. Gingiit naman niMarcel na sa mismong pagtanaw, ang mga sari-saring impresyon ay sama-samang bumubuo ng isang karansan. At hawig dito, sa nibel ng kahulugan, ang pangyayari at kahulugan

ay nagtatalaban; bumubuo ng isang talagang nangyayari. Kaya’t ang buong katotohanan ng isang pangyayari ay umiiral sa liwanag ng kahulugan. Hindi isang neo-Kantianong kahulugan na nasa taong imbentohin, at kung ano ang sabihin niya, iyon na nga. Ang kahulugan ay natatagpuan ng tao at sabay rin niyang nililikha. Natatagpuan niya ang pangyayari bilang potensyal, “nauulinigan” niya bilang tawag. Pananagutan niyang isagawa ang potensyal, tumugon sa tawag. Malaya siya. Maari siyang tumugon sa paraang nakakasakit sa kanyang kapuwa, nakakawasak sa kanyang sarili. O maari niyang pangatawanang kulatisin kung ano ang tunay na tawag; at maari siyang tumugon ayon sa tunay na pagpapakatao at pakikipagkapuwa tao. At sa ganyang tugon, umaasa siya, o tumutungo man lamang sa pag-asa. Tingnan ang halimbawa ng ama na may anak na pumunta sa digmaan at mahabang panahon na na walang balita. Maaring ituring ang bawat araw bilang isang mabigat na pag-ulit sa nakaraang araw. Pare-pareho ang nangyayari: palaging walang balita. Ngunit, sa larangan ng halaga, ang sunud-sunod na mahahapding araw ay maaring iba-iba. Maari pasyahing ng ama na malunod sa dilim, hayaang mabuwal ang kanyang pagkatao, sumpain ang langit. O maari niyang pasyahing bumaling sa liwanag, sariwain ang kanyang alaala sa kanyang anak, buhayin ang pagmamahal at katapatan, matutong makiugnay sa kanyang anak sa kalooban ng Banal, at palaging alalahanin na, kung hanggang ngayon ay wala pang balita, hindi niya alam talaga kung ano ang mangyayari. Ang panahon ay isang hiwaga. Lalo na ang panahon na hindi pa nakakarating. Pero alam niya na ang kanyang katotohanan ngayon ay manatiling tapat sa pagmamahal at pagsisikap, sa alaala, sa panalangin. Sa pag-asa. Panahon May pilosopong naniniwala na wala nang hiwaga ang panhon. Natuklasan na ang mga istruktura ng lahat, o halus lahat, ng mga pangyayari. Lahat ng nangyayari sa panahon ay paulit-ulit ayon sa mga batas ng kalikasan. Ano ang mangyayari? Ang nangyari na. walang ligar sa pag-asa. Lahat ay sinasakop ng fatum, ng bakal na kapalaran. Sapagkat ang kalikasan ay may pagka-mekanikal, ang mga pangyayari sa panahon ay nagagapus sa bakal na paulit-ulit na nagpapatakbo sa mga makina. Iba ang pagtanaw ng taong umaasa. Alam niya na, sa loob ng panahon, ang buong pangyayari ay hindi mekanikal, bagkus gumagalaw sa kahulugan, tinatablan ng kahulugan. Ang buong pangyayari ay may taglay na potensyal at tawag, kayat bukas sa hiwaga at nakaugat sa hiwaga. At patiang mga aspektong mekanikal ng mga pangyayari . . . halimbawa, na paulit-ulit na nakakabasa ang tubig, paulit-ulit na nakakasunog ang apoy . . . pati ang mga iyan na parang tiyak na tiyak, ay nakaugat pa rin sa totalidad ng meron, nakaugat pa rin sa hiwaga. Kung sa ibabaw ay mukhang tiyak na tiyak, sa ugat, sino ang nakakaalam?

Page 5: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

Kaya’t sa taong umaasa, ang panahong nakaraan, kasalukuyan, hinaharap, ay palaging mahiwaga. Hindi dahil sa isang kibit-balikat na “ewan”, kundi dahil sa isang taos pusong pag-uunawa na ang mga bagay at pangyayari na umiiral sa loob ng panahon ay hawak ng personal na Banal. King hanggang ngayon ay walang balita ukol sa anak na pumunta sa digmaan, hindi ibig sabihin na palaging paulit-ulit na lamang iyon. Kung paulit-ulit na lumalagpak ako sa pagsusulit, hindi ko alam talaga kung magkakaganyan palagi. Bukal sa panahon ang hiwaga. Wala ni isang paslit na ibon ba nahuhulog kung wala ang inyong Ama, at ang bawat buhok sa iyong ulo ay binibilang. Sasabihin mo: Lahat niyan ay maganda, ngunit, nasagip mo iyan mula sa iyong pananampalataya, at ito ay isang talakayang pilosopiko. Matatalakay ba ang katotohanang iyan sa loob ng pilosopikong abot tanaw? Oo. Sapagkat sa Kristianong pamimilosopiya, madalas mangyari, na, dahil sa gumagalaw ang pag-uunawa at kalooban sa larangan ng biyaya, namumulatan ang tao na meron siyang kakayahang umunawa at tumanggap sa ilang katotohonan na di niya maabot noong una. Pero bukal na pag-uunawa pa rin niya ang nakakaunawa, bukal na kalooban niya ang tumanggap. Para bagang may tao na mapurol ang pagtanaw noong una, noong kuwa’y pinatalas ng isang manggagamot at ngayo’y masasabi niya: Hindi ko yata laying makita ito noong un; ngayon, nakikita ko na . . . dahil sa galing ng manggagamot; pero ako pa rin ang nakakakita; sa pamamagitan ng bukal na pagtingin ng aking mata. Hawig diyan, masasabi ng isang tao: Hindi ko yata kayang matauhan ukol sa ilang katotohanan kung hindi ako sumasampalataya, pero naungkat ang mga ito sa aking buhay pananampalataya, at nabuksan sa aking pag-uunawa; ngunit, ako pa rin ang nakakaunawa, sa pag-uunawang likas sa akin; at ngayon, bumubukas sa aking pilosopikong pagsusuri, pananaliksik, pagmumuni-muni, ang ilang mga bago at malalawak na abot tanaw. Sa tunay na meron: ikaw Ang pag-asa ay hindi maaring umiiral sa oryentasyong pag-aari, kundi sa tunay na meron. At sa yunay na meron, maaring magsimula angpakikipagkapuwa tao at tumubo hangga’t humantong sa pag-asa. Ngunit, hindi ito isang simpleng pangyayari, palibhasa’y isang pangyayari na kailangang subaybayan, at sa bawat sandali’y nililikha ng malayang pasya ng tao. Ang aba ako ay nakakaroon ng mga relasyon na matindi at ka-ayaaya ang damdamin. Ang ganyang maramdaming relasyon ay maaring palalimin at patubuin, haluan ng kapaitan at pasensya, hangga’t sa wakas ay malampasan ang aba ako at maging tunay na pakikipagkapuwa. Ngunit, maari rin mangyari na iyong matindi at maramdaming pakikipagtagpo, na may anyong pag-ibig, ay sa wakas gawing balatkayo sa isang mapusok na pagsasamantala, pagkakasangkapan sa kapuwa. Mabagsik ang labanan ng tunay na sarili at ng aba ako.

Ngunit, ang taong may matinding pasya na mabuhay sa oryentasyong tunay na meron ay piangsisikapang makiugnay sa kanyang tunay na sarili, at, sa ganitom pinagsisikapan ring makiugnay sa tunay na sarili ng kanyang kapuwa. Ito’y pangmatagalang panahon. Kung minsan ang pagsisikap ay manggagaling lamang sa isang panig. May urong sulong. May alanganin. Kaya’t ang kailangan ay hindi bahagya, kundi tapat na pagsisikap. Mula sa katapatan maaring tumubo ang isang taos na pakikipagkapuwa. At, kapag naging totohanan na ito, masasabing natuto na akong tawagin kang “ikaw”, at natuto kang tawagin akong “ikaw” rin. Makatutulong tanawin ang isang pelikulang ginawa ni Federico Felini noong mga 1950. Ang pamagat ay La Strada o Ang Kalsada. Ang panahon ng istorya ay katatapus pa lamang ng ikalawang digmaang pandaigdi; ang lugar ay Italia. Si Gelsomina ay isang batang dalaga at ang kanyang pamilya’y lubog sa walang remediong karukhaan. Pinagbili nila si Gelsomina bilang katulong sa isang lalaking sa Sampano. Masakit sa pamilya. Masakit din kay Gelsomina, pero hindi mapait ang loob niya. Maunawain siya. Si Sampano ay isang dukha rin. Sa papel ng “taong maskulado’t unod ng lakas” ginagala-gala niya ang mga bayan na may puesta at doon siya nakikisama sa mga sirko upang kahimanawari’y mabulaga niya ang mga nanunuod kapag binabaluktot niya ang makakapal bakal at kapag gumagawa siya ngiba pang mga kababalaghan. Ang hanapbuhay niya’y isang kahig, isang tuka. Mabagsik siya kay Gelsomina. Sinasaktan niya. Maraming pagkakataong maaring humiwalay si Gelsomina. Noong minsan, tumakas na nga siya. Pero bumalik. Madalas nilang makatagpo ang isang Payaso na magaling tumawid sa matataas na lubid at nakakagawa pa ng iba-ibang mga kahanga-hangang nakakakilabot. Isang gabi nagpapasyal si Gelsomina sa gitna ng mga tolda sa sorko. Nakarinig siya ng musikang nanggagaling sa tolda ng Payaso. Sumilip siya’t nakita niyang nagbibiolin ang Payaso. Medyo ganito ang sinabi niya sa babae: “Gelsomina, hindi ka sasama sa akin? Hini mo siya iiwanan, ano? Nalulungkot ka. Alam mo, ugali kong magbasa ng mga libro. Kaya’t meron akong mga alam na hindi alam ng mga ibang tao. Halimbawa, ang bawat linalang ay may kahulugan.” Pumulot siya ng bato. “Tingnan mo itong bating ito. Meron siyang kahulugan. Anong kahulugan? Hindi ko alam. Pero tiyak ako na meron siyang kahulugan.” Binitawan niya ang bato. “At ikaw, ano ang kahulugan mo? Hindi ko alam. Pero . . . Baka . . . Tingnan mo. Kung hindi siya mahalaga sa iyo, kanino siya magiging mahalaga?” Pumasok s\iyong Payaso. Pinulot ni Gelsomina iyong bato at matagal niyang tinitingnan. Mula noon lagi nang tahimik, mapagtiis, matulungin at tapat kay Sampano si Gelsomina. Tuluyang mabagsik pa rin si Sampano. May trompeta si Gelsomina at madalas niyang tinutugug ang himig ng tugtugin ng Payaso. Isang araw, nagkatagpo sila uli ng Payaso sa isang sangang daan. Binibiro ng Payaso si Sampano. Nainis si Sampano at sinuntok niya. Si Sampano ay taoong maskulado’t ubod ng lakas. Kaya’t ikinamatay ng Payaso nang nauntog ang

Page 6: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

kanyang batok sa tuktok ng kotse. Hinulog ni Sampano ang bangkay sa isang sapang umaagos sa silong ng tulay. “Hindi mo ba sasabihin sa pulis? Hindi ba ililibing? Wala bang maglukluksa?” Pagkatapos noo’y hindi na nagsasalita si Gelsomina. Pero hindi pa rin siya umaalis. Tahimik pa rin at mapagtiis, matulunging at tapat. Isang taglamig ang kanilang kasada’y sa bulubundukin. Umiisnow. Matagal nang umuubo si Gelsomina. Huminto sila sa isang maliit na baryo. Binalot ni Sampano si Gelsomina sa isang kumot, pinaupo siya sa isang silya’t ipinatong ang trompeta sa kanyang kandungan. “Aalagaan ka nila rito,” aniya. At iniwanan siya. Maraming taon ang nakaraan. Tag-init ngayon. Naglalakad si Sampano sa isang maliit na baryo. May isang babaeng nagsasampay ng labada. Natatakpan ang kanyang mukha ng kanyang sinasampay, pero naririnig ni Sampano na kinakanta niya ang himig ng tugtgin ng Payaso. Noong binalingan niya ang mukha ng babae, nakita niyang hindi pala niya kilala. Pero tinanon niya: “Saan m nakuha ang himig na iyan?” Tugon ng babae: “Noong araw, sa panahon ng taglamig, may nag-iwan sa amin ng isang babae, nakabalot sa kumot, nakaupo sa silya at may trompeta. Inangkin naming at kinalinga. Hindi siya nagsasalita, pero kung minsan tinutugtog niya ang himig na ito. Malubha ang kanyang sakit at, sa katapusan, namatay siya.” Mabilis na naglakad si Sampano. Lumalayo siya sa baryo. Nandodoon siya sa tabing dagat. Naglalakad siya sa buhangin. Natumba siya sa buhangin at umiiyak. Matindi at matagal. Sa aking pagkaunawa, noong tinitingnan ni Gelsomina ang bato, tintanggap niya si Sampano, sa kanyang kalooban, bilang “ikaw”. Habang nagkakalad si Sampano sa tabing dagat, natututo siyang tanggapin si Gelsomina, sa kanyang kalooban, bilang “ikaw”. Katapatan, pag-asa Marahil, sa ganitong uring pangyayari’y maari tayong matauhan sa tinutukoy ni Marcel. Una: Na kapag tapat ka, halimbawa, sa isang tao, matatuhan ka na ang halaga niya ay hindi magmamaliw. Dito ginagamit ang katagang “halaga” sa isang kahulugan na espesyal pero kilala pa rin. Iba ang halagang kwarta at halagang kalooban . . . hawig sa kiabhan ng utang na kwarta sa utang na loob. Iba, halimbawa, kapag sinabi: Pitong piso ang halaga ng bolpen na ito. Kaysa kapag sinabi: Mahalaga ang bolpen na ito sapagkat ito ang rekuwerdo sa akin ng aking kaibigan. Ang pangalawang halaga ay halagang kalooban: tunay, malalim, nasa larangan ng pagbuklod ng tao sa tao, at hindi maihahambing sa halagang kwarta. Ngayon, ang bawat tao ay may halagang kalooban na tunay at hindi magmamaliw, pero hindi tayo mulat. Ngunit, kung mananatili akong tapat sa isang tao, darating ang panahon na tatalab sa akin ang kanyang halagang kalooban, halagang hindi magmamaliw, hindi bilang teorya, kundi bilang

kongkretong karanasan. Ang nananatiling tapat sa isang tao ay minamahal siya. At mahalin ang isang tao, ani Marcel, ay magkaroon ng kakayahang sabihin sa kanya: “Ikaw man lamang ay hindi mamamatay.” Sapagkat ang walang maliw na halaga ng minamahal ay nagiging kongkretong karanasan ng nagmamahal, at malinaw sa kanya na ang karanasang ito ay hindi guni-guni kundi katotohanan. Mula sa “ikaw man lamang”, natatauhan siya sa “at ang mga iba rin”, hanggang sa “at tayong lahat”. Pangalawa: Na kapag tapat ang mga tao sa isa’t isa’y matatauhan sila na may matibay na pagkakaisa na bumubuklod sa kanila. Buklod naparang umuusbong mula sa kanilang walang maliw na halaga, pero mas matibay kaysa sa kaya nilang likhain. Pagkakaisa na hindi sila ginagapus, bagkus tinitipon sila sa isang buklod na nagpapalaya. Alam nila na hindi nila kayang likhain ang pagkakaisang ito. Nadarama nila na may Ibang lumalalang sa pagkabuklod na ito. Maaring bigla, maaring unti-unti, matatauhan sila sa presensiya ng Ikaw na bukal ng lahat ng ikaw. Maari silang matauhan na sinusubaybayan sila ng ubod-tigib-apaw na Ikaw, ng absolutong Ikaw. Katapatan ko sa iyo, na tinatanggap ko bilang “ikaw”; katapatan mo sa akin, na tinatanggap mo bilang “ikaw”; sa pagsasakop ng ubod-tigib-apaw, absolutong Ikaw . . . iyan ang larangan ng pag-asa. Kapag nasa dilim ang taong umaasa’y babaling siya sa liwanag na tumatalab sa lahat ng mga linalang, lalo na sa tao. Ang bawat tao’y persona na ang mas malalim na maitatawg ay “ikaw”. Ang bawat isa ay may halaga, isang uring liwanag , na hindi magmamaliw. Halagang nililikha, ibinabahagi ng sukdulan na Personal na Meron na Meron. At ang Meron na Meron na ito’y hindi pumapasok sa ating buhay bilang isang dakilang teorya, kundi nasa buhay na natin, talagang totoo, lapit na lapit sa atin, kung kaya’t nagpapatawag siyang “Ikaw”. At sa karanasan natin, siya ang ubod-tigib-apaw na tumatawag at tumutugon. Ang taong umaasa’y pinapasyang matibay na bumaling sa liwanag na madalas ay hindi nadarama o nararamdaman. Palaging may tantasyong isipin na ilusyon ang lahat. Palaging may tenstasyong mabuwal. Ngunit palaging maaring umasa. Ang pag-asa ay isang biyayang tinatanggap. Hindi sa isang pagkusang walang malay, kundi kusang loob. Ang biyaya’y inaalok at maaring tanggihan o tanggapin. Kapag tinanggap ay nagkakaroon tayo ng kakayahang pasyahin na palagi tayong babaling at kikilus sa liwanag, na palagi tayong aasa. Abot tanaw na detalye Sa pag-asa’y may abot tanaw na sinusukuban at tinatablan ang bawat detalye. Sa abot tanaw pinagsisikapan kong timiwalag sa aba ako, sa kayabangan, upang lubusang mabuhay sa malayang pagpapakumbaba, sa tunay na meron. Manatiling tapat sa aking kapuwa, ikaw, at manatiling tapat sa Diyos, ubod-tigib-

Page 7: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

apaw na Ikaw. Kaya’t sa abot tanaw ay nararapat na gumagalaw ako sa katahimikan; alam ko na Meron humahawak sa lahat na bawat linalang, at bawat nangyayari sa bawat linalang, ay naggagaling sa kanyang bisang lumalalang at kumakalinga; at ang pangalan ng bisang ito ay Pag-ibig. Kaya’t nananalig ako, alam ko, na, anoman ang mangyari, hindi mawawasak ang anomang kahuligan ng taong tapat. Na ang buhay ko, pati kamatayan, ay nasa kanyang pagkakalinga. Naranasan ko na, kahit na mula sa malayo, malabo pero tunay . . . naranasan ko na, ang nagpapahalaga sa bawat kapuwa ko, at pati na rin sa akin. Parang sinasabi niya sa bawat isa, “Ikaw man lamang ay hini mamamatay, hindi magmamaliw.” Parang nasulyapan ko, kahit na mula sa malayo, na siya ang ubod-tigib-apaw na Halaga, na nagpapahalaga sa kanyang mga linalalang. Kaya’t sa abot tanaw ng pag-asa’y maari akong bumaling sa liwanag at mabuhay sa kapayapaan. Ngunit, sa katotothanan, palaging may labanan. Napakalakas ng paghila ng aba ako. May anyong napaka-makatotohanan an gang mga pagdadahilan ng pag-aari. Kung, sa awa ng Diyos, lumaban at nagtagumpay ang tao, lalong titingkad ang liwanag ng pag-asa. Ngunit, hindi maiiwasan ang labanan. At isa pang maaring mangyari ay magkaroon ng atitud na, sapagkat matibay ang pananalig sa abot tanaw, sapagkat matibay ang pag-asa sa kabilang buhay na walang hanggan . . . maari nangituring na hindi mahalaga ang mga detalye ng buhay lupa. Hindi na raw importante kung babalik ang anak mula sa digmaan o hindi. Hindi rind aw mahalaga kung mapupukaw muli ng manunulat ang kanyang talinong nagkaho, o hindi. Hindi rind aw kailangang pag-abalahan kung ang katawangmay sakit ay gagaling o hindi. Sa langit lamang ang katiyakan. Ang buhay lupa ay isa lamang papanaw na anino. Ang ganyang atitud ay tinatawag ni Marcel na “pagtataksil mula sa itaas”: gumagamit ng mga pagnmumuni-munig makalangit upang balewalain ang makapula. Maaring manggaling ang atitud na ito sa isang malabis na aba ako na ginagamit ang mismong pagkalinga ng Diyos na pangbalatkayo sa katamaran. O maari namang manggaling sa pagkukulang sa balance sa pagtanaw. Ang karanasan ng kataptan ay nagaganap sa kalawakan at panahon, sa saan at kailanm, sa buhay makalupa. Ang karanasan sa halaga ng kapuwa ay hindi hiwalay, kundi nakasangkot sa karanasan ng katapatan ng Diyos. At ang ating katapatan sa Diyos ay hindi nauuna sa ating pagmumulat sa kanyang katapatan sa atin. Katapatan at pag-asa sa Diyos ay hindi sa Diyos bilang hiwalay sa lupa at mga makalupa, kundi dumarating sa atin sa kanyang presensiya sa mga pangyayaring makatao at makalupa. At kung ako’y umaasa lamang sa Diyos ng buhay na walang hanggan, hindi ako talagang umaasa. Sapagkat hindi ako nakakagat sa tanging larangan na kinaiiralan ng presensiya sa akin ng Diyos na tapat at mapagkalinga . . . ang larangan ng makalupang pakikipagkapuwa tao. Kung hindi ako tumatahak at kung hind ako nakikisangkot sa makalupang pakikipagkauwa tao, hindi ako nakikibuklod sa Diyos na tapat at mapagkalinga. Ang presensiya ng Diyos ay

umiiral sa aking pagbabahala na baka hindi bumalik ang anak ko mula sa digmaan, sa aking pagsisikap na buhayin ang aking talino na gagamitin ko para sa aking kapuwa, sa aking pag-aalaga sa aking kalusugan upang lumakas ang aking katawan sa paglingkod sa kapuwa. Sa pagsikap at panalangin, sa tapat na pananalig, umaasa ang tao habang siya’y nakikisangkot sa makalupang pangyayari. Sa ganoon ay kakapit siya sa presensiya ng matibay at magpakailan man na pagkalinga. Sapagkat namumulatan lamang niya ang presensiyang ito sa tapat na pakikisangkot sa mga pangyayaring makalupa. Kaya’t unti-unti siyang natatauhan na ang mga pangyayaring makalupa na parang alanganin ay parang alanganin lamang. Sapagkat, ika nga ng tula: Hindi ka maaring mahulog ng mas malalim kaysa kamay ng Diyos Sa isang paningin, parang hindi gaanong importante ang detalye ng buhay lupa, palibasa’y parang alanganin at matutupad din naman sa buhay na walang hanggan, ngunit, sa wasto at tunay na paningin, ubod na mahalaga ang buhay lupa at buhay panahon, sapagkat ang pananatiling tapat sa alanganin ay siyang kaisa-isang landas sa isang tunay na pagkagat at pananatiling tapat sa tao at sa Diyos, at sa ganya’t kaisa-isang landas sa buhay na walang hanggan. Ang umaasa ay nananatiling tapat sa ubod-tigib-apaw na Ikaw, at nananatili ding tapat sa di magmamaliw na partisipasyon ng mga halaga, mga ikaw. Iyang dalawang katapatan ay nagtatalaban, bumubuo sa isang mayamang abot tanaw ng pag-asa. Ang nasa abot tanaw na ito ay walang dahilan kailan man na sumuko sa tentasyong mabuwal ang loob, walang dahilan kailan man na mababa ang tingin sa kaninomang kapuwa. Ang pagbitiw sa pag-asa ay isang pagtataksil sa ikaw at sa Ikaw. Pag-asa at kadiliman Sa umaasa ang kalagayang kadiliman ay parang mabangis na hayup na kanyang pinapaamo sa pamamagitan ng pasensya. Natatauhan siya na ang kalagayan na pparang nakakasira ay, sa katotohanan, isang kalagayan na maaringmagpatubo. Sa pasensya nag-aapuhap siya at natutuklasan niya ang ritmo ng pagtubo at bumabagay siya rito. At ang dilim na parang mabangis na naninira ay nagiging maamong papawirin na nagpapatubo. Ang taong umaasa ay sabik mabuhay. Sa pinakatinding tentasyon na sumuko sa kamatayan, maari pa rin niyang ipunin anglakas ng kanyang kalooban at pasyahing manabik sa buhay. Ang pananabik sa buhay ay parang apoy. Sinusunog ang mga sagabal sa liwanag at ginagawang liwanag ang dilim, ginagawang buhay ang kamatayan.

Inaasahan kita alang alang sa amin

Page 8: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

Ang panalanging ugat ng pag-asa ay binibigkas sa ubod-tigib-apaw na Ikaw at isang walang pagkokondisyon na pagtaya ng marupok na ako sa absolutong Ikaw. “Inaasahan kita."

At saka dadagdagan niya ng "alang alang sa amin". Sapagkat ang nananalangin ay mulat na ang dalangin ng pag-asa ay sinasakop ang kanyang buong sarili at ang buong daigdig ng mga tao. Sarili at daigdig ay kalat, watak watak. Ang bawat sarili ay "maraming sarili", marami sa iba’t ibang pakiramdam at pag-iisip ng kanyang pagkatao. "Marami" ang sarili, halimbawa; bilang mag-aaral, anak, kaibigan, namamahala sa proyekio, bilang maligaya, malungkot, nasisiraan ng 1oob, malakas ang 1oob, nalilito, malinaw ang isip, at iba-iba pa . . . Ang pagkamaraming ito ay maaring maging pagkasabog ng sarili, maari namang pag-isahin at gawing kayamanan ng sarili. Ang nananalangin ay umaasa na, sa kanyang pagkabuklod sa absolutong Ikaw, ang kanyang pagkamarami ay magiging iyong uring pagkakaisa na ginagalang ang kayamanan ng kanyang pagka-iba-iba. Iyan ang unang “amin" sa “alang alang sa amin".

Ngunit, hindi maaring hindi babaling ang nananalangin sa mga pamilya, mga barkada, mga iba’t ibang kapisanan at lipunan na kanyang kinasasangkutan. At sa bawai isa, sa kanyang bukod tanging paraan, nandodoon ang pagkamaaring sumabog, kasabay ng pagkamaaring yumaman sa pagkakaisa: sa pasensya, sa katapatan, sa pag-ibig. Iyan ang mga sunod-sunod na “amin” sa “a1ang alang sa amin”. Palawak ng palawak ang pagsasama-sama sa pag-asa, hangga’t kasangkot na ang buong sangkatauhan.

Hindi debate, hindi espesyal na karunungan

At ano ang katayuan n pagmumunimuning ito? Hindi debate. Hindi isang paninindigan na; "Sa ganitong mga argumento’y lalabas ang tahasang tamang pilosopiya ng pag-asa; at anomang argumentong laban dito ay bunga ng mahinang isip.” Hindi rin isang espesyal na karunungan. Hindi; “Kung hindi mo ito nakikita, ito’y sapagkat kulang ka sa intuisyon; hindi mo kayang makita sapagkat espesyal na karunungan ito.”

Kung ganoon, ano itong pagmumuni-muning ito? Isang paanyaya. May tumahak sa landas; meron siyang nakita. Ibinahagi niya sa atin; “Ito ang tinahak ko; ito ang nakita ko. Iniimbita ko kayo, baka makita rin ninyo.” Tinanggap ko ang kanyang imbitasyon. Meron akong nakita, kahit na mula sa malayo. Ibinabahagi ko sa inyo at inaanyayahan ko rin kayo. Syudud nu may muralya

Kailangang palaging manalangin ang taong nais umasa sapagkat ang karamihan sa atin ay nabubuhay sa pag-aari. Parang kabibing nagkukulong sa

kanyang malutong na tahanan. Parang taong nakasara sa baluti. O mas malapit siguro sa katotohanang sabihin na bawat tao ay parang isang syudad na maraming distrito, at maraming gawain, pero nahaharangan sa pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng makakapal at matataas na muralya. At sa antas lamang na may mga bitak sa muralya, nagiging posibleng pumasok ang kapuwa, makipagkapuwa, matuto ng pasensya at katapatan.

Ang karamihan ng tao ay nabubuhay sa pag-aari, ani Marcel, at hindi niya sinasabi na hindi siya kasama sa “karamihan” na ito . At lalo akong hindi magpapanggap na hindi ako kasali sa “karamihan” na ito. Kung ganoon, ano ang halaga ng pagmumuni-muning ito? Kahit na nakalugmok siya sa pag-aari, kaya ng bawat tao, kung pagsisikapan lamang niyang buksan ang kanyang kalooban . . . kaya niyang makita at maranasan, kahit na mula sa malayo, ang kanyang tunay na dinamismo tungo sa pakikipagkapuwa, tungo sa pag-asa. At ito ay sapat na upang maakit siya na subukan man lamang na mabuhay sa pakikipagkapuwa at sa pag-asa. At sa pagsisikap at pagsubok na ito, kahit na madalas siyang matisod at madapa, nakikita niya na nadudulutan siya ng kahulugan sa buhay, tinutubuan siya ng pananabik mabuhay. Sapagkat ang pagsisikap umasa ay hindi isang pagsisikap tupdin ang isang teorya ng buhay. Ang pagsisikap umasa ay isang pagsisikap makita ang mukha ng aking kapuwa, pagsisikap masinagan ng liwanag ng mukha ng Diyos. At kung ito ay ipagkaloob sa isang tao, kahit na sandali lamang, magkakaroon ng bunga sa kanyang pagsisikap na talagang mabuhay. Ganito?

At papaano ang magiging katuparan ng pag-asa. Ang naaaninagan yata ay; ginhawa ng pakikitagpo sa alam ko na, kasabay ng pagkagulat sa bago, sa hindi ko akalain. Gumagamit si Marcel ng dalawang salitang Griyego: nostos; pag-uwi; kainon ti; isang kuwan na bago. Marahil ganyan kung makita mo ang tunay na mukha ng iyong kaibigan; “Kilala ko ito pero nakasisindak pa rin ang ganda.” At kung mukha ng Diyos ang pag-uusapan . . . hindi nakita ng mata . . . hindi naulinigan ng pandinig . . . hindi nasilayan ng puso . . .

Ang susunod na teksto ay isinalin mula sa katha ni Marcel; Esquisse d’une phénoménologie et d’une métaphysique de l’esperance, pp. 33-86 ng HOMO VIATOR, Aubier, editions Montaigne, 1944. Nilagyan ko ng mga numero ang mga parapo ng orihinal.

Page 9: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

Kay Henri Pourrat BALANGKAS NG ISANG PENOMENOLOI-HIYAAT ISANG METAPISIKA NG

PAG-ASA

ni Gabriel Marcel

1. Sa isang pananaliksik na katulad ng pinangangatawanan ko ngayon, ni hindi maaaring pumasok sa isip, na magsimula a isang tanging depinisyon, at pagtiyagaan na unti-unting palabasin ang mga nilalaman nito. Ang nararapat ay; itawag sa inyong pansin ang isang tanging karanasan na . . . kailangan kong ipalagay . . . ay umiiral sa mga kinakausap ko. Ang karanasang ito ay ang “umaasa ako” na katulad ng karanasang batayan ng pananampalataya; ang “sumasampalataya ako”. Ito ang pagkakataong hanapin ang pormang dalisay ng karanasang pag-asa. O mas eksaktong sabihin; kailangan nating iwanan ang pormang may kahalo o “malabnaw” nitong karanasang ito at tumungo sa pormang—hindi ko sasabihing ayon sa absolutong pag-iideya—kundi sa pormang pinakatigib sa mga katangiang may anyong naghihidwaan . . . sa masasabing pinakasiksik na porma ng karanasan ding ito.

2. Kaya’t huwag kayong magugulat kapag nakita ninyo akong nagsisimula

sa isang “umaasa ako” na napakababa ang antas. Ito’y magiging isang tunay na gabay na negatibo para sa atin.

3. “Inaasahan ko na bukas mararatnan ni Jak ang pananghalian; hindi siya

gagabihin.” Ano pa ba ang ibig nitong sabihin kundi; iyan ang ninanais ko; sana maging pinakamatagal na posible ang aming pakikipagtagpo ni jak. At mayroon pa akong mga dahilan upang isipin na ganyan nga ang mangyayari; alam kong hindi na siya dadaan pa sa kanyang opisina kaya’t makasasakay siya sa tren sa madaling araw, atbp.

4. Totoo na mahahalata na natin dito ang dalawang sangkap na palaging magkasama: ang pagnanais, isang uring paniniwala. Gayunpaman, nasa katuwiran ako kapag tinatagurian ko itong isang pormang malabnaw ng pag-asa; sapagkat, sa mga ganitong kaso, lumalapit ako sa matatawag nating antas ng oo- man-o-hindi’y-pareho-sa-akin. Kung tutuusin mo, hindi malaking bagay kung alas singko na lamang dumating si jak. Walang anoman diyan na talagang tinatablan ako sa puso. Alalahanin ang praseng ito. Babalikan natin uli. Bukod dito, napapansin ko na ang mga dahilan ng pag-asa dito ay nasa labas ng aking sarili, sa labas ng aking pagkatao,

napakalayo sa anomang pagkakaugat sa buod ng kung-sino-ako. Ang pinag-uusapan dito talaga, ay isang simpleng kalkulasyon ukol sa mga pagkakataon na tinitimbang-timbang ko sa aking sarili, isang paglutas sa isang maliit na problema ukol sa kung ano kaya ang mga malamang na mangyayari. Maidadagdag pa; na, kung nakukutuban ako na maiinip lamang ako kay jak sa kanyang pagbisitang wala sa oras, ay baka sabihin ko pa; “Nangangamba ako’t baka maratnan niya ang pananghalian.”

5. Ipapalagay naman natin ngayon na, sa kabilang dako, ako’y bumabata sa isang pagsubok—maaaring pagsubok lamang sa aking sarili, o sa aming lahat na magkakasama. Matindi kong ninanais na makaligtas. Sana magwakas na ang pagsubok na iyan. Ang buong bisa ng “umaasa ako” ay nakatuon sa kaligtasan. Ang talagang nakasangkot ay na ako’y makaahon sa mga kadiliman na ngayo’y aking kinalulunuran.

Ang mga kadilima’y maaaring pagkakasakit, pagkawalay, pagkapatapon,pagkaalipin. Ubod ng linaw na sa mga ganitong kaso’y imposibleng paghiwalayin ang “umaasa ako” at ang mismong sitwasyon; sapagkat ang “umaasa ako” ay bahagi ng sitwasyon. Ang pag-asa ay gumagalaw sa 1oob ng balangkas ng pagsubok hindi bilang kasangkap lamang, kundi bilang humuhubog sa tunay ng tugon-ng-meron. Ginamit ko iyong salitang talinhaga na “kadiliman”; hindi naman aksidente na sumu1pot dito ang talinhagang iyan. Sapagkat napakatotoo, na sa lahat ng pagsubok na kasing lubha ng tinatanaw dito, natutuklasan ko na ako’y kapus sa liwanag na aking pinakananais . . . sa panahon na hindi ko alam kung gaano magtatagal. Nakahanda rin naman akong sabihin na lahat ng ganito kalubhang pagsubok ay maaring ihambing sa isang uri ng pagkabihag.

6. Sikapin nating lapitan, nang lalo nating masakyan, ang kahulugan ng salitangiryan. O kaya’y kilatisin natin ang mga katangian ng bawat sitwasyon na maaring itukoy ng mga salitang “maging bihag ng”. Tiyak na ang pinag-uusapan ay isang uring pagbata. Kailan ba maaring maging karanasan ng pagkabihag ang pagbata? Batay sa anu-ano bang kondisyon? Dapat bigyan diin ang papel na ginagampanan dito ng katagalan ng panahon. Itinuturing kong ako’y bihag, kung ang karanasan ko'y hindi lamang para bagang ako’y pinadarapa, kundi ginagapus pa. Nagmumula sa labas ko ang pumipigil sa akin. Ipinapataw sa akin ang isang patakaran ng pamumuhay, na tigib sa pagbabawal, sa bawat nibel ng aking sariling pagkilus. Maidaragdag pa na ang namumukod-tangi sa lahat ng mga sitwasyon na ating inuungkat sa sandaling ito, ay na nakikita kong kasangkot ako sa isang lubusang imposibilidad. Hindi ko sasabihin na

Page 10: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

palaging nagiging imposible ang gumalaw, o pati kumilus sa isang paraang medyo malaya. Ang tinutukoy ko ay isang pagka-hindi-maaring-dumating sa isang kasaganaan ng mismong buhay; ng buhay-damdamin, o pati ng buhay-pag-uunuwa sa bukod-tanging kahulugan nito.

Kitang-kita, halimbawa, na ang alagad ng arte, o ang manunulat, na nagdurusa sa matagalang pagkabaog, ay nakadarama ng isang tunay na pagkabilanggo. O, kung gusto mo, ang nadarama niya ay isang pagkapatapon; para bagang talaga siyang inalis sa liwanag na sa karaniwa’y kanyang ikinabubuhay. Samakatuwid, masasabi natin na bawat bihag ay nagiging dayuhan sa kanyang sarili. Kung sa bagay, maaring mangyari na ang aking pagkabunot sa sarili ay pagkakataon na, upang tumalas ang aking malaytao at matauhan ako ukol sa kabuoang loob na nawala, at ngayo’y aking inaasam na muling bawiin. Kung hindi dahil sa pagkabihag, baka ni hindi ako natauhan. Ganyan din ang nangyayari, halimbawa, sa maysakit. Para sa kanya, ang salitang “magaling na” ay gumigising ng siksik at maka-musikang alingawngaw, na sa karaniwan ay ni hindi masasagid man lamang ng hinala ng taong magaling nga. Ngunit, kailangan pa rin na tanungin ng tao sa sarili: ano kaya ang talagang tunay, at ano ang pagbigo sa sarili, sa ideya ng “magaling na” na kinagigiliwan ng maysakit. Nahahawig diyan ang problem ng isang tao na nawala ang minamahal. Habang nalulungkot ako, para bagang malinaw ko siyang nakikita,at buhay na buhay—ngayon, na wala na siya sa akin—kaysa noon, noong harap-harapan pa kaming nakikipagtagpo, at nakikipagkapuwa kalooban.

7. Hindi na ako papasok sa mga detalye nitong usapang ito, nang huwag na tayong maligaw sa ating talakayan. Ipamamasid ko lamang na ang ganitong tagisan ay hindi yata kayang buksan ang landas sa pag-asa; bagkus inilalagay pa sa alanganin. Nanganganib tayong makulong sa isang sulok, sa kagipitan na walang labasan—mga bilanggo ng isang karanasan na niluray-luray tayo. Sapagkat ang tagisan ng isang umiiral na kalagayan laban sa isang inuulit sa alaala ay hindi maaring kumpunihin. Napakalayo ng posibilidad na magkaunawaan ang dalawa. Bagkus, parang may panata ang bawat lumalaban, na walang sawang papabulaan ang kinakalaban. Ito lamang ang katuwirang mabibigkas natin; Ang resulta ng nasabing tagisan ay; pasaltahin ang sitwasyon na siyang batayan ng misyon ng pag-asa. Sapagkat ang mismong sitwasyon ay parang tawag ng naghihirap; ang misyon ng pag-asa ay tumugon.

Ngunit, may tututol: Sa kabila ng lahat ng mga sinabi mo, hindi ba may mga sitwasyong wa1a yatang kahit anong bahid ng trahedya, ngunit may katutubong kakayahan pa rin na pairalin, o pukawin pa, ang kilus ng

pag-asa? Maiisip natin, halimbawa, ang babaeng naghihintay na siya’y magkaanak. Siya’y talagang masasabing tahanan ng pag-asa. Ganyan din ang baguntao o dalaga na nababalisa sa kahihintay na siya’y tubuan ng pag-ibig. Ngunit, sa palagay ko, ang mga ganyang halimbawa ay pinapatibay lamang ang mga nasabi na sa itaas. Sapagkat, palaging bumabaling ang 1oob ng tao sa isang liwanag na hindi pa nakikita, sa isang liwanag na isisilang pa, sa pag-asang nagbibigay-1akas upang makaraos siya sa umiiral na gabi, gabi ng paghihintay, gabi na kapag tumagal pa ay tiyak na ipapakawala ang lahat ng mga puwersang naghihidwaan sa loob ng tao hangga’t sa katapusan ay matunaw ang kanyang katauhan. Kapag natauhan natin iyan—isip-isipin natin, kahit na pahapyaw—ma1i1iwanagan tayo uko1 sa napakadalas nating mapansin; ang pagka-katuwa, at pati pagkalihis sa katinuhan, ng mga nagbibinata’t nagdadalaga, at ng mga nagdadalang tao.

8. Talaga yatang kailangan na magpatuloy pa tayo sa kinagagawian ng ating pagmumuni-muni; bumaling sa talinhaga ng pagkabihag at kilalanin ang isang kahulugan ng talinhaga na may pagkaiba sa kahulugang binabalingan ni P1aton at ng tradisyonal na ispiritwalismo. May kalagayan na tahasang umiiral sa mismong buhay-tao na palaging lumilitaw sa anyo ng pagkabihag. At itong mismong nag-aanyong ganito, ang siyang masasabi nating tumpak na lugar ng posibilidad na magpasakop ang buhay-tao sa pag-asa. Madaling ipakita—at pagkakataon marahil mamaya, para sa isang mas malalim na pagtalakay—na meron ding tunay at palaging nananatiling posibilidad na maagnas ang buhay- tao. Posibilidad na sa katapusan ay humantong sa isang tuluyan na lumulubhang kahinaan, at hindi na mahintong pagkawala, ng kakayahang umaasa.

Sa isang balintunay na nakakagulat lamang sa isang mababaw na kaisipan; kapag lalong hindi nararanasan na ang buhay ay pagkabihag, lalong nawawala ang pagkaangkop ng diwa na makita ang pagsinag ng liwanag na parang natatabingan, mahiwaga, na bago pa magsimula ang anomang pag-aanalisis ay batid natin na siyang tahanan ng pag-asa.

Hindi maipagkakaila, halimbawa, sa kaso ng isang “malayang isip” na nakababad sa naturalismo; kapag 1alo niyang pinagsikapang pawa1ang-bisa ang ilang nakakasindak na pagkakaiba na umiiral sa daigdig (pagsisikap na, sa kasawiang palad, ay palaganap nang palaganap ang tagumpay), at ikalat sa daigdig ang maputlang liwanag ng silid-komperensiya—at kapag, kasabay nito, ay 1a1o pa niyang pinapabisa ang kategorya na tinawag ko na sa ibang lugar na “natura1 lang ‘yan” . . . hindi maipagkakaila na itong “ma1ayang isip” na ito—dogmatiko at

Page 11: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

istandardisado—ay ilalagay sa alanganin at, sa kahabaan ng panahon, ay aagawan pa ang karaniwang tao pati ng mga agaspang na simula ng pag-asang makalupa.

9. Ngunit, sa tumpak na salita, tungkol sa ano bang pag-asa ang usapan? Ano

ba ang eksaktong bagay na tinutunguhan?

10. Napaka-importante, sa akin paningin, na idiin dito, bilang katumbas ng kasasabi ko lamang, ukol sa pagiging pagkabihag ng buhay-tao; na ang pag-asa ay may bukod-tanging nisus: Ito ay isang hindi masusupil na galaw ng 1oob na ang gawi at hilig ay lampasan ang lahat ng mga partikular na bagay na, noong una, ay para niyang kinakapitan. Mamaya’y kailangan nating kilalanin ng tumpak at malinaw, mula sa paninging metapisiko, kung ano ang sinasaklaw nitong punang ito. Subalit, mula ngayon, kaya na nating makita, na, ang tono ng “umaasa ako”, sa absolutong kahulugan, ay tahasang iba, sa tono ng “umaasa ako na”. ltong tahasang pagkakaibang ito, ayon sa istriktong ebidensiya, ay dapat ituring na katumbas ng tahasang pagkakaiba na umiiral sa lahat ng pi1osopiyang relihiyoso na ginigiit ang pagkakaiba ng “sumasampalataya ako” at ng “sumasampalataya ako na”.

11. May isa pang puna na kailangan ding tuonan ng pilosopo bago siya makapagpapatuloy. May kinalaman ito sa mga katangiang-buod ng simuno sa usapang “umaasa ako”. Ang bisa nito ay walang kinalaman sa “aba ako” na, sa kabilang panig, ay umiiral o palaging nanganganib man lamang na lumitaw, kapag ang nakasangkot ay hindi pag-asa, kundi, halimbawa, ang pagka-segurado, o pati ang pagdududa. Dito, kakailanganin kong bumaling sa mga inipun na muni-muni na inilahad ko kamakailan lamang, ukol sa paksang Aba-ako at Hindi-ako. Sinabi ko doon na ang aba-ako—sa kadalasan, o baka halus palagi,—ay may kasangkap na pagbaling sa isang hindi-ako na nadarama o itinutukoy na kalaban o saksi; o baka kinakailangan o ipinapalagay bilang taga-eko o palakas-tunog o pampalitaw sa galing ng aba-ako.

“Kayo, nagdududa kayo, sapagkat mali ang mga nagbalita sa inyo, o baka wala kayong matinong kalooban, o baka nadala kayo ng kung ano pang ibang dahilan. Aba ako, segurado ako—at (hindi na kailangan sabihin) ipinagmamalaki ko.” O baka naman sa kabilang panig; “Kayo, segurado kayo, sapagkat kayo’y isip-bata, o baka mali ang mga nagbalita sa inyo, o baka nadala kayo ng kung ano pang ibang dahilan. Aba ako’y ibang iba. Ako, aba, ay mas matalas kumilatis kaysa sa inyo. Duda ako.”

12. Hindi ko naman ibig sabihin na ang bawat segurado ako o duda ako ay hindi maiiwasang masangkot sa paninindigang binibigyan diin dito. Ngunit, ito ang tiyak: na noong aking inungkat at diniin ang paninindigang aba-ako, hindi ako talagang sumalungat o lumihis sa kahulugan o katutubong kilus ng segurado ako o ng duda ako. Ibang iba ang nangyayari kapag ang usapan ay ukol sa “umaasa ako”. Dito, wala, at hindi maaring magkaroon, ng anomang tono ng paghamon o paggising ng galit. Sa kabilang panig naman, napakadaling mangyari na ang hamon at galit ay nagiging buod ng “duda ako" at “segurado ako”. Bakit may ganitong pagkakaiba? Tiyak na sapagkat iba ang tinutunguhan ng “umaasa ako”. Sa “umaasa ako” walang anomang paggiit na bumabaling sa, at sabay lumalaban sa, isang kinakausap—na talagang kaharap o kaya’y ginuguni-guni. Totoo nga na walang anomang pagbabawal na, ayon sa pagkakataon, ay sabihin ko; “Umaasa ako; ikaw nama’y hindi umaasa." Ngunit, walang kulay, ni katiting, ng mabagsik na pagkalugod sa sarili; habang napakadalas naman mangyari na ganyan ang kulay ng “segurado ako” o ng “duda ako”.

13. Lilinaw ito, sa palagay ko, kung pagtitiyagaan lamang natin ng kaunti, na kilatisin ang pagkakaiba ng pag-asa at optimismo. Pagkakaiba na maaring mag-anyong mas nasa antas ng musika kaysa sa antas ng lohika. Kaya’t madali na ring mangyari na napagkakamalan. Ngunit, kamali rin ang-ituring na hindi importante, itong pagkakaibang ito.

14. Optimista ang taong may matatag na paniniwala—o, sa ilang kaso, basta’t may malabong kutob—na ang mga bagay ay nakatakdang “maaayos din”. Sadya kong sinabing “mga bagay”; maaring ang usapan ay ukol sa isang tiyak na sitwasyon o sa isang tumpak na problema; o baka ang mga tinatanaw naman ay basta’t kahit anong problema o hindi pagkakaunawaan o paghihidwaan, na sa karaniwa’y bahagi ng buhay. Hindi na kailangan pang sabihin na ang optimismo ay kayang magpakita sa di hamak na iba’t ibang anyo. Merong optimismo na purong damdamin at optimismong nagpapanggap na palaisip (sa katotohanan naman, baka purong damdamin lamang na nagbabalatkayo). May mga optismismo na ang hangarin ay manindigan lamang sa mga pagmumuni-muning nagmumula sa karanasan. Sa kabilang panig, merong mga optimismo na ang inaangking tuntungan ay mga pangangatuwirang metapisiko, at pati teolohiko.

Subalit, kumikiling ako sa paniniwala, na itong mga pagkakaibang ito ay hindi talagang malalim—kahit na, sa unang paningin ay maaring humilig ang tao sa ganyang pag-aakala. Ngunit, tiyak pa rin na lahat ng mga uri ng optimismo ay naninindigan sa kaisa-isang ayos ng kalooban, sa

Page 12: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

kaisa-isang habitus. Marahil, wala talagang malalim na optimismo. Totoo ngang malalim ang metapisika ni Leibniz; ngunit hindi kapag ito ay optimista, o nag~aanyong teodisea.

Kung masusi mong tutuusin: sa buod ng kanyang optimismo, ang optimista ay hindi naninindigan sa isang karanasan na lubusan niyang inaangkin sa kanyang kaloob-looban, sa kaibuturan ng kanyang buhay. Baliktad ang kanyang patakaran; ang karanasan ay kanyang tinatanaw mula sa sapat na kalayuan, upang lumabas na mahina ang mga paghihidwaan, at lahat ay makita sa pondo ng isang sumasaklaw na pakikibagay. Ang mga hindi mabubuting konklusyon na sapilitan nating nararatnan, kahit na hindi tayo masusi sa ating pagmamasid sa “mga bagay”, ay walang pag-aalinlangang inaakay ng optimista, upang mairating sa ibang uring kinalabasan. Lalayo siya upang makita niyang maigi, sa sapat na “tagal ng panahon”. “Sa katagalan, palaging nakikita ng tao na . . . ” “Hindi tayo makukulangan ng patibay na . . .” “Basta’t huwag ka lamang mapapahinto sa . . .” Ganyan ang mga pormu1a na palaging paulit-u1it sa diskurso ng mga optimista. Pagmasdan natin ang salitang “diskurso”. Importante iyan dito. Ang optimista ay likas na mandidiskurso. Buong1ugod siyang kumakapit sa paningin na bukal sa daigdig ang tumungo’t humantong sa kaginhawaan. Likas yata sa ganitong paningin na umiral at magpairal sa pagdidiskurso.

Pahapyaw nating mapagmamasdan na meron din pesimismo na katumbas ng optimismong ito. Mapagdiskurso rin. Sa buod, hindi talaga iba. Kung baga sa damit, ang pesimismo ay parehong baro, ngunit baliktad.

15. Bilang pagpapatuloy sa ating mga naunang pagmamasid, sasabihin natin

na iyang optimismong iyan (o—maari din—pesimismo; hindi naman talagang iba sa optimismo) ay tahasan at istriktong bahagi ng “aba ako”. Nagpapakilala ang optimista bilang isang manunuod na malabis ang talas ng pananaw. “Kung ang inyong paningin ay kasing galing lamang ng akin, hindi ninyo makakaligtaang tiyakin . . . Pa1ibhasa’y mas malabo ang inyong paningin kaysa sa akin, huwag kayong mag-aatubiling manalig sa aking pagsasaksi, sa aking malinaw na pagtanaw . . .”

Oo nga’t kailangang aminin, na, sa isang aktuwal na tao, sa kanyang umiiral na katotohanan (hindi sa mga sulat ng isang teorista, ekonomista man siya o metapisiko), ang optimismo ay hindi palaging mahihiwalay sa isang malabong pananampalataya, na likas na dayuhan sa isang mistulang manunuod. Ngunit, ang ating tinatalakay dito ay ang optimista sa kanyang kakanyahan. Ang tinutukoy ay purong optimismo; hiwalay sa anomang pagpasok ng paniniwala, sa anomang tuluyang

pakikisangkot, sa anomang pagtataya sa sarili, na umiiral sa sandali na ang buhay ay hindi tinatanaw mula lamang sa labas.

Ngunit, nakita na natin, at lalong 1a1o pa tayong matatauhan, na ang taong umaasa, katiting man lamang ang katunayan ng pag-asang ito, at huwag lamang sanang maglaho sa isang platonikong pagnanais . . . ang taong umaasa ay mulat sa kanyang sarili na siya’y parang nakasalalay sa isang proseso. Sa ganito lamang paningin, nagiging posible ang malinaw na paglalahad sa pagka-bukod-tangi ng pag-asa; at idadagdag ko, pagka-supra-rasyonal; marahil, pati pagka-supra-relasyonal. Babalik ako sa terminolohiya na madalas kong binabalingan; ang pag-asa ay nagpapakiiala bilang hiwaga, hindi bilang problema.

Sakop rito ang mapagmamasdan natin; na hindi madali ang landas ng gustong maglarawan sa pag-asa. Kapag sinikap kong ilarawan ito, ang talagang nangyayari ay; na halus hindi ko maiiwasang bigyan ang pag-asa ng anyo, na hindi ayon sa kanyang tunay na katangian. Halimbawa, baka sa aking pagtatalakay ay mag-anyong malabis na pagbibigay-halaga sa sarili ang pag-asa Sa ganyang paraan, hihilig ako sa interpretasyon na ang kahulugan ng “umasa” ay “ipagma1aki na . . Ngunit, sa katotohanan, kung mahaharap nating ulitin sa alaala o—parehong gawain na rin—kung sa sapat na lakas ng ating guni-guni, ay madama natin kung ano ang umasa, kapag tayo ay liniligid at tinatablan ng isa sa mga sitwasyon, na sinubukan nating buhayin sa itaas . . . dapat natin makilala na “umaasa ako” ay walang-wa1ang kinalaman sa; “Kasali ako sa sekreto, sa sanggunian ng diyos o ng mga diyos. Kayo naman ay mga hindi kasali sa banal. At sapagkat napapakinabangan ko itong mga bukod-tanging liwanag, matibay kong sinasabi . . .”

Ang ganyang uring paglahad sa pag-asa ay napakalubhang pagsalanta sa katunayan. Sapagkat hindi kinikilala na ang pag-asa ay gumagalaw sa kabaliktaran. Hindi inaamin na ang tunay na pag-asa ay mapakumbaba, mayumi, malinis.

Ang mahirap na gawain, na tiyak na nakatakda sa pilosopo ay; masigasig na lumaban sa maling paglalahad na iyan, at sabay na unawain kung bakit napakahirap iwasan ang ganyang interpretasyon. Papaano pa kayang nangyayari na hindi natin nakikita ang nasa mismong kakanyahan ng pagpapakumbaba, ng hiya o ng kalinisan; na ang mga ito’y hindi maaring magpasakop, palaging umaayaw na itiwala ang sekreto, sa pag-iisip na rasyonal? Saan kaya nanggagaling ang pagkukulang sa mismong ugat, ang magaspang na hindi pag-aangkop, na sa kadalasa’y ating natutuklasan, sa mga interpretasyon na binabalingan natin upang sana’y maliwanagan tayo ukol sa tinatawag kong hiwaga ng pag-asa?

Page 13: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

Malugod na sasabihin, halimbawa, ng isang tao, mula sa paninindigang naturalista: “Ang pag-asa ng may sakit o ng bilanggo o ng napatapon. . . hindi ba maiuuwi iyan kapag nasabi na ang lahat, sa isang uri ng pag-aayaw ng katawan, na tanggapin, bilang nakatakdang hangganan, ang isang sitwasyong hindi matitiis? Ang pag-aayaw na iya’y ang pamantayan na makasusukat kung meron pang buhay-katawan na nalalabi sa suheto. At hindi ba napagmamasdan ng lahat, na kapag naratnan na niya ang antas na siya ay gastado o ubos na, ay hindi na niya makakayang patagalin pa, ang pag-asa na noo’y nagbibigay lakas sa kanya, sa mga unang yugto ng kanyang nakasisindak na karanasan?”

16. Hindi maipagkakaila na ang ideya ng buhay-katawan na ginagamit rito,

ay may sariling kalabuan. Ang palaging sumasaltang malinaw ay: ang pagnanais na isawalang halaga, na siyang umuudyok sa paggamit sa ganyang ideya; “Huwag ka nang mag-isip-isip pa sa mga makabibigo lamang . . . ang pag-asa ay hindi iba kundi . . . atbp.” Sa ganyang paraan, pinagtatangkang ilagay sa alanganin ang pagka-bukod-tangi ng pag-asa. Trabaho ng ating pagmumuni-muni ang kilalanin: sa ano ba tumutumbas ang maingat na pagsasawalanghalagang iyan? Mamaya’y babalikan natin.

Sa kabilang panig, kailangang pansinin na tiyak na maaaring magkaroon ng mga kalagayan, na nabibigatan sa antok ang diwa, at lubusang hindi makakilus ang ispiritu. Malinaw, halimbawa, na kapag ako’y wala sa kondisyon, dahil sa lamig o sa gutom, hindi ko na kayang ituon ang aking isip sa isang ideya; at la1o ko pang hindi kayang gamitin ang isip na mapagkilatis. Ngunit, kabalighuan pa rin, kung ituturing ko, na ito ay katuwiran upang manindigan, na ang pagtuon o pagkilatis ng isip, ay likas na materyal lamang.

Naiiwan pa ito; na matibay nating nakikita sa karanasan, na likas sa kilus ng pag-asa, ang manatili pang buhay, kahit na ang katawan ay halus lubusan nang nawawasak. Kung iyan ay buhay-katawan, mahirap ng dihamak, ang tiyakin kung ano ang kahulugan ng “buhay-katawan”. Hindi tumutumbas sa kahulugang binibigay natin sa katagang iyan, kapag ang pinag-uusapan ay katawan ng taong malusog.

Ano man ang masasabi riyan, kailangang bigyan-diin, na ang ideya ng isang pisika ng pag-asa ay basta’t walang kahulugan, at salungat sa lahat ng talagang nakikita. Kung sa bagay, wasto marahil manindigan na ang pag-asa ay buod ng mismong ispiritu ng tao. Kaya’t kailangang mag-ingat upang huwag tayong matangay ng pag-aakala, na ang wastong pagtalakay sa pag-asa ay maaring magsimula sa ilang mga pag-aasal o kahiligang sikolohiko. Sa katotohanan, ang mga pag-aasal at kahiligang iyan ay palaging hinuhubog ng guni-guni, kapag nakalipas na ang

karanasan, upang makagawa ng teorya ukol sa mga nananatili pang bakas ng katutubong hiwaga. Sa katapusan, upang mahikayat tayo na ito’y totoo, sapat nang pagmasdan, na hindi natin talagang malalaman, bago dumating ang pagsubok, kung ano ang magiging bunga ng pagsubok sa ating buhay, kung ano ang kakayahan at kalooban na matutuklasan natin sa ating sarili, habang hinaharap natin ang pagsubok.

17. Sa katotohanan, hindi maaring magkaroon ng pag-asa, sa tunay na kahulugan nito, kapag hindi pumapasok ang tukso na itaboy ang pag-asa. Ang pag-asa ay kilus ng kalooban, na masigasig o matagumpay na nilulupig ang tuksong ito. Marahil, ang nagtatagumpay ng ganito ay hindi palaging nakadarama ng anomang pagpipilit sa sarili. Malugod ko pang sasabihin, na ang pagdama sa anomang pagpipilit ay dayuhan sa purong porma ng pag-asa.

18. Kaya’t ano ngayon itong sinasabing pagtaboy sa pag-asa? Huwag tayong hihinto sa mga palatandaan, sa mga pagpapakita nito. Ano ang tunay na buod ng pagtaboy sa pag-asa? Palagi yatang may pagsuko sa isang inaakalang fatum.Tiyak ang kaibhan ng pagsuko sa hindi pagsuko. Ngunit, mahirap itukoy na eksakto kung ano.

Ipalagay natin na ako’y nadapuan ng sakit na hindi na gagaling, at wala nang pagbubuting nababanaagan sa aking kalagayan. Maaring mangyari na ako mismo ang magpapahayag; “Hindi na ako mapapaga1ing.” O baka naman mga doktor ang magbubunyag sa akin . . . sa paraang meron o walang delikadesa: Ayon sa lahat ng tunay na alam nila, hindi na ako gagaling. Nag-aantabay 1amang sila. Ibig nilang ako’y maligtas, halimbawa, sa mga kabiguan. Papagurin lamang ako ng mga iyan . . . para wala.

Sa unang kaso, parang ako ang pumapasya. Pina-wawalang-saysay ko ang mga sumasalungat, o maaring sumalungat. “Kayong nagpapanggap na alam ninyo, sinasabi ninyo na maari pa akong gumaling. Ako ang nakakaalam kung ano ang aking nararanasan. Ako ang nakakaunawa mula sa 1oob ng aking kalagayan. Matibay kong binubunyag sa inyo; nililinlang ninyo ang inyong sariii. Hindi na ako gagaling.” Sa ganyang paraan, nagbababa ako ng hato1 ukol sa aking sariling kapalaran. Tiyak na tututol kaagad ang aking mga kaibigan at kamag-anakan, at pati ang aking doktor. Sasabihin nila na inilalagay ko ang aking sariii sa mga kondisyon na mas makasasagabal sa aking katawan, upang ito’y talagang lumaban sa sakit. Hindi ko ba isinasalalay ang lahat sa panganib? Para bagang nasiraan ng 1oob ang aking katawan dahil sa hato1, kung kaya’t la1o pa tu1oy pinatibay ang hatol. Sa halip na maantabayanan ko at

Page 14: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

mapagplanohan ang aking tadhana, ako pa tuloy ang tumulak nito sa kapahamakan.

Katuwang pangyayari, maari naman na iba ang magiging kinalabasan sa ikalawang kaso na ating inilalarawan. Maari na ang hatol na pinaalam sa akin, mula sa labas ng aking sarili, ay siyang gigising sa aking kalooban; kaya’t lalakas ako, hindi lamang upang matanggihan ang sentensiya, kundi upang mapabulaan ko pa sa mismong mga pangyayari. Ito ang tiyak na masasabi ukol sa ikalawang kaso; Hindi ako lumilitaw sa mula’t mula pa, bilang kasabwat ng aking hindi pagkagaling; ni hindi ko binibigyan-bisa man lamang, hindi ko inaangkin ang sentensiyang ibinunyag sa akin. Ngunit, totoong merong isang uring kapangyarihan, isang uring kaluwagang sumalungat, na naiwan sa akin; sa tumpak na dahilan na hindi ako, kundi ibang tao, ang nagpahayag na hindi na ako mapapagaling.

19. Gayunpaman, nararapat nating paghiwalayin dito, ang ilang paninindigan ng kalooban. Dihamak na hindi magkahawig ang mga paninindigang ito; at ang bawat isa ay may ibinibigay sa magiging tumpak na kalalabasan.

“Sumuko”, sa matinding kahulugan ng kataga, ay hindi lamang pagtanggap sa hatol na ibinaba. Kung sa bagay, marahil, walang kinalaman sa anomang pagtanggap sa hatol; ni sa anomang pag-angkin na ang hindi maiiwasan ay talaga ngang ganyan. Ang taong sumusuko ay nagpapakawasak kapag hinarap siya ng hatol na ito, ng hindi maiiwasan na ito. Ang buod ng pagsuko ay pagtanggi, pag-ayaw akuin ang sariling kaakohan: isang pagkagayuma sa ideya ng pagkawasak ng sarili, hangga’t inaantabayanan pa itong pagkawasak na ito.

“Tumanggap” ay maaring magkaroon ng kahulugang kabaliktaran; huminto at manindigan sa sarili. Ibig sabihin; ingatan ang kabuoan ng sarili, Kahit na nakatakda, na hindi na ako aahon sa sakit na ito, o hindi na lalabas sa bilibid na ito—hindi pa rin ako mag bibitiw . . . o papayag, mula ngayon, na maging isang tinapon na inutil . . . kahit na, tutal, sa katapusan, diyan din ako pahahantungin ng sakit o ng pagkabilanggo. Sa mapanganib na paggayuma na pinaaabut sa akin ng larawan ng pagbibitiw o pagpapatapon . . . ilalaban ko ang kaloobang manatili sa aking tunay na kaakohan.

Maari pang mangyari na sa pagtanggap sa isang hindi maiiwasan, sabay sa ubos lakas na pagtanggi na makarating ito habang hindi pa panahon . . . ay makatuklas ako ng paraan upang maipon at mapatibay ko ang aking panloob na sarili. Mapapatunay ko sa aking sarili na ako ay ako nga, at sa mismong kilus na ito’y lubusan ko pang malalampasan itong

fatum na hindi ko maaring huwag tingnan. Hindi mapagdududahan na diyan umiiral ang bisa, ang kadakilaan ng istowisimo.

Ngunit kailangan pa rin harapin na sa totoo ang istowiko ay nananatiling kulong sa kanyang sarili. Walang dudang tumitibay siya, ngunit hindi siya sumisinag. Mangangahas pa akong sabihin na ang pinakikilala sa atin ng istowiko ay ang pinakataas na pag-papakita, ang mataas sa lahat ng mga antas ng sublimasyon ng “aba ako”. Ang pag-aasal niya—at tinutukoy ko rito lalo na ang ayos ng kanyang kalooban—ay parang taong walang kapuwa; sa sarili lamang siya tumitindig, sa sarili lamang sumasagot.

20. Malinaw nating nakikita na ang pag-asa ay may katangian na lubusang

linalampasan ang pagtanggap. O marahil mas eksaktong sabihin na ang pag-asa ay isang hindi pagtanggap, pero sa pamamagitan ng isang pag-ooo, kaya’t iba sa paghihimagsik.

Ang hindi pagtanggap, kung minsan, ay isang pagpapatigas lamang, pagbabaluktot ng kalooban. Kapag ganyan, kahinaan ang hindi pagtanggap. Baka pa’t humawig sa kanyang kabaliktaran: maging pagbitiw, isang uring pagwasak sa sari1i o pag-urong.

Ang buod ng ating pananaliksik ngayon ay: papaano bang maaring magkaroon ng katangiang pag-ooo ang hindi pagtanggap? Papaano bang maaring mangyari na sa halip na malanta at kumulubut, ako’y luluwag at aaiiwalas sa hindi pagtanggap na ito?

Ang paghahambing na sumasalta rito ay ukol sa maluwag na liksi ng taong sanay lumangoy o mag-iski. Ngunit, ang kabalintunaang sumasagupa sa atin ay ito: napakahirap isipin ang isang kilus na mayumi at maluwag, at maganda pa, kapag sa mula’t mula pa’y ang buod ng kilus na iyan ay nakikitang isang pagtanggi.

Mababanaagan natin ang solusyon sa pambihirang problemang ito kapag inilarawan natin sa ating sarili, ang mga pagbabaluktot o paninigas na nagaganap sa anomang nibel ng buhay-katawan o ng buhay-ispiritu. Iyang mga pagbabaluktot o paninigas na iyan ay bumabatay palagi sa isang uring galaw ng ma1aytao: galaw na kung hindi tumpak na takot, ay “pagtalbog” sa takot na nasa uri na rin ng takot: isang mahigpit na pamumulupot ng sarili sa sarili: at ang buod ng lahat nito ay marahil isang pagwawalang-pasensiya.

Ngayon na naisingit na ang pasensiya sa usapan ukol sa hindi pagtanggap, bigla at lubusan na tayong pumapasok sa larangan ng pag-asa. Sapagkat ang isti1o ng pagsesentro o hindi pagsesentro ng ako sa sarili, ay meron yatang lihim at bihira mahalatang pagkatali . . . sa isti1o ng pagtugon ng ako sa pagmamatagal ng panahon; o, sa mas tumpak na salita,

Page 15: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

sa pagsasapanahon; ang ibig sabihin, sa katotohanang may nangyayaring pag-iiba’t pagpapalit sa mismong meron.

Matutulungan tayo dito ng isang mapakumbabang prase na kukunin natin sa pang-araw-araw na salita: magdahan-dahan, Ang taong naninigas o naghihimagsik ay hindi marunong magdahan-dahan. Ano ang nararapat natin ikahulugan sa salitang iyan na napakadayuhan sa talasalitaan ng mga tekniko sa pi1osopiya? “Magdahan-dahan ka,” sasabihin, halimbawa, ng isang taga-eksamen sa isang istudyanie na madaling mataranta. Ang ibig sabihin ay: Huwag mong babaliktarin ang iyong personal na ritmo, ang katutubong kumpas ng iyong pagmumuni-muni, pati ng iyong ala-ala. Kung mawawala itong ritmo at kumpas na ito, mawawala rin ang iyong mga pamamaraan. Baka’t magpatsamba –tsamba ka at mabigkas mo na lamang ang mga unang kataga na sumulpot sa iyong bibig.

Parang ngayo’y talagang napakalayo na natin sa buod ng pag-asa. Ngunit, sa palagay ko’y hindi; At ganito ko palilitawin ang pagkahawig o . . . marahil mas eksaktong sabihin . . . ang lihim na pakikipagkapuwa na bumubuklod sa pag-asa at pagmamahinahon. Ang taong umaasa, nakita na natin, ay humaharap sa isang pagsubok na maihahambing sa isang pagkabihag. Hindi ba’t ang umaasa’y nakikibagay sa kanyang pagsubok sa isang paraan na nahahawig sa paraan ng taong pinagpapasensiyahan ang kanyang sarili? Ang taong ito ay nakikibagay sa kanyang “ako” na “menor de edad", itong ako na kailangang turuan at pigilan; pangatawanan nang huwag bumaluktot at manigas, at, sa kabilang panig, huwag namang biglang umigpaw at kumawala; huwag agawin ang kalayaan sa hindi tama at hindi pa nararapat na panahon. Sa ganyang paningin, nakikita na sa mula’t mula pa’y bukal sa pag-asa ang pakikibagay sa pagsubok. Sapagkat ang pagsubok ay itinuturing na sangkap na papasok sa pagbubuo sa sarili; at, sa mismong galaw na ito, ang pagsubok ay nakikitang para bagang may panatang magpapatunaw at magbabagong-anyo-ng-buhay sa sinapupunan ng isang prosesong lumilikha.

21. Kauungkat ko lamang sa mga patakaran ng taong pinagpapasensyahan

ang sarili. Marahil, mas matututo tayo kung pagmumuni-munihan natin ang taong pinagpapasensyahan ang kaniyang kapuwa. Ang taong nagpapasensya sa kapuwa ay tinitiyak na hindi niya babasta-bastahin at hindi rin tatampalasanin ang kanyang kapuwa. Nang masabing mas tumpak: hindi niya tinatangka na ang kumpas ng kanyang ritmo ay siyang marahas na aagaw sa lugar ng ritmo ng kanyang kapuwa. Nasa trabaho ng may pasensya na huwag tratuhin ang kapuwa na parang isang bagay

lamang na walang katutubo at sariling ritmo, kaya't mahuhubog ng sapilitan o matitiklop ayon sa anomang hilig.

Kung ang mga iyan ang mga iniiwasan, sa ano naman umooo? Masasabi natin na ang nagpapasensya ay nananalig sa isang proseso ng pagtubo at pagiging matino, “Manalig”: ang tinutukoy niyan ay hindi isang simpleng pag- amin sa teorya, at pagkatapus wala nang gagawin, sapagkat ang ganyang pag-amin ay payak at purong pagbitiw: iniiwanan ang kapuwa sa kanyang sarili. Hindi. Ang pananalig dito ay isa yatang uri ng pagsusubaybay sa prosesong iyan, isang pagpasok at pakikiisa sa mismong kilus ng kalooban. Kaya’t parang taglay ng pasensiya ang isang pagiging-marami-sa-panahon. Sa da1oy ng panahon, ang sarili ng nagpapasensya ay nagpapakarami.

Iyan ay tahasang kabaliktaran ng kilus ng taong tinatanggihang umasa sa kapuwa, ng taong naninindigan na walang anomang mabuting magagawa ang kaniyang kapuwa, na wala siyang maiintindihan kailanman, na siya’y wala nang remedyo. Unawain na ganyan rin ang pagtaboy sa pag-asa na sanhi ng aking pagpapahayag na hindi na ako gagaling, na hindi ko na makikita ang katapusan ng aking pagkabihag , atbp.

Katuwa man ang pangyayaring ito, nangyayari sa pag-asa na natututo akong makiugnay sa sakuna, makiugnay lalo na sa paninirang ginagawa nito sa akin; natututo akong taimtim na makipagkasundo sa pagkabihag, sa paraang hawig sa aking pakikipagkasundong taimtim sa taong pinagpapasensyahan ko. Marahil masasabi na natin na napapaamo ang mismong pangyayari, na, kapag pinahintulutan nating takutin tayo ay nagiging fatum. Sa isang mababaw na sulyap; o sa tumitingin lamang sa etimolohiya, ang pasensya ay para bagang isang basta’t-hayaan-mo-siya. Ngunit kapag pinagtitiyagaan mong mag-analisis ng may kaunting kalaliman, matutuklasan mo na iyang hayaan-mong-gumawa at iyang hayaan-mo ay nasa ibayo ng pagwawalangbahala, at may taglay na delikadesa na ginagalang ang matagalang kumpas na katutubo sa buhay ng bawat kapuwa. Kaya’t ang hayaan-mong-gumawa at ang hayaan-mo ay nagiging isang bisa na gumaganap sa isang pagbabago ng kapuwa . . . katumbas, marahil ng pagbabago na madalas gumagantimpala sa pag-ibig. Kailangang ipakita, sa kanyang lugar, na sa pasensya at pag-ibig, ang purong kalkulasyon ng mga sanhi at bunga ay lubusang nawawalan ng katuturan.

Malinaw din naman, at kailangang aminin, na ang pasensya ay madaling mapapahamak; maaring maging purong kahinaan ng loob, purong pagkalugod sa sarili. Mangyayari ito sa mismong antas na nagiging

Page 16: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

taksil ang pasensya sa saligang tuntunin ng pag-ibig na siyang dapat magbigay buhay sa pasensya.

Ngunit hindi ring maiiwasang pagmasdan na ang pag-asa ay masasaklaw rin ng ganyang pagpapahamak, kapag lumalapit sa katayuan ng tao na ang kaugalian ay basta’t manuod. Isang uring tao na ni katiting ay hindi nakasangkot sa labanan o sa karerang kanyang pinapanuod, ngunit, kung magsa1ita’y parang kakampi ng ganito o ganoong panig . . . habang kinalulugdan niya ang malabong pagmumulat na talaga siyang ligtas sa anomang alanganin, na hindi siya tahasang nakasangkot sa labanang ito.

22. Kung sa bagay, alam ko, na ang pagtutumbas ng pasensya sa pag-asa, na

aking ibinabalangkas, ay marahil nag-aanyong kabalintunaan; isang pagsisikap na pagkasunduin ang dalawang magkasalungat pa rin. Baka may magsabi: sa kaso ng pasensya, ako’y nakikipagharapan sa isang linalang; ngunit sa pagkabihag na ito, ang hinaharap ko ay hindi isang persona, kundi isang sitwasyon na ubod ng hindi magagawang personal. Ngunit sa pagmuni-muni, ang bangin ay natatabunan. Sapagkat maari akong umasa o hindi sa linalang na kahit na papaano’y nakatalaga sa aking pag-aalaga. At ang nagiging tanong natin ay; Maari kaya na ang inaasahan kita ay, sa katotohanan, ang pinakatunay na porma ng umaamasa ako?

Ngunit hindi pa iyan ang lahat. Nagiging pagsubok sa akin ang pangyayaring nakasisindak, ayon sa mga ginaganap nito sa akin, sa paglusob nito sa aking pagkatao, sa aking pagkalantad sa mga panganib na taglay nito. Baka pa ako maratnan ng isang permanenteng pagkakaiba. Ganyan ang panganib na dala ng sakit; baka ako maging iyang linalang na pilipit, isang tao na “nakakahon” bilang maysakit, isang uring propesyonal sa papel ng maysakit, na sa kanyang isip ay sumasang-ayon sa ganyang papel, at pinapatubo sa sarili ang buong habitus ng maysakit. Ganyan din ang panganib na taglay ng pagkabihag, pagkapatapon, atbp. At, sasabihin ko, taglay ng lahat ng mga uri ng hirap.

Sa antas na ako’y umaasa, tinatanggal ko ang aking sarili sa pagkakahon na pinapakitid ang kalooban, pagpapakitid na maaring ihambing sa isang kalambre na nilalagay ako sa alanganin, kapag liniligid ako ng pagsubok. Nasa alanganin ako na baka ako’y maging isa sa mga anyo ng pagkatao na bunga ng pagtaboy sa pag-asa: napahamak, hindi na buo, at, sa kataapusan, isang gagala-galang utak-manhid. Sapagkai ang pagtaboy sa pag-asa ay, una sa lahat, isang pagkagayuma.

23. Dito, dumarating tayo sa isa sa mga sentrong nagbibigay buhay sa ating

paksa. Ngunit biglang sumusulpot ang isang pagtututol na kailangang

harapin sa mula’t mula pa. Ang pag-asa ay hindi maaring iparis na walang anu-ano, sa isang kilus ng 1oob na ipinagtatanggol ang sarili. Itong kilus na ito ay upang huwag ako masiraan ng 1oob, ngunit manatiling buo at ligtas, laban sa panganib ng malabis na pagdidibdib sa mga hirap ng pagsubok. O marahil mas eksaktong sabihin: hindi ang kaligtasang ito ang tahasang tinatangka; at kung nanatilingang ligtas ang 1oob ko, ito’y isang uring padaplis na epekto. Ubod ng liwanag na ang pag-asa ay may kinalaman, hindi sa mga nasa 1oob ko, sa mga sakup ng aking buhay-ka1ooban, kundi sa mga sumasaakin na hindi nanggagaling sa anoman sa mga kaya kong gawin. Ang pag-asa’y may kinalaman, 1alo na sa mga hindi nakasalalay sa mga magagawa ko sa aking sarili. Inaasahan ko . . . na darating ang nawala, na matatalo ang kaaway, na papayapa muli ang aking bayan at babalik ang kalayaan na inagaw ng sakuna. Mauulit yata ang napahiwatig na sa itaas, na ang pag-asa ay isang poder na pinapaagos muli ang nanigas na kalagayan. Nararapat hanapin ngayon ang “papaano” at ang “uko1 sa ano” ng hustong paggalaw ng poder na ito.

24. Masusi nating tuonan uli, ang isang pambuhay na halimbawa. Matagal na, na ang isang ama‘y hindi nakatatanggap ng balita sa kanyang anak. Ito’y naglalakbay sa isang misyon sa malayong lupain. Sinabi niya sa kanyang mga minamahal na huwag silang mababalisa, kung sakali hindi siya makasulat sa kanila. Ngunit lubhang matagal na naman na wala silang naririnig sa kanya. Kaya’t hindi maiwasan na si1a’y mangamba. Baka nangyari na ang kanilang lubhang kinatatakutan. Ngunit matibay-1oob pa rin ang amang umaasa. Araw araw hinihintay niya ang sulat na aahon sa kanya sa kanyang lubusang pagkaligalig.

Pagtaboy sa pag-asa kung sasabihin niya: “Ang aking paghihintay ay paulit-ulit nang nabigo; ang buong probabilidad ay na mabibigo ako ulit ngayon.” Sa ganyang salita, ipinahahayag niya na hindi na mapapagaling ang sugat na pinatalab sa kanya ng paghihiwalay . . . mismong sugat ang pagkahiwalay. “Hindi na ako maaring maging iba sa sugatan at taong wasak na nandidito ngayon. Kamatayan lamang ang magiging wakas ng aking sakit, Ngunit hindi mapapawi ang sakit, kundi sa pagpapawi sa aking sarili, Ganyan lamang ang magagawa ng tadhana sa akin: katwang doktor, na hindi marunong magpagaling sa sakit kundi sa pagpatay sa maysakit.”

Ang tumataboy sa pag-asa ay hindi lamang isang nagmamasid. Ang isinasaharapan niya ay hindi lamang iyang malagim na paulit-ulit, iyang pagiging walang hanggan ng isang sitwasyon na kanyang kinaiipitang parang barkong naiipit sa yelohan. Sa isang pagbabalintunang hindi madaling isipin, inaantabayanan niya ang paulit-ulit; nakikita niya lahat sa

Page 17: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

mismong sandali ng “ngayon”; sabay nito, inaangkin na niya ang masakit na katiyakan na ang pag-aantabay na ito ay hindi makaliligtas sa pagbata sa pagsubok na ito . . . tuluyan at araw araw, hangga’t sa walang hinto. Hangga’t siya’y mabura. Pati ito’y inaantabayanan nga niya, ngunit hindi bilang lunas; bilang sukdulan ng paglapastangan sa taong mapapasawala; na kahit na papaano’y binibigyan niya, sa pamamagitan ng kanyang lungkot at lagim, ng isang parang anino ng pagpapatuloy sa buhay. Ang pagtaboy sa pag-asa ay nagpapakita rito sa anyo ng isang pagkagayuma. Mas tumpak sabihin; isang engkantong naninira. At ang sinisira ay iyong . . . sapat na kung tatawagin kong: ang mismong kaibuturan ng aking buhay.

25. Pagsikapan nating maging mas tumpak. Sa bawat sandali, ang aking mga

impresyon, sa napakaluwag na kahulugan na binibigay ni Hume sa salitang iyan, ay tumatanggal mula sa isang “background” na ang pagmumuni-muni lamang ang may kakayahang kumilatis . . . kahit na ang pagkilatis na ito ay marahil hindi palaging matino . . . kung ano ang may kinalaman sa nakaraan o sa hinaharap, o kung ano ang abot tanaw 1amang, mga lumulutang na posibilidad. Salungat sa madalas hilig nating angkinin, hindi wastong manindigan na ang impresyon ay “lantad na sumasaatin” habang ang “background” ay kabaliktaran . . . payak na maguguni-guni lamang. May pagkalantad-na-sumasaatin din itong huli; ngunit sa ibang uring pag-aanyo; halimbawa, sa antas na inaantabayanan ko ang hinaharap, kapag ako’y natutuwa o nalulungkot o hindi mapalagay, ayon sa ginagawian ng aking pagtanaw.

Kapag, sa hindi wastong pangangatuwiran, ako’y tumatayo sa “larangan ng mga basta’t naganap”, humihilig akong magtakda ng prinsipyo, na ang hinaharap ay hindi lantad-na-sumasaatin . . . kaya’t maguguni-guni 1amang. Mas naaayon sa talagang nagaganap, ang sabihin na ako’y nag-aantabay, hinihipo ko, parang nangunguha ako ng paunang bayad, parang sinisingil ko ang isang bahagi ng lantad-na-sasaatin-pa, gumagasta na bago pa dumating ang panahon. Hindi importante na baka itong mga paunang bayad na ito’y lumabas na iba sa talagang mangyayari kapag dumating na ang araw.

Ang tinawag ko sa itaas na kaibuturan ng buhay ay hindi maaring ihiwalay sa kilus na napakahirap ilarawan: sa kilus na sinusubukang kilatisin itong kaibuturang ito sa isang tiyak na sandali, gaya ng sumusubok sa kalidad ng isang alak o ng kumikilatis sa pagtalab ng liwanag sa bato ng mamamahaling alahas.

Ang mapagbalik-sa-sariling analisis na ito ay tiyak na palilitawin ang ideya ng isang pakikipag-ugnayan ng tuluyang sumasaatin, ng

inaantabayanan pa, at pati ng inaalala na lamang. Itong tatlo, masasabi natin, ang bumabayad sa mga gastos ng trabaho. At kung mananatili tayo sa paninging ito, na sinusubukang pag-ugna-ugnayin ang lahat ng natatanaw, malugod pa nating maipapahayag ang isang uring maka-tatsulok na kalkulasyon na ginagamit ng bawat isa sa atin, sa lahat ng sandali ng kanyang pag-iral. Ngunit, iya’y isa lamang halus-tamang pagbabakasakali. Sapagkat, sa maka-tatsulok na kalkulasyong ito, ang kaya ko lamang matuklasan ay ang aking kinaroroonan sa kaisa-isang sandali.

Ang pagkilatis naman na nakasangkot dito ay hindi isang simpleng paghahanap ng mga muhon. Ang pagkilatis na ito’y humihilig sa bawat sandali ng magbitiw ng pangkalahatang hatol na magkakabisa semper et ubique, kaya’t tahasang linalampasan ang anomang may bisa lamang sa hic et nunc.

26. Talagang imposibleng manatili ngayon sa isang interpretasyon na

mabibigkas sa terminolohiya ng pag-uugnay-ugnay. Meron isang amatyur na sikologo, ikinalulungkot ko na nalimutan ko na ang ngalan niya . . . ngunit sa isang tesis na hindi pa yata nalalathala, pinakita niya ang pagkaimportante ng tamang tama niyang pinangalanang pananabik sa buhay. Ang pagkilatis at, lalo na, ang makatatsulok na kalkulasyon—na binanggit ko sa itaas na maari nating gawin—ay isa lamang paglalahad, na maka-isip at hindi sapat, ng isang katotohanan na nagpapakita bilang dinamikong pananabiko pagliliyab upang mabuhay.

Hindi gaanong pilosopiko ang kataganag “pagliliyab”. Ngunit birtud nito ang panatilihin at para bagang isakatawan ang isang metapora. Ang humihiwalay sa metaporang ito ay tiyak na kinukulong ang sarili sa isang maling pag-uunawa sa pambuod-at-hindi-maitataboy na pagkaisang-lahi ng buhay at apoy.

Hindi maiiwasan banggitin, sa paggabay ni Dr. Minkowski, na may mga metaporang umaabot-tanaw sa mismong pag-iral ng buhay-tao, sa napakatinding antas . . . kaya’t nagiging katuwiran na natin ang ituring na ang metapora ay isang uri ng talagang nangyayari.

Ang buhay ay apoy na maaring dapuan ng naninirang engkanto ng pagtaboy sa pag-asa. Masasabi natin na ang lumiliyab na apoy ay tinutunaw, o ginagawang hangin, ang anoman na, kapag hindi sinunog, ay magiging sagabal sa pag-iral ng buhay-tao. Nakatalaga sa apoy na ubusin ang isang materyal na taglay ng proseso ng pagiging persona ng tao. Kapag sumingit naman ang “nanini1ang engkanto”, iniiwanan ng apoy itong materyal na nakatalaga, at linulusob ang sariling kaibuturan. Kapag ganyang ang nagaganap, tumpak nating masasabi ukol sa isang nilalang:

Page 18: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

“Inuubos niya ang kanyang sarili,” Sa ganyang paningin, tunay na maihahambing ang pagtaboy sa pag-asa sa isang ispiritwal na panginginain sa sarili.

Pansinin natin dito at alalahanin sa lahat ng susunod, ang papel na hawak ng sarili. Ang gawa nito ay hindi lamang magmunimuni, kundi sentrohin ang sarili sa sarili.

27. Maliliwanagan kaya ang ating problema ng mga ganitong uring puna? Sa

halimbawang tiningnan . . . iyong ukol sa anak na walang balita . . . maliwanag na ang pangyayaring nakakabigo, ang pagdating ng kartero na hindi dala ang sulat na hinihintay, ay isang malinaw na kaso ng sinabi kong materyal na kailangang ubusin o tunawin. Iyan din ang tinutukoy ng praseng “pinapaagos muliang nanigas na ka1agayan”.

Ngunit hindi natin dapat malimutan na masugid na nating sinuri iyong malabong ideya ng kapusukan ng buhay-katawan. Masasabi natin na meron isang likas na optimismo na, una sa lahat, ay tanda ng malusog na paggalaw ng mga baha-bahagi ng katawan; ngunit maari din maging katumbas ng lubusan na makasariling pagnanais na sumaakin ang kompletong poder sa aking sarili, upang maiwasan ko sa pinakamatagal na panahon na maari, ang isang pagkabalisang walang silbi. Hindi na kailangan pang sabihin na itong likas na optimismong ito, gaya ng optimismong maka-teorya, ay hindi dapat pagsalisihang pag-asa.

Ang pag-asa’y sumisipot sa atin sa pagbabalani ng pag-ibig; o marahil, mas tumpak sabihin, sa pagbabalani ng isang katipunan ng mga larawan na isinisilang at liniliwanagan ng pag-ibig.

Ngunit sumusulpot ang isang pagtutol na, sa simula pa, ay dapat nating harapin; pagtutol na paguguhuin yam ang lahat ng mapagbabatayan ng anomang teoryang metapisiko ng pag-asa.

28. Ang buod ng pagtutol ay nasa pagsasa-alanganin sa paniniwala na kasama

ng pag-asa. Sasabihin ng isang tao, na sapat nang magkaroon ng nagliliyab na pagnanais na mangyari sana ang isang bagay, upang mailarawan ko ito ng napakalinaw sa aking sarili, upang ito’y mag-anyong talagang nangyayari sa aking guni-guni; kaya’t kaagad, sa mismong pagguguni-guni’y aakalain ko na talaga na ngang mangyayari. Kung ganyan nga, di ba kailangang aminin na kalakip ng pag-asa ang isang paglilinlang, na gumagalaw sa mga patakarang mabibisto kaagad sa isang masugid na pagkilatis? Malinaw na itong paglilinlang na ito ang sanhi ng ating pag-aakala na ang ating ninanais ay talagang nangyayari. Ninanais man o kinatatakutan . . . sumasalta ang mga patakaran ng paglinlang; iyong iyon din sa bawat kaso .

29. Kailangang tanungin ngayon kung ano ang mga dapat tupdin upang

maligtas ang pag-asa. Ang ibig kong sabihin: upang makilala natin na ang pag-asa ay may taglay na halaga na hindi kayang sirain nitong masugid na pagtutol na ito, kahit na may kabuluhan pa rin ang ganitong pagtutol sa napakaraming kasong partikular.

30. Tiyak na dito natin dapat alalahanin ang nakilala na natin sa itaas: ang pagkakaiba ng “umasa” at “umasa na”. Kapag mas nagpapatangay ang pag-asa sa kahiligang kumabit, na parang hinipnotisa, sa kaisa-isang larawan, mas dapat ituring na hindi maaring pabulaanan ang nailahad nang pagtutol. Sa kabilang panig, kapag mas nilalampasan ng pag-asa ang guni-guni, hangga’t sa ipinagbabawal ko sa aking guni-guni na subukan man lamang ilarawan ang aking ninanais, mas lumilitaw na itong tutol na ito ay siya ring nagpapabulaanan sa sarili.

31. Magtataka pa rin tayo kung iya’y hindi isang pag-iwas na mandaraya. Ang totoo ay, mula sa unang sandali na ako’y sinaklaw ng isang pagsubok, gaya ng sakit o ng pagkapatapon, ang aking pinakamatinding idinadalangin ay na ako’y makalaya. At inilalarawan ko sa aking sarili, malinaw man o malabo, ang paraan, kung papaano ito magaganap. Anoman ang kaso, ginuguni-guni ko, ginagawa kong totoong totoo sa aking sarili. At sa mismong iglap, ang kahiligan ko’y maniwala. Kaya’t pareho yata ang galaw ng sikolohikong mekanismo, pati kapag ang aking malay tao’y hindi hipnotisado ng kaisa-isang eksaktong larawan.

32. Dapat itugon na, sa ganyang pangangatwiran, ay ginagawa kong labis na payak ang isang kalagayan ng kalooban. Hayagan na nating inilahad na umiiral sa buod ng kalagayang ito ang isang tuksong sumuko at itaboy ang pag-asa. Hindi ako makahinga sa katayuang kinaroroonan at parang kinakukulungan ko. Hilig kong isipin na hindi ito maaring magbago. Kaya’t, sa aking paningin, wala akong kadahi-dahilang ipalagay na may sisingit na himala na huhubugin ang lahat sa anyong umaayon sa aking mga ninanais.

Pagmasdan natin na dito’y may ibang sikolohikong mekanismo, na ang galaw ay baliktad sa direksyon ng mekanismong ginagawang katibayan ng mgallll naninindigan na paglilinlang ang umiirai sa puso ng pag-asa. Samakatuwid, kailangang aminin, sa mga sitwasyon at mga pagsubok na ating isinasaisip dito, na ang malay tao ay naiipit sa pagitan ng dalawang mekanismo na gumagalaw sa magkabaliktad na direksyon. At kapag isinama sa hanay ng mga unang napatunayan itong

Page 19: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

napagmasdan na ito, unLi-unti naiing makikilala ang lihim na pakiki-pagkasundong bumubuklod sa pag-asa at sa kalayaan. Pag-asa at kalayaan ay kapuwa sakop ng haring bisa ng mapagkilatis na pasya.

33. Pagmuni-munihan natin, halimbawa, ang kaso ng maysakit; Malinaw na

kung kakabit siya sa ideya na gagaling siya sa 1oob ng isang eksaktong pagdaloy ng panahon, manganganib siyang mawalan ng pag-asa kung hindi pa siya napagagaling sa petsang itinakda niya. Ang natatanging gawain ng mapagkilatis na pasya rito, ay ilahad na kahit na lumampas na itong pagdaloy na ito, at hindi pa siya napagagaling, malawak pa rin ang larangan ng pag-asa. Nag-aanyo rito ang pag-asa na nakatali sa isang metodo ng paglalampas. Sa paggamit sa metodong ito, ang isip ay tumatawid sa ibayo ng mga paglalarawan at pagsasapormula, na sa simuia’y kaakii-akit kaya’t maaring maging sanhi ng pagkabara. Tiyak, sa halimbawang tinitingnan, na hindi petsa lamang ang nakataya. Para bagang may isang himig, sa ispiritwal na musika man lamang, na kayang dalisayin at tahasang baguhin ang mismong ideya ng pagpapagaling. Ang unang hilig ng maysakit ay sumigaw; "Lubusan na akong napahamak kung hindi ako gumaling!" Sa kanyang kamusmusan inaakala niyang sa kalusugan lamang may kaligtasan. Mula sa sandaling hindi na siya naghahagiiap sa isang absuaksyo, kundi talaga na niyang nauunawaan sa kanyang kaibuturan . . . ang ibig kong sabihin, kapag na/eita niya na maaring hindi siya lubusang mapahamak, kahit na hindi siya mapagaling, buong kaiinawang lumilitaw na ang kalooban niya’y nasa paninindigang nagbago ng dihamak . . . ukol sa kung gagaling siya o hindi. Muli niyang nakamtan ang kalayaan; ang kakayahang lumuwag at umaliwalas na mahaba-haba na nating Linalakay sa itaas.

34. Makatotoong sabihin, mula sa ganitong paningin, na makalilitaw na ngayon ang tunay na kahulugan ng pagkakaiba ng taong may pananampalataya, at ng taong wala. Ang may pananampalataya ay iyong hindi pahihinto sa anomang di maigpaw na sagabal sa landas ng pagsasaibayo. Sabihin pa natin, upang maging tumpak ang kahulugan ng katagang "sagabal”, na sa antas na nilalagyan ko ng kondisyon ang aking pag-asa, linalagyan ko ng hangganan ang proseson matatahak ko upang ako’y makaraos laban sa lahat ng mga sunod-sunod na pagkabigo. Higit pa riyan, kinukulong ko sa kagipitan ang isang bahagi ng aking katauhan. Ako ay lihim ngunit tunay na sumasang-ayon, na, kung sa isang ekasaktong punto ay nabigo ang aking pagsisikap, wala na akong mababalingan laban sa kawalang pag-asa at tiyak na doon na ako mapapahamak.

Maiisip natin, sa larangan ng teorya man lamang, ang ayos ng ka1ooban ng tao na walang tinatakdang kondisyon, walang limite. Tahasang nakataya siya sa isang lubusang pananalig, kaya’t maiigpawan niya ang anomang maaring maganap na pagkabigo. Makikilala niya ang isang kapanatagan ng meron o sa 1oob ng meron, na kabaligtaran ng pagkabalisa na mismong ugat ng pag-aari.

35. Sa mga nasabing iyan, natuklasan na natin ang matatawag na tiyak at tumpak na tanda ng katunayan ng pag-asa: tahasan at lubusang pag-asa, na nakabuklod at hindi mahihiwalay sa pananampalataya na tahasan at lubusan din . . . lumalampas sa anomang pagkokondisyon at, sabay na rito, anomang uring paglalarawan.

Kailangan pa nating bigyang-ubod-ng-diin ang kaisa-isang mapanggagalingan ng bisa at lakas nitong tahasan at lubusang pag-asa na ito. Ang pag-asa ay lumilitaw na tugon ng kinapal sa Meron-na-Meron. Natatatuhan ang kinapal na ang kanyang buong “ano at sino” ay utang niya sa Meron-na-Meron; at malaking iskanda1o kung siya’y maglalagda pa ng anomang pagkokondisyon.

Mula sa sandali na ako, kahit na papaano’y malalim na nagpakababa sa harapan ng tahasan at lubusang Ikaw, na sa kanyang di-malirip na awa’y minarapat na hanguin ako sa wala . . . mula sa sandaling iyan, sa aking paningin, ay ipinagbabawal ko sa aking sarili na ako’y mag-walang-pag-asa kailan man. Sa mas tumpak na salita, inilalagda ko na anomang pag-walang-pag-asa o pag-taboy-sa-pag-asa na magaganap ko mula ngayon ay dapat ituring na tanda ng pagtataksil. Kaya’t kung itataya ko pa ang aking katauhan sa pagka-wa1ang-pag-asa, ako na rin ang humahatol sa aking sarili.

Mula sa ganyang paningin, ano pa ba ang mag~walang-pag-asa o magtaboy-sa-pag~asa kundi ipahayag na inurungan ako ng Diyos? Ang ganyang pagbintang ay hindi maisasabay sa pag-angkin sa tahasan at lubusang Ikaw. At maidadagdag pa, na sa pagparatang sa ganyang bintang, ang ginaganap ko ay isang hindi wastong pag-aako sa isang lihis na meron na hindi maaring maging akin.

36. Walang pakinabang ang magpanggap sa sarili na sa paninging-tao’y hindi napakabigat ang mga maitututol laban sa paninindigang ito . . . na hindi maipagkakaila’y dalisay at wasto sa paninging metapisiko at relihiyoso. Sapagkat hindi ba ginagawang tuntungan nitong di-masupil na pag-asang ito ang pagguho ng lahat ng makatao, natatangi at personal sa pag-asa? Hindi ba’t inaakay ang tao sa landas ng dalisay na pananampalataya hangga’t siya’y sasang-ayon na ang pagkamatay at pagkawasak ng

Page 20: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

kanyang mga kaibigan, ang pagbagsak ng kanyang bayan at lupain, ay mga posibilidad na hindi niya dapat labanan? Higit pa: kapag ang mga pangyayaring ito’y talagang naganap, hindi ba’t tungkulin niyang sambahin sa mismong mga nangyari ang pagpapakita ng kalooban ng Diyos?

May mga gumagamit ng mga patakarang “pampatamis” upang papanatagin ang loob ng mga nasa panganib na baka mag-alinlangan ang kanilang pananampalataya sa harap ng mga nakakatakot na ebidensiyang ito. Tinutukoy ko lalo na ang mga puna noong mga kunwari’y pinatatahimik ang ating kalooban; ang kanilang mga pagmamasid na ang Diyos ay walang hanggan ang kabutihan at hindi niya tayo susubukan ng higit sa kaya natin, hindi niya tayo pakukulong sa isang kawalang-pag-asa na ipinagbabawal pa sa atin.

Kailangan natin ang ubod ng ingat laban sa ganyang mga patakaran. Ang mga iyan yata’y mga “pakulo” lamang ng palasalita, Hindi natin alam ni ang tunay na sukat ng ating lakas at kakayahan, ni ang malalalim na binabalak ng Diyos. Kung talagang tatanggapin natin ang argumento, maiuuwi tayo sa isang lihim at ipokritang pagtakda ng mga kondisyon . . . at ibabalik natin ang pag-asa sa loob ng mga hangganan ng pagkokondisyon.

Kung gayon, e hindi ba kailangang aminin na ang parang umaanyaya sa atin na tahasan at lubusang pag-asa ay lumalabas na isang porma lamang ng mismong pagtaboy sa pag-asa . . . ngunit isang kawa1ang-pag-asa na ipinagbabawal sa atin na talagang danasin natin, at na maiuuwi marahil sa isang walang katapusan na pagka-manhid ng mga damdamin?

37. Kaya’t maari kong tanungin sa aking sarili: Sa pagsisikap ng taong tumayo sa ibayo ng lahat ng mga maaring maganap na paglinlang, sa isang sonang metapisiko na matibay at hindi malulusob, hindi ba siya nagkakasala ng tiyak na matatawag na pagtataksil mula sa itaas? Hindi ba siya lumalabag sa mga kondisyon na nasa ugat ng kanyang mismong pagkatanim sa mundong ito? Sa katotohanan, sa pagbabalik-tingin sa aking tinawag na tahasan at lubusang pag- asa, nagtataka ako kung talaga kong nalutas ang aking mga problem o baka basta’t inilagan ko at isinaisangtabi ang mga data.

38. Ngunit, hindi ba’t naiipit na naman tayo sa hindi maaring pagkawalan? Muli kong kukunin ang halimbawa noong bayani na ayaw itaboy

ang pag-asa na muling lalaya ang kanyang lupang tinubuan na sa ngayon ay nakabihag. Sa ano ba o kanino ba siya umaasa? Hindi ba’t

kinokondisyon niya ang kanyang pag-asa sa isang paraan na ngayon pa lamang ay inakala nating hindi wasto? Kahit na kinikilaia niya na wala nang anomang pagkakataon na siya mismo ay sasaksi sa inaasahang pagpapalaya, ipinagpapaliban niya sa ibayo ng kanyang sariling buhay ang pagtupad sa kanyang mga dalangin. Sa buong lakas ng kanyang katauhan, tinatanggihan niyang aminin na ang gabing bumabalot sa kanyang bayan ay maaring pangkatapusan. Matibay siyang naninindigan na eklipse lamang ito.

Kailangan pang idagdag: Hindi sapat sabihin na hindi niya kayang maniwala na mamamatay ang kanyang bayan. Sa totoo’y wala siyang kinikilala o inaangking karapatan na maniwala sa ganyang pagkamatay. Sa kanya’y tahasang pagtataksil kung aaminin niya na maari itong mangyari. Ganyan ang bayani, naniniwala man siya sa Diyos o hindi. Sa lahat ng kaso’y matibay siyang naninindigan . . . lihis sa anomang pagmumuni-muni o pagkilatis . . . na ang pagtaboy sa pag-asa ay pagtiwalag sa bayan, pagkampi sa kaaway.

Ang batayan nitong matibay na paninindigang ito ay isang naunang ayos-ng-ka1ooban na malamang ay hindi niya lantarang namumulatan, ngunit kailangan nating hanapin at palinawin. Ito’y isang pagbigkas-ng-ka1ooban na kung aasa ako sa pagpapalaya, talaga akong namamahagi sa paghahanda nito; sa kabaligtaran naman, kapag ako’y nagdududa na maaring maganap, talagang binabawasan ko ang mga posibi1idad ng kalayaan. Hindi sa itinuturing ko na ang pag-asa o pagtaboy sa pag-asa ay sanhing pisikal.

Ang katotohanan ay: natatauhan ako na sa pag-asa’y pinatitibay ko, sa pagtaboy naman sa pag-asa o sa simpleng pagdududa’y pinapaluwag ko, kinakalag ko, ang aking pagkabuklod sa mithiin na aking kinasasangkotan. Lahat ng ebidensya ay na itong pagkabuklod na ito’y relihiyoso sa buod.

39. Subalit, nakabara tayo ngayon sa isang kalabuan. Iyong sinasabing

“mithiin na aking kinasasangkotan”: hindi ba’t ang tumpak na tinutukoy dito ay sarili kong kapalaran, aking sariling buhay . . . kaya’t maari pa bang pag-usapan dito ang pagkabuklod, pati ang relihiyon?

Marahil kailangan kong ipasok dito, at paliwanagin, ang isang uri ng “pag-iiba” na maaring naantabayanan na natin sa mga naunang pagmumuni- muni.

Kung ako’y nanginginig kapag may bumabanta sa aking sariling buhay, maaring nagpapadala lamang ako sa purong instintong ingatan ang sarili. Lubhang alanganin kung talagang matatawag na pag-asa itong pag-ingat sa sarili na bahagi lamang ng kalusugan ng aking katawan . . . at

Page 21: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

sapilitang lumilikha ng mga larawan ng kaligtasan kapag pumapaligid ang panganib, pati kapag panay pagbanta ang nasasapantaha sa hinaharap.

Ngunit, umiiba ang usapan kapag ang nasasangkot ay: manatiling tapat sa pagka-sagrado ng sarili. Tinutukoy rito ang isang “ekonomiya sa larangan ng ispiritu”, isang kaayusan na mapagbabahayan ko upang mapairal at mapanatili ang kahulugan at halaga ng aking buhay. Ang nauungkat dito ay hindi isang abstraksyo, isang sistemang lihis sa taong buhay. Sapat na makagising ako ng pag-ibig sa isang kapuwa linalang, na ang pag-ibig na ito’y magkaroon ng tanging halaga para sa akin, na ako’y tumugon . . . upang maisilang itong ekonomiya ng espiritu na ito. Na meron ganitong pagkakaibigan, pakikipagkapuwa sa aming buhay, ay sapat na upang maganap ang isang malalim na pagbabago sa katangian ng aking pagkabuklod sa aking sarili.

Kapag ako lamang ang nakasangkot, o sa mas eksaktong salita, kapag itinuturing kong ako lamang ang nakasangkot, ang buong usapan uko1 sa kung ano ang mangyayari sa akin ay parang halus walang interes o kahulugan. Kahit na iiral pa nga rin ang aking instintong ingatan ang sarili at lahat ng mga instintong kakabit nito.

Malinaw na ibang iba, kung alam ko na kahit na papaano ang aking kaibigan ay nakasandig sa akin, na ang uri ng kanyang pamumuhay ay nakasalalay sa magiging kapalaran ko. Masasabi natin sa pananalitang makaHegel, na ang aking pakikiugnay sa aking sarili ay nagaganap sa pamamagitan ng pagsasaakin ng hindi-ako; dumadaan sa kung ano siya para sa akin at kung ano ako para sa kanya. Ngunit sabay nito’y kailangan . . . at ito’y nasa buod ng ating talakayan . . . na itong ekonomiya ng ispiritu na ito, na aking pinagmumuni-munihan sa pinakapayak lamang na halimbawa, ay palaging nagpapakitang mahiwaga, para bagang nakatago, sa mismong taong natatauhan na bahagi siya nito.

Lumapit tayo, sa buong abot ng ating kaya, sa talagang totoo. Kapag iniibig ko ang isang linalang, hinihintay ko sa kanya ang isang hindi ko malaman at hindi ko mahulaan kung ano. Sabay nito, sa isang paraang di ko rin malaman, idinidulot ko sa kanya ang kakayahang tumugon sa aking paghihintay. Oo, kahit na parang kabalintunaan, ang paghihintay ay isang uring pagbibigay. Ngunit ang kabaliktaran ay totoo rin. Huwag maghintay ay makibahagi sa pagiging baog ng linalang na hindi ko hinihintayan ng kahit ano. Ang walang hinihintay ay para bagang magnanakaw, parang binabawi na ang hindi pa naibibigay . . . at ano pa ito kung hindi ang posibiiidad na mag-imbento o lumikha?

Lahat ng ating nakita rito’y dahilan upang isipin na hindi maaring pag-usapan ang pag-asa kung wala itong pakikipagkapuwa ng nagbibigay

at ng tumatanggap, itong pagpapaiitan ng lugar na palaging tanda na may umiiral na buhay-ispirituwa1.

40. Marahil hindi naman maibibintang na tayo’y labis sa katusohan, kung

pagmamasdan natin na itong delikadong laro ng palitan at ugnayan ay maaring umiral sa kalooban tuwing may nagagawang tunay na paglikha. Kaya’t hindi na kailangang ipatapon sa labas ng pag-asa ang bulag na udyok na tinutulak tayo na basta’t manatiling buhay, na pagtiyagaan araw araw ang pagtupad sa mga galaw ng katawan . . . at sa mga ibang galaw pa na basta’t sa galaw na lamang ang hantong, at hindi nagpapasakop sa anomang nakatataas na layunin sa larangan ng pag-iisip, o ng moral, ng estetika, atbp.

41. Kung ganyan, ang malaon nang kinikilalang “paghahati” na ginanap ng mga istoiko at palagi pang ginagawang sangkalan sa anomang paguusisa’t saliksik sa pag-asa-ang paghahati sa mga bagay bilang: iyong mga nababatay sa aking kakayahan at iyong mga hindi nababatay sa aking kakayahan-ay dihamak na mababawasan ng halaga at kahulugan.

Papaano pa nating hindi maaalala ang napatibayan na nating ugnayan ng pag-asa at kalayaan? Hindi sapat sabihin na ang ka1ooban ay makakakilus kahit na wala pang naunang obhetibong pagtimbang na magpapakilala sa akin, bago pa ako kumilus ng anoman, kung ano ang magagawa ko o hindi ko magagawa sa aking sariling kakayahan. Kailangan pang idagdag sa kabilang panig: na ang tunay na pormula ng kilus ng kalooban ay: kalooban ko, samakatuwid magagawa ko. Sa ibang salita pinapasya ko na kaya kong gawin ang ganyang bagay, humantong sa ganyang resulta, sa tumpak na dahilan na ibig ko (o kailangan) na magawa iyang bagay na iyan, mahantungan iyang resultang iyan.

Sapat na rin alalahanin na ang kumikilus ng malaya ay palaging may bagong isinisimula. Kaya’t madaling makita na salungat sa totoo kung aaminin ko na ang paggalaw ng kalooban ay sapilitang nababatay sa simpleng kaalaman ukol sa mga nagawa ko na sa mga nakaraang panahon o kung aakalain ko na ang kaalamang iyan ay tanging mapagsisimulan ng aking paghahanap sa obhetibong guhit na hinihiwalay ang nasa aking kapangyarihan, sa wala sa aking kapangyarihan.

42. Hindi mahirap makita kung papaanong mula sa mga pagmamasid na ito’y makararating tayo sa isang pilosopiya ng pag-asa na may katangiang pag-ooo. Nakikita natin na lahat ng ating mga nasabi na ay nagtitipunan ngayon at nagbubukluran.

Page 22: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

Noong sinabi natin na ang pag-asa ay tahasang kabaligtaran ng pagpapanggap o ng paghamon, inihanda natin ang ating 1oob upang makilala natin na ang pag-asa ay likas na tahimik at mahiyain, na parang may dalang tanda ng dimasasalang na pagka-mayumi. Maliban lamang kung umiiral sa himig ng tayo, ng pakikipagkapatid. Mapag-uusapan natin, kung tayo tayo lamang, itong pag-asa na ating pinagkakaisahan. Ngunit kinamumuhian natin banggitin sa harapan ng mga hindi namamahagi. Para bagang ito’y tunay na sekreto . . . at baka nga talagang sekreto.

Kung hindi humahamon ang taong umaasa, marahil mulat pa rin siya na, sa mata ng mga nagpapanggap na si1a’y matibay nang nakatindig sa isang di matitibag na tuntungan ng karanasan, siya ay may anyong maghahamon o parang nagsisikap gumising ng galit at inis. “Pa1aging nakikita na . . .” anila. O sa kabilang panig, “Pa1aging hindi nakikita na . . .” Nakakaiskandalo ang maliksing pagwawalang bahala ng taong umaasa. Basta’t hayagan niyang isinasaad na pagkakamali ang mga iyan. Ano ba ang karapatan niya, talaga?

43. Parang nakaugnay ang pag-asa sa isang tuwirang pagtingin at pagsalita;

isang uring pagka-dalaga sa pagtalakay sa karanasan. Iyan ay natatanging karakter ng mga diwang hindi nakakalawangan ng buhay. Napipilitan tayong magpasok dito ng isang ideya na, sa paningin ng pag-uunawang obhetibo, ay walang kakahu-kahulugan; isang uring pagmamantsa o pagtatatak na nakatali sa karanasan.

Sapagkat ang ideya ng karanasan ay may pagka-alanganin. Sa isang panig, may karanasan na itinatag at inayos; sa ngalan nito’ y binibigkas ang mga paninindigan “ni1a”. Sa kabilang panig naman, may karanasan na humuhubog at hinuhubog pa. Walang posibilidad na magaganap ang ganitong uring karanasan, kung hindi muna lubusang buburahin iyong una. Totoo nga na mamaya’y maaring kunin itong pangalawang karanasan na ito, ipitin at patuyuin, at isama sa koleksyon ng mga ispesimen ng karunungang unibersal.

Ubod ng linaw na ang pag-asa’y malalim na nakabuk1od sa karanasan ayon sa pangalawang kahulugan; marahil, mapapatunayan pa, na ito ang uri ng karanasan na nagbibigay lakas at bisa sa pag-asa.

Sa ngalan naman ng karanasang itinatag, nagpapanggap “si1a” na makukulong ako sa kung anong bi1og ni Popilius “Hindi siya makalalabas diyan.” Iyan ang pormulang malugod na ginagamit ng mga pumapasya ayon sa itinatag na karanasan.

Ngunit sa mismong simula pa’y inaangkin na ng pag-asa ang pagka-walang-bisa ng mga ganyang uring pangungusap. Sapagkat kapag

lalong tunay ang talaga, lalong hindi masasakop sa isang kalkulasyon ng mga posibleng mangyayari, na nakabase sa mga naipon nang karanasan. Tahasang walang pakialam ang pag-asa sa kalkulasyon na iyan.

Masasabi natin na may pagwawalang-bahala ang pag-asa uko1 sa papaano. Dito liliwanag ang isang saligang katangian: na ang pag-asa ay a-tekniko. Sapagkat nasa buod ng pag-uunawang tekniko na dapat huwag paghiwalayin kailan man ang pag-iisip uko1 sa layunin at ang ukol sa paraan. Para sa tekniko walang layunin, kung hindi niya nakikita higit kumulang ang paraan na makagaganap sa layunin. Pagmasdan natin na may pagkakaiba, para sa imbentor o mananaliksik: sasabihin niya; “Dapat may patakaran, may daan.” At idadagdag: “Mahahanapan ko.” Ang sasabihin ng umaasa ay basta’t: “Mahahanapan.”

Hindi isang eksaktong depinisyon ng katagang “mahahanapan” ang aking pinananaligan kapag ako’y umaasa: ngunit ako’y nananawagan sa meron ng isang pagka-malikhain na umiiral sa mundo o, masasabi rin, sa mga yaman- daigdig na likas na nakatalaga sa malikhaing ito. Sa kabilang panig naman, kung ang aking ispiritu’y para bagang nagpagahasa na sa karanasang inayos, tinatanggihan kong manawagan sa malikhaing ito: sa akin, tahasang wala ito. Sa aking paningin, lahat ng nasa labas ko, at marahil, pati sa loob ko (kung ako’y lohikong mag-isip) ay basta’t paulit-ulit.

44. Kaya’t mahalaga ang ating pinagkakayarian: na nawawala sa ating

paningin ang bukod-tangi sa pag-asa, kung pinapanggap nating hukuman—at hatulan—ang pag-asa mula sa paninindigan ng isang karanasang itinatag . . . paninindigang nagpapanggap na tiyak at dapat sundin, ngunit ni hindi naman kinikilala ng pag-asang simple at taos. Sa katotohanan, nakasangkot ang pag-asa sa isang karanasang humuhubog at hinuhubog pa o, sa ibang salita, sa isang pakikipagsapalaran na ngayon din ay nangyayari pa. Salungat ito, hindi sa isang tunay na empirismo, kundi sa isang uring dogmatik na maingay magbigay-diin sa karanasan, bagkus gumagalaw sa malalim na hindi pagka-unawa sa katutubong katangian ng karanasan. Tumpak na ganyan ang pagsalungat ng siyentismo sa agham na buhay, agham na malikhaing umiiba-iba.

45. Hindi mahirap makita na ang pag-asa, sa ganyang kahulugan, ay may ipinapalagay na sinaunang kaugnayan ng malay tao sa panahon. Iyan ang kailangan natin pagsikapang palitawin ngayon. ·

46. Kung ang pagtanaw ng tao ay ayon sa karanasang itinatag, ang hilig niya’y isipin o ipalagay na ang panahon ay walang dadalhing bago kaiian man;

Page 23: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

ang madadala lamang ay isang halimbawa o isa pang dagdag na patibay, na hindi talagang kailangan, ukol sa mga pangungusap na nakatago na sa mga talaan ng karunungang unibersal, o baka lamang sa sentido komun. Tumpak sabihin na ang tao rito’y na sa isang daigdig na hindi na tumatakbo ang panahon, o, pareho na rin, sa isang daigdig na walang ginagawa ang panahon kundi tumakbo, ngunit walang dinadalang bago, hindi naghahakot ng mga materyal na maaring gamitin sa paglikha ng isang bagong katotohanan o isang bagong linalang.

Papaanong hindi maaalala dito ang damdaming talagang itataboy-na- lamang-ang-pag-asa na nagiging karanasan ng bata o binata o dalaga . . . kapag naririnig niya ang mga nakatatanda sa kanya na bumibigkas ng ganito o ganoong aksiyoma na ipinapanggap nilang nagtataglay ng mga “katotohanang hindi maipagkakai1a” at wastong itinatag . . . ngunit binabale wala lahat ng kanyang mga nababanaagan, lahat ng mga hindi pa malinaw na matinding ninanais. Hindi pa siya nakaaahon sa kanyang karanasan, kaya’t tatanggihan niyang angkinin ang isang nagpapanggap na patunay na wala namang kinalaman sa kanya.

Maaring isip-isipin sandali kung ano kaya ang nakapagbabago sa paningin, na ang nakikita ng batang kunwari‘y tinuturuan ng isang aksiyoma ay isang paninira sa pag-asa, habang ang nakikita naman ng nakatatandang bumibigkas sa aksiyoma ay isa yatang kung anong nakadudulot ng makaakong ligaya. Malinaw na dapat hanapin ang sanhi nito sa nararanasan—may wasto man siyang dahilan o wala—ng bumibigkas: isang damdaming loob na siya’y mataas; sa kanyang paglalarawan sa kanyang sarili, siya’y kumakatawan sa karunungang unibersal; ang hinahanap niya’y batang walang karanasan, at nararapat na, sa buong abot kaya, ay pahirapan ang kanyang tontong kapangahasan.

Sa paghihidwaan ng nakatatanda at ng nakababata ay malinaw na nakikita ang hindi pagkakasundo ng taong hinahanap ang kanyang buhay na gaya ng humahanap sa isang landas na kanyang iniilawan sa isang sulong aandap-andap pa . . . at ng tao naman na nag-aakalang siya’y nasa ibayo na ng buhay na iyan at, kung sa bagay, sa ibayo na rin ng kanyang sariling buhay, at mula sa abstraktong lugar na walang “saan”, ay ipinamimigay niya ang kanyang mga inipon at pinakaiibig na tiyak na karunungan.

Hindi na kailangan sabihin na ang hidwaang ito’y nasa buod ng madalas na tinatawag na problema ng mga henerasyon. Hindi ito masosolusyonan sa wastong lohika o pangangatuwiran, sapagkat ang mga naglalabanan ay hindi sabay na nakatayo sa isang mismong kapatagan. Hindi sila talagang nagkakaunawaan, at hindi sila talagang nagsasagutan, kundi ang bawat isa’y nakikitungo sa isang ideya, isang eidolon, noong isa.

47. Lahat nito’y paghahanda upang makilala natin na may nibel sa

pagmamalay na nag-wawalang-pag-asa, na nakasara ang panahon, o mas tumpak pa, na ang panahon ay bilangguan. Sa kabila naman, ang pag-asa’y nakikitang natatagusan sa lahat ng dako ng panahon; sa takbo ng mga pangyayari’y hindi na nagkukulong sa malay tao ang panahon, kundi nagpapatalab sa mga pangyayari. Sa loob ng ganyang paningin, napapalitaw ko, sa mga panahong ito, ang katangiang maka-propeta ng pag-asa.

Tiyak na walang makasasabi na nakikita ng pag-asa ang mangyayari. Ngunit, sa matibay na paninindigan ng taong umaasa ay para bagang nakikita niya. Masasabi natin na nakasalalay ang kanyang katibayan sa isang pangitaing natatakpan. Biyaya sa kanya na ikabuhay ito; kahit na nadarama pa ang hirap.

48. Masasabi pa natin na likas sa panahon ang maghiwalay; ang panahon ay parang walang hintong tinatanggal ang mga kasu-kasuan ng sarili sa sarili. Ang tinatanaw naman ng pag-asa ay ang muling pagkakaisa, muling pag-ipon, ang muling pagkakaibigan. Diyan, at diyan lamang, ang pag-asa ay parang alaala ng hinaharap.

49. Hindi naman tayong maaring magkunwari na ang mga ganitong “sulyap sa

buod” ay hindi makagigising ng yamot, o ng matatawag na hindi pagkapalagay, sa mga diwang lubusang nakatuon sa pag-iingat sa katotohanan. “Meron bang kahit ano sa iyong mga paliwanag,” sasabihin nila, “na makapagpapakita na na-iiba ang pag-asa sa isang guni-guning walang katuturan, kung ang pag-asa, sa anomang antas na gusto mo, ay isang kalinawan ukol sa isang nagpapanggap na mas-buod-kaysa-buod ng mga nangyayari? Hindi ba’t, kung nasuri na ang lahat, iyan ang kaisa-isang katanungan na maha1aga?"

50. Bilang tugon sa ganitong habilin, nababagay yatang ipasok ang ideya ng isang kalagayan-ng-tao na hindi natin maaasahang lampasan sa pamamagitan ng isip. Sapagkat, kapag nagpapanggap tayong nakalipad na tayo sa kaibayuhan nito, matatauhan tayo, sa pagmumuni -muni, na sinisira lamang natin ang katotohanan nito, pinahihina natin.

Ang hindi mapapatawarang pagkakamali ng isang uri ng rasyonalismo ay tumpak na ito: na ang tao, sa kanyang mismong katauhan, ay isinasakripisyo sa ilang mga Ideya. Tiyak na may halaga ang mga ideyang ito, bilang pamantayan. Hindi iyan ang tinututulan. Ngunit ang mga ideyang ito, ay lubusang nawawalan ng kahulugan, kapag may

Page 24: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

nagpapanggap na magtatag, sa pamamagitan ng mga ideya, ng isang daigdig na buo at may umiiral na kasarinlan. Sa 1oob ng ganyang daigdig, “ang tao, sa kanyang mismong katauhan” ay lalabas na dumi at basura.

Bagay yatang magbitiw ng ganitong pangkalahatang pagmamasid, upang maliwanagan ang debateng umiiral: Sa isang panig, ang mga may kaloobang iligtas ang pag-asa; sa kabila, ang mga nagpapanggap na nailigpit na nila ang pag-asa, kasama ng mga kini-kinita.

51. Ang “kondisyon” ay isa sa mga katagang dapat pag-ingatan ang paghubog ng depinisyon. Marahil, nararapat ituring ang “kondisyon” ng tao bilang isang pagka-ayos ng buhay-katawan at buhay-diwa na kapag sinalansang nati’y napasasa-alanganin tayo, at maari pang mawala, hindi lamang ang ating balanse sa buhay, kundi pati ang ating taos na pagiging tapat sa buong katotohanan. Ngunit, iyang katagang “kondisyon” ay magagamit rin sa kahulugang medyo iba, na ang tinutukoy ay hindi nala1ayo sa kinakahulugan ng “likas na kinagisnan”. Kaya’t kailangang kilalanin na tumpak na naaayon sa kondisyon ng tao sa pangalawang kahulugan, na maari siyang magkulang sa kondisyon sa unang kahulugan. Bahagi ng kondisyong pagka-ayos ang isang palagian at maselan na kolaborasyon ng likas na kinagisnan at ng isang karunungang natututunan at itinatanim sa kalooban. At hindi maaring pilitin na angkinin ng karunungang ito ang isang hayagang pagmumulat sa sarili. Malinaw din na kailangan na mag- ingat tayo, na huwag nating aakalain na ang karunungang ito ay pareho sa dogmatik na empirismo. Hayagan ko nang binigyan diin ang mga epektong nakakabaog nitong huli.

Marahil ang bukod tangi sa kondisyon ng tao ay hindi lamang ang mga panganib ng pakikipagsapalaran na . . . kapag nasabi na ang masasabi . . . ay sangkap na hindi mahihiwalay sa anomang nibel ng buhay . . . pati sa mapakumbabang nibel sa lahat . . . ngunit , bukod tangi pang mas malalim, ang pangangailangang sumang-ayon sa ganitong pakikipagsapalaran, at ipagbawal sa sarili ang pag-aaka1a na maari at, kung tutuusin mo, kanaisnais na makarating tayo sa katayuang nasugpo na ang mga panganib nito.

Tinuturuan tayo ng karanasan na hindi talagang matatanggihan ang mga panganib na ito, kahit na kung minsa’y parang natatanggihan. Kung sa bagay, ang ganyang pagtatanggi ay may kalakip na panganib, ang pinakalubhang panganib sa lahat . . . na baka hamakin pa ng tao ang kanyang sarili, at mawala pa sa kanya ang buod ng kabutihan, na, sa kanyang pag-iwas sa panganib, ay inaakala niyang inililigtas niya.

52. Mapagmamasdan naman dito na ang uri ng pag-iisip ng tao, na sa ngalan ng rason ay naninindigan laban sa pag-asa, ay maihahambing, sa lahat ng punto, sa uri ng pag-iisip ng taong nagtatangkang iwasan ang panganib ng pakikipagsapalaran. Dito at doon, ang kanyang iniilagan ay ang pagkabigo. Ngunit, ang dapat yatang alamin ukol sa pagkabigo ay ito: na wala tayong karapatang umantabay dito; at iyan ang ating ginagawa kapag halus wala tayong iniintindi kundi ang hinaharap.

Hindi ba’t napansin na natin na, sa taong nabigo, ang kanyang pagkabigo ay may anyong pag-aa1ipusta sa kanyang tiwala, at binibintangan niya . . . sino o ano? Sa kadalasan malabo ang tugon, ngunit, palaging hilig nating gawing personal ang karanasan: niloko ang aking paghihintay. Inaangkin kong tiyak na ganyan ang mangyayari. Hindi nangyari. Para akong isang nagpapautang na ngayo’y harap-harapan sa isang may utang na hindi makabayad. Bakit? Para bagang noon pang “inaangkin kong tiyak” ay meron na akong ibinigay, o itinuring kong meron akong ibinigay na bahagi ng aking sarili; talagang nagpautang ako . . . at ang pangyayari, o ang mahiwagang pinanggagalingan ng pangyayari’y nagkulang sa kanyang tungkulin sa akin.

Mas maiiwanang sugatan ang diwa ng nabigo, kapag mas inaako niya sa kalooban . . . o sumusuko sa tukso . . . na kahit na papaano’y gagapusin niya ang talagang mangyayari, bago pa mangyari. Gaya ng isang nagpapautang na tinatali ang umuutang sa pamamagitan ng kasunduang ipinipilit niya sa kanya. Ngunit, itong pag-aakong ito, itong malabis na pag-aangkin, ay—walang hinto na nating binibigyan diin—lihis na lihis sa pag-asa, na hindi nangpipilit kailan man na dapat may kontrata (at katwang kontrata na palibhasa’y mahigpit na nanggagaling lamang sa isang panig.)

Nararapat marahil na ipakita ang taong umaasa, bilang orihinal, at, idadagdag ko pa, marangal at makahari; hindi nya ipinipilit, hindi nang-aagaw ng mga itinuturing niyang karapatan. Maaring ilarawan dito, sa pamamagitan ng talinhaga, ang isang linalang na naghihintay ng isang mabuting bagay, isang biyaya, mula sa ibang linalang; ngunit mula lamang sa kanyang kagandahang loob. Kaya’t binibigkas palagi ng naghihintay na ang biyayang hinihiling niya ay isa ngang biyaya, na ang ibig sabihin ay: ang tahasang kabaliktaran ng isang obligasyon na dapat tupdin.

53. Dito nagpapakita ang pagka-orihinal at, idadagdag ko, kadakilaan ng

pakikipag-ugnay na tinutukoy ng katagang umasa sa. Marahil, ang isang pilosopiyang nakatuon sa maka-kontratang pakikipag-ugnay ay nasa panganib na baka mawalan ng kakayahang makilala ang tunay na halaga nito.

Page 25: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

Idadagdag ko rin naman na dito, gaya ng sa lahat ng mga ibang bagay, hindi maiiwasang magkaroon ng pagkiling sa isang uring pagdudulas, isang uring pag-urong sa baytang. Ang “umaasa sa”, ay nagiging “hintayin mula sa”, pagkatapos “ituring na nararapat magmula sa”, na ang ibig sabihin ay “angkining tiyak” at sa katapusan “akuin” o “agawin”.

Ang mga sagabal na palaging sumusulpot at kinababarahan ng isang pilosopiya ng pag-asa, sa malaking bahagi’y may kinalaman sa isang pagkiling natin na palitan ang isang panimulang pakikipag-ugnay na sabay ay dalisay at mahiwaga, ng mga sumusunod na pakikipag-ugnayan na walang duda’y mas madaling maunawaan, ngunit humihina ng humihina ang pagtatagus ng meron.

54. Kailangan pa rin aminin na ang ebolusyon ng mga kaisipang napagmamasdan natin sa ating kapaligiran, ay parang kumikiling sa ganito ring kagawian, sa ganito ring pag-urong sa baytang. Sa isang pangkalahatang sulyap, nakikita na humihina ng humihina ang kakayahan ng mga taong umasa sa, Mahirap ituring na pag-asa ang mga napagmamasdan sa malalaking sama-samahan ng madla. Nagiging idolo nila ang mga pangulong nakagayuma sa kanila. Sa pamamagitan ng walang sawang pagpopropaganda’y naparalisis na ng mga pangulo, hindi lamang ang anomang diwang mapagkilatis sa kanilang mga sakristan, kundi pati ang anomang kakayahang kumilala sa tunay na mahalaga.

Ito lamang ang masasabi . . . na ang mahigpit na pagkapit sa isang idolo ay kawawang kapalit . . . sasabihin ko pa, ang lason na umaagaw sa lugar . . . ng isang pag-asa na hindi na kayang ganapin ng mga madlang iyan. Ngunit, walang duda na iniingatan pa nila sa kaloob-looban, ang mga bakas ng isang nakalulungkot na ala-ala.

At, upang matupad ang katarungan, kailangang pagmasdan na ang demokrasya . . . kung ang tatanawin ay hindi ang mga alituntunin, kundi ang mga aktuwal na pagsasagawa nito . . . ay nagiging napakalagim na pagkakataon upang lumaganap ang lahat ng mga aspekto ng “pagpapanggap” at ang diwa ng pag-aako at . . . nang masabi na ang lahat . . . ang pagiging maka-negosyo ng lahat ng pakikipag-ugnayan ng mga tao. Ibig kong sabihin na ang papawiring demokratiko ay gumagawi sa isang lumalaganap na pagtanggal sa paglilingkod na walang pagtanaw sa sarili na siyang gawain ng katapatan . . . at gumagawi rin sa pagtanggal sa paniniwala na may katutubong halaga ang ganyang uring paglilingkod. Ang bawat isa ay nagsisikap, na . . . sa galang na idinudulot sa kanya, at sa mga napapanginabangan niya sa buhay . . . ay huwag siyang madaig ng sinomang kapuwa.

Kung sa bagay, ang paggalang ng bawat isa sa sarili ay nagiging isang nangangambang pagtanggol sa sarili at isa pang pagpipilit na masunod ang sariling kahiligan, kapag may hinaharap na kapuwa tao. Kaya‘t itinuturing niyang labag sa kanyang dignidad, ang gumawa ng anoman na walang bayad o gantimpala. Ang isang nasa-isip na ideya ng katarungan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang katuwa at malabis na paghihinayang na baka siya malinlang, isang mahigpit na pagka-alisto na baka may sumamantala sa kanyang simple at mabuting kalooban.

Lumalaganap ang isang diwang hindi kayang magbigay-tiwala, hindi lamang sa kapuwa, kundi pati sa buhay mismo. At papaanong maiiwasan na ang kawalang-tiwalang iyan ay hindi sisirain ng sisirain ang kakayahang umasa at anomang ibang kakayahang lumigaya? Tunay na nahihipo natin dito ang mga metapisikong ugat ng isang pagtanggal-sa-katutubo na umiiral kung saan man umiiral ang isang tipong sibilisasyon.

Isang pahapyaw na pagmamasid; Meron isang uring paniniwala sa progreso na hindi lamang hindi nasupil ang nasabing pagtanggal-sa-katutubo, bagkus naging isa sa mga sanhi ng biglang pagpapalaganap nito. Lumilitaw rito na kahit na ang paniniwalang ito sa progreso ay maaring nagsimula sa isang malabong pangangatuwiran na hango sa pag-asa . . . ngayo’y naging isa nang maninira sa tunay na pag-asa.

55. May mga tao na, ayon sa kanilang sinusundang istowisismo, o baka dahil

sa isang hindi gaanong matuwid na pagkaunawa kay Spinoza, ay naninindigan na walang anomang halagang metapisiko ang pag-asa. Hindi tayo dapat magkunwari na ang mga tinipon dito na pagmumuni-muni’y sapat na upang sila’y magbagong isip.

Sasabihin nila; “Hindi baga’t humahantong na lamang kayo sa isang konklusyon na walang kaha1a-halaga, kaya’t kalabisan talaga, na pina-aandar pa ninyo ang ganyang kabigat na aparato ng diyalektika? Hindi ba’t ito ang inyong simpleng konklusyon; Na ang pag- asa ay isang paninindigan na nagbibigay bisa sa kalooban kapag ang tao’y may proyektong pinangangatawanan, sapagkat nararapat na may taga-udyok sa mga tao upang ubos-1akas silang magtrabaho?”

Dito umuuwi ang kanilang pilosopiya: na ang pag-asa, kung tutuusin mo, ay hindi iba sa isang kalagayang suhetibo; kaya’t kung pag-asa lamang ang batayan, ni kaunti’y hindi tayo maliliwanagan ukol sa buod ng mga bagay; at isa pa . . . ang pag-asa’y walang taglay na katibayan na ang umaasa’y makararating sa katuparan.

Page 26: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

56. Ang tugon dito ay: Na itong mismong pagtutol na ito, na ipinapalagay na totoo, ang siyang dapat tanggihan o lampasan. Sa isang paraang kapani-paniwala.

Tiyak na hindi dapat ipagkaila na ang pagtutuol na ito’y may inilalahad na katinuhan, kung ang usapan ay ukol sa isang proyekto na ang hantungan ay pagbuo sa isang gawaing materyal: pagtayo sa isang pantalan o sa isang piramide, paghukay sa isang tunel o paggawa ng dam sa isang ilog. Katuwiran, sapagkat ang payak na tinatalakay ay ang pagsagawa sa ilang mga resultang materyal, na ang pan1oob na kalagayan ng gumagawa . . . mas hustong sabihin; ng kasangkapan . . . ay maari at dapat ituring na nakabitin sa mismong resultang ito. Sa katotohanan, ang mga ganyang resulta ay makukuha rin yata ng mga walang awang kapatas na namumuno, sa hagupit ng latigo, sa isang lahi ng mga nasisindak na alipin.

Ngunit, alalahanin natin na ang mga ganyang pagsasagawa ay hindi bunga ng anomang tunay na paglikha, ng anomang pag-ibig sa bagay na nililikha. At doon, at doon lamang, sa kinaiiralan ng ganyang pag-ibig ay maari at nararapat na pag-usapan ang pag-asa. Itong pag-ibig na ito ay isinasa-katawan ang sarili sa isang gawain na wala sanang katotohanan kung hindi dahil sa pag- ibig na ito.

Samakatuwid, hindi eksakto kung sasabihin natin na ang pag-asa’y isang payak na suhetibong pampasipag. Baliktad ang katotohanan. Ang pag-asa’y sangkap na kailangan upang mabuhay ang proseso ng paglikha.

57. Baka meron pang magsabi: “Ang pag-asang pinag-uusapan natin ngayon . . . hindi ba’t may katuwang pagkakaiba sa pag-asang dinepinisyon na, bilang pagtugon sa sitwasyong bumabalot sa pagkabihag?” Maari namang isipin na, kahit na magkaiba ang anyo, may natatakpang pagkakaisa sa buod. Huwag nating lilimutin na, sa totoo, ang umiiral na kondisyon ng tao, kahit na sa mga pagkakataon na parang pangkaraniwan ang lakad ng buhay, ay palaging nananatiling pagkabihag. Ito ay dahil sa samo’t saring pagka-alipin na nakatalaga na dapat niyang tiisin. Gawa ng meron siyang katawan at, mas malalim pa, dahil sa gabing tumatalukbong sa kanyang simula at sa kanyang katapusan.

Maituturing nating tiyak, na kahit na anomang paglikha na ginaganap ng tao, ay nakatali sa kondisyon, sa dalawang kahulugang ibinigay na sa salitang ito. Kung ating tutuusin, ang paglikha ay siyang kaisa-isang paraan na ipinagkaloob sa atin upang mapasabog natin ang liwanag sa ating bilangguan.

Meron yatang magtatanong: “Hindi mo ba tinutulad si Pascal na ginagawang pampalipas ng panahon ang paglikha?” Hindi ako naniniwala na iya’y totoo. Sapagkat ang paninindigan ni Pascal ay nakasangkot sa ideya ng pagka-nag-iisa na nasa ugat ng nilalang na nahahapis sa kanyang pakikipagtagpo sa kanyang tadhana. Ngunit, nakita na natin, at kakailanganin pa nating balikan, na ang pag-asa ay palaging nakabuklod sa isang pakikipagkapuwa-kalooban . . . nakalihim man ito sa kalaliman ng loob. Napakatotoo nito, kaya’t maari pa tayong magtaka kung hindi lilitaw sa mahigpit na pananaliksik, na iyong iyon din ang pagka-nag-iisa at ang pagtaboy sa pag- asa.

58. Mula sa paningin na ito, ang buod ng problemang inihahanap natin ng

solusyon ay: Pagka-nag-iisa ba ang huling masasabi? Totoo bang nakatalaga sa tao na mabuhay siya at mamatay na nag-iisa? Inuudyukan ba lamang ang tao ng mga lihim na hilig ng kanyang buhay-katawan, na magkunwari na hindi niya kapalaran ang manatiling palaging nag-iisa? Hindi natin mabubuksan ang pananaliksik sa pag-asa kung hindi natin sabay na susuriin ang pag-ibig.

59. Interesanteng pansinin dito na ang pilosopiya na purong obhetibista na pinagbabatayan ng mga nagpapanggap na tinutuligsa nila ang mga kini-kinita ng pag-asa, ay umuuwi at nakikiisa sa radikal na suhetibismo ng isang manunulat na gaya ni Proust. Para sa kanya, ang pag-ibig ay nagkasalising pag-uunawa, at nanggagaling lamang sa mga anyo na bunga ng pananaw. Kaya’t buong katuwiran nating masasabi na iisa ang landas na kailangan tahakin kung ibig nating makawala sa poder nitong dalawang pilosopiyang ito. Sapagkat ang pagkaiba ng dalawa ay anyo lamang: gumagamit ng magka-ibang pormula, ngunit, nagkakaisa sa pananaw na mapagtanggi.

Kung sa bagay, binuksan sa atin ni Proust mismo ang landas sa ilang katotohanan na sa katapusa’y di na niya kayang makita; palaganap ng palaganap ang kanyang pagka-bulag habang binubuo niya ang kanyang mga katha. At sa katapusa’y napilitan siyang humantong sa isang paglalarawan sa buhay na sabay mas maka-sistema at mas kapus sa katotohanan.

Ang suhetibistang pag-iideya ukol sa pag-ibig ay nagbibigay ng katuwiran upang tanggihan ang pag-asa (palibhasa’y itinuturing na ang purong alagad ng sining lamang ang may hawak sa susi ng kaligtasan). Lalo lamang hindi maaring lusubin ang pag-iideyang ito habang humihigpit ng humihigpit ang pagkabihag ng tao sa pabalik-balik na pag-akit ng isang kapuwa, na nagiging mas pagkakataon kaysa obheto ng pag-

Page 27: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

ibig. Sapagkat hindi na nakakatalab, hindi lamang ang intuwisyon, kundi pati anomang kilus-isip na karapat·dapat tawaging pag-uunawa. Lalong hindi ko nakikita ang isang linalang, habang lalo akong nahuhumaling sa kanya; sapagkat kahiligan ng aking pagkahaling na kunin ang lugar ng mismong linalang.

Kailangan pang idagdag na ang pinagkakahumalingang ganyan ay nagiging mas malupit na tirano sa antas na tigas-ulo kong pinagsisikapang maging kaisa-isang may-ari at umaako sa kanya, hangga’t sa pinagtitiyagaan kong putulin ang anomang kaugnayan niya sa ibang linalang, sa pag-asang siya’y magiging akin na akin lamang. Sa ganyang paraan lininlang ni Arnolphe ang kanyang sarili, at maaring pagtakahan kung hindi kaya nauna pa si Moliere at magaling pang dihamak kaysa kay Proust.

Isa sa dalawa: kapag natauhan ang kinahuhumalingan na may taong umaasam na maging kaisa-isang may-ari sa kanya, maari siyang, o kaya’y kumawala sa pamamagitan ng pagtakas o ng paglinlang, o kaya’y pabayaang mapilipit ang kanyang katauha’t mawasak. Sa bawat kaso, sa isang di mailagang diyalektika, ang pag-ibig . . . sapagkat pumaltus sa tunay na misyon, sapagkat pinalihis ang katutubong asal . . . ay siyang gumaganap sa sariling kapahamakan.

60. Ngayon naman ay kailangan tanungin sa sarili: Meron kayang nahahawig

na diyalektika . . . kahit na hindi gaanong malinaw at hindi gaanong madaling mahalata . . . na nagaganap kapag nalilihis sa landas at nasisira ang sinaunang buklod na pinagkakaisa ang tunay na sarili ng tao at ang mahiwagang meron na sabay pumapaligid sa tao at kaharap niya?

Kung mauunawaang tunay, ang buklod na ito’y isang pakikibahagi. Ang ibig sabihin; Kung sa ating pakikitungo sa meron ay itinuturing natin na ito’y para bagang isang bagay na maaring hulihin at kulungin at gawing sariling kasangkapan, hindi lamang tayo nagkakasala sa pag-agaw at pag-ako ng hindi atin, kundi, sa antas na ginawa natin ito, tayo’y napapalayo’t nagiging dayuhan sa ating sarili, kahit na hindi ito halata sa ating pag-aanyo. Masasabi pa na iyang meron na iyan na itinuring at ginawang alipin ng mga pitang makasarili, ay nalilihis din sa katutubong pag-iral at nagiging huwad na larawan, isang idolo.

Ngunit, sa paninging sapat na matalas, ang mga huwad na larawan at idolo ay nagpapakitang mga batong kilometrahe sa mga kalsada ng pagtaboy sa pag-asa.

61. Marahil masasabi natin ngayon na meron na tayong sapat at may-bisang

kakayahan na humubog ng ilang pangungusap na tumatanaw sa

pangkalahatan. Dito natin malalagom ang malaking bahagi ng mga matibay nating naunawaan sa pagtahak sa ating lubhang pasikut-sikut na paglalakbay.

62. Kapag ako’y nasa papawirin ng kahit na anong partikular na pagsubok na kailangan kong harapin . . . ang ganito ay isa lamang espesyal na paglitaw ng pagsubok na walang hintong umiiral sa lahat ng tao . . . hindi ko maiiwasan ang panganib na baka ako magkulong sa aking sarili at ikulong din ang panahon na kasama ko . . . para bagang pinipiga ko ang hinaharap at inuubos ang buong nilalaman at hiwaga nito, upang ito’y maging lugar na lamang ng purong paulit- ulit . . . para bagang isang kung anong makina na sira ngunit kailangan pa rin umandar na walang pahinga. Kahit na walang layunin o dahilan na nagpapaandar. Ngunit, ang kinabukasan na ganya’y kinitilan na ng buhay ay hindi na maaring maging hinaharap ko o ninoman. Nagiging kawalan ng hinaharap.

63. Ito’y isang kilus lamang ng sarili, isa lamang pag-urong, isang paghiwalay sa sariling ka1ooban. Ngunit meron isang empirismo na humuhubog ng makikisig na impersonal na pormula na nag-aanyong tunay at matibay. Itong empirismong ito ang nagbibigay ng teoretiko (at huwad) na katarungan sa mga kilus ng sarili na ito. Itong huwad na katarungan ay kailangan ng sariling nais mag-anyong magaling sa sarili.

64. Laban sa ganitong katipunan ng mga tukso, iisa lamang ang makapagbibigay ng saklolo: isa na umiiral sa dalawang anyo: saklolo ng pakikipagkapuwa- kalooban, saklolo ng pag-asa.

Totoo nga na ang kalagayan na kinasisilangan ng tao ay ang pagsubok: walang limite ang mga patakaran ng pagsubok na ito at kaya nitong magbihis sa di mabilang na pag-aanyo ng kapus-kapalaran, pagkapatapon at pagkabihag dito sa ating daigdig. Ngunit, tiyak rin naman na sa isang prosesong simetriko, kahit na baligtad, ang bawat isa sa atin ay maaring magsimula sa mga mapakumbabang antas ng pakikipagkapuwa-kalooban, na idinudulot ng karanasan sa pinaka-kapus-palad . . . at umakyat, sa mga landas na angkop sa bawat isa . . . hanggang sa isang pakikipagkapuwa-kalooban, na mas malalim at taimtim, at sabay mas malawak. Parehong totoo kung sasabihin na ang pag-asa ay nag-aantabay nga at nanggagaling din sa pakikipagkapuwa-kalooban na ito.

65. “Inaasahan kita alang alang sa amin.” Iyan, marahil, ang pinakatumpak na

paglahad at pagsasabalangkas sa kilus at gawa na taglay . . . sa isang paraan na magulo pa at nakatago . . . ng salitang “umasa”. Kita . . . sa amin.

Page 28: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

Ang tigas-u1ong tiyaga sa pagmumuni-muni lamang ang makapagpapalitaw, mula sa kilus ng umaasa, sa “kita” at “kami” na iyan: ano kaya ang nabubuhay na buklod na pinagkakaisa ang “kita” at “kami” na iyan? Hindi ba’t kailangang itugon na Ikaw ang garantiya na pinagkakaisa tayo, aking sarili sa aking sarili, o kaya, ang isa sa isa’t isa, ang marami sa madla? Higit pa sa garantiya na nagbibigay-tibay at katiyakan mula sa labas sa isang matatag nang pagkakaisa, Ikaw ang mismong sementong bumubuo sa pagkakaisa. Kung ganyan, pagtaboy ng pag-asa ukol sa akin sarili o ukol sa atin ay, sa buod, pagtaboy sa pag-asa sa Iyo.

Totoo ngang aakalain natin na may kahirapang aminin na ako’y bumubuo ng isang tunay na pakikipagkapuwa sa akin sarili, isang tayo. Ngunit, kung wala ang ganitong pag-amin ay wala rin akong bahagi sa ispiritu bilang bukal at tahanan ng pag-uunawa, pag-ibig, paglikha. Ang Ikaw na ubod-tigib-apaw ng pagka-ikaw, na dapat kong asahan, ngunit na meron akong palaging kakayahan . . . hindi abstrakto kundi tunay . . . na tanggihan . . . ang Ikaw na iyan ay nasa puso ng lungsod na binubuo ko sa aking sarili. Ang lungsod na ito . . .saksi ang malumbay na karanasan . . . ay nadudulutan palagi ng kapangyarihang dambungin ang sarili at gawing abu.

Kailangang idagdag na ang lungsod na ito’y hindi monad. Kung susubukan ng lungsod na maging . . . o ituring ang sarili , . . bilang sidhay na nasa-sarili-lamang at hiwalay sa lahat, pinangangatawanan lamang niya ang sariling kapahamakan. Sapagkat natutuklasan niya ang mga sangkap ng kanyang buhay sa mga dumarating sa kanya mula sa mga kapatid na lungsod, sa pamamagitan ng mga kanal na madalas ay hindi mabuti ang pagkakumpuni; at marahil ay ni hindi niya alam ang ngalan o ang kinaroroonan ng mga lungsod na ito.

Sapagkat nagigisnan ng aking malay tao ang pagpapa1it-palitang ito, ang mahiwaga at walang hintong sirkulasyon na ito, nabubuksan ko ang aking sarili sa pag-asa. Maka-propetang malay tao, nasabi na natin, ngunit kalat at malabo ang pagtanaw. At kapag sinubukang maging tiyak na pag-aantabay ay nanganganib na baka lamang mapasawala.

Kung totoo ito, kailangang aminin na tama ang ating sapantaha na kapag tayo’y umaasa ay pag-asa na rin ang ating ikinabubuhay. Hindi na kailangan na palagi tayong hindi mapakali sapagkat masusi nating iniintindi ang mga pira-pirasong pitsa na nakahanay sa harap natin; at parang taong may lagnat, ay walang pahinga nating binibilang, at muling binibilang, sa tormento ng takot na baka tayo’y mabigo o mawalan ng kasangkapan. Kapag tayo’y lalong nagpapasakop sa pag-aari, at kapag lalo nating pinababayaan na tayo’y maging biktima ng balisang pinakakawala

ng pag-aari . . . balisang unti-unting inuubos ang tao . . . lalo tayong humihilig . . . hindi ko na sasabihing mawalan lamang ng kakayahang umasa, kundi pati ng paniniwala, gaano mang kalabo nito, na talagang maaring mangyari na may taong umaasa.

Kung susundan natin ang ganitong pananaw hanggang sa limite, lalabas na walang dudang mga linalang lamang na lubusan nang nakawala sa mga silo ng pag-aari, sa lahat ng mga porma nito, ang makadaranas sa makadiyos na magaang 1oob ng mga taong pag-asa ang ikinabubuhay. Ngunit, sa antas na kaya nating kilatisin, itong pagkawalang ito ay nakatalagang manatiling pribilehiyo ng iilan lamang mga pinili. Ang dihamak na karamihan sa mga tao’y pinagtitiyagaan yatang manatiling nagkabuhol-buhol sa mga hindi mapakawalang lambat ng pag-aari. At meron pang mga napakabigat na dahilan upang isipin natin na umiiral ang sangkatauhan sa ganitong kalagayan na totoo ngang malubha. At sa loob lamang ng ganitong kalagayan ay mahaharap at magaganap ng tao . . . sa paraang magaling man o palapaltus . . . ang mga gawaing nakatalaga sa kanya . . . na sa kada1asa’y hindi pinapansin ninoman ni pinasasalamatan.

Ang walang awang pagkondena sa pag-aari ay, kung buod ang tutuusin,isang marahas at baliw na pagtatakwil sa karupukan ng buhay-tao . . . na ginaganap ng isa ring marupok na tao. Ang makapagbibigkas ng ganitong pagkondena ay isa lamang taong ubod at tigib sa pagpapakumbaba, na sa ganitong antas ay magkasing anyo hangga’t mapagkakamalan na ubod at tigib sa kayabangan na mapaglapastangan sa anomamg banal.

Marahil ang maari pa nating itayang sabihin ay na kung nananatili pa sa atin—sa kahit gaano kahinang antas—ang posibilidad na matagusan pa ng pag-asa, ito ay sapagkat meron pa yatang mga puwang, mga bitak, sa baluti ng pag-aari na siyang kasuutan natin. Baluti ng ating mga ari-arian, mga kaalaman, ating mga karanasan, mga birtud natin, marahil, higit pa sa ating mga bisyo. Dahil sa mga puwang at bitak na iyan, at dahil lamang sa mga iyan, maari mangyari na kahit na sa ating sawimpalad na kapanahunan na wala sa kumpas, at habang lumalaganap ang mga bumabantang panganib, ay mapahihinga pa ang diwa . . . hinga na sa bawat sandali ay nasa panganib na baka mabara, gaya ng pagkabara ng baga o ng bato.

66. Ngunit, ang ganyang uring pagsasalita . . . hindi ba’t ginagawang

napakanatural ang pag-asa? Sa mas malalim na pagtatanong: saan ba tayo nararapat na manindigan ukol sa pananaliksik kung ang pag-asa ay nakasalalay sa ating sariling pagsisikap o kung, sa kabaliktaran, ay bunga ng isang katutubong kaayusan ng loob o baka isang tunay na biyaya at,

Page 29: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

kapag nasabi ang lahat, baka tanda ng isang tulong, na higit sa natural ang pinanggagalingan? Mag-iingat akong huwag makipagsapalaran sa larangan ng teolohiya. Ngunit, sa pananaw ng pagmumuni-muning pi1osopiko, totoo yata sa magkabilang panig at, samakatuwid, hindi rin totoong sabihin na ang pag-asa’y nakasalalay at hindi nakasalalay sa aking sarili.

67. Kaya’t ang lumalabas ay na ang kahulugan ng pananaliksik na ito ay 1umalabo kapag ang nakasangkot ay ang kaloob-looban na ako. Nakasalalay ba sa akin na ako ay mapag-ibig o na meron akong talinong mapaglikha? Tiyak na hindi, ngunit, tumpak na ito’y dahil sa hindi rin nakasalalay sa akin kung ako baga’y ako o hindi ako.

Sa kabilang panig naman, aaminin natin—at hindi natin kailangang punahin ang mga hidwaang pi1osopiko ukol sa kalayaang-pumasiya ng tao, at wala naman itong kinalaman sa usapan dito—na nasa akin kung gaganapin ko ang ganyang proyekto, kung tutulak ako sa ganyang paglalakbay, ganyang pagdalaw, kung kikilus akong ganyan, atbp. . . . at na magaganap din ang mga iyan ng ibang tao sa lugar ko. Kaya’t hinahatid tayo ng ating pagmumuni-muni sa balintunang paninindigan: na ang nakasalalay sa akin ay hindi talaga dikit sa akin, nananatiling may pagka-nasa-labas-ko (o nandodoon man o wala’y pareho).

Ngunit, kailangang idagdag na ang isang biyaya . . . anoman ang uri nito . . . ay hindi kailanman basta’t isang puro at simpleng tinanggap ng taong pinagdulutan, upang ang gagawin lamang niya’y ihanap at bigyan ito ng lugar sa kanyang sarili. Ang talagang totoo’y na ang biyaya’y isang panawagan at ang nakasangkot ay ang pagtugon. Para bagang nagsilang ng isang malaking ani ng mga posibilidad ang biyaya, at ang mga ito ang dapat nating pagpilian. Sa mas tumpak na salita: Dapat nating pangatawanan na tupdin ang mga posibilidad na mas umaangkop sa paanyayang sumusulpot sa atin mula sa ating kalooban. Sa paanyayang ito’y walang ibang nagaganap sa buod kundi; nagiging tagapamagitan ang ating mismong sarili sa mismong ating sarili.

68. Itong malawak na pagmamasid na ito ang dapat pagmulan ng pagkilala na sabay totoo’t hindi totoong sabihin na nakasalalay sa atin kung tayo’y aasa o hindi. Sa ugat ng pag-asa’y meron talagang iniaalok sa atin; ngunit, kaya nating tanggihan ang pag-asa . . . gaya ng pag-ibig. At walang duda na maari nating ipagkanulo ang pag-asa . . . gaya rin ng ating kakayahang ipagkanulo at hamakin ang ating pag-ibig. Sa lahat nito lumalabas yata na ang papel ng Kairos ay: bigyan ang ating kalayaan ng pagkakataong

kumilos at magmasigasig, sa isang antas na hindi niya magagawa kung . . . ipalagay natin . . . iniwan lamang sa sarili. Isang palagay na, kung tutuusin, ay marahil kabalintunaan.

69. Nakikita natin dito kung bakit wastong tawaging birtud ang pag-asa. Sapagkat ang kilus ng lahat ng birtud ay: pagsasagawa at pagsasadetalye sa isang bisa at lakas na umiiral sa kalooban. Ang taong nabubuhay sa pag-asa’y tinitiyak na, sa panahon ng dilim, siya’y mananatiling tapat, sa isinimula, marahil, sa isa lamang inspirasyon, isang dakilang damdamin, isang pagdanas sa luwalhati. Ngunit, tiyak din na ang ganitong karapatan ay hindi maaring isagawa kung hindi tayo papanig sa isang pakikipagkapuwa, na ang pinagmumulan ay mahiwaga, at palaging mananatiling ubod ng mahiwaga. Misterio ng pakikipagkapuwa ng mabuting ka1ooban . . . na, kapag nasabi na ang lahat, ay siyang kaisa-isa na kaya nating ibigay . . . at ng mga panimulang tulak at galaw na ang pinanggagalingan ay lampas sa anomang mauunawaan o madarama natin, doon sa larangan na lahat ng mahahalaga ay biyaya.

70. Upang lubusan nating mapaliwanag . . . sa antas man lamang na maaring magkaroon ng paliwanag . . . ang kalikasan ng pag-asa, marahil ay kailangan sa wakas na tuluyan nating harapin ang buong usapan: mauunawaan ba natin kung papaanong magkabuklod ang pag-asa at ang mga dahilan kung bakit dapat tayong umasa? Marahil 1along mabuting ilahad ang problema ayon sa sukdulang porma ng tanong: Maari bang umasa ang isang tao sa pagkakataon na ang mga dahilan upang umasa ay kulang o walang kahala-halaga?

71. Kailangang punahin sa simula pa na ito yata’y tanong na hindi maiiwasang bigkasin ng isang taong tinatalakay ang pag-asa bilang isang penomenon na nasa labas ng kanyang sarili, at pinipilit niyang mailahad: batay sa anong mga kondisyon ba mapalalabas ang penomenon na ito?. Sa mga susunod ay itutukoy ko ang taong ito sa ngalang “taga-masid”.

72. Ngunit, hindi tayo matatagala’t makikita natin sa pagmumuni-muni na ang ganyang pag-iisip uko1 sa pag-asa ay tumpak na pagsupil sa pag-asa

73. Una sa lahat, dalawahan ang kahulugan ng salitang “maari”. Ibig niyang Sabihin:

a) Maari ba talagang mangyari na may taong umaasa na walang anomang dahilan upang umasa? O baka:

Page 30: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

b) Nasa karapatan ba ang taong umaasa kahit na ang mga dahilan ay kulang o walang halaga?

74. Pagmasdan natin, sa simula pa, na sa dalawang kaso ay may lihim na pag-amin na ang pangungusap: “walang mga dahilan o walang sapat man lamang na dahilan upang umasa” ay may inilalahad na kahulugan.

Huwag naman tayong palilinlang sa mga kataga. Hindi mapag-uusapan ang pagka-meron o pagka-hindi-meron ng mga naturang dahilan na para bagang ang pinag-uusapan ay ang pagka-meron o pagka-hindi-meron ng isang bagay na maaring lumitaw sa karanasan ng kahit sino. Dito, ang “meron dahilan” at ang “wa1ang dahilan” ay may hindi maipagkakailang relasyon sa isang tumpak na suheto. Ayon sa paningin ng mga mata ni X nagkakameron o nagkaka-hindi-meron ng mga sapat na dahilan upang umasa.

Ngunit, sa pangungusap na naglalahad sa ating problema, sino ba ang suhetong nakasangkot? Pagmasdan natin ang mga detalye ng pormang a). Ibig bang tanungin: “Maari bang talagang mangyari na meron taong umaasa sa isang sitwasyon na, para sa akin na bumibigkas ng tanong, ay walang umiiral na mga dahilan upang siya'y umasa”?, o baka naman, “para sa mismong suheto’y walang umiiral na mga dahilan . .?”

75. Sa unang tanong, malinaw na dapat tayong sumagot ng “oo”: napakalinaw na ang taong pinagmamasdan ay maaring bumuo ng matibay na pag-asa, pati sa mga kaso na inaakala ng taga-masid na walang umiiral na mga dahilan upang siya’y umasa; sa mada1i’t sabi, kulang . . . sa paningin ng taga-masid. Kaya’t itong unang tanong ay inutil at walang kahulugan.

76. Meron bang mas tumpak na kahulugan ang pangalawang tanong? Maari bang umasa ang isang tao doon sa mismong kalagayan na siya mismo ang umaamin na ang mga dahilan upang umasa ay hindi sapat o kulang? Ngunit, kung totoo niyang kinikilala sa tapat na kalooban na walang dahilan o kulang ang mga dahilan upang umasa, siya mismo ang umaamin na hindi siya talagang umaasa. (Maliban lamang . . . unawain natin. . . sa pagkakataon na nahiya siya sa kanyang kausap at sumang-ayon siya sa isang paninindigan na hindi niya talagang tinatanggap sa kanyang kalooban. Pero hindi iyan ang kasong pinag-uusapan dito.) Ang paggamit sa katagang “sapat” ay isa pang kabalintunaan, sapagkat, kung umaasa ang suheto, umaasa siya sapagkat sapat yata sa kanya ang mga dahilan upang umasa . . . anoman ang isipin ng taga-masid.

77. Ngunit, sa katotohanan, ang ipinapalagay dito na itinatanong ng suheto sa kanyang sarili at . . . sa kasong ito. . . ay ipinapalagay nating sinasagot niya ng “hindi” . . . ay ni hindi pumapasok sa kanyang sariling isip na tanungin. Maliban lamang kung kahit na papaano’y inihiwalay niya ang kanyang sarili sa kanyang pag-asa.

Ang tanong na ito’y nagpaparinig sa ibang tono ng isip, batay sa isang pangangatuwiran na mapagkalkula, ayon sa mga patakaran ng nagkakalkula: pagbabaka-sakali’t paghihigit-kumulang; isang pagkukuwenta sa mismong kapalaran.

Walang kaduda-dudang maaring mangyari na sa kanyang pagmumuni-muni’y sumuko ang umaasa . . . o baka parang sumuko . . . sa mahaba o sa maikling panahon, sa pangangatuwirang mapagkalkula. Lalo na kung ang umaasa’y nakikipagtalo’t kung maari’y ibig sana niyang hikayatin ang kanyang kausap. Ngunit, nananatili pa ring totoo na ang pag-asa at ang mapagkalkulang pangangatuwiray magkaiba sa mismong buod, at mapapahamak ang lahat kapag pipiliting magtalaban ang dalawa.

Sa kabilang panig naman, sa tanong b), nauungkat ang ideya ng karapatang umasa. Ang kinagagalawan ngayon ay ang mismong nibel ng pangangatuwirang mapagtantiya; sa buod, ito’y isang kalkulo ng mga probabilidad. Para bagang ang pag-asa ay isang uring pagtitimbang-timbang, at ngayo’y kailangang usisain kung may bisa ang ginaganap na pagtimbang.

Sa ganyang pananaw, kitang-kita ang tugon sa itinatanong: salungat sa katinuhan ang aminin na maaring maging makatuwirang umasa kapag walang sapat na dahilan upang umasa. Ngunit, ulitin na naman natin dito, ang kahulugan ng katagang “umasa” ay lubha nang napalihis sa wasto.

78. Sa ganitong uri ng pagmumuni-muni, napahahantong yata tayo sa isang kinalabasan na lubusang humihindi: walang kakahu-kahulugan ang mga katagang “dahi1an upang umasa”. Kaya’t kailangan nating manindigan na: o lubusang walang bisa ang anomang pangangatuwirang-tao; o ang kaisa-isang sandigan ng pag-uunawang tao’y pananampalataya. Ngunit, kapag iniharap ang paninidigang ito sa mga napagmamasdan sa karanasan, lumalabas na ang ganitong paninindigan ay tahasang labag sa katinuhan.

79. Naririto, halimbawa, ang isang ina. Patuloy pa rin siyang umaasa na makikita niya uli ang kanyang anak, kahit na ang pagkamatay ng anak ay pinapatunay, sa pamamagitan ng pinaka-pormal na katibayan, ng mga saksi na nakatuklas sa kanyang bangkay, iniiibing . . . atbp. Hindi ba’t

Page 31: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

matibay ang paninindigan ng taga-masid kapag sinabi niya na walang anomang dahilan upang umasa na ang anak ay nakaraos at buhay pa?

80. Ibig kong ipamulat sa inyong pansin ang isang uring pagkakaiba, kahit na maaring napakamaselan, o baka pa nakakainis, itong ituturing kong pagkakaibang ito. Ngunit, ganito yata ang dapat itugon sa nabanggit na pagtututol: Sa antas na ang pag-asa ng ina’y binibigkas sa isang obhetibing pangungusap; “Maaring bumalik pa si Juan,” nasa katuwiran ang nagsasabing; “Hindi. Sa obhetibong pangungusap, dapat itukoy na hindi maaring mangyari na babalik si Juan.” Ngunit, sa ugat ng pangungusap na obhetibo ng ina . . . na bilang obhetibo’y hindi mapapatunayan . . . sa kalooban ng ina ay may umiiral na pag-uunawang umiibig, pag-uunawang tumatanggi o lumalampas sa pangyayari. May pagkasalungat yata sa katuwiran, at may pagka-iskandaloso pa yata, kapag makikipatol tayo ukol sa kanyang karapatan na umasa: na ang ibig sabihin ay: umibig laban sa tanang pag-asa. Sa mas eksaktong paningin, ang salungat sa katuwiran ay ang mismong ideya na nasa atin ang karapatan na kilalanin o pawalang bisa ang pag-asa.

81. Ngunit, hindi pa tayo nakakawala sa ating kagipitan. Maggaganting-sagot ang sentido komun na hindi talagang katuwiran ang ginawang pagtumbas sa pag-asa at pag-ibig. “Gaano man ang pag-ibig na aking nadarama para sa ganyang indibiduum, hindi maipagkakaila na hindi ko maipagkakaloob sa aking sarili, sa ngalan ng pag-ibig na iyan, ang kapangyarihang lumabag sa mga nakatakdang hangganan ng lohika.” Ang buod ng huwad na pangangatuwiran ay nasa pagsasabing; “Hindi ko matitiis ang ideyang hindi na siya babalik, samakatuwid maari pa siyang bumalik.”

Ngunit, dito, ang pag-asa’y tinatanaw na naman mula sa labas at isinasalin sa isang tono ng isip na salungat sa tonong katutubo ng pag-asa. Ito lamang ang nakalahad sa pag-asa; “Babalik ka.” Ang obhetibong pag- uusisa ay walang mapagkakapitan dito. May katuwiran lamang ang obhetibong pag-uusisa na gumalaw sa larangan na ang usapan ay uko1 sa paghuhula sa kung ano ang mangyayari o sa pagtantiya sa mga probabilidad.

82. Hindi natin maipagkakaila na sa totoo ang bawat isa sa atin ay bukas sa

tentasyon na sundan ang sariling hilig na lumihis sa pag-asa . . . ipalit sa pag-asa ang larangan ng obhetibong pag-uusisa. Nakita na natin na ang pag-asa ay hindi na nananatiiing pag-asa kapag humihilig na humingi ng patibay sa mismong suheto at samakatuwid mula sa labas. Ganyan nawawala ang pagka-hindi-malalansag na katutubo sa pag-asa. Ngunit,

mawawala lamang ito kapag ang pag-asa ay sumasalungat sa sarili, at ang ganitong pagsalungat ay isa ng pagkahulog.

83. Ito, na sa simula ay parang napakabalintunay ay marahil lilinaw kapag itinuon natin, ng kaunti man lamang, ang ating diwa sa pagkaiba-sa-base ng pag-asa at ng pagnanais. Itutuloy natin ang mga pagmamasid na nasimulan na sa itaas.

Masasabi natin na ang pag-asa ay hindi makaiigpaw sa isang tumpak na hurisdiksyong metapisiko kapag hindi umiibayo sa pagnanais; ang ibig sabihin: kapag ang pinag-iikutan ng suheto ay nananatiling mismong sarili pa rin. Napipilitan na naman tayong palitawin sa liwanag ang hindi makakalag na pagkabuklod ng pag-asa at ng pag-ibig.

Sa antas na makasarili ang gumigiliw kapag siya’y nagsasalita na parang may inspirasyon na maka-propeta, sa ganoon ring antas ay dapat pag-ingatan bilang alanganin na maaring tahasang pabulaanan ng karanasan ang naturang mga pananalita. Sa kabaliktaran naman, sa antas na ang gumigiliw ay lalong lumalapit sa katalagahan ng pag-ibig, sa ganoon ring antas ay umiiba at gumagawi ang kahulugan ng kanyang mga pananalita sa isang malayang pagkatanggal sa anomang pagkokondisyon. Ito’y tanda na dumudoon nga ang pag-ibig. Itong pagka-doon na ito ay umiiral sa katawan ng “tayo” na siyang sanhi ng “Inaasahan kita”; ang ibig sabihin: umiiral sa isang pakikipagkapuwa- ka1ooban na, aking ipinahahayag, ay walang makawawasak.

Tiyak na, gaya ng dati, ang mapag-usisang isip ay kaagad maninindigan na tahasang hindi totoo ang pagpapahayag na ito. Laban dito’y pananawagan niya ang pagsasaksi ng karanasan, ang mga hindi mabilang at kitang-kitang mga pagkawasak na iniaalok ng karanasan sa ating paningin. Ang mismong pagsasaksing iyan ay hindi naman matatanggihan liban lamang sa ngalan ng isang tiyak na kaalaman na, nakita na natin, ay hindi nakabatay sa isang karanasang tapus at yari na. Isa itong katiyakan: na lahat ng iniaalok ng karanasan ay isa lamang katotohanan na lumilipas, at na lahat ng mga walang hintong pagbabago na kunwar’y natatagpuan at kinikilala ng pesimismong kritiko ay walang bisa, walang pakialam sa kaisa-isang tunay at talaga.

Ang pagpapahayag na ito ay tahasang pag-uwi ng pag-asa sa kanyang bukai na umuunawa at nauunawaan. Ang buod nito ay ang mismong kilus ng pag-asa: pagtanggi sa pugsasaksmg itinuturing na bisang makapagtatanggi sa pag-asa.

Kailangang idagdag na sa ganitong pagtanaw, ang pag-asa’y nakatutuklas ng sagisag at sabay kapitan-tulakan sa lahat ng mga karanasan na pagbabago . . . kapag talagang inuunawa ang mga ganitong

Page 32: Gabriel Marcel - Balangkas Ng Metapisika Ng Pag-Asa

karanasan, hindi ayon sa mekanismong pilosopiko o pisiko, kundi sa mga eko na walang katapusa’y ginigising ng mga ganitong karanasan sa mga taong nabibiyayaan ng tawag na tuluyang makaranas sa mga pagbabagong ito, o kaya’y makiisang-loob sa mga dumaranas at samakatuwid ay makibahagi sa pagbabago.

Kaya’t lumilinaw at nabubuo ang mga sinasabi natin sa bandang itaas ukol sa pagkabuklod ng sarili at ng panahon. Hindi ba natin masasabi na palaging nakasangkot dito ang lampas-sa-1ohikang pagkatali ng pag-uwi (nostos) sa dalisay na kabaguhan (kainon ti)?

Kaya’t maari tayong magtaka kung ang pananati1ing-buo o ang pagmumuling-tatag sa isang panig, at ang paghihimagsik o paggagawang bago sa kabila . . . maari tayong magtaka kung ang mga ito ay dalawa lamang sandali o dalawa lamang pananaw na hiniwalay ng abstraksyo; habang ang sinauna’y kaisa-isang kabuoan na pinaninindigan ng pag-asa . . . sa kaibayuhan ng anomang pangangatuwiran, ng anomang anyo ng pagkokonsepto.

Ganitong pag-asam ang higit kumulang binibigkas natin sa mga simple at magkabalintunaang kataga: para noong una, ngunit iba at lalong mabuti pa kaysa noong una. Iyon ngang paksa ng pagpasok-sa-kalayaan ang natutuklasan na naman natin dito. Sapagkat ang ganyang muling pagsasakalayaan ay hindi kailanman maaring maging isang simpleng pagbalik sa naunang kalagayan, isang simpleng “Nangyari na naman!” Ganyan nga, ngunit higit pa, at kabaliktaran pa ng ganyan: isang hindi akalaing paghakbang, isang lubusang pagbabagong meron.

84. Marahil, mula sa mga pagmumuni-muning ito’y sa wakas

mapangangatawanan na natin ang depinisyon na ipinagbawal natin sa ating sariling ilagay sa simula ng ating pananaliksik.

Masasabi natin na ang buod ng pag-asa ay ang pagka-handang- makipagkapuwa na umiiral sa kalooban ng tao na taos na nakasangkot sa isang karanasan ng pakikipagkapuwa-kalooban sa matinding antas kaya’t ginaganap niya ang kilus na umiigpaw sa mga pagtutol ng loob at ng pag- uunawa: kaya’t matibay niyang binibigkas ang buhay na sariwa at walang wakas; ang karanasang ito ay sabay simula ng pagkakaloob at unang bunga ng buhay na ito.

Le Peuch Enero 1942