12
Gabay sa Pagtatalakay Hinggil sa walang habas na pagtataas ng presyo ng langis Marso 2011 Inihanda ng Anakbayan www.anakbayan.org

Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Gabay sa Pagtatalakay

Hinggil sa walang

habas na pagtataas

ng presyo ng langis

Marso 2011

Inihanda ng Anakbayan

www.anakbayan.org

Page 2: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Ilang beses na nagtaas ng presyo ng langis? Ano ang epekto nito

sa mamamayan?

Anong epekto ng pagtataas ng presyo ng langis sa mamamayan?

Bakit hindi makatarungan ang walang habas na pagtataas ng

presyo ng langis?

Anung ginagawa ng gubyerno ni Aquino bilang tugon sa

pagtataas ng presyo ng langis?

Ano ang dapat gawin sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng

presyo ng langis?

Page 3: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Ilang beses na nagtaas ng

presyo ng langis? Ano ang

epekto nito sa mamamayan?

Nagbabadya pa ang higit na tataas ang mga presyo ng mga produktong

petrolyo sa mga susunod na linggo.

Anong epekto ng pagtataas ng presyo ng langis sa

mamamayan?

Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at produksyon, na

magdudulot higit na krisis sa ekonomiya at kabuhayan ng mamamayan

ang dulot ng walang habas na pagtaas ng produktong petrolyo.

Ngayong taon (as of March 15):

9 beses na nagtaas ang presyo ng Diesel (P7.35/liter)

9 beses nagtaas ang Gasolina (P6.50/liter)

9 beses nagtaas ang Kerosene (P6.80/liter)

2 beses nagtaas ang LPG mula March 1 (P2.50/kg)

Sobrang dalas at laki ng pagtaas ng presyo ng langis. Mula 2001, higit triple na ang itinaas ng halaga ng bilihing petrolyo.

Premium mula P16.56/litro noong 2001, P58.46 na

Diesel mula P13.82/litro noong 2001, P46.05 na

Page 4: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Nitong nakaraan, nagtaas na ang minimum na pamasahe mula P7.50

hanggang P8. Tinataya pang aabot sa P9.50 ang pagtaas ng pamasahe

kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng langis. Nagtaas na din

ang pamasahe sa taxi mula P30 flagdown rate tungong P40 at dagdag

piso kada patak.

Sa kabuuan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sa bawat P1/litro na oil

price hike, tumataas ang inflation rate ng 0.10-0.14%.

Mas makikita ang lupit ng epekto nito kung ikokonsidera ang walang-kapantay na tantos ng krisis, kahirapan at desperasyong kasalukuyan nang dinaranas ng mamamayan:

70% ng populasyon ay lubog sa kahirapan o nabubuhay sa mas mababa sa P104 kada araw

1/3 ng labor force ay walang trabaho, at 4,000 ang napipilitiang umalis ng bansa kada araw

Walang kasingtaas ang tantos

ng nagugutom na ayon sa

survey ay umabot na sa 24% o

4.4 milyong pamilya

Page 5: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Bakit hindi makatarungan

ang walang habas na

pagtataas ng presyo ng

langis?

Paano nakakapanggoyo ang kartel ng langis at nag-

ooverprice sa lokal na pump prices?

Dahil kontrolado ng Shell, Caltex at Petron, ang tatlong

pinakamalalaking kumpanya ng langis sa bansa ang halos 90% ng

pamilihan, kaya nilang magkontsabahan para dayain ang presyo ng

produktong petrolyo.

Una, malinaw na overpriced ang produktong petrolyo dahil

monopolyado ng kartel ang lokal na suplay ng langis.

Pangalawa, dahil monopolyado din ng kartel ang pandaigdigang

merkado, minamanipula nito ang presyo ng langis sa daigdig,

sinisirit pataas at pinapatungan bago pa man ito dumating sa

bansa.

Pangatlo, artipisyal na isinisirit pa pataas ng spekulasyon ang

presyo ng produktong petrolyo sa daigdig para pagkakitaan pa ng

husto ng mga pinansyal na institusyon at malalaking kumpanya ng

langis.

Page 6: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Kahit na may imbak pa nang aabot sa tatlong buwan ng langis, agad nang magtataas ng presyo ang mga kumpanya oras na gumalaw ang presyo sa pandaigdigan o di kaya’y tumaas ang halaga ng dolyar. Awtomatiko ding may patong ang mga kumpanya sa bawat paggalaw ng presyo sa pandaigdigang

merkado na higit sa halagang dapat na katumbas. Kapag bumababa naman ang presyo sa pandaigdigang pamilihan o halaga ng dolyar, hindi naman nagbababa ng angkop na halaga ang mga kumpanya. Kadalasan pa nga’y nagtataas pa sila ng presyo.

Ang mga iskemang ito ay hinahayaan at higit pang sinusuhayan ng

patakaran ng deregulasyon ng gubyerno. Sa kabila ng panggogoyo ng

mga kumpanya, walang ginagawa ang gubyerno para pigilan ang mga

pagtataas ng presyo nito. Sa halip, pinabibigat pa nga nito ang pasanin

ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis sa

binabayaran ng mamamayan na lumalaki din sa pagtaas ng presyo ng

langis.

Ayon sa pag-aaral ng IBON, mula Enero ng 2008 hanggang sa

kasalukuyan, nasa P7.50/litro ang overprice o di makatwirang patong

ng mga kumpanya sa presyo ng produktong petrolyo. Dahil pa

lamang sa overpricing, tinatayang P369.65 million araw-araw ang

nakakamal ng kartel ng langis!

Page 7: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Hindi ba’t tumataas ang presyo ng krudo sa

pandaigdigang pamilihan? Ito raw ang dahilan ng

pagtaas ng presyo ng langis.

Ang pagtaas ng presyo sa tinatawag na spot market o sa kaso nati’y presyo ng Dubai crude, ang pinagbabatayan ng pagtataas umano din ng presyo ng langis. Pero malaking kalokohan ito pagkat sa totoo’y hindi naman talaga dito bumibili ng krudo ang kartel. Ang totoo’y 33% lamang ng lahat ng ibinebentang krudo sa mundo ay dumadaan sa ‘world spot market’. Ang natitirang 67% ay ipinagbebenta ng mga dambuhalang kumpanya ng langis sa isa’t-isa.

Halimbawa, ang Pilipinas Shell ay nakakontrata ng suplayan ng krudo ng Royal Dutch Shell, na parent company nito. Hindi ito apektado ng paggalaw ng presyo pagkat kontrolado na ng pandaigdigang monopolyo kartel ang mga prosesong dinadaanan ng langis at higit na mas mababa ito sa kumpara sa presyo ng spot market. Dahil monopolyado nila ang produksyon mula umpisa hanggang dulo, kaya nilang magpatupad ng mga iskema kagaya ng transfer pricing, kung saan pinapatungan nila ang presyo sa kada dinadaanang proseso ng produksyon ng langis mula pagmimina hanggang pamamahagi. Nadidikta din nila ang presyo at naitutulak ito sa pamamagitan ng pagmamanipula sa suplay ng langis at spekulasyon.

Page 8: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Bakit nga ba sumisirit pa pataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado? Itinuturo nilang dahilan ang kakulangan ng suplay ng langis sa daigdig

kaya sumisirit ang presyo. Pero kung tutuusin, may sapat na suplay ang

daigdig ng krudo. Walang totoong krisis sa suplay upang maging sapat

na dahilan para sa pagtataas ng presyo ng krudo.

Ispekulasyon at manipulasyon ng mga monopolyo sa langis sa daigdig ang tunay na dahilan ng pagsirit ng presyo ng sa pandaigdigang merkado. Sa pamamagitan ng ispekulasyon, artipisyal na isinisirit pataas ang presyo ng langis para pagkakakitaan ito ng mga malalaking pinansyal na institusyon.

Habang itinutulak pataas ang presyo ng langis, binibili na ang suplay ng langis para sa mga susunod na taon, sa taya na maibebenta pa ito sa mas mataas na halaga. Isinisirit pa nito pataas ang presyo at sa ganitong paraan pinipiga pa ng mga pinansyal na institusyon ang malaking tubo. Mangangahulugan naman ito ng todong pahirap sa nakararaming mamamayan ng daigdig.

Sa ilang pag-aaral, aabot sa $50-$60 kada bariles ang ipinapatong

ng mga dambuhalang kartel sa presyo. Tinatayang 60% ng presyo

ay dahil lamang sa spekulasyon!

Page 9: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Anung ginagawa ng gubyerno

ni Aquino bilang tugon sa

pagtataas ng presyo ng

langis?

Hinahayaan ni Aquino ang mga hindi makatwirang mga pagtataas sa

pamamagitan ng pagpapanatili ng palpak na Oil Deregulation Law,

pagpapatuloy ng buwis na dagdag pasanin pa sa taumbayan, at paglihis

sa usapin sa pamamagitan ng mga walang saysay na “solusyon” na

ipinalulunok sa mamamayan.

Ano ang Oil Deregulation Law? Higit na sumahol ang pagtataas ng presyo nang isabatas ang Oil Deregulation Law (ODL) noong 1998 o RA 8472. Bago nito, dumadaan pa sa proseso ng pagpasa ng Energy Regulatory Board (ERB) ang pagtataas ng presyo ng langis. Bagamat nakapagtataas din ng sobra-sobra sa panahong ito, higit pa itong dumalas at sumahol nang tanggalin ang regulasyon. Ikinatwiran ng gubyerno sa pagpapatupad ng patakarang deregulasyon na mabubuksan umano ang “kompetisyon,” mabubuwag ang mga kartel, at mapipigil ang pagtataas ng presyo ng langis. Sa totoo, layunin ng deregulasyon na higit na patindihin ang kita ng mga monopolyo at higit na pigain ang sobra-sobrang tubo mula sa mamamayan.

Page 10: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Paano nakikinabang ang gubyerno sa buwis na

ipinapataw ng langis? Naghihirap na nga, higit pang pinahihirapan ng gubyerno ang mamamayan sa pagpapapasan sa kanila ng VAT sa langis. 12% ng ibinabayad ng mamamayan ay VAT. Halimbawa’y P50 kada litro ang presyo’y nagiging P56 kada litro dahil sa buwis.

Hindi napupunta sa taumbayan ang VAT na ito. Napupuntang kalakhan

sa pambayad utang sa malalaking dayuhang bangko at kinukurakot ng

gubyerno. Utos ng mga dayuhang bangko ang patakarang ito na higit na

nagpapahirap sa mamamayan.

Ano-ano ang mga “solusyon” ni Aquino?

Nananawagan ang gubyerno sa mga ahensya nito na magtipid ng

enerhiya at bawasan ang konsumo. Ngunit kahit naman bumaba ang

konsumo, na sa katunayan ay nangyari noong mga nakaraang taon,

pataas pa rin ang presyo ng langis.

Karaniwang nililihis din ang usapan sa paghahanap ng mga alternatibong

source ng langis. Pero wala namang seryosong programa ang gubyerno

para dito at sa katunayan ay ibinebenta pa nga sa malalaking dayuhang

kumpanya ang mga alternate sources ng energy gaya ng Malapaya na

90% kontrolado na rin ng dayuhang kartel ng langis.

Sa panahon ng deregulasyon, sinamantala ng husto ng kartel ang

walang limitasyong pagtataas. Nagtaas ng higit sa 60 ulit sa loob ng

10 taon ang presyo ng langis. Samantalang sa 25 taon bago nito, 23

beses lamang nagtaas ang presyo.

Page 11: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

Ano ang dapat gawin sa

harap ng sunod-sunod na

pagtaas ng presyo ng langis?

Labanan ang walang habas at hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng langis. Dapat magkaisa ang mamamayan at pigilan ang sobra-sobrang pagtataas ng presyo ng langis. Kung tutuusin dapat pa ngang irolbak ang sobrang singil ng kartel mula sa mamamayan. Dapat ilantad ang mga ganid na pakana ng sabwatan ng kartel sa langis at gubyerno para higit na pagpapahirap at pagsasamanatala sa mamamayan. Sa kagyat, dapat itulak ang gubyerno na alisin ang EVAT sa langis para makaalwan sa mamamayan.

Ibasura ang Oil Deregulation Law. Walang duda na ang deregulasyon ay higit pang nagpasahol sa

pananamantala ng ganid na kartel sa langis at pagpapahirap sa

taumbayan. Dapat kagyat na itulak ng mamamayan ang pagbabasura

ng ODL at simulan ang makabuluhang mga hakbang para kontrolin

ang presyo ng langis at itigil ang pagsasamantala ng mga

monopolyong kartel.

Isabansa ang industriya ng langis. Wakasan ang imperyalistang kontrol sa langis. Dapat magkaroon ng makubuluhang mga hakbang para sa pagsasabansa ng industriya ng langis, na tuluyang wawasak sa dayuhang kontrol sa langis. Kailangang tapusin ang pagiging lubusang palaasa ng ating ekonomiya sa import, gayundin tapusin ang

Page 12: Gabay Sa Pagtatalakay eBook

suliraning idinudulot ng monopolyo ng mga TNC sa industriya ng langis at enerhiya. Dapat tiyakin ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng krudo at mga produktong petrolyo, at tiyakin nagsisilbi sa kapakanan ng bayan at pangangailangang pang-ekonomiya ang industriya ng langis.

Kailangang patindihin ang paglaban at likhain ang papalawak na

pakikibaka laban sa pagtataas ng presyo ng langis at pagsasabansa ng

industriya ng langis. Dapat palawakin at palakasin ang pambansa-

demokratikong pakikibaka ng mamamayan na magluluwal ng isang

kinabukasang ang lipunan at gubyerno ay malaya na sa dikta ng

dayuhang interes at mamamayan na ang nagpapasya para sa kanilang

interes at para sa pagbubuo ng lipunang sosyalista: tunay na malaya at

masagana.

Ilan sa mga mungkahi ng Ibon na hakbang ng gubyerno para sa

pagregulate ng oil industry:

Sentralisadong pagbili ng langis at mga produktong petrolyo;

Commodity swap at/o ibang mga pamamaraan ng pagbili ng

langis;

Pagkakaroon ng buffer fund para sa epekto ng mga biglaang

pagtataas ng presyo;

Buy-back ng Petron Corp;

Aktibong partisipasyon ng estado sa petroleum refining;

Mekanismo para sa pagtitiyak ng makatwirang presyo ng

langis; at

Kontrol ng estado sa mga lokal na sources ng langis.